Entries for April, 2008

Medicines I have taken a while ago:

  • Biogesic (Paracetamol)
  • Alaxan FR (Paracetamol / Ibuprofen)
  • Flanax (Naproxen Sodium)
  • Advil (Ibuprofen)
  • Nafarin-A (Phenylpropanolamine HCL Chlorphenamine Maleate Paracetamol)
  • Bioflu (Phenylpropanolamine HCL Chlorphenamine Maleate Paracetamol)
  • Tuseran (phenylpropanolamine HCL Chlorphenamine Maleate Paracetamol)
  • Ponstan 250 (Mefenamic Acid)

O di ba! Resulta ng kababantay ng Drugstore yan! Still, masakit pa rin ulo and katawan ko and buti hindi pa ko overdosed. Ang dami dami ko pang gagawin and hindi puwede mangyari toh. Ang dami ko pa gusto ikwento sa yo Mr. T! pero drained na drained na ko. Epekto ata ng sobrang kasiyahan toh... huhuhu...

Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on April 1, 2008 at 07:49 PM in Everyday Drama, Reviews | 7 comment(s)

Hmmm... umaayon ang linggo sa kagustuhan ko Mr. T! Hay... masaya masaya. Sobrang magulo utak ko ngayon sorry. Hindi ako makapagkwento ng maayos. Tapos isa pa, cool, I'm gaining some new, na sana 'real' people dito sa Tabulas. They make sense and sana I make sense to them. And akala ko unique na ang love story ko nang malaman ko ang kuwento ng pag-ibig ng isa kong kakwentuhan ko dito sa Tabulas. Kala ko malala na ko. Hahaha... fun fun fun. Nakachat ko na rin sa wakas sa YM ang may-ari ng paborito kong basahing blog dito sa Tabulas. Shux, and akala ko madaldal na ko! But he's super fun and kalog! So yun, sana matapos tong week ng walang emote session. Anyways, update you as soon as I can Mr. T! I'm in a good place right now, emotionally, spiritually but not mentally and physically --- hahaha. Tulog muna ko. Mamaya na ko gagawa ng mga dapat gawin around 1am! Hahaha... I'll post a week recap siguro mga bukas or by Friday or by Saturday. Whichever day I'm not sluggish... Shhh... don't make a sound... Zzzzzz...

Currently listening to: Migrate by Mariah Carey feat. T-Pain
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 2, 2008 at 08:46 PM in Everyday Drama | Post a comment

I need to tell this story that happened just now.

Jacob kagigising lang around 10:00pm. Papuntang Ministop para bumili ng kung anu ano. Naglakad sa kalsada si Jacob and nakita niya ang kapitbahay na matagal na niyang pinagpapantasyahan. Hindi niya kilala ang kapitbahay na yun dahil bago-bago lang sa lugar ang kapitbahay. Matangkad, moreno, nakasalamin, semi-kalbo and hunk hunkan ang kapitbahay niya ito. So ito ang kwento:

Jacob: *uy shux si pogi san kaya pupunta gabi na*

Tumingin si Jacob kay pogi
Pogi nagsmile

Jacob: *OMG! ano toh! joke? Baket siya nagsmile? Ano gagawin ko?*

Jacob nagsmile back

Pogi 
   : Uy, hi! Taga dito ka rin di ba?
Jacob    : Ah, eh, oo. Diyan sa may kalsadang harap ng building niyo
Pogi    : Gabi na ah san ka pa pupunta?
Jacob    : Ah, diyan sa may Ministop. Bibili lang ng kung anu ano.
Pogi    : Ano name mo?
Jacob    : *shux, pseudo name ba bibigay ko? malalaman niya rin naman dahil kapitbahay*
Jacob    : Jacob name ko
Pogi    : Mine is Charles
Jacob    : Hello Charles. *:D*
Pogi    : Hello Jacob
Jacob    : Ikaw late na rin. Baket ka pa nasa labas?
Charles    : Ah, papasok pa lang ako sa work
Jacob    : Call center ka? San ka work?
Charles    : Hindi. IT Specialist ako sa may Eastwood.
Jacob    : Wow! Ang taray naman! Kaya pala bihira kita makita *naglandi na*
Charles    : Nye. Hindi naman. Oo, lagi kasi akong tulog pag may araw. Ilang taon ka na?
Jacob    : 22. Ikaw?
Charles    : 26
Jacob    : Uy sige may bibilhin talaga ko and gabi na
Charles    : Gusto mo sabay na kita
Jacob    : Sabay?
Charles    : Yep, sa car. Pinagasolinahan ko lang sa driver namin yung car
Jacob    : Sus! Wag na! May paa ako and malapit lang naman Ministop!
Charles    : Okay lang dali na. May bibilhin din ako sa Ministop.
Jacob    : Uhmm... sige sige salamat. If you insist sige
Charles    : Ikaw san ka work?
Jacob    : Ay! Estudyante pa po ako
Charles    : Swerte naman. San?
Jacob    : Diyan diyan lang
Charles    : San nga?
Jacob    : Lasalle lang
Charles    : Lang? Ateneo lang din ako
Jacob    : Ha? Ateneo? *na naman!!!*
Charles    : Wala kong paki sa rivalry hahaha wag ka mag-alala
Jacob    : Ako rin naman *buti hindi nag-eenglish*

Sabay dating ng kotse! Sosyal! Prado!

Jacob    : Wow! Shushal! Sa yo yan?
Charles    : Yep. Binigay lang hehehe
Jacob    : Sino nagbigay pakilala mo naman ako. Haha
Charles    : Parents ko
Jacob    : Hahaha

Pasok sa kotse. May TV at DVD ang kotse!

Charles    : Ikaw marunong ka magdrive?
Jacob    : Yep. Pero ewan ko kung alam ko pa. Tagal na rin ako di nagdrive
Charles    : Gusto mo irefresher course kita
Jacob    : Hahaha. Joke ba yan?
Charles    : Nope. Seryoso yun
Jacob    : Wag na okay lang ako. Hehehe
Charles    : O, Ministop na

Bumaba ang dalawa

Charles    : Ano ba bibilhin mo?
Jacob:    : Chichirya
Charles    : Sige libre na kita
Jacob    : Ha? Wag na! May pera ako ano ba!
Charles    : Ako na! Magagalit ako!
*Kinilig si Jacob*
Jacob    : Sige na nga! Hmph!

Pagtapos bumili

Jacob    : Sige una na ko
Charles    : Nye. Sabay ka na pabalik.
Jacob    : May pasok ka pa ah
Charles    : Oo nga, ano ba, paEastwood ang pabalik
Jacob    : Oo nga naman

Bumaba na sa kalsada

Jacob    : Uy, thanks ha
Charles    : No problem. Tulog ka na late na
Jacob    : Hindi puwede. Marami pa kong gagawin and tatapusin
Charles    : Hahaha. Puwede ka magtrabaho sa min. Di ka pala natutulog
Jacob    : Ah eh, hahaha
Charles    : Exchange numbers?
Jacob    : Ha? Er...
Charles    : Hahaha. Parang ayaw mo. Sige baka next time tayo magkasalubong ready mo ng ibigay
Jacob    : Ah eh, ehehehe
Charles    : Sige sige, nice talking with you Jacob
Jacob    : Salamat din sa chichirya and sa shushal mong kotse.

Humarurot ang kotse --- hindi pala siya kotse, SUV. 

Weird ng mga nangyari... :D

Currently listening to: Lips Of An Angel by Hinder
Currently feeling: astound
Posted by jjcobwebb on April 2, 2008 at 11:56 PM in Everyday Drama, Gayness | 7 comment(s)

WHAT'S NEW

MARIAH CAREY'S "TOUCH MY BODY" – – HER 18TH #1 SINGLE !

HISTORIC NEW BILLBOARD HOT 100 SINGLES CHART RECORD
FIRST HIT FROM NEW ALBUM - E=MC² - SURPASSES ELVIS PRESLEY's 17 #1's



"Touch My Body" nets record-setting 286,000 debut week on Billboard Hot Digital Songs chart.

SAVE THE DATES:

      • April 9th: Mariah joins all-star international cast on FOX's second annual Emmy-winning IDOL Gives Back two-hour charitable TV special
      • April 14th: Mariah special guest on The Oprah Winfrey Show
      • April 15th: E=MC² new album arrives in stores
      • April 16th: Mariah performs on American Idol as musical mentor to finalists

   

(April 2, 2008 – New York, NY) International superstar Mariah Carey reaches a once-in-a-lifetime career achievement as her current single "Touch My Body" goes to #1 on the Billboard Hot 100 this week and becomes her 18th career #1 hit – surpassing one of the most enduring chart records in Billboard Hot 100 history, Elvis Presley's 17 #1's. Mariah is now positioned as the only active recording artist in the 50 years of the Hot 100 (which began in 1958) with the potential to surpass the Beatles' all-time high of 20 #1 hits.

"Touch My Body" takes over #1 with an all-time record-setting 286,000 debut week at #1 on the Billboard Hot Digital Songs chart and a Hot 100 Airplay radio audience now over 115 million.

"Touch My Body" is the first smash from Mariah's highly anticipated hot new album E=MC² , arriving in stores April 15th. Pre-orders are now underway for E=MC², with iTunes customers receiving "Touch My Body" instantly with their pre-order.

"Touch My Body" was one of two songs Mariah performed last month on NBC's Saturday Night Live (show to be re-run on May 3rd). Last week, Mariah gave a special performance of "Touch My Body" and "We Belong Together" after the third season premiere of the MTV reality series, The Hills. The episode set a year-to-date record as the highest rated telecast on cable TV, with 5 million viewers tuning in.

On April 9th, Mariah will join an all-star cast for the second annual IDOL Gives Back two-hour TV special, a music celebration raising awareness and benefiting various U.S. and international charities. The first special raised $76 million last year, and won a prestigious Governor's Emmy Award.

On Monday, April 14th, Mariah will appear as special guest on The Oprah Winfrey Show, preceding the E=MC² album release day on the 15th. The next night, April 16th, Mariah will perform on American Idol after serving as musical mentor to that week's finalists.

"Touch My Body" was produced by Mariah Carey, C. "Tricky" Stewart, and fellow Island Def Jam artist The-Dream. Other guest producers joining Mariah on E=MC² include Jermaine Dupri, DJ Toomp, Stargate, Will I Am, Bryan Michael Cox, Nate "Danjahandz" Hills and James Poyser. The album is executive produced by Mariah Carey and Antonio "LA" Reid, Chairman, Island Def Jam Music Group.

The 11th studio album of her career, E=MC² follows-up The Emancipation Of Mimi , Mariah's worldwide 10 million selling #1 album, which generated three Grammy awards (including Best Contemporary R&B Album), two #1 singles, and countless more honors during its 18-month stay on the charts. Released April 12, 2005, Mimi was an industry phenomenon for the mega-platinum award-winning superstar. Soundscan's biggest-selling album of the year, it brought total sales of Mariah's albums, singles and videos to over 160 million worldwide, making her the top-selling female recording artist in history.

Mimi featured "We Belong Together" (Grammy winner for Best Female R&B Vocal and Best R&B Song) and "Don't Forget About Us," Mariah's 16th and 17th #1 singles respectively – which tied Elvis Presley's 17 #1's. "Touch My Body" now surpasses Elvis as Mariah's 18th #1 hit, and positions her as the only active recording artist with the potential to surpass the Beatles' all-time high of 20 #1 hits. "Touch My Body" also marks Mariah's 78th cumulative career week at #1, as she closes the gap on Elvis Presley's all-time high record of 80 weeks at #1.



Stay tuned for more exciting Mariah news!
MariahCarey.com

Posted by jjcobwebb on April 3, 2008 at 05:23 PM in Features, Mariah, Music | 1 comment(s)

Just got home from Promenade Mr. T! A lot of things happened today and I'm gonna dash through the most important events of the day. First was Aubrey's tires. Yeah! They were flat when we were about to head home. Good thing Ivan was there to fix her car. I took pictures while we were waiting for her tires to be repaired. I'm gonna post it on Multiply maybe tomorrow. Then, around 9pm, Matthew sent me a text message that he and his barkada were still in Promenade. Since Promenade is just less than 5-minutes from our house, I went there. They were in World Family KTV in Promenade when I met them. I sang with them too. They were super cool, super fun and super gay (yeah happy). Then we stayed in Starbucks til 1am. They were a blast! Especially Mikel. And yeah, their names were Mikel, Jester and Ivor. Sobrang saya nila Mr. T! Anyways, I laughed the night away Mr. T! I'm super tired. I need to wake up early pa mamaya. Probably I'm asleep after this entry. So there... update you soon Mr. T! Night!

Posted by jjcobwebb on April 4, 2008 at 01:32 AM in Everyday Drama | Post a comment

 

Hello Mr. T! Nasa Thesis Room (na sobrang lamig!) ako now with Fernando and Sheila. Hmmm...  we're revising our documents ngayon para ma-email na namin sa adviser namin toh. Hmmm... actually si Fernando lang gumagawa now and kami ni Sheila nagdadaldalan hahaha. Ayun, galing kaming MMDA again. Was there around 10am til 4pm. Nakakabaliw Mr. T! Kasi yung isang officer, Mr. Norrie Reyes name niya, nainterview namin before Holy Week, patay na. Kabaliw di ba? Anyways, hmmm... issues were resolved at last kanina regarding sa group and group mates. I don't wanna put details to it pero it's good at last nagkakaintindihan na kami and there'll be no more rooms for backstabbing. Anyways, yun, had my 3rd nightmare in my entire life kaninang umaga Mr. T! Grabe, nagising na ko tapos naidlip for 30 minutes, binangungot pa ko! Wah di ba? Anyways yung nightmare ko was meron daw akong 6th sense! Katakot di ba! Nakakakita ko ng mga patay and mga multo sa panaginip ko kanina! Ayun, nakatihaya ako as usual nung nagising ako. Unang nightmare ko was hinahabol ako ng mga pugot na ulo and yung second naman kinakain ako ng blank space. Actually hindi nga siya nightmare eh, "daymare". Hmmm... tapos nakatihaya ako sa lahat ng nightmare ko. Anyways yun... I'll be posting a week-that-was entry mamaya pagkauwi ko. Nakatulog ako sa kotse ni Sheila kanina nung nasa EDSA kami, sobrang traffic kasi kaninang hapon. Ayun, buti walang drama at kung ano anong ka-emo-han ang nangyari ngayong week na toh. I'm getting and feeling better and better as vacation approaches. What I need now is sleep. So there, Mr. T! Sabay na lang ako kay Sheila pauwi mamaya. Sige sige... hahaha... sobrang nabaliw pala ako sa offline message ni Jeffrey kahapon! Sobrang BFF ko talaga siya! Hahahahah... fun fun fun... Nyways... Update you later.

Sa MMDA:
Jacob : O, baket hindi tayo pinapasok? Kanina nung tayong 2 lang nakakapasok tayo ah!
Sheila : Akala kasi nung guard KAMINERO si Mighty!
Jacob : WTF? Hahahaha... *at sobrang tagal tumigil ng tawa ni Jacob*

Currently listening to: David and Sheila's conversation
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on April 4, 2008 at 06:13 PM in Everyday Drama, School | Post a comment

My body's full of red wine right now (half bottle?). I can't write what I'm supposed to write. I'm waiting for someone to go online rin but I guess he's absent today for his work. Anyways, tomorrow na lang Mr. T! At namiss ko naman daw siya kaagad... hay...  :S So eto muna, song by The Cure - Friday I'm In Love

 

Currently feeling: groggy and high
Posted by jjcobwebb on April 4, 2008 at 11:35 PM in Everyday Drama, Music | Post a comment

Okay Mr. T! Just woke up and it's around 4:30pm. Barry texted me and he wanna go hang out in Eastwood later this eveningh. Hmmm... okay, so here's my promise, my super update for the week. Wasn't able to mention some important things last week so here ya go:

March 30, 2008, Sunday:

  • Went to Trinoma with family
  • Met up with Steve after 3 years! He looked good when I saw him but I'm really sorry Steve, I'm not the 19-year old Jacob you once knew. You see, people change and I've changed a bit... o well... nice to see Steve again and his super duper nice condo (now fronting Greenbelt 5! Ang bangis!).

March 31, 2008, Monday:

  • INTPHIL Review Class
  • PRTEMAN Defence - went very well
  • Eastwood with Cheeseburger to watch Horton! Er, I need a seperate entry for this. I'm gonna make one...

April 1, 2008, Tuesday:

  • Nakasabay ko sa LRT2 papuntang school si Tin --- it's a first! Sa J. Ruiz station nakabalandra si ganda sa aisle ng second door from driver! Eh dun ako lagi sumasakay!
  • EMTECH Midterms grade given --- I'm in danger!!!
  • EMTECH reporting about future ideas
  • Pictorial sa conserv
  • Thesis room with METHODS groupmates

April 2, 2008, Wednesday:

  • INTPHIL Q2
  • METHODS Defense --- Major Revisions ang verdict
  • Reverie

April 3, 2008, Thursday:

  • Kenny with Matty and Deck
  • Conserv with EBISNES Groupmates
  • EBISNES Defense
  • Thesis room with METHODS groupmates
  • Aubrey's flat tires
  • Matthew and his barkada sa Promenade

April 4, 2008, Friday:

  • Ate Ningning's husband, Kuya Ricky had a welcome back party from abroad
  • MMDA with METHODS Groupmates
  • Thesis room with David and Sheila
  • Libre ni Sheila na McDo Drive-through

Looking at this recap, I feel I spent my whole week sa Conserv and Thesis Room. Hayz, padating na ang bakasyon. Naku, wala na naman akong gagawin dito sa bahay kung hindi kausapin ang laptop at humiga at manood ng tv. Uuwi rin sa probinsya si Sheila!!! Naku! Patay! Katulong na naman ang role ko dito sa bahay! Ayun, I'm feeling this stupid void na naman. :( Hays... Lord... send me someone to love naman para medyo magkakulay buhay ko! Lol. Pero kung hindi pa talaga, bahala na muna, hintay na lang ako (lagi na lang asa! ang tagal ng healing process at getting over process na yan! shux! hahaha...). Sige Mr. T!

P.S: Salamat kay Ryan and Matthew, ngayon ko lang nalaman, for almost, hmmm... since nagstart ako magkaroon ng YM, around 2000, so 8 years na, MERON PALANG MGA CHATROOMS ANG YAHOO! OMG di ba!?!! Tanga ba ko??? Sige sige I'm out!

Currently listening to: Can't Let Go by Mariah Carey
Currently feeling: masakit mata
Posted by jjcobwebb on April 5, 2008 at 04:53 PM in Everyday Drama, Updates | 3 comment(s)

Dahil may party pala yung family niya tapos nagiinvite siya! Pasamalat siya at hindi pa ko nagbihis kanina nung kinancel niya ang Eastwood dahil patay siya sa kin talaga! Anyways, update you soon Mr. T!

Currently watching: Aretha Franklin and Stevie Wonder - Until You Come Back To Me Live
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on April 5, 2008 at 11:19 PM in Everyday Drama | Post a comment

Sobrang kulit ko na kasi yata... oh no... I'm sorry. Update you tomorrow Mr. T! Just got home from Bataan kaninang 9pm. Update you real soon tomorrow Mr. T! Ano bang ginawa ko... shux... what have I done? I'm sorry. OMG. :( Tulog na ko... :( Kala ko matatapos tong araw na toh ng masaya because it had a wonderful start :S Gosh...

Currently listening to: voices in my head
Currently feeling: banned and startled
Posted by jjcobwebb on April 6, 2008 at 10:23 PM in Everyday Drama, Randomness | Post a comment

Anyways Mr. T! Enough of the drama. I crossed out my previous entry cause he asked me too. He's not angry afterall. So there, my sister and her husband just got back from Australia last night. Now I'm jealous with their pictures and all! It's killing m e!! Ohh... I'd give anything just to see a snow! Ang babaw noh? Yeah, pero I really want to experience it. I was talking with my sister on the phone awhile ago before lunch. She had lots of stories and even inviting me to migrate there! Wow naman di ba? Sira ata ang ulo ng kapatid ko! Our conversation lasted for 30 minutes and I had to cut it because I got hungry. Anyways, I blame Ryan why I'm feeling weirded today! Hahaha! It's like we've known each other for a long time when we actually just started YM-ing last week. Hahahaha --- my goodness, thank you Ryan for putting words into my mind kanina! Hahaha. You're so cool!

So there... hmmm... was in Bataan yesterday Mr. T! I was with my relatives --- the Bañas family that is! Yep, I was the only one who's really not a member of their family but it was okay since we treat each other as brothers and sisters. Anyways, we arrived in Bataan around 8am and to our un-luck, we weren't able to reserve a place to stay in so we had to rummage every resort nearby. It's a good thing, we found Waterfront. Their rooms were big, the resort had a pool and it's near the beach. Almost nice but not nice looking people! Hahaha... so as soon as we finished setting up our things in the room, we immediately hit the beach. Around 9am I was worshipping the beach. We've been here 2 years ago, still the same beach. Nothing new. Almost-white

sand and clear waters still. One incident that made me lose my momentum was when I was about to get something from our room and found my Havaianas gone! Goodness, I was really upset. I kept telling my cousins "Ano ba mga tao dito ang hihirap! Pati tsinelas ninanakaw! Mas mahal nga yang Reef mo hindi ninakaw! Nakakainis!". And then, when I arrived in our room, I saw my slippers outside the door! Grabe, I was really perplexed! I really didn't know how it got there or did I even bring it on the shore! Wah... so there,that was around 11:30am. Then it was time for lunch. I told myself that I won't each too much since I won't be able to project my tight-tummy (as if! ang laki-laki na nga! I bettah move!) Hahaha... but unfortunately, I over-ate! Hahaha... then the sun was  beaming around 12nn! So since I don't wanna lose my whiteness that I tried to achieve the whole year, I didn't dip on the beach after eating. Instead I took a bath and I lied on the bed and tried to get me some sleep. I was thinking of hitting the beach around 4pm.

*DREAMLAND*

I woke up around, 4pm. Ahahaha --- my relatives were already fixing things up. Hahaha ---

I really didn't know what was happening during the time I was asleep. Instead, I saw, on the digicam, they played billiards, badminton, more beach pics etc. Sayang, but they didn't have the refreshness I had while sleeping! Hahaha... so there, around 5pm we left na. It's good since I really wanted to go home and have some sleep na. Arrived in Manila round 9pm tapos we got lost pa --- hahaha. It was fun fun fun...I won't be posting pictures on my Multiply since I get alot of comments when I try to post topless pictures! Hahaha... feeler!

I'm looking forward to more beaches and bitches this vacation. I don't wanna be caught all summer on Mariah's messageboard and on YM! Hahaha... I need to perspire Mr. T! Anyways, tomorrow is last day. I still have nothing to do this vacation. Hmmm...

P.S. Mariah's album just leaked. Now, again, just like any of her albums, I am one of those people who hears it first before the whole world does on April 15, 2008! Mwahahaha...

Currently listening to: Bye Bye by Mariah Carey
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 7, 2008 at 05:03 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment

Anyways, since I'm online and my homepage is this control panel, might as well update you Mr. T! So there, I deleted my Downelink for good Mr. T! Nothing good is coming out from it. Pesky users, perverted messages, a message worth replying out of million messages (I'm exaggerating of course) and millions of reasons to forever delete it. There, hmmm... just got back from Trinoma Mr. T! Here's the story.

Prologue: I won't mention my friend's name since, he's out only to me and his other friend. Anyways, let's call him Xaverian-Atenean friend. Here it goes:

May nagtext:

X-A friend    : Hoy pogi asan ka?
Jacob        : Bahay. Baket panget?
X-A friend    : Ano gawa mo?
Jacob        : Eto Mariah, YM, Mariah ulit haha
X-A friend    : Labas tayo ngayon walang magawa.
Jacob        : Wala kong pera
X-A friend    : Ako rin, may kotse akong dala
Jacob        : Fine. Sige saan?
X-A friend    : Isip ka
Jacob        : Greenhills?
X-A friend    : Wag dun marami tayong kilala dun. Baka may makakita
Jacob        : Arte mo ha! Ikaw mag-isip
X-A friend    : Trinoma?
Jacob        : Puta! Na naman? Fine sige wala tayong kilala dun

After ko naligo at hindi ko nakita mga text messages ni Xaverian-Atenean friend, tumawag siya sa landline

X-A friend
    : Hoy, hindi ka nagrereply
Jacob        : OMG ka tumawag ka pa talaga sa phone! Porket graduate ka na! Hahahaha...
X-A friend    : Hahaha, oo baket masama?
Jacob        : Hindi. Ano ba paguusapan natin? Kung sasabihin mong mahal mo ko puwes pasensiya ka hindi kita mahal! Hahaha
X-A friend    : Gago! Feeling mo! Basta Trinoma!
Jacob        : Oo na! Nakatapis ako ibaba mo na yan!

Trinoma:

So we stayed at Coffee Bean first then started walking. Then we talked about our lives. Our love stories. Laugh here laugh there and I thought malandi na ko. Hahaha... my friend kept smoking the whole time. Gusto ko siyang suntukin kanina dahil hindi na napapansin yun usok napupunta sa kin. Anyways, tapos, as usual, nagutom ako, we sat at McDonald's and ate. Then kwento ulit, usap dito, usap dun. Blue Roast stories, si 'Gago', heartbreak stories, er er stories etc. etc. I actually learned a lot from him a while ago. As I was telling him my story, he kept giving me advice. Sobrang parang expert siya. Napapastop and think ako sa mga binibitiwan niyang words of wisdom. It was cool to talk with him again. Nakakatuwa. Parang dami na niyang natutunan about the alternative lifestyle. Which is weird because I actually emancipated first than him! Hahaha... ayun we were talking for nearly 3 hours. So while we were sitting beside those Trinoma fountains, my phone rang! It was my mom!

Mama    : Hoy Hakob asan ka?
Jacob    : Trinoma baket?
Mama    : Nasa EDSA kami dadaanan ka na namin
Jacob    : Magpapahatid na lang ako sa kaibigan ko. Anong oras pa lang!
Mama    : Hindi na gabi na. Abuso ka na!
Jacob    : Ano ba yan! Oo na!

After that call, we stayed muna dun sa open parking ng Trinoma sa may harap ng SM North. Nagsmoke muna si friend. Ayun, kuwento na naman siya and ako rin nagkuwento kuwento. Sobrang saya. After 30 minutes, dumating ang sundo ko! OMG! Parang bata lang! So yun, sobrang naleft hanging ako sa kwento niya nung andun na yung van. Hay... anyways Mr. T! Sabi niya next time ulit. Sabi ko sige. Hay... so un-cool ending. Anyways yun...

Epilogue:

Sa Trinoma:

Jacob        : Shux ano nangyari sa chest mo? Baket ang laki na? Nag-gym ka ba?
X-A friend    : Natuturn on ka noh?
Jacob        : Tang ina ka! Kadiri ka ha! Sabi ko lang malaki! Gago!

Pauwi:

Jacob    : Baket kailangan pa ko sunduin?
Mama    : Wala ng taxi at nakakatakot magcommute ng gabi
Jacob    : Sabi ko ihahatid ako
Mama    : Irenew mo lisensya mo yun ang pinakamaganda mong gagawin
Jacob    : Huh? Labo.

Currently listening to: For The Record by Mariah Carey
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on April 8, 2008 at 01:04 AM in Everyday Drama, Gayness, Malling | 2 comment(s)

Hello Mr. T! Sobrang antok na ko pero naputol tulog ko pero okay lang. Anyways, daming nangyari ngayon. Pumasok kami ng maaga sa school para magreview. Si Jobet kalbo na! Grabe +10 ang hotness niya! Tapos ako kumain sa Eric’s kasama si Deck. Tapos, finals kanina sa EM-TECH. Sobrang hindi ko sure kung anong klase yung test. Kung mahirap ba or madali or magulo. Then, tumambay muna kami sa Z2, andun din si Angelica.  Kumain ako ng ice cream kanina Mr. T! Sobrang sarap. Tapos, hindi naming malaman kung saang mall pupunta. So nagbunutan kami. Sa Midtown kami nauwi. Then, since si Barry nasa school niya rin, pinasama ko na.

So yun, una si Tin hanap ng hanap ng regalo para sa BF niya. Tapos kami naman ni Barry super usap and landian. Ayun, tapos nagTimeZone na naman as usual. Videoke, Bike, Racing pa ata sila. Tapos nagkagutuman. Si Barry and Aubrey nanlibre sa Karate Kid. Ayun, Sashimi fest na naman ako. Sashimi is heaven talaga!  Tapos bumili ako ng bottomless iced tea for all. Hahaha! And then, naku, baka sabihin mo na naman Mr. T! Nagmamaganda ko pero may tumititig na naman sa king guy kanina! Ang weird na talaga ng mga nangyayari lately. Ano ba kasing itsura ko mga panahong toh? Basta yun, try asking those people I was with a while ago. Baka isipin mo feeling naman ako! Anyways, then umuwi na kami. Then sinamahan ko si Barry sa Gateway muna mag-ikot ikot tapos umuwi na rin ako. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep, nakita ko si Bryan (employee sa drugstore na gay na mabait naman). Tapos kasama niya mga gay friends niya nakatambay sa Gayway. Tinawag niya ko and nakita ko mga kasama niya malamang mga bading. Pinakilala ako. So tinanong ko siya, gay kayo lahat. In chorus: “Bi”. WTF! Sabi ko sa sarili ko, Bi niyo mga mukha niyo! With a hair like that (super wax and gel), shirt like that (fit and bright), and skin like that (makapal na foundation), bi kayo? Paano pa ko? Super bi? Tsk... why can’t people admit they’re gay. They have to parade themselves as bisexuals when in fact they’re really not. Alam ba talaga nila konsepto ng bisexual? Weird... I was thinking about it sa jeep the whole time.

Then, kala ko makakatulog ako pag-uwi ko hindi pa rin pala. Hahaha... daming interruptions. Si Jeffrey ayos na computer niya sa Taiwan kaya madalas na ulit siya mag-oonline. Ang cellphone ko kanina ginising pa ko. Anyways, okay pa naman ako and bakasyon na naman. Hay, ayaw ko maburo sa Drugstore ngayong summer...

Currently watching: Saksi
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on April 8, 2008 at 11:37 PM in Everyday Drama | Post a comment

Okay, Idol first, since Rammy is already booted out, my bet is now on Syesha --- hahaha. I love me some DIVAS Mr. T! After her take on Fantasia's I Believe a while ago, I now can say that I love her. The high note that she did at the end of the song is out of this world. So Mariah-esque! But anyways, just woke up and just had dinner. Just tasted that best Laing ever served in our house! Grabe! Sobrang sarap pota!

Anyways, here are the events that happened today:


Went to school to get my INTPHIL course card and para gawin ang EBISNES project. First, dinaanan ko si Deck sa Conserv and iniwan ko muna ang sun glasses ko sa kanya cause mukha na kong epal sa shades ko. Then, went to Willam Bldg. Unfortunately, our course card were still under construction. Our prof was still doing our grades a while ago and we have to wait for 30 minutes to claim our CC --- for our section at least. Then, good thing was, Maruel was there. I asked him to accompany me first sa Gox cause my groupmates assigned me to check whether our Thesis Documents have been signed by our panelists and adviser. Pota, hindi pa signed! So I had to ask the IT secretary pero she wasn't there and our adviser was in Pampanga. OMG di ba? Anyways, after 30 minutes, we headed back to William. Ayun, our prof was still making our grades. So Maruel and I sat outside the Philosophy faculty room and chatted til we-don't-know-when-our-prof-will-be-finished.

While sitting down --- came a hot guy. Wearing sweat pants, 6 footer, chinito, swimmer's body. OMG!  Then came another one, hot guy na naman. Kaheight ko, skinny jeans, fitted shirt, mestizo, toned body. OMG! Tapos came a varsity --- malamang hot! Tapos came the guy that appeared on Cosmopolitan's magazine. Malamang hot! Tapos came a barkada, grabe! Puros hot sila kahit mukhang madudumi! All of them went inside the Philo faculty room. OMG di ba? Sobrang init kanina tapos puros hot pa sila! OMG talaga! It's so bad next term's gonna be my last academic term! Huhuhu! Hahahaha! Tapos more hot people were flocking the building! OMG! Mga Liberal Arts people are soooo... ugh! I should've exited Computer Science a long time ago and went to Liberal Arts!  Anyways, fast forward, I went out the faculty room with flying colors. Hahaha... yun then went back to Conservatory.

After an hour of doing the project for EBISNES and internet-ing on Deck's laptop and on my phone, we decided to eat lunch. Since we were poor a while ago, we ate at Eric's. Ayun, sobrang busog for my 66 php. George was also at Eric's to eat. So we made chika we George while eating. Afterwards, since Aubrey brought her car, we decided to go to Greenbelt. But before heading to EGI's parking, I tried to look again if our Thesis Documents were then signed. Still no sign. So we went out... ang mga susunod na eksena ay hindi pambata...

Eksena:

Mga guard ng DLSU nagtatakbuhan sa Taft. Mga walkie-talkie nila ang iingay. Nagkatraffic traffic sa Taft. May kinuyog ang mga tao. Isang SNATCHER! Since chismoso ko, I tried to go near the scene. Si Aubrey ay takot na takot pero pumunta din sila ni Deck. Ayun, basag mukha nung SNATCHER! Black-eye dito, pasa dun, dugo dun. Tsk tsk, kawawa naman. After making usisa, we headed to the parking lot. Cheap ko talaga! Hahaha...


Ayun, Makati will be Makati! Ang hirap ispelingin! Aubrey was telling me that she can't afford to get caught by the Makati traffic officers since we don't have money left! Hahaha. Anyways, we parked below GB5. Then headed to Power Books. Weird, since we don't wanna spend, might as well sit down and read interesting books. So there, they got books that got their interest and I got books of my interest. Books that I read awhile ago:

  • Online Love Affair
  • The Other World
  • 100 Best Inventions
  • Almanac Book Of Records

See, hahaha, buti hindi ako nangati! Anyways, it was a great way to spend the afternoon Mr. T! It's fun and informative to read din paminsan minsan. You get to learn new things pala (Wow ngayon ko lang nalaman na nagagawa ng libro yun!). May line nga kong gustong gusto sa isang book na binasa ko eh:

"Behind every computer screen is a person with real ego, and real emotions that can cause real pain"

Ganda noh? Anyways, after 4 hours of burning our asses while reading, we headed to Music One to look for potential CD's to download! Hahaha... take note, not buy, but download! Hahaha... then to Power Mac. We killed ourselves by fondling Apple items. Hahaha... poor us poor us! So there, since we really didn't want to spend and lose money, we headed home na rin around 4:30pm. Best part of the day was when we got lost AGAIN in Makati! Fuck Makati! Hahaha... we should've taken a cab. Ang hirap talaga sa Makati! We need to hang out in Makati more --- with a car! Anyways, thanks sa mga istambay, we found our way out and was in La Salle just in time. Then rode the train by myself and my phone's MP3 player. Hahaha --- sad pala umuwi mag-isa. Anyways, yun mga nangyari ngayon Mr. T! Update you tomorrow! :)

A note posted outside the Philosophy faculty room:

Ang taray di ba??? Maldita! Hahahaha.... sige! :)

Currently listening to: Someone For Me by Whitney Houston
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on April 9, 2008 at 10:14 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Ngayon ko lang napagisipan. Kanina sa car ni Aubrey, commercial sa 96.3 palagi yung album ni Gretche Baretto. Tapos may song siya na nirevive na naaliw naman ako. Yung I Will ng The Beatles. Kahit nakakairita yung boses niya, eto kasi palagi yung part na laging pinatutugtog eh:

"Will I wait for lonely lifetime?
If you want me to, I will..."

Ang drama di ba? Pero tinamaan ako dun kahit buwisit talaga yung boses ni Gretchen ... hay.... :D. Sana pagnahulog ako this time may sumalo na sa kin Mr. T! :D

Posted by jjcobwebb on April 10, 2008 at 02:41 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Ayun, just finished watching Mariah Carey perform on Idols Give Back and Mariah is Mariah. No more no less. Let's leave it that way. Anyways, it was an okay peformance for me. Nothing to be schocked or amazed about. She's done incredible performances in the past so whatever.

I was greeted by this text when I woke up:

Friend    : Hey Jacob, you wanna attend sa release party ng E=MC2 sa Government this 29?
Jacob    : Ay naku, kung hindi sa Government yan baka pumunta pa ko. Sorry.
Friend    : Hala anong nakain mo? Si Mariah toh ha!
Jacob    : Wala. Government and Jacob don't go together. Sorry.

There, I had to go to school for our EBISNES project presentation. Officially, today is the start of our vacation and I still do not have anything to do this summer but anyways, I'll go through with what happened today:

School

Met up with Kristine, Aubrey and Deck in Gox Lobby. Deck was still doing some final retouches and programming for our project. I had to check the faculty room whether or not our prof was present awhile ago and she was. Unfortunately, yesterday, she asked us to present around 9:30-ish but since we had to do the retouches and all, we had to present at a later time. So I saw our prof sitting on one of the benches at the lobby and I tried to call her attention. Then she mouthed "Late na kayo". So, I had to put into good use my acting skills and it worked --- hahaha. She asked us to be back around 1pm cause she'd be attending a meeting at that moment, say around 11:30pm. But thanks to our lucky stars, she just asked us to CD burn our project and then just submit it to her. Now, I wonder if our project will work on her system since the database and the resin are configured to work on Deck's laptop. Anyways, Kristine, in all her glory, brought her newly bought Compaq laptop! Yeah, I remember that laptop model being more expensive than my laptop before. Ayun, so, all of us have a laptop now. No room for selfishness during our future stays in Conserv or in the Lobby --- hahaha. Then Aubrey had to leave early, I was really expecting Tagaytay a while ago but sayang, Aubrey really wanted to leave early nga. Anyways, then we parted ways and Kristine and I were left inside the train. We wanted to check apartments around Katipunan but the weather was so hot a while ago so we just decided to go to Ga(y)teway.

Gateway

Dairy Queen

First stop, Dairy Queen. Thanks to Dairy Queen, our body temperature a while ago got repaired. I swear, the Mango Cheesecake Blizzard that I had was the most delightful Blizzard I've ever tasted from Dairy Queen. Or was it just really hot that time? But anyways, Kristine put out her laptop and we tried abusing Araneta Center's free Wifi service. Just when we thought, we'd be spending the whole day making tambay in DQ, the laptop's battery life was running out. So, we looked for an electric outlet. DQ had one but unfortunately, it was dead! So we thought of Ga(y)teway's Foodcourt. So, we went to the foodcourt and tried hunting for a seat near an electrical outlet. We saw one but it was fully covered and masking tapes gave us signals that they don't allow people to use their electricity! Mean mean! So we had to find a Restaurant that would give us the luxury of charging Kristine's laptop. We tried Terriyaki Boy but they don't a have a seat near an outlet. We saw this Italian resto but Kristine didn't want to eat Pizza and Italian stuff. And so I read, while going down the elevator --- "Shabu-Shabu". OMG! So Kristine was like "Oh ayan diyan! Malamang may saksakan yan!". The hell! It was a Gloria Maris Shabu-Shabu house! I thought Tin was just joking but what happened next was I found myself looking at Gloria Maris' menu and my poor wallet. So there. Hahaha...

Gloria Maris

Hot Pot, Sea Weeds, Century Eggs, Crab Sticks, Vegetables, Meatballs, Squids, Fish etc etc. While the service crew was cooking our meal infront of us awhile ago, Kristine was laptop-ing, and I was cellphon-ing. Good thing my cellphone is Wi-Fi capable else I'd be staring and looking like kawawa on Kristine's laptop while she's laptop-ing. So there. Here's what happened:

Service Crew    : Sir ihiwalay po natin yung gulay kasi baka ma over-cook
Jacob        : Sige hiwalay mo na
Service Crew    : Sir gusto niyo gawan ko kayo ng sauce
Jacob        : Meron na ko, ayan oh *points at his sauce*
Service        : Sige

sir, ayan, okay na maya maya. May kailangan pa kayo
Jacob        : Wala na po. Sige sige salamat

*Service Crew left*


Kristine    : Shet Jacob, todo asikaso ka nung lalaki ah
Jacob        : Gaga!
Kristine    : Eh, andito ko ikaw kinausap buong time
Jacob        : Anober!

Anyways, the food was bountiful. We were expecting Ivan to come so we ate slowly. While eating we were downloading games, applications, etc etc. Then Ivan finally arrived. So there, we talked, we laughed, pig-ed ourselves then it was time for the bill. Good thing our student-allowances managed to get through the bill. Then, after paying, the Service Crew (this time a lady), gave us a different receipt and a different change.

The change was more than our change. So I called her attention then said "Nakakainis honest kami, pero mali talaga yung resibo namin. Baka malugi kayo niyan". She thanked me then we left Gloria Maris.

Then we strolled ulit. Digested the food we ate. Then went back to Dairy Queen to made tambay for 2 more hours. Tin and Ivan smoked. Marlboro pala doesn't smell nice. I was left with my cellphone. Ayun, download games, Youtube, YM...etc etc. Then Ivan got hunry again so he bought Hotdogs in the Cinema Area. Then, we stayed for a few minutes then we left. And now, kagigising ko lang and Deck PM'd me my EMTECH final exam grade. I don't know if that 80 will do me any good in the final grade. So there, sayang talaga, Aubrey and Deck and Matty wala kayo!

Anyways, update you soon Mr. T! It's vacation time!!!

Currently listening to: Making Love Out Of Nothing At All by Air Supply
Currently reading: Ryan's YM Window
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 10, 2008 at 10:11 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | Post a comment

Kinukwentuhan ako ng isang friend kanina about his love story Mr. T! And his love story is so identical to mine. As in parang kinarbon copy. My story was so 3 years ago and kala ko nakalimutan ko na for good and forever yung tao and events etc. But super thanks talaga sa friend na toh, nabuo mga particles na naiwan sa utak ko kanina and yung mga particles na yun naging atom! Buti atom lang di ba? So tinanong ko sarili ko kanina:

"Do people really get over people or they just learn or get used to telling themselves that they're over people? Does moving on mean you're really over the person or are you just telling yourself that you're gonna get over that person?"

Makes me think tuloy. 

It's a weird feeling siguro. Minsan kahit parang masochistic ka na okay lang. Yung tipong nasasaktan ka sa ginagawa niya pero at the same time sumasaya ka naman. Love is so weird. Kahit mga philosphers siguro natatanga pag dating sa love. Pero baket parang minsan the last person you can really trust is yourself? Di ba?

Basta, be happy. Kung masaya ka naman pero nasasaktan ka, tanungin mo sarili mo. Gusto mo bang ganun na lang parati? He's not into you pero lapit ka pa rin ng lapit and nasasaktan ka lang? Aalis ka ba? Pero paano kung masaktan din siya pag umalis ka? Paano na yun? Pero the choice is yours pa rin. Kaninong kasiyahan ba mas matimbang, sa yo or yung sa kanya? Tulad ko, I had no choice but to run away. Pinili ko yung sarili ko. And somehow, nakatulong. Masaya na kong masaya siya ngayon. And kahit matagal akong nakarecover, I felt much better nung lumayo ako. I don't know. It really depends siguro sa tao yun. :)  Ang mahalaga naman ay kung naging tunay kang masaya. At least naramdaman mo yun kahit hindi nagwork out. :) Hay...

Hahaha... while talking to this friend din kanina, naalala ko tuloy paborito ko dating kantahin nung mga panahong yun. And the song goes:

"And I don't want the world to see me
Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am"

-Goo Goo Dolls

Well... emo mode! Hahaha... don't worry... I'm super fine. :D

Currently feeling: senti mode
Posted by jjcobwebb on April 11, 2008 at 02:47 AM in Everyday Drama, Gayness, Randomness | 2 comment(s)

Okay, pambungad, hindi ako magbabanggit ng pangalan sa entry na toh dahil baka ulanin ako ng batikos at intriga kung ilalagay ko ang pangalan ng taong kasama ko kanina. So, itago na lang natin siya sa pangalang Chris

So napag-usapan namin ni Chris kagabi na magkita at magbreakfast sa may Katipunan. Siya pumili ng lugar at oras since late naman ako sa mga nakaraan naming pagkikita. So yun, 9:00am, sa may Chowking Katipunan. Akala ko sa pagkakataong ito, mauunahan ko na sa wakas si Chris dahil may pasok siya ng madaling araw at ang uwian niya ay 8:00am pa. So wala kong pake na magmabagal kanina. Pero shete, nagtext 30 minutes before 9:00am at nandun na raw siya sa Chowking. Nakakainis dahil talo na naman ako! Anyways, dapat magsasapatos ako pero dahil magmumukha na naman akong late, nagtsinelas na lang ako. Ang layo pala nung Chowking sa may Katipunan! Nakakabaliw! Akala ko parang kalevel lang ng McDo kalayo pero lampas lampas Ateneo pa pala yun and sa may Petron pa! Sinisinggil pa ko ng tricycle driver ng 30php pero sabi ko baket ang mahal, binabaan ginagawang 20php! Grabe ha kurakot! So yun, nakarating ako sa Chowking bago mag 9:00am, pero according kay Chris, late ako! Wow ha! Nauna lang siya late na ko! So panalo na naman daw siya! So okay, fine!

Mainit ang araw kanina. Parang nagmumura. 9:00am pa lang talaga pero sobrang init. Since malayo ang kakainan namin, kailangan namin maglakad from Chowking papunta dun sa kakainan namin. Grabe, si Chris gusto na niyang tumawid agad kahit walang Ped Xing o over pass man lang. So ako, ayaw ko talaga tumawid sa hindi tamang lugar. Lapitin ako ng mga sasakyan Mr. T! at marami na kng beses muntik masagasaan. So anyways, nilakad namin ang Petron hanggang sa may MMDA over pass. Ang sweet di ba kahit ang init init pucha! Pagtapos namin tumawid, sumakay kaming tricycle and siya nagsabi sa tricycle driver na dun daw kami ibaba sa may Sweet Inspiration (o di ba parang motel lang ang pangalan!).

So yun, it was a cafe-resto Mr. T! at hindi siya motel. The place was nice, onti lang tao and umalis din sila after a while and naiwan kami ni Chris sa loob. Romantic isn't it? Senti music, malamig and kaming 2 lang ang customer. Hahaha... so we ordered. 2 American Breakfast and tubig lang inorder namin. So yun, usap-usap, tawa tawa, gaguhan, kiligan, titigan. Hay... nakakatuwa Mr. T! Hahaha... as much as I want say kung kelan kami nagkita, magkakaroon lang ng clue mga magbabasa nito kung sino siya! Basta ganun. Then, after kumain, it was my treat naman. Yung mga nakaraang labas kasi namin siya nanlilibre eh so sabi ko ako naman ngayon ang taya. So yun, just when I thought the day was over, naalala ko na ang bahay niya pala was just around the corner.

Eto ang pinaka-epal na part ng story. He wanted me to leave na para hindi ko malaman kung san siya nakatira. Pero, sorry talaga siya dahil vacation na kami and kahit anong oras pwede ako magstay. So sabi niya, sasakay kaming magkahiwalay na tricycle ang maghahabulan! Sweet ba to or gaguhan? Hahaha. So he walked, sumusunod ako. Lakad ---- Lakad ---- Lakad ---- until makarating siya sa isang bangko. Nagwithdraw siya pero offline daw. So --- lakad ---- lakad ---- lakad. At nakakabuwisit nagpahabol pa! Sobrang pakiramdam ko kanina Mr. T! mukha kong tanga kanina kasusunod sa kanya and siya talaga walang pakialam na sumusunod ako! Hindi man lang ako sinabayang maglakad. Pero okay lang talaga wala kong paki. So nakahanap na siya ng bangko and nakapagwithdraw na rin. So, lakad --- lakad --- lakad and hindi rin ata kinaya maglakad pa dahil pumasok na rin kami building ng bahay niya. Sumakay ng elevator and bumaba sa floor ng bahay niya. Ayaw niya talaga ako papasukin dahil madumi raw. So umupo kami sa may upuan dun sa harap ng elevator. Sabi ko mga 11am na ko aalis. Hindi ko raw malalaman kung san siya dun sa floor na yun. So ayun,

 

THEN THERE WAS SILENCE

Parang hindi kami magkakilala nung nakaupo kami dun sa hallway. Feeling ko rin kanina mukha na kong tanga habang nakaupo dun. Hay... pero bahala na rin sabi ko sarili ko. Gusto ko rin naman yung ginagawa kong katangahan kanina. Mukha kong desperate sa totoo lang kanina pero hindi ko talaga iniinda. Pero madaya dahil I should have been there before nung inistood up niya ko. Nung tawag ako ng tawag sa kanya nun pero hindi niya sinasagot! Pero wala na sa kin yun. Dahil kahit andun lang kami, andun naman yung presence niya. Masaya na ko. Hihihi. Kahit natutuliling na tenga ko sa katahimikan! Siguro iniisip niya kung papasukin niya ko sa bahay niya, baka gahasain ko siya! Hello! Kumusta naman di ba Mr. T! Sabi ko naiihi ako kanina, pero sabi niya may CR daw sa first floor! Wrong excuse! Hahaha! Anyways, dumating ang 11:00am and still nagmamatigas siya na hindi siya papasok until andun ako. Since kailangan ko naman talagang umalis ng 11:00am, sabi ko aalis na ko. Grabe 30 minutes kaming nakatunganga sa hallway! Nakaidlip pa tuloy ako! Nalungkot ako somehow pero okay lang. Sabi ko kahit man lang ihatid ako sa labas pero ayaw ni Chris! Hinahatid niya na raw ako kanina pero ayaw ko pa sumakay ng tricycle! So fine! Sabi ko sa elevator na lang! So yun, sumakay akong elevator pababa and sa ground floor dahil hindi ako makali dahil kung hindi ko malalaman kung san siya, natalo na ko 2 beses and kung hindi ko malalaman kung san siya dun sa floor na yun baka maiyak na ko pauwi. So...

Jacob             : Sir, san ho dito si
Front Desk     :
?
Jacob             :
Oho
Front Desk    :
Ah, Room *** po
Jacob             : Oh... salamat.

Hahahaha... I also won! At kala ko uuwi ako ng luhaan. Dahil nauna na naman daw si Chris, siya raw magdedecide kung when and where kami ulit magkikita! Sabi niya na sa April 11, 2009 na raw kami ulit magkita sa Powerplant! Wah... huhuhu! Ang tagal naman nun di ba?!? And so yun, sobrang init pa rin sa Katipunan nung pauwi ako puta. Pero okay lang talaga hahaha... shete baket bigla akong sumaya nung pauwi! Hahaha... can't wait to see Chris again! :D

OMG! Tapos nung nasa train ako may nakatabi akong Muslim parang nagdadasal at may binabasang Arabic. Ewan ko para kong paranoid. Isip ako ng isip na baka suicide bomber siya at nagdadasal na siya para bigyan siya ng kapatawaran ng Allah. Gusto ko na nga bumaba dun sa trainset na yun eh kahit wala pa ko sa station ko! Pero buti na lang talaga walang masamang nangyari. Hahaha... paranoid ko shet!

And now kagigising ko lang and si Barry nag-iinvite na lumabas mamayang gabi. Naku, wala ko sa mood pero depende sa pupuntahan at kung may kotse! Hahaha... update you soon Mr. T! What a morning! Hay... naku talaga, hurt me now or hurt me never... :P

Currently listening to: Angel by Westlife
Currently reading: New Friendster Friend Request
Currently watching: Mariah Carey Fly Like A Bird on Idol Gives Back
Currently feeling: super happy
Posted by jjcobwebb on April 11, 2008 at 05:03 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)

Shux, ang hahaba ng mga previous entries ko. Kahit ako tinatamad basahin. Masyado ata akong carried away sa mga nangyari. Shucks, si Ate nagBicol kahapon ng umaga! Wala kasi ako sa bahay! Shete, sana nakasama ako! Anways, I'll maket this post short and concise.

So what happened last night?

Si Barry nagtext:

Barry    : Jacob, hintayin mo na lang kaming Gateway dun
               ka namin dadaanan papuntang Eastwood
Jacob    : Baket asan ka na ba?
Barry    : Santolan, papuntang Makati dadaanan si Rhitz
Jacob    : Naku! Ayaw ko maghintay magisa sa Gateway
               baka may pumik-up sa kin dun!
               MRT na lang ako and punta ko Makati
Barry    : Sige kita na lang tayo dun

So naghintay ako sa Makati, una G4, ikot ikot magisa. Si Rhitz kasama pa kapatid niya so nagPowerbooks sa may GB3 muna. Nagbasa basa habang naghihintay. Daming SPARTANS sa Makati Mr. T! Baket ganun??? Anyways, ang tagal ko naghintay sa Powerbooks, kung ano ano na lang binasa ko pati libro ng ASP.NET binasa ko na kahit di ko naintindihan! Anyways, finally Barry arrived so tumambay muna kami sa GB3 Cinema area. Nakita pa namin si Toni Gonzaga and yung BF niyang hot. Anyways, kaya pala hindi pa dumadating si Rhitz kasi akala ni Barry tinext ko na at akala ko naman tinext niya na. Anways, buti tumawag na si Rhitz. Naghintay pala siya sa Powerbooks. So yun, kaming 3 nakaupo sa may Cinema area. Then siyempre anong oras na nun. Sobrang traffic pa papuntang Makati so malamang mga 9pm na yun kaya gutom na talaga kami ni Barry. Kaso si Rhitz kumain na so kaming 2 na lang ni Barry ang kakain. Anyways, pagtapos maghanap ng mga kakainan, sa Cafe Bola kami nauwi. Ugh, may mga Computer Science people pang mga kumakain dun kaya hind ako makakilos ng masyado pero okay lang dahil hindi naman kami mga close. So yun, kain. First time ko nakakita at makatikim ng Sinigang na may Watermelon. Ang cool grabe. Tapos first time ko rin makakain ng Adobo Flakes. Shux, kala ko kulang sa min ni Barry, pero sobrang nabusog kami! Hahaha... sarap, tapos si Rhitz bumili ng dessert. Gustong gusto ko nung Gelatone kaso ang mahal at may sipon ako. So anyways after kumain, naglakad lakad muna kami. NagGB5 at pinagtawanan kung ano ano lang ang mga makita. Kuwentuhan, kulitan, hagik gikan, CRUISING, etc. etc. Then si Rhitz, sabi gusto ni Wiggy mag "Neigbor" daw. So sabi ko game ako pero si Barry hindi. Tapos yun, after GB5, nag GB2 naman kami para bumalik sa parking. Nung nakaalis na kami, may nagtext kay Barry:

Jano    : Uy, Christian, nakita ko kayo GB3
Barry    : Ay oo kasama ko mga friends ko
Jano    : Punta kayong Temple guestlist ko kayo
Barry    : No, thanks nakaalis na kami

Sayang talaga! Sana nakapagsayaw man lang kami. Anyways, wala pa kami sa mood umuwi ng mga 11pm, so nagCRUISE kami. Sa Makati Ave. then sa Malate. OMG naman di ba. Aliw na aliw kami kahit nasa loob lang kami ng kotse. Hahaha... fun fun fun. Basta, road trip talaga hanggang mag-umaga. Ano ba tong pinagagawa namin! Gawain ng matitinong magkakaibigan. Anyways, wala naman masamang magtrip. Kanya kanyang trip lang yan. Trip lang namin mag-ikot ikot kung san san para prepared kami sakaling magNeighbor kami. Hahaha... tapos yun, umaga na and hinatid na namin ni Barry si Rhitz sa kanila and then dapat magsStarbucks pa kami ni Barry sa Gateway kaso sarado na so ako naman ang umuwi. Ayun, ngarag nung pagkauwi. Nakatulog agad at sobrang antok kahit si Barry ang nagdrive. Hahaha... so yun, ayan, sana maiksi toh. Hahaha... update you soon Mr. T! Ganda ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon Mr. T! Kulang na lang talaga eh someone to love... ^.~

Currently listening to: I Will by Ben Taylor
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently watching: Paul O' Grady Show
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 12, 2008 at 02:03 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hoy, Migool, eto!

Dear Christian,
I don't really know how to tell you this, but (you're a pervert).
I think I realized it (when your dog ran amok) (in your closet) and I saw you (sit at) (my Father).

I'm sure you're (cowardly) enough to understand (how awful I've felt).

I'm returning (the couch cushions) to you, but I'll keep (the results of your blood sample) as a memory.
You should also know that I (always will remember) (our friendship).

(Go burn),
Jacob

RULES:

Dear (the person who last texted/sms-ed you).
I don't really know how to tell you this, but ___1___.
I think I realized it ___2___ ___3___ and I saw you ___4___ ___5___.

I'm sure you're ___6___ enough to understand ___7___.

I'm returning ___8___ to you, but I'll keep ___9___ as a memory.
You should also know that I ___10___ ___11___.

___12___,
-Your name-

1. What's the color of your shirt?
Blue - Our romance is over
Red - Our affair is over
White - I'll join the monastery
Black - I dislike you
Green - Our horoscope doesn't match
Grey - You're a pervert
Yellow - I'm selling myself
Pink - Your nostrils are insulting
Brown - The mafia wants you
No shirt - You're a loser
Other - I'm inlove with your sister

2. Which is your birth month?
January - That night
February - Last year
March - When your dwarf bit me
April - When I tripped on sesame seeds
May - First of May
June - When you put cuffs on me
July - When I threw up
August - When I saw the shrunken head
September - When we skinny dipped
October - When I quoted Santa
November - When your dog ran amok
December - When I changed tennis shoes

3. Which food do you prefer?
Tacos - In your apartment
Pizza - In your camping car
Pasta - Outside of Chicago
Hamburgers - Under the bus
Salad - As you ate enchilada
Chicken - In your closet
Kebab - With Paris Hilton
Fish - In women's clothing
Sandwiches - At the Hare Krishna graduation
Lasagna - At the mental hospital
Hot dog - Under a state of trance
Annat: With George Bush and his wife

4. What's the color of your socks?
Yellow - Hit on
Red - Insult
Black - Ignore
Blue - Knock out
Purple - Pour syrup on
White - Carve your initials into
Grey - Pull the clothes off
Brown - Put leeches on
Orange - Castrate
Pink - Pull the toupee off
Barefoot - Sit at
Other - Drive out

5. What's the color of your underwear?
Black - My best friend
White - My father
Grey - Bill Clinton
Brown - My fart balloon
Purple - My mustard soufflé
Red - Donald Duck
Blue - My avocado plant
Yellow - My penpal in Ghana
Orange - My Kid Rock-collection
Pink - Manchester United's goalkeeper
None - My John F. Kennedy-statue
Other - The crazy monk

6. What do you prefer to watch on TV?
Scrubs: Man
O.C.: Emotional
One Tree Hill: Open
Heroes: Frostbitten
Lost: High
House: Scarred
Simpsons: Cowardly
The news: Mongolic
American Idol: Masochistic
Family Guy: Senile
Top Model: Middle-class
Annat: Ashamed

7. Your mood right now?
Happy - How awful I've felt
Sad - How boring you are
Bored - That Santa doesn't exist
Angry - That your pimples are at the last stage
Depressed - That we're cousins
Excited - That there is no solution to this.
Nervous - The middle-east
Worried - That your Honda sucks
Apathetic - That I did a sex-change
Ashamed - That I'm allergic to your hamster
Cuddly - That I get turned on by garbage men
Overjoyous - That I'm open
Other - That Extreme Home Makeover sucks

8. What's the color of your walls in your bedroom?
White - Your ring
Yellow - Your love letters
Red - Your Darth Vader-poster
Black - Your tame stone
Blue - The couch cushions
Green - The pictures from LA
Orange - Your false teeth
Brown - Your contact book
Grey - Our matching snoopy-bibs
Purple - Your old lottery coupons
Pink - The cut toenails
Other - Your memories from the military service

9. The first letter of your first name?
A/B - Your photo
C/D - The oil stocks
E/F - Your neighbour Martin
G/H - My virginity
I/J - The results of blood-sample
K/L - Your left ear
M/N - Your suicide note
O/P - My common sense
Q/R - Your mom
S/T - Your collection of butterflies
U/V - Your criminal record
W/X - David's tricot outfits
Y/Z - Your grades from college

10. The last letter in your last name?
A/B - Always will remember
C/D - Never will forget
E/F - Always wanted to break
G/H - Never openly mocked
I/J - Always have felt dirty before
K/L - Will tell the authorities about
M/N - Told in my confession today about
O/P - Was interviewed by the Times about
Q/R - Told my psychiatrist about
S/T - Get sick when I think of
U/V - Always will try to forget
W/X - Am better off without
Y/Z - Never liked

11. What do you prefer to drink?
Water- Our friendship
Beer - Senility
Soft drink - A new life as a clone
Soda - The incarnation as an eskimo
Milk - The apartment building
Wine - Cocaine abuse
Cider - A passionate interest for mice
Juice - Oprah Winfrey imitations
Mineral water - Embarrassing rash
Hot chocolate - Eggplant-fetishism
Whisky - To ruin the second world war
Other - To hate the Boston Celtics

12. To which country would you prefer to go on a vacation?
Thailand - Warm regards
USA - Best regards
England - Good luck on your short-term leave from jail
Spain - Go and drown yourself
China - Disgusting regards
Germany - With ease
Japan - Go burn
Greece - Your everlasting enemy
Australia - Greetings to your frog Leonard
Egypt - Fuck off now
France - In pain
Other - Greetings to your freaky family

Taken from: http://subtlebliss.multiply.com/journal/item/30/A_Letter

Currently listening to: When You Say Nothing At All by Alison Krauss
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on April 12, 2008 at 09:58 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

In case hindi niyo nabasa ang Part 1, click here.

Si Jacob, nagsimba sa 8:30pm mass. Maaga nakarating sa simbahan si Jacob dahil di-lakad lang ang simbahan sa kanila. So, habang hindi pa nagsisimula ang misa, kumain muna sa labas ng simbahan si Jacob ng chicharon at may sumisitsit.

Pssstt....

Lumingon si Jacob. Nakita niya si Charles. Nakavintage t-shirt, skinny jeans, Chucks and nagyoyosi...

Charles    : Hey hey hey! Musta na Jacob? Bibigay mo na ba number mo
Jacob    : Uy! Anong ginagawa mo dito? Number? Hahaha... hindi ko memorize number ko
Charles    : Magsisimba ano pa ba! Hahaha...hindi raw memorize, payn kung ayaw mo
Jacob    : Nyek, mukha kang pupuntang party sa suot mo! Nagyoyosi ka pa sa harap ng simbahan!
Charles    : Hahaha, ikaw nga nagchichicharon at nakatsinelas! Sino kasama mo?
Jacob    : Anong masama sa chicharon? Wala ako lang. Ikaw?
Charles    : Hahahaha! Ako lang din
Jacob    : Wag mong sabihing nagkotse ka pa papunta dito
Charles    : Hindi naglakad lang din ako
Jacob    : Ah okay, inuubos ko lang tong chicharon ko tapos papasok na ko
Charles    : Sige pagubos mo niyan tapon ko na tong yosi ko. Nagyoyosi ka?
Jacob    : Nope. Pero hindi ako galit sa mga nagyoyosi don't worry *smiled*

Tinapon ang yosi ni Charles

Charles    : Tabi tayo sa loob okay?
Jacob    : Sige sige

Naubos ang chicharon at pumasok na sa simbahan ang dalawa

Jacob    : Uy, hindi pala ko mahilig magsalita sa loob ng simbahan ha
Charles    : Eh paano yung mga response at peace-be-with-you?
Jacob    : Tungak! Malamang magsasalita ako dun! Basta wag tayo magkwentuhan pagnagstart na
Charles    : Ok. Bait.

Nagsimula ang misa

Our Father

Charles    : Hold hands?
Jacob    : Uhm, ok...

Peace-Be-With-You

Charles    : Hoy peace be with you
Jacob    : Peace be with you rin. Baket may hoy pa?
Charles    : Wala lang.

Nagsmile ng malaki si Charles. Kinilig si puta

Mass ended

Charles    : Sabay tayo pauwi ha
Jacob    : Malamang, isa lang naman way natin
Charles    : Suplada ah! Hahaha
Jacob    : Nyek, anong suplada dun. Totoo naman yung sinabi ko
Charles    : Sige na po Jacob! Payn payn!

Nagkuwentuhan sina Jacob and Charles habang naglalakad pauwi.Unang nadaanan nila ang bahay nina Charles

Sa gate nina Charles

Charles    : Gusto mo muna pumasok sa min?
Jacob    : Hah? *nag-isip*
Charles    : Dali na, ayaw mo na nga bigay number mo eh
Jacob    : Kinonsensya pa ko, sige okay lang

Dumiretso ng kwarto ni Charles ang dalawa. Walang tao sa kanila. 3 katulong lang andun at mga aso. Magulo ang kwarto ni Charles. Hindi nakaayos ang bed sheet, mga libro kung san san nakalagay, mga damit naglipana sa paligid. Mga DVD kalat kalat at mga sapatos sabog sabog pero madami infairness!

Charles    : Pasensiya ka na sa gulo
Jacob    : Hindi, ang ayos nga eh, hahaha
Jacob    : *Hindi man lang nahiya ang gago*
Charles    : Nood ka muna TV bihis lang ako

Nagtanggal ng t-shirt si Charles. OMG, ang ganda ng katawan. Pero nagshorts siya sa CR na

Charles    : Okay ka pa jan?
Jacob    : Yep yep. Dami mong libro. Binabasa mo lahat yan
Charles    : Yeah, minsan tatlo tatlo at a time
Jacob    : WTF! Ako ayaw ko magbasa. Hahaha
Charles    : Hindi yan totoo, siyempre may field of interest ka
Jacob    : Wow English! Siguro nga meron
Charles    : Ano ba hilig mo basahin
Jacob    : Tsismis, artista, tabloid, magazine, Archie, Astronomy, mga Love love ganun
Charles    : See, mahilig ka pa rin magbasa
Jacob    : Narealize ko rin. Hahaha...

So nagkwentuhan ang dalawa habang nagpadeliver si Charles ng Yellow Cab. Social! Hindi pa raw siya nagdidinner at yun na lang dinner niya. So si Jacob nakilamon na lang. Kapal talaga ng mukha! Eto mga natuklasan ni Jacob about Charles:

  • Kabebreak lang ni Charles at ng GF niya nung January (yay!)
  • Magmamigrate na sila ng family niya sa New Zealand mga June or July (aw!)
  • Chinese siya (ugh...)
  • Favorite color niya blue
  • Mahilig siya sa mga comics at mga Japanese comics
  • Mahilig siya sa kape
  • 5'11" ang height niya
  • Takot siya sa ipis
  • Kumpleto niya ata ang kulay ng Chucks
  • Kumpleto niya ang Harry Potter Books! At iba ang mga cover ng libro niya! 2 Copies pa! Yung isang kopya nakaplastic pa!
  • Walang grado ang salamin niya. Pamporma lang
  • English speaking siya with his friends kasi may tumawag sa phone niya and narinig ni Jacob. (Chismoso)
  • He loves the beach (si Jacob din!)
  • He loves to work out
  • Soccer player siya before
  • Wala siyang mga online account (now that's new!)
  • at eto ang mabigat, kumpleto niya ata ang St. Ives products! Hahaha... ambakla!

Pagkaraan ng mahigit isang oras ng kwentuhan at tawanan, napagisipan na ni Jacob umuwi na. 10pm na at ang misa kanina pang 9pm natapos.

Jacob    : Charles alis na ko anong oras n
Charles    : Sige sige salamat sa pagaccept sa invite ko pumunta dito. And pasensiya na kung magulo.
Jacob    : No problem, masarap naman yung pizza. Hahaha
Charles    : So ano na number mo?
Jacob    : Globe?
Charles    : Smart ako patay
Jacob    : Meron akong Smart pero nanay ko lang tutatawag dun at laging walang load.
Charles    : Sige anong number?
Jacob    : Wala ngang load lagi yun kulit
Charles    : Papasahan load kita. *Malaking smile*
Jacob    : Fine, 09********* (Kapal ng mukha!)
Charles    : Sige sige, miss call na lang kita. May gagawin ka bukas?
Jacob    : Oo meron, matutulog. Hahaha
Charles    : Gusto mo magmovie? Treat ko
Jacob    : May pasok ka bukas ano ba
Charles    : Pang-gabi naman ako di ba. Pagtapos ko mag-gym okay lang sa yo?
Jacob    : Matulog ka na lang para may powers ka sa gabi
Charles    : Ayaw mo naman. Hay
Jacob    : Drama ha! And baka pumunta rin akong school bukas
Charles    : Sabihin mo lang kung ayaw mo. Yes or no lang
Jacob    : Wah *he sounds like me*. No. Not yet
Charles    : Payn payn. Matutulog na lang ako bukas.
Jacob    : Sige sige bye na kanina pa tayo nasa gate hahaha...
Charles    : Ahahaha... sige sige. Kelan puwede?
Jacob    : Not sure. Busy pa kasi. *OMG, I'm sounding like someone. Pero tinatamad talaga ako*

At nagtahulan mga aso nung lumabas si Jacob ng gate. One thing Jacob didn't know, is he uhm.... you know... :S

Posted by jjcobwebb on April 13, 2008 at 11:47 PM in Everyday Drama, Gayness | 19 comment(s)

Rules:

1. Open your library (iTunes, Winamp, Media Player, iPod, etc).
2. Put it on shuffle.
3. Press play.
4. For every question, type the song that's playing.
5. When you go to a new question, press the next button.
6. Don't lie and try to pretend you're cool.


Opening Credits
: Masquerade from The Phantom of the Opera

Waking Up: Enjoy The Silence by Tori Amos

Before Sleeping: Top of the World by The Carpenters

First Day Of School: Disco Inferno by 50 Cent

Falling In Love: There Goes My Heart by Mariah Carey

Heartbreak: Breakaway by Kelly Clarkson

Making Love: We'll Be Burning by Sean Paul

Someone Cheats On You: Don't You Know Who I Think I Am by Fall Out Boy

Fight Song: One Last Cry by Brian McKnight

Break Up: I Pray by Paul Robbins

Prom: Crazy Little Thing Called Love by Queen

Life's Just Okay: Break It Off by Rihanna feat. Sean Paul

Mental Breakdown: Hips Don't Lie by Shakira feat. Wyclef

Getting Yourself Back: Goodnight Goodnight by Maroon 5

Driving: The Tide Is High by Atomic Kitten

Flasback: Get Back by Britney Spears

Getting Back Together: Gonna Make You Sweat (Everybody Dance Now) by C+c Factory

Birth of Child: Until You Come Back by Whitney Houston

Wedding: Dance Like There's No Tomorrow by Paula Abdul

Final Battle: Scream by Michael Jackson and Janet Jackson

Death Scene: Without You by Mariah Carey

Funeral Song: Better Days by Dianne Reeves

Ending Credits: The Heart of Life by John Mayer

Yung iba tugma, yung iba ang sagwa! Hahahahaha...

Currently listening to: The Heart of Life by John Mayer
Posted by jjcobwebb on April 14, 2008 at 10:55 AM in Everyday Drama, Online Tests | Post a comment

I'm listening to this new Mariah song right now, and it's called For The Record --- kaya yan ang title ko. Anyways, weekend updates na lang siguro. Boring days are here...

  • Fully Booked nung Sunday sa Gateway
  • Fully Booked kanina sa Promenade

At baket ako nasa Fully Booked? Eto --->  He's Just Not That Into You. Okay, blah blah. Wala kong pera pambili so tumatambay ako mag-isa sa Fully Booked at nagbabasa. Wahahaha...

  • Nangangalakal ng kalalakihan ang aking friend na si Barry sa internet
  • 10th HS Reunion ng sister ko nung Saturday and sumama ko. Wow! Ang laki ko na raw and ang pogi ko sabi nung mga classmate niya. Dati raw kasi maliit pa ko! --- Joke ba yan! Siyempre, alangan naman malaki agad ako.
  • May maganda balita ang aking mahal na sister galing sa Bicol --- Kaching!
  • First rain yata ng summer ngayon
  • Tulog ako ng tulog ngayong araw. Pagkagising naglunch. Pagkalunch, natulog. Tapos nag-online, tapos natulog. Tapos nanood ng TV, tapos nagonline, tapos natulog. Ngayon online na naman
  • Nanood ng Step Up 1 and Step Up 2
  • Sira ang Globe Network hindi ako makapagload shux!
  • May pimple ako sa leeg. Weird
  • I'm loving this song by Adele, Chasing Pavements

 

I've made up me mind
Don't need to think it over
If I'm wrong I am right
Don't need to look no further
This ain't lust
I know this is love

If I tell the world
I'll never say enough
Cos it was not said to you
And that's exactly what I need to do
If I end up with you

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads no where,
Or would it be a waste
Even if I knew my place should I leave it there.
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere

I build myself up
And fly around in circles
Waiting as my heart drops
And my back begins to tingle
Finally could this be it or

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere,
Or would it be a waste
Even if I knew my place should I leave it there.
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere,
Or would it be a waste
Even if I knew my place
Should I leave it there

*Should* I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste
Even if I knew my place
Should I leave it there

Should I give up
Or should I just keep on chasing pavements
Should I just keep on chasing pavements

Should I give up
Or should I just keep on chasing pavements
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste
Even if I knew my place
Should I leave it there

Should I give up
Or should I just keep on chasing pavements
Even if it leads nowhere

Sige yan muna Mr. T! Update you soon. :) Nagiisip pa rin ako kung isusummer ko ang French and Japanese. Hay...

Currently listening to: Chasing Pavements by Adele
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 14, 2008 at 09:58 PM in Everyday Drama, Songs and Poems, Updates | Post a comment

Oist! Para sa yo toh! Hihihihi... :D

 


Para Lang Sa'yo by Aiza Seguerra

Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama

Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo

Muli ay aking nadama
Kung paano ang umibig
Masakit man ang nakaraa'y nalimot na
Ang tulad mo'y naiiba
At sayo lamang nakita
Ang tunay na pag-ibig na'king hinahanap
Buti na lang ikaw ay nakilala
Binago mo ang nadarama
Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo

Di na ako muling mag-iisa
Ngayon ikaw ay nandito na

Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo

Ako'y iibig pang muli
Para lang sayo
Posted by jjcobwebb on April 15, 2008 at 06:07 AM in Everyday Drama | Post a comment

Gusto niyo ba ng Cheeseburger? Ako gustong gusto ko! :D Eh Big Mac gusto niyo rin ba? :D *kilig*. Anyways, just when I thought I'm left to call you by your first name (or by your second name which was sadly taken), I found a new way and a special way to call you: CHEESEBURGER.  La la la la la... o happy days!

Sige Mr. T! A new found friend invited me to go out just now and libre raw niya. So sige... :D

Currently listening to: Where Are You by Natalie and Justin Roman
Currently reading: Friends Of Mariah Carey Messageboard
Currently feeling: cloud nine
Posted by jjcobwebb on April 15, 2008 at 07:32 PM in Everyday Drama, Randomness as a favorite post | 2 comment(s)

Weird night Mr. T! Sobrang antok ako kagabi and walang pumasok sa utak ko kagabi sa mga pinagsasabi ni new found friend. Anyways, eto mga naganap at mga naaalala ko lang:

  • Starbucks Promenade
  • North Greenhills
  • Umulan kagabi
  • Metrowalk
  • Iceberg
  • Mugen
  • Ortigas Center
  • Ortigas Center Park
  • Starbucks ulit
  • Phi

Yun mga naalala ko Mr. T! Kagabi. Hmmm... sorry I don't smoke and wala ako sa mood kagabi uminom. Hindi rin ako mahina uminom, kung gusto mo magcontest pa tayo sa inuman baka matalo ka! Pero ayoko na kayo ang kainuman. Ang corny ha! Uhm, at hindi naman kami napakahirap para ipamukha mong hindi pa ko nakakapasok sa Astoria! Excuse me! At sana, kung ipapakilala mo ko as jowa-jowahan mo, sana sinabi mo muna dahil hindi ko kaya ng bigla biglaang pagkukunwari. Kasi kung nasabi mo ng maaga nakapagpractice ako. Madali lang naman yun. So yun lang naman. And daming tao sa Ortigas Center grabe parang may street party! Mga agent pala ng mga call centers lahat sila! Anyways, salamat na lang sa libre mo kagabi parang libo libo ata nagastos mo kagabi at marami akong nalaman sa pagiging flight attendant. :P

Hahaha... AMERICAN IDOL MARIAH NIGHT na!!! See you Mr. T!

Currently listening to: Turpentine Chaser by Dashboard Confessional
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 16, 2008 at 05:45 PM in Everyday Drama | Post a comment

Kausap ko ang aking BFF ngayon and siyempre as usual, nag-uusap na naman kami ng mga random stuff. So eto mga kaewanan namin:

Jeffrey Vincent Lih: bakasyon mo ba?
Subtle Bliss: last week pa
Subtle Bliss: :D
Subtle Bliss: walang gagawin grabe
Jeffrey Vincent Lih: hahaha
Jeffrey Vincent Lih: ayan... yan na ang last mong summer vacation
Jeffrey Vincent Lih: iamoy mo na nang mabuti

Last na bakasyon? Siguro as a student pero hindi ko last summer vacation. Hmmm... napagusapan kasi namin na puwede na talaga ko actually grumaduate sa October kung ipipilit ko isingit OJT ko for next term. Pero ayaw ko isiksik dahil gusto ko pagnagOJT ako, hindi na ko pumapasok talaga. So yun, kung anu-ano lang talaga pinaguusapan namin ngayon.

Anways, wala akong bagsak ngayong term Mr. T! Grabe, the end is getting nearer and nearer. Hays, I'm off to the real world. Pero baket ganun, nung gradeschool sabi sa highschool ay real world din. Tapos nung highschool naman, sabi sa college eh real world din. Tapos ngayon college and real world naman ay ang work! Wow ha! Ang daming real world! Kung lahat sila real ano pa ang real? Pero siguro, yung real na tinutukoy nila ay yung mga bagong kaalaman at dagdag kaalaman na maari mo pang matutunan or mga kaalaman na hindi mo pa talaga nalalaman. Siguro nga di ba yun yon? Or nagmamagaling na naman ako? Hahaha... ewan ko! Basta ganun!

So mga nangyari ngayon, course cards day. Super hintay na naman sa mga prof sa Gox. Sina Tin and Aubrey nauna na sa Makati at naglaskwatsa kanina at pinasusunod kami ni Deck pero super antok at pagod na ko kahihintay ng course cards so hindi ako nakasunod. Malungkot si Deck kanina. Napagod din ako ng kakapagpasaya kay Deck. Sabi pa sa kin kahit makalimutan niya problema niya, maiisip at maiisip niya rin yun pag mag-isa na lang siya. Oo, tama siya, pero at least, lumisan sa isip niya yung problema niya kahit saglit. Tapos super bigay ako ng mga examples ng mga trials and hardships ko sa buhay ko! Tapos yun, buti naman medyo at kahit papaano gumaan loob ni Deck kahit sandali. Nakasama namin kanina sa classroom kung san nagbibigay ng course card si Mr. Oli si Sherry and Angelica. Grabe talaga, dami niya palang estudyante. Hay, so yun, buti naman magaganda grades ko ngayon Mr. T! Walang panahon ngayon para sa mga dramatic entries! Hahaha... hmmm... so yun, sa wakas kinuha ko na rin ang aking grad pic. Naaliw ako sa mga grad pic ko ipopost ko sila:

Pumuti ako noh Mr. T! And sayang, hindi consistent semi-kalbo mga gradpic ko! Tapos weird, parang nagmukhang bata pa ko ngayong college! Hahaha... anyways, ganda tignan pero nakakaiyak isipin na malapit na talaga ako grumaduate. OMG! Hay... gusto ko pa sana mag-aral ng CA pagkagraduate ko kaso baka patayin na ko ng magulang ko kung sasabihin kong gusto ko pa mag-aral.

Anyways, enough of the emo blahs. David Cook did very well a while ago in American Idol! His rendition of Mariah's Always Be My Baby is brilliant. No words can express how I was feeling while watching him do the song a while ago. Sobrang galing Mr. T! Wait search ako sa Youtube...

Eto link: David Cook - Always Be My Baby

The contestants whose performances I love were: Syesha - Vanishing, and Jason Castro - I Don't Wanna Cry. Try searching it on Youtube. Hahaha...

Nyways, yan muna Mr. T! Try kong matulog ng maaga ngayon ayt? Sige sige...

Pahabol: Sobrang may nakita akong babae kagabi sa Metrowalk na kahawig ni Anne Curtis. Grabe, hindi na nawala mata ko katitig sa kanya! Yay! Lezbo!

Currently listening to: silence
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: nervous
Posted by jjcobwebb on April 16, 2008 at 08:32 PM in Everyday Drama, Mariah, Music, School, Showbiz | 7 comment(s)

And still no reply... sobrang nalulungkot na ko :-(

Posted by jjcobwebb on April 17, 2008 at 06:30 AM in Everyday Drama | Post a comment

Over a decade now, Online Dating Services have changed dramatically. As can be experienced now, there is also a large proliferation of different free dating sites. Dating sites for every region, area of interest, orientation and type of relationship sought. With Online Dating Services, you can meet people all over the world and it could also fulfil your wishes of meeting new people whom you never thought of meeting your whole life.  Online Dating Services could also be helpful for people who spend most of their time in front of their desktops. It lessens the time and effort for them to meet new people with similar interests and likes as them and people who can connect with them easily. It takes a lot of stress out of dating. However, not all uses Online Dating Services only for dating, but to make new friends or just simply meet new people as well. There are a lot of dating sites to choose from.  Dating-Services.net is actually a free guide to the top online community dating site. This site has offers trials on popular services. Also, this site offers Online Dating Services directory and Online Dating Services Guide which could be helpful to anyone who seeks to meet new people online. Lastly, they do not provide you with as many dating services as possible, but rather, present you with selected sites of quality particular to their categories.

Posted by jjcobwebb on April 17, 2008 at 05:07 PM in Everyday Drama | Post a comment

Okay, kung kelan akala ko super wala ng mangyayaring drama sa buhay ko nyayong araw Mr. T! aside from hindi ako natulog kahihintay sa text. Nagkaroon pa ng isa! Anyways, bago yun, Karol and I spent the whole morning talking about Mariah! What's new? From 7am hanggang magLunch Mariah pinaguusapan namin. Dito naglunch sina Ate. Yung tita ng mga pinsan ko namatay today. Sad dahil graduation din ngayon nung anak niya. Anyways, click here to download the studio versions of AI Top 7's Mariah songs. That file contains David Cook's Always Be My Baby studio version (faints). And there, afternoon I slept, and then woke up around 6pm. Pinapunta ko ni Mama sa SM Centerpoint para magbayad ng mga monthly bills, mag-grocery at nagpabili ang magaling kong kapatid ng kung ano ano sa National Bookstore. Parang katulong lang di ba? Tapos pagkauwi, si Jeffrey naman ang kachat. So ang drama nagsimula sa SM Centerpoint Mr. T!

Kilala mo naman Mr. T! kung sino ang tinutukoy ko na SIYA di ba? I have talked about this person many times in my blog and 100% sure ako sobrang kilala mo na SIYA. SIYA rin ang dahilan kung baket dati nagkaroon ng hiatus sa blog ko at kung baket naiba paningin ko sa mundo. Anyways, this is gonna be the first time I'm gonna type down his name in public. Okay, SIYA=Von. Yep, everybody, Von ang pangalan niya. Nagkita kami kanina sa SM Centerpoint ni Von Mr. T! Hindi ako nasurprised dahil malapit lang din siya dun sa SM na yun and puwedeng lakarin from his house. He was looking at me Mr. T! Umiwas tingin ako. Kunwari wala akong nakita. He called my name. Siyempre, kahit ayaw kong lumingon, kunwari na lang nasurprised ako na nandun din siya. So siyempre kumustahan part.

Eto mga questions niya and mga sagot ko kanina. Those in parenthesis are the things I should have told him but kept it to myself na lang:

So kumusta ka na? Eto maayos lang, okay naman. (Kapal ng mukha mong kumustahin ako)

Friends pa ba tayo? Hahaha. Oo naman (In your mind)

Musta na lovelife mo? 0 as usual (Ikaw may kasalanan baket after almost 3 years 0 pa rin)

Grad ka na ba? Bago matapos ang taon sana (At wala kang pake. Do you even care?)

Musta na mga drustore niyo? Ayos naman. (Anong pake mo talaga?)

Kumusta na si Subtle Bliss? Ahaha, naalala mo pa yun (Hindi na ikaw ang topic sorry)

Anong bago sa yo? Wala naman, eto buhok lang (Lahat nabago hindi mo lang alam)

Yun pa rin ba number mo? Hindi na wala na yung Smart and Sun ko (Sinunog ko dahil sa yo)

Nagdrive ka papunta dito? Hindi. Nakalimutan ko na magdrive (Baket feeling mo ipagdadrive ulit kita?)

Parang tahimik mo na ah, galit ka pa ba sa kin? Nyek, hindi na ah (Ganun lang ba yun kadali?)

Weird conversation Mr. T! Yung mga sagot ko eh hindi tugma sa mga iniisip ko. Nagkalinawan na rin naman kami sa wakas sa mga nangyari. Mga dapat na nasabi naman nung 2005 pa eh ngayon lang namin nasabi sa isa't isa. Ayun, masaya siya ngayon sa buhay niya. Graduate na siya tas nagtratrabaho na rin. Same face pero pumayat siya. Same fragrance. Same smile. Pwede pa ring maging Mr. CEU. Same feelings --- No. Nawawala rin pala talaga yun Mr. T! Bago kami magkahiwalay sa SM, he asked for my number. I didn't give it. Sabi niya iba na raw talaga ako. Siguro, isa siya sa mga dahilan kung baket nag-iba ko. Alam mo yan Mr. T! Alam mo lahat ng kuwento ko about him. Buti naman nagkaroon din kami ng closure after almost 3 years. And bago rin kami magkahiwalay, sinabi ko sa kanya yung sinabi ko back in 2005 na basta kung masaya siya, magiging masaya na rin ako dahil masaya siya. He gave me a hug (ang daming tao kanina sa SM nakakahiya). As much as I don't want to wrap my arms around him, I did. Then he patted my back, and I patted his. He said thank you and so did I. Nung napipisa na yung mukha ko ng dibdib niya (because he was a lot taller than me), sabi ko "Oi! Hindi na ko makahinga", we released each other then we laughed. And nagpasalamat ulit ako. And he patted my head and said "Mabait ka Jacob, maraming puwedeng magkagusto sa yo. You deserve only the best". Ewan ko kung bola yun pero I was smiling on my way back home habang dala mga plastic na pinamili ko. Sa wakas, pwede ko ng isara fully yung parte ng buhay ko na yon. :) Sino mag-aakala Mr. T! di ba? I'm happy. :) Thank you Von. :)

Currently listening to: Always Be My Baby by David Cook
Currently reading: Kristine's text message
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 17, 2008 at 10:46 PM in Everyday Drama as a favorite post | 8 comment(s)

I may not know everything there is to know about you

but I do know that I've never felt

or cared about anyone this much.

I don't know what more you are waiting for

But I told you I can wait forever

I'm either in or I'm out.

If you know what you want, go for it.

If you can't, then maybe you just don't want it enough.

I am happy, but I might get tired

You put me in this complicated limbo.

Don't keep me in it too long.

Don't say there's a chance,

or wait a while,

or tell me you like me too

or you wanna hold my hand

unless you really mean it.

You're just confusing me more.

Sometimes you make it hard for me to smile

because deep down I just wanna cry.

because I just really don't know the answers

because you keep giving me silence

I don't wanna be adored

I wanna be loved

Please let me in

Or let me go...

Posted by jjcobwebb on April 18, 2008 at 12:16 PM in Everyday Drama, Songs and Poems, Randomness | Post a comment

Cool, nakita ko kanina sa Powerbooks yang book na yan Mr. T! Isa yan sa paborito kong libro nung bata ako eh. Hahaha... Si Amelia Bedelia ay isang literal na katulong. Hahaha... ayoko na siya idescribe may internet naman para isearch kung sino siya. Anyways, it was a verrrry looong day. Dapat pupunta ko sa school Mr. T! para kunin sked ko for next term pero tinamad ako dahil sobrang init. So, ang ginawa ko? Sumama na lang ako sa pagdeliver ng mga gamot kung san san. Una sa QC, tapos sa Makati. And then, nung nasa Makati na, nagpaiwan na ko sa RCBC para magbantay na lang ng drugstore. Ayun, andun si Dona and Mau. Tapos si Dr. Ipe and Dra. Nona andun din sa drugstore tumatambay. Anyways, nakatulog ako nung nagbantay ako. Hahaha, grabe antukin ko talaga. Around 5 pm, si Barry nagtext and sabi tuloy daw kami pero si Rhitz wala sa paglabas namin ngayon. So okay, dinaanan niya ko sa RCBC and then nagGlorietta kami. Ayun, ikot ikot sa G4 tapos nirelieve ang Jeffrey moments sa G4. Kuwentuhan, tawanan and then hanggang umabot sa GB3 at si Barry nagPowerbooks para maghanap ng mga jewelry books. Tapos ako kung anu anong kinutingting ko. Nakita ko pa si Amelia Bedelia! OMG, she brought back a lot of Grade 3 days!!! Anyways, tapos yun, I found myself na nagbabasa na sa comic section. Ewan ko baket binabasa ko si Spider Man! Hahaha... basta aliw. And then Music One. Dapat bibili ako ng E=MC2 na bagong album ni Mariah pero naalala ko sinabi ni Cheeseburger na may mga MP3 na raw ako nun. Ganun din naman sabi ni Karol. Shucks, feeling ko I'm cheating Mariah! Afterwards, since mainit, nagGelatone kami ni Barry. Tapos paikot ikot na naman at pilit pinauubos ni Barry ang ice cream sa kin dahil nalalaswaan na siya sa pagkain ko nun. Hahaha... then ayun, napagod kaiikot and dumami na rin ang tao so we headed back sa parking. Then, sobrang traffic sa EDSA, so we tried C5, buti hindi traffic. Si Barry gusto pa magEast Wood pero sabi ko sa Gateway na lang kami kumain. And so there, nung nasa Gateway na kami as usual madami na namang gays. Ugh... tapos lahat pa ng gusto naming kainan e.g Cibo, TBoy, Burgoo etc. lahat puno. So napunta kami sa Taco Bell! Buti na lang may hotsauce dun at napagtiyagaan ko ang mga beans sa Mexican Pizza. Hindi namin naubos inorder namin ni Barry grabe. And then we strolled again sa Gateway. Usap usap, tapos naopen up ko kay Barry isang topic na kay Jeffrey ko lang kinukwento. Hay... ayun. Naiyak ako sa harapan ni Barry. Weird talaga grabe. Ewan ko ba shete! Si Barry nagulat na lang nung naiyak ako. I think he gives better advice than Jeffrey. So the gist of our convo?

Jacob     : Barry ewan ko pero parang mukha na ata akong tanga.

Barry      : Ganun talaga. You have to work hard for it.

Jacob      : Hirap kasi hindi ko alam kung ano naisip niya. Hindi siya vocal. Nalilito ako.

Barry      : Ang tanong, masaya ka ba?

Jacob      : Oo *starts crying*

Barry       : Fuck, gusto mo talaga siya. Wag ka dito umiyak dun tayo sa gilid...

Then para sumaya ko, nagTimezone kaming dalawa and then yun nagtawanan na ulit kami at nagsubside ang drama moments namin. First time ever ko umiyak sa harap ni Barry or sa harap ng friend at least. Now mas sigurado ko sa nararamdaman ko Mr. T! I really like the person. Wala kong magagawa, like what Barry said, hold on to this person unless ako ang bitiwan. Hay, thank you Barry. :)

Currently listening to: Just Because by Anita Baker
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on April 18, 2008 at 11:04 PM in Everyday Drama, Malling | Post a comment

Kahit inaantok na ko Mr. T! Iuupdate muna kita. Uhmm... kagagaling lang namin ni Ryanini sa Tagaytay. Pakilala ko muna si Ryan, nagkakilala kami dito sa Tabulas, kakagraduate niya lang sa Ateneo at sa P&G siya ngayong nawowork. O di ba ang close namin? First time pa lang kami nagkita Tagaytay na! Well actually parang sobrang close nga namin kanina dahil sobrang connect mga pinaguusapan namin sa kotse kanina. Mga events, mga tao and mga ka-love-an. Anyways, nagstart umaga, siyempre nagising ako, tapos nagkape, tapos natulog ulit. Tapos nagising, nagonline at naglunch at nagonline ulit. Online si Ryan, ayun, nagwaYM kami and nabring up na magkita at lumayas kami. Hindi ko sineryoso ang suggestion niyang magTagaytay pero dahil sa sobrang bored na rin ako dito sa bahay, napaoo na rin ako. So anyways fastforward, sinundo niya ko sa Galleria around 4pm and from there ang traffic hanggang SLEX! Hahaha... sobrang nasa EDSA pa lang kami ang dami na naming napagusapan. Grabe, marami akong kilalang tao na kilala niya rin and mga taong akala niya na oo pala. Basta ganun. Anyways, traffic talaga Mr. T! Pero sulit naman kasi sa kuwentuhan kahit traffic. Mga funny stories, parallel stories, kabitteran stories. Actually, parang si Barry nga kasama ko kanina eh. Sobrang ganun kami magkwentuhan ni Barry pagkaming 2 lang ang lumalabas. Anyways, sabi ko kay Ryan na baka sa P&G na niya mahanap or makita ang love of his life. Pero sabi niya sinabi niya rin nung HS na baka sa college niya makita yun pero walang dumating. Grabe Mr. T! Hindi ko alam pero gusto ko man tumulong eh hindi ko nga rin matulungan sarili kong problema sa lovelife. So nagdamayan na lang kami. Nakarating naman kami sa Tagaytay ng buhay Mr. T! Akala namin hindi na. Ayun, kumain kami sa may Buon Giorno. Dessert lang kinain namin since kumain na kami sa mga sarili naming bahay. Anyways, ayun, had cheesecake and siya chocolate cake. Una hindi malamig sa Tagaytay pero nung nag-gabi na lumamig na Mr. T! After eating, tuloy ang kwentuhan, ayon nga kay Ryan: "It's a small world". Talaga! Dahil mga kilala ko sa Ateneo kilala niya rin. Mga nafeel niya kay Mike nafeel ko rin kay Von. Sobrang connect talaga kaya parang matagal na kaming magkakilala. Anyways, ayun, si Tin tumawag na nasa Araneta sila ni Ivan, nagiinvite dahil birthday pala ni Ivan ngayon. Happy birthday Ivan! Pero sayang, wala ako sa Manila. So grineet ko na lang siya. Tapos nun, naisipan na rin namin ni Ryan umalis. Then yun, gusto ko sana dalhan ng Buko Pie yung taong tumaktabo sa isipan ko eh. Pero ewan ko ba hindi ko na lang tinuloy yung pagbili. Anyways, uhmmm.... ayun, kwentuhan til makarating ulit ako sa Galleria. Grabe, lahat ng sinabi ni Ryan nakarelate ako. And ayon sa kanya "Wag patatalo!!!". Hahaha... anyways, sorry kung sobrang gulo ng entry na toh pero nawala ata ko sa sarili ko sa mga nabasa ko sa homepage ko. Hay, so yun Mr. T! Natuwa ako sa isang analogy ni Ryan na ipapakita nila sa yo ang pinto, bubuksan, pero kapag pumasok ka na, tatanungin ka baket ka pumasok. Sana sinabi na lang na wag kang pumasok di ba? It was a joyride Mr. T! Masaya masaya. Niyaya pa ko ni Ryan dalhan ng Big Mac si Cheeseburger ulit. Grabe Ryan, you made me think about him the whole time! Yun lang naman mga nangyari ngayon. At naisip ko gusto ko pa rin ng Cheeseburger kesa sa Cheesecake na kinain ko kanina.  Hahaha... thank you Ryan. 

P.S. Nakakatawa na naisipan ko na naman iclose ka Mr. T! dahil parang mga taong hindi ko talaga kilala personally eh alam na ang buong buhay ko. Nakakatawa updated si Ryan dahil sa blog ko. Dapat isasara kita ulit pero naisip ko, you've been with me for 4 years, at kung gagawin ko yun, parang tatanggalan ko sarili ko ng outlet para magpahayag ng nararamdaman ko at mga memories ng mga taong dumaan at mga taong importante sa buhay ko. I write for myself and not for others yun lang lilinawin ko. It's fun to read past entries Mr. T! It really is... :) At salamat na lang kung may magcomment sa mga entries ko. Anyways, update you soon. :)

Currently listening to: I'm Leaving Tonight by Neyo and Jeniffer Hudson
Currently feeling: crushed
Posted by jjcobwebb on April 19, 2008 at 11:55 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 4 comment(s)

I need to keep my mind off things right now Mr. T! Hindi ako magpapatalo. Final Fantasy 12 will help me get through it --- I hope.  I should have played this game last year but Kingdom Hearts 2 and Tomb Raider ate up my time. And uhm I should start learning Mobile Programming and .NET but ugh... it's vacation. Update you soon Mr. T! And yeah, matutulog na ko ng maaga simula ngayon :). Wala ng dahilan para magpuyat :) And as much as I want to revive my Downelink ang G4M account, huwag na lang. Wala rin akong mapapala. Alagaan ko na lang sarili ko at mga aso namin dito sa bahay. I'm gonna be okay, I have felt this before so siguro I know how to deal with it na. Sana...

Currently listening to: Save Me From Myself by Christina Aguilera
Currently reading: Hotmail
Currently feeling: okay
Posted by jjcobwebb on April 20, 2008 at 10:58 AM in Everyday Drama, Randomness | 12 comment(s)

Back entries (dahil maraming chismosa):

Lantang lata si Jacob pagkagising. Nagiisip kung itetext si Cheeseburger (hindi tunay na pangalan). Iniisip niya ang sinabi ni Ryan na huwag patatalo sa mga nangyayari. Litong lito si Jacob, hanggang ngayon nasa draft niya pa rin ang dapat sana'y sinend na message. Nagkape, nagkape, nagkape si Jacob. 3 beses nagkape. Binatukan na ng nanay niya dahil napansin parang wala sa sarili si Jacob. Natulog na lang ulit si Jacob. Pagkagising, nag-isip ng pagkakaabalahan sa bahay nila ang kawawang bata. Naisip niyang laruin ang FF12 na sana'y last summer niya pang nalaro. Hinanap ni Jacob ang PS2 at nung sinaksak niya ang PS2, ayaw gumana ng controller. Nabadtrip si Jacob. Gusto ng maiyak sa sobrang hindi alam ang gagawin. Inis na inis na siya. So...

Humiga.

Kinuha ng Smart na phone.

Tinignan mga messages.

Puro si Charles ang nasa inbox.

Never nagreply si Jacob sa mga texts na yun.

Ni-isa hindi niya nireplyan dun.

For the first time in history, nagtext back si Jacob...

Jacob    : Oist, musta na?

Nakaidlip si Jacob ng 15 minutes at pagkagising nakita ang reply ni Charles

Charles    : After 1 week, finally you replied
Jacob    : Yeah, I had a bad day
Charles    : Why? Ano nangyari?
Jacob    : Puwede ba tayo magkita? Or samahan mo ko sa SM Centerpoint may titignan lang ako
Charles    : Sure, pero pwede after 1 hour kasi nasa Makati pa ko
Jacob    : No problem

Nakatulog si Jacob pagkatext

After more than an hour

Nagring ang cellphone

Charles 
   : Hoy! Baket di mo sinasagot?
Jacob    : Sorry nakasilent phone ko. San ka na?
Charles    : Dito na ko house. Sunduin kita?
Jacob    : Hindi na. Magjeep na lang tayo
Charles    : Sige ikaw na lang punta dito

Jeep

Jacob    : Marunong ka pala magjeep
Charles    : Ano naman tingin mo sa kin mayaman?
Jacob    : Hindi, sobrang yaman lang.
Charles    : Gago! Hindi kami mayaman. *siniko si Jacob sa dibdib*
Jacob    : Puta. Sakit boobs ko yun. Hahaha
Charles    : Shet landi mo! Hahaha...

SM Centerpoint

Charles    : Ano ba ginagawa natin dito?
Jacob    : Titignan ko magkano PS2 controllers
Charles    : Sana nanghiram ka na lang sa kin
Jacob    : Wag na utang na loob ko pa sa yo yun
Charles    : Sige bilhan na lang kita dito
Jacob    : Gago ka? Hahaha...

Nakita ng dalawa ang price ng controllers.

Nakakalula

Jacob    : Ano ha? Kaya mo pa?
Charles    : Hahaha, hindi pwede credit card eh
Jacob    : Ulol! Joke time ka!
Charles    : Mahal shit
Jacob    : Sige na wag na lang muna. Manghihiram na lang ako sa pamangkin ko
Charles    : Sa kin ka na nga lang manghiram
Jacob    : Thanks but no thanks

Nag-ikot ikot ang dalawa

F&H, sa Bench, sa Penshoppe, sa Guess, sa Monakiki, etc

Fit ng fit si Charles, si Jacob naburaot na

Jacob    : Bibilhin mo ba yang mga finifit mo?
Charles    : Yabang mo ah. Bibilhin ko baket?
Jacob    : Wala tinatanong ko lang. Haha..
Charles    : Pili ka damit bilhan kita. Isa lang ha
Jacob    : Tingin mo talaga sa kin mahirap? Kaya ko magpabili ng damit
Charles    : Sorry naman

Credit card pinambayad ni Charles. Si Jacob humawak ng mga paper bags para kunwari raw siya nagshopping. Pinahawak naman ni Charles.

Umuwi na ang dalawa

Sa gate nina Charles:

Charles    : Pasok ka muna.
Jacob    : Sino tao?
Charles    : Nasa kwarto mga magulang ko nila kaya okay lang
Jacob    : Sige sige pasok ako

Sa kwarto ni Charles:


Magulo pa rin. Makalat. Walang pinagbago. May nakitang librong nakakalat si Jacob.

Jacob    : Hahaha, ano yang Anansi Boys? Parang gay naman ng title (fishing)
Charles    : Hahaha, sira, gay ka jan. Anong naisip mo baket ka nagreply sa text

Nagkwento si Jacob ng kadramahan.  

Charles    : Wow, eto para sa yo

Lumapit si Charles sa computer at plinay ang Basket Case ng Greenday

Jacob    : Shet ka patayin mo nga yan. Hahaha...

Pinatay ang WMP

Charles    : Sige kuwento ka lang

Nagkuwento si Jacob

Naiyak

Charles    : Lika nga dito baket ka umiiyak? Okay lang yan noh ano ba. Marami diyan

Niyakap ni Charles si Jacob. Nagpayakap naman ang hitad

Jacob    : Uy salamat ha. Kailangan ko lang talaga ng kausap

Pinat ni Charles ang ulo ni Jacob

Yumuyuko na si Charles. Gustong halikan si Jacob. Nacarried away si Jacob pero after dumampi ang labi ni Charles sa labi ni Jacob...

Jacob    : Putang ina naman Charles huwag ganyan. Tinatake advantage mo naman ako eh. Porket alam mong malungkot ako ngayon
Charles    : Oops sorry Jacob
Jacob    : I need someone to talk to right now and not someone to have sex with (di ba? napaEnglish si Jacob!)
Charles    : I'm really sorry...
Jacob    : So bakla ka?
Charles    : Yeah, that's why nagbreak kami ng GF ko
Jacob    : I don't wanna be your future Ex BF. I need to leave (may ganun!)
Charles    : What? That was just a kiss. Ex Bf na agad iniisip mo. You're assuming Jacob
Jacob    : Assuming talaga ko! Tang ina pare-parehas kayo! Fuck you! Salamat pala sa oras mo!
Charles    : Fuck you too! What the hell did I do now? You're cursing me inside my house? I can call the police and have you arrested. (Medyo hindi nagets ni Jacob --- hahaha)

Jacob     : Leche! (yun na lang nasabi niya)

Jacob leaves...

Note: Masaya si Jacob na hindi natuloy ang binabalak ni Charles kaya medyo positive ang pagsalaysay niya ng kwento. Hindi alam ni Jacob kung magkikita pa sila ni Charles. Sa malamang hindi na.

Posted by jjcobwebb on April 20, 2008 at 08:39 PM in Everyday Drama, Gayness | 25 comment(s)

這是傷害了我。你知道,我真的很喜歡你,但我要你有你的空間。你說你不是在這裡,但問題是,將你有機會在這裡嗎?這樣做,我覺得太多了?我認為自己是一個令我痛苦。我不知道。我仍然喜歡你。我仍然喜歡你。:-(

Currently listening to: Chasing Pavements by Adele
Currently reading: a friend's blog
Currently feeling: wishy-washy
Posted by jjcobwebb on April 21, 2008 at 11:33 AM in Everyday Drama | 6 comment(s)

Hindi namin alam kung baket. Kauuwi ko lang from Krispy Kreme sa Greenhills with Barry and Rhitz. Anyways, parang ngayong araw na toh eh SLEEP ALL DAY day. Nagising ako around 7am, tapos nagkape. Humiga ulit, nakatulog. Nagising ng lunch. Pumunta sa bahay ni Ate kinuha ang PS2 at kumain dun ng lunch. Tapos pagkabalik sa bahay nakatulog na naman. Nagising around 6pm. Tapos pinapunta ni Ate sa N. Domingo Drugstore dahil may pinagawa sa computer. And then pagkauwi nilaro ang Final Fantasy XII. Grabe! Opening credits pa lang nakanganga na kami ng kapatid ko sa sobrang ganda ng CGI. Ibang klase ang Square Enix. Iba na ang battle style sa FF na toh. Basta medyo hindi pa ko sanay sa ganung klase ng pagattack. Parang Kingdom Hearts style. I'll get used to it kapag tumagal siguro. Thanks sa internet talaga puwede ng magsearch ng mga walkthroughs at tips and tricks. Di tulad dati nauubos pero ko sa mga game magazines para lang sa walkthroughs at tips and tricks na yan. Then si Rhitz, around 8 tumawag at nasa Promenade daw sila ni Barry. So ako dali daling pumunta kahit pamasahe lang ang dala. Anyways, nagkwentuhan kami sa gitna ng Promenade Mr. T! Habang nagkukuwentuhan, ang daming pumasok na kilala ko! Para kong star kanina kaway ng kaway at smile ng smile. Tapos yun, nag FIC kami. And then kuwentuhan na naman. Until naispan namin maglakad lakad. While naglalakad, nadaanan ang Krispy Kreme, nanlibre si Rhitz. Overrated talaga ang Krispy Kreme. Hindi ko alam baket maraming tao may gusto dun. Dahil ba sa pangalan? Parang pagkumain ka ba dun sushal ka na? Eto ba ngayon ang batayan ng social status ala Starbucks na rin? Blech! Give me Mister Donut instead! Basta, I threw up nung 3rd doughnut na namin. Siyempre si Barry and Rhitz kain lang ng kain. So yun, we had to head home since hinahanap na si Barry ng dad niya and si Rhitz hinihintay na ng sis niya sa Chill's. So Barry gave me a ride. And after that date, we called ourselves Semi-Bums... geez...Inside the car, Barry and I listened to our favorite radio station  96.3! Malamang, kadramahan na naman ang pinagkwentuhan namin habang pauwi. Then we called it a night.

Mga Hirit Na Wala Sa Hulog:

Jacob    : Baket kaya pagmatangkad ka parang may itsura ka na rin?
Barry    : Oo nga ganun yun. Baket din kaya?
Rhitz    : Oo nga pero maiiksi buhay nila. Unlike small people. Tignan mo si Frodo blah blah
*Jacob and Barry nagtinginan ng parang WTH*

Jacob    : Ayan, hinati ko na yung doughnuts into bite-sized
Barry and Rhitzjoy: Wow, bite-sized sa bibig mo lang yan
Jacob    : Ina niyo! Hahaha...

Barry    : Yung lola ko dati, nung super namatay siya blah blah
Rhitz    : Super namatay? Pagpatay ka di ba patay ka na? Hahaha...
Jacob    : Baka si Super Woman lola niya... Hahahaha...

Jacob, 3 Orbits ang kinain isang subuan. Kay Rhitz ang gum...
Rhitz    : Wow, hindi yan Chips!
Jacob    : Ay sorry! Hahaha...

Barry    : Nung "yuwology" nung lola ko blah blah...
Jacob    : Tanga eulogy!
Rhitz    : Hahaha! Pagbigyan mo na yan! Theology sabi niya wala lang "T"
*everyone laughs*

Jacob    : Barry isama mo na kami ni Rhitz sa La Union with your org ha!
Barry    : Iaask ko pa sila
Jacob    : Hindi na nga tayo nakapagPuerto Galera last year dahil kay Jeffrey. Sana nga tayong 3 na lang pumunta nun. May 5K na ko nun sayang!
Barry    : Shet ako rin dami ko ng pera nun limpak limpak! Hindi pa kasi tayo liberated nun!
Jacob    : Liberated? *Nagtaas ng kilay*

Sarap talaga tuwawa Mr. T! I love my friends. :)

Currently listening to: You Mean The World To Me by Toni Braxton
Currently reading: hotmail
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on April 22, 2008 at 12:31 AM in Everyday Drama, Malling | Post a comment

This was a private entry Mr. T! I think I need to repost it para mapatunayan lang na may entry ako for that day. Ayaw kasi maniwala. Pinalitan ko ang pangalan ng taong involved dito Mr. T! Anyways, bago ko umalis, eto na:

April 1, 2008
Silence Is Music To My Ears Pt. 2
Posted at 12:37 AM in Everyday Drama, Private Entries by subtlebliss

Hay Mr. T! Eto isa to sa mga araw na pinakahihintay ko. Yes, yes, yes!!!  Nagkita kami, for the second time ni Cheeseburger. After almost 3 months. Grabe sobrang saya ko talaga now. Hindi ko masyadong maeexpress into words kung gaano kasaya pero sobrang saya ko talaga. Anyhows, ayun. Kala ko talaga hindi na naman matutuloy dahil sa sobrang daming attempts ko na pilitin si Cheeseburger na makipagkita sa kin, karaniwan and 100% sure hindi natutuloy. Tulad na lang nung last time na  hindi man lang niya sagutin yung phone niya na dapat magkikita kami sa Katipunan. Yung second time naman eh yung dapat magpopost Valentines date kami. Every plan was a mess Mr. T! Siguro nga marami siyang ginagawa nun or hindi talaga siya interesado. Kala ko talaga jinoke niya lang ako nung sinabi niyang Monday 7:30pm sa may A Different Bookstore. Naexcite naman daw ako dun! As in super excited! Feeling ko talaga napilitan lang siya nun dahil sobrang kulit ko na! Basta, ang mahalaga ngayon, nagkita kami kanina sa Eastwood. I chose to mark this entry as private dahil baka sobrang magfeeling na si Cheeseburger. Isipin niya na patay na patay ako sa kanya --- er well, partly true. Anyways, ayun, left the house around  6:30pm. 7:30 and meeting time naming and sa A Different Bookstore  kami magkikita. Anyways, dapat magcacab ako pero nakita ko wallet ko medyo wala na siyang laman so I had to take LRT2 then bumaba ako sa Cubao then took the jeepney going to Libis. Grabe Mr. T! Sobrang init at siksikan ng jeep na nasakyan ko! Shux, sayang ang pabango and effort ko sa sarili ko kanina para kay Cheeseburger. Nalanta lang ako sa loob ng jeep. Anyways, ayun, punyeta! Text ako ng text nung una tapos hindi nagrereply. Natakot ako baka magmukha na naman akong tanga dun. Tapos yun, buti na lang nagreply at nauna na naman pala si mokong at nakabili na ng ticket! Nakahinga naman ako ng malalim. Naku talaga Mr. T! Kelan ko ba mauunahan si kalbo? Unfair kasi eh!!  Basta yun, Horton Hears A Who pala ang napagusapan naming panoorin. Anyways, akala niya siguro hindi ko alam yung bookstore na sinasabi niya. Sorry siya medyo gala lang talaga ako. Hahahaha! (Wow sayang saya si puta!). Ayun, grabe, nagshave pa ko ng bigote at nagcut ng nails para sa date na toh Mr. T!  I really want to look my best para kay Cheeseburger. Hihihi.

Anyways, ayun, nakarating din sa Eastwood ng buhay! Pawis na pawis na ko grabe at may dala pa talaga kong jacket. Wala lang para sa kung sakaling lamigin ako sa sinehan nun and in case of emergency. Hahaha! Anyways, ayun, nakatalikod si pogi nung pumasok ako nung bookstore then umupo muna ako sa sofa nung bookstore. Grabe, may powers ata si Cheeseburger Mr. T! Lumingon at nakita ako! Oh di b a! HINDI AKO LATE!!! Ang usapan 7:30pm ang meeting! I was there before. Naunahan niya lang talaga ako! So yun, then umikot muna kami sa Eastwood Mr. T! Grabe, hindi ko mapaliwanag naramdaman ko Mr. T! Parang gusto ko matunaw sa sobrang kaligayahan. Tapos hindi niya pala alam na may hikaw na ko parang nagulat pa siya. Anyways, ayun, tapos medyo umakyat na kami sa cinema tapos medyo kumain muna. Nakakahiya, parang ang takaw takaw ko kanina Mr. T! Naghotdog on sandwich na ko tapos sa NYFD pa ko! Parang patay gutom lang dib a! Tapos ako na bumili ng Popcorn naming dalawa. Oh di ba ang sweet? And then habang andun usap usap. Wala kong masabing matino or makwento. Masyado kong natuwa dahil nagkita ulit kami. Tapos yun, wehad to go inside the cinema na dahil magsisimula na ang movie. At first akala ko unti yung tao. *Thinks: I can hold his hands pag di pa rin dumami ang tao pagstart ng movie* Sadly dumami! Tsk. Kelan ko kaya mahahawakan kamay niya? Ayun, the movie was sooo uber nice. Hindi ko maexplain kung gaano kaganda yun movie at kung ano ako kasaya dahil dun sa katabi ko.

Hay... sa tingin mo Mr. T!, nababaliw na ko? Anyways, may 30 minutes plus pa si Cheeseburger bago pumunta sa work niya so umikot ikot muna kami sa Eastwood ulit. Nagtataka siya baket raw ang tahimik ko unlike nung una kaming nagkita. Ewan ko ba, para kong na starstruck. Hahaha. Sobrang kaligayahan ata. Ayun, tapos bumili muna ko ng water na 1L. Nakakahiya na talaga baka isipin ni Cheeseburger yung tiyan ko hindi napupuno! Hahaha, ayun, tapos nalaman ko na nagyoyosi pala siya before and then inistop niya! Hay, he’s so lovely Mr. T! Gusto ko siya isquish kanina. Anyways, umupo at pinatay naming ang oras sa may McDonald’s. Umupo kami sa may labas ang medyo nagkwentuhan. Ewan ko ba, mas gusto ko tumunganga sa harapan niya kanina kesa magkwento.  Sa tingin mo Mr.T! Baliw na ko? Basta yun, kung ano ano lang pinagusapan. Medyo wala ngang pumasok sa utak ko kasi ewan ko ba. Hahaha... Gusto ko ishave kanina bigote ni Cheeseburger Mr. T! Ang haba eh. Pero either way, ang cute niya! (Hahaha, ang landi ko shet!). Absent na naman daw yung supervisor niya. So baka marami na naman daw siyang gagawin. Buntis raw ata kasi. Anyways, kailangan niya na magtrabaho, siyempre para sa future namin! Hahaha! Nananigip ng gising! (Hoy Jacob gising!). So, hinintay niya ko makakuha ng taxi bago siya umalis. (Sweet ha!) Then grabe sobrang bilis dahil 10 minutes lang nasa bahay na agad ako.

It was a splendid night Mr. T! Kung pwede lang kumanta ng A Whole New World kanina eh. Hay, ewan ko ba Mr. T! Kahit ineepal na niya ko minsan at ginagago, hindi ko magawang i un-like siya. Yung ginagawa niya makes me like him more and m ore eh. Ang emo ko ba? Basta it was awwww... kung puwede lang talaga maging kami eh. Pero I don’t know, maghintay hintay na lang muna talaga ako til I don’t know when. Mahirap ata makagetover sa taong minahal mo ha. I really like him. Anyways, sana di natapos yung gabi kanina. Sana panaginip na lang yun at hindi na ko nagising... *puts hands on cheeks*. I’ll wait Cheeseburger. I’ll wait.  

Currently listening to: Underneath the Stars by Mariah Carey
Currently feeling: high

Ayan. Okay? :D

Currently listening to: 4 Minutes by Madonna feat. Justin Timberlake and Timbaland
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on April 22, 2008 at 01:43 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 7 comment(s)

Yep, ng Final Fantasy 12 that is. Naku eto na namana ko sa dating gawi Mr. T! Grabe baka abutin na naman ako ng 24 hours na hawak ang controller nito! Hays, buhay nga naman parang bum! There, hmmm... ayaw ko ikuwento nangyari ngayon Mr. T! Hahaha, kukuwento ko na lang pagnakalusot. I desperately need money! Gusto ko ng iPod Touch eh! Kaya kuya, kung binabasa mo tong blog ko ngayon, please, padalhan mo ko! Kahit yung 8GB lang pero kung puwede rin yung 16GB or best yung 32GB! Hahahaha! Leona Lewis rocks! Fan na ko! Tapos ayun, pinabango ko kanina yung Tommy ng kapatid ko, grabe, nagkared spots ako! OMG! Baket ba kasi hindi ako makunteto sa Clinique Happy? Kailangan ko pa makielam sa pabangong hindi naman akin? Anyways, laro-tulog-kain-tulog lang ginagawa ko dito sa bahay Mr. T! At sa mga nagtext sa kin at tinatanong kung okay ako (yung mga concerned kunwari na nagbasa ng blog ko hahaha), okay na ko. :D <--- yan o nakasmile.  I'm super okay now. :D No time to cry right? So yun Mr. T! Ang labo ng ulan, lalo lang pinainit ang kapaligiran! Pabugso bugso sana tumuloy ng malakas kanina! Anyhows, yun muna update ko ngayon. Kailangan ko pumunta sa school dahil hindi tugma yung grades ko online sa course card grades ko. So yun, grabe! Sobrang wala akong ginagawa and I'm not liking this. Dios me! Goodluck naman di ba? Hanggang matapos ang taon ganito ko! 4 na subjects ako next term and parang ganito rin yun. 3 oras lang araw araw sa school tapos wala na! Naku naman! Hay buhay, I need a new life. Sigh...

Wag Masyadong Pakielamero:

Si Jacob kumakain ng chicharon (na naman!), kapatid niya pinansin siya:

Reamaur     : Hoy, alam mo bang dapat 2 pirasong chicharon kinakain ng isang tao sa isang araw (pinakita sa kin yung librong pangNursing)

Jacob          : Hahaha, anong paki mo? Kumpara mo naman tiyan ko sa tiyan mo parang tiyan ng tatay yang tiyan mo! Epal ka! Yours are flabs. Mine are abs.

Reamaur     : Ulol gago! Wala sa laki ng tiyan yun! Masama ang chicharon! NakaCoke ka pa!

Jacob          : Kausapin mo ko pag RN ka na! 

- Kapatid nanahimik -

Currently listening to: Money, Money by ABBA
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on April 22, 2008 at 11:06 PM in Everyday Drama | Post a comment

Subtle Bliss: parang gigising ka
Subtle Bliss: tapos katabi mo mahal mo
Subtle Bliss: tapos magogoodmorning
Subtle Bliss: tapos ihuhug mo
Subtle Bliss: tapos kiss
Subtle Bliss: tapos paghahanda mo ng breakfast
Subtle Bliss: SHET

Sweet isn't it? Someday Jacob, someday... :)

Currently feeling: frail
Posted by jjcobwebb on April 23, 2008 at 04:28 AM in Everyday Drama, Randomness | 10 comment(s)

May special place sa heart ko ang mga songs from The Phantom of the Opera. Alam mo yan Mr. T! kung baket may special place sa puso ko yan! Super alam mo yan! Tapos kanina, kinanta pa ni David A. yung Think Of Me! It wasn't bad but I didn't like how he changed the song. I like how Emmy Rossum/ Sarah Brightman sang it. Hmmm...now I'm more convinced that he's gay. Yeah, that song is a Diva Song! He shouldn't have chosen it. Pero it was nice naman.  Then si David Cook gusto ko na talagang pakasalan. Hay, sobrang galing ng  Music of the Night niya even better that Gerald Buttler's in my opinion. Pwede siyang magplay as Phantom. Imagine mo no nakayakap sa yo si David Cook habang kinakantahan ka nun. Hay... shet. Sobrang awwww parang gusto mo na lang matunaw ka dun sa arms niya. Hmmm... kaya minsan gusto ko pagnagkajowa ako magaling siya kumanta. I'll let him sing the whole day to me. Hay talaga. Nakakainis yung Music of the Night!!! Ayun lang ang memorable performances kanina. Carly should've sung All I Ask Of You para The Phantom of the Opera night na! Hahaha! So ayun tama na ang ilusyon.

Morning may tumawag kay Jacob sa landline (Take note: landline! Hindi ako mahilig makipagchikahan sa landline!)

Jacob   : Hello? Sino toh?
?????   : .... Jacob? Kaw yan?
Jacob   : Yeah sfeaking. Sino ka?
?????   : Si ????? toh.
Jacob   : Oh baket ka napatawag! Ang aga aga kagigising ko lang!
?????   : They already know...
Jacob   : Hah? Sino? Anong alam nila?
?????   : My family. They already know I'm gay...
Jacob   : Hah? Baket mo pa binubulong eh alam na pala
?????   : What will I do?
Jacob   : I don't know. What do you think you should do?
?????   : Alam na rin nila na si P** yung BF ko. Di ba umattend ng graduation ko yun dito sa bahay?
Jacob   : Oh ano pa sabi parents mo?
?????   : Basta mag-ingat daw ako. Mukha raw user si P**
Jacob   : Wow! Yun lang sinabi nila! Wala kang problema tanga! Parang tanggap naman si P**
?????   : Sasabihin ko ba kay P** na alam na ng parents ko? Magkikita pa ba kami? Paano na kami? Eh may 5th year pa course niya. Wala na rin ako sa Ateneo... Blah blah??

Ayun, eto lang mga sinabi ko buong 2 oras ng paguusap "Ano sa tingin mo dapat gawin?", "Ikaw bahala ka", "Wala kong masasabi dahil buhay mo yan", "Ano balak mo?", "Sa tingin mo tama/mali yun?", "Desisyon mo yan". Ayun, sinagot niya rin mga tanong niya! Hahahaha... suwerte niya nga eh hindi siya pinagtabuyan or pinalayas! Sinabihan lang ng mag-ingat di ba! Pota! Nakakainis! Sana ganun lang din sinabi sa kin ng magulang ko nun! Hahaha... naniniwala talaga kong minsan hindi kailangan humingi ng advice ng tao sa iba. Grabe. Dahil sa NetNanny nahuli ang aking friend. Tsk tsk...

Ayun, then I spent the afternoon sa RCBC. Nagbantay or tumambay sa drugstore as usual. Si Donna wala kaya ako muna tumao. Ayun, swerte ko, pagkapunta ko dun birthday ni Dr. Pelayo! Hahaha! May Yellow Cab sa clinic! Shete swerte ko talaga. Tapos yun, nagtaka yung pharmacist baket smile ako ng smile habang nagtetext kanina. Hahaha... kinikilig daw ako. Siyempre, si Cheeseburger katext ko nun! Paanong hindi ako kikiligin! Hahaha. Anyways, ayun, 6:30pm kami nagsara. Tapos buti may TV dun sa clinic nakanood ako ng AI kahit putol! Tinapos ko na lang sa replay. Andun din si Grace sa clinic. Si Chai tumaba. Basta parang kumpleto sila dun. Si Donna dumating mga uwian na. Nagapply pala kung san san. Tapos nakisabay na lang ako sa kanila ng BF niya pauwi. Bait ng BF niya at ganda pa ng kotse. Parang ang epal ko siguro kanina dahil hindi siguro sila makapaglandian dahil andun ako sa likod. Ang layo ng tinahak namin pauwi! Sana tinuro ko na lang shortcut papuntang San Juan! Anyways yun lang naman Mr. T! Inaantok na ko!

Currently listening to: All I Ask Of You from the Phantom of the Opera
Currently feeling: phantomesque
Posted by jjcobwebb on April 23, 2008 at 10:29 PM in Everyday Drama, Gossip | 12 comment(s)

Web 2.0 is all about social networking. Yes, it has been Web 2.0’s biggest buzz. Social networking helps internet users meet their old friends, old classmates, old pals, old chums, etc. It also allows internet user to meet new friends, from groups, share ideas, exchange ideas, view photos, exchange photos and a hit right now, do blogging. You can even be update with people on your network by chatting with them.

3gb, like most social networking sites is a fast growing community. It is free to use and it allows internet users, like what were stated above, to meet old friends and meet new friends on the internet. 3gb does not only help internet users find or meet new and old friends, the site also allows user to also share photos with their friends. Users could also do discussion and exchange ideas on various issues with different users by joining different groups within the site.  In addition to these services, 3gb also provides internet users free blogging service. This allows the users to share their views by updating and posting new blog entries on their blog site. But one interesting feature of 3gb that caught my attention is the Nullsoft Shoutcast. From what I’ve heard is that it allows users to hear latest MP3 hits. So head over 3gb  now and be a part of this fast growing social network. Get ready to have some fun.

Posted by jjcobwebb on April 23, 2008 at 11:32 PM in Reviews | 2 comment(s)

Okay, tumawag Sykes kanina sa bahay and ganito ang conversation:

Sykes  : Okay sir Jacob? You can start tomorrow
Jacob  : Can I just start Monday?
Sykes  : Sure, we'll give you your schedule by then blah blah...
Jacob  : Can I just ask how many hours will I be working?
Sykes  : Roughly about 10 hours...
Jacob   : (NapaTagalog) Hah? Kailangan ko lang po ng part time job! Hindi po ako magfufull time. Nag-aaral pa po ako blah blah...

Natapos ang conversation ng ganito...

Sykes   : Okay sir Jacob. We'll just keep your resume and you can call us back if you're still interested
Jacob    : No. It's okay, you can throw my resume. I don't have plans of working there in the near future (Maldito!)

*dial tone*

Di ba? Saya? Eniwi, ayun, inaantok na naman ako. Galing RCBC nagbantay. Ibang klase talaga ko tumayming ng pagpunta dun. Kung kahapon may Yellow Cab, kanina naman si Dr. Guarzon, may dalang turon! Shux! Malamang kumain na naman ako! Grabe sarap nung turon! Hahahaha! Tapos yun, dapat iapapass ko yung resume ko sa ICT kaso pagkakita ko mga tao sa loob, parang gaybar! Yes, puro gays or bi's kung ano naman raw sila dun. Super outfit sila. Super gel and wax. Hindi na ko nagtangkang pumasok sa loob nung opisina Mr. T! Hindi ko na tinuloy! Hahaha... natakot ako sa mga kauri ko shete! Hahahaha... so bumalik ako ng drugstore at nagbantay ulit. Then, may dumating na medrep. Medyo nakapagkuwentuhan kami dahil si Mau inaayos mga stocks niya. Parang ang saya maging MedRep Mr. T! Parang mas gusto kong yun ang tahakin kong career!

Jacob     : From what company ka?
MedRep  : [Nakalimutan ko from what]
Jacob     : Okay ba maging MedRep
MedRep  : Oo pagmasipag ka. Kasi may basic ka na tapos may commission pa tapos may food allowance ka pa. May kotse ka pa.Hindi ka stressed. Hindi ka pa stuck sa office pagala gala ka lang!
Jacob      : Ilang taon ka ng MedRep?
MedRep   : 5 months
Jacob       : Oh, ilang taon ka na?
MedRep   : Hulaan mo
Jacob       : *nagpahula pa!* 25?
MedRep   : Sakto! Ikaw ano work mo?
Jacob       : Ah, pagraduate pa lang.
MedRep   : Ah, ano school mo? Course?
Jacob       : Lasalle. CompSci
MedRep    : Ah, ako San Beda, CompSci din. MagMedRep ka rin. May drugstore kayo oh! Laki ng commission mo niyan! hahaha
Jacob       : *napaisip* May point ka dun...

Inviting di ba? Hmmm... *thinks*. What if nga noh magMedRep na lang ako! Ayaw ko naman kasi magprogram eh or matengga sa opisina. I wonder. Then si Ritz nagtext nung nakauwi na ko! Nasa GB5 raw siya at may Marc Jacobs fashion show daw dun kanina! Gusto ko sanang bumalik kaso inantok na ko! Hahaha...

Isang word na nalaman ko recently kay muhhh, isang 18 year old na bata: Bukkake

Pakisearch na lang sa internet kung ano yan. Ambaboy eh! *blech*

Currently listening to: En Attendant Ses Pas by Celine Dion
Currently reading: Conference window with Jeffrey and Barry
Currently feeling: waiting
Posted by jjcobwebb on April 24, 2008 at 08:44 PM in Everyday Drama | Post a comment

English Translation (Kinda weird translation but the sense is there):

Waiting for his footsteps, I put the music on quiet, very low.  
Stupidly, I don't know if it will ring.
If I won't hear it this time.
Waiting for his footsteps that morning.

An evening? A morning? A winter, a dawn, a spring that he'll choose.
Nothing, I don't know anything, I turn the lights on at night, at the side of the pathways.

Waiting for his footsteps, I paint flowers on the doors.
He will like that.
Waiting for the tender time in his arms.

And I take care of myself (in the daily make-up way), red on my lips, on my cheeks,
So that he won't see when I sometimes pale too much, especially when he surprises me like that.

There is fresh water and wine.
I don't know which he'll choose.
I don't kow if he is blond, or brunette.
I don't know if he is tall or not.
But in listening to his voice, I know that all his words will be for me.
Waiting for the tender time in his arms.

I think of it all the time, this moment, when we will meet again,
I would tell him, it's been long, no, I won't tell him surely.
In waiting for his arms, I live, I dream and I breathe for that.
In waiting for a touch of all that.
Posted by jjcobwebb on April 25, 2008 at 02:30 AM in Everyday Drama, Songs and Poems, Music | Post a comment

Grabe Mr. T! Dami nangyari ngayon. Hindi ko kaya ikuwento lahat! Hahaha... basta subukan ko na lang ibullet lahat dahil simula 9am galaw na ko ng galaw at kung anu ano na ginagawa ko at hindi ko na alam kung nasa tamang katinuan pa ko ngayon:

  •  Hinanap ko si Mama but I found ate instead
  • Pumunta ko ng school for my EAF
  • Andun sina Aubrey, Deck and Tin, kumuha rin ng EAF nila
  • Ang mahal ng Tuition Fee ko!!!! 3 lang subjects ko sobrang mahal!!!!
  • Kinausap ko Vice Dean Secretary
  • Weird umuulan ngayon
  • Pumunta kaming GB3
  • Sobrang nakakatawa yung taxi driver
  • Sobrang daming tao kanina sa mga fastfood/restos/foodcourt
  • Dami rin kaninang tao sa Glorietta dahil may Job Fair. Ibang level yung dami ng tao
  • Sa Monkok kami napunta
  • Daming kinain
  • Tapos, we headed sa Standard Chartered building dahil may interview si Tin about dun sa trabahong binigay ng sister niya
  • Nabaliw sina Tin dun sa lalaking kinausap ako at nagturo ng directions papunta Standard Chartered
  • NagStarbucks kami nina Deck and Aubrey while waiting for Tin
  • Pinakilala ako ni Tin dun sa naginterview sa kanya
  • Naaliw ata sa kin yung naginterview, baka by next month may raket na ko
  • Bawal daw sabihin kung ano yung trabaho! Illegal! Hahaha... joke!
  • Tapos, pumunta naman kaming AXA building
  • Pero wala yung taong hinahanap namin dun
  • Dapat babalik sa school, kaso nag-uwian na lang
  • Nakatulog pagkauwi
  • 10 missed calls from Barry pagkagising --- nagiinvite na naman lumabas
  • Kumain kami sa Dusit Thani. Exaj mga pagkain. Nakakaiyak dahil sa anghang!
  • Yun, sa G4 kami nagkita, tapos nagGB3. Weird talaga ayaw nina Barry magsayaw pero may naisip siyang puntahan pero hindi na namin tinuloy
  • Naghanap kami ng establishment kung san puwede magamit yung Ayala GC ni Barry. Sayang sarado na mga establishments na puwede!
  • Enjoy na enjoy kami sa mga call girl na naglipana dun sa pinuntahan namin. Sarap manggago! Wahahaa...
  • Hinatid si Rhitz then ako...
  • Pagod na ko! Hindi ako Robot! Tao po ako! Napapagod din! Hahaha... 
  • Gusto pa magpahula sa manghuhula ng isa kong friend at pinasasama ko! Sorry wala kong panahon sa mga kagaguhang yan!!! Hahaha...
  • I got my first mwah! :-P

Okay Mr. T? Yan muna okay? Hay... sooo happy :D

Currently listening to: Pagdating Ng Panahon by Aiza Seguerra
Currently watching: Trip Na Trip on ABS-CBN
Currently feeling: lethargic
Posted by jjcobwebb on April 26, 2008 at 01:17 AM in Everyday Drama, Malling, School | Post a comment

Okay, parang ako lang ang taong hindi gigimik ngayong Saturday night sa buong Pilipinas. A friend was asking me kung may gimik ako. Nagulat nung sinabi kong wala. Pota! May mababago ba sa mundo kung lumayas ako ngayon? Uunlad ba Pilipinas? Ikayayaman ko ba yan? Anyways, I'd rather listen to 96.3 kesa makigulo sa mga tao ngayon sa kung san san. Mas gusto ko pa mag-emote katabi ang radyo. Hehehe... so yun, kagigising ko lang. Wala ng pagkain sa bahay kaya sa may lugawan sa kanto ako kumain. Yes, kasama mga jeepney drivers! And then inubos ko yung tira tirang Mango cake na nasa ref. Hahaha...

So bali yun, wala naman masyadong nangyari ngayong araw na toh. 22nd death anniversary ng lolo ko pala ngayon. Kaya pala paggising ko may kandilang nakasindi dito sa bahay. Tapos, sinama lang ako ng nanay ko sa birthday ng friend niya. Yun, kumain dun. Feeling siguro ng nanay ko 10 years old pa ko! Grabe, talagang parang pinagtutulakan ako kanina kumanta dun sa birthday kanina. Grabe, so 10-years ago mga ganung eksena. So okay lang kanta naman ako. Buti na lang hindi napahiya nanay ko. Gusto ko sana ipahiya hahaha. Anyways, ayun, pagkauwi nakatulog agad. Hay... super antok ako palagi. Hindi rin naman kasi ako makatulog ng maayos mga panahong toh. Parang matutulog ako ng late pero magigising naman ako ng 8am or 9am. Tsk, sumasakit ulo ko actually sa ginagawa ko. Parang may gumugulo sa subconcious mind ko Mr. T! Ewan ko ba. Ay, habang hinihintay ko pala nanay ko bago kami umalis kanina, pinanuod ko yung movie na pinahiram sa kin ni Barry kagabi: "The Mostly Unfabulous Social Life of Ethan Green". I'm gonna make a seperate entry for it Mr. T! Anyhoos, dapat lalabas kami nina Barry and Rhitz kanina kaso si Barry nagkafamily dinner. Buti na lang dahil antok na antok na rin ako. :-)

Currently listening to: How Deep Is Your Love by The Bee Gees
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on April 26, 2008 at 11:53 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

I hate spoilers so I'll just write what the story is all about. The movie revolves around Ethan Green finding someone to settle down with. He doesn't have a hard time finding someone to have sex with or someone to date him though. Before the movie ends, he'll realize what he has been doing wrong. Uhhmm... that's basically it. And yeah, just like every supposed-to-be-comedy gay movie, the movie is hilarious. All in all, a fun film... it's a good way to spend an hour and a half of my bum life. :-D

 

 

Some nice quotes from the movie:

"There are three things I know in life: One, you make your own reality and destinies. Two, no matter where you move, no matter how many times you move, there will always be an International Male catalogue on your doorstep, and when you open it you'll feel fat. And number three, if you want something, really want something, for all the right reasons, grab it by the balls, and don't let go. "

Ethan: Leo, you know I'm a mess. I am destined to play "Dream Date" for the rest of my life and lose.
Leo: Hey, there's one way to win the game, Ethan.
Ethan: What's that?
Leo: Stop playing.

Awww... anybody affected? Barry? Hahahaha...

Posted by jjcobwebb on April 27, 2008 at 12:25 AM in Everyday Drama, Features, Reviews, Gayness | Post a comment

Kasi, unti ang tao. Malamig na ang simbahan at nakakahiya sa Diyos kung umaga ko magsisimba tapos makakagawa ako ng kasalanan sa buong araw. Hahaha... anyways ang tagal gumamit ng internet ng kapatid ko kaya eto ngayon lang ako nakapagupdate. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw Mr. T! Super kinig lang ako sa radyo buong umaga. Tapos, nagpapasta ng ngipin. Tapos pagkauwi, natulog. Tapos namili ng marshmallows sa may Pure Gold. Tapos pagkauwi ko, yung kapatid ko bumili rin ng marshmallows! Eh di parang may marshmallows party kanina dito. Tapos nag-isaw muna ko sa may kanto. Hahaha... tapos nagsimba. Weird nung ostiya kanina, ang init niya sa bibig! Ewan ko ba baket ganun. Hindi ako mahilig magCommunion Mr. T! Parang last na Communion ko eh nung Simbang Gabi pa! Basta mainit yung host kanina. Yay! Tapos kinanta favorite Mass song ko kanina yung Lord I Offer My Life To you!! Yes saya kumanta kanina! Tapos may bago kong nalaman na kanta na matagal ko na rin naririnig, "Hesus" yung title. Yung may lyrics na "siya noon bukas ngayon". Ganda ganda ng mga songs kanina Mr. T! Shine Jesus Shine pa kanina yung ending song. O di ba ang active nung song? Hahaha! Namiss ko tuloy maging member ng choir.  Anyways, yun lang naman mga kaganapan Mr. T! Baket ganun, lagi akong inaantok! And minsan, ayaw ko nang pinagmumukhang tanga. Kanina habang naglalakad habang kinakain yung marshmallows ko, iniisip ko na simple lang ang nagbibigay sa kin ng kaligayahan aside sa mga taong nakapaligid sa kin:

  • Marshmallows
  • Butterfinger

Hehehe, ewan ko parang sumasaya ko pag yang 2 yan ang kinakain ko Mr. T! Naalala ko tuloy dati sa Duty Free naubos ko isang bag ng Butterfinger!!! Tsk tsk, kaya nasisira ngipin ko eh! Hahaha! Sige yan muna update ko Mr. T!

Currently listening to: With You by Levi Kreis
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: I don't know
Posted by jjcobwebb on April 27, 2008 at 11:12 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)

Sometimes when you listen to a song and look at its lyrics, you'll feel that it was written especially for you. It's really weird but I was downloading new songs and this came up the search list. The song got me giddy cause this is what I'm feeling lately...

Man of the hour
The one in control
Never have a question
No hesitation
Get who I want
And then I've know all
But you stolen my thunder
Taken me under
With something so real

With you I can't speak
I can't move
I can't hardly breathe
I'm a fumbling boy
Whose never felt something like this
And it's just how it is with you

I'm having light
Of the light of an angel
You may be all I've been dreaming of
I know the likes of infatuation
And I'll be surprise if this isn't love
Cuz I just want to break through
Reach out and feel you
Fall into me yeah

With you I can't speak
I can't move
I can't hardly breathe
I'm a rebeling boy
Whose never felt something like this
And it's just how it is with you

Oh I want to reach out and touch you
Feel you consume me
Fall into me

With you I can't speak
I can't move
I can't hardly breathe
I'm a fumbling boy
Whose never felt something like this
And it's just how it is with you
And it's just how it is with you
Posted by jjcobwebb on April 27, 2008 at 11:34 PM in Everyday Drama, Songs and Poems, Randomness | Post a comment

Ayun Mr. T! Parang nakuwento ko kanina kay Tin buong buhay ng kamag-anak ko habang nasa cab kami kanina papuntang MOA. Pero bago ang lahat, birthday ng friend ko since Grade 4, si Karol Yee!!! 22 ka na rin!!! Tapos birthday din ng mahal kong Kuya! Happy Birthday Bro!!! Tanda mo na!!! iPod ko!!! Hahaha...ayun, kita kami ni Tin sa Starbucks Midtown. Since sarado pa yung uusisain niyang My Diamonds dun sa RP, nagTimeZone muna kami. Then around 12pm, sinimulan niya na yung pag-uusisa dun sa store. Habang inuusisa niya yung dun sa RP, ako naman nagiikot ikot mag-isa. Tumambay dun sa Gmask and pinanood yung N95 na binabalutan. Gusto ko tuloy magpaGmask. Anyways, after around 15-minutes siguro. Natapos na si Tin sa first store niya. Then, nagcab kami papuntang MOA. Ayun, siyempre since malaki ang MOA, kailangan namin hanapin dun sa map yung store. So yun, naghintay na naman ako sa malayo. So yun, natapos din. Tapos naghanap kami ng makakainan. Daming tao sa mga gusto namin kainan na resto. So pinulot kami sa Mongolian QuickStop. Ayun libre ni Tin. Then around 1:30pm sa may Makati Area na kami. Sabay may nagtext. So since iniiwan naman ako ni Tin ng pansamantala, naghiwalay kami sa G4 at nakipagkita ko sa nagtext. So yun, kumain lang siya sa McDonald's and then umuwi na. Sobrang kahit konti lang yung time kanina masaya ko. Ayun, sinamahan ko yung nagtext hanggang sa may MRT station. Saya ko eheheh, ewan ko kung nagalak din ba siyang makita ako. Eniwi, binalikan ko si Tin sa GB3, tapos kumain kami sa DQ then umuwi na rin. Pagkauwi tulog. Aw, tapos ngayon kakabrownout lang buti mabilis lang anyways. Yun lang naman Mr. T! Some things are meant to be kept Mr. T! hahaha.

Anyways, dami na pala naming pictures nina Sherry, AK and Beck sa mga CD na naburn ko around 2004-2007 grabe! Since 2004 kami na magkakasama not until nagshift ako. Nakakatuwa mga transformation namin. Sabi nga ni Sherry wow, para tayong "Totoy at Nene" diyan. Hindi pa stressed ang buhay nun kahit CS-CSE ako nun! Hahaha... saya saya... hindi ako nagsising nagshift ako. Good for Sherry, Beck and AK, may mga Computer Engineers pa! Nakakatuwa si AK sa HP na magtratrabaho. Galing galing naman kasi talaga ni AK eh. Sana si Sherry naman pumasa na sa thesis nila and kami naman ni Beck sana by the end to the year grumaduate na rin! Hahahaha... update you soon Mr. T! :)

Currently listening to: One More Gift by Bukas Palad
Currently feeling: so happy
Posted by jjcobwebb on April 28, 2008 at 10:39 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School | Post a comment

Do you love trucks? Do you love GMC trucks? Or more a fan of these kinds of vehicles? Why not try the New GMC Manchester NH? GMC trucks are good for those people who are always on the go and on the road. GMC trucks are advantageous because a lot of stuff can be put at the back of the truck. What’s more is that it’s great for bringing friends along with you on the road. Thanks to its spacious design. You can even bring your dogs and put them at the back of the truck if you want to. It’s a good catch if you like bringing things with you a lot even the kitchen sink. If you are planning to buy a new GMC Truck, then this is the website that is right for you. The New GMC Manchester NH will let you choose from popular GMC truck models and these include: Sierra, Canyon, Arcadia, Yukon, Envoy or Savana. From here, you can choose whatever model you want that will best fit your lifestyle or should I say, road-style.  Their website also provides users with pictures of the truck models so it would be easier for users to see whether or not a specific GMC truck fit their taste. Also, the website provides link to additional information about a specific GMC truck. Visit the New GMC Manchester NH website now.

Posted by jjcobwebb on April 29, 2008 at 01:36 PM in Reviews | Post a comment

If you are thinking of buying a new car, say for example for your office or just for home use, you can check the latest Toyota Corolla Virginia website. As we all know, Toyota has become one of the largest multinational corporation. It has already expanded to different worldwide markets and countries and it is now becoming the largest seller of cars in the beginning of 2007. Toyota has factories all over the world. With its reputation, people know that its brand name would be enough for them to buy a Toyota car. First, let us see some of the advances Toyota has made that make it different from other cars in the same fragment.


 In 2007, Toyota introduced Advanced Parking Guidance System, (automatic parking), according to them it is a four-speed electronically controlled automatic with buttons for power and economy shifting, and an eight-speed automatic transmission. Toyota, and Toyota-produced Lexus and Scion automobiles, consistently rank near the top in certain quality and reliability surveys, primarily J.D. Power and Consumer Reports. Toyota has introduced the first mass-produced hybrid gas-electric vehicles, of which according to them has sold 1 million globally. These are just some of the advancements Toyota has made.


Going back, Toyota Corolla Virginia is the largest Toyota car dealer in Virginia. They have special offers for customers who are living in Virginia. So what are you waiting for?  Visit Toyota Corolla Virginia now.

Posted by jjcobwebb on April 29, 2008 at 02:19 PM in Reviews | Post a comment

Hello Mr. T! Kasasara ko lang ng drugstore dito sa N. Domingo. Ang stress grabe! Sobrang dami ng bumibili kanina ako lang mag-isa! Kumustahin naman mo naman ako! Nakakahilo dahil bagong ayos yung mga gamot at mga gamit sa branch na yun. Grabe hilong hilo na ko medyo mainit na ulo ko sa mga nagmamadali kanina. Kung puwede lang sigawan ng "PUWEDE MAGHINTAY?!?!?!", pero kailangan kunwari mabait pa rin dapat ako. Smile lang kahit gusto mo ng patayin yung mga nakapili. Bago ako magsara, may pasaway pa na call center agent na bumibili. Pasalamat siya pogi siya kung hindi inaway ko talaga siya. Hahaha... so ganito ang nangyari:

Customer     : Ano pa meron niyo aside from Unisom. Naphased out na kasi di ba yun?
Jacob           : Stilnox ho and Dormicum *kunwari di pa yun ang bibilhin*
Customer     : Ahhh, magkano?
Jacob           : May prescription po ba kayo?
Customer     : Kailangan pa ba? Baka naman kahit isa lang puwede. Taga call center ako.
Jacob           : *Sus paki ko* Hindi po talaga puwede, S2 po kasi yung gamot na yun eh. Malay ko ba baka BFAD kayo mahuli pa ko hahaha
Customer     : Dali na di talaga ko makatulog eh and we're neighbors naman. Kayo ba may-ari ng drugstore na toh?
Jacob           : *Ako nga di natutulog arte mo ha*. Hindi po talaga puwede sir, sorry. Ate ko po may ari. If you want kausapin niyo Ate ko.
Customer     : Ah okay sige sige, by the way I'm Patrick, 26 *extends hand*
Jacob            : *Shet ano toh, baket may get to know portion, parang ASL lang. Wait ibahin ko name ko* Ah, JC po *shakes hand*
Patrick          : Yung ate mo ba yung maputi?
Jacob            : Opo, balik na lang po kayo pag andito siya
Patrick          : Sige salamat JC. Lagi ka nagbabantay dito?
Jacob            : *Ano toh bakla na naman?* Ay hindi po ngayon lang dahil walang tatao
Patrick           : Sige babalik na lang ako

*leaves*

Ayun tas nagsara na ko ng drugstore dahil epal na yung mga bumibili ang dami! Hahaha! Nakakastress! Anyways, bago ko pinagbantay sa N. Domingo, tulog ako. Nakatulog ako sa kakaFood trip sa SM Centerpoint. And sadya ko lang naman talaga sa Centerpoint kanina eh bumili ng DVD-Recordable at bumili ng mga ka ek ekan na nilalagay ko sa katawan ko. Kaso, ang dami kong nadaanan na pagkain! Hala! Ayun, nawala sa sarili si Jacob. Nag food trip. Una, nakita yung chicharon. Hala sige kain. Tapos nakita yung Smokey's. Hala sige kain. Tapos napadaan sa Potato Corner. Hala sige kain. Tapos napadaan sa Greenwich, hala nagsolo pizza. Tapos napadaan sa McDonald's, hala nagMcFlurry. Tapos hindi nakuntento, dumaan sa Zagu, ayun nag Zagu. Grabe, pagkauwi ko, 50php na lang pera ko. 500php yun dala ko Mr. T! Ano nangyari! Shete! Hahahaha... kainis! Pero masarap naman. Ewan ko kung paano natake ng tiyan ko yung mga kinain ko kanina. Sana sinave ko na lang yung pera kanina pang next date! Anyhows, pagkauwi, tulog habang nagbuburn ako tulog ako. Tapos ayaw naman magburn nung mga binuburn ko shete! Tapos habang tulog, I had this dream. Grabe, ano bang meron sa beach? Ganito:

Nasa beach na naman tayo. This time, hindi ka na namatay. Nakaupo tayo tinitignan yung sunset. Nagkukuwentuhan, nagkukulitan. Tapos humiga ako sa lap mo. Tapos patawa ka ng patawa. Since tawa ko ng tawa, nasampal kita. Hahaha! Kinagat mo ilong ko tapos tumakbo ka. Hinabol naman kita. Hahaha... tapos naghabulan tayo. Nahuli kita gabi na. Daming stars sa beach. Tapos, hindi ko alam baket napunta tayo sa may tubig. Ayun, nakatulog tayo sa may seashore. Nung umaga na may babaeng sumisigaw sa beach --- ginigising na pala ko ng nanay ko! Siya pala yung sumisigaw! Shete! At pinapupunta na ko sa drugstore. Hahaha....

Ayun mga nangyari Mr. T! Si Barry nagtext kanina, pinasasama na kami sa La Union ni Rhitz bukas until Saturday night. Good luck naman kung san ako maghahagilap ng pera Mr. T! Wala pang magdadrive nung van bukas sabi ni Barry! Ayaw nila magdrive! Nnakakatamad naman talaga di ba kumusta talaga! Walang fun kung sila madadrive Hahaha... so yun, update you soon Mr. T! Shux, dumudugo na ilong ko sa mga review na ginagawa ko! Meron pang 3 hindi pa tapos pero parang tinatamad na ko! Hahahaha!At kilig na kilig ako sa PBB Teen Edition kanina buwisit!! Hahaha! Nalulungkot ako for myself pagkinikilig ako! Hahaha...

So yun, share ko lang isang blog na kinahuhumalingan ko ngayon: http://frjg.multiply.com/ . Yep, that's Fr. Johnny Go S.J. 's Multiply site. Hahaha, sarap basahin mga entries. Para maiba naman :D

Currently listening to: Trouble Sleeping by Corinne Bailey Rae
Currently reading: Kat Sanchez's blog
Currently feeling: ewan
Posted by jjcobwebb on April 29, 2008 at 10:38 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 6 comment(s)
John, the thing you need most in a relationship is Deep Connection 

In your ideal relationship you and you partner would be deeply and passionately connected. This sense of intimacy is really important for you. As is the need for certain rules and an understanding of who wields the power in your relationship. But regardless of how this works, your deep need for this kind of closeness will ultimately drive your relationship.

Take the test here

Posted by jjcobwebb on April 30, 2008 at 12:54 AM in Everyday Drama, Online Tests | Post a comment

Love is patient, Love is kind,
It does not envy, it does not boast,
It is not proud, It is not rude,
It is not self-seeking,
It is not easily angered,
It keeps no record of wrongs.

Love does not delight in evil,
but rejoices with the truth.

Love always protects, always trusts,
always hopes, always perseveres.

Love bears all things, believes all things,
hopes all things, endures all things.

Love never ends.

Love never fails

1 Corinthians 13 : 4 - 8

Posted by jjcobwebb on April 30, 2008 at 02:39 AM in Everyday Drama, Randomness | 1 comment(s)

If you are in Virginia or are within 50 miles of the Leesburg, VA area, then you might want to check out New Toyota Leesburg VA. This the new incredible Toyota inventory at Koons Toyota. They have all the model of Toyota. So no matter what model you want, they have it and they can probably get it for you. When in Leesburg, VA, Koons Toyota is your number one choice when it comes to new Toyota vehicles. New Toyota Leesburg VA also serveOakton, Potomac, Reston, Rockville, Silver Spring, Sterling, Alexandria, Annandale, Bethesda, Burke, Centreville, Fort Washington, Gaithersburg, Glenn Dale, Fairfax, Manassas, McLean, Washington DC, and Woodbridge with new Toyota cars, trucks, vans and SUVs. that its brand name would be enough for them to buy a Toyota car. First, let us see some of the advances Toyota has made that make it different from other cars in the same fragment.

In 2007, Toyota introduced Advanced Parking Guidance System, (automatic parking), according to them it is a four-speed electronically controlled automatic with buttons for power and economy shifting, and an eight-speed automatic transmission. Toyota, and Toyota-produced Lexus and Scion automobiles, consistently rank near the top in certain quality and reliability surveys, primarily J.D. Power and Consumer Reports. Toyota has introduced the first mass-produced hybrid gas-electric vehicles, of which according to them has sold 1 million globally. These are just some of the advancements Toyota has made.

Also, according to their website, Toyota has grown to a large multinational corporation from where it started and expanded to different worldwide markets and countries by becoming the largest seller of cars in the beginning of 2007, the most profitable automaker ($11 billion in 2006) along with increasing sales in, among other countries, the United States. Koons Toyota in the Leesburg, VA area is Virginia's largest Toyota dealer.

You can't beat Koons Toyota when it comes to the best selection of new Toyotas in the Leesburg, VA area. So visit New Toyota Leesburg VA today.

Posted by jjcobwebb on April 30, 2008 at 09:50 AM in Reviews | Post a comment

Are you in Manchester, Concord or Nashua NH area? Why not owe it to yourself to check out New Cadillac Manchester NH. Check out their incredible inventory of new Cadillacs at Werner Cadillac.

Cadillac was the first manufacturer to utilize the skills of a designer to produce a car's body instead of an engineer (1927). This gave the public a car that looked as good as it performed. Cadillac's engineers were first to design a manual transmission with synchronizers for increased drivability (1929) and were instrumental in the early development of the automatic transmission, beginning in 1932. Cadillac offered a production V-16 engine from 1930 through 1940 and introduced the production independent wishbone front suspension in 1934. The marque introduced tailfins for 1948. From the late 1960s onward, Cadillac offered a fiber-optic indication system which alerted the driver of a failed light bulb. Check out New Cadillac Manchester NH for more details about this.

Do you need a stylish, roomy transportation for your family? Why not try the new Cadillac Escalade? Or are you looking for a mid-size sport sedan, probably, the new Cadillac CTS is right for you. Or if you want the ultimate sport sedan, a new Cadillac Deville or DTS can give you a compromising comfort along with power. Or why not give Cadillac STS a try when you want ultimate sport sedan.

No matter what model of new Cadillac you want in Manchester, Nashua or Concord NH, New Cadillac Manchester NH can probably get it for you.

Posted by jjcobwebb on April 30, 2008 at 10:02 AM in Reviews | Post a comment

Hello Mr. T! May "Na Naman" yung title kasi nakarating na rin akong La Union before. Click here. Anyways, paalis na kami wala pa rin akong pera. Wahahaha. Bahala na! Dadaanan ako mamaya nina Barry and Rhitz dito tapos dadaan kaming CSB para pick-upin mga orgmates ni Barry. So yun, kagigising ko lang. Galing akong CEU dahil may pinadala kapatid ko sa kin. Nakalimutan niya cellphone niya at bag niya! Sa lahat ng makakalimutan! Dapat talaga manalo akong Kapatid of the Year Award! Sobrang init sa Mendiola an Legarda kanina ha! Tapos yun, galing din pala akong Greenhills kanina namili ng kung anu-ano. Narealize ko iba mga itsura ng mga taga DLSU at mga estudyante sa Mendiola at Legarda --- wakoko! I'm not being biased Mr. T! Fair judgement ko yan! Hahaha! So yun lang. God bless na lang mamaya sa amin at sa akin! Nakabili na pala ng ticket si Ate para sa Boracay from May 12-15! Shushal! Update you when I can or when I return Mr. T! Mwah!

7:23 pm

Nakapangolekta na ko ng pera pero wala pa rin si Barry! Ang tagal ha! Inaantok na ko!!! Huhuhu...

Currently listening to: As Long As You Love Me by Backstreet Boys
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 30, 2008 at 05:19 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)
« 2008/03 · 2008/05 »