Entries for April, 2009

New gay word galing kay Luis:

BEKERY - Noun
From the root word Becky.  Becky as in bading. Bekery meaning lugar kung san maraming bading.
Example: Uy, grabe pala sa Malate. Puros becky! Bekery talaga yung lugar na yun! 

Grabe walang kupas si Luis magpatawa. Prolly one of the funnest gay friend na meron ako! Laging laugh trip pagkasama ko siya. Anyways, short story muna bago ko matulog. Kauuwi ko lang Mr. T! Kasama ko si Luis bago ko pumasok sa OsMak kahapon. Nagpapirma ko ng letter sa CCS vice dean. Tapos kaninang umaga, kasama ko na naman siya dahil may defense siya and ako kinuha ko yung signed letter. Then yun, Starbucks kami kahapon and ngayon tumambay. Sukang suka na ko sa yosi ni Luis grabe. Anyways, may gwapo na nakaupo sa harap namin kanina sa Starbucks...

Luis : Uy, magpapalit na ko ng damit para sa defense ah. Sayong sayo na muna yung pogi na yan
Jacob : Eh paano pag nagpakilala sa kin yan? Hahaha...
Luis : Sabihin mo may friend kang nagpapalit lang ng t-shirt sa CR...
Jacob : Ay, ayaw ko nga! Baket ko sasabihin na andun ka?
Luis : Ay! Swapangan? Hahaha!
Jacob : Oo swapangan! Haha!
Luis : Ganun? Humanda ka pupunta kong thesis room niyo!
Jacob : Walang hiya ka! Sa yo na!

Bukas na pala yung Tokyo Tokyo sa tabi ng CSB Mr. T! Anyways, masarap kasama si Luis. Kaya niya maging sobrang nakakatawa and biglang sobrang seryoso. Kaya niyang pag-usapan kahit anong bagay na walang kebs. Nakakatuwa. Masaya ko dahil 3 years na sila ni Robert. Di ba may ganun palang relasyon? Mga istoryang ganyan, nakakainspire. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkakaroon din ako ng ganyan or mas matagal pa na relasyon. Anyways, tutulog na ko Mr. T! Yung bonggang update sa susunod na okay? May kwento pa kong Monsters VS. Aliens sa sususnod. Love you still Mr. T! :-)

Currently reading: Mark's YM Window
Currently feeling: groggy
Posted by jjcobwebb on April 3, 2009 at 02:11 PM in Everyday Drama, School | Post a comment

Unang beses ko pa lang makakita ng isang talon sa totoong buhay. Parang panaginip. Ang laki nung talon na parang pwede kaming lamunin ng buong buo kanina. Maulan ulan pa tapos buwan lang yung nagsisilbing liwanag dun sa lugar kung san may talon. Samahan mo pa nung mga tunog ng kuliglig at kulisap at mga ibon at mga palaka sa kapaligiran. Malakas din ang tunog ng pag-agos ng tubig galing sa talon.

Parang may susulpot na diwata dun sa lugar dahil sa mga alitaptap na nakasindi ang mga buntot habang nagliliparan sa kapaligiran kanina. Unang beses ko rin makakita ng mga alitaptap sa buong buhay ko. Kumukutikutitap pala talaga sila.

Parang panaginip. Parang imahinasyon ko lang. Parang salamangka. Pero lahat sila totoo kanina. Ang galing ng Diyos. Ang ganda ganda ng mundo...

Currently feeling: groggy
Posted by jjcobwebb on April 5, 2009 at 12:47 AM in Everyday Drama | 1 comment(s)

"my view of love is very dim"

"lagyan mo kaya ng ilaw?"

"hahahaha..."

"nakakatawa mga hirit mo"

"promise me this won't get around..."

"promise..."

"if this gets around, i hope you burn in hell"

Please wag mo gawin. At huwag na huwag mong gagawin or iattempt man lang. Andito ko para pagsabihan mo and makausap. Alam ko mahirap yan. At 29 siguro mas mahirap. Pero andito ko. I've been there and done that and did it again. Okay lang yan. It will pass. Sabi nga ni Leona, "It will all get better in time...". So yun, salamat sa pagtitiwala... :)

Currently listening to: How To Save A Life by The Fray
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 9, 2009 at 03:19 AM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Alam kong NO MEAT dapat ngayon, pero boto niyo naman si Mychal! Hahaha! Kapitbahay namin toh! Hahaha! At finalist na siya!!!! O di ba? Matagal ko ng crush toh! Hahahaha! May model pontetial talaga siya. At may balak pala ang lolo mo! Susme tangkad tangkad nito at pogi pa! Gulat ako ganyan pala katawan niya! Wahahaha! Pero onti palang nagvovote para sa kanya eh! Vote here.

image

Sana maglakad siya sa kalsadang nakaganyan! Wahahahaha! Eto yung link para makaboto kayo! Hahahaha! Sana manalo siya! Hindi siya photogenic at telegenic sa totoo lang. Pero hot talaga toh at pogi! Di tulad ng iba ang pogi at hot sa picture wala namang binatbat sa personal! Hahaha! Baka magkaroon pa kami ng kapitbahay na model nito kung saka-sakali! Click here to vote again! At kung may taong envious ngayon dahil may kapitbahay kaming hot, si Jeffrey yun. Feeling ko lang naman. Wahahaha! Update you ng bonggang bongga tomorrow Mr. T! :D Iboto niyo ha! Haha! Eto ulit yung link! Hahaha! Kulit! Make it a habit! Vote everyday! Hahahaha!

Currently listening to: air
Currently reading: Century Tuna Superbods website
Currently feeling: masakit tiyan
Posted by jjcobwebb on April 11, 2009 at 09:39 PM in Everyday Drama, Features, Gayness | Post a comment

Mr. T! Musta naman! Hahaha! Buhay ako. Buhay na buhay. Easter Sunday ngayon. Katatapos lang ng Easter celebration sa bahay nina Ate. Anyways, ayun, sa totoo lang, hindi ko kaya magkwento ng mga nangyari ng mga nakaraang araw. Idadaan ko na lang sa pictures. Pwede ba? :D Anyways, eto, picture gallore na lang siguro. Good luck kung magload!

04042009149 04042009152
DSC02362 DSC02394
DSC02440 DSC02431
09042009161 09042009164
09042009167 P4094194
P4094212 12042009181
12042009185 12042009186

Ayan, bawat picture may meaning ha! At bawat alis namin galing ako sa duty! So meaning puyat ako nagswiswimming ako ng puyat. Ayun, nilagnat ako! Hahaha! Daming umalis na friends ng mga nakaraang linggon. Tapos may pinsan naman ako na nagbalik. Ganun ang buhay talaga Mr. T! Some stay, some have to leave. O well, basta ako, andito lang. Kahit sorry talaga, tinatamad ako magkwento! Yan na lang. Alam ko na naman mga nangyari sa pics eh. Hahaha! Love you lots Mr. T! May duty pa ko! Update you soon. :-)

Currently listening to: Right To Dream by Mariah Carey
Currently feeling: naiihi
Posted by jjcobwebb on April 12, 2009 at 06:16 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, Family | Post a comment

Inaantok na ko Mr. T! Ang tagal ni Deck makarating ng school. Lunch break pa yung OUR. Sobrang inaantok na talaga ko. Galing pa ko ng OsMak. Parang lasing na ko. Nakakabuwisit. May babayaran pa ko. Gutom na ko. Ayaw ko kumain mag-isa. Baket pa kasi nagpunta ng bangko si Deck eh. Wala tuloy ako makasama dito. Kumain pala ko kaninang umaga bago pumunta sa school sa Siomai House. Namiss ko chili garlic nila. Namiss ko rin naman bigla sina Tin and Bheng. Sina Rhitz and Barry. Si Jeffrey lalo na! Wah miss ko na kayo! Ano ba toh. Para na kong lango sa droga sa pakiramdam ko. Kanina may tingin pa ng tingin na lalake sa kin sa MRT. Ewan ko baket nagsmile ako dun sa lalake. Nagsmile back din naman. Shucks. Natakot ako. Binilisan ko bumaba nung station kasi baka bigla akong kausapin. Ano ba yan wala na ko sa sarili Mr. T! Sobrang init. Nawawala na naman earphones ko. Kailangan ko talaga ng earphones na permanent na nakalagay sa tenga. Isama mo na permanent eyeglasses. Hindi pa nagbubukas contacts ng phone ko. Shet. May mga itetext ako na hindi ko matext text ano ba toh. Simula nung nagbura ko ng mahigit 5000 messages (Simula Valentine's Day 2009) nung Sabado, ayaw na gumana nung contacts ko. Ano ba yan. Super antok na ko. Duling na duling na ko promise Mr. T! Tapos ginagawa pa kong emcee sa kasal ng pamangkin ni Salve! Ano ba yan? Gusto niya bang maging comedy bar yung kasal? Hello, tsk! Naiinis ako sa totoo lang. Tapos walang fee? Sayang talent ko ah. Kung may talent man! Hay Mr. T! Inuubos ko lang oras ko dito sa lab. Walang plurk dito grabe! Twitter lang! Pero salamat naman naaaaccess ko mga Diva Messageboards. Pwede na ko dun. Antok na talaga ko. Gusto ko na umuwi at matulog. Alam mo Mr. T!, siguro may magandang nadudulot rin pagiging taklesa ko, narerealize ng tao na may mga bagay bagay na mahalaga at importante. May narerealize sila tungkol sa tunay nilang ugali. Nakakatuwa. 

At para ito kung kanino man, ewan ko, siguro isa ka sa pinakabuting pusong tao na kilala ko. Kahit nawala na sayo ang lahat, magulang mo, mga kapatid mo, kamag-anak mo, at kahit tinraydor ka ng mahal mo --- grabe, ang positive pa rin ng outlook mo sa mundo. Naniwala ka pa rin na gaganda ang bukas. Naniniwala sa mga paniniwala ko. Hindi ka lang magandang tao sa panlabas, pati yung nasa loob mo maganda rin. Hindi tulad ng mga ibang taong nakilala ko na kala mo katapusan na ng mundo para sa kanila. Mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig, sa bukas, sa happy ending. Pero ikaw, you believe. You wear your heart on your sleeve. Madilim nakaraan mo. Mabigat. Nakakalungkot. Pero ang aliwalas mo kausap. Napapasmile ako dahil may mga tao pa palang tulad mo. Nakakatuwa. Sana lahat kagaya mo. It's not sugar coating sa mga bagay bagay na alam nating makakasakit at magiging mali, it's being positive. Nasasabi mo mga gusto mong sabihin. Pati nararamdaman mo sinasabi mo. Kahit yung nararamdaman mo para sa kin. Wear your heart on your sleeve sabi nga nung idiomatic expression. Akala ko lahat ng may madilim na nakaraan, madilim na rin ang pananaw sa hinaharap. Mali pala ko. Ikaw pala hindi. 

Ayan Mr. T! Nagtext na si Deck nasa UM na raw siya. Baka sa McDo na lang ako magLunch. Kagabi pala dun ako sa staff house nagDinner. May niluto kasi silang ulam. Hays... okay? Nauubos pera ko kakataxi! Sige sige. Update you soon.

Currently reading: Deck's text message
Currently feeling: groggy/antok/hilo
Posted by jjcobwebb on April 13, 2009 at 12:49 PM in Everyday Drama, School | Post a comment

Namiss ko magblog ng ganitong oras Mr. T! Ganitong oras lagi akong buhay na buhay na nagboblog dati. Naalala mo ba? Hahaha! Grabe, ang bilig ng panahon noh. Kanina kinuha ko na yung Application to Graduate ko. Tapos naiwan ko pa sa LRT2 J. Ruiz station yung papel nung pagkababa ko. Grabe nawala sa isip ko nalapag ko pala nung pagkabunot ko sa wallet ko nung ticket ko. Sobrang antok na siguro talaga ko kanina. Ayun, salamat naman tapos na ang JAPALA2. Tapos na ang pagiging estudyante ko Mr. T! Course cards na lang and graduation para maplantsa na lahat at puwede na kong mamuhay ng sarili ko. Ang bilis noh? Alam mo na dapat last year pa ko grad di ba? Pero siguro ganun talaga, may mga bagay bagay pa na pinatuto sa kin kaya pinatagal pa ng kaunti yung pagstay ko sa College. I've changed a lot simula nung pinaka una ko ng entry sa yo Mr. T! Mga nasa isip ng 18 years old. Mga gusto mangyari ng isang 18 years old. Abot kamay ko na siya Mr. T! Pwede ko ng abutin ang gawin mga nasa isip at pangarap ko not so long ago. Ganun talaga, nabubuhay tayo para matuto. Mga gusto natin makamit sa buhay hindi dadating ng sabay sabay at biglaan. Unti unti sabi nga. Siguro natatakot ako kung anong meron dun sa dako na yun. Makakarating ako dun. Isang araw. And masasabi ko, eto pala yung ANDITO. At magiging masaya ko. At makikita ko na lahat ng ginagawa ko para makarating sa lugar na hindi ko alam ay sapat lamang.

18 years old ako nung nagsimula akong magblog, looking back sa mga entries ko, maraming nakakatuwang moments and super memorable moments. Mga nakakaaliw and mga sobrang natatawa-ko-mag-isa moments. 24 na ko this year. Halos 6 years na yung nakalipas. Ayoko naman ievaluate yung sarili ko kung ano na ang pinagkaiba simula ng natuto akong ipahayag ang nararamdaman ko online. Sa blog ko. Let's just say na napakachildish ko mag-isip dati. Sobra. Binabasa ko mga entries ko bandang 2004- early 2005, sobrang iba yung Jacob na nakikita ko dun. Natutuwa ako sa kanya. Siya yung Jacob na inosente. Masayahin, walang pake. Mahal na mahal mga tao sa paligid niya. Pero childish pa rin. Ewan ko Mr. T! Hindi ko naman masabi na hanggang ngayon eh childish ako. Siguro, I like acting like a kid now and and then, maglambing lambing. Mangulit. Mang-asar. Pero siguro hindi yung pagkachildish. Ayoko lang mawala yung side ko na yun. Alam ko na bawat tao eh child-at-heart. Pero OA kung laging ganun dahil kung hindi na sila nag-aact ng age nila, ayun na ang isip-bata. Immature. Pero hindi ko rin naman masabi na mature ako. I've always been carefree all my life. Na-outgrew ko na siguro. As well as being optimistic and lively. Ayun ang mga traits ng pagkatao ko na ayaw ko mawala. Meron din namang mga bagay na gusto kong iwasan sa ugali ko. Pagiging lazy, late, sobrang taklesa at sobrang selfish. Pero minsan iniisip ko, hindi naman siguro talaga ko selfish. I just choose the people I want to share and spend my time with. And for the past months I've been spending my time all for myself. And I don't wanna get over myself siguro muna. Kailangan ng sarili ko ang oras ko. Makes sense ba Mr. T!?

As to being gay and expressing every gayness on this blog. Shucks, para kong nagpapaalam sa yo Mr. T! Pero nope, this is not goodbye ha! Ayun nga, as to being gay ulit, 18 was a ride for me. Sinabayan ko ata masyado yung The Emancipation of Mimi. Haha! Pero marami akong natutunan sa emancipation ko na yun Mr. T! I just don't wanna return to that place again. Siguro, naisip ko lang naman, malaki ang mundo. I've had my shares on just about every gay networking site on the internet, simulan sa Pic-Link, Faceparty, Fabuloush, Downelink, Guys4Men, ManJam, Lifeout, DLink (iba toh from Downe!), isama mo pa and DudesNude (never ako nagkaaccount jan). Mga panahon na yan, ang liit sobra ng mundo ko. Kala ko lahat ng tao bakla na. Kala ko lahat ng nakikita bakla na rin. Kala ko kailangang maging maayos ang itsura ko para magkagusto sa kin ang isang tao. Pero hindi lahat ng konseptong nakuha sa mundo na yan eh lahat tama. Kala ko dahil bading ako kailangan umikot mundo ko sa mundo ng mga bakla. Akala ko porket maraming nagliligaw sa kin eh mahal na nila ko. Pero hindi. It's a fake world. Marami akong nakilala. Pero onti lang ang nagtagal. Mas marami pa kong naging kaibigang bading from friend's friend. Ang hirap malaman kung sino ang totoo. Sino ang nagsasabi ng totoo. Pero dati yun, natutunan ko na ang aking lessons. Na hindi lahat ng nakatayo tayo ang buhok ay bading, na hindi lahat ng may gf ay straight, na hindi lahat ng pogi sa picture ay pogi na rin sa personal. Na mahirap maghanap ng pag-ibig sa lugar kung san ay naghahanap din ng pag-ibig. And tulad nga ng sinabi ko kay Deck kanina, I've had enough. Minsan siguro kaya wala sa lugar mga nasasabi ko sa isang tao, kasi nakita ko na ganun yung mundo na yun. Kung minsan nakakasakit siguro yung mga sinasabi ko or feeling ng iba ganun talaga tingin ko sa kanila, the gay world taught me howto become one. One becomes numb from all the gay madness na lang talaga siguro. But I still love being gay.

Puwede kong maging bading na hindi umiikot ang mundo ko sa mga bading din. Sobrang laki ng mundo. Sobrang daming tao. Pero noh, I still wonder, how do you find the ONE? Hays... sana yung nakasalubong ko sa lobby nung Sofitel eh siya na yung THE ONE. Hahaha! Okay nagpapatawa na ko. And kung tinatanong mo ko Mr. T! kung nagsisisi ako sa lahat ng mga dinump kong kabadingan, ang sagot ko ay NO. Wala akong pinagsisisihan. Maramdaman ko naman ulit yang love love na yan. Dadating yan. Baka ako pa makahanap. Kung meron, meron. Kung wala, eh di wala. Makikinig na lang ako sa mga kuwento ng pag-ibig para may source ako ng kilig. Hahaha!

Mr. T!, nung isang araw, natutunan ko na hindi lahat ng bagay na akala mo na ikaw lang may alam ay hindi na malalaman ng iba. Tulad na lang nung 2 pharmacists sa OsMak na grad ng CEU na pinag-uusapan mga Mr. CEU nila noon at may nabanggit sila na ganito...

"Meron dati yung sobrang galing sumayaw. Nanalo rin Mr. Talent. Kamukha sobra ni Jericho. Moreno, matangkad ang arms pa lang ulam na! NagPhantom of the Opera din dati yun sa school..."

Pumalakpak tenga ko. So nakinig pa ko ng mabuti hanggang sa dumating sa issue na bakla raw yung guy na yun...

"Kaso, may bali-balita na nakita raw yun sa Starbucks 6750 mga madaling araw nun may kadate na lalake. Siguro totoo yung chismis na bading yun..."

WTF lang Mr. T! di ba? Parang gusto ko na talaga sumabat sa usapan nung dalawang pharmacists! Parang ako "HUH? Mr. CEU? Jericho? Phantom of the Opera? Strarbucks 6750? Madaling araw?". Parang gusto ko isigaw na kilala ko yun. May nakakita pala sa amin nun Mr. T! At naging chismis daw talaga yun sa school nila. Siya yun Mr. T! Sobrang nawala yung antok ko nung isang araw nung narinig ko yung kwentuhan na yun. Grabe ang liit ng mundo. Baket ganun? Minsan hinahaunt ka pa rin ng nakaraan mo. And iisipin mo na it should have been better.

Grabe ang haba na ng entry ko na toh. Wala ng sense Mr. T! Sige tatapusin ko na to sa pamamagitan ng mga kuwento kanina sa school...

Nakasabay ko pababa si Emman sa elevator sa Yuchengco. Grabe, siya yung inadd ko dati sa Multiply Mr. T! Crush ko siya nung 3rd year ako! Hahaha! Tapos, si Angelica kasama si Ian sa KFC dun sila naglunch. Si Deck kasama ko kami sa McDo. Then pumasok OUR. Then nagpunta sa Gox para kitain nina Deck si Carmz. Grabe nakatulog ako sa bench. Then si Ikee, nagtext. Oo Mr. T! Siya yung frosh na kulit ng kulit sa kin at gusto makipagdate!

"Uy, ang gwapo mo. Nakita kita sa Gox kanina. Snob ka pa rin!"

"Heller, di ka naman naghello sa kin noh.  Hindi kita nakita..."

Basta nagtuloy tuloy text namin hanggang dapat sabay kami sa LRT2 pero tumagal ako sa thesis room. Okay wala si Mark sa thesis room okay? Kaya tumagal ako dun. Kasi kung andun siya malamang hindi ako pupunta dun. Then nagpatulong kay Sats sa JAPALA2. Then umuwi na rin ako. And sobrang namesmerized talaga ko sa nakita ko pagbaba ng LRT2. At nakaRED siya. Haha!

So yun Mr. T! Weird ng entry ko na toh. May emote sa taas tapos may masasayang kwento pagtapos. Pero ganun naman talaga. Some things you keep to yourself. Yung iba dapat ishare. Misan dapat din nagrereflect, minsan dapat parang wala lang. Para naman mapreserve ang sanity di ba? Tulad ng sabi ko dati, mahirap kung isa lang ang side lagi ng pagkatao ng isang tao. Baka mabaliw siya. Anyways, narealize ko, ang sarap pa rin magsulat. At parang kahit walang flow tong entry na toh. Masaya ko dahil nakapaglabas na namana ko ng mga gusto kong sabihin. Update you soon Mr. T!

3:57 A. M

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 14, 2009 at 03:57 AM in Everyday Drama | Post a comment

Una sa lahat, cellphone ko gamit ko para iupdate ka Mr. T! Sweet noh? Miss ko na talaga kasi magkuwento eh. And namiss ko toh! Nag-uupdate gamit ang phone ko!

Habang nagkukuwentuhan kami ng mga assistants and ng pharmacists dito sa OsMak kanina, marami akong naalala na mga sinabi ng bawat isa habang nagkukuwentuhan. Marami kaming napagusapan and isa na dito eh tungkol sa love. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kuwento kanina. And share ko lang mga sinabi nila na tumatak sa utak ko.

"Hindi porket special treatment ng isang tao sa yo eh gusto ka na niya. Mas madalas gusto niya lang company mo..."

"Kung gusto ka talaga ng isang tao, hindi na niya patatagalin na nakikita kang nahihirapan kamamahal sa kanya. Kung mahal ka rin niya talaga, walang ibang oras kung hindi now"

"'Mahal mo ba siya? Kasi mahal na kita. Lalayuan ko na kayong dalawa kung siya talaga mahal mo.' sinabi ko na yun para wala ng gamitan..."

"Ginawa ka lang nung panakip butas..."

"Hindi talaga maiiwasang maattract sa iba. Yun nga ang challenge ng isang relasyon eh..."

"Kasi mas okay talaga kung kaibigan mo na talaga magiging karelasyon mo eh. Alam mo na ayaw ng isa't isa. Madaling iwasan mga bagay na hindi pagkakasunduan. Pero pag may nakilala ka tapos nagkakasundo kayo sa hindi niyo napapagkasunduan nung kaibigan mo, masusubok din pagkamatapat mo..."

"Never kaming nagsex ng girlfriend ko pero we lasted 6 years"

"Walang tatalo pag naging karelasyon mo talaga best friend mo dahil kabisado niyo na ang isa't isa"

"Alam mo Jacob, tingin ko sa yo ang dami mong pagmamahal na kaya ibigay para sa isang tao..."

"Gusto ka niya pero may hinihintay siyang iba..."

Ipon na ipon na siguro kasi Mr. T! Mabibigay ko rin toh isang araw. Mashashare ko rin sarili ko sa kanya. Nafeel ko tuloy na may kulang pa rin sa buhay ko. All I need is a cue. May halaga pa kaya ako? Anyways, nagshopping ako Glorietta bago magduty. Pero nasa ACC ako bago pumunta dun kasi may pinadala si Ate. Then pinaayos na din ngipin ko dito sa dentista sa Pembo. Sobrang wala na kong time pumunta ng North Greenhills eh. Dito na lang sa malapit sa OsMak. Mahal magpaayos ng ngipin grabe. So yun Mr. T! Update you soon. Nakapag-update ako kasi kanina pa toxic. Ngayon di na. Sige.

Currently reading: mga resibo dito sa OsMak
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 15, 2009 at 04:46 AM in Everyday Drama, Drugstore | Post a comment

Hahaha... sabi ni Tom dapat yan title ng entry ko ngayon. Actually dapat kahapon yan kaso tinago ng nanay ko yung laptop ko. Grabe, hindi ko alam pero tinamaan na naman ng pagkamaldita nanay ko. Ang gulo gulo raw kasi ng wiring nabwisit siya. Grabe ano ba yan. Buti na lang may mga laptop kapatid ko. Kasi ang liliit. Hindi magkasya mga daliri ko sa keyboards na toh ngayon. Wala pang Windows Writer kaya hirap maglagay ng pictures ngayon! Wah! Anyways simulan ko na ang kwento...

Yung kanina lang, galing akong Greenhills dahil gustong gusto ko talaga bilhin yung Bluetooth headset ng Nokia. Nabili ko naman. Pero pumunta muna ko Nokia Care Center. May tinanong lang. Dumaan pala muna ako ng bagko para magtanim ng kayamanan! Hahaha! Talagang kayamanan! Then eto naguupdate na sa yo Mr. T!

Anyways, after kong umuwi galing sa OsMak kahapon, kinuha ko na sa bahay yung pera ko at magbabayad na ko nung grad fee ko. Si Tom yun sinama ko since 5AM nagtext siya nagtatanong pinakamagandang way papuntang RCBC dahil may panonoorin yata siya dun. Ayun, tinanong ko na rin siya kung gusto niya ko samahan sa DLSU since pwede naman siyang pumasok kasi may Alumni Card naman siya. Pumayag siya. Dapat siya magpapasama sa Greenhills eh, kaso ewan ko ayaw na raw muna niya bumili ng phone. So ako nagpasama. Around 10AM plus, nagtext siya nasa D. Jose na siya, and ako nasa footbridge na. Tamang tama! So sa D. Jose kami nagkita. Super summer outfit ni Tom. Ahahaha... tapos yun. Nagtrain na then dumiretso na sa DLSU. Nagbayad na ko nung fee then tinour tour ko si Tom. Pumunta kami sa building namin. Sa thesis room, may papakita sana ko kay Tom sa thesis room pero si Beck naabutan ko na nandun. So nag-usap muna kami ni Beck. Then yun, ikot ikot then naisipan na umupo muna sa Conserve.

Siyempre conserve yun, so picture picture muna kami ni Tom. Sabi ko maganda lighting dun! So picture picture kami. Tagal na rin kami nagpicture picture ni Tom. Siguro 2007 pa! And tagal na rin naman nagkita. Nung January 3 this year pa. So yun. Kwentuhan, catch up mga stories and tawanan ng tawanan na parang kami lang tao sa conserve. Then may nagtanong kung taken na raw yung seat sa tabi namin ni Tom, sabi ko wala. Siyempre stalker ako, ayan, may picture siya dito. Si Carl pala siya. Wahahaha... Tom ang landi natin! Hahahaha...

Daming out takes. Pare parehas lang naman itsura. Pero parang ang cute ko sa mga pictures! Hahaha! Joke lang Mr. T! Di ka naman mabiro! Hahaha! Ayun, papakilala ko sana si Tom kay Luis kaso wala pa sa school si Luis. So nagdecide na kumain na lang kami ni Tom. Sobrang gusto ko kumain sa Jollibee kasi since ewan pa ko last nakakain dun. So dun kami kumain. Then yun, napagkwentuhan namin mga kaEB ni Tom. Hahaha! Puros si Tom nagkwento. Ako naman kasi walang makwento dahil susme, sabi nga ni Tom sobrang tagal na ng last EB ko. Hahaha. Pero sabi ko nga kay Tom, siguro sawa na rin talaga ko. Nakakapagod na. then tawanan ng tawanan. Then mga kwentong amin amin lang then ayun. Si Luis di na talaga makakahabol then sabi ni Tom kailangan niya ng umalis since yung mga kaibigan niya hinihintay na siya sa Makati. Dapat sasama ko sa kanila pero may bibilhin talaga ako sa Greenhills and sobrang antok na rin ako. Then yun,  nagLRT then MRT kami ni Tom. Sa Ayala siya bumaba and ako sa Santolan nilakad papuntang Greenhills. ANG INIT PUTA! SOBRA! Nagulat pa ko pinangalanan ni Tom yung lalake sa MRT na James! O di ba ang saya saya! Naalala ko yung sinabi ni Tom:

"What if noh, una nating pagkikita SEB?"

Oo nga noh? Malamang hindi kami friends. At malamang talaga hindi mangyayari yun dahil wholesome na ko nung 2007 Mr. T! It's nice na almost 2 years na rin kaming friends ni Tom.

Pinaalala ni Tom sa kin sinabi ko kay Carlo nung nagBed kami kasama rin si Chris. Sobrang hindi raw makalimutan ni Tom sinabi ko kay Carlo...

"Oi ano Carlo, nakahanap ka na ng lalake mo?"

"Hindi pa nga eh. Ang hirap maghanap..."

"Ang tagal mo naman maghanap! Ang dali dali lang eh! Hahaha..."

""Sinusuyod ko kasi silang mabuti eh..."

"Wow, ano sila kuto?"

Ayun, naalala ko nga na humirit ako nung kuto. Hindi raw makalimutan yun ni Tom. Ako rin, natawa naman sa sinabi ko. Naloloka ko minsan sa sarili ko ano ba toh Mr. T! Hahahaha!

Then natulog ako. Pagkagising ko, yung taong papakita ko dapat kay Tom sa thesis room ay nagtext...

"Nakita kita sa LRT. Pababa ako and ikaw pasakay na. Sayang naman di tayo nagkasabay sa school..."

Parang ako. Okay shet. Sayang. Sana nakita ka nung friend ko. Hahaha! Pero kebs lang. In good terms naman kami ni Mark. Mabait siya sa kin tulad ng dati. Ako lang talaga lumalayo. Hahaha! Ganda ko kasi eh noh? Sarap talaga patayin ng sarili ko! Hahaha! Then yun, nung gabi nagdeliver ng gamot sa NCO sa ABC-CBN then nakita ko si James dun. Hindi yung sa MRT ha. James na kaibigan ko. Dun pala nagtatrabaho. Then pinasabay na namin siya ni Mama sa van then binaba na lang sa may sakayan niya. Then, super late natanggap ni Ritz reply ko nung nagtext sila na aalis. Wow, naghiwahiwalay na sila nung nagreply si Ritz na nasa Serendra sila. Hays, sabi ko pwede pa naman ako lumabas kahit 1AM na. Kaso nga lang, hindi na sila magkakasama. So ayun, sa may Goto Pares na lang ako kumain dito malapit sa min! Ang sarap ng Binalot dun!

Nakakapagod magtype dito sa laptop na toh Mr. T! Pero tignan mo naman inupdate pa rin kita inspite of ha. Hahaha! Lab na lab kita eh. Hahaha! Sige sige update you soon. May pasok na naman ako mamaya sa OsMak. At nakakahiya ako sa bus kanina, ang lakas ng tawa ko nung si Wally nagpapatawa sa Eat Bulaga. Kaasar. Pero natatawa rin naman yung iba sa palabas. Malakas lang talaga tawa ko.

Currently listening to: I Hate This Part by PCD
Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on April 16, 2009 at 04:11 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, School, Drugstore | 1 comment(s)

Wow parang pangbold lang yung title ko. Ang init kasi eh tapos biglang umulan. Wala pa namang aircon kwarto ko. Kaninang tanghali kahit super antok na ko hindi ako nakatulog. Matulog kaya ako sa kwarto ni Bruno? Nasa gimmick pa naman siya eh. Dito siya sa kwarto ko matulog! Palit kaya? Kaso feeling ko palilipatin ako nun dahil may aircon siya at ako wala. At mainit sa kwarto ko. Pero gusto ko pag humid ang panahon, okay rin vocal chords ko. May ganun? Haha!

Anyways, kagagaling lang namin ng Police Station ni Mama ngayon ngayon lang. Hahaha! Kaya mga nagmemessage sa YM sa kin hindi ko nareplyan. Anyways, kwento muna sa nangyari kahapon…

Sa staff house pala ako kumain ng dinner kahapon. Lagi nila kong iniinvite dun. Ang sarap ng ulam ni Katrina, pharmacist din. Haha!  Ayun, nakakaaliw dahil nakakita ko ng mga artista kahapon sa OsMak sa ACC. Madalas kasi talaga may shooting dun. Tumawag kahapon si Dianne, pharmacist sa ACC, sa Pembo, na may shooting raw sa ACC. It went like this…

“Uy Jacob, may shooting dito. Andito sina Regine and Robin and marami pang artista…”

“Talaga? Naku duty ako dito sa Pembo. Ahhh… anong mga out-of-stock niyo diyan. Idedeliver ko ngayon na! Hahaha!”

So yun, sabi ni Ate ideliver ko raw. Nagpaalam ako take note! Then yun, nakita ko si Robin Padilla. Yung ibang actors di ko kilala names eh pero sobrang namumukhaan ko sila. Sila mga cast ng Totoy Bato sa GMA. Tapos si Regine di ko nakita. Nakakulong sa isang kwarto. Si Robin Padilla naman ikot ng ikot lakad ng lakad. So si Dianne, nung dumaan si Robin sa pharmacy sabi…

_^götchä^_(024)“Robin, papicture daw sila…”

Kasama ko si Pearl pala kahapon. Pharmacist din pero off-duty pero tumutulong sa Pembo since malapit lang house niya dun. Ayun, sabi ni Robin…

“O sige, papasok ako diyan sa pharmacy…”

Hala. Pumasok nga. Kabilin-bilinan ni Ate wag magpapapicture sa mga artista dun sa hospital. Sinabi namin yun kay Robin na bawal kami magpapicture. Pero pumasok pa talaga sa pinakaloob ng pharmacy si Robin. Then yun, katangahan ko di ko nadala phone ko! So yung phone ni Jerry, PA, ang ginamit. Sana malinaw ang picture Mr. T! Hahaha! Shet ang jologs ko. Pero sobrang bait ni Robin Padilla. Kahit di ko nakita si Regine okay lang. Last year naman ako pa nagserve ng food niya nung thesis nina Karol. Wahaha! Aylavet! Okay lang yan, kapatid ko nung isang araw may pic sila ni Ely Buendia eh! Ako naman! Hahaha! Pero kahit di ako fan, artista din toh! Hahaha!

Then yun, bumalik na rin ako sa Pembo at nag-ayos ng mga unit dose.

Ngayon ngayon lang, galing kami sa Police Station ng nanay ko. Kasi yung pinsan ko. Ganun lagi kalakaran Mr. T! Nanay ko kasi maraming kilalang makapangyarihang opisyal dito sa San Juan. Basta basta, nakipag-awaya kasi yung pinsan ko. So siyempre okay na dahil chinika lang ng nanay ko yung mga police. Haha! Habang pauwi, sabi ko kay mama…

“Ma, magcounsellor kaya ako sa San Juan?”

“Ay naku anak, for sure panalo ka na! Hahaha!”

O di ba? Parang gaga lang nanay ko! Kung hindi ba naman bongga nanay ko eh baket siya pinatawag ni Jinggoy Estrada noon? Pinapaanib siya sa kanila. Wahaha! Bonggang bonggang ina! Parang sarap tuloy magpolitika! Hahaha! Sige wala ng sayasay tong blog ko tatapusin ko na.

Update you soon Mr. T! Sige sige! Mwah!

Currently reading: Nanay Jong's blog
Currently feeling: init na init
Posted by jjcobwebb on April 18, 2009 at 12:49 AM in Everyday Drama, Updates, Family, Drugstore | 5 comment(s)

Hindi ko nilalahat ng bakla. Ayaw ko lahatin lahat ng bakla. Pero sa panahon ngayon, sino na lang puwedeng pagkatiwalaan? Ang hirap. Kaya hanggang ngayon, wala pa rin akong nagiging karelasyon. Wala pa rin akong taong lubos na pinagkakatiwalaan, except yung taong sobra akong pinagkakatiwalaan. At alam mo kung sino ka. Siguro Mr. T!, mahirap talaga...

Una, mga gay networking sites. Base sa aking mga experience. Halos 3/4 ng mga nakameet kong tao dun eh may mga karelasyon na. Hindi nila sasabihin na may karelasyon na sila unless itanong mo or sa iba mo pa malaman. May iba naman give away na talaga. Nakalagay na sa status nila na "In A Relationship" sila, or minsan kung in love na in love eh "Married" na. Laging may temptations sa totoo lang. Madaling maattract physically. Kahit ako walang laban dun. Pero baket kung "Married" or "In A Relationship" na ang status ng isang bading eh nakabalandra pa rin ang profile niya sa mga ganyang sites? I have nothing against gay-networking sites. Marami siyang benefits sa totoo lang pero baket yung iba, di makali? Para ipag-sigawan sa mundo na may karelasyon sila? Para patunayan na hindi mababali trust ng karelasyon nila sa kanila? Para "plainly" makipagkaibigan lang sa iba? Pero san hahantong yung pagkakaibigan na yun kung sapat na ang rami ng bading mong kaibigan at may karelasyon ka pa? Nagtataka lang naman. Sabi nga ng isa kong kaibigan, okay lang naman daw na makipageyeball eyeball siya sa ibang lalake. Walang kaso sa kanya yun. Hindi naman niya sinasabi sa karelasyon niya na nakikipageyeball siya eh. So ako, parang, okay, sablay na siya agad sa statement niya na yun. Plus the fact na niyaya niya ko makipagsex nung bago kami nagkakilala. At nagtatanong ako ngayon, cheating ba pag nakipageyeball ka sa iba kahit may karelasyon ka na? Kahit di ka naman nagsinungaling dahil may rason ka na hindi mo naman sinabi so hindi ka nagsinungaling? Baket may mga ganitong bading? Pare-parehas ba lahat?

Sunod, bars. Gay bars, gay clubs, gay places. It's everywhere. Malate, sa North, sa Makati Ave, kahit sa Morato meron din. Nakakahanap ka ba ng totoong tao sa ganung lugar. Aminin ko man or hindi, mga ganitong lugar ang takbuhan when somebody wants to have fun. Kesyo sa pinakamalinis na fun hanggang sa pinakamadumi. Ihalintulad ko sa pag sing-along hanggang sa pag-oorgy. They're both fun. Pumupunta dun sa mga lugar na yun para magsaya. Pero, nakakahanap nga ba talaga ng tunay na pag-ibig sa ganung lugar? Nakapunta na ko sa mga ganung lugar and aaminin ko, may nakahalikan na ko, naka-one night stand, naka"dukutan", make out. Pero pagtapos ng lahat ng yun ano? Magbibigay ako ng pekeng mobile number and sasabihin na yung sim card ko na yun nasa bahay naiwan and dala ko yung iba kong sim card? How do you trust those people you had "fun" with? Ganun din sila sa kin malamang --- "How can they trust me?" eh kung nakipagharutan din ako sa kanila buong gabi-umaga. Often din, mga nakakausap ko sa ganung lugar eh kesyo naghahanap ng pag-ibig, naghahanap ng kasex, naghahanap ng magiging future karelasyon, or naghahanap ng "kaibigan".

Kadalasan din mga bigo nakakausap ko. Pero baket sa ganung lugar, may mga taong may karelasyon na eh naglalandi pa rin? May isa kong kaibigan na malayo yung karelasyon niya sa place niya. Madalang sila magkita. Mga once a week. Pero come Saturday night, para siyang single lagi. Parang walang obligasyon. Walang commitment. Walang paki sa mararamdaman ng karelasyon niya pag nalaman na nakikipaglandian siya kung kani-kanino linggo linggo. Pero despite niyan, kaibigan ko pa rin siya. Ayoko manghusga nga tao. Basta mabait sila sa kin, okay sila. Wag lang nila kong aawayin dahil magiging impyerno buhay nila. Minsan hanga ko sa isang kaibigan ko, isang matagal ng kaibigan na nakilala ko sa internet, kasi nung nagpunta kami sa ganitong mga lugar, sobrang dali para sa kanya makakuha na lalake! As in, naalala ko sinabi niya sa kin --- "You see that guy Jacob? I'll make him have sex with me later". Poof! Nakuha niya ang number, pangalan, tirahan at kung ano ano pa ng wala pang 5 minuto! Oo, hot yung kaibigan ko na toh. So naisip ko, the gay life is a masquerade.

Pero balik tayo Mr. T!, paano na lang yung mga bading na laging nasa bahay nila? How do you find them? Mga bading na ayaw sa ganung lugar? San mo sila hahalughugin? Marami akong kilalang home-based gay guys and sa totoo lang, sobrang attracted ako sa ganung tao dahil ako yung kabaligtran nila. Back to those gay places, nakakahanap ba talaga ng tunay na pag-ibig sa ganung lugar? Ayoko sasgutin dahil maququote na naman ako as nagmamalinis or kung anu-ano pa. In time baka masagot ko...

Panghuli yung mga taong nangingindat sa MRT. Sa Gateway. Sa mga kung san san! Hello baket kayo nangingindat at nagssmile sa hindi niyo kilala? Eto ang pinakamababang uri para sa kin, ng ka-cheapan. Parang ako, hello, kuya, may internet na, pwede ka magcruise online. May mga gay bars din mas madali magcruise. Mababang uri ng kacheapan. Cheap cheap cheap. Sama mo pa mga numbers ng gusto makipagsex sa CR at kung anu anu pa. Cheap. Cheap. Cheap. Dito lang ako sigurado na sa ganyang ka eklavarvahan eh wala talagang mabubuong magandang relasyon. Cheapness to the next level...

Alam mo Mr. T!, maraming tao sa mundo. Maraming lalake sa mundo. Everyday, tuwing naglalakad ako sa MRT, sa Jeep, sa Makati, sa ospital, napapagtanto ko, napakalaki ng mundo. Sa laki nito, paano mo matatagpuan yung taong nilaan para sa yo. Yung kukumpleto sa pagkatao mo? Eh paano kung nakumpleto ka na pero may mas nagkumpleto pa? How do you about that? Paano ba magtiwala? Paano magbigay ng tiwala? Nagtataka ko kung baket may mga nagtatagal na relasyon na umiikot mismo sa kasinungalingaan at pagkukunwari. Paano nga ba nagtatagal ang isang relasyon? Pero ang tunay na tanong ko Mr. T!, "Bakla ba talaga si Piolo?". Hahaha! Seriously, "Paano ba magmahal habang naghihintay?". Parang pagod na ko eh...

Currently listening to: Halo by Beyonce
Currently feeling: indifferent
Posted by jjcobwebb on April 18, 2009 at 02:38 AM in Everyday Drama, Gayness | 5 comment(s)

Natunaw ako sa sinabi sa kin na toh...

"You deserve to be happy not in the arms of a man who keeps you waiting but in the arms of someone who will take you now and love you forever..."

Totoo nga naman di ba Mr. T? May decimal point siya dun. Ayoko ng commas and ellipsis. Gusto ko ng period. Gusto ko ng tuldok. Dahil tuldok lang puwede makapagbago sa lahat ng nangyayari at nararamdaman kong toh...

Currently reading: Aldrich's YM Window/ Facebook Window
Currently feeling: init na init / namamawis kili-kili. Haha!
Posted by jjcobwebb on April 18, 2009 at 02:34 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

Good morning Mr. T! Hilo hilo ko ngayon. Salamat na naman sa alcohol…

Anyways, minsan walang sense kausap ko kapatid ko. Pero kahit walang sense pinag-uusapan namin, nakakatuwa naman. Hahaha!

Eto usapan namin ngayon ngayon lang…

convo

Toinkz! Ang walang kwenta ng usapan grabe. Hahaha! Pero masaya. Marami akong kwento Mr. T! Pero hindi ko alam kung ipupublic or private ko. Mamaya ko na lang pagpapasyahan. Update mamaya…

Currently watching: Wowowee on Youtube
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on April 19, 2009 at 11:39 AM in Everyday Drama, Randomness, Family | Post a comment

Kauuwi ko lang Mr. T! Oo wala pa kong tulog. Galing akong OsMak. Pero nagMall tour muna ko bago dumirecho sa bahay. Megamall, Galleria and Greenhills. May hinahanap kasi akong laruan na gusto kong bilhin. Wala sa Toy Kingdom, wala rin sa Toys R Us. Grabe, ayun, wala akong napala. Last stop ko yung Greenhills. Kumain ako ng taco and nag-iced tea sa Kamico. Anyways, nag-eemote ako habang naglalakad. Na sana may jowa kong kasamang naglalakad kanina. Tapos may nakasalubong akong 2 lalakeng hot hot-an. Magka-akbay. So ako kala ko friends lang sila. Pero naamoy ko na malansa na sila. Malaki katawan. Matangkad at mukhang gym buddies. So parang nakuha lang nila attention ko dahil stand out talaga itsura nila. So tumuloy ako ng lakad. Umikot ikot muna then nagtungo sa Theater Mall. Nung nasa Theater Mall na ko para bumili ng iced tea, pagkatalikod ko, nakita ko yung dalawang lalakeng nakasalubong ko sa Shoppesville. Kumakain magkatabi. Kala mo yun lang Mr. T!? Aba aba, SINUSUBUAN NG KUTSARA nung isang guy yung isang guy. Basta ganun. Ako, napatigil talaga ang nanlaki ang mata. Binagalan ko lakad ko at sinigurado kong totoo yung nakita ko. Totoo nga.

Parang nung oras na yun, nang-aasar ang tadhana sa kin. Andun ako naglalakad mag-isa. Tapos nagwiwish na sana may jowa kong kasama. Tapos ganun makikita ko? Nagsmile na lang ako ang nagpatuloy sa paglalakad Mr. T! Oo, masarap magmall mag-isa. Hawak mo oras and san ka pupunta. Pero mas okay yung may taong kasabay ka sa paglakad lakad, pagpili pili? Minsan nasasawa na kong mag-isa. Hindi naman ako nanghihingi ng bonggang bonggang jowa, yung mahal ko lang naman at mahal din ako ang hinihiling ko. Baket ang hirap hirap magkaroon? Ayoko na ng laging nag-iisa... :( Mahal ko siya, mahal niya iba. Eh paano na lang talaga yun di ba? Baket ang komplikado ng lahat? And kung nag-eexpect lagi ako ng worst sa mga tao, hindi ibig sabihin na ganun na ang tingin ko sa buo nilang pagkatao. Depensa ko yun para hindi ako lalong masaktan sa mga bagay bagay. Dahil kung puros positive ang papansinin ko sa isang tao tapos hindi naman nakamit yun, napakasakit na pagbagsak yun. Human nature ang nageexpect ka ng worst dahil kailangan mo rin protektahan ang sarili mo sa sakit at mga paparating na sakit. Ang gusto ko lang ngayon, kasagutan...

Tulog muna ko...

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on April 20, 2009 at 03:12 PM in Everyday Drama, Malling | 3 comment(s)

Ayaw ko muna maglagay ng words sa entry na toh. Baka may masulat akong hindi kanais-nais...

huh 19042009025
19042009034 19042009033
19042009041 19042009044
19042009048 20042009052

Yan na lang muna Mr. T! Update you soon. Or pag okay na ko…

Grabe…

Currently listening to: I Do Not Hook Up by Kelly Clarkson
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: sweaty
Posted by jjcobwebb on April 21, 2009 at 04:24 PM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family | 2 comment(s)

“Muling naghahanap ng makakausap. Heto naman ako, nakikinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang. Nagtitiis kahit nasasaktan…”

Naaalala ko super last year, January ata, last kong kinanta yan sa videoke with Tin, Aubs and Jeffrey pa nun sa Providence. Grabe, bigla lang bumalik yung mga memories nung oras na yun kanina pagkagising ko. Grabe kinakanta ko pa rin siya hanggang ngayon deep inside.

Ang likot nung lalaking katabi ko sa MRT kanina. Hindi ko alam kung mandurukot siya or gusto niya mahawakan katawan ko. Feeling! Hahaha! Basta galaw siya ng galaw sa likod ko. Nakakaintriga baket gumagalaw. Tapos kaninang umaga, ang bango nung nurse na lalake na kumuha ng gamot sa pharmacry. Sana amoy na lang siya. Haha! Tapos may nakita kong naumpog sa MRT na lalake. Grabe, hindi ko napigilan, natawa ko ng sobrang lakas. Haha! Tumingin sa kin yung lalake at natawa rin. Labo. Haha!

May problema yung isa kong kaibigan. Hindi ko alam kung paano solusyunan. Dahil never pa siya nagkaproblema ng ganun dati and sa kin siya lumalapit. Ewan ko kung ano ang nangyari. Ayaw niya sabihin eh. Pero may kutob ako, drug-related. Amf! Seryoso ko…

Maulan na Mr. T! Tag-ulan na ata. Paano na lang pangarap kong magbeach! Haha! Wala pa kong natitikmang beach ngayong summer. Huling summer ko pa naman bilang estudyante. Baket ganito. Sana Eternal Summer na lang. Wow parang gay film lang. Haha!

Naalala ko lang yung sinabi sa kin ni Luis nung nasa lab kami at binabasa ko mga review tungkol sa N97:

Jacob : Sobrang ganda talaga nito Luis grabe…
Luis    : Kanina mo pa sinasabi! Sige ka, baka lumabas yan sa screen…
Jacob : Hahaha! Wish!

Miss ko na rin si Luis Mr. T! Hahay! Anyways, hindi ako cleared sa MyLasalle Account ko. Weird, kailangan ko pa raw magpamedical ulit. Wow, ayan na naman yung ulan. Ang lakas nafefeel ko powers niya sa bubong!

Ganda nung version ng Dance With My Father ni Tamyra Gray. Ngayon ko lang narinig. Pero ang iksi eh. Hindi kagaya kay Luther Vandross. Pero maganda maganda.

Ay si Mam Violy kahapon dumating sa pharmary. Bumisita. Nakakatakot siya Mr. T! Basta, para siyang matapang na Math teacher! Grabe! Pinagalitan pa si Warren. Nakakatakot.

Alam mo Mr. T! Dahil sa mga empleyado ni Ate, marami akong natutunana tungkol sa buhay. Hindi puros karangyaan at pagpapakasasa lang ang nalalaman ko sa kanila. Galing sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at tinataguyod nila mga sarili nila dito sa Manila. Nabibilib ako sa kanila. One time iboblog ko sila…

Gamitan. Ano ba yung GAMITAN? Napapaisip pa rin ako sa binigay na meaning sa kin. Ang alam kon GAMITAN eh yung gamitan lang ng katawan eh,

At habang kausap ko ang aking pinakamamahal na friend, para lang kaming nagagaguhan…

Wow, may picture kayong magkasama ulit! Uuuyy….”

“Wala yun ano ka ba!”

“Ahhh… wala ka na talagang chance…”

“Eh di sana kung andito ka ikaw yang kasama ko sa pic! Wahaha! Yikeee…”

Baliw akong friend. Alam ng mga friends ko yan. Hahaha! At magkikita kami nina Barry and Rhitz mamaya after 1M years! Hahaha! Wala na kong pera! Yay! Hahaha!

Share ko lang yung theme ng phone ko. Never akong natuwa sa isang theme ng cellphone. Pero etong theme na toh, love na love ko siya. Pictures ahead:

Screenshot0014 Screenshot0011 Screenshot0010
Screenshot0012 Screenshot0015 Screenshot0013

Wala lang. Hahaha! Kung ano ano naman shineshare ko. Yung tag ni Cha hindi ko pa mabuo kaya hindi ko mapost. Promise pag tapos na, ipopost ko agad.

Sige sige yan muna update ko Mr. T! :D

Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on April 22, 2009 at 03:07 PM in Everyday Drama | Post a comment

"Sino ba sa tin may nakasex na porn star??? Hahaha! Sa X-tube nga lang star! Hahaha!"

Last night, nagkikita kita ulit kami nina Barry, Rhitz and Wiggy after 1M years. Joke lang! Pero it's been a while since we last saw each other. Laging silang 3 lang nagkikita. Hindi ako sinasama. Salamat kasi sa schedule kong pabago bago. Anyways, nagkita-kita sa National Sports Grill around 9PM na. 7PM dapat yung meeting time pero siyempre diva ko as usual, 9PM ako nakarating.  May tinignan muna ko sa Toy Kingdom bago ko dumirecho sa GB3. Hahaha! Ayun, t'was nice to see them again Mr. T! Pero parang nung kasama ko sila lost ang mundo ko. Hahaha! Sabi nga ni Wiggy and subdued ko raw kahapon. Hindi ako lively. Hmmm... pero siguro nung pagdating ko lang yun Mr. T! Ayun, kain kain and usap usap. Si Wiggy may bonggang bonggang chismis fresh from Canada! Hahaha! Basta, inexpect ko na dati yung chismis na yun. Highschool pa. Medyo hindi na ko nagulat.

"Of all the people..."

"Feel ko na dati pa. Tignan mo sinabi mo lang section nahulaan ko agad! Hahaha!"

Then yun, habang naguusap silang 3, ako nanood sa Zune ni Wiggy. Haha! Ang slippery ng Zune. Ilang beses dumulas sa kamay ko yung player. Ayun, after eating, nagpagdecide namin na manood ng movie. Actually idea ko manood ng movie. Gusto ko talaga panoorin yung 17 Again starring Zac Efron --- who by the way has dirty ears. Hahaha! Kadiri tenga ni Zac. At binato talaga siya ng Q-tips ng paparazzi. Haha! Pero okay lang pogi pa rin si Zac Efron. Then yun, Wiggy had to leave early. So sa harap ng GB3, hinintay namin sundo niya then kaming 3 na lang nina Barry and Ritz nanood. While waiting para sa LFS, then medyo umikot sa GB2. May Belvedere event sa GB2. Then umikot sa GB5. Then umupo kami dun sa may kainan sa moviehouse sa GB3. Usap usap. Kuwento kuwentuhan. Then habang nag-uusap kami may nakita kaming 2 lalaking magkaholding hands. Napa SIGH na lang kami ng malalim. Hahaha!

"Ay ay ay... nakita mo yun?"

"Pabayaan na natin sila. Masaya sila sa ganun. Hahaha!"

Ayun, tapos ako na bumili ng popcorn at coke namin. Then yun, nanood na ng movie.

"Basta may jowa, ginhawa ka..."

"Hindi rin, eh pano kung busabos jowa mo? Hahaha..."

"Fine, basta may jowa kang mayaman, hot, pogi at mabait. Naku! Guni guni yun! Hahaha!"

Maganda yun movie. Feel good. Hindi ko alam baket si Zac lagi na lang pang higschool ang role. At parang ang liit ni Zac dun sa movie. Sabi nga ni Ritz, maliliit kasi mga kasama ni Zac sa HSM kaya mukhang matangkad siya dun. Heart touching naman yung film. Tama lang sa mga taong ayaw mag-isip. Then yun, naisip na naman namin na ayaw namin tumanda. Pero hindi ata namin kayang pigilan yun. Gaya ng sabi ko kay Rhitz...

"Grabe, dapat by 27..."

"Oo, 3 years na lang yun!"

Grabe Mr. T! Nakakatakot. Ang bilis bilis naman ng time. Pero ganun talaga. Can't help it. Kailangan sumabay sa agos ng panahon. Kesa magpaiwan di ba? Hmmm... then yun, around 1AM na natapos yung movie. Then sa GB5 since walang tao sa elevator nagpicture picturan kami. Hahaha! Then yun, si Ritz sumakay muna sa kotse ni Barry. Binigay rin ni Barry mga pasalubong niya sa Tacloban.

"Kailangan na natin magrecruit ng new gay friends..."

"Naku huwag na. Masaya na ko na kayo mga gay friends ko..."

"Si Wiggy nga sa tin lang ata out yun eh... "

"Oo nga, wag na palakihin ang network. Gugulo lang..."

Then yun, binaba namin si Ritz kung san siya nakapark then hinatid na ko ni Barry sa bahay. May nadaanan kaming parang sumabog or nabanggang kotse sa may Greenhills Mr. T! Paglampas lang mismo ng Connecticut. Sabi ko kay Barry makichismis muna kami. Ayaw niya, pero nung nakita niyang cute yung mga nakiki-usyoso, aba gusto na magtanong. Aba ba, sabi ko, porket nakakita ng cute gusto na agad magtanong! Hahaha!

"Ay dali magtanong na tayo kung ano nangyari. Ako magtatanong..."

"Huwag na. Nakakahiya ka..."

"Fine. Ay shet ang pogi nung bystander! For sure mayaman din yan dahil Greenhills toh!"

"Ay, sige magtanong ka na!"

"Leche! Kanina ayaw mo ko magtanong! Magdrive ka na lang. Landi! Haha!"

Ano kaya nangyari dun? Feeling namin lasing yung driver. Hmmm... kaya ayoko magdrive. Paano na lang pag nalasing ako? Eh di hindi na ko makakauwi niyan! Haha! Anyways, ayun, tawa kami ng tawa ni Barry sa kwento niya nung 2nd year sa Math. Talagang pati sa summer classmates sila ni Jeffrey noon. Mga grade kasi sa proving 65! Hahaha! Ano ba yan! Hahaha! Funny memories. Then yun, naisip namin, we're not getting any younger. Tumatanda na talaga kami! Wah. I love my friends. Parang unti uti ko ng natatanggap si Wiggy. Oo alam niya, lagi namin siya sinasabihan ni Ritz na maarte! Hahaha! Pero masaya. Masaya kami kagabi.

Update you soon Mr. T! May pasok na naman ako maya-maya. I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya Mr. T! Hahaha! :-)

Currently listening to: Ever Ever After by Carrie Underwood
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on April 23, 2009 at 01:32 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | Post a comment

Tinag ako ni Cha. Hoy Cha, hindi ko dinelete number mo promise. Nawala talaga lahat ng contacts ko and mga nasave ko lang na numbers eh pre-2008 contacts lang. Ayan, kailangan ko talagang mag-explain. Anyways, eto na yung 15 na taong kinububuwisitan ko. Una sa lahat, ayoko ng panget, ng putik, ng mahirap, ng mabaho, ng basura! Ayoko ayoko! O di ba? Parang drama! Hahahaha! Joke lang, eto yung tunay na list ko:

  1. Mga taong pakielamero
    Sarili kong buhay toh. Wala kang pakielam sa kung kahit ano ang gawin ko sa buhay ko. Kahit magulang ko bihira ako pakielamanan. Ayoko ng taong ganito dahil may sarili rin naman silang buhay. Bake ayaw nila pakielamanan buhay nila?

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Anong pake mo?"

  2. Mga taong plastik
    Oo galit ako sa mga plastik. Siyempre, gusto ko yung mga taong totoo lang and ang kabaligtaran nila yung mga plastik di ba? Pero magaling ako makipagplastikan. Alam ko kung pinaplastik ako ng isang tao or hindi. Lalo na pag may common friends kayo. Naku, karaniwan eto yung Friend-Enemy na relasyon eh.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ah talaga? Totoo ba yan?"

  3. Mga taong backstabber
    Naku, naalala ko na usong uso toh sa min nung high school. Ewan ko lang ha, baka insecure lang talaga yung mga taong sinisiraan ka sa likod mo. Okay lang naman sa kin na sabihin nila harap harapan mga ayaw nila sa kin. Baket kailangan pa nila sabihin sa likuran ko di ba?

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "May gusto ka ba sabihin tungkol sa kin?"

  4. Mga panggap
    Ayaw ko ng pagpapanggap period. Lahat puwedeng pagpapanggap ayaw ko. Panggap na lalake, panggap na mabait, panggap na mayaman, panggap na magaling. Ay, nakakabuwisit. Panggap na hindi alam ang ganito ganyan. Henaku. Buwisit!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ows talaga? Di ko alam yun ah!"

  5. Mga taong chismoso
    Oo  mahilig ako sa chismis Mr. T! Pero hindi ako chismoso. Para sa kin, yung mga chismoso eh yung nagsasabi ng chismis sa ibang tao tapos hindi naman accurate pinagsasabi. Nakakabuwisit sila dahil wala ba silang magawa? Narerealize ba nila nakakasira sila ng buhay ng mga tao?

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "O, kanino mo na naman nalaman yan? Reliable ba source mo?"

  6. Mga taong sobrang seryoso
    Ayaw ko ng taong sobrang seryoso promise! Masayahin akong tao and gusto ko lahat masaya pag kausap ko or kasama ko. Or at least nakikiride sa mga jokes ko. Parang yung mga nurse sa OsMak. Grabe, nakasmile na ko pag nagbibigay ng gamot ni magsmile hindi magawa. Wala namang masama siguro kung magsmile. Masyado silang seryoso.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Smile naman diyan and everything..."

  7. Mga taong apura
    Ayoko ng pinagmamadali ako gawin mga bagay bagay. Kahit sa pagsulat, pagbili, pagiisip, sa mga utos. Ayaw ko ng inaapura ko dahil nawawala yung bagay na gagawin ko sa utak ko. Hindi ko nakukuha yung gusto kong results. Kaya minsan sinasabi ko sa mga tao na toh "Baket hindi na lang ikaw gumawa/ mauna? Atat ka eh!" Karaniwang line ko sa mga taong apura yan!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Sandali lang po ah. Isa lang ako..."

  8. Mga matatalinong mayayabang
    Oo na matalino ka na. Pero sana naman hindi ka mayabang. Binigay na nga ng Diyos sa yo ang utak eh. Hindi ba puwedeng maging mabait ka naman at huwag ka masyadong mayabang sa kung anong meron laman niyang utak mo at kailangan mo pa mang maliit ng tao? Nakakabuwisit mga ganito! Sobra!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ah, oo na. Matalino ka kasi..."

  9. Mga taong sobrang mahiyain
    Dahil hindi ako mahiyain period. Okay lang sa kin mga mahiyain. Pero pag sobra na, OA na yun. Hindi na nakakatuwa. Hindi na nakakaenjoy . Nakakawalang gana na. Nakakabuwisit na.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ay, sige magtitigan na lang tayo..."

  10. Mga taong mabagal ang pick-up
    Oo. Kabuwisit rin mga ganitong tao. Explain ka ng explain tapos papaulit lang sa yo mga sinabi mo. Hahay! Kumusta naman. Nakakapagpausok sila ng ilong ko! Hindi nakakatuwa.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ngayon lang nakarating yung sinabi ko sa yo?"

  11. Mga taong utos ng utos
    Hindi ko na kailangan iexplain toh. Una sa listahan na yan Nanay ko! Wah!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ano pa? Ano pa? Sige utos!"

  12. Mga taong nag gogroup text
    Pwede ba, kung hindi substantial ang itetext sa kin, wag na lang magtext. Gusot ko kasi para sa kin lang yung text eh. Hindi ako mahilig sa ganyan talaga. Sayang memory ng phone ko. Ayoko ng ganun...

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ay, naku, send to all ba ito? Sayang load mo sa kin dahil di ko naappreciate..."

  13. Mga taong fickle-minded
    Ano ba sa tagalog yan? Yung pabago bago ata ng isip in tagalog. Magulo kausap. Ayoko kasi ng magulo kausap. Gusto ko kung anong napagkasunduan, yun at yun. Ayoko ng paiba iba yung nasa isip. Kunwari sa araw na ganito, ganito dapat gagawin. Ayoko ng "Ay, ganito na lang, Ay ganun na lang. Ay parang ganyan...". Ay naku! No no no no. Kaasar! Please, pag may sinabi, yun na yun. Wala ng mangugulo, kumukulot buhok ko sa mga ganitong tao. Sarap sigawan ng "ANO BA TALAGA???"

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Okay na ba? 100% sure ka na?"

  14. Mga taong manhid manhiran
    Naku, ayoko ng ganito. Kung may nararamdaman sila sabihin nila. Ayoko magbasa ng utak ng tao. Pagod na ko sa ganyan. Kung anong nasa puso nila sabihin nila. Ayoko na ng pakiramdaman. May manhid bang nag dadrama dramahan? Hello naman sa kanila. Ayoko ng insensitive. Sabi nga sa kanta "Start a new fashion wear your heart on your sleeve.."

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Okay. Sabi mo eh..."

  15. Mga taong super effort sa pag-ooutfit at pag-aayos ng sarili
    Yung tipong kala mo may party lagi. Naasar ako sa kanila. Buti kung celebrity sila at bagay naman talaga sa kanila. Eh paano nalang kung hindi di ba? Eh nagmukha na silang clown niyan? Tsk. No no no. Buwisit ako sa ganung tao. Ang tunay na sukatan sa kin kung maganda or pogi talaga ang tao eh kung maayos pa rin itsura niya kahit shirt and jeans lang suot niya at walang ka ek ekang nakalagay sa leeg pataas. Basta ayoko ng mga super effort. Ako nahihirapan for them. Hahaha!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "San ang party?"

O di ba? Parang yung iba diyan sa list ugali ko? Hahaha! Anyways, ayan na Cha ah. At para dun sa nagtatanong kung pera ko yung nasa pic, HINDI KO PERA yun. May kwento yung pera na yun. Ayun ng revolving cash sa OsMak na kulang ng 5k. Grabe, tumambling ako kahahanap sa 5K na yun. Buti na lang, sabi ni Ate hindi raw talaga kumpleto yung pinadala niyang barya baryang may tatak ng 500php. Hindi sa kin yan. Okay malinaw na? Yan na ha, hmmm... wala na kong itatag. Haha!

Currently listening to: tahol ng aso
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on April 23, 2009 at 03:05 PM in Everyday Drama, Online Tests | 18 comment(s)

Hindi ako magaling magbigay ng payo tungkol sa love. Pero pag hinihingan ako ng ibang tao, tinatry ko makatulong kahit papaano. And kanina may nanghingi, eto sinabi ko...

"Naalala ko yung sinabi sa kin dati: Kung magiging tayo man, isipin mo na nasa loob tayo ng isang bula. Nasa loob ka ng sarili mong bubble, and ako rin nasa loob ng sarili kong bubble. Kasi may kanya kanya naman talaga tayong buhay. Yun yung bubble natin. Pero, sa gitna natin, may isa pang bubble. Tawagin natin siyang TRUST.  Siya yung nagsisilbing link nating dalawa. Dahil sa TRUST na yun kaya tayo magkamasa/magkadikit. Andun din tayo sa loob ng trust na yun. Pero, once na pumutok at mawala yung trust na yun. Magkakahiwalay rin tayong dalawa..."

Ayun, feeling ko tuloy venn diagram yung analogy na yan. Haha! Pero nice noh? Hindi ko makalimutan yang sinabi sa kin na yan. Hanggang ngayon dala ko yung analogy na yan. Hinding hindi ko makakalimutan.

Anyways, around 4PM na ko nakauwi kanina galing duty. Nagkameeting kasi sa OsMak kanina. Si Ate may mga binilin na gagawin bago siya umalis for States maya-maya na actually. Tapos mga concerns ng isa't isa. Yung date ng outing at kung anu ano pa. Nagpakain rin si Ate ng Pizza, Manok at Ice Cream kanina. Despedida na rin niya at birthday rin kasi nung isang pharmacist na si Diane. Sabi despedida na rin ni Jerry dahil lilipat na siya sa RCBC. Haha! Ayun,  bali boss muna namin si Erwin. Yung asawa ni Ate. Mas lax si Erwin kesa kay Ate. Haha! Speaking of Erwin, dapat iboblog ko dati na never kami nagkaroon ng conversation pa kaming 2 lang nasa kotse. Oo, grabe. Pag kasama ko ni Erwin, laging dead air talaga. Hahaha! Either wala kaming matinong mapag-usapan or wala lang kaming connection. Hahaha! Basta weird. Sa lahat ng tao, sa kanya ko madalas tahimik. Dead air talaga. Haha! Pero naguusap kami nun ha. Drugstore stuff pinaguusapan namin. Hahaha!

So yun nga, pagkagising ko, ang daming ULAM. As in! Laing, Binagoongan, Adobo, Kaldereta. Naku, kala ko para kanina or may birthday. Dadalhin pala ni Ate sa States. Hahaha! Para sa mga kamag-anak namin dun. Good luck naman talaga. Tapos yun, nalagay lahat sa bagahe. May mga natira pang pork flakes para sa Adobo. Pwes naglutulutuan ako. Haha! Wish ko lang talaga masarap yung pagkaluto ko. Sabi naman ni Mama okay lang. Pero feeling ko ang alat. Tapos yun, binigyan kaibigan ko nung Adobo. Hahaha!Then nagmuni muni sa Aurora Blvd Mr. T! Ang sarap ng feeling sa totoo lang. Ang sarap manahimik. Ang sarap tumunganga. Sabi nga ni Peal kanina sa kin na kanina pa ko nakatunganga. Ewan ko, ang sarap ng feeling. Yung walang laman utak mo. Ang sarap minsan ishut down ng mundo para magrest lang yung mga boses sa utak mo. For once kung pwede lang. Mga panahong toh, gusto ko matulog sa may beach na ako lang yung tao dun sa beach. Walang ingay. Walang ibang tao. Ako lang at mga stars at yung dagat at yung buhangin. Pwede ba yun? Hays... update you soon Mr. T!

Currently listening to: Dance With My Father Again by Celine Dion
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 25, 2009 at 03:35 AM in Everyday Drama, Family, Drugstore | Post a comment

Mr. T!, naalala mo ba tong post ko na toh?

  • FIRE - Posted on May 9, 2005 at 09:48 PM

25042009064 It happened again. Ayoko na toh mangyari. Nakakapagod pagtapos ng lahat. Mabuti mabilis nagresponde ang San Juan Fire Department. Di bale na ngang manakawan, huwag lang masunugan. Siguro dahil sa init na rin ng panahon. Paiba iba rin kasi ang panahon. Kaya hindi ko tinuloy ang CSE eh dahil takot ako sa kuryente. Kahit resistors lang ang umusok takot na ko eh, eh fuse box pa kaya? Salamat naman walang nasaktan. Walang nangyaring masama. Tinawanan na lang namin ang lahat after mangyari mga nangyari. Nakakatakot. Pero safe naman ang lahat. Salamat sa Diyos. Salamat sa Diyos. At nakunan ko pa talaga ng picture yung firetruck. Haha! Grabe, tawa na lang tayo Mr. T! Sana huwag na ulit mangyari. Salamat ulit sa Diyos…

Currently watching: I'm Every Woman by Chaka Khan and Whitney Houston on Youtube
Currently feeling: tired
Posted by jjcobwebb on April 25, 2009 at 03:37 PM in Everyday Drama, Family | 1 comment(s)

While browsing my Multiply site, I stumbled upon my Music page and found a playlist I posted 2 years ago. It's a playlist of songs that have inspired me. I won't upload the mp3's but I'm gonna put parts from the songs. Here's the playlist. And yeah, there are no Mariah songs here ;)

  1. Beautiful by Christina Aguilera
    "I am beautiful no matter what they say
    Words can't bring me down
    I am beautiful in every single way
    Yes, words can't bring me down
    So don't you bring me down today"


  2. Just for Today by India.Arie
    "It’s okay not to know
    Exploration is how we grow
    It’s ok to not have the answer
    Coz sometimes
    It’s the question that matters"

  3. Proud by Heather Small
    "I look into the window of my mind
    Reflections of the fears I know I've left behind
    I step out of the ordinary
    I can feel my soul ascending
    I am on my way
    Can't stop me now
    And you can do the same
    "

  4. Hope by Faith Evans
    "Cause I'm hopeful, yes I am, hopeful for today
    Take this music and use it, let it take you away
    And be hopeful, hopeful, and He'll make a way
    I know it ain't easy but - that's okay
    Just be hopeful"

  5. What A Wonderful World by Louis Armstrong
    "I see skies of blue and clouds of white
    The bright blessed day, the dark sacred night
    And I think to myself what a wonderful world
    "

  6. Unwritten by Natasha Bedingfield
    "I break tradition, sometimes my tries, are outside the lines
    We've been conditioned to not make mistakes, but I can't live that way
    "

  7. Step by Step by Whitney Houston
    "Oh, but I won't let my spirit fail me
    Oh, I won't let my spirit go
    Until I get to my destination
    I'm gonna take it slowly cuz I'm making it mine "

  8. Silence Must Be Heard by Enigma
    "Silence must be heard, noise should be observed
    The time has come to learn, that silence ...
    Silence must be heard
    Or diamonds will burn, friendly cards will turn
    Cause silence has the right to be heard
    "

  9. Everybody Hurts by R.E.M
    "Well, everybody hurts sometimes,
    Everybody cries. And everybody hurts sometimes
    And everybody hurts sometimes. So, hold on, hold on
    Hold on, hold on, hold on, hold on, hold on, hold on
    Everybody hurts. You are not alone
    "

  10. That I Would Be Good by Alanis Morrissette
    "That I would be loved even when I numb myself
    That I would be good even when I am overwhelmed
    That I would be loved even when I was fuming
    That I would be good even if I was cling
    y"

  11. You Gotta Be by Des'ree
    "Listen as your day unfolds
    Challenge what the future holds
    Try and keep your head up to the sky
    Lovers, they may cause you tears
    Go ahead release your fears
    Stand up and be counted
    Don't be ashamed to cry
    "

  12. The Rose by Bette Midler
    "Just remember in the winter
    Far beneath the bitter snows
    Lies the seed
    That with the sun's love in the spring
    Becomes the rose"

  13. Return To Innonce by Enigma
    "Don't care what people say
    Just follow your own way
    Don't give up and use the chance
    To return to innocence.
    "

  14. Video by India.Arie
    "So get in where you fit in go on and shine
    Clear your mind, now's the time
    Put your salt on the shelf
    Go on and love yourself
    'Cuz everything's gonna be all right"

  15. Morning Has Broken by Cat Stevens
    "Mine is the sunlight. Mine is the morning
    Born on the one light Eden saw play
    Praise with elation, praise every morning
    God's recreation of the new day"

Aren't they lovely? :-) Ang ganda ng mundo...

Currently listening to: Morning Has Broken by Cat Stevens
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on April 25, 2009 at 08:18 PM in Everyday Drama, Features, Music | Post a comment

Okay, pagtapos ng pag-iikot ko sa halos lahat ng toy stores (Toy R Us, Toy Kingdom, Toy Palace) sa Metro Manila, sa wakas, nakita ko na rin siya! Wahaha! Sa Rustan’s ko siya nakita! O di ba? Pagkagaling kong OsMak kanina, nagGateway ako tas naalala ko may toy section sa Rustan’s! Ay, nagdeliver pala muna ko ng mga gamot from Pembo-ACC.

27042009068Hahaha! Matagal ko ng gusto tong laruan na toh pero hindi ko mahanap hanap sa Pilipinas. Isa lang siya dun sa rack kanina and kailangan ko pa itanong para ilabas nung saleslady. Isa lang raw talaga yang Ken na yan! Nung nakita ko lang siya ulit sa Amazon nagka-interest ulit ako. Mahal siya sa Amazon Mr. T! Priced siya at $35.00. Nung binili ko siya mas mura siya. Ayan, nakikita mo naman siguro yung picture niya Mr. T! Wahahaha!

Tinanong ako nung nanay ko kung ano raw gagawin ko diyan sa Ken na yan. Sabi ko, wala lang, gusto ko lang magkaroon niyan. Alam mo yung feeling na ganun? Oo alam ko aksaya sa pera, pero, it feels good. Hahaha! Fashion Fever Ken siya na third edition. Oo, pinag-aralan ko talaga mga edition ng Barbie! Hahaha! So yan, kitang kita, akin na siya! Wahahaha! The search is over. Kailangan niya na lang kapartner na Barbie. Haha! Alam kong soooo gay, pero pake nila di ba Mr. T? Wahaha! Sabi nga ni Bruno wag kong buksan para hindi mawala yung value eh rare pa naman sa Pilipinas. Henaku, hindi ako nakinig, nilabas ko pa rin sa karton! Wahaha!

Anyways, galing akong OsMak kaninang umaga. Oo, nagtrabaho ko. Maraming iniwan na note si Erwin sa kin. Tapos kagabi birthday din nung isang pharmacist na si Dian kaya may inuman dun sa staff house. Tapos, ayun, dami ngang pinagawa ni Erwin. Talaga isang buong bond paper ang note! So ako, naman, pabibo, siyempre. Ewan ko, siguro bihira kasi na may taong naniniwala sa capability ko maging responsible Mr. T! Walang naniniwala na kaya ko maging responsable. Nung nakasakay ako sa jeep pauwi kanina, parang natutuwa ako kay Erwin na hindi ko alam. Siguro, pinafefeel niya sa kin na kaya ko. Kahit bihira kaming mag-usap nun. O di ba? Maraming umangal sa note, pero sabi ko galing kay Erwin yun. Bagong management since si Ate nasa States na.

So ayun, nasa States na nga si Ate. Magkasama na sila ni Kuya! Wah inggit ako! Sweet nila! Wah! Gusto ko rin makasama si Kuya! Ayun, magpapadala raw si Kuya ng pictures as soon as possible. At in fairness yung mga pagkain hindi napanis. Ano kaya pabibili kong pasalubong sa kapatid ko? Hmmm…

Ayun na muna Mr. T! Tulog lang ako the whole time. Ngayon gising. Dapat pupuntang OsMak kanina pero buti naman nagets ng mga tao mga gawaing dapat gawin.

At loser na kung loser, ngayon ko lang nakita music video ng My Life Would Suck Without You ni Kelly Clarkson, and keso na kung keso, kinilig ako! Wahahaha! Sige sige, update you soon Mr. T! :-)

At gusto ko magbusiness. Oo, gusto ko na yumaman agad Mr. T! Hmmm… ano kaya?

Currently listening to: Video by India.Arie
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on April 27, 2009 at 01:21 AM in Everyday Drama, Gayness, Family | Post a comment

"Guardian angel I sail away on the ocean with you by my side... Orange clouds roll by they burn into your image and you're still alive... Still I feel like a child as I look at the moon... maybe I grew up a little too soon..."

Minsan pag-iniisip ko, siguro hindi talaga para sa kin ang magkaroon ng iniibig. Yung pag-ibig na pinagsasaluhan ng dalawang tao na nakakapagpasaya sa kanilang dalawa. Yung pag-ibig na nagdadamayan, yung handang magsakripisyo at yung hindi naninino. Inaamin ko malungkot ako mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung baket tuwing akala ko tama na yung nararamdaman ko, maraming di kanais nais na eksena ang dadating at sisira lamang sa mga pangarap kong magmahal ng tunay. Ayaw ko mang isipin na nagamit ako pero yun yung nararamdaman ko ngayon. Eto siya, dumating nung mga panahong malungkot na malungkot at walang makausap. Walang masasandalan at walang kakuwentuhan. Eto ako, si tanga, tanga na nga nagpakatanga pa rin. Pinagbuksan naman ng pintuan ang taong to. Akala ko wala lang noon. Sige, magkwento ka lang, ilabas mo lang yang sama ng loob mo at andito ko para makinig. Sa simula pa lang binalaan ko na siya, baka mahulog ako sa kanya pero hindi ko ininda yun at ganun din siya. 

Naglaon mga araw, naramdaman kong unti unti na nagiging masaya ko pagkausap ko siya, pagkasama siya, pagnaaalala niya ko at kung anu ano pa. Oo masaya ko nun, dahil masaya siya. Sabi niya rin masaya siya dahil napapasaya niya ko. Minsan nagkakaroon ng mga biruan. Bibiruin niya ko pero lahat ng mga pagbibiro na yun ay para sa kin tinotoo ko lahat. Siguro baliw lang talaga ko. Naging masyado kaming malapit, para na ngang magkasintahan kami eh. Akala ko papunta na yun dun. Pero alam kong hindi dahil siya mismo ang naglagay ng balakid kung hanggang saan lang maaring humantong ang pagkakaibigan namin. Ako naman, sige... okay lang masaya naman ako at masaya ka, yung ang mahalaga. Pero lumipas pa mga araw, unti unti na kong nahuhulog. Isip ng isip kung kamusta na ang kalagayan niya. Hindi siya mawaglit sa isipan. Nilalasing sarili ko sa kaiisip sa kanya. Masakit isipin pero oo alam ko tanga ko. Hindi ko masyadong inintindi yung nararamdaman ko. Sabi ako ng sabi sa sarili ko... okay lang ako...okay lang ako. Pero sa loob ko para na kong sinasaksak ng ilang daang kutsilyo.

Magaling ako magtago kung ano talaga ang nararamdaman ko pero mga oras na yun hindi ko na talaga kinaya. Lumuha ako. Nag-isip at pinagtapat ang lahat ng mga ito. Hindi ko sukat akalain na hahantong ang pagiging malapit namin sa ganito. Siguro dapat wala akong sisihin dahil naging masaya naman ako ganun din siya. Nagkaroon ng kulay ang mundo ko pansamantala. Pero bakit ganun, kahit anong gawin ko, andito pa rin ako umaasa kahit sobrang imposible. Alam ko na hindi talaga puwede ang mga gusto ko mangyari. Gusto ko manisi oo. Kung bakit sa kin siya lumapit nung mga nangangailangan siya ng masasandalan. Kung bakit itinuloy niya ang pagiging malapit sa kin kung nabalaan ko siya nun na baka mahulog ako sa kanya. Pero ayoko talaga manisi. Sa totoo lang, naging insipirado ako mga panahong magkalapit kami. Naging maganda mga umaga ko at mahimbing mga pagtulog ko. Hindi ako nagpuyat nun dahil ewan ko, may salamangka ata siya.

Ayaw kong sabihin na sinaktan niya ko dahil sa simula pa lang alam ko ng masasaktan ako. Sinisisi ko sarili. Sana una pala lang lumayo na ko. Pero dahil sa kanya natutunan ko na kaya ko palang magmahal ng tunay. Yung walang halong paglalaro. Walang halong pag-aalinlangan. Pagmamahal na nakakapagpabago ng ugali kong hindi kaaya aya. Gusto ko man ibalik ang nakaraan mahihirapan lang ako. Sa pagtatapos ng araw, kailangan ko siya alisin sa buhay ko pansamantala gumaling lang tong sugat sa puso ko. Kailangan ko siyang kalimutan at pagpatuloy ang bagay na dapat kong ginagawa. Gusto ko magpasalamat sa kanya. Marami akong natutunan na hindi ko alam dati. Tulad ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit at ang pagiging tunay na kaibigan. Oo, isa siya sa mga tunay na kaibigan na nakilala ko. Mahal na mahal ko siya alam niya yan. Masaya ko dahil dumaan siya sa buhay ko. Hindi pa siya yung hinihintay ko... pero sa ngayon, hindi ako magsasawa sa paghihintay ng pag-ibig na  para talaga sa kin. Sana maging masaya rin siya sa gagawin niya sa buhay niya. Sa oras na maghilom na tong puso ko, babalikan ko siya hindi para umasang mamahalin niya ko, kung hindi para dugtungan ang pagkakaibigan na dapat hanggang pagkakaibigan lang. Minsan ko lang naramdaman ang mga to... ang magmahal ng tunay at masaktan ng dahil sa  pagmamahal na tunay.

Posted on November 3, 2005 at 01:02 AM
Kung Hindi Na Lang - Subtle Bliss
Currently listening to: It Must Have Been Love by Roxette
Currently reading : Limewire Window
Currently feeling: at ease

Posted by jjcobwebb on April 27, 2009 at 02:22 AM in Everyday Drama | Post a comment

Wahhh! Nagchat kami ni Kuya kaninang umaga and nagsend na siya ng mga pictures nila ni Ate! Nakakatuwa. Natuwa naman ako dahil super tagal na silang hindi nagkita. Weee… parang ang saya saya nila sa picture na toh:

new_york15

Inggit ako!!! Miss ko na rin Kuya ko! Pinauuwi na ni Ate si Kuya sabi sa OsMak na rin magtrabaho. Ay good luck. Sabi ko huwag na. Dun na lang siya sa America. Wahahaha! Sige may pasok na naman ako mamaya…

Ayan ang good news ko Mr. T! Meron akong bad news, yep, nakausap ko si Kate sa Facebook kanina. And ayaw ko talaga ng chismis. Pero baket ganun? Hayz… kuwento ko na lang some other time…

Update you soon! :D

Currently reading: Jose's YM Window
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on April 27, 2009 at 02:00 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment

Ng sakit kong insomia. Susme, eto na naman ako, past 3AM na and gising pa rin. Kanina ko pa pinipilit sarili ko matulog pero natatalo ko ng mga iniisip ko. Ano ba naman ito. Gusto ko na matulog pero feeling ko pagsikat pa ng araw ako makakatulog. Bigla ko tuloy naalala dati rati, mga ilang years ago, ganitong oras may mga kausap ako sa phone. Chikahan hanggang mag-umaga. Hays, those were the "days". Siguro hindi ako makatulog kasi nakatulog na ko kanina. Hmmm... anyways, ayun, ano nga ba kwento ko...

Ayun, since Wednesday na pala, nung isang araw na gagamitin kong transition word, ayun, nakasalubong ko si Allan sa MRT! Oo si Allan. Si Nytlyf. Maliit ang mundo Mr. T! Yung isa kong kaibigan kaGym si Allan and yung isa kong kaibigan, kakachat ko lang kanina at sabi bagong officemate niya raw si Allan. O di ba? Mga nakilala ko lahat sa blog yang friends ko na yan. Parang mga nakilala kong mga bakla dati. Mga magkakakilala rin! Hahaha! So ayun, Allan sikat ka na! Magthank you ka sa kin! Hahaha! Joke! Matagal na rin kami di nagkita ni Allan. Baket di mo kasama si Mike? Hahaha! Pero ayun nga, naaliw ako at talagang namention pa ko sa blog niya...

Pagbaba ko ng Cubao MRT, may humawak sa balikat ko, si Jacob! Natuwa ako, naka-headphones siya tapos ewan, basta cool siya manamit as always. Katuwa talaga! Eh naka-earphones din ako nun, nag-hi na'ko palabas. Sabay text kami na papasok kami pareho sa work. Kamiss yung batang yun!

Talagang bata! Oo alam ko mas bata ako! Hahaha! Che! Hahaha! Sige ako rin magsasabi, kamiss yung matandang yun! Wahahaha!

Ay bago pala muna ko pumasok nung isang araw, namili ako ng mga underwear, socks at mga pulbos at deodorant. Wahahaha! Bumili rin ako para sa kapatid ko. Magrereklamo dapat ako sa nanay ko na wala ng mga matitinong medyas eh, kaso narealize ko, shet! Hindi na pala ganun ang buhay! Iba na eh! Wah! Shet, masakit man sa bulsa, kailangan. Importante yan. Grabe Mr. T! Kailangan ko talaga matuto gumastos ng tama! So yun…

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa OsMak, taranta na lahat ng tao. Alam mo baket? Ewan ko ba, baket uso mga virus! May meningocoximia na naitakbo sa ER. Positive! Tapos namatay! Eh di lahat kami taranta! Lahat kami sa pharmacy nagfacemask. Super inom agad kami ng Ciprofloxacin para pananggalang sa kung ano mang virus. Basta, weird. Nakakaparanoid pala pag may ganung eksena. As in sinara na yung ER para idisinfect! Tapos yun, trabaho as usual. Tapos nung umaga na, umuulan ulan. Super antok na ko. So sa staff house muna ko nakitulog Mr. T! Ayun, around 3PM, nagpunta ko Makati Ave., may tinanong sa Music 21. Tapos dumirecho ko ng GB3 para mamasyal mag-isa. Tapos umuwi na rin agad. Then naligo ako agad. Baka mamaya may virus na ko. Bumalik pa naman ako nung OsMak bago ko umuwi from staff house to bahay. Basta scary. Susme, uso ata, pati yung swine flu na usong uso! Katakot gumalaw ngayong panahong toh! Shet!

Then yun Mr. T! Nanood na lang ng TV buong maghapon. Sina Erwin and Emo andito sa bahay kanina. Si Mama kasi nagluto ng spagetti kasi birthday ng pinakamamahal kong Kuya. Mahal ko yun kahit gago yun! Wahaha! Tas eto, naguupdate na naman ng blog. Sabi nga ni Sir Lawrence, na isa sa pinaka kinahahangaan kong tao, na nakilala ko rin sa blog, WELCOME TO MY LIFE. Oo grabe, pero okay na rin toh, Ate ko naman tinutulungan ko. Sino pa bang magtutulungan kundi magkakapatid di ba? Pinagbabayad na ko ng nanay ko ng mga bills. SHET! Wala na kong pera sa totoo lang. Wah! Wish ko lang di ako palayasin ng nanay ko dito. Ay pwede rin, sa bahay ni Ate ako titira! O kaya dun sa staff house ng mga pharmacists. Wahahaha!

So yun na muna ang update ko Mr. T! Mag-aalas quatro na. Ano ba yan. Oo na pupunta na kong SM mamaya para magbayad ng mga pinababayad ni mama. Grabe, pati orasan sa bahay sa kin pinapabili. Ano ko maraming pera? Kumusta na naman si Mama Mr. T! Maghahanap ako ng trabahong mas mababa ang pay kesa sa binibigay ni Ate. OA na si Mama ng kakahirit! Shet! Anyways, yun na nga. Miss ko ng mabuhay. Ano raw? Hahaha! Sige sige Mr. T! :D

Currently reading: Windows Live Writer
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on April 29, 2009 at 03:50 AM in Everyday Drama, Malling, Family, Drugstore | 5 comment(s)

This is soooooo true...

Name: Jacob Webb
Date: 4/29/2009
Colorgenics Number: 10465723


At this particular time you are feeling the results of extreme stress and you are seeking a 'way out' but you are pushing too hard. Obviously you need peace, tranquillity and contentment. Your temperament is such that you are hoping, unrealistically perhaps, that your desires will shortly be fulfilled (even if at this time you are not quite sure what those true aspirations may be!).

For some time now you have been feeling rather insecure. You are looking for - and needing - an environment that can offer you roots, stability and a position that will relieve you of excess tension and stress.

We are all conditioned by our environment and as such we respond to people's perception of ourselves, but you feel that conditions are not right at this time. You are experiencing certain reservations that are precluding you to develop a particular relationship, business or personal, that is being offered. It is 'make your mind up time' - the decision is all yours, but whatever decision you make, it will be the right one.

All the distress and agitation is the result of attempting to avoid any form of stimulation or excitement. The situation in which you find yourself at this time is one of hostility and therefore you are under considerable pressure. You are very irritable and prone to angry outbursts. You are in a mental quandary and you could be experiencing physical problems.You are very distressed by the apparent hostility of everyone around you and you feel coerced and subjected to intolerable pressures. You are resentful of what you regard as unreasonable demands on you but the situation is such that you feel powerless to control it and at this time you just don't know 'which way to turn'.

You are completely worn out and you are not in the mood for any further demands on your resources. The situation - such as it is - has rendered you quite helpless, unable to continue the mental battle that you have been pursuing for some considerable time. Enough is enough. All you would like to do now would be to have some time for yourself, to find a peaceful situation where you can recuperate in your own time.


Click here to take the test

Currently listening to: Question Existing by Rihanna
Currently feeling: weird pa rin
Posted by jjcobwebb on April 29, 2009 at 05:12 AM in Everyday Drama, Online Tests | Post a comment
« 2009/03 · 2009/05 »