Entries in category "OJT"

Sa wakas Mr. T! Tapos na rin ang aking OJT sa HSBC. Masaya ko dahil naging parte ako ng company na toh kahit intern lang. Ewan ko, baket ako nakuha sa HSBC para mag-intern. Ang alam ko matatalino lang kinukuha dun. Hahaha! Anyways, maganda ilagay sa resume yun. Balikan natin mga nangyari sa HSBC:

September 2008 

First month ko sa HSBC. Grabe Mr. T! Para kong tanga. As in wala pa kong kilala. Sa HUB area ako naassign. Tapos sa may UAT pa workplace ko. First kong mga kinausap yung mga naguUAT. Sina Ate Pinky, Beth, Ami and Mellow. Lahat naman sila mabait sa kin. Most of the time, mga panahong toh, nagFafacebook chat lang ako. Kinabukasan, nablock yung Facebook chat. Musta naman talaga. Si Sir Mikko pa yun direct supervisor ko. Super bili ako ng wardrobe nga pala dahil wala ako masyadong long sleeves noon. Tatlo lang ata and yun slacks ko nun pang higschool pa. So yun, taga determine muna ko ng defects ng iniimplement na system. At hindi pa ko sanay sa pagising ng umaga mga panahong toh. Kaya super antok ako palagi sa office and parang yung laging gusto ko ng umuwi.

October 2008

Ganun pa rin ginagawa ko Mr. T! Taga hanap ng mga criticial errors blah blah nung QSC. Ako taga report kay Sir Mikko ng mga defects na may High, Low, Critical. Tapos ililipat ko sa excel. Tinuruan din ako ni Giselle gamitin yung excel program para mas madali kong ilipat yung mga errors and mapakita yung report kay Sir Mikko. Nagkaroon din pala ng bagong intern na babae around this time. Pangalan niya Christine. Kaso hindi kami naging close. Niloloko pa kami ni Sir Mikko na pagpinagsama raw pangalan namin Christine Jacob and kalalabasan. Ayun, most of the time nagYouYoutube lang ako nung October at super basa ng mga blogs. Kasi minsan nagpapatagal na rin ako sa office para madagdagan ang oras ko.

November 2008

Si Ms. Diane and si Ms. Lyn na naging direct supervisor ko. Pero HUB pa rin ako. Minsan din around this time, may mga pinapagawa rin sina Ms. Jen and Ms. Jaggy sa kin. Taga print ng screen. Taga tingin kung may mga user na nagexxist pa. Ganito ganun. Tapos si Ms. Diane and si Ms. Lyn naman ang naging super taga-utos ko. Super update ako ng mga files nila na sobrang tagal ng hindi nauupdate. Eto rin yung time na nahuli ako ni Ms. Diane na nagYouYoutube and pinagalitan ako. Musta naman, wala naman silang inuutos nun eh. Hays… tapos yun, tuloy tuloy yung trabaho ko nung October dahil ang daming nagreresign. So super update ng mga HAF at super delete din. Nakakapagod siya and nasawa ako.

December 2008

Masaya ang December Mr. T! Nagdesign kami ng aming department. Tapos nanalo pa kami. Tinulungan ko si Ms. Diane and Ms. Lyn sa paglagay ng decorations nung December. Same pa rin naman ginagawa ko nung. Update update. Nalipat pala ko sa ibang workstation kasi nga si Ms. Jert dumating na. Tapos, bumalik nung si Sir Mikko napromote. Ayun, tapos ako rin ang ginawang in-charge ni Macky sa Kris Kringle nung ODD-HUB department. Nag-out reach din kami nung December. Parang outreach with Christmas party na rin. Kasama ko ng ODD-HUB sa Christmas lunch nila. Most of the time nung December absent ako dahil sa thesis. Medyo parang nagalit si Ms. Diane. Pero inexplain ko naman. Dapat bago matapos pala ang December tapos na yung OJT ko. Pero salamat sa long holiday vacation, na usad til January 2009.

January 2009

First week pa lang ng work ang dami na agad tumambad sa kin. Grabe Mr. T! Kaya hindi ako masyado nakapag-update these past few days. As in ang dami. Tapos yun pa, dami ring hinabol na HAF. Kung alam mo lang Mr. T! Muntik ako maiyak dahil parang di ako makapaglax nun. Pumupunta ko sa office ng taxi and pag-uwi ko taxi rin dahil sa sobrang stress. Ayun, kanina nagpapicture picture na ko sa office. Si Ma’am Lei binigyan ako ng cake. Nagulat sila na last day ko na. Hindi man lang raw sila nakapagpadespedida. Sabi ko okay lang. Sa loob loob ko, matagal ko ng gustong umalis sa company na toh. Hahaha! Tapos yun, pinuntahan ko si Jamie, anak ni Mommy Jong para magbabay din and magpapicture! Weee… ayun Mr. T! Masaya naman ang lahat. Mamimiss ko ang HSBC and mga tao and paano nila ko tinrato dun. I don’t have plans of applying sa HSBC. Please lang. Hahaha!

Okay, huling hirit sa HSBC pictures. Goodluck naman kung makita niyo mga mukha namin sa liit ng pictures:

DSC00843 DSC00845
DSC00848 dsc00847

Sa pagtatapos ng araw, marami akong natutunan. Marami pa pala akong dapat malaman. Marami pa kong dapat intindihin at dapat pag-aralan. Pakikipagtao, paano kausapin iba’t ibang uri ng tao. Pagpapakaplastik. Pagpapakabibo. Pagiging masipag at tamad. Marami Mr. T! Sa lahat ng natutunan ko sa HSBC, dadalhin ko yun kahit san ako magpunta. Salamat sa ODD-HUB and sa mga empleyado nito. Salamat sa HSBC. And salamat sa HR na nagtiwala sa kin and pilit akong pinagtatrabaho sa HSBC. Ay good luck! Ayaw ko talaga! Hahaha! Salamat salamat. Salamat. I will be forever grateful naging part ako ng isang prestigious company like HSBC. Hanggang sa muli kong pagbalik. Babalik pa ko dahil kukuha pa ko ng certification at cheke! Hahaha!

So yun Mr. T! Umuulan buong araw. Kagigising ko lang pala at nanood ng I Love Betty la Fea. Hahaha! Hayz, ang lamig. Sarap mag-emote. At mag-eenroll na ko next week at magtatrabaho na ko sa Makati. So hanggang hindi pa ko graduate, trabahador muna ko ng aking mahal na kapatid. For sure, maraming benefits yun. Hahaha! Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya. Mwah! Mwah! Mwah!

Currently listening to: Never Had A Dream Come True by S Club 7
Currently feeling: dreamy
Posted by jjcobwebb on January 8, 2009 at 10:34 PM in Everyday Drama, OJT | 5 comment(s)

Whatever happened to Tabulas yesterday I don't know. But good thing I was able to save my entry last night and was able to still post it. Maybe Roy was doing some updates on the codes or maybe upgrading Tabulas again.  Thanks Roy! Anyways, it is already a day before Christmas. Actually, hours. I'm here in the office, alone. My bosses still haven't arrived and I'm free to do anything. Haha! I'll be leaving the office around noon so as I can continue my last minute Christmas shopping. At baket English toh? Hahaha! So yun Mr. T! Ang bilis ng taon.  Pasko na. Pagtapos ng Pasko, Bagong Taon naman. Iniwan naman agad ako ng 2008. Pero it was worth the ride Mr. T! And this is not my year-end entry! Hahaha! I'll stop talking about what happened this year first. Let's leave that for December 31. We'll be going to mass later and then Noche Buena sa bahay ni Ate I think. Magpapasko kami sa bahay at maghihintay ng kung sino ang mga pupupunta at magbibigay at ibibigay na mga biniling regalo. Or pera. Or whatever. Or magpapakain. Then, aalis kaming Manila sa 26. Hindi pa ko sure kung san kami pupunta pero aalis daw kami. Anyways, ang tahimik dito sa office grabe. Nagsasayang ako ng oras at ng kuryente dito sa opis. Pero okay na rin. Dagdag sa oras at allowance. Haha! Parang gusto ko pa tulungan mga tao dito pag natapos na yung 500 hours ko. That is if kung dadagdagan yung allowance. Haha! Anyways Mr. T! Napadaan lang. Pasko na bukas. Kailangan maging masaya. And I'll be celebrating Christmas with FAMILY. At sino nagsabing malamig Pasko ko? :-P My family keeps me warm and happy. At yun nga, eto na muna Mr. T! Happy Holidays!!! At sana ibigay na ni Santa ang matagal ko ng  hinihiling. Haha! Update you soon.

Currently listening to: silence
Currently feeling: Christmas-y
Posted by jjcobwebb on December 24, 2008 at 08:00 AM in Everyday Drama, OJT | 8 comment(s)

Hello Mr. T! Corny ng title. Wala kong maisip na title. Gusto ko rin rhyming. Haha! Eniwi, leave na lahat ng tao sa office. Kami na lang ni Ma’m Lai, and Miss Diane ang nasa HUB. Anyways, 3 araw na lang ako sa OJT. Nabitin pa yung mga panghuling araw for next year. Ayun, dapat may dinner kami nina Barry, Rhitz and Luis yesterday kaso di natuloy kasi hindi pwede si Rhitz. Ako naman tinawagan ni Ate kasi andun yung mga pinsan kong anak nina Tita Nito and Tito Boy sa bahay nila. Tapos nagkaroon ng munting salo-salo. Andun din sina Tito Fredie and Tito Robert and Tita Beth. Mga anak ni Tita Beth andun din. Siyempre andun si Dindin na pinsan ko na kavibes ko. So yun, salo salo. Kainan. Picturan. Itutuloy daw ang tradition sa New Year. Sa bahay ni Tita Nita magrereunion ang mga Webb kahit wala na siya. So yun, mga anak ni Tita Nita na si Ate Catherine and and Ate Annabelle with kids andun. Sa Shaw pala ako bumaba para magjeep papunta sa bahay ni Ate kasi mas malapit kung dun. Tapos nakita ko si Ate sa kalsada bumili ng chicharon kasama si Tito Robert. Amp! So yun nangyari kahapon. Late na nakauwi kahapon and hapong hapo na ko kaya walang update. Nasa rooftop pala sina Mama nung pagkadating ko. Ako sa kusina dumirecho. Haha! Anyways, eto ang pics:

122220082095 IMG_0809
IMG_0700 122220082094

Tapos ngayon, kauuwi lang namin galing Greenhills. Grabe, shopping to death si Mama and Ate. Kasama si Mabel, Bruno, Tito Robert and Erwin. Dapat lalabas kami nina Rhitz and Luis kaso siyempre mas uunahin ko pamilya ko. Kasi ipagshoshopping din ako for sure nila di ba? So pinagshopping nga ko ni Mama and Ate. Then nagStarbucks kami ni Bruno and Mabel. Nagdinner na sila sa Le Ching kaya ako sa McDo nagdinner. Shet! Actually hiwa hiwalay sila eh, Si Mabel kasama si Mama. Si Ate mag-isa. Si Erwin din mag-isa. Tapos si Bruno kasama si Tito Robert. Ako humabol lang. Amp! Anyways, pics ulit. Haha!

122320082101 122320082102

Di mahulugang karayom ang GH kanina Mr. T! Tapos nakita mo yang Starbucks ko? Hahaha! Nung tinawag ako ng barista, “One Cherry Mocha Frappe for Mariah Carey” --- nung binigay niya kumanta siya “Touch my body….”. Ako naman “Wrestle you around? Play with you some more? Hahaha!”. Natawa ako. At natawa rin siya. Nakakahiya raw ako sabi ni Bruno. Kebs. Hahaha! Fun fun! Pasko naman eh. Then umuwi na.

Nakakuha ko ibang pics nung nagdinner ang ADB sa Tender Bob’s Shang last week. That's Glen and Eric on my left. Anyways, share ulit ako ng onting pictures:

image image

Anyways, ang dami kong pics recently Mr. T! Magrereformat na ko ng PC! At kailangan ko ng external HDD para sa lahat ng pictures ko this year. Ilang araw nalang Pasko na. 2-3 days? Hays, maghahalf day na lang ako sa office bukas. Maglalast minute shopping pa ko! Hahaha! Ang mahal pa ng gusto ni Bruno sa Pasko! Parang ayaw ko na siya regaluhan! Wahhh… anyways, sige sige Mr. T! Baka maging busy this coming days at hindi kita ma-update ng bongga. Pero try ko pa rin. Happy Holidays Mr. T!

And look what I found yesterday sa McDonald’s sa 32nd Street:

122220082092

O ha o ha! Never pa ko nagbirthday sa McDo or Jollibee sa buong pagkabata ko. Kaya natuwa ako nung nakita ko yang banner na yan. Mababaw ako alam ko. Pero ang saya saya ko talaga kahapon nung nakita ko yan. Hayz, sarap tignan. Haha! Anyways update you soon Mr. T! :-)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 24, 2008 at 12:07 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family, OJT | Post a comment

Aliw. Pwede palang gawing Ask Po yung PASKO na word. Shet ang random nun! Hahaha! Eniwi, feel ko na ang Pasko. Paparating na siya. Haha! At kala ko hindi ko siya mararamdan ngayong taon na toh. Weee! Kauuwi ko lang . Galing ng drugstore nagbantay. Ayun, yung lang actually naganap ngayong Sunday na toh. Nagbantay ako ng drugstore. Eto na naman yung time na proxy ako sa pagbabantay since nagbakasyon mga empleyado sa drugstore. Anyways, racket din toh. Pera din. At habang nasa drugstore super tutok ko sa The Buzz. Haha! Naintriga ko sa Karylle VS Marianne eh! Hindi ako mahilig sa showbiz pero nakatutok talaga ko kanina sa TV para dun. Haha! So yun, habang nagbabantay din ng drugstore, dala ko yung Stainless Longganisa ni Bob Ong. Ang tagal ng nakatambak sa kwarto ko yun. Tinuloy ko yung pagbabasa sa drugstore para di ako mabato. Idol talaga si Bob Ong!

Ayun, yesternight was super fun. Nagkaroon ng maliit na salo salo kaming magkakamag-anak sa bahay ni Tita Lourdes. Siyempre magkakalapit lang bahay namin. So yun, may excahange gifts din pala kaming magkakamag-anak. Nag last minute shopping ako kahapon sa Centerpoint Mr. T! Hahaha! Then yun, kainan, tapos dasal, tapos nagpasalamat, exchange gifts, videoke. Nakakatawa, si Mama nakabunot sa kin sa exchange gift. Hahaha! Ay namili rin pala ko ng mga damit kahapon sa F&H. Hehehe! Super bili lang. Hahaha! Nakakaaliw mamili ng damit ulit. Naramdaman ko ulit yung feeling ng nakaayos at nakaoutfit. I miss dressing up. And yeah, pinadevelop ko yung picture naming 4 nina Rhitz, Barry and Jeffrey, 10R. Ipapaframe at ipadadala kay Jeffrey. Pero panget ng kinalabasan. We’re thinking kung ano pa ang pwedeng picture ang ilagay sa frame. Anyways, mga picture last night (at napicturan ko na lang nung patapos na yung salu-salo): 

122020082082 122020082079
122020082085 122120082089

Ayun Mr. T! Masaya. Ang sarap nung Casava Cake na yan! Ibang level. Haha! Tapos yung kasama ko pamangkin ko sa pinsan. Oh di ba parang magkasing-age lang kami? Hahah! Ngayon ko lang narealize, wala akong kasing-age na pinsan or kamag-anak. Either mas matanda sila sa kin or mas bata. Wala kong kilala na pinsan or relative na pinanganak ng 1985! Yung mga close ko sina Cathy and Marco, mga 27 years old na sila. Tapos yang sa picture na si Alyssa, 17 years old. Wala talaga akong kasing age.

Tapos yun. Since puros picture na man din, share ko yung design sa office. Nanalo ang HUB sa contest ng best Christmas design. Hehehe! Galing ni Ms. Diane! Go go go! At peke yung mga yan ha! Haha! At nanalo ang HUB ng isang katutak ng chips. Hahaha! Sarap!

121920082073 121920082072

So yun Mr. T! Baka til 24 papasok pa rin ako. Okay lang. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Ay meron pala. Tatakas lang ako sa mga ipapagawa. Haha! Ayoko mag-ayos ng bahay. Ayoko maglinis. Ayoko mamalengke. Ayoko maghiwa. Ayoko magluto sa 24. Haha! Susme baka pagkadkarin na namana ko ng ube ni Mama. Tsk! Kaya sa office na lang ako. Haha!

Kanina habang nasa drugstore ako, tumawag ako sa bahay nina Ate para may itanong tungkol what time magsasara yung drugstore. So ganito ang eksena sa phone:

*Jacob dialed …… other line picked up*

Jacob : Hoy! Wyna (pangalang ng kasambay ni Ate)! Pakausap kay Ate dali!
Person : Hoy ka rin! Walang Wyna dito!
Jacob : Hoy! Importante toh! Bigay mo kay Ate yung phone may itatanong ako! Dali!
Person : Hoy! Wrong number ka! Dali ka diyan!
*nabosesan. hindi boses ni Wyna*
Jacob : Ay, parang nga. Sorry sorry… Haha!

Kahiya talaga ako! Hahaha! Isa yan sa mga rason baket ayoko ng landline. Tanga ako dumial sa phone. Haha! At ang weird ng Globe. The whole time akong nasa drugstore, walang signal. Shet! Anyways, update you soon Mr. T! Ilang oras pa lang ako nakakatulog ngayong araw. Wahhhh… sige sige. At dapat pala may dadaanan at kukunin akong  regalo from my new friend, kaso late na ko nagising. Next year ko na raw kunin. Thanks in advance! :-)

Currently listening to: Never Knew Love Like This Before by Stephanie Mills
Currently feeling: sneezy
Posted by jjcobwebb on December 21, 2008 at 11:45 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family, OJT | 2 comment(s)

Kagiginsing ko lang. O diba? Sobrang saya kahapon Mr. T! Kahit kaming 3 lang nina Rhitz and Barry ang lumabas ang naglaskwatsa, sobrang ang saya. Pag iniisip ko nga, ganun lang naman talaga kami, mababaw ang kaligayahan namin. Pag sama sama kami masaya na. Parang solve na solve na ang lahat. Anyways, simulan na natin ang kwento Mr. T!

Ang gulo gulo namin. Una gusto sa Greenhills pumunta, tapos sa Trinoma, tapos sa Tagaytay tapos sa Serendra, sa Shang, sa Rockwell. Halos lahat ng mall nabanggit na namin. Pero napagdecidan namin na sa Serendra na kumain.

8PM na ko lumabas sa office. Ay may regalo pala si Ms. O and si Ms. Beth sa kin. Haha! Dami ring food sa office kahapon.  Pero sobrang daming ginagawa. Sina Barry and Rhitz nasa Fully Booked na sa BHS. Ako sumunod after kong lumabas ng office. May kinuha lang si Rhitz sa car niya kaya si Barry una kong nameet sa Fully Booked. But before akong umakyat sa escalator sa Fully Booked, for the second time, sa BHS< nakasalubong ko si Ryan sa loob din ng Fully Booked. Last ko rin siyang nakasalubong sa BHS rin. Haha! Anyways, I got shorter daw sabi ni Ryan. Must be the jacket I’m wearing yesterday Mr. T! May party si Ryan na pupuntahan, may kasama siyang friend na girl taga DLSU rin. Ayun, hi-hello lang kami then kailangan na nila umalis and ako kailangan ko na rin imeet si Barry sa second floor.

Then nagkita kami ni Barry. Wala lang. Haha! Then naglakad lakad naghahanap ng makakainan. Then iniwan ko bag sa car ni Barry para hindi naman ako jologs. Then yun, si Rhitz dumating na rin and then the search for a place to eat began. As usual, magulo kami. First sa Serendra dapat kami kakain. Pero ang daming tao. Babalikan dapat namin yung Balducci. Naalala mo ba Mr. T! yung resto na yun? Yung tumayo kami dahil wala akong pera nun? Hahaha! Scene kagabi:

Jacob : Sa Balducci tayo kumain! Balikan natin yung resto na yun!
Barry : Aba aba aba may pera siya!
Jacob : Oo! Sabi ko sa yo! Maghihiganti ako eh! Hahaha!
Barry : Go, lika dun tayo kumain

Sayang Mr. T! May private party sa Balducci kagabi! Tsk! So hindi kami nakapaglustay ng pagkain dun. Anyways, wala kaming maisip na makakainan dun. So sabi namin na sa Greenbelt 5 na lang kami kumain. So, si Rhitz sumakay na rin sa car ni Barry kahit may dala siyang sasakyan. So kaming 3 nasa loob ng kotse ni Barry. May dalang cam si Rhitz. So, ano pa ba magandang gawin? PICTURE! Hahaha! Ang picture moments namin sa loob ng kotse ni Barry nagmaterialize ulit. Hahahaha! Parang annually ginagawa namin toh before or after Christmas. Sobrang fun. Hahaha!

Then nagpark kami sa bagong parking. Hindi namin alam kung san tutungu yun pero nagpark kami. Pagkababa namin ng kotse, nakapasok kami sa isang bagong mall. To our surprise --- GLORIETTA 5! Waahhhh… first time namin sa mall na yun. Kakaiba! May nakita kaming malaking Christmas tree sa loob nung mall. So? PICTURE! Hahaha…

image image

Ang saya and then tinahak namin from Glorietta 5 til Greenbelt 5. Mahal ko talaga ang Ayala! Haha! Gusto namin kumain sa John and Yoko sa Greenbelt 5. Kasi ang ganda ng mga ilaw dun. Haha! Kaso ang daming tao. Pinagpilian namin: La Maison, Solihiya, John and Yoko, Fish Out of Water. Sa Fish Out of Water kami bumagsak Mr. T! Pero pumasok muna kami sa Adora bago kumain. Ganda ng mga damit. Lately hindi na ko namimili ng mga damit para sa sarili ko. Parang kuntento na ko as of now sa aking wardrobe. Anyways, then yun, kumain na kami. Ngayon lang ako nakarining ng BUTTERFLIED TILAPIA. Social noh? So inorder namin yun. Mababait sina Rhitz and Barry, alam nilang hindi ako puwede sa shrimps and crabs, kaya hindi kami umorder. Hahaha! While waiting and after serving and after eating. Siyempre, PICTURE!

image image
image image
image image

Masarap yung pagkain nila. Okay din yung price. Then super kuwentuhan kami. Namimiss namin si Jeffrey. At ewan talaga namin baket feel na feel ni Jeffrey sa Taiwan eh ang saya saya dito sa Pilipinas. Hahaha! Namiss namin siya. In fairness, sana hindi nakakagat ni Jeffrey dila niya kagabi dahil siya topic namin almost the whole time kaming kumakain. Haha! Masaya nung nagkakainan kami. Nagflashback kami:

Barry : Grabe, nakakain na tayo sa ganito. Haha!
Jacob : Oo nga. Mahirap lang naman tayo dati. Pakwek-kwek-kwek lang tayo dati!
Rhitz : Oo nga, mga tambay lang tayo sa 7-11

Ang bilis ng time Mr. T! 3-4 years ago na agad yun. I’m wondering, ano na kami after 3-4 years. Hmmm… then after eating medyo umikot sa Greenbelt 5. May exhibit ng mga Christmas trees. So PICTURE! Haha! Dun ako nagpose sa Christmas tree na ang decorations ay dolls. Hahaha! Gay! Haha! Tapos biglang namatay yung ilaw! Nakakainis. Ang ganda ganda nung lighting nung may ilaw tapos biglang pinatay. Hindi lang kami nagpipictorial Mr. T! Marami ring tao! Nakakainis pinatay yung ilaw. Hmph! Pero ayun, masaya. Then medyo naglakad sa Greenbelt 3 then pabalik sa Glorietta 5 then medyo pictures ulit.  

image image
image image

Then hinatid namin si Rhitz sa Serendra dahil dun nakapark car niya. Then si Barry hinatid ako pauwi. MagssStarbucks pa sana kami kaso maaga papasok sa opisina nila si Barry. So yun, it was a night. Ang saya saya. Got home around 2AM na. Wala ng ayos ayos, humiga ako sa kama at nakatulog agad. Ay nagpicture kami ulit sa kotse bago ihatid pala si Rhitz sa Serendra:

image image

May Christmas party kaming magkakamag-anak mamayang gabi. Hindi ko pa nabibilhan yung nabunot ko sa Kris Kringle. Pupunta kong SM maya maya para bumili ng regalo. Napabalot ko na rin sa kasambahy namin na si Jesa mga pamimigay kong regalo sa mga inaanak ko.  Anyways Mr. T! Sobrang saya. Hay mahal na mahal ko mga kaibigan ko Mr. T! Kung alam lang nila. :-) At may Christmas dinner pa kami sa Monday. Wow! Mayaman ka Jacob? Wahuhuhu… but still. SUPER FUN. Thanks GOYS! Sana next Christmas complete na kami.

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 20, 2008 at 03:10 PM in Everyday Drama, Gayness, Malling, OJT | 2 comment(s)

Habang umiihi kanina, may biglang pumasok. Kumakanta (sa tono ng Always Be My Baby)...

"You are gonna be a part of me..."

Ano raw? Hahaha!

Habang nagbabayad sa 7-11 after lunch nung nagpaload ako:

Cashier : Sir do you want to add anything else?
Jacob : Wala na po yan lang...
Cashier : How about chocolotes, yosi, condom...
Jacob : CONDOM? Hahaha! Marami kami niyan! Haha!

Mukha ba kong makikipagsex kanina Mr. T! Shet! Haha!

Ang daming pagkain dito sa office Mr. T! Grabe, kahapon may empanada, yung donut, sapin sapin. Ngayon may cake, mga chips sa sangkatutak, chicharon. Grabe! Ano ba yan! Nakakatamad kumain. Wahh...

Ay may mga napanaginipan pala ko recently. 3 sila na nakakabaliw at weird.

First Dream

Nakikipagsex daw ako kay ******. Oh di ba? Kadiri lang? Nakuwento ko na sa kasama ko sa dream ko tong dream na toh. Hindi niya rin kinaya. Hahaha! Mga last week yung dream na toh.

Second Dream

Eto kanina lang. May doppleganger daw ako. Tapos si kamatayan nakikita ko. Tapos kukunin na raw ako ni kamatayan nagplea ako. Wow! Parang The Sims lang! Hahaha!

Third Dream

Eto mga last month siguro. Nakasakay ako sa isang red sports car. Mabilis yung takbo. Nakaakyat kami sa bundok sa sobrang kabilisan niya. Hindi ako nagdadrive. Nasa passenger seat ako. Tabi ng driver. Weird hindi ko nakita mukha nung driver. Basta ang bilis bilis nung kotse.

Ano kaya mga meaning niyan? Weird dreams. Weird. Weird...

Currently feeling: stuffy nose
Posted by jjcobwebb on December 19, 2008 at 03:14 PM in Everyday Drama, OJT | 8 comment(s)

Thanks Jeffrey sa pinadala mo! It's super appreciated. Mwah! I know I have always been an unworthy friend pero promise may birthday card ka dapat nung birthday mo. Sobrang wala lang akong time pumunta sa postal office. Hahaha! Kiss na lang! Mwah! Ang hugs, *hugz*. Haha! Eto kakaoffline lang ni Jeffrey. Siya kachat ko the whole time pag-uwi ko. Nakakaaliw problema ni Jeffrey. Haha! Hay miss ko na si best friend Jeffrey!

Nakausap ko rin si Jamie, anak ni Mommy Jong kanina. Pumunta siya sa desk ko ulit bago mag-uwian. Nakapagusap kami. Kung ano ano lang. Hehehe! Mabait naman pala anak mo Mommy Jong. Shucks. Coolness talaga. Hindi na ko nagblush nung second time siya pumunta sa workstation ko. Ang weird naman walang internet sa department nila. Hmmm... anyways. Yun, it's really nice to have new friends Mr. T! Mommy Jong, sabi ni Jamie sabi mo ka kanya may sakit ako at dalhan ako ng food. Thanks! Sweet shet.  :-) Baket ba tayo hindi naging frienship mga September para may naging friend agad ako sa HSBC! Haha! Thanks ulit. Everything you thought of and did are appreciated. :-D

Then pumunta sa Shang para makipagkita sa ADB. Had dinner sa Tender Bob's. Then umalis ako agad dahil magkikita dapat kami ni Mike sa Cubao. Pero may sakit talaga ako Mr. T! Kaya sabi ko kay Mike babawi na lang ako. Ang dami ko pa namang utang na loob kay Mike. Ang dami ko na rin siyang beses hindi sinipot at kinansel bawat pagkikita naman. Sorry Mike. I'll really make up for my losses. Ayun. Mike has always been so good to me Mr. T! Alam mo yan. Pero at least friends na kami ngayon. :-)

Hmmm... ay ay ay Mr. T! Si Karol nagtext kanina! Weeee... asa Pinas na siya! At may pasalubong daw ako from down under! Haha! Ano kaya yun? Nagiinvite siya magGreenhills kanina kaso nasa office ako. Maghahalf day sana ko kaso sayang ang hours. Anyways, update you soon Mr. T! :-)

Sana gumaling na ko bukas.

Ay this made my day. Yung reply ko made my day. Hindi sa text ng nagtext ako natuwa. Kung hind sa reply ko. Haha!

"Hindi ka man lang naturn off sa video ko? Ang effem effem ko dun! Hahaha!"

"Hindi. Kasi ikaw pa rin naman si Jacob eh. Costume lang yun"

"Nasisiraan ka ba?"

"Hindi. Gaya nga ng sa blog mo, yung love na inspite of?"

"Nyeks. Anong kinalaman!? Lasing ka ba?"

"Hindi. In love ako"

"Kanino?"

"Sa yo..."

"Lasing ka nga! Hahaha!"

Hindi nakakakilig eh, nakakainis. Weird. Anyways. Good night Mr. T!

Currently listening to: the electric fan
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 18, 2008 at 11:52 PM in Everyday Drama, Gayness, Malling, Food and Dining, OJT | 4 comment(s)
« Newer · »