Entries for December, 2008

Hello Mr. T! Buhay po ako. Pero hindi pa rin ako magaling. Try kita iupdate as much as I can kahit ubo pa rin ako ng ubo and masama pakiramdamam ko. Iniwasan ko talaga humarap sa internet nung weekend dahil super may sakit talaga ko. Ang hirap magtagal sa harap ng monitor. Try ko na mag-update. Ang dami sobra ng nangyari and masasaya sayang wala silang individual entries. Anyways, eto na simulan ko mga nangyari ngayon tapos sunod natin nung Friday:

Gloria Maris, Greenhills

Birthday ni Erwin ngayon. Asawa ni Ate. Ayun, lunch sa Gloria Maris GH. Kasama mga relatives and mga pharmacists ng drugstores. Masaya. Nakakabusog pero puros hipon OMG lang di ba! Grabe! Tawa ng tawa pinsan ko dahil lahat at ng kinain namin may hipon. Eh allergic ako sa hipon. Then yun, umikot sa tiangge. May nakita kong t-shirt na may nakalagay "Palaging Gutom". Sayang hindi ko nabili. Balikan ko na lang.  Then umuwi rin agad. Pagkauwi tumawag pa si Ate sabi maglalakad lakad kami sa Roxas Blvd. kaso may sakit pa rin ako. So hindi ako sumama at natulog na lang ako. Eto nag-uupdate ako ngayon sa yo Mr. T! Anyways, eto mga pictures kanina:

pic1 PC012385
pic2 PC012476


Friday: TGIF, Shang, Katipunan, Corinthian Hills, Starbucks

Ang daming ginawa sa office last Friday. Tapos, TGIF with Barry, Rhitz and Luis. Salamat and nagkitakita kami ulit after a long time. Mga 3 weeks ata kami hindi nagkita kita. Ayun, tapos si Mike nakita ko pa sa Starbucks sa BHS. Tapos pinakilala ko si Barry.  Gulat si Barry dahil sa nagawa niya kay Mike dati. Ganun lang si Barry pero mabait yun. Eto sabi ni Barry pagtapos niya mameet si Mike:

Barry : Jacob tanga ka ba?
Jacob : Nyeks, baket naman?
Barry : Sobrang okay na si Mike maging jowa.
Jacob : Wag tayo mag-usap ng anything about relationships ngayon Barry

Namantsahan pa yung jacket ko ng condiments sa Friday’s. Tsk! Then yun, nagconvoy kami. Feeling kasi namin hindi na susunod si Barry pag hinatid niya kapatid niya sa bahay. Ayun, sinundo namin kapatid ni Barry sa Shang then iniwan ni Barry car niya at sumakay na rini kay Rhitz. Ang saya nung parang nagraracing kami sa the Fort. Haha! Aliw. Then dapat Eastwood kami kaso si Luis gusto sa Katipunan. Kaso pagkakanan namin sa Santolan, exaj yung traffic papuntang Ateneo. Sa Corinthian Hills kami napunta. Sa may Clubhouse. Nakita pa namin si Lucky sa UCC. Sa Starbucks kami naupo. Kuwentuhan and masakit na talaga katawan ko nung Friday pa lang. Tapos yun bandang 2am umuwi na rin. Kinuha ko mga stickers para sa planner nung 3! Haha! After nun andito pa yung nagmamasahe sa bahay, nagpamasahe ako. At lumabas ata yung trangkaso ko. Then natulog. Pero nakailang kape ako nung araw na yun. Ang hirap matulog. Mga pics na kay Rhitz. Kaya walang uploads.

Saturday: Katipunan, Teriyakki Boy, Megamall, Italianni’s

NagManaog mga tao sa bahay. Hindi ako sumama dahil ang aga nila umalis and anong oras na ko nakauwi. Hindi ko talaga kaya bumyahe. Nakalimutan ko yung dapat magkikita kami ni Tom dahil maghahanap siya ng condo sa may Katipunan. Pero nakahabol ako. Then after tumingin tingin, nanlibre si Tom sa Teriyakki Boy. Then tamang tama, nagtext si Rhitz nung pauwi ako, nasa GH daw siya and kailangan niya pumuntang Megamall daw siya and daanan niya ko sa bahay. Pero buti nasa Cubao ako. So MRT na lang. Then nagkita kami sa Adidas. Kailangan gumasta ni Rhitz ng malaking amount para makuha yung free niya sa Adidas. So tinawagan niya si Barry dahil magpapatulong kami kumain. Nasa school si Barry. Nagcut at kumain kami sa Italianni’s. While waiting for Barry, pinrint ni Rhitz yung ticket sa Netopia dahil tuloy sila ni Luis sa Macau. Nakachat din namin that time si Jeffrey. So present siya virtually. Hahaha. Then kain. Nilalagnat na ko nung kumaikain kami Mr. T! Then si Rhitz umuwi then ako hinatid ni Barry sa bahay at nakatulog ako sa kotse. Pagkagising ko sabi ni Barry “Good morning”. Then natulog sa bahay.

112920081954 112920081956

Sunday: Relatives From Bicol

Actually tulog ako buong Sunday. Pero around 5pm dumating sina Auntie Susan dito and family. Kasama si Uday, yung kababata kong pinsan, kasama yung anak ang ganda ganda. Kaso di ako makalapit dahil may sakit nga ako. Ayun kumustahan. Galing lang silang MOA so nadaan na rin dito sa bahay. Tapos ayun, habang nagchichikahan sila nina Mama, ako natulog. Tulog. Tulog. Tulog. Ilang litrong tubig nainom ko kahapon. Hindi pa rin ako magaling :(

At sana bukas magaling na ko. Magdedecorate pa naman kami ng office bukas. Sana gumaling na ko. Sorry kung di kita na-update Mr. T! Nakapagusap pala kami ng isang pinsan ko kanina. Wala lang. Tungkol sa love. Suddenly it’s not an interesting topic anymore. Or dahil may sakit lang ako? Nyways, update you soon… December na pala. :-)

Currently listening to: Hold Me by Whitney Houston and Teddy Pedergrass
Currently watching: CNN
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 1, 2008 at 11:26 PM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family | 4 comment(s)

Hindi pa dapat ako papasok sa office pero nung naisip ko kung ilan pa yung kulang ko para matapos tong internship na toh, napilitan akong pumasok and hindi ko na inisip yung sakit ko.

Pagkapasok sa office, nagbasa basa muna ko ng mga blog na nasa blogroll ko. Nabasa ko entry ng pinsan ko na si Jep about Pasko. Yep, Mr. T! December na pala. Kanina ko lang narealize na December na. Marami na ang ilaw sa kalsada, decorated na ang malls, pati ang office may mga decorations na rin. Pero sa totoo lang, hindi ko mafeel na malapit na ang Pasko. Tulad na lang sa bahay, taon taon, ako ang nagdedecorate ng Christmas tree. Pero 3 weeks na lang before Pasko, wala pa rin kaming Christmas tree. In short, wala ako sa mood itayo Christmas tree namin. Ni walang Christmas lights sa bahay. Puros pigurin lang ni Santa Clause. Kung sana totoo lang talaga si Santa Clause and kaya niya ibigay mga gusto ko. Mga gusto ko na hindi material na bagay. Pero hindi, walang Santa Clause and wala ring mga Tooth Fairies. But somehow I hope, there were.

Iba ang feeling dati pagDecember. Iba rin ang Pasko. Nung nagtwenty ako, hindi na ko nanghihingi ng regalo sa mga Titos and Titas ko. Pati sa mga Ninongs and Ninangs ko hindi na rin. We grow, and mature and pinarerealize sa tin ng time na it's time to give back those blessings to people who have touched our lives. Kaya, simula nung may kaya na kong bumili ng regalo para sa iba, never a year, since 2005, nakalimutan ko ni-isang pamangkin ko bigyan ng mga regalo. Nadagdagan na rin pala inaanak ko. So wala na namang matitira sa inipon ko para sa sarili ko. Pati mga kasambahay pala bibigyan ko rin. At feeling ko yung ipadadala ni Kuya sa Pasko pambibili ko rin ng regalo para sa ibang tao. Ganun naman lagi eh. Sa totoo lang, mas masarap yung pakiramdam ng nagbibigay kesa yung tumatanggap. Masaya ko pag nakakapagpasaya ako ng tao kahit sa pagbibigay lang ng regalo tuwing Pasko. Ngayon ko lang narealize, I'm growing up.

Marami pa kailangangang tapusin ngayong taon na toh. Though some things have ended before December, marami pa, marami pa. Sana hindi na macarry over to next year mga bagay bagay na tinatapos ko ngayong taon. Gusto ko iwan tong taon na toh as it is. Ayoko magdala ng kahit anong baggages, emotional baggages and whatever baggages sa susunod na taon. I'll leave those to this year. The only thing na I'm sure na madadala ko sa susunod na taon ay mga masasayang alaala ng mga pangyayari at mga taong naging parte ng buhay ko. Mga taong nakilala and those friends I've lost along the way. I'll make sure that everytime I'm gonna look back at 2008, I'll smile. Tulad nung kalangitan kagabi. :)

Currently listening to: One Step At A Time by Jordin Sparks
Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on December 2, 2008 at 12:17 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)

But it's not like Christmas at all... - Mariah Carey, Christmas (Baby Please Come Home)

Ganda ba ng bagong background Mr. T! At least mafeel mo man lang ang Christmas. Hahaha! Sorry wala lang akong magawa. Grabe, pag hindi pala interesting mga nangyayari sa buhay nakakawalang gana rin magblog. Haha! Nagtaxi pala ko pauwi kahapon kasi napanaginipan ko nahold up ako dun sa nilalakaran ko eh. So yun. Tapos nood ng TV, tapos ang drama nung My Husband's Woman grabe! Haha! Aliw ako sa mga linya nila kagabi. Tulad nito:

Cassandra : Hindi ka naman naging akin. Nagsama lang tayo. Nagsasama nga tayo pero may ugnayan pa rin kayo ni Giselle. Pagod na ko. Pinagod mo ko. Nawala na pagmamahal ko sa yo!

Ang bigat! Haha! Napanganga na lang ako kagabi ko sa palabas. Nanay ko nanonood nun nakinood lang ako. Tapos yun, kapatid ko, duty niya madaling araw na. So sabay kami nag-aalmusal tapos ako paalis na siya patulog pa lang. Shucks kainggit!

Ayun lang naman, sinusubukan ko ng pakinggan mga Christmas albums nina Mariah, Celine, Barbara, Michael Bolton, Josh Groban, Clay Aiken and The Jackson 5. Somehow, listening to Christmas songs makes you feel Christmas-y kahit konti.

Tapos kahapon pala, si Rhodge, nagtetext kami. Kalerky lang ng bongga bongga si Rhodge. Hahaha! Aliw si Rhodge. Nakakatawa siya. Ay ay, tumawag pala yun sa kin Mr. T! sa cellphone nung last week ata. Haha! Tinatry niya lang daw yung UNLINYT nung Globe. Grabe, iba yung boses ni Rhodge sa naiimagine ko. Haha! Ang ganda ng boses mo sa phone Rhodge! Shet! Haha! Nakakaaliw si Rhodge. Para siyang isang ate. Haha! At sana lang, huwag mo ko hanapan ng date. Dahil wala ako sa mood makipagdate. Wala akong pakiramdam ngayon. Gusto ko munang mahalin sarili ko for the mean time.

Nakauwi na ng Pinas yung 2. Rhitz and Luis. Nagtext kaninang umaga. Weee... for sure may pasalubong yun. Haha! Tapos yung taxi kanina ang epal, ang layo ng mga inikutan namin. Umabot tuloy ng 200 yung pamasahe ko.

Ay naku si Byron, niladlad katawan ko sa blog niya. Wahhh... kinuha niya yung picture ko sa Okay Ka Ba Tiyan? na entry. Yak! Byron, okay na yung iba ibang kulay ng shirt ko pero pakitanggal naman yung porn pic ko! Haha! Sa blog ko lang dapat lumalabas yan! Haha!

Ayun, tinatamad na naman ako gumalaw dito sa office Mr. T! Kumusta naman talaga ako! And yeah, it's really our choice to be happy Mr. T! Hindi natin kailangan dumepende sa ibang tao ng ikaliligaya natin. Parang bulaklak lang sila pero hindi sila ang ugat. Hindi pala nagtatago si Happiness. Andiyan lang pala siya. Tayo pala ang nagtatago sa kanya. And for the first time, since I don't know when, muntik na naman ako masagasaan kahapon, nung nakatawid ako, I smiled. Kasi  usually winiwish ko sana tuloy tuloy na lang yung kotse and nasagasaan ako. Kahapon sabi ko sa sarili ko:

"Buti na lang hindi ka nasagasaan. Sayang ganda mo Jacob kung masasagasaan ka! Hindi ka pa nagkakajowa mamatay ka na!? Aba, kawawa naman future jowa mo hindi ka man lang nakilala. Hindi man lang niya nasilayan angking kagandahan mo!"

Haha! That's me talking to myself. At nakangiti ako ngayon. Nasisiraan na ata ako ng bait. Haha! :-)

Sige sige Mr. T! Update you soon. :-)

Currently listening to: keyboards
Currently reading: Byron's Blog
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 3, 2008 at 10:54 AM in Everyday Drama, OJT | 4 comment(s)

Baket ang plastik ng ibang tao noh? Shete nagssmile ako mag-isa.

PLASTIK KA
BAKLA KA
TANG INA KA

Tang ina mo! Haha! Tang ina ka! Hahaha! Plastic mo pare, tsong, bro at dude! Bakla ka naman talaga! Hahaha! Kahit ilang beses mong sabihin na nagbabago ka na or you're running away from this lifestyle, the truth is, you'll never be STRAIGHT. Hahaha! You're gay! Dammit! Haha! Oo na sige na, nagbabago ka na, ULOL! Haha! Wish ko lang hindi kita makabangga sa Malate or sa Government or sa Binoma na may kadate! Haha! You had sex with me. Not once, not even twice. But a lot of times. Many many times. Haha! So, STRAIGHT ka? Haha! Alam mo bro, pare, tsong at dude, magpakatotoo ka.  Mahirap yan. Paalam ko kaya sa magulang mo na bakla ka? Darling, if one day, you'll get cold and lonely and wala ka ng makasama sa buhay, sorry but you had your chance. Haha! Kung makikita mo lang sana mukha ko ngayon, kamukha ko na si Satanas! Haha! Ang sarap ng tawa ko. Tang ina mo ulit! Haha! Bakla ka! Bakla ka! Plastik ka! Putang ina mo! Hahaha! You'll never be as fabulous as me. Haha! Yun lang! And I feel wonderful!

Currently listening to: Satan talking to my head
Currently feeling: wonderful
Posted by jjcobwebb on December 3, 2008 at 11:49 AM in Everyday Drama, Randomness | 38 comment(s)

Since super wala talagang ginagawa dito sa office. Nagbasa basa ko ng mga past entries ko Mr. T! Ang dami ko palang Private Entries. Shucks. Simula 2005, naka 90+ Private Entries ako. Most of them tinago ko kasi ayaw kong mabasa ng mga taong involved. Pero magshare tayo. Haha! Mga excerpts:

January 17, 2005:

"Ang panget niya pero sobrang ganda ng katawan niya Mr. Tabulas. Kung gwapo siguro siya jackpot na ko! Kaso hindi eh. Mayaman lang siya at maganda katawan. I immediately told Barry, Rhitz and Jeffrey of what happened..."

October 1, 2005:

"Sobrang lakas ng ulan sa SM Manila kanina. Salamat and hinintay niya ko makasakay ng FX pauwi. Basang basa kami. Then nung pasakaya na ko hinalikan niya ko para magbabay. Nahiya ako sa mga tao sa FX. Pero gwapo naman humalik sa kin. Mamatay sila sa inggit..."

October 26, 2005:


"Kung alam mo lang kung gaano ko gusto hawakan kamay mo rin. I'm just scared baka itaboy mo kamay ko. So I stayed in place and pretended I didn't want to get close to you..."

November 24, 2005:

"Hindi kita ginagawang panakip butas. Kinwento ko naman sa yo tungko kay -----. Sinusubukan kong mahalin ka. Alam mo namang kagagaling ko lang sa pagiging broken hearted. Kung alam mo lang gaano ako kasaya kanina nung naka-upo lang tayo sa Amphi. Ang ganda ng mga Christmas lights noh? Ang lamig pa kanina. Sorry kung medyo off ako pagnag-uusap tayo. Gusto ko kasi if ever magiging tayo, buong buo ako. Walang bawas, walang kulang. Pasensya na, hindi pa ko buo..."

May 1, 2007:

"Naramdaman ko na lang na yung taong gusto kong mahalin ay nasa tabi ko lang pala. I have taken him for granted many times at narealize ko I never should have done that. Ngayon I'm making up for him by showing I care for him. At alam kong hindi niya nararamdaman yun. I give up on the thought of him liking me. Sobrang impossible na nun. Basta gusto ko lagi siyang masaya. Gusto rin lagi ko siyang kasama. I know it's hard on my part but at least I'm trying to not get hurt. Basta, what I'm gonna do now is to not love anybody until..."

September 29, 2007:

"Hay, grabe, sana talaga kami na lang ni ----- Mr. T! Ewan ko lately nageenjoy ako sa company niya. Ang saya saya ko pagkasama ko siya. "

November 23, 2007:


"Mahal kita ----- pero hanggang dun na lang ata talaga. Huwag ka mag-alala. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan. If one day makahanap ka ng taong mamahalin mo, I'll be happy..."

May 11, 2008:

"Mas pinili kita kesa sa birthday ng pamangkin ko kung alam mo lang. Inoff ko phone ko dahil tawag ng tawag Ate ko at hinahanap ako. Pati si Mama tumatawag na rin. Mas gusto kita makasama. Ganun ata kita kamahal. O baka natatanga na ko. Hindi ka naman gwapo. Pero baket ganito epekto mo sa kin. Sabihin mo lang kung may future tayo. Dahil mas masakit kung mahal na mahal kita tapos di mo naman ako sasaluhin..."

June 6, 2008:

"Ganun pala yung feeling pagnahalikan mo mahal mo Mr. T! Mahal na mahal ko si -----"

August 16, 2008

"Yep, Mr. T! We hugged and when I was about to go na, ----- hugged me tight and he kissed me. Hehehe... sweet"

At puros tungkol pala siya sa LOVE! Haha! Ang dami pa niyan Mr. T! Hahaha! Kaya pala umabot ng libo mga entries ko. 1/10 nun puros private. Haha! Napasmile na naman tuloy ako sa mga binasa ko. Looking at those Private Entries, kahit nasaktan man ako ng ilang beses, alam ko, magmamahal and magmamahal din ako ulit. Kaso hindi muna ngayon :-) At never pala ako naging bitter. Haha! Nice :-)

Currently listening to: Someone To Watch Over Me by Ella Fitzgerald
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 3, 2008 at 04:13 PM in Everyday Drama, Randomness | Post a comment

Hindi ko sinasadya makita ang abs ng crush ko dito sa office na si J (yung kalbo) at ang abs nung kaibigan niyang si C. Isama na natin ang kanilang mga brasong ulam. Haha! Pogi silang dalawa pero si J ay mas hot dahil towering ang height niya. Si C ay cute. Pantuwad gutom na rin. Ay tawid pala. Hahaha! Alam ko na mga pangalan nila at nahanap ko na sila sa internet. Ano pang silbi ng pagmamaintain ko ng mga username and passwords ng mga tao dito kung hindi ko sila iistalk. Haha! Tapos si Sir N! Wahhh... yung tunay kong crush since first day ko dito sa office, kinausap ako! Wahhh... ganito:

Sir N : Jacob, halika, kailangan natin mag-usap ng masinsinan...
Jacob : Hah? Baket? *SMILES*
Sir N : How much will it cost you to tell me who BOLT is...
Jacob : Hahaha! Kaya nga Kris Kringle eh! Haha!
Sir N : Hindi biro lang. Kuha kang Krispy Kreme
Jacob : Thanks Sir...

Ako kasi may alam kung sino sino mga reregaluhan nila. Nasa akin ang masterlist. Haha!

Mabalik tayo kay J and C. Sa lahat naman ng lugar na magcocompare ng abs at biceps at triceps, dito pa sa office kung san ko makikita. Super suot agad ako ng salamin ko nung nakita kong nagfeflex si C ng biceps niya. Sabay pinakita abs kay J. Si J rin pinakita kay C ang kanyang god-like body. Taas lang ng shirt ha! Hindi hubad. Pero di ba! OMG! Kala ata nila nakatago room nila eh salamin lang pagitan department nila sa department namin. Guys will be guys. Payabangan. Oh well, ganun din mga bading. Haha! At ayun ang main event ng araw Mr. T! Sayang hindi nakita ni Jeffrey toh. Mahilig pa naman sa abs ang aking best friend! Hahaha!

And yes Mr. T! Tama ang hinala ko kay M! Isa siyang darna. Paano ko nalaman? Secret! Hahaha! Oh well... hindi pa pala sira gaydar ko... 30 minutes na lang uuwi na ko! Gusto ko na umuwi! Wahhh...

MagtaTrinoma dapat kaming 4 ngayon nina Luis, Barry and Rhitz kaso next week na lang daw. And magpahinga naman yung 2 noh Mr. T! Kagagaling lang ng Macau gagala na naman! Amp! Anyways, ayun. I love you Mr. T! :-)

Currently listening to: The Christmas Song by The Carpenters
Currently feeling: gusto ng umuwi
Posted by jjcobwebb on December 3, 2008 at 06:35 PM in Everyday Drama, OJT | Post a comment

Tanga lang? Shet! As in nawala sa isip ko yang site na yan. Haha! Na-erase ata sa memory ko pero buti pinaalala ng kaibigan ko. Shet Jacob! Memory loss! Amp!

Anyways, birthday ni Ate Bibing and Marco kanina. May kainan. Hahaha... may sayawan. May videoke. Dun ako sa videoke. Hahaha! Kanina sa bus grabe para akong patay. As in hindi ko gumagalaw sa upuan ko. Tamad na tamad ako Mr. T! Haha! Pero anyways. Ayun, busog. I need to cut my hair fast. Ang lago lago na niya pag hindi nakagel.

Habang kumakanta ako ng Before I Let You Go:

Cathy : Grabe Hakob! Parang may pinaghuhugutan ka ng nararamdaman sa kanta na yan ah...
Jacob : *Nagtaas ng kilay*
Cathy : Aminin mo na! May pinaghuhugutan ka!
Jacob : Gaga! Pasalamat ka hindi ka lalake kung hindi hugutin mo birdie mo! Hugot ka ng hugot kanina pa! Haha! *continued singing...*

Tinatamad na ko pumasok sa office. As in :-( Nyways, update you soon and tulog na ko. At Aubrey, ayaw ko sagutan yung tag mo about prayer. Gusto yung pera. Haha! Bukas na sa office :-D

Currently reading: Barry's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 3, 2008 at 11:19 PM in Everyday Drama | Post a comment

Dahil gusto ko matalbugan yung picture sa entry na toh ni Aubrey. Ako rin gumawa ng visual aid para sa entry na toh! Aubrey tingin! Dali dali! Hahaha! Gusto mo sampalin kita ng pera? Hahaha!

120420081969 120420081972

Actually mga bagong laba yan dito sa bahay. Kakakuha ko lang sa sampayan ng mga pera na yan! Hahaha! Yung iba kasi winalis na kagabi kaya puros 1,000 bill and 500 bills na lang ang natira. Yung ibang mga 100 and 200 bills flinush na! Hindi na kasi kailangan. Tapos yung mga 50 and 20 bills tinanim na para magbunga. Sana talaga ganun lang noh? Hahaha! Shet miss na kita Aubrey! Wahhh…

Anyways, eto ang aking gagawin if ever ako ay may sandamukal na salapi at kayamanan:

  • Magdodonate ako sa simbahan nung 10% nung aking kayamanan. Pero masyadong malaki ang 10% kung sangkaterba pera ko. Baka magparty mga pari at madre. Hmmm… mga 2% na lang. Hahaha!
  • Bibigyan ko ang aking chosen charity ng mga 5M. Hahaha!
  • Magdodonate ako sa mga eskwelahang walang upuan, banyo, kuryente at kung ano ano pa. Naawa kasi ako sa mga school na ganun eh
  • Bibigyan ko mga kamag-anak kong mahihi. Haha!
  • Tapos kung super yaman talaga, lahat ng mahihirap sa Pilipinas, irerelocate ko. Para may sarili na silang mga bahay at hindi na pakalat kalat.
  • Kung bonggang bonggang yaman talaga, babayaran ko utang ng Pilipinas. Haha!
  • Magaaround the world ako. Pwede ring trip sa buwan or Mars. Haha!
  • Bibili ako ng condo, ung pinakamahal, bahay sa lupa, yung pinakamahal din, at ng bahay bakasyunan dito sa Pilipinas, yung pinakamahal din.
  • Bibili ako ng Dagat!
  • Bibili rin ako ng bahay sa US and Barbados. Haha!
  • Magpapakasal na kami ng jowa ko (if ever magkaroon na ko! Haha!)
  • Isasama ko ang aking mga mahal na kaibigan around the world. Libre ko. Wahey!
  • Ahem, kukunin ko yung pinakamagaling magretoke ng mukha. Naman! Kahit pinakamahal ka pa go go go!
  • Tapos bibili ako ng sakahan. Haha! Yung parang hacienda. Haha!
  • Magtatayo ako ng 100 braches ng Planet Drugstore. Haha!
  • Magpapatayo ako ng Hotel
  • Iinvite ko si Mariah, Whitney, Celine para sa birthday ko. Haha!
  • Tapos, sa lahat ng tao na nang-api sakin, sasampalin ko sila ng makapal na bundle ng tig $100. Sabay bitaw ng salita na “O, para sa kaluluwa mo!”. Hahaha!
  • Magbabayad ako para pangalanan mga 10 Streets sa kin. Isa sa Taft, sa San Juan, sa QC, sa Manila, sa Fort etc… haha!
  • Kakain ako sa lahat ng kainang masarap at mahal!
  • Tapos siyempre malamang, lahat ng material na bagay na gusto ko bibilhin ko!

Yun lang naman. Hindi naman masyadong bongga. Haha! Marami akong gustong gawin. Marami ako gustong magkaroon. Sadly, hindi lahat ng gusto ko sa buhay kaya bilhin ng pera. Kung puwede lang sana. Naks! Drama tae! Hahaha! Anyways yun. Hindi naman lahat ng makakapagsaya sa tao ay pera. Unless materialistic yung tao. Ayun, :-) at wala akong itatag. Haha!

Currently listening to: One Step At A Time by Jordin Sparks
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 4, 2008 at 12:15 PM in Everyday Drama, Online Tests | 12 comment(s)

Hindi ako pumasok sa office Mr. T! Sabi ko sa yo tinatamad ako. Nung malaman kong pwede palang idefer yung grade, parang gusto ko ng umabsent ng umabsent. Never ko nagustuhan ang ulan. Nalulungkot ako pag may ulan. Natulog ako sa bahay the whole time. Mga 7pm ako nagising. Natulog ako mga afternoon.

Was able to chat with Jeffrey the afternoon. Si Rhitz gusto mag-out of town. Si Barry as usual kabaliwan pinag-uusapan namin sa net. And then I had this very long time internet friend. School mates kami. Pero we never got a chance to talk in person. YM lang talaga. Binabasa niya pa rin pala blog ko. And naschock ako sa mga tinanong niya sa kin. Small world.

I visited a friend today. Kauuwi ko lang actually. Grabe, nagulat ako nung ibang lalake kasama niya sa condo niya. So I asked kung bago yun. Sabi niya oo. Nagring phone niya, sabi niya sagutin ko. Grabe, yung totoong jowa niya ang tumatawag. I pretended nasa CR yung friend ko. Lumabas muna ko para ientertain yung guy sa phone. Para hindi mapahamak kaibigan ko. Hindi lang yun, after nun, may nagtext sa isang phone ng kaibigan ko, ibang guy naman. Pero ako ang nagbasa ng message. Actually, to make the story short, 5 lalake pinagsasabay sabay niya ngayon. Nakakalungkot. Baket may mga taong ganun? Anong nakukuha nila sa paglalaro ng mga tao? Inferiority complex ba ang dahilan? Self indulgence? Ano? I just don't get it Mr. T! Sabi nga ng kaibigan ko bigyan niya ko ng guy, no thanks sabi ko. Or hindi lang ako marunong makipaglaro?As much as I want to. Hindi ko talaga kaya maglaro ng tao.

Ayun, inaantok na naman ako. Dapat magpapagupit ako Mr. T! Pagpapaliban ko muna til February. Pahahabain ko muna hanggang leeg. Sana makayanan ko.

And tulad nga nung kaibigang nakausap ko kagabi Mr. T! Sobra ko naging busy ngayong taon. With specific people, with specific things. My emotions have been erratic. Halatang broken pa rin daw ako. Mabubuo ako ulit sabi ko. Hindi pa ngayon. Tama siya, walang tinago yung blog ko ngayong taon sa mga nararamdaman ko. Nakalimutan ko mga importanteng bagay that matter the most. I'm getting them back.

Currently listening to: I'm Not Missing You by Stacie Orrico
Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on December 4, 2008 at 10:32 PM in Everyday Drama | Post a comment
Unlike last summer, this song has a whole new meaning. And I still feel good listening to this song. It still makes me smile :-)

En Attendant Ses Pas - Celine Dion



English Translation (Kinda weird translation but the sense is there):

Waiting for his footsteps, I put the music on quiet, very low.  
Stupidly, I don't know if it will ring.
If I won't hear it this time.
Waiting for his footsteps that morning.

An evening? A morning? A winter, a dawn, a spring that he'll choose.
Nothing, I don't know anything, I turn the lights on at night, at the side of the pathways.

Waiting for his footsteps, I paint flowers on the doors.
He will like that.
Waiting for the tender time in his arms.

And I take care of myself (in the daily make-up way), red on my lips, on my cheeks,
So that he won't see when I sometimes pale too much, especially when he surprises me like that.

There is fresh water and wine.
I don't know which he'll choose.
I don't kow if he is blond, or brunette.
I don't know if he is tall or not.
But in listening to his voice, I know that all his words will be for me.
Waiting for the tender time in his arms.

I think of it all the time, this moment, when we will meet again,
I would tell him, it's been long, no, I won't tell him surely.
In waiting for his arms, I live, I dream and I breathe for that.
In waiting for a touch of all that.
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 4, 2008 at 10:40 PM in Everyday Drama, Songs and Poems, Music | 2 comment(s)

I was scavenging my old files. 2004 files. I came upon this photo. I saw it on a “RECEIVED FOLDER” folder. I laughed hard. That body hasn’t changed a bit since I last saw it. Haha! You probably know who this person is Mr. T!

Along with the picture above, I also stumbled upon this photo on the same folder. The pic above and the pics below are actually related. Haha!

That place was like my second home during 2nd year college. Haha! *winks* And why are these pictures still with me? Hahaha! I don't know but they bring back a lot of good memories. Nice ones. Haha!

Okay, time to hit the sack. Good night Mr. T! :-)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 5, 2008 at 01:04 AM in Everyday Drama, Gayness | 4 comment(s)

5:30am ako nagising. Kasi may weird akong napanaginipan. Sobrang parang totoo. So yun...

Minsan winiwish ko na sana only child na lang ako. Pero kanina, habang kumakain kami ni Bruno, narealize ko, masarap pala ang may kapatid. Masaya. Habang kumakain ng Hotsilog, tawanan kami ng tawanan. Kahit walang kuwenta pinag-uusapan namin, ang saya saya kanina. Kahit nag-away kami pagkagising ko dahil nakita kong nasa bag niya yung paborito kong jacket, we ended up laughing hanggang pumasok ako sa office and siya sa duty. Masaya pala. Ang daming alam ng kapatid ko shet. Habang nanonood kami ng Discovery Channel kanina super explain din siya. Baket ang dami niyang alam? Siya ba kuya ko? Haha! Masaya masaya. :-)

Tapos nilipat ko yung channel sa GMA. Nakita ko may Rosalinda pala. Bigla kong naalala 1st year HS nung nagsayaw si Jeffrey sa harap ng Music room nung Rosalinda! Shet! Those days. Saya saya days. Haha!

Yung taxi driver na nasakyan ko TSK ng TSK. Grabe, kahit mag TSK siya ng mgaTSK, hindi naman kami makakatakas sa traffic dahil traffic talaga. Amp lang. Natulog ako sa taxi. Stress si manong eh. Amp!

Eto ang malala, nung naghahanap ako ng jacket ko sa cabinet, may nakita kong condom. Yes, condom. Frenzy. The party condom. Cabinet ko yun. So malamang akin yun. Never akong bumili ng condom Mr. T! Marami sa drugstore. Dudukot lang ako.  Haha! Pero baket may condom sa cabinet ko??? Siomai! Buti ako nakakita hindi ibang tao! Nakakahiya. At feeling ko, galing yun sa Icon magazine na binili ko dati. May free na condom yun sa pagkakaalala ko. Siguro dun nga galing yun. Shet! Haha!

Anyways, trabaho na naman. :-) 2 weeks na lang ako dito. Salamat naman sa Diyos.

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 5, 2008 at 09:40 AM in Everyday Drama, Gayness, OJT | 8 comment(s)

Even though Mariah only got 1 nomination (a song which she only contributed a high note) in the upcoming Grammy Awards, she looked beautiful and so 90's during the Grammy concert held recently. Here's a video of her performing Christmas (Baby Please Come Home):

I'm happy she sang live this time. Though struggling, she still sounded great. She sang in the same key. And yes, she really looked like the Mariah I first fell in love with. So 90's. And about the snub? I really don't care about the Grammys anymore. They have lost their credibility when they gave Milli Vanilli one. Haha! And I don't think Mariah is affected about the recent Grammy snub. The 1996 Grammy snub was worse. Anyways, I'll be back Mr. T!

Currently feeling: nawiwiwi
Posted by jjcobwebb on December 5, 2008 at 03:45 PM in Everyday Drama, Mariah, Music | Post a comment

Kaming 3 ni Mama and Bruno dali dali nagpunta sa bahay ni Ate. Sa sobrang kaba and walang magdadrive, napadrive ako ng van ng di oras. Whatever happened sa bahay ni Ate stays there. Kauuwi lang namin and naiwan ko ang laptop na bukas sa sobrang madali. Weird dahil inangat ni Mama sa baba yung phone tapos ako inangat ko rin yung extention dito sa kwarto nung tumawag si Ate. That has never happened before. Pero ayun, I'm glad umokay din ang lahat. Kinabahan ako dun... :-(

Currently feeling: exhausted
Posted by jjcobwebb on December 5, 2008 at 11:57 PM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

Mamaya na updates. Hahaha....

http://www.pinoysabroadtv.com/

De La Hoya OWNED! De La Hoya FAIL.

Pacquiao WIN. Yey! Congrats Manny Pacquiao! :-D Weee...

 

Posted by jjcobwebb on December 7, 2008 at 12:46 PM in Everyday Drama | 5 comment(s)

120820081982

Since dinala ni Ate mga basura niyang Christmas decor sa bahay nila, inayos ko na yung Christmas tree dito sa bahay Mr. T! --- habang nakikinig sa Christmas album ng aking idol. Wahhh… mga basura yang nakasabit sa Christmas tree namin. Mga dapat itatapon na ni Ate. Since hindi namin mahanap mga decorations namin nung mga nagdaang taon, pinakinabangan na lang namin yung mga pinamigay ni Ate. Hmmm… halo halo yung basura. Sinort ko na lang ano pwede mga terno. Happy na ko sa kilabasan dahil ginawa ko lahat ng makakaya ko para magmukhang okay mga basurang decor ng magaling kong kapatid. Medyo nafefeel ko na ang Pasko. :-) Weird yung angle nung Christmas tree kasi yan lang yung feel ko na part eh at ayaw ipabukas ni Mama yung lights. Pag malapit na raw yung Pasko! Amp! At nakatapat naman daw sa Halogen light ng kisame yung Christmas tree. Labo! Hahaha! Sige update you na talaga ng bongga bukas Mr. T! :-)

Currently listening to: All I Want For Christmas Is You by Mariah Carey
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 8, 2008 at 12:32 AM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

Importante ang magaganap bukas Mr. T! Nakasalalay kinabukasan ko. Gagawin ko lahat ng makakaya and papaubaya ko na sa Diyos ang lahat. At para kina Tin, Aubs and Jobs, mabuhay kayo! Weeee! At eto na ang mga nangyari sa weekend na nakalipas:

Friday: December 5, 2008

Nang Nilakad Ko Ang Ortigas Hanggang Bahay

Yep Mr. T! Nung pauwi ako galing office, sobrang traffic sa Ortigas. As in super duper traffic. Christmas rush na. Sa LSGH pa lang hindi na gumagalaw nun ang traffic. So, tumawag ako kay Mama kung nasa GH ba sila para makasabay ako pauwi. Tough luck wala. So ang tagal ko pinag-isipan kung lalakad na ba ako or hindi.Buti medyo katext ko si Rhitz nun kaya medyo nawawala attention ko sa traffic. Pero nung hindi na nagtetext si Rhitz, naburaot ako, as in nung nasa harap na kami ng GH Malls, ay, bumaba ako at sinumulang lakarin ang Ortigas. Hindi toh bago sa kin. Nilalakad ko nga dati XS hanggang GH eh. At nalakad ko na rin XS hanggang bahay. And since gabi naman, hindi mainit. Mas okay. Ayun, naunahan ko pa yung bus na sinasakyan ko. Hay grabe ang traffic.

Pero bago yun Mr. T! Nagdecorate na kami sa office. Yep, nagdecorate na kami nina Ms. Lyn and Ms. Diane ng HUB area. Masaya naman dahil ako yung taga lagay nila ng mga decorations sa ceiling. Nakakatawa dahil contest yun at sabi ng ibang department madaya ang HUB dahil nagpapatulong sila sa kin. Hello naman, eh kung si Ms. Diane papatungtungin mo sa mga lamesa kahapon eh di nawasak yun. Tapos eto malala, muntik ako malaglag habang nagkakabit ng decorations. Diyos ko po. Pero buti na lang nakabalanse ako ng maigi. Salamat sa Diyos. Then nung nasa EDSA na ko pauwi, medyo nagkasagutan na naman kami ni Sheila sa text. Pero buti na lang umokay din. Then yun, Galleria then Ortigas then bahay.

Saturday: December 6: 2008

Christmas Party 1: HSBC HUB-ODD Christmas Party

Sayang nakina Giselle and Ms. Marie and Sir Eug mga pics nung Saturday. Baka bukas ko na lang hingin and ipost ko rin. Ayun, nung Friday, sabi ni Ma’m Vergie, sama ako sa Saturday para sa Christmas party nila. So sabi ko sige. Tapos sabi niya pasasayawin niya ko. Sabi ko di ako marunong sumayaw. Tawa siya. And since ako raw nag-gawa nung Kris Kringle, dapat daw sumama ako. So yun sige. I looked forward to it nung Friday.

Mga 9AM nagmeet sa may Ever Commonwealth. Nagpahatid ako kasi di ko alam yun. Nakarating naman ako ng mas maaga. Ayun, sa McDonald’s kami muna nagpunta dahil party yun para sa mga Girls of Sta. Lucia. Yep, parang outreach ng HSBC ODD-HUB every year. Around 9:30AM na kami nagstart. Kumpleto buong department. Andun ang mga taong lagi kong nakikita sa office. Sorry wala yung crush ko dun. Hahaha! Hindi ko kadepartment yun. Then, the usuals, nakipaglaro kami sa mga bata. Tapos may mascot. Tapos may bigay yung HSBC sa mga bata and ang mga bata lang yung kumain. Tapos naging photographer pa ko ng group shots ng HUB-ODD. Haha! And then yun, masaya naman Mr. T! Namiss ko na  rin ang mga outreach. Napaisip tuloy ako.

After nung McDonald’s party, Christmas Party naman mismo ng HSBC HUB-ODD. Yep Mr. T! This time totoong kainan na! Hahaha! Sa may Commonwealth na rin ginaganap yung party. Sa kotse ako ni Ma’m O sumama. Kasama ko dun si Ma’m Lei and Ms. Lyn. Nakakatuwa mga VP katabi ko sa kotse. Haha! Marami silang binigay na advice sa kin. I’ll take notes of those. Haha! Then sa may Tierra Pura kami kumain. Sa may Brewing Point. Maganda yun place Mr. T! Okay siya. Payapa pero ang emote nung tugtog. Haha! Tapos tapos yun, kainan na. Foods were abundant. Tapos ang hindi lang kumain si Mico. Katabi ko si Giselle. Tinutukso pa kami nina Macky and Jamie. Amp amp! Pero masaya talaga Mr. T! Then after eating Kris Kringle na. Nagthank you mga tao sa kin Mr. T! Sarap ng feeling. Kasi daw ang ayos ng Kris Kringle nila ngayon di tulad last year kung san may umuulit ulit pa. Sarap ng feeling. Hahaha! So yun, HOT and SEXY at WET and SEXY gifts nila nakakatawa. Tapos yun WISHLIST naman nila. Masaya. Kahit ako nag-enjoy just watching them. Then had cake and tea then nag-usap usap sila. Sabi ni Ma’m Vergie sociable naman daw pala ko. Gusto sabihin “Ay kung alam mo lang super sociable ako!” Haha! Then yun, uwian na. Around 3PM kami nagsiuwian. Since si Sir Eug sa GH, sa kanya ako sumabay. Together with Ms. Jagy and Ms. Jen and Mico. Ayun, ngayon ko lang nalaman na mas matanda si Sir Mico kay Sir Nico. Amp. Sobrang mukhang bata kasi si Mico. Iba si Sir Miko kay Sir Mico ha. Si Mico 29 na pala pero kala ko mga 25 lang! Si Sir Nico naman kala ko 30+ na pero 26 pa lang pala. Amp. Pero yun, then sa Annapolis kasi condo si Sir Eug, so kami ni Ms. Jen, Ms. Jagy, dun na rin bumaba and dumirecho na kami ng GH. Si Ms. Jen may pupuntahan then ako kasama ko si Ms. Jagy the whole time hinihintay niya yung husband niya. Hinihintay ko rin naman si Barry nun. Peor di ko husband si Barry. Haha! Pero nung ako na lang mag-isa umiikot sa GH. Inantok ako, sabi ko kay Barry next time na lang. Matutulog na lang ako sa bahay. Hahaha! At sobrang traffic na naman sa Ortigas. Natulog na lang ako sa bus. And then nakauwi then. Nakachat muna ang aking pinakamamahal na kaibigan and ayun. Natulog din agad. Ang ganda ng napag-usapan namin ng mahal kong kaibigan nung Saturday bago ko natulog. It went something like this:
chaty 
Yung Christmas Party 2 sa next entry dahil wala pang baklang nagpopost ng pics. Gusto ko may pics. Hahaha! Balik ako Mr. T! :-) At mamumulubi ata ko sa hinihinging pera ng groupmates ko Mr. T! Shet!

Currently listening to: Before I Let You Go by Freestyle
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 8, 2008 at 10:14 AM in Everyday Drama, Updates, OJT | 4 comment(s)

Actually, I'm still speechless right now. Saturday night was really a blast. We were so high literally and figuratively. So Makati high we can see the whole Metropolis. So high we were all rowdy and fun. Haha! Went home around 3AM. I haven’t been on the scene for the past years. And I’m glad to be back. Let the pictures speak for themselves Mr. T!  Thanks guys! gays! Haha! And yeah, thanks for the Award! Hahaha!

DSC02695 GEDC0295
GEDC0297 image
image image
image image
image image
image DSC02734

There were confusions on what to wear. Haha! But still, last Saturday is spelled as F-U-N! Haha!

And the last picture. Tobie, Tom and Sonnie. 3some. WIN!  Hahaha! And Danny and Lee and Ves and Albert. Hahaha! WIN! Haha! Our table is a WIN! Haha!

And my sabog look. FAIL! Hahaha!

To Rhodge: Do you see Eric in one of the pics? I told him about you. :-D

Hahaha! Night Mr. T! :-) At baket... ay wala. Haha! Item ito! Haha! :-D

Currently listening to: For The Record by Mariah Carey
Currently reading: Demo Kit
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 8, 2008 at 11:38 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness | 8 comment(s)

Shucks baket ba ko nagood night sa yo Mr. T! Eh hindi naman pala ako matutulog! Haha! Anyways, galing kaming Galleria nina Mama and Emo and Wyna (yaya ni Emo). Bumili ng sapatos si Mama, ng papel si Emo and ako nagpagupit sa Vivere. Hindi ko dala phone ko, pagdating ko, ang dami kong miss calls galing kay Barry. Pinapupunta kong Gateway. Okay, 9PM asa Gateway na ko. Kasama niya si Rhitz sa CBTL. Nag-usap usap. At tumaba na naman si Barry Mr. T! Yung pasalubong ni Rhitz nakalimutan niya. Sabi ko ayaw ko ng kape, gusto ko JUNGLE JUICE. Haha! So pasok kami Rustan's pero wala. So Shopwise. Pero wala rin. Haha! So bumili akong 4 na Zest-O. Haha! Then usap usap habang naglalakad sa saradong Gateway. Then around 10:30PM umuwi na rin kami agad. Si Barry sa kotse niya. Si Rhitz sa kotse niya. Ako sa terminal ng jeep. Ang hirap ko shet! Haha! Anyways yun nangyari kanina. Wala ring pasok dahil Immaculate Concepcion. Tapos nung 7 pala 27 na yung pinsan kong si Cathy! Weee! Tapos in less than 8 hours, isang pagbabago ang pwedeng maganap Mr. T! God, gagawin ko po lahat ng makakaya ko. Tulungan niyo na lang po ako. :-) Kami. :-) Natuwa naman ako sa nagcomment sa blog ko sa Multiply Mr. T!

"Fear is not real but rather something we gain from observation and listening to others. Take a gamble; find out the true answer for yourself." - kaya naman when it comes to the affairs of the heart, it pays at times na hindi maging "siguradong-sigurado". Take a chance. Immerse yourself. Love ;-)"

"Sabi nga ni Longfellow: Talk not of wasted affection; affection never was wasted.."

Mr. T!, yung nagcomment niyan, siya lang actually kausap ko ng matino buong time nung Saturday night. Nagkausap na kami before pero nung Saturday lang kami nagkausap ng maayos. Lahat kasi ng kinakausap ko tawa ko ng tawa at kalandian lang pinaguusapan namin eh. Masarap kausap yung nagcomment niyan. First time kong nakakilala ng tao na puros may sense ang sinasabi. Pero I don't know. Baka. Baka hindi. And yeah, magkikita kami mamaya sa school. :-) Pero sorry, hot pa rin talaga si -------. Haha!

And whatever compliments I got from other people nung Saturday night, I'll keep them in mind. Bumabalik na ulit confidence level ko. And ayon nga kay Danny: "Ay naku Jacob, hair mo abot hanggang Japan!". Haha!

Dahil nagtag siya sa aking tagboard. Gawin natin siyang Star. This is late but whenever I think about this conversation I laugh:

May nagtitiwala pa pala sa kin. Haha! Eh paano kung nilalandi ko talaga jowa mo? Hahaha! Joke lang! Haha! :-) Salamat sa pagtitiwala mo sa kin at sa jowa mo! Alagaan mo yang jowa mo ha! :-D Sana wag kayo magsawa sa isa't isa :-) Okay lang na minsan mag-aaway kayo pag UAAP, pero masaya naman yun! Haha! Yan, nagtag ka kasi. Ang tagal na nating friend online pero in person di pa tayo nag-uusap. Haha! At alam mo kung sino ka! Ikaw si Julius. Haha!

Ayan, super updated ka na ulit Mr. T! :-D

Currently reading: Demo Kit
Currently feeling: zombie-like
Posted by jjcobwebb on December 9, 2008 at 01:34 AM in Everyday Drama | 4 comment(s)

I am checking my MyBlogLog and My Live Traffic Feed right now and according to these tools,  somebody from Europe is searching my blog for the number "11".Yes, number "11" direct from my Google Search. Why the hell would someone search for that number on my blog??? And this is not the first time. Maraming beses na lumabas yang "11" na hinahanap raw sa blog ko na galing sa Europe. It's just weird. Baket number "11"? And to whoever is searching for that number, if you want, I can give you all the links to those "11" entries. Even private ones or my Wordpress ones or even my Multiply. Pati Photobucket ko bibigay ko na rin. Just tell me. Naweirduhan lang ako "11" hinahanap sa blog ko.

Currently listening to: My Immortal by Evanescence
Currently feeling: annoyed
Posted by jjcobwebb on December 9, 2008 at 03:52 AM in Everyday Drama | 6 comment(s)

Pagkagising ko kanina:

"Ano susunod ka ba?"

"Hah? Inaatok talaga ako. Uuwi na lang ako sa min"

"Kahit ilibre kitang Sashimi?"

"Ay ay ay.... fine! Wait. Haha!"

Yun lang pala katapat ko! Haha! At kung san ako natulog at nagising kanina Mr. T! sa next update na at kailangan ko mga visual aid from Aubs. So yun, I'm so dead tired right now. Kauuwi ko lang. Sobrang saya ko kanina na weird. Wow, labo.

At at, nakita ko kanina in person si Akihiro Sato. The Penshoppe guy. The Nescafe guy. The Close Up guy. And may I just say, isa siyang malaking Photoshop Wonder. He's hot. Normal hot. I thought he was god-like hot. But no. Normal hot lang. Eto nga pala siya kung di niyo siya kilala:

Yes, good looking talaga and hot talaga. Pero not hotter and better looking than his pictures. But still, hot. Magpapakuha sana ako ng picture with him, kaso ang jologs kung nagpakuha ako. Haha!

Details on next update.

Sige sige, good night Mr. T! :-)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 10, 2008 at 12:29 AM in Everyday Drama, Gayness | 4 comment(s)

Hindi ako pumasok ng office! Yay! At eto na ang aking updates for yesterday. Pero eto mga pinagsasabi ng mga tao sa kin kahapon nung nadalaw ako sa school at nakita mga taong ang tagal tagal ko ng din napagkikita at mga sinasabi ng mga ibang tao sa kin:

“OMG, Jacob, bitch mo pa rin!”Paul

“Tang ina, totoo, tumaba ka talaga! Ang laki kay ng tiyan mo ngayon!”Deck

“Seryoso, lumaki yung puwet mo”Tin and Aubs

“Uy ang nice hair mo!”Emon

“Yay! Sex na yan”Barry

“20,000? Exaj talaga yun”Matty, Tin, Aubs, Deck

“Salamat naman sa Diyos. Anong gusto mong regalo?”Ate

“O, ano na ang balak mo sa buhay mo? Pumunta ka na dito” - Kuya

“Magpasalamat ka na lang dumaan siya sa buhay mo” - Barry

Yep I am thankful. And marami ang dapat ipagpasalamat Mr. T!

Hindi ako natulog kahapon. Pero nakatulog ako somewhere na nakakahiya. Haha! So eto mga nangyari:

6:00AM

Namiss ko ang LRT lines. Ang sarap ulit sumakay ng train Mr. T! Ang sarap sumakay ng may dalang bag. Feeling estudyante talaga. At masaya talaga yung simula ng umaga ko. Hindi ko alam baket pero nakasmile ako nung papasok sa school. Siguro namiss ko lang LRT1 and LRT2 pati yung footbridge.

7:00AM

Sa school na ko. Nauna si Mighty. Sumunod si Vergs. Si Sheila pinakalast dumating. Ang kapal ng Demo Kit. Sa totoo lang ako gumawa ng Demo Kit na yun Mr. T! Sila lang gumawa ng screenshots and scenario. Pero akin yung Demo Kit na yun! Haha! Kung sinasabi nilang wala akong ginawa sa Demo Kit na yun, excuse me pero parang ako gumawa nun. At nung sinabi ni Vergs na aralin ko raw mabuti yun, hello, ako nagsulat nun. Malamang alam ko yun. So yun…

8:00AM

Nalaglag kape ni Sir Oli ni Doc Loyd. Birthday ni Doc Lloyd. Natapon ang kami sa lahat ng gadgets ni Sir Oli (iPhone, 2 Nokia phone na E-Series and yung Sony na phone). Medyo natagalan kami sa pagstart. At buti na lang talaga, nagnakaw ako ng tissue sa Starbucks, kinailangan siya yesterday. And then nagstart na mga kailangan mag start…

10:30AM

I have never prayed so hard. But yesterday I did. Hindi ako binigo ng Diyos. There are only two things I wanted to happen this year Mr. T! Tinupad ni Lord yung isa dun kahapon. And kung ano yung isang gusto ko mangyari, it’s already next to impossible. 1 out of 2 is not bad. Wait no, it’s WONDERFUL. And I forgot to thank Him immediately nung natupad yung hiniling ko.

11:00AM

Kasama ko sina Tin and Aubs sa Gox Lobby. Ginagawa ni WIRTECH nila habang ako may mga inayos na bagay sa school. Then dumating si Matty. Then naglunch kami sa Kenny Rogers. Then dumating si Deck galing SSS. Pupunta dapat kaming Quezon Ave. kahapon pero mainit. So napag-isipan na lang namin na sa Conserve na lang tumambay para dun gawin ng aking super missed friends ang kanila WIRTECH. Walang vacant na lamesa sa Conserve. Dun kami sa sahig natambay sa likod nung stage sa Conserve. Okay lang din dahil malamig yung Conserve and comfortable naman kami nun.

120920081989 120920081988

O di ba? Si Tin busing busy! Naglalaro lang naman ng Cooking Dash yan. Simula nung nasa Gox kami, hanggang Kenny, hanggang sa Conserve. Adik lang. Wah…

1:00PM-6:00PM

Wala na kong alam sa mga nangyari. Hahaha! Dahil… (na kay Aubs and pictures. Post ko soon pag nakuha ko)

Yes, hindi ko aakalaing makakatulog ako sa sahig ng Conserve. Grabe parang pulubi lang Mr. T! Hahaha! Pero nakatulog talaga ako. At ayon sa aking mga friends, humihilik pa raw ako. Shet! Haha! Then nagDinner kami sa KFC.

8:30PM

120920081990 Hindi ko dapat imemeet sina Barry and Rhitz, pero tinext ako ni Rhitz na ililibre niya ko ng Sashimi. Hahaha! At yun lang talaga katapat ko. Hahaha! OMG. Pero nag LRT1 ako. LRT2 and MRT. Hahaha! Round trip. Para masamahan ko lang sina Aubs and Tin talaga. Then sa Glorietta ko tumuloy. Actuallly GB5. Dapat sa Shang pero nag effort talaga si Barry and Rhitz so sumunod aking Makati. Habang papuntang GB5, may nakita kong familiar face sa Penshoppe Glorietta. OMG! Si Akihiro. Tumitingin ng mga damit! So pumasok ako sa Penshoppe para iconfirm kung siya talaga. And good Lord siya nga!!! Una ko siyang nakita sa poster nyang nakabrief sa Megamall. Sa Penshoppe din. So yun, nakita ko na siya in person. Hindi super wow. Wow lang. Nadescribe ko na siya sa previous entry so ayoko na ulitin. Mas super wow pa yung guy na nakita namin noon nina Aubrey sa McDo GB2 noon. Yung naglalakad lang sa kalsada. Haha! Nagmeet kaming 3 sa GB5. Then, naglakad lakad kami. Tingin tingin mga dapat nina Barry and Rhitz. Then kumain sa GB3 sa Nanbantei of Tokyo. Libre ni Rhitz! Weee… then usap usap. Tawanan and yun. Sasama dapat si Wiggy kaso, ayaw magcommute. Wow! Arte talaga ni Wiggy! Hahaha! Social! Hahaha! At akin lang talaga yung mga Sashimi. Nag dinner na beforehand yung dalawa. So ayun. Tinubuan na naman ako ng kaliskis. Haha!

11:30PM

Stories were wrapped up. Gabi na rin. So si Barry hinatid kaming 2 ni Rhitz. Nauna si Rhitz and then ako naman hinatid. Sobrang daming nangyari kahapon so kung may details akong nakalimutan. Marami namang magpapaalala. Hehehe! Anyways Mr. T! Ayun, malakas pa rin talaga ako kay Lord. :-)

Currently listening to: If We Hold On Together by Diana Ross
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 10, 2008 at 10:57 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, School, Family | Post a comment
DSC04881 
Salamat kay Aubrey. Hahaha! Shet mukhang sabog na sabog ako sa mga pictures. Hahaha! Mukhang basag. Mukhang batang kalye. Pero ang sarap ng tulog ko niyan! Kulang na lang talaga unan! Haha! Ay hindi, karton at lata dapat! Haha!
DSC04885
DSC04882 DSC04884

Yan itsura ko pag walang taping or shooting. Artista? Hahaha!

And iquote natin ang Silent Night: ♫♪♫♪ Sleeheeep in heavenly peace… ♫♪♫♪

Haha!

Currently listening to: Silent Night by Mariah Carey
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 10, 2008 at 02:17 PM in Everyday Drama, School | 11 comment(s)

I did nothing the whole day Mr. T! Hahaha! Dapat pupunta kami ni Luis sa Trinoma kaso ang tagal niya natapos magpagupit. Tinamad na ko sumunod. Anyways, I'll be putting up my Top 20 Song of 2008. Haha! Anyways. There. :-)

Currently reading: Bandila on ABS-CBN
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on December 10, 2008 at 11:18 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

These Wings by John Jacob M. Webb

The clouds were gray and it wasn't raining yet
You took my hand and held me like I was yours
I held you tight and pretended you were mine
Love has never been tangible than this

Chorus:
But it was just make believe
Someone saved my life for the first time
You left my side when I opened my eyes
I was happy, It felt so good
But now it's killing me inside

You left my side and told me to move on
My dreams were shattered and my thoughts faltered
Those sandcastles I built got ruined by the storm
Don't know who's to blame, feels like I'm going insane

Bridge:

I don't wanna think I was a diversion (It's hurting me)
I'm left with nothing but a vision (That's all I really have)
These wings you gave me will help me take flight (To fly, to fly)
To flee, preserve my sanity (I tried so hard to hold on)
This is best to save my pride (I'll be alright, I'll be okay)
I'm gonna miss you (I really loved you...)

Posted by jjcobwebb on December 11, 2008 at 10:05 AM in Songs and Poems | Post a comment

Dear Jacob,

ANG LANDI MO!!!!
HAHAHAHA!!!


Love,

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 11, 2008 at 11:48 AM in Everyday Drama, Randomness | 8 comment(s)

20 days before this year ends. 20 days and this year’s finally over. Let me present the top 20 songs that have made big impacts in my life this year. They are personal selections of course. I’ll post number 20 today, then 19 tomorrow, then 18 the next day until I reach number 1 on December 31. I won’t explain why I chose them. If you want you can ask me why these songs are on my list.

And here’s my number 20.

20

Posted by jjcobwebb on December 11, 2008 at 06:32 PM in My Top 20 2008 Songs | 2 comment(s)

Kasi binigay na ni Ate yung regalo niya sa kin. Yung kay Kuya padating na rin. Hahaha! Shet! Kaloka! Hahaha! Gasta gasta na toh! Haha! Hindi pala ako pumasok kasi masipag ako. Haha! Pumunta ko sa bahay ni Ate. Kumain. Natulog. Nagweight na sarili at good Lord, 135lbs na ko! That's 10 lbs more than three months ago. Hay... pinanood ko rin mga trabahador ng Planet magpractice ng sayaw nila para sa Christmas party nila sa Sunday. At almost one year na pala Mr. T! nung naubos ko isang bote ng Jose Cuervo! Haha! At nagiiyak sa harap ng tatay ko at nagsususuka. Haha! Shucks. OMG. Ang bilis. Anyways. Hmmm... ano kaya paglulustayan ko ng binigay na pera ni Ate? At sayang yung BVLGARI na relos!!!! Baket hindi pinabili ni Bruno??? Sayang naman nun! Nasayangan ako! Bibilhin na sana ni Ate! Shet! Haha! Night Mr. T!

Currently listening to: Just Stand Up! by Various Artists
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 11, 2008 at 11:59 PM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

A text exchange I had last night before going to bed:

"Wag ka sanang umasa na may chance tayo. Ayoko ng may umaasa sa kin. Alam ko yung feeling. Anyways, good night"

"Don't worry. I know where I stand. Haha!"

"Salamat. Sana maintindihan mo kung san ako galing this year. Salamat"

"Di ko alam ang pinagdaanan mo. Pero from the day na nakilala kita, I promised na hindi na kita iiwan..."

Salamat talaga kung sino ka man. At alam kong binabasa mo ngayon toh. At nabasa mo yung mga past entries ko dahil nagtatanong ka about it. Pero salamat,  sa pag-aalala, sa pagcheck kung okay ako, sa pagtawag sa phone pag hindi ako nagrereply. Napapasaya mo rin naman ako. At salamat sa essay na ginawa mo para sa kin. Touched ako. But, I just can't give myself to anybody right now. Not today, not tomorrow not any day this year or next year. Bata pa ko. Hindi ako nagmamadali magkajowa. Gusto ko muna ienjoy sarili ko at ienjoy ang ibang tao. Joke yung pangalawa. Haha! Basta, I don't wanna get into anything serious muna. Magpapayaman muna ko para maregaluhan ko ng pinakamahal na Philip Stein watch or Bvlgari watch, magiging jowa ko. Haha! Pero seriously, sana talaga huwag kang umasa. Dahil masakit yan. Kagagaling ko lang diyan and I don't want other people to experience kung anong naranasan ko dahil sa kin. Salamat salamat.

It's raining. Sad.

Currently listening to: What's Love Got To Do by Tina Turner
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on December 12, 2008 at 09:53 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Weeeeee... dumating na package ni Kuya!!! Yey! Ang daming DVD's na concert ng mga Divas para sa kin. Nakalagay "JACOB" --- hahaha! Malamang para sa kin yun! Alangan naman kay Bruno di ba Mr. T? Hahaha! Ang saya saya! Tapos kasama pa yung G8 na concert nung 2005! Weeee... saya saya! Tapos andun pa yung DVD na concert ni Mariah sa Japan na matagal ko ng gusto magkaroon. May Whitney rin! Pati Celine! PCD! JLo! At marami pang iba! Weeee... ang saya saya. Divafest ito! Yung cash na lang ni Kuya ang kulang. At wala talaga kong paki sa ibang DVD's. Kinabig ko lahat ng DVD ng mga Divas. Yun lang at nakalimutan ko na yung ibang padala. Hahaha! Pasko na! Pasko na! Boom tarat tarat! Haha! At nasa bahay ako ngayon. Haha!

Currently listening to: raindrops
Currently reading: Ian's YM Window
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 12, 2008 at 10:46 AM in Everyday Drama, Family | Post a comment
Posted by jjcobwebb on December 12, 2008 at 01:48 PM in My Top 20 2008 Songs | Post a comment

Anyways, bukas na update about nung Friday. Sobrang daming nangyari nun. Pero kwento ko muna mga nangyari ngayon, ayun, I slept the day away Mr. T! Tapos eto ang masaya, may perya kasi na tinayo malapit sa min eh. So yun, simula 7pm andun ako nakikiBingo. Hahaha! Kacheapan! Pero masaya. Ubos ubos yung dinala kong pera kalalaro ng kung anu ano. Hahaha! Fun fun. Dapat pupunta ko sa birthday ni Tita Beauty pero inaantok talaga ko. Dapat sasama rin ako kay Ate sa S&R and Mall of Asia pero inaantok ako. Salamat talaga kahapon. Ang daming ginawa. Sige sige yan muna Mr. T! May kailangan pa kong tapusin. Galit na naman sa kin si Sheila. Mwah!

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 13, 2008 at 11:17 PM in Everyday Drama | Post a comment
Posted by jjcobwebb on December 13, 2008 at 11:21 PM in My Top 20 2008 Songs | 4 comment(s)

Mauna na mga pictures. Bukas na ang kuwento. Haha! Marami pa kong gagawin at parang hindi ako matutulog na naman ngayon! Amp! Wahhh….

December 12, 2008, Friday:
High 4D Reunion At Pier One

reunion reunion2
reunion3 reunion4

Hindi kumpleto ang H4D pero masaya naman ang reunion. May nag-out. Malamang hindi ako! Duh! Hahaha! Then Malate after kasama yung kaa-Out lang. Kwento sa next update.

December 14, 2008, Sunday:
Planet Drugstore Christmas Party 2008 At Unilab

121420082011 121420082021
121420082029 121420082036

Susme! Si Mama at si Ate mukhang makapatid lang! Haha! Super perlas lang si Mama! Feelingera! Haha! At katabi ko ang aking mga mahal na Titos. Buti pa sila close ko. Baket kaya tatay ko di ko close? At anjan din sa pic si Tita Beth and si Carmy na pharmacist sa Unilever branch. Kwento rin sa next update.

Sige sige Mr. T! gagawin ko na mga dapat gawin!

Currently listening to: Right To Dream by Mariah Carey
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 15, 2008 at 12:25 AM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, School, Family | Post a comment

Friday was really really nice. Una, pumunta kami sa Assumption sa school ni Page para make-upan siya. Alalay lang ako. Hindi ako marunong mag-make-up kaya taga abot ako kay Ate tsaka dun sa make-up artist nung mga make-up. Hindi pala ako pumasok sa office nun. May concert kasi pamangkin ko, pero sayaw sila. Parang foundation day ng school na hindi. First time ko makapasok sa isang all girls na school. Ang funny pala. Lahat ang titinis ng boses. Haha! Tapos yun, hindi na kami umattend nung concert since 1am matatapos yung program. So iniwan na namin si Page and kami kumain sa Brother's Burger na stand dun sa Assumption.

Pagkauwi na pagkauwi, nagChristmas shopping na ko Mr. T! Yep, hindi ko akalain, within 3 hours, nabilhan ko lahat ng mga pamangkin ko ng regalo! At ang galing ko, unlike last year kung san ubos na ubos ang pera ko kabibili ng regalo, may natira pa sa kin. Pwede na ko bumili ng iTouch sa natira! Yaman yamanan! Haha! This year inisip ko naman sarili ko. Last year talaga Mr. T! Pulubi ako. As in 0 pesos ako. Ngayon, may tira pa! Yay! Tapos hindi pa nagpapadala si Kuya! Yay! Dagdag pa yun! Haha! Mukhang pera shet! For sure ubos lang sa pagkain pera ko. Anyways yun. Habang nagshoshopping, si KRV nagtext

"Punta ka?"

"San?"

"H4D Reunion"

"Hindi ako nasabihan!"

"Nasa Yahoo! Groups!"

"Ay umalis ata ako sa groups nung nagclean up ako! Haha!"

Then dali dali akong nagpahatid sa Pier One. Yep, nauna na ang mga pictures Mr. T! Sobrang saya. Hindi buo ang H4D at hindi rin present crush ko. Hahaha! Puros Atenista ang mga present shet. 4 lang kamin Lasalista. Haha! Pero sobrang saya talaga Mr. T! Inuman at ang sarap nung bagong Gilbey's na may Tea Extract. The fuck talaga sa sobrang sarap! Medyo nahigh ako dahil ilan nainom ko at 7% ang lecheng Gilbey's na yun. So medyo na high ako. Tawa na ko ng tawa. I love it! Hahaha!

Eto ang matindi. May nagOUT. Yes, umamin sa class na Bisexual siya. Atenista. At kung sino siya secret. So tinanong ako ng mga classmate ko kung matagal ko ng alam na Bi si just-out classmate. Sabi ko, MALAMANG! SA KIN SIYA UNA NAG-OUT! Hahaha! Ang daya ko raw baket di ko sinasabi. Ano ko? Sira? Wawa naman yung tao di ba? Unless feel niya talaga magladlad, bahala siya. Then yun, malamang hindi si Aris, malamang hindi si KRV, malamang hindi ako.

May mga calling cards na ibang classmates ko. Mga sales manager iba, iba junior ek ek. Iba MT, iba nag-aaral ng Med and iba nag-aaral pa rin sa undergrad. Pero masaya talaga. Nagmature na mga utak ng kaklase ko about things. Tinanggap naman nila ng lubusan yung kakaOUT naming classmate.

Eto matindi, si Aris, nag-aya ng Malate. Yep, sa Gay Mecca ng Pilipinas. Sabi ko hindi ako sasama. Super pilit si Aris. So ako, baket ako pupunta? Isasama niya raw si recently-out classmate sa mga bars and marami siyang kilala na kaya niya kaming ipuslit sa kung san mang bar sa Malate. Ang KJ ko raw. PUTA! Sabi ko FINE! Sasama ko! Para hindi lang ako masabihan ng KJ. Medyo high na talaga ko dahil sa alak Mr. T! Hindi na derecho lakad ko sigurado ako. So recently-out classmate alam kong lasing din. Tapos sobrang kinakabahan ako nung nagdadrive siya. Then naghiwahiwalay na ang H4D at kaming 3 nagMalate. Sa kotse:

"Jacob nagsasayaw ka ba?"

"Malamang hindi!"

"Eh ano gagawin natin dun"

"Kayong dalawa maglalandian sa loob"

"Ikaw gusto ko Jacob eh. Kiss tayo dun sa loob ng bar"

"Hah? Kadiri ka!"

"Dali na Jacob, kiss na kayo ni *Name ni recently-out classmate*"

"Tigilan mo ko Aris ha!"

NagStarbucks muna kaming 3 Mr. T! Super hilo ko talaga. Then si Aris tinawagan lahat ng connection niya. Aba, hindi ko kinaya si Aris, parang lahat ng bakla sa Orosa-Nakpil kilala! Super hi sa lahat ng tao. So ako wala sa wisho sunod lang ng sunod sa dalawa. Then may-naiwan si Aris sa bahay. Susi niya, iniwan muna kami ni Aris sa loob ng Mafia. First time ko nakapasok dun Mr. T! Mga kasing-age ko ata mga tao dun. Walang mga matatanda. Daming cute in fairness pero hindi ko talaga feel makipaglandian sa ganung lugar. So naiwan kami sa loob ni recently-out classmate. Awkward ang situation Mr. T! Ako hindi ko feel ganung lugar, tapos si recently-out classmate, hindi rin alam gagawin. So nagtanong si recently-out classmate:

"Jacob, gusto ko makilala yung guy na nakablack. Help!"

"Hah? Helpdesk? Kunwari wala kang lighter go!"

"Tapos?"

"Itanong mo na yung name! Magstart kayo from there! Magbugahan kayo ng yosi sa mukha! Hahaha!"

"Ano pa?"

"Kunwari mukhang Atenista. Ibring up mo yung topic ng school! Start from there!"

"Ayaw ko nun!"

"Tanong mo kung san yung CR! Magpasama ka! Magharutan kayo sa CR! Hahaha!"

"Nyaks. Huwag yun."

"Bilhan mo ng drinks. Mukha namang tomador yung type mo!"

"Hahaha!"

Then si recently-out classmate nakipaglandian. May mga nakipagkilala sa kin pero nakalimutan ko mga pangalan nila. Hahaha! Hindi ko rin binigay number ko. Haller! Name ko na pala Jonathan Mr. T! At grabe, may nakita kong naging classmate ko dun sa PE nung 1st year College. Nag-usap kami. Cute ko raw nung nasa football field kami. Crush niya raw ako nun. Yak! Sabi ko nga kay Deck nung tinext ko about yung classmate namin. "Yung chaka na irregular sa PE class natin". Then conversations were here and there and all over the place sa iba't ibang bading:

"So ano name mo?"

"Jonathan"

"Ako si blah blah blah..."

"Sige ha, iwan muna kita, inaantok talaga ako!"

Ayun, dapat ibibigay ko na number ko dun sa nakaRed Jacket na ang galing sumayaw sa dance floor. Ang cute talaga Mr. T! Kaso hirit sa kin kung mga place ako! Shet! Turn off! Hahaha! Cutie pa naman. Hahaha!

Maraming malandi. Hindi sila marunong lumandi. Pft! Haha! Instead, natulog ako dun sa may sofa ng Mafia hanggang dumating si Aris. Si recently-out friend gusto na umuwi. Nabuwisit sa lugar. Hindi na raw siya comfortable. Ako rin uwing uwi na. May dalawang effects sa kin ang malakas na sounds, either antukin ako or mapasayaw ako. Nung Friday inantok ako. Hahaha! Around 4AM nakarating ako ng bahay hinatid ako ni recently-out friend. Si Aris naiwan. Bakla talaga! Hahaha! Then sabi ni recently-out classmate habang papuntang kotse:

"This is gonna be my first and last visit to this place"

"Aw, baket naman?"

"Sa tingin mo makakahanap ako ng matinong partner dito?"

"Meron naman! Siguro 1! Hahaha!"

"Exactly!"

"Okay naman tong place na to kung nangangati ka! Or kung gusto mo malaman MARKET VALUE mo! Hahaha!"

"Sira ka talaga Jacob! May internet naman for sex. Yung mga walang pictures sa mga gay profiles nila mas discreet yun. Ang lalandi ng mga tao dito. Mostly halata pa."

"O well. Super straight-acting ka kasi! Kanya kanyang trip lang yan!"

Dapat may pupuntahan pa kong friend sa Ortigas pero anong oras na naman Mr. T! Di ba? Then nakatulog ako agad. Pagkagising ko may wax pa ang buhok ko at may tinga pa yung ngipin ko! Sobrang hilo na! Shet...

Currently listening to: Stand Up! by Various Artists
Currently reading: Windows Movie Maker progress bar
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 15, 2008 at 08:57 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | 8 comment(s)

17- Leaving Tonight

 

16 - Just Stand Up!

Posted by jjcobwebb on December 15, 2008 at 10:01 AM in My Top 20 2008 Songs | Post a comment

Wait, recap muna nung Sunday, ayun, masaya ang Planet Christmas Party 2008. Medyo nalate ako. Hindi na ko nakahabol sa mga presentation ng mga employees. Kainan naabutan ko. Around 8pm natapos yung party. And eto ang malala, nagwig ako. Yes, sa ngalan ng salapi, magperform daw ako sabi ni Ate. Hahaha! Iuupload ko yung video one time. Hahaha! Masaya masaya. Maraming food and maraming tao. Tapos sushal ng mga prizes. TV, Ref, Aircon, Washing Machine, Plantsa. Grabe, san kaya nakuha ng Ate ko yung pinamigay sa mga employees. Shete! Then yun, grabe yung Wig experience ko ha! Last time ko nagsuot ng wig eh nung second year high school pa! Anyways yun. Masaya masaya. Then nag Harbor Square nina Ate afterwards. Kumain sa Iceberg. Nagdessert ang nag unwind ng unti then umuwi na rin. Pagkauwi tinapos ko pa yung video para sa thesis. Susme, nakabuhol buhol dila ko kakaexplain ni ENGLISH ng system namin! Take note! Super habol ako sa video na ginawa ng mga groupmates ko. Yung video may maririnig ka pang mga tahol ng aso namin! Haha!

Kanina, hindi ako pumasok sa office. Yep, kasi tinapos pa namin mga documents para sa final deadline ng thesis. Ayun, masaya naman Mr. T! Kahit alam kong gusto na kong tirisin ng mga groupmates ko, it turned out, okay mga ginawa ko kahit hindi ako nagaaattend ng mga thesis meeting lately. Tapos na rin sa wakas Mr. T! ang chapter ng buhay ko na yun! Since last year yun ang laman ng blog ko. Ngayon, okay na. Thing of the past na siya. Ngingiti na lang ako pagbabalikan ko mga times na umiiyak ako dahil sa thesis. Haha! Masaya masaya. And tomorrow, itutuloy ko na ang OJT ko. Nagkita rin pala kami ni Tin and Ivan kanina. Then naglunch with Sheila sa KFC. Mataba na ko. Wah! Now gusto ko maniwala na that the universe expands. Sabi ni Deck magsit ups na ko. Sabi ko next year na. Sino ba naman nagpapayat sa Christmas season di ba? Ayun. Nakakatuwa natapos din ang lahat Mr. T!

Habang nagkukuwentuhan kami ni Sheila at nagpipicturan kami sa laptop niya. Nakita ko mga lumang pics namin during the start of the year nung METHODS take 2 kami. Grabe, ang bilis. Then nagpicture picture din kami ulit. And goodness, ang payat ko during the start of the year Mr. T! And tawa kami ng tawa dahil ang dami pala naming pics sa laptop niya. Anyways, share ko lang. 

Simula ng taon:

Picture 24 Picture 25
Picture 21 Picture 22

Bago magtapos ang taon. Kanina lang:

Picture 543 Picture 544
Picture 540 Picture 542

Ang panget talaga ng lighting sa Gox! Yung sa Conserve iba talaga! Defense sa METHODS yung sa taas. Yung baba after matapos na ang lahat. Hahaha! As in lahat lahat. Hahaha! Natapos din ang lahat Mr. T! :-) I’m looking forward sa Simbang Gabi mamaya Mr. T! Sana magising ako ng maaga. 9 na tulog na lang Pasko na. At inaantok na ko. Salamat sa red wine. Inaantok na ko as in super! Haha! Kahit pagkauwi kanina tulog ako. Inaantok na naman ako!

Currently watching: Bandila on ABS-CBN
Currently feeling: super sleepy
Posted by jjcobwebb on December 15, 2008 at 11:48 PM in Everyday Drama, School | 6 comment(s)

Nasa office ako ngayon. Nilalamig. Sobrang Christmas-y na ng office. Hahaha! Napanood ko yung video ng Christmas party ng HSBC pinanood sa kin ni Ms. Marie. Hahaha! Kaaliw. Si Ms. Jaggy nagCHER. Hahaha!

Kababasa ko lang ng isang entry ng isang Tabulas user na kakaupdate lang. Natawa ko kasi chinichismis siya ng isang common friend. Bading daw siya. Nope hindi pala chismis, bading siya. Kasi may BF raw siya. So bading nga. Haha! Anyways, I read a nice quote on the internet just now and I don't know who said this. Share ko lang:

"There comes a time in your life when everything falls apart and you need someone to put it back together again, because you can't do it yourself. To be put back together is to find peace of mind with your heart again. Once that is done, you are functioning as a whole again. Don't ever let go of the person that put you together, they are more important than you know."

Ganda noh? Anyways yan muna Mr. T! Pinag-iisipan ko pa kung iuupload ko yung video na pwede kong ikasira ng buhay. Hahahaha! Pero sige iuupload ko in a while. :-)

Ay pahabol, last time kong kinilig last March pa. Hindi ko alam kung kinikilig ako kahapon or natatawa ko sa sarili ko. Or nababaliw na ko. Mag-isa pa naman ako sa LRT2 kahapon tapos smile ako ng smile. Wah!

At para sa mga taong nagtanong tanong ng kung ano ano kagabi sa kin, I said the truth. The truth hurts sabi nga. Tanong kasi kayo ng tanong. Sana hindi niyo na lang tinanong. Haha! Pero weird kung masasaktan kayo. Walang rason. Hayz. Anyways, yan muna Mr. T! :-)

Currently feeling: cold
Posted by jjcobwebb on December 16, 2008 at 11:50 AM in Everyday Drama, Randomness, OJT | 2 comment(s)

Eto na ang video last Sunday nung Christmas Party nung drugstores. Hahaha! Si Ate may pakana nito. Last time kong humarap sa madla ng nakawig at baklang bakla eh nung Second Year HS nung one-act play sa Biology! Hahaha! Mas malala yun dahil may boobs ako nun! At kasama ko sa stage si Jeffrey! Hahaha! Anyways sana maaliw kayo sa video! Hahaha! Presenting... Maruya Carey! Wahahahaha!

Super effem! Hahahaha! Winner! Peel na peel! Haha! Malaki kinita ko diyan! Hahaha!

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 16, 2008 at 06:05 PM in Everyday Drama, Gayness | 34 comment(s)

Marami akong natutunan ngayong taon na toh Mr. T! Eto ang unang bagsak ng aking Year-End entries...

On family...

  • mas okay gumimick kasama pamilya. less gastos. haha!
  • maraming pera ang mga magulang natin. samsamin! haha!
  • kung lahat tinalikuran na tayo, pamilya natin ang unang sasalo sa tin
  • mapagmahal mga kapatid ko. ako sa kanila hindi. joke!
  • importante talaga ang may magulang. kahit malaki na ang ate ko, kailangan niya pa rin si Mama at Papa
  • patas ang mga magulang. kahit alam kong paborito ng nanay ko si Bruno at Kenneth. at tatay ko paborito si Ate. kawawa naman ako!
  • ang mga pets ay parang parte na rin ng pamilya. masakit mawalan ng aso.
  • gusto ng pamilya natin ang makabubuti sa ting kapakanan. minsan kailangan ka ipahiya ng magulang mo para matuto ka.
  • may middle-child syndrome ata ako
  • mahal na mahal mo pamilya ko
  • mahal na mahal ko rin mga kamag-anak ko

On school...

  • masarap mag-aral. pwede magcut. buo pa rin baon mo
  • dumami ang cuties sa DLSU nung pa-Graduate na kami. shucks.
  • masarap ang feeling ng pasado sa thesis. may karapatan mag angas
  • mababait pala ang mga CCS secretaries. baklain mo lang
  • hindi lahat ng subject pumapasa ka dahil sa talino. minsan dahil sa attendance at ganda. haha...
  • masarap pala matulog sa Conserve
  • marami rin pala ang nag-eenroll ng late
  • puwede ka pala gumawa ng milagro sa CR ng Lib sa first  floor
  • 50php lang kailangan mo sa Eric's, busog ka na talaga
  • hindi importante ang mga libro pagcollege. minsan laptop at internet na lang talaga kailangan
  • malaki ang tulong ng YM sa mg groupwork
  • Ateneo will always be better than La Salle. Pero mas maraming hot sa CSB
  • mahirap pala pag nasira ang ID
  • huwag magtetext in class
  • huwag kikiligin ini class
  • mangopya kung kinakailangan
  • masarap pala tumambay sa Starbucks sa Taft
  • mahirap ng present in English. mahirap din magpresent kahit Tagalog
  • sa tamang approach at tone ng boses at kaplastikan, pwede mong maging close kahit sino sa school.
  • mukhang pera ang La Salle

On love...

  • huwag lalandi sa may jowa. masasaktan ka lang
  • huwag masyadong magcacare. ibang tao will take you for granted
  • be numb and cold once in a while. makikita mo kung sino tunay na nagmamahal sa yo
  • kung ibebreak mo puso ng isang tao, do it now. wag mo ng patagalin kung kelan magiging mas masakit pa
  • maraming malandi sa mundo. yung iba malandi pero hindi marunong lumandi
  • you can't compete with someone else's previous lover
  • nakakatanga talaga ang love
  • minsan maiinlove tayo sa tao na hindi natin aakalaing maiinlove tayo
  • sometimes, hindi friendship ang foundation ng isang long ang lasting relationship, minsan kasi, it's a good sex. haha!
  • hindi OA ang maghintay para sa isang tao ng halos isang taon. mahal mo lang siguro yun
  • hindi ibig sabihin na hindi mo mahal ang tao pagnilet go mo siya, minsan, kailangan gawin dahil alam mong iba ang mahal niya. yes...! haha!
  • kahit hindi ka gusto ng isang taong mahal mo, isipin mo na lang, maraming may gusto sa yo. dapat ka ng magpasalamat dahil maganda ka talaga. haha!
  • masarap magmahal. napakasakit maheartbroken. aw! yes...! haha!
  • wag maging bitter, mahirap magmove one. instead maging masaya para sa taong sinaktan ka, mas madali maglet go... yes naman!
  • magmahal ka ng parang walang bukas, para kung masasaktan ka man, at least may karapatan ka talagang masaktan
  • maraming duwag na tao, akala lang nila matapang sila. haha!
  • some people want their partners to have a stable bank account, but I want mine to have emotional stability
  • may mga maliliit na bagay na napakalaki para sa isang tao
  • kung nakakalungkot dahil wala akong lovelife, iniisip ko na lang yung mga batang walang makain at matirahan, mas nakakalungkot yun...

On friends...

  • mahal ko mga kaibigan ko period
  • mahal ko rin mga umaway sa kin period
  • pero wala ata akong kaaway
  • mahirap makipagplastikan
  • ang mga tunay na kaibigan ay hindi ka iiwan
  • yung mga iniwan ka, ibaon sa limot
  • maraming pera mga kaibigan ko. hahaha!
  • mas okay mag-explain minsan sa kaibigan. alam nila kasi kagagahan mo eh
  • minsan, B.I rin ang mga kaibigan. pero masaya naman. hahaha!
  • may mga kaibigang pasaway, iba pakielamero. pero at the end of the day, kaibigan mo pa rin sila
  • it's nice to meet new friends
  • sweet pala akong kaibigan. haha!

Yan muna. Shet. Ang rarandom ng mga naisip ko. Mga walang kwenta. Haha! Update you soon Mr. T!

Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 17, 2008 at 09:48 AM in Everyday Drama, Randomness | 14 comment(s)

Katatapos ko lang maglunch. Lunch na naman ng 2 hours hahaha. Tumawag si Ate and nasa S&R daw sila ni Mama and Tita Beth. So? Free lunch! Hahaha! Nagogrocery sila ng kung anu ano dun. Si Erwin din pala kasama. Pinag hahalf day ako ni Ate sabi magLandmark na lang kami. Kumusta naman di ba? Sabi ko no. Aba ako na toh! Sumunod din si Milette yung friend ni Ate. Dito rin kasi sa The Fort nakatira yun. So yun, ang laki nung pizza sa S&R Mr. T! Pati yung ice cream at inumin ang laki. May sipon ako pero nag-iice cream ako! At ang sarap nung hot sauce nung pizza! Shet! C'mon naman talaga! Hahaha! Anyways yan muna Mr. T! Malamig ba talaga or ako lang ang nilalamig? Kanina pa kong umaga nilalamig eh... :-S Or dahil magpaPasko na talaga? Hayz...

Oh oh, yesternight nagkita kami ni Boch. Kumain sa Brother's Burger BHS then umuwi na rin agad. Medyo nabadtrip ako sa traffic kaya sorry talaga kung mukha na kong sabog kahapon and kung ang bilis ko na maglakad. Ayoko lang kasi talaga ng nahahassle sa pag-uwi.

Kaninang umaga, pinababa ako kanina ng taxi driver. Nag-overheat taxi niya. Buti na lang dun sa maraming taxi ako bumaba. Salamat sa Diyos maaga ako sa office. Kailangan ko na pala ipass mga evaluation ko dito sa HSBC para may grade na ko sa OJT. Hmmm... ipagshoshopping daw kami ni Ate sa Rustan's bago matapos ang week or sa weekends. Yay! Inaantok na ko Mr. T! Hay... HELP!!!

Currently reading: this entry
Currently feeling: busog
Posted by jjcobwebb on December 17, 2008 at 02:31 PM in Everyday Drama, Food and Dining, OJT | Post a comment

Tinanong ako ng isang masugid na taga basa ng blag ko:

"May challenge ako, kung meron kang 2 entries this year kung san ka pinakamasaya at pinakamalungkot, ano yung dalawang entries na yun?"

Sabi ko:

"Madali lang yun"

Pinakamalungkot: Faking A Smile With A Cake To Go

Pinakamasaya: Silence Is Music To My Ears Pt. 2

Hindi man lang ako nachallenge sa tanong niya. Haha!

At sinubukan kong basahin yang mga entries na yan ng buo. Napangiti na lang ako. :-)

Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 17, 2008 at 03:22 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Maliit talaga ang mundong iniikutan natin Mr. T! Grabe, nakasabay ko sa elevator ang anak ni Mommy Jong sa HSBC nung pauwi ako! Confirmed na sa HSBC siya nagtatrabaho! Haha! OMG lang di ba? Amazing! Hahaha! Salamat sa mga pics na pinost ni Mommy Jong sa blog niya nung isang araw at naging familiar ako sa mukha ni Jamie. Magaling pa naman ako makatanda ng mukha. Goodness ganda ng anak mo Mommy! Kung straight ako niligawan ko si Jamie. Hahaha! Small world. Small world.

Walang tao sa bahay. Hindi pa umuuwi sina Mama baka nagshoshopping pa rin kasama si Ate. And mga kasambahay nag Simbang Gabi anticipated. Ako hindi na nakapagsimbang gabi. Anyways, yan muna. :-)

At meron na kong baso ng Coke. Yung free! May red na ko! Hahaha! At mas mabilis pala kung baba ako ng bus sa Cubao kesa sa Galleria. Less than 1 hour lang yung biyahe ko kanina Mr. T! Diyahe kasi ang Ortigas eh. Nagiging 1 oras yung Galleria to San Juan! Sa Cubao na ko baba! Weee....

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 17, 2008 at 09:09 PM in Everyday Drama, Randomness, OJT | 20 comment(s)

I was reading blogs last night before going to bed and I came accross Jemima's Tabulas page. I asked her if I could re-post the entry she put up last night and she said yes. So here it goes:

"According to this night's sermon, there are three kinds of love: the "If" love, the "because" love, and the "inspite of" love. The "If" love is a conditional love. Conditions like, "I'll love you if you buy me gifts" or "My love for you will stay forever if you give me everything I want". The second kind of love, the "because" love, is loving for a reason. "I love you because you took care of me" or "I love you because you were there when I needed someone to lean on". And lastly, the "inspite of" love or the divine love. "I love you inspite of your faults." It is love given freely, with no conditions or no reason at all. It is loving someone for who they really are."

Nice.

Just got back from Aquamarine room. May mga bata galing Davao na nangaroling at sumayaw din sila. Masaya. Hehe.

I'm still sick. Tsk...

 

 

Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 18, 2008 at 10:01 AM in Everyday Drama, OJT | 6 comment(s)

OMG ulit. Pumunta si Jamie sa workstation ko! Yes, yung anak ni Mommy Jong Mr. T! Wahhh... nakakahiya. Nahiya ako. Kasama si Macky pumunta sa desk ko. Shucks, dinaldhan pa ko ng Country Style na doughnut. Shucks. Nahiya naman tuloy ako. Hindi ako nakagalaw. Thanks thanks sa doughnut. Nagrerecover lang ako sa gulat... woooo.... goodness!

Macky: Paano kayo nagkakilala?
Jacob: Mahabang storya! Hahaha!
Jamie: Hahaha!

Salamat ulit sa doughnut. :-D

Currently listening to: tawa ni Giselle
Currently feeling: shocked and still sick
Posted by jjcobwebb on December 18, 2008 at 01:05 PM in Everyday Drama, OJT | 12 comment(s)

Thanks Jeffrey sa pinadala mo! It's super appreciated. Mwah! I know I have always been an unworthy friend pero promise may birthday card ka dapat nung birthday mo. Sobrang wala lang akong time pumunta sa postal office. Hahaha! Kiss na lang! Mwah! Ang hugs, *hugz*. Haha! Eto kakaoffline lang ni Jeffrey. Siya kachat ko the whole time pag-uwi ko. Nakakaaliw problema ni Jeffrey. Haha! Hay miss ko na si best friend Jeffrey!

Nakausap ko rin si Jamie, anak ni Mommy Jong kanina. Pumunta siya sa desk ko ulit bago mag-uwian. Nakapagusap kami. Kung ano ano lang. Hehehe! Mabait naman pala anak mo Mommy Jong. Shucks. Coolness talaga. Hindi na ko nagblush nung second time siya pumunta sa workstation ko. Ang weird naman walang internet sa department nila. Hmmm... anyways. Yun, it's really nice to have new friends Mr. T! Mommy Jong, sabi ni Jamie sabi mo ka kanya may sakit ako at dalhan ako ng food. Thanks! Sweet shet.  :-) Baket ba tayo hindi naging frienship mga September para may naging friend agad ako sa HSBC! Haha! Thanks ulit. Everything you thought of and did are appreciated. :-D

Then pumunta sa Shang para makipagkita sa ADB. Had dinner sa Tender Bob's. Then umalis ako agad dahil magkikita dapat kami ni Mike sa Cubao. Pero may sakit talaga ako Mr. T! Kaya sabi ko kay Mike babawi na lang ako. Ang dami ko pa namang utang na loob kay Mike. Ang dami ko na rin siyang beses hindi sinipot at kinansel bawat pagkikita naman. Sorry Mike. I'll really make up for my losses. Ayun. Mike has always been so good to me Mr. T! Alam mo yan. Pero at least friends na kami ngayon. :-)

Hmmm... ay ay ay Mr. T! Si Karol nagtext kanina! Weeee... asa Pinas na siya! At may pasalubong daw ako from down under! Haha! Ano kaya yun? Nagiinvite siya magGreenhills kanina kaso nasa office ako. Maghahalf day sana ko kaso sayang ang hours. Anyways, update you soon Mr. T! :-)

Sana gumaling na ko bukas.

Ay this made my day. Yung reply ko made my day. Hindi sa text ng nagtext ako natuwa. Kung hind sa reply ko. Haha!

"Hindi ka man lang naturn off sa video ko? Ang effem effem ko dun! Hahaha!"

"Hindi. Kasi ikaw pa rin naman si Jacob eh. Costume lang yun"

"Nasisiraan ka ba?"

"Hindi. Gaya nga ng sa blog mo, yung love na inspite of?"

"Nyeks. Anong kinalaman!? Lasing ka ba?"

"Hindi. In love ako"

"Kanino?"

"Sa yo..."

"Lasing ka nga! Hahaha!"

Hindi nakakakilig eh, nakakainis. Weird. Anyways. Good night Mr. T!

Currently listening to: the electric fan
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 18, 2008 at 11:52 PM in Everyday Drama, Gayness, Malling, Food and Dining, OJT | 4 comment(s)

Tamad ako. I know. Kagabi sobrang pagod ako. Dahil sa sobrang dami ata ng ginawa sa office or sa dahil may sakit ako. Or dahil naipit ako sa MRT. Yep, nagMRT ako pauwi galing sa Shang.

Hindi na ko naglinis ng katawan kagabi. Nagcheck ng e-mail kagabi, medyo YM, medyo blog tapos nakatulog agad. Walang toothbrush toothbrush or hilahilamos. Super bagsak ako sa kama kagabi. Ngayon sumasagi sa isip ko, what if pa kung nagtatrabaho na talaga ako? Baka makalimutan ko na sarili ko. Wah! Hindi ko talaga kaya mabuhay mag-isa. Kailangan ko talaga ng alalay. Haha! Seriously, siguro hindi lang ako sanay na hindi gumagalaw ng walang inuutusan. Tamad ko talaga noh? Malay natin, one day, sumipag ako. Haha! Baka pag nagkajowa ako pagsilbihan ko siya! Haha! Weird thoughts. Hahaha! Bored na naman dito sa office kahit maraming ginagawa.

Malaki utang na loob ko sa Tabulas. Dito lang ako nakakapag-usap sa mga tao. Buti na lang talaga may Tabulas. Thanks Mr. T! Susme, kung walang Tabulas san na lang ako makikipagusap di ba? Ay meron pa pala isa, sa Multiply. Haha! Anyways, I have two plans later tonight Mr. T! I need to choose one. So bali pag di nagtext sina Barry before 4pm, I'll say yes to Allan's invite.

Anyways, yan muna...

Currently listening to: Time Of My Life by David Cook
Currently feeling: stuffy nose
Posted by jjcobwebb on December 19, 2008 at 12:03 PM in Everyday Drama | 5 comment(s)

Habang umiihi kanina, may biglang pumasok. Kumakanta (sa tono ng Always Be My Baby)...

"You are gonna be a part of me..."

Ano raw? Hahaha!

Habang nagbabayad sa 7-11 after lunch nung nagpaload ako:

Cashier : Sir do you want to add anything else?
Jacob : Wala na po yan lang...
Cashier : How about chocolotes, yosi, condom...
Jacob : CONDOM? Hahaha! Marami kami niyan! Haha!

Mukha ba kong makikipagsex kanina Mr. T! Shet! Haha!

Ang daming pagkain dito sa office Mr. T! Grabe, kahapon may empanada, yung donut, sapin sapin. Ngayon may cake, mga chips sa sangkatutak, chicharon. Grabe! Ano ba yan! Nakakatamad kumain. Wahh...

Ay may mga napanaginipan pala ko recently. 3 sila na nakakabaliw at weird.

First Dream

Nakikipagsex daw ako kay ******. Oh di ba? Kadiri lang? Nakuwento ko na sa kasama ko sa dream ko tong dream na toh. Hindi niya rin kinaya. Hahaha! Mga last week yung dream na toh.

Second Dream

Eto kanina lang. May doppleganger daw ako. Tapos si kamatayan nakikita ko. Tapos kukunin na raw ako ni kamatayan nagplea ako. Wow! Parang The Sims lang! Hahaha!

Third Dream

Eto mga last month siguro. Nakasakay ako sa isang red sports car. Mabilis yung takbo. Nakaakyat kami sa bundok sa sobrang kabilisan niya. Hindi ako nagdadrive. Nasa passenger seat ako. Tabi ng driver. Weird hindi ko nakita mukha nung driver. Basta ang bilis bilis nung kotse.

Ano kaya mga meaning niyan? Weird dreams. Weird. Weird...

Currently feeling: stuffy nose
Posted by jjcobwebb on December 19, 2008 at 03:14 PM in Everyday Drama, OJT | 8 comment(s)

Magbalik tanaw muna tayo bago ko ipost ang update ko for today:

Sa kotse ni Barry…

Noong: December 2007

 

Kahapon: December 2008

 

O say mo Mr. T!? Hahaha! Post ko na updates ko. Nagtransform ba kami? Hahaha! Nakakatuwa. Hahaha!

Posted by jjcobwebb on December 20, 2008 at 02:28 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 2 comment(s)

Kagiginsing ko lang. O diba? Sobrang saya kahapon Mr. T! Kahit kaming 3 lang nina Rhitz and Barry ang lumabas ang naglaskwatsa, sobrang ang saya. Pag iniisip ko nga, ganun lang naman talaga kami, mababaw ang kaligayahan namin. Pag sama sama kami masaya na. Parang solve na solve na ang lahat. Anyways, simulan na natin ang kwento Mr. T!

Ang gulo gulo namin. Una gusto sa Greenhills pumunta, tapos sa Trinoma, tapos sa Tagaytay tapos sa Serendra, sa Shang, sa Rockwell. Halos lahat ng mall nabanggit na namin. Pero napagdecidan namin na sa Serendra na kumain.

8PM na ko lumabas sa office. Ay may regalo pala si Ms. O and si Ms. Beth sa kin. Haha! Dami ring food sa office kahapon.  Pero sobrang daming ginagawa. Sina Barry and Rhitz nasa Fully Booked na sa BHS. Ako sumunod after kong lumabas ng office. May kinuha lang si Rhitz sa car niya kaya si Barry una kong nameet sa Fully Booked. But before akong umakyat sa escalator sa Fully Booked, for the second time, sa BHS< nakasalubong ko si Ryan sa loob din ng Fully Booked. Last ko rin siyang nakasalubong sa BHS rin. Haha! Anyways, I got shorter daw sabi ni Ryan. Must be the jacket I’m wearing yesterday Mr. T! May party si Ryan na pupuntahan, may kasama siyang friend na girl taga DLSU rin. Ayun, hi-hello lang kami then kailangan na nila umalis and ako kailangan ko na rin imeet si Barry sa second floor.

Then nagkita kami ni Barry. Wala lang. Haha! Then naglakad lakad naghahanap ng makakainan. Then iniwan ko bag sa car ni Barry para hindi naman ako jologs. Then yun, si Rhitz dumating na rin and then the search for a place to eat began. As usual, magulo kami. First sa Serendra dapat kami kakain. Pero ang daming tao. Babalikan dapat namin yung Balducci. Naalala mo ba Mr. T! yung resto na yun? Yung tumayo kami dahil wala akong pera nun? Hahaha! Scene kagabi:

Jacob : Sa Balducci tayo kumain! Balikan natin yung resto na yun!
Barry : Aba aba aba may pera siya!
Jacob : Oo! Sabi ko sa yo! Maghihiganti ako eh! Hahaha!
Barry : Go, lika dun tayo kumain

Sayang Mr. T! May private party sa Balducci kagabi! Tsk! So hindi kami nakapaglustay ng pagkain dun. Anyways, wala kaming maisip na makakainan dun. So sabi namin na sa Greenbelt 5 na lang kami kumain. So, si Rhitz sumakay na rin sa car ni Barry kahit may dala siyang sasakyan. So kaming 3 nasa loob ng kotse ni Barry. May dalang cam si Rhitz. So, ano pa ba magandang gawin? PICTURE! Hahaha! Ang picture moments namin sa loob ng kotse ni Barry nagmaterialize ulit. Hahahaha! Parang annually ginagawa namin toh before or after Christmas. Sobrang fun. Hahaha!

Then nagpark kami sa bagong parking. Hindi namin alam kung san tutungu yun pero nagpark kami. Pagkababa namin ng kotse, nakapasok kami sa isang bagong mall. To our surprise --- GLORIETTA 5! Waahhhh… first time namin sa mall na yun. Kakaiba! May nakita kaming malaking Christmas tree sa loob nung mall. So? PICTURE! Hahaha…

image image

Ang saya and then tinahak namin from Glorietta 5 til Greenbelt 5. Mahal ko talaga ang Ayala! Haha! Gusto namin kumain sa John and Yoko sa Greenbelt 5. Kasi ang ganda ng mga ilaw dun. Haha! Kaso ang daming tao. Pinagpilian namin: La Maison, Solihiya, John and Yoko, Fish Out of Water. Sa Fish Out of Water kami bumagsak Mr. T! Pero pumasok muna kami sa Adora bago kumain. Ganda ng mga damit. Lately hindi na ko namimili ng mga damit para sa sarili ko. Parang kuntento na ko as of now sa aking wardrobe. Anyways, then yun, kumain na kami. Ngayon lang ako nakarining ng BUTTERFLIED TILAPIA. Social noh? So inorder namin yun. Mababait sina Rhitz and Barry, alam nilang hindi ako puwede sa shrimps and crabs, kaya hindi kami umorder. Hahaha! While waiting and after serving and after eating. Siyempre, PICTURE!

image image
image image
image image

Masarap yung pagkain nila. Okay din yung price. Then super kuwentuhan kami. Namimiss namin si Jeffrey. At ewan talaga namin baket feel na feel ni Jeffrey sa Taiwan eh ang saya saya dito sa Pilipinas. Hahaha! Namiss namin siya. In fairness, sana hindi nakakagat ni Jeffrey dila niya kagabi dahil siya topic namin almost the whole time kaming kumakain. Haha! Masaya nung nagkakainan kami. Nagflashback kami:

Barry : Grabe, nakakain na tayo sa ganito. Haha!
Jacob : Oo nga. Mahirap lang naman tayo dati. Pakwek-kwek-kwek lang tayo dati!
Rhitz : Oo nga, mga tambay lang tayo sa 7-11

Ang bilis ng time Mr. T! 3-4 years ago na agad yun. I’m wondering, ano na kami after 3-4 years. Hmmm… then after eating medyo umikot sa Greenbelt 5. May exhibit ng mga Christmas trees. So PICTURE! Haha! Dun ako nagpose sa Christmas tree na ang decorations ay dolls. Hahaha! Gay! Haha! Tapos biglang namatay yung ilaw! Nakakainis. Ang ganda ganda nung lighting nung may ilaw tapos biglang pinatay. Hindi lang kami nagpipictorial Mr. T! Marami ring tao! Nakakainis pinatay yung ilaw. Hmph! Pero ayun, masaya. Then medyo naglakad sa Greenbelt 3 then pabalik sa Glorietta 5 then medyo pictures ulit.  

image image
image image

Then hinatid namin si Rhitz sa Serendra dahil dun nakapark car niya. Then si Barry hinatid ako pauwi. MagssStarbucks pa sana kami kaso maaga papasok sa opisina nila si Barry. So yun, it was a night. Ang saya saya. Got home around 2AM na. Wala ng ayos ayos, humiga ako sa kama at nakatulog agad. Ay nagpicture kami ulit sa kotse bago ihatid pala si Rhitz sa Serendra:

image image

May Christmas party kaming magkakamag-anak mamayang gabi. Hindi ko pa nabibilhan yung nabunot ko sa Kris Kringle. Pupunta kong SM maya maya para bumili ng regalo. Napabalot ko na rin sa kasambahy namin na si Jesa mga pamimigay kong regalo sa mga inaanak ko.  Anyways Mr. T! Sobrang saya. Hay mahal na mahal ko mga kaibigan ko Mr. T! Kung alam lang nila. :-) At may Christmas dinner pa kami sa Monday. Wow! Mayaman ka Jacob? Wahuhuhu… but still. SUPER FUN. Thanks GOYS! Sana next Christmas complete na kami.

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 20, 2008 at 03:10 PM in Everyday Drama, Gayness, Malling, OJT | 2 comment(s)

Aliw. Pwede palang gawing Ask Po yung PASKO na word. Shet ang random nun! Hahaha! Eniwi, feel ko na ang Pasko. Paparating na siya. Haha! At kala ko hindi ko siya mararamdan ngayong taon na toh. Weee! Kauuwi ko lang . Galing ng drugstore nagbantay. Ayun, yung lang actually naganap ngayong Sunday na toh. Nagbantay ako ng drugstore. Eto na naman yung time na proxy ako sa pagbabantay since nagbakasyon mga empleyado sa drugstore. Anyways, racket din toh. Pera din. At habang nasa drugstore super tutok ko sa The Buzz. Haha! Naintriga ko sa Karylle VS Marianne eh! Hindi ako mahilig sa showbiz pero nakatutok talaga ko kanina sa TV para dun. Haha! So yun, habang nagbabantay din ng drugstore, dala ko yung Stainless Longganisa ni Bob Ong. Ang tagal ng nakatambak sa kwarto ko yun. Tinuloy ko yung pagbabasa sa drugstore para di ako mabato. Idol talaga si Bob Ong!

Ayun, yesternight was super fun. Nagkaroon ng maliit na salo salo kaming magkakamag-anak sa bahay ni Tita Lourdes. Siyempre magkakalapit lang bahay namin. So yun, may excahange gifts din pala kaming magkakamag-anak. Nag last minute shopping ako kahapon sa Centerpoint Mr. T! Hahaha! Then yun, kainan, tapos dasal, tapos nagpasalamat, exchange gifts, videoke. Nakakatawa, si Mama nakabunot sa kin sa exchange gift. Hahaha! Ay namili rin pala ko ng mga damit kahapon sa F&H. Hehehe! Super bili lang. Hahaha! Nakakaaliw mamili ng damit ulit. Naramdaman ko ulit yung feeling ng nakaayos at nakaoutfit. I miss dressing up. And yeah, pinadevelop ko yung picture naming 4 nina Rhitz, Barry and Jeffrey, 10R. Ipapaframe at ipadadala kay Jeffrey. Pero panget ng kinalabasan. We’re thinking kung ano pa ang pwedeng picture ang ilagay sa frame. Anyways, mga picture last night (at napicturan ko na lang nung patapos na yung salu-salo): 

122020082082 122020082079
122020082085 122120082089

Ayun Mr. T! Masaya. Ang sarap nung Casava Cake na yan! Ibang level. Haha! Tapos yung kasama ko pamangkin ko sa pinsan. Oh di ba parang magkasing-age lang kami? Hahah! Ngayon ko lang narealize, wala akong kasing-age na pinsan or kamag-anak. Either mas matanda sila sa kin or mas bata. Wala kong kilala na pinsan or relative na pinanganak ng 1985! Yung mga close ko sina Cathy and Marco, mga 27 years old na sila. Tapos yang sa picture na si Alyssa, 17 years old. Wala talaga akong kasing age.

Tapos yun. Since puros picture na man din, share ko yung design sa office. Nanalo ang HUB sa contest ng best Christmas design. Hehehe! Galing ni Ms. Diane! Go go go! At peke yung mga yan ha! Haha! At nanalo ang HUB ng isang katutak ng chips. Hahaha! Sarap!

121920082073 121920082072

So yun Mr. T! Baka til 24 papasok pa rin ako. Okay lang. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Ay meron pala. Tatakas lang ako sa mga ipapagawa. Haha! Ayoko mag-ayos ng bahay. Ayoko maglinis. Ayoko mamalengke. Ayoko maghiwa. Ayoko magluto sa 24. Haha! Susme baka pagkadkarin na namana ko ng ube ni Mama. Tsk! Kaya sa office na lang ako. Haha!

Kanina habang nasa drugstore ako, tumawag ako sa bahay nina Ate para may itanong tungkol what time magsasara yung drugstore. So ganito ang eksena sa phone:

*Jacob dialed …… other line picked up*

Jacob : Hoy! Wyna (pangalang ng kasambay ni Ate)! Pakausap kay Ate dali!
Person : Hoy ka rin! Walang Wyna dito!
Jacob : Hoy! Importante toh! Bigay mo kay Ate yung phone may itatanong ako! Dali!
Person : Hoy! Wrong number ka! Dali ka diyan!
*nabosesan. hindi boses ni Wyna*
Jacob : Ay, parang nga. Sorry sorry… Haha!

Kahiya talaga ako! Hahaha! Isa yan sa mga rason baket ayoko ng landline. Tanga ako dumial sa phone. Haha! At ang weird ng Globe. The whole time akong nasa drugstore, walang signal. Shet! Anyways, update you soon Mr. T! Ilang oras pa lang ako nakakatulog ngayong araw. Wahhhh… sige sige. At dapat pala may dadaanan at kukunin akong  regalo from my new friend, kaso late na ko nagising. Next year ko na raw kunin. Thanks in advance! :-)

Currently listening to: Never Knew Love Like This Before by Stephanie Mills
Currently feeling: sneezy
Posted by jjcobwebb on December 21, 2008 at 11:45 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family, OJT | 2 comment(s)

Inspired tong entry na toh sa entry ni Mommy Jong.

Ayun nga, ang mahiwagang tanong: Baket nga ba ako nagboblog???

Nagka Live Journal ako. Nagka Xanga rin ako. Pero hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng blog nun. Hahaha! Meron akong Mariah Carey website before. Inuupdate ko araw araw yun. Ang dami ko rin naging friends around the world. Pero yung website ko na yun, na tinawag kong Mariahscape, iniwan ko na nung 2003. Try niyong isearch ang "Mariahscape" sa Google baka lumabas pa. Ayoko na isearch baka simulan ko ulit eh! Hahaha! Ayun ang una kong encounter sa pagboblog. Blogging na pala ang tawag dun. Sa araw araw kong pag-uupdate ng website na yun from 2001-2003, pagboblog na pala yun. Hindi ko lang alam. So dun nagsimula ang aking pagboblog.

Si JM. High school classmate ko, may site siya na lagi niyang status sa YM niya before. After college na toh Mr. T!, so clinick ko. Napunta ko sa site na toh. CLICK HERE DALI! Hahaha! Nagandahan ako. Ang ganda ng design. Clinick ko yung link ng Tabulas. Nagsign up ako. Sabi ko, baket iba yung template ko? Kay JM maganda? So ako, may knowledge naman ako sa pagdedesign ng website, I created my own template. Actually, mas una akong gumawa ng template kesa gumawa ng isang entry. Hahaha! Pagkasign up na pagkasign up ako gumawa agad ako ng template para sa blog. And dun na nagsimula ang aking buhay sa Tabulas. Ang pag eevolve ni Tabulas, to Mr. Tabulas hanggang maging Mr. T! May entry ako sa evolution ng aking blog. CLICK HERE ULIT DALI! Hahaha! At ngayon ko lang nalaman may mga theme rin halos bawat year sa blog ko. May Multiply blog ako. Pero bihira ko iupdate yun kasi halos lahat ng contacts ko sa Multiply ko. Masyadong nakabroadcast kung dun ako magboblog. Mga tamang pacute lang pinopost ko dun haha! May Wordpress din ako. Pero bihira ko iupdate. At super private lang talaga yung Wordpress ko. Ayoko mabasa ng specific people mga nakalagay dun.

2004. So yun, since hindi pa kami DSL nun, bihira ko iupdate Tabulas. So parang, mga early days ko dito sa Tabulas, parang mga memorable memories lang nilalagay ko. Actually, ganun nga nangyari. Pagbinabasa ko siya, mga memorable nga lang talaga nilalagay ko nung una.

Until 2005. Ang dami kong naging entry nung 2005. Iba random, iba memorable, iba mga wala lang. Parang naging imaginary friend ko tong blog ko nun dahil kakashift ko lang nun Mr. T! At most of the time nasa COMLAB ako nun. Kaharap ang PC at loner. Mahahaba break ko nun. So, update na lang ng blog. So, inuupdate ko ang aking blog na parang walang bukas. Until natuto na rin akong magpost ng mga pics para masaya pagbinabasa ko ang mga entries. At kung may nagbabasa naman, masiyahan ang mga readers noon. Parang naging kaibigan ko tong blog ko. Kasi nasasabi ko kahit ano dito. Nahanap ko isang lugar sa mundo kung san puwede akong maging ako. Puwede ko ilabas mga nasa isip ko. Kahit sobrang walang kuwenta, kahit walang saysay, nasalamin nitong blog na to mga laman ng utak ko. Naging saksi rin siya sa mga naganap sa aking buhay. Sa College mostly. Saksi rin siya nung una akong umibig at naheartbroken. Haha!

2006. Puros mga nangyari lang sa buhay ko nasulat ko. Puro kadramahan. Hahaha! Puros mga tula and kanta na naisulat ko ang mga lumalabas sa blog ko noon Mr. T! Naging paraan ko ang blog noon para makalimot sa mga bagay. At mostly talaga, laman ng blog ko noon about sa aming 4 nina Rhitz, Barry and Jeffrey. Ayon, nga sa kanila, semi-blog na rin nila tong blog ko Mr. T! Bawat detalye kinukwento ko. Mga nararamdaman ko. Mga bagay bagay na hindi ko naman karaniwan nalalaman ng mga tao about me. Nalalaman. Naiikukuwento ko. Napaparating ko gusto ko sabihin ng mas malinaw. Halos lahat  ng nangyari sa school sa kin nun, nakatala. Wala kang mababasa about love life sa mga 2006 entries ko Mr. T! Everything was about my friends, school, family etc. 2006 was about me getting over. And about my friends. :-)

2007. Naging sobrang active ako magblog like never before. One reason. Para inggitin si Jeffrey sa mga nangyayari sa min nina Rhitz and Barry. Yung time na yun, nung ginalit kami ni Jeffrey, lagi akong nag-uupdate ng mga lakad namin nina Rhitz. Mga masasayang moments and all. Hahaha! Dito na rin dumating mga ka-emotan ko sa school. Hahaha! At nabasa na ng kuya ko tong blog na toh! Naging regular reader! Shet! Nahiya ako nung dahil bawat details sa blog ko nun binabasa ng kuya ko. Tinatanong sa kin sa phone. Marami akong kuwento nung 2007. Hindi lahat masaya. Hindi lahat malungkot. Sobrang halo. Narealize ko, erratic ang aking pagkatao. Hahaha! Oo, baliw ako! Hahaha!

2008. Naging memory dump site ang aking blog. I updated like crazy. Ayoko muna balikan tong taon na toh baka tumambling ako pag binalikan ko. Wag muna. Pero naging memory dump site ang aking blog. Naging parang reflection paper na rin. Isang sign atang may natutunan na ko sa life. Natuto na rin akong kumita sa internet ngayong taon na toh. Yep, in 3 months, last summer, naka ipon ako ng $500 online. Madalang ngayon mga Reviews sa internet. Or dahil hindi ko maaccess sa office yung mga Review sites. Anyways, may pera sa pagboblog. Hahaha! Ayoko muna iexplain ang 2008 dahil gusto ko muna tapusin tong taon na toh. Ayoko muna magtuklap ng mga natuyong sugat! Baka basa pa yung ilalim. Drama shet! Hahaha! But actually, masaya ang 2008.

At sana sa 2009, marami pa ang maganap na kablogblog. At imamaximize ko na ang aking blog. Memory dump site, mga surveys, mga online test, mga random stuff, mga clippings sa internet, mga pictures, reflection paper, term paper, thesis paper, research paper, composition paper at lahat ng uri ng paper itatry ko sa blog ko. Hahaha! At sana talaga, hinihintay ko ang time na magkaroon ng leading man tong blog na toh! Hahaha! Lagi na lang kasawian nakukuwento ko kay Mr. T! Eh. I want a love story to happen on this blog. I hope. 2004 ko pa hinihiling yun ah! Hahaha! Shet eto na naman ako! Hahaha! BELAT! ;-P

At parang hindi ko sinagot yung tanong. So baket nga ba talaga? Baket ako nagboblog? Eto na sige na, derechuhin ko na. Dami kong pasikot sikot. Hahaha!

Nagboblog ako kasi masarap ilabas mga saloobin ko sa blog. Nararamdaman ko na somewhere out there may mga taong nararamdaman nararamdaman ko and if ever nakadaan sila sa blog ko, makikisimpatiya sila. Masarap ang feeling ng binabasa mo ang mga nangyari sa nakaraan. It brings back a lot of memories. Kahit masakit man or masaya yung entry, mapapasmile ka na lang dahil minsan may natutunan ka dun sa mga nangyari. Nilalabas ko ang totoo kong pagkatao sa blog ko. Marami na nagsabi sa kin niyan. Nirereflect ng blog ko raw kung anong klaseng tao talaga ako at kung sino talaga ko. May isang topic lang namang hindi tinoutouch ang blog ko eh. Hahaha! Malamang wholesome tong blog ko! Given na kung ano yun. Kung ano man yun, I can't talk about it in public, sa mga private entries puwede. Baka pagmay nakabasa nun, masuka. Haha! Joking aside, I have been told a lot of times, mapakatotoo ng blog ko. Nakikita nila yung Jacob na hindi nila masyadong kilala. And I agree. Dito ko nalalabas lahat lahat (almost), ng mga gusto kong ipahayag, ikwento, iparating, ipadama, ipabasa sa mga tao. Marami rin kasi akong nakilalang tao sa pagboblog ko. Nakikigulo sila sa king mga entries. And I love it! Haha!

At higit sa lahat, nagboblog ako, hindi para sa ibang tao, pero para sa sarili ko. Gusto ko kasi kunwari mga 65 years old na ko, pwede kong balikan tong blog na toh and sariwain mga nangyari sa kin. I'm looking forward to that day kung buhay pa ko nun. Pero hindi ko rin pinuput aside mga nagbabasa ng blog ko. Tulad na lang ng naka-usap ko kagabi sa YM. Since 2004 pa pala niya binabasa tong blog ko. Nakakatuwa na nakakahiya. Hindi kami close. Hindi kami magkakilala before. Pero binabasa niya blog ko. Nakakataba ng puso di ba? At marami ata akong nainspire na magblog! Haha!

And to end this entry, ipopost ko isang message sa YM na natanggap ko just last week from a random person on the internet na ngayon friends na kami:

"Hey, John Jacob M. Webb! Your blog entries are so nice. I love reading them. In fact I had a marathon reading of your past entries yesterday. You in for a chat right now?"

Ano raw? English eh! Seriously, nakakataba ng puso di ba? I'm not planning to gain audiences to my blog. Kung walang magbasa, okay lang, kung meron salamat sa pag-aksaya ng oras nila. Hahaha!

At para matapos na tong entry ko na paikot ikot lang na ang labo labo naman na feeling ko na malalim pero hindi naman --- ako ay magboblog hanggang kaya ko pa magblog. Yun lang ang sigurado ako sa aking buhay pagboblog.

Salamat sa pakikigulo sa aking buhay. *bow* At sana sa mga nakikugulo, makigulo pa kayo! Hahaha!

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 22, 2008 at 01:10 AM in Everyday Drama, Randomness as a favorite post | 7 comment(s)

Having Too Much To Do Is What Stresses You Out About the Holidays

You love the holidays. You love them so much that you end up taking on too many responsibilities.
Your heart is in the right place, but you don't have the time to get it all done.

Consider doing a little less. Don't bake that last batch of cookies or go for that Christmas Eve shopping run.
You'll still be giving the people you love what they want most... time with you!

Click here to take the quiz

Currently feeling: bored
Posted by jjcobwebb on December 22, 2008 at 12:39 PM in Everyday Drama, Online Tests | 8 comment(s)

Kanina pa tong kantang toh sa utak ko Mr. T!

"Won't you please come around cause I wanna share forever with you baby... - Dreamlover, Mariah Carey"

Hayz...

Currently feeling: complacent
Posted by jjcobwebb on December 23, 2008 at 12:40 PM in Everyday Drama, Mariah, Randomness | Post a comment

This is overdue but here you go...

15. Heart of the Matter by India.Arie
"I've been learning to live without you now
But I miss you sometimes
The more I know, the less I understand
All the things I thought I knew, I'm learning them again"


14. One Step At A Time by Jordin Sparks

"It's gonna happen when it's
Supposed to happen that we
Find the reasons why
One step at a time"


13. Ever Ever After by Carrie Underwood
"Start a new fashion, wear your heart on your sleeve
Sometimes you reach what's real just by making believe"


12. Bubbly by Colbie Caillat
"You make me smile even just for a while"

11. For The Record by Mariah Carey
"Cause when I'm looking in your eyes
Feels like the first time
Give me one good reason why
We can't just press rewind"

I'll have explanations for my Top 10 Songs of 2008 :-) Next

Posted by jjcobwebb on December 23, 2008 at 03:09 PM in My Top 20 2008 Songs | Post a comment

Hello Mr. T! Corny ng title. Wala kong maisip na title. Gusto ko rin rhyming. Haha! Eniwi, leave na lahat ng tao sa office. Kami na lang ni Ma’m Lai, and Miss Diane ang nasa HUB. Anyways, 3 araw na lang ako sa OJT. Nabitin pa yung mga panghuling araw for next year. Ayun, dapat may dinner kami nina Barry, Rhitz and Luis yesterday kaso di natuloy kasi hindi pwede si Rhitz. Ako naman tinawagan ni Ate kasi andun yung mga pinsan kong anak nina Tita Nito and Tito Boy sa bahay nila. Tapos nagkaroon ng munting salo-salo. Andun din sina Tito Fredie and Tito Robert and Tita Beth. Mga anak ni Tita Beth andun din. Siyempre andun si Dindin na pinsan ko na kavibes ko. So yun, salo salo. Kainan. Picturan. Itutuloy daw ang tradition sa New Year. Sa bahay ni Tita Nita magrereunion ang mga Webb kahit wala na siya. So yun, mga anak ni Tita Nita na si Ate Catherine and and Ate Annabelle with kids andun. Sa Shaw pala ako bumaba para magjeep papunta sa bahay ni Ate kasi mas malapit kung dun. Tapos nakita ko si Ate sa kalsada bumili ng chicharon kasama si Tito Robert. Amp! So yun nangyari kahapon. Late na nakauwi kahapon and hapong hapo na ko kaya walang update. Nasa rooftop pala sina Mama nung pagkadating ko. Ako sa kusina dumirecho. Haha! Anyways, eto ang pics:

122220082095 IMG_0809
IMG_0700 122220082094

Tapos ngayon, kauuwi lang namin galing Greenhills. Grabe, shopping to death si Mama and Ate. Kasama si Mabel, Bruno, Tito Robert and Erwin. Dapat lalabas kami nina Rhitz and Luis kaso siyempre mas uunahin ko pamilya ko. Kasi ipagshoshopping din ako for sure nila di ba? So pinagshopping nga ko ni Mama and Ate. Then nagStarbucks kami ni Bruno and Mabel. Nagdinner na sila sa Le Ching kaya ako sa McDo nagdinner. Shet! Actually hiwa hiwalay sila eh, Si Mabel kasama si Mama. Si Ate mag-isa. Si Erwin din mag-isa. Tapos si Bruno kasama si Tito Robert. Ako humabol lang. Amp! Anyways, pics ulit. Haha!

122320082101 122320082102

Di mahulugang karayom ang GH kanina Mr. T! Tapos nakita mo yang Starbucks ko? Hahaha! Nung tinawag ako ng barista, “One Cherry Mocha Frappe for Mariah Carey” --- nung binigay niya kumanta siya “Touch my body….”. Ako naman “Wrestle you around? Play with you some more? Hahaha!”. Natawa ako. At natawa rin siya. Nakakahiya raw ako sabi ni Bruno. Kebs. Hahaha! Fun fun! Pasko naman eh. Then umuwi na.

Nakakuha ko ibang pics nung nagdinner ang ADB sa Tender Bob’s Shang last week. That's Glen and Eric on my left. Anyways, share ulit ako ng onting pictures:

image image

Anyways, ang dami kong pics recently Mr. T! Magrereformat na ko ng PC! At kailangan ko ng external HDD para sa lahat ng pictures ko this year. Ilang araw nalang Pasko na. 2-3 days? Hays, maghahalf day na lang ako sa office bukas. Maglalast minute shopping pa ko! Hahaha! Ang mahal pa ng gusto ni Bruno sa Pasko! Parang ayaw ko na siya regaluhan! Wahhh… anyways, sige sige Mr. T! Baka maging busy this coming days at hindi kita ma-update ng bongga. Pero try ko pa rin. Happy Holidays Mr. T!

And look what I found yesterday sa McDonald’s sa 32nd Street:

122220082092

O ha o ha! Never pa ko nagbirthday sa McDo or Jollibee sa buong pagkabata ko. Kaya natuwa ako nung nakita ko yang banner na yan. Mababaw ako alam ko. Pero ang saya saya ko talaga kahapon nung nakita ko yan. Hayz, sarap tignan. Haha! Anyways update you soon Mr. T! :-)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 24, 2008 at 12:07 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family, OJT | Post a comment

Whatever happened to Tabulas yesterday I don't know. But good thing I was able to save my entry last night and was able to still post it. Maybe Roy was doing some updates on the codes or maybe upgrading Tabulas again.  Thanks Roy! Anyways, it is already a day before Christmas. Actually, hours. I'm here in the office, alone. My bosses still haven't arrived and I'm free to do anything. Haha! I'll be leaving the office around noon so as I can continue my last minute Christmas shopping. At baket English toh? Hahaha! So yun Mr. T! Ang bilis ng taon.  Pasko na. Pagtapos ng Pasko, Bagong Taon naman. Iniwan naman agad ako ng 2008. Pero it was worth the ride Mr. T! And this is not my year-end entry! Hahaha! I'll stop talking about what happened this year first. Let's leave that for December 31. We'll be going to mass later and then Noche Buena sa bahay ni Ate I think. Magpapasko kami sa bahay at maghihintay ng kung sino ang mga pupupunta at magbibigay at ibibigay na mga biniling regalo. Or pera. Or whatever. Or magpapakain. Then, aalis kaming Manila sa 26. Hindi pa ko sure kung san kami pupunta pero aalis daw kami. Anyways, ang tahimik dito sa office grabe. Nagsasayang ako ng oras at ng kuryente dito sa opis. Pero okay na rin. Dagdag sa oras at allowance. Haha! Parang gusto ko pa tulungan mga tao dito pag natapos na yung 500 hours ko. That is if kung dadagdagan yung allowance. Haha! Anyways Mr. T! Napadaan lang. Pasko na bukas. Kailangan maging masaya. And I'll be celebrating Christmas with FAMILY. At sino nagsabing malamig Pasko ko? :-P My family keeps me warm and happy. At yun nga, eto na muna Mr. T! Happy Holidays!!! At sana ibigay na ni Santa ang matagal ko ng  hinihiling. Haha! Update you soon.

Currently listening to: silence
Currently feeling: Christmas-y
Posted by jjcobwebb on December 24, 2008 at 08:00 AM in Everyday Drama, OJT | 8 comment(s)

"Make my wish come true. All I want for Christmas is you" - Mariah Carey

Weeee.... nasa bahay na ko. Kauuwi ko lang. Nagshopping sa Fully Booked bago umuwi. Tapos biglang umulan siomai! Tapos dapat maglulunch kaming 3 nina Ms. Lei and Ms. Diane, libre ni Ms. Lei kaso half day ako kaya silang dalawa na lang. Ayun, may regalo sa kin si Ms. Lei. Dami kong regalo galing sa mga tao sa HSBC. Haha! Then nagMerry Christmas din ako sa mga natitirang tao sa ODD. Pumasok ako sa office ni Ma'm Virgie:

Jacob : Ma'm Virg, Merry Christmas po and Happy New Year! *SMILES*
Ma'm Virg : Ay same to you. Wait kiss kita para masabi kong nakakiss naman ako ng WEBB. Haha!

Jacob
: Sige po. Hahaha!
*Kiss sa cheeks*

It felt nice. Nagdagdag din ako sa mga sinakyan kong cab ngayon. Binigyan ko na rin ng pamasko mga kasambahay namin. I feel so Christmas already. Kanina ang dami kong dala kanina tapos bigla pa talagang umulan. Buti nakapara agad ako ng taxi sa Market Market. So yun. Sana mamaya huwag pag nagsimba kami. Binalot na rin ng kasambahay yung mga binili ko Mr. T! And ngayon matutulog na muna ko. Para may energy mamayang gabi. Sige sige. Happy Holidays. :-) Ang saya saya ko. :-) Yung Wowowee rin kanina ang saya saya. Tawa ko ng tawa sa mga batang contestants! Weeee...

At para kay Jeffrey:

Sana next year andito ka na sa Pasko para masaya! Weee.... at feeling ko binabasa na naman ng Kuya ko tong blog ko. Sige sige Mr. T!

All I want for Christmas is you...ohhhh....ooooohhh.... baby! Yay! Pasko na mamaya!

Currently listening to: All I Want For Christmas Is You by Mariah Carey
Currently feeling: happy but sleepy
Posted by jjcobwebb on December 24, 2008 at 02:45 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)

Hello Mr. T! Hindi pa ko makatulog sa sobrang busog. Grabe ang daming kinain. Suko ako! Hahaha! Ang saya saya kanina. Nag Christmas Mass muna kami then dumirecho sa bahay ni Ate para magNoche Buena. Ang daming pagkain I swear. Inayawan ko na yung ice cream pagtapos. Pati yung mga chocolates inayawan ko na. Grabe sumuko talaga ko. Anyways, after eating, nag palitan na kaming magkakapamilya ng gifts. Nakakuha ko ng dalawang Lacoste na t-shirts tapos belt na LV at mga undershirts na Fila. Sabi ko sana ginawa na lang cash. Tsss… pero okay na rin. Though hindi ko sila susuotin dahil LARGE sila at kay Bruno lang kakasya yung mga yun. Magiging pantulog ko lang mga yun kung susuotin ko! Haha! At yung belt hindi ko rin ka-waist line. Tsss… pero anyways. Masaya ang Pasko 2008 kahit medyo nalungkot ako nung nagkausap kami ng isa kong kaibigan sa YM kanina bago magMass. Pero saka na ko mag-eemote about that. Saka ko na siya ididigest. Pasko ngayon dapat masaya. Anyways, eto share ako ng pictures muna:

122520082105 122520082109
122520082111 122520082114
122520082118 122520082115
122520082119 122520082120

It was a beautiful Christmas Mr. T! Sana si Kuya and Papa next time kasama na rin namin. And yung isa kong pamangkin na si Page wala pala kanina. Nasa Taytay andun sa mga Lolo at Lola niya sa kabila. May regalo pa naman ako sa kanya. Pero baka sa New Year andito siya. Hmmm… so yun Mr. T! Happy Birthday Jesus! Salamat sa Pamilya ko. Sa mga kaibigan ko at higit sa lahat salamat sa Iyo. Salamat salamat. Anyways, busy na naman bukas dahil maraming pupuntang kamag-anak dito sa bahay. At wala akong 20’s and 50’s na bills. Si Mama natulog sa bahay ni Ate. Good luck! Hahaha! See you around Mr. T! Buh bye! :-) Ang again, Merry Christmas!!!! Weeeeee…

Currently listening to: These Are The Special Times by Celine Dion
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 25, 2008 at 02:37 AM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 6 comment(s)

Kagagaling lang namin ng family galing sa Rockwell. Nanood ng Shake Rattle And Roll X. Grabe lang kwenta. Hahaha! Nu ba naisipan nina Ate para panoorin yun. Hahaha! Pero naaliw ako kay Marianne. Tapos after nung movie kumain kami sa bahay ni Ate. Tapos nakita pala namin si IC Mendoza at Kim Chiu sa Rockwell. Aliw! Andun pa naman sila sa Shake Rattle And Roll X. Then namili rin kami ng mga libro sa Fully Booked pala. Hahaha! So yun...

Tapos na ang Pasko. Pero dapat ang diwa ng Pasko laging nasa puso natin. Weeeee... namigay ako ng tig-50php (nakapagpapalit ako sa pinsan kong taga BDO! Hahaha!) kanina sa mga pamangkin ko. Actually, pati pamangkin sa mga pinsan. Imagine mo na lang Mr. T! 13 kapatid ng tatay ko. May mga anak yun. May mga anak na rin mga anak nila. So binigyan ko yun. Dami noh? Lagas ang pinaghirapan ko sa HSBC. Hahaha! Pero masaya naman. Babalik sa kin yun in multiples. Tapos yun. Naaliw ako kay Tito Fredie as in buong kalsada pumila sa kanya kanina. Tapos ako assistant. Taga tatak ng mga nakakuha na ng pinamimigay niyang pera. Masaya masaya. Masarap magbigay kesa manghingi sa totoo lang.

Then yun. Dumaan na rin ang Pasko. Masaya. Masaya. Masaya. Wala pa namang kulang sa pagkatao ko as of now dahil I feel complete these days. Sana magtuloy tuloy tong feeling ko na complete ako dahil ayoko magdrama! Ayok muna ng drama. Hahaha!  :-) It's really our choice to be happy. May kakayahan tayong pasayahin ang mga sarili natin. Hindi nakasalalay sa ibang tao ikaliligaya natin. Isa yan sa mga natutunan ko ngayong taon Mr. T! And I choose to be happy. At New Year naman next week!!! Weeee...

Currently listening to: I Still Believe by Mariah Carey
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 25, 2008 at 11:14 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 8 comment(s)

Kauuwi lang namin ng family ulit. Haha! Nanood na naman kami ng isang MMFF na palabas. This time Baler, starring Anne Curtis and Jericho Rosales. I don't want to spoil things so comment na lang ako sa mga actors. Anne Curtis will always be beautiful. Pero fuck, si Jericho kanina, napapasmile ako pagmay scene siya. Ewan ko ba sa sarili ko! Over na ko sa mga "kahawig" ni Jericho Rosales pero kay Jericho mismo hindi pa! Hahaha! Ang gwapo ni Jericho shet! Hindi ko alam baket kinikilig ako habang nanonood kanina. Gwapo si Jericho. Okay okay barilin niyo na ko pero it's a fact! Haha! Or maybe it's just me. Hahaha! Okay naman yung Baler, better than Shake Rattle and Roll. This time sa Greenbelt 3 naman kami nanood. And marami na naman kaming nakitang artista. Hahaha! Winner pala pag MMFF ang daming ta-artits! Haha! Aliw aliw. Pati si Boy Abunda nakita namin. Si Victor Basa at mga iba't ibang stars na unknown. Haha! At hindi pa rin ako over kay Jericho Rosales. Haha!

Nagdinner muna kami sa bahay ni Ate bago manood. Kasama pala si Tita Nene sa panonood. Ako naghugas ng pinggan kina Ate kasi isa lang katulong niya ngayon! Wah! Pero narealize ko, ang dami kong alam na gawaing bahay. My goodness. Ngayon gusto ko magpasalamat sa tatay ko dahil marunong ako maglaba, mamalantsa, maghugas ng pinggan, maglinis ng banyo, magluto at maglinis ng bahay! Yung tatay ko kasi nagturo sa min ng mga yan dahil hindi naman daw kami anak-mayaman. I didn't know I could clean the sink so well a while ago. Nakakatuwa.

Halos natulog ako the whole day bago manood. Ang sarap matulog. Haha! Had lunch around 4pm na rin. Haha! Saya! Tapos hindi na kami tuloy sa pupuntahan namin dahil OA ang biyahe. 12 hours. Good luck. Maghohot spring na lang daw kami sa Laguna! Yay!At dumating na packages ni Kuya and Papa. Grabe, pabango na naman padala ni Papa sa kin. Sabi ko Clinique Happy and ipadala, nagpala ng Calvin Klein --- yuch! At walang Butterfinger na mga chocolates! Tsss... pero may Libby's Vienna Sausage naman na padala si Kuya! Hahaha! Yum yum! At isa lang yung pinadala ni Papa na natuwa ako at secret kung ano yun. Haha!

Baka magkita kami ni Karol tomorrow Mr. T! Hindi pa ko sure dahil baka bukas kami umalis and hindi umabot sa time ng uwi namin yung time ng meet up namin ni Karol. Anyways, yun. Update you soon Mr. T! :-)

Currently watching: Moments on Net 25
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 27, 2008 at 01:07 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | 4 comment(s)

Ayoko nakakakita ng mga pictures ng tao sa Multiply na kasama ang mga jowa nila. It kills me. It drowns me to death! Hahaha! SHET! Naiinis ako! Hindi ako bitter pero baket ang daya? Wahhhh... haha! Hala baliw na ko. Mga taong kilala since the beginning of my emacipation of gayness , may mga jowa na sila. Yung iba, iba na naman ang jowa. Shet! Unfair. Baket ako, since the beginning of time wala pa ring nagiging jowa? Hahaha! SHET! Wala lang, napraning lang ako sa mga Multiply ng kung sino sino diyan. Asar! Pero weird kinikilig ako for them. Wahhh... nasisiraan na yata talaga ako. Hahaha! Minsan tuloy ayoko na magbukas ng kung anu ano online at magblog na lang ako ng magblog about sa buhay ko para buhay ko lang iniintindi ko. Shet affected talaga ko sa mga pictures sa Multiply. Pati sa Facebook na "NAME is now In A Relationship with NAME". Kapal talaga. Sa Facebook pa nagladlad ng kabaklaan! Hahaha! Shet! Tunog bitter ba? It hurts! Really really bad. Hahaha... gusto ko na mamatay! Ngayon na! Hahaha! Bwisit! Hahaha! Maghintay lang talaga mga tao, sisiguraduhin ko papakilala ko sa pamilya ang magiging jowa ko. At kasama siya lagi sa family outing at pictures! Hahaha! Loka! Naloloka na si Jacob. I need air... haha! Asar talaga! Tang ina lang! Haha! Pft...

Currently feeling: asar!
Posted by jjcobwebb on December 27, 2008 at 01:48 AM in Everyday Drama, Randomness | 8 comment(s)

What the hell lang talaga. Scary! Hahaha! Nananahimik buhay ko ha! Hahahaha! Minsan talaga tinutukso tayo ni Satanas! Hahaha! Nasa sa tin na lang talaga yun kung magiging matatag tayo o hindi. Talagang kailangan mo ng rosaryo! Tulad na lang nito:

the hell

Sa lahat ng ayaw ko yung dinedemonyo ako. Hahaha! Shet! Pagkonline na pagkaonline ko yan ang tumambad sa YM ko. Good luck naman talaga! At parang pumayat siya. Sa pagkakaalam ko hindi siya nag-gym ng 1 year. In fairness, 1 month pa lang daw yan ulit! Matatapos na ang taon and I still wanna remain chaste. Thinks, 2009 na pala sa Thursday! Weeee… hindi na siya 2008! Hahaha! Thank God! Goodbye chastity ba ito sa 2009? Hahahaha… we’ll never know. Malalamin natin. At mamaya na ang updates for yesterday and today. And yeah, malapit na ang year-end entry ko. Emote na naman! Tulog muna ko. Haha! You know you love me. XOXO.

Currently listening to: I'll Be Lovin' You Long Time by Mariah Carey
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 28, 2008 at 04:58 PM in Everyday Drama, Gayness, Randomness | 6 comment(s)

Hello Mr. T! I’m alive! Weee… anyways. Updates updates. I met up with the guys who played special parts in my life this year Mr. T! Mike yesterday and Chris today. Pero bago ang lahat batiin natin si Chris ng HAPPY 26th BIRTHDAY!!! Weee… tanda mo na hoy! Hahaha! Ayun… kuwento na:

Yesterday, nagkita kami ni Mike sa Gateway. Yep, payback time para sa kanya kasi ako nanlibre! Hahaha! Sa lahat ng ginastos sa kin ni Mike this year, hindi ko alam kung kaya ko siya bayaran! Hahaha! Hindi naman niya ko pinilit but siyempre since magkaibigan na kami, wala na sa kin yun. Parang token of appreciation ko na lang. And Mr. T! Masaya ko dahil kahit binasted ko si Mike, friends kami. At mas close kami ngayon. Amp. Seriously totoo, mas close kami than ever before. I was really happy yesterday kasi mas confortable na ko gumalaw sa harap ni Mike. Unlike nung nililigawan niya ko. Nanood kaming Tanging Ina Niyong Lahat and hinahampas niya ko nung ang lakas lakas nung tawa ko sa movie house. And nakita pala siya ni Pinggoy sa restroom nung nagCR si Mike. Shet! Sana nagkita kami rin kahapon ni Pinggoy. Tsk! Anyways, pero kumain muna si Mike sa Chicken ek ek. Nakalimutan ko yung name pero libre ko rin. Hahaha! Then nanood na kami. Nice nice. And until now, mabait sa Mike dahil hinatid niya ko til terminal ng jeep ng San Juan-Cubao. Masaya ako Mr. T! kahapon. Sana masaya rin si Mike. And I’m glad we’re friends. Walang bitterness whatsoever.

122720082131

This guy needs no intro. Hahaha! Yikeee… hahaha. Wala ng issue Mr. T! Friends na lang kami ngayon ni Chris Mr. T! Sadness noh? Pero ganun talaga ang buhay, parang bato. It’s hard! Hahaha! Hindi ko na kailangan bigyan ng background tong lalaking toh. Natawa lang ako ng may nagtanong sa kin sa Tabulas na kumusta na yung si Cheeseburger. Yan! Yan siya! Okay? Maayos siya. Buhay siya. Hahaha! Friends na lang kami. Wala kong masabi eh. Haha! Ayun, kumain kami kanina ni Chris sa Dad’s Megamall. Libre niya. Dapat mag-iice skating kami kaso ayaw niya kasi wala raw si Tom. And gusto niya hahawak sila sa kin. Musta naman yun! Bagay sila noh? Hahaha! Ayun, wala ang tahimik ko kanina kasi parang ewan. Haha! Weird lang talaga. Awkward. Si Chris yung lalaking minahal ko ng bonggang bongga ngayong taon na toh. Ayun, after kumain, medyo umikot muna sa Megamall. Since magmamass si Chris, ayun, nagcab siya. Ganun naman siya lagi, nang-iiwan. Sabi ko sabay na lang kami magMRT pero nangiiwan siya. Nasanay na ata ako at di na ko nahurt. Pero kahit ganun siya, minahal ko siya. Haha! Maybe awkward pa medyo dahil kelan lang nang-iwan tong lalaking toh, pero ookay din ang lahat. Magiging comfortable din ulit ako sa harap nito. At ipokrita ko kung sasabihin kong over na ko kay Chris. Haha! I’m getting there. Malapit na. :-) Ayoko ng may bitterness. Ayoko ng walang closure. Tulad nga ng sabi ko, gusto ko may period. Mens? Haha!

DSC00091 

It was nice reconciling with these two guys. Walang away. Walang bitterness. Friends kami. Masaya ko kasi naging parte sila ng aking makulay na buhay ngayong taon na toh Mr. T! Hindi ko man naging jowa isa sa kanila, I feel blessed na nakilala ko yang 2 tao na yan. They made me feel really special. Though marami naman nagpapafeel sa kin non per iba sila eh. Bihira ako pumayag or mag-aya for a second date. Both were unique. Minahal ko yang dalawang yan, yung isa nga lang mas mahal ko. At sobrang alam ni Mike yan! Haha! Pero ganun talaga. Mahirap naman kasi turuan ang puso. Ang mahalaga, pinakita ko sa kanilang dalawang mahal ko sila. Di ba?

O di ba? Pwede tong pang-year end entry on GUYS! Hahaha! Joke. And these guys will remain special kahit magkajowa na ko at magkajowa na rin sila. Papakilala ko silang dalawa. Kung magkaroon pa ko ever ng jowa. Sobrang nega na ko sa love love na yan! Hahaha! But I still believe in fairy tales though! Kahit alam kong iisa Prince Charming ni Cinderella, Snow White at Rapunzel. Ahihihi! Nice! I’m happy. Sana masaya rin sila na naging magkaibigan kami. :-) At ayoko na magbura ng mga blog entries gaya ng mga ginawa ko dati. Kasi gusto ko basahin mga nangyari at ngumiti na lang. Parang Coke. Smile. Amp! I love you guys and I always will. :-) Here’s to friendship. *hugs*

“So close to reaching that famous happy ending
Almost believing this one's not pretend
And now you're beside me and look how far we've come
So far, we are, so close ” – So Close, John McLaughlin

Currently listening to: Ever Ever After by Carrie Underwood
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 28, 2008 at 11:37 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Baka maging busy na sa bisperas ng Bagong Taon Mr. T! and hindi ko na mailagay toh. Kayang ako kaforgetful. Anyways, presenting, the 10 songs that I’m gonna incorporate 2008 with.

10. Labels Or Love by Fergie
“No emotional baggage just big bags filled with Dior”

Opening song ng Sex and the City. Kung single ka at bitter, masarap kantahin yan pramis! Hahaha! Tas binubusy mo sarili mo para hindi ka makaisip ng tungkol sa love. Haha! Ngayong year, pag nasa mall ako lagi ko kinakanta yan mag-isa. Hahaha! Pero masarap siguro magshopping kung may jowa kang kasama noh? Hmmm…

9. Chasing Pavements by Adelle
“Should I give up or should I just keep chasing pavements? Even if it leads nowhere?”

Naku! Si Aris nagbigay ng song na toh sa kin. Hahaha! Kung merong maglalarawan ng pinagagawa ko ngayong taon na toh. Ito yung kanta na toh. Susme, kailangan pa bang imemorize toh? Hahaha! Emote song rin namin ni Barry toh sa kotse niya! Hahaha!

8. Take A Bow by Rihanna
“But it’s over now, go on and take a bow…”

I’ve always wanted to be as strong as the song nung summer. Pero wala pa kong powers nun. Kaya lagi ko na lang siya kinakanta. Tumatak na siya sa utak ko. Ayun, kaya ko rin pala maging strong. :-)

7. Bleeding Love by Leona Lewis
“You cut me open and I keep bleeding love…”

August 2007 pa lang alam ko na tong kantang toh. Diva kasi. Haha! Hindi ko alam kung dahil sobrang naging malaki tong kanta toh kaya andito siya sa list ko or dahil diva song siya for the longest time kasi walang bagong diva or dahil I keep bleeding love? Hmmm… Haha!

6. Finally by Fergie
“Finally now my destiny can begin. Though we will have our differences. Something strange and new is happening”

First ko napakinggan to nung nagsimba kami sa Manila Cathedral this year Mr. T! Nagplay siya sa iPod. Ang ganda nung meaning. Feel na feel ko bawat word ni Fergie sa kantang toh. Kala ko rin kasi magkakaFINALLY na ko nun eh! Hahaha!

5. Closer by Ne-Yo
“And I just can't pull myself away
Under a spell I can't break
I just can't stop”

Si Jeffrey nagpakilala ng song na toh sa kin. Ang sarap sayawin nito dun sa KTV room! Hahaha! Siomai! With Shyla pa yun! Hahaha! Hanggang ngayon napapasayaw ako ng kantang toh. And I love it!

4. All Dressed Up In Love by Jeniffer Hudson
Cause I found love. I look good in love…”

Closing song ng Sex and The City. Masarap pakinggan tong song na toh kahit puros birit. Ganda kasi nung lyrics. Or dahil in love na in love ako nung mga Sex and the City moments? Hahaha! Basta tumatak na siya sa utak ko.

Posted by jjcobwebb on December 29, 2008 at 12:19 AM in My Top 20 2008 Songs | Post a comment

Disclaimer: Since papatayin ako ng mahal kong kaibigan pag lumabas name niya dito. Walang lalabas na kahit anong pangalan sa entry na toh. Hahaha! Masyadong maintriga buhay niya ngayon and ayaw niyang may dumagdag pang intriga sa buhay niya. So yun…

Pumunta ko sa Greenhills para dun ako makipagkita sa bahay nila. At may balikbayan box si friend. At may sobrang funny na shirt ang pasalubong niya sa kin. Kala ko kaming 2 lang pupunta sa Serendra, wow kasama buong pamilya niya. Though close ko naman lahat, kaya fun din. Dad niya nagdrive and yun. Off to Serendra na. Tawanan kami ng tawanan sa kotse. Or dahil ang ingay ko sa kotse? Hahaha! Anyways, yun, had dinner sa Serendra. Forgot the resto’s name. Then dessert sa Cupcakes kung san siya nagkuwento about sa lugar na pinuntahan niya Mr. T! I was smiling the whole time nagkukuwento si friend. Kinikilig ako grabe. Nung sabi niyang ako naman daw magkwento, eto sinabi ko:

“Gusto mong humagulgol ako ngayon dito sa Serendra? Hahaha!”

Pero nagkuwento naman ako Mr. T! And yeah, natatanga tayo sa love Mr. T! And sabi ko na wala akong pinagsisisihan. Maraming insights si friend. Malamang ang talino nun! Shet! Ang sarap ng usapan namin last night. Hahaha! Imagine mo nakaupo lang sa may mga bushes dun sa BHS and tawanan and kuwentuhan lang. Lumayo kami dun sa kapatid niya kasi baka marinig pinaguusapan namin at patay siya. Haha! Then nagFully Booked. Pinuntahan pa yung parents niya sa Italiani’s para ipakilala sa mga amigos and amigas nila. Pati ako pinakilala as AMPON! Amp! Haha! Then tinuloy yung kuwentuhan. May natutunan ako kagabi Mr. T! Kung mahalaga ka talaga sa isang tao, ipapakita and ipapadama niya yun sa yo kahit di niya sabihin. Mararamdaman mo yun. Pero kung wala talaga, at hindi ka naman talaga gaano kahalaga sa isang tao, mapapagod siya sa kapapahalaga sa yo at titigil. Mararamdaman mong hindi ka na mahalaga kahit sabihin niya pang mahalaga ka pa rin.

Nice noh? Magaling talaga si friend. Kung ang isang tao raw di ka kaya pahalagahan, he’s not worth it. Hindi siya karapatdapat sa pagmamahal na ibibigay mo. May tao diyang kaya pahalagahan lahat ng bagay, maliit man or malaki, at kayang suklian sa yo ng buong buo or higit pa ang pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo. Kung ayaw nila, di wag.

Malabo talaga ko magexplain pero nagets ko yan. Super nakasmile ako habang naguusap kami sa damuhan. Hahaha! Habang nagpapahamog kami sa lamig nung hanging kagabi. Around 2AM hindi pa rin kami umuuwi. Sabi ko mauuna na ko. So nagcab ako pauwi and iniwan ko na silang magpapamilya dun. Antok na kasi ako talaga eh. Pero sobrang saya kagabi Mr. T! Ang daming pinarealize sa kin ni friend.

So yun, it was a night. Naaliw pa ko dun sa BF nung kapatid ni friend. Babae yung kapatid. Pinakilala kasi sa min yung jowa habang kumakain kami sa Serendra. Ayun eto sabi sa kin which made my day:

Hoy sabi ng boyfriend ko gwapo mo raw. Ganito pa pagkasabi ‘Shit ang gwapo nung isa’”

“Thanks pero sabihin mo wala siyang galang. Maganda ko. At sabihin mo bakla siya! Hahaha!”

 Weird lang, Mr. Literature daw yung guy sa UST. Pero kami ni friend and isang kapatid,

“WTF? Mr. Literature yun? Parang pet eh! Joke!"

Masama kami. Hahaha!

Pero yun nga. Namiss ko si friend. Hahaha! At iba trip namin minsan. Parang nung mga Grade 5 lang kami yung trip namin kagabi. Yung uupo kami sa football field. Magkukuwentuhan habang mahangin. Last night was exactly like that. Nasa may halamanan kami. Mahangin. Nagkukuwentuhan. That is life. I love it. And yeah, ang dami naming nakasalubong na Xaverians kagabi sa Serendra yung iba kabatch pa namin. It was a nice night/morning Mr. T! Really really nice. :-)

"So nagkiss ba kayo and you know?"

"Hindi"

"Hay naku! I don't believe you! Tsk naman! Kwento na kasi! Yung totoo!"

"Hindi nga! Eh di sana kinwento ko na sa yo! Wala talaga wala!"

"I don't believe you. I don't believe you. Friendship over na toh! Hahaha!"

"Sira ka talaga! Sa hindi nga eh! Wala talaga Jacob promise!"

"Sa tagal niyo dun wala?"

"Yep wala"

"Hindi ka man lang nademonyo?"

"Malamang oo. Pero nakakahiya eh"

"Shet ka! Nakakaasar ka! Kung ako yun naku! Lintik lang ang walang latay! Hahaha!"

"Demonyo ka naman talaga kasi! Hahaha!"

"I know! Hahahaha!"

Currently listening to: I'm Your by Jason Mraz
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 29, 2008 at 03:00 AM in Everyday Drama, Malling | 1 comment(s)

Isa sa pinakamahirap gawin sa mundo ay ang magpanggap na okay ka kahit hindi. Na hindi ka nasasaktan kahit durog na durog ka na. Na hindi ka apektado kahit gusto mo ng magwala. Na masaya ka kahit basag na basag yung puso mo. Na hindi ka na umiiyak kahit lunod na lunod na yung puso mo sa luha. Na kuntento ka na pero sinasabi ng puso mo sana meron pa. Na manhid ka na kahit ramdam na ramdam mo na nasasaktan ka pa...

It's an art I have mastered so well I think. At kahit natatakpan ng ngiti ang lungkot, mahirap isawalang bahala ang tunay na nararamdaman. It sucks. Big time! Matatapos na ang taon and I still feel this shit! I hate myself. Tang ina lang talaga. Tang ina lang. Nasasaktan pa rin ako... :-(

Posted by jjcobwebb on December 29, 2008 at 06:20 AM in Everyday Drama, Randomness | 4 comment(s)

Hello Mr. T! Sira ang phone. Tsk. Walang DSL. Tsk. Nakikinakaw lang ako ng Wifi kanina pa. Tsk. Anyways, nagLaguna kahapon. Sa Laguna Hot Spring. Isang taon na pala kami hindi nakapunta dito. Dapat Star City with Mike and friends ako kahapon eh pero siyempre mas pipiliin ko pamilya ko. Kasama si Lola, sit Toochie alalay ni Lola, Si Tito Fredie, Tita Beth and Family, Manag Luz. Ayun, masaya. Then kumain sa Greenhills afterwards. :-) Grabe, tawa kami ng tawa sa van dahil sa mga kwento ni Tito Fredie at Lola. Grabe, naiiyak ako sa kakatawa. The best! Sobrang antok ako kahapon kasuwimming at nakatulog agad ako pagkauwi. So anyways, eto ang pictures, mukhang madumi yung tubig talaga pero malinis siya. Red yung bato kaya may illusion na murky yung water. Pero malinis siya. :-)

Sayang lang pagkaalis namin may nagdatingan na mga hot na Amerikano. Hahaha! Sana hindi pa kami umalis agad! Haha! At Grabe, wala akong ka-age range kahapon. Hahaha! Nung kumakain sa Masuki ako grabe parang ang tanda ko kaharap mga pinsan and pamangkin ko. Shet! Ano ba yan! At kung baket may pang snorkeling apparatus kaming dala, kasi, ang daming isda sa ilalim nung hot spring. Tapos may isang part sa hot spring kung san kinakagat ng mga isda yung paa ng mga tao. And they love it. Ako, nakikiliti. Hahaha! Pantagal dead skin raw. Kumusta naman talaga!

I can’t wait til New Year and may reunion na naman daw ulit kami sa Marikina. Bubuhayin daw yung tradition sabi ni Tito Fredie kahit wala na si Tito Boy and Tita Nita. Hmmm… sige yun muna Mr. T! Update you soon. Grabe, 2009 na in 2 days. Ang bilis…

Currently listening to: Like I Never Left by Whitney Houston feat. Akon
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on December 30, 2008 at 06:50 PM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

Related Entry:

After more than 8 months, nagkita ulit kami ni Ryanini. Sa Tabulas ko rin nakilala si Ryan. At grabe, iba na si Ryan ngayon. Hahaha! Ibang level na rin siya. Nabaligtad ang mundo. Pero masaya ko dahil friends pa rin kami. Hindi siya nanatiling online friend. Haha! Ayun, nagtext si Ryan kahapon kung may gagawin ako ngayon. Hindi muna ko nagreply kasi sinigurado kong wala kaming lakad magpapamilya. So wala. So sige, I said yes na. Ayun, sabi ko sa Greenhills na lang. Ang saya, nakabili ako ng DVD ng Dreamgirls! Weeee… ang mura kasi. Grabe, puros musicals ang DVD ko ngayon ko lang napansin. So gay! Sabi nga ni Ryan nung pagkapakita ko ng DVD “So gay” --- kebs di? Sinong hindi? Haha!

Ayun, naghanap ng makakainan. Pero since kumain na pala kami ng dinner dalawa, naghanap kami ng place para mag-usap ng bonggang bongga. Catch up kung baga. Ayun, naloka si Ryan kasi bago kami pumasok ng Promenade, nakasalubong namin sina Joseph, Gavin and others. Magkakabarkada na pala ang mga bakla. Hahaha… so sabi ni Ryan:

“Uy, di ba siya yung…”

“Oo tama na! Hahaha!”

123020082132 123020082134
123020082135 123020082137

Awkward lang. Hahaha! Pero GH yun so mga bakla ng Xavier for sure present if not. At gaya ng napag-usapan namin ni Ryan, sobrang wide na ng gay network ko. Grabe. At wala pa rin akong jowa! Hahaha! So yun, lakad lakad. Una Starbucks ang option, naging Cheesecake Etc., naging Bizu hanggang napadpad kami sa Krispy Kreme.

Sa 8 months kaming hindi nagkita ni Ryan, ang dami niyang kuwento as in. Ako, gulat na gulat pero nakasmile sa mga kwento niya. Umikot ata ang mundo Mr. T! Yung mga sinasabi ko kay Ryan last time kami nagkita ngayon sinasabi niya na sa kin. Pero masaya ko for Ryan. Really. Kasi last time ko siyang nakita hindi siya ganun kabubbly and all and landi. Haha! *wink*. I like it when people open themselves up to me na parang wala silang tinatago. Masarap ang feeling. Nakikita mo gaano sila katotoo. It makes me feel nice. I feel nice about them too. And yeah, nakakatuwa. Ayun nga sabi ni Ryan:

“It’s our choice to be happy”

“Sinasabi ko rin yan sa sarili ko. Hahaha!”

Oo nga, ilang beses ko na yan sinasabi sa sarili ko. Haha! And it was a nice night Mr. T! Naglakad ulit kami ulit sa may Promenade, and ilang beses ko nakasalubong yung guy na hindi ko matandaan yung name. Grabe. Babatiin ko sana. Amp! Anyways, ayun. Nakakatuwa. Mr. T! I’m happy for Ryan. Sana ako rin maging happy na para sa sarili ko! Hahaha!

Currently reading: Kuya Ram's YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 30, 2008 at 11:52 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 2 comment(s)

Nung December 29. And for the love of God talaga, nakalimutan ko I swear. Sorry Kristine!!! Waaaahhhh… mahal naman kita alam mo yan. Sorry talaga. Sorry. Sobrang ang dami ko lang iniisip lately and nakaligtaan ko. Hay sorry sorry. Happy birthday na lang kahit late na! Hug and kiss kita pagnagkita tayo! Sorry talaga promise!!! I love you Tin! :-)

image

Happy birthday ulit! Patawarin mo talaga ko. Goodness. Shet. Sorry sorry. Wahhh… and happy birthday ulit!!! :-)

Currently feeling: guilty
Posted by jjcobwebb on December 31, 2008 at 12:24 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

3. So Close by John Mclaughlin
"Romantic dreams must die. So I bid mine goodbye and never knew..."

From the movie Enchanted. Never pa kong naiyak sa isang kanta Mr. T! Pwera na lang kung yung song sa libing ko narinig. Pero etong kantang toh, grabe, shet, naalala ko. Hahaha! Habang nagtatype ako nun, iyak ako ng iyak and siya yung background music. Hanggang nung nag umaga nung araw na yun, siya tumutugtog. Nirepeat ko kasi. Sobrang iyak ako ng iyak nun. Pati si Sheila na katulong namin nun tinanong ako baket ako iyak ng iyak at ang lungkot pa ng pinakikinggan ko. We all love dramas. Masyado kong naging madrama ngayong taon na toh. Pero it felt good. Hindi ko makakalimutan tong kantang toh. Sobra akong pina-iyak nito...

2. Touch My Body by Mariah Carey
"Cause if you run your mouth and brag about this secret rendezvous, I will hunt you down..."

First single ni Mariah sa bago niyang album na E=MC2. Naboringan ako nung una kong narinig. Promiscuous sabi ko. Pero nung nakita ko yung video. Naaliw ako. May sense of humor naman pala idol ko Mr. T! Earlier this year, mga January-March, eto ang headline ng lahat ng profile ko online. Aliw na aliw ako sa kantang toh until now. Sa totoo lang, ang dami kong naaalalang lalaking nakilala ko ngayong taon na toh sa kantang toh. Haha! The song is fun. At parang gusto ko ulit siyang kantahin sa mga tao sa 2009. Haha! And isang reason baket nakakaaliw tong song na toh is because of Dong-won Kim. Search niyo sa Youtube. Haha!

1. Disturbia by Rihanna
"What's wrong with me? Why do I feel like this? I go crazy now..."

Mahal ko tong kantang toh. From August til now, when I sing this song to myself, I feel happy. Really, nung mga first week ko sa OJT, malungkot ako alam mo yan Mr. T! Pero isang play ko lang nito sa iPod ko, sumasaya ko. Weird. Lalo na pag nag BAM BAM DI RAM DUM DUM BI RAM DUM na si Rihanna. Sumasaya ako. Pag maglalakad ako til EDSA, irerepeat ko toh sa iPod ko. Pag nasa bus, eto pa rin yung song hanggang makauwi. Haha! I love the video too Mr. T! Magaling mga nagdidirect ng video ni Rihanna. Sad nga lang, hindi masyadong binigyan pansin ni Rihanna tong song na toh nung kinanta niya to nung concert niya dito. Parang feeling ko it would have been better. Pero tapos na yun and nasa record na naman toh. Yung version naman nito eh yun studio version. I love this song. I love the video of this song. I love Rihanna. :-) And til now, most played pa rin siya sa iPod ko. Hahaha!

Posted by jjcobwebb on December 31, 2008 at 01:13 AM in My Top 20 2008 Songs | Post a comment

This is a nice comparison of what happened in 2008:

before after

2007

2008

Bago magsimula ang taon, pwede ba kong magsabi ng “Touch My Body”. Ngayong patapos na ang 2008, “Retouch My Body” na ang aking sigaw. Hahaha! Ayan, talo talo na kami nina Barry and Rhitz and Jeffrey. Malalaki na tiyan naming lahat! Hahaha! Fun fun fun! Pero nakakalungkot. Diyos ko Lord, maibabalik ko pa ba yang tiyan na yan? Sadness pero ang sarap kasi lumamon ng lumamon. Hays… isa lang ibig sabihin nito, sobrang naging masagana ang aking 2008.

Sari-saring kwento ang mga naganap. Iba’t ibang emotions. Iba’t ibang tao. Iba’t ibang simula at ending. May mga lumisan, may mga nagbalik, may iba nagsibalik, may iba umalis for good. Sobrang erratic ng 2008 Mr. T! Sobrang dami ng nangyari.

Isang simpleng pagbabalik-tanaw ng mga nangyari ngayong taon. Ayoko iwan ang 2008 na nagdadrama ako:

Simula ng dito may New Year si Papa hanggang sa first time nagbirthday si Papa dito hanggang nadelay ang flight niya. Hanggang naospital si Tita Nita, hanggang namatay. Hanggang nagpakalbo ko, hanggang nakapasa kami ng METHODS. Hanggang sa nagBataan, La Union, Baguio and Ilocos. Hanggang sa nagLaguna, hanggang sa Tagaytay, hanggang sa Cavite, hanggang sa paglalamyerda sa mga bagong bukas na mall. Hanggang sa nainlove ako, hanggang sa nabigo. Hanggang for the first time pinayungan ako ng isang lalake, hanggang sa may kasabay akong magsimbang lalake. Hanggang sa nohold-up ako. Hanggang sa nakasira raw ako ng mga relasyon. Hanggang sa tinawag akong kabit ng mga tao. Hanggang hindi ko na alam kung ano talaga ang lugar ko. Hanggang sa marami akong nakilalang tao ngayong taon. Hanggang sa naiyak ako sa harapan ng mga tao. Hanggang sa pinagsarahan ako ng pinto, hanggang sinubukan kong maging maunawain at mapagpasensya. Hanggang sa nagtago ako ng mga bagay na dapat itago. Hanggang sa magpaliwanag ako ng mga kasinungalingan. Hanggang makapunta ulit ako sa mga lugar na ayaw ko ng puntahan, hanggang makapunta ko mga lugar na nais ko muling puntahan. Sa lahat ng mga nakainan ko hanggang sa mga napasukan kong bar. Hanggang sa Trinoma, Greenbelt, Greenhills, MOA, Glorietta and kung san san pa. Hanggang nakalimutan ko na sarili ko para sa ibang tao. Hanggang sa naging tanga ko kamamahal. Hanggang sa pag-iwas ko sa mga taong nakasakit sa kin at nasaktan. Hanggang sa pagbintangan ako ng kung anu-ano. Hanggang nagkakOJT ako. Hanggang tinapos ng mga tao communications nila sa kin. Hanggang sa nagbalik mga dating kaibigan, hanggang nag nakarating dito si Rihanna. Ang mga natanggap kong regalo nung birthday ko at Pasko hanggang sa mga nabigay ko sa ibang tao. Hanggang sa paglalakad ko mula dito kung hanggang san. Hanggang sa bawat ngiti kong nagpasaya sa iba. Mga luha kong kinagulat ng iba. Mga taong nagsidating at lumisan. Hanggang sa pamilya kong mahal na mahal ako. Hanggang nakapasa rin sa wakas ng thesis, hanggang sa malapit na ko grumaduate. Sa mga taong nakausap ko lang ng isang beses, sa mga taong nakilala ko lang ng isang gabi. Hanggang sa mga taong matagal ko ng kilala na nag-uusap pa rin kami. Sa lahat ng taon minahal ako. At higit sa lahat, sa mga taong minahal ko at naging parte ng buhay ko ngayong 2008, andito kayo sa puso ko anu’t ano mang mangyari.

It was helluva a year Mr. T! And I loved everything that happened this year. Wala akong pinagsisihan. I made the most out of life I guess. 23 na ko, next year Year of the Ox na, that means 24 na ko. Sana marami pa kong tao na makilala ang matuto ako sa kanila. Sana rin marami akong maranasan na bagay na hindi ko pa nararanasan para naman lumawak pa ng lumawak ang aking kaisipan. Sana sa susunod na taon, marami pa kong matutunang mga bagong bagay. Makapagshare pa ng masasayang kwento and mapasaya pa ang maraming tao. Sa lahat ng nangyari masaya ko. I wouldn’t have been this stronger kung hindi dumaan ang 2008. :-) And for sure, sa 2009, there will still be 3 sets of people that I will still care about: family, friends, and the people I love. And it has always been like that. At sana maging kasinsagana ng 2008 ang 2009 at mga darating pang taon. Kung pwede sana eh higit na masaga. So ayun Mr. T! Hindi ko muna isasara ang libro ng 2008 dahil may ipopost pa ko. Hahaha! Isa lang masasabi ko, 2009, ready na ko para sa yo. :-)

Posted by jjcobwebb on December 31, 2008 at 11:34 AM in Everyday Drama | 9 comment(s)

Song Of the Year:

  1. Disturbia  (Winner)
  2. Touch My Body
  3. So Close

Videoke Room Of The Year:

  1. Family World KTV Greenhills
  2. Redbox Trinoma
  3. Redbox Greenbelt (Winner)

Karaoke Song Of The Year:

  1. Touch My Body
  2. These Dreams
  3. It’s Over Now (Winner)

Movie Of The Year:

  1. Sex and the City
  2. Desperadas
  3. Highschool Musical 3 (Winner)

Music Video Of The Year:

  1. Disturbia (Winner)
  2. Touch My Body
  3. Womanizer

Album Of The Year:

  1. E=MC2 by Mariah Carey (Winner)
  2. Spirit by Leona Lewis
  3. Forever by Chris Brown

TV Show Of The Year

  1. Gossip Girl (Winner)
  2. Ugly Betty 
  3. Project Runway Philippines

Mall Of The Year:

  1. Market Market
  2. Trinoma
  3. Greenbelt 5 (Winner)

Favorite Site Of The Year:

  1. Mariah Daily
  2. Tiggahtigs
  3. Zhouls (Winner)

Favorite DVD Of The Year:

  1. Enchanted (Winner)
  2. Alvin and the Chipmunks
  3. National Treasure

Event Of The Year:

  1. We passed thesis (Winner)
  2. May 11 with Chris
  3. Steve's gift
Posted by jjcobwebb on December 31, 2008 at 07:10 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Because I need a new look for 2009...

IMG_0340 IMG_0347
IMG_0353 IMG_0354

Binayaran ni Ate ang aking extreame make-over. Hahaha! Nice nice. New hairstyle and new hair color. Pahikaw kaya ulit ako? Hmmm…

And there you go Mr. T! Isasara ko na ang Chapter na toh ng blog ko. Goodbye 2008. Hello 2009. :-) Gagawa sana ako ng collage ng lahat ng nangyari ngayong 2008 eh. Kaso pabayaan na lang natin sila sa baul as of now. One day bubuksan ko yun and mag-ssmile na lang ako. Sana maraming magagandang manyari sa 2009. Despite of all the bad things that happened ngayong 2008, I’m still positive and all. And yeah, fairytales are still real to me!!! Weeeee…

And bago ko makaligtaan, let me just say…

HAPPY
NEW YEAR!!!!!

Posted by jjcobwebb on December 31, 2008 at 07:36 PM in Everyday Drama | 6 comment(s)
« 2008/11 · 2009/01 »