Anytime You Need A Friend Live In Tokyo 1996
Shucks, I miss this Mariah. Hay...
Shucks, I miss this Mariah. Hay...
Ayun, slept the whole day Mr. T! Ayoko pumunta ng sementeryo ng maaraw. Mainit. So bandang gabi na ko pumunta. Ayun, ang bilis, naalala ko nung nakita ko pa si Nanay, mother ni Mama, na namatay. Ang bilis. 2002 yun pero parang kahapon lang. Parang kahapon lang ako nagpapakain kay Nanay. Pinapalitan yung pampers niya. Pinapanood ng TV. Pinapalakad nung hindi na siya masyado makatayo. Yung maiinis dahil ang dami niyang tanong. Yung sinasabihan ako lagi ng "Buray mo" at sasagot ako "dakula". Haha! Parang kahapon lang Mr. T! Pero ganun talaga. Kailangan tanggapin. Ganun ang buhay. Parte ng pagiging tayo dun. Tulad nga ng sinabi ko before. Ang tanong na lang kung sino ang susunod. Ayun. Dumalaw din ako sa puntod nina Tita Nita. As usual ang daming tao sa cemetery. Nagdasal and then tumungo sa mall with Mabel para may bilhin.
Tapos ang lungkot ko ngayon Mr. T! Kasi yung asong naligaw sa amin na askal, nasagasaan kanina. Grabe, aso lang yun pero masakit grabe. Kasi naman, napamahal na rin sa kin yun. Hay... pumunta dito yun puro galis, kaya pangalan niya Galisya. Ang lungkot talaga. Tapos si Spike may sakit pa. Natatakot ako baka mawala rin si Spike. Shucks. Hay... sige sige update you soon Mr. T! Anyways yun muna. Hindi pa rin ako makaget over na nasagasaan si Galisya. Hay... still God is good. Life is beautiful. :-)
If you've ever lost a loved one or anybody close to your heart, this song is for you, us:
One Sweet Day Chucky's Remix - Mariah Carey & Boyz II Men
"Although the sun will never shine the same again
I'll always look to a brighter day"
I won't be afraid
I'll be alright if you help me
I know you're looking down from heaven
And I won't let you down
I'll be everything you taught me
And all that I know is I'll wait
Patiently to see you in heaven
Sorry I never told you
All I wanted to say
And now it's too late to hold you
'Cause you've flown away
So far away
Never had I imagined
Living without your smile
Feeling and knowing you hear me
It keeps me alive
Alive
CHORUS:
And I know you're shining down on me from heaven
(I won't be afraid)
(I'll be alright if you help me)
Like so many friends we've lost along the way
(I know you're looking down from heaven)
And I know eventually we'll be together
(And I won't let you down)
(I'll be everything you taught me)
One sweet day
(And all that I know is I'll wait)
(Patiently to see you in heaven)
Darling I never showed you
Assumed you'd always be there
I took your presence for granted
But I always cared
And I miss the love we shared
CHORUS
Although the sun will never shine the same again
I'll always look to a brighter day
Lord I know when I lay me down to sleep
You will always listen as I pray
CHORUS
Sorry I never told you
All I wanted to say
Dinala kaninang umaga sa Animal House si Spike Mr. T! Katatawag lang ng Animal House ngayon, wala na si Spike. :-( Nalulungkot ako :-( Kami. Mamiss ka namin Spike. Naiiyak ako. Nasa Galleria pa sina Bruno and Mama. Tinawagan ko. Baka umuwi sila agad. Sorry Spike kung lagi kitang napapalo, ang kulit mo kasi minsan. Pero love kita Spike. :-(
Entries about Spike:
Ang sakit Mr. T! Sana nga may Dog Heaven para magkita na sila dun ng mga aso naming namatay in the past. Hay... :-(
You’ll be missed Spike. You’ll be missed. :-(
We love you!!!
Mass ng gabi as usual. Parang Biyernes Santo mga mukha ng tao sa bahay. Kailangang masanay na wala na talaga si Spike. Pagkauwi, nag-online, YM:
"Jacob, I'm lost"
"Lost? Saan?"
"After college..."
"Huh?"
"Hindi ko alam gagawin ko after college"
"Sino bang may alam?"
Iniisip ko yan hanggang ngayon Mr. T! Kung ano ang gusto kong maging. Hindi kapag paglaki ko eh, kasi malaki na ko. Nung bata ako, gusto ko maging doktor. Seryoso yun. Gusto ko makatulong sa mga may sakit. Pero narealize ko hindi pala ko matalino para makapagdoktor. Hindi kami ganun kayaman. Hindi na rin siguro ako pag-aaralin kung naaisin ko pang magdoktor. Habang nagsidaanan ang panahon, naiba iba ang gusto ko maging. Gusto ko maging singer nun. Pero sa dami ng magaling kumanta, paano na lang kaya ako sisikat. Bawat singing contest na ata sa TV nun pinilahan ko. Sa kasamaang palad. Lagi akong sumasablay sa huling screening. Pero masaya na rin dahil may mga nakilalang kaibigan habang nakapila. At least masasabi kong na experience ko yun. Ninais ko rin maging cosmetic surgeon. Pero tulad nga ng nasabi ko, mahal maging doctor ngayon. Baka palayasin na ko ng magulang.
San nga ba ako mapupunta after college? Sa bahay? Bum? Sa isang kompanya kung san ako empleyado? Or magtatayo ako ng sarili kong company kung san ako ang boss? Malabo ang hinaharap. Kahit ako biglang napaisip sa tinanong ng kaibigan ko. Pero ang alam ko isa isang hakbang muna bago makatungo sa paroroonan di ba? Hindi naman agad agad nakakapunta sa isang lugar ng andun ka na. Siguro sipag lang luck ang magdadala sa kin kung san ko gusto makapunta. Pero kung sino ang may tunay na alam kung anong mangyayari sa kin after college, Diyos lang talaga.
Minsan iiniisip ko, magiging successful din naman siguro ako dahil nakita ko sa mga kapatid ko na naging successful sila sa mga pinili nilang pamumuhay. Pero, iba ang guhit ng palad ni Pedro kay Juan. Pero, I still look and will always look on the brighter side. Kung pafuck-up-an lang ng buhay noon, mas fucked up mga buhay ng kapatid ko kesa sa kin ngayon. Kung alam mo lang nakaraan ng pamilya namin. Baka mag-isip ka kung baket sa kabila ng lahat sobrang positibo pa rin ang paningin ko sa buhay. Madilim. Nakakahiya. Nakakaeskandalo. Nakakalungkot.
May isa kong kaibigan, napagkuwentuhan ko ng buhay ko. Buhay ng pamilya namin noon. Nagulat siya kung baket sa lahat ng nangyari sa pamilya namin eh hindi man lang ako natinag. May iba raw diyan nagigin rebelde sa ganoong sitwasyon. Baket parang bata pa rin pananaw ko sa lahat. Baket makulay pa rin ako mag-isip. Sa totoo lang Mr. T!, hindi ako tunay na makulay mag-isip. Sa ilalim ng mga kulay kasi na yun eh itim at abo talaga ang nakatago. I want everything to turn out well kahit na alam kong hindi talaga kayang mangyari mga gusto ko mangyari. It's not sugar coating, it's being positive siguro. Ayoko ng mga negative things, kahit na alam ko yun ang mga nakapaligid sa kin. I wasn't a kid for a long time. Yung utak ko naging pangmatanda agad. Dahil sa paligid ko yun. Kung alam mo lang Mr. T! Kaya ngayon, I want to think like a child. Kahit alam kong there are madness around me. And there will always be. Choice talaga ng tao maging masaya. At choice din nila magmukmok at mabuhay sa nakaraan. Pero alam mo yun, sisikat at sisikat ang araw eh, we just have to continue living our lives na parang walang nangyari. Ganun lang naman buhay eh, hindi kailangang gawing complikado. Dahil bukas buhay ka pa rin. Habang buhay may pag-asa. Unless magpakamatay ka. Hindi naman ako ganun kadesperado.
Our family's current situation didn't happen overnight. Nagkaroon muna talaga ng mga bangungot at kung ano ano bago naging at sumaayos lahat. Still, I didn't grow weary. Nastuck ata ako sa pantasya at kung anu ano. Yun ako nun, hanggang ngayon ganun pa rin ako. Siguro when I'm already in my 30's, ganito pa rin pananaw ko.
Siguro nawawala ako ngayon Mr. T! Pero isang araw, siguro pagkagising ko, alam ko na kung nasaan ako. Malalaman ko na kung anong daan ang susundin ko. We're all lost. It's just a matter of finding or figuring out which way to go. Hindi kailangan lagi mag-emote dahil walang mangyayari sa pag-eemote. Bida lahat tayo sa mga buhay natin. Sadly, may mga taong kotra bida sa mga sarili nilang buhay.
Ewan ko kung may sense tong pinagsasabi ko Mr. T! Pero ayun, gusto ko man ikwento family history ko, wala na sa lugar. Hindi pang-internet yun. Sa amin na lang ng pamilya ko yun at sa mga piling tao. Everything will fall into place with time. In time. Somewhere in time.
Isa pa, nasaktan na rin naman ako. Maraming beses na Mr. T! Kaya walang karapatan kahit sino magsabi na hindi pa ko nasasaktan kaya ganun pa rin paningin ko sa mga bagay bagay. Marami ng nakasakit sa kin. Ilang beses na kong umiyak. Nasaktan na ko. At kahit ilang beses ako masaktan, hindi ako susukong maniwala na sa kabila ng bawat luha at hikbi, may naghihintay na tunay na kaligayahan. Shucks parang bastos. Haha! Pero ganun ako. Ika nga ng kanta, "there's a rainbow always after rain..."
Sige, wala na sa hulog pinagsusulat ko Mr. T! Wala na rin ako sa lugar. Tulog na ko! Good night! :-)
I saw this at the back of my office notebook Mr. T! I can't recall when I scribbled down this letter or did I just copy this? Haha! But anyways, I typed it down, and who knows, this entry might be for somebody reading this now or no. Here it goes:
I love you not because you feel the same way for me ( I know you don't and you never will) but because you made me someone I wasn't before. You made me someone better. I miss you not because you're gone but because things between us aren't the way they used to be. I'm sorry not because I've hurt you but because I've fallen in love with you.
If given the chance, I would choose to fall in love with you all over again, though i already know the way this story would end. You and him. Even after all the hurts you've caused me, even after all the tears I've cried, even after all the heartaches you brought me, I'd still go back in time and be with you. I would if I could. What I feel right now is still the same feeling I had for you way back when i thought I had you. I'd do anything just to get things back the way they used to be even for a single moment --- me and you. We were happy.
I wonder how you are now. I wonder how you feel. I dont know if you're okay or if something's bothering you. Still I wish you're fine. I wish you're alright. More than anything else, I just wanna say I really miss you all this time. I still wish you were mine. Love is not about security. It's about happiness. And I still don't know why you had to leave. I thought we were friends. So I guess all I'm trying to say here is that I miss you and I still love you kahit alam ko, hanggang dun na lang yun dahil alam ko, you'll never learn to love me. Everybody has bad times. Do we sacrifice all the good times because of them? Kahit hindi na yung "that's all I ask of you", isipin mo na lang, sayang ang friendship. Magbibirthday pa naman ako. Gusto ko kasama ka.
Jobo
Ang tamaan sapul...
Bored to death here in the office, I tried searching for an entry when I first experienced Trick or Treat on Halloween 2006. I wasn't able to find an entry sadly. For sure I wasn't able to make one about it.
Still, bored to death, as I was brooding over my online photo albums, I found pictures of that event. This is me infront of Jeffrey's house posing with monsters, witches or whatever you call them. If I remember it right, we slept over at Barry's place after the party. Ohh... some memories last a lifetime though unwritten. Anyways, here are some pictures of my first ever Trick or Treat in my entire life. Haha!
I believe Rhitz wasn't able to Trick or Treat with us. I don't know why he wasn't able to make it. And yeah, ay huwag na lang. Hahaha! It was only Me, Barry and Jeffrey. But Rhitz was present when we slept over at Barry's place. Wah! I can still remember! Hahaha! O happy days!
Nakakatawa pinsan ko Mr. T! Naguusap kami kanina about Isang Saglit, yung teleserye:
Pinsan : Baket di mo pinapanood yun Isang Saglit?
Jacob : Gabi na kasi yun eh
Pinsan : Type mo pa naman si Jericho
Jacob : Hahaha! Shet ka huwag mo ipaalala! Hahaha!
Pinsan : Sino si Von?
Jacob : Sorry, wala ng bitterness. Magkahawig sila pero hanggang dun na lang yun
Pinsan : Wow mahal talaga
Jacob : Naman! Hindi ako nagsisisi sa mga taong minahal ko
Pinsan : Wow, Award! Hahaha!
Pinagbawalan na ko ni Ms. Diane magOT. Patay! Basta pag 8 hours na raw ako. Umuwi na raw agad ako! Patay! 5pm pa lang lalayas na ko ng office nito.
Nakakalungkot yung ulan Mr. T! At ang ganda ng katabi ko sa bus na babae. Shucks. Hindi siya bagay sa bus.
Birthday na ni Rhitz maya maya. Mauuna siyang mag23 sa kin. Hahaha!
Nakabili na kong tickets sa Rihanna-Chris Brown Concert. Parang gusto ko rin bumili nung kay Sarah Geronimo. At pati yung sa Abba! Tsk!
Gusto ko matulog ng matulog Mr. T! Hay...
At parang ang ganda ganda ko talaga lately. Hahaha! Wala lang feel ko lang. Or dahil sa bago kong facial wash? Hahaha!
Grabe parang wala kong friends ha! Cellphone ko ni isang beses hindi tumunog! Hahaha! Ano toh. Anti-text day? Hahaha! Weird.
Gusto ko magbeach. Kaso maulan. Gusto ko rin magfood trip kaso wala kong kasama. Gusto ko magkajowa pero joke lang. Hahaha! Inaatake na naman ako ng jowa syndrome. Lol!
Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Wilhemina sa isang episode ng Ugly Betty "I'm not lonely, I'm horny!!!" --- hahaha. Hindi rin! Hahaha!
Biglang naging dull buhay ko. Sad sad.
Good night Mr. T! :-)
I'm a sucker for romantic relationships as you know Mr. T! Got this from a friend's Multiply blog. It's a nice read. It's a good thing my bosses are out lunching. I can update you Mr. T! Tsk, if only Ms. Diane didn't catch me laughing while watching Ugly Betty yesterday I can surf the internet freely here at work anytime. Anyways, here's the article that I wanna share:
1. A man won't let go if he really loves you.
Do not hold on to someone who has let go of you. He does not love you and does not value having you. Believe me, he will not let go if he really loves you. There is another reason he is not willing to tell.
2. Do not look for reasons why he ended the relationship.
There is only one reason why he ended your relationship. He just does not love you. Do not waste your time thinking of reasons or what you should have done. Move on and be open to a man who will truly love you.
3. Do not get hung up on your past.
Do not nag or distrust your current boyfriend just because your ex hurt you. Do not treat him or the relationship the same way. Do not compare. He will not react the same way as your ex. Do not be worried that your simple mistakes will cause him to look for another girl. What happened with your ex was not your fault. It was not because you didn't guard him enough or you didn't make him happy enough.
4. Do not look into images.
How many times have you met a girl who didn't have the best image in school or at the office, but you get to know the girl and found out she was actually extremely nice? Do not rely on images. Oftentimes, it is far from reality. Do not fear men just because your "supposedly" perfect ex-boyfriend mistreated you. Above all, stop calling your friends MALANDI. It's not healthy. Not everyone shares with you the same definition of that word. Being happy for them would be enough.
5. Always have your own set of rules.
Set your limits on how far you'd go for a guy. It's perfectly ok to give and do everything as long as it's worth it. And it's worth it if the guy is treating you right.
6. Do not be scared to lose him.
Don't be scared that he'll break up with you. Once you are afraid of losing him, you easily can be taken advantage. Be strong and if something is unacceptable, do not accept it and speak up.
7. Avoid calling your guy.
It's a guy thing. The relationship will definitely be better if it's the guy who's calling, not the girl. He will get tired of you if you keep on calling. He will lose interest and challenge. More so, he will get annoyed. But it's a girl thing also that your fingers get too itchy until you dial his number. But avoid as much as possible. Call only if really needed (like checking if your suspicions are reasonable).
8. There is a guy who will value you.
There is a guy out there who can make you feel valued, appreciated, and loved. And I mean, not just during your first few weeks together. So don't lose hope. Don't settle for a lesbian if you are not attracted to women. There is a man out there who can love you like a girl can.
Also, do not believe him when he says it's just the way he really is. He's not the sweet or expressive-type. Remember during your first few weeks together? Where has that sweet guy gone? He simply is not that into you anymore.
9. Always be the only one, no matter what.
Do not ever fall for a guy who has another girl, be it his wife, girlfriend, or any girl that he says he just can't get rid of for whatever reason. If you truly believe that he loves you and for some reason, he can't leave or let go of another girl, then you are no different from any ordinary mistress.
10. He must respect you.
No matter how long the relationship has been, he should always show respect towards you.
11. If he fooled you, end it.
Philandering once is enough. You can never trust nor respect the person again.
12. Never start a relationship the wrong way.
Do not steal another girl's man, for whatever reason. Nor should you enter a relationship for the wrong reasons (loneliness, on the rebound, getting back at your ex, man-dependency, etc.) it is bound not to last. You will only end up wasting more years of your life.
13. Do not force yourself into a relationship.
Do not get into a relationship just because your friends are getting impatient with your dating escapades and the one hasn't come yet. Do not choose who to say yes to based on superficial things like money, looks, cars, etc.. If you are even thinking of these things, you have not fallen in love yet.
14. Do not settle.
If you are not happy anymore with your relationship, break up instantly. He will not stay with you forever no matter how upright he might seem to be. Eventually, he will also want love and happiness in his life.
15. A relationship has to have love.
Love is the only thing that will push you to give your efforts into making the relationship work. And believe me, keeping a relationship requires genuine efforts of both parties.
16. Don't be afraid to be single.
It's fun to be single, try it. You can go out whenever and wherever you want. You are free. You can date whomever you want and you get to go out for free! Do not get a boyfriend just for the sake of having one. Do not settle.
17. Be a good girl.
Be a good girl to attract a good guy. Enter the relationship with sincere intentions. Take the guy and the relationship seriously with the plan of spending the rest of your life with that person (of course, this is after you had your bit of fun in your younger years). If you compare your flings from your real relationships, you will know that the latter makes you happier and more fulfilled.
18. Love without limits.
Whether you loved and gave everything or loved but held out for some things, if the relationship ends, you still get hurt. But if you gave your everything, you were happy and you could say that it was worth it.If you didn't give your all, you get hurt for nothing.
19. You will get over him.
Love is over-stated. Love eventually ends and you are free to love another.
20. Be the one.
Act like you are the one. Don't be a nagger. Don't hinder his gimmicks. Don't give in to him too easily. Make him treat you as important. Don't be easy. Don't be like every other girl he had in his life.
Zero… hahaha! San ka pa?! Narealize ko medyo brutal yung On Relationships entry na pinost ko. Parang walang puso yung gumawa nun. Haha! Hindi ako ganun. Baket ko ba pinost yun! Hahaha!
Grabe, kanina kabang kaba ko Mr. T! sa office! Wahh! Ako pina-email ni Ms. Diane ng mga user access sa mga empleyado. Wow! Sobrang hilong hilo ko gamitin yung program na yun pero okay lang. Nagawa ko rin. Onting lakas lang ng loob pala. Kering keri! Haha!
Anyways, katatapos ko lang manood ng Iisa Pa Lamang. Grabe, ang predictable ng ending. Tapos tapos, ang aga ko nakauwi, before 7pm nasa bahay na ko. Kaninang umaga rin, ang aga ko nakarating sa office. Wah! Early bird ito. At pagkauwi ko namili si Mama ang Bruno ng mga bagong eye glasses! Nagalit ako kasi hindi ako binilhan. Hindi dapat ako magagalit eh, kaso ang biniling mga salamin --- Escada lang naman at Gucci! Tae! Ano ba yun! Wahhhhh!!!! Nagtitiis ako sa 150php na frame na binili ko sa SM HP! Lintik baket hindi ako binilhan! Okay na sa kin ang LV na salamin! Hahaha! Sige mangarap ka Jacob! Haha!
Tapos nung pauwi, hindi ako nakapagCR, grabe ihing ihi ako sa bus! Tapos tapos, ang traffic. Grabe gusto ko bumababa at umuhi muna sa tabi tabi! Hahaha! Pero sa awa ng Diyos napigil ko hanggang makaabot sa Galleria.
Grabe, buti hindi ako hinabol ng mga fashion police kanina!!! Hahaha! Baket? Ayan, tignan ang picture Mr. T! It’s a fashion faux pas to mix a diagonal-lined tie with a vertical-lined long sleeves. They should be of the same direction or one could be plain, the other, with pattern. Tsk! Ano ba iniisip ko kanina at baket yang tie ang pinanter ko! Amp! Sobrang hindi tugma! Hahaha!
Suddenly, I like playing dress-up. Corporate dress-up. Really. Hahaha… in fact, I was reading this in the office after lunch: Well Groomed Male
Hahaha! Anyways, I should get used to this home-work-home-work routine. It’s gonna be my life after graduation. But thankfully, I still have 1 term left to bum, bum be ram dum bum be dum dum. Lol!
Hahaha! The end is nearing Mr. T! In HSBC that is. I’m gonna miss the people there. Hahaha! Love ko na sila. Lalo na yung kalbong matangkad na hot! Hahaha! Grabe, sana one time big time may tumawag ng name niya sa harapan ko para masearch ko siya sa internet. Nasa kin pa naman mga User Id’s and Passwords ng mga empleyado. So easy to stalk di ba? Hahaha! The beauty of the internet. Hahaha! And the beauty of being in charge of the logon id’s of the employees. Hahaha! Okay dami ko ng satsat. Pinasasaya ko lang sarili ko. Ayoko mag-emote kahit gustong gusto ko na.
Naalala ko yung sinabi ni Aldrich nung napag-usapan namin yung takong sa start ng One Step at the Time ni Jordin. Feel na feel niya raw yun nung naghahanap siya ng trabaho kasi tumutunog din daw shoes niya. Grabe, nafeel ko rin kanina nung pauwi ako habang nag-iisip ng future ko. Hahaha! As if may future. Tae!
Sige sige Mr. T! Update you soon. Wala na naman sa lugar pinagsasabi ko. Okay okay? Good night! :-)
Naalimpungatan ako kagabi or kaninang madaling araw. Around 3AM. Really, I slept around 11PM last night and this never happened before. I usually wake up around 6AM or 7AM. Naupo ako sa kama ko nung naalimpungatan ako Mr. T! Nag-isip isip ng mga kung anu-ano. Binalikan ko mga nangyari ngayong taon na toh. Napangiti na lang ako. Kung iisipin. Naging masaya ko ngayong taon. Sa mga taong nakilala ko. At higit sa lahat sa taong minahal ko ngayong taon na to.
Akala ko noon nung nasaktan ako nung unang pagkakataon, hindi na ko magmamahal muli. Kala ko tuluyan ko ng sinara ang puso ko. Akala hanggang dun na lang ako sa pagiging Jacob na ayaw ko. Nag-iba. I changed for the better. Naging iba pananaw ko. I once believed in fairy tales and happily ever afters. I was moved. I was changed. I still believed in these happily ever afters, but but, nalaman ko na ang Prince Charming nina Cinderella, Rapunzel, Snow White, Princess Fiona ay iisa. At sana naindihan mo ibig sahin ko Mr. T!
Hindi ako nagsisi sa lahat ng mga ginawa ko. Sa mga katangahan. Sa paghihintay ng matagal. Sa pagiging agressive at possessive. Sa pagiging understanding. At sa kung ano pa ginawa ko ngayong taon na toh, wala akong pinagsisihan. Masaya ko dahil minsan sa buhay ko, dumating isang taong di ko aakalaing ipadarama sa kin na mahal niya ko. Hindi ko man narinig o nabasa na mahal niya ko. Naramdaman ko Mr. T! na minahal ako nung taong minahal ko. Naramdaman ko yun. Masaya ko. Habang iniisip ko mga bagay na toh Mr. T! kaninang madaling araw, nakangiti ako. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Hindi ko nature yun. Masaya ko.
Isa siya sa pinakamatamis na bagay na nangyari sa buhay ko. Sa kung ano mang dahilan kung baket kailangang tapusin ang isang pagsasama, hindi ko alam. Siguro, oras na lang makapagsasabi kung baket. Pero kung ikasasakit lang ng puso ko ang dahilan, I'd rather not know. Natutunan ko na huwag na alamin ang mga bagay na hindi ko naman dapat malaman. Minsan kasi nasaktan na ko sa pagiging pakielamero ko.
Masaya ko. Binigay ko ang lahat ko. Buong pagkatao ko hinubad ko para sa isang taong minahal ko ngayong taon na toh. Siguro talagang hanggang dun na lang yun. Alaala. Mga masasayang alaala. Nasaktan ako oo. Halos lahat ng emosyon naramdaman ko. Pero it all felt good. Wala rin namang nawala sa kin dahil sa simula lang, wala naman akong nahawakan or pinanghawakan.
Masarap magmahal. Masarap din masaktan. Gulo ba? Oo masarap masaktan. Lalo na kung alam mong may karapatan kang masaktan. Though wala kang karapatan masaktan naman talaga dahil wala naman talagang nangyari. Pero alam mo yun, mayroon pa ring karapatan eh. Sa lahat ba ng nangyari wala lang yun? Nagyakapan kayo, naghalikan kayo, naglandian kayo, at kung anu ano pa eh wala lang yun? Binigay ko ang lahat ko. May karapatan akong masaktan kahit na alam kong hindi dapat. Okay lang naman masaktan. Ayun naman ang kapalit ng lahat ng pinag-gagawa ko eh. Di ba sabi ko sayo handa na ko sa lahat ng mga mangyayari? Wala akong pinagsisihan.
Kung meron lang akong lakas ipost yung nasulat ko nung nabasa ko mga dapat kong hindi mabasa gagawin ko Mr. T! Pero may mga bagay na dapat talagang isarili na lamang at hindi ipaalam sa iba. Some people will never understand you. Kahit anong pagpapaliwanag ang gawin mo. Hindi lahat ng tao kayang kang intindihan. Pero, alam ko, may mga taong handang umintindi para sa yo.
Isang bulaklak na natuyot bago man lang bumukadkad. Ganun. Masakit. Masaya. Masarap. Nakakainis. Nakakabuwisit. Nakakalungkot. Nakakatuwa. Lahat ng emosyon na yan, nakakaginhawa sa pakiramdam. Nung sinabi kong hindi ako maglelet go, tinotoo ko yun. Ni isang segundo hindi ako bumitaw. Pero ako ang binitawan. Ako ang pinakawalan. Naalala ko tuloy bigla dati mga sinabi niya Mr. T! na he doesn't let go. Na he will never let go of the love this person had back then. Pero mahilig siya bumitiw. Tama talaga yun kasabihan na yung magkaparehas na taong nakilala mo ngayon, eh iba sa taong makikilala mo bukas. Naging masaya ko yun lang masasabi ko. Salamat.
Masakit kung iisipin Mr. T! Pero sa kabila ng lahat. It's all worth it. Masasabi ko na minsan, sa buhay ko, may nagmahal sa kin. Hindi ako nag-aassume dahil maramdaman ko yun. Naramdaman ko yun. Masaya ako dahil nakilala ko siya. Kung mawawala man ako sa mundo ngayon, okay na rin dahil nakilala ko siya, kesa mabuhay ng sandaang taong di ko siya nakilala Mr. T! I'm happy na minsan sa buhay ko, pinagtagpo ni God landas namin. I should be super thankful kahit hindi nangyari mga gusto ko mangyari.
Sa dami ng pagninilay nilay ko kaninang madaling araw, hindi kayang salaminin ng mga nasulat kong ito ang mga iyon. Niyakap ko unan ko. Sinubukang matulog ulit. I was smiling nung sinusubukan kong matulog ulit. Nakangiti kasi masaya ko. Tulad nga sa kanta "You'll always be a part of me no matter what you do..." :-) Salamat.
Kanina pang umaga masakit right knee ko Mr. T! As in. Iba yung feeling. Masakit siya pero everytime sumasakit natatawa ko. Masakit talaga promise. Pero natitickle niya funny bone ko. Bigla akong natatawa talaga. Baliw? Sabi ni Ms. Lyn baka arthritis! ANO??? Ano ko lolo? Weird. Sign of aging? Hahaha! Tae! Natapilok pa ko kanina sa banyo! Dagdag aray tuloy sa tuhod ko. Amp! Maglalakad pa naman ako hanggang EDSA mamaya. Tae! Parang gusto ko magpasundo or magcab. Pero pangmayaman! Tiis na lang.
Obama wins! Yey!
Nakakatawa anak ng pinsan ko kanina, kinakanta niya yung Disturbia. Tawag niya kay Rihanna ay Misturbia. Sabi niya: "Di ba si Misturbia may gagamba sa TV!". Hahaha! 3 years old lang pero kilala na si Rihanna. Hindi nga lang sa Rihanna, Misturbia. Hahaha!
Ang dami pala naming picture ni Spike. Nasad naman ako bigla.
Nakauwi naman ako ng hindi umaangal sa knee ko. Ugat lang ata talaga na natwist. Tapos, thesis meeting sa Megamall. Dapat magkikita kami ni Mike pero OA ng labasan sa bago niyang work 9pm. Ayoko na rin maghintay. Hinatid na rin ako ni Sheila pauwi after meeting.
Yun lang naman Mr. T! Borrrrring na ang buhay ko ngayon. Walang friends, kalandian or kung ano. Kausap ko na lang lagi sarili ko sa totoo lang. Hahaha! At ikaw siyempre! Sige sige update you soon okay? Night!
I'm creating a new banner for my blog as early as now so come 2009, I have a new layout. Hmmmm... what do you think Mr. T!? It's gonna be my final layout for Subtle Bliss too! :-)
Who would've thought di ba? Yesterday, habang nasa kotse ni Sheila, nung hinatid niya ko, may nakwento siya sa kin. Akalain mo Mr. T! Si Sheila kinikilig din pala? I don't wanna go into details pero talaga, nakasmile din ako habang nagkuwkuwentuhan kami sa EDSA-ORTIGAS Flyover. Haha! Sa ugali na yun ni Sheila, friendly and helpful din pala siya. Sometimes, hindi lahat ng inaakala natin sa isang tao yun na yun, marami pa pala tayong pwedeng matuklasan sa isang taong hindi nating aakalain. Gustong gusto ko ihatid ni Sheila kasi nalalaman niya raw mga shortcut sa San Juan. Hahaha! Mas madali raw makarating nga Aurora Blvd. yung alam kong way at hindi pa traffic. Hehe! Minsan lang kami magbonding ni Sheila. Minsan talaga kailangan lang intindihin si Sheila. Mabait din naman pala yun kahit minsan epal talaga. Haha!
Kahapon, sa SM Mega may baklang nagrereklamo baket sa pinalipat dun sa linya ng WITH BAGS:
Bakla : Baket niyo ko pinalipat eh hindi naman toh bag??? *Mataray na tone*
Ako : Ate, PAPER BAG po yang hawak niyo!
Bakla : Ay oo nga! Hahaha! Kaloka ko! Hahaha!
Pati ako natawa Mr. T! Ang taray taray wala sa lugar. Hahaha!
Tapos, kagabi, nag-usap kami ni Barry about going to Macau na raw. End of November. Grabe naman! San ako dudukot ng $500 di ba? Ayoko maglabas ng ganyang kayamanan dahil wala pa naman akong trabaho Mr. T! Isa pa, naisip namin ni Barry, ayaw namin dahil hindi kasama si Jeffrey! Yihee --- si Jeffrey flattered! Haha! Basta, hindi the same talaga pag wala si Jeff Mr. T! eh! Sabi nga ni Barry magTaiwan na lang. Free lodging and food pa! Hahaha! Bigla atang nag-iba ihip ng hangin! Hahaha! I forgot sabihin Mr. T! na birthday ni Rhitz last November 4. Baka mag-overnight daw kami somewhere (sa Condo ata nina Luis sa may Roxas) sa Friday. Dun na lang kami magcecelebrate. Orgy ito! Yak! Haha! At at, si Barry and Rhitz pala nag-gygym na! Ako kaya kelan? Hahaha! Lazy!
Kinokolekta ko talaga yung cheke na binibigay ng HSBC. Hahaha! Ayoko ipa-encash pa. Haha! Yung nanay ko nagpaparinig na! Kebs! Hahaha! I'll have it for myself sa pasko. Panlibre na rin sa birthday siguro or para bilhan ko sarili ko ng regalo. Ay, si Kenneth Mr. T! hindi pa tumatawag! Wah! Wala pa kong pambirthday! Haha!
Sabi nina Vergs and Mighty, natuwa na raw si Doc Loyd sa system namin. Naku ha! Lumang tugtugin! Tapos sa defense kakatayin? Henaku. Ayoko na umasa. Basta do our best na lang sa defense ulit.
Kahapon din sa Mega, habang hinihintay mga groupmates ko, lahat ata ng vest na nakita ko sa mga kung ano anong shops eh tinry ko. Well, they really looked good on me. No kidding! Hahaha! Kapal eh noh! Tulad na lang ni Mike kahapon. Sayang daw hindi ko siya makikita dahil nakacorporate na siya at ang gwapo niya raw. WTH! Hahaha! Feel na feel pota! Hahaha! Ako hindi ko kailangan sabihin eh, nangagaling sa ibang tao. Even the least person I expected na sasabihan akong gwapo ako, sinabihan ako. It feels good. :-)
Nag-uusap kami ni Tompating kagabi Mr. T! Tinatanong niya baket ayaw ko raw maghanap, maglandi, magbar, makipagchat para magkajowa ko. Nag-offline na agad ako. Hahaha! Hindi talaga Mr. T! Eh. Tulad ng sabi ko baka next three years pa ko magmahal ulit. Hahaha! Pero who knows. We can never can tell sabi nga ni Melanie Marquez na kapatid ni Mike! Hahaha! Hindi mo alam yun noh? Oo magpatid sila. Haha! Grabe, bored na bored na ko dito sa office. Ano ba toh. Kahapon daming pinagawa. Ngayon naman tambay lang ako. Extremes!
Namiss ko na maging bum. Yung hihilahin ako ni Ate para pumunta kung san san. Kaninang umaga nagkukuwento si Bruno kung san sila pumunta. Parang ako, whatever. Hahaha!
At para kay Aubrey na may blog pala sa Blogspot, BAKET HINDI MO SINASABING MAY BLOG KA!!! Ano toh!? Lahat kayo nagtatago ng blog? Si Deck, na Raymond na ang pangalan sa Friendster, yung blog niya nawala na rin! Ang ganda ganda pa naman ng mga kuwento niya dun at mga description niya sa mga pinag-gagawa ko! Hahaha! May hindi akong makakalimutan dun na entry ni Deck na buhat buhatan portion tungkol sa kin! Shet! Natawa ko dun! Hahaha! Aubrey ha! Nyeta ka! Hahaha! Ako pa mismo napadpad sa blog mo ng hindi mo sinasabi! Hahaha!
Nakakatuwa ang eleksyon sa Amerika, ang payapa. Ang ayos. Kelan kaya magiging ganun sa Pilipinas? Hmmm...
Ay higit sa lahat, inaantok na naman ako. Hahaha! Ano ba toh! At yung tuhod ko okay na. Nahanginan lang ata. Amp!
Sige babalik ako! :-D
10 days to go and it's my birthday. I've been blogging my thoughts and feelings here on Tabulas during my birthdays for the past 4 years now. And it's really funny when you try to read those entries. And and, there's really one common theme my entries talk about on my birthdays Mr. T! Figure it out. Here are some snippets of my past birthday entries. Hahaha!
2004
"Hay... all i can say is... goodbye 18, 19 here I come, sana mas marami pang magagandang bagay ang mangyari ngayong 19 years old ako! Wish ko lang lagi akong masaya, malusog at inspired... ehehe... sana magkaroon na rin ako ng lovelife! bwahahah.... sige sige... write to you soon! mwah!"
2005
"Thank you GOD! 20 years na kong buhay sa mundo! Thank you sa family ko, sa mga kaibigan ko, mga minahal ko at nagmahal sa kin, sa mga naging classmates ko, blockmates at ka-org at lahat ng taong naging parte ng buhay ko kahit si MARIAH na din... maraming salamat for being a part of my life. Thank you sa lahat... thanks thanks thanks..."
2006 --- wala akong entry dahil nag-away kami ng nanay ko umaga pa lang nung birthday ko! Pero may entry ata ako before my birthday:
"My birthday is near na rin. Hay.. tatanda na naman ako... as usual walang lovelife. Anyways, masaya naman ako. "
2007
"Hmmm... ayun, wala lang gusto ko lang paalam sa iyo na birthday ko ngayon. Kahit super kaba ako sa defense para bukas, okay lang, I'll just enjoy this day. Day ko toh eh --- hahaha. Anyways, yun, marami rami na rin ang bumati sa kin this day and okay na sa kin yun. :) Ayun... update kita later... "
Kaplasitikan na yung "MASAYA NAMAN AKO"! Hahaha! Grabe ang bilis Mr. T! 9 days and 12 hours na lang birthday ko na! 23 na ko. Grabe feeling ko hindi man lang ako nagmature. Isip bata pa rin ako! Haha! Kumusta naman! Hahaha! At utang na loob, I wanna be really happy sa birthday ko. Ayoko ng kunwaring masaya lang. Hay... sana sana. :-)
At baket raw ako nakangiti tanong ni Ms. Lei ngayong lang? Hahaha! Sabi ko may naalala lang. :-)
TANG INA! HABANG NAGLULUNCH KANINA! MAY NAKAGAT AKONG MATIGAS! NAPUTOL NGIPIN KO!!!!!!!! TAE!!!!
These two brands…
Help me with the Post-its. Hahaha!
Actually, there are five brands in the pictures. Hahaha! Figure out the fourth and fifth…
Good night Mr. T! :-)
Lately, hindi na ko nakakapagpicture ng sarili ko. Ako ba toh? Hahaha! Kanina, walang tao sa office. Eto mga pinag-gagawa ko. Hahaha! Actually, part 2 na toh! May nauna na kong pics sa office nun eh. Para rin toh sa mga taong namimiss ako tulad ni Tin na bigla na lang nagtetext dahil wala lang, at para kay Aubrey na may blog pala! Hahaha! Mukha na ba kong 23? Hahahaha!
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Ayan! Hahaha! Grabe, ngayon lang ako ulit nag-emote sa camera. Mas bagay talaga sa kin ang may buhok. Baket ba ko tinotopak magpakalbo minsan? Haha! Ayun, sige sige, update you na lang mamaya Mr. T! At kung nagtataka ka paano ko naupload tong mga pix na toh sa office, well nasa McDo ako ngayon. Naglulunch. Gamit ang aking phone. Hahaha! At marunong ako magtaas ng kilay. Walang Adobe dito sa office Mr. T! Nakita mo ang prweba? Haha! Sige tignan ko kung makakabalik ako :-)
You said it was one of your friends. It's not right but it's okay -Whitney Houston. Haha!
Friday night walang gimmick. Himala! Haha! Kala ko aalis kami nina Rhitz pero hindi man lang sina nagtext. Umuwi na lang ako. Nanood ng TV and nagmarathon reading sa blog ni Aubrey. Hindi ko pa rin tanggap na nung isang araw ko lang nalaman na may blog si Aubrey. Natatawa ko pag nababasa ko pangalan ko dun sa blog ni Aubrey. Mga bagay na hindi ko sinusulat sa blog ko andun. Hahaha!
Tapos sa bus, may babaeng grabe laki ng boobs, nakatayo siya, ako malapit nakaupo sa aisle. Yung boobs niya nasa mukha ko na. Grabe! Gusto ko sabihin "Okay okay! Malaki na boobs mo pero allergic ako diyan! Hahaha!"
Then namili sa Galleria ng mga pamaganda. Ay kahapon pala yun. Mahal nung facial wash nung kapatid ko grabe ginto! Pero bumili pa rin ako.
Kanina medyo umuulan. Yung Iisa Pa Lamang ang panget ng ending. Pero pinili niya si Rafael, yung taong natutuhan niyang mahalin. Basta panget ng ending parang walang maisip ng magandang ending.
Ano ang Twilight? Fad? Hahaha! Pero huwag ka binasa ko dati ang Da Vinci Code ng isang upuan! Hahaha!
Uuwi na yung isang tito kong more than 20 years na sa America. Ano kaya magiging eksena bukas. Hmmm...
Wala bang gaydar mga tao sa office? Tulad na lang nito:
Ms. Lei : Kaya ikaw pag-magkakaanak ka pangalanan mo ng ....
Ms. Lyn : Wow! Sino kasama mo girlfriend mo?
Sir Nico : Oi parekoys eto yun...
Sir Mikko : Susunduin ka ng girlfriend mo?
Huh? Pakiulit mga people? Tanga lang kayo? Or nagbubulagbulagan? O well. Gusto ko na talang mag-emancipate. Hahaha!
Expired ang passport ko. At si Rhitz nakapagbook na! Anong eksena to Mr. T!?
Si Tompating iniinvite ako makipag-inuman sa bahay niya. Kaso hello naman anong oras na di ba Mr. T? At wala rin ako sa mood lumabas talaga. Gusto ko dito lang sa bahay. Haha! Loser ko! Haha!
Sana tumawag na si Kuya...
Si Ate bumili ng bonggang bonggang painting grabe...
Nabwisit ako sa nanay ko:
Mama : Saka ka na maging maarte pag-naabot mo na naabot ng Ate mo...
Jacob : Wala kong balak abutin. Magiging maarte ako kung kelan ko gusto...
I don't wanna rant. Ang palad ko hindi palad ng mga kapatid ko. Isang malaking KEBS! Hahaha!
Kanina sa bus, narealize ko, ang lungkot pala ng song na Open Arms. Yung meaning. Shucks. Hay...
Late ako kanina sa office kasi nagpapasta muna ko ng ngipin eh. May movie night sa office kanina pero hindi ako sumama. Umuwi agad ako.
Ang dami kong kinain kanina Mr. T!
* Breakfast : Maggi Chicken Noodles
* Brunch : Sausage McMuffin w/ Egg Meal w/ Hash Brown
* Lunch : 2 pc-Chicken Mcdo Meal tapos pumunta ko sa Jollibee para magChamp Meal
* Merienda 1: Starbucks C. Frappe with Cinnamon Roll
* Merienda 2: Chelsea Spaghetti courtesy of Ms. Jaggy
* Papak : Yung mga pasalubong ni Giselle sa office galing Baguio
OMG! Takaw ko! Kaya 130 lbs na ko! Haha! Tumataba na ko! Yey! Hahaha!
Weird ng nararamdaman ko lately. Really weird emotions I'm having lately...
At iba na desk ko sa Monday. Buti naman! Hindi ko na katabi mga taga-utos ko. Kaharap ko na yung department nung kalbong pogi. Haha! Casual day pala kanina. Fit yung damit. Shete talaga yung katawan nun. Bagay sa kanya maging macho kainis! Haha! Hindi ko talaga makita name niya sa ID Mr. T! Hmmm... pero 100% akong straight yun. Sayang, but who knows, baka pagnalasing... Hahaha! Asa? Sige lang libre mangarap Jacob! Hahaha!
Update you soon Mr. T! Pagpipiyestahan ko muna blog ni Aubrey na may blog pala! Hahaha! Hindi makagetover puta!
And thank God ban na ulit ang GAY MARRIAGE! Hahaha! Bakla ako pero ayaw ko ikasal ang mga bakla! Labo noh? Hahaha!
Nararapat na Siya’y pasalamatan Mr. T! Sa lahat ng oras di ba? Ayun, had a thanksgiving party kanina sa bahay ni Ate. Bagong design ng bahay nila. It’s Christmas all over the world tonight ang drama. Parang mall lang yung bahay! Simula umaga andun kami ang kauuwi ko lang. Daming dumating. Mga amiga ng nanay ko na maarte. Mga medrep. Mga tauhan sa drugstore, kamag-anak, and yes, si Tito Robert na ngayon ko lang nakita since pinanganak ako. Pero ang higit sa lahat, may buffet. Hahaha!
Yung interior designer nung bahay ni Ate andun din. Daming tao. Tapos yung kaibigan ni Ate na si Dra. Pedrasa andun din, pinilit ako kumanta sa entertainment room nina Ate. So ako kanta naman. Grabe, puros Mariah lang pinakanta sa kin! Hahaha! Kunin niya raw ako pagkinasal siya. Haha! Tapos kumain lang kami ng kumain. Kuwentuhan. Tawanan. Pati bestfriend ni Ate nung highschool andun. Masaya.Grabe. Nagpakababoy kami. Grabe. Tapos nagvideoke ng mga kamag-anak. Tapos nakatulog pala ko nung hapon sa kwarto ni Emo. Dapat sasamahan ko si Page sa dentista nun. Pero pagkagising ko, nakabalik na sila ng bahay ni Ate. Grabe, busog na naman ako. At sa wakas nakita ko na rin yung pinapagawang bahay ni Kuya na malapit lang kina Ate! Nafufrustrate ako grabe! Haha! Ano ito? Unahan maging mayaman? Shet! Iniisip ko kung sino bang kasunod ni Kuya eh ako na pala yun! San kaya ko dadalhin ng kapalaran ko! Hahaha!
Ayun, sa lahat ng nangyari kay Ate for the past months, dapat talaga magpasalamat sa Diyos. Thank you God sa lahat ng blessing and pag-aalaga sa pamilya namin at sa mga taong mahal namin. Thanks. Thanks.
Anyways, eto mga pictures kanina sa bahay ni ate. Simula umaga yan, hanggang sa bahay ni Kuya na inaayos na. Balik sa bahay ni Ate, hanggang sa playroom hanggang sa matapos sa entertainment room ng ako na lang nagvivideoke! Hahahaha! In chronological order:
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Sabi ko sa mga kamag-anak namin kanina at mga bisita, birthday ko na rin yun. Hahaha! Anyways, pagod na ko Mr. T! Hahaha! As in. Hirap mag-entertain ng mga tao. Parang party ko lang talaga noh? And yun, nakakatuwa nakita ko na rin si Tito Robert. Wala lang parang lagi na lang kasi sa kuwento ko naririnig yun. And malaki rin pasasalamat namin dun, yun yung kumupkop kay kuya nung bagong salta sa Amerika kapatid ko. Sige sige Mr. T! Update you soon. :-) And I need to get rich fast! Haha! At hirap pala pag-usapan ang future mo sa harap ng mga kamag-anak mo. Tsk! Hirap kasi wala akong future! Hahaha! Good night Mr. T! :-) Dami pang pics sa camera ni Erwin. Sige sige. Night!
Dahil hindi ko kinaya na nasa status ko ang blog ko sa YM, at status ng iba yung blog ko pagnagcomment sila sa blog ko, pwede ba kung maari, gamitin niyo tong link na toh para ilimit niyo kung ano ibobroadcast niyo sa YM: CLICK HERE. Blame Yahoo! Messenger 9! Isang malaking eskandalo ito Mr. T! Pagmamay-ari na rin kaso ng Yahoo! ang MyBlogLog eh! See picture below:
Ayan, lecheng MyBlogLog! Super broadcast lang talaga eh noh? Hahaha! Okay na rin sa wakas ang lahat. Kauuwi ko lang galing kina Sheila. Wala gumawa lang ng thesis. Umuulan pa naglalakad ako sa Divisoria para marating bahay nina Sheila. Ayun. Tapos may parada pang nangyari. Tapos, hinatid kami ni Sheila sa Recto Station. Sobrang takot kasi si David sa Tondo! Grabe! Sige yun lang update ko. Kasi 1-8pm andun kami eh. Hindi naman worth ikwento ang thesis. Hahaha! At yung tag ni Aubrey bukas na sa office. At pinapatugtog ang mga Mariah Christmas songs sa LRT2 kanina. It feels nice. Update you soon Mr. T! :-)
Ay pahabol, ngayon ko lang narelize ang daming pusa sa bahay nina Sheila. Yun nanay ng mga kuting nakahuli pa ng malaking daga. Pinicturan ko yung mga kuting na magkakapatid na tulog kanina. 4 sila nagkukumpulan. Cute nila grabe! Tapos tapos, pinicturan ko na rin yung dumaan na parada ng Nazareno. Sige, bago ko maglog out share ko na muna:
![]() |
![]() |
Yung isang pusa nakatago yung ulo eh. Hahaha! Cute pota! Tapos ayan na din yung parada sa harap ng bahay nina Sheila kaya anong oras na rin kami nakalabas. At yey! Ayos na ulit computer ni Jeffrey Mr. T! Kachat ko siya ngayon! Hahaha! After 1M years! Hahaha! Sige sige, ang dami kong hahabulin na series. Good luck kung makatulog ako ng maaga nito! Hahaha!
Got tagged by Aubrey! Fine fine! Gagawin ko na! Hindi pa ko inaantok eh and wala na rin akong kaYM. Actually ang dami ko ng NDE eh. Hmmm... share natin yung kay Aubrey na kasama ako rin mamaya.
Pwede ko ba isama yung sinabihan ako ng nanay ko na dapat ipalalaglag ako noong nabuo ako? Near death experience din naman yun di ba? Hindi nagjojoke nanay ko nun. Totoo yun. Kasi sabi niya nag-away sila nung tatay ko nung sinabi niyang ipalalaglag ako eh. Iiwan daw siya ng tatay ko pagpinalaglag ako. At ang daldal ko. Tsk tsk! Okay lang yun. Blog ko toh! Walang may pake. So yun ang kauna-unahang near death experience ko. Wala akong kalaban laban.
Sunod, mga 5 years old ata ko. Vivid pa rin sa utak ko yung time na muntik muntik ako masagasaan sa N. Domingo. Iniwan kasi ako ng mga pinsan ko nun, sa kalsada. Sabi maghintay ako. Tumawid sila. Grabe, makulit na ko nung bata ako, tumakbo ko patawid. Ang huli kong naalala nun malalakas na busina. Pagkagising ko, nakahiga na lang ako sa kama.
Tsk! Marami akong muntik mabundol moments pero eto, mas malala pa sa nabanggit ni Aubrey pero share na rin natin sinabi ni Aubs sa blog niya:
"so one time sa may Pedro Gil, bumaba kami ng Jeep. bukod sa alanganin yung binabaan namin, hindi pa STOP yung mga sasakyan. guess what? tumawid pa rin kami. at sa kabilisan ng karma, nalaglag yung cellphone ni Tin, as in natanggal yung case at battery! syempre mega pulot ang drama namin hahaha! buti na lang walang masyadong sasakyan, at walang BUS na dumaan! ang natatandaan ko na lang eh na-combo kami ng mura ni Jacob non habang tawang-tawa kami HAHAHAHAHA! sobrang natense ata!"
Mas malala kasi yung alalang alala ko at talagang muntik ko na ikamatay na bundol moments. May isa pa mamaya.
Sunod, nung mga 7 years old ata ako. Nalaglag ako sa imburnal. May ginagawa kasing townhouse sa harap ng bahay namin nun. Loner ako nung bata. Onti lang kalaro ko. So lumabas ako mag-isa tapos may nakita akong parang pool. Actually hindi siya imburnal, parang hinukay na malalim tas may laman na tubig. Naglaro ako ng toy boats. Sa huling pagkakaalala ko, nasa ilalim na ko ng imburnal na sobrang lalim at may tumulong sa king karpintero nung townhouse. Grabe, ang dami kong nainom na tubig nun. Malaki utang na loob ko sa karpintero na yun.
This year lang, nung nag 45 degrees yung van na sinakyan naming papuntang Subic. Kala ko talaga tataoob na yung van. Grabe yun. Kala ko katapusan na namin. Buti na lang talaga, may anghel pa kami. Talagang nakta ko yung ulap sa kabilang bintana ng van. Kala ko the end na naming lahat ng nakasakay sa van.
Eto nung third year high school lang. Nung naospital ako dahil sa amoebiasis. Grabe, sobrang sakit ng tiyan ko nun. Mata ko lubog na lubog na. Wala na kong maisuka or maitae nun. Dehydrated na ko. The next thing I knew nakadextrose na ko nun. Iba pa to nung nasopital ako nung grade 6 dahil sa tiyan din. Hay...
Eto ang walang tatalo. Galing akong drugstore, nagbantay sa San Juan. Kababa ko lang ng jeep. Hindi ko talaga nakita yung TRUCK na humaharurot. As in. Ang laki niya. Yung tipong mapipisat ka pag nabundol ka nun. Grabe, naiyak ako nung nakatawid ako nung buhay nun dahil sa sobrang kaba. Hindi ko talaga nakita yung truck. Naalala ko sobrang bilis niya. Ako napatakbo rin ng sobrang bilis nun. Iniisip ko nga eh kung paano sa pagtawid ko may kotse din pala nun sa kabilang lane di ba? Nabundol din ako nun di ba? Naiyak talaga ko nun sa sobrang takot at kaba. Hay, salamat sa Diyos at buhay pa rin ako. At kung may paraan kung paano ako mamatay, most likely, by bundol. And I'm not joking. Pero alam kong malakas ako kay God. Liligtas ako ng isang daang anghel para magbago pa ko ng ugali. Haha!
Actually marami talaga about bundol moments pero yan ang mga PINAKA talaga. Kung gusto niyo mabasa about may almost bundol moments, eto oh: 9 Lives. 2006 entry ko yan.
O ayan. KJ ako, di ako mahilig magTAG. Hahah! Kung sino gusto maglagay sa mga blog nila go go go na lang. Ayan Aubrey! Sige sige tulog na ko! :-)
Mamatay man Mr. T! Blog lang ni Aubrey binasa ko buong araw at buong gabi at hanggang ngayon. Grabe, bukas na ko magbabasa ng blog ng ibang tao. Hahaha! Nakalimutan ko ng may ibang website. Hahaha! Habang nakikipagchat ako kay Jeffrey kanina binabasa ko pa rin ang blog ni Aubrey. Hahaha! Dahil mahilig ako sa attention sabi ni Pinggoy, ilagay natin mga moments ko with Aubrey na hindi ko nalagay dito sa blog. Natatawa ko pag-nababasa ko. At sino ba ayaw mabasa sarili niya sa blog ng ibang tao? Anyways, a tribute (to myself? or to Aubrey? Sakim lang eh noh? Haha!):
"nag LRT kame at 10 yrs bago nakasakay kasi punuan! nung pasakay na dapat kame, as in isisiksik na namin yung sarili namin talaga, kaso nakita ni jacob yung kili-kili nung manong na nakatiwangwang. eh saktong don ako dapat tatabi. kung hindi pa napalakas yung sinabi ni jacob na "AY! KILI-KILI!", aba gudluck sakin hahaha."
"buti na lang daw naka-withdraw si jacob kundi patay kami ni deck lalo."
"as biglang nagtext si chris at nakikipagmit kaya naman na-excite si jacob!"
"saka lang nag-aparisyon ang jacob. kinain niya yung mga tira namin don sa loob hahaha. ganon yun eh, kahit sinabi niyang kumain na siya..pag may pagkain, kakain pa rin! so after non, nagikot ikot sa greenhills. nagpalaki ng muscles sa binti. nagpatagtag ng kinain sa Gerry's pero nilalantakan naman yung chicharon. sarap na sarap si jacob talaga don grabe.
Tin: Jay sige nga! anung hindi masarap sayo? lahat kinakain mo eh.
Jacob: Babae!
*tawanan lahat*"
"para walang away, sa jeep gumawa ng palabunutan si jacob!"
"namura pa ko ni jacob niyan kasi bat daw siya ang nasa gitna eh hindi naman siya ang may bday"
Pero Aubrey, may mali dito. Isang letter actually ang mali:
"ang topic eh tungkol sa successful gay relationship ng mga friendship at kakilala ni jay. napapa sigh na lang c kapatid habang nagkkwento. kala mo naman hahaha.
A: anu ka ba, ikaw kasi ang arte mo. oi jay, cno nga ulet ung nagsabi sau na ang sweet mo.. ung pumasok sa work, tas inayos mo ung gamit nia, tas nung nakauwi xa tinext ka nia..?
J: ah c *****. oo parang tanga, anu kaya un, inayos ko lang ung kama nia sweet na? hahaha.
A: may mga ganon talaga. appreciative. kala mo naman kung ano ng ginawa mo.
D: buti sana kung nilinis mo ung condo nia, pinaglaba ng mga damit, pinagplantsa.. blah blah..
A: hahaha so ang mga longkatuts sweet? :)) hahaha
J: gaga ka! HAHAHAHA! *binato ung brochure ng starbucks*"
Anyways, awa ng Diyos, natapos ko rin basahin. At ang tatagal na niyang mga entries kung san ko pinagkukuha toh! Bukas na ko magboblogroll sa office. Hahaha!
Naghahalungkat ako ng mga old files kagabi Mr. T! dahil hindi ako makatulog. Grabe, ang dami pala namin ni Jeffrey na video nung mga videoke moments namin together! Hahaha! Gusto ko sana ipost sa Youtube kaso nagmakaawa si Jeffrey na wag ko ipost. Meron din mga videoke moments with Tin and Aubs. They date back as early as 2007. Meron din ako nakitang videos nung kami kami ni Sherry, AK and Beck. They made me smile. Sarap alalahanin at sarap pagtawanan.
Alam ni Jeffrey pagmalungkot ako. Kaya kahapon, nililihis niya yung topic namin sa mga masasayang topic. Gulat lang siya sa sinabi ko and ayaw na niya pag-usapan yung topic na yun. And don't ever use the word SPLIT again Jeffrey. Hindi ko kinaya yung word! Haha! Mali yung context eh. Yun ang pagkakaiba ni Jeffrey and Barry. Pag si Jeffrey talaga kausap ko, masaya, parang bata lang kami mag-usap, anything goes. Mga crush crush lang ganun. Pag si Barry kasi kausap ko, maemote eh. As in drama kung drama and most of the time, topic namin LALAKE! Hindi lang LALAKE per se, as in bonggang bonggang topic tungkol sa mga LALAKE! Hahaha! Sabi nga ni Jeffrey andiyan naman daw sila for me. Aw! Drama! Tae! Haha! And about sa Macau trip, hindi ko kaya ayusin passport ko Mr. T! Wala kong oras ipaayos. May thesis, defense, revisions and re-defense pa. May OJT rin. San ko isisiksik ang Macau? Ang pag-aayos ng passport. Next year pwede na dahil marami na naman akong oras para sa sarili ko. Sadly, I have to refuse muna.
Late ako sa office kanina dahil dinala ko sa bahay ni Lola yung mga gamot niya. Medyo nakipagkwentuhan muna ko kay Lola bago umalis. Ayun late. Pero actually, alas tres na rin ako nakatulog kagabi eh. So mga 7:30am na ko nagising. Salamat sa mga series at kung anu ano at sa pagYYM kay Tompating. Dapat kay Tompating na lang namin pinagawa thesis namin eh! CCS din kasi yun at 30 years old na! Siguro naman ang galing na maprogram nun! Haha! Wrong timing lagi mag-invite lumabas yun eh. Eh kasi naman 1 miyong tambling ang San Juan sa Las Piñas eh! Haha! Good luck talaga!
Last night, I was tossing and twisting on my bed. Iniisip yung topic na ayaw ko na kalkalin Mr. T! na napag-usapan namin ng isa kong kaibigan. Out of the blue talaga eh. Minsan talaga may mga bagay na ayaw mo na hawakan dahil napapaso ka lang talaga pag hinawakan mo. Parang kung sa apoy, mas pipiliin ko na lang pagmasdan kesa subukan kong hawakan. Pabayaan na lang natin yung apoy. Hindi naman ako inaano eh. Hihina rin yung pagningas nun. Hayaan na lang natin Mr. T! Tatambling na talaga ko pag may nag-paopen pa ng topic na yun! Baka ikabaliw ko na. Inasmuch as I want to let it out, this time I'll let it in. May ganun? Haha! Birthday ko na utang na loob naman. I want happy thoughts!
At ang ganda ng position ng workplace ko ngayon Mr. T! Ngayon alam ko na feeling ng stalker. Micro-stalker. Pag-uwi ko na lang sabihin at ipakita bakit. Haha! Susme baket ba ang hilig ko talaga sa kalbo? Inis. At nagkasabay kami sa CR kanina. Grabe! SUper tangkad lang Mr. T! Hanggang balikat lang ako! Isa siyang GOD! Hahaha! Back to drawing board eh noh Mr. T! Hanggang crush lang naman ako. Dating gawi. Parang HS lang ulit. Haha! Hanggang ganito na lang ata talaga role ko pag-ibig. Haha! Crush crush lang. Tae parang HS talaga! Dapat daw sabi ni Barry hindi na ganun, sex sex na raw. Hahaha! Sira talaga yun! Amp!
Kung ang tone ko eh parang pinasasaya ko lang sarili ko Mr. T!, I am. Nililihis ko yung iniisip ko para sa masasayang bagay. It's always my choice to be happy. Choice ko rin wag ilabas at ipakita na malungkot ako. No tears, no time to cry pero hanggang kelan ko kaya itago toh? Siguro pagtapos ng OJT kasi wala ng magpapasaya ng umaga ko! Hahaha! Ok, sa totoo lang di ko alam. Sige sige baka kung san mauwi tong entry ko at magdrama ko Ayoko magdrama. Nakakapagod! Hahaha! At at at, naisip ko kagabi, whatif namatay ako. Marami kayang pupunta sa burol ko? Gusto ko party talaga yung burol ko! Hahaha! Ano ba tong pinag-iisip ko! Haha! Balik ako mamaya kung kaya. :-)
Wow, exactly one year ago yung LASARET namin Mr. T! Hindi ako nakagawa ng entry nun dahil pagod na pagod ako. Anyways, share lang ako ng mg pics. :-) Here ya go, a look back, LASARET 2007:
At onti na lang magsisign up na ko sa photoblog! Ang hilig ko sa pictures! Hahaha! Parang napag-usapan ba namin nun magBLUE kami? Hahaha! Ang panget ng kulay! Hahaha!
Dahil biglang naging malungkot topic namin ng pinakamamahal kong friend Mr. T!
Minsan baliw din kami eh. Haha! Gusto lang namin maging masaya yun lang. Hindi naman masama. At ang obvious naman kung sino tong mga to! Tae! May pablur blur pa kong nalalaman! Haha! :-)
Guess who?
Yan ang view sa bago kong workplace. Inspiring? Yes! Hahaha! Sadly, di ko pa rin alam name niya. First time ko nagpicture ng taong di ko kilala. Siyempre maraming nangungulit sa kin kung ano raw itsura nung officemate ko na kinukwento ko! Eto na! Hahaha! And sana wish ko lang, hindi siya matisod dito sa blog ko dahil malaking kahihiyan toh. Haha! Marami akong pics na malinaw. Pero yan na lang ilalagay ko para naman mysterious pa rin. Hawk’s eye view talaga yung position ko. Bawat galaw, kamot, sagot sa phone, silip sa bintana at kung anu ano kita ko! Hahaha! Mabait si Lord. Alam niyang malungkot ako, binigyan niya ko ng something to be happy about kahit hanggang December lang. Haha! Sige sige tulog na ko bukas na kuwento sa office! :-)
“San tayo magkikita?”
“Malate”
“Hah? Kala ko Makati?”
“Ah, oo Makati nga pala”
Okay, sanay na sanay magreply ng Malate si Tompating! Onti na lang siya na may-ari ng O-bar. Shareholder kung baga! Haha!
Musta ka naman Mr. T! I’m alive :-) Ayoko isapublic ang aking 11-11 entries dahil masyadong madrama. Anyways, on the lighter side of life, nagkita na rin kami sa wakas ni Tompating. Yep yep. Si Tompating ay 30 years old na pero parang mas bata talaga siya for his age. Aliw. Sobrang nakakatawa dahil hindi niya maalala na around 2005 nagkachat na kami online. Ngayong 2008, nagkasalubong na naman landas namin online. Haha! Funny. He doesn’t remember that we’ve chatted before. Pero ako, since magaling ako umalala ng mga taong nakilala ko online, dahil bihira ako makipagfriend online, naalala ko pa rin si Tompating. Anyhoos and anyways, sobrang busy sa work kanina. Aabsent ako bukas. Grabe, puros absent ako this week pati nung isang araw absent ako Mr. T! Anyways, yun nga, may problema si Tompating. Gusto makipagkita sa Makati. Medyo uminit ulo ko nung ang tagal niya magreply sa mga text ko. Pero nung nakita kong nalululuha luha siya nung nagkita na kami, nawala galit ko, bigla ako naging concerned.
Ayun, naghanap ng makakainan or matatambayan para ikwento ni Tompating ang kanyang kuwento. Nasa Guilligan’s siya nung bago kami ata magkita. Umiinom. Pero gutom ako, malapit lang Gerry’s so dun kami pumunta. May food at may beer pa. Ayun, umorder at nagkwento siya. Sadness nga ng kuwento niya. With matching 6 na beer pa talaga sa harap namin at sa kin yun 2. Promise, moody ako uminom. 1 palang nainom ko kanina nahilo na ko. Hahaha! Ayun, ako rin nagshare ng mga kwento. Pero kailangan ko maabutan ang MRT so before 10pm niwrap up na namin mga kuwento namin. Basta ang daming kuwento ni Tompating at super laklak din ng beer habang nagkukuwento. Pati buhay ng iba niyang friend kinuwento hahaha!
While walking papuntang MRT Ayala Station, biglang nabring up ang videoke. OMG. Gusto ko rin magvideoke. So sabi sige game ako. Haha! Tutal sinabi ko naman kay Ms. Diane na hindi ako papasok the next day. So sige sabi ko sa Timezone kami sa GB3, kaso pagkadating namin dun, puno. Sabi ni Tompating, sa Music 21 na lang dun sa may Jupiter. Sige sabi ko go na rin since mura raw dun sabi niya. Then nagcab kami. Ayun, mura nga. Then we sang on top of our lungs. Hahaha! Halos 2 hours din kami dun. Wala lang, sa Music 21 adik lang si Tompating, super inom pa rin ng beer. Laki ng problema ha! Haha! Hindi ako magaling magbigay ng advice dahil may mga love problems din ako. The best that I can do is to listen and just be there to talk to. Di ba Mr. T!? At least concerned. Tapos yun, before 12am umalis na kami sa Music 21. Tatambay pa sa Obar si Tompating. Ilang beses na niya kong niyaya dun sa bar na yun. Haha! Never akong pumunta. Anyways, yun, imemeet niya dun mga friends niya para makipagINUMAN ULIT! Kaloka! At kumustahin naman natin ang Bleeding Love, Apologize, Lips of an Angel ni Tompating. Pati ang You Don't Bring Me Flowers. Nagustuhan ko yung You Don't Bring Me Flowers imperness!
So yun Mr. T! Ngayon lang ulit ako nagdinner sa Makati after work. Tagal ko na rin pala hindi nakatungtong dun sa Makati at nakasakay sa the Fort Bus.
![]() |
![]() |
At baket parang magjowa pose namin sa mga pics? Tae! Hahaha! Super close agad eh noh? Pictures don’t do him justice. At ang weird dahil parang ako yung 5’11 sa pics. Hahaha! Ayun, marami kaming napag-usapan ni Tompating since IT rin siya sa DLSU. As in super relate. At walang binagsak na programming subject itong lalaking ito! Shet! May mga teacher pala sa CCS na naging teacher na niya dati. Super tawanan kami sa bawat kwento namin ng teacher at subjects. Masaya. :-)
Pero bago nagsimula ang umaga, may nareceive akong text kay Tomas, yung isa ko pang friend na pangalan ay Tom. Si Tom IBM. May love problem din. Yung problema na matagal na niyang inaangal sa kin. Shete! lahat ata ng tao may problema sa love ngayon. Dahil ba magpapasko? Baka magkita kami ni Tomas next week.
Naisip ko lang, last na nameet kong mga tao from online eh si Wek and Sir Lawrence. Both 27 years old. Haha! Baket lahat mas matanda sa kin? Minsan iniisip ko kung isip bata ba talaga ko eh tulad ng sinasabi ng iba diyan. Weird. Eh baket ako nakakarelate sa mga taong mas matanda sa kin? Hmmm... makes me think tuloy. Or dahil puros negativity na mga nafeel ng mga taong toh and they see positivity from me! Ay feeling si Jacob! Haha! Speaking of Wek, dapat magkikita kaming 3 nina Mike nung isang araw sa the Fort, kaso absent ako sa office. Next time na lang.
Ayun, kung puwede lang din maglabas ng sama ng loob eh noh naglabas na ko Mr. T! Sasarilihin ko na lang. Nobody won’t even care. Worse, the person I want to care will just ignore. Sad.
Anways yun Mr. T! Masaya masaya. Magandang pagbalingan ng attention mga ganitong pangyayari. At he end of the day, I’m also sad. I just don’t wanna upset other people. Gusto ko masaya sila. Update you soon okay? :-) And naisip ko lang, sana kung ka-age ko na si Tompating, 7 years na kami ng magiging jowa ko! Asa Jacob! Asa! Well, sabi nga ni Cinderella --- “a dream that you wish will come true…” --- labo ko pa rin shet hanggang ngayon!
Naniniwala pa rin ako sa happy ending kahit mga kuwento sa kin ng mga tao ngayon eh ang kabaligtaran. Just keep hoping Jacob. Don’t stop believing. Di ba? :-) Good night Mr. T! One day, I’ll prove wrong those people who don’t believe in fairy tales. One day. Someday. Somewhere only we know --- labo! Hahaha! Night!
Nostalgia kicking in
911
Kilala niyo ba sila? Hahaha!
Ngayon ko lang napansin, ang hot nung pelvic thrust nila sa Body Shaking! Hahaha! Wala pa kasi akong bahid malisya nung sumikat tong mga toh! 1996! Grabe parang kahapon lang yun! Kala ko dati ang galing lang nila dahil nanginginig katawan nila. Ngayong may bahid malisya na ko, hot pala! Hahaha! They can pelvic thrust near me anytime! Hahaha! Landi! Haha! Asan na kaya tong mga toh!?!? At hindi ako makahanap ng MP3 ng mga kanta nila! Kung meron kayo share naman diyan! Haha!
I was browsing my old files Mr. T! I found this:
I made this template for Chris. Maraming nagpapagawa sa kin ng template pero ayoko sila gawan. Tae! Si Chris lang talaga nakapagpagawa sa kin ng template para sa blog niya. Haha! Narealize ko, ang ganda pala ng ginawa ko. Full effort yan! Yung sidebars nakahanda pa para sa mga eche bureche na pwedeng ilagay. Hahaha! Hindi na nagamit ang template sayang. Ako na lang kaya gumamit? Haha! Hmmm...
Related Entries:
Ang bilis no Mr. T! Everything will end where it all started. Kung titignan mo, parang mas mahaba pa naging relasyon namin ni Chris kesa sa ex niya. Yun nga lang, hindi naman naging kami. It was one of those nights I needed a closure. Jeffrey and I chatted about it last night and yeah, I thought about closing whatever Chris and I had. Siguro ganun talaga minsan Mr. T! It's inevitable. Hindi naman ako laging isip bata. Marunong ako humawak ng mga bagay na sa kin at hindi sa kin. Marunong akong tanggapin mga bagay na hindi nararapat at nararapat sa kin. Kung ano mang dahilan hindi na mahalaga Mr. T! I wanted to end everything between me and Chris on a sweet note. Yun naman ang gusto niya eh. He was the one who started the ignoring, not me.
Texted Chris and invited him for dinner. I was thinking of Trinoma. Good thing he was in Trinoma Mr. T! Shopping for clothes. So I went there. After a month of not talking to each other, parang wala lang. Pinabuhat niya sa kin bag niya nung nagfifit siya, pinacomment niya ko sa damit na pinili niya. Parang wala lang. Then we had dinner as soon as nakabili na siya. As usual at first we can't decide kung san kakain pero sa Cabalen kami nauw. Eat all you can na naman.
Then we talked. Sinabi ko lahat ng gusto ko sabihin. Tahimik pa rin si Chris Mr. T! Sanay na ko. Tawa lang siya ng tawa sa lahat ng sinasabi ko. Ganun naman yun eh, pero okay lang. Lahat naman ng gusto ko sabihin nasabi ko na kay Chris. Hanggang dun na lang talaga lahat Mr. T! Pero mahal ko si Chris. I know. May lugar siya sa puso ko kahit ano ang mangyari. Tulad nung kanta, "Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito...". I know someday, magkakabalikan sila ni Fred and I'll be happy. I'm too gay for him too, that's a fact. He wouldn't be parading his profile on gay sites if he wasn't looking for some masculine or whatever acting gay he's looking for. The ride was worth the fall Mr. T! Then it was late. May pasok kinabukasan. We had to leave. Nagcab si Chris sa harap ng SM North and ako nilakad ko pa til other side ng EDSA. I rode a non-airconditioned bus. Marami na nangyari. I can't ask for more. All I wanted this year was Chris to be mine, and I be his. Never na mangyayari yun Mr. T! Ngayon, ang kailangan ko na lang malaman, eh kung hanggang friends na lang ba talaga kami. I'll let my birthday pass first before I ask him that. And if he says friends is all we'll ever be, I'll never fall in love with him again. I know how, I've been there, and done that. I don't want ellipses, I want a period. Good night Mr. T! :-)
Anyways, update na ako ngayon Mr. T! Dahil for sure ang daming gagawin bukas sa office bawal magslack.
So yun, galing ako sa school kanina tanghali. Yep, dapat may mock defense kami kaso sa Monday na lang raw. Pero yun, buti dala ko laptop ko at inayos ng mga thesis mates ko ang system sa laptop ko. And then naglakad lakad sa school. Grabe! Namiss ko ang Lasalle. Hay… sobrang iba na mga mukha ng mga tao sa school. Di ko na sila kilala! Ayun, daming cute ahaha! Tapos kinuha ko na rin yung sobrang bigat na Green and White! Grabe, tama sina Aubrey, baterya nga ng kotse. Imagine bitbit ko yun hanggang pauwi? Wah!
Tapos nakita ko si Luis! Grabe, ang tagal na naman di nagkita ni bakla. Hahaha! Ayun, tawa kami ng tawa sa SJ Walk. Imagine niyo, eto pinaguusapan namin sa SJ Walk:
Jacob: O san ka na niyan?
Luis: Sa UM, makikipaginuman sa mga friends
Jacob: Mga bading din?
Luis: Hindi, mga tibo!
Jacob: Hahaha! Anong trip yan! Haha!
Luis: Mga top yun wag kang ganyan! Haha!
Jacob: Haha! Shet ka talaga!
Ayun, eskandalo pa rin si Luis. Plus hair and plus outfit. Fully blown bading lang talaga! Hahaha! Pero huwag ka Mr. T! 2 years na sila ni Robert! Yung jowa niya. Yung jowa niyang super discreet! Grabe hindi ko maubos maisip, 2 years na sila sa landi ni Luis! Pero masaya ko dahil may mga ganitong relasyon. Magkakaroon din ako ng ganito. Naniniwala ako.
Then nilibre ko sina Vers, Mighty and Sheila sa Z-squared. Grabe, dami kong biniling food ha! Namiss ko pagkain sa canteen! Sayang hindi ako nakadaan sa Eric’s!
At may chismis ako para kay Aubrey, Tin, Deck at Milkhail! Bongga toh! Kasi, kanina, kakukuha lang namin ni Sheila ng yearbook sa SPS, tapos nakasalubong namin si Sir O. At at, eto ang malupit, hiningi ang aking number for reference purpose daw? HUH???? Sabi ko kay Sheila na lang. Sabi niya mas okay raw kung number ko! HUH??? Baket? Weird talaga! Gusto ko maniwala sa kuwento kuwento na isa siyang DARNA! Haha! Just plain weird eh. Baket niya out of the blue kukunin number ko? Milkhail, suddenly your stories are materializing. Weird. Just weird. Eh hindi naman kami close ni Sir. Di ba? Hoy mga friends makinig kayo! Issue toh! Sabi ko kina Vergara at Mighty na number na lang, pero gusto niya talaga sa kin! Eh hindi naman ako ang leader ng thesis group! Huh? Ang ganda ko ba kanina? Hahaha! Mikhailnovich, ichat mo ko sa YM fast kung nababasa mo toh!! Weird.
Tapos si Beck pinuntahan ko sa ComEng thesis room. Wow, marami pa palang kabatch ang hindi graduate din. Anyways, ayun, namiss ko si Beck Mr. T! Hay… lab ko yun eh! Kanina ang ingay namin sa thesis room pero wala kong pake. Former ka-course ko naman yung mga yun. Ang saya saya talaga. Nagpapasalamat nga kami nadelay kami. Maraming time to bum and ienjoy muna pagiging estudyante. Then I had go home magagabi na. Namiss ko bigla si AK and Sherry. Hay…
Tapos yun, dapat magkikita kami ni Mike. Kaso tinamad ako. So umuwi na lang ako. Hahaha! Pagkauwi ko wala sila Mama. May pinuntahan na naman. Grabe lagi na lang hindi ako kasama Mr. T!
Sa bahay kanina, iniisip ko yung sinabi ni Jeffrey na dapat kahit anong ginawa sa min nung mga tao sa paligid namin, maging thankful kami. One way or another, naging parte yung mga taong yun ng buhay namin, napasaya or sinaktan man kami. I’ve been wanting to talk to people for a month now and kahit alam kong wala na talaga kong pride para sa sarili ko, I tried. Buti hindi ako nabigo Mr. T! And this entry ends here because if I start blabbing again about what happened next, tabloid fodder it will be, they say. And I don’t want that to happen. Let’s leave everything in the mind. Or, privately. Mananahimik na lang ako. At masyado ng maintriga kung isasapubliko ko pa ang Part 5. Baka kung ano ano na namang ibato sa king tanong ng mga tao. Hmmm... anyways, may pasok pa ko bukas Mr. T! I feel really nice and all. Salamat.
Tang ina ang daming gagawin! Shet. Kanina pa kong 8am dito sa office and yun pa rin ginagawa ko. Grabe na toh! Gusto ko lang magrant! Ang dami talaga! Muntik ko na makalimutan sarili ko sa dami. Tinatamad na ko! Ayoko ng ganitong trabaho! Tsk! Hindi pa ko naglulunch! Shet! Hay thesis meeting pa mamaya! Gusto ko na matulog! Tapos 8am dapat nasa bahay na ni Sheila bukas. Gusto ko naman matulog. Gusto ko wala kong iniisip come my birthday! Araw ko yun! Gusto ko maging masaya. Ang toxic ngayong araw na toh grabe! Gusto ko matulog. Gusto ko matulog! Kahit langaw natutulog din! Baket naman kasi hindi ako makatulog! Kung anu ano kasi iinisip ko eh. One thing, huwag ipagsasabay ang OJT at Thesis. Kung mapasa ko tong dalawang tong ngayong term, hay, sarap siguro ng Pasko. Hindi ko mafeel ang pasko eh tae! Pakalmahin niyo ko please! I'm tired. Give me sleep. Hilong hilo na rin ako dahil di ko dala salamin ko!!! Masisiraan na ko ng bait dito!!!! :-(
Ayan, medyo umokay na ko! Nakakain na ko! Haha! Naman! Pagkain lang talaga katapat ko! Haha!
Grabe, naisip ko, ilang months na ko naglulunch mag-isa. Ngayon alam ko na feeling ng loner. Sanayan lang pala ang pagiging alone. Drama! Ngayon nafeel ko na feeling ni Jeffrey nung college. Haha! Pero okay din, minsan kailangan talaga ng katahimikan sa buhay para makapagisip-isip at magdrama at mag-emote. Pero wag nga lang raw titingin sa malayo dahil may tendency na maluha kaeemote. Haha!
Kagabi, in one of the conversations I had with people:
"Wow! Fitness First Platinum! Yung sa RCBC maraming foreigners dun! "
"Oo, tiba tiba ka dun..."
Huh? Tiba tiba? San? Haha! Bigla ko tuloy naalala Mr. T! nung summer 2005 may nakadate akong Fil-Am. Yep, bongga talaga yung Fil-Am na yun dahil gwaps talaga at gusto pa ko ipagshopping but I refused. Bongga rin kasi as in nagsuper effort siya pumuntang Pinas para magkita kami. Nakilala ko yun kung san ko nakilala si Steve! Haha! Wala lang. Natawa talaga ko sa tiba tiba. Hahaha! Tae! Ano ba yung pumasok sa utak ko! Kaasar! O memories, light the corners of my mind! Haha! Shete! Inis! Haha!
Speaking of gwapo, sa ilang buwan na ko kumakain kung san sa sa paligid ng HSBC, napagalaman kong may mga cutie na crew sa bawat kainan dito. Sa McDo, hanapin niyo si Stephen. Sa Jollibee, si Kirk. Sa Chowking si Iris. Sa Gloria Jeans, hindi ko alam yung name eh, pero kalbo yung barista na mukhang mayaman! Hahaha! Landi amputa! Hahaha! Wholesome naman kalandian ko noh! Haha! Try niyo lang one time dumalaw dito. Haha!
Bibilhan ko mamaya yung pamangkin ko sa pinsan ng ticket para sa Rihanna/Chris Brown concert. Oo, for free. Dahil alam kong fan na fan ni Rihanna yun eh and hindi naman siya bibigyan ng nanay niya kung manghingi siya. Eh wala rin namang pera yun. Hindi ko na bibigyan sa pasko ng regalo yun. Goodluck talaga sa 3k ko. Bye bye. Haha!
Narealize ko, hindi ako magastos na tao. Pero sa pagkain napakagastos ko. Tulad na lang nung isang araw nung nag-grocery ako ng bonggang bongga. Puros pagkain binili ko. Yes, sarili kong pera pinangastos ko! Nagulat nanay ko. Eksena:
Mama : O! San ka kumuha ng pera?
Jacob : Nagputa ko! Haha! Sa OJT malamang!
Mama : Hindi ka pa bumili ng mga sabon, panlaba, de lata, noodles blah blah...
Jacob : Aba aba aba! Bahay mo toh! Ikaw bumili nun! *nilapag mga grocery sa lamesa*
Dyesa (kasambahay namin): Kuya san ko ilalagay tong mga pinamili mo?
Jacob : Sa kwarto ko!
Mama : San ka nakatira?
Jacob : Sa bahay mo
Mama : Dito yan sa baba!
Jacob : Aba aba aba! Fine! Hahaha!
Iba yung spending habit ko nung early college days. Parang every week noon may bago akong damit! Shoes, cologne, bag etc. Tapos ngayon, ang hirap palang kumita ng pera, narealize ko, mas masarap mag-ipon! Hahaha! Tulad ng sinasabi ko sa nanay ko pag nagbibiruan kami:
Jacob: Pagmayaman na ko luluhod ka na sa kin
Mama: Ah ganun? Lumayas ka sa bahay ko ngayon din!
Jacob : Naman joke lang yun! Siyempre paparetoke na kita nun! Hahaha!
Hay. Nakakaaliw. Wala lang. Choice talaga natin maging masaya minsan. Speaking of money, ang sarap talaga ng may pera. Tae! Hahaha! Feeling ko talaga pag may trabaho na ko ipon lang ako ng ipon! Hahaha! Ewan ko, siguro kasi, hindi kami sinanay ng mga magulang namin sa pera eh. Isa sa lesson about money na tinuro ng nanay ko eh, HUWAG NA HUWAG KAMING MANGUNGUTANG SA IBANG TAO. Yep, hindi ko ugali mangutang. Nanay ko never nangutang or nagkaroon ng credit card. Sanay kaming magkakapatid magtiis kung anong meron sa harap namin. Yung huwag maghanap ng wala. Gets mo Mr. T! Hmmm... tulad nga lagi ng sinasabi ng tatay ko "HINDI KAYO ANAK MAYAMAN! HINDI PINUPULOT ANG PERA". Tama, ngayon ko lang narealize yang mga salitang yan. Agree ako dun. Isa pa last na, money can't buy happiness talaga. Kasi imagine mo na lang, pag super yaman na ko 5-10 years from now tapos wala naman akong jowa di ba? Sad nun! Hahaha! May ganun talaga? Tae! Hahaha! Okay kabaliwan ko na yun. Haha! Shet!
O siya Mr. T! Update you soon. Magkikita pa kami ng pinsan ko sa Galleria mamaya dahil babayaran niya ko ng utang niya! Hahaha! Tapos lalakarin ko pa Megamall para sa thesis meeting. 2 oras na lang uuwi na ko! Gusto ko na lumayas dito sa table ko! Hay, gawin ko kaya sa bahay tong pinapagawa sa kin. Iupload ko dito sa Tabulas! Tapos internet na lang ako all the way! Hahaha! Sige sige daldal ko na naman. Tama si Beck, ang hirap ng walang kausap sa OJT, sa malamang, kakausapin mo sarili mo! Buti may blog! Nakakapaglabas ako ng aking saloobin! Hahaha! I love you Mr. T! Mwah!
Kagagaling ko lang sa bahay ni Sheila para gawin yung thesis. Kanina pa kong umaga dun. Nagmadali akong umuwi mga 6pm kasi sabi ni Mama magdidinner daw kami para sa birthday ko. To my surprise, wala na sila sa bahay. As in iniwan nila ko at kumain na sila sa labas. Ang saya noh? I tried cancelling all invites from my friends to hang out today. Nalungkot ako bigla ng iniwan ako ng family ko. Tinext ko sina Rhitz and Barry agad para lumabas kami kaso wala pa rin silang reply. I feel sad. Matutulog na lang ako :-(
Goodness Mr. T! 23 na talaga ko. Tapos na birthday ko. Hindi ako nakapag-update sa yo dahil sobrang nangyari kahapon sa akin day. Hmmm... unahin natin muna mga nangyari pagkagising ko.
Pinamamadali ako nina Mama atbp. dahil ako na lang ang tulog at lahat sila nakabihis na para sa lunch para sa birthday ko kasama mga relatives. O di ba? Daming kasama. It was really nice Mr. T! I was happy. Sa may Banawe kami kumain dun sa China Town's Best. Hindi ko hawak mga pictures eh, nasa camera ni Erwin. And then we went home agad magsasaway nephew ko na si Kobe sa Foundation Day ng school nila. Mga 3pm nasa bahay na ko. Hindi ako sumama sa Foundation Day.
Sabay nagtext si Steve nung nasa bahay na ko at dapat magpapahinga:
"Happy Birthday Jacob! Where are you?"
"Just had lunch with family. Why?"
"I have something for you. Let's meet in Gateway"
"Kinds and goods are nice, but I need cash! Haha!"
"Trust me, this is better than cash! Haha!"
So si gaga pumunta agad ng Gateway. Haha! Ayun, naaliw naman ako sa regalo ni Steve. Kakaiba magregalo tae! Hahaha! Basta yun. Let's not mention gifts here. Pero thanks na rin kay Steve kahapon. Before leaving, Steve was smiling, sabi niya:
"Grabe, Jacob, you haven't changed a bit. Pati itsura mo hindi nagbago"
"Yiheee... may gusto ko pa rin sa kin noh? Hahaha!"
"Yak!"
"Mas yak ka! Yeow! ang dami mong fubu! Haha!"
"Gago! Haha!"
"Sige na, may concert pa kong pupuntahan. Salamat"
It felt nice dahil after all these years, almost 4 years na, hindi pa rin ako nakakalimutan ni Steve. Pero tulad nga nung kanta, I remember the boy, but I can't remember the feeling anymore! Wow drama! Hahaha!
Then I had to hurry home para pahinga onti for Rihanna/Chris Brown Concert. Around 6pm, umalis na kami ng mga pinsan ko. We arrived sa the Fort grabe 7pm na. Sobrang traffic Mr. T!
Silver ang ticket namin. Kasama pala yung nanliligaw sa pinsan ko kahapon Mr. T! So yun, malayo na ang view from the stage nung place namin, pero okay na rin. Nakatabi ko sa concert sina Iggy and Roberto. Nagmemed na yung dalawa. Okay, crush ko si Roberto nung Grade 4 pero that's it. Ang pogi niya lalo kahapon. Haha! Pero yun, let's start with my Rihanna/Chris Brown concert on my next entry.
"Manila! Make some motha fuckin' noise!!!"
Yan hirit ni Rihanna Mr. T! Nung sa bandang simula ng concert! Hahaha! Talunan na natin si Chris Brown. Di ako fan, di ko siya type, pero magaling siya magsayaw kagabi at lipsync siya ng lipsync kagabi. Period. Ayun, mga 10pm na nagsimula si Rihanna. Si Chris Brown kasi nauna. Grabe, san inuna na si Rihanna para maaga na ko nakauwi. Haha! Ayun, eto ang setlist ni Rihanna kagabi. Yung iba najumble ko na:
Pero bago siya nagsimula, may bonggang bonggang fireworks pa sa the Fort kagabi. Wow na lang lahat ng tao. Grabe Mr. T! Parang dream come true talaga. Kasi Pon de Replay palang gusto ko na si Rihanna eh. Tapos naging fan pa kami ni Jeffrey ni Rihanna. Grabe, buong time iniisip ko si Jeffrey kasi matutuwa rin yun kung andun siya kagabi. Pero sobrang saya talaga. Tapos, unlike Mariah, si Rihanna, the whole time nakacorset lang! Haha! Fun! Aliw, parang si Whitney siya magperform minus the birit. Ang drama talaga nung Unfaithful niya and Take A Bow! Panalo talaga. Tapos umangat pa siya sa isang mataas na platform sa Unfaithful. Tapos grabe yung pause niya sa "I don't wanna be *mga puwede ka na magretouch na pause* A MURDERER" --- grabe ang tagal talaga ng pause pero lahat ng tao super palakpak. Hay ang saya saya. Siyempre super sayaw rin kagabi. Though hindi niya nabigyan masyado ng pansin yung performance niya ng Disturbia, okay na rin. Yung SOS ang galing. Wah! Tapos yung Umbrella nakakakilig sila ni Chris Brown! Hahaha! Mga 11pm+ natapos yung concert. Daming tao grabe! 70,000 in attendance. Mahal ko na si Rihanna grabe. Sana si Jeffrey kasama ko kagabi kanta ko pa naman sa kanya yung Umbrella Mr. T! Haha! Hay... ayun sobrang saya. Then Mariah, now Rihanna... I love it!
Highlights of the show:
Wala sa kin yung mga videos Mr. T! Nasa pinsan ko eh! eh eh eh! Haha! Fun fun fun! Sobrang saya kagabi. Sana tuparin ni Rihanna yung sinabi niya "We will be back" --- kinilig naman ako ng sobra! Haha! Hay, nakakakilabot since nasa isang place kami ni Rihanna kagabi. Haha! Mahal ko na talaga si Rihanna Mr. T! Hay... :-) To Jeffrey: Wish you were there last night! Haha! 1am na kami nakauwi sa sobrang dami ng tao. Pagkadating ko bahay. Wala ng hilahilamos! Hahaha! Tulog agad! Haha!
Yep. Prepare for defense, and for defense day. Masakit na ulo ko Mr. T! Since kaninang umaga pa lang nung super tinatapos ko yung kailangang file ni TRS department. Hay, sobrang yun lang ginawa ko buong time. Ni nakalimutan ko na maglunch halos. Di ko alam. Parang ang panget pa ng update ko about my birthday. Paran walang kwentang update. Hmmm... I left the office around 3:30pm para makaabot sa mock defense pero na late ako. Nagalit si Doc Loyd bukas nalang daw. Ayun, TECNPRE bazar na naman. Si Vergs and Mighty nagbabantay ng booth nila. Ako nakibantay na rin tsaka si Sheila. Kita ko rin sina Dansen and Kathrina. Kwentuhan. OJT and thesis with TECNPRE pa sila! Grabe! Tapos, yun, kita ko rin si Lee. First time niya kong kinausap. Nagulat ako dahil sa YM niya lang ako kinakausap madalas. Naglakas loob kaninang kausapin ako! Haha! Okay naman kausap.
Tapos nagkita kami ni Barry sa Red Ribbon mga 6pm na. Kumain ako since napagod ako magMRT and LRT. Hay... tapos yun, may kasama siyang friend pero umalis agad. Tapos hinintay namin si Majo sa Starbucks. Sasabay rin kay Barry umuwi. Sa katagaln ni Majo sa Starbucks at nung friend niya mag-usap, nayosi ko tuloy yosi ni Majo sa sobrang bored kahihintay. Haha! Ayun, nakita ko rin si Luis na naman! Haha! Gusto pa kong isabay sa LRT kanina pero sabi ko ihahatid ako ni Barry. Tapos yun, si Majo may sinamang model na friend na babae. Tapos iniinvite kami nung friend ni Majo sa fashion show nila. Papakilala raw kami sa mga gay models. Hello naman. Ano kami ni Barry atat? Excuse me. Masaya na kaming nag-eemote. Haha! Bumaba yung gurl sa malapit sa EDSA si Majo sa Pasig. Ayun, wala lang tawa kami ng tawa ni Barry sa kotse. Kung anu ano pinagkukuwentuhan namin. Then dumaan ako ng drugstore para magbantay ng isang oras then umuwi na rin agad.
Eto nag-uupdate ng walang kabuluhan. Sabi nung pharmacist I need to rest my eyes. Pero hello naman, araw araw nakaharap ako sa PC! Hay! Musta naman yun! Sige isge update you soon Mr. T! Naghahanda na naman ako malungkot ulit dahil sa thesis. Hay... God bless us. :-) And oh, nakakahiya kay Mike, napag-usapan kasi naming magkikita ngayong Monday, nawala sa isip ko. Sorry. Dami kasi kailangang gawin ng week na toh eh. Ayun, busy busihan na naman, kahit ako di ko na alam gagawin ko una. Dami nga rin pala ng bumati sa kin sa Facebook ngayon ko lang nabasa. Pati ang dami kong di nareplyan sa text. Salamat sa lahat. Balik estudyante ako bukas sa school til Wednesday. Sige sige Mr. T! Update you when I can. Tulog na po ako! Night!
A brief flashback:
I remember Rhitz and I were talking in La Union last summer about Chris. I was telling him about Chris. Kung gaano ko kamahal si Chris. Our conversation went like this:
“Hanggang kelan mo kaya maghintay”
“Hanggang sabihin niyang friends na lang talaga kami. Na hanggang dun na lang talaga.”
“Eh di itanong mo na.”
“Never niyang sinagot yan. He won’t answer. He can’t even speak”
“Grabe naman”
“Kung wala pa rin nangyari hanggang birthday ko. I’m through”
That conversation was 7 months ago Mr. T! Oo, mahal ko si Chris. Ilang beses ko ng sinabi yan dito sa blog ko. Hindi ako ang kailangan ni Chris Mr. T! I’ll never be the one he needs. One day magkakabalikan sila ni Fred and I’ll be happy. Super happy. Ganun naman nagsimula yun. May BF siya nun. I wanted to love him nung kinukwentuhan niya ko kung paano na lang siya tratuhin ng BF niya nun. I held on. Pinakita ko sa kanya na mahal ko siya. Pero hindi ko alam baket may isang beses nasakal siya. All I was trying to do was to love him. Inintindi ko lahat. Tanggap ko buong pagkatao niya. Hindi lang yung strengths niya, I embraced all his faults and weakness. Dahil kung wala siya nung mga yun, hindi siya si Chris. Hindi ko siya mamahalin.
Pero ang tanong talaga, baket ba minahal ko si Chris? Hindi ko masyadong pinag-iisipan yan nun Mr. T! Dahil ang alam ko pag may dahilan ka baket mo mahal ang isang tao, hindi mo tunay na mahal yun. Pero sige susubukan ko bigyan ng rationalization baket mahal ko si Chris.
Aaminin ko, unexpected nung dumating si Chris. I was browsing my blog and saw a comment from him. I tried searching him in the internet. Ayun, exchange numbers, YM and we met up. Alam ko kung anong katayuaan ko nun, may BF siya nun. I wanted to be friends with him. And we did. We clicked. Until nagbreak sila ng BF niya. Una niya kong sinabihan. Of course I felt sad dahil malungkot si Chris nun. Gusto ko magkaayos sila nun. Pero masaya ko dahil alam mong may chance na dumating. Hindi ko makakalimutan yung tinext ni Chris nun after a Spongebob quote “Ayan, break na kami ng jowa ko. Masaya ka na?”. I won’t forget that text message. Anyways, maraming beses ang dumating nagbonding kami ni Chris. Nagkasama kung san san. Nagkulitan. Nagharutan. Nagusap. Naalala ko nung muntik na akong mahold-up, we offered to go with me sa school para mag-enrol. Sige, nagpasama ko. That’s when I knew, gusto ko si Chris. Mahal ko si Chris. No guy has ever done that to me. Nakakagulat Mr. T! dahil wala sa personality niya yun. Iba kasi si Chris. Tahimik lang siya. He doesn’t talk much. His actions show. Matutunaw ka na lang pagmay ginawa siya something for you. Kaya mahal ko siya. Minahal ko siya.
Aminin man or hindi ni Chris Mr. T!, he’s also fragile. Kaya ko siya nagustuhan. He won’t admit it pero it shows. Hindi lang talaga siya masalita. Chris changed me a lot. Binalik niya ko sa real world. Inalis niya utak ko sa mga fantasies ko. Pero you know what Mr. T! I learned to embrace both reality and fantasy dahil kay Chris. Reality dahil hindi siya sa kin, fantasy dahil sana akin siya. Wala kong pinatos na lalake ngayong taon na toh, kasi gusto ko ipakita kay Chris na siya lang gusto ko. I guess hindi niya nakita yun. At parang mas tumagal pa relasyon namin kesa nung X niya.
Okay, aminin ko na, I’ve always wanted someone taller, fair skinned, yung ipagdadrive ako and siyempre lahat ng guni guni traits ng ideal jowa. Natutunan ko kay Chris na kahit ni isa dun sa mga gusto ko sa isang lalake eh hindi present, puwede maging masaya. Puwede akong magmahal ng totoo. Puwede ako maniwala na hindi ako superficial. Hindi gwapo si Chris Mr. T! sinabi ko yan sa kanya, hindi maganda katawan ni Chris, I’m even taller than Chris. And ang panget pa ng boses niya sa phone tunog karpintero. Pero, natutunan ko mahalin kung ano yung nasa loob ng puso ni Chris. Napatunayan kong what’s essential is invisible to the eye. Hindi panget si Chris ha! He’s cute. Pero alam mo yun, kung physical pagbabasehan ko ng pagmamahal ko sa kanya, hindi ko siya mamahalin. I’ve had hotter guys kiss my feet pero si Chris pa rin gusto ko. Mahal ko. Minahal ko. Nag-iiba ang anyo ng tao, kumukulubot, nagsasag, pumapanget. Pero what will stand the test of time eh yung pagkatao ni isang tao. Kaya mahal ko si Chris. Minahal ko si Chris. Hindi kung sa anong meron siya, kung hindi kung ano yung buo niyang pagkatao. Natutunan kong magmahal ulit.
Mabait si Chris. Thoughtful si Chris. Masaya kasama si Chris. Actions speak louder than words, applicable kay Chris. Understanding si Chris. Nakakatawa si Chris. Napapatawa ako ni Chris. Caring si Chris. Matalino si Chris. Masipag si Chris. Matakaw si Chris. Gago si Chris. Tang ina si Chris. Pathetic si Chris. Cowboy si Chris. Nawawala si Chris. Lutang si Chris. Sira ulo si Chris. Galante si Chris. Fragile si Chris. Minahal ako ni Chris. Totoong tao si Chris. Pero higit sa lahat, mahal ko si Chris Mr. T!
Sa pagtatapos ng araw. I just have to embrace all they mysteries that life’s gonna give me. Magmamahal ako ulit that’s for sure. Pero sisiguraduhin ko na yung magmamahal sa kin, kaya gawin yung ginawa ko for Chris. Kaya maghintay for me ng i-don’t-know-how-long period. Kasi kung kaya ko yun, nagawa ko yun, dapat kaya rin nung magmamahal sa kin na gawin yun. And if he can’t, he’s not worth it. He’ll never be worth it. Friends have told me that hindi nila kaya maghintay ng ginawa kong paghihintay, sorry, they don’t know Chris. And hanggang dito na lang kami ni Chris Mr. T! Hindi man naging kami, at hindi na talaga magiging kami, hindi ibig sabihin nun hindi ko mahal si Chris. Mahal ko si Chris. May lugar na siya sa puso ko. Sana lagi na lang siyang masaya. I’ll never forget him, minsan sa buhay ko may nakilala akong Chris L. Okay na ko dun. :-)
Anways, I’ll never forget these:
Pinakamasasayang araw ng taon ko yan Mr. T! Thank you Zhouls. :-)
Just got home Mr. T! Daming tao sa birthday ni Lola. Buong angkan ng Webb ata andun. Si Tita Beauty umuwi na rin. Tumanda na rin siya. Ayun, nakita ko na naman mga pinsan ko. Masaya, sina Danica, Katrina, Precious, Dindin. Masaya masaya Mr. T! Happy birthday Lola Rosa!!! :-) Wala akong nakuhang pics Mr. T! Hindi ako ready. For sure nasa Friendster na naman yung ng mga pinsan ko. Kunin ko na lang if ever. Ayun, masaya masaya.
Did thesis the whole day sa school. Una
nasa S. Conserv with Aubrey. Tapos pinuntahan si Mighty and David sa
Agno kasama nila si Doc Loyd. Si Sheila nalate kaya late na rin kami
nakapagconsult. Pero parang okay na naman. Pero natatakot pa rin ako.
Tapos nagStarbucks with Barry. Super kulit namin sa Starbucks grabe.
Gusto ko maging estudyante ulit! Onti na lang! Malapit na ulit! Tapos
sumabay na naman akong umuwi kay Barry. Ang traffic sa Quirino grabe.
May tawag pa ng tawag na taga Fitness First. Shet, sabi ko "ANG KULIT
AYAW KO NGA" Haha! Good luck sa kanya!
Maaga dapat ako bukas sa school. 7:30am ang defense Mr. T! Shucks, sa kin nakasalalay mainly yung pagkabagsak at pagpasa ng group. Nagpalit kami ng role ni Sheila. Ako na magdedemo ng system. God bless us all.
Sige Mr. T! Kinakabahan ako pero, alam ko tutulungan kamin ni God. Di ba God? Hehe! Basta, kaya namin toh. Kaya ko toh. Gaya nga ng sabi ng magaling kong kaibigan "Sos, parang hindi kayo sanay magdefense!" Oo na! Haha! Hay. Sige Mr. T! Good night sa yo! :-)
Ayoko magkuwento sa kung ano nangyari sa defense pero gusto ko maiyak at sobrang matawa. Shucks. Minsan, we need luck. Hahaha! Kuwento ko pag nabore ako sa office bukas. Tumulong muna sa booth nina David and Mighty nung umaga. Tapos nagbantay ng booth ng ibang group. Ang sarap maging student! Shucks. Kaming 2 ni Sheila tumulong sa booth actually. Kahit wala naman dapat kaming paki dun!
Ayun Mr. T! nakiupo rin pala ko kina Klang kanina. Kina Corwyn and Lean. At at, wala na pala si Lean and Jesse. Aw! So yun, nasad naman ako dahil 1 year rin sila. Tapos halos lahat ng taong nakasalubong ko na kakilala ko binabati yung suot kong vest. Bonggang bongga raw! Hahaha! Siyempre ang mahal nun noh! Haha! At nakakahiya ako, naubos ko yung biscuit ni Corwyn habang nakikipagkuwentuhan ako. Imagine mo, nakatayo pa ko sa Gox Lobby nung nilalamon ko yung biscuit! Saka ko lang naalala no bawal kumain sa lobby at D.O. ang labas ko nun kung nahuli ako! Hahaha! Nakakahiya ako! Tapos Aubs, naalala mo si Kenneth? Yung lalaking binigyan natin ng name? Yung taga Eng? Yung chinito na matangkad na maputi na hot hot na mukhang Chinese Superman? Na nakita natin sa Sports Complex dati? Nakasabay ko kanina sa Gox habang pumipila para sa ID. Kaharap ko. Grabe ang bango! Hahaha! Inis! Haha! Wala lang. Haha!
Then, spent the whole afternoon, from 1-4pm with Matty and Luis. Basta ignore niyo yung link hindi si Luis ng DLSU yang link na yan. Si Wiggy yung link pagclinick niyo. Anyways ayun, tambay kaming 3 sa Starbucks. Super landian lang talaga kami sa Starbucks kanina Mr. T! Si Luis as usual super kulit pa din. Then naglunch sa Tropical. Si Luis ang daldal pa din kami ni Matty tawa ng tawa ng walang katapusan. Masaya si Luis kasama grabe. Walang dull moments. Buti na lang talaga naging magfriends kami last year. May ikukuwento dapat ako about him kaso huwag na. Then yun, after having lunch, naghanap ng matatambayan. Yung 2 Starbucks sa Taft puno. Sa UM puno. Naisipan namin magProvidence! After 48 years nakapasok ako ulit sa Providence! Shet! Ayun, weird may mga ipis and may daga sa room na napasukan namin. Si Matty super takot. Haha! Ayun, kanta kanta and kwentuhan. Actually si Luis may class ng 2:40pm kanina. Kaso nagcut na naman siya! Hahaha! Namiss ko tuloy ang pagcucut! Then sabi ko pumasok na siya, pero late na raw siya kasi around 3pm na nun. So sige, tumambay kami sa Engineering Building 3. Tapos kuwentuhan na naman ng walang katapusan. Tapos nainitan, nagConserve pero wala namang maupuan. Then umakyat kami sa Study Hall sa mga LS. Dun kami nagkuwentuhan. Actually, si Luis lang kuwento ng kuwento. Eto, ganito mga napagkuwentuhan naming 3:
"Grabe, 2 years na kami ni Robert sa December 4"
"Wow! Galing congrats!"
"Ang hindi niya alam ang dami kong nadate sa 2 tao na yun! Hahaha!"
"Sira ka talaga!"
"Pag may pogi akong nakakadate sinasabi ko sa kanya 'soul searching' muna ko. Hahaha!"
"Tapos?"
"Kami ulit pag ayaw ko yung nakadate ko! Hahaha!"
"Sira ka talaga! Sama mo!"
"Naku noh! Tignan mo bilang ng friends ko sa Downelink! Mas marami pa sa Friendster ko! Hahaha!"
"Tsk! Ano ka ba!"
"Ganun lang talaga yun!"
Ang landi ni Luis noh? Baket mga tulad naming mababait naman hindi bigyan ng jowa! Baket kailangan yung mga nanloloko pa Mr. T! Hay... pero masaya masaya. Kanya kanyang trip lang yan. Sino ko para husghan si Luis di ba? Basta kaibigan ko, kebs lang kung ano ka. Wag mo lang ako aawayin. :-)
Tapos yun, hinatid na namin si Luis ulit sa Engineering Building. Tapos si gaga, hinatid pa rin kami palabas. Grabe umikot lang kami ng Lasalle!!! Super rampage lang talaga ginawa namin sa buong Taft kanina Mr. T! Yung mga ibang bakla nakatingin na sa min dahil paikot ikot kami ng campus sa totoo lang! Hahaha! Pero masaya masaya! Ang ganda ganda pa naman ni Luis dahil blonde hair niya ngayon! Haha! It was a really nice way to diverge my attention on what happened on 7:30am kanina. Then sumabay sa kin sa LRT si Matty dahil dadaan siya sa NBI! Aba maghahanap na ng trabaho si Matty! Haha! Then pagkauwi tulog. May nangyari pa sa drugstore kanina kaya si Ate andito sa bahay. At may shinare si Matty na song sa kin. Ipopost ko dito sa blog after this entry. Ang ganda nung song.
Anyways yun Mr. T! Goodluck kina Tin, Aubs, Jobet sa defense nila. Kaya niyo yan! :-) Ako nga sobrang cool lang kanina. Naaliw sa kin si Kiran sabi "How can you be so calm in times like these??". Haha! Pero okay na rin siguro mga nangyari. :-)
This blog makes me sad Tigga's Life In Random pero happy at the same time. Actually matagal ko ng binabasa ito pero ngayon ko lang ulit nadalaw. It's really nice. Really nice. :-) One day soon, magkakaroon ako ng blog na ganyan. Baka sa No Time To Cry ganyan na mga entries ko! Why not? Here's to hoping. :-)
Hay... sige sige Mr. T! Update you soon okay? Yan muna.
Jay Brannan - Housewife
Two bodies pressed together
Two boys are falling art
The smell of sweat and leather
A kinky greeting card
Crazy about each other
We both got fucked up pasts
But when we are together
We have a fucking blast
I want to be a housewife
What's so wrong with that
I want to be a housewife, yeah
And that's just where I'm at
I'm making guacamole
He's working on the car
When he grills turkey burgers
He knows I like them charred
I like to wash the dishes
I like to scrub the floors
Don't mind doing his laundry
What are boyfriends for
I want to be a housewife
What's so wrong with that
I want to be a housewife, yeah
And that's just where I'm at
I want to have his baby
I want to wear his ring
He drives me fucking crazy
I am his everything
I want to be a housewife
What's so wrong with that
I want to be a housewife, yeah
And that's just where I'm at
I want to be a housewife
What's so wrong with that
Can't wait till he's in my life, yeah
Cause we haven't met
We haven't met yet
We haven't met yet
We haven't met yet
Met
Yet
![]() |
![]() |
Nakalimutan ko pala to iblog. Last weekend, birthday nung pamangkin kong sin Gab. Tapos may thesis meeting sa Mega muna. Tapos sumama ko kina Tompating sa Butterfly Bar sa may Tomas Morato. Sabi ni Tom gay-friendly daw yung bar. Nyeks! Gay bar yung bar kaya gay-friendly! Hahaha! May bar sa baba nung Butterfly Bar tapos sa taas Videokehan. Actually, puros bakla nasa loob. Ayun, met new friends. The last I made new friends sa bar eh nung sinama pa ko ni Soy nun sa Government! Grabe 2006 pa yun. At as in wala na kong contact sa mga baklang friend ni Soy na nakilala ko nun. Haha! Ayun nga, pero dahil sa sobrang as usual, hindi ako comfortable sa ganung lugar kahit na sabihin nating may videoke pa dun, I went home early. Clean fun naman mga bading dun pero weird ako pag nasa isang lugar na puros bading. Parang gusto kong magdisappear agad. Ni hindi ako uminom ng isang beer. Mango juice lang. Haha! Anyways, gays will be gays. Iba iba nga lang talaga pagkatao. And kung jowa hanap niyo, ay good luck. May matino pa bang bading? Sana. Balita ko yung may-ari ng blog na toh matino! Haha! Nagbebenta ng sarili! Parang tae lang! Haha! Sige good night Mr. T! :-)
Hindi ako pumasok sa office! Yey! Feel ko lang na hindi pumasok! Joke!
Actually, magpapagawa kasi ako ng salamin. 3rd time ko na nawalan ng salamin. Good luck sa kin Mr. T! Isang linggo ng masakit mata at ulo ko!
Tapos pupuntahan ko sina Aubs, Tin and Jobs sa school. Defense nila ngayon. Kailangan nila ng moral support at kailangan muna nila tumawa bago sila katayin. Haha!
At kagabi naisip ko bago matulog, November 16 yung birthday ko, tapos regalo ni Steve sa kin 16 din! Hahaha! Sana lagi kong birthday! Haha!
Tapos nagpatanggal pala ko sa kasambahay namin ng mga uban. Shet, bakit ang dami kong uban bigla?
Bibilhin ko yung 'I LOVE ATENEO' t-shirt sa bazar mamaya! Haha! Or yung 'I LOVE ARCHER BOYS' na lang kaya? Sayang walang 'I LOVE EAGLE BOYS' eh! Haha!
I need a facial Mr. T! Pero natatakot ako. Haha!
Si Tomas naalala ko, nung malungkot, biglang nagtext. Nagulat ako:
"Jacob..."
"Uy, okay ka na? Sad ka pa rin ba?"
"Oo, umiiyak pa rin ako gabi gabi. Puwede paturo?"
"Paturo? Anong ituturo ko sa yo?"
"Lumandi..."
"HAH?? Hindi ako marunong lumandi! Ano toh joke?"
"Eh baket ang daming lumalandi sa yo?"
"That's the point. Sila ang lumalandi, hindi ako! Amp!"
Ano ang naiisip ni Tomas? Revenge? Rebound? Hahaha!
At sige, gabi na ko babalik Mr. T! Mwah!
Womanizer, woman-womanizer
You're a womanizer
Oh, womanizer, oh
You're a womanizer, baby
You, you, you are
You, you, you are
Womanizer, womanizer
Womanizer
Boy don't try to front, uh, I
Know just, just, what you are, ah, ah
Boy don't try to front, uh, I
Know just, just, what you are, ah, ah
Promise, papasok na ko sa office bukas Mr. T! dahil next week dadalawin na ko ng L.O ko! Patay. Nakausap ko sa school kanina si Mr. Ona and yun. Sa Monday daw siya pupunta sa office and patay ako! Kunwari may ginagawa na lang ako! Haha!
Ayun, galing akong school pero kuwento ko muna nangyari sa Quiapo. Galing kami ni Mama ng Quiapo Mr. T! kaninang hapon. Binilhan na naman niya ko ng salamin for the fourth time! Wah! This time Armani naman. Oh di ba? Sa Quiapo bagsakan ng mga salamin eh. Kung sa mall binili yung salamin ko mga libo libo yun. Sa Quiapo half the price. Tapos yun, habang nagshoshopping si Mama, nanghingi ako ng pera pangkain sa Jollibee. Kumain na si Mama so ako na lang kumain and siya nagshopping. Ay pumasok pala muna kaming simbahan para magdasal. Tapos yun, sa Jollibee, ang hirap ng problema ko, kasi gusto ko ng Spicy Chicken Joy, Aloha, Jolly Hotdog and Black Forest Sundae. So? Binili ko lahat! Hahaha! Matakaw ba ko Mr. T! Anyways yun, around 4:00pm natapos yung salamin na pinagawa tapos dumiretso ako ng school para magbigay ng oral, este moral support sa king mga friends na magdedefense. Pero bago ang kuwento eto yung mga nawala kong salamin ngayong taon na toh. Yung huli yung pinakabago:
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Ayan, yung naunang pic, November last year yan sa kwarto ng kapatid ko. Tapos yung sumunod, sa Antipolo yan, mga March, tapos yung isa sa thesis room mga July, tapos ayang last kanina lang yan sa Gox! Haha! Habang naghihintay sa verdict ng defense nina Tin, Aubs and Jobs. Haha! Grabe ang dami ko na naging salamin! Isama ko kaya pati mga contact lense kong nagsiwalaan din? Haha! At san ako pinakamaganda? Haha! At tumaas na grado ko! Kaya pala lagi akong nahihilo! Amp!
Ayun, speaking of thesis. Ampota. Tawanan na lang din natin mga nangyari sa aking mga kaibigan. Tulad nga ng sinabi ko kanina kay Tin, hindi naman magpoprogram mag-isa yung system kahit maglulupasay kami kaiiyak. Haha! Tawa lang! Habang hinihintay sila matapos ako ng lab para mag-enrol. Grabe, bukas pa pala ko pwede mag-enrol. Cross enroll na naman ako Mr. T! Saya! Haha! Then lumabas na sila, tapos yung Munchkins na para sa panelists na hindi kinain, well inupakan ko. Ayun, wala kong magandang maiipapayo bilang kaibigan. Andun ako para pasayahin sila :-D Miss ko na yung 2 gagang yun eh! Miss ko na rin si Deck! Wah!
Then si Jobs umuwi na, si Aubrey and Tin naiwan kasama ko. Tapos hinintay namin si Ivan na nasa Imus pa lang nung una kong tinext. Tapos nasa Bacoor na. Tapos nasa Qurino na! Bilis noh! Galing talaga ng jowa ni Tin! Haha! Ayun, sabi ni Tin fave ni Ivan yung orange na Munchkins kaso 2 na lang natira kaka kain ko. Yung isa brown pa. Haha! Ayun. ang pinakamagandang eksena sa lahat --- naiwan si Ivan sa LRT1! Hahaha! Grabe, kamamadali naming 3 dahil jumping train yung dumaan, si Ivan, ayun, nasarahan ng pinto! Hahaha! Naiwan si Ivan ang bagal kasi parang babae! Hahaha! Hinintay na lang namin siya ni Tin sa D.Jose. Then yun, LRT2 then umuwi na ko, may fried chicken sa bahay, go go go pa rin. Kain lang Jacob! Tapos pinasasama ko ni Mama magdeliver ng gamot sa Cardinal! Ay ayaw ko! Pagod na ko! Hahaha! Sige sige Mr. T! Update you soon! Ay oo, may napanood ako sa 2nd Avenue, yung Moment of Truth. Ganda nung palabas grabe! Hahaha! Update you soon! :-D
Pahabols. Dahil sabi ni Tin iblog ko yung sinabi ko kanina:
Tin : Oist, Jacob, isave mo para kay Ivan yung mga orange…
Jacob : Ah, wala akong flash drive. Haha!
Tin : Ay! ay! Kailangan mong iblog yan! Haha!
And yeah, last na talaga, ang hirap talaga mag-iwan ng comment sa Blogspot. Daming eche bureche! Haha! Nakakabobo ang daming options! Katamad! Daming dapat iclick at itype. Haha!
If you're looking for Boston Movers, you've definitely come to the right place. Get the skinny on what real people are talking about. Read below for more information from their site.
Their state-of-the-art storage facility is the best you’ll find and climate-controlled with a large network of security cameras. And since its people are second-to-none, they work hard to keep them that way by paying them well and providing such amenities for its drivers such as an employee lounge with bunk beds and laundry facilities. Not surprisingly, many of its drivers and movers have been with them for more than 10 years—a few have even been there 40! They think that kind of experience is worth holding onto for our customers.
Humboldt is the oldest, most experienced Boston moving company in Massachusetts. The team of professional movers manage local and International moving assignments. Take the worry out of moving with a Boston moving company that takes care. From planning and employee relocation services to car shipping and art storage, they are a mover that wise customers choose. Enjoy the responsiveness of an independent moving company and the moving resources of a key agent for a national carrier. There's no moving company that can offer more. Visit their site now.
This will be quick Mr. T! Sobrang pagod na ko. Ang daming ginawa sa office as in! Pagkatingin ko sa orasan ko 6:00pm na. Uwian na agad! Si Rhitz tumawag magkita raw kaming 3 nina Barry. So I waited for almost 2 hours sa office kasi nasa Greenbelt pa lang sila ang kukunin kotse ni Barry sa CSB dahil kotse ni Luis yung gamit nila kanina. Pero nung dumating si Barry sa the Fort, hindi na sumama si Rhitz dahil sinundo kapatid niya somewhere. Hay. Nasad ako. Nainis lang kala ko pa naman aalis kami ng tatlo kami. Anyways, ayun, nagGreenhills na lang kami ni Barry. Kumain sa Racks and nanood ng COD at medyo tumingin sa Midnight Tiangge. Ayun, bukas na mga funny na kuwento. Antok na talaga ko Mr. T! Dumaan lang ako para mag-update. Birthday pala ni Sir Mico and Sir Eugene ngayong November. May double celebration sa office kanina kaya may kainan. Anyways, sige sige, update you tomorrow na lang Mr. T! Wala namang pasok bukas. :-) And good luck sa defense din ni Barry tomorrow! Kaya mo yan friend! :-) Basta busog na busog ako ngayong araw na toh Mr. T! Grabe gusto na sumabog ng tiyan ko! Dapat magtatagal pa kami sa Greenhills kung hindi sumakit tiyan ko! Buwisit! Haha! Sige! Night!
Habang nasa kotse. May nadaang billboard ni Piolo:
Jacob : Ay Barry! Kunwari papipiliin kita! Thesis defense or sex with Piolo? Hahaha...
Barry : Ang dali naman ng tanong mo!
Jacob : Game ano?
Barry : Malamang sex with Piolo! Hahaha! Thesis defense may next term pa! Haha!
Habang kinukuha ng waiter order namin kagabi:
Jacob : Ano tong Premium Boneless niyo? Beef po ba toh?
Waiter : Fork po yan.
Jacob : *tingin kay Barry* Ahhh fork yung Beef na lang. Ikaw Barry ano order mo?
Barry : Akin Apple Pie A La Mode na lang
Jacob : Sige bossing, yun lang order namin and tubig na lang.
Waiter : Isang Beef Premium and isang Affle Fie A La Mode
*umalis na yung waiter. Barry and Jacob nagtawanan*
Jacob : Tang ina ka! Pinahirapan mo pa yung waiter sa order mo! Hahah! Puros letter Fi!
Barry : Hahaha, malay ko bang social siya! Haha!
Habang nag-eemote na naman si Barry:
Barry : Grabe Jacob, after Christmas, New Year, after New Year, Valentine's Day! Hay... sad
Jacob : Sos! Eh di matulog sa Valentine's Day! Problema ba yun!
Barry : Sige ako maglalamay na lang!
Jacob : Hahaha! Ng puso mong matagal ng patay? Hahaha!
Barry : Gaga! Okay lang yan. Hindi natin kailangan ng jowa.
Jacob : Oo nga!
*sabay may dumaan ng lalaking sobrang kahawig ni Tong sa Love of Siam. Kalbo, chinito, matankad maputi. Malamang GH yun kaya maraming Chinese. Barry and Jacob nagtinginan*
Jacob : Hahaha! So hindi natin kailangan? Hahahah!
Barry : Joke lang yun! Hahaha!
Jacob : Shet hindi niya ko napansin!
Barry : Baket?
Jacob : Ako si Mew! Ano ba!
Barry : Sira ka talaga! Hahaha!
Jacob : Lika na mukhang papuntang Mindight Tiangge. Sundan natin! Hahaha!
Barry : Hindi pa tayo nagbabayad gaga! Hahaha!
Habang nasa Tiangge, may nakita kaming mga cute na pins:
Jacob : Ay tignan mo yun pin oh, bagay kay Jeffrey "HOY!! LAWAY MO TUMATALSIK!!!". Hahaha!
Barry : Ay ay tignan mo yung pin na yun! Bagay sa kin!
Jacob : San?
Barry : Eto oh: "HOY! MAGMOVE-ON KA NA!"
Jacob : Wow! Oo nga! Dali gusto mo bilhin ko for you!?!?! Haha!!!
Barry : Sira! Hahaha!
Habang naglalakad sa Tiangge:
Jacob : Shet Barry! Sakit ng tiyan ko!
Barry : Ano gagawin ko?
Jacob : Natatae na ata ako! Haha!
Barry : Puta!
Jacob : Sige uwi na tayo! Haha! Bye!
At buti malapit lang talaga ang Greenhills sa bahay! Haha!
Grabe, naghahalukay na naman ako ng mga naburn kong CD's! Tapos tapos, nakita ko tong video na toh! Grabe, ang tagal pala namin mamili ni Jeffrey ng kakantahin! Ahaha! Tapos di ko pa alam title ng Time Will Reveal nung mga panahong yun! At sinabayan ko na lang yung kabilang room dahil hindi namin alam yung title nung song. At after 3 minutes lang nakahanap ng kakantahin si Jeffrey! Haha!
Grabe ang bilis ng oras Mr. T! Mahigit isang taon na tong video na toh. Napapasmile tuloy ako. :-) Actully may entry ako sa date na toh. Hindi ko alam baket pinrivate ko. Haha! Pero masaya masaya. Kakareconcile lang namin actually ng mga panahong toh eh! Haha! Shucks, nakakaaliw panoorin kahit wala kaming ginagawa sa video. And yes, malaki ang naging role ng Nokia 6630 sa buhay ko Mr. T! Haha!
Actually, ang dami pang videos! May Timezone videos din akong nakita sa CD! Haha! Parang gusto ko ipost lahat! Hahaha! Joke! At galing ako sa bahay ni Ate. Natulog lang naman ako at kumain dun! At matutulog na naman ako ulit! Haha!
Gumimick kapatid ko ngayon. At grabe, pagpasok ko sa kwarto niya, ang daming pabango na nakakalat! Wow! Tinalo pa ko sa sobrang dami ng pabango! At at malala ubos lahat ng pabango niya! Haha! Kalowka! Pero hindi rin naman kasi ako mahilig sa pabango pero mahilig ako sa taong mabango! Haha! Labo. Anwayys, hindi na naman ako makatulog. Galing Divisoria si Mama and si Dyesa yung kasambahay namin. Walang tao sa bahay kanina pagkauwi ko. So hindi natuloy plano kong lumayas ngayong Sabado ng gabi dahil patay ako sa nanay ko malamang!
Actually, gusto ko gumawa ng entry inspired sa isang entry ni Aubrey. Well, eto ang aking version. Presenting, my kakaibang pangaraps:
Hahaha! Taeng mga pangarap yan. Though yung iba diyang posible and attainable. Yung iba ata mukhang malabo! Hahaha! Anyways, nagpaantok lang ako Mr. T! Good night na sa yo :-)
Okay Mr. T! Buhay ako! Wag ka mag-alala. Marami lang akong inayos kahapon kaya nakalimutan kita. Anyways, kadadalaw lang ng L.O. ko na si Sir Ona. At grabe, sabi ni Sir Mikko may issue ako sa pagiging absent! Aba! Once lang naman ako umabsent ng hindi nagpaalam ha! Hmmm... so yun. Masakit ulo ko actually Mr. T! Hindi ko alam baket. At kanina, papuntang HSBC, hinatid ako ni Ate and Mama! Wow grabe! Preschool? Haha! Ang lakas ng ulan kanina Mr. T! Grabe, kita dito sa building. Actually wala ng kita dahil sobrang lakas ng ulan and puros color white na lang makikita mo. Hmmm... ano pa ba, yun lang muna Mr. T! Dumaan lang ako dahil marami pa kong gagawin. Tapos meeting pa mamayang 8pm sa Megamall with thesis groupmates. And yes, pumasa na si Barry sa thesis nila! Yey! Congrats Barrihanna!! Haha! Sige sige yan na muna Mr. T! Wala pa ko sa mood mag-update. Dumaan lang ako para magparamdam.
Anyways, kuwento kahapon habang nanonood ng The Buzz kasama si Mama:
Jacob : Ay, si Aiza Marquez yung nagpakasal sa tibo!
Mama : Sos, parang tanga, ginagawan pa ng issue yan. Tanggap na naman yan ngayon.
Jacob : Wow! So pag nagpakasal ako sa lalake tanggap mo na rin? Haha!
Mama : Baket hindi! Basta ba mahal ka nung lalakeng pakakasalan mo at masaya kayo
Jacob : Ma? May sakit ka?
Mama : Eh yun naman gusto mo eh. Kung san ka sasaya. Wag ka lang magpapaloko sa mga lalake
Jacob : Ay, may ganun! Inay, baket ang drama mo? Haha!
Mama : Gago! Hugasan mo pinagmeriendahan mo!
Napaisip ako bigla sa sinabi ng nanay ko kahapon Mr. T! May advantage din pala ang pagiging out sa family. Kung iisipin, at the end of the day, kahit anong galit kin ng magulang ko nung nalaman nila na bading ako, hindi maiaalis ang katotohanan na anak pa rin nila ako and magulang ko sila. Bugso lang siguro ng damdamin yung naramdaman nila nung nalaman nila na isa akong darna. Time heals all wounds nga kung baga. Anu ma't ano mang mangyari, isa pa rin kaming pamilya. Alam ko na mahal nila ko despite of. Mahal ko rin sila. Mahal na mahal ko sila. :-)
At san ka nakakita ng kuya na hinahanapan ng boyfriend na kano ang nakababata niyang kapatid na lalaki? Haha! Kuya ko lang! Haha! May sayad din kuya ko amp!
At san ka nakakita ng tatay na binibilhan ng Mariah Carey DVD ang kanyang anak na lalaki? Tatay ko lang! Haha! :-) amp!
San ka nakakita ng nanay at ate na pagnakakita ng poging dumaan, titigaan ka at sasabihin, HOY HAKOB ANG POGI OH! Wala! Nanay at ate ko lang! Hahaha!
At san ka nakakita ng bunsong lalaking kapatid na magkukuwento ng kalandian ng bakla niyang prof sa kuya niya? Wala! Kapatid ko lang! Hahaha! Potek! Haha!
Ayan medyo sumaya ko. Ganyan pamilya ko. Haha! Sige sige, pota napadaldal ako. At at, ako pala nangongolekta ng mga code names and wish list ng mga tao dito sa office. Ako gagawa ng palabunutan. Haha! Saya saya! Sige Mr. T! Update you soon! :-)
Ay, May bago akong kinababaliwan Mr. T! Presenting the HEAD MASSAGER! Para kang naka ecstasy promise! Hahaha! Ang sarap sarap sa ulo. Sarap ng feeling. Haha!
Tang inang tong device na toh! Ang sarap nakakahigh! Shet talaga! Nakakakilabot siya pero ang sarap. Sabi ng kapatid ko nakakatanggal daw ng stress yan. Nagrerelease ng endorphins yung katawan pag nilalagay daw sa ulo. Sarap ng may nurse na kapatid! Hahaha! Actually kay Manang Luz yang head massager. Bibili ako niyan bukas! Hahaha! Or papabili ako kay Mama! Haha!
Mahilig ako gumawa ng mga website since high school. Alam yan na aking mga loyal supporters since Mariahscape. Haha! Shucks, naalala ko tuloy. Ayun, sobrang kaboringan kahapon, nakagawa ako ng bonggang layout para sa No Time To Cry. Naaliw ako Mr. T! Ang ganda ang ang organized niya. Tapos favorite color ko pa pala ginamit ko! Hahaha! Minsan talaga ang creative juice lumalabas pag hindi mo iniisqueeze! Haha! Kung tatanungin talaga ko kung anong programming language lang ang alam ko, masasabi ko na HTML at CSS! Haha! Plus Fireworks and Photoshop. Gusto ko matuto magFlash Mr. T! Pag may time mag-aaral ako nun. Sana MMA na lang kinuha ko sa CSB kesa nagkandaleche leche buhay ko kakaprogram sa CCS! Amp! Hahaha! Anyways, below is a screenshot of what I did the whole Sunday yesterday. Haha!
Nabobonggahan ako promise dahil ang powerful pala ng CSS! Haha! Ngayon ko lang narealize na okay gamitin ang CSS. Haha!
Anyways yun, leche, tinext ako ni Mighty na hindi raw tuloy ang meeting. Nasa SM Megamall na ko nun ha! So yun, kinain ko na lang yung mga Doritos and Potato Fries na binili ko habang naglalakad papuntang Galleria then bus sa Ortigas. Eto magandang pangyayari, barag barag phone ko! Nalaglag sa Guadix Drive habang patawid ako! Kala ko nalagay ko sa bulsa ko sa long sleeves ko! Shet, puros gasgas na phone ko! Tapos nag UNEXPECTED ERROR OCCURED daw! Pero buti gumana na siya ulit. At gusto ko sana ikwento yung Korean na sumakay sa bus kanina. Kaso wag na lang. Haha! Naaliw lang ako sa kanya. Anyways, yun. Update you soon Mr. T!
Bored ako. Magboblog ako. Haha! Tama na muna pagpapakabibo dito sa opisina. Kahapon pa na nagbibibo-bibohan dito! Haha! Wala namang kaganapang kablog blog sa totoo lang. Work lang yun lang. Pero kanina, habang naglulunch ako sa Jollibee, may dalawang magjowa sa harapan ko. Lalake at babae para malinaw lang. Ang sweet nila. Eh di ba mag-isa lang ako lagi naglulunch Mr. T! Shucks, ngumingiti ako mag-isa habang pinagmamasdan ko yung magjowa. Hindi kaya akalaing baliw ako kanina nung mga crew sa Jollibee? Hahaha! Though I haven't been thinking about anything relationships lately, bigla ko natanong ang sarili ko:
"Ano kaya ang feeling ng may jowa?"
Kaasar noh? Baket ganun, college pa lang yung dalawang magjowa kanina, tapos ako grabe, lampas lampas na ang edad ko sa pagiging college eh never pa ko nagkajowa? Inis naman! Eto na naman ako! Pero napaisip talaga ako kanina Mr. T! Actually kagabi pa nung parang gulat na gulat ang aking mga new found friends sa internet na never pa ko nagkaroon ng romantic relationship. Mga common reactions nila:
"Talaga? 23 ka na tapos never pa?"
"Hindi ka naman panget baket wala ka pa rin?"
"Seryoso? Baket wala pa rin?"
Okay. Yun lang nasabi ko kagabi. Haha! Choosy ba ko Mr. T!? Hindi naman di ba? Maarte ba ko? Hindi rin naman. Nagpapakatotoo lang ako. Hindi naman ako yung taong para magkajowa lang magjojowa ako ng kung sino sino na lang. Yung for the sake na magkajowa lang? No no no. Hindi ako ganun. Eh di sana di ba ang dami ko ng X kung ganun ako. Pero hindi ako ganun. One thing I'm very sure about myself, I can't learn to love somebody. Hindi ko talaga kaya turuan sarili ko magmahal ng tao. It's either black or white. Mahal ko or di ko mahal (or yung hanggang friends na lang talaga). Hindi rin ako nagpaasa ng tao. I'll hurt them now than hurt them later kung kelan mas masakit na. Hindi ako ganun. Isa lang masasabi ko, lahat ng nanligaw sa kin before, friends kami. Hindi sila bitter sa kin dahil alam nilang from the very start nagpakatotoo ako. Pero ang tanong pa rin:
"Ano kaya ang feeling ng may jowa?"
Masaya kaya? Exciting? Inspiring? Nakakakilig? Nakakaasar? Nakakayamot? Ang dami kong tanong noh Mr. T! Parang si Little Mermaid lang nung kumakanta ng Part Of Your World. Haha! Sabay kanta "Wish I could be, part of that world... la la la...". Hala naloka na. Pero seriously, everybody gets lonely at some point in their lives. Minsan di ko naman iniisip dahil masaya ko sa family and friends ko. Minsan naman inaatake ako ng gusto-ko-magkajowa syndrome.
Masarap gumising na makikita mo unang una sa umaga ang jowa mo. Magogood morning kayo. Sabay smile to each other. Tapos hug and kahit may morning breath pa magssmack kayo. Ang sarap siguro nung ipagluluto mo ng breakfast yung jowa mo tapos kakain kayo ng sabay. Tapos magkukwentuhan kayo na parang walang bukas. Kung pwede magsabay sa shower magsasabay kayo. Tapos magtatawanan kayo. Tapos ang sarap siguro nung feeling na hahawakan niya kamay mo at sasabihin na pabulong na "I LOVE YOU" and ikaw rin magsasabi ng "I LOVE YOU TOO". Siguro ang sarap nung feeling na may nag-iisip sa yo and may nag-aalala. Tapos itetext ka at itetext mo "UY MUSTA KA NA JAN?" or "SANA OKAY KA JAN". Ang sarap isipin noh? Tapos magpapaalam siya sa yo kung san siya pupunta. Wala kayong tinatagong sikreto sa isa't isa. Ang sarap siguro sa pakiramdam Mr. T! Tapos tanggap niya buong pagkatao mo. Tapos nagkakasundo kayo at minsan nag-iinisan sa mga bagay na hindi niyo mapagkasunduan. Pero at the end of the day, maglalambingan kayo kahit may differences kayo. Yung maoout of town kayo. Or more out of the country na kayong 2 lang. Since mahilig ako sa beach, magbebeach kayong 2 lang. Nagsisimba ng sabay. Nagdadasal ng sabay. Shopping, grocery at maglakad kung san san lang. Mga nakaw ng kiss at walang malisyang akbay. Tapos dapat tapat pa siya sa yo at tapat ka rin sa kanya. At bago matapos ang araw, siya ang unang unang tao na tatanunging kumusta ang araw mo. Pagmamasdan ang pagtakip-silim at siya ang huling taong maggoogoodnight sa yo. Tapos hanggang sa makatulog ka siya laman ng utak mo. Awwww... hay... ang sarap siguro magkajowa Mr. T! noh?
Alam ko lahat yan positive, pero kung marunong naman umunawa ang isa't isa eh lahat ng negative pwede maging positive. O di ba? Kala mo nagkajowa lang ako kung magsalita! Haha! Pagdating ng panahon. Someday. Somewhere. A place in time. Hindi man siguro ngayon. Hindi rin siguro bukas. Balang araw dadating din yun. The only thing I can do right now Mr. T! is to wait. I rarely fall in love and I've been broken several times, but I know, I'll fall in love again and again. Hanggang may puso ako, magmamahal ako :-)
Exactly 3 years ago, masaya ang buhay! Wala akong permanenteng course niyan! Si Jeffrey naka-uniform pa and mukhang bata si Rhitz. Hahaha! As in kitang kita sa picture. Tunganga ka lang for the rest of the day, okay na. Hahaha! Oh beautiful days! Hindi pa pala namin friend si Barry niyan. Hahaha! Kalilipat niya lang ng CSB nun eh. Haha! At ang ganda pa ng Amphitheater three years ago. Ang ilaw ilaw. Ang bongga bongga. Ngayon nagtitipid DLSU! Pero yung tuition tumaas. Amp! Pero ang bilis noh Mr. T? Naalala ko pa yang picture na yan at mga pinag-gagawa namin sa Amphi niyan. Wala nakahiga lang kami at nagpapalamig at walang katapusang kuwentuhan. Hay and saya.
Walang nangyari sa buhay ko pag-uwi. Corny. Si Mama and yung 2 kasambahay nasa Greenhills pagkauwi ko. Sana man lang tinext ako di ba nung andun sila para dun na ko bumaba ng bus! Sige good night Mr. T! :-) Trabaho na naman bukas. Hay…
Ayan, since tinag na naman ako ni Aubrey, maglalagay na rin ako sa blog ko nito. Actually, masayahin akong tao Mr. T! Alam mo yan! Di na kailangan imemorize yan! Haha! Pero itry ko iblog yung mga bagay that never fail to make me happy. Simple lang naman ako eh. So eto sige na, ang dami ko na namang satsat. Hindi pala ako magtatag ng ibang tao dahil hindi ako ganun. Kung gusto nila irepost toh sa blog nila, go go go lang. Itag na lang nila sarili nila. So sige eto na po. In no particular order:
10 Things That Make Me Happy
Ayan, shet ang haba ata. Tama si Aubrey, pwede ko sagutin toh pagbored ako sa office! Hahaha. Anyways, ang traffic kanina. Nakatulog ako sa taxi. Ay dapat pala magMRT ako kahapon kasi nabuwisit ako sa pila sa bus terminal sa the Fort. Ayun, naglakad na lang ako papuntang EDSA. Hmmm... miss ko na si Rhitz and Barry. Sige sige Mr. T! Update you in a while? Haha! Sige sige... at may bago na palang blog si Deck. Buti naman nalaman ko yung link bago naipon entries niya!
From left to right, top to bottom, January til November yan. Oh di ba? Buong taon ako nagpipicture ng sarili ko! Haha! Narealize ko Mr. T! Mas bagay sa kin ang mahabang buhok. Kesa kalbo, or iksi, or effort hair. Nakakatuwa tignan haha. Kung magpaparebond ako ngayon ulit, babalik yung buhok ko sa pinaka unang buhok ko ngayong taon na toh. Ahihi! Aliw! I'm still beautiful no matter what they say. Haha! Parang gusto ko talaga magpahaba ng buhok ng bongga next year. Ang bilis noh Mr. T!? Matatapos na ang taon. Anyways, hindi pa naman to ang aking year ender entry dahil tuwing December 31 ko sinusulat yun. Gusto ko magpaRihanna hair! Hahaha! Okay, madali lang iachieve yun. :-D
Anyways, kagabi, nakachikahan ko si Ms. Jen bago umuwi. Kwentuhan tapos thesis meeting ulit sa Mega. Gaga ni Sheila, tinanong yung pangalan ng barista na cute, pinatatanong ko raw. Tae lang! Hello! Hindi ko gawain yun! Amp! Nahiya ako shet! Tapos sumabay si David kay Sheila, ako rin sumabay kay Sheila, hinatid si David sa may J. Ruiz since ako una hinatid ni Sheila sa bahay. Tinuro ko na yung way papuntang J. Ruiz station. Ang ganda nung t-shirt na nakita ko sa Megamall kahapon. Nakalimutan ko name ng botique eh. Pero mas maganda yun kung may chest ako nga bongga at may 2000php akong pambili ng t-shirt! Haha! Kahapon lang ulit ako tumingin tingin ng t-shirt para sa sarili ko. Namiss ko yung feeling. Tapos dapat magpapafacial ako kahapon, kaso wag na lang. Amp. Hmmm... Tapos yun, uwi, kain, tulog. O life! Saya! Tsk.
Late ako sa office ngayon Mr. T! Grabe, dumating kasi sa bahay yung inaanak ko na hindi ko alam na inaanak ko. Anak ng pinsan kong kasing age ko lang. Ang CUTE grabe. Nabigyan ko tuloy ng pera ng di-oras. Ayun, ang CUTE. Eto na naman yung time na gusto-ko-magkaanak-pero-ayaw-ko-ng-asawa mood. Haha! Ang cute talaga. Sabi nga ni Mama kanina ganun din daw ako nung baby. In fairness parehas kami ng shape ng mukha nun. Tabachingching tapos ngisi pa ng ngisi. Cute talaga. Kaya nalate ako dahil umalis ako sa office nung umalis na rin sila. Amp. Si Tita Grace pala kasama nung baby. Lola nun si Tita Grace. Nakakatuwa!
Tapos super ihi na ko sa taxi kanina. OMG, sa Hillcrest pa lang naiihi na ko. 40 minutes pa tiniis ko hanggang makapunta ko sa dito sa office. TRAFFIC PA! Shucks, sarap umihi! Haha! Anyways, yun muna Mr. T! Hindi kasi ako nakadaan kagabi. Update you soon. :-)
Is this...
Designing and programming my new blog layout... haha... via WordPad! Haha! Wala kasing Fireworks and Dreamweaver dito sa office. Napapractice tuloy aking programming skills! Haha!
Tang ina lang yung taxi driver kanina Mr. T! Shet! Inaway pa ko. Okay, sabi ko sa sarili ko, cool lang. Stress yun. Nakakapagit. Haha! Pero okay din, mas mura yung fare ko kanina. Pero uminit ulo. Buti magaganda yung sounds kanina dun sa taxi niya. Kung hindi, nasira ng bongga umaga ko.
Anyways, sinundo ako nina Ate yesternight dito sa office. Yep, nasa Serendra sila nina Erwin and Tito Robert. Tinotour yata ang aking tito. So yun, since sabi ko hindi na ko sasama sa pagsstroll, tawagan na lang nila ko kung tapos na sila maglakad lakad and mamili. Ayun, 8pm ng bumaba ako ng office and andun na rin yung kotse.
Pagkasakay ko ng kotse:
Ate : Ang gwapo nung kasabay mo lumabas nakita mo?
Jacob : Nyi, kafloor ko yun, di ako naguguwapuhan dun! Landi mo lang! Haha!
Ayun, katabi ko si Tito Robert sa kotse kahapon. Okay, ang topic sa kotse, ANG AKING FUTURE. Amp. Oo lang ako ng oo buong time nagsasalita si Ate and si Erwin and si Tito Robert. Nung nagsasalita ako and pinapahayag ang aking self, grabe, natakot ako, I sounded like and adult. Shet! Tae lang talaga. Sobrang hindi ako yung kausap nila kagabi. Haha! Yun ang aking subconscious self! Haha! Napaisip ako bigla sa kotse kagabi Mr. T! Malapit na rin ako grumaduate and mga bagay bagay about my future started to sink in last night. May mga pangarap din pala ako.
Habang nag-uusap sa kotse:
Jacob : Magkano kaya sahod ng mga VP sa HSBC noh?
Ate : Mga 6 digits yun. Baket balak mo maging VP? Haha!
Jacob : Baket hindi, ang laki ng sahod nun. Mabubuhay na ko.
Ate : Sus! Kita ko lang sa isang araw sahod nila sa isang buwan!
Jacob : Aba! Nung mid 20's ka ba ganyan na kita mo?
Ate : Hindi!
Jacob : Yun! Gaga! At 10 years ago, medrep ka lang ng Bristol! Yabang neto! Haha!
Ganyan lang kami mag-usap pero hindi talaga mayabang Ate ko. Pag gaguhan moments lang nagyayabang yan. Amp! Pagmemedrep, pag-aabroad, pagiIT, pagbaBangko, pagtatrabaho sa mga bonggang hotel, pagbubusiness etc. Yan ang mga bagay bagay na ibinato sa kin ng Ate ko kagabi. Okay, since hindi ko nakayanan pinaguusapan sa kotse kagabi, pinalitan ko yung topic. Haha! At ang topic, ilan naging X ng Ate ko at baket wala pa rina kong jowa! Haha! Ayun, mas okay. Mas walang stress yung topic. Haha! Then kumain kami sa JT's sa Gilmore. Then went home na rin. And ang bilis ng oras. Kita ko na lang mage 11pm na agad. Nakakapagod yung araw kahapon. Litong lito ko sa pinagawa dito sa office. At eto tambak na naman siya. Haha! Sipag ko talaga! Ahihi...
So yun Mr. T! Bigla ko tuloy naalala yung isa sa mga favorite religious songs ko! Pilgrim's Theme! Amp! Pero hindi ako magpapari ha! Nu ba! Haha! Sige update you soon Mr. T!
"Each must go his way, but how can I decide
Which path I should take, who will be my guide
I need some kind of star to lead me somewhere far
To find a higher dream in the greater scheme of things
- Pilgrim's Theme, Bukas Palad"
Dahil since last week pa sinisipat ng mga tao yung tiyan ko. Ni Sheila, ni Mighty, ni David, pati yung banner ko dito sa Tabulas sinisipat na rin. Ayan, magpost tayo ng tiyan ko. Ako yang nasa banner and tiyan ko rin yan. Hmmm... gutom ako niyan kaya ganyan itsura niya sa pics. Hahaha! At parang bold star lang ako. Malapit na! Haha! Request din ni Aubrey na ipost ko tong pic na toh! Haha! Pero yung isang picture ata yung gusto niyang ipost ko. Pero mas okay toh. Mas madrama! Haha!
Tired. Story on next update. Night!