Entries for May, 2009

Kapitbahay pala namin dati sina Benson. As in nasa likod lang namin yung bahay nila. Magkakilala tatay ko at tatay ni Benson. Same sa nanay niya at nanay ko. Weird dahil nung nadaan lang kami ng N. Domingo saka na-open ni Benson tungkol sa mga factor na yan. Mga 2007 nung nakilala ko si Benson through Barry pero kala ko yun lang yun. Wala ng ganung twist. Aliw! Haha! Goodness, ganun ba talaga ko hindi palalabas ng bahay nung bata ako? Kilala ko mga kamag-anak niya pero hindi ko siya hindi ko kilala. Hahaha! Nakakatuwa dahil nagkakilala kami hindi dahil sa magkapitbahay kami dati, kung hindi, dahil friend siya ni Barry. Naaliw lang ako sa ikot ng mga pangyayari. Update you as soon as possible. Sana may mag-upload na ng mga pictures online Mr. T! Shucks may pasok na naman ako mamaya. :D Miss you Mr. T! :D

Currently listening to: Jai Ho by Sukhwinder Singh and Rahman
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on May 5, 2009 at 09:33 AM in Everyday Drama | Post a comment

Masayang masaya na ko sa mga simpleng bagay...

Tulad na lang pag-nakikinig ako ng favorite Mariah songs ko, sumasaya ko... (kahit masikip pa sa MRT)

Pag iniisip ko na mahal ako ng family and friends ko, masayang masaya ko...

Pag nauulanan ako tapos nagmamadali pauwi dahil basang basa ako, natutuwa na ko...

Pag nanonood ng Wowowee at Eat Bulaga at may joke talagang nakakatawa, tawa na ko ng tawa...

Pag nagsstalk ako ng mga pictures ng mga tao sa Facebook, natutuwa na ko...

Pag patapos na yung 16 hours kong shift sa drugstore, masaya na ko...

Pag nakakausap ko mga kaibigan na hindi kong hindi ko na nakakausap for the longest time...

Pag natatapilok, namamali english, namamali ng sinasabi, namamali spelling or nawawala ako sa sarili, natatawa ako sa sarili ko...

Pag may bago kong crush tapos kinausap ako or sinamahan ako kahit sandali, masaya na rin ako...

Pag may nagtetext na taong hindi ko ineexpect na magtetext, sumasaya na rin ako...

Pag sa movie house, horror ang palabas, natatawa ko pagtapos ko sumigaw dahil sa isang scene... hahaha!

Pag may bago kong natutunan sa mga pharmacists, masaya na rin ako...

Pag nakikicatch up ako sa mga buhay ng blog friends ko, tapos masaya sila, masaya na rin ako...

Pag may pimple ako tapos nawala agad, masaya na rin agad ako...

Pag nakakatulog ako sa balikat ng kaibigan pag antok na antok na ko, thankful ako sa balikat ng kaibigan ko na yun... haha!

Pag sashimi kinakain ko, o marshmallows --- ang saya saya ko...

Pag mag-isa ko, at naiisip ko na ang ganda ganda pa rin ng mundo kahit na maraming di magagandang nangyayari sa buhay ko... lumiliwanag pananaw ako at napapangiti na lang ako...

Pag nilalaro ko si Barbie and Ken, ang saya saya ko. Hindi na yata ako tumanda! Hahaha!

Pag nanonood ako ng Spongebob --- parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko...

Pag walang istorbo tulog ko at masarap ang gising ko... ang saya saya ko...

Pag kasama ko pamilya ko. Pag kausap ko sila --- napakasaya ko...

Masaya ko kung nasan ako ngayon... (shet tunog patay lang ako!)

Anyways, hindi pa nauupload lahat ng pictures from La Union kaya wala pang entry. Update you soon Mr. T!

Currently reading: Multiply Inbox
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on May 7, 2009 at 01:13 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Pambungad Na Larawan

Finalists ng Century Tuna SuperBAD. Hahaha!

 image

April 30, 2009

Hello Mr. T! Eto na ang pinakaantay mong update. Hahaha! Actually sobrang delayed na toh. Hmmm… paano ko ba sisimulan, sige ganito na lang, kasi nasa Gateway ako last Thursday, April 30, 2009. Medyo wala akong dalang cash nun. Plano ko talaga magwithdraw kaso nakita ko yung linya sa ATM ang haba, sinubukan kong manghiram na lang muna ng pera. Pumasok agad sa utak ko si Barry. So tinext ko siya kung asan siya. Tamang tama, papalapit na siyang Gateway. Nagdadrive siya. So nakipagkita ko sa kanya. Dinaanan niya ko sa harap ng Araneta sa harap ng Shopwise. Kasama niya sa loob ng kotse si Benson. Papunta pala sila sa La Union. Bigla akong niyaya ni Benson na sumama raw ako. Since alam kong plano talaga naming nina Barry umalis, sabi ko sige. Sasama ako. Biglaang sama yun.
Biglaan
Walang plano plano. Sabi ni Benson, 12AM daw yung alis nung bus. So yun, after ng pinanood kong movie, dumiretso na ko ng bahays sabay ayos ng mga gamit ko and paalam sa nanay ko na aalis ako papuntang La Union. So yun, around 11PM, pumunta na ko sa McDonald’s Cubao. Dun kasi yung meeting place. So andun sina Barry, Simoun, Benson, and others. And yes, kasama si Ritz. Napapayag din namin agad. So yun kasama sina Sabs din. Sina Erin, Tess, Rocket, Denys, Ian, Van, Dearden at Val. O di ba? Yung iba sa kanila dun ko lang nakilala. Naging close naman kami agad. Hahaha! Then yun, bago mag 12AM, nagcab na kami papuntang Partas para sumakay ng bus. Then yun nasa Partas na kami…


May 1, 2009

Partas
image Maraming tao sa Partas. As in ang daming tao. Expected kasi Holiday kinabukasan. Alam mo Mr. T! hindi kami nakasakay. O di ba? Ilang bus ang dumaan pero hindi kami nakasakay. Sobrang 1M years ata. So habang naghihintay, nagkukulitan na muna, laro ng cards, lakad lakad sa Cubao. Kumain ako sa Jollibee with Benson, Barry and Rhitz. Wala, ganun pa rin, nakabalik na kami lahat. Walang gumagalaw na tao sa pila. Sobrang tagal, so nung sobrang tagal na talaga ng waiting time, sina Benson and others umikot para maghanap ng ibang bus line. Then tumawag sila and sabi na sa Florida may paalis na na Bus papuntang La Union. Onti lang ang tao. So yun, nagVan kami ng mga natira papuntang Espanya. Then sumakay sa bus ng Florida. Grabe, halos 6AM na kami nakaalis. So yun, may araw na nung gumalaw yung bus. Then siyempre, walang tulog lahat, kanya kanyang katabi. Meaning sandalan yung katabi. So si Rhitz katabi ko sa bus Mr. T! Then yun, hindi ko alam kung san banda na ng Manila ako nakatulog. Ang alam ko, hanggang magStop over na sa La Union, saka lang ako nagising...

Florida Bus 
Ayun, nga tulog ako the whole time. Yung iba gising na. So kawawa kaming napicturan. Wah! Then yun, sa stopover, dun na rin kami kumain. So yun, okay naman yung pagkain. Pero kadiri yun CR nung naihi ako. Ayaw ko talaga ng panget na CR. Tsk… then yun, gising na ko the whole time hanggang makarating kami sa lugar nina Simoun…

San Juan La Union
image Tanghaling tapat na kami nakarating sa harap nung City Hall. Dun kasi malapit sina Simoun. Then yun, nadaan din kami sa simbahan. Then ayun, nilakad na rin namin hanggang bahay nina Simoun then pili na ng kwarto. Kasama ko sa kwarto si Barry, Rhitz and Benson. Tabi kami ni Benson sa malaking kami. Sina Barry and Rhitz dun sa double deck. So yun, nakatulog ako hanggang mag-gabi…
May mga nagpupusoy, may mga nagsusungka. Usap usap. Kwentuhan. Ako tulog. Wahahaha! Sarap kasi nung kama Mr. T! As in paghumiga ka, talagang makakatulog ka talaga! Wahhh… so yun, pagkagising ko kumain then napag-usapan na tignan yung beach. Oo gabi na at titignan ang beach. Gusto ko ang ganung view, parang sobrang enchanting ang kahit anong body of water pag sa gabi mo siya makikita. Then yun, nilakad naming yung beach galling sa bahay nina Simoun

Beach, First Night
Bumisita lang kami. Tumingin tingin. Ikot ikot sa beach. Fineel at muna kung anong feeling nung beach sa gabi. Wala masyadong stars dahil maulap. Pero nakakita ko ng bulalakaw. Siyempre nagwish agad ako Mr. T! Then yun, bumalik na rin agad sa bahay nina Simoun. So yun, pagkabalik, parang inubos namin yung bilihin nung tindahan dun Mr. T! Then bumili na rin ng alak…

Inuman Session, First Night
Mild inuman palang Mr. T! Wala pang nalasing. Si Barry as usual namula lang. Hahaha! Then yun, may mga madaldal na tulad ni Benson. Tapos yun, hindi ako masyadong uminom. Hahaha! Dahil alam kong tatamaan agad ako dahil super antok ako nun eh. So medyo shot shot lang. Then yun, kwentuhan, nood ng TV, yung iba nagpupusoy na naman. Dumating na yung second batch ng kasama sa outing. Sina Yizvette, Renz at kapatid niya and si Rey (na ex ni Benson). Hahaha! Ang saya kaya asarin ni Benson! Then yun, ewan baket sarap na sarap ako matulog dun sa kama na yun. Hahaha! Then, natulog bandang alas 3am na rin yun. Mamalengke pa kinabukasan. So yung mga dapat sasama sa palengke, hindi na nakasama…

May 2, 2009

Alupihang Dagat, Tulya, Tahong
Pagkagising ko, nakita ko ang dami ng nakalagay sa lamesa. Puro seafoods. So ayun, hindi pa naman luto. Nakita ko si Barry naghihiwa ng mga panggisa, naku hindi marunong. Siyempre, tinuruan ako. Then yun, pinepare naming mga kakainin. Pati yung tahong na ibabake. Siyempre ako feeling housewife, ako naman nagpakafeeling na talaga. Hahaha! Then yun, nung matapos magprepare, nakatulog na naman ako. Good luck talaga sa kin. Siguro eto ginagawa nila nung tulog ako…

Hindi Ako Allergic Sa Tulya At Tahong
Sobrang concerned si Barry sa kin, kala niya lahat ng seafoods allergic ako. Sabi ko sa mga ka-uri lang naman ng hipon. So yun, binilhan pa nila ko ni Ritz ng ibang ulam. Sweet! Pero sayang kasi sa tulya at tahong hindi naman ako allergic eh. Then yun, lunch na! Sarap ng kinain namin Mr. T! Then after kumain, bonding bonding. One thing though, hirap maghugas ng pinggan dun kasi hina ng tubig sa lababo. Pero kaya naman. Then yun nagsimula ng mag-ayos para sa camping kinagabihan…

Beach… 
image May mga pumunta sa surfing site. May mga natira para magayos ng mga tent at magswimming lang sa beach. Dun ako sa later. So yun, hinakot na mga firewoods, mga tent, mga pagkain, mga damit, tumungo na sa beach para mag-ayos ng camping site at magswimming. Ang lakas ng alon. Talang dinadala kami sa shore nung alon. Nakakapagod ha! Pero Masaya. Then dadating pala yung kuya ni Simoun. Naku! So lahat kami nataranta. Siyempre naman nakakahiya pag nakita niya mga pinagagawa namin dun. Pero okay lang, then yun, may mga naiwan sa campsite para magbantay, then kasama ko sa bumalik sa bahay para magluto at magprepare ng mga dadalhin sa bonfire session…

Kuya Jacob
Si Sabs pauso. Tinatawag akong kuya Jacob. Hindi ko alam baket. Pero ang alam ko, pagtapos ko magluto, maglinis nung bahay, at magprepare nung mga dadalhin sa camping, bigla niya na lang ako tinawag na kuya Jacob. Hahaha! Ewan ko weird lang kasi kapatid ko nga hindi ako tinatawag na Kuya eh. Pero okay lan naman sa kin. Then yun, nung nagluluto ako, bigla na lang naging mausok buong bahay. Masakit sa mata, kasi naman pala walang bintanang nakabukas. Sorry naman, naka-aircon buong bahay. So pinabukas ko mga bintana. So yun, napagdecide naming na dun na kainin yung tilapia para hindi na messy sa camping site. Then yun, kumain then may mga nauna na asa camp site. Nakakahiya kasi sa kuya ni Simoun. Andun na sila sa campsite. Akala kasi ayos na lahat. Then naiwan kami nina Ate Tess and others para maglinis nung bahay so medyo nahuli kami ng dating. Yung mga galing sa surfing site, nakabalik na rin and nauna na sa camping site. So yun, after maglinis and all, tumungo na kami sa campsite sa beach…

Bonfire
image Nakasindi na yung bonfire. Ayos na ang tent. Kumpleto na lahat. Dala ang ang mga hotdog. So yun, nagstart na ang camping. First time ko maexperience toh. Ang saya pala Mr. T! Ayun, luto luto ng hotdog. Inuman. Kwentuhan. Picturan. May nakita na naman akong bulalakaw. Hahaha! Si Barry namula na naman. In fairness to Barry, umiinom na talaga siya. So yun, Masaya na ang lahat. Maayos ang lahat hanggang…

Si Benson at Van
Nakipaginuman sila sa kuya ni Simoun. Ay good luck talaga. Nagblack out yung dalawa. Unang nagblack out si Van. Nakakatakot. Bumubula bibig niya. Tapos tirik mga mata niya. NapaOMG talaga ko. Kala ko mamatay siya nung oras na yun. As in humampas talaga mukha niya sa buhangin. Hindi pa natapos yun dun, si Benson, nagwawala na rin. Naku Mr. T! Buti na lang wala akong tama. Tumulong pa ko sa paghimasmas nung dalawa. Grabe, pinalitan din naming mga damit nila. O di ba? Iba yung case ni Van at Benson. Si Benson nung lango na, tawa ko ng tawa. Yung kay Van nakakatakot.  Then yun, after maayos yung dalawa and naayos na kung san sila matutulog (sa labas ng tent actually), nag-ayos na rin yung iba, then ako, si Rhitz, Dearden and Sabs, naiwan na gising para bantayan  yung 2 lasing. So kami yung nasa harap nung bonfire buong time. Buong gabi hanggang mag-umaga…

May 3, 2009

The Guardian Angels
image Siyempre mega paypay ako sa mga lasing. Para lang malamigan sila kahit papaano. Wow naman! Dapat akong bigyan ng award sa pagkalingang tunay! Hahaha! Then yun, kaming 4 na lang ang gising. Nagsesenti, nageemote, kwentuhan at pilit binubuhay yung bonfire. Ayun, may mga asong umikot ikot sa campsite. Naku talaga. Si Dearden naman takot na takot. Tapos yun, wala lang, ewan ko paano kami nakatagal na gising. Ako dapat matutulog na at papasok na sa tent. First time kong makakatulog nun sa tent! Pero si Benson, biglang nagsuka nung pagkatayo ko. Shet! Hindi na lang ako natulog. So yun, nilinisan naming si Benson then ako umupo na lang din sa tabi nung mga lasing. Shet talaga! Hahaha! So inabutan na kami ng kalembang ng simbahan. Yung araw inabutan na rin kami. Unang nagising si Barry. So pinaalam naming kung pwede na kaming 4 mauna sa bahay para makatulog na rin. Ginising si Simoun para itanong kung may susi siya ng bahay. Naku wala. So yun, nagbakasakali na lang kami na baka magising naming Kuya ni Simoun sa bahay pag kinalampag naming. So dinala na naming ibang gamit papuntang bahay…

Ayaw Magising
Nung kuya ni Simoun.Kinalampag ko na yung pinto. Grabe tulog pa rin. Good luck. Buti na lang may mga patpat sa labas ng  bahay nina Simoun, dun muna kami nahimlay. Naku talaga. Ang init. Hilong hilo na ko sa antok. Dumating na lahat ng nagcamp, andun pa rin kami. Grabe, tagal nabuksan nung bahay Mr. T! Pagkadating na pagkadating sa bahay. Nakatulog agad ako. So yun, medyo okay na mga nalasing kagabi. Naligo na rin sila. So yun Mr. T!  Tulog na naman ako. Si Benson nung nakahiga ako at humiga siya, grabe yakap ng yakap! Kulit ng kulit! Naku talaga! Then yun, hindi talaga ko makatulog, naglunch na muna kaming lahat. Then ayun, buti lumabas ng room si Benson, nakatulog na ko. Hanggang magising ako at nagluluto na si Tess ng dinner. Tortang talong…

Pack Up
image After dinner. Inayos na namin mga gamit namin. Naligo na kami. Naglinis ng bahay. And around 11PM pumunta na dun sa may bus waiting shed. Ayun, parang wala kaming masakyang bus. Dahil puno lagi yung bus bago sa min makarating. So yun, kumain muna kami sa katabing burger stand. Hahaha! Hanggang naisip ng kuya ni Simoun na pumunta sa station ng Genesis. So yun, buti na lang, may papaalis na bus papuntang Manila. Then lahat kami, nagtricycle papunta dun. Tawa ko ng tawa kay Benson nung bigla siyang nagHi kay Rey nung nasa tricycle kami. Nasa likod kasi nakasakay sa likod ng ibang tricycle si Rey nun eh. Tapos kaming 3 nina Ritz. Katabi ko si Benson sa loob. Basta naaliw ako kay Benson sobrang laughtrip shet. Aylavet! Saya saya…

Genesis
Around 1AM. Umalis na yung bus. Katabi ko pa rin si Ritz para may masandalan ako. Pero hindi ganun ang nangyari.Dahil hindi ako nakatulog. Ang galaw galaw nung bus. Parang nasa Realto lang kami. Tapos si Rhitz puros joke pa. Pinagtitripan namin si Barry. Sakit ng tiyan ko kapipigil tumawa kasi tulog lahat ng nasa bus. Nakakaidlip ako ng onti Mr. T! Then yun, nagstop over na naman sa may panget na CR! Tsk! Siyempre takot ako magutom, bili na naman ng pagkain. Then bumalik na sa bus dahil papaalis na. Nakaidlip ng onti. Then pagkagising ko nasa bandang Pampanga na kami. Naisip ko na wag na matulog dahil malapit na lang. Then nung nakita ko nasa Balintawak na, ayun, nagising na sense ko. Ang saya saya na ng puso ko dahil Manila na rin sa wakas!

May 4, 2009

North-Ortigas-Makati
Ayun, may mga nababa na sa North, sa Ortigas, together with Barry, Rhitz, Yizvette, Benson, Sabs, Renz and his sis, sa Makati kami bumaba. Plano kasi naming manood ng sine lahat. So yun, grabe ibang iba yung Makati. Parang ang sarap  ng feeling. Sabi ni Yizvette sa bahay na lang muna nila kami magstay since wala pang bukas na mall. Sa Makati rin naman yung bahay nila so dun kami natungo. Dala dala mga gamit namin. Pumunta kami dun

Bahay Nina Yizvette
Ayun, medyo nagpahinga, habang andun. Humiga, nood TV. Then nag-almusal muna sa malapit na carenderia. Then yun, bumalik sa bahay nina Yizvette. Si Barry, gusto kunin kotse niya sa bahay nila and then babalik na lang sa Makati. Then yun, together with Ritz, Benson at ako, si Barry nagcab papunta sa kanila…

Bahay Nina Barry
Ayun, wala kasi parents niya kaya malakas loob naming pumunta. Then yun medyo nagpahinga ako. Pero maingay si Benson at Ritz. Si Benson harot pa ng harot nung nakahiga ako. Nung ako na nangharot, natakot ata lumayo! Buti naman! Si Barry hinatid pala muna sis niya sa Marikina. Then binalikan kami. Tawa kami ng tawa sa mga pictures ni Barry nung bata. Then yun, dumaan naman kaming Greenhills para sunduin si Van. Pero nagpagas muna si Barry sa N. Domingo. Dun ko nalaman na kapitbahay pala naming si Benson dati…

Greenhills
Sinundo namin si Van sa North Greenhills. Ayun, after sunduin, since nawala nga phone ni Sabs sa La Union, naisipan namin na bilhan siya dun ng phone. So ayun, si Ritz nag-abono. Super antok na ko. So habang naghahanap silang phone, nag-almusal ako sa Starbucks. Then yun, sa awa ng Diyos. Pagtapos ng mga negosasyon, nakabili na rin sila ng phone na gusto ni Sabs at may features na sinabi ni Sabs. Then naghahanap ng malulunchan. Rack’s dapat. Kaso naisip naming sa Makati na lang. So yun, pumunta na kaming Makati.

A. Venue
Hindi ko alam yung pangalan ng Korean resto na kinainan naming 5! Hahaha! Sina Sabs tawag na ng tawag. Pero dun kami kumain. Ayaw ko yung pagkain. Weird, si Benson nagpatawa na naman! Ako grabe as in nasuka! Wah! Pero sa CR ko ginawa. Umakyat lahat ng kinain ko kaya siguro ako nasuka. Wah! Then yun, kinita na sina Yizvette, Sabs and others sa G4 food court. Then yun… since 5:45 pa panonoorin namin, nagikot ikot muna kami. Ako gumawa muna ng milago sa GB4. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Matty. Shin Dang Dong pala name nung resto sa A. Venue

Matty
May problema si Matty. Pero salamat sa Diyos may trabaho na siya. Pero weird talaga Mr. T! Tulad nga ng sinabi ko sa kanya “Sabi ko sa yo!”. Hays, sana lang wag yung iniisip ko yung problema niya. Then yun, hinatid ko siya til MRT station. Then ako nagikot ikot mag-isa. Then yun nood na ng movie…

The Haunting In Connecticut
Hindi ako mahilig manood ng nakakatakot. Lalo na sa sinehan. Tawa na lang ako ng tawa nung  napapasigaw ako. Nagkaroon pala kami ng pagtatalo ni Barry bago manood. Ayaw kasi ni Barry manood ng nakakatakot. Hello ako ba gusto ko? Sinabi ko na sayang yung hinintay namin para dun kung hindi kami manonood and nakakahiya sa mga kasama naming. Pati sina Sabs ata nasindak sa titig k okay Barry. Ako lang daw nakakagawa kay Barry nun. Chairperson kasi nila si Barry eh kaya hindi nila maganun. Pwes ako wala talagang pake. Nakakahiya kasi sa iba. Ayun, pumayag naman si Barry. Nagets niya gusto kong iparating…

Finale
image  Ayun, then super sikip kami sa kotse ni Barry nung pabalik na kami sa bahay ni Yizvette. Naku talaga, dapat talaga magcacab kaming 3 nina Benson and Ritz, kaso yun nga, sobrang haba ng taxi lane! Wah! Then yun, siniksik na lang naming 3 sarili naming. Si Benson at Ritz nasa harap. Sobrang nakakatawa yung position nila. Then yun, buti na lang hindi kami nasita at buti na lang hindi naflatan si Barry. Hahaha! Then yun, kinuha na mga gamit sa bahay ni Yizvette. Dapat si Sabs and Benson sasabay kaso biglang sumabay si Renz and yung sis niya so yung 2, naglakad na lang dahil malapit lang naman Buendia from bahay ni Yizvette. So yun, unang binaba si Ritz, then lumipat ako sa harap. Then super gutom ako, nung nasa Greenhills na, nagpadrive through ako kay Barry ng Chicken Spaghetti at Aloha! Shet para kong patay gutom. Then yun, sumunod na akong bumaba. Then siguro si Van yun sunod dahil next street lang siya from street namin. Then yun. Pagkadating na pagkadating sa bahay. Tinanong ko sa nanay ko kung kilala niya yung name ng nanay ni Benson. Grabe kilala nga. Hahaha! Then natulog na ko agad sa sobrang pagod. Naghahanap ng pasalubong nanay ko. Kumusta naman, hindi naman kami namili!

imageSo yun mga nangyari Mr. T! Hmmm… hindi detailed tong kwento na toh. Eto lang lahat ng naalala ko Mr. T! Sorry naman. Pero at least yung naramdaman ko last week at least maalala ko. Ang saya saya. Di ba? Ngayon naisip ko na hindi ako pwede tumira sa probinsya! Grabe! Walang mall, sarado na mga tindahan sa gabi! Grabe grabe. Pero masarap magstay ng sandal dun dahil walang stress. Walang usok ng sasakyan. Walang internet. Walang iniisip. Masarap din mapalayo sa tunay na mundong ginagalawan. Pero mahirap maglipat ng mundo. Hindi siya ganun kadali. Once in a while maganda. Destress kung baga. So ayan, alam kong walang magbabasa nito. Kebs. Ako magbabasa nito pag maglolook back ako sa mga nangyari sa buhay ko. Ang saya saya Mr. T! Update you soon okay? Mwah! I miss you! I appreciate you and I love you Mr. T! Mwah! Mwah!

Sobrang daming pictures Mr. T! Eto mga links sa Multiply ng mga nagdala ng camera:

Pics from Sabs:
http://sabs05.multiply.com/photos

Pics from Denys:
http://ish6913.multiply.com/photos

pics from Yzvette:
http://izvet.multiply.com/photos

pics from Simoun:
http://simounbautista.multiply.com/photos

from Rhitz:
http://rhitzjoy.multiply.com/photos

Ayan sa wakas napost ko na rin. Ayoko na masyadong maglagay ng maraming pics dito sa Tabulas. Ang tagal tagal raw kasi magload ng site ko! Kumusta naman talaga! Anyways. Ayan na ha Mr. T! :D

Posted by jjcobwebb on May 8, 2009 at 12:24 PM in Everyday Drama, Updates, Features | 1 comment(s)

Si Ate bumalik na ng Manila. At may isa pang bumalik sa Manila. Hanggang July daw siya dito. Wah! Aylavet! Excited na ko sa mga bonding moments na toh. Ang tagal ng July! Weeeee...

At yung araw bumalik rin agad. Kala ko may bagyo? Super lakas pa naman ng ulan kagabi. Grabe ang lamig lamig tuloy sa OsMak! :D

 

Currently listening to: Love Story by Taylor Swift
Posted by jjcobwebb on May 8, 2009 at 12:29 PM in Everyday Drama, Family, Drugstore | Post a comment

122520082111Una sa lahat, belated Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay. Sa nanay ko siyempre una. Sa ate ko. Sa kapatid ng kuya ko. Sa mga tita ko at kay lola. Pati kay nanay Jong. Nanay ko sa cyberworld! Haha! Happy Mother’s Day sa inyong lahat. Wala namang nagsabing hindi ko na kayo pwede batiin. Yan picture ng nanay ko. Candid para bongga. Para naman may tribute tas di niya rin alam! Di ba madrama? Haha! Kinuha ko magandang pic kasi ayaw niyang mukha siyang lola eh. Ni ayaw nga magpatawag ng lola! Gusto tita lang. Naman! Happy mother’s day Josie Webb! Haha!

Mga nagsibalikan: Si Papa, si Tito Oscar, si Jeffrey, at ang aking blog-friend turned real-life-friend na si Aldrich ay nandito lahat sa Pilipinas! OMG lang di ba? Si Kuya muntik na rin umuwi. Grabe. Parang mga events sa buhay ko lately nagdadagsaan. Hindi ako makakeep-up. Update you pag naupload na ni Jeffrey mga pictures niya para masaya. :D Happy birthday sa 2 kong pamangkin pala. Si Emo kahapon. Si Kobe ngayon. Weeee...

Currently listening to: Jai Ho by PCD
Currently feeling: natatae
Posted by jjcobwebb on May 11, 2009 at 12:42 PM in Everyday Drama, Updates, Family | 1 comment(s)

Nakaprivate entry toh last year. May lakas na ko ng loob ipublic tong entry na toh. Siguro ganun talaga. Nakakasanayan mo na ang isang tao and everything you do and he does eh parang nagiging natural na lang. Ganun naman ata talaga. Anyways, this is from a May 11, 2008 entry. Exactly 1 year ago...

Get Here Pt. 2
Posted on May 11, 2008 at 06:15 PM by subtlebli

Mr. T! Sobrang saya ko kahapon. Kahit na sinabi pa ng ni Rej na on and off si Chris sa Downe. Actually dapat icacall off ko na lang kasi parang naramdaman ko nga na “I’m really not good enough”. Pero pag-iniisip ko pa rin, wala naming masama making new friends. Si Rej nga dib a may jowa na may Downe pa. Wala lang Mr. T!, I’m a jealous person. Though wala naman talaga kong karapatan magselos dahil wala naman kaming relasyon ni Chris. Masaya talaga kagabi kahit kalahati ng utak ko iniisip kung napilitan lang ba tong si Chris or gusto niya rin talaga ko makita. Minsan naman, iniisip ko na ano ba tong date na toh, parang Tom-Jacob date lang na ako si Tom (assuming na may gusto sa kin si Tom) tapos si Chris ay ako (na parang wala lang, friendly meet up lang). Maraming tanong sa utak ko sa totoo lang Mr. T! Pero the closest thing that I can do right now is to assume. Assume na hindi, at assume na oo. Ang hirap di ba? Pineprepare ko na rin sarili ko Mr. T! if one day sabihin ni Chris na hanggang friend lang talaga tingin niya sa kin. Kakayanin ko naman talaga Mr. T! Pero sana di ba, hindi niya pinatatagal tong nararamdam ko. Dahil habang tumatagal mas lalo ko siyang natutunang mahalin eh. Para sa kin, mahirap i unlearn to love ang isang tao. It will take me years sa totoo lang. Ewan ko, kaya minsan naiinis ako sa sarili baket ganun ako eh. Sa totoo lang Mr. T!, ngayon lang talaga ko naghintay ng ganito katagal para sa isang guy. You know me, pag hindi ko talaga gusto, I tell them immediately. Pag medyo gusto ko lang, napapagod agad ako sa paghihintay. But Chris’ case is so different. Hindi na toh infatuation Mr. T! Kung hindi pa toh love ano na lang tawag dito? Siguro nga tama yung tingin ko na mas gusto ni Chris yung mga mature na tao. I have always been childish Mr. T! Siguro naman kahit 25 or 30 na ko childish pa rin ako. There’s nothing I can do about it. Minsan iniisip ko yung sinabi sa kin dati, “there is no right time and right place for the right person”. Gusto ko maniwala pero naramdaman ko na rin naman yun. Sobrang magiging unfair sa taong gusto mo mahalin tapos hindi mo siya kaya mahalin fully. May odds talaga.

Minsan napapagod na rin ako isipin si Chris at maghintay para kay Chris. Baket niya pa kailangan makipagDowne Downe or makipag”Flirt” flirt at magpapansin.  Siguro mas gusto niya nga yung may nagawa na sa buhay. Yung may naachieve na sa buhay at may nangyari na sa buhay. Sino ba naman ako? Hamak na delayed lang sa DLSU. Mga haka-haka ko lang naman yan Mr. T! dahil he never speak about those things. The way he treats me at times is really unpredictable. Minsan napakasweet, minsan wala lang, minsan ang lambing, minsan ang rigid. He makes me think. Pero despite those, I still like him. I even like him more. Siguro ngayon masasabi ko, medyo naiintindihan ko na kalagayan ni Chris. Sobrang kabaligtaran ko siya. Pero kahit sobrang iba yung mga gusto niya sa gusto ko, nafefeel ko, we compliment. Sana nafefeel niya rin yun. Baka ako lang na naman nakafefeel nito. Baket kaya ganun... hay. Minsan wala talaga ako sa lugar mag-isip Mr. T! Madali lang talaga ko kausap Mr. T! It’s either he tells me to wait or not to wait. Dahil baka hangin lang talaga ang hinihintay ko. Pero kagabi, panandaliang tumigil ang mga tanong na yan sa utak ko Mr. T! Kung puwede lang hindi matapos yung mga nangyari kagabi Mr. T! Kung puwede lang talaga.

So eto ang mga naganap kagabi...


Medyo bad trip ako nung naliligo ako. Weird, kung anu ano kasi sinabi sa kin. But anyways, I made sure na mauunahan ko si Chris sa Makati kaya bago pa lang mag4 pm, nagaayos na ko. Ang hirap mag-ayos ng buhok Mr. T! Kaya minsan masarap ang kalbo. So yun, nakarating sa Makati bandang 4:40pm siguro. Salamat talaga sa Diyos at hindi umulan at natuloy kaming lumabas ni Chris. Habang papunta sa Powerbooks sa may GB3, nadaanan ko ang Jollibee. Grabe, nagutom ako sa amoy nung store. So, umorder ng Jolly Hotdog, Solo Pizza and Black Forest. Isang store tapos Greenwich, Red Ribbon and Jollibee andun na! Cool di ba? Habang nakapila, nagtext si Chris Mr. T! Ganito...

"Um, mejo madilim at umaambon at mukhang babagyo..."

So nagtext back ako na nasa Makati na ko at hindi umuulan sa Makati. Itext niya na lang ako pagnandun na rin siya. Habang kumakain na ko ng pagkain ko, andun na pala si Chris sa Powerbooks. Okay fine, nauna siya. Dali dali kong inubos yung cake at may natira pa nga eh. Sos, nagsinungaling pa ko na andun ako sa may Archie na section. Hahaha, nahalata naman ni Chris na pagod na pagod ako. Anyways, yun. Ang cute ni Chris nung nagkita kami Mr. T! I can stare at him forever sa totoo lang. Do I sound desperate here? But really, ang cute niya kahapon. Weird! Or is it hindi siya naka collared shirt? Anyhows, ayun, medyo nagpahinga ko ang umikot ikot sa Powerbooks and siya rin umikot ikot. Malamang mahilig si Chris magbasa so pinabayaan ko muna gawin yung gusto niya sa buhay niya. Tapos nun, medyo umuulan so wala pa kaming balak tumuloy ng Serendra. So umikot ikot muna kami sa GB5. Hindi pa pala nakakapunta dun si Chris so nagtour muna kami. Grabe, ang saya ko hindi ko alam baket. Kahit naglalakad lang kami okay na okay na sa kin yun Mr. T! Pero tumingin tingin muna kami ng gadgets bago kami tumungo sa GB5. Since umuulan ulan pa talaga, sa GB3 naman muna kami tumambay. Nagkulitan, kuwentuhan, tawanan, gaguhan. Masaya pa rin Mr. T!

Dahil ang kulit ko at gusto ko ng pumunta sa High Street, sinabi ko pumunta na kami. Sabi ni Chris uulan pa yun pero ako makulit talaga. So tinahak naming form GB3 hanggang dun sa ilalim ng MRT tapos papunta sa isang madilim na kalsada. Umaambon ambon na nun Mr. T! Medyo malalaki na yung patak ng ulan. Hindi dala ni Chris yung mahiwagang payong niya. So buti na lang bago maging super lakas ng ulan, nasa loob ng kami ng bus. Fort Bonifacio Bus yung name nung bus. First time ko nakasakay dun. Sobrang cool ng bus Mr. T! Sabi ni Chris picturan ko raw or magpapicture ako pero nakakahiya hahaha. Basta nakakatuwa yung bus. Sa gitna meron malaking space tapos yung upuan nakaharap sa pinto. Tapos basta mahirap idescribe, di ako magaling sa pagdedescribe. I’ll take pictures pag nakasakay ulit ako dun. Galing galing. May bago akong natutunan kay Chris. Anyways, ayun, palakas na ng palakas yun ulan habang tumatakbo yung bus. Ako naman kilig na kilig dahil katabi ko si Chris. Ayun, kuwento pa ni Chris nagtrabaho siya dun before the The Fort. Basta as usual ang saya ko dahil andun lang siya. Maraming stops yung bus Mr. T! Bumaba kami dun sa may Market Market waiting shed. Naku, sobrang lakas talaga ng ulan Mr. T! Buti na lang mabilis kaming 2 tumakbo hahaha. Nakasilong agad kami. Buti hindi ako nagkasakit. Sana si Chris din hindi nagkasakit. Pagkadating naming sa Market Market. Naku! Brownout pa! Hindi rin kami puwede tumuloy sa Serendra at High Street dahil ang lakas talaga ng ulan. So umikot ikot muna kami sa loob ng Market Market. Ang saya.  So naghanap kami ng kakainan Mr. T! Ayun, pinulot kami sa North Park. Naku, yung Sweet and Sour Pork at Honey Lemon Chicken dun magkasinglasa! Blech! Buti kaharap ko si Chris! Hahaha... ayun nagpicture moments pa kami dun sa North Park Mr. T! It was so surreal. Nakakapagtake na ko ng pic ni Chris? Totoo ba toh? Hindi na silent si Chris? Totoo ba toh? Ang daldal na rin ni Chris Mr. T! I’m loving it. :D Anyways, after naming kumain, si Chris nagbayad, hindi ko alam kung libre or utang yun. Nalabuan ako. Anyways, tumila na yung ulan after naming kumain sa North Park. Naglakad lakad na kami sa Serendra and High Street. Walking was with Chris was a bliss. Kaya ko maglakad pauwi sa totoo lang basta kasama si Chris. Ang saya Mr. T! Never ko naimagine mangyayari yun. Then, since may Fully Booked dun. Ayun, pasok kami. Medyo magkagalit muna kami sa loob... hahaha. Dahil alam naman nating adik sa libro si Chris. Ako medyo lumayo muna dahil baka magselos ako sa libro. Hahaha. Ayun, naghanap rin ako ng mababasa ng biglang nagtext si Chris pasaway...

"Wow. Nagbabasa ka pala ng libro. Hahaha..."

Pakatingin ko sa taas ng Fully Booked, andun si Chris. Hahaha... naconscious ako. I stopped reading. Hahaha...
Pagtapos umikot ikot sa Fully Booked, nagkape kami sa Starbucks. Ang fun nung cashier nila kinukulit ako Mr. T! Hahaha... anyways, ayun kung anu anong kadisasteran nangyari sa dun. Natapon ang aking Caramel Frappe Mr. T! Nakakahiya di ba? Si Chris kinunan pa ng picture pasaway!!! Ayun, then umupo muna dun usap usap. First time ko nakita si Chris na super tumatawa. I love it Mr. T! :D Ewan ko ba anong meron si Chris baket gusto ko siya. Basta basta, masaya rin nung nasa Starbucks kami kahit er... natapon iniinom ko. Dapat pala lilipat kami ng upuan kaso nakareserve yun upuan malapit sa window! Tsk... tapos pinakita rin ni Chris yung nakadate niya na si Carlo na EIC ng PULP. Medyo selos ako... hmmm. Anyways, ayun, after magkape, naglakad lakad ulit kami sa Market Market, Serendra and High Street.
Sobrang kinakabahan ako pumunta ng Governement kagabi Mr. T! Gusto ko ng ituloy yung pagpunta kasi gusto ko pang mas maraming time with Chris Mr. T! eh... so kinaya ng bituka ko. So yun, nagcab kami papuntang Makati Avenue dahil andun ang Government. Medyo may pagkatanga yung taxi driver dahil lumampas kami sa dapat babaan. So nilakad muna namin ni Chris until Yellow Cab. Medyo tinignan muna naming kung bukas or may event yung Government. Ayun, nagTubig ako at si Chris nagCoke Zero muna sa Yellow Cab. Tapos dumaan kami sa Gov. Nilakasan ko loob ko para tanungin kung may event. Ayun, meron nga pero di ko alam kung ano at libre ang entrance Mr. T! Pero since hindi pa open, naisip ko na magRed Box na lang kami. I really didn’t want the night to end Mr. T! And yeah, inabot na naman ng May 11 on the streets. Hahaha... another 11 of the month na nagkita kami.

After nun nagRed Box na muna kami. Hindi naman sinabi sa kin ni Chris na marunong siya kumanta. Hay... wala na! Patay na ko! Hahaha... natrap ako sa haze nung kumanta na si Chris. I have always wanted someone to sing songs to me Mr. T! Sobrang natulala na lang ako. Pero bago pala yun, buti may membership ako dun sa Red Box. Hehehe... anyways, ayun. Basta kala ko hindi kumakanta si Chris pero Mr. T! Ang galing galing talaga. Iniimagine ko niyayakap ako ni Chris kahapon nung kumakanta siya. Tapos tig-2 pa kami ng San Mig kagabi. Medyo nahilo ko dun sa San Mig na yun pero keri pa naman. Then bago mag 4am, since 12am – 4am yung time naming na puwedeng igasta dun sa room, umalis na kami. Hahaha... may video ako ni Chris na kumakanta Mr. T! :D Tapos may pic pa kami together! Yey! Then since gusto ko talaga si Chris makapasok sa Gov, I insisted na pumunta pa rin kami. Ayun... pumunta nga kami... Same same. As usual puros bakla. Mga macho, matitipono, may mga ichura. Ewan ko lang ha, pero siguro lahat ng mga bakla dun gusto ng jowa. Ewan ko kung may matinong jowa dun. Hindi ako nagjujudge pero siguro 1 month matagal na kung magkajowa ka sa ganung lugar. Ewan ko, baka it’s just me. Anyways, ayun, tapos mga 30 minutes ata kami dun sa loob. Wala lang masaya  ko dahil nakapasok si Chris dun. Weird ba ko dahil masaya ko? Anyways ayun, then ayoko pa sana talaga umuwi dahil forever ko na ata gusto kasama si Chris... sadly kailangan muna matapos. So yun, nauna ko bumaba sa cab. Sa Aurora Blvd. na ako nagpapababa since puwede naming lakarin yung bahay naming from there at para tuloy tuloy ng papuntang Katipunan si Chris. It was a night Mr. T! If this is how I’ll wait, I can wait forever. Chris, take your time. I can wait sabi ko naman di ba. Basta sabihin mo lang kung wala akong hinihintay, dahil maiintindihan ko pero masasaktan ako siyempre :D I hope you’ll get here soon. I love you more! :D

Ngayon sabihin mo sa kin na hindi ka nakarating...
Currently listening to: Underneath The Stars by Mariah Carey
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on May 11, 2009 at 03:07 PM in Everyday Drama, Features | Post a comment

image

Saturday was bliss. My beloved friend Jeffrey is back from Taiwan. He’ll be here til July and some plans after July are written for him. Including his Switzerland plan. Anyways, it’s just now that I was able to get hold of the pictures that was taken last Saturday night. The day started when Jeffrey texted me if I was available for that day. Fortunately I was. He also asked Rhitz, Barry and Shyla for some get-together. I was in Greenhills 3 hours before the meet-up time. That sucks. And so Jeffrey told me: “Wow hindi ka na DIVA!”. I think so too. I was in Greenhills around 3:30PM and Jeffrey arrived at 5PM. Then Shyla, then Rhitz and Barry. We ate in Tokyo Tokyo. After eating we headed to Family World KTV because Jeffrey really wanted to sing. Then we headed to Starbucks NE GH. Miggy wasn’t there. Papakita ko pa naman kay Shyla. Hahaha! We ate,talked and had fun. Around 11PM, we agreed to call it a day. But but but, Barry called up Rhitz, while in the parking area. He wanted to have a drink or two. Since Metrowalk was just Ortigas-away, we went there. Then had a drink. Goodness. I got drunk. Then lost my eyeglasses. Rhitz wasn’t drunk. Si Barry rin. Shyla was. Rhitz wanted to drive Shyla’s car cause something bad might happen. But thankfully he got some safe. Then I forgot what happened next. All I can remember was Barry drop me off my house and, looked at my phone and read 2AM and I immediately fell asleep. And my brother helped me put on my pambahay clothes. Hahaha! Okay, this was short, tinatamad talaga ko magblog lately. Tssss…

image image
image image
image image

Sana lagi kaming ganito. We used to be. :-) And last Saturday was a proof we still can be like before. :-) Laging magkasama! :D And how did Jeffrey get home to Alabang? Hmmm…

Currently listening to: Take A Bow by Rihanna
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on May 13, 2009 at 07:18 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining | 1 comment(s)

May, 13, 2009, 18th birthday nang unang una namin pamangkin sa pinsan. Si Alyssa. Weee… daming iyakan nung party kasi nga di ba si Kuya Godie wala na. Hays, ayaw ni Alyssa marinig yung Dance With My Father nung gabing yun. Naiiyak siya sa kanta na yun. Siya yung naka necklace. Anyways, pictures:

05132009022 05132009023
05132009020 05132009024

Yung pictures nung party last Sunday sa bahay ni Ate hindi ko pa nahahawakan. Anyways, yan lang mga na kuya kong pictures that night. Nasa digicam yung iba. Masyado ata kong inpired sa Barbie ngayon na gusto ko magsuot ng mga color pink! Hahaha! Ang bakla mo Jacob ha! Haha! Sige sige, update you soon Mr. T! :-) At parang wala na kong buhay. Lagi akong tulog dito sa bahay. Kain-tulog-pasok-tulog-kain-pasok. Hahaha! Shet. Asan ang life? Ang swapang ko na sa sarili ko Mr. T! Nafeefeel ko lagi kong gusto mapag-isa. Gusto ko ng tahimik na mundo. Pero ayoko pa mamatay ha! Hahaha! Ako ba ito? Baka transition lang…

Posted by jjcobwebb on May 15, 2009 at 11:21 AM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 2 comment(s)

Met up with Barry and Rhitz in Galleria yesterday. Hindi nakasama si Jeffrey kasi may family dinner sila. Tagal ni Barry dumating so nauna na kami ni Rhitz manood ng Ded Na Si Lolo. Grabe, tawa ko ng tawa. Pinapakita lang sa movie gaano kasuperstitious mga Pinoy. And the best talaga si Roderick Paulate. Tapos, kumain sa Yoshinoya with Barry na. Then hinatid ako ni Rhitz sa OsMak kasi may pasok ako. Tinawagan ako ng pinsan ko sa Bicol kahapon si Kathy, wow, pinapakanta ko sa kasal niya come July 18. Grabe, napapaisip ako kasi malayo layong bihaye yun. Unless sumama sina Mama and the whole family payag ako. Pero mukhang ayaw nina Mama kasi ang layo. Pero siyempre nakakahiya naman dahil talagang naisip niya pa ko. Tsss... hmmm...anyways, yun lang naman Mr. T! At ewan ko kung anong fuzz sa AI lately. Hahaha! Hindi ako nanood ngayong season. Simula ng nalaman kong may powers na ang judge mag eliminate or magsave ng tao. Which sucks btw. Pero napanood ko si Adam, magaling siya, si Chris naman ay cute. Amf! Update you soon...

Currently watching: Precious trailer
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on May 17, 2009 at 09:23 AM in Everyday Drama | Post a comment

Bigla kong naalala toh nung nasa kotse kami:

"So ganun na pala ngayon. Hindi mo na ko sinasama sa mga plano mo..."

"Gaga, alam ko naman kasing busi-busihan ka mga panahong toh kaya hindi na kita tinanong..."

"Haller, alam mo namang para sa yo titigil mundo ko! Kung kailangang hindi pumasok sa trabaho hindi ako papasok para sa yo. Hahaha..."

"Puta ka ulol! Haha!"

Natawa tuloy ako. I love you Barry! Haha! Musta ka naman Mr. T!? Miss na kita. Hays... as in miss na kita. Miss ko na rin kausapin sarili ko ng bonggang bongga. Miss ko na rin magbasa ng mga blogs. Miss ko na rin magcheck ng mga profile ng mga tao online. Haha! Miss ko na magstalk sa internet. Haha! Miss ko na rin tawanan mga profile ng mga taong defensive. Haha! Kaazar! Mga ipokrito puta. Shet lang talaga! Sarap barahin puta. DESPERATE. Kaloka, hindi ako gagamit ng profile pic na nagamit ko na 2 years ago. Hahaha! Kaluka! Anyways...

Ang hirap din magpanggap sa internet kung totoo naman talaga. May kulit ng kulit sa kin sa Facebook. Super tanggi talaga ko sa mga tanong niya sa kin...

"Di ba nagmeet na tayo dati?"

"Hindi kita kilala sorry..."

"Nagkita na talaga tayo dati. Taga DLSU ka rin di ba?"

"Hindi nga ang kulit mo naman! Hindi ako taga DLSU!"

Kung alam niya lang na ako talaga yun. Ayoko lang talaga iconfirm. Para maexcite siya! Hahaha! Feeling! Hahaha!

Natatakot ako pag nagpapatawag ng meeting si Ate. As in natatakot ako. Shet, kaya bukas, kasama si Benson, maghahanap kami ng trabaho. Haha! Pasukan na ng DLSU bukas. Shucks. Hindi na ko estudyante Mr. T! Nakakalungkot. Ano ba toh. Sabi ko kasi ayaw ko pa grumaduate eh! Huhuhuhu...

Pag andito talaga tatay ko, lagi akong pinapapalengke. Grabe, mukha ba kong palengkero? Pero in fairness, ang ayos na ng palengke ng San Juan ha! At malinis na talaga siya. Or dahil hindi lang ako umabot dun sa may mga isdaan part. Hmmm... naiisip ko tuloy yung sinabi ni Rhitz about working sa family business. Seryoso, narerealize ko siya ngayon. Grabe, 24/7 ka talagang nasa trabaho. Wala ka na ngang pasok, pati sa bahay yun pinaguusapan. Sa kotse, habang kumakain sa labas. Ano ba yan! Ayaw ko ng ganito. Kung weekend at walang pasok sana naman wala ng usapang drugstore. Sa totoo lang, nakakapagod. At birthday pala ni Tita Beth yesterday, may kainan siyempre. Mga pinsan ko andun din. Nakakatuwa dahil may mga kasama silang jowa bawat isa. Hirit ni Dindin sa kin"

"O ikaw Hakob, kelan ka magdadala ng jowa sa mga okasyon na ganito?"

"Hah? Eh! Ah!? Ano yun? Hahaha..."

"Huwag mo kong gaguhin. If I know dami mo ng ex..."

"Ay good luck naman sa yo! Sorry di ako magkakaex! Hahaha!"

"Gayahin mo kami disposable ang jowa..."

"Gaga, huwag mo ko itulad sa yo..."

"Sige na, ikaw na ang pinakabusilak..."

"Naku, alam na alam mo yan! Hahaha!"

5 buwan na rin akong hindi binibigyan ng pera ng nanay ko. Grabe, wala kong naiipon ano ba yan. Ewan ko, sobrang pagod ako lately na kahit na magbukas ng internet tinatamad ako. Kahit mga taong mahahalaga sa kin tinatamad dina ko makipagkita. Weird, wala akong inspiration puta.

Yesterday pala, nadaan ako sa Trinoma. Tagal ko na rin di nakapunta dun. Wala lang, nakatulog kasi ako sa MRT and dun ako nababa. So umikot ikot na lang muna ko sa Trinoma. Nag-emote emote. Haha! Grabe, hindi nagrereply yung nagpapabid sa Ebay ng gusto kong gamit. Shetness.

At ang dami talagang gusto makipagkita! Tinatamad talaga ko! Shet lang.

Ang haba na rin ng buhok ko at yung bigote ko ang kapal na. Kailangan ko ng tweezers! Hahaha!

Susme, si Jeffrey andito nga sa Pinas pero hindi ko naman mafeel presence niya! Paramdam ka naman kaya Hefer! Nakakatampo ka na ha! Lols, parang jowa! Maisyu na naman ako ng kuya ko.

Habang pauwi kahapon, may nakasabay akong lalake. Grabe, siguro pinakapowerful sa lahat ng senses ng tao eh yung sense of smell. As in yung pabango niya, grabe! Ang dami kong naalala sa amoy na yun. Parang daming memories na binalik nung pabango niya. Weird... bigla akong napa-emote nung naamoy ko yun. Haha!

Para sa mga mag GEB sa Sunday: Mommy Jong, Cha, Max etc... tuloy ba talaga? Sige sige sabihan niyo lang ako...

Update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: Anytime You Need A Friend by Mariah Carey
Currently feeling: na-c-cr
Posted by jjcobwebb on May 19, 2009 at 10:14 AM in Everyday Drama, Updates, Family, Drugstore | 2 comment(s)

Win a 2 million dollar at St. Thomas Waterfront villa for a $100! A perfect name for a perfect vacation spot!

A 6 bedroom villa. Each bedroom in St. Thomas Vacation Villa rests on a cliff that overlooks that expanse of the Caribbean. Hans Lollick Island is just a glance away from your window.  St. Thomas has an 8-hour stop on cruise 5 years ago.

Ask anyone that looks like they are from “state-side” how they ended up in St. Thomas, and the reply is usually the same. “I came to visit and never left” or  “I came to visit, went home, packed up and came back”. Their story is similar but different.

Shocking as well are all the things that come with this extraordinary home. Like the absolutely breathtaking view of the Atlantic ocean and neighboring gem-like islands. And the sheer, gorgeous drama of living right on the edge of a stunning cliffside.

The fact that this gorgeous, guarded, gated golf community retreat, valued at some $2 million, can be yours with a raffle entry of just $100! Raffle entries are priced at $100 each. The more entries, the better your chances. You can still be a VIRGIN Islander

Visit St. Thomas Vacation Villa, and create memories for you and your family that will last a lifetime. Visit St. Thomas Villas now.

Posted by jjcobwebb on May 19, 2009 at 11:56 AM in Everyday Drama, Reviews | Post a comment

Mga employees sa Planet OsMak have gone berserk... at ayoko sila maging topic ng blog na toh dahil nakakastress sila. Magkukuwento na lang ako sa nangyari sa amin ni Benson ngayong araw na toh. Benson saved the day! Haha!

Jobhunting. Yun dapat gagawin namin ni Benson kanina. Pero, anong oras na nung nagkita kami, past lunch time na. Wala pa kong tulog and all, and siya wala pang picture para sa resume niya. Good luck naman talaga. Wala kaming pictures pala ni Benson kanina sayang, pero may mga videos sa phone ko. Hahaha! May video rin ata ako sa phone niya. Amp!

Nauna ko nakarating sa Market Market. Nilakad ko galing OsMak Pembo. Malapit lang pala in fairness. At take note, nagmumura yung sikat ng araw kanina sa kalsada. Okay lang naman sa kin dahil bawat tao ng kanto na nakikita ko at naririnig ko ang usapan eh puros tungkol dun sa Katrina and Hayden ko Sex Scandal! O di ba?

So yun, habang wala pa si Benson sa Market Market, umikot ikot muna ko and tumingin tingin ng mga kung anu-ano. Then yun, nabored ako, sabi ko kay Benson na sa Fully Booked na kami magkita sa BHS para may matambayan ako. Habang hindi ko namamalayan yung oras at may binabasa ko. So yun, after mga 30 minutes dumating si Benson...

Hindi niya raw kaya powers ko sa paglalakad. Sabi ko hobby ko na talaga. Haha! Then yun, since lunch time na, naisipan namin na kumain muna. Umikot ikot kami sa mga food court sa Market Market at mga fast food sa loob pero nauwi kami sa Kamay Kainan. O di ba? Dun pa lang alam ko ng hindi na matutuloy yung pagjojobhunting namin. Hahaha! Dahil uupo na kami dun forever. Haha! So yun, ganun nga nangyari, habang lumalamon kami, napag-isipan namin na sa Friday na lang namin ituloy ang aming mga plano. Nasa folder ko tuloy mga resume ni Benson! Haha! Then yun, habang kumakain, sobrang bonggang bongga kaming nagkwentuhan na parang long lost friends kami. As in! Sa 2 oras na nakaupo kami dun sa Kamay Kainan, ang haba ng napagusapan namin. Parang history na ng isa't isa. Nakakatuwa kasi ang spontaneous naming dalawa. Then parang habang nag-uusap kami, may natouch na topic na VIDEOKE. Shet, mahilig din pala magvideoke si Benson. So yun, nakalimutan ko na meron palang Timezone sa BHS, napadpad pa tuloy kami sa GB3 para mag videoke sa Timezone dun.

So habang papunta sa GB3, sa Fort Bus, grabe, ang dami pa rin namin napagkwentuhan. Dati raw naiilang siya sa amin ni Rhitz dahil kala niya maaarte kami kasi friends kami ni maarteng Barry, pero hindi pala. Tapos yun, basta, sa ilang minuto lang namin sa bus nun, ang dami pa rin namin napagkwentuhan. Then yun, habang naglalakad papuntang GB3, wala, parang ang super close agad namin ni Benson. Nakakatuwa. Hindi ko inexpect na parang super close agad kami. Sabi nga niya, medyo nasusuka na raw siya nung kasama niya kami sa La Union nun. Hahaha! Imagine daw, from Thursday to Sunday kami kasama niya! Hahaha! At buong time raw parang tulog lang ako sa La Union! Hahaha!

So siyempre, may mga tungkol sa love eklavu napagusapan namin. So tumatak sa utak ko yung sinabi ni Benson about sa tinanong ko sa kanya:

"In order for it not to fade, you need assurance galing sa kanya. At times, reassurance too para mapanatili mo yun..."

Siguro parehas kami mag-isip ni Benson sa part na yan. Hanggang ngayon iniisip ko yung pinag-usapan namin na yun Mr. T! When you get no answers at all, ikaw na lang ang mag-aassume. Napaparatangan ka pang mahilig kang mag-assume. Wala ka naman talagang magagawa. Mag-aassume ka na lang kasi wala ka namang nakikitang sagot sa mga tanong mo. Walang gustong sumagot sa mga tanong mo. At nakakalungkot yun. Ewan ko, talon tayo ng topic Mr. T! Baka maging madrama entry ko...

Then yun, nagTimezone kaming 2. Inubos namin yung 110php ko pang natitira sa Timezone Card ko. Ayun, para kaming mga lasing dun sa loob ng cubicle. Nakakatumbling mga pinagkakanta namin. Parang mga panlasing! Hahaha! Ayun, kasama si Benson sa Saturday sleepover sa condo ni Wiggy. Pumayag siya. Siyempre pinilit ko siya ng pinilit na sumali siya. Siyempre siguro pinilit din siya nina Rhitz. Sabi nga ni Benson pumunta raw ako bukas sa meeting ng mga diyosa kong kaibigan bukas para magplano dun sa Saturday night. Sabi ko, ipagplan na lang nila pero pupunta ko. Then yun, sabi naman ni Benson, baka naman magplano sila ng kung ano tapos wala akong kaalam alam. Hahaha! Hindi naman mga ganun yung mga diyosa kong friends. Haha! Tapos yun, after videoke, kung san san kami napadpad sa Makati ni Benson. Sobrang spontaneous ng lahat. As in! Parang wala ng direksyon kung san kami papunta. We were just walking and talking and laughing. Halos nakarating kami sa Don Bosco (na alma mater daw ni Benson!), basta, ang saya saya. Sabi ko nga kay Benson, "Grabe, walang mga direksyon buhay natin". Hahaha! Nag-agree naman siya.

Then, since may meeting na naman yung mga morning duty at mga duty sa gabi til next day mga taga Planet OsMak, I needed to be there. Sabi nila maging present ako. So sabi ko kay Benson na babalik ako sa OsMak. Sabi niya okay lang. Tinanong ko kung gusto niya sumama. Pumayag naman siya. So sa cab daldalan ulit. Then hanggang nakarating kami sa OsMak at tapos na yung meeting. Good luck sa kin. So isang side na lang ang narinig ko at hindi ko na narinig side ng mga pang-umaga. Anyways, jump topic, ayaw ko ang OsMak topic lately. Then yun, past 6PM umalis na kami ni Benson sa OsMak then rode the jeep pabalik EDSA. Sobrang hindi raw alam ni Benson yung lugar kung san yung OsMak. Haha! At take note, may bahay sila sa Taguig ha! Hindi niya pa alam yun. 

Then yun, nagkahiwalay kami sa Guadalupe dahil magbubus siya papuntang Cavite, then ako sa MRT. Bago kami magkahiwalay, akala ko simpleng babay na lang at ingats ingats eklavu lang, aba, may beso pa talaga bago kami magkahiwalay. Haha! Nagulat naman ako dahil ang daming tao at sa gitna pa talaga nakipagbesohan ang lola mo! Hahaha! Pero okay lang. Kebs ba ng ibang tao di ba? Baka inggit sila. Haha! Aba! Bumeso rin sila! Hahaha!

Hanggang makauwi si Benson at ako nagtetextan kami. Parang long lost friends talaga. Sabi niya nga, kulang pa raw yun. Hahaha! Pero natutuwa ako Mr. T! Sobrang saya ni Benson kanina kasama. Isang kawala sa mga stress na nangyayari sa buhay ko ngayon. Sinabi ko nga sa kanya na ang saya saya ko kanina eh, sabi niya "Tats" daw siya. Hahaha! Nakakatuwa talaga si Benson.

Ayaw kong ishare tong blog ko kay Benson eh. Hahaha! Pero nagulat siya nung sabi kong matagal ko ng binabasa blog niya sa Multiply. Hahaha! Sa padramahan ng blog, panalo yung kay Benson! Tulad ng emote entry niya na toh:

"Meanwhile, I learned to take myself into a transient sleep hoping to never wake up into this crude reality again. Feeling just scratches from the real torment that slices through my skin. I sleep in this shallow dark world, sacrificing everything just to be alone in silence. At the very least, I can be just a little bit numb. Pain, I grew up in it, its only natural I learned to be numb. Too bad... they never learned why i was numb..."

Ang drama lang noh kahit hindin ko nagets? Ayoko ipost yung link baka sabunutan ako ni Benson. Hahaha! Anyways, I miss updating you like this Mr. T! Nakapagrelease ako ng tension somehow. Anyways, update you soon Mr. T! I still love ya, I still appreciate ya and I still enjoy ya. Haven't been to sleep for 2 days now. Baka ikamatay ko na toh. Sige sige. :)

Currently reading: Mariah Carey's Twitter page
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on May 21, 2009 at 02:46 AM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Weird, ang lungkot lungkot ko ngayon. Mr T! Hindi na kasama si Jeffrey bukas tapos hay basta alam mo na yun … :( Naguguluhan ako. Kulang na talaga ako sa tulog ano ba toh. Nagpatong patong mga iniisip ko. Gusto kong bumigay…

Kauuwi lang namin. Nagfamily dinner kami sa Greenhills. Paalis si Erwin mamayang 12AM pupuntang America. Hahatarin siya nila (lahat sila), sa airport. Naiwan ako dito sa bahay dahil mageemote lang ako sa kotse. Wala, parang wala akong kaibigan Mr. T! Ano ba toh. Nasan ang mga tunay na kaibigan ko. Gusto ko maiyak. Gusto ko magbreakdown :(

wesleyKailangan ko idivert tong sad entry na toh. Anyways, sabay kami ni Wesley pumasok at umuwi kanina galing sa trabaho. Ayan, siya nagdadrive. Grabe, grabe, walang pumapasok sa utak ko na sasabihin Mr. T! Ang gulo ng utak ko! Sinundo niya ko at hinatid niya ko sa bahay kanina. Ang bait talaga ni Wesley. Ano pa ba… dapat magseSerendra kami afterwards pero antok na kami parehas so umuwi na lang kami.

Grabe hindi ko alam gagawin ko Mr. T! Ang gulo ng utak ko ngayon. Uber sensitive ako ngayon hindi ko alam baket! Shet talaga. Shet talaga. Nanginginig ako sa lungkot. Baket ganito... :(

Walang pumapasok sa utak kong kwento. Shucks. Pero ang alam ko nung pauwi kami ni Wesley ang saya saya namin sa kotse. Tawanan kami ng tawanan dahil binibirit namin yung Falling Into You na album ni Celine Dion dahil yun yung nakasalang sa CD player niya. Hanggang makauwi yun yung CD. Shux di ko na matuloy toh wala na talagang pumapasok sa utak ko. Nalulungkot ako…

Update you soon na lang Mr. T! Ang gulo ng isip ko ngayon. Sorry... :(

Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on May 22, 2009 at 09:52 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment

Dapat maguupdate ako kaninang umaga ng mga nangyari nung Sabado at Linggo. Pero sa kadahilanan na wala kaming katulong --- kasi nanganak yung anak niya, aba, parang ako ang ginawang katulong ng nanay at tatay ko. Hindi naman ako sa nagrereklamo pero aba naman! Parang hindi na toh makatarungan. Mula sa pagbili ng pandesal hanggang sa pamimili sa palengke, sa pagsaing at pagluto nung ulam! Ako! Pati pag hahain ako! Pati paghugas ng plato ako! Aba! Parang mali ata. Papasok pa ko mamaya at wala pa kong tulog. Kumusta naman. Ayaw ko na. Parang wala nga ko sa sarili ko sa jeep kanina nung may tinanong ako sa driver:

"Manong, nakabayad na ho ba ako?"

"Oo yata..."

"Oo nga ata, nabawasan dala kong pera eh..."

"Hahaha... baka nangagarap ka ng gising. Tanghali na kasi..."

"Oo nga ho wala ako sa sarili..."

Anyways, dumaan lang ako para mag-update. Kasi tapos na lahat ng pinapagawa sa kin dito. As of now wala pang utos mga amo ko dito sa bahay. Leche si Bruno sa kin pa kanina nanghihingi ng baon! Ano ko? Nanay? Wahhh... hirap pala maging housewife! Hahaha!

Kwento ko na lang yung nangyari nung Sabado at Linggo pag may time ako sa drugstore. Sa Word ko na lang gagawini tapos post ko na lang bukas. Okay Mr. T!?

Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on May 25, 2009 at 02:37 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)

26052009048Habang papasok sa OsMak kahapon, may napansin ako, aba aba aba, iba na yung billboard ng Bench sa Guadalupe. Hindi na si Dingdong Dantes. Never akong natuwa dun sa  billboard na yun ni Dingdong. Pero kahapon, at kanina pauwi, grabe, yung ulo ko, hindi mawaglit dun sa bagong billboard ni Piolo. As in, nagising diwa ko nung papasok ako! Hahaha! Napasmile talaga ko at kinilig. Hahaha. Shet talaga si Piolo. Tae baket ang gwapo ni Piolo Mr. T!??? Nakakaasar eh! Hahaha!

Anyways, di ako nakapagtype ng mga nangyari last weekend. Sobrang dami ng ginawa sa drugstore. Try ko mamayang gabi. Wah, I need time I need time para sa kwento ko. Haha! Pero diosmio talaga. Mahal ko pa rin si Piolo! Hahahaha! I love you Piolo sabi nga ni Toni Gonzaga sa Sprite commercial noon! Hahaha! Wahhh… pogi mo Piolo! Hahaha! Pasensiya na malabo yung pic kasi super zoom na yan eh. Haha! Wahhh… grabe na toh. Ang init na kanina, ang init pa ni Piolo. Haha! Babalik ako mamaya Mr. T! :D

Posted by jjcobwebb on May 26, 2009 at 02:11 PM in Everyday Drama, Gayness | 10 comment(s)

Malalim pinaghuhugutan ng title na yan Mr. T! Hmmm… eto na gising na gising na ako and pwede na ko magkwento ng maayos tungkol sa ma mga nangyari nung weekend. Paano ko ba sisimulan toh, Friday ng gabi text ng text si Bel na sumunod ako sa Malate. Hindi ako sumunod. Instead nag-emote na lang ako and nakatulog agad…

Ayun, usapan talaga namin nina Tin, Matty and Aubrey na magkita-kita last Friday. Sa Makati. Awa naman ng Diyos, nagmaterialize ang plano na magkita-kita. Siyempre busi-busihan na mga tao sa mga trabaho nila. O di ba? Ibang level na mga friends ko Mr. T! Tapos yun, grabe, parang nag-iiba na ko ngayon. Hindi na ko diva. Ako pinakanaunang nakapunta sa Makati bago kahit sino man. So yun, nung wala pa sila, ikot ikot muna ako, hanggang magtext si Bheng na andun na raw siya. And ang gulo gulo namin, hindi kami mapirmi. Haha! Then yun, nauna pa sina Tin and Ivan dumating. Nagkita agad kami sa G4 cinemas. Then yun, si Aubrey sumunod, si Matty ang huling dumating kahit yung office niya ang lapit lapit lang sa Makati. Medyo, nagkwentuhan muna kami. Then natungo kami sa G5. Kumain sa Sbarro at parang dati lang, super kwentuhan habang nag-uusap. Si Aubrey kasi! May SLR na hindi pa dinala! Sa susunod dapat dalhin mo na yan Bhengotz ha! Amf ka! Hindi ko dinala camera ko kasi feeling ko dadalhin mo cam mo! Wahhh…

So yun, after kumain sa Sbarro, tulad ng dati, mala 2006-2007 moments lang, nagvideoke kami sa Timezone. Ang bilis ng panahon Mr. T! Nakakatuwa, matagal tagal ko na rin palang friends yung mga panget na toh ha. Kahit hindi nila ko blockmates parang inampon na rin nila ko. Hahaha! Wala lang pag-iniisip ko yun, mapapasmile ako. O di ba ang drama? Pero sa totoo lang masaya ko na nakilala ko tong mga mokong na toh. Mahal ko sila alam nila yan. Kahit gaga sila, gaga na talaga sila. Hahaha!

image image
image image

Then sa TimeZone nagvideoke. Padivahan. Grabe, parang wala na kaming powers. Haha! Unlike dati. Basta weird hindi kami makabirit ng maayos. Anyways ayun. Bago matapos ang pagvivideoke, dumating si Deck. O di ba? Akswali, dapat 6PM kikitain ko na sina Barry, pero talaga naman si Deck and Angelica wala pa. So ayun, so naisipan na muna namin kumain. Aba aba, ang mga bakla nagmayaman. Sa Friday’s kami nadapa! Wah! Then yun, order, kain kain then picturan. Then si Angelica, dumating din sa wakas. Kung anu ano pa kasing seremonya ginawa bago makarating eh. Hahaha! Yung ibang pics nakay Angelica eh. So yung mga pics dito, hindi masyadong kumpleto. Anyways, then yun si Barry and Benson dumating na sa Makati para sunduin ako. Wala na kong magawa kung hindi sumunod. So I had to leave Tin, Aubs, Deck, Ange, Matty and Ivan behind. Dahil kailangan na ko nina Barry. So yun… end of part 1…

P.S. Parang minadali ko yung blog. Kasi naman si Aubrey may entry na na ganito. Hahaha… at in fairness, mga phone ng mga kaibigan ko lahat upgraded na! Hahaha! Balik ako…

Posted by jjcobwebb on May 26, 2009 at 08:58 PM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining | Post a comment

Sinundo na nga ako nina Benson and Barry. Andun rin sila sa Makati then we met outside Friday’s. Then, dumirecho agad kami sa parking para makaalis agad since si Rhitzjoy and Luis andun na sa place kung san mag-iinuman. Pero bago kami tumuloy dun sa place, dumaan muna kami sa bahay ni Rhitz para may kunin na cooler. Then dumaan sa Ministop para bumili ng mga kung anu-ano. Yelo, saging etc…

Malapit sa MOA yun condo. Sa lola ata yun ni Wiggy. Binebenta or ewan. Basta nakalimutan ko kung anong history nung condo. Sa 21st floor yung condo and may I just say --- it was BIG. As in ang laki nung condo. One thing though, walang furnitures. So parang hideout yung lugar. Hahaha! Nagdala si Rhitz ng mga higaan and mga inumin. May Jose Cuervo, may Cointreau, pero walang lemon para sa Jose Cuervo. So, sabi ko kay Barry maggrocery muna kami. So yun, kasama ko si Barry, nag grocery kami ng kung anu-ano.

Damit pambahay dahil wala akong dala. Mga tsinelas, plato, lemon, asin, shot glass, knife etc. Okay ako nagbayad lahat ng pinamili namin. Eto nakakaloka, ayaw gumana nung debit card ko nung nagpapacash na. Buti na lang may katabing ATM. Wah! Nakakahiya sa mga nakapila. OMG lang talaga. Sabi ni Barry, iiwan niya ko dun kung hindi talaga gumana for good yung card. Hahaha! Pero buti naman, nakapagwithdraw agad ako. Yun, then naghanap pa kami muna ng yelo kung san san, pero to no avail, wala talaga. So yun, bumalik na kami sa Washington…

So nagsimula ang inuman. Lahat nakaupo sa sahig. Hahaha! So kami, parang okay, unahin ang Jose Cuervo. Kasi Mr. T! Alam mo namang sa lahat ng alak paborito ko yun. So yun, pero para raw mabasag agad ang lahat, pagtapos daw nung Cuervo, isunod yung Cointreau. OMG lang. So ako nagtatagay. Then kwentuhan ng kung anu-ano. Yosihan sina Benson and Wiggy. Then yung, hanggang si Barry nag-emote na. Hahaha! So tinalunan namin si Barry ng ilang rounds. Hilo na rin ako. Mukhang halos lahat hilo na except kay Rhitz. At kung ano man nangyari nung gabing yun, isasantabi ko na muna. May mga magagandang nangyari, may mga dapat kalimutan. Basta! Hahaha!

image image
image image

Then hanggang sa naging malalim ang topic ng usapan. Hanggang sa moment na nawalan na ko ng laban at napagsamantalahan! Joke! Hahaha! Basta yun. The last thing I know, tulog na ko at pagkagising ko, kayakap kami ni Benson. :| Okay, explain ko, 3 lang yung higaan. Si Luis may dalang sarili, so si Barry and Rhitz, alam naman nating malulusog. So kami talaga ni Benson magtatabi dun sa isang higaan na dala ni Rhitz. Grabe nung sa La Union magkatabi rin kami! Hahaha! Buti na lang wala pang nabubuong baby! Haha! Joke! Anyways yun…

image 24052009043
24052009041 24052009045

Fast forward, gising na ang lahat. Nag-empake na ang lahat and ang sumunod na nangyari, kumain na kami sa MOA. Sa Jollibee. So yun, after eating, umikot ikot muna kami. Then, Barry had to leave. Ako, ayoko pa umuwi nun. So sumama ko kina Wiggy, Rhitz and Benson. Sa bahay muna kami ni Rhitz tumambay and then yun. So yun, habang andun, natulog muna kami sandali. NagFacebook. At kung ano pa alam na nila yun. Haha! Then yun, dumaan muna sa bahay ni Wiggy sa Valle Verde then tumuloy kaming Galleria.

Naku talaga Mr. T! Medyo may pakga psychic talaga ko! Sabi ko sa kanila na feeling ko andun pamily ko sa Galleria nung time na yun. Linggo kasi. Family day. So yun, naglalakad lakad. Si Benson, habang naglalakad, nanghaharot. Nangingiliti, nangyayakap, nangangagat! Naku, sabi ko tumigil siya dahil nakakahiya. Eto matindi, buti na lang, buti na lang, sinasabi ko yun at tumigil siya dahil pagkadaan na pagkadaan namin ng Burger King may narinig ako…

“HAKOB!”

OMG to the next level. Kumpleto ang aking buong pamilya. Kumakain. So ako, gusto ko ng tumambling nun. Pero dapat composed, pinakilala ko sina Rhitz, Wiggy and Benson and ako parang wala lang talaga. Si Papa:

“Baka may balak kang umuwi. Sabihin mo lang…”

Then nagpaiwan muna ko ng saglit kasama pamilya ko then kinuha ko gamit ko sa kotse ni Rhitz. Dapat sasabay na ko pauwi sa kanila pero sabi ni Mama okay lang daw na manood muna ko ng sine with Rhitz, Wiggy and Benson. So yun, pinadala ko na lang mga gamit ko and nagtext si Rhitz na kumakain sila sa Tokyo Tokyo. After nun, nanood kaming tatlo ng Heavenly Touch. Funny movie. Ewan, parang wala ng sense sa kin mga gay films. They don’t excite me anymore. 2 lang gay movie lang gusto ko, Love of Siam at Lihim ni Antonio. As of now yung 2 na yun lang ang pinaka okay for me.

Then yun, si Wiggy hinatid na sa kanila and kami ni Benson sa Gateway bumaba. Umikot muna kami ni Benson sa Gateway. Then nung tumawag yung kapatid niya para sunduin niya na dun sa Araneta, hinatid niya na ako sa terminal ng jeep ng San Juan-Cubao. O di ba ang bait ni Benson? Hahaha! Nakakatuwa. Mababaw ako pero kinilig ako dun. Wah…

It was a weekend. And that was missing is Jeffrey...

Anyways, so yun Mr. T! Ayan, nakapagupdate na ko. At at, nasa final list na ko ng candidates for graduation sa June! Malapit na! :D Update you soon Mr. T!

Currently listening to: If It's Over by Mariah Carey
Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on May 27, 2009 at 11:19 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining, Family | 10 comment(s)

Habang nag-uusap si Mama at Papa...

Mama : Oist, amina yung 3,000php. Ipambibili ko ng unan...
Papa  : Ulol ka ba? Tatlong-libo para sa unan? Ano yun ginto?
Mama : Leche ka! Ang kunat mo talaga!
Papa  : Tumigil ka nga. Okay na sa kin walang unan pero may pera ko. Makakatulog ako ng mahimbing nun. Kesa may unan ka nga wala ka namang pera. Malamang hindi ka makakatulog nun...

Oo nga naman. May point ang aking itay! Kapupulutan ng aral. Haha! Natawa talaga ko nung narinig ko yung pagtatalo nila tungkol sa unan. Hahaha... shet! At good luck naman sa dalawa. War sila ngayon dahil sa HDTV. Grabe, hindi ko man lang mafeel yung bagong TV dahil hanggang ngayon nasa karton pa rin! Wah... haha! Update you soon Mr. T! :D

 

Currently reading: Restaurant City window
Currently feeling: masakit ang singaw
Posted by jjcobwebb on May 29, 2009 at 12:57 AM in Everyday Drama, Family | 3 comment(s)

What if "the one" isn't supposed to be the person who takes your breath away?
- but rather, it's the person who helps you breathe easier when times get rough...

What if "the one" isn't supposed to be the person you stay up all night thinking about?
- but rather, it's the person who helps you to sleep easier knowing that they are in your life...

What if "the one" isn't supposed to be the person who completes you?
- but rather, it's the person who makes you feel whole and able to be who you are when you're by yourself...

What if "the one" isn't supposed to be the person who sweeps you off your feet?
- but rather, it's the person who helps you to stay grounded, focused and determined to do the things you set out to do...

What if "the one" isn't supposed to be the person who totally understands you and knows everything about you?
- but rather, it's the person who sees things that you don't and spends the time to try to get to know more of you...

What if "the one" isn't supposed to be the one who brings out the best in you?
- but rather, it's the person who helps you to discover the things about yourself that you need to change...

What if "the one" isn't the person who gives you butterflies, or makes you feel all tingly on the inside?
- but rather, it's the person who gives you comfort when you need it and makes you feel safe on the outside...

What if "the one" isn't the person you've been waiting for all your life?
- but rather, it's the person that's been waiting for YOU all your life...

Source: Laplayp

Currently reading: Planet payroll
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on May 29, 2009 at 09:30 AM in Everyday Drama | Post a comment

Sobrang random ng mga nangyari kahapon Mr. T! Umagang umaga, nagfaFacebook ako at nagrerRestaurant City as si Benson nagpop sa chat sa Facebook. Nasa school daw siya. Tamang tama papunta ko ng school after lunch nun sabi ko. So napagdesisyonan namin na magkita.

Gagraduate na ko Mr. T! Weee... nasa final list of graduates na yung pangalan ko. O di ba? Yay! So ayun, si Benson sobrang kulit. Yung text niya nakakaluka talaga. Hahaha! Sabi ko kasi sa kanya maghintay. Super kulit talaga sa text. Buti hindi ako mabilis mabwisit. Tawa ko ng tawa nung binabasa ko mga text niya. At flood kung flood! Ahaha!

Anyways yun, sa UM kami nagkita ni Benson. Ayun, gutom na gutom na raw siya. After 100 years daw salamat at dumating ako. So yun, sabi niya magChicken Chicken kami. Hindi ko alam kung san yun. So tinuro ni Benson ang daan. Then may nakasalubong pa siyang friend from UA&P. Medyo nagchikahan sila then ayun pumunta kami sa kakainan namin. Grabe. Ang layo lang. Gutom na gutom na kami nung makarating kami dun dahil lampas AKIC pa! Parang hindi tuloy ako lumalabas ng Taft nun nung tinuro sa kin yung lugar na yun. Siguro kasi ewan basta. Hindi ko na alam yung mga lugar na yun. Then kumain. Then bumili ako ng Coke 1.5 dahil in can lahat nung nasa kainan na yun at wala pang lalagyan or kuhaan ng tubig. So yun, kwentuhan to the maximum level kami ni Benson. Then umulan. We had to wait para tumili kahit papaano. Binigay ko kay Benson mga natira kong ulam dahil sobrang dami nung Pork strips galing sa pork chops na kasama sa pagkain. Dami talaga. Then napag-isipan namin magProvidence ni Benson.

So simple lang naman ginagawa sa Providence, VIDEOKE. Hahaha! Ayun, nakakatuwa kasi miss ko na ang Providence Mr. T! Last kong andun kasama ko pa si Luis. Pero bago kami pumuntang Prov, habang naglalakad, ang dami namin napagkwentuhan ni Benson. Nakakatuwa. Or sadyang madaldal lang talaga kami. Haha! Then yun, parang ang pogi ni Benson nung kinakanta niya yung Closing Time ng Semisonic kahapon. Haha! Or baka ako lang. Hahaha! Then yun, around 6PM, yung kapatid niya hinihintay na siya sa McDo so kailangan na namin maghiwalay. Hmmm... so yun, hinatid niya ko sa LRT. Pero bago pala kami pumunta sa LRT, nagIsaw nag piniprito pala kami Mr. T! Hahaha! Then nagMini Stop. Shucks, namiss ko bigla ang Taft. Hays... so yun. Buti naman nagenjoy si Benson. Sabi niya yun. Ako rin super enjoy. Nakakatuwa si Benson...

Then si Chris nagtext na kung may gagawin daw ako nung gabing yun. Sabi ko may pasok ako pero pwede ako malate kasi kahapon since ginawa ko yung payroll. So yun, sa GB3 kami nanood ni Chris. Pero kumain muna kami sa Big Buddha then nanood na. Then, bumili ako ng suhol para sa mga tao sa pharmacy para hindi nila isumbong na late ako. Hahaha! Past 1AM na kasi nun. So naghiwalay kami ni Chris sa GB4 then ako nagdrive through pa sa McDo then dumirecho na ng OsMak. At sa OsMak na ko natulog! Pagkagising ko maulan ulan pa rin. Naulanan ako. So ayun, nakatulog after. At salamat sa Diyos wala akong lagnat.

Anyways, update you soon Mr. T! :D

Currently reading: Facebook Window
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on May 31, 2009 at 01:34 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining | 1 comment(s)

Si Ate kasi ang gulo. Hahaha! Napadpad kami hanggang BHS na nakapambahay at mga mukhang basura talaga! As in buong family namin kasama. At mukha talaga lahat kaming busabos! Hahaha! Pero aylavet!

Una sa Greenhills pero nawala ulan so naisip namin sa BHS na lang. Narealize namin na mukha pala kaming basura nung nasa kotse na at nasa EDSA flyover. Hahaha! Shucks.

Pero kebs lang, ayun, kumain ng Krispy Kreme at nagYogurt Ice Cream sa Hobbes and Landes. O di ba? Sushal na mga busabos kami? Then nagFully Booked. Si Page ang OA na pinabili na mga notebook kay Ate. Ang mamahal! Tapos yung mga bata namili rin ng mga anik-anik. Ako rin namili ng mga name tags kembelar. Haha!  Hahaha... then umuwi na. Ang saya saya namin kanina. Kahit busabos na busabos and getup naming magpapamilya. Hahaha! Aylavet!

Hinatid na sina Ate sa bahay nila at sina Mabel dun sa tabing bahay nina Ate. Lumipat na pala kasi pamilya ni Kuya sa tabing bahay nina Ate. Magkapitbahay na sila ngayon. May isa pang unit na walang umuupa dun naman sa tabi nina Mabel. Kanino kaya mapupunta? Hmmm...

Sige sige Mr. T! Update you soon. Hindi natuloy lakad with Barry and Rhitz and others. Hinila ko ng antok ko eh. Hahaha! Sige sige para kong baliw. Kanina pa kami tawa ng tawa sa BHS. Haha...

Currently reading: Leo's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on May 31, 2009 at 01:44 AM in Everyday Drama | Post a comment
« 2009/04 · 2009/06 »