Entries in category "Gayness"

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, ikaw ang unang-unang tinext ko. Hello Mr. T! Kumusta ka naman? Grabe ang bagyo ngayon dito. Si Pedring. Parang si Milenyo sa sobrang lakas ng hanging. Sumisipol talaga grabe. Anyways, eto ako, kinakabahan. Hahaha! Feeling ko magkakajowa na ko FOR THE FIRST TIME IN MY LIFE! Kinakabahan talaga ko! Kasi alam mo yung minsan feeling mo na hindi ka sapat dun para sa tao. You're not enough ika nga. Nahihiya nga ako dahil tumanggi ako na sumama nung nagrerecord na siya ng album. Tapos tumanggi rin ako pumunta nung may rehearsals sila. Kung ano mang spotlight ang meron siya, ayoko tumapak dun. Natatakot din ako na kung magkakaroon siya ng guestings kung sansan, eh hindi ako makakapunta. Ano pang silbi ko kung magiging kami? Siguro ngayon lang tong pakiramdam na toh. Naramdaman ko rin dati toh sa isang nanligaw dati sa kin na designer kaya hindi ko siya sinagot. Sana tong inferiority complex ko mawala. I'm getting there. Kinikilig na ulit ako. Natatawa na ko sa mga kacheesihan and I find it cute ulit. Sinasanay ko na ulit sarili ko sa mga drama. Nakasmile ako ngayon sa totoo lang. Sana eto na. :) Susme Mr. T! ha! Gusto ko na makatikim ng sex ah! halos 3 years na kong tigang! Hahaha! Si Chris pa last na nakakyeme ko pero hindi pa sex talaga yun! Oo si Chris! Baket gulat ka ba Mr. T! Binanggit ko yung pangalan?  Let us all move one and iturin na lang natin siyang parang Von and Steve. Dun na siya sa category na yun :) Hahaha! Tama na muna ang drama. Ako na ang tigang! Hahaha! Joke lang, siyempre hindi naman sex ang habol ko, kasama na yun! Pero yung 3 years hindi yun joke! TOTOO yun! Wahuhuhu!!! Hahaha! Tignan mo nakakapagkwento ulit ako ng mga ganyang bagay Mr. T! I am learning. Binubuksan ko ulit pagkatao ko sa ibang tao and siyempre ang puso ko. Sana makanta ko na yung kanta ni Barbara Streisand and Bryan Adams! LOL! O siya, wala ng sense tong entry ko. Update you soon Mr. T! :) And to you, I have yet to hear you play the grand piano, hindi ako solve sa iPad lang. Ehehehe... mwah!

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on September 27, 2011 at 11:18 PM in Everyday Drama, Gayness | Post a comment

Sa totoo lang, hindi ko alam nakain ko at baket naadik ako sa Barbie. Wah! Ang mahal kaya nila! Laging ubos sahod ko sa kanila! Hahaha! Pero tuwing bumibili ako, sumasaya ko. Weird noh? Ewan ko lang talaga baket nangyari toh. Pati yung Barbie #1 and Ken #1 bumili talaga ko! At sa ibang bansa pa! Pati sa Amazon at Ebay pinatulan ko na makabili lang ng Barbie. Sabi nga, hindi na mahihirapan na regaluhan ako. Barbie lang daw magiging masaya na ko. Oo naman. basta dapat Fashionista line ng Barbie. At dapat, yung wala pa ako! Hahaha! Bigla silang dumami ng ganito. 

DSC_0676

199429_10150158082801079_607976078_7970816_6295210_n (1) 188338_10150158082961079_607976078_7970819_716743_n
190376_10150158083296079_607976078_7970827_1324829_n DSC_0243

I’m looking for an original Barbie doll house dito sa Pilipinas. Yung 3 storey. Pero wala akong makita. Meron sa US pero hello naman $200 dollars ++ pa! May shipping at tax pa yun. OA di ba? Hahaha! Sabi ko sa kaibigan ko na simple lang naman makakapagpasaya sa kin, bigyan lang ako ng Barbie okay na. Sabi ng kaibigan ko, good luck! 1k ang isang Barbie, hindi raw simple yun. Hahaha! Naisip ko nga rin. Ang mahal pala nila. Pero napasasaya nila ko pagtinitignan ko sila. Ang inosente kasi eh. Siguro nga deprived ako dati magkaBarbie. Ngayon lang lumabas. Siguro nga. Hahaha! Malapit na pala ang 13th month! Hmmm… lahat yun Mr. T! alam mo na kung san mapupunta! Hahaha! Bay bagong released pa naman na Fashionista dolls. Mwahahaha! Nakakaexcite. I need more space in my room. I love Barbie. I love Ken. Feeling ko mga anak ko lahat sila. Anyways, update you soon Mr. T! :) At sa mga makakabasa nito, magdonate naman kayo ng Barbie sa kin. Or kahit nung damit lang. Mahal din kasi nung damit! Hahaha! Gusto ko magkaroon ng Barbie town! Mwah!

Posted by jjcobwebb on May 9, 2011 at 07:08 PM in Everyday Drama, Gayness | 1 comment(s)

Feel ko lang naman! Hahaha! At wish ko lang talaga! Musta na Mr. T! Eto, nag-aayos na lahat ng tao sa bahay dahil bukas na alis namin papuntang Singapore. Nasa kwarto akoni Bruno. Hindi ko mahanap laptop ko at dito ako nag-uupdate. Hindi naman ako makapagupdate sa iPad. Ilang beses na ko nag-attempt magblog from that device --- ayaw. Anyways, buong pamilya kaming aalis bukas. Ay, hindi pala lahat, hindi kasama si Papa. Ayun, sana matuloy din pagpunta namin sa America next year para masaya. Though marami pang kailangang ayusin na papel. Haha! Sobrang dami na ng nangyari Mr. T! Isa sa mga highlights ng nakaraang linggo eh ang Christmas party ng company namin. Well, nagdiva divahan ako Mr. T! Bwahaha! Parang Christmas Special ko talaga yun! Haha!  Eto ang pictures:

photo 

Pwede ring Subtle Bliss Live in Madison Square Garden or Subtle Bliss: One Night Only (Live from Staples Center). Feelingero talaga amputa! Hahaha! Wala, matagal tagal na rin akong hindi nakakanta sa harap ng maraming tao. Yung outfit ni Mariah sa Tokyo 1996 chinachannel ko niyan, sabihan ba naman akong Boy George! Leche! Though hot si Boy George dati. Hahaha! Last time kong kumanta na sobrang dami ng tao nung sa DSLU pa ako. Hahaha! Ang sarap ng feeling Mr. T! Ngayon ko lang naramdaman na masarap kumanta sa harap ng maraming tao. Sa totoo lang, malat ako nung Christmas Party. As in siguro na napunit lalamunan ko kapapractice sa kantang di ko naman gusto. Under Pressure yung kinanta ko. Original ng Queen and covered by My Chemical Romance. Very very straight na song. Sabi ko nga, Bringin’ On the Heartbreak na lang iisipin ko. Nagawang ballad ni Mariah Carey yung kanta na originally rock ang genre. Baket ang feeling ko lang talaga? Hahaha! Anyways, magkasabay yung party ng Planet at ng sa office Hahabol pa sana ako sa Planet nun kaso sobrang traffic. Ninais ko na lang magpahinga sa table at manood ng mga sumunod na performance. Nanalo performance namin. Magkano rin napanalunan namin. Pamasko na rin. Pagtapos na pagtapos ng raffle draw, hindi na ko pumarty at uminom dahil naramdaman ko talaga ang salitang “wasted”. Buti hinatid ako ni Rolfe and Janna sa bahay nung gabing yun. At kaloka, hahaha! Meron sa office ibang department, yung sa lalakeng super nakatitig ako nung sumasayaw sila. Hot talaga! Sabi ng mga officemates ko kahawig ko raw yun matangkad lang yung guy. Pero iba kasi aura nung lalake. Malamang aurang lalake! At straight. Iniimagine ko ulit itsura niya. Kung kahawig ko man yun, so pag naging lalake ako hot ako? At pagnanasaan ko sarili ko? Hahaha! Hahanapin ko yun! Haha!

Dami na nangyari lately Mr. T! Lumabas kami nina Barry and Rhitz para magdinner lang kinabukasan nung Christmas party. Nagplan na rin kami ng annual post-Christmas dinner namin. Sina Luis and Che hindi ko na nakikita. Naasar lang ako dahil sabi ko magkita kami ni Luis bago kami umalis ng Pilipinas dahil pagbalik ko, nasa Saudi na siya and next year na kami magkikita. Sabi niya busy siya dahil exams. Malaman laman ko magkakasama sila nina Kevin and others. Nainis ako sorry talaga. Nagtatampo lang siguro ako. Tapos yun, lumabas labas kami ni Paul. Tas kasama si Ardie na bet ni Paul. Hahaha! Tas ang bait pa ng kapatid ko, sinundo kami sa Greenhills tapos hinatid sina Paul at Ardie sa Pasay. Oh di ba? Ang layo. Feeling ko ganun din ako kabait pag nagdrive na ko --- next year. Hahaha! Pero naiisip ko lagi akong lasing. Advisable ba Mr. T! na ako ay magdrive? Hmmmm… parang hindi. Hahaha! When everybody drives and has a car, hindi na masaya. Wala ng bonding moments sa loob ng kotse. Wala ng emote habang pauwi. Chaka baka bigla akong magkajowa pag nagdrive ako. Char lang! Hahaha! Pero pag wala na talagang taxi, tulad ngayon, epal mga taxi, nagsisisisi ako. Pero nabubuhay pa naman akong hindi nagdadrive. I can live without it sa ngayon. Kahit naiinis na sa kin magulang at mga kapatid ko.

Wala munang emote sa entry na toh Mr. T! Hindi ko alam kung kelan ako ulit makakapag-update. Siguro pagbalik na naming Pilipinas. At yes Mr. T!, alam mo naman siguro na first time akong mag-oout of the country. Hindi ako nakasama sa Thailand with Family last November. Wala lang, excited ako na parang hindi. Kasi Asia lang naman yun. Pero experience na rin. Sina Marco nasa Singapore din pala. Nagyayaya na agad ng inuman dun. Hahaha! Hindi pa ko naghahanda ng mga dadalhin ko. Sa 23 na balik namin Mr. T! Halos isang linggo rin yun. Tas pinapaaral pa sa kin paano gamitin ang SLR na camera. Grabe, wala talga sa bokabularyo ko ang SLR. More of point and shoot camera ang gusto ko para hindi effort. Pero marunong na ko gumamit. Haha! Parang tanga lang ako noh? Hahaha!

So ayun muna updates ko Mr. T! Ay oo nga pala, grabe kilig na kilig ako sa duet ni Blaine and Kurt sa Glee. Leche di ba? Hahaha! Gusto ko ng jowa na magaling kumanta! Tas kanta kanta kami halos araw araw. Iikot love life namin sa music. Dun kami magcoconnect sa music. Dun namin eexpress love namin sa music. Kakantahan niya ko. Kakantahan ko rin siya. Hahaha! Bibirit kaming dalawa! Hahaha! Nakakatuwa. Ang sarap isipin. Napasulat ako ng blog entry na Subtle Bliss: The Musical kaso baka mastress makakabasa nung entry na yun. Parang ang specific ng mga tao! Ma-issue na naman ako. Hahaha! Saka ko na ipopost pag malakas na ulit loob ko. May nagtanong sa kin kung SMP (Samahang Malalamig ang Pasko) raw ako. Sabi ko “Hindi naman Valentines day ang Pasko at for 25 years, wala naman akong love life. Ibang SMP alam ko, Samahan ng Magaganda sa Pasko! Hahaha!” --- natawa ko sa sinabi ko. Baket kaya ibang tao hindi makali pag wala silang jowa? Ako --- masarap lang mangarap. Hahaha! Masaya na ko sa ganun. And adult na ata talaga ko. I should start acting as one. Dami ko ng nasasaktan sa pagkaisip bata ko.

Marami akong gusto isulat Mr. T! Hindi ko lang macompose thoughts ko. Parang naiisip ko sila pagnaglalakad ako pero pagkaharap ko na ang laptop, nawawala sila. Parang gusto ko tuloy gumawa ng private na Twitter para pag may pumasok sa utak ko dun ko ilalagay. Anyways, update you soon Mr. T! Hindi ako makakapunta sa mga party na mangyayari ngayong weekend. Birthday pa naman ni Sabs bukas and may Christmas party sa bahay nina Tearra. Marami akong mamimiss. Pero yun nga, family always comes first. Masyado na kong nagpaparty nun nung nasa Thailand lahat sila. Ngayon, sasama naman ako para makasama sila and since may pasok ng Pasko at New Year, sa trip na lang na to ako magmamake up para dun. Di ba Mr. T!? I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you. Sobrang hirap matulog ngayong schedule ko pero buhay pa naman ako. Salamat sa Diyos. Update you soon Mr. T! :)

Currently listening to: Misty Moon by Mariah Carey
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on December 16, 2010 at 06:12 PM in Everyday Drama, Updates, Mariah, Gayness, Food and Dining, Family | Post a comment

Kumusta na Mr. T! I’ve never felt this good. Kung gaano kataas yung Emotions ni Mariah Carey ganun rin kataas yung kasiyahan ko. Ganun kataas yung love nararamdaman ko mula sa mga tao sa paligid ko. Anyways, bago ko simulan ang entry na toh, bababalikan ko muna ang birthday celebration ko last year. Isa rin toh sa mga hinding hindi ko makakalimutang celebration. Dito ko unang naramdaman na mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko. Last year toh, November 21, 2009…

Last Saturday, November 20, 2010, naramadaman ko yung pagmamahal sa kin ng mga kaibigan ko. I may not have everything in life pero sa pagmamahal na binuhos sa kin nung nagdaang Sabado, wala kong maitulak kabigin. Sobrang saya ko na nakarating mga inimbita ko. Alam kong may mga kulang na importanteng tao nun pero I am very speechless. Kahit sinabay ni Evan yung celebration niya sa celebration ko, nagpapasalamat pa rin ako. Akala ko hindi magiging masaya yung party. 3AM na natapos. May mga humabol pa. May mga umeksena pa. May mga bumirit. Tawa lang ng tawa. Grabe parang naging street party yung loob ng bahay Mr. T! Simpleng birthday pero naging bongga. Hahaha! Sa mga wala kagabi, namimiss ko na kayo, sa mga nagkasakit, sana’y gumaling na kayo, sa mga wala sa bansa, hihintayin ko pagbalik niyo. Pero habang andito ang iba, magpapasalamat muna ko.

IMG_0947

Sobrang nagpapasalamat ako at sobrang nakakataba ng puso. Sabi nga ni Luis, since hindi siya nakapunta last year sa birthday ko, “Nilagpasan mo expectations ko”. Buti naman nasiyahan ang lahat. Ako rin sobrang saya ko. Ang maganda nung gabing yung strangers became friends and friends became best friends. Hahahaha! I can’t put into details the things that happened anymore. I’ll post the pictures on Facebook and it’s enough for story-telling. I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! Salamat dahil magaling na si Page and Bruno. Salamat dahil 25 years na kong buhay. Salamat sa pamilya ko, mga kaibigan ko at mga katrabaho ko. At salamat hindi nastress pamilya ko sa mga lalaking naghahalikan at naghoholding hands nung gabing yun. Buti open minded talaga sila! Salamat rin pala sa mga taong galit sa kin, napatunayan kong hindi kayo importante sa buhay ko. Baka ako importante sa inyo. Hahaha! Salamat sa Diyos at kung may fairy godmother man ako, salamat din ^_^. Hahaha! Mwah!

Currently listening to: O Holy Night by Mariah Carey
Currently feeling: super happy
Posted by jjcobwebb on November 22, 2010 at 08:37 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Family | 1 comment(s)

Sobrang saya last weekend Mr. T! Sobrang hindi ko makakalimutan. Isang super sayang birthday pary ni Elle and isang super sayang (kung naalala ko lang) inuman with people I’ve not seen for a long time. Grabe Mr. T! Bago ako pumasok, pumarty muna ko sa bahay nina Jean sa Valle, since dun yung celebration ni Elle. The entire cast of Divas Live was there! Hahaha! Nar brought his piano, and eherm, his boyfriend na magaling din magpiano. So yun, imagine mo na lang, riot talaga. Parang black people in church yung bahay nung nagplay na ng kung ano mang chords si Nar nun. Batuhan ng kulot, birit, ng hirit, ng yeahs at ohhs. Feeling mo yung Holy Spirit nasa bahay ni Jean nun. Hahaha! Tas may game pa, high ka diva! Tinaas ng tinaas ni Nar yung chords til di na maabot. Talo ko! Hahaha! Si IJ nanalo nakawhistle siya! Hahaha! So yun super saya talaga! Hindi ako uminom. Ay nagsisinungaling ako, pumasok ako ng office ng may tama. Hahaha! Tama! Tas natulog sa office! Bwahahaha! Sobrang saya ng party ni Elle.

IMG_0920

Then nung Saturday night naman. After a very long time. Nagkita kita kami nina Gary. Sumobra naman saya namin. Sa sobrang saya hindi na namin maalala kung ano mga nangyari. Salamat sa Bacardi 151. Hindi lang yun. Una nagTequila kami. Tas nagVodka. Tas ang pamatay na drink. As in literal. Pagkagising ko nung umaga walang laman wallet ko. Tas sa sahig ako humiga kahit hairstrand na lang pagitan ko sa kama ko! Hahaha! Sobrang bangag lang talaga Mr. T! And then Laquisha was born. Hahahaha! Sobrang ang ingay sa Distillery. Tas andun din si Carlo. Matagal tagal ko na rin di nakita si Carlo. So mega picture din kami and kumustahan. So yun, yung iba nakapagObar pa pero di na nila maalala. Hahaha! Umuwi na ko nung tumambay kami sa Attica. Hanggang dun na lang naalala ko.

IMG_0921

Sobrang saya lang Mr. T! Then Sunday nagYogurt lang kami ni Rhitz sa Promenade then umuwi na. Sobrang antok kasi ako nung dahil nagpamasahe kami dito sa bahay nun. Tas nung Monday nagLaguna kami ng family dahil si Tita Beauty umuwi ng Pilipinas. Kasama siya and tinour siya dito sa Pinas. Tapos kanina nagpakain ako sa office. Late pa ko sa office kasi salamat talaga sa biglaang birthday party ko kahapon. Hahaha! Napasarap tulog ko. Bukas birthday naman ni Che. Kailangan ko ng powers. Mahaba habang inuman toh Mr. T! Si Che pa eh malapit na rin maging alcoholic yun! Hahaha! Anyways, the greetings are still coming. Ang dami pa ring belated messages. Nakakataba ng puso. And yeah, mukhang okay na sina Page and Bruno. Andun kami kanina nina Mama, Ate and girlfriend ni Bruno wih friend nila. Then nung paalis na ko nakita ko si I.J! Sa St. Luke’s pala nagtatrabaho yung lalaking yun. Pumasok muna siya sa suite nina Bruno and Page. Then super kwentuhan sila ni Ate. Hahaha! And tumambling lang talaga ko sa sinabi ni Ate…

Ate: Baket kasi isa lang presidential suite niyo dito? Yun dapat kukunin ko…
I.J.: Ganun nga po talaga eh. Pero sushal na nga ng room niyo…
Ate: Pag ako nagpagawa ng ospital, papalagay ako maraming presidential. Hahaha!
Ako: Ay sige! Dun na ko titira! Hahaha!

Loka loka talaga mga kapatid ko. At nastress ako sa kotse ni Kuya Mr. T! Ang laki lang! Grabe! Pag andito sila sa bahay wala na silang mapagparkan. Yung Prado ang laki. Yung Fortuner ang laki. Yung Grandia at Hiace ang laki laki rin. Tas yung dalawang trak ang malalaki rin! Susme! Walang pang gimmick na kotse! Dapat kasi binigay na sa kin yung Camry nun! Siguro sinipag ako magdadrive kung yun gamit ko. Ang maldita ko lang nun! Parang ginawa yung bagong bahay para maging parking lot! Hahahaha!

Anyways update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. ^_^

Currently listening to: Butterfly by Mariah Carey
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 17, 2010 at 06:32 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining, Family | Post a comment

Ang bilis noh Mr. T!? Grabe lang. Magbibirthday na naman ako. Month ko na naman. Wala akong pera pambirthday. Hahaha! Naisip ko may credit card naman. Hahaha! Anyways, ayun, ano bang meron, halloween parties here and there. Bonding moments with friends, family and officemates. Mga tao pala sa bahay nasa Bangkok lahat. Di ako nakasama. Di ako nakapagfile ng VL. Pero okay lang dahil super party naman kami dito ni Luis simula nung Friday pa. Nakakatamad gumalaw. Natututo akong maging tamad sa bahay na toh. 3 ang kasambahay. Pag gising may pagkain na. Tas lunch na. Tas dinner na. Grabe, may taga-ayos pa ng kalat. Gusto ko man siya pero weird Mr. T! Baka masanay ako. Hindi naman ako ganito. May sinulat pala kong update pero nasa draft pa siya. Mga Thursday ko sinulat yun pero hindi ko natapos dahil ang ingay sa office. Ang weird baket ganun, papalapit na birthday ko pero parang ang lungkot lungkot ko lang.

Si Ritz may sakit pala. Si Barry nasa Baguio. Si Benson hindi ko naasikaso kahapon. Super iyak sa phone nagbreak na talaga sila ng jowa niya. Nakonsensiya ko hindi ko siya nadamayan. Sina Luis, Meets, Carl and Che asa bahay kahapon super saya lang. Tas ako naman nung Friday nagpaka-Alice In Wonderland sa office. Umattend din ako ng black party kasama sina Jondee, Rain, Benson and Luis. Parehas pa kami ng hair design ni Benson. Nakita ko rin si Harry after ilang years. Pumayat siya. Hindi ako nakasama sa Puerto Galera nina Archie. Tapos si Prince (dog namin) naman okay na simula nung lumabas sa ospital. Grabe naiyak ako nung kala ko mamatay na si Prince. Hays… ayun ano pa ba, nagEnchanted Kingdom din pala kami ni Beck, Sherry, Mich and MJ. Tapos ilang bagyo na rin ang dumaan sa Pinas. Aayt eto buhay ko para paring binabagyo.

Grabe alcoholic na yata ko Mr. T! Parang ang dami ko lang problema. Hmmm… anyways, eto mga pictures ng mga nangyari sa buhay ko lately. Pasensiya ka na talaga kung di ako nakakapagupdate. Wahehehe. Si Twitter kasi eh. Ang bilis magupdate. Sana iintegrate ka na sa Twitter para masaya. Pero kahit gaano sa tingin ng tao na kasiya ko, may kulang pa rin. Ang daming kulang. Hindi material na bagay eh. Ang bilis noh? Matatapos na naman ang taon. Tatanda na naman ako. Nagmamahal pa rin ako. Anyways, pictures:

4-up on 2010-10-31 at 23.54

alice rue
enchanted jt
prince black
black4 IMG_0718

So ayan mga nagagnap sa buhay ko lately Mr. T! And yes, congrats to my one and only diva, Mariah Carey and his husband Nick Cannon. They’re pregnant! Yey! At long last Mariah’s gonna have a baby. I’m expecting a mature record from her after this. Yey! Hehehe! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Night shift na ulit ako. Hays! Update you soon! Goodbye Friday nights! Hello Sunday nights! :) and yes, I am choosing to be happy. Kinakaya ko araw araw. Mwah!

Currently listening to: Moon River by Andy Williams
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 1, 2010 at 01:14 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Family | Post a comment

Hello Mr. T! Pwede bang iphotoblog ko na lang mga nangyari simula Friday night hanggang Sunday night? Hahahaha! I feel so loved Mr. T! Ang daming nagmamahal sa kin kaya hindi mo rin ako masisisi kung baket hindi ako naglolong magkaroon ng jowa. I’m over flowing with love from the people around me. Friends, relatives, family. Grabe lang. Anyways, pictures:

Friday:

Pepper Lunch with Gibs and Vin

Nakakatuwa si Vin. Wala lang, ang saya saya lang talaga nung nagkita kami. Feeling namin ang tatagal na naming magkakakilala. Tas si Gibs din sobrang okay kausap and kasama and masaya rin. Weird, I ended up being very happy when we parted. Story sharing talaga ang naganap. Napamulat ako sa mga bagay bagay na dapat matagal na kong mulat. Thanks guys! :)

IMG_0058 IMG_0056

Bubba Gump with Barry and Rhitz

Namiss ko sina Barry and Rhitz! Guess what! Bago ko pumasok ng Bubba Gump nakita ko si Jeffrey! Yes Mr. T! Hindi ko na tinawag. Never naman siyang nagparamdam. I’d rather have my real true friends that night than someone who keeps moving away. Pagod na ko sa mga habulan at drama. Kung kaibigan niya pa rin kami. At least find a way. Anyways, sobrang saya naming 3. Red Mango afterwards then Izakaya. Si Rhitz sumama sa Promenade dahi kikitain ko sina Luis.

IMG_0071 IMG_0067

Izakaya

Nagparty crash lang ako. Hahaha! Andun si Rams, Benson, jowa niya, Jiggy and jowa niya rin. Hahaha! Mega laklak ako ng Absolute Vodka! Sarap ng Cherry. But I had to leave early dahil 3 hours late na ko sa gimmick namin nina Luis. So umalis agad ako. Kahit I really wanted to stay.

IMG_0074 IMG_0075

Promenade-Distillery-Obar

Promenade videoke. With Chen and Celine. Ayun, nung natapos na, kaming talaga ni Che, and Luis natira. Dapat hahabol kami Izakaya kaso umalis na rin ang mga bakla dun. So, nagDistillery kami. Nagpalibre sina Che ng samboteng Jose Cuervo. Go… after nun. Tawa na kami ng tawa. Super lasing talaga sila. Tas super takbo kami sa The Fort tawa ng tawa. Walang nagdrive. Nagcab kami papuntang Obar! At si Luis! Bongga! Hahaha! Then balik sa The Fort. Then nakatulog sa kotse. May araw na nung nagising kaming 3…

IMG_0088 IMG_0077

 

Saturday:

Redbox – Marciano’s

After 1M years! Nagkita kami nina Tin, Ivan and Matty! Si Angelica and Deck hindi nakasunod. Si Aubrey, tumawag pa from abroad so parang andun din siya! Hahaha! Namiss ko sila. Hays… ayun. Videoke then super kain. Super kwentuhan. I miss these guys Mr. T! Kung alam lang nila gaano ko sila namiss. Then hinatid ako nina Ivan and Tin nung pauwi na. Hays… namiss ko ang college.

IMG_0117 IMG_0146

Mr. Kabab

Pagkauwi ko from Greenbelt. si Tita Mercedes and Mama nagyaya gumala. Sushal gimick! Hahaha! So yun, gusto nila ng Kebab, dinala ko sila sa Mr. Kabab sa West Ave. Kasama rin yung pinsan ko na si Michael and then since malapit lang si Luis, pinasunod ko siya! Wahahaha! Si Paul nagyaya pang magMalate, I had to turn him down, pagod na ko! LOL!

IMG_0154 IMG_0150

Sunday:

Orchard Road

Mass with family. Then nandun din pala mga relatives namin. So kumain kami sa Orchard Road then super shopping lahat sa Forever 21. Ako super hanap ng polo para magmukhang tao naman ako. Dapat papaparlor pa ko ni Ate kaso gabi niya. Bwisit na lahat ng tao sa hair ko eh! Sabi ko kasi papakulot ko! Ayaw naman nila! Hahahaha! Hays… sobrang saya Mr. T!

IMG_0168 IMG_0159

I feel so loved. Ang daming taong nagmamahal sa kin. Mahal ko rin lahat sila. Sabi nga ni Tin, kung naststress na ko sa mga tao sa paligid ko, sabi ko no! Hahaha! Masaya ko pagkasama mga taong mahal ko. Naku, sina Sherry di ko pa nakikita. Sina Mike din miss ko na. Sina Nar and Phi and sankabaklaan! Lulubusin ko toh! Sina Bea di ko na rin nakikita and sina Pao and Archie and friends. Hays… lulubusin ko talaga ang aking morning shift! Hahaha!

Sige Mr. T! Ayan ang aking weekend na parang sang linggo nangyari lahat. May pasok na naman bukas! I’m free at last. The chain is broken. Chain of fools… :) UYS! ILY! IEY! IAY! Mwah! :) And now, I shall sleep…

Posted by jjcobwebb on September 5, 2010 at 11:27 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining, Family | Post a comment
« Newer · »