Entries for June, 2009

Related Post:

Oh ha oh ha. May Part 2 na Mr. T! This time, bigger, better, the more, the merrier! Hahaha… sana sa mga susunod na muling pagkikita, mas marami pang sumama! Susme naman mas maraming chismosa nun! Hahaha! Malamang, kung hindi mga chismosa yan, hindi magiging mga blog friends kami! Hahaha!

Puros babae kasama ko nung Linggo! Hahaha! Wala man lang lalake --- tunay na lalake. Hahaha! Ang saya dito sa Tabulas Mr. T! noh? Kaya ilang taon na hindi ko pa rin maiwan iwan tong blogsite na toh. Feeling family talaga lahat. Saya saya. Nakwento na ng mga bruha mga nangyari sa mga blog na nila. Ano pa maiikukuwento ko? Pero hindi dapat ako makakarating nung Sunday kasi sobrang daming ginagawa dito sa bahay.

Nilinis namin yung third floor kasi may gagawing cabinet dun (na hanggang ngayon ginagawa pa rin). Tapos sobrang dami ng kalat. Sabi ko sa nanay ko may commitment ako with friends kaso ayaw talaga ko payagan. Tapusin daw muna namin yung ginagawa namin. Eh walang katulong susme. So yun, buti walang luto for lunch nun. So si Ate, hulog ng langit tumawag, pumunta raw kami muna sa bahay niya at dun maglunch. Wow, magandang moment. Sabi ko kay Mama, uuwi muna ko pagtapos kumain. Aba, dumirecho na ko ng Trinoman pagtapos ko maligo! Hahaha!

image

L-R: Jacob, Nanay Jong, Ems, Cha, Charee, Camille, Aubrey

So yun… nameet ko na ang mga present na Tabulas + Blogger friends… in no particular order: Ems, Cha, Camille, Nanay Jong, Charee, Aubrey, at ako? Hahaha! So yun, super saya. Charee and Ems had to leave early. So naiwan kami dung 5? Nagbeer. Nagwala.Nagpicture. At kumain sa Red Ribbon after. Hahaha! At ang lakas ng ulan sobra. Puros na lang pala may “RED” pinuntahan namin. Hahaha! Sana naman sa susunod makapunta rin yun iba. :D Hay ang saya saya… tapos meron pa palang regalo sa min si Nanay Jong. Weee… at Ems, sorry pero uulit-ulitin ko, kala ko talaga heavy ka. Hahaha! Hindi pala! Yikeee… natuwa! Hahaha! So yun…

Anyways yun, bisitahin niyo na lang mga blog ng mga yan. For sure, may mga entry yan. Naunahan na ko. Eh ngayon lang ako nakaharap sa computer since nung Sunday. May susunod akong update Mr. T! Diyan ka lang…

Currently listening to: Open Arms by Mariah Carey
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on June 2, 2009 at 10:41 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family | 10 comment(s)

Sila kasama ko almost half the day kahapon. O di ba? Though hindi bading sina Patty and Gene, parang bading na rin sila para sa kin. Babaeng bading. Hahaha! Wala pa akong tulog kahapon. Galing ako sa OsMak at nagduty. From Trinoma, nagOsMak ako. From OsMak may ginawa sa RCBC then dumiretso sa school. Si Luis talaga pakay ko sa school kaya ako dumiretso sa school. Tagal na raw namin di nagkikita kaya magkita naman daw kami. Sabi niya daanan niya na lang ako RCBC dahil ihahatid naman daw niya si Robert sa work. Aba, may car na ang aking friend. Pero sabi ko huwag na lang, jeep na lang ako papuntang school since 2 rides lang naman and hindi aabot ng 20 minutes yung bihaye. So yun, pero habang naghihintay ako sa RCBC bago pumunta ng school, nag status ako sa Facebook na “Naghihintay sa school…”. Nagcomment si Benson. Nasa school din siya. Ang alam ko na lang na sunod na nangyari, pinasusunod niya ko sa F Salon malapit sa SDA building dahil nagpapakulay siya ng buhok. Oo na, pag hindi ako online sa YM, icheck niyo Facebook, online ako dun. Hahaha! Ayun, so, siyempre ako, Mr. Impulsive as ever, pinuntahan muna si Benson. Wala pa si Luis sa school. At nalaman ko rin na dadating si Barry sa school dahil may pag-uusapan sila ni Benson. Okay. Mukhang magiging masaya ang araw sabi ko.

Pinuntahan ko na sa F Salon si Benson. As usual, tawa kami ng tawa. Weird. Tapos chinichika rin namin yung parlorista. Pero nung nakita ko laman ng wallet wala palang pera, sabi ko kay Benson babalik ako para maghanap ng kayamanan. Haha! So yun, after magpakulay ni Benson. Since wala na siyang class, naglakad lakad kami sa Taft and dinala ko siya sa Eric’s. Ang tagal ko na rin di nakakapunta sa Eric’s Mr. T! So yun, kumain kami ni Benson and then si Luis hinahanap na ko kung san daw ako nagsususuot. Pumunta kong Agno, wow, nakasalubong ko si Barry, papuntang Eric’s. Then si Luis naman, nakita ko, naka shorts. Parang pekpek shorts for guys. Hahaha! Sabi nga ni Luis tete shorts. Haha! So yun, dinala ko sa Eric’s yung dalawa and then from Eric’s, pagtapos namin ni Benson kumain, dumiretso kaming Red Ribbon.

Aba, andun ang mga friends ni Luis na si Gene and Patty. Magkikitakita rin pala sila. So isang table kami. Si Benson and Barry may kinuhang gamit sa kotse ni Barry and kaming 4, Luis, Patty, Gene and Ako, umupo na sa Red Ribbon at nagkwentuhan at kumustahan. Birthday ng jowa ni Luis sa Thursday so nag-iisip siya ng regalo. May assignment din si Luis pero hindi niya ginawa. Instead, ininivite niya kaming magProvidence at iniwan ko muna si Barry and Benson since mag-uusap sila ng masinsinan. May mga pictures sa Facebook ni Patty namin ni Luis! Kaloka! Hahaha!

image image

Hindi pa nakakapagpahinga vocal chords ko. Kakavideoke lang namin ng mga Tabulistas the other day. Tapos eto si Luis, nanlibre na naman sa videokehan. Patay ang vocal chords ko. Si Luis pa, dapat magdiva divahan din ako pag kasama ko yun. Awa naman ng Diyos, hindi bumigay boses ko. Then sina Barry and Benson sumunod sa Providence. So yun, puros bakla na yung nasa room kahapon. Ang saya saya! Hahaha! Then salamat sa Diyos naubos na ang tokens, so naghiwa-hiwalay na kami. Si Patty pala nauna na since may class siya. Si Luis may class din at si Gene din. So kaming 3, Barry, Benson at ako, pumunta muna sa bahay ni Benson para may kunin. So yun…

Antok na antok at masakit na tiyan ko Mr. T! So nung nasa bahay na kami ni Benson, ang kapal ng mukha ko, nakigamit ako ng CR at nakiidlip muna sa sofa nila. Hahaha! Then after nung ginawa nina Barry at Benson sa bahay, tumuloy kaming Serendra then nag Market! Market! Umikot ikot then napadpad ng High Street. Ayun, gutom na naman ako Mr. T! So nilibre ko yung dalawa sa Brother’s Burger. Then kwentuhan ulit. Si Benson at mga kagaguhan niya. Nakakahiya dahil feeling ko rinig yung pinagkukuwentuhan namin sa loob nung Brother’s Burger. Haha! Pero kebs lang. So yun, then umikot sa High Street. Tumingin sa Speedo. Bumili ng inumin sa grocery ng Market! Market! NagFully Booked and then nung napagod na, nagpadesisyunan na naming umuwi. Since 6PM na rin. Then yun, binaba namin ni Barry si Benson sa may Ayala and then kami ni Barry nag C5 na lang. Grabe, nag-emo pa kami ni Barry nung mabasa namin yung text ni Rhitz. Hahaha… at bigla kaming nagtampo. At kung anu-ano naisip namin…

Di ba totoo naman eh Mr. T!

  • Kung mahal ka talaga ng isang tao, tatanggapin ka niya ng buong buo kahit ano ka pa. Tatanggapin at tatanggapin ka niya…
  • Na ang pinakamatibay na foundation para sa isang relasyon ay pagkakaibigan…

Nag-eemote kami ni Barry habang nasa flyover sa C5 papuntang Eastwood. Haha! Dapat mageEastwood pa kami ni Barry kaso pagod na rin kaming dalawa. So umuwi na rin kami. It was a day Mr. T! Pagkauwi na pagkauwi ko, nakatulog ako. At ang sarap ng gising ko. Hehehe…

At grabe, June na pala. Kalahating taon na ng 2009 agad ang lumipas...

Currently listening to: I Kissed A Girl by Katy Perry
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on June 2, 2009 at 01:06 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining | Post a comment

Nagenroll ba naman sa gym kasama ko? Good luck talaga. Hahaha! This is it. I'll be gym-ing on top of everybody else. Literally yun. Hahaha! Goodness lang talaga. Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw? Hahaha... update you soon Mr. T! Si Karol pala nasa ospital. Dalawin ko maya maya bago pumasok. At ako na namang katulong dito sa bahay. Good luck talaga sa kin... :(

Currently reading: Facebook window
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on June 4, 2009 at 12:06 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Note: Pina-iksi ko na tong entry na toh. Sobrang ma-emote yung sinulat ko kagabi. Hahaha... ayaw ko na ng drama. Nakakapanget. Sabi pa naman ni Cha, ang gwapo ko! Hahaha! Sige eto na...

Ilang linggo ko nang pilit binubungkal ang tunay na nararamdaman ko. Ilang pilit ko nang pinagsisiksikan sarili ko sa mga bagay at puwesto na wala namang lugar para sa kin. Sinubukan kong hanapin yung lugar kung nasan ako mahigit isang taon na ang nakararaan --- wala na ko roon. Sinubukan kong bumalik --- hindi ko na mahanap yung lugar na iyon...

Akala ko dati hindi mawawala tong pagmamahal na kaya ko ibigay. Akala ko dati, kaya ko hangga't kaya ko. Akala ko dati, kaya ko maghintay, maghintay ng walang hinihiling na kapalit. Nagkamali ako. Mali lahat ng inakala ko. Hindi ko na rin kinaya. Matagal na kong bumigay. Pero kahapon lang, nung kausap ko ang isa kong kaibigan, bumalik sa kin ang lahat ng mga nangyari. Wala na kong maramdaman. Wala na kong kibo. Wala na ko sa lugar na iyon. At ayoko na bumalik dun dahil ni minsan, hindi man lang kinatok ang pintuan kung nasan ako. Hindi man lang ako hinanap. Hindi man lang naghanap. Ayoko na. Sawa na ko. Napagod na ko. Gusto ko ng sumaya.

Sinubukan kong pakinggan mga kantang nagsilbing paalala, wala na. Naging normal na lahat ng mga kantang iyon. Pati ang lyrics, ang instrumental. Ordinaryo na lahat sila at kahit isang emosyon wala na akong naramdaman. Pinilit kong may maramdaman ako. Napangiti na lang at nagbalik-tanaw at sinabi sa sarili na tama na ang lahat ng iyon. Sapat na minsan natuto ako sa mga kamalian ako. At naging masaya ako. Mahirap ikumpara yun, pero susubukan kong mahigitan.

Wala na. Wala na talaga akong maramdaman. Masyado na kong naging mabait. Masyado na kong nagpakababa. Gusto ko namang sumaya. Ako naman. Ako naman. Ngayon, masasabi ko na kaya ko nang magmahal muli. Kaya ko ng ibigay ng buong buo ang sarili ko para sa bagong taong makikilala ko. At mukhang nakilala ko na siya... hahahaha... hindi ko muna papaalam. Hahaha! ;P *kilig* Ni hindi niya rin alam. At salamat sa Diyos hindi ko siya nakilala online. Hahaha... wish ko lang type niya rin ako! Wish lang naman! Hahaha! Pero hirap mag-assume shet. Hahaha! Pero parang mahal ko na siya! Hahaha! Joke! At okay lang kahit wala ka laging load, may Facebook naman! Hahaha! Bahala na... mawawala na rin tong blog ko ilang days na lang. Ewan ko kung malaman pa ng mundo in the future kung magiging kami. Wah! Assume na naman ako! Hahaha! Pero puta, kinikilig ako... wah!

Sige aalis pa kami ni Luis Mr. T! :-) Biglang nag-imbita. Amp.

Currently listening to: air-con fan!
Currently reading: Luis' text message
Currently feeling: kinikilig
Posted by jjcobwebb on June 5, 2009 at 01:19 PM in Everyday Drama, Gayness | 8 comment(s)

Na jowa ni Luis for 3 years na. “Pakisabi nice meeting her” --- yan text ko kay Luis pagtapos ko mameet in person si Robert. At tawa ko ng tawa sa reply ni Luis nung tinext ko yun. Hahaha! I love me some gay friends. Weee…

Hello Mr. T! Parang hindi na ko natutulog grabe. Kahahatid lang sa kin ni Luis dito sa bahay almost 11PM na! So yun, finally nakasakay na ko sa kotse ni Luis. Hahaha! At siya na rin ang nagdadrive! Lagi niya kasi akong gusto sunduin para magjoyride. Hahaha! Anyways, nagkita kami sa Trinoma. Pero since ang daming tao, napadpad kami sa Quezon Ave., Tomas Morato, West Ave. at kung san san pa. Ang lakas na ng ulan pero gala pa rin kami. Wala na kaming makita sa wind shield pero gala pa rin. Pictures!

pink

O di ba parang kami lang? At si Luis lahat gumastos para sa kin ngayong araw na toh! Hahaha! Swerte noh? Hahaha! Ayun, after namin magwasak ng vocal chords, sinundo na namin si Robert sa Makati. Jowa ni Luis si Robert at sa Makati nagwowork si Robert. Sobrang traffic sa EDSA Mr. T! Buti marami akong alam na shortcuts. At sabi nga ni Luis pwede na ko magTaxi driver. Hahaha! So yun, finally, nameet ko na rin si Robert. Awkward talaga dahil alam kong pinagseselosan ako nun. Pero hello naman, friends lang talaga kami ni Luis Mr. T! Hahaha… so yun. Basta, awkward ng feeling sa likod nung naguusap silang dalawa sa harap. Someday I’ll have mine. :-) At ipagdadrive ko rin siya. At susunduin ko rin siya from work. Weee… ang saya… ang saya nitong araw na toh. Hindi ko alam paano kami naging close ni Luis ng ganito pero ang close close namin sobra shucks. Pero one thing though, iba kumilos si Luis sa harap ni Robert. At nagulat talaga ko as in ibang iba siya sa harap ni Robert at harap ko. Hahaha! At 3 years na sila. O di ba? Sana ako rin magkaroon na! Hahaha! Dadating din yan Mr. T! :-) At ang daming plano ni Luis na gagawin namin pag puntang Puerto Galera ni Robert sa June ata or July. Hahaha… nakaplano na lahat ng rampa namin! Weee… hahaha!

At yeah, nag3 way conference kami kanina nina Barry and Rhitz sa cellphone kanina. Naaliw ako may ganun pala ang cellphone! Hahaha! Nagplano lang ng mga gagawin bukas. O siya Mr. T! May medical pa ko bukas sa gym. I love ya, I appreciate ya and I enjoy ya. Sana naman magmake up na ng utak yung weather. Yung utak ko sumasakit. Kanina ang araw araw. Tapos bubugso yung ulan. Tapos titigil. Tas hahangin. Wah! Gulo. Kaya ang daming may sakit! Sige Mr. T ! I’m out…

Currently reading: Calvin's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on June 6, 2009 at 12:07 AM in Gayness, Malling, Food and Dining | 6 comment(s)

Kanina pa ko tulog. Hahaha! Kanina pa rin ako kain ng kain.

Anyways, galing ako sa bahay ni Karol kanina. Hindi ako nakapunta nung nasa ospital siya. Si Wilmer nasa bahay ni Karol earlier pero umalis agad dahil may meeting sa Makati. Hindi ko siya naabutan sayang. Si KRV naiwan. Hinintay ako. Sweet ni KRV! Hahaha! Then yun, andun mga kapatid ni Karol. We talked. We ate. Had fun. And laughed and laughed. Buti naman okay na kalagayan ni Karol. :-) Namiss ko sila...

Then, pumunta ko sa Ideal para tumingin ng mga salamin. Grabe, wala kong type na mga frames kaya hindi ako bumili. Lintik na Armani yan eh. Baket pa kasi nawala. Hays... sige sige... try ko bukas pumunta sa Quiapo. Mas mura raw kasi mga salamin dun.

Update you soon Mr. T! :-)

Currently reading: Barry's text message
Currently watching: Luis' video
Currently feeling: sleep ulit
Posted by jjcobwebb on June 6, 2009 at 10:56 PM in Everyday Drama | Post a comment

Kagigising ko lang. Papasok pa ko. Galing akong Quiapo kanina para maghanap ng bagong salamin. Salamat sa Diyos nakakuha ko ng bonggang salamin. Mura lang. Half the price dun sa Ideal sa SM kahapon. Then umikot ikot. Nagsimba. Tapos tumingin-tingin ng mga DVD. Wala akong nabili dahil feeling ko putol pa yung mga series na gusto ko. Eto maliligo na.  Shucks, isang mahabang gabi na naman toh Mr. T! So yun, ano pa ba, hindi pala ko sumama kina Ate umalis ngayon. Pinilit ko talaga isiksik pagQuiapo ko. At baket ang dami kong bayarin? Ano ba toh...

Sige sige Mr. T! Update you soon okay? :-)

Currently reading: Gamehouse.com window
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on June 7, 2009 at 04:37 PM in Everyday Drama | Post a comment

At may libreng internet dito. Hahaha! Parang gusto ko na lang dito magpalipat ng duty. Nakakaburaot sa Pembo walang entertainment. Nagdeliver ako ng mga stocks. At gamit ko laptop ni Mau ngayon. Pag andito ko pwede rin ako magdala ng laptop. At si Luis nagyayaya na naman umalis. Wow, kapagod naman. Mag gygym pa kami ni Barry mamaya Mr. T! eh. Kailangan ko muna matulog. Update you soon Mr. T! :-D

 

Currently listening to: boses ni Mau at Bev
Currently feeling: uwing uwi na
Posted by jjcobwebb on June 8, 2009 at 08:59 AM in Everyday Drama, Drugstore | Post a comment

Nalungkot ako Mr. T! Wala na pala si Waway and Bo... sadness talaga. Shucks, napa emote ako tas umuulan pa ngayon. Hays ulit... pero yun nga sabi ko kay Waway... basta yun. Minsan ganun talaga noh? It happens. Kala ko pa naman sila na talaga hanggang grumaduate. Sadness talaga. Baket ako affected? Wala lang, sila kasi groupmates ko nung SYSDEV eh at nakita ko gaano nila kamahal ang isa't isa nun. Afftected talaga ko shet! Wah! Basta yun... galing kami ni Barry kaninang Megamall para magpaCheck Up sa gym. At kala ko sa Greenhills yung check-up. Wah... napatakbo talaga ko sa Megamall ng di-oras para hindi malate sa tinakdang oras. Wah... so yun, gym ulit kami bukas ni Barry. Desedido kong papayatin friend ko! Hahaha! At kausap ko si Waway ngayon sa Facebook. Nalulungkot ako para sa kanila. Takte! Update you soon Mr. T! At may H1N1 daw sa Pembo. Scary...

Currently listening to: Lovegame by Lady Gaga
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on June 8, 2009 at 11:33 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hay... everything started the same, got up late, had lunch agad, nanood ng Game Ka Na Ba... tapos... mejo nagvideoke muna... I really waited for this day to come kasi this day, i would be able to meet... SOY, a friend introduced to me by CYRIL, the vice-president of the Philippine Mariah Carey Fan Club. Ayun, medyo kinakabahan ako na sobrang excited kasi for after ilang months eh may kaEB na naman ako...Soy and I have talked on the net, on the phone, siya ang kaunaunahang taong nakausap ko sa phone na inumaga ako! ehehe... anyways... ayun... so mga bandang 1, medyo relax relax muna ko... nagtatanggal ng stress, antok at kung anu ano pa... 2pm, i started taking a bath... a serious bath... why serious? ksi sobrang bilis ako palagi maligo parati eh... ayun...sobrang feel ko maligo ngayon ewan ko ba... after taking a bath, nagbihis na ko... i made sure na i look good today... ehehe... tapos nag-gel, nagpabango( ewan ko kung may effect pa!) ayun, feel ko lang ang ganda ganda ko kanina... ehehehhe... so bandang mga 3:30pm umalis na ko sa bahay, hay... ang tagal ko magAyos noh! And then I waited for the SAN JUAN-CUBAO jeepney para makarating ako sa MRT-CUBAO-STATION... ayun, not less than 10 mins andun na ko... buti na lang maiksi ang line sa ticket booth kaya mabilis rin akong nakasakay sa MRT. Sa jeep pa lang sobrang tingin na ko ng tingin sa salamin, sa harap kasi ako umupo eh... feeling ko lahat ng tao nakatingin na sa kin kanina... ayun... tapos sa MRT, medyo matagal dumating ung MRT nun, pero okay lang. Supposedly, dapat sa SHANGRI-LA Plaza kami magmemeet kaso naiisip ko na naman SBARRO amputa kaya tinext ko si SOY na sa MEGAMALL na lang... pero ung MRT TICKET na binili ko sa SHAW ang STATION... ehehe... so ayun naglakad tuloy ako ng di-oras. While walking isang mama nahampas ako ng mga dala nyang pinamili! Ang tanga tanga niya... nd niya tinignan kung may tao sa likod niya, bigla na lang inikot ung bag niya sabay hawak patalikod! Natamaan talga mukha ko promise! Ayun, sa wakas nakarating rin ako sa MEGA around 4:10pm. Hay... wala pa si SOY, anyways nagikot-ikot muna ako habang wala siya, nagpunta kong BIO-RESEARCH, tapos sa mga RECORD BARS at buti na lang... buti na lang talaga... may SARAH GERONIMO ek ek sa MEGAMALL! Ayun, habang naghihintay kay SOY, nanuood muna ko... SULIT! ehehe... Tapos yun, habang nanonood pala ako nagtetext text na pala si SOY, nd ko napansin kanonood, buti na lang tumawag... todo VIBRATE ang phone ko so dun ko lang napansin na andun na pala siya... tapos sabi niya he was in PIZZA HUT... shucks... nasa B siya nasa A ako... pero anyways, pumunta ko... tingin ako sa pizza hut pero wala siya, dapat itetext ko na siya, pero may nakita ako guy, kawahig niya, nakaORANGE, tapos nakaGEL, eheh... so upo muna ako sa may hagdan at dapat itetext ko kung anong suot niya... pero... nauna siya at nakilala niya ko... kakaiba itoh. Then it started...

THE EB:
He was taller than me: Also was wearing a GEL, nd ko alam style ng hair niya eh: MAPUTI: I thought flawless siya ksi sa pic oo eh... pero who cares: And most of all... he was very true to himself! Ayun ang nakakahanga sa kanya! He wasn't trying hard to be a man, feeling ko ganun talaga arte niya, pero the way he moves was manly, i think i'm more effeminate than him! ehehe...
He asked me what we are going to do, sabi ko kain muna kami, ehehe... eh siyempre, matagal na kong nd nakakakain ng SBARRO... kaya doon sabi ko... akala ko kakain din siya, pero sabi niya busog pa siya... pero umorder ako ng WHOLE na SPAGHETTI with meatballs para hati naman kami tsaka WHITE CHEESE PIZZA... eh malaki naman yon, pinahati ko na lang.... ehehe... nakalimutan ko pala siyang bilhan ng ice tea... eheheh... anyways un... usap usap about things.... nakakatuwa siya kasi may sense siya kausap, nakakaaliw... pero he keeps on texting! at ayoko nun... may kaEB ka text ka ng text kung kanikanino pero anyways...grabe siya, he even bought me a gift... box siya pero hindi ko pa naoopen...tomorrow na lang.... ayun... we strolled all over MEGAMALL... from A to B from B to A... we talked about things, buhay buhay at kung ano ano pa... natutunan ko kung anong tao talaga siya at kung paano siya mag-isip... natutuwa ako sa kanya. Hay... wala lang... tapos hay, buti na lang nung dumaan kami sa MEGA A... si SARAH GERONIMO na ung kumakanta! Shet... nagstop muna kami si SOY doon! Ehehe... HOW COULD YOU SAY YOU LOVE ME pa ung kinanta si SARAH... shet... aliw na aliw ako... sabi nga ni SOY. Tpos nun, bigla kong naisipan na pakantahin si SOY sa GLICOS, eh aliw pa naman ako sa magaganda boses, una pumunta kami dun kasi ung VIDEOKE eh nasa public, kaya ikot ulit kami, eh kinulit ko si SOY, ayun buti may cubicle kaming nakita! Ayun kanta siya! ehehe... una muna ako, kinanta ko THERE'S NO EASY way tapos siya naman... FOREVER by DAMAGE... tapos ako naman NARITO AKO, eheh... 3 songs lang nakanta namin kasi pinaalis na kmi ung lalake sa GLICOS puta!!! ehehe.. nyways, magaling si SOY kumanta... comparable to me! ehehe... kapal! Ayun tapos namin kumanta, ikot ikot, kwento kwento. Sabi ni SOY may kikitaain siyang friend magbabayad ng utang... so go, i waited for him sa WATSON, pero tumagal siya kaya punta muna ko RADIO CITY...si CYRIL pala mineet niya at si PIPO... tapos ayun, naisipan namin pumunta SHANGRI-LA... ang romantic habang naglalakad kami papunta dun... ang cute ng mga puno kasi ang iilaw nila...wala lang feel ko ang romantic tapos kami lang dalawa... ayun...when we arrive in SHANG, si SOY naman ngayon may feel kumain, so we ate at TOKYO TOKYO, this time, his treat... ehehehe...sabi ko SASHEMI sa kin pero CALIFORNIA MAKI inorder pero anyways...while I was waiting nga pala kasi umorder siya, ehehe, nd ko naman sinasadya pero nagalaw ko ung cellphone niya at tinignan ko mga sent items, shet! ahaha... natawa ko kasi press release lang raw ung may utang si PIPO sa kanya, sa totoo, si SOY uutang... hay he shouldn't have...nakalay pa... "IBABALIK KO RIN SA YO, KASI TONG JACOB NA TO EH"... hmmm... baket ako! hay... buti na lang paborito ko CALIFORNIA MAKI! He got me there ha... hmmm... ayun... tapos after eating, usap usap... bigla ba naman ako tanungin kung anong HUSGA ko sa kanya! Nabaliw ako... di ko kinaya! promise... sabi ko totoo siya, mabait, thoughtful pa... ayun... tapos we strolled ulit, this time sa SHANGRI-LA naman... ayun... while strolling usap usap kami on things... tapos nakita na naman namin sina CYRIL...ehehe... pasaway...Tapos sabi sa kin ni soy na magpapaINFRA raw siya sa computer shop dun sa may shang ata, so sabi ko ako na lang, meron naman kasi ako... so yun... nagsendan kami... hay... this time... nakasalubong na namin si CYRIL at si PIPO... ayun sumama na... CYRIL was sooooooo funny..... si PIPO... tahimik... ayun, we went down sa foodcourt, kwentuhan while SOY was sending the pics i'm going to email to him. Ayun... ang gaga ni CYRIL... sobrang kwela... natutuwa ako sa kanya!!! Promise! Hay... but of course... good things have to end... pero nd pa naman the END...tapos ayun... mababait naman sila... hinatid nila ko hanggang MRT STATION... hay... the BEST EB EVER!!! I swear.... P.S. And what do I think about SOY... I'm beginning to like him... i just need to know him better... sige... tabulas... until here.... the BEST talaga.... hay... :) mwah

*subtle_bliss

EB of the Year!
Posted on December 31, 2004 at 01:12 AM

Currently listening to: rain
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on June 9, 2009 at 12:43 AM in Everyday Drama | Post a comment

"... ang problema sayo, ikaw nasanay na laging nililigawan. Na ikaw laging sinusuyo. Ikaw laging pa-importante. Ikaw lagi ang nagpapahabol. Nagpapaasa. Pakiramdam mo ata talaga diva ka! Subukan mo kayang ilagay sarili mo sa mga sumuyo sa yo. Sa tingin mo magugustuhan mo yung pakiramdam? Ayan, ngayon, may bago kang gusto pero di ka makagalaw-galaw. Hindi mo alam kung paano mo sasabihin yang nararamdaman mo! Hindi ka pa nagsisimula pinanghihinaan ka na ng loob. Suyuin mo para maramdaman mo kung pano manuyo. Sana lang ramdam niya nararamdaman mo. Kung hindi, at least, naramdaman mo mabigo. Hindi yung laging ikaw yung nakakasakit. Sabihin mo na na gusto mo siya. Kaw rin, baka maagaw pa siya ng iba. Malay mo hinihintay ka lang niya magsabi at nahihiya siya mauna. Kwento ka ng kwento diyan wala ka namang ginagawang hakbang! Patunayan mo ngayon na mahaba talaga hair mo! Hahaha! Kainin mo naman pride mo minsan!"

"Pride? Wow ano yun? Tanungin mo si Chris kung meron pa ko nun at kung ako lahat yang pinagsasabi mo. Isa lang tinanong ko ang dami mong sinabi. Good luck naman sa yo..."

Currently feeling: awful
Posted by jjcobwebb on June 9, 2009 at 04:20 AM in Everyday Drama | 3 comment(s)

drugstore2

Marami ako dating kwintas. Mga first year hanggang second year college ata nagkukuwintas ako. Hindi ako sigurado. Hindi gold, hindi silver. Hindi sila mamahalin. Bigla ko lang naisip kung san na sila napunta. Actually, 3 yung kwintas na paborito ko suotin nung college ako. Isang black, isang puka shells na all white na galing Boracay, at yung isang puka shells na nabili ko sa Cebu. Hmmm… lagi ko dating suot yun. Simula first year college never nawala sa leeg ko yun. Tigan mo yang pic namin ni AK. First term first year college pa yan. At suot ko yung kwintas. Favorite ko sa lahat yung black na may red, green at yellow then yun sky blue na galing Cebu then yung white. Walang pic though yung dalawa since lagi kong suot yung itim.  Parang lucky charm sa kin dati yun. Hahaha! Basta kung baket akin na lang yun! Ewan ko kung san na sila napunta lahat. At buti na lang marami silang memories galing sa mga pictures ko. Hahaha!

6811371946153lMeron talaga kong isang box ng mga kwintas noon. Mahilig ako sa mga kwintas kwintasan pero simula ata nung nagshift ako, bigla silang nawala. Naalala ko yung black, napigtas. Sobrang nalungkot ako nun. Sinubukan ko maghanap ng ganun na ganun pero wala akong nahanap. Yung white, napigtas din. Yung blue hindi ko na alam ano nangyari dun. Nakakatuwa dahil na obsessed pala ko sa kwintas dati. Hahaha!

Image(109) Wala lang bigla ko lang naalala yung mga kwintas na yun dahil nung Linggo nadaan ako ng Quiapo then napadaan ako sa stand ng nagbebenta ng mga kwintas na sinusuot ko dati. Bigla lang pumasok sa utak ko na marami akong kwintas noon. Hindi ko talaga maalala kung kelan ako nagstop magsuot ng kwintas pero ang alam ko nung nagshift ako, hindi na ko nagkukuwintas. Oooo… happy days. Wah nakakamiss tuloy magkwintas. I’ll find one soon.

Anyways, si Barry malapit na talagang bumingo sa kin. Simula kagabi hanggang kaninang umaga iniistress niya ko. Muntik ko na talaga siyang murahin kanina. Buti na lang talaga inaantok ako at tinulog ko na lang. Nakakaasar talaga! Hays… sige grabe, kanina pa ko nagreRestaurant City Mr. T! Hahaha… kaadik talaga! Wah!

Update you soon!

Currently listening to: Bleeding Love by Leona Lewis
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on June 9, 2009 at 02:41 PM in Everyday Drama, Randomness | 10 comment(s)

Tawa ko ng tawa kanina kay Barry sa gym. As in. OMG lang. Hahaha! Biglang nagcramps kasi tiyan niya eh. Ako hindi ko macontain tawa ko. Kahit pigilan ko. Mas lumalakas tawa ko. Hahaha! Tapos yung kasabay namin sa tredmill kaninang lalake ang ingay. OHHH UGGGGH UHHHH --- kumusta naman ang sound effects niya. OA lang. Eh mas mabilis pa yung tinatakbo ko kesa sa kanya. OA. OA. Papapayatin ko si Barry Mr. T! Papapayatin ko!

Erwin si back ni Manila. Wala pa kong natatanggap na pasalubong ha. Hmmm... anyways. Absent ako sa pharmacy kahapon. Bukas na ulit ako papasok.

Si Aizel, grabe, after ilang years, nagyaya makipagdate. Yak babae! Hahaha! Date ha as in date daw kami. OMG lang talaga. Pero malay natin, maging lalake ako sa kanya. Matagal na rin yung huling labas namin. Nagparamdaman ulit kanina. Hmmm... ano kayang bago sa kanya? Naexcite din naman ako...

At lahat na lang ng gusto kong maging kalove life ayaw ni Barry! Taas kilay talaga. Laging "mag-ingat ka diyan", "i'm just looking after my friends" churva. Parang ako tuloy. Fine! Hahaha!

Wala na talaga kong pag-asa magkalove life ever. As in. I give up. Hahaha! Tama na ang alam ko na maganda ko. Joke lang. Hahaha! All I hear and see is bllllllllllaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnkkkkkkkkkkkkkk.... lecheng buhay. Hays...

Grabe ang sakit sakit ng mata ko Mr. T! Yung Restaurant City parang forever kong hinintay kanina. Gabi na ulit nag-up...

At tuwang tuwa ko sa mga pictures na inupload ko sa Facebook. I just so love it. :) Memories --- light the corners of my mind. Dami na ng nagbago.

I've decided to bring old friendships back. Sabi ko nga, sayang ang friendship. And sabi ko rin, baket hindi na lang ako maniwala sa goodness.

Baka lumipat na ko ng bahay. Hahaha... mga July oo. Tatry ko lang! Hahaha!

Currently feeling: masakit ang mata
Posted by jjcobwebb on June 10, 2009 at 11:49 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Nagtext si Benson. Panoorin ko raw toh. I did. Natawa ko. Kahit hindi siya nakakatawa. Natawa ko kasi si Benson galing mag-act. Hahaha! Magaling pala umarte si Benson.  Parang tunay! Ayan share ko sa blog baka sakaling sumikat ang friend ko. Hahaha!

Actually, hindi ko nagets yung video or sadyang bobo lang ako. Sabi nga ni Benson, thank God hindi siya yung script writer. Hahaha! Pero kaaliw. Ako kaya kelan lalabas sa ganyan. Hahaha! Feeling ko hindi talaga ko bagay mag-act. Mariah Carey acting ang lalabas! Flop! Hahaha! Update you soon Mr. T!

Currently watching: Wowowee on ABS-CBN
Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on June 11, 2009 at 01:47 PM in Everyday Drama, Features | 2 comment(s)

“Parang mabait siya sa family niya. Mabait sa kapatid. Thoughtful. Caring. Malambing. Parang stable din. Responsible. Good provider siya…”

Oo Mr. T! Kaming 4 lang nagkakaintindihan nina Barry, Rhitz and Jeffrey sa lintik na good provider na yan. Hahahah! Aylavet! At kamaing 4 ang magkakasama kahapon til almost 2AM, from Saturday to Sunday. I love my best friends. Weeee… picture muna… with the gamots! Hahaha!

 14062009109

Una, kami ni Jeffrey muna nagkita sa Greenbelt 3. NagTimeZone kami. Dating gawin. While waiting for Rhitz and Barry, nagvideoke muna kami sa Timezone. Oo, ganun kami kasimple. Masaya na kami ni Jeffrey sa ganun. Masaya na may hawak kaming mic at nagngangangawa. Inubos lang namin yung laman ng card ni Jeffrey and then naglakad lakad kami sa Greebelt 3. Tapos, naupo dun sa may gitna. Nagkwentuhan hanggang sa dumating si Barry. Tumatawag si Barry, sabi niya nasa Greenbelt 3 na siya. Sa may Timezone area, pero nasa baba na kami. Nakita niya agad kami. So siya na lang ang bumaba. Then yun 3 na kami. Naglakad lakad and then si Rhitz sa wakas nakarating na rin.

Hindi na kami nagbago eversince the world began Mr. T! Matagal pa rin kami magdecide kung san kakakain. Kung anong kakainin at kung paano kami kakain. Weird namin noh? Sakit na naming 4 noon pa. Ayun, kung san san kami napadpad and then buti andun si Jeffrey, buffer kung magkano lang dapat gagastusin para sa dinner, ayun, napunta kami sa Food Choices.

Iba’t iba yung pagkain namin. Kaya medyo nagshare share kami ng kinain. Pero panalo yung sinigang na binili ni Rhitz. Ang sarap grabe. Then yun, usap usap. Kwentuhan. Kung anu anong mga walang kabuluhan pinagusapan namin. Masaya kami. Ganun kami kasimple. Masaya na kaming naguusap kahit hindi masyadong bongga mga kinakain namin. Ganun naman talaga kahit dati, 4 lang kami. Everything was smooth sailing yesterday. Kung anong mapagusapan ayun na yun!

Then, hanap ng pagdedessertan. Ayun, problema na naman. Inikot namin buong Ayala para maghanap then napadpad kami sa Cafe Breton sa Greenbelt 3. Hahaha! Chaka nung inorder namin ni Barry. Kay Jeffrey and Rhitz okay lang. Basta tawa kami ng tawa sa mga kinakain namin. Siguro weird lang talaga kami. And ako masaya ko. Kasi sobrang bihira na na magkakasama kaming 4 since si Jeffrey matagal ding nawawala. Amf! Tapos sabi ng mga kaibigan ko na kung may taong pinakamagaling magplastic, ako raw yun. Hahaha! Siguro nga dahil nagulat talaga sila nung kinausap ko isa kong kaibigan tapos parang super close kami. Pero alam nila galit ako dun sa kaibigan ko na yun. Hahaha! May award daw ako sa pagiging plastic. Hahaha! Sabi ko nga “I’m a Barbie girl, in a Barbie world. Made from plastic, it’s fantastic!”. Hahaha! Basta tawa kami ng tawa nun.

Then yun, ikot ikot, lakad lakad. Si Rhitz tawa ng tawa baket raw by 3’s na mga bakla ngayon. Hahaha! There is power in numbers na raw. Hahaha! So ayun, nung wala na kaming maisip kung san maglalakad, sabi ko sa High Street naman kami maglakad. So yun, si Jeffrey sa kotse ni Barry. Ako kay Rhitz. Then yun nasa High Street na kami. Wala as usual hobby namin. Maglakad. Ng nagYogurt ice cream kami sa Hobbes and Landes. Ayun, tawa na naman kami ng tawa kwentuhan. Then si Barry and Rhitz nag-usap. Kami ni Jeffrey nagStacker.  Then yun, medyo sarado na mga stores, si Jeffrey sabi puntahan daw namin yung OsMak sa Pembo. Sabi ko okay lang. Then yun, pumunta kami…

13062009106 13062009107

Mukha kaming mga sira. Grabe, trip naman namin ngayon ospital. Hahaha! Ayun, nakita na rin nila yung lagi kong kinukwento. Sabi ni Barry ang sarap daw matulog sa pharmacry kasi ang lamig at ang tahimik. Ngayon naiintindihan na nila ko! Hahaha! So yun, medyo nastay kami dun then bumalik sa High Street para idrop off is Rhitz and Jeffrey. Sabay si Jeff sa car ni Rhitz. So yun, ako sabay kay Barry. Then habang nasa C5 na naman kami, grabe, dami na naman namin napagusapan ni Barry. I’ll blog about it soon. Then yun, nagtext na rin silang lahat na nakauwi na sila ng safe. And then nakatulog na ko. Update you soon Mr. T! Birtday ni Kathleen ngayon. Papalate muna ko sa duty ko! Mga ibang nangyari nung weekend sa next update ko nag. Love ya Mr. T! :D

Posted by jjcobwebb on June 14, 2009 at 04:40 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 7 comment(s)

Wow, anong kinalaman ng title ko? Hahaha! Ano nga ba kwento ko? Wala kong masyadong kwento. Last Friday pala nagkita kami ni Tom sa Cubao. After nun, dumirecho naman ako ng Greenhills to meet up with Barry and Rhitz. Wow. Hahaha! Then Saturday nagpakalbo naman. With nephews Emo and Kobe. Nilakad namin bahay nila to our house. Malayo yun. Nag enjoy naman sila. Tapos nung Saturday, birthday ni Kathleen. O di ba? Tapos kanina may tumawag sa kin, may interview daw ako bukas sa 6750 building sa Makati. Good luck naman sa kin. Hahaha! God bless me! :D

Currently listening to: Don't Forget About Us by Mariah Carey
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on June 16, 2009 at 12:49 AM in Everyday Drama, Updates | 1 comment(s)

LMAO!!!!

Currently watching: Come See Me Eat Nipples on Youtube
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on June 16, 2009 at 10:46 AM in Everyday Drama | 5 comment(s)

May bago ng single si Mariah. Title ng song Obsessed. And it's a national-lamb-event whenever Mariah realeases her first single off an album. Her next album will be entitled "Memoirs of an Imperfect Angel" --- kabog! Hahaha!

The other day, I was with Jeffrey sa Makati. After ng interview ko nagkita kami tapos nagTimeZone. Tapos sumakit ulo ko. Hahaha! Umalis agad kami sa TimeZone. Tapos umikot ikot. Kumain sa GB1. Ay kumain pala muna ko sa G4 habang hinihintay si Jeffrey. Tapos yun, sa Enterprise building si Jeffrey kasi pupunta kasi andun mom niya and ako dumirecho sa Osmak-ACC. Starbucks coffee jelly lang nagpawala ng sakit ng ulo ko. Nakasalubong ko pa si Piel sa Buendia. Hahaha! Si Tess din nakasalubong namin ni Jeffrey. Si Rea. At nawala yung signal ng Globe the other day. Wah... kala ko ako lang. Pero nung nakita kong andaming nagrereklamo sa Globe sa G3, ayun, may sira pala talaga. Kala ko hindi na kami magkikita ni Jeffrey nun kasi walang signal. Grabe, ang hirap pala mawalan ng signal ang gamit mong phone. Para kong invisible! Hahaha! Then yun, nagduty pa rin sa ACC kahit nakaformal pa ko. Hahaha! At siguro dapat lagi akong nakacorporate attire. Lagi akong nasasabihan ng gwapo, pogi, blah blah. Gust ko na sana maniwala. Haha!

Tapos yesterday, nag-gym kami ni Barry. Kaya masakit katawan ko ngayon. Masaya pag nag-gygym kami ni Barry. Tawa kami ng tawa. Pag nagsstretch, situps, tredmill, lats, chest press etc. Tawa kami ng tawa. Habang binabasa namin yung program na binigay sa min. Tawa pa rin kami ng tawa. Weird kami. Hahaha! Pinarusahan ata ako ni Barry Mr. T! Dahil lahat ng machine dun pinagawa niya sa kin. Wah! Pero tawa siya ng tawa nung may sinasabi siya sa kin na mali yung gamit ko ng machine pero di ako nakinig tapos may lumapit na cutie sa kin. Wahahaha... ganito eksena:

Barry : Hindi nga ganyan. I-hold mo lang tapos hila-hilain mo...
Jacob : Okay na toh. Nakakapagod naman kung ihohold ko. Ganito na lang...

*Lapit ang cute na type ni Barry pero hindi ko type*

Helpful Guy : Pare, hindi ganyan, baka ma-injure ka. Ihold mo lang para safe ka
Jacob : Ah ah. Okay? Ganun ba. Ganito?
Helpful Guy : Yep. Oo. *smiles*
Jacob : Ah okay okay. Salamat.

*Tinaasan ako ng kilay ni Barry nung makalayo yun guy*

Barry : Punyeta ka, nung ako nagsasabi sa yo na mali ka, ayaw mo makinig! Pag cute nagsabi sa yo nakikinig ka
Jacob : Ganun talaga Barry! Ganun talaga! Hahahaha!
Barry : Take note. Kalbo ka at ang baba ng boses mo kanina! Hahaha! C'mon!
Jacob : Ganun talaga epal ka! Hahaha!

Hindi talaga ko nag-shoshower sa gym. Nagpapalit lang ako ng t-shirt since Greenhills lang naman yun. Ayoko lang talaga sa locker room. Hindi ako comfortable. Kaya hinihintay ko na lang si Barry sa reception area. Kasi shower person si Barry. Ako hindi. Basta weird feeling ko sa mga shower at locker rooms. Hindi ko lang feel. May naalala kasi ako dun sa Fitness First sa Megamall nun eh. Cheka. Ayaw ko na alalahanin. Di kaaya-aya. Kadiri siya. Hahaha! Then kumain kami ni Barry then hinatid niya ko pauwi.

Tapos yun, hmmm... wala lang. Siguro nabuild yung confidence ko nung ininterview ako dun sa Makati. Kasi sa totoo lang hindi naman ako magaling na estudyante tapos na-interview ako dun. Hirap pa nung written at online tests ng company na yun. Asa na lang talaga ko kung makapasa ko dun. Hahaha! Pero I feel good kasi may mga taong naniniwala pa sa kaya kong gawin. Kasi sa totoo lang, ako wala ng tiwala sa kaya kong gawin. Haha! Pero maganda experience din kahit di ako makapasa. May mga naniniwala pa pala sa kapabilidad ko. O ang drama noh? Haha!

So yun, masakit katawan ko. At puros pimples ako. At kailangan ko pumunta sa school dahil may mga dapat akong ayusin. Update you soon Mr. T! :D

Currently listening to: Obsessed by Mariah Carey
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on June 18, 2009 at 11:33 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining, Drugstore | 3 comment(s)

Sobrang parang nawalang bahala na kita Mr. T! Grabe ang dami na nangyari... pero buhay pa ko huwag ka mag-alala! Anyways...

Really had a blast yesterday Mr. T! Sobrang saya, kahit na si Benson lang yung friend ko na pumunta sa min, okay lang, sobrang saya pa rin. Taga-Cavite pa si Benson ha pero nag-effort talagang pumunta. Hmph para sa mga friends kong mas malapit ang proximity sa kin! Hmph ulit! Wala na kayo sa kin! Joke lang! Pero nagtatampo ko sa inyo. O well, pero ganun talaga. Moving on, sobrang saya kahit si Benson lang talaga kahapon bisita ko. Simula nung sinundo ko siya sa palengke ng San Juan hanggang sa naglakad kami papuntang bahay nina Ate. Hanggang naulanan kami. Hanggang sa lumamon kami. Hanggang sa nagvideoke kami. Hanggang sa nag-inuman. Fun fun. Hanggang sa nanood ng news. Hanggang sa nag SM Centerpoint kami. Hanggang sa nagChicharong bulaklak kami hanggang sa nag-ice cream kami and hanggang sa hinatid ko siya sa LRT2. Weee... saya saya. First time ako nagdala ng kaibigan sa min na ininterview ng nanay ko. Basta ang dami nangyari kahapon. Could've been better kung andun pa ibang mga kaibigan ko. At gustong gusto ko pag kinakanta ni Benson ang Closing Time! Kahit minsan off pitch. Bagay talaga yung song sa kanya. Parang ang gwapo niya. Hahaha!

At ewan ko ba sa sarili ko, nalasing na naman ako kagabi. Good luck talaga sa kin pag naging alcoholic ako. Grabe, gaan pa rin ng ulo ko hanggang ngayon. So yun, daming handa, daming tao. Pero uulitin ko, si Benson lang talaga pumunta. Thanks Benson! :-) At parang mas mataas ang boses paglasing? Di kaya? Hahaha! Update you soon Mr. T!

 

Currently listening to: Closing Time by Semisonic
Currently feeling: light headed
Posted by jjcobwebb on June 25, 2009 at 12:46 PM in Everyday Drama, Updates, Family | 6 comment(s)

Mga X ko dapat. Hahaha! Joke lang!

Nakakatuwa isipin na kasama ko yung dalawang lalakeng nagka-“SOMETHING” with them ako dati. Pero hindi naging kami. Hahaha, si Mike yung nakaRED and si Gary yung nakaBLUE. Namiss ko si Gary Mr. T! And kung isesearch mo ang blog ko about him, marami ka ring mababasa. Grabe ang tangkad na nila noh? Lols! Matangkad na pala sila dati pa. Hahaha! Kumain kami sa Pancake House sa Galleria. Nilibre ako ni Gary. Tapos yun, kami ni Mike pumuntang Gilmore pero dumaan muna sa Planet Drugstore N. Domingo para magpapalit ng pera. Si Gary kasi may work pa. Pero nakasaglit siya kanina at nakikain at nilibre pa ko. Hahaha! Tulad ng sinasabi ko sa sarili ko Mr. T! Believe in GOODNESS parati. Tignan mo naman, kahit wala kong sinagot sa 2 na yan, eh super friends pa rin kami. Nakakatuwa noh? Si Gary nakilala ko nung 2004 pa. First year college ako nun may admirer na ko sa DLSU! Hahaha! Feeling maganda naman ako noh? Sarap ko sapakin Mr. T! noh? Haha! Pero sobrang saya ko kanina, never ko inimagine na dalawang taong nag-effort sa kin dati eh makakasabay ko sa for brunch. Weird pero nakakatuwa. Masaya ko dahil kahit nagmaganda ko noon at hindi ko sila sinagot, we remain as close friends. Na nakakatuwa dahil naging magkaibigan si Gary and Mike nung naging magkatrabaho sila. Nice noh? Pictures namin kanina:

26062009137

P260609_10.51 P260609_10.49

Parang ang liit liit ko naman di ba? Huhuhu! Ayan, mabait yan si Gary Mr. T! Dati nung nililigawan ako ni Soy nung hindi ko siya sinagot nun, full support rin sa kin yan! Na lagi niya sa kin sinasabi na ako yung first guy na niligawan niya. Hahaha! Wala ring bitterness sa katawan yan which is nice. Si Mike rin naman walang bitterness sa katawan. At mabait talaga silang dalawa. Sana next time, mapagsama sama ko lahat ng nag-effort sa kin noh? (tulad nina Steve, Jerome, Soy, Jhett, Ryce, Edgie, Patrick, Rej, Clyde, Alex, Pipo, Alvin etc etc etc) Hahaha! Anyways, I really feel happy na nakabonding ko silang dalawa kahit ilang oras lang yun kanina. Mahal ko yang dalawang yan. Alam ko mahal nila ko. Haha! Kapal ko noh?! Kasama ko pala si Wesley kanina. Siya nagtake ng pictures namin. Masaya pakiramdam ko Mr. T! First time daw ako nakita ni Gary na ganito buhok ko. Eh kasi naman, nung college lagi akong nakaGEL at long back ako nun! Hahaha! Parang gusto kong ibalik yung college hair ko! Hahaha! Anyways, nakakatawa si Mike, habang kumakain kami may conversation that went something like this:

Mike : Okay lang naman kahit hindi naging kayo ni Jacob kasi nakuha mo naman gusto mo diyan! Hahaha!
Jacob : Tarantado ka! Walang nangyari sa min niyan ni Gary! We just take turns sa panlilibre noon! Haha!
Gary : Baka ikaw nakuha mo yung talagang gusto mo kay Jacob! Hahahaha!
Mike : Che! Ang choosy choosy niyan eh. Muntik na talaga. Muntik na! Hahahaha!

May Tabulas dati si Gary. Sabay ata kami nagsign-up nun. Inactive na though. Si Mike din nagTabulas nung naging kaibigan ko. Pero hindi naman inuupdate yung blog niya. Grabe bilis ng panahon, dati 19 lang si Gary noon, sa October, parehas sila ni Mike na 25 na! Shucks! Magkasunod na magkasunod pa birthday nila! 14 si Mike, 15 si Gary. Hahaha! 16 ako, kaso sa November nga lang. At grabe, ako pala magtu-24 na! OMG! Tanda ko na! Wahhhh… and sabi nga ni Mike, 24 na at single pa rin. Hahaha! Che!

Anyways, inaantok na ko. Hindi ko alam kung sasabi pa ko sa outing ng drugstore. 2nd batch outing toh. Sumama na ko dun sa first batch last week eh. Matutulog muna ko and then let’s see.

Sige sige Mr. T! Update you soon… and yeah…

// RIP Michael Jackson – King of  Pop//

Currently listening to: Note To God by Charice
Currently feeling: nice but sleepy
Posted by jjcobwebb on June 26, 2009 at 01:58 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 12 comment(s)

"You were in love..."

"Yeah... that was the problem"

"How could that be a problem?"

"Because love, the lovey-dovey version that you are talking about, it's fantasy. And one day you'll have to wake up and you're in the real world"

"What made you wake up?"

"Well... she left..."

"I'm so sorry for you both..."

"It's okay, I'm a big boy I'm gonna handle it..."

"Well I hope you don't forget, I like talking to you..."

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on June 29, 2009 at 03:44 AM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Mr. T!, siguro lagi kong iniisip na magiging perfect tong pamilya namin. Feeling ko malapit na kami dun. Pero, sa simula pa lang, nung bata pa ko at nagkaisip, alam kong hindi talaga pwede mangyari yun. Walang perfect family. Wishful thinking. Though lagi kong iniisip na pamilya namin is ganun, hindi talaga kahit anong gawin kong pagiimagine or pagwish. Nasa utak lang talaga yun. Siguro ganun talaga, everything is a work in progress. Pero salamat naman sa Diyos mas maayos ng onti pamilya namin ngayon kesa dati. But what happened a while ago made me think twice. Everything will fall into place. We've had bigger problems before. Meron namang nakaraan yung pamilya namin para paghugutan ng lakas and faith. I know. Kasi nanggaling na naman kami sa state na puros problema na lang inaasikaso namin. What happened a while ago hurts. Pero we'll get through it. I know... 

Currently listening to: Think Twice by Celine Dion
Currently feeling: hopeful
Posted by jjcobwebb on July 1, 2009 at 12:20 AM in Everyday Drama, Family | 4 comment(s)
« 2009/05 · 2009/07 »