Subtle Bliss: A Very Special Christmas (LIVE)
Feel ko lang naman! Hahaha! At wish ko lang talaga! Musta na Mr. T! Eto, nag-aayos na lahat ng tao sa bahay dahil bukas na alis namin papuntang Singapore. Nasa kwarto akoni Bruno. Hindi ko mahanap laptop ko at dito ako nag-uupdate. Hindi naman ako makapagupdate sa iPad. Ilang beses na ko nag-attempt magblog from that device --- ayaw. Anyways, buong pamilya kaming aalis bukas. Ay, hindi pala lahat, hindi kasama si Papa. Ayun, sana matuloy din pagpunta namin sa America next year para masaya. Though marami pang kailangang ayusin na papel. Haha! Sobrang dami na ng nangyari Mr. T! Isa sa mga highlights ng nakaraang linggo eh ang Christmas party ng company namin. Well, nagdiva divahan ako Mr. T! Bwahaha! Parang Christmas Special ko talaga yun! Haha! Eto ang pictures:
Pwede ring Subtle Bliss Live in Madison Square Garden or Subtle Bliss: One Night Only (Live from Staples Center). Feelingero talaga amputa! Hahaha! Wala, matagal tagal na rin akong hindi nakakanta sa harap ng maraming tao. Yung outfit ni Mariah sa Tokyo 1996 chinachannel ko niyan, sabihan ba naman akong Boy George! Leche! Though hot si Boy George dati. Hahaha! Last time kong kumanta na sobrang dami ng tao nung sa DSLU pa ako. Hahaha! Ang sarap ng feeling Mr. T! Ngayon ko lang naramdaman na masarap kumanta sa harap ng maraming tao. Sa totoo lang, malat ako nung Christmas Party. As in siguro na napunit lalamunan ko kapapractice sa kantang di ko naman gusto. Under Pressure yung kinanta ko. Original ng Queen and covered by My Chemical Romance. Very very straight na song. Sabi ko nga, Bringin’ On the Heartbreak na lang iisipin ko. Nagawang ballad ni Mariah Carey yung kanta na originally rock ang genre. Baket ang feeling ko lang talaga? Hahaha! Anyways, magkasabay yung party ng Planet at ng sa office Hahabol pa sana ako sa Planet nun kaso sobrang traffic. Ninais ko na lang magpahinga sa table at manood ng mga sumunod na performance. Nanalo performance namin. Magkano rin napanalunan namin. Pamasko na rin. Pagtapos na pagtapos ng raffle draw, hindi na ko pumarty at uminom dahil naramdaman ko talaga ang salitang “wasted”. Buti hinatid ako ni Rolfe and Janna sa bahay nung gabing yun. At kaloka, hahaha! Meron sa office ibang department, yung sa lalakeng super nakatitig ako nung sumasayaw sila. Hot talaga! Sabi ng mga officemates ko kahawig ko raw yun matangkad lang yung guy. Pero iba kasi aura nung lalake. Malamang aurang lalake! At straight. Iniimagine ko ulit itsura niya. Kung kahawig ko man yun, so pag naging lalake ako hot ako? At pagnanasaan ko sarili ko? Hahaha! Hahanapin ko yun! Haha!
Dami na nangyari lately Mr. T! Lumabas kami nina Barry and Rhitz para magdinner lang kinabukasan nung Christmas party. Nagplan na rin kami ng annual post-Christmas dinner namin. Sina Luis and Che hindi ko na nakikita. Naasar lang ako dahil sabi ko magkita kami ni Luis bago kami umalis ng Pilipinas dahil pagbalik ko, nasa Saudi na siya and next year na kami magkikita. Sabi niya busy siya dahil exams. Malaman laman ko magkakasama sila nina Kevin and others. Nainis ako sorry talaga. Nagtatampo lang siguro ako. Tapos yun, lumabas labas kami ni Paul. Tas kasama si Ardie na bet ni Paul. Hahaha! Tas ang bait pa ng kapatid ko, sinundo kami sa Greenhills tapos hinatid sina Paul at Ardie sa Pasay. Oh di ba? Ang layo. Feeling ko ganun din ako kabait pag nagdrive na ko --- next year. Hahaha! Pero naiisip ko lagi akong lasing. Advisable ba Mr. T! na ako ay magdrive? Hmmmm… parang hindi. Hahaha! When everybody drives and has a car, hindi na masaya. Wala ng bonding moments sa loob ng kotse. Wala ng emote habang pauwi. Chaka baka bigla akong magkajowa pag nagdrive ako. Char lang! Hahaha! Pero pag wala na talagang taxi, tulad ngayon, epal mga taxi, nagsisisisi ako. Pero nabubuhay pa naman akong hindi nagdadrive. I can live without it sa ngayon. Kahit naiinis na sa kin magulang at mga kapatid ko.
Wala munang emote sa entry na toh Mr. T! Hindi ko alam kung kelan ako ulit makakapag-update. Siguro pagbalik na naming Pilipinas. At yes Mr. T!, alam mo naman siguro na first time akong mag-oout of the country. Hindi ako nakasama sa Thailand with Family last November. Wala lang, excited ako na parang hindi. Kasi Asia lang naman yun. Pero experience na rin. Sina Marco nasa Singapore din pala. Nagyayaya na agad ng inuman dun. Hahaha! Hindi pa ko naghahanda ng mga dadalhin ko. Sa 23 na balik namin Mr. T! Halos isang linggo rin yun. Tas pinapaaral pa sa kin paano gamitin ang SLR na camera. Grabe, wala talga sa bokabularyo ko ang SLR. More of point and shoot camera ang gusto ko para hindi effort. Pero marunong na ko gumamit. Haha! Parang tanga lang ako noh? Hahaha!
So ayun muna updates ko Mr. T! Ay oo nga pala, grabe kilig na kilig ako sa duet ni Blaine and Kurt sa Glee. Leche di ba? Hahaha! Gusto ko ng jowa na magaling kumanta! Tas kanta kanta kami halos araw araw. Iikot love life namin sa music. Dun kami magcoconnect sa music. Dun namin eexpress love namin sa music. Kakantahan niya ko. Kakantahan ko rin siya. Hahaha! Bibirit kaming dalawa! Hahaha! Nakakatuwa. Ang sarap isipin. Napasulat ako ng blog entry na Subtle Bliss: The Musical kaso baka mastress makakabasa nung entry na yun. Parang ang specific ng mga tao! Ma-issue na naman ako. Hahaha! Saka ko na ipopost pag malakas na ulit loob ko. May nagtanong sa kin kung SMP (Samahang Malalamig ang Pasko) raw ako. Sabi ko “Hindi naman Valentines day ang Pasko at for 25 years, wala naman akong love life. Ibang SMP alam ko, Samahan ng Magaganda sa Pasko! Hahaha!” --- natawa ko sa sinabi ko. Baket kaya ibang tao hindi makali pag wala silang jowa? Ako --- masarap lang mangarap. Hahaha! Masaya na ko sa ganun. And adult na ata talaga ko. I should start acting as one. Dami ko ng nasasaktan sa pagkaisip bata ko.
Marami akong gusto isulat Mr. T! Hindi ko lang macompose thoughts ko. Parang naiisip ko sila pagnaglalakad ako pero pagkaharap ko na ang laptop, nawawala sila. Parang gusto ko tuloy gumawa ng private na Twitter para pag may pumasok sa utak ko dun ko ilalagay. Anyways, update you soon Mr. T! Hindi ako makakapunta sa mga party na mangyayari ngayong weekend. Birthday pa naman ni Sabs bukas and may Christmas party sa bahay nina Tearra. Marami akong mamimiss. Pero yun nga, family always comes first. Masyado na kong nagpaparty nun nung nasa Thailand lahat sila. Ngayon, sasama naman ako para makasama sila and since may pasok ng Pasko at New Year, sa trip na lang na to ako magmamake up para dun. Di ba Mr. T!? I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you. Sobrang hirap matulog ngayong schedule ko pero buhay pa naman ako. Salamat sa Diyos. Update you soon Mr. T! :)