Bigla kong naalala toh nung nasa kotse kami:
"So ganun na pala ngayon. Hindi mo na ko sinasama sa mga plano mo..."
"Gaga, alam ko naman kasing busi-busihan ka mga panahong toh kaya hindi na kita tinanong..."
"Haller, alam mo namang para sa yo titigil mundo ko! Kung kailangang hindi pumasok sa trabaho hindi ako papasok para sa yo. Hahaha..."
"Puta ka ulol! Haha!"
Natawa tuloy ako. I love you Barry! Haha! Musta ka naman Mr. T!? Miss na kita. Hays... as in miss na kita. Miss ko na rin kausapin sarili ko ng bonggang bongga. Miss ko na rin magbasa ng mga blogs. Miss ko na rin magcheck ng mga profile ng mga tao online. Haha! Miss ko na magstalk sa internet. Haha! Miss ko na rin tawanan mga profile ng mga taong defensive. Haha! Kaazar! Mga ipokrito puta. Shet lang talaga! Sarap barahin puta. DESPERATE. Kaloka, hindi ako gagamit ng profile pic na nagamit ko na 2 years ago. Hahaha! Kaluka! Anyways...
Ang hirap din magpanggap sa internet kung totoo naman talaga. May kulit ng kulit sa kin sa Facebook. Super tanggi talaga ko sa mga tanong niya sa kin...
"Di ba nagmeet na tayo dati?"
"Hindi kita kilala sorry..."
"Nagkita na talaga tayo dati. Taga DLSU ka rin di ba?"
"Hindi nga ang kulit mo naman! Hindi ako taga DLSU!"
Kung alam niya lang na ako talaga yun. Ayoko lang talaga iconfirm. Para maexcite siya! Hahaha! Feeling! Hahaha!
Natatakot ako pag nagpapatawag ng meeting si Ate. As in natatakot ako. Shet, kaya bukas, kasama si Benson, maghahanap kami ng trabaho. Haha! Pasukan na ng DLSU bukas. Shucks. Hindi na ko estudyante Mr. T! Nakakalungkot. Ano ba toh. Sabi ko kasi ayaw ko pa grumaduate eh! Huhuhuhu...
Pag andito talaga tatay ko, lagi akong pinapapalengke. Grabe, mukha ba kong palengkero? Pero in fairness, ang ayos na ng palengke ng San Juan ha! At malinis na talaga siya. Or dahil hindi lang ako umabot dun sa may mga isdaan part. Hmmm... naiisip ko tuloy yung sinabi ni Rhitz about working sa family business. Seryoso, narerealize ko siya ngayon. Grabe, 24/7 ka talagang nasa trabaho. Wala ka na ngang pasok, pati sa bahay yun pinaguusapan. Sa kotse, habang kumakain sa labas. Ano ba yan! Ayaw ko ng ganito. Kung weekend at walang pasok sana naman wala ng usapang drugstore. Sa totoo lang, nakakapagod. At birthday pala ni Tita Beth yesterday, may kainan siyempre. Mga pinsan ko andun din. Nakakatuwa dahil may mga kasama silang jowa bawat isa. Hirit ni Dindin sa kin"
"O ikaw Hakob, kelan ka magdadala ng jowa sa mga okasyon na ganito?"
"Hah? Eh! Ah!? Ano yun? Hahaha..."
"Huwag mo kong gaguhin. If I know dami mo ng ex..."
"Ay good luck naman sa yo! Sorry di ako magkakaex! Hahaha!"
"Gayahin mo kami disposable ang jowa..."
"Gaga, huwag mo ko itulad sa yo..."
"Sige na, ikaw na ang pinakabusilak..."
"Naku, alam na alam mo yan! Hahaha!"
5 buwan na rin akong hindi binibigyan ng pera ng nanay ko. Grabe, wala kong naiipon ano ba yan. Ewan ko, sobrang pagod ako lately na kahit na magbukas ng internet tinatamad ako. Kahit mga taong mahahalaga sa kin tinatamad dina ko makipagkita. Weird, wala akong inspiration puta.
Yesterday pala, nadaan ako sa Trinoma. Tagal ko na rin di nakapunta dun. Wala lang, nakatulog kasi ako sa MRT and dun ako nababa. So umikot ikot na lang muna ko sa Trinoma. Nag-emote emote. Haha! Grabe, hindi nagrereply yung nagpapabid sa Ebay ng gusto kong gamit. Shetness.
At ang dami talagang gusto makipagkita! Tinatamad talaga ko! Shet lang.
Ang haba na rin ng buhok ko at yung bigote ko ang kapal na. Kailangan ko ng tweezers! Hahaha!
Susme, si Jeffrey andito nga sa Pinas pero hindi ko naman mafeel presence niya! Paramdam ka naman kaya Hefer! Nakakatampo ka na ha! Lols, parang jowa! Maisyu na naman ako ng kuya ko.
Habang pauwi kahapon, may nakasabay akong lalake. Grabe, siguro pinakapowerful sa lahat ng senses ng tao eh yung sense of smell. As in yung pabango niya, grabe! Ang dami kong naalala sa amoy na yun. Parang daming memories na binalik nung pabango niya. Weird... bigla akong napa-emote nung naamoy ko yun. Haha!
Para sa mga mag GEB sa Sunday: Mommy Jong, Cha, Max etc... tuloy ba talaga? Sige sige sabihan niyo lang ako...
Update you soon Mr. T! :-)
Currently listening to: Anytime You Need A Friend by Mariah Carey
Currently feeling: na-c-cr