Entries in category "Features"

This is my Farmville:
image

and this is Restaurant City:
image

Now I can say it’s hard to balance work, social and Facebook life!!! Hahahaha! ;)

Posted by jjcobwebb on October 16, 2009 at 04:55 PM in Everyday Drama, Features, Randomness | 3 comment(s)

Half of the day yesterday was bore-fest. Good thing Sherry went online and I invited her to watch Transformers with me in Trinoma. My treat. She was a little surprised yesterday when I said that it was my treat since it's been like 1901 when I last treated her out. Sherry has always been my closest girl-friend in college together with Beck, AK, Joan, Ria and Alda. I wonder where Joan, Alda and Ria are now. I had no gay friend back when they were my friends. With the exception of Jeff, Rhitz and Barry of course. Hahaha! Anyways, I checked the movie schedule and the showing time were 3pm, 5pm and 6pm. I picked 5pm and told Sherry that we meet by 4:30pm.

I arrived in Trinoma around 3:30pm. I strolled and went inside a lot of boutiques while waiting for Sherry to arrive. I wanted to buy a new jacket/cardigan/hoody and new snickers. The jackets I own right now has been with me for like 3 years now and they're kinda look old. So I tried looking for jackets in Giordano, F&H and Topman. There was this white jacket in Giordano that I really wanted to buy but when I went to Topman, I saw this gray jacket that really looked cool. So I had a dilemma. I restrained myself from buying and told myself that I'll wait for Sherry and ask for her opinion on the two jackets that I was eyeing on.  

4:30pm and still no sign of Sherry. She didn't drive since her car was coding. She sent a text message that she was on the bus and was complaining that the bus kept waiting for passengers to aboard. I didn't want to buy tickets for the 5pm schedule when she texted me that so again, I checked out the jacket in Giordano and Topman. I really wanted it Mr. T! Anyways, 10 minutes before the movie time, finally she arrived. That's when I bought the tickets. Then we bought food. Then went inside the movie house. 

Transformers 2 was a fun movie. Childish plot though. But overall, it's a movie worth watching. Megan Fox kinda looked like Angelina Jolie. I'm gay, but she was hot. After watching the movie, I told Sherry about the jackets. She easily picked the Topman jacket. She told me to think carefully because the jacket was priced at a whooping 2,000php. She asked me if it's really needed. I said NO. Then we went outside Topman laughing then I told her that I'd just treat her to dinner. 

I've seen the facade of the newly renovated SM North EDSA for quite some time now but I've never been able to explore its interior. So I asked Sherry to give me a tour in the newly renovated SM then afterwards we'll find a place to eat there. So we walked til SM. Good thing there was already a footbridge from Trinoma's parking lot to SM's entrance. Or was it The Block's entrance? Anyways, there, the new look of SM North EDSA was very Trinoma-ish. It was built with fountains, trees plants, streams and glass walls (a cheap copy of Trinoma's garden on the top floor where Starbucks rest in the middle). But overall, it was good. I felt like I wasn't in an SM mall at all. Thankfully, it was a weekday and there weren't a lot of people strolling in the mall. Then we saw Max's Restaurant. Then we ate there. My treat again Mr. T! So I picked the menu.

We had a lot of catching up on our stories yesterday. Sherry even asked me about a topic that I dare not speak about ever. The conversation went awkward when she asked that "how-is" question. Hahaha! "It's been like 8 years now and we're happy for each other", that was my answer then we changed topic. Maybe, we're getting older because we're talking about kids, weddings (yes, he and Ipe are already discussing about this), work and whatever’s. Things I dread to talk about. I'm a child at heart Mr. T! Things like this don't have a place in my mind. My heart. It's reality but as always, I try to escape from reality. For me, it's like self-protection. Anyways, there, we ate. We killed ourselves with what I've ordered. We were dead full. Hahaha! The Sherry wanted to sing. Redbox was still open around 9pm so we went there. 

We sang. We laughed. We danced. We drank. We got drunk. Hahaha!

Around 1PM we were still in Trinoma. We kept laughing. Then we were walking along EDSA so as we could reach the MRT station but the security guard told us that the route of the train was from South to North and no more routes from North to South. I told Sherry that I'll just hail a cab. I was really scared walking along those streets that time Mr. T! Since I've never been on that place that late. Sherry is from North so she knows the place very well and told me nothing bad will happen while we were walking. Weird really because back in college Sherry and I can walk along Recto in the middle of the night and I was not a bit scared. There were a lot of security guards in Trinoma but hell, I was sooo scared. Anyways, so there, Sherry helped me find a cab first. Then after I was in the cab, she was in already in another cab. This was a good thing since I won’t have a hard time thinking if she was okay. 

As soon as I got home, I fell asleep. :D

It was flantastic. It's been 48 years since Sherry and I hang out like this. I love Sherry. I just wish she and Ipe end up together. And I'll sing in their wedding and I'll be the ninong of their child. Hahaha! Suddenly I missed all my girlfriends in La Salle.  

Next, Ice Age.

Currently listening to: Gold by Spandau Ballet
Currently feeling: naiihi
Posted by jjcobwebb on July 10, 2009 at 01:43 PM in Everyday Drama, Features, Malling, Food and Dining, Movies | 1 comment(s)

Nagtext si Benson. Panoorin ko raw toh. I did. Natawa ko. Kahit hindi siya nakakatawa. Natawa ko kasi si Benson galing mag-act. Hahaha! Magaling pala umarte si Benson.  Parang tunay! Ayan share ko sa blog baka sakaling sumikat ang friend ko. Hahaha!

Actually, hindi ko nagets yung video or sadyang bobo lang ako. Sabi nga ni Benson, thank God hindi siya yung script writer. Hahaha! Pero kaaliw. Ako kaya kelan lalabas sa ganyan. Hahaha! Feeling ko hindi talaga ko bagay mag-act. Mariah Carey acting ang lalabas! Flop! Hahaha! Update you soon Mr. T!

Currently watching: Wowowee on ABS-CBN
Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on June 11, 2009 at 01:47 PM in Everyday Drama, Features | 2 comment(s)

Nakaprivate entry toh last year. May lakas na ko ng loob ipublic tong entry na toh. Siguro ganun talaga. Nakakasanayan mo na ang isang tao and everything you do and he does eh parang nagiging natural na lang. Ganun naman ata talaga. Anyways, this is from a May 11, 2008 entry. Exactly 1 year ago...

Get Here Pt. 2
Posted on May 11, 2008 at 06:15 PM by subtlebli

Mr. T! Sobrang saya ko kahapon. Kahit na sinabi pa ng ni Rej na on and off si Chris sa Downe. Actually dapat icacall off ko na lang kasi parang naramdaman ko nga na “I’m really not good enough”. Pero pag-iniisip ko pa rin, wala naming masama making new friends. Si Rej nga dib a may jowa na may Downe pa. Wala lang Mr. T!, I’m a jealous person. Though wala naman talaga kong karapatan magselos dahil wala naman kaming relasyon ni Chris. Masaya talaga kagabi kahit kalahati ng utak ko iniisip kung napilitan lang ba tong si Chris or gusto niya rin talaga ko makita. Minsan naman, iniisip ko na ano ba tong date na toh, parang Tom-Jacob date lang na ako si Tom (assuming na may gusto sa kin si Tom) tapos si Chris ay ako (na parang wala lang, friendly meet up lang). Maraming tanong sa utak ko sa totoo lang Mr. T! Pero the closest thing that I can do right now is to assume. Assume na hindi, at assume na oo. Ang hirap di ba? Pineprepare ko na rin sarili ko Mr. T! if one day sabihin ni Chris na hanggang friend lang talaga tingin niya sa kin. Kakayanin ko naman talaga Mr. T! Pero sana di ba, hindi niya pinatatagal tong nararamdam ko. Dahil habang tumatagal mas lalo ko siyang natutunang mahalin eh. Para sa kin, mahirap i unlearn to love ang isang tao. It will take me years sa totoo lang. Ewan ko, kaya minsan naiinis ako sa sarili baket ganun ako eh. Sa totoo lang Mr. T!, ngayon lang talaga ko naghintay ng ganito katagal para sa isang guy. You know me, pag hindi ko talaga gusto, I tell them immediately. Pag medyo gusto ko lang, napapagod agad ako sa paghihintay. But Chris’ case is so different. Hindi na toh infatuation Mr. T! Kung hindi pa toh love ano na lang tawag dito? Siguro nga tama yung tingin ko na mas gusto ni Chris yung mga mature na tao. I have always been childish Mr. T! Siguro naman kahit 25 or 30 na ko childish pa rin ako. There’s nothing I can do about it. Minsan iniisip ko yung sinabi sa kin dati, “there is no right time and right place for the right person”. Gusto ko maniwala pero naramdaman ko na rin naman yun. Sobrang magiging unfair sa taong gusto mo mahalin tapos hindi mo siya kaya mahalin fully. May odds talaga.

Minsan napapagod na rin ako isipin si Chris at maghintay para kay Chris. Baket niya pa kailangan makipagDowne Downe or makipag”Flirt” flirt at magpapansin.  Siguro mas gusto niya nga yung may nagawa na sa buhay. Yung may naachieve na sa buhay at may nangyari na sa buhay. Sino ba naman ako? Hamak na delayed lang sa DLSU. Mga haka-haka ko lang naman yan Mr. T! dahil he never speak about those things. The way he treats me at times is really unpredictable. Minsan napakasweet, minsan wala lang, minsan ang lambing, minsan ang rigid. He makes me think. Pero despite those, I still like him. I even like him more. Siguro ngayon masasabi ko, medyo naiintindihan ko na kalagayan ni Chris. Sobrang kabaligtaran ko siya. Pero kahit sobrang iba yung mga gusto niya sa gusto ko, nafefeel ko, we compliment. Sana nafefeel niya rin yun. Baka ako lang na naman nakafefeel nito. Baket kaya ganun... hay. Minsan wala talaga ako sa lugar mag-isip Mr. T! Madali lang talaga ko kausap Mr. T! It’s either he tells me to wait or not to wait. Dahil baka hangin lang talaga ang hinihintay ko. Pero kagabi, panandaliang tumigil ang mga tanong na yan sa utak ko Mr. T! Kung puwede lang hindi matapos yung mga nangyari kagabi Mr. T! Kung puwede lang talaga.

So eto ang mga naganap kagabi...


Medyo bad trip ako nung naliligo ako. Weird, kung anu ano kasi sinabi sa kin. But anyways, I made sure na mauunahan ko si Chris sa Makati kaya bago pa lang mag4 pm, nagaayos na ko. Ang hirap mag-ayos ng buhok Mr. T! Kaya minsan masarap ang kalbo. So yun, nakarating sa Makati bandang 4:40pm siguro. Salamat talaga sa Diyos at hindi umulan at natuloy kaming lumabas ni Chris. Habang papunta sa Powerbooks sa may GB3, nadaanan ko ang Jollibee. Grabe, nagutom ako sa amoy nung store. So, umorder ng Jolly Hotdog, Solo Pizza and Black Forest. Isang store tapos Greenwich, Red Ribbon and Jollibee andun na! Cool di ba? Habang nakapila, nagtext si Chris Mr. T! Ganito...

"Um, mejo madilim at umaambon at mukhang babagyo..."

So nagtext back ako na nasa Makati na ko at hindi umuulan sa Makati. Itext niya na lang ako pagnandun na rin siya. Habang kumakain na ko ng pagkain ko, andun na pala si Chris sa Powerbooks. Okay fine, nauna siya. Dali dali kong inubos yung cake at may natira pa nga eh. Sos, nagsinungaling pa ko na andun ako sa may Archie na section. Hahaha, nahalata naman ni Chris na pagod na pagod ako. Anyways, yun. Ang cute ni Chris nung nagkita kami Mr. T! I can stare at him forever sa totoo lang. Do I sound desperate here? But really, ang cute niya kahapon. Weird! Or is it hindi siya naka collared shirt? Anyhows, ayun, medyo nagpahinga ko ang umikot ikot sa Powerbooks and siya rin umikot ikot. Malamang mahilig si Chris magbasa so pinabayaan ko muna gawin yung gusto niya sa buhay niya. Tapos nun, medyo umuulan so wala pa kaming balak tumuloy ng Serendra. So umikot ikot muna kami sa GB5. Hindi pa pala nakakapunta dun si Chris so nagtour muna kami. Grabe, ang saya ko hindi ko alam baket. Kahit naglalakad lang kami okay na okay na sa kin yun Mr. T! Pero tumingin tingin muna kami ng gadgets bago kami tumungo sa GB5. Since umuulan ulan pa talaga, sa GB3 naman muna kami tumambay. Nagkulitan, kuwentuhan, tawanan, gaguhan. Masaya pa rin Mr. T!

Dahil ang kulit ko at gusto ko ng pumunta sa High Street, sinabi ko pumunta na kami. Sabi ni Chris uulan pa yun pero ako makulit talaga. So tinahak naming form GB3 hanggang dun sa ilalim ng MRT tapos papunta sa isang madilim na kalsada. Umaambon ambon na nun Mr. T! Medyo malalaki na yung patak ng ulan. Hindi dala ni Chris yung mahiwagang payong niya. So buti na lang bago maging super lakas ng ulan, nasa loob ng kami ng bus. Fort Bonifacio Bus yung name nung bus. First time ko nakasakay dun. Sobrang cool ng bus Mr. T! Sabi ni Chris picturan ko raw or magpapicture ako pero nakakahiya hahaha. Basta nakakatuwa yung bus. Sa gitna meron malaking space tapos yung upuan nakaharap sa pinto. Tapos basta mahirap idescribe, di ako magaling sa pagdedescribe. I’ll take pictures pag nakasakay ulit ako dun. Galing galing. May bago akong natutunan kay Chris. Anyways, ayun, palakas na ng palakas yun ulan habang tumatakbo yung bus. Ako naman kilig na kilig dahil katabi ko si Chris. Ayun, kuwento pa ni Chris nagtrabaho siya dun before the The Fort. Basta as usual ang saya ko dahil andun lang siya. Maraming stops yung bus Mr. T! Bumaba kami dun sa may Market Market waiting shed. Naku, sobrang lakas talaga ng ulan Mr. T! Buti na lang mabilis kaming 2 tumakbo hahaha. Nakasilong agad kami. Buti hindi ako nagkasakit. Sana si Chris din hindi nagkasakit. Pagkadating naming sa Market Market. Naku! Brownout pa! Hindi rin kami puwede tumuloy sa Serendra at High Street dahil ang lakas talaga ng ulan. So umikot ikot muna kami sa loob ng Market Market. Ang saya.  So naghanap kami ng kakainan Mr. T! Ayun, pinulot kami sa North Park. Naku, yung Sweet and Sour Pork at Honey Lemon Chicken dun magkasinglasa! Blech! Buti kaharap ko si Chris! Hahaha... ayun nagpicture moments pa kami dun sa North Park Mr. T! It was so surreal. Nakakapagtake na ko ng pic ni Chris? Totoo ba toh? Hindi na silent si Chris? Totoo ba toh? Ang daldal na rin ni Chris Mr. T! I’m loving it. :D Anyways, after naming kumain, si Chris nagbayad, hindi ko alam kung libre or utang yun. Nalabuan ako. Anyways, tumila na yung ulan after naming kumain sa North Park. Naglakad lakad na kami sa Serendra and High Street. Walking was with Chris was a bliss. Kaya ko maglakad pauwi sa totoo lang basta kasama si Chris. Ang saya Mr. T! Never ko naimagine mangyayari yun. Then, since may Fully Booked dun. Ayun, pasok kami. Medyo magkagalit muna kami sa loob... hahaha. Dahil alam naman nating adik sa libro si Chris. Ako medyo lumayo muna dahil baka magselos ako sa libro. Hahaha. Ayun, naghanap rin ako ng mababasa ng biglang nagtext si Chris pasaway...

"Wow. Nagbabasa ka pala ng libro. Hahaha..."

Pakatingin ko sa taas ng Fully Booked, andun si Chris. Hahaha... naconscious ako. I stopped reading. Hahaha...
Pagtapos umikot ikot sa Fully Booked, nagkape kami sa Starbucks. Ang fun nung cashier nila kinukulit ako Mr. T! Hahaha... anyways, ayun kung anu anong kadisasteran nangyari sa dun. Natapon ang aking Caramel Frappe Mr. T! Nakakahiya di ba? Si Chris kinunan pa ng picture pasaway!!! Ayun, then umupo muna dun usap usap. First time ko nakita si Chris na super tumatawa. I love it Mr. T! :D Ewan ko ba anong meron si Chris baket gusto ko siya. Basta basta, masaya rin nung nasa Starbucks kami kahit er... natapon iniinom ko. Dapat pala lilipat kami ng upuan kaso nakareserve yun upuan malapit sa window! Tsk... tapos pinakita rin ni Chris yung nakadate niya na si Carlo na EIC ng PULP. Medyo selos ako... hmmm. Anyways, ayun, after magkape, naglakad lakad ulit kami sa Market Market, Serendra and High Street.
Sobrang kinakabahan ako pumunta ng Governement kagabi Mr. T! Gusto ko ng ituloy yung pagpunta kasi gusto ko pang mas maraming time with Chris Mr. T! eh... so kinaya ng bituka ko. So yun, nagcab kami papuntang Makati Avenue dahil andun ang Government. Medyo may pagkatanga yung taxi driver dahil lumampas kami sa dapat babaan. So nilakad muna namin ni Chris until Yellow Cab. Medyo tinignan muna naming kung bukas or may event yung Government. Ayun, nagTubig ako at si Chris nagCoke Zero muna sa Yellow Cab. Tapos dumaan kami sa Gov. Nilakasan ko loob ko para tanungin kung may event. Ayun, meron nga pero di ko alam kung ano at libre ang entrance Mr. T! Pero since hindi pa open, naisip ko na magRed Box na lang kami. I really didn’t want the night to end Mr. T! And yeah, inabot na naman ng May 11 on the streets. Hahaha... another 11 of the month na nagkita kami.

After nun nagRed Box na muna kami. Hindi naman sinabi sa kin ni Chris na marunong siya kumanta. Hay... wala na! Patay na ko! Hahaha... natrap ako sa haze nung kumanta na si Chris. I have always wanted someone to sing songs to me Mr. T! Sobrang natulala na lang ako. Pero bago pala yun, buti may membership ako dun sa Red Box. Hehehe... anyways, ayun. Basta kala ko hindi kumakanta si Chris pero Mr. T! Ang galing galing talaga. Iniimagine ko niyayakap ako ni Chris kahapon nung kumakanta siya. Tapos tig-2 pa kami ng San Mig kagabi. Medyo nahilo ko dun sa San Mig na yun pero keri pa naman. Then bago mag 4am, since 12am – 4am yung time naming na puwedeng igasta dun sa room, umalis na kami. Hahaha... may video ako ni Chris na kumakanta Mr. T! :D Tapos may pic pa kami together! Yey! Then since gusto ko talaga si Chris makapasok sa Gov, I insisted na pumunta pa rin kami. Ayun... pumunta nga kami... Same same. As usual puros bakla. Mga macho, matitipono, may mga ichura. Ewan ko lang ha, pero siguro lahat ng mga bakla dun gusto ng jowa. Ewan ko kung may matinong jowa dun. Hindi ako nagjujudge pero siguro 1 month matagal na kung magkajowa ka sa ganung lugar. Ewan ko, baka it’s just me. Anyways, ayun, tapos mga 30 minutes ata kami dun sa loob. Wala lang masaya  ko dahil nakapasok si Chris dun. Weird ba ko dahil masaya ko? Anyways ayun, then ayoko pa sana talaga umuwi dahil forever ko na ata gusto kasama si Chris... sadly kailangan muna matapos. So yun, nauna ko bumaba sa cab. Sa Aurora Blvd. na ako nagpapababa since puwede naming lakarin yung bahay naming from there at para tuloy tuloy ng papuntang Katipunan si Chris. It was a night Mr. T! If this is how I’ll wait, I can wait forever. Chris, take your time. I can wait sabi ko naman di ba. Basta sabihin mo lang kung wala akong hinihintay, dahil maiintindihan ko pero masasaktan ako siyempre :D I hope you’ll get here soon. I love you more! :D

Ngayon sabihin mo sa kin na hindi ka nakarating...
Currently listening to: Underneath The Stars by Mariah Carey
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on May 11, 2009 at 03:07 PM in Everyday Drama, Features | Post a comment

Pambungad Na Larawan

Finalists ng Century Tuna SuperBAD. Hahaha!

 image

April 30, 2009

Hello Mr. T! Eto na ang pinakaantay mong update. Hahaha! Actually sobrang delayed na toh. Hmmm… paano ko ba sisimulan, sige ganito na lang, kasi nasa Gateway ako last Thursday, April 30, 2009. Medyo wala akong dalang cash nun. Plano ko talaga magwithdraw kaso nakita ko yung linya sa ATM ang haba, sinubukan kong manghiram na lang muna ng pera. Pumasok agad sa utak ko si Barry. So tinext ko siya kung asan siya. Tamang tama, papalapit na siyang Gateway. Nagdadrive siya. So nakipagkita ko sa kanya. Dinaanan niya ko sa harap ng Araneta sa harap ng Shopwise. Kasama niya sa loob ng kotse si Benson. Papunta pala sila sa La Union. Bigla akong niyaya ni Benson na sumama raw ako. Since alam kong plano talaga naming nina Barry umalis, sabi ko sige. Sasama ako. Biglaang sama yun.
Biglaan
Walang plano plano. Sabi ni Benson, 12AM daw yung alis nung bus. So yun, after ng pinanood kong movie, dumiretso na ko ng bahays sabay ayos ng mga gamit ko and paalam sa nanay ko na aalis ako papuntang La Union. So yun, around 11PM, pumunta na ko sa McDonald’s Cubao. Dun kasi yung meeting place. So andun sina Barry, Simoun, Benson, and others. And yes, kasama si Ritz. Napapayag din namin agad. So yun kasama sina Sabs din. Sina Erin, Tess, Rocket, Denys, Ian, Van, Dearden at Val. O di ba? Yung iba sa kanila dun ko lang nakilala. Naging close naman kami agad. Hahaha! Then yun, bago mag 12AM, nagcab na kami papuntang Partas para sumakay ng bus. Then yun nasa Partas na kami…


May 1, 2009

Partas
image Maraming tao sa Partas. As in ang daming tao. Expected kasi Holiday kinabukasan. Alam mo Mr. T! hindi kami nakasakay. O di ba? Ilang bus ang dumaan pero hindi kami nakasakay. Sobrang 1M years ata. So habang naghihintay, nagkukulitan na muna, laro ng cards, lakad lakad sa Cubao. Kumain ako sa Jollibee with Benson, Barry and Rhitz. Wala, ganun pa rin, nakabalik na kami lahat. Walang gumagalaw na tao sa pila. Sobrang tagal, so nung sobrang tagal na talaga ng waiting time, sina Benson and others umikot para maghanap ng ibang bus line. Then tumawag sila and sabi na sa Florida may paalis na na Bus papuntang La Union. Onti lang ang tao. So yun, nagVan kami ng mga natira papuntang Espanya. Then sumakay sa bus ng Florida. Grabe, halos 6AM na kami nakaalis. So yun, may araw na nung gumalaw yung bus. Then siyempre, walang tulog lahat, kanya kanyang katabi. Meaning sandalan yung katabi. So si Rhitz katabi ko sa bus Mr. T! Then yun, hindi ko alam kung san banda na ng Manila ako nakatulog. Ang alam ko, hanggang magStop over na sa La Union, saka lang ako nagising...

Florida Bus 
Ayun, nga tulog ako the whole time. Yung iba gising na. So kawawa kaming napicturan. Wah! Then yun, sa stopover, dun na rin kami kumain. So yun, okay naman yung pagkain. Pero kadiri yun CR nung naihi ako. Ayaw ko talaga ng panget na CR. Tsk… then yun, gising na ko the whole time hanggang makarating kami sa lugar nina Simoun…

San Juan La Union
image Tanghaling tapat na kami nakarating sa harap nung City Hall. Dun kasi malapit sina Simoun. Then yun, nadaan din kami sa simbahan. Then ayun, nilakad na rin namin hanggang bahay nina Simoun then pili na ng kwarto. Kasama ko sa kwarto si Barry, Rhitz and Benson. Tabi kami ni Benson sa malaking kami. Sina Barry and Rhitz dun sa double deck. So yun, nakatulog ako hanggang mag-gabi…
May mga nagpupusoy, may mga nagsusungka. Usap usap. Kwentuhan. Ako tulog. Wahahaha! Sarap kasi nung kama Mr. T! As in paghumiga ka, talagang makakatulog ka talaga! Wahhh… so yun, pagkagising ko kumain then napag-usapan na tignan yung beach. Oo gabi na at titignan ang beach. Gusto ko ang ganung view, parang sobrang enchanting ang kahit anong body of water pag sa gabi mo siya makikita. Then yun, nilakad naming yung beach galling sa bahay nina Simoun

Beach, First Night
Bumisita lang kami. Tumingin tingin. Ikot ikot sa beach. Fineel at muna kung anong feeling nung beach sa gabi. Wala masyadong stars dahil maulap. Pero nakakita ko ng bulalakaw. Siyempre nagwish agad ako Mr. T! Then yun, bumalik na rin agad sa bahay nina Simoun. So yun, pagkabalik, parang inubos namin yung bilihin nung tindahan dun Mr. T! Then bumili na rin ng alak…

Inuman Session, First Night
Mild inuman palang Mr. T! Wala pang nalasing. Si Barry as usual namula lang. Hahaha! Then yun, may mga madaldal na tulad ni Benson. Tapos yun, hindi ako masyadong uminom. Hahaha! Dahil alam kong tatamaan agad ako dahil super antok ako nun eh. So medyo shot shot lang. Then yun, kwentuhan, nood ng TV, yung iba nagpupusoy na naman. Dumating na yung second batch ng kasama sa outing. Sina Yizvette, Renz at kapatid niya and si Rey (na ex ni Benson). Hahaha! Ang saya kaya asarin ni Benson! Then yun, ewan baket sarap na sarap ako matulog dun sa kama na yun. Hahaha! Then, natulog bandang alas 3am na rin yun. Mamalengke pa kinabukasan. So yung mga dapat sasama sa palengke, hindi na nakasama…

May 2, 2009

Alupihang Dagat, Tulya, Tahong
Pagkagising ko, nakita ko ang dami ng nakalagay sa lamesa. Puro seafoods. So ayun, hindi pa naman luto. Nakita ko si Barry naghihiwa ng mga panggisa, naku hindi marunong. Siyempre, tinuruan ako. Then yun, pinepare naming mga kakainin. Pati yung tahong na ibabake. Siyempre ako feeling housewife, ako naman nagpakafeeling na talaga. Hahaha! Then yun, nung matapos magprepare, nakatulog na naman ako. Good luck talaga sa kin. Siguro eto ginagawa nila nung tulog ako…

Hindi Ako Allergic Sa Tulya At Tahong
Sobrang concerned si Barry sa kin, kala niya lahat ng seafoods allergic ako. Sabi ko sa mga ka-uri lang naman ng hipon. So yun, binilhan pa nila ko ni Ritz ng ibang ulam. Sweet! Pero sayang kasi sa tulya at tahong hindi naman ako allergic eh. Then yun, lunch na! Sarap ng kinain namin Mr. T! Then after kumain, bonding bonding. One thing though, hirap maghugas ng pinggan dun kasi hina ng tubig sa lababo. Pero kaya naman. Then yun nagsimula ng mag-ayos para sa camping kinagabihan…

Beach… 
image May mga pumunta sa surfing site. May mga natira para magayos ng mga tent at magswimming lang sa beach. Dun ako sa later. So yun, hinakot na mga firewoods, mga tent, mga pagkain, mga damit, tumungo na sa beach para mag-ayos ng camping site at magswimming. Ang lakas ng alon. Talang dinadala kami sa shore nung alon. Nakakapagod ha! Pero Masaya. Then dadating pala yung kuya ni Simoun. Naku! So lahat kami nataranta. Siyempre naman nakakahiya pag nakita niya mga pinagagawa namin dun. Pero okay lang, then yun, may mga naiwan sa campsite para magbantay, then kasama ko sa bumalik sa bahay para magluto at magprepare ng mga dadalhin sa bonfire session…

Kuya Jacob
Si Sabs pauso. Tinatawag akong kuya Jacob. Hindi ko alam baket. Pero ang alam ko, pagtapos ko magluto, maglinis nung bahay, at magprepare nung mga dadalhin sa camping, bigla niya na lang ako tinawag na kuya Jacob. Hahaha! Ewan ko weird lang kasi kapatid ko nga hindi ako tinatawag na Kuya eh. Pero okay lan naman sa kin. Then yun, nung nagluluto ako, bigla na lang naging mausok buong bahay. Masakit sa mata, kasi naman pala walang bintanang nakabukas. Sorry naman, naka-aircon buong bahay. So pinabukas ko mga bintana. So yun, napagdecide naming na dun na kainin yung tilapia para hindi na messy sa camping site. Then yun, kumain then may mga nauna na asa camp site. Nakakahiya kasi sa kuya ni Simoun. Andun na sila sa campsite. Akala kasi ayos na lahat. Then naiwan kami nina Ate Tess and others para maglinis nung bahay so medyo nahuli kami ng dating. Yung mga galing sa surfing site, nakabalik na rin and nauna na sa camping site. So yun, after maglinis and all, tumungo na kami sa campsite sa beach…

Bonfire
image Nakasindi na yung bonfire. Ayos na ang tent. Kumpleto na lahat. Dala ang ang mga hotdog. So yun, nagstart na ang camping. First time ko maexperience toh. Ang saya pala Mr. T! Ayun, luto luto ng hotdog. Inuman. Kwentuhan. Picturan. May nakita na naman akong bulalakaw. Hahaha! Si Barry namula na naman. In fairness to Barry, umiinom na talaga siya. So yun, Masaya na ang lahat. Maayos ang lahat hanggang…

Si Benson at Van
Nakipaginuman sila sa kuya ni Simoun. Ay good luck talaga. Nagblack out yung dalawa. Unang nagblack out si Van. Nakakatakot. Bumubula bibig niya. Tapos tirik mga mata niya. NapaOMG talaga ko. Kala ko mamatay siya nung oras na yun. As in humampas talaga mukha niya sa buhangin. Hindi pa natapos yun dun, si Benson, nagwawala na rin. Naku Mr. T! Buti na lang wala akong tama. Tumulong pa ko sa paghimasmas nung dalawa. Grabe, pinalitan din naming mga damit nila. O di ba? Iba yung case ni Van at Benson. Si Benson nung lango na, tawa ko ng tawa. Yung kay Van nakakatakot.  Then yun, after maayos yung dalawa and naayos na kung san sila matutulog (sa labas ng tent actually), nag-ayos na rin yung iba, then ako, si Rhitz, Dearden and Sabs, naiwan na gising para bantayan  yung 2 lasing. So kami yung nasa harap nung bonfire buong time. Buong gabi hanggang mag-umaga…

May 3, 2009

The Guardian Angels
image Siyempre mega paypay ako sa mga lasing. Para lang malamigan sila kahit papaano. Wow naman! Dapat akong bigyan ng award sa pagkalingang tunay! Hahaha! Then yun, kaming 4 na lang ang gising. Nagsesenti, nageemote, kwentuhan at pilit binubuhay yung bonfire. Ayun, may mga asong umikot ikot sa campsite. Naku talaga. Si Dearden naman takot na takot. Tapos yun, wala lang, ewan ko paano kami nakatagal na gising. Ako dapat matutulog na at papasok na sa tent. First time kong makakatulog nun sa tent! Pero si Benson, biglang nagsuka nung pagkatayo ko. Shet! Hindi na lang ako natulog. So yun, nilinisan naming si Benson then ako umupo na lang din sa tabi nung mga lasing. Shet talaga! Hahaha! So inabutan na kami ng kalembang ng simbahan. Yung araw inabutan na rin kami. Unang nagising si Barry. So pinaalam naming kung pwede na kaming 4 mauna sa bahay para makatulog na rin. Ginising si Simoun para itanong kung may susi siya ng bahay. Naku wala. So yun, nagbakasakali na lang kami na baka magising naming Kuya ni Simoun sa bahay pag kinalampag naming. So dinala na naming ibang gamit papuntang bahay…

Ayaw Magising
Nung kuya ni Simoun.Kinalampag ko na yung pinto. Grabe tulog pa rin. Good luck. Buti na lang may mga patpat sa labas ng  bahay nina Simoun, dun muna kami nahimlay. Naku talaga. Ang init. Hilong hilo na ko sa antok. Dumating na lahat ng nagcamp, andun pa rin kami. Grabe, tagal nabuksan nung bahay Mr. T! Pagkadating na pagkadating sa bahay. Nakatulog agad ako. So yun, medyo okay na mga nalasing kagabi. Naligo na rin sila. So yun Mr. T!  Tulog na naman ako. Si Benson nung nakahiga ako at humiga siya, grabe yakap ng yakap! Kulit ng kulit! Naku talaga! Then yun, hindi talaga ko makatulog, naglunch na muna kaming lahat. Then ayun, buti lumabas ng room si Benson, nakatulog na ko. Hanggang magising ako at nagluluto na si Tess ng dinner. Tortang talong…

Pack Up
image After dinner. Inayos na namin mga gamit namin. Naligo na kami. Naglinis ng bahay. And around 11PM pumunta na dun sa may bus waiting shed. Ayun, parang wala kaming masakyang bus. Dahil puno lagi yung bus bago sa min makarating. So yun, kumain muna kami sa katabing burger stand. Hahaha! Hanggang naisip ng kuya ni Simoun na pumunta sa station ng Genesis. So yun, buti na lang, may papaalis na bus papuntang Manila. Then lahat kami, nagtricycle papunta dun. Tawa ko ng tawa kay Benson nung bigla siyang nagHi kay Rey nung nasa tricycle kami. Nasa likod kasi nakasakay sa likod ng ibang tricycle si Rey nun eh. Tapos kaming 3 nina Ritz. Katabi ko si Benson sa loob. Basta naaliw ako kay Benson sobrang laughtrip shet. Aylavet! Saya saya…

Genesis
Around 1AM. Umalis na yung bus. Katabi ko pa rin si Ritz para may masandalan ako. Pero hindi ganun ang nangyari.Dahil hindi ako nakatulog. Ang galaw galaw nung bus. Parang nasa Realto lang kami. Tapos si Rhitz puros joke pa. Pinagtitripan namin si Barry. Sakit ng tiyan ko kapipigil tumawa kasi tulog lahat ng nasa bus. Nakakaidlip ako ng onti Mr. T! Then yun, nagstop over na naman sa may panget na CR! Tsk! Siyempre takot ako magutom, bili na naman ng pagkain. Then bumalik na sa bus dahil papaalis na. Nakaidlip ng onti. Then pagkagising ko nasa bandang Pampanga na kami. Naisip ko na wag na matulog dahil malapit na lang. Then nung nakita ko nasa Balintawak na, ayun, nagising na sense ko. Ang saya saya na ng puso ko dahil Manila na rin sa wakas!

May 4, 2009

North-Ortigas-Makati
Ayun, may mga nababa na sa North, sa Ortigas, together with Barry, Rhitz, Yizvette, Benson, Sabs, Renz and his sis, sa Makati kami bumaba. Plano kasi naming manood ng sine lahat. So yun, grabe ibang iba yung Makati. Parang ang sarap  ng feeling. Sabi ni Yizvette sa bahay na lang muna nila kami magstay since wala pang bukas na mall. Sa Makati rin naman yung bahay nila so dun kami natungo. Dala dala mga gamit namin. Pumunta kami dun

Bahay Nina Yizvette
Ayun, medyo nagpahinga, habang andun. Humiga, nood TV. Then nag-almusal muna sa malapit na carenderia. Then yun, bumalik sa bahay nina Yizvette. Si Barry, gusto kunin kotse niya sa bahay nila and then babalik na lang sa Makati. Then yun, together with Ritz, Benson at ako, si Barry nagcab papunta sa kanila…

Bahay Nina Barry
Ayun, wala kasi parents niya kaya malakas loob naming pumunta. Then yun medyo nagpahinga ako. Pero maingay si Benson at Ritz. Si Benson harot pa ng harot nung nakahiga ako. Nung ako na nangharot, natakot ata lumayo! Buti naman! Si Barry hinatid pala muna sis niya sa Marikina. Then binalikan kami. Tawa kami ng tawa sa mga pictures ni Barry nung bata. Then yun, dumaan naman kaming Greenhills para sunduin si Van. Pero nagpagas muna si Barry sa N. Domingo. Dun ko nalaman na kapitbahay pala naming si Benson dati…

Greenhills
Sinundo namin si Van sa North Greenhills. Ayun, after sunduin, since nawala nga phone ni Sabs sa La Union, naisipan namin na bilhan siya dun ng phone. So ayun, si Ritz nag-abono. Super antok na ko. So habang naghahanap silang phone, nag-almusal ako sa Starbucks. Then yun, sa awa ng Diyos. Pagtapos ng mga negosasyon, nakabili na rin sila ng phone na gusto ni Sabs at may features na sinabi ni Sabs. Then naghahanap ng malulunchan. Rack’s dapat. Kaso naisip naming sa Makati na lang. So yun, pumunta na kaming Makati.

A. Venue
Hindi ko alam yung pangalan ng Korean resto na kinainan naming 5! Hahaha! Sina Sabs tawag na ng tawag. Pero dun kami kumain. Ayaw ko yung pagkain. Weird, si Benson nagpatawa na naman! Ako grabe as in nasuka! Wah! Pero sa CR ko ginawa. Umakyat lahat ng kinain ko kaya siguro ako nasuka. Wah! Then yun, kinita na sina Yizvette, Sabs and others sa G4 food court. Then yun… since 5:45 pa panonoorin namin, nagikot ikot muna kami. Ako gumawa muna ng milago sa GB4. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Matty. Shin Dang Dong pala name nung resto sa A. Venue

Matty
May problema si Matty. Pero salamat sa Diyos may trabaho na siya. Pero weird talaga Mr. T! Tulad nga ng sinabi ko sa kanya “Sabi ko sa yo!”. Hays, sana lang wag yung iniisip ko yung problema niya. Then yun, hinatid ko siya til MRT station. Then ako nagikot ikot mag-isa. Then yun nood na ng movie…

The Haunting In Connecticut
Hindi ako mahilig manood ng nakakatakot. Lalo na sa sinehan. Tawa na lang ako ng tawa nung  napapasigaw ako. Nagkaroon pala kami ng pagtatalo ni Barry bago manood. Ayaw kasi ni Barry manood ng nakakatakot. Hello ako ba gusto ko? Sinabi ko na sayang yung hinintay namin para dun kung hindi kami manonood and nakakahiya sa mga kasama naming. Pati sina Sabs ata nasindak sa titig k okay Barry. Ako lang daw nakakagawa kay Barry nun. Chairperson kasi nila si Barry eh kaya hindi nila maganun. Pwes ako wala talagang pake. Nakakahiya kasi sa iba. Ayun, pumayag naman si Barry. Nagets niya gusto kong iparating…

Finale
image  Ayun, then super sikip kami sa kotse ni Barry nung pabalik na kami sa bahay ni Yizvette. Naku talaga, dapat talaga magcacab kaming 3 nina Benson and Ritz, kaso yun nga, sobrang haba ng taxi lane! Wah! Then yun, siniksik na lang naming 3 sarili naming. Si Benson at Ritz nasa harap. Sobrang nakakatawa yung position nila. Then yun, buti na lang hindi kami nasita at buti na lang hindi naflatan si Barry. Hahaha! Then yun, kinuha na mga gamit sa bahay ni Yizvette. Dapat si Sabs and Benson sasabay kaso biglang sumabay si Renz and yung sis niya so yung 2, naglakad na lang dahil malapit lang naman Buendia from bahay ni Yizvette. So yun, unang binaba si Ritz, then lumipat ako sa harap. Then super gutom ako, nung nasa Greenhills na, nagpadrive through ako kay Barry ng Chicken Spaghetti at Aloha! Shet para kong patay gutom. Then yun, sumunod na akong bumaba. Then siguro si Van yun sunod dahil next street lang siya from street namin. Then yun. Pagkadating na pagkadating sa bahay. Tinanong ko sa nanay ko kung kilala niya yung name ng nanay ni Benson. Grabe kilala nga. Hahaha! Then natulog na ko agad sa sobrang pagod. Naghahanap ng pasalubong nanay ko. Kumusta naman, hindi naman kami namili!

imageSo yun mga nangyari Mr. T! Hmmm… hindi detailed tong kwento na toh. Eto lang lahat ng naalala ko Mr. T! Sorry naman. Pero at least yung naramdaman ko last week at least maalala ko. Ang saya saya. Di ba? Ngayon naisip ko na hindi ako pwede tumira sa probinsya! Grabe! Walang mall, sarado na mga tindahan sa gabi! Grabe grabe. Pero masarap magstay ng sandal dun dahil walang stress. Walang usok ng sasakyan. Walang internet. Walang iniisip. Masarap din mapalayo sa tunay na mundong ginagalawan. Pero mahirap maglipat ng mundo. Hindi siya ganun kadali. Once in a while maganda. Destress kung baga. So ayan, alam kong walang magbabasa nito. Kebs. Ako magbabasa nito pag maglolook back ako sa mga nangyari sa buhay ko. Ang saya saya Mr. T! Update you soon okay? Mwah! I miss you! I appreciate you and I love you Mr. T! Mwah! Mwah!

Sobrang daming pictures Mr. T! Eto mga links sa Multiply ng mga nagdala ng camera:

Pics from Sabs:
http://sabs05.multiply.com/photos

Pics from Denys:
http://ish6913.multiply.com/photos

pics from Yzvette:
http://izvet.multiply.com/photos

pics from Simoun:
http://simounbautista.multiply.com/photos

from Rhitz:
http://rhitzjoy.multiply.com/photos

Ayan sa wakas napost ko na rin. Ayoko na masyadong maglagay ng maraming pics dito sa Tabulas. Ang tagal tagal raw kasi magload ng site ko! Kumusta naman talaga! Anyways. Ayan na ha Mr. T! :D

Posted by jjcobwebb on May 8, 2009 at 12:24 PM in Everyday Drama, Updates, Features | 1 comment(s)

While browsing my Multiply site, I stumbled upon my Music page and found a playlist I posted 2 years ago. It's a playlist of songs that have inspired me. I won't upload the mp3's but I'm gonna put parts from the songs. Here's the playlist. And yeah, there are no Mariah songs here ;)

  1. Beautiful by Christina Aguilera
    "I am beautiful no matter what they say
    Words can't bring me down
    I am beautiful in every single way
    Yes, words can't bring me down
    So don't you bring me down today"


  2. Just for Today by India.Arie
    "It’s okay not to know
    Exploration is how we grow
    It’s ok to not have the answer
    Coz sometimes
    It’s the question that matters"

  3. Proud by Heather Small
    "I look into the window of my mind
    Reflections of the fears I know I've left behind
    I step out of the ordinary
    I can feel my soul ascending
    I am on my way
    Can't stop me now
    And you can do the same
    "

  4. Hope by Faith Evans
    "Cause I'm hopeful, yes I am, hopeful for today
    Take this music and use it, let it take you away
    And be hopeful, hopeful, and He'll make a way
    I know it ain't easy but - that's okay
    Just be hopeful"

  5. What A Wonderful World by Louis Armstrong
    "I see skies of blue and clouds of white
    The bright blessed day, the dark sacred night
    And I think to myself what a wonderful world
    "

  6. Unwritten by Natasha Bedingfield
    "I break tradition, sometimes my tries, are outside the lines
    We've been conditioned to not make mistakes, but I can't live that way
    "

  7. Step by Step by Whitney Houston
    "Oh, but I won't let my spirit fail me
    Oh, I won't let my spirit go
    Until I get to my destination
    I'm gonna take it slowly cuz I'm making it mine "

  8. Silence Must Be Heard by Enigma
    "Silence must be heard, noise should be observed
    The time has come to learn, that silence ...
    Silence must be heard
    Or diamonds will burn, friendly cards will turn
    Cause silence has the right to be heard
    "

  9. Everybody Hurts by R.E.M
    "Well, everybody hurts sometimes,
    Everybody cries. And everybody hurts sometimes
    And everybody hurts sometimes. So, hold on, hold on
    Hold on, hold on, hold on, hold on, hold on, hold on
    Everybody hurts. You are not alone
    "

  10. That I Would Be Good by Alanis Morrissette
    "That I would be loved even when I numb myself
    That I would be good even when I am overwhelmed
    That I would be loved even when I was fuming
    That I would be good even if I was cling
    y"

  11. You Gotta Be by Des'ree
    "Listen as your day unfolds
    Challenge what the future holds
    Try and keep your head up to the sky
    Lovers, they may cause you tears
    Go ahead release your fears
    Stand up and be counted
    Don't be ashamed to cry
    "

  12. The Rose by Bette Midler
    "Just remember in the winter
    Far beneath the bitter snows
    Lies the seed
    That with the sun's love in the spring
    Becomes the rose"

  13. Return To Innonce by Enigma
    "Don't care what people say
    Just follow your own way
    Don't give up and use the chance
    To return to innocence.
    "

  14. Video by India.Arie
    "So get in where you fit in go on and shine
    Clear your mind, now's the time
    Put your salt on the shelf
    Go on and love yourself
    'Cuz everything's gonna be all right"

  15. Morning Has Broken by Cat Stevens
    "Mine is the sunlight. Mine is the morning
    Born on the one light Eden saw play
    Praise with elation, praise every morning
    God's recreation of the new day"

Aren't they lovely? :-) Ang ganda ng mundo...

Currently listening to: Morning Has Broken by Cat Stevens
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on April 25, 2009 at 08:18 PM in Everyday Drama, Features, Music | Post a comment

Alam kong NO MEAT dapat ngayon, pero boto niyo naman si Mychal! Hahaha! Kapitbahay namin toh! Hahaha! At finalist na siya!!!! O di ba? Matagal ko ng crush toh! Hahahaha! May model pontetial talaga siya. At may balak pala ang lolo mo! Susme tangkad tangkad nito at pogi pa! Gulat ako ganyan pala katawan niya! Wahahaha! Pero onti palang nagvovote para sa kanya eh! Vote here.

image

Sana maglakad siya sa kalsadang nakaganyan! Wahahahaha! Eto yung link para makaboto kayo! Hahahaha! Sana manalo siya! Hindi siya photogenic at telegenic sa totoo lang. Pero hot talaga toh at pogi! Di tulad ng iba ang pogi at hot sa picture wala namang binatbat sa personal! Hahaha! Baka magkaroon pa kami ng kapitbahay na model nito kung saka-sakali! Click here to vote again! At kung may taong envious ngayon dahil may kapitbahay kaming hot, si Jeffrey yun. Feeling ko lang naman. Wahahaha! Update you ng bonggang bongga tomorrow Mr. T! :D Iboto niyo ha! Haha! Eto ulit yung link! Hahaha! Kulit! Make it a habit! Vote everyday! Hahahaha!

Currently listening to: air
Currently reading: Century Tuna Superbods website
Currently feeling: masakit tiyan
Posted by jjcobwebb on April 11, 2009 at 09:39 PM in Everyday Drama, Features, Gayness | Post a comment
« Newer · »