Entries for July, 2009

A conversation that happened last night:

"Ayaw ko na magmahal ng taong sobrang mahal ako..."

"Baket naman?"

"Kasi lagi ko siyang nasasaktan..."

"...."

"Ayaw ko na rin magmahal ng sobra sobra..."

"O baket naman din?"

"Kasi lagi akong nasasaktan..."

"Ouch!"

Currently listening to: Here and Now by Luther Vandross
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on July 3, 2009 at 12:08 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Anong petsa na parang wala pa rin akong makabuluhan na update sa yo Mr. T! Hahaha! Natutuwa ata kasi ako sa Twitter! Anyways, sa bahay ako ni Ate natulog kahapon at kauuwi ko lang ngayon. Dun kasi naglunch eh galing ako Osmak dahil may pasok ako nung Saturday night. Good luck, tumuloy tuloy tulog ko! Wah! Ano ba toh! Sana naman may mangyaring makabuluhan ngayong linggong toh! Anyways, ayun, dumaan lang para magupdate kahit papaano. Si papa pala paalis na mamayang gabi. Pero sa pagkakaalam ko babalik siya agad dito dahil pinapahinto na siya ni Ate. Sige sige, ayun, grabe, gising na gising ang diwa ko ngayon. At good luck naman sa mga movies na gusto ko panoorin! Hindi ko pa rin sila napapanood! :(

Currently listening to: I Didn't Know My Own Strength by Whitney Houston
Currently feeling: awake and alive
Posted by jjcobwebb on July 6, 2009 at 07:24 AM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

IMG_0009

These are my current phones Mr. T! Nokia n95 and an iPhone. What more could I ask for right? But with the arrival of Nokia n97,  I can’t decide whether to buy it or just be contented with what I have right now. I have been anticipating for n97 even before 2009 began. Probably, I’ll give myself 2 more months to decide about this problem because 31,000 php is not a small amount! Goodness! And if that happens, it’s gonna be the first time I’ll buy myself a phone. And yeah, we never ask our parents to buy us phones. They just usually give them to us without us asking. Our bro and sis give us phones too for free.  Lucky us (Bruno and me).

image Anyways, I have been reading a lot of negative reviews about n97. But being a Nokia user for almost a decade now, Nokia updates their phone firmware quiet fast and they’re very responsive with their customer’s problems. And they’ve just released a fix one week after it hit the market. Hahahaha! I was able to have a feel of n97 in Glorietta the day it was released. The screen was not as responsive as the iPhone though and it still has the Symbian OS (which is a bad thing since iPhone is the current target of apps developers nowadays). Accelerometer lags. Not as good as the iPhone. But I know, and I beelllliiiiieeeeevvvvveeeeeeee Nokia will fix these issues soon cause I know Nokia is still the best cellphone maker in the world! Hahaha!

So, this is my problem, “To buy or not to buy the new Nokia n97!” I can’t decide! Hahaha! Good lawd give me the answer! Hahaha!

Posted by jjcobwebb on July 7, 2009 at 11:51 AM in Everyday Drama, Technology | 9 comment(s)

Kagabi tawag ng tawag sa drugstore si Mama para ipaalam sa kin na kumakanta si Mariah sa memorial service ni Michael Jackson. Ang kulit talaga. Sabi ko pag-uwi ko na lang papanoorin sa YouTube. So pinanood ko nga, super iyak naman ako. Hahaha! In fairness, fan din pala ko dahil ang dami kong kanta ni Michael Jackson sa laptop kahit dati pa. Pati mga videos niyang parang palabas may mga DIVX din pala ko. Hahaha! Influential talaga. King of Pop talaga. Hay... pero ganun talaga ang buhay. Kahit hari ka pa, isa lang pupuntahan ng lahat pagtapos ng buhay na toh. Hmmm... okay ang drama nung line na yun. Haha!

Maagang kong tinawagan ni Erwin para may ipaayos sa computer. Tapos eto ngayon, gising pa rin ako kasi kaayos ko lang. Hahaha! And then nung naglulunch kami ni Mama kani-kanina lang, sobrang natawa ko sa nanay ko. Grabe! As in. So pagtapos namin pagkwentuhan kung paano nagkaanak si Michael Jackson blah blah eto ang sinabi niya sa kin:

Mama : Kaya ikaw, mag-anak ka rin! Gusto ko ng apo na maganda...
Jacob : Naku, ang hirap naman niya, ni wala nga akong jowa inay! Hahaha!
Mama : Manligaw ka kasi ng babae...
Jacob : Naku, alam mo namang I don't eat exotic foods mother! Ayaw ko! Hahaha!
Mama : Aminin mo nga sa kin, boypren mo yung dinala mo nung piyesta noh?
Jacob : Hah? Si Benson? Hahahahaha! No mother no!
Mama : Eh baket ang special niya siya lang pinapunta mo?
Jacob : Baka ipabasa ko sa yo sent messages ko nung days bago magfiesta! Ininvite ko lahat ng pwede kong iinivite! Lahat busi busihan!
Mama : Aminin mo na hindi ako magagalit!
Jacob : Nuka ba! Para kang loka ma! Kumare ko yun!
Mama : Kunwari ka pa!

Tambling talaga ko Mr. T! Hahaha! Anyways, yun muna update ko kasi sobrang antok na ko. At at... najejebs ako. Hahaha! Malapit na graduation ko! Next next week na. Sayang talaga dahil nasabay sa araw ng kasal ng pinsan ko sa Bicol. Hay, hindi tuloy ako makakakanta sa kasal niya. O well, baka ayaw talaga ng Diyos dahil baka magtunog Mariah ko pag naglive ako sa kasal niya. Hahaha! Feeling! Amp! I miss you Mr. T! Grabe... :) Namiss ko makipagusap sa yo ng ganito! Hay... baket hindi kita maiwan iwan Mr. T! Ilang beses na ko nagtangka. I love you Mr. T! :)

Currently reading: Chris' YM Window
Currently feeling: sleep
Posted by jjcobwebb on July 8, 2009 at 01:22 PM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

Since there has been a lot of drama with regards to Mariah's performance the other day on MJ's tribute, I promise that I won't read negative articles about the performance. C'mon, we all have bad days and knowing (well being a fan for more than 13 years now) Mariah, she's not a morning person. She can't sing that well on mornings plus the fact that she choked up being infront of MJ's casket. As a fan, I have always forgiven her for giving shit performances even after Butterfly-era. I understand and have accepted that her voice is not in its heyday anymore. At least for me, she gave what she can give on the performance. And hello people, the event was not about Mariah's voice! It was a tribute to the King of Pop. I am really sick of all the people bashing on Mariah's performance. I am sad about her voice but then again, I forgive her. I just hope she pulls everything back on her next live performances.The bashing needs to stop.

Anyways, she just gave a public apology on the Today Show about her voice the other night. Even apologizing on her Twitter (http://www.twitter.com/MariahCarey) account. What's done is done Mariah. We fans forgive you. You don't need to apologize because you'll have a hard time apologizing on your next f*d up performances. And yeah, remember that you didn't apologize for all the shit performances you gave us this decade. Or even for lipsyncing. As a fan, I am fine with what you can give us "live" these days. Whatever happened to your vocal chords I don't know. Maybe that's the reason why Tommy locked you up in "Sing-Sing". You somehow needed that. But wait, you're a butterfly, you need to be free and you need to fly but please take care of your voice. Yes, I am anticipating more f*d performances from you. And this is the last time I'm gonna be talking about that performance. I still love me some Mariah Carey. You're still my #1 diva of all time. I still love you no matter what. I am not a delusional fan. I am not an "Obsessed" lamb. I am a fan. A normal person who just so happened to love and hate Mariah at the same time. God bless you and your voice. I love you and I always will.

P.S. Please take care of your instrument. And yes, I am not insane I'm just disappointed. :-(   

Currently reading: Friends of Mariah Carey Messageboard
Currently feeling: disappointed
Posted by jjcobwebb on July 9, 2009 at 10:12 AM in Everyday Drama, Mariah | 1 comment(s)

Half of the day yesterday was bore-fest. Good thing Sherry went online and I invited her to watch Transformers with me in Trinoma. My treat. She was a little surprised yesterday when I said that it was my treat since it's been like 1901 when I last treated her out. Sherry has always been my closest girl-friend in college together with Beck, AK, Joan, Ria and Alda. I wonder where Joan, Alda and Ria are now. I had no gay friend back when they were my friends. With the exception of Jeff, Rhitz and Barry of course. Hahaha! Anyways, I checked the movie schedule and the showing time were 3pm, 5pm and 6pm. I picked 5pm and told Sherry that we meet by 4:30pm.

I arrived in Trinoma around 3:30pm. I strolled and went inside a lot of boutiques while waiting for Sherry to arrive. I wanted to buy a new jacket/cardigan/hoody and new snickers. The jackets I own right now has been with me for like 3 years now and they're kinda look old. So I tried looking for jackets in Giordano, F&H and Topman. There was this white jacket in Giordano that I really wanted to buy but when I went to Topman, I saw this gray jacket that really looked cool. So I had a dilemma. I restrained myself from buying and told myself that I'll wait for Sherry and ask for her opinion on the two jackets that I was eyeing on.  

4:30pm and still no sign of Sherry. She didn't drive since her car was coding. She sent a text message that she was on the bus and was complaining that the bus kept waiting for passengers to aboard. I didn't want to buy tickets for the 5pm schedule when she texted me that so again, I checked out the jacket in Giordano and Topman. I really wanted it Mr. T! Anyways, 10 minutes before the movie time, finally she arrived. That's when I bought the tickets. Then we bought food. Then went inside the movie house. 

Transformers 2 was a fun movie. Childish plot though. But overall, it's a movie worth watching. Megan Fox kinda looked like Angelina Jolie. I'm gay, but she was hot. After watching the movie, I told Sherry about the jackets. She easily picked the Topman jacket. She told me to think carefully because the jacket was priced at a whooping 2,000php. She asked me if it's really needed. I said NO. Then we went outside Topman laughing then I told her that I'd just treat her to dinner. 

I've seen the facade of the newly renovated SM North EDSA for quite some time now but I've never been able to explore its interior. So I asked Sherry to give me a tour in the newly renovated SM then afterwards we'll find a place to eat there. So we walked til SM. Good thing there was already a footbridge from Trinoma's parking lot to SM's entrance. Or was it The Block's entrance? Anyways, there, the new look of SM North EDSA was very Trinoma-ish. It was built with fountains, trees plants, streams and glass walls (a cheap copy of Trinoma's garden on the top floor where Starbucks rest in the middle). But overall, it was good. I felt like I wasn't in an SM mall at all. Thankfully, it was a weekday and there weren't a lot of people strolling in the mall. Then we saw Max's Restaurant. Then we ate there. My treat again Mr. T! So I picked the menu.

We had a lot of catching up on our stories yesterday. Sherry even asked me about a topic that I dare not speak about ever. The conversation went awkward when she asked that "how-is" question. Hahaha! "It's been like 8 years now and we're happy for each other", that was my answer then we changed topic. Maybe, we're getting older because we're talking about kids, weddings (yes, he and Ipe are already discussing about this), work and whatever’s. Things I dread to talk about. I'm a child at heart Mr. T! Things like this don't have a place in my mind. My heart. It's reality but as always, I try to escape from reality. For me, it's like self-protection. Anyways, there, we ate. We killed ourselves with what I've ordered. We were dead full. Hahaha! The Sherry wanted to sing. Redbox was still open around 9pm so we went there. 

We sang. We laughed. We danced. We drank. We got drunk. Hahaha!

Around 1PM we were still in Trinoma. We kept laughing. Then we were walking along EDSA so as we could reach the MRT station but the security guard told us that the route of the train was from South to North and no more routes from North to South. I told Sherry that I'll just hail a cab. I was really scared walking along those streets that time Mr. T! Since I've never been on that place that late. Sherry is from North so she knows the place very well and told me nothing bad will happen while we were walking. Weird really because back in college Sherry and I can walk along Recto in the middle of the night and I was not a bit scared. There were a lot of security guards in Trinoma but hell, I was sooo scared. Anyways, so there, Sherry helped me find a cab first. Then after I was in the cab, she was in already in another cab. This was a good thing since I won’t have a hard time thinking if she was okay. 

As soon as I got home, I fell asleep. :D

It was flantastic. It's been 48 years since Sherry and I hang out like this. I love Sherry. I just wish she and Ipe end up together. And I'll sing in their wedding and I'll be the ninong of their child. Hahaha! Suddenly I missed all my girlfriends in La Salle.  

Next, Ice Age.

Currently listening to: Gold by Spandau Ballet
Currently feeling: naiihi
Posted by jjcobwebb on July 10, 2009 at 01:43 PM in Everyday Drama, Features, Malling, Food and Dining, Movies | 1 comment(s)

"Probably a guy I've sexed with before..."

"Is William his name?"

"Ohhh... sorry I don't remember names. I remember dicks..."

"Homaygod!"

Currently reading: Barry's YM Window
Currently feeling: super funny
Posted by jjcobwebb on July 10, 2009 at 03:07 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Sobrang saya nung nakaraang Sabado Mr. T! Una, si Benson tinext ako bago magweekend nun na magkita kami. Pangalawa, sina Barry and Jeffrey rin willing makipagkita sa kin nung Sabado. Nakalinya mga stars nung Sabado Mr. T! Nagkita kita kami nina Barry, Rhitz, Jeffrey and Benson plus kasama sina Sabs and Tess. As usual magulo si Jeffrey kaya hindi kami muna nagkaintindihan kung san magkikita. Pero ayun, sa National Bookstore Glorietta na kami nagkita. Weird dahil hindi pa ko mareach ni Jeffrey sa phone ko that time. Then pumunta na kami kung nasan si Benson. Sa Food Choices sa G4. Kasama niya sina Sabs and Tess. First time makakahang out ni Jeff si Benson. Feeling ko talaga magiging masaya yung gabing yun. And hindi ako nagkamali. Sana ang mga Saturday nights ko ganito kasasaya...

Habang hinihintay si Barry, nagkwentuhan muna kaming 5 sa lamesa kung nasan kami nagkikita. Siguro mga after 1 hour saka dumating si Barry. And then yun, yung 3, sina Benson, Sabs and Tess tuwang tuwa sa aming 3, Barry, Jeffrey and Ako. First time nila makabonding si Jeffrey. And natutuwa sila dahil kahit ayaw kami ng ayaw at hindi kami magkasundo sa mga pinaguusapan namin, in the end, nagkakasundo rin at makaibigan pa rin kami. Nakakaaliw. Then yun, kami ni Barry nag-isip kung san kakain. Then yun, si Jeffrey feeling ko talaga gusto magvideoke. Hmmm... sabi ko Redbox na lang since may food din dun. Then pumunta kami ng Redbox. Goodluck naman Mr. T! 499php per head na nung oras na yun. Eh kami pa ni Barry manlilibre. Pre-graduation party na rin. Amp! Sabi ko, sa Music 21 na lang mas okay pa and mas mura. Per head ang bayad and mas okay rin yung food. Ayun, malakas ang  ulan pero tinahak namin from Greenbelt 3 hanggang Jupiter. Thanks to the ever reliable na kotse ni Barry.

Then yun, pumunta kami dun. Si Jeffrey na namili nung package dahil alam namin siya pinakamatipid at makakatipid talaga kami. Pero kami namili ng mga kakainin. Hahaha! Then nagsimula na ang kantahan. Sayang lang Mr. T! Dahil walang pictures nung mga nangyari. Nasa memory na lang lahat nung mga nangyari nung Sabado. Sobrang saya Mr. T! From 8pm to almost 12am andun kami sa Music 21. Bumibirit, nagwawala, nagsasaway, kumakain. Si Rhitz, buti na lang talaga humabol. Ayun, then sobrang ang saya saya na hanggang sa tinawagan na kami dahil time na kami. Ayun, kala namin makakalast song pa kami pero hindi pala. Nagstop na  yung videoke and pinag-isipan na namin ang susunod na gagawin at pupuntahan. Maaga pa ang 12am nun since magkakasama kami. Pero kay Jeffrey hindi na dahil alam kong Cinderella na naman ang role niya nun. Then umalis na kami ng Music 21. Si Jeffrey hinatid ni Rhitz sa Ayala. Kailangan na raw talaga umuwi ni Jeffrey. Hindi ko talaga alam baket hindi niya madefy ang kanyang mother! Then sina Benson, Sabs and Tess at ako, sa kotse ni Barry. Then si Tess binaba sa may EDSA, then si Sabs sa may malapit sa MOA. Then natira kaming 3 sa kotse. Benson, Barry and yours truly. May balak pa kaming puntahan kaming 4 nun. Kasama ni Rhitz. Then yun, tumawag si Rhitz kay Barry then kinausap. Then nag-usap usap na lang kung san magkikita.

Bumuhos ng malakas ang ulan... to be continued...

Currently listening to: mouse and keyboards clicks
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on July 15, 2009 at 11:08 AM in Everyday Drama, Gayness, Food and Dining | Post a comment

This is it Mr. T! 2 days na lang ang gagraduate na ko. Isn't it nice? Hindi rin. Kasi wala kong mafeel na excitement kahapon nung rehearsals eh. As in hindi ako excited. Una, late ako sa pagkuha ng toga. Buti na lang mabait yung guard pinapasok ako. Tapos, hindi rin ako nagMass at hindi rin ako nagpaclass pictures. Eh kasi mas nafeel ko yun nung gagraduate sina Tin eh. Okay na yun. Mas marami akong kilala nun and mas marami akong ka-course. Eh ngayon, grabe parang lahat hindi ko kilala. Hahaha! Sobrang onti lang ng kilala ko. So tinawagan ko na lang si Benson at nagkita kami sa UM. :-)

Anyways, bait ni Benson, pumunta raw siya talaga ng school para samahan lang daw ako habang naghihintay para sa practice. Sweet noh? Hahaha! TagaCavite pa yan! Haha! Anyways, naglunch kami. Dapat sa Kenny Rogers pero nung sinabi ko na 5:30pm pa yung rehearsals ang 12NN pa lang nun, sabi niya sa RP na lang kami pumunta. So yun, pagkapunta dun, ikot ikot muna. Kwentuhan. Kung ano ano lang. May collection pala si Benson ng underwear. Hahaha! Sabi niya iregalo ko raw sa kanya sa birthday niya underwear na lang. Hahaha! Kinky! Anyways, after umikot ikot, sa Sushi-ya na kami kumain. Ayun, hilig pala sa maanghang ni Benson Mr. T! Grabe niya pinapak yung wasabi. Ibang level! Hahaha! Then yun, habang kumakain, kwentuhan ng kwentuhan. Tawanan ng tawanan. Hanggang sa natapos kaming kumain. Then nagdessert sa Mary Grace. Then umikot ikot ulit. Dapat pala nanood kami ng sine since sobrang tagal pa talaga ng hinihintay namin. Sabi nga rin ni Benson dapat nanood na lang kami ng sine. Pero okay na rin kasi ang dami namin napagusapan. Then ayun, hindi pa kami nakuntento, kumain pa kami sa Siomai House. Hahaha! Then lakad lakad ulit. Then ayun, buti na lang talaga hindi umulan. Kasi tuwing magkasama kami ni Benson talagang umuulan. Haha! Inuulanan kami. Haha! Yun, nung pabalik na kami ng school, si Benson naisipang lakarin na lang yung Malate. So nilakad namin. Sarap kasama ni Benson dahil parehas kaming madaldal. Dami niya ring kwento. Nakakatawa pa siya. Dami na naman naming napagkwentuhan. Tawanan ng tawanan. Para kaming mga sira. Pero sobrang saya Mr. T! Hanggang makarating kami sa DLSU. From RP to DLSU. Hahaha!

Then yun, dumirecho siya sa McDo since yung kapatid niya may pasok pala and sabay sila uuwi. And ako dumirecho na ng parking lot sa Sports Com. Buti na lang kilala mo mga katabi ko sa seat. From 5:30pm-7:30pm lang yung practice. Buti naman hindi 9PM natapos tulad ng nakalagay dun sa schedule. Hays, ayun, sobrang pagod. Pero sobrang saya rin Mr. T! Naglaro lang ako ng phone ko buong practice at nakatingin lang kay Enchong Dee buong practice. Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! :-) Ang saya saya ko :-)

And weird, parang nakakabasa ko ng mga text sa phone ko na wala naman talaga. Hahaha! Ano ba yan, wala na ata ko sa sarili ko. Or nanaginip ako kanina. Hahaha! Kasi wala naman talagang text na ganun. Pero feeling ko meron. Hahaha! Weird...

Currently listening to: Ironic by Alanis Morissette
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on July 16, 2009 at 10:36 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | 2 comment(s)

Mga tatlong buwan pagtapos ko tumuntong sa kolehiyo, buhay na si Subtle Bliss. Halos limang taon na ang nakaraan, andito pa rin si Subtle Bliss. Sa pagtatapos ko ng kolehiyo, maari kong sabihin na pwedeng isalamin ng blog na to ang halos lahat ng pinagdaanan ko sa kolehiyo. Hindi lahat maganda. Hindi lahat masaya. Ang iba madrama. Ang iba naman nakakatawa. Masaya ko dahil nagkaroon ako ng blog na tinuring ko na parang tunay na kaibigan. Na parang hindi siya blog kung hindi isang tao. Siguro nga, nagbago na mga bagay bagay sa paligid ko. Siguro nga rin nagbago na ako. Pero ang mahalaga, inintindi ko kung baket ako nagbago. Kung kailangan ba o hindi talaga mapipigilan. Magtatapos na ko bukas ng kolehiyo. Salamat Mr. T! at lagi kang andiyan para pakinggan ako. Siyempre malaki utang na loob ko sa lahat ng taong nakilala ko. Sa mga nabanggit at hindi ko nabanggit sa blog na to. Sa mga nakilala ko dahil sa blog na to. Sa mga napadpad lang. Sa mga nagbabasa pa rin ng blog na to at kahit sa mga nakalimot na. Salamat at salamat ulit. :-)

Currently listening to: blowing wind and pouring rain
Currently reading: Mark's YM Window
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on July 17, 2009 at 11:11 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)

image

Hay… after ilang bagsak. After ilang schedule adjustments. After ilang ulit na pagpila sa OUR. After ilang attempts lumipat ng school. After ng mga moments kung san nasabi kong “Shet buti pumasa pa ko”. After isang beses mag-shift to another specialization at pag-iisip na sa ibang course na lang at after ilang beses ng pagtake sa programming subjects lalo na ang thesis --- salamat naman sa Diyos at nakagraduate din.

Anyways, mga pictures kahapon. Hahaha! Mga nakakahiyang moments nina Ate and Mama. Hahaha!

image image
image image

Pero siyempre paano naman ang mga masasayang moments sa College tulad ng pagpasa ng thesis? Pagcucut pag walang prof? Pagtambay kung san san pag ang tagal ng hihintayin para sa isang subjects? Ang college week? Ang pagkakaroon ng 4.0? Ang mga moments na nasa Eric’s lang kami or sa McDo or kung san man kami chumichibog? Mga EGI moments? Agno moments? Ang mga prof na naging close ko? Mga classmates na naging close ko? Mga blockmates na hindi nakalimot? Mga programming language na hindi ko nakalimutan? Eh mga MP na nagawa ko mag-isa? Mga tawanan moments sa thesis room? Mga LRT1 at LRT2 rides na sobrang saya kahit minsan parang basang sisiw ka na kahit wala ka pa sa school? Mga gel days? Clay days? Wax days? Mga baha days sa Taft? Mga moments sa conserve? Mga tawanan na parang walang bukas. Mga kamickan na parang wala kaming iniisip na assignment or homework? Mga times na nagtutulungan kami sa assignments at seatworks? Mga pagtambay sa mga tagong lugar sa school? Ang pinakamamahal kong Prov? Mga baklang binasted ko sa DLSU? Ang pagseat in? Ang canteen? Ang SJ Walk? Moonwalk? Warpzone? Ang bagong gawang Andrew na puros cute ang tao? Ang Yuchengco moments? Amphi moments? Velasco? Mutien Marie na parang gigiba na? Ang Miguel na puros sushal ang estudyante? At siyempre paano naman ang Gox na kung san lahat ng tao walang iniisip kung hindi magprogram --- except ata ako. Hahaha! 

Siguro marami pa akong hindi nabanggit. Pwede kong sabihin na naging masaya ang College years ko Mr. T! Hindi man siguro kasingsaya ng High School pero masaya. Wala na kong puwedeng mahiling pa. Ay meron pala, magandang grades sana kung puwede lang ibalik. Haha! Pero wala na kong powers dun. Panghahawakan ko na yun as of now. It won’t matter pagdating ng panahon. Magseserve na lang yun as a reminder na naging tamad akong estudyante. Hahaha! Pero to sum it all, masaya. Masayang masaya ko. :-) I love nostalgia. Pero not now. Hahaha! In few years time siguro. Kagagraduate ko pa lang Mr. T! eh. Musta naman di ba?

Anyways, after Graduation, nagtreat si Mama and Ate sa Brazil! sa Serendra together with my closest friends in College ever. Sayang hindi nakapunta sina Jeffrey, AK, and Kristine and Deck and Angelica. Kung sino yung mga pinakaclose ko sila pa ang wala. Pero anyways, I understand. Hindi naman yata kasi ako nagsasawang umintindi eh. Mahal ko kasi sila eh :-)

image image
image image

Yan, sina Beck, Sherry, Barry, Rhitz, Aubrey, Matty and Benson. At yung bongga kong kapatid! Hahaha! Then nagTrinoman kaming 3 nina Benson and Rhitz and minake over namin ni Benson. Hahaha! Kasi sabi ko guwapo talaga siya pag pagkalbo siya. So eto ang before and after niya:

IMG_0032 IMG_0033

O di ba? Hahahaha! Kasi buwisit na rin kami siguro sa buhok ni Benson. Umoo rin siya. Sabi ko kasi ang pogi niya nung una ko siyang nakita last year nung kalbo siya. Eh di pumogi siya nung nawala buhok. Me likey! Hahaha! Grabe tapos inikot namin ni Rhitz SM North EDSA habang hinihintay si Barry na hindi na sumunod. Grabe. Sobrang pagod na ko kagabi at hindi ko na sinamahan si Luis sa pagGimmick. Buti na lang hindi rin siya natuloy.

Anyways Mr. T! yan muna ang update ko. Sayang hindi nakarating mga ibang tao kahapon. Hays… hindi rin ako naka-attend sa kasal ni Kathy sa Bicol. Wala kong magagawa, tumapat sa graduation ko eh. Di ba Mr. T!? Congrats na lang din siguro sa kanya. Sige sige, update you soon Mr. T! I still love ya, I still appreciate ya and I enjoy ya. :-) Sarap ng tulog ko kagabi. :-)

Posted by jjcobwebb on July 19, 2009 at 10:21 AM in Everyday Drama, Gayness, Malling, Food and Dining, School, Family | 16 comment(s)

"Learn to detach...Don't cling to things, because everything is impermanent... But detachment doesn't mean you don't let the experience penetrate you. On the contrary, you let it penetrate fully. That's how you are able to leave it... Take any emotion--love for a woman, or grief for a loved one, or what I'm going through, fear and pain from a deadly illness. If you hold back on the emotions--if you don't allow yourself to go all the way through them--you can never get to being detached, you're too busy being afraid. You're afraid of the pain, you're afraid of the grief. You're afraid of the vulnerability that love entails. But by throwing yourself into these emotions, by allowing yourself to dive in, all the way, over your head even, you experience them fully and completely. You know what pain is. You know what love is. You know what grief is. And only then can you say, 'All right. I have experienced that emotion. I recognize that emotion. Now I need to detach from that emotion for a moment."

~ Mitch Albom Quotes, from Tuesdays with Morrie

Currently reading: Classic Whitney Message Board
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on July 22, 2009 at 09:36 AM in Everyday Drama, Randomness | 2 comment(s)

Actually Friday and Saturday magkasama kami Benson. O di ba dalawang araw ang birthday niya? July 25 talaga yung birthday niya pero July 24 nagstart na agad. Anyways, bago ang lahat, sisimulan ko na ang kwento at marami pa kong ikukuwento Mr. T!

Friday:

Grabe, around 7AM nagising ako sa tawag ni Benson. Grabe. Super antok ako at pinapupunta ko ng maaga sa school. Tamang tama since isosoli ko yung toga ko at may 1K akong madadagdag sa kayamanan ko. So yun, around 10AM na ko nakapunta ng school. Nagkita kami ni Benson sa UM then kinuha ko muna sa kanya yung mga gamit ko na naiwan ko sa kanya and pumasok na ko sa school para isoli ang toga. Nakalimutan ko yung E-tickets. Sabi ko kinabukasan ko na lang isosoli. So yun, then umikot ikot muna kami ni Benson sa UM tapos nag 7-11. Akala ni Benson lunch yung napagusapan. Sabi ko basahin niya yung text ko na sabi nina Barry and Rhitz dinner sila puwede. Pero yun, magkasama na kami so nag-isip kami na manood na lang muna siguro ng movie kung san and then bahala na kung ano ang mga susunod na mga mangyayari.

Sa MOA kami napadpad ni Benson Mr. T! Ayun, ilang beses kami paikot ikot sa cinema. Gusto ni Benson manood ng It’s Alive. Eh ako ayaw ko ng mga nakakatakot na palabas. Sabi ko maglakad lakad muna kami at pag-iisipan ko. So yun, lakad lakad, usap usap hanggang sa napagod at nagutom at nauwi kami sa food court ng MOA. So yun, pagtapos namin maglunch, bigla kaming inantok dalawa. Pero nagdessert muna kami sa Beard Papa. Eh tanghaling tapat pa naman. O di ba? Sabi ni Benson sana mayron malapit ang bahay para makapagpahinga kami. Grabe, biglang naisipan namin yung Wensha Spa malapit lang sa MOA. Sinubok namin Timezone para magising pero hindi effective. So sabi ko, sige, Wensha na lang. Hindi na natuloy ang panonood namin ng It’s Alive. Then tumungo kami sa Wensha…

Wensha Spa
Nagbasa pala muna kami ng reviews about Wensha nung nasa MOA kami. Buti may WiFi na sa MOA at libre. So yun, 680php per person. Sabi ko may kamahalan pero grabe, ang layo ng narating ng 680php Mr. T! Eto ang mga narating ng binayad namin:

  1. Eat-all-you-can
  2. 1-hour massage
  3. HotPot na eat-all-you can din
  4. Pool area na may jacuzzi, steam rooms, shower rooms, locker rooms, at may room for body scrub pa
  5. Then 6-hours ka pwede magstay dun!

Bawal magtake ng pictures though. Pero sinubukan ko. Look. Si Benson lang toh.

24072009138 24072009139

Sayang nga eh. Eto ang nakakaloka Mr. T! Dun sa may pool area dapat talaga NAKED. Grabe, umapela talaga ko na kung pwede nakashorts pero hindi talaga. Towel lang talaga at bawal kahit anong saplot sa pool! So grabe, palakasan na lang ng loob. Nagsawa kami ni Benson sa noches. Mga Pinoy talaga hiyang hiya sa mga noches nila. Pero yung mga foreigner kebs lang. Hahaha! Sa babae ganun din daw. Mas malala dahil for sure kita mga boobs dun! Haha! So yun, sobrang fun naman. After namin mag pool, steam, kumain muna kami habang naghihintay ng room for 2 para sa massage. So yun, then nagpamasahe na kami. Sobrang galing nung nagmasahe sa amin Mr. T! Mas magaling sa mga napuntahan kong Spa kasama si Ate. Then yun, nagpahinga after massage then bumalik sa pool area. Then nagbanlaw na and kumain ulit sa buffet. Grabe, sobrang saya. From 1PM or so kami nandun and around 7PM na kami umalis. Sobrang tama yung time namin dahil hindi masyadong maraming tao nung time na yun. Then yun tumatawag na si Rhitz and sabi papunta na raw sila ni Barry at susunduin na kaming dalawa…

Some Japanese Resto (forgot the name)
After kaming pagduduhan ng dalawa sa kung anong ginawa namin dun since amoy chlorine talaga kami, pumunta kami somewhere near MOA ulit. Yung mga kainan dun, dun na lang kami kumain. Una gulong gulo kami kung san kakain, hay naku, buti na lang mabait si Benson at sa Japanese resto kami nakain. Hahaha! Pero worst sashimi ever yung meron sila dun. Wah! Then yun, super tawanan kami nung kumakain Mr. T! After namin kumain at after payagan si Benson na magstay ng late, naisipan namin mag-inuman. Next stop, Metrowalk.

24072009140 24072009143
24072009146 24072009145

Metrowalk
As usual maraming tao Mr. T! Pero awa ng Diyos nakahanap kami agad ng mauupuan. Si Barry hindi pwede malasing kasi siya nagdadrive. Ako, kami pwede. Hahaha! So yun, kwentuhan, panget nung kumakanta sa stage. Yung Gilbey’s Premium Strength ininum namin, bongga di ba? Sarap nung tama Mr. T! Ang tahimik ko na raw. Si Benson as usual ang ingay. Si Barry namula na naman. Si Rhitz walang effect. Then, si Rhitz dadaanan pala nung kapatid. So nagStarbucks muna kami para mawala mga tama. Nakita ko pa si Bugoy. Hahaha! Natuwa ako. Anyways, yun si Benson sumabay kay Rhitz and ako kay Barry. Grabe, ayun, super hilo ako nung pauwi. Hahaha… nakatulog agad. Pagkagising ko, Saturday na. Magkikita na naman pala kami ni Benson para ibalik yung bag niyang naiwan niya sa kotse ni Barry at para magsimba…

Currently listening to: True Love's Kiss by Amy Adams
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on July 27, 2009 at 02:00 PM in Everyday Drama, Gayness, Malling, Food and Dining | Post a comment

Saturday:

Quiapo-Ongpin
Dumaan si Barry ng umaga sa Planet N. Domingo para ibigay sa kin bag ni Benson. May office siya ng Saturday. Si Rhitz din. So kaming 2 ni Benson magkikita nung Saturday. Plano ko talagang magsimba sa Quiapo nung Friday. Pero napasugod ako kay Benson nung Friday dahil nga anong oras palang tumawag na. So sabi ni Benson, since birthday niya rin daw, and hindi ako nakapagsimba nung Saturday. Sabay na lang kami magsimba nung Saturday. So okay sabi ko sige. And since dadaan din ako sa school para isoli yung e-tickets ko, sabi ko magkita na lang kami sa school. Then yun, after lunch kami nagkita Mr. T!

Sa UM na naman kami nagkita and then sabi ko kay Benson jeep na lang kami kung san mang simbahan. Choices were Malate Church and Quiapo. Sabi ko Quiapo na lang. Then nagjeep kami ni Benson from DLSU to Sta. Cruz. Grabe adventure talaga palagi pagkasama si Benson Mr. T! Then yun, pumasok kami ng simbahan and may nagkukumpil. So hindi kami nagtagal sa loob. Nakinig ng gospel then nagdasal na lang since tagal yung celebration. Mag-eemote ako wait. Naalala ko lang nagpost pala ko ng ganito last year:

“Ayun, first time ko magmass kasama isang guy. I’ve always wanted to hear Mass with Chris. And it happened a while ago. Weird ng feeling pero I really felt nice. It’s a first again. Hmmm… ayun, about Angels ang homily. Wala kong masabi eh. Naniniwala ako sa angels noon, ngayon at siguro kahit hanggang mamatay ako. Naniniwala rin ako na may mga taong nagsisilbing angels sa mga buhay natin. May mga kilala ko. :-)”

Si Benson yung second na guy friend na nakasama ko sa loob ng simbahan. Sina Barry, Rhitz and Jeffrey, never pa kami nagmass together. Which is actually weird. Hmmm… or siguro dahil family time talaga ang Sunday. Pero ewan ko Mr. T! Ang dami kong wish nung nasa loob ako ng simbahan nun. Siguro malikot lang utak ko nun. It has always been. Then after namin magsimba ni Benson, umikot ikot kami sa Quiapo then tumingin tingin ng mga DVD. Tawanan kami ng tawanan habang naglalakad. Para kaming mga sira pero ang saya saya Mr. T! Kahit mainit. Hahaha! Then pumunta kami sa pugad ng pirated DVD’s at kung anu-ano. Then, si Benson bigla na lang nagyayang Ongpin. O di ba? So yun, nilakad namin ang Ongpin. Grabe, parang hindi kami napapagod noh? Pero super kwentuhan pa rin kami kahit super lakad kami at super polluted ng Manila. Hanggang sa nagutom kami. Haha! So naghanap kami ng makakainan. Eh hindi naman ako ganun kahilig sa Chinese food eh. Si Benson mahilig. Turn naman niya since nung Friday sa Japanese resto kami kumain. At birthday niya talaga yung Saturday. Dinala ko ni Benson sa isang place pero hindi ko nagustuhan. Haha! Oo maarte ako pero ayaw ko talaga dun. Then isang Chinese resto kami nauwi. Favorite ni Benson Hakaw so umuorder kami dun. Tapos siopao and siomai. Sarap nung Siopao dun. Hahaha! Then yun, nilakad namin pabalik Carriedo at by 5PM kailangan ni Benson bumalik sa Taft. Hinatid ako ni Benson sa LRT and siya nagjeep.

Sobrang saya Mr. T! Pero weird, umatake ata depression ko kinagabihan at katext ko si Barry nung gabi the whole time. O well… may price talaga pag sobrang saya ka, sige isa pang udpate. Hahaha!

Currently listening to: Touch My Body by Mariah Carey
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on July 27, 2009 at 02:30 PM in Everyday Drama, Food and Dining | Post a comment

Grabe, kauuwi ko lang. Kasama ko sina Din and Katrina mga pinsan ko (father’s side). Nagdinner sa Nanbantei of Tokyo sa Greebelt 3. Manlibre raw ako dahil grumaduate ako. Then nagpunta sa Cardinal Hospital para sa free SBC na frappe. Then nakita ko rin si Bles, pinsan ko sa mother side naman kasi dun nagwowork, pauwi na so sinabay na namin.

27072009171 27072009163
27072009166 27072009180

Ayun, sabi namin birthday ni Din. So binigyan kami ng libreng ice cream na may coffee jelly! Hahaha! Then yun. After magSBC, umuwi na nga kami agad since si Din may pasok pa. Actually, mamaya na ang pasok niya 6AM. Hahaha!Ubos na pera ko kalilibre grabe.

Ayun, then si Page pala birthday ngayon ay kanina 27. Pero nagcelebrate siya sa Holiday Inn nung Friday. After namin magkita ni Benson nun dumiretso ako Holiday Inn dahil hindi makabili ng alak pamangkin kong 14 years old. Oo, di ba? Humingi ako ng suhol. Hahaha!  Alam ko na rin kung san ako magbibirthday this year. Then nakita ko pa si Sir Lawrence sa Holiday Inn. Remember him Mr. T! Magkakasama pala sila ng officemates niya and si Allan kasama rin niya. Small world. And last na bago ko matulog…

KUYA IS BACK!!!!

Had mass muna malapit sa airport. Then pinakita ni Ate yung Planet sa may malapit sa NAIA. Then namili muna sa Duty Free habang hinihintay si Kuya. And then ayun, nakita ko na ulit kuya ko. Weee… at nakita niya na rin mga anak niya after almost 10 years. Grabe talaga. Super hinalikan ko rin kapatid sa cheeks at super hug! Hay… nakakatuwa noh Mr. T!? Dito na muna siya, tulungan niya muna si Ate. Nakakatuwa yung pakiramdam. Then dinner sa Sentro sa Serendra. Then yun, hinatid na sa bahay si nila si Kuya. Sige sige update you soon Mr. T!

Currently listening to: Like I Never Left by Whitney Houston feat. Akon
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on July 28, 2009 at 01:50 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | Post a comment

Wala lang sobrang random nito Mr. T! Nakakatuwa kasi naisipan pa talagang picturan ni Jeffrey to --- ehem para sa kin ata talaga. Siguro naman noh? Hahaha! Sino pa bang kilala niyang may apilidong Webb. Mahal na mahal talaga ko ni Jeffrey! Hahaha! Ampness! Wala lang, common talaga ang Webb sa ibang parte ng mundo. Lalo na sa Europe. At speaking of Europe, buti na lang 6 hours ang difference sa oras namin ni Jeffrey, kung magoonline siya regularly, may kachikahan na naman ako sa YM pagsapit ng gabi. Tulad kagabi. O di ba? Wee… hahaha…

webbjewelry store

Hoy Jeffrey bilisan mo pag-aaral diyan para andito ka na ulit! Hahaha! Sino kaya si Mappin noh? Sana Mapalo & Webb na lang yan! Ahahaha! Eh di ang sushal namin!!! Mayaman! Hahaha! Sige sige, yan muna update ko. Naguguluhan na ko sa weather dito sa Pilipinas. Maulan tas aaraw tas uulan. Saket sa bangs. Ay oo nga, nakakatuwa dahil may bago akong nakilala sa Facebook, well technically hindi na bago kasi kalaro ko siya nung bata pa kami. Nakakaaliw talaga. Hahaha! Fun fun fun. Dapat mag get-together kami sometime. Sige sige, update you soon Mr. T! :-) At kaeemail lang sa kin ng Redbox! May libre buffet daw for 2!!! Wahhh… shet til July 31 lang toh! Sino kaya isasama ko?

Posted by jjcobwebb on July 28, 2009 at 11:39 AM in Everyday Drama, Randomness | Post a comment

I Can't Make You Stay by John Jacob Webb

We were happy
Like lovers
We cared for each other
Never knowing
In the future
We'd hurt each other
Like a poem with no rhyme
It's a love out of time

Chorus:
So I turn my back
And walk away
Hoping you'd say
Don't go, please stay
I bowed my head
Then shed my tears
You didn't reach for me
Is this all we'd ever be?

You lied to me
Didn't matter
Felt I'm still a stranger
When I met you
You were eager
To know me, talk to me
Slowly you slipped away
Hey
It's a love out of time

Bridge:
For the record
Now that it's broken
I want you know who I am
For the record
If I never knew you,
I would live my whole life through
And for the record
To love me was all I asked of you

Outro:
Slowly you slipped away
Slowly, slowly...
I can't make you stay...

Posted by jjcobwebb on July 28, 2009 at 01:03 PM in Songs and Poems | 2 comment(s)
« 2009/06 · 2009/08 »