Entries in category "Movies"

Hello Mr. T! Gulat ka ba at may update ka ngayon? Hahaha! Anyways, ang saya lang. Hindi ko alam baket siguro dahil Christmas Time Is In The Air Again dito sa bahay. May Christmas tree na. May mga ilaw na sa labas. May reindeer na sa labas. Hahaha! I already feel so Christmas-y. Matutulog pa ko ulit para sa shift ko mamaya. Pero ayun, update muna kita kasi baka sa office matulog lang din ako. Hahaha! Feeling Mariah ko sa picture ko oh Mr. T! Hahaha! Feeling Merry Christmas II You! Hahaha!

190282557

Ayun, kahapon, nanood kami ni Benson ng Megamind at pinaghintay niya ko ng 2 oras sa Megamall! Ang galing lang talaga! Hindi ako nagsasalita nung nagkita kami. Dapat talaga uuwi na ko kaso umikot ikot na lang muna ko sa Megamall mag-isa. Okay na sila ni Melto salamat naman sa Diyos. Naloloka ko pag umiiyak sa harapan ko si Benson. Wala kong ma-advice. Haha!

Sobrang okay yung movie pero sobrang predictable. Dun ko lang narealize na bawat bida, kailangan talaga ng contrabida and vice versa. Hindi exciting ang buhay kung walang kakumpitensiya. Pero totoo yun, kailangan talaga minsan yun para makita mo kung hanggang san ka aabot. Kung hanggang san lang kaya mo. Kung matatalo ka ba ng kalaban mo. Parang may pinaghuhugutan naman ako. Haha! After nun, bumaba kami sa Gateway ni Benson. Imemeet niya yung kapatid niya at katulong niya dun. Tas habang pababa ako ng MRT, nakita ko Tweet ni Gibs na nasa Gateway siya. Since wala akong gagawin at nakatulog na naman ako, pumunta ko sa CBTL. Ayun, kwentuhan, and habang naghihintay ako ng kape ko sa counter, nakita ko si Jiggy. Grabe, super kwentuhan kami ni Jiggy and all. Tagal naming di nagkita since Black Party pa. Awa ng Diyos nagstop siya ng law niya. Hahaha! Puro party kasi ginagawa. Then yun, si Jepoy dumatin. Ayun super kwentuhan ng mga nakakatuwang bagay. Super nakakatawa si Jepoy nakakatanggal ng stress. Hahaha! Then around 8pm umuwi na rin kami. Weird ang sarap ng tulog ko kagabi.

Then hinahanda ko na ang birthday ko Mr. T! Baket ang daming gustong pumunta? Artista ba ko? LOL! Or ganun na kadami kaibigan ko? Well sana mga totoong kaibigan sila. I hardly trust pero whoever wants to get close to me, go lang, huwag niya lang ako aawayin. So far wala naman akong naririnig na may naninira sa kin. Hahaha! Sabi nga sa kin, wala naman daw kasira sira sa kin dahil sarili ko sinisiraan ko. Tama! Bwahaha! Ang saya pala magplano ng party. Grabe, hindi raw ako bibigyan ni Mama and Ate sa birthday ko! POTA! Fine! Ako magbabayad lahat! Wahhh! This will be the last time na magbibirthday ako ng bongga! Dahil 25th birhtday ko toh, dapat special. Quarter life na talaga ko --- kung umabot man ako ng 100 years old. Hahaha! Though nakakalungkot maraming importanteng tao na hindi present sa birthday ko. Pero, sabi nga, kailangan matuloy ang party! 

And yes, I am officially missing Chris and Jeffrey. 2 taong sobrang importante sa buhay ko. Hay! Shet! Pag tahimik talaga paligid napapa-emo ako! Pero seriously, I miss them Mr. T! Alam mo kung gaano ko sila kamiss kahit minsan ang gago gago ko lang. Kahit minsan ang galing ko mambwiset. Kahit minsan pinapainit ko ulo nila. Sobrang miss ko na sila…

Anyways, baka kung san mapunta tong entry na toh, tapusin ko na. Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Kung mawala wala man ako dito sa Tabulas, alam mo kung san dapat ako kalabitin, sa Twitter! Haha! Mwah!

Posted by jjcobwebb on November 9, 2010 at 08:11 PM in Everyday Drama, Malling, Movies | 1 comment(s)

Kauuwi ko lang galing sa kasal ng kapatid ni Tin Mr. T! Buti na lang hindi sumabit boses ko kahit buong week akong puyat! Grabe lang ang nakaraang mga araw Mr. T! Uunahin ko na namana ng storya na ang bida ay si Benson! Kahit kelan talaga si Benson! I hate to admit this Mr. T!, pero kahit na sobrang naiinis ako at naasar kay Benson, magaan ang loob ko sa kanya. Mag-uupdate na ko ngayon dahil baka matambakan ako bukas! Salamat naman at wala rin akong gimmick ngayon. At bukas baka tambak na updates ko dahil sabi ni Ate magSubic kami. Itetest drive yung bago niyang biling Grandia. Siya na talaga! Hahaha! Anyways, kwento na ko...

Wednesday

Nagkita kami ni Benson. Oo nagkita kami. Sa bahay namin! O di ba? Tumambling lang ako at nasa kalsada na siya namin. Ayun, alangan naman palayasin ko. Hindi ko ugali magpaalis na tao kung galing pa siyang malayo at nag-effort talagang pumunta sa bahay niyo. Hindi ko siya sinarhan ng pintuan. Hindi ko rin ugali yun. Sinoli ko na mga gamit ni Benson dito sa bahay Mr. T! Pero may mga iba pa siyang naiwang gamit dito. Ayun, tapos nalaman ko na namang may eksenang ginawa si Benson sa bahay nila. Nung nagmessage ako sa YM niya pero hindi naman siya online! Kapatid niya online! Dun ko lang nalaman na lumayas na naman siya! At tumawag din tita niya sa bahay namin! Hays… naaawa ako kay Benson Mr. T! Sobra. I hate his ways and all pero I care so much about him. Kung alam niya lang. Nasampal ko talaga at nakagat ko pa si Benson sa sobrang inis sa kanya :( So yun, bago ko siya pinauwi, nanood muna kami Alvin and the Chipmunks 2:  The Squekquel. Nagulat lang ako andun si Charice sa movie! Then sabi ko kay Benson umuwi na siya sa kanila dahil kung hindi, ako mismo maghahatid sa kanya. Awa ng Diyos, umuwi si Benson at…

Thursday

Kinabukasan, nasa bahay na naman namin si Benson. Hahaha! Dito ulit siya nagdinner Mr. T! Wala naman siyang ibang pakay, gusto niya lang ng makakausap. Amp! Antok na antok ako grabe, tas nasa pintuan na pala namin siya! OMG hahaha! Gusto ko matulog pero ang daming kwento ni Benson. Habang nakahiga ako super kwento si Benson so paano ako makakatulog? Ayun, salamat naman naisipan niyang magMANGA online. Medyo nakaidlip ako. Thursday din, usapan namin ni Luis aalis kami at magMuMusic 21. First videoke of the year namin together Mr. T! sa Music 21! Nauna pala yun sa Timezone. Ayun, kasama ang madlang people, si Angel, si Joyce, Bea, Che, Gretchen, Alex and si Benson sinama ko na rin. Sinundo pala kami ni Luis dito sa bahay Mr. T! Kasama niya si Gretchen. Hay! Sobrang saya nung Friday Mr. T! Ibang level. Pati mga kinain at ininom naming Red Horse ibang level! Around 11PM na kami umuwi. Pero kami ni Benson binaba ni Luis sa GB3.

21012010212 21012010216
21012010221 21012010215
21012010219 22012010224

Sinamahan muna ko ni Benson dahil may imeet pa kong friend nung gabing yun. Si Don. Ayun, bandang 12AM na kami nagmeet ni Don. Si Benson nauna ng umuwi. Hay, Benson will be Benson Mr. T! Ewan ko ba! So yun, dapat kasi Friday kami magkikita ni Don pero, nagtext kasi siya na punta siya Makati, so yun, Mr. Spontaneous ata kami, so nagkita na rin kami. Sa wakas! After 2 years! First time namin magkita. Ang bilis nung 2 years na yun. Nagkita na rin kami sa wakas. Then he insisted driving me home dahil dangerous na raw, sabi ko NO. Hahaha! So yun, around 2AM umuwi ng may tama, natulog, nagising 530AM pumasok and then…

Friday

Nagstay ako sa pharmacy after work. Natulog lang ako. Hahaha! Nagreserve ng energy para sa mga itinerary for evening. Well, Avatar Day lang naman kahapon Mr. T! The super much awaited movie na gusto namin panoorin. Hahaha! Sa wakas napanood din namin kahapon Mr. T! Kaming apat lang nina Barry, Rhitz and Sabs! Sobrang ganda nung movie Mr. T! Wala akong masabi. Simple at predictable and storyline pero dinala ko ng mga effects. Panalo sobra ang Avatar! Pero bago pala kami manood ng Avatar, nung may binili ako sa MiniStop sa Columns at nagwithdraw ng pera, nakita ko si JC nakatambay sa Starbucks with officemates sa Columns! Bongga di ba? Hahaha! Si JC! May entry nga ako sa kanya eh. Eto oh http://subtlebliss.tabulas.com/2010/01/09/jze-/. Sobrang saya. Sinamahan niya ko bumalik sa pharmacy tapos magkalad til GB3. Sinamahan din ako maghintay kina Sabs, Barry and Rhitz. O di ba? Hahaha! Gusto ko ng jowang tulad ni JC! Hahaha! Eniwi, yun, tapos bumili kami ni JC ng dinner ko sa Jollibee. Naubos ko rin bago pumasok ng movie house. Ang tatagal kasi ni Barry and Rhitz. So yun, pinabibilis ko na kwento ko Mr. T! Sorry! Hahaha! Tapos yun, JC left nung papasok na kaming movie house and then after nung movie nagMcDo kaming 4. Si Rhitz papuntang Zambales ko kailangan niyang umalis before 12AM. Eh kaso si Don, hinihintay ko sa GB3 dahil Friday talaga yun day na magkikita dapat kami. So nagstay muna silang 3 for me while waiting for Don. Ayun, nakilala nilang 3 si Don. Then yun, umuwi na yung 3 and kami ni Don chineck kung may movie pa, wala na, closed na ang ticket booth. So sabi namin videoke na lang. Mahal ang RedBox. So bumalik kaming parking lot and sa Music 21 kami pumunta…

22012010225 22012010226

Saturday (Madaling Araw)

Madaming tao. Sabi ni Don sa Malate na lang kami magvideoke. Ayun, tambling, ngayon ko lang nalaman na may videoke booths pala sa taas ng Sonata Mr. T! Nag-inuman kami ni Don. Red Horse na naman puta. Patumba na ko nung 3rd bottle. Super antok na rin kasi. Si Don after magvideoke, hinila ko sa Obar. Naku talaga, may second floor na pala ang Obar. Lounge and VIP. Pinakilala ako ni Don sa may ari na si Mon. Si Tompating andun! Si Toby andun din and yung bestfriend ni Don na si Nico andun din. Wahahaha! VIP lahat sila puta! Nagkamustahan portion pa kami ni Tom. Ay oo nga pala, ang ganda ng boses ni Don! Kaloka lang! Hahaha! So yun, sumayaw si Don. Dancer din pala si Don. Grabe, tumugtog Bad Romance. Pinapili niya ko kung anong gusto kong sayaw niya, kung straight na sayaw, pang bading or lady gaga. Sabi ko lahat! Shet! Na-amazed ako! Huli kong nakitang magaling magsayaw na sinayawan ako eh si Von! Wahhh… super natuwa ako nung sumayaw si Don Mr. T! So yun, pinalalapit ako ni Don sa kanya, pero nahihiya ako kasi maluwag ang dance floor sa taas di ko type. Gusto ko masikip ang dance floor para hindi ako nahihiya. So hinila ko ni Don pababa. Dun kami sumayaw. Hahaha! Sobrang fun. Pero ayun nga, may sinabi ako kay Barry kanina. Shucks! Iba pala yung feeling pag parang bakod ka lugar na ganun. Hahaha! Naparealiza ako na sabi ko sa sarili ko, “shet parang mali!”. As in super hawak si Don sa kin. Super lapit na ng mga mukha namin and super nakahawak at hila hila niya ko. Parang may mali talaga! Wahhh… pero yun, since kailangan umuwi at matulog dahil sa kakanta sa wedding ng kapatid ni Tin kinabukasan, around 3AM hinatid na ko ni Don sa may amin. At nawala raw siya at napaC5 pabalik sa kanila. Hahaha! Then nung umaga daming utos ni Mama. Tapos wala pa kong sapatos. Buti na lang hinila ko ni Ate papunta sa kanila. Bibili dapat ako ng bagong leather shoes sa Greenhills. Nakita ko sa shoe cabinet ni Kuya and dami niya boots! Grabe, super natypan ko yung CK niyang boots! Panalo! So yun ang sinuot ko kanina sa kasal…

[to be continued…]

Posted by jjcobwebb on January 24, 2010 at 12:27 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining, Family, Movies | Post a comment

Kauuwi ko lang. Galing kaming RP ni Benson. Nanood kaming In My Life. Grabe, nakakaiyak yung movie Mr. T! Ibang level. Kwento ng nanay at anak. Ng nanay at jowa ng anak. Ng pagiging anak. Pagiging nanay. Pagiging bading. Pagiging magjowang bading. Pagiging kapatid. Halo halo. Nakakaiyak. Iyak kami ng iyak ni Benson. At may dalang tissue si Benson. Pero sa gitna na pag-iyak ko, natawa ko nung nakita ko si Benson na mas super iyak sa kin. Hahaha! Weird talaga ko. Hahaha! Ayun, ahaha... maganda yung movie pero di sing bongga ng Kimmy Dora.

Ayun, nilakad namin ni Benson papuntang RP galing DLSU then RP pabalik DLSU. Lakas ng trip namin noh? Marami kasi kami napag-uusapan pag naglalakad kami. Hahaha! Birthday ng kapatid niya ngayon. Nakibati na lang ako.

Pagkauwi ko nagpadala ng credit card BDO. Di naman ako nag-aaply. Weird. At naasar ako ang tagal magload ng Glee episode 5 ko! Ano ba naman toh! Naunahan na tuloy ako ni Jeffrey matapos til latest episode! Episode 5! Hahaha!

Nakakamiss maglamyerda Mr. T! :-) Update you soon!

Currently listening to: Up Out My Face by Mariah Carey
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: masakit tiyan
Posted by jjcobwebb on October 5, 2009 at 10:26 PM in Everyday Drama, Mariah, Movies | Post a comment

Half of the day yesterday was bore-fest. Good thing Sherry went online and I invited her to watch Transformers with me in Trinoma. My treat. She was a little surprised yesterday when I said that it was my treat since it's been like 1901 when I last treated her out. Sherry has always been my closest girl-friend in college together with Beck, AK, Joan, Ria and Alda. I wonder where Joan, Alda and Ria are now. I had no gay friend back when they were my friends. With the exception of Jeff, Rhitz and Barry of course. Hahaha! Anyways, I checked the movie schedule and the showing time were 3pm, 5pm and 6pm. I picked 5pm and told Sherry that we meet by 4:30pm.

I arrived in Trinoma around 3:30pm. I strolled and went inside a lot of boutiques while waiting for Sherry to arrive. I wanted to buy a new jacket/cardigan/hoody and new snickers. The jackets I own right now has been with me for like 3 years now and they're kinda look old. So I tried looking for jackets in Giordano, F&H and Topman. There was this white jacket in Giordano that I really wanted to buy but when I went to Topman, I saw this gray jacket that really looked cool. So I had a dilemma. I restrained myself from buying and told myself that I'll wait for Sherry and ask for her opinion on the two jackets that I was eyeing on.  

4:30pm and still no sign of Sherry. She didn't drive since her car was coding. She sent a text message that she was on the bus and was complaining that the bus kept waiting for passengers to aboard. I didn't want to buy tickets for the 5pm schedule when she texted me that so again, I checked out the jacket in Giordano and Topman. I really wanted it Mr. T! Anyways, 10 minutes before the movie time, finally she arrived. That's when I bought the tickets. Then we bought food. Then went inside the movie house. 

Transformers 2 was a fun movie. Childish plot though. But overall, it's a movie worth watching. Megan Fox kinda looked like Angelina Jolie. I'm gay, but she was hot. After watching the movie, I told Sherry about the jackets. She easily picked the Topman jacket. She told me to think carefully because the jacket was priced at a whooping 2,000php. She asked me if it's really needed. I said NO. Then we went outside Topman laughing then I told her that I'd just treat her to dinner. 

I've seen the facade of the newly renovated SM North EDSA for quite some time now but I've never been able to explore its interior. So I asked Sherry to give me a tour in the newly renovated SM then afterwards we'll find a place to eat there. So we walked til SM. Good thing there was already a footbridge from Trinoma's parking lot to SM's entrance. Or was it The Block's entrance? Anyways, there, the new look of SM North EDSA was very Trinoma-ish. It was built with fountains, trees plants, streams and glass walls (a cheap copy of Trinoma's garden on the top floor where Starbucks rest in the middle). But overall, it was good. I felt like I wasn't in an SM mall at all. Thankfully, it was a weekday and there weren't a lot of people strolling in the mall. Then we saw Max's Restaurant. Then we ate there. My treat again Mr. T! So I picked the menu.

We had a lot of catching up on our stories yesterday. Sherry even asked me about a topic that I dare not speak about ever. The conversation went awkward when she asked that "how-is" question. Hahaha! "It's been like 8 years now and we're happy for each other", that was my answer then we changed topic. Maybe, we're getting older because we're talking about kids, weddings (yes, he and Ipe are already discussing about this), work and whatever’s. Things I dread to talk about. I'm a child at heart Mr. T! Things like this don't have a place in my mind. My heart. It's reality but as always, I try to escape from reality. For me, it's like self-protection. Anyways, there, we ate. We killed ourselves with what I've ordered. We were dead full. Hahaha! The Sherry wanted to sing. Redbox was still open around 9pm so we went there. 

We sang. We laughed. We danced. We drank. We got drunk. Hahaha!

Around 1PM we were still in Trinoma. We kept laughing. Then we were walking along EDSA so as we could reach the MRT station but the security guard told us that the route of the train was from South to North and no more routes from North to South. I told Sherry that I'll just hail a cab. I was really scared walking along those streets that time Mr. T! Since I've never been on that place that late. Sherry is from North so she knows the place very well and told me nothing bad will happen while we were walking. Weird really because back in college Sherry and I can walk along Recto in the middle of the night and I was not a bit scared. There were a lot of security guards in Trinoma but hell, I was sooo scared. Anyways, so there, Sherry helped me find a cab first. Then after I was in the cab, she was in already in another cab. This was a good thing since I won’t have a hard time thinking if she was okay. 

As soon as I got home, I fell asleep. :D

It was flantastic. It's been 48 years since Sherry and I hang out like this. I love Sherry. I just wish she and Ipe end up together. And I'll sing in their wedding and I'll be the ninong of their child. Hahaha! Suddenly I missed all my girlfriends in La Salle.  

Next, Ice Age.

Currently listening to: Gold by Spandau Ballet
Currently feeling: naiihi
Posted by jjcobwebb on July 10, 2009 at 01:43 PM in Everyday Drama, Features, Malling, Food and Dining, Movies | 1 comment(s)

Just got home Mr. T! Kagagaling lang namin ni Barry sa Promenade nanood ng He's Just Not That Into You. Anyways, ayun, tanghali na ko nakapasok sa drugstore kasi yung Oscars tanghali na rin natapos. Anyways, maganda ang speech ni Sean Penn kanina, pati ako napapalakpak. Hahaha!

Tapos yun, nagpunta na sa RCBC. Sobrang init Mr. T! Grabe! Then nagbantay. Sobrang sakit ng tiyan ko hindi ako nakapaglunch pala. Inubos ko yung Tropicana sa ref sa drugstore! Hahaha! Then ayun, naCR CR ako! Amp! NagFX ako hanggang Galleria pauwi kanina Mr. T! Tapos nagpalit muna ng damit at nagdinner bago kinita si Barry sa Promenade.

Ang usapan kaming 3 nina Ritz manonood ngayon, kaso wala pa si Ritz. So kami na lang ni Barry. Siyempre DIVA ko, past 8PM ako dumating. Sa Fully Booked kami nagkita ni Barry. Hindi na namin nakuha yung gusto naming time para panoorin yung movie. Dapat 8PM exact eh, kaso ayun, sa 10:35PM kami nauwi! So wala kaming maiikutan since sarado na mga stalls and stores. Bukas pa ang Starbucks sa Promenade. Pero nung nakaupo na ko, naalala ko ang Starbucks sa Missouri! Hahaha! Hinila ko si Barry papunta dun and nilakad namin. Habang nilalakad namin, nakasalubong namin si Si Enciong. Si Mr. Sebastian! Yep, Music teacher namin nung HS. Gay. Then nagkamustahan...

Jacob : Ay ay ay, hello hello!
Enciong : O san kayo pupunta?
Jacob : Dun sa Starbucks sa Chillis. Kaw?
Enciong : Ang layo ng pupuntahan niyo ah! Ako sa Mercury bibili ng toothbrush. Ay baket wala ka ng buhok?
Barry : Ganun talaga. Haha!
Jacob : Ah, nagwawait kasi kami ng movie eh, 10:35PM pa ulit...
Enciong : Sige sige. Andun din ako sa Starbucks mamaya...

Then yun, pagpasok sa Starbucks, hinanap ko agad favorite barista ko dun! Shet andun! At shet din, bantay salakay na naman yung GF niya sa kanya! Hahaha! Then si Barry nilibre ako. At may complementary drinks na naman yung resibo niya! Second consecutive times na! Hahaha! Then yun, naupo at nagkwentuhan. Then dumating si Enciong...

Enciong : Oi eto oh, may bago akong raket *nagbigay ng brochure. tutoring ek ek*
Jacob : Wow ah! Dami mong raket! Yayaman ka niyan!
Enciong : Kailangan eh. O sige dito muna ko sa table na toh... *pumunta sa kalapit na table*

Then usap usap. Then may dumating na 'friend' si Enciong. NakaATENEO shirt. HOT COLLEGE STUD. Pero not so HOT pala. Nakatayo si Enciong sa likod ko. Napatingin ako sa guy and tumingin ako kay Enciong. BINATUKAN AKO NG MALAKAS NI MR. SEBASTIAN! Hahaha! Hinampas ko siya in return. Pota! Wala, kami ni Barry kinausap na lang si Ritz sa phone dahil ang hirap pagchismisan ng taong nasa paligid lang worse katabi ng table. Hahaha! Funny. Naunang umalis si Enciong and yung 'friend' niya na hindi man lang kami pinakilala. Hahha!

Bago mag 10PM bumalik na kami sa Promenade Mr. T! Then yun, bumili ng ticket. Then naghanap ako ng makakainan. Walang Roadhouse Piattos sa cinema so sabi ko kay Barry sa Mercury kami bumili. Bigla akong napastop...

Jacob : OMG Barry! Di ba sa Mercury pumunta si Enciong?
Barry : Oo baket?
Jacob : Toothbrush di ba binili niya?
Barry : Yep... OMG
Jacob : Hindi lang toothbrush nabibili sa Mercury di ba? SHET! Hahaha!
Barry : Sira ulo ka talaga! Now I feel bad!
Jacob : Okay lang. Masama ka naman talaga! Hahaha!

Sarado na ang Mercury. So V-cut na lang binili ko and Sarsi sa Cinema. Then movie na. Wala kong masabi sa palabas kasi nabasa ko na rin ang libro. Tama lang. Pero iba kasi may acting eh. Mas feel. Hahaha! Ewan ko, isa lang masasabi ko, nasaktan ako dun sa office scene ni Bradley Cooper and Scarlett tapos dumating wife niya ayaw niya makipagsex sa wife niya pero kay Scarlett gustong gusto! Shet! NapaOUCH talaga ko ng bongga dun! Shet talaga! Feel na feel ko yung saket! Hahaha! Tapos natawa kami nung dinelete ni Drew yung Myspace niya. Hahaha! Familiar scene. Familiar scene. Hahaha! Then yun, hinatid na ko ni Barry pauwi. At ang haba ng entry ni Ryanini! Katamad basahin! Hahaha! Yung bunsong kapatid ko pala nasa probinsya na naman may medical ek ek.

Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! :-) Papasok pa ko ulit in a while dahil madaling araw na. Sige sige. :-D

Currently reading: MS Outlook
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 24, 2009 at 01:49 AM in Everyday Drama, Malling, Movies | 4 comment(s)

I'm a sucker for love stories. As in basta nakakakilig, hindi ako makakaget-over agad! Grabe Mr. T! Nakakakilig pala talaga yung A Very Special Love starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Grabe, nakakatawa si Sarah. Ngayon alam ko na baket tumabo sa takilya toh. Ni wala nga masyadong promotion toh pero number one movie siya last year. Nakakatuwa si Sarah (Layda). Favorite ko talaga siya. Si John Lloyd din (Miggy) ang galing. Kahit hindi maganda katawan ni John Lloyd tulad ng mga peers niya like Piolo and others, iba rin yung appeal niya. Wahhh... nakaka-in love yung palabas. Buong time kong pinapanood ko sa iPhone ko nakasmile ako grabe. Ano ba yun. Hahaha. Rare mangyari na nakasmile ako sa buong duration ng isang movie. Ewan ko ba sa sarili ko. Siguro mahilig ako sa mga ganitong palabas kasi gusto ko rin mangyari mga nangyayari sa kin sa mga love story. Hahaha! May mga sad parts din. Pero most of the time, nakakatawa and nakakakilig. Thanks sa acting ng dalawa. Tamang timpla talaga sila. Okay na okay ang pagpapares sa kanila. Anyways Mr. T! May mga dialogue na super tinamaan ako. Haha! Tamang tamang naiiyak si Sarah nung sinasabi niya mga dialogue na yun. Pati ako nahawa sa pag-iyak! Hahaha! Share ko lang yung dalawang scene na sobra kong natouch and naiyak.

Scene 1

Layda : Sana naman magkaroon ka kahit konting pakiramdam.Kasi kung nagkakaganyan ka dahil sa tingin mo wala ng kayang tumanggap sa yo, mali ka eh. Gusto mo sumuko dahil sa tingin mo sumuko na lahat, nandito pa ko. Kung sa tingin mo walang nagmamahal sa yo...
Miggy : What? Mamahalin mo pa rin ako? Layda I didn't ask you to love me.
Layda : Alam ko...
Miggy : Then don't make me feel as if I have to love you back. Kahit balig-baligtarin mo ko ngayon wala na kong mabibigay sa yo. Maawa ka nga sa sarili mo. Itigil mo na yan. Mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang umasa. Mapapagod ka lang maghintay. Mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin.
Layda : Kahit minsan di ko naramdamang nakakapagod kang mahalin. Ngayon lang...

Scene 2

Miggy : Ang hirap naman nito eh...
Layda : Mahirap? Yan mahirap? Subukan ko kayang magmahal sa isang tulad mo para malaman mo kung ano ang mahirap...
Miggy : Alam ko. Dahil buong buhay ko sinubukan ko mahalin ang sarili ko. Nahirapan din ako. And I'm sorry that I didn't love you in the way at the time that you did. Pero maniwala ka, maniwala ka minahal kita sa paraang alam ko. I'm a work in progress Layda. Ngayon ko pa lang nararamdaman na pwede pala akong mahalin na kahit ganito ako. Ngayon ko pa lang natutunan na kaya ko pala magmahal kahit ano ako. So please, don't give up on me...

Ako mismo nagtranscribe niyan ha! Haha! Shet Mr. T! Sana mga pelikula pwede mangyari sa totoong buhay noh?? A very special love talaga ang buhay with matching happy ending rin. Nakakatuwa yung palabas. For sure masarap tulog ko nito...

At nagpadespedida pala si Kuya Ricky and Ate Ningning kanina. May inuman. Ako hindi uminom, kumain lang. Aalis na naman kasi sila eh. Tapos pinapapasok ako ni Ate bukas sa RCBC. Musta naman ang aga ko pa gigising mamaya. At kung ininvite ako ni Sir lumabas sa Friday. Kung wala kaming kasama, date ba yun? Yak naman di ba?  Tsk. Sige sige Mr. T! Update you soon. Good night/morning! -.-

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 15, 2009 at 01:45 AM in Everyday Drama, Movies | 4 comment(s)
« Newer · Older »