Entries in category "Family"

Hello Mr. T! Matatapos na ang August, ngayon pa lang ako mag-uupdate. Pasensya ka na ah. Dami lang ginagawa. Parang mas marami pa kong ginagawa ngayon kesa nung nasa Trend ako. Haha! Anyways, ayun, papakilala ko sa yo si Diva. Yep, ayan ang binigay kong pangalan sa kotse kong bagong bili. Haha! Wala sa previous post ko ang nabili kong kotse. Honda CRV ang nabili ko. Hindi rin siya kulay silver or pink. Gold. Hahaha! Pang-Dreamgirls ang kulay. Hahaha! Ayun, wala ng maparkingan dito sa bahay. Minsan sa kalsada na lang siya nakapark. Ayun, sisimulan ko na update ko Mr. T! Intro pa lang yan…

IMG_2395

Andito na sa Pilipinas ulit si Papa. Complete family na naman kami. Kauuwi lang rin ng mga kapatid ko. Andito kami lahat kanina sa bahay. Nakakatuwa. Bihira kasi mangyari yung mga ganung moments. Dapat magpafamily picture na kami para bongga. Nagsimba kami kanina sa Megamall tapos ng lunch sa Barcelona. Sarap ng pagkain grabe. Tapos dapat magsuwimming kami kaso ang lakas ng ulan. Tapos kahapon naman, sinundo ko si Bruno sa airport. Umattend ng kasal ng classmate niya sa Palawan. Siyempre gamit ko ang bago kong kotse. Tapos kahapon din, binati ko na mga taong nabuwisit ako dati. Haha! Ayan, wala na kong kaaway. Wahehe!  Tapos, last week naman, nagcelebrate kami ng birthday ni Marge, jowa ni Bruno sa John and Yoko GB5 tapos nagdinner sa Seafood Island sa Eastwood. Ayun, I love my family more than anything else in this world. I am very happy Mr. T! and kumpleto kami and malusog lahat.

Tapos, kala ko si Barry nag-out of town lang, nasa Malaysia pala! Hahaha! Kaya pala hindi nagrereply sa mga texts ko. And may good news ako sa yo Mr. T!, si Jeffrey, may Twitter na siya! As in na-excite ako! Pwede ko na iunfollow ang lahat, kami kami na lang ni Barry, Rhitz and Jeff mag-uusap. Hahaha! Namimiss ko na si Jeffrey. Namimiss ko na kaming apat. Ang bilis bilis naman kasi ng panahon. Pag binabasa ko mga past entries ko, mixed feelings, malungkot na masaya. Baket kaya ganun? Hay… tapos magbe-Ber months na. Tapos birthday ko na. Tapos Pasko tapos New Year. Ang bilis bilis Mr. T! Parang kahapon lang lahat ng mga nangyari. Mga past entries ko parang isang kisap mata lang naganap. Masaya pa rin ako dahil lahat ng iyon nangyari. Minamadali man ako ng panahon, at least, marami naman akong natutunan.

Tatapusin ko tong entry na toh sa conversation I had just last few weeks:

“Baket hindi mo ba ko kaya mahalin?”

“Gusto kita, kaso hindi ko na kaya magmahal. Sorry…”

Ayun nga, update you soon Mr. T! Baka mag-update ako agad…

Posted by jjcobwebb on August 28, 2011 at 09:53 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Hello Mr. T!  Welcome me back. Nakuha ko na yung result ng biospsy ko. Awa ng Diyos, gumagaling na yung sakit ko. Pero I have to deal with this for the rest of my life. Nakakalungkot pero ganun talaga. Next check-up ko sa August. Titignan kung babalik yung mga symptoms. Sana maintenance na lang. Sabi nga ng doctor, bawal ako malungkot at bawal ako mastress. Parang iniinvite ko lang yung sakit ko kung magiging malunkot at stressed ako. Okay ako Mr. T! Wala naman binibigay sa tin ang Diyos na hindi natin makakayanan. Umiyak ako nung nalaman ko yung sakit ko. Kaya ko toh. Siguro eto yung sign na dapat alagaan ko na ang sarili ko. I am okay and I will be okay.

Anyways, ayun, bum na ko Mr. T! Wala na ko sa Trend Micro. Pahinga muna ko ang magpapagaling. Then kung ano mangyari sa buhay ko bahala na. Pero alam mo, ilang buwan, ilang araw ko pinag-isipan kung gusto ko ba talaga mag-resign. Ayaw ng puso ko Mr. T! Nung gumagawa ako ng resignation, naiiyak iyak pa ko. Drama ko noh? Pero totoo! Iba ang Trend Micro. Iba ang mga tao sa office. Lahat well-grounded. Lahat mababait. Lahat friends ko. Lahat mahal ko. And siguro minahal din ako ng mga tao dun. Naiyak pa ko nung nag-uusap kami ng manager ko. Sabi ko pa na wala man akong love life, mahal na mahal ako ng mga tao sa Trend Micro and sapat na yon for me to feel loved. I needed to. And siguro, natouched ko rin buhay ng mga officemates ko. Tignan mo ang picture below:

survey 

Gumawa yung manager ko ng survey sa Facebook 5 days before matapos yung pagiging Trender ko. Hahaha! Sobrang nakakataba ng puso Mr. T! Almost buong floor bumoto. NO ang pinili nila.  Sobrang nahirapan ako magdecide. Inisip ko na PUSO vs. UTAK na naman ang gagamitin ko. Puso for Trend. Sobrang mahal ko mga tao dun. Naramdaman kong mahal din nila ko. Utak para sa mga options na binigay sa kin ng pamilya ko. Siyempre kailangan ko din isipin kinabukasan ko Mr. T! Ayun, mutik na ko magretract sa totoo lang. Sabi ko, hihintayin ko lang resulta nung biopsy ko. And yun magdedtermine kung magreretract ako o hindi. Hindi maganda kinalabasan ng biopsy ko. I needed to rest. Bawal na rin ako mastress. Kailangan ko ng alagaan ang sarili ko. Ngayon, pinili ko naman ang utak ko. Mahirap din kasi minsan lagi sundan ang puso. Iniisip ko na minsan, isipin ko naman ang kapakanan ko. Sabi ko nga sa kanila, hindi man nila ko officemates, friends pa rin kami sa labas. Di ba Mr. T!?

Ayun, namiss ko mabuhay ng normal. Gising sa umaga and tulog sa gabi. Kahapon nagSerendra kami nina Bruno and Mama. Nagdinner kami and nilibre ko sila. Kailangan ko maging masaya. Let go of things not important in my life anymore. Sabi nga rin ng doctor, kung may dinadamdam ako about my past, i-let go na. Matagal ko ng binitawan mga bagay na hindi para sa akin. Kailangan. Kailangan kong gumaling. Dapat lagi akong filled with love and laging masaya. Kung ano man tong sakit ko ngayon, kaya ko toh. I have a big God. :) Sige update you soon Mr. T! May pupuntahan kaming ibang doctor para magpasecond opinion. God bless sa akin. I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya :)

Currently listening to: These Too Shall Pass by India.Arie
Currently feeling: positive
Posted by jjcobwebb on July 5, 2011 at 10:41 AM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Hahaha! Hulaan mo baket ganyan title ko Mr. T? Hahaha! Yes, nanood kami ng concert ni Justin Bieber dito sa Manila kahapon. Kasama ko mga pamangkin ko and yung 2 friends ni Page. Sobrang saya lang. Hahaha! Karamihan puros bata nanood. Tweens at mga teens and young adults. Yung ibang matatanda either nanay or tita at tagabantay lang. At naconfiscate SLR ko! Galing lang! Tulad ko kahapon. Pero nag-enjoy ako sobra since alam ko rin mga kanta ni Justin Bieber. Magaling siya. Talented na bata. Pero hindi pa rin ako nagwagwapuhan sa kanya. Maraming nagwagwapuhan sa kanya pero ako hindi. Sige ako na ang choosy. Weird lang ng boses niya ng live. Boses palaka. Hahaha! Nagtweet siya na may sakit daw siya and nagsuka after concert. Maybe that can explain his voice that night. Galing niya magsayaw! Magdrums, mag gitara at mag Dougie. Hahaha! From 4PM nakapila kami dun as MOA. 830PM nagsimula ang show. Sobrang saya. Parang party party. Namiss ko tuloy pumarty. Hahaha!

DSC_0994 DSC_0973
DSC_1003 DSC_0012
DSC_0027 DSC_0026

Anyways, before pala ng Bieber, nagcelebrate kami ng 10th birthday ni Emo sa Manila Hotel. Eat all you can as usual. Ayun, so hindi na ko natulog. Straight from office hanggang matapos ang concert. Gising ako. Halos 26 hours akong gising at ang powerful ko pa! Epekto ata ng Milo at espresso shot sa pantry. Hahaha! So ayun, mga super close relatives lang ang invited. Then after nun dumirecho na sa MOA.

Ayun, ang saya lang kahapon. Buti na lang nakaleave ako. May gagawin pa pala akong Powerpoint hindi ko pa nasisimulan! Hahaha! Anyways, di Kobe naman ang may birthday ngayon. Isa ko pang pamangkin. So may handaan sa bahay maya maya. Lagi na lang may kainan! hahahaha! Good luck talaga sa katawan ko pagtapos ng taon na toh. So sige yan muna update ko Mr. T! Update you soon! :)

Posted by jjcobwebb on May 11, 2011 at 05:28 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Naaddict ako sa album ni Adele. Hahaha! Kumusta naman Mr. T!? Nakalimutan ko ikwento ko yung team outing namin. Anways, pwede picture na lang? Hahaha! Last week yun nangyari. Pasensya na talaga kung late update. Tuwing outing na lang namin wala akon inaambag. Hahaha! Yung van lang sagutin ko okay na. Hahaha! Ang daya ko lang. Anyways, eto ang picture:

230453_10150233190781079_607976078_8413201_467539_n

O di ba? Ang saya saya namin. Hindi na ko bold star ngayon. Hahaha! Nakatshirt ako kasi ang taba taba taba ko na. Hahaha! Kung dati siguro yan for sure nakatopless ako. Sobrang saya nung outing. Sana lagi na lang outing at hindi na kailangan magtrabaho. Haha!

Anyways, yum kahapon, nagswimming din kami kasama mga relatives, grabe lang, dumive ako ng 30FT tapos tubig na 15FT! OMG lang talaga Mr. T! Parang hindi ko ubos akalain na kaya ko gawin yun. Ang gago lang ng pamangkin ko, tumalon daw ako sabay sumigaw nga “Hindi na kita mahal”. Hahaha! Ang gago lang. Hahaha! Minsan kailangan natin iface ang fears natin. So tumalon naman ako! Ang lalim ng tubig nakakaloka! Kala ko katapusan ko na! Ang tagal ko sa ere. Ang tagal ko rin makaahon sa tubig. Hahaha! Ibang level yung feeling Mr. T! Pagtapos nun iniisip ko paano ko nagawa yun. Ginawa ko na dati yung ganun sa Tali Beach pero hindi ganun kataas at may life jacket ako nun. Pero kahapon wala akong life jacket!! Inisip ko na lang na ako si Mariah video ako ng Honey. Yung tumalon sa pool? Bwahahaha! Feeler! Hahaha! Yung lang sa ending wala naman hot na lalaki na bumuhat sa kin. Hahaha! So ayun…

Nung Saturday naman, birthday ni Archie. So sinundo ako ni Luis dito sa bahay and then, sinundo si Che and then dumirecho ng Cavite. Ang layo di ba? Ganyan namin kamahal mga friends namin. Hahaha! Buti na lang maraming cake sa ref kaya may instant birthday present ako. Hahaha! So ayun, around 6PM nagsimula ang birthday ni Archie. Same as last year, dun ulit sa bahay nila.

220606_1894632339739_1659489706_31929003_1048294_o 220208_1894641179960_1659489706_31929038_2031898_o
bdaychie 225927_1894618179385_1659489706_31928951_1205953_n

Tapos around 11PM kailangan na namin umalis dahil si Che uuwi ng Bulacan and si Luis magaayos kinabukasan dun sa bagong lilipatan nilang bahay. Then dapat, may mga party pa akong aatendan nun. Pero pagod na ko as in. Si Tom nagtext pa na pumunta raw akong Obar at may mga kasama siya. Gusto man ng utak ko pumunta nun, pagod na ko. Sina Marco naman nasa Resort’s World and hinihintay daw ako. Hindi ko na talaga kaya. Matanda na ba ko Mr. T? So umuwi na lang ako ang natulog. Mas masarap matulog kesa uminom at may hangover ka kinabukasan. So ayun nangyari nung weekend. Super close friends lang mga nakabonding ko and family ko. Sina Barry pala gusto nila magBicol this weekend. Eh hindi ko pa sure kung kelan kami pupuntang Hong Kong Mr. T! Ang dami namang out of town. Pwede matulog na lang? Hmmm… at yes, excited na ko sa Justin Bieber concert dito sa Manila. Bwahahaha! Ako na ang fan ni Justin Bieber! Hahahaha! Anyways, update you soon. Masakit pa rin katawan ko sa pag-ahon sa tubig. Hindi kasi lumabas ang buntot at fins ko kahapon. Haha! Anyways, update you soon Mr. T! Love you! :)

Posted by jjcobwebb on May 9, 2011 at 12:07 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Hello Mr. T! Musta naman? Haha! This is long overdue na. Last Monday, nagcelebrate si Madam Darlene ng kanyang 40th birthday. Kakaiba celebration niya this year. Hindi kami kumain sa labas. Hindi siya nagparty. Hindi siya nagcheck—in sa isang bonggang hotel or nagout of town. Nagcelebrate si Ate sa Anawin, Home of the Poor. Si Bo Sanchez founder nun. Lahat kami fan ni Bo. Puro libro ni Bo nasa bahay sa totoo lang. So ayun, dun si Ate nagcelebrate ng birthday niya. Nagbahagi siya ng biyaya niya sa mga tao na andun sa lugar na yun. Siguro gusto niya rin mga blessings niya. Umaapaw na kasi. Siyempre lahat kami kasama. Pati ibang empleyado niya sa drugstore kasama rin. Nagkaroon ng maliit na salo salo. Kantahan. Pagbobonding sa mga lolo at lola dun. Nakakatuwa. Ang tagal ko na rin hindi nakakapagbahagi ng sarili sa ibang tao. Iba iba kwento nila. May lola dun na 99 years old na! Nakakatuwa talaga. Tapos iba ang galing kumanta, sumayaw. Nakakatouch.

DSC_0606 DSC_0654
DSC_0544 DSC_0577
DSC_0599 DSC_0610

Nagpunta kami dun bandang 8AM tapos umuwi kami mga bandang 4PM na and then kumain lang sa Amici sa may Greenhills para sa maliit na salo salo with family and close friends and some employees. Sobrang saya, nagpromise si Ate na babalik siya dun and nagpledge ata siya ng mga gamot once matapos na yung clinic na ginagawa sa Anawim. Nakakatuwa. Nakakapagkumbaba yung pakiramdam. Masarap yung pakiramdam na mabahagi mo yung sarili mo at nakapagpasaya ka sa kanila. Maraming ipagpasalamat sa Diyos. Pati sila malaki ang pasasalamat sa Diyos na may ganung lugar na kumakalinga sa kanila. God is good all the time. So ayun nangyari nung birthday ni Ate. Sorry kung ngayon ko lang nakwento Mr. T! Grabe sked ko ngayon. Parang 5 hours lang tulog ko araw-araw. Nahihilo ko pag nasa shift ako. Anyways, may surprise mamaya mga medrep kay Ate, sayang hindi ako makakasama dahil sa shift ko. Kalungkot. Friday na Friday night papasok ako. Ang sipag ko lang! Haha! Anyways, update you soon Mr. T! Higa higa na muna ko dito sa kwarto. Try ko kung kaya ko pa matulog. Pero parang malabo na. Haha! Sige sige. Update you soon. :)

Currently listening to: Saving All My Love for You by Whitney Houston
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on May 6, 2011 at 06:11 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Hello Mr. T! Haha! Musta ka naman? Ako mabuti. Eto, SL ng ilang araw. May sakit ako na ayaw lumabas. Sobrang init ngayon grabe. Siguro nagkakasakit tao dahil mainit tapos papasok sa aircon tapos lalabas tas papasok. Weird weird. Ayun, kauuwi lang ng bansa nina Ate kaninang umaga. So maraming pasalubong. Tapos kauuwi lang din namin. Nagdinner kami dahil birthday ni Kuya. Sa Promenade kami nagdinner. Super kwentuhan habang nasa restaurant. Parang walang bukas. Tapos nakita ko yung 2 aso nina Kuya pala kanina. Ang cute! Mga Golden Retriever sila. Si Chase and Martina. Ang cute sobra. Yakap ako ng yakap sa kanila kanina. Ayun, bukas na outing ng team namin. Grabe, ang dami pala namin, hindi ko alam kung kakasya lahat sa van! May mga bitbit pa kasing ibang tao. Tapos nung Monday pala birthday nung kaibigan ko. Masaya naman. Parang kagaguhan pero super nag-enjoy ako. Tapos ano pa ba, ayun nga, yung nabanggit ko last time Mr. T!, yung sinasabi ni Ate, napapaisip talaga ko. Sana lang maliwanagan ako. Pero aayusin ko na mga kailangan. I need help from Jeffrey sa mga bagay na ganito. Nagkita rin pala kami nina Barry and Rhitz nung Monday. Nanood kami ng Beastly. Parang Beauty and the Beast na modern. Feel good siya. Love story kyeme kyeme. Bukas papasok na ko. Ugh… ayaw ko pa pero kailangan. Night shift na kami next week. Tapos manonood pala ko ng Justin Bieber concert sa May 10. Hahaha! Di ba ang saya? Ano pa ba… anyways, baka kasi namimiss ko na ko Mr. T!, post ako ng mga bagong pictures ko. LOL!. Para naman updated ka sa kin. Baka kasi iniisip mo pinababayaan na kita ang hindi na ko nagpopost ng mga pictures ko. So sige eto:

6 1
2 5
7 4

Ang random ng mga pictures ko. Hahahaha! Yung unang picture (L-R), yun yung first abroad namin nina Barry and Rhitz together. Sunod Easter Sunday. Yung sunod, Visita Iglesia, tapos yung kasama officemates ko, Biyernes Santo. Yung nasa hotel, baby shower ni Izzy yun. Tignan mo si Barry, mukhang BV na naman! Haha! Tapos yung super sayaw, nung nagparty party kami nina Anjhe, Tin and Matty Lahat kami nalasing. Hahaha! Random sobra. Hindi ko na nakwento yung mga yan Mr. T! Sorry ah. Pero at least may feel ka. Hahaha! So ayan muna update ko. Ay yung camera ko pala para bukas. Hindi pa rin ako nakakapag-ayos ng mga gagamitin. So good luck talaga sa kin. Hahaha! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya Mr. T!  Mwah!

Posted by jjcobwebb on April 28, 2011 at 10:56 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Dear Santa Claus,

Siguro naman nakakaintindi ka ng Filipino di ba? Kasi kung hindi, paano mo malalaman dati yung mga hiling ko na nilalagay mo sa medyas ko tuwing Christmas Eve? Naalala mo pa ba yung mga niregalo mo sa kin? Yung mga chocolates na nilagay mo sa medyas ko pag tulog na ko sa gabi bago magPasko? Ako naalala ko lahat ng binigay mong regalo sa kin. Mga chocolates at laruan pati mga damit. Pati yung mga bills and barya nung medyo lumalaki na ko. Hinding hindi ko makakalimutan yung caterpillar na nilagay mo sa medyas ko nun. Ang laki laki niya pero napagkasya mo dun sa medyas kong maliit. Tinatanong ko nga nanay ko kung nakikita ka niya nun sabi ng nanay ko oo. Sa bubong ka dumadaan tas bababa ka na lang mula sa bubong gamit daw yung ladder. Wala kasi kaming chimney so hindi ka makakababa nun. Ay oo, sabi ni Mama nun, nagtatagalog ka raw. Pero bakit ganun, ang kondisyon talaga para malagyan mo kami ng kapatid ko ng mga regalo sa medyas namin ay kailangang tulog kami? Hahaha! Ang dami kong ala-ala tuwing sasapit ang Christmas morning. Ako pinakaunang taong gigising sa araw ng Pasko para tignan yung medyas ko. Tas magyayabangan kami ng mga pinsan ko sa mga regalong binigay mo sa min. Hihintayin pa rin kita mamaya at titignan ko kung maabutan kita at makikita. Tignan mo yung picture na nilagay ko dito, umaga yan ng Pasko siguro mga 7 years old ako. Sobrang saya namin ni Bruno dahil ang dami mong nilagay sa mga medyas namin. Ikaw ang dahilan ng mga ngiti na yan.

16122009308

Pero Santa, hindi na ko bata ngayon. Yung mga gusto ko hindi ko alam kung kaya mo pang ilagay sa maliliit na medyas na sinasabit ko sa noon. Hindi na rin siguro kasya yung mga gusto ko sa mga karton ng regalo sa ilalim ni Christmas tree. Mga regalong excited ako bukas nun pag sapit ng Pasko. Santa, kaya mo pa ba ibigay mga gusto ko? Hindi ko na kailangan ng laruan or chocolates or canday or mga perang nilalagay mo sa medyas ko nun. Sapat na siguro yung kaligayan ko nun sa caterpillar na laruan nung bata pa ko. Sobrang napasaya mo ko nun and hindi ko makakalimutan yun. Iba ang gusto kong ilagay mo sa medyas ko ngayong gabi. Hindi alak, hindi lovelife, gadget or kung ano man. Hindi kung anong para sa sarili ko lang.

Sana Santa, kaya mo ilagay sa medyas ko mamayang gabi yung pagpapatawad ng ibang tao. Sa mga taong nasaktian ko, sana mapatawad na nila ko. Hindi ko sinasadya masaktan sila. Alam mo namang minsan talaga naughty ako pero I’m really really nice. Gusto ko ng maayos ang mga hidwaan na nagkaroon ako ngayong taon. Kaya mo ba yun ilagay sa medyas ko mamayang gabi? Gusto ko rin muling mapalapit sa mga taong unti unting nalayo sa kin dahil sa ugali kong sira ulo minsan. Sana maibalik yung dati naming pagiging malapit. Sana rin Santa, kaya mong ilagay sa medyas ko ang pagpatawad naman sa ibang tao. Ang pagtanggap ng mga bagay na hindi ko kayang tanggapin. Na maging bukas ang utak ko sa maaring mangyari sa buhay ko. Na mahalin pa rin ako ng mga taong sa paligid ko sa mga susunod pang taon. Na maging masagana ang pamilya namin. At si Papa bumalik na dito sa Pinas para kumpleto na kami. Sana walang ayaw. Walang nagkakagulo. Lahat maayos. Walang magugutom. Walang manlalamang. Sana malagay mo rin yung pagkakaintindihan. Sa pagitan ko at ng ibang tao. Na sana laging masaya. Na sana, kung pwede lang walang malungkot. Lahat magkakaibigan at walang magkaaway. Laging goodness. Laging happiness at lahat maniniwala sa love. Yun ang hiling ko ngayong Pasko Santa. Magsasabit ako ng medyas ko mamaya, baka sa sakaling mapagkasya mo silang lahat dun. Sana mapagbigyan mo ko at mapaligaya tulad nung caterpillar na laruan na binigay mo sa kin nung bata pa ako. :)

Love,

Jacob a.k.a “Jobo”

P.S. Sa bubong ka ba dadaan mamayang gabi ulit? :D

Currently listening to: Santa Claus Is Coming to Town by Mariah Carey
Currently feeling: anticipating
Posted by jjcobwebb on December 24, 2010 at 06:37 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment
« Newer · »