Entries in category "Updates"

Ayoko na ulit magtravel to and from Bicol by land. Hindi ko na ulit kakayanin. Tumatanda na ata ako! Wahuhuhu! Sobrang saya grabe! Dami kong updates from relatives. Yung isang pinsan kong babae na kababata at super close ko ang pogi ng asawa. May mga kapatid ding pogi kaso mga straight lahat! Hindi ata uso sa Bicol ang bading. Hahaha! Hindi ako nakapunta sa kasal niya nun kasi graduation ko dati. Tapos yun isa ko namang pinsan sundalo na! Naghahanpa ng mga NPA. Hahaha! Galing! Tinanong ko kung may mga baklang sundalo, sabi niya, oo raw. Yung iba nakakataas pa tapos inaabuse ang mga bagong sundalo. Hmmm... interesting di ba? Makapagsundalo nga! Joke lang! Hahaha! Alam mo bang pinadadrive sa kin yung van pauwi? GOOD LUCK lang! GOOD LUCK lang talaga! ano ko hilo? Hahaha! May driver tapos ako magdadrive! Hilo ata mga kasama ko! Anong gusto nila? Malaglag kami sa bangin? Nakasakay pa nga lang ako nahihilo na ko sa byahe! What more magmaneho! Hahaha! Hindi ako nakatulog! 8 hours yung biyahe pero hindi ako nakaidlip man lang! Gusto ko bumalik ng naka-eroplano na! Jusme ang kalsada! At ang ganda na pala ng bahay nina Auntie Susan doon! Para ng hotel! Hahaha! Kaya okay na okay na matulog! Pagbalik ko dun iikot ako sa Bicol tapos sa kanila ko titira habang nagbabakasyon! Pwedeng pwede! Laki na rin ng lupa na nabili nila. Parang hacienda na! Kulang na lang kabayo! Hahaha! So ayun, balik na ko sa Manila. Wow! Hindi ko pagpapalit ang Manila sa probinsya! Maganda sa probinsya paminsan-minsan, pero hindi ko kaya tumira doon! Siguro nasanay lang talaga ko dito! And paguwi namin, gawa na yung falls sa likod ng bahay. Nakakatuwang tignan. Kulang na lang Macaw! Hahaha!

Anyways, may pabalik next month sa bansa. Yep yep yep, si Jeffrey. Nasabi ko na ata Mr. T! Nagthank you si Jeffrey sa kin sa words of encouragement ko! Wow ako na! Hahaha! Natuwa naman ako dahil balik kami sa dati. Napagdesisyunan ko na hindi na ko magcecelebrate ng tulad last year. This year, ako, si Barry, Jeff and Rhitz lang makakasama ko sa birthday ko. Sila ang mga kaibigang hindi ko kaya ipagpalit kahit kanino. I love these guys. Tulad nga ng lagi kong sinasabi sa kanila, kahit hindi na ko magkajowa, basta sila meron, okay na ko! O di ba! That's what are friend are for. Ano raw? Hahaha! Excited na ko magcelebrate kasama si Jeffrey. Last pa ata na nagcelebrate ako na andiyan si Jeff is 2005 or 2006. And hinding hindi nakakalimot sa regalo yun. Pare parehas silang 3! Thoughtful. Ako hindi. Hahaha! Ako pinaka walang kwentang friend. Ako ang hindi sumisipot, nagcacancel ng lakad, walang pasalubong, minsan KJ. Hahaha! What a friend talaga ko! I miss us 3.

Speaking of miss, ang dami ko ring namimiss na tao. Si Luis, si Che, si Tom, si Chris, sina Archie, Paolo, sina Nar, Phi, si Benson, si Sabs, sina Ryan etc. Ang dami kong namimiss.  Pati mga dati kong officemates miss ko na sila. Grabe, lagi akong andito sa bahay. May kotse nga ako pero tamad na tamad naman akong umalis. Haha! Wala na kong gana lumabas! Parang lagi lang ako nasa kwarto. Naglalaro. Alam mo na siyempre kung ano! Ng Barbie! Hahaha! Nakakamiss din yung buhay ko dati ah! Para tuloy ako monk this year. Masyado kong shinutdown ang mundo ko this year. Pag balik ni Jeffrey, sana lagi kaming lumabas ang magkita. I miss him so bad. Grabe, parang 4 years ko na siyang di nakakasama. Sana huwag na siya mag-abroad. Sana dito na lang siya magtrabaho. Pero pagsinabi ko sa kanya yan, baka mag-emote na naman ang lola mo! Hahaha! Sige sige, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah!

Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on October 3, 2011 at 07:23 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Hindi ko na pinost yung ipopost ko dapat kahapon Mr. T! Ang bigat bigat masyado sa damdamin. Kahit ako nabigatan nung binasa ko pagtapos ko isulat. Tama na yung pa-isa isa lang. So ayun, namimiss ko na magsulat. Magblog. Magkwento. Nagbaback read ako ng mga entries ko and natutuwa ako na dati, halos araw-araw ang dami kong kwento. Siguro, hindi na ganun karami kwento ng buhay ko kaya hindi na ko masyadong nagboblog. Or… baka tingin ko lang yun. Pero alam mo Mr. T! ang dami ko talagang gusto ikwento sa yo. Minsan natutweet ko na lang kasi eh. Naalala mo ba pagnagkukuwento ko ng mga lugar na pinupuntahan ko? May Foursquare na kasi ngayon. I will try Mr. T! Na gawin ulit yung ganun. Sa totoo lang, miss na miss ko na magblog. Miss na miss ko na magkwento. Pero susme, wala pa ring leading man tong blog na toh! Hahaha! Bakkeeeeeet? Hahaha! Akala ko talaga dati magkakaroon na eh. Maling mali ako! Namiss ko na rin magsulat and gumawa ng mga kanta sa utak ko. Nasa iPhone ko lahat. Dun ko minsan tinatayp mga kantang gusto kong isulat. Masyado naman kasing halata kung sino yung pinag-uukulan ng mga ginawa ko. Wahehehe!

Anyways, galing ako kanina sa Trend. Bumisita, ganun pa rin mga tao sa kin parang walang nag-iba. Invited pa rin ako sa mga gimmick nila. Nakakatuwa naman and nakakataba ng puso. Siyepre, kahit hindi na ko sa Trend parang kapamilya pa rin nila ko. Kumpleto na rin pala yung clearance ko Mr. T!, sabi ko sa kapatid ko bibigay ko sa kanya yung kalahati nun. OA eh, may bibilhing Matchbox na napakamahal! Siyempre mahal ko kapatid ko, sige pabayaan sa luho. Excited na rin ako sa Sabado magroadtrip with Trend peeps. Ibang love nafeeel ko from Trend Micro. Nakakatuwa. Nakakainspire.

taba Ano pa ba… ANG TABA TABA TABA TABA ko na! Or baka sa angle lang? Huhuhuhu! Hahahaha! Meron akong picture to prove it. Kaw na lang maghusga Mr. T! Nakakamiss na rin magpost post dito ng pictures Mr. T! ah! Overweight na ko ng 5 pounds. 145 na ko. *ding dong the witch is dead*. O di ba? Sabi ako ng sabi na mag-gygym ako kaso hindi ko naman tinutuloy! Feeling ko kasi mahaharrass ako sa sa gym eh! Ang ganda ko di ba? Pero seriously, yun nafefeel ko. Siguro pag may love interest na ko at sasamahan niya ko mag-gym. Love interest talaga? Wish ko lang! Hahaha! 25 na ko Mr. T! Hindi na ko naghihintay kay Prince Charming na hanapin ako. Hinihintay ko na lang na baka may maligaw na prince sa tabi tabi. Okay na yun! Hahaha! Naalala ko tuloy yung sabi ni Rhitz kay Barry “The Princess and the Pea”. Hahaha! Hindi ako makaget-over! Okay ang non-sense na ng pinagsasabi ko Mr. T! So ayun, may bago palang business si Mama, SPA! So libre na mga masa-masahe namin. Hahaha! And yes, pinutulan na ko ng Globe ng linya. BUTI NAMAN!!! Lecheng service yan walang kakwenta kwenta! Yung dinispute ko hindi man lang ako binigyan ng update sabay putol! Lilipat ako sa Smart or Sun. Hindi lang sila ang telecom company.

So ayun nga ulit, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you. Hindi ata kita nabati nung 7th birthday mo!!! Tagal na nating mag-on Mr. T! buti pa tayo! Hahaha! Sige sige. Hanggang kaya ko magblog, magboblog ako :) Mwah!

Posted by jjcobwebb on September 13, 2011 at 10:38 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Okay okay, hindi ito Barbie wishlist. Hahaha! For the past years, nagsusulat ako ng wishlist ko every September. May mga natutupad sa mga wish ko, may mga bagay naman na humahaging. Siguro, sa taon-taon ako nag-susulat ng wishlist ko, narealize ko na nakukuha ko naman ang mga material na bagay na gusto at kailangan ko. Pero siyempre, kung may madali, may mahirap din kunin. Hahaha! At alam mo na yun Mr. T! Wahehehe… nakikita mo ba yang napakalaking Barbie house sa picture? Yan ang binili ko sa America! Hahaha! Ako lang ata meron niyan dito sa Pilipinas! Wahehehe! Ako na talaga!

barbie pic 

Pinipilit ko pa rin mag-isip kung anong gusto ko ilagay sa wishlist ko. WALA AKONG MAISIP! Hmmm… siguro pangmatagalan mga ilalagay ko sa wishlist ko. Yung pwedeng pag-ipunan within 3-5 years kung buhay pa ko. Mga ganun. Hahaha! Ako na nag-iipon! Basta, sige eto na nga wishlist ko:

  1. Gusto kong makapunta sa India, Saudi Arabia, Abu Dhabi, Dubai and Israel
  2. Gusto ko rin makapunta sa South America
  3. Gusto kong makapagswimming kasama mga dolphins
  4. Gusto ko makasakay ng camel
  5. Gusto ko makakita ng totoong polar bear
  6. Gusto ko mapanood si Mariah (again) or Celine or Whitney in concert
  7. Gusto ko makapagskydive at scuba dive
  8. Gusto kong makahawak ng whale
  9. Gusto ko magkaroon ng sariling business
  10. Gusto ko magkaroon ng sariling bahay or condo
  11. Gusto ko magkaroon ng sarili kong charity
  12. Gusto ko ng gumaling tong sakit ko…
  13. Gusto ko ng taong mamahalin ako, maiintindihan ako, uunawain ako, patatawanin ako, paiiyakin ako, aasarin ako, tutuksuhin ako, sasamahan ako, habambuhay at kung san man kami mapadpad. Yung sasapakin na lang ako pag mali na ginagawa ko para maitama ko. Yung mapapasaya ko rin. Yung bibigyan ko rin ng pag-unawa at attention. At higit sa lahat, yung hindi ako iiwan dahil alam niyang kailangan ko siya at kailangan niya rin ako.  Kailangan ko ng taong mamahalin…

Minsan hindi na material na bagay kailangan natin Mr. T! Siguro tumaaatanda na rin talaga ko. Nung nabangga nga yung kotse ko parang wala lang. Ari-arian lang naman yun. Pwede palitan, pwede bayaran at ipaayos. Pero iba talaga yung saya na nagagawa ng mga bagay na hindi material. Yung tumatagos sa puso. Yung naiiwan sa isipan. Yung kasiyahang hindi mapapantayan. Yung pwede mong ishare sa ibang tao yung kasiyahan na yun. This has got to be my most elusive wishlist ever. But who knows di ba? Bigla na lang mangyari ng isang iglap mga yan. Update you soon Mr. T! :)

Posted by jjcobwebb on September 12, 2011 at 10:04 PM in Everyday Drama, Updates | 2 comment(s)

Hello Mr. T! Matatapos na ang August, ngayon pa lang ako mag-uupdate. Pasensya ka na ah. Dami lang ginagawa. Parang mas marami pa kong ginagawa ngayon kesa nung nasa Trend ako. Haha! Anyways, ayun, papakilala ko sa yo si Diva. Yep, ayan ang binigay kong pangalan sa kotse kong bagong bili. Haha! Wala sa previous post ko ang nabili kong kotse. Honda CRV ang nabili ko. Hindi rin siya kulay silver or pink. Gold. Hahaha! Pang-Dreamgirls ang kulay. Hahaha! Ayun, wala ng maparkingan dito sa bahay. Minsan sa kalsada na lang siya nakapark. Ayun, sisimulan ko na update ko Mr. T! Intro pa lang yan…

IMG_2395

Andito na sa Pilipinas ulit si Papa. Complete family na naman kami. Kauuwi lang rin ng mga kapatid ko. Andito kami lahat kanina sa bahay. Nakakatuwa. Bihira kasi mangyari yung mga ganung moments. Dapat magpafamily picture na kami para bongga. Nagsimba kami kanina sa Megamall tapos ng lunch sa Barcelona. Sarap ng pagkain grabe. Tapos dapat magsuwimming kami kaso ang lakas ng ulan. Tapos kahapon naman, sinundo ko si Bruno sa airport. Umattend ng kasal ng classmate niya sa Palawan. Siyempre gamit ko ang bago kong kotse. Tapos kahapon din, binati ko na mga taong nabuwisit ako dati. Haha! Ayan, wala na kong kaaway. Wahehe!  Tapos, last week naman, nagcelebrate kami ng birthday ni Marge, jowa ni Bruno sa John and Yoko GB5 tapos nagdinner sa Seafood Island sa Eastwood. Ayun, I love my family more than anything else in this world. I am very happy Mr. T! and kumpleto kami and malusog lahat.

Tapos, kala ko si Barry nag-out of town lang, nasa Malaysia pala! Hahaha! Kaya pala hindi nagrereply sa mga texts ko. And may good news ako sa yo Mr. T!, si Jeffrey, may Twitter na siya! As in na-excite ako! Pwede ko na iunfollow ang lahat, kami kami na lang ni Barry, Rhitz and Jeff mag-uusap. Hahaha! Namimiss ko na si Jeffrey. Namimiss ko na kaming apat. Ang bilis bilis naman kasi ng panahon. Pag binabasa ko mga past entries ko, mixed feelings, malungkot na masaya. Baket kaya ganun? Hay… tapos magbe-Ber months na. Tapos birthday ko na. Tapos Pasko tapos New Year. Ang bilis bilis Mr. T! Parang kahapon lang lahat ng mga nangyari. Mga past entries ko parang isang kisap mata lang naganap. Masaya pa rin ako dahil lahat ng iyon nangyari. Minamadali man ako ng panahon, at least, marami naman akong natutunan.

Tatapusin ko tong entry na toh sa conversation I had just last few weeks:

“Baket hindi mo ba ko kaya mahalin?”

“Gusto kita, kaso hindi ko na kaya magmahal. Sorry…”

Ayun nga, update you soon Mr. T! Baka mag-update ako agad…

Posted by jjcobwebb on August 28, 2011 at 09:53 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Walang kakwenta kwenta yung title ko. Hahaha! Wala kong maisip Mr. T! Anyways, kauuwi lang namin ni Mama, Bruno, Tita Nene and Tito Oscar from Metrowalk. Kumain lang kami ng Shawarma and nakinig sa live band. Medyo umulan so umuwi na rin kami agad. Anyways, eto na dapat yung update ko nung nakaraan. Sorry medyo busi-busihan ako. Dami pang dram na naganap.

So eto…minus siyempre si Papa na sa November pa uuwi. Sana naman may matino kaming family picture pag-uwi ni Papa. At sana ako may jowa na nun. Joke lang! Hahaha! So eto mga pics Mr. T! Eto yung birthday ni Mama. Surprised toh. Hindi alam ni Mama. Pumunta kami, tapos mga relatives and then mga amiga ni Mama. Eto mga pictures. Yung pinakamalaki yung favorite pic ko that night. Family picture minus Papa…

Ayan ang birthday ni Mama ngayong taon. With matching AVP pa yan na ginawa ko. Hahaha! So yun, after ni Mama, si Barry naman ang nagbirthday. Sa Seven Corners nagbirthday ang isa sa aking pinakabest friend in the whole wide world. Siyempre libre ko. With matching tag-a-friend pa ko na nilibre rin ni Barry. Hahaha! Every year may tag-a friend ako sa birthday ni Barry. Di ko nasuot yung black shirt ko Mr. T! Hindi ko siya mahanap that day. So nasira ang tradition. Anyways, ayun, bumili ako ng Fossil. Gift ko kay Barry. And then after namin kumain, pumunta kami sa bahay, inuman ng very light lang, videoke then nagDVD. Eto ang pictures:

Pagtapos nung kay Barry, si Bruno naman ang nagbirthday. Sa may Dad’s nagbirthday ang bunso kong kapatid. Grabe 23 na siya. Dati ako lang ang 23. Ang bilis ng panahon Mr. T! 3 years ago na lahat ng yun! Dayum! I fell hard. Very very hard! Hahaha! Balik tayo sa kapatid ko, ayun nga, eat all you can na naman. Yung pictures hindi pa nauupload ko hindi ko malagay. Pero yun nga, malapit na mag-ber months. Ilang tulog na lang. Backpay ko rin pala di ko pa nakukuha! Hahaha! Gagamitin ko nalang yung backpay ko sa kotse. Papapinturahan ko ng PINK! Hahaha! Anyways, good vibes, good vibes lang. Masaya ko sa mga konting tao na nakapaligid sa buhay ko ngayon. Sila yung alam kong tunay na nagmamahal sa akin. I may have hundreds of friends, but I count count who the real ones are. And I love them for that.

Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Magkikita ulit kami nina Barry bukas. Share ko yung nabasa ko pala na line na natouched ako..

“One mistake does not define who you are…”

Lahat naman ng tao nagkakamali. Lahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nagbabago. Lahat ng tao natatauhan. Lahat ng tao napapaisip. Yun lang, I learned the hard way.  I deserved it. Update you soon Mr. T! Mwah!

Posted by jjcobwebb on August 19, 2011 at 12:10 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Naalala mo ba Mr. T!, ilang taon na rin ang nakalipas nung sinabi ko na baka kotse na ang susunod kong bibilhin. Na silver na kotse? Ayoko na maghalukay ng mga past entry dahil ako na daanan mga kasabay nung entry na yun. Baka masira lang araw ko. Anyways, basta yung entry ng mga Silver Gadgets ko. If I remember it right, sinabi ko na balang araw baka may silver na kong kotse. I remember that entry very well. Fast forward tayo…

May malaki akong problema ngayon, hindi ako makapili ng kotse na gusto ko bilhin. Hindi Barbie car ha! Haha! Tunay na kotse na nadadrive ng tao at pwede makapunta kung san san. Tumatanda na talaga ata ako Mr. T! Baka sa susunod bahay na toh! Or vacation house. Or resort! Or building! Hahaha! Who knows!?! Baka yumaman talaga ko di ba? Hahaha! So ayun nga, nagiisip ako ng kotseng bibilhin Mr. T! 4 ang nasa utak kong kotse:

Chevrolet Cruze

Toyota Altis

Honda Jazz

Suzuki Swift

Hindi ko talaga alam pagkakaiba ng bawat isa. Gusto ko lang yung itsura nila. And siyempre mura sila. Hmmm… pero magaan puso ko sa Swift Mr. T! Cute niya eh. Hahaha! Wala talaga kong hilig sa mga kotse. Pag kinausap mo ko about cars wala kong mashashare na input. Parang ngayon kasi, bigla bigla kailangan ko ng kotse. Well as you know Mr. T! mas gusto ko ang magcommute, ngayon ko lang naramdaman , sa mga panahon at lugar at oras na walang taxi o PUV o sarado na ang MRT, dun mo marerealize na kailangan na pala talaga ng kotse. So ayan ang problema ko ngayon Mr. T!  Kung meron lang sanang murang ganito:

Barbie Fiat

Barbie Beetle

Eh di sana di na ko nahihirapan ngayon pumili! Hahahaha!  Update you as soon as possible. Dami nangyari last week. Kailangan ko sila ikwento. Tulog na muna ko at medyo pagod ako ngayong araw na toh katutulog. Hahahaha! Sige sige…

Posted by jjcobwebb on August 17, 2011 at 12:18 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Hi! Mr. T! Good morning. Ang aga ko noh? Hahaha! Nag-update ako kagabi kaso hindi ko alam baket nabura yung update ko. :( Super haba pa naman nun. Anyways, post ko na lang muna yung song na kahapon pa nagpeplay sa utak ko. Ganda ng song na toh. Isa sa mga paborito ko. This is Bridges by Dianne Reeves:

I have crossed a thousand bridges
In my search for something real
There were great suspension bridges
Made like spider webs of steel
There were tinny wooden trestles
And there were bridges made of stone
I have always been a stranger and
I've always been alone
There's a bridge to tomorrow
There's a bridge to the past
There's a bridge made of sorrow
That I pray will not last
There's a bridge made of color
In the sky high above
And I pray that there must be
Bridges made out of love
I can see him in the distance
On the river's other shore
And his arms reach out in longing
As my own have done before
And I call across to tell him
Where I believe the bridge must lie
And I'll find it
Yes I'll find it
If I search until I die
When the bridges is between us
We'll have nothing to say
We will run thru the sunlight
And he'll meet me halfway
There's a bridge made of color
In the sky high above
And I know that there must be
Bridges made out of love

Nice noh? Update you mamaya Mr. T! Nag-earthquake pala kagabi. Hindi ko naramdaman. Pero sana everyone is safe. Sige sige. Mwah!

Posted by jjcobwebb on July 26, 2011 at 08:32 AM in Everyday Drama, Songs and Poems, Updates, Music | Post a comment
« Newer · »