Entries for February, 2009

Unang araw na ng February. Umuulan na naman ng mga puso kung san san. Mga decoration na hearts. Mga magjojowa magdadate na naman sa Valentines Day. Eto na naman ako, aasa merong makakasama sa araw na yun. Baka meron. May mga nag-aaya naman eh kaso hindi ko alam talaga kung matutuloy dahil hindi pa ko sumasagot ng oo o hindi. Nakabitin pa. Wala lang nalulungkot lang ako Mr. T!

Last Friday, nagsabay kami ni Glenn umuwi. Yung building niya pala malapit lang sa RCBC. Then nagkita kami sa MSE then sabay kaming nagMRT. Super kwento siya sakin about him and yung guy na dinedate niya. Inaabangan ko ang kwento niya sa Monday. Excited na rin ako. Honestly, Glen is too goodlooking para sa guy na dinedate niya. Siguro nga mahal niya talaga yun. Tanungin ko na lang nga mga stuff related dun pag nagsabay kami ulit umuwi.

Then, later that evening, Karol and I went to see each other para magmidnight snack sa McDo sa may Greenhills. Dapat 9PM kami magkikita but since nakatulog ako, 11PM na kami nagkita. Malungkot din si Karol nung gabing yun. Ako tama lang. Siyempre para sa kaibigan tatambling agad ako Mr. T! Hindi talaga natin maiiwasan magmahal Mr. T! Parang kasama na rin siya ng paghinga. The night I had with Karol was surreal. Hindi kami ganun mag-usap kadalasan eh. Sometimes, puros joke lang ginagawa namin at kwento about highschool. But Friday night/morning was different. Ilang beses kaming paikot ikot sa GH Shopping Center habang nagkukuwentuhan. Ang dami naming tanong. Ang dami naming gusto malaman. Matalino talaga si Karol, marami akong natutunan sa kanya last night about life, love, loving, getting hurt, waiting, being patient, at kung ano ano pa. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung napag-usapan namin. Parang ganito:

Sa buhay natin, may dadating na tao. Yung tao na yun para sa isang phase ng buhay natin. Marami tayong matutunan sa tao na yun na hindi pa natin nalalaman dati. Pwede tayong masaktan. Pwede tayong umiyak. Pwede yung taong yun eh hanggang dun na lang sa phase ng buhay natin na yun. Kung hanggang dun na nga lang yun, may dadating na naman na tao para may matutunan na naman tayo. At uulit yun. At kung may taong tatagal sa phase ng buhay natin na yun, isa lang ibig sabihin nun, nashape na tayo sa mga taong dumaan sa bawat phase ng buhay natin. Pero siyempre, mahuhubog at mahuhubog pa rin tayo nun, yun nga lang, hindi na tayo iiwan nung taong yun.

Then dala ni Karol kotse niya so pumunta kami sa bahay nila. Walang tao sa house nila. Ang lungkot talaga ni Karol nung gabing yun. Dun na dapat ako matutulog sa kanila kung hindi ko lang sinabi sa nanay ko nauuwi ako. People change, sometime for the better, often time for the worse. I think we’re growing up a bit Mr. T! Kasi hindi naman namin ever nagpag-usapan mga bagay bagay na napag-usapan namin ni Karol nung Friday. It was weird but I feel good having to talk to him that way for the longest time. Ang relax pa ng mood namin. Naglalaptop siya ako nakahiga sa sofa nila and our conversation keep flowing. Wala kong napansin na topic na walang kwenta. Every topic we talked about was meaningful. Ang dami naming natutunan sa isa’t isa Mr. T! I hope all my friends are like that. Or dahil ganito dahil matalino si Karol? Siguro, or ayaw lang ng mga iba kong kaibigan ng usapang ganun. Isa pang hindi ko makakalimutan na sinabi ni Karol

Kung mahal ka talaga ng isang tao, ipapakita niya every single day na mahal ka niya. No excuses. If he loves you, then he’d let you know. He’d let you feel he loves you. Ganun lang naman kadali malaman kung importante ka sa isang tao eh.

Siyempre ako isip ng isip. The only time ata na tumawa kami eh nung tumahol yung aso nila tapos ginaya ko rin yung tahol eh! Hahaha! Basta Mr. T!, ang dami naming napag-usapang topic na hindi pa namin napag-usapan before. Ang dami ko ring nalaman na ngayon ko lang nalaman. Nung HS hindi ko alam mga bagay bagay na kinwento niya last Friday. Feeling ko mas tinatrust ako ni Karol ngayon and I like it. I like it when my friends trust me. They make me happy. There were many questions left unanswered nung nag-uusap kami ni Karol. Baka masagot din namin yun one day. Or baka hindi rin. Around 3AM I left his place and fell asleep immediately.

Sorry kung hindi ko maexpress gusto ko sabihin ng maayos. Hindi ko kasi alam nararamdaman ko ngayon. Kahit ako nalalabuan sa sarili ko.

Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on February 1, 2009 at 11:59 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | Post a comment

Hello Mr. T! Sorry wala kong gana magblog lately. Anyways, update lang kita…

Nung Saturday, with Che and Luis, pumunta kaming Malate. We got drunk. Umaga na kami nakauwi. Buti hindi kami nabunggo pagkauwi! Sobran nakakahiya ginawa namin sa Starbucks. Shet!

Sunday was family day. Sina Ate, Erwin and Bruno nagpuntang Rockwell. Mga pamangkin ko nasa bahay namin. Tapos kami ni Page, nagGreenhills at namili ako ng mga original na DVD at kung anu-ano. Then sinundo kami ni Ate and Erwin hinatid si Page sa Tayatay…

Kanina was fun. JAPALA2 ulit. Hinatid ako nina Ate and Erwin sa school. May bago kasi silang biling Camry. Shet! Then ginamit ko bag ni Ate na Tommy. Hahaha! Bumili kasi sila ni Mama ng LV na bags tapos naiwan sa bahay na walang laman yung Tommy na bag ni Ate. Ginamit ko. Nilagyan ko ng laptop. Then sinamahan ko sina Ange, Carmz and Deck sa Vice Dea. Jobe Expo na sa school. Tapos si Luis sabay kaming umuwi. Pero nag-usap pala kami ng aking magaling na titser habang nagyoyosi siya. Nakakatuwa Mr. T! Then LRT kami ni Luis and kumain muna ng siomai. I'm happy naging friend ko si Luis. Siguro kaya ginawa ng Diyos na maging magkaibigan kami nung late 2007 dahil alam ni Lord na maiiwan ako sa DLSU ng mga kaibigan ko! Haha! Tulad ng ng sabi ni Luis:

"Sayang noh? Sana first day palang ng LITERA1 friends na tayo para masaya!"

Wala namang sayang dahil friends naman kami now. Nakakapagod yung araw and nakatulog ako pagkauwi.

Then, nanood ako ng Hairspray. Ngayon ko lang napanood yung movie na toh. Tagal na sa kin nirerecommend na maeenjoy ko raw. I did. That was nice. Ang saya. Sumaya naman ako kahit papaano. Bukas sabay na naman kami ni Glenn umuwi.

Anyways, update you soon Mr. T! Antok na ko. :-) And Lord, alam mo pinagdadasal ng mga tao sa bahay ngayon. Please. :-) Thanks.

I got this from one of my draft entries here in Tabulas:

"apologies are accepted. anger, vanished in an instant. a simple kiss and a hug would always do. yet, sometimes, even if we forgive, at the back of our minds, we know that we will be hurt again. we will cry again. and we will feel stupid all over again. pain gone in an instant, tears dried just in a blink of an eye. yet we simply cannot see the next day will be better than today. for a change. let yourself feel the pain. i know it hurts. let it bleed. let it hurt, 'til it hurts no more..."

I will... Good night!

Currently listening to: Move by Dreamgirls Cast
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 3, 2009 at 02:17 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, School, Family | Post a comment

Hello Mr. T! Una sa lahat, pasalamatan natin si God! Weee… sinagot niya prayers namin. :-) We’re so thankful. Sana magtuloy tuloy ang blessings na matanggap ng pamilya namin Mr. T! Nakakalungkot lang though, ang corrupt talaga ng gobyerno ng Pilipinas. But anyways, yun. Salamat sa Diyos.

Nagbantay lang ako ng drugstore sa Makati Mr. T! Tapos grabe, parang ang takaw takaw ko na :-( Kasi may pizza kanina sa drugstore tapos 4 nakain ko, tapos sa bahay may pizza na naman. 4 ulit nakain ko! Grabe. Tapos hindi pa ko nakuntento, naglunch and dinner pa ko. Wah! Ano ba toh! At yuch yuch, si Paul super yakap sa kin kanina. Hahaha! Ayaw ka kasi amining bakla siya! Hahaha!

Nagbuhat din ako ng mga stocks na pinapabuhat ng mga customers. Si Ate dumaan sa drugstore. Grabe, nastress kami nung sinabing may mag-iinspect sa drugstore! Hahaha! Dala ko laptop so medyo hindi ako huli sa mundo dahil may internet na libre sa RCBC.

Naaliw ako, bumili yung manager ng Fitness First Plus na caucassian sa drugstore. Hahaha! Nakatingin naman ako the whole time yung guy bumibili! Hahaha! Landi mo Jacob! At ewan ko kung kelan yun pero may nakasabay akong guy na parang ang bait bait. Nasa jeep kami kasama niya nanay niya and younger sister. Grabe, natuwa ako dahil parang ang close nilang magiina and love nila isa’t isa. Napapasmile ako nung pinapagmasdan ko sila. GUSTO KO NG GANUNG JOWA! Wah! Hahaha!  Kalungkot. Haha!

Tapos yun, jeep and MRT ako papunta and pabalik. Dapat sasabay ako papunta kay Ate sa Makati kaso di pa ko nakabihis nung pumunta siya ng bahay. So ayun iniwan ako. Si Kuya nag-usap din kami pala sa phone kanina. Hmmm… ano pa ba. Yun lang mga nangyari Mr. T! Ay oo nga pala, OT si Glenn kanina kaya di kami nakapagsabay umuwi sayang. Anyways, yun. Sige update you soon Mr. T! Kagagaling ko lang sa drugstore sa SJMC. Nagsara ko. Sige sige… :-D

Ang dami kong kwento pero parang hindi ko alam san sisimulan. Hayz.

Currently reading: Aubrey's YM Window
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on February 3, 2009 at 11:21 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment

I now present you, the graduates! Practice lang! Hahaha! At hindi ako kasama! Huhuhu!

Sobrang saya ng araw ngayon Mr. T! Sabi nga ni Jobet, parang mas masaya pa ko kesa sa kanilang mga gagraduate! Hahaha! Oo nga pansin ko rin. Ewan ko ba. Parang excited ako para sa kanila na grumaduate na sila. Anyways, eto ang update ngayon Mr. T!

Had JAPALA2 as usual. Kakaloka pa rin si Sensei. Pero bago ko umattend ng JAPALA2 tumambay ako sa Central Plaza dahil andun sin Tin, Aubs and Jobs and Matty. Ayun, nagpass sila ng mga resume nila sa Job Expo. Tapos Grad Practice din kasi nila ngayon. So yun, after JAPALA2, dapat sasamahan ko sina Casty and Beck sa Job Expo. Grabe, kaso di sila nagtext. Nakasalubong ko rin si Luis, kaso hindi kami sabay umuwi ngayon kasi may test siya na hanggang 9PM ata. So yun, bumalik akong Central Plaza. May mga freebies kahapon. Favorite ko yung Nestea Iced Tea. Hahaha! Bottomless talaga! So yun, upo and kwentuhan and kulitan sa Central Plaza. Grabe future na naman pinagusapan namin. Haha! Ano ba toh! Then kailangan na magproceed nina Tin sa Conserve dahil may pictorial pa ang mga gagraduate sa Saturday…

Alalay ang role ko Mr. T! Hahaha! Oo, okay lang sa kin na maging tagabuhat ng mga gamit nina Tin, Aubs, Matty and Jobet. Masaya naman eh. Kaso nga lang si Matty laging wala. Hindi naman gagraduate nagpabuhat pa ng gamit! Hahaha! Pero okay lang! Then yun, nagbihis na sila ng mga Toga nila. Shet sila. Mamatay na sila! Hahaha! At siyempre! Ano pa bang gagawin? Eh di pictorial! Nakita rin namin sina Kate, Lean and Klang so pictorial with them din! Nauna pa sa kin grumaduate ang mga toh! Hahaha! Then naghanap kami sa South Conserve ng upuan since sa North Conserve lang ang pictorial.

image
image image
image image

Wow! Katabi ko thesis mate ko! Hahaha! Inside South Conserve, dami na ring tao. Mga gagraduate at mga nakatoga! Si Jobet, pinahiram muna sa kin yung Toga niya! Hahaha! So nakipagpictorial din muna ko sa mga gagraduate! Hahaha! Pumose din ako sa mga ibang CCS na gagraduate ngayong term! Kina Joa, Jing, Erico, Sheila, etc. Ang saya saya. Hahaha! Tapos yun, Kwentuhan, mga out of the country ek ek. Grabe weird ang saya ko Mr. T! Eh kasi naman, pag ako na magrerehearsal, wala na kong kilala! Sadness yun. Iniisip ko nga kung pupunta pa ko sa graduation ko! Pero kailangan dahil andito tatay ko nun. And gusto ko makita ako ng tatay ko na gagraduate ako! Never kaya nakaattend ng graduation namin yun. First time sa graduation ko lang! Hayz… anyways, yun binantayan ko mga gamit nina Tin nung sila na nagpapicture. Mabilis lang pala. And then with Tin, Aubs and Jobet, nagEric’s kami. Tagal na namin di nakapunta dito. For ages! Anyways, LAMON kung LAMON ginawa namin. Parang dati lang. Aylavet! Then nagproceed na yung 3 sa Sports Complex para sa rehearsal mismo. At take note, sa parking area! Ang init dun! Wah!

Then nagkita kami ulit ni Matty sa Miguel Walk. Kasama niya mga AIESEC. Then kumain kami sa McDo. At may nakita kaming bading na parang si Grimace! Bad us! Hahaha! Then yun, may binili sa 7-11 pagtapos kumain dahil naYuchengco ako! Hahaha! Pero dun pala kami nakabili sa Agno ng dapat namin bilhin kasi wala sa 7-11. So yun, may initiation yung AIESEC Mr. T! Nagpapagawa sila ng mga nakakahiyang bagay sa mga newly elected officers. Hahaha! Fun, may nagsayaw ng Single Ladies sa gitna ng Amphi! Ang saya! Hahaha! Tapos lahat sila binuhusan ng tubig! Fun fun! Then around 7:30PM, sina Tin and Aubs tapos na magGrad practice so umalis na kaming school. Si Matty may nakalimutan sa McDo buti nabalikan namin ng buo! At si Tin sinundo! Kami ni Aubrey nag train. So yun Mr. T! Masaya ko para sa mga kaibigan ko. In less than 4 months, ako naman ang gagraduate! Wah! Katakot! Hahahaha!

Anyways, mangugulo ako sa PICC sa Saturday! Hahahaha!

Currently listening to: Life Ain't Easy by Cleopatra
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on February 4, 2009 at 11:33 PM in Everyday Drama, School | Post a comment

Update muna bago pumunta ng school. Yesterday was really nice. Hmmm… una as usual nagbantay ng drugstore sa Makati. Then may hinatid na proposal sa Sykes. Shetness, ang arte ng mga tao dun ha! May bading pa na ang arte arte sarap awayin! Hahaha! Basta. Then nagdeliver ng supplies sa Chevron. Tapos yun, as usual yung mga doctor na tambay ng pharmacy nakatambay. Kahapon. Tapos yun Mr. T! Sabay na naman kami ni Glenn umuwi kahapon. This time ako naman nauna sa MSE. Mga 15 minutes ako nagwait so yun…

Nagpasama si Glenn tumingin ng table para dun sa bago niyang lilipatang condo. So sa SM Makati kami tumingin. May nakita na raw si Glenn na table sa SM Megamall pero ayaw raw “niya” yung table. Sabi ni Glenn “siya” na raw dapat bumili nun kung ayaw niya yung gusto niya.

“O baket ayaw niya?”

“Ewan ko dun! Tumingin tingin pa raw ako!”

“Hahaha! Kayong 2 ba titira dun sa condo?”

“Hindi! Dapat siya bumili mas malaki sahod niya eh!”

“Hahaha! Dapat magmove in na kayo! Hahaha!”

“Hay naku nagsasawa na ko sa kanya minsan”

Our conversation went something like that. Basta yun. Pero hindi muna tables ang tinignan namin, grabe, napunta kami sa TV, sa stove, washing machine, sala set. Hahaha! Nakakatuwa. Mga pandisplay. Grabe, as usual, malikot utak ko, so ako nag-imagine din na kasama sa paglipat kahit hindi. Weird shet! Hahaha! Basta, parang ang sarap siguro mamili ng mga gamit pambahay kung kasama mo jowa mo noh? Tapos kayong 2 yung lilipat sa bahay na yun? Shet! Ang saya siguro ng feeling noh? Asa Jacob. Asa ka pa. Pero malay natin, mangyari din yun. Not now, it may come slow sabi nga nila. Hayz…

“Baket bibili ka pa ng washing machine? Di ka na lang magpalaundy?”

“Magastos pa yun”

“Pati plantsa? Ikaw magpapalantsa?”

“Oo. Pati luto”

“Shet! Tambling!”

Oo alam ko Mr. T! Alam ko baket tambling! Dahil hindi ko ata kaya yun! Hahahaha! Pero who knows, I might move out this house someday. 3-5 years from now baka may bonggang bonggang condo na rin ako! Hahaha! Wishful thinking. Magpapayaman muna ko! Hahaha! Then yun, after tumingin tingin, nagMRT na kami ni Glenn. As usual daming tao! Then this time sa Q. Ave siya bumaba since next week pa siya lilipat sa Boni. Nakakatuwa naman, may kasabay na kong pauwi sa school, may kasabay pa rin ako pauwi from Makati! Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! Punta pa kong school. :-)

Currently feeling: lazy
Posted by jjcobwebb on February 6, 2009 at 08:28 AM in Everyday Drama, Malling | Post a comment

Hello Mr. T! buhay pa ko! Nung naglalakad ako sa LRT2 -LRT1 footbridge, may namukhaan ako:

From Nanay Jong's blog:

"nagtext sakin ang jacob, anu daw color ng suot ni dong, kung nakablue daw ba? reply ko diko alam kasi nasa cr ako nung umalis cya. pero madalas naka-black lang un na collared shirt. tinext ko naman si dong, after a while nagreply ng blue, y? so, confirmed na si dong ung nakita o nasalubong nya. malamang kako na sambakol ang mukha nun kasi late nanaman sya. tas sa malayo daw ang tingen nya, bading si dong. sabi ko wag nyang usugin at baka maging 3 na ang anak kong babae. so, ang tatay nalang nila ang malamang na susunod nyang makikita.. hahaha!"

Hahaha! Ayun. Then pumunta sa school, nakita ko agad si Tin. Nanghiram ng calcu para sa test sa isang company.

After kong tumambling sa hirap ng Math nung tinestan naming company kanina. Grabe! Asa pa kami ni Tin! Hahaha! Kumopya pala ko kay Tin sa Math part! Magaling yun sa Math eh! Hahaha! Si Aubrey ata di nakapagtest. Tapos halos lahat ng tao sa kin nanghiram ng sharpener. Wala silang mga pantasa! Shet! Buti mabait ako. Kung maldito ko sana hindi ko sila pinahiram para walang kakompetensya sa positions! Hahaha! Hindi ko rin naman sila kilala kanina! Hahaha! Buti na lang mabait talaga ko! Hahaha!

Anyways, after nung test, si Aubrey, hindi na nagrereply sa mga texts at tawag namin. Natakot ako kala ko THANKS FOR UNDERSTANDING din siya! Naku, wala talaga as in. So yun, kami muna ni Tin paikot ikot sa school. May libreng kape so nagkape kami sa Central Plaza then dumirecho sa Animo Canteen. Nagkwentuhan muna then binalik yung calculator na hiniram namin sa DO. Then nagconserve kami. Ngayon ko lang nalaman na may macro feature yung phone ko. Hahaha! Nice. Then pumuntang UM para itry hanapin si Aubrey. Wala. So tumuloy kaming McDo para magLunch. Halos alas-dos na kami naglunch Mr. T! Umuulan pa. Ang lamig sa loob ng McDo. Wala akong jacket na dala. Ang dami naming kwento ni Tin. One thing na nakasmile kaming nagkukuwento eh tungkol sa love…

“Alam mo bigla mo na lang mararamdaman na mahal mo ang tao. Pero di agad agad yun…”

“Oo nga…”

“Kasi nung naging kami ni Ivan, after 4 months ko lang naramdaman na mahal ko siya talaga. Sabi nga ni Aubrey nun, ngayon lang?”

“May point ka dun. Bigla na lang eh noh? Alam mo yun… basta…”

“Yung parang pag nakita mo siya isang araw, tapos sasabihin mo sa sarili mo. Mahal ko toh…”

“Totoo ka diyan. Tapos after mong makita buong pagkatao niya mahal mo pa rin siya, naku, mahal mo talaga yun…”

“Oo nga…”

Nice noh Mr. T!? So yun, nagkwentuhan kami ni Tin sa McDo hanggang makarating si Ivan dun. Sasamahan niya si Tin maghanap ng dress para sa graduation nito bukas. So yun, dapat magcacab kami. Kaso naisip ko, umuulan, matraffic pa. So sabi ko LRT and MRT kami. Pumayag naman yung dalawa.

Nung nakarating na kaming Makati, magpapagupit din pala si Ivan. So yun, may David’s Salon pero hindi kami dun. Umihi muna si Tin then after niyang umuhi, naghanap pa kami ng salon. Sa Bruno’s Barbershop kami nauwi. Then nagpagupit si Ivan while kami ni Tin nangugulo.

020620092247 020620092250

After ni Ivan magpagupit, naghanap na kami ng damit ni Tin. Una Landmark, GB3, GB5 --- sa PrP kami nakahanap ng dress na maganda and mura pa. Afterwards naghenlin kami para kumain. Grabe, since umaga pa gusto ni Tin pala magBinatog Mr. T! So yun, sabi ko baka sa Food Choices may nagtitinda ng Binatog. Sadly, pagtambling namin dun wala. Sa King Corn nagtanong kami, sabi ng nagtitinda:

“Walang binatog dito. Ang cheap nun!”

Maldito lang? Hahahaha! Then ayun, sa GB3 na kami naghintay sa parents ni Tin. Ililibre kami ng dinner kasi. While waiting sa GB3, nagTimezone muna kami. Dun sa may videoke room. Hahaha! Then yun, dumating agad yung parents ni Tin then sa Golden Crane kami kumain. Shabu Shabu. At habang kumakain si kami, si Aubs nagtext, ayun, nasira raw phone niya. Nagtext from YM. So yun, tanggal yung kaba ko na THANKS FOR UNDERSTANDING siya. Feeling ko nagalit dahil hindi namin hinintay. Pero hindi pala. Wah! Takot lang! So yun, grabe, nabundat ako Mr. T! Sayang di ko napicturan tiyan ko kanina. Pero eto kinain namin!

020620092265 020620092266

Ayun, share kami ng daddy ni Tin dun sa isang bandehadong soup. Hahaha! Masaya Mr. T! Ewan ko baket parang ang saya kanina. Halos lahat ng magulang ng kaibigan ko nakilala ko na! Hahaha! And feeling ko, aliw naman sila sa kin. Hahaha! So yun Mr. T! Sumabay ako sa kanila umuwi. Then si Ivan din sumabay. Binaba ako sa Galleria and dun na ko naghintay ng jeep. Pero bago ko makalabas ng Galleria, may mga batang magkakabarkadang nagpapicture sa kin nung pababa sila ng elevator. Hahaha! Grabe! Parang mga taga probinsya! Pero pinicturan ko naman sila. Thank you sila ng thank you. Dapat sa phone nila kaso nakalock, malapit na silang bumaba. So hinugot ko phone ko and dun ko sila pinicturan and bluetooth after. Hahaha! Nice nice. Natuwa ako sa ginawa ko. Anyway, pupunta ko sa grad bukas ng mga friends ko. I’m so happy for them. Ako rin malapit na! Hahaha!

At Sakal, Sakali, Saklolo ngayon sa TV. Hahaha! Nice memories and Friday pa! :-) Napapasmile naman ako shucks!

Currently watching: Sakal, Sakali, Saklolo on ABS-CBN
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 6, 2009 at 11:58 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | Post a comment

Una sa lahat congrats kina Tin and Aubs and Jobs. Ayun, grad na sila. Congrats din sa lahat ng grumaduate kahapon. Actually, bigla kong naisip kung sino pa ang close kong gagraduate sa June Mr. T! At pagkagising ko kanina, shet, para akong patay. Dahil parang super tulog ako at nung nagising ako, sabi ko sa sarili ko “Shet, tulog pala ko!”. As in kala ko wala na ko sa mundo. Hahaha! Total darness and blankness nung tulog ako. Grabe! Hahaha! Buhay pa ko! Hahaha! Ganun siguro feeling pag patay ka na. Wala lang. Ganun! Hahaha!

Hmmm… anyways simulan ko na ang aking kwento about yesterday. Sorry pero puros picture talaga kahapon Mr. T! So medyo loaded tong entry toh ng pictures. Simulan ko na…

Ayun, nakatulog ako ng 3AM nung Friday. Ay Saturday na yun! Hahaha! Sabay nagising ng 7AM dahil kailangan ko maghanda para sa graduation ng aking 2 mahal na kaibigan, si Tin and Aubrey. So yun, dapat magkikita kami ni Ivan sa DLSU pero talaga Mr. T!, tinextext ko si Ivan pero hindi siya nagrereply so nauna na ko. Dapat LRT ako. Kaso di bagay ang outfit ko. At baket kung hindi bagay, mamaya. Hahaha! So yun, Mga 11PM ako nakarating sa PICC. Ayun, tuloy tuloy ako sa hall. Walang pumigil. Hahaha! Kasabay ko pa yung BF ni Ces sa pagpasok. Sabi niya hindi pwede. Sabi ko pwede kahit walang ticket. Hahaha! So yun nga, hindi kami sinita ng guards. Ayun, nagsspeach na yung isang student Mr. T! nung nakarating ako. Onting time na lang nilagi ko sa likod. Then yun, tapos na ang graduation. Si Ivan wala pa rin. Hays. So yun, congrats congrats ako sa kanila. Sa mga CCS na kilala ko. Masaya Mr. T! Then yun ayun nga kay Aubrey:

“at oo nga pala! pinuntahan kami ni Jacob kanina, nakaporma with skinny jeans and cowboy boots haha sabi ko kabayo na lang kulang! :)) pero ang sweet haha! official photographer siya kanina, nagrereklamo nga, kahit na sweet pa rin! JAY sa grad mo sana at sisikapin ko na pumunta. :) wala na kong sasabihin baka magtampo tampo ka pa or what. bahala na sa mga kaplanuhan ko sa buhay.”

So yun nga. Nacarried away kasi ako sa formal formalan na yan! Hahaha! Pero naaliw naman ako dahil mukha rin akong maayos. Hahaha! Then yun nga, alalay and official photographer ang drama ko. Pero hindi halata sa mga nilagay kong pics dito. Mommy ni Tin nagkukuha pag kasama ko sa pictures. Hahaha! Ayun, then dumatin si Ivan. Medyo badtrip nga si Tin. Pero umokay rin. Then nakita namin si Iya Villania kasama si Drew Arellano. Nakapagpapicture kami kay Drew, kay Iya hindi. Umalis na agad.  After nun Mr. T! Kwentuhan muna then lumabas ng ng PICC. Tumungo na sa parking. Hinatid ko muna si Aubrey sa car niya para batiin Lola niya. Si Aubrey pala magdadrive! Amp! Then tumungo na sa kotse nina Tin. Ayun, kasama ko sa kainan sa labas ng pamilya ni Tin. Though wala mga kapatid niya, okay na rin. Hahaha!

image image
image image

Ayun nga, sa MOA kami natuloy. With Ivan din kami. Siyempre naman BF ni Tin yun! So yun yung first na resto na nakita namin, dun na kami pumasok. Ako ay nagalak dahil JAPANESE restaurant! Hahaha! Then yun, grabe, umorder na kami. Then may moving sushi bar. Grabe, di ko feel yung mga nakain kong sushi. Sorry hahaha! At eto pa, almost 40 minutes kaming naghintay nung order kami! Grabe, kabadtrip talaga. Then kwentuhan with family ni Tin. Narealize ko ang daldal ko! Si Ivan naman sobrang tahimik. Hahaha! Walang hiya talaga ko kahit kelan! Hahaha! Pero masaya. Then ayun, naghiwa hiwalay kami after kumain. May pinuntahan parent’s ni Tin. Then kaming 3 naghanap kung san bibili nung grad gift ni Tin sa kanya ng mommy niya. Then yun umikot kami ng MOA.

image image

Sa electronics, appliances, Toy Kingdom and AstroPlus kami nagcanvas. Sabi ko kay Tin sa GH na lang kasi. Pero ayaw raw kasi ng mommy niya dun. So yun nga, canvas kami ng gift ni Tin. Habang nagcacanvas siya ako naman nakabili ng earphones ko. Sira na kasi yung earphones ko! Tsk! Then yun, sa AstroPlus nakakita ng magandang deal si Tin. Then yun. Tumambay kami sa Burger King. At nakicharge ako dahil naubos battery ko grabe! Ayun, nagdessert kami dun then Nacho Libre palabas sa BK! Hahaha! Nakakahiya ako tawa ako ng tawa! Sa pinakaharap pa kami nakaupo kung san may TV at nakaharap lang ng tao! Pero kebs. Nakita ko rin pala pinsan ko sa MOA. Hahaha! Nanood pala ng Inkheart si Tito and Tita. So kami nagwait muna. Then yun, dumirecho ng AstroPlus. And binili na ni Tita yung gift para kay Tin! Weee… ang saya saya ni Tin! Hahaha! Then yun, bumalik na sa parking para sunduin yung kapatid ni Tin na si Kevin sa CCP. Ay oo nga pala naaliw ako, yung mga RED and GREEN lights sa parking ng MOA! Aylavet! Then yun, tumaba si Kevin. NagaAppeton daw! Hahaha! Then buti na lang talaga, napaQuirino si Tito nung pauwi. Hahaha! As in sa N. Domingo dumaan! Hahaha! Ang saya. Sa harap mismo ko ng drugstore binaba. Yung malapit sa min. Nakakatuwa pa dahil kilala ko yung lugawan at bakery na minemention ni Tito dun sa N. Domingo! Naaliw ako! Hahaha! Then yun, pagka-uwi ko… sarado ang Marina Street! Hahaha! Dapat may kikitain ako pero mas gusto ko na umuwi! Amp! Then yun nga…

DSC01386 DSC01388
DSC01391 DSC01395

Naku, patong patong ang celebration pala kahapon Mr. T! Birthday ni Manang Luz, 5th anniversary ng Planet Drugstore, thanksgiving na rin ni Ate dahil nakuha na niya ang OsMak. O di ba? Buti na lang hindi ako grumaduate pa! Hindi mapapansin ang graduation ko if ever! So yun, ang daming tao! Buong kalsada nakikain. Mga kabilang kalsada naki-kain din. Grabe, nagpahinga muna ko sa bahay then ayun, lumamon na! May videoke pa! O di ba? Ayun ang inupakan ko, videoke! Hahaha! Grabe parang wala akong pagod di ba? Then yun, andun din mga employees ng Planet. Mga classmate ni Ate nung HS. Mga kamag-anak. Grabe, sa dami ng tao kahapon hind ko na kilala mga tao kagabi dun. Dapat pala ininvite ko sina Tin dun sa Marina. Para nakikain na sila. Hahaha! Pero swear! Ang daming tao! Mr. T! Around 7PM ako nakauwi eh. Then 11PM na may tao pa rin grabe!

Then nagtext sina Barry nung maghahating gabi na! Nasa bahay raw sila ni Wiggy. Ano raw plano ko? Sabi ko, kahit ano. Then yun, sabi nila sa Promenade na lang magkita. Sa may Starbucks. So ako naman sabi ko sige. Sabog na sabog na ko sa totoo lang and pagod na pero pumunta pa rin ako sa Greenhills para makita ko sina Barry, Rhitz and Luis. Ganyan ako magmahal ng friends!

020720092270 020820092274

Then yun, nagwait raw yung 3 ng 30 minutes para partida baka mauna ko. Sorry, hahaha! Pagtawag nila, sila nasa Greenhills na, ako naghihilamos pa lang! Hahaha! Ayun, hindi sila tumambay ng Starbucks dahil marami raw tao. So nasa McDo sila. Then yun, nagplano ng gagawin this week. Sobrang sabi ko wag muna ko tanungin about this week dahil hindi ko rin alam mangyayari. Basta, ayoko muna magYes or No sa mga plano Mr. T! Then yun kwentuhan to the max. Catch up sa mga kwento ng isa’t isa.  Fun fun fun. Then pinakita ni Wiggy yung kumakanta si Rio. Hahaha! Then si Debrah Wilson! Wahaha! OMG lang ang lakas ng tawa ko sa McDo. Hindi rin kami nagtagal sa McDo lumabas kami. At ang weird namin, sa may parking kami tumambay! grabe! May Raison si Wiggy, so siyempre bago, tinry ko! Hahaha! Panget ng lasa. Then yun sabi ni Barry para kaming magpapapick up dun sa Parking! Hahaha! Then ayun, umaga na rin, we decided to go home na Mr. T! Then yun, at may party pa rin sa kalsada Mr. T! Wahhh… nakatulog agad ako Mr. T! Buhok ko may gel pa, hindi ako nagtoothbrush, nakapang-alis pa rin ako. Wahhh… sige sige update you soon Mr. T! Dapat pupunta kami ni Page sa GH ngayon para paayos phone niya. Pero hindi nag-iwan ng pera si Ate sa kanya. So yun, or baka sumunod ako kina Mama sa Galleria mamaya. Bahala na. Baka tamarin ako at matulog na lang. Hahaha!

So yun, yuppies na sina Tin and Aubs! Ako rin malapit na magyupi-yupihan! Kikita na rin kami ng pera! Weee… shet mukhang pera talaga ko! Hahahaha! I still feel bad for Angelica and Deck. Hays… pero ganun talaga. Gagraduate din kami! Hahaha! Hindi ako nakapunta sa grad nina Jeffrey and Rhitz dahil alam mo naman Mr. T kung baket...

Fly fly fly butterflies…

Sige sige update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: One & Only by Mariah Carey feat. Twista
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 8, 2009 at 04:32 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School, Family | Post a comment

Hello Mr. T! Musta ka naman? Eto okay naman ako. Simulan ko na ang kwento…

Umaga, nag-away kami ng bonggang bongga ng nanay ko. Dahil sa graduation ko. Grabe, okay nagsigawan kami. Nagdabugan.

Eksena:

"Tang ina ka, hindi ka pa grumaduate. Hindi ko alam kung ano pa ginagawa mo sa school…"

"Ma, anong problema mo?"

“Tang ina mo! Bwakanang ina ka! Punung-puno na ko sa yo! Anong problema ko? Huwag mo kong tanong tanungin ng ganyan baka gulpihin kita…"

"Gulpihin mo! Baket ikaw ba nag-papaaral sa kin?"

"Tang ina mo! Imbis na nagtatrabaho ka na pasok ka pa rin ng pasok! Yung iba mong kaibigan grumaduate na!"

"Eh delayed ako eh! Sinabi ko na yun ah!"

"Tang ina ka! Huwag kang hihingi sa kin ng pera ha!"

"Baket? Simula nung pasukan ngayong term nanghingi ba ko ng pera?"

"Lumayas ka na dito! Leche ka! Tarantado ka… %*@#$*#.<&$^~`@#$@"

*pabulong* "Leche ka rin!"

Mabait akong anak pero nabwisit din talaga ako dahil nanahimik akong kumakain ng almusal! Okay, hindi ko alam kung anong problema ni Mama kanina. Pero ako wala talagang pakielam. Gaya nga ng sabi ni Ate, ano problema ni Mama eh hindi naman siya nagpapaaral sa kin. Weird. Binalibag ko ang pinto nung lumabas ako and narinig kong nagmumura pa rin sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung may problema sa pera eh! Susme! Nasira umaga ko!

Ayun, walang JAPALA2 ngayon. Free cut. Sa RCBC ako pumunta and nagbantay ng drugstore. Andun din anak ni Jaycel yung pharmacist na isa. Naaliw ako, pinaglaruan ko baby niya. Hahaha! Tapos dapat magdedeliver kami sa kwarto ni ambassador Yuchengco sa pinakamataas na floor ng RCBC kaso bumaba na yung bodyguard niya para kunin yung meds. Then grabe, may bumili na sobrang pogi Mr. T! As in ang gwapo talaga! Siguro mga late 20’s na yun. Sabi ko sa mga pharmacists bagalan yung pagbibilang ng gamot! Ako rin binagalan ko magcashier! Hahaha! Marunong na ko gumamit nung sa credit card. Yung pag card ginamit alam ko na ioperate. Hahaha!  Tapos basta masaya magbantay sa drugstore. Hahaha! Eto baby ni Jaycel. Hahaha!

020920092282 020920092284

Bagay raw sa kin magkababy! Hahaha! Nooooo! Hahaha!

Tapos yun, si Ate dumating kasama yung accountant niya and si Kuya Joel nagdadrive meaning sabay ako pauwi! Galing sa OsMak nakipagmeeting sa mga doctors dun. Tapos sa RCBC nakipagmeeting sa mga taga Glaxo. Grabe, kailangan ni Ate ng 24 na pharmacists. Sabi ko, dapat may lalaking pharamcist! Hahaha! Then umuwi na kami. Hindi kami sabay ni Glenn kanina kasi nga sinundo ako. Sayang. Then yun, birthday nung anak ng pinsan kong si Dindin na si Ken kanina. Tumuloy kami nina Ate muna sa bahay nila para makikain. Ayun, sarap! Grabe Mr. T! I love food! Hahaha! As in nabundat ako. Tapos pagkauwi ko okay na kami ni Mama. Weird. Ay, pumunta rin pala ko kay Lola. Nanghihina siya. Sana gumaling na siya.

At lunar eclipse daw kanina/ngayon. Baket kaya hindi ko nakita? Hmmm… sige sige. Isasama raw ako ni Ate bukas sa meeting sa OsMak. Pinapipili ako ng shift ni Ate. 24 hours daw kasi yung mga magiging drugstore dun! Wow! Anyways, update you soon Mr. T!

Currently listening to: Now That I Know by Mariah Carey
Currently reading: Calvin's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 9, 2009 at 11:25 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | Post a comment

Sobrang haba ng araw ngayong Mr. T! As in. Anyways, half day ako sa drugstore sa RCBC kanina since naging alalay na naman ako ng Ate ko. Hahaha! Uu alalay. Anyways yun nga, sinama ko kasama yung accountant niya sa Makati City Hall. Pero bago yun, nagdeliver pala kami ni Mau ng mga meds sa 48th floor ng RCBC. Kay A.Y. Only privileged people can enter that floor lang daw. Grabe Mr. T! Ang ganda. Bali office ni Yuchengco yun and bahay na rin. Hindi ko napicturan yung view sa labas kasi may librarian eh! Eh close ni Mau yung nagbabantay kaso hindi yung librarian. Sabi ko iclose namin! Grabe! Parang hotel lang talaga! At kitang kita buong Manila sa taas! Grabe, pinakamataas na building yet na naakyat ko! The view was impeccable. Anyways, nakanakaw ako ng picture, pero dun lang sa paglabas ng elevator. Kasi bawal talaga eh! Basta bongga talaga! Hotel sa loob ng RCBC building! Hahaha!

021020092293 021020092294

Sa City Hall, nakipag usap sa kung kani-kaninong tao dun kanina. Tapos ako kumausap kay Jun yung nagbibid para sa system nung magbubukas na bagong drugstore sa OsMak. Grabe, nahiya ako nung pinapakilala ako ni Ate na “Brother ko. Siya magiging manager nung bagong drugstore…”. The fuck talaga nanliliit ako shet! Ano ba itong pinasok ko! Wah! Pero anyways, sabi nga ni Papa, tulungan si Ate sa business niya. Parang sa min na rin daw naman yun eh. So why not. Malaki naman utang na loob ko kay Ate eh.

Anyways yun, naiwan kami ni Marlet, yung accountant ng drugstores sa City Hall dahil umalis si Ate pumuntang Unilever branch. May mga engineer ng Makati na magiinspect kung tama yung mga assets chorva na dineclare sa mga papeles. Then yun, hindi ako nagsasalita nung naguusap kami ni Jun shet. Ayaw ko yung deal niya. Sinabi ko kay Ate na sobrang taga Mr. T! Basta, OA! Imagine 150,000 para sa isang PC? Grabe, sabi pa ni Jun “Malaki naman budget eh, ipatong mo na lang…”. Tambling talaga Mr. T! Hindi ko kinaya. Sa kanya na nanggaling. Tama ispekulasyon namin na tinataga niya dahil narinig niya yung budget. Anyways yun, iniwan ko si Jun at pumasok ko dun sa office ni Ms. Violy. Grabe, parang dragos si Ms. Violy Mr. T! Hahaha! Pero mabait siya. Mukhang maldita lang. Hindi na ko nagbabay kay Jun dahil kawalang gana. Tapos yun, nagmerienda kami ni Marlet sa 7-11 habang naghihintay kina Ate.

Then, tumawag ako kay Ate and tinanong kung babalikan kami, sabi bumalik kaming RCBC at nun na lang kami babalikan. So yun, cab kami ni Marlet at kinuha ko sa kaha yung pinangtaxi namin! Hahaha! Then yun Mr. T! Around 7PM dumating si Ate and Erwin para sunduin kami. Kasama yung isang doktora ng OsMak. Sobrang traffic sa JP Rizal! As in natapos ko yung Aladdin sa iPod ko! Hahaha! So yun, Mr. T! Ewan ko ba, nakakapagod. At sa totoo lang, napapagod na ko mag-isip kung sino sasamahan ko sa Valentines Day. Hay, yung kaisa isang taong ininvite ko hindi ko na alam kung matutuloy pa kami. Baka hindi na. Ewan ko bahala na. Anyways, hindi naman big deal sa king ang Valentines Day. At nagsisinungaling ako! Ang laki nung buwan kanina nung nasa may Rockwell area kami Mr. T!! At aliw na aliw ako sa mga dolphins na naglipana sa Bataan! Hahaha! Sige, update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: True Colors by Cindy Lauper
Currently reading: Barry's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 10, 2009 at 11:17 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | Post a comment

Hello Mr. T! Musta ka naman? Eto ako buhay pa. Hahaha! At parang wala na talaga kong Valentines Day. Hays… anyways, yun nga, kauuwi ko lang galing Trinoma with Luis and Che. Pero bago yun, inakyat ko na naman ang 9th floor by stairs. Nagquiz sa JAPALA2 then tumambay sa thesis room ng mga CSE. Ayun, kwentuhan, ininvite ako ng mga tao dun sa gym sa Friday. Sabi ko sige yes. :-) Then ayun, hinintay ko si Luis sa Gox dahil gusto niyang magkita kami at sabay umuwi. Pero nung nagkita kami, gusto na namang gumimick ni Luis! Tinignan ko wallet ko. May laman pa naman. So sige, Trinoma. LRT1 and MRT kami. So yun sa MRT tawa kami ng tawa si Luis kasi may bading na maldita eh. Hahaha! Nakatingin kay Luis. Ganda kasi ni Luis eh! Hahaha! Si Luis gaga rin, nung nasa Makati gusto bumababa. Pero buti na lang sa Trinoma kami bumaba. Wala sa plano ko magMakati makita pa ko ng Ate ko dun.

Then yun, sa Trinoma, sa Red Box na naman kami nauwi! Hahaha! Adik lang sa kantahan. Student promo. 99php lang. So yun, 2 hours kami dun. Then pinalipat kami ng room nung naghang yung system dun sa room. Tinext ko si Allan kung andun siya sa Trinoma. Andun, so nagkita kami saglit. Hi Hello ganun. Then yun, kantahan ulit kami ni Luis. Then after nun nagutom ako. Onti lang nilunch ko eh. So nakakita ko ng Palabok. Sabi ko Red Ribbon kami! So kumain kami dun. Then nagkwentuhan! Nagkwento si Luis about food sa Saudi! Grabe, nagutom ako! Sabi ko magShawarma kami! So game naman din si Luis. Then pumunta kaming food court. Kumain ng Shawarma. Then kwentuhan. Grabe, nakakatawa dahil katabi namin sa table mga bading. Yung tinginan namin ni Luis yung parang natatawa. Hahaha! Then yun, umikot ikot ulit. Lakad lakad at tingin tingin sa mga boutique. Then yun, nagkwentuhan kami ni Luis ng mga for adults only stories. Haha! Tumambay kami sa yosi area dun sa harap ng McDo papuntang Circle. Ayun, grabe, never pa kong nakapagkwento ulit ng ganun sa isang tao. Salamat naman hindi ako jinudge ni Luis. I’m thankful. Then dumating si Che. Ayun, then nagStarbucks kami. Nagkape si Che at kumain.

Tawanan, kwentuhan. Parang, parang I trust Che na rin. Oo Mr. T! So kinwento ko no na rin sa kanya mga kinwento ko kay Luis. Ayun, mabait rin si Che. Di siya nanghusga. Then yun, naubos na ni Che kinakain niya and naiihi na rin ako. So yun, nagtetext din kami ni Allan nun kung magkikita kami. So sige. Dumaan ako sa Figaro, andun sila ni Myk. So Hi Hello muna. Kailangan ko kasi umuwi. Bad shot pa rin ako kay Mama. Tsk! Then yun, umuwi. Then yun, pagkauwi namin nasa bahay si Aling Baby yung dati naming kapitbahay. May dalang atsara! Shet sarap! Hahahaha!

Alam mo Mr. T!, sabi ni Che nagseselos na sa kin si Robert, yung jowa ni Luis. Grabe naman wala naman kaming ginagawang masama! Ano ba naman yun. Baka sabihin kumakabit na naman ako. Paranoid pa naman daw yun. At buti na lang nung gumimik kami last last week hindi ako natulog sa bahay ni Luis. At baka naabutan ako ni Robert dun. Siguro najombag ako! Eh naman kasi, mas madalas kaming magsama ni Luis kesa kay Robert! Eh tuwing weekends lang sila nagkikita! Naku naman noh! 2 years na sila! Wala pa rin bang trust yun? Well kung ako si Robert, ewan ko rin... hahaha...

Pero may confession ako Mr. T!, crush ko na nun si Luis nung first time ko siyang nakita sa school. Hahaha! Linis kasi and ang pogi! Hahaha! Pero yun, wala na yun kasi friends na kami ngayon. At nakakahiya pag nalaman niya yun! Hahaha! Anyways yun nga… at ang ganda ng gupit ni Luis ngayon. Inggit ako! Haha!

Ay Mr. T! Nalala mo ba si Patrick? Wala lang, ang pogi niya sa Friendster niya! Hahaha! Flight Attendant na lolo mo! At para sa mga hindi nakakaalam kung sino si Patrick, siya yung dinate ko nung malungkot ako at iniwan ako ni Von! Lagi kaming magkasama sa DLSU nun! Hay memories! Sinungaling nga lang ang lolo mo kaya nabwisit ako at tinigil ko na ugnayan namin nun!  Hahaha! Masama ako pero pwede nating matawag na rebound ko siya nun. Hahaha! Ang pogi niya ngayon! Hahaha! Tae!

Currently listening to: Stand Up For Love by Destiny's Child
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 11, 2009 at 11:43 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | Post a comment

I don’t like blogging on Facebook, Multiply or Friendster. Might as well put this here.

Rules: Once you've been tagged, you are supposed to write a note with 25 random things, facts, habits, or goals about you. At the end, choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you. If I tagged you, it's because I want to know more about you.

(To do this, go to “notes” under tabs on your profile page, paste these instructions in the body of the note, type your 25 random things, tag 25 people (in the right hand corner of the app) then click publish.)

  1. Jobo used to be my childhood nickname
  2. I love the color red, but I don’t like wearing red shirts
  3. Sashimi, Butterfinger, Marshmallows are the best food in the world
  4. I love RPG games. I’ve finished quiet few on PS and PS2 before eg. FF8, FF9, FF10, FFX-2, Thousand Arms, Legend of Legaia, Suikoden 2, Tomb Raider 1, 2, 3, 4
  5. I can dance to Paranoia on Dance Dance Revolution back in grade 7
  6. I’ve dyed my hair twice
  7. I’ve been a Mariah fan for 15 years now
  8. I used to have Barbie dolls when I was a kid
  9. I used to play Basketball back in grade 6 and grade 7. I also played Badminton and Pingpong and Soccer and Volleyball plus Arnis
  10. I worship the beach and I want to learn surfing
  11. I get colds everytime I sleep in an airconditioned room. That’s why my room doesn’t have one
  12. I don’t like liquorice
  13. Thinks Channing Tatum and Chris Evans are gods
  14. iTunes beats Windows Media Player big time
  15. But I think Windows 7 beats Leopard big time
  16. I did not create my Friendster account. My friend did
  17. I had a diary back in grade school and early high school days. I called it “Lambs”
  18. When I die, I want to have a statue of me as an angel on may grave
  19. I never asked from my parents or my sister to buy me a new phone
  20. There’s only one thing I asked from my parents to buy me, it’s my iPod
  21. Got addicted to The Sims and The Sims 2
  22. My Facebook, Friendster, Multiply, Tabulas, Hotmail, Gmail, Yahoomail all have the same password
  23. I’ve met a handful of people on the internet already
  24. I don’t want to work in an IT company
  25. The first time I played Stacker in Timezone, I won a cellphone!

I won't tag people. This tag game ends here.

Currently listening to: Little Things by India.Arie
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on February 12, 2009 at 08:10 AM in Everyday Drama, Online Tests | Post a comment

021220092305Si Bella ay nakakatawa. PT siya sa Grepalife. Tumatambay siya sa pharmacy pag wala siyang ginagawa. Nilalandi niya ko parati. Baka raw  maging lalake pa ko. Nakakatuwa siya. Naiinis daw siya baket may nagpapadala sa kin ng bulaklak at cake tapos sa kanya wala. Dapat daw magpakalalake ako para kami na lang. Ano siya hilo? Hahahaha! Pero super funny siya Mr. T!

Anyways, nakipagmeeting ako kahapon with Erwin dun sa gagawa ng bagong system para sa OsMak. Grabe, wala naman akong ginawa dun tumungo tungo lang. At Oo at Hindi lang sinabi ko. Hahaha! Then ayun, pinakain ko mga tao ng cake na binigay sa kin. Ibang klase na raw talaga ako, may flowers na may cake pa! Aba, hindi naman ako nanghingi ah! Binigay! Hahaha!

Then pagkauwi pinapila ni Mama sa lottohan para tumaya sa Lotto. 170M na kasi ang mapapanalunan! Grabe na ito! Hahaha! Sige sige update you soon Mr. T! Wala naman masyadong nangyari ngayon eh. Mwah!Hayz...

Currently listening to: I'll Be Lovin' You Long Time by Mariah Carey
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 12, 2009 at 11:36 PM in Everyday Drama, Gayness, Food and Dining | Post a comment

Kahit wala akong Valentines date Mr. T!, nakakuha naman ako ng mga regalo. Material things pero consolation prize na rin. Pero siguro hindi rin. Weird ng nararamdaman ko eh. Parang masayang hindi. Ano ba toh. Sabi nga ni Barry, wala akong karapatan maging bitter ngayong Valentine’s Day. Pero baket ang bitter ko pa rin? Since Monday may nagbibigay na sa kin ng mga kung ano ano. Hindi ako nagyayabang, share ko lang…

roses Sender #1: Ano paborito mong bulaklak?
Jacob : Tulips

*Next day may dumating sa drugstore*

Sender #1: Nakuha mo na?
Jacob : Di mo ba alam difference ng Tulips at Roses? Hahaha! Sana chocolates na lang!
Sender #1: Di mo na kailangan ng chocolate, masyado ka ng sweet! Hehe…
cake Sender #2: Asan ka?
Jacob: Drugstore sa Makati
Sender #2: Gusto mo ng cake?
Jacob: Oo, pero dapat Black Forest! Haha!

*After 30 minutes…*

Jacob
: Oist nakuha ko na! Pero baket hindi Black Forest! Wahh…
Sender #2: Sorry wala na kasi eh…
Jacob: Thanks na rin. :-)
perfume Sender #3: Where are you?
Jacob: Makati. Pauwi na. Why?
Sender #3: Daan ka front desk sa condo I left something for you…

*Dumaan ng condo*

Jacob : Uy thanks! Pero baket toh?
Sender #3: I asked dati di ba?
Jacob: Shucks, Davidoff Coolwater gusto ko! Hahaha!
Sender #3: That’s a new scent daw. Try mo na rin…
021320092310 Sender #4: I left something for you sa drugstore niyo…
Jacob: Puta! Pumunta ka dun?
Sender #4: Yep yep. Ask mo na lang pharmacist niyo…

*Nung nakita ang gifts*

Jacob : Uy! Thanks pero nakita ko toh! Mahal toh! Sana pagkain na lang or cash binigay mo! Haha!
Sender #4: Bigay mo na lang sa mom mo or sister mo kung ayaw mo. Haha!

So yun, binigay ko nga sa nanay ko Mr. T! Sabi ko binili ko! Hahaha! Anyways, all the gifts are appreciated. Pero alam niyo, sana talaga binigyan niyo na lang ako ng cash. Kasi pag pinagpatong-patong yang halaga niyang binili niyo, pwede na ko magpahanda at magkapakain ng 5 tao! Or ako na lang kumain sa halaga niyan! At baket wala talagang nagbigay ng chocolates? Hahaha! Pero salamat sa mga nagbigay. At weird niyo, basted na kayong lahat nagbibigay pa rin kayo! Wag na kasing umasa! Haha! Pag sinabi kong hindi hindi! Pero ang mga regalo akin! Hahaha! Walang hiya ko talaga! Haha! Pero salamat talaga :-) Siguro mabait talaga akong tao? Pero ewan ko pa rin. Unless you tell me. :-)

Ayun. Isa lang naman gusto ko makasama sa Valentines Day and ayaw pa niya. O well lilipas din ang araw bukas. Sana may pagkabusihan ako di ba Mr. T!? Hayz… inaantok ako! Hintayin ko na lang tawag ni Ate. Tulog na muna ko Mr. T! :-)

Currently listening to: Poker Face by Lady Gaga
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 13, 2009 at 05:17 PM in Everyday Drama, Gayness | 2 comment(s)

Grabe Mr. T! tao ako at may katawan talaga at kaluluwa! Hahaha! Tulad ng napag-usapan, tinanggap ko invite nina Casty and Gian sa Fitness First. Simula 10AM-2PM andun kami. Grabe! Muntik na kong mawalan ng dugo kakathreadmill! At at, grabe, nagBody Combat kami Mr. T! Muntik ako masuka. Anyways kwento ko…

Nalate ako ng dating. So yung mga kasama ko nakapagthreadmill na. Nagbubuhat buhat na sila at kung anu ano. So ayun ako ang nagthreadmill. Rosalinda palabas si TV nun. Grabe, di ko namalayan 40 minutes na kong tumatakbo! As in! Pagkababa ko hilong hilo ko! Hahaha! Then yun, buhat buhat kami. Nakakaaliw dahil nakikita mo kung ilang reps na nagagawa mo dun sa mga machine. Ganda pa ng music parang pangdisco! Hahaha! Mapapaindak ka talaga. Around 12PM, hinila ko ng mga kasama ko dun sa Group Excerise. Mga first 15 minutes nageenjoy ako. Nung dumami na yung steps, grabe, at tumalon talon na kami, nahilo ko! Muntik akong masuka! Hahaha! So mga 30 minutes lang tinagal ko dun sa sayaw sayaw and umupo ako dahil sa hilo! Hahaha! Yung mga kasama ko nasa loob pa rin. Nung nakalabas na lahat, tinry na  namin lahat ng machine Mr. T! At ang kaya ko lang talaga kaya buhatin eh hanggang 60 lbs lang talaga. Nothing more than that. Nakakawala ng stress in fairness yung pinag-gagawa namin! Hays… then yun, usap usap muna then we decided to take a bath na. Ang mga babae nagsauna! Si Caloy and ako lang ang guys. Sabi ko dun na lang ako magsauna sa girls kaso bawal! Hahaha! Hindi ako nagsauna! Kasi, puros bading talaga sa locker room nung oras na yun. Mamatay man Mr. T! Ang awkward. Kahit nung Grade 6 pa ko, parang hindi ako panatag sa locker rooms. Bigla kong naalala yung mga swimming days sa XS. Grabe, ganun pa rin yun feeling ko til now. Then yun, mabilis akong naligo and nagpalit. Si Caloy din tapos na. Then 48 years natapos ang mga babae!

image image
image image

Siyempre super gutom kami. Ayaw na naming mag-isip ng makakainan dahil drained na kami. Ako raw putla na. Siyempre gutom na. Sa El Pollo Loco na kami kumain. Ayu, picturan then tawanan. Sina Casty tuwang tuwa sa kin grabe. Ang saya raw nila dahil naging friends nila ko. Ako rin naman masaya eh. Then yun, tinext ako ng pharmacist namin at dumaan daw ako sa Makati dahil may nagpadala raw ng kung ano. So dumirecho ko dun. Wow! Flowers ulit. Then, dapat magpapa hanggang 6PM ako kaso sabi ni Ate kakaini kami sa at umuwi na ako. Then ayun, pagkauwi ko, wala pang tawag si Ate, ang tagal. Nakatulog ako sa sobrang pagod. Around 8PM na ko nagising.

Then tumawag si Ate, magpapa spa na lang daw kami. So ako natuwa. Hahaha! Sakit kasi ng katawan ko Mr. T! eh. Then yun nga, si Bruno mukhang may date nun! Hinintay namin siya. Kasama rin pala si Erwin and si Mama. Around 9PM kami umalis…

021320092314 021320092315
021320092313 DSC01655

Kala ko sa Footzone sa may Club Filipino Drv. kami magpapaspa. Dun lang pala sa may M. Paterno yun. Pwedeng lakarin galing sa bahay! Sa Cinese Foot Spa kami nagpunta. Grabe Mr. T! Lagi kong nadadaan yung spa na yun. Ngayon lang ako nakapasok. Hahaha! Habang nagpapaspa, nakatutok lahat kami sa Tayong Dalawa! Hahaha! Then pagtapos, tahimik na and dinala na kami sa paradise nung mga nagmamasahe. Ay habang nagkukuwentuhan kami sa reception ng pamilya ko, nabuwisit sila sa kin:

Ate : Uy, nakabili ako ng Omega na relos na 190K for 50K para sa yo…
Erwin : Ibenta na lang natin ng mga 90K yan. Tubo tayo…
Mama : Jing, tigna mo tong bag na toh. Nakita ko may ganito si Yuchengco *points at magazine…*
Bruno : Erwin tignan mo tong phone na toh oh, 170K kahit ilaglag mo sa building blah blah blah…
Jacob : Wow! Ibang level mga pinaguusapan niyo ah! Parang ang yayaman! Ma! Yung sinampay ba natin nakuha mo na sa sampayan? Hahahaha!

*everybody stares*

Hahaha! Sarap mambuwisit. Ang sarap din Mr. T! kasi napagod ako then minasahe ako. Hahaha! Ngayon ko lang naisip rin ang sarap mag gym. Ngayon alam ko rin baket ayaw ako isama nina Barry sa gym. Baka March mag-gym ako Mr. T! Hahaha! Shucks. Anyways, update you soon okay? Sige sige advanced Happy Valentines Day Mr. T! :-)

Currently listening to: Goodbye to Love by The Carpenters
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 13, 2009 at 11:37 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 1 comment(s)

As promised, February 15 na! Bukas na ulit blog ko! Weee...

Belated Happy Valentine’s Day muna sa yo Mr. T! Mwahaha! Grabe, wala man akong date, kasama ko naman mga kamag-anak ko kahapon buong araw. Sisimulan natin ang kuwento sa Kabihasnan Fair ng LSGH. Ginising ako ni Mama dahil panonoorin daw namin yung pamangkin kong si Emo kasi may sayaw sila. Hindi ako nagising kasi ang aga! Pero around 10AM sumunod ako sa LSGH. Ayaw ko mastuck sa bahay at magmukmok. Wala rin naman akong date so sumama na lang ako sa pamilya ko. Wow fair nga! Unang unang tumambad sa kin si Troy Montero! Naku, anak ni Aubrey Miles kasama niya. Tapos deny deny pa si Aubrey Miles! Hahaha! Anyways yun…

021420092316 021420092320
021420092324 021420092318

Andun sina Mama, Erwin, Emo, Kobe, Ate, Kathleen, Page and yung classmate niya. And yung yaya pala ni Emo. Ayun, first time ko makapasok sa LSGH. Mas malaki ang XS! Pero pero, grabe, since hindi nga ko mahilig sa mga chinito, at gusto ko mga metiso, natuwa ako sa LSGH! Grabe, ang sarap mag-aral dun! Hahaha! Seriously, mas feel ko yung mga estudyante ng LSGH kesa sa XS. O di ba? Pero wala kong magagawa dun ako pinag-aral. Hahaha! Sabi ko nga kay Mama na sana dun na lang ako pinag-aral eh! Hahaha! So yun, sina Page and yung classmate niya tuwang tuwa! Puros lalake eh! Mga Assumptionistas kasi yung dalawa. Walang lalake sa school nila! Hahaha! Basta, bigla kong namiss maging GS and HS. Hays… at fair din pala ng XS last week. Shucks, next year bibisita nga ako sa XS pagfair.

Then yun, kumain kain kami. Fish and Co., pansit, Snow Cones, Cotton Candy at kung anu-ano pa. Hays, nakakatuwa Mr. T! Dami kong naalala bigla. Parang gusto ko bumalik back in time. Yung nagbabantay kami ng booth. Yung nahuhuli ng jail booth. Yung mga rides. Hays, nakakatuwa. Then yun, around afternoon, umalis na kami. Yung classmate ni Page and siya nagpaiwan and dinaanan na lang nung pumunta sina Ate and Erwin sa Shang. Pagkauwi, nakatulog muna kala ko kasi walang gagawin. Tapos ginising na naman ako ni Mama.

First death anniversary ni Tita pala kahapon Mr. T! Yep, babang luksa niya pala kahapon. Ayun, kaya pala ko ginising ni Mama dahil aalis kami at pupuntang Marikina with relatives. O di ba? Nawala sa utak ko talaga na Valentine’s Day kahapon. Buti na lang nagbusy busihan ako! Hahaha! So yun…

Una muna, dumaan kami sa sementeryo para dalawin puntod ni Tita Nita. Grabe Mr. T! Ang bilis ng taon. Isang taon na yun. Naalala ko dinadalaw pa namin si Tita sa hospital last year. Hayz, alam ko masaya na siya kung asan siya ngayon. Malaki utang na loob ng pamilya namin sa kanilang mag-asawa nung nabubuhay pa sila. Siyempre, ganun na lang kami magbigay respeto sa kanila. Then yun nga. Ginamit yung truck ng Planet para magkasya lahat ng sasama papuntang Marikina.

Kasama mga close kong pinsansi Din and Precious. Ayun, kaya hindi masyadong boring! Di ba? Then yun, unang una naming ginawa, nagdasal. Grabe, naglitanya kami ng mga Santo! Kami ni Din and Precious grabe, nainip. Hahaha! Seryoso, bigla kasing nagrosaryo tapos tinawag lahat ng Santo! Eh lahat ng pagkain nakahapag na! Musta naman di ba? Naduling kami kadadasal! Pero okay na rin yun, minsan lang naman kami tumawag sa lahat ng Santo! Hahaha! After magdasala ma simple presentation na hinanda sina Ate Katherine and Annabelle. So yun Mr. T! May video. Naiyak naman mga Tita ko and si Mama. Then yun, kainan na!

021420092325 021420092331
021420092336 021420092341
021420092339 021520092357

Maraming handa as in. Hindi kasya sa isang lamesa. Ang dami pang nakatago! Then kwentuhan. Tawanan. Then picturan. At kung anu ano pa. Then natuwa ako sa pusa nila sa bahay. Kaso grabe, puros balahibo. Katurn off! Hahaha! Then pumunta kami sa club house ng Rancho. Then nagswing swing dun. Naglaro. Monkey bars. Then sina George sumunod. Grabe, nakipaglaro ako sa mga bata! Napagod ako. Ibang energy nila. Imagine mga 5-8 years old sila. Pinagtutulungan ako. Shucks! Hahaha! Tinatalunan ako! Ano ko? Clown? Hahaha! Pero masaya. Then may mga sumunod, sina Donna rin sumunod. Yung iba nauna na sumabay kina Donna. Then around 11PM umalis na kami. At si Katrina sabi gumimick raw kami at siya bahala. So yun sabi okay lang. Si Mama payag naman since kamag-anak mga kasama. Then yun, sa Antipolo pa si Katrina at nagbihis at text ng text. Sa bahay nina Lola tumuloy muna sina Precious and Brian. Ayun, pinahiram ko muna ng pants si Brian para makasama. Then around 1AM dumerecho kaming Guilly’s Island.

Grabe, ang haba ng pila. Mga ilang minutes kaming naghintay para kay Katrina! Hahaha! At pagkadating, kita ang cleavage! Hahaha! Then sa haba ng pila na yun, nakapasok kami agad! Hahaha! Yun isang pinsan namin na si Sarah, andun din. Manager na dun! At nung nakita ko, party outfit din! Kita rin cleavage! Ibang kalevelan rin pala mga pinsan ko pag hindi kaharap mga nanay nila. Sabi nila walang sumbungan. Sabi ko kebs! Hahaha! Then yun, ang saya na! At nalasing daw ako. At ayon sa kuwento ng mga pinsan ko, I did the following:

  • Inubos ko yung mga beer sa bucket. Pati mga beer nila ininom ko!
  • Nung pina-inom nila ko ng hot sauce, inubos ko raw!
  • Nakipag-sayaw ako kung kani-kaninong babae!
  • Kinikiss ko raw mga pinsan ko!
  • Pati yung lalaki naming pinsan hinalikan ko rin!
  • Sinasampal ko na raw sila. Hahaha!
  • Ang kulit kulit ko raw
  • CR daw ako ng CR!
  • Ilang bote raw nabasag ko!

Ayun, hahaha! Ang comedy! Siguro totoo nga. Kasi pagkakita ko sa sapatos ko may hot sauce nga! Ano ba yun! Hahaha! Pagkagising ko nasa bahay ako ni Lola. Around 10AM yun. Then umuwi ako and tinuloy ang aking tulog sa bahay. Nagising ng 5PM and ngayon, kauuwi ko lang dahil sale sa SM Centerpoint. Namili mili. Hayz Mr. T! At kung nakipagsayaw man yung mga babae sa kin, for sure sila nauna! Hahaha! Sige sige, ayun mga nangyari kahapon. Update you soon Mr. T! :-) At ang dami kong pimples lately… :-(

Currently listening to: Listen To Your Heart by Roxette
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on February 15, 2009 at 10:12 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 14 comment(s)

Yesterday, pagpasok ko ng room for JAPALA2, grabe walang tao! Si Sensei lang nasa room and sabi niya sa kin:

“Hindi ka ba nasabihan na walang class today? Nag GM ako…”

“Hindi. Wala kong nareceive na text”

“Wait, ang tanong, may number ka ba sa kin?”

“Yep, binigay ko sa yo…”

“Sige nga magtext ka sa kin ngayon…” *Nagtext ng Haler!*

“Haler pala ha! So musta ang Valentine’s Day mo Jacob Webb?”

So yun, simula 1PM til 2:30PM nagkukuwentuhan kami ni Sensei. And nakakatuwa Mr. T! Sensei is gay. 36 years old na siya but he doesn’t look like one. Parang mga 28-29 lang ganun. Tapos ayun, ayaw niyang maniwalang wala akong jowa since birth. Na wala akong date nung Valentine’s day at wala kong naging ka-on sa DLSU. Weird pero ayaw niya talaga maniwala. Pero nung tumagal kami nag-uusap, sinabi niya sa kin…

“Alam mo darating yan. Maghintay ka lang…”

“Oo naman naniniwala ako…”

“Tama yan. Wag mo madaliin. Hintay hintay ka lang…”

Ayun, nagshare din si Sensei ng stories niya. Napagalaman ko ng last relationship niya eh 4 years ago pa. Tapos 6 years nagtagal yung longest relationship niya and 1 year yung pinaka-maiksi. So I asked Sensei…

“Eh ikaw? You go to gay clubs ala Bed or Government…”

“I don’t”

“Ahhh… kaya siguro 6 years! Baket kayo naghiwalay?”

“Akin na lang yun…”

“Uhmmm okay…”

Ayun, tapos may 2 classmates rin akong di nasabihan, si Jessica and Efren. Then nagpatulong sa laptop niya si Sensei sa kin. Sabi niya bobo talaga siya sa mga computer stuff so tinulungan ko naman. Hindi rin pala marunong mag YM si Sensei! Natawa ko ng malakas! Sabi niya “Hahaha! Yabang mo batukan kita eh! Haha!”. Pero sersyoso ko ha. Pang check lang niya pala ng mail yung laptop niya at mga documents. So yun, after nung class nagtext sina Barry and Rhitz magkita sa Shang. Sabi ko GH na lang para hindi hassle. Then umuwi muna ko. Nakaidlip…

Nagising ako tawag na ng tawag si Barry. Ughh… eto na naman ako, nagpapakaDIVA. Basta, dapat di ako susunod sa sobrang antok pero nakakahiya dahil ako nagsabi na sa GH na lang. Then yun, nagkita sa Theatre Mall and nagkumustahan. At bago na ang hair ni Ritz!

Bumili muna si Rhitz ng shampoo para sa kapatid niya. Sabi ko…

Rhitz, nahuhurt si Barry. Baket sa may mga shampoo pa talaga tayo tumapat?”

“Okay lang, may carpet naman sa katawan yang si Barry! Hahaha!”

“Oo nga, shinashampoo niya rin! Hahaha!”

 After buying the shampoo, nagChowking kami. Usap usap. Tawa tawa. Kwento kwento. Then naisipang magStarbucks.

Papasok na kami sa Starbucks Missouri ng sabi ko sa Ash Creek na lang kami! Then tumuloy kami sa Ash Creek! Daming tao. Parang may prayer meeting. We went there for someone pero wala siya dun. Hahaha! So bumalik kami sa Missouri. Grabe, pagkaorder namin, yung hinahanap naming tao andun! Hahaha!

021620092358 021620092360
021620092366 021620092363

So tawa kami ng tawa nina Barry. Quietest Starbucks ata yung Missouri Mr. T! Kami lang maingay! Puros nag-aaral mga tao eh or yung iba may dalang babasahin at KUMOT! Hahaha! Then yun, pinagtripan namin si MIGGY. Hahahaha! Too bad may jowa siya. Pero anyways, naaliw kami sa kanya. Then nagbigay ng mga freebies at nakatapon pa ko ng kape! Hahaha! Then yun, may mga familiar faces may mga beautiful faces. Around 11PM, umuwi na kami. Si Rhitz may flight pa to Osamis tapos si Barry may pasok pa. At ako andito pa rin sa bahay. Dapat nasa Makati na ko. Hahaha! Pero yun nga, masaya naman Mr. T! :-) Update you soon…

Currently listening to: Vincent by Josh Groban
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 17, 2009 at 10:24 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | 6 comment(s)

Patti Austin - In My Life

Although music is sweet
But the song incomplete
Now in my life,
Boy in my life
Something is missing


It's the truth, yes it's true
Still there's no me and you
Here in my life
Boy in my life
Something is missing


In my life there ain't no melody oh no
In my life there ain't no harmony
To let me sing a song
All I need is a cue when I'm waiting for you
Boy in my life
You are the melody
Coz in my life
You are the song


Baby, in my life
You are the song
You are my melody
To me baby, in my life
You are my song

Currently feeling: longing
Posted by jjcobwebb on February 17, 2009 at 12:48 PM in Everyday Drama, Songs and Poems, Music | Post a comment

Natutuwa ako kasi nakapag-usap kami ni AK kanina lang sa Facebook. Tagal na namin di nakakapagusap sa personal or kahit online or text. Baka lumabas kami next week. Hindi siya pwede weekdays kasi 3-12AM siya sa HP eh. Pag-uusapan pa namin nina Beck and Sherry kung kelan din sila puwede. I miss them…

May evil plan kami ni Luis. Hahaha! Pero sa plan lang siya kasama ako sa execution! Gusto niya sumama sa execution pero ayokong kasali siya! Mwahaha! At pag nagbackfire sa kin toh! Sana wag ako umiyak! Hahaha! Pero sana wag naman! Haha! Try lang. Haha

Yesterday nagdinner kami ni Mike. First time ko sa Quezon Ave. MRT station bumaba. Nilibre niya ko sa HapChan then nilibre ko sa Starbucks Trinoma. Nalate kami ng tantsa sa MRT kaya nagcab ako pauwi.

Ang skwater ng katabi ko sa MRT kahapon. Sarap sungal ngalin! Tang ina lang… tsss…

Kanina, JAPALA2 midterms. Ang hirap. Then, tumambay sa CSE thesis room, si Don nagigitara, nakikanta ko. Then sinundo ako ni Luis sa thesis room. Tumambay sa Starbucks kasama mga friends ni Luis na friends ko na rin ngayon. Balunbalunan partner ng kape ko! Tapos may baraha kaming dala. Naglaro. Hahaha! Yung balunbalunan dun sa malapit sa Tapa King pala yung kinakain ko! Hahaha! Then tawa kami ng tawa ni Luis sa LRT1 dahil nga sa plano naming malupit. Haha!

Yun na muna Mr. T! Tinatamad ako mag-update eh. Sige basta masaya ko dahil naka-usap ko si AK and magkikita kami next week. Tapos si Luis full support sa aking plano. Hahaha! Weird, kinikilig ako sa plano namin ni Luis! Hahaha!

Anyways, update you soon. :-D

Currently listening to: Bruno's voice
Currently reading: Satomi's YM Window
Currently watching: Saksi
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on February 18, 2009 at 11:53 PM in Everyday Drama, School | 1 comment(s)

Wowowowow! Sabi nga sa kanta ni Kylie! Hahaha!

Anyways, pota! Umabot ng limang daan penalty ko sa Video City! Shucks! Sana hindi ko na lang binalik yung DVD na hiniram ko. 2 DVD na nabili ko siguro sa 500 na yun! Tsss... shucks!

Ay Mr. T! nasabi ko na ba sa yo na nasaksak na naman yung isa kong pinsan? Mas bata pa naman sa kin yun. Hay buhay, sana magkamalay na siya sa lalong madaling panahon. Nag-aabang lang siya ng jeep nun karga niya anak niya and kasama asawa niya. Biglang pinagsasaksak siya. Tsk. Buti walang nangyari dun sa bata. Inaanak ko pa naman yun. Grabe talaga. Hindi pa ko nakakadalaw Mr. T! I'll visit as soon as possible.

Anyways, ayun, kaninang umaga, hindi ako pinaderecho ni Ate sa Makati, pinasama niya ko kay Erwin and dun kay Richard, yung programmer para kunin na mga units sa Gilmore na lalagyan ng system para sa OsMak. Ayun, then dinaanan namin si Ate sa N. Domingo. Sumama sa amin sa OsMak Pembo dahil may kukunin na mga documents. Ayun, nakapasok na rin ako dun sa Pharmacy nung ospital. Ang laki pala. Tapos naghanap rin ng boarding house si Ate para sa mga pharmacists na ienemploy niya. Then kumain kaming 4 sa Market Market dahil isang tambling lang yung OsMak Pembo from Market Market. Sa Cabalen kami kumain kasi ayaw na mag-isip ni Ate ng kakainan. Malamang lumamon na naman ako. Habang silang 3 nag-uusap. Then nagpaParlor si Ate sa Market Market. Kaming 3 naiwan. Hinatid ako ni Erwin sa RCBC pagtapos kumain. Then yung si Richard binaba sa EDSA dahil babalik ng San Juan. Then bumalik si Erwin sa The Fort para balikan si Ate sa parlor.

Ayun, antok antok ako sa drugstore kanina Mr. T! Ewan ko baket bigla akong inantok. Siguro sa kabusugan. Then nagreprint ako mga resibo ng mga gamot kanina para ibigay sa kaibigan ko. Dapat may porysento ko di ba Mr. T! Irereimburse niya kasi! Haha!Then yun, around 5PM tumawag si Mama na may idedeliver daw silang OS sa RCBC. So sabi niya sumabay na ko sa kanila umuwi. Ayun, kasama niya si Manang Luz sa delivery. Then salamat naman sinundo ako at hindi ako nag-effort sa MRT! Grabe, nasabi ko bang naground trip ako last time sa MRT? Tsss... anyways yun. May delivery pa nung sinundo ako! Nagdeliver sa may Kalayaan, then sa Mandaluyong. Buti may tinapay sa kotse. Grabe, tatag ko, monay lang yung pagkain sa kotse naubos ko pa kahit walang inumin! Haha!

Si Ate pala sabi sa kin pinagalitan niya si Mama. OA kasi ni Mama. Kabibili lang ng Louis Vuitton na Ellipse na bag, bumili na naman ng Louis Vuitton na Epi Leather! Puta! As in tumambling si Ate! Maraming pera si Ate pero hindi ganun kagastos si Ate. Si Mama parang adik lang shet! Kahit ako nagulat eh! Ayun, buti nga pinagalitan ni Ate.

Narealize ko lang, si Ate never magastos. Sa pagkain oo. Pero sa mga material na bagay hindi. Tulad na lang ng mga cellphones niya, thrice lang siya nagpalit ng phone niya. Memorize ko pa yun, 3210, 6610, at yung Samsung niya ngayon. Wow! Since 1998 yan ha! Baka ayun ang key para yumaman? Di kaya Mr. T!? Hmmm... pati yung asawa niya hindi rin ganun kagastos eh. Kasi yung laptop ni Erwin yun pa rin eh! Kasi kung ako may pera tulad nila, siguro ang gastos ko! Pero natutunan ko na rin ang value ng pera nang nagsimula ang taon na toh. Kailangan ko matuto humawak ng pera Mr. T! Gusto ko rin yumaman. Siguro hindi pa ngayon, sabi ko nga kanina kay Mama huwag niya kong maliitin (lagi niyang ginagawa yun :( ) dahil kung babalikan niya mga nangyari kay Ate at Kuya nung mga mid 20's pa sila, sabog at nagkanda leche leche rin buhay nila! At sabi rin ni Mama dapat may plano na ko sa buhay ko, sabi ko "Baket, si Ate at Kuya ba pinagplanuhan mga buhay nila? Nangyari na lang mga nangyari ngayon sa kanila nang hindi nila pinagpaplanuhan!".

Minsan sarap barahin ni Mama. Minsan nakakawalang gana. Minsan nanliliit na rin ako sa sarili ko Mr. T! Isa lang gusto ko mangyari 2-3 years from now, gusto ko makapagsarili. Kumita na ng sarili kong pera. At kaya ko na buhayin sarili ko mag-isa. Yun muna ngayon. Sabi nga sa kanta ni Jordin: "One step at a time. There's no need to rush. It's like learning to fly or falling in love..."

So yun Mr. T! Baka mauwi pa sa drama tong entry na toh. Tatapusin ko na. Update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: Go Girl by Pitbull
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 19, 2009 at 11:59 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 7 comment(s)

imageIlang weeks na ko nagbabasa ng mga bagay bagay tungkol sa bagong laruan na toh! By laruan I mean gadget. The KING is coming… kahit mukhang X1! Grabe! Ang ganda ng Nokia n97 Mr. T! Wahhh… parang pwedeng graduation gift toh noh? Wachuthink Mr. T!? Hahahaha! Last kong nagandahan sa isang Nokia phone eh nung 7710 pa! Shucks! Ganda talaga neto! Kahit nasa n95 na lahat ng kailangan ko sa isang cellphone, at kahit may touch screen ang iPhone Mr. T!, Gusto ko pa rin magkaroon neto!  Must have! Pota!

Grabe, sa tagal tagal ng ng pagkakarelease ng Moulin Rouge, ngayon ko lang siya napanood. I swear! Meron akong soundtrack pero yung movie never ko nawatch! Labo noh? Napanood ko kanina sa drugstore sa iPod habang nagbabantay! Naiyak ako! Ang drama ko noh? Haha! Basta ang ganda! Ang ganda! Ang ganda pa nung sinasabi sa movie…

“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return…”

Kelan ko kaya yan matututunan? Maeexperience? Sana malapit na Mr. T!…

Ayun, binisita ko na rin sa wakas yung pinsan kong nasaksak sa hospital pagkauwi ko galing sa Makati. Kasama ko pa yung isa kong pinsan sa pagdalaw. Then nakasabay ko yung isa kong pinsan na kapatid nung nasaksak. Buti nurse yun, marunong mag-alaga. Mukha lang maldita yung pinsan ko na yun, pero todo alaga rin siya sa kapatid niya. Mabait din. Then mga 1 oras akong nakibantay. Nagrerespond na yung pinsan ko Mr. T! Sana gumaling siya sa lalong madaling panahon…

Then yun, sumabay na naman ako kay Ate sa kotse nila papuntang Makati. Inayos ko muna yung computer sa N. Domingo Mr. T! Hindi nag-oon. Grabe para na kong electrician neto! Hahaha! Tapos yun, may mga nag-aaply na pharmacists, ininterview ni Ate sa RCBC. Then umalis na sila ako naiwan. Then birthday ni Dr. Ipe! Weee… malamang may kainan kanina! Tapos nun, lumabas na rin ang results ng nursing licensure exam! Si Dr. Guerzon pumasa! Hahaha! Doctor siya tapos nagNurse noh? Para makapagStates siyempre! Then yun, si Mau, yung isang pharmacist, sinundo ng jowa niya. Grabe, hindi ko inakala na maganda ang kotse ng jowa niya! Shet! Hindi ko talaga inakala! Pero yun, sinabay na ko dahil papunta silang SM North ata then binaba nila ko sa Centerpoint. Umikot sa Centerpoint then umuwi then dumaan hospital.

Ngayon ko lang nafeel na kahit gaano pa kasira ang isang pamilya, sila sila rin magtutulungan sa bandang huli. Kanina kasi naisip ko yun habang yung pinsan ko pinupunasan niya yung kapatid niya. And yung tito ko todo asikaso rin. Ang ganda nung kaganapan na yun kanina. Kahit hindi na nagsasama yung Tito and Tita ko na yun, andun sila para sa anak nila. Baligtarin man nila ang mundo, anak at anak nila yun. Andun lahat sila para sa kapatid nila and anak nila. These things make me happy Mr. T! :-)

At hindi ko kinaya yung nangyari sa sumaksak sa pinsan ko and dun sa isa ko pang pinsan na tumestigo na nakakita sa pagsaksak! One happy kamag-anaks talaga mga kadugo ko Mr. T! Ang saya saya nila! Sarap tumambling! Hahaha! Ano ba toh!

Update you soon Mr. T! :-D

Currently listening to: Lady Marmalade from Moulin Rouge
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 20, 2009 at 11:54 PM in Everyday Drama, Technology, Malling, Food and Dining | 2 comment(s)

Since tinatamad talaga ako mag-update ngayon, eto na lang muna:

Habang nagrereview ako ng mga text messages na idedelete at isasave (by the way, 3 messages lang naka save sa Saved Messages ng cellphone ko), nakita ko tong message na toh:

"Naalala lang kita kasi sa lahat ng nameet ko online, ikaw lang yung naging totoong friend ko. Yung iba pasulpot-sulpot lang. Yung iba naman naglaho na. Sana tumagal pa friendship natin. Dito lang ako Jacob. Ang drama di ba! Haha! ;-)"

Shucks, parang nung sinend toh hindi ako natouched. Nung nakita ko lang ulit saka ako natouched! Ayun, 4 na messages na ang nasa Saved Messages folder ko ngayon. Hahaha!

Sige, bukas na lang ulit Mr. T! May kwento pa ko about the weekend. :-)

Currently listening to: It's Over Now by Joey Albert
Currently reading: Facebook Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 22, 2009 at 11:29 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hindi ako makaalis ng bahay dahil sa Oscars. Hinihintay ko performance ni Zac Efron! Hahaha! Shet landi! Haha!

Anyways, I spent the whole weekend with my family. Weee…

Saturday dapat pupunta kami ni Barry Trinoma or Greenhills to watch He’s Not Just That Into You. Ayun, namove ngayong Monday kasama si Rhitz. Then natulog lang. Then dumaan sina Ate dito sa bahay para sunduin kami. Ayun, dapat sa Makati manonood pero umangal si Mama dahil di raw siya nakaayos. So Megamall kami bumagsak. Wala, umikot ikot lang kami. Tapos namili ng mga kung anu ano lang. Then kumain sa Eat and Go dun sa may Atrium. Then may nakita kong LOVE na sige sa Megamall. Sabi ko kay Bruno picturan ako eh, kaso sabi sa kin mahiya naman daw ako! Hahaha! So ako na lang nagpicture! Jackpot may magJowa pa dun sa picture! Hahaha! Then around 11PM umuwi na rin kami.

022120092398 022120092388

Sunday was also Megamall day. Ang aga aga nasa Megamall na kami. Hindi ko talaga alam Mr. T! Baket Megamall na naman. Ay, oo, nagmass kami sa Atrium kaya pala. Una sa make up stores pumasok sina Ate, then mga damitan, then kung san san na. May problema likod ko at tenga ko kahapon Mr. T! Hindi dapat ako sasama at matutulog na lang ako. Pero yun, sumama ko at weird, namumula raw mukha ko! Then yun, after magmass, kumain sa Super Bowl. Yung pari na nagmass parish priest pa ng Pinaglabanan! Parish namin! Hahaha! So yun, grabe tagal ng waiting time! Buti na lang, katapat ng Super Bowl yung Tia Maria’s. Hindi kami kumain dun. Nakinood ako ng Mariah dun! Puros music video ni Mariah pinapalabas! Wow sikat! Hahaha! Then yun, ikot ikot ulit. Then si Mama tawa ng tawa sa pinag gagawa! Hahaha! Basta! Then bago mag gabi umuwi na rin kami. Then nasa bahay na lang ako. Natulog. Then pagkagising pumunta sa bahay nina Mabel. Nagvivideoke sila! Hahaha! Naki-videoke ako! Then yun umuwi na rin then nag YM na lang. Anyways, it was a very loooong weekend Mr. T!

DSC01674 DSC01677
022220092428 022220092427

Siyangapala, ang panget ng unang unang email na nabasa ko nung pagkagising ko nung umaga! Bwisit! Hahaha! Pero ewan, bahala na, sabi nga ni Ate baka hindi talaga para sa kin yun! Baka nga! At kebs! Marami diyan! Di ba? Anyways, maraming bagay ang dapat ikasaya, at pwedeng magpasaya sa kin. And the e-mail can’t hold me down! May ganun? Hahaha! Anyways, ang ganda ng Oscars ngayon! Diyan ka na muna Mr. T! Update you soon! :D

Currently watching: Oscars
Currently feeling: sneezy
Posted by jjcobwebb on February 23, 2009 at 11:22 AM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 4 comment(s)

Just got home Mr. T! Kagagaling lang namin ni Barry sa Promenade nanood ng He's Just Not That Into You. Anyways, ayun, tanghali na ko nakapasok sa drugstore kasi yung Oscars tanghali na rin natapos. Anyways, maganda ang speech ni Sean Penn kanina, pati ako napapalakpak. Hahaha!

Tapos yun, nagpunta na sa RCBC. Sobrang init Mr. T! Grabe! Then nagbantay. Sobrang sakit ng tiyan ko hindi ako nakapaglunch pala. Inubos ko yung Tropicana sa ref sa drugstore! Hahaha! Then ayun, naCR CR ako! Amp! NagFX ako hanggang Galleria pauwi kanina Mr. T! Tapos nagpalit muna ng damit at nagdinner bago kinita si Barry sa Promenade.

Ang usapan kaming 3 nina Ritz manonood ngayon, kaso wala pa si Ritz. So kami na lang ni Barry. Siyempre DIVA ko, past 8PM ako dumating. Sa Fully Booked kami nagkita ni Barry. Hindi na namin nakuha yung gusto naming time para panoorin yung movie. Dapat 8PM exact eh, kaso ayun, sa 10:35PM kami nauwi! So wala kaming maiikutan since sarado na mga stalls and stores. Bukas pa ang Starbucks sa Promenade. Pero nung nakaupo na ko, naalala ko ang Starbucks sa Missouri! Hahaha! Hinila ko si Barry papunta dun and nilakad namin. Habang nilalakad namin, nakasalubong namin si Si Enciong. Si Mr. Sebastian! Yep, Music teacher namin nung HS. Gay. Then nagkamustahan...

Jacob : Ay ay ay, hello hello!
Enciong : O san kayo pupunta?
Jacob : Dun sa Starbucks sa Chillis. Kaw?
Enciong : Ang layo ng pupuntahan niyo ah! Ako sa Mercury bibili ng toothbrush. Ay baket wala ka ng buhok?
Barry : Ganun talaga. Haha!
Jacob : Ah, nagwawait kasi kami ng movie eh, 10:35PM pa ulit...
Enciong : Sige sige. Andun din ako sa Starbucks mamaya...

Then yun, pagpasok sa Starbucks, hinanap ko agad favorite barista ko dun! Shet andun! At shet din, bantay salakay na naman yung GF niya sa kanya! Hahaha! Then si Barry nilibre ako. At may complementary drinks na naman yung resibo niya! Second consecutive times na! Hahaha! Then yun, naupo at nagkwentuhan. Then dumating si Enciong...

Enciong : Oi eto oh, may bago akong raket *nagbigay ng brochure. tutoring ek ek*
Jacob : Wow ah! Dami mong raket! Yayaman ka niyan!
Enciong : Kailangan eh. O sige dito muna ko sa table na toh... *pumunta sa kalapit na table*

Then usap usap. Then may dumating na 'friend' si Enciong. NakaATENEO shirt. HOT COLLEGE STUD. Pero not so HOT pala. Nakatayo si Enciong sa likod ko. Napatingin ako sa guy and tumingin ako kay Enciong. BINATUKAN AKO NG MALAKAS NI MR. SEBASTIAN! Hahaha! Hinampas ko siya in return. Pota! Wala, kami ni Barry kinausap na lang si Ritz sa phone dahil ang hirap pagchismisan ng taong nasa paligid lang worse katabi ng table. Hahaha! Funny. Naunang umalis si Enciong and yung 'friend' niya na hindi man lang kami pinakilala. Hahha!

Bago mag 10PM bumalik na kami sa Promenade Mr. T! Then yun, bumili ng ticket. Then naghanap ako ng makakainan. Walang Roadhouse Piattos sa cinema so sabi ko kay Barry sa Mercury kami bumili. Bigla akong napastop...

Jacob : OMG Barry! Di ba sa Mercury pumunta si Enciong?
Barry : Oo baket?
Jacob : Toothbrush di ba binili niya?
Barry : Yep... OMG
Jacob : Hindi lang toothbrush nabibili sa Mercury di ba? SHET! Hahaha!
Barry : Sira ulo ka talaga! Now I feel bad!
Jacob : Okay lang. Masama ka naman talaga! Hahaha!

Sarado na ang Mercury. So V-cut na lang binili ko and Sarsi sa Cinema. Then movie na. Wala kong masabi sa palabas kasi nabasa ko na rin ang libro. Tama lang. Pero iba kasi may acting eh. Mas feel. Hahaha! Ewan ko, isa lang masasabi ko, nasaktan ako dun sa office scene ni Bradley Cooper and Scarlett tapos dumating wife niya ayaw niya makipagsex sa wife niya pero kay Scarlett gustong gusto! Shet! NapaOUCH talaga ko ng bongga dun! Shet talaga! Feel na feel ko yung saket! Hahaha! Tapos natawa kami nung dinelete ni Drew yung Myspace niya. Hahaha! Familiar scene. Familiar scene. Hahaha! Then yun, hinatid na ko ni Barry pauwi. At ang haba ng entry ni Ryanini! Katamad basahin! Hahaha! Yung bunsong kapatid ko pala nasa probinsya na naman may medical ek ek.

Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! :-) Papasok pa ko ulit in a while dahil madaling araw na. Sige sige. :-D

Currently reading: MS Outlook
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 24, 2009 at 01:49 AM in Everyday Drama, Malling, Movies | 4 comment(s)

Weee... sarap maligo! Hahaha! Anyways kwento na...

Natutuwa ako kasi ayos na Blogroll ko! May Tagcloud na ko. Ayos na rin Plurk ko. At may Adsense na ulit ako. Hahaha! Tapos may stars stars ek ek pa yung mga entries ko ngayon! Try niyo namang magrate! Lalabas mga related entries dahil sa pagrarate. At mga entries na you might like daw! Weee... galing! Kaya sobrang okay ng Tabulas eh! Haha!

Anyways, yun, nagbantay ako sa drugstore sa Makati kanina. Ang aga ko himala. Ayun lang, pero antok na antok ako habang nagbabantay. Then sa Reyes BBQ kami naglunch ni Mau. Then umuwi via FX til Galleria! O di ba hassle free talaga! Wala namang nangyari masyado Mr. T! Wala ring bumiling cute. Haha! Wala ring gimmick today. Pakauwi ko andito sina Ate and Erwin sa bahay. Dito sila nagdinner. At si Bruno nakauwi from community medical service nila. Masarap kasi ulam kanina, Ginataang Alimango and Adobong Baboy ang ulam! At may Coke! Pinag-uusapan namin yung pharmacist na naospital...

Ate : Ayun, nakitaan nga ng bukol sa tiyan eh...
Mama : Pag bukol pa naman cancer na yun...
Jacob : OA ka naman!
Bruno : Ganun na rin yun...
Jacob : Baket raw nagkabukol? *sabay lagok ng Coke*
Ate : KacoCoke raw...
Jacob : *binaba ang baso* Putang ina mo! Nyeta ka! Hindi yan totoo! Hahaha!
Ate : Ayun nga raw! Haha!

Napaisip naman ako Mr. T! Sabi rin daw dun nadali si Tita Nita sa Coke kaya siya nagkaColon Cancer! Ano ito joke? Hmph! Wala namang proof di ba Mr. T! Hmph! Leche si Ate! Hahaha!

Pupunta dapat kami ni Ate sa Megamall! Premiere Night nung You Changed My Life! Part 2 ng A Very Special Love na movie ni Sarah and John Lloyd! Wah! Pero naisip naming maraming tao! Hahaha!

Walang JAPALA2 bukas! Weee... hahaha! Saya! Pasok na lang sa Makati bukas.

At bago ko maglog off, may nabasa ko kanina na blog. Natawa ko Mr. T! Anyways, got this from Garro's blog:

"Alam mong in love ka na pag kahit na nasa CR ka eh mukha nya ang nakikita mo…… Bakit mukha ba siyang tae?! O mapanghe ba siya??  Ano? =)"

Natawa ko grabe! Hahaha! Sige Mr. T! Wala na kong makwento eh! Update you soon. Excited na ko bukas! At ay! Ash Wednesday na pala rin! Sige Mr. T! :D

Currently reading: Sat's YM Window
Currently watching: Saksi on GMA 7
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on February 24, 2009 at 11:41 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 2 comment(s)

Bigla sa kin sumagi yung pinag-usapan namin ni Tin few weeks ago...

“Alam mo bigla mo na lang mararamdaman na mahal mo ang tao. Pero di agad agad yun…”

“Oo nga…”

“Kasi nung naging kami ni Ivan, after 4 months ko lang naramdaman na mahal ko siya talaga. Sabi nga ni Aubrey nun, ngayon lang?”

“May point ka dun. Bigla na lang eh noh? Alam mo yun… basta…”

“Yung parang pag nakita mo siya isang araw, tapos sasabihin mo sa sarili mo. Mahal ko toh…”

“Totoo ka diyan. Tapos after mong makita buong pagkatao niya mahal mo pa rin siya, naku, mahal mo talaga yun…”

“Oo nga…”

Tama Mr. T! Kasi nakatingin na ko sa malayo nung nasa jeep ako and sinabi ko sa sarili ko "Mahal ko nga talaga siya..."

Ang drama noh? Pero totoo...

Currently feeling: nawi-wiwi
Posted by jjcobwebb on February 26, 2009 at 02:05 AM in Everyday Drama | 14 comment(s)

Ash Wednesday pala kahapon Mr. T! It was a very long day. Una pumunta ko sa school para kunin yung JAPALA2 work sheet. Then tumambay ako sa CSE thesis room. Sayang tulog si Mark kahapon sa desk niya at hindi ko siya nakulit. Hahaha! Pero sabi niya kagabi sana ginising ko siya and nagkwentuhan and nagkulitan kami. Sayang! Hahaha! Tapos ayun, kami nina Gian and Beck nag-internet and sinabi ko rin kay Beck na sagot na ni AK ang Red Box sa Saturday. Si Sherry umeeksena pa na may pupuntahan siyang party sa Saturday! Sabi ko 12-3pm naman yun! Henaku magtatampo talaga ko pag si Sherry hindi pupunta Mr. T! Tapos kahapon din dapat sabay sabay kami magmamass nina Beck kaso 5PM pa sila magmamass! Eh 2:40 yung sunod na mass. So ako na lang nagmass mag-isa. Si Luis naman kahapon di nagtext kaya di kami nagkita. Dead bat daw siya. Dadaan dapat ako Starbucks dahil feeling ko andun siya. Naku andun nga raw siya. Anyways, magkikita pa naman kami. Hindi pa ko graduate.

Ayun, then pumuntang drugstore sa Makati dahil may cheke sa kin na pinababalik and binigay nung isang araw. Tapos yun, super paltos na paa ko Mr. T! Exaj. Hirap na hirap na rin ako kalalakad dahil sa skinny jeans! Amp! Imagine mo, nagLRT ako papuntang MRT then lakad sa footbridge til Buendia. Then nung papunta na kong The Fort, dahil magkikita kami ng isa kong kaibigan dun, naglakad ulit ako sa footbridge til EDSA then nagBUS then nagJEEP. OMG di ba? Anyways, then had dinner sa Pancake House. Then umuwi na rin. Kahit pagod pagod ako kahapon, sulit naman ang lahat. Alam niya yan Mr. T! Makasama ko lang siya kahit sandali or makita okay na ko. Ewan ko lang kung okay siyang makita ko! Amph!

Minsan baliw na ata ako Mr. T! Ano ba yan. Mga walang kwentang bagay pinagiisip ko. Hays... basta sabi ko kahapon nung nasa FX ako sa C5, bahala na lang kung anong kahihinatnan neto. Sobrang nakabukas na yung palad ko ngayon pero minsan hindi ko maiwasang isara eh. Bahala na lang. Kung paglaruan, bahala na. Kung seryosohin, mas okay. Kung mahalin, pinaka okay. Di ba Mr. T!? I've had much drama last year. Ayoko na muna ng drama. Gusto ko as of now laging masaya...

Currently listening to: She Will Be Loved by Maroon 5
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on February 26, 2009 at 10:30 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 4 comment(s)

Nalulungkot ako dun sa Ateneo student na nasagasaan. Tapos sinubukan pa siyang hilahin nung kuya niya dun sa ilalim ng kotse. Tapos huling sinabi nung bata "kuya". Shucks, naiiyak ako kanina. Naawa rin ako dun sa yaya Mr. T! Ang lungkot nung balita na yun kanina... :(

Anyways, nagbantay lang ako ng drugstore buong araw. Nagkatampuhan pa kami ni Jaycel yung isang pharmacist. Eh kasi naman, ininuman niya tumbler ko. Sabi ko isalang yung Milo dun pero hugasan niya muna kasi ininuman niya. Eh nilagay niya yung Milo ng hindi hinuhugasan yung tumbler ko! Nag-init ulo ko! Nasigawan ko siya kanina. Ayoko lang ng ganun, ginamit niya na hindi pa hinugasan. Alam niya namang iinom ako and gamit ko yun. Pinahiram ko na nga dahil wala siyang dala. Tapos sabi ko hugasan nilagay yung Milo ng walang hugas hugas! Naasar lang ako. Hindi tuloy kami nag-iimikan kanina. Then yung FX na nasakyan ko grabe tigil ng tigil. Tapos yun jeep sa Ortigas 8.50php yung pamasahe! Ano yun! Nagreklamo ko pero sabi nung katabi ko ganun talaga!

Dapat magkikita kami nina Barry and Rhitz sa GH kanina. Kaso next time na lang daw. May mga pasalubong pa naman sila sa kin. Hahaha! Then dumaan ako sa bahay ni Ate dahil may mga pipirmahan siyang mga papels and bids galing sa mga MedReps. Then orientation na sa OsMak bukas. Maaga. Hindi ko alam kung makakapunta ko sa awarding ni Karol sa UP ng Gawad Chanselor para sa Natatanging Mag-aaral! O di ba? Ibang klase talaga friend ko! Hehehe... buti pa siya. Sila. Hays... samantalang ako maganda lang. Joke! Hahaha! Aba, I must be something din siguro kaya mga friends ko bigatin. Well, feeling ko lang yun Mr. T! Wag mo ko masyadong pansinin. Hehehe...

So yun, nakinig ako sa extention sa usapan ni Mama and Ate dun sa phone kanina. Tungkol sa pinsan kong nasaksak. Narinig ko magkano babayaran. At siyempre si Mama ganito: "Pabayaan mo silang gumawa ng paraan...". Tama rin naman si Mama di ba? Hindi lahat ng oras mabait si Ate. Nagpapakamatay sina Mama and Ate magtrabaho tapos ganun ganun na lang yun? Minsan kailangan ding matuto mga kamag-anak ko. Nakakalugkot lang Mr. T!

At si Sherry ayaw magreply sa YM or Text. Tsk kainis... sige sige Mr. T!

Currently listening to: So Far Away by Regine Velasquez
Currently reading: Greg's YM Window
Posted by jjcobwebb on February 26, 2009 at 11:25 PM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

Grabe Mr. T! Ang aga ko nagising! 6AM pa lang nag-aayos na ko dahil orientation nga sa OsMak with pharmacists. Ayun. Grabe, pagkagising ko, unang balitang tumambad sa kin eh na carnap yung truck na pandelivery ng drugstore! Grabe Mr. T! Mahirap na mahanap yun siguro. Ayun, bumili ng bago si Ate. Parang wala lang. Shet noh? Sana kaya ko rin yun! Tapos yun, with other employees, pumunta na kami dun sa OsMak sa harap ng Market! Market!

Alam mo ba Mr. T! Na may Rembo? Co-rembo? Pembo? Co-pembo? Sembo? Co-sembo? Membo? Co-membo? At grabe! Makati pa rin sila? At parang pag andun ka, para kang nasa Tondo? Grabe, kala ko all that glitters and Makati! May ganun din palang lugar ang Makati!

So yun, pumasok sa ospital para imeet mga tauhan. Then kumain sa Chowking. Nagorient si Ate. Tapos grabe mga benefits ng mga empleyado ha! Kahit ako gusto ko na rin maging empleyado ng Ate ko! Hahaha! Take note:

  • Free rent sa staff house
  • Libreng bigas
  • Libreng tubig at kuryente
  • 2,000 allowance per month

Wow! Ano toh charity? Hahaha! Magpapaampon na lang ako sa ate ko Mr. T! Hahaha! Pero yun nga, after nung meeting sa Chowking, yung clinical pharmacist ang nag-orient sa mga pharmacist. Yun, gumawa na ng shiftings. Nilagay ako ni Ate sa pangmadaling araw na shift since sabi niya hindi naman ako natutulog! At ang hirap ko gisingin. Ayun, before lunch bumalik kami sa drugstore sa N. Domingo. Dapat pupunta kong Makati pero may mga idedeliver pala sa kung san san so yun. Susunod pala dapat ako sa UP para sa awarding ni Karol Mr. T! Kaso ang init talaga nun! Iniisip ko pa lang yung init sa Katipunan, tinamad na ko. Sorry talaga friend. Pero congrats. Magaling ka naman talaga! So yun, nakideliver na lang ako ng mga gamot.

Photo245 022720092443
Photo240 Photo246
Photo247 Photo252

Kita mo ba yung nasa taas Mr. T!? Una dumaan kami ng City Hall ng Makati para may ipass na mga papeles. Then tumuloy sa RCBC, kinuha ko na mga gamit ko dun dahil hindi na ko dun. Hahaha! Then tumuloy sa Mapua. Ayan, nagtour kami ni Carmi sa Mapua nung pumasok si Manang Luz and Marlet sa loob ng Mapua. First time ko dun sa parang bridge sa taas sa harap ng Mapua. Hahaha! Namiss ko mga tambay days ko sa school with friends nung nakita ko yung mga estudyanteng nakatambay sa may fish ballan. Then nag McDo kami ni Carmy. Tapos may dala rin sina Manang Luz na chicha galing sa canteen nung school. Ayun, then sa Unilever and Honda naman kami nagdeliver. Super traffic sa UN grabe! Around 7PM na nakauwi ng bahay. Si Carmi sa UN LRT station na pala bumaba. So yun Mr. T! Pagkadating kong bahay super tulog ako. Nainis ako nung ginigising ako para mag-dinner. Shet! Pota! Anyways, I still feel bad for the truck. Sana karmahin ng bad yung nagnakaw nun! Tsk!

Anyways, update you soon Mr. T! Si Sherry pupunta na sa Redbox with us nina AK and Beck! Shucks parang reunion lang! Hahaha! Miss ko na ang mga babaeng toh! Wahhh… sige sige Mr. T! :D Nakakapagod ang nagdaang araw. Mentally, physically and emotionally. Nakipaginuman pa pala  ako sa mga pinsan ko! Yikes! Pero masaya! Hahaha! Sarap sumama sa delivery. May libreng pasyal! Hehehe!

Currently watching: Emergency on GMA 7
Currently feeling: tipsy
Posted by jjcobwebb on February 28, 2009 at 12:47 AM in Everyday Drama, Food and Dining, Drugstore | 6 comment(s)
« 2009/01 · 2009/03 »