Entries in category "Showbiz"

Kausap ko ang aking BFF ngayon and siyempre as usual, nag-uusap na naman kami ng mga random stuff. So eto mga kaewanan namin:

Jeffrey Vincent Lih: bakasyon mo ba?
Subtle Bliss: last week pa
Subtle Bliss: :D
Subtle Bliss: walang gagawin grabe
Jeffrey Vincent Lih: hahaha
Jeffrey Vincent Lih: ayan... yan na ang last mong summer vacation
Jeffrey Vincent Lih: iamoy mo na nang mabuti

Last na bakasyon? Siguro as a student pero hindi ko last summer vacation. Hmmm... napagusapan kasi namin na puwede na talaga ko actually grumaduate sa October kung ipipilit ko isingit OJT ko for next term. Pero ayaw ko isiksik dahil gusto ko pagnagOJT ako, hindi na ko pumapasok talaga. So yun, kung anu-ano lang talaga pinaguusapan namin ngayon.

Anways, wala akong bagsak ngayong term Mr. T! Grabe, the end is getting nearer and nearer. Hays, I'm off to the real world. Pero baket ganun, nung gradeschool sabi sa highschool ay real world din. Tapos nung highschool naman, sabi sa college eh real world din. Tapos ngayon college and real world naman ay ang work! Wow ha! Ang daming real world! Kung lahat sila real ano pa ang real? Pero siguro, yung real na tinutukoy nila ay yung mga bagong kaalaman at dagdag kaalaman na maari mo pang matutunan or mga kaalaman na hindi mo pa talaga nalalaman. Siguro nga di ba yun yon? Or nagmamagaling na naman ako? Hahaha... ewan ko! Basta ganun!

So mga nangyari ngayon, course cards day. Super hintay na naman sa mga prof sa Gox. Sina Tin and Aubrey nauna na sa Makati at naglaskwatsa kanina at pinasusunod kami ni Deck pero super antok at pagod na ko kahihintay ng course cards so hindi ako nakasunod. Malungkot si Deck kanina. Napagod din ako ng kakapagpasaya kay Deck. Sabi pa sa kin kahit makalimutan niya problema niya, maiisip at maiisip niya rin yun pag mag-isa na lang siya. Oo, tama siya, pero at least, lumisan sa isip niya yung problema niya kahit saglit. Tapos super bigay ako ng mga examples ng mga trials and hardships ko sa buhay ko! Tapos yun, buti naman medyo at kahit papaano gumaan loob ni Deck kahit sandali. Nakasama namin kanina sa classroom kung san nagbibigay ng course card si Mr. Oli si Sherry and Angelica. Grabe talaga, dami niya palang estudyante. Hay, so yun, buti naman magaganda grades ko ngayon Mr. T! Walang panahon ngayon para sa mga dramatic entries! Hahaha... hmmm... so yun, sa wakas kinuha ko na rin ang aking grad pic. Naaliw ako sa mga grad pic ko ipopost ko sila:

Pumuti ako noh Mr. T! And sayang, hindi consistent semi-kalbo mga gradpic ko! Tapos weird, parang nagmukhang bata pa ko ngayong college! Hahaha... anyways, ganda tignan pero nakakaiyak isipin na malapit na talaga ako grumaduate. OMG! Hay... gusto ko pa sana mag-aral ng CA pagkagraduate ko kaso baka patayin na ko ng magulang ko kung sasabihin kong gusto ko pa mag-aral.

Anyways, enough of the emo blahs. David Cook did very well a while ago in American Idol! His rendition of Mariah's Always Be My Baby is brilliant. No words can express how I was feeling while watching him do the song a while ago. Sobrang galing Mr. T! Wait search ako sa Youtube...

Eto link: David Cook - Always Be My Baby

The contestants whose performances I love were: Syesha - Vanishing, and Jason Castro - I Don't Wanna Cry. Try searching it on Youtube. Hahaha...

Nyways, yan muna Mr. T! Try kong matulog ng maaga ngayon ayt? Sige sige...

Pahabol: Sobrang may nakita akong babae kagabi sa Metrowalk na kahawig ni Anne Curtis. Grabe, hindi na nawala mata ko katitig sa kanya! Yay! Lezbo!

Currently listening to: silence
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: nervous
Posted by jjcobwebb on April 16, 2008 at 08:32 PM in Everyday Drama, Mariah, Music, School, Showbiz | 7 comment(s)
« Newer · Older »