Ilang weeks na ko nagbabasa ng mga bagay bagay tungkol sa bagong laruan na toh! By laruan I mean gadget. The KING is coming… kahit mukhang X1! Grabe! Ang ganda ng Nokia n97 Mr. T! Wahhh… parang pwedeng graduation gift toh noh? Wachuthink Mr. T!? Hahahaha! Last kong nagandahan sa isang Nokia phone eh nung 7710 pa! Shucks! Ganda talaga neto! Kahit nasa n95 na lahat ng kailangan ko sa isang cellphone, at kahit may touch screen ang iPhone Mr. T!, Gusto ko pa rin magkaroon neto! Must have! Pota!
Grabe, sa tagal tagal ng ng pagkakarelease ng Moulin Rouge, ngayon ko lang siya napanood. I swear! Meron akong soundtrack pero yung movie never ko nawatch! Labo noh? Napanood ko kanina sa drugstore sa iPod habang nagbabantay! Naiyak ako! Ang drama ko noh? Haha! Basta ang ganda! Ang ganda! Ang ganda pa nung sinasabi sa movie…
“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return…”
Kelan ko kaya yan matututunan? Maeexperience? Sana malapit na Mr. T!…
Ayun, binisita ko na rin sa wakas yung pinsan kong nasaksak sa hospital pagkauwi ko galing sa Makati. Kasama ko pa yung isa kong pinsan sa pagdalaw. Then nakasabay ko yung isa kong pinsan na kapatid nung nasaksak. Buti nurse yun, marunong mag-alaga. Mukha lang maldita yung pinsan ko na yun, pero todo alaga rin siya sa kapatid niya. Mabait din. Then mga 1 oras akong nakibantay. Nagrerespond na yung pinsan ko Mr. T! Sana gumaling siya sa lalong madaling panahon…
Then yun, sumabay na naman ako kay Ate sa kotse nila papuntang Makati. Inayos ko muna yung computer sa N. Domingo Mr. T! Hindi nag-oon. Grabe para na kong electrician neto! Hahaha! Tapos yun, may mga nag-aaply na pharmacists, ininterview ni Ate sa RCBC. Then umalis na sila ako naiwan. Then birthday ni Dr. Ipe! Weee… malamang may kainan kanina! Tapos nun, lumabas na rin ang results ng nursing licensure exam! Si Dr. Guerzon pumasa! Hahaha! Doctor siya tapos nagNurse noh? Para makapagStates siyempre! Then yun, si Mau, yung isang pharmacist, sinundo ng jowa niya. Grabe, hindi ko inakala na maganda ang kotse ng jowa niya! Shet! Hindi ko talaga inakala! Pero yun, sinabay na ko dahil papunta silang SM North ata then binaba nila ko sa Centerpoint. Umikot sa Centerpoint then umuwi then dumaan hospital.
Ngayon ko lang nafeel na kahit gaano pa kasira ang isang pamilya, sila sila rin magtutulungan sa bandang huli. Kanina kasi naisip ko yun habang yung pinsan ko pinupunasan niya yung kapatid niya. And yung tito ko todo asikaso rin. Ang ganda nung kaganapan na yun kanina. Kahit hindi na nagsasama yung Tito and Tita ko na yun, andun sila para sa anak nila. Baligtarin man nila ang mundo, anak at anak nila yun. Andun lahat sila para sa kapatid nila and anak nila. These things make me happy Mr. T! :-)
At hindi ko kinaya yung nangyari sa sumaksak sa pinsan ko and dun sa isa ko pang pinsan na tumestigo na nakakita sa pagsaksak! One happy kamag-anaks talaga mga kadugo ko Mr. T! Ang saya saya nila! Sarap tumambling! Hahaha! Ano ba toh!
Update you soon Mr. T! :-D
Currently listening to: Lady Marmalade from Moulin Rouge
Currently feeling: nice