Entries in category "School"

image

Hay… after ilang bagsak. After ilang schedule adjustments. After ilang ulit na pagpila sa OUR. After ilang attempts lumipat ng school. After ng mga moments kung san nasabi kong “Shet buti pumasa pa ko”. After isang beses mag-shift to another specialization at pag-iisip na sa ibang course na lang at after ilang beses ng pagtake sa programming subjects lalo na ang thesis --- salamat naman sa Diyos at nakagraduate din.

Anyways, mga pictures kahapon. Hahaha! Mga nakakahiyang moments nina Ate and Mama. Hahaha!

image image
image image

Pero siyempre paano naman ang mga masasayang moments sa College tulad ng pagpasa ng thesis? Pagcucut pag walang prof? Pagtambay kung san san pag ang tagal ng hihintayin para sa isang subjects? Ang college week? Ang pagkakaroon ng 4.0? Ang mga moments na nasa Eric’s lang kami or sa McDo or kung san man kami chumichibog? Mga EGI moments? Agno moments? Ang mga prof na naging close ko? Mga classmates na naging close ko? Mga blockmates na hindi nakalimot? Mga programming language na hindi ko nakalimutan? Eh mga MP na nagawa ko mag-isa? Mga tawanan moments sa thesis room? Mga LRT1 at LRT2 rides na sobrang saya kahit minsan parang basang sisiw ka na kahit wala ka pa sa school? Mga gel days? Clay days? Wax days? Mga baha days sa Taft? Mga moments sa conserve? Mga tawanan na parang walang bukas. Mga kamickan na parang wala kaming iniisip na assignment or homework? Mga times na nagtutulungan kami sa assignments at seatworks? Mga pagtambay sa mga tagong lugar sa school? Ang pinakamamahal kong Prov? Mga baklang binasted ko sa DLSU? Ang pagseat in? Ang canteen? Ang SJ Walk? Moonwalk? Warpzone? Ang bagong gawang Andrew na puros cute ang tao? Ang Yuchengco moments? Amphi moments? Velasco? Mutien Marie na parang gigiba na? Ang Miguel na puros sushal ang estudyante? At siyempre paano naman ang Gox na kung san lahat ng tao walang iniisip kung hindi magprogram --- except ata ako. Hahaha! 

Siguro marami pa akong hindi nabanggit. Pwede kong sabihin na naging masaya ang College years ko Mr. T! Hindi man siguro kasingsaya ng High School pero masaya. Wala na kong puwedeng mahiling pa. Ay meron pala, magandang grades sana kung puwede lang ibalik. Haha! Pero wala na kong powers dun. Panghahawakan ko na yun as of now. It won’t matter pagdating ng panahon. Magseserve na lang yun as a reminder na naging tamad akong estudyante. Hahaha! Pero to sum it all, masaya. Masayang masaya ko. :-) I love nostalgia. Pero not now. Hahaha! In few years time siguro. Kagagraduate ko pa lang Mr. T! eh. Musta naman di ba?

Anyways, after Graduation, nagtreat si Mama and Ate sa Brazil! sa Serendra together with my closest friends in College ever. Sayang hindi nakapunta sina Jeffrey, AK, and Kristine and Deck and Angelica. Kung sino yung mga pinakaclose ko sila pa ang wala. Pero anyways, I understand. Hindi naman yata kasi ako nagsasawang umintindi eh. Mahal ko kasi sila eh :-)

image image
image image

Yan, sina Beck, Sherry, Barry, Rhitz, Aubrey, Matty and Benson. At yung bongga kong kapatid! Hahaha! Then nagTrinoman kaming 3 nina Benson and Rhitz and minake over namin ni Benson. Hahaha! Kasi sabi ko guwapo talaga siya pag pagkalbo siya. So eto ang before and after niya:

IMG_0032 IMG_0033

O di ba? Hahahaha! Kasi buwisit na rin kami siguro sa buhok ni Benson. Umoo rin siya. Sabi ko kasi ang pogi niya nung una ko siyang nakita last year nung kalbo siya. Eh di pumogi siya nung nawala buhok. Me likey! Hahaha! Grabe tapos inikot namin ni Rhitz SM North EDSA habang hinihintay si Barry na hindi na sumunod. Grabe. Sobrang pagod na ko kagabi at hindi ko na sinamahan si Luis sa pagGimmick. Buti na lang hindi rin siya natuloy.

Anyways Mr. T! yan muna ang update ko. Sayang hindi nakarating mga ibang tao kahapon. Hays… hindi rin ako naka-attend sa kasal ni Kathy sa Bicol. Wala kong magagawa, tumapat sa graduation ko eh. Di ba Mr. T!? Congrats na lang din siguro sa kanya. Sige sige, update you soon Mr. T! I still love ya, I still appreciate ya and I enjoy ya. :-) Sarap ng tulog ko kagabi. :-)

Posted by jjcobwebb on July 19, 2009 at 10:21 AM in Everyday Drama, Gayness, Malling, Food and Dining, School, Family | 16 comment(s)

This is it Mr. T! 2 days na lang ang gagraduate na ko. Isn't it nice? Hindi rin. Kasi wala kong mafeel na excitement kahapon nung rehearsals eh. As in hindi ako excited. Una, late ako sa pagkuha ng toga. Buti na lang mabait yung guard pinapasok ako. Tapos, hindi rin ako nagMass at hindi rin ako nagpaclass pictures. Eh kasi mas nafeel ko yun nung gagraduate sina Tin eh. Okay na yun. Mas marami akong kilala nun and mas marami akong ka-course. Eh ngayon, grabe parang lahat hindi ko kilala. Hahaha! Sobrang onti lang ng kilala ko. So tinawagan ko na lang si Benson at nagkita kami sa UM. :-)

Anyways, bait ni Benson, pumunta raw siya talaga ng school para samahan lang daw ako habang naghihintay para sa practice. Sweet noh? Hahaha! TagaCavite pa yan! Haha! Anyways, naglunch kami. Dapat sa Kenny Rogers pero nung sinabi ko na 5:30pm pa yung rehearsals ang 12NN pa lang nun, sabi niya sa RP na lang kami pumunta. So yun, pagkapunta dun, ikot ikot muna. Kwentuhan. Kung ano ano lang. May collection pala si Benson ng underwear. Hahaha! Sabi niya iregalo ko raw sa kanya sa birthday niya underwear na lang. Hahaha! Kinky! Anyways, after umikot ikot, sa Sushi-ya na kami kumain. Ayun, hilig pala sa maanghang ni Benson Mr. T! Grabe niya pinapak yung wasabi. Ibang level! Hahaha! Then yun, habang kumakain, kwentuhan ng kwentuhan. Tawanan ng tawanan. Hanggang sa natapos kaming kumain. Then nagdessert sa Mary Grace. Then umikot ikot ulit. Dapat pala nanood kami ng sine since sobrang tagal pa talaga ng hinihintay namin. Sabi nga rin ni Benson dapat nanood na lang kami ng sine. Pero okay na rin kasi ang dami namin napagusapan. Then ayun, hindi pa kami nakuntento, kumain pa kami sa Siomai House. Hahaha! Then lakad lakad ulit. Then ayun, buti na lang talaga hindi umulan. Kasi tuwing magkasama kami ni Benson talagang umuulan. Haha! Inuulanan kami. Haha! Yun, nung pabalik na kami ng school, si Benson naisipang lakarin na lang yung Malate. So nilakad namin. Sarap kasama ni Benson dahil parehas kaming madaldal. Dami niya ring kwento. Nakakatawa pa siya. Dami na naman naming napagkwentuhan. Tawanan ng tawanan. Para kaming mga sira. Pero sobrang saya Mr. T! Hanggang makarating kami sa DLSU. From RP to DLSU. Hahaha!

Then yun, dumirecho siya sa McDo since yung kapatid niya may pasok pala and sabay sila uuwi. And ako dumirecho na ng parking lot sa Sports Com. Buti na lang kilala mo mga katabi ko sa seat. From 5:30pm-7:30pm lang yung practice. Buti naman hindi 9PM natapos tulad ng nakalagay dun sa schedule. Hays, ayun, sobrang pagod. Pero sobrang saya rin Mr. T! Naglaro lang ako ng phone ko buong practice at nakatingin lang kay Enchong Dee buong practice. Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! :-) Ang saya saya ko :-)

And weird, parang nakakabasa ko ng mga text sa phone ko na wala naman talaga. Hahaha! Ano ba yan, wala na ata ko sa sarili ko. Or nanaginip ako kanina. Hahaha! Kasi wala naman talagang text na ganun. Pero feeling ko meron. Hahaha! Weird...

Currently listening to: Ironic by Alanis Morissette
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on July 16, 2009 at 10:36 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | 2 comment(s)

Hahaha... sabi ni Tom dapat yan title ng entry ko ngayon. Actually dapat kahapon yan kaso tinago ng nanay ko yung laptop ko. Grabe, hindi ko alam pero tinamaan na naman ng pagkamaldita nanay ko. Ang gulo gulo raw kasi ng wiring nabwisit siya. Grabe ano ba yan. Buti na lang may mga laptop kapatid ko. Kasi ang liliit. Hindi magkasya mga daliri ko sa keyboards na toh ngayon. Wala pang Windows Writer kaya hirap maglagay ng pictures ngayon! Wah! Anyways simulan ko na ang kwento...

Yung kanina lang, galing akong Greenhills dahil gustong gusto ko talaga bilhin yung Bluetooth headset ng Nokia. Nabili ko naman. Pero pumunta muna ko Nokia Care Center. May tinanong lang. Dumaan pala muna ako ng bagko para magtanim ng kayamanan! Hahaha! Talagang kayamanan! Then eto naguupdate na sa yo Mr. T!

Anyways, after kong umuwi galing sa OsMak kahapon, kinuha ko na sa bahay yung pera ko at magbabayad na ko nung grad fee ko. Si Tom yun sinama ko since 5AM nagtext siya nagtatanong pinakamagandang way papuntang RCBC dahil may panonoorin yata siya dun. Ayun, tinanong ko na rin siya kung gusto niya ko samahan sa DLSU since pwede naman siyang pumasok kasi may Alumni Card naman siya. Pumayag siya. Dapat siya magpapasama sa Greenhills eh, kaso ewan ko ayaw na raw muna niya bumili ng phone. So ako nagpasama. Around 10AM plus, nagtext siya nasa D. Jose na siya, and ako nasa footbridge na. Tamang tama! So sa D. Jose kami nagkita. Super summer outfit ni Tom. Ahahaha... tapos yun. Nagtrain na then dumiretso na sa DLSU. Nagbayad na ko nung fee then tinour tour ko si Tom. Pumunta kami sa building namin. Sa thesis room, may papakita sana ko kay Tom sa thesis room pero si Beck naabutan ko na nandun. So nag-usap muna kami ni Beck. Then yun, ikot ikot then naisipan na umupo muna sa Conserve.

Siyempre conserve yun, so picture picture muna kami ni Tom. Sabi ko maganda lighting dun! So picture picture kami. Tagal na rin kami nagpicture picture ni Tom. Siguro 2007 pa! And tagal na rin naman nagkita. Nung January 3 this year pa. So yun. Kwentuhan, catch up mga stories and tawanan ng tawanan na parang kami lang tao sa conserve. Then may nagtanong kung taken na raw yung seat sa tabi namin ni Tom, sabi ko wala. Siyempre stalker ako, ayan, may picture siya dito. Si Carl pala siya. Wahahaha... Tom ang landi natin! Hahahaha...

Daming out takes. Pare parehas lang naman itsura. Pero parang ang cute ko sa mga pictures! Hahaha! Joke lang Mr. T! Di ka naman mabiro! Hahaha! Ayun, papakilala ko sana si Tom kay Luis kaso wala pa sa school si Luis. So nagdecide na kumain na lang kami ni Tom. Sobrang gusto ko kumain sa Jollibee kasi since ewan pa ko last nakakain dun. So dun kami kumain. Then yun, napagkwentuhan namin mga kaEB ni Tom. Hahaha! Puros si Tom nagkwento. Ako naman kasi walang makwento dahil susme, sabi nga ni Tom sobrang tagal na ng last EB ko. Hahaha. Pero sabi ko nga kay Tom, siguro sawa na rin talaga ko. Nakakapagod na. then tawanan ng tawanan. Then mga kwentong amin amin lang then ayun. Si Luis di na talaga makakahabol then sabi ni Tom kailangan niya ng umalis since yung mga kaibigan niya hinihintay na siya sa Makati. Dapat sasama ko sa kanila pero may bibilhin talaga ako sa Greenhills and sobrang antok na rin ako. Then yun,  nagLRT then MRT kami ni Tom. Sa Ayala siya bumaba and ako sa Santolan nilakad papuntang Greenhills. ANG INIT PUTA! SOBRA! Nagulat pa ko pinangalanan ni Tom yung lalake sa MRT na James! O di ba ang saya saya! Naalala ko yung sinabi ni Tom:

"What if noh, una nating pagkikita SEB?"

Oo nga noh? Malamang hindi kami friends. At malamang talaga hindi mangyayari yun dahil wholesome na ko nung 2007 Mr. T! It's nice na almost 2 years na rin kaming friends ni Tom.

Pinaalala ni Tom sa kin sinabi ko kay Carlo nung nagBed kami kasama rin si Chris. Sobrang hindi raw makalimutan ni Tom sinabi ko kay Carlo...

"Oi ano Carlo, nakahanap ka na ng lalake mo?"

"Hindi pa nga eh. Ang hirap maghanap..."

"Ang tagal mo naman maghanap! Ang dali dali lang eh! Hahaha..."

""Sinusuyod ko kasi silang mabuti eh..."

"Wow, ano sila kuto?"

Ayun, naalala ko nga na humirit ako nung kuto. Hindi raw makalimutan yun ni Tom. Ako rin, natawa naman sa sinabi ko. Naloloka ko minsan sa sarili ko ano ba toh Mr. T! Hahahaha!

Then natulog ako. Pagkagising ko, yung taong papakita ko dapat kay Tom sa thesis room ay nagtext...

"Nakita kita sa LRT. Pababa ako and ikaw pasakay na. Sayang naman di tayo nagkasabay sa school..."

Parang ako. Okay shet. Sayang. Sana nakita ka nung friend ko. Hahaha! Pero kebs lang. In good terms naman kami ni Mark. Mabait siya sa kin tulad ng dati. Ako lang talaga lumalayo. Hahaha! Ganda ko kasi eh noh? Sarap talaga patayin ng sarili ko! Hahaha! Then yun, nung gabi nagdeliver ng gamot sa NCO sa ABC-CBN then nakita ko si James dun. Hindi yung sa MRT ha. James na kaibigan ko. Dun pala nagtatrabaho. Then pinasabay na namin siya ni Mama sa van then binaba na lang sa may sakayan niya. Then, super late natanggap ni Ritz reply ko nung nagtext sila na aalis. Wow, naghiwahiwalay na sila nung nagreply si Ritz na nasa Serendra sila. Hays, sabi ko pwede pa naman ako lumabas kahit 1AM na. Kaso nga lang, hindi na sila magkakasama. So ayun, sa may Goto Pares na lang ako kumain dito malapit sa min! Ang sarap ng Binalot dun!

Nakakapagod magtype dito sa laptop na toh Mr. T! Pero tignan mo naman inupdate pa rin kita inspite of ha. Hahaha! Lab na lab kita eh. Hahaha! Sige sige update you soon. May pasok na naman ako mamaya sa OsMak. At nakakahiya ako sa bus kanina, ang lakas ng tawa ko nung si Wally nagpapatawa sa Eat Bulaga. Kaasar. Pero natatawa rin naman yung iba sa palabas. Malakas lang talaga tawa ko.

Currently listening to: I Hate This Part by PCD
Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on April 16, 2009 at 04:11 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, School, Drugstore | 1 comment(s)

Inaantok na ko Mr. T! Ang tagal ni Deck makarating ng school. Lunch break pa yung OUR. Sobrang inaantok na talaga ko. Galing pa ko ng OsMak. Parang lasing na ko. Nakakabuwisit. May babayaran pa ko. Gutom na ko. Ayaw ko kumain mag-isa. Baket pa kasi nagpunta ng bangko si Deck eh. Wala tuloy ako makasama dito. Kumain pala ko kaninang umaga bago pumunta sa school sa Siomai House. Namiss ko chili garlic nila. Namiss ko rin naman bigla sina Tin and Bheng. Sina Rhitz and Barry. Si Jeffrey lalo na! Wah miss ko na kayo! Ano ba toh. Para na kong lango sa droga sa pakiramdam ko. Kanina may tingin pa ng tingin na lalake sa kin sa MRT. Ewan ko baket nagsmile ako dun sa lalake. Nagsmile back din naman. Shucks. Natakot ako. Binilisan ko bumaba nung station kasi baka bigla akong kausapin. Ano ba yan wala na ko sa sarili Mr. T! Sobrang init. Nawawala na naman earphones ko. Kailangan ko talaga ng earphones na permanent na nakalagay sa tenga. Isama mo na permanent eyeglasses. Hindi pa nagbubukas contacts ng phone ko. Shet. May mga itetext ako na hindi ko matext text ano ba toh. Simula nung nagbura ko ng mahigit 5000 messages (Simula Valentine's Day 2009) nung Sabado, ayaw na gumana nung contacts ko. Ano ba yan. Super antok na ko. Duling na duling na ko promise Mr. T! Tapos ginagawa pa kong emcee sa kasal ng pamangkin ni Salve! Ano ba yan? Gusto niya bang maging comedy bar yung kasal? Hello, tsk! Naiinis ako sa totoo lang. Tapos walang fee? Sayang talent ko ah. Kung may talent man! Hay Mr. T! Inuubos ko lang oras ko dito sa lab. Walang plurk dito grabe! Twitter lang! Pero salamat naman naaaaccess ko mga Diva Messageboards. Pwede na ko dun. Antok na talaga ko. Gusto ko na umuwi at matulog. Alam mo Mr. T!, siguro may magandang nadudulot rin pagiging taklesa ko, narerealize ng tao na may mga bagay bagay na mahalaga at importante. May narerealize sila tungkol sa tunay nilang ugali. Nakakatuwa. 

At para ito kung kanino man, ewan ko, siguro isa ka sa pinakabuting pusong tao na kilala ko. Kahit nawala na sayo ang lahat, magulang mo, mga kapatid mo, kamag-anak mo, at kahit tinraydor ka ng mahal mo --- grabe, ang positive pa rin ng outlook mo sa mundo. Naniwala ka pa rin na gaganda ang bukas. Naniniwala sa mga paniniwala ko. Hindi ka lang magandang tao sa panlabas, pati yung nasa loob mo maganda rin. Hindi tulad ng mga ibang taong nakilala ko na kala mo katapusan na ng mundo para sa kanila. Mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig, sa bukas, sa happy ending. Pero ikaw, you believe. You wear your heart on your sleeve. Madilim nakaraan mo. Mabigat. Nakakalungkot. Pero ang aliwalas mo kausap. Napapasmile ako dahil may mga tao pa palang tulad mo. Nakakatuwa. Sana lahat kagaya mo. It's not sugar coating sa mga bagay bagay na alam nating makakasakit at magiging mali, it's being positive. Nasasabi mo mga gusto mong sabihin. Pati nararamdaman mo sinasabi mo. Kahit yung nararamdaman mo para sa kin. Wear your heart on your sleeve sabi nga nung idiomatic expression. Akala ko lahat ng may madilim na nakaraan, madilim na rin ang pananaw sa hinaharap. Mali pala ko. Ikaw pala hindi. 

Ayan Mr. T! Nagtext na si Deck nasa UM na raw siya. Baka sa McDo na lang ako magLunch. Kagabi pala dun ako sa staff house nagDinner. May niluto kasi silang ulam. Hays... okay? Nauubos pera ko kakataxi! Sige sige. Update you soon.

Currently reading: Deck's text message
Currently feeling: groggy/antok/hilo
Posted by jjcobwebb on April 13, 2009 at 12:49 PM in Everyday Drama, School | Post a comment

New gay word galing kay Luis:

BEKERY - Noun
From the root word Becky.  Becky as in bading. Bekery meaning lugar kung san maraming bading.
Example: Uy, grabe pala sa Malate. Puros becky! Bekery talaga yung lugar na yun! 

Grabe walang kupas si Luis magpatawa. Prolly one of the funnest gay friend na meron ako! Laging laugh trip pagkasama ko siya. Anyways, short story muna bago ko matulog. Kauuwi ko lang Mr. T! Kasama ko si Luis bago ko pumasok sa OsMak kahapon. Nagpapirma ko ng letter sa CCS vice dean. Tapos kaninang umaga, kasama ko na naman siya dahil may defense siya and ako kinuha ko yung signed letter. Then yun, Starbucks kami kahapon and ngayon tumambay. Sukang suka na ko sa yosi ni Luis grabe. Anyways, may gwapo na nakaupo sa harap namin kanina sa Starbucks...

Luis : Uy, magpapalit na ko ng damit para sa defense ah. Sayong sayo na muna yung pogi na yan
Jacob : Eh paano pag nagpakilala sa kin yan? Hahaha...
Luis : Sabihin mo may friend kang nagpapalit lang ng t-shirt sa CR...
Jacob : Ay, ayaw ko nga! Baket ko sasabihin na andun ka?
Luis : Ay! Swapangan? Hahaha!
Jacob : Oo swapangan! Haha!
Luis : Ganun? Humanda ka pupunta kong thesis room niyo!
Jacob : Walang hiya ka! Sa yo na!

Bukas na pala yung Tokyo Tokyo sa tabi ng CSB Mr. T! Anyways, masarap kasama si Luis. Kaya niya maging sobrang nakakatawa and biglang sobrang seryoso. Kaya niyang pag-usapan kahit anong bagay na walang kebs. Nakakatuwa. Masaya ko dahil 3 years na sila ni Robert. Di ba may ganun palang relasyon? Mga istoryang ganyan, nakakainspire. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkakaroon din ako ng ganyan or mas matagal pa na relasyon. Anyways, tutulog na ko Mr. T! Yung bonggang update sa susunod na okay? May kwento pa kong Monsters VS. Aliens sa sususnod. Love you still Mr. T! :-)

Currently reading: Mark's YM Window
Currently feeling: groggy
Posted by jjcobwebb on April 3, 2009 at 02:11 PM in Everyday Drama, School | Post a comment

The saga with thesis boy continues Mr. T! Yesterday, after JAPALA2 umuwi agad ako para matulog ng unti dahil may pasok na naman sa OsMak. Natawa ko dahil sira yung elevator sa Andrew. First time ko pa naman mauna sa line sira naman. Tapos nagbrowout sandali sa fire exit stairs. Sobrang dilim. Kaya pala walang elevator nun. Magbobrowout. Then yun, may quiz. Wala kong alam. Haha! After nun umuwi na ko para bumawi ng tulog. At nagising ako sa text na ganito...

"Uy, asan ka? Hindi kita nakita sa thesis room kanina..."

"Aba! Hinahanap mo ko ha! Iba na yan! Haha!"

"Napansin ko lang wala kasing maingay and wala kasi akong kasama pauwi. Asan ka na?"

"Sorry bahay na ko. Iba na yan ha! Hinihintay mo pala ko sa thesis room ha. At alam mo pag wala ako! Hahaha!"

"Masama? Wala lang kasi akong kasama pauwi. Naisip ko train ka rin..."

"Sayang nasa bahay na ko. At sinira mo tulog ko. Hahaha!"

"Aw, sorry sorry..."

"Sige sige, ingats na lang pauwi..."

Ayun Mr. T! Hindi ako kinilig. Weird. Hahaha! Baket ganun siya? Weird weird. So yun, natulog ako. And bigla kong namiss si Luis. Hmmm... tagal na namin di nagkikita. Lagi na lang text and YM. 

Then yun shift na naman sa OsMak. 6PM-10AM. Hayness. Pag papunta pa naman ng OsMak kitang kita yung ilaw ng Market Market! Grabe! Kalahating tambling lang talaga yung mall! Sarap gumala! Pero okay lang. Hindi naman masyadong toxic kanina. Si Kat pa rin yung pharmacist and PA sina Joyce and Jane. Okay naman Mr. T! Marami kasi akong baon na pagkain kaya okay lang! Hahaha! Tapos nung mga wala pang mga reseta, nagshasharing kami ni Kat ng mga buhay namin. And natutuwa siya sa kwento. Haha! Aliw na aliw siya grabe. Haha!

So yun, nagiging marami lang talaga yung ginagawa pag paumaga na. Tapos bago kami umalis si Ma'am Stela grabe nagalit pa. Chief pharmacist siya ng OsMak pala Mr. T! Pero hindi sa amin, dun sa nurse na hindi iendorse yung kukunin na gamot sa pharmacy. Ayun, navoid tuloy yung mga gamot na pinepare na. Sayang naman yun. Then yun, sumama muna ko kay Kat dun sa staff house. Tinignan ko yung lagay. Okay na. Maayos na Mr. T! Nagbreakfast pala ko sa harap nung OsMak ng tuyo! Grabe sarap! Haha! Kasabay ko yung mga pang-umagang duty na employees. Sina Ira and Joan.  Ang daming duty pag-umaga. Super busy kasi talaga pag-umaga yung shift eh.

Ay hindi ko pala nasabi na magsasara na yung Planet sa RCBC. Pero, malaking pero, napag-usapan na ng may-ari and nina Ate about sa mga nangyayari and about dun sa ginagawa ng director na doctor. Ibaba na yung memo dun sa director at papalitan na siya. O ha! So, hindi na magsasara ang Planet sa RCBC. Okay di ba? Hindi na kasi sumusunod sa contract si Dra. Tiangco eh! Buti pa noong si Dr. Yutuc yung director eh! Tsk tsk! Baka patalsikin na si Dra. Tiangco Mr. T! Buti nga! Ang dami niyang under the table transactions ha! Tsk tsk. Serves her right. Pero ewan ko, baka or baka hindi na iwithdraw ni Ate yung branch na yun. Depende sa ibabang hatol ng may-ari ng Grepalife over the director. Let's wait and see...

Basta ayun Mr. T! After nun dumaan muna ko ng Gateway bago dumirecho ng bahay. May binili lang. Parang tagal ko na rin di nakapuntang Gateway. As usual may mga bading na mag-on. Napapasmile na lang ako sa sarili ko sabay sabi "Buti pa sila..." --- oo madrama ko. Kebs. Gusto ko rin eh. Hay. Mr. T!, kelan kaya? :(

So yun. Antok na ko Mr. T! Update you soon okay? Pagod na ko.

Currently listening to: Samson by Regina Spektor
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 12, 2009 at 11:50 AM in Everyday Drama, School, Drugstore | 1 comment(s)

Natutuwa ako kasi nakapag-usap kami ni AK kanina lang sa Facebook. Tagal na namin di nakakapagusap sa personal or kahit online or text. Baka lumabas kami next week. Hindi siya pwede weekdays kasi 3-12AM siya sa HP eh. Pag-uusapan pa namin nina Beck and Sherry kung kelan din sila puwede. I miss them…

May evil plan kami ni Luis. Hahaha! Pero sa plan lang siya kasama ako sa execution! Gusto niya sumama sa execution pero ayokong kasali siya! Mwahaha! At pag nagbackfire sa kin toh! Sana wag ako umiyak! Hahaha! Pero sana wag naman! Haha! Try lang. Haha

Yesterday nagdinner kami ni Mike. First time ko sa Quezon Ave. MRT station bumaba. Nilibre niya ko sa HapChan then nilibre ko sa Starbucks Trinoma. Nalate kami ng tantsa sa MRT kaya nagcab ako pauwi.

Ang skwater ng katabi ko sa MRT kahapon. Sarap sungal ngalin! Tang ina lang… tsss…

Kanina, JAPALA2 midterms. Ang hirap. Then, tumambay sa CSE thesis room, si Don nagigitara, nakikanta ko. Then sinundo ako ni Luis sa thesis room. Tumambay sa Starbucks kasama mga friends ni Luis na friends ko na rin ngayon. Balunbalunan partner ng kape ko! Tapos may baraha kaming dala. Naglaro. Hahaha! Yung balunbalunan dun sa malapit sa Tapa King pala yung kinakain ko! Hahaha! Then tawa kami ng tawa ni Luis sa LRT1 dahil nga sa plano naming malupit. Haha!

Yun na muna Mr. T! Tinatamad ako mag-update eh. Sige basta masaya ko dahil naka-usap ko si AK and magkikita kami next week. Tapos si Luis full support sa aking plano. Hahaha! Weird, kinikilig ako sa plano namin ni Luis! Hahaha!

Anyways, update you soon. :-D

Currently listening to: Bruno's voice
Currently reading: Satomi's YM Window
Currently watching: Saksi
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on February 18, 2009 at 11:53 PM in Everyday Drama, School | 1 comment(s)
« Newer · »