Entries for March, 2009

Hello Mr. T! Sobrang daming nangyari nung weekend and hindi ko alam kung kaya ko idetalye lahat lahat ng mga naganap. Anyways, ayun, kauuwi ko lang late last night from sinehan kasi nanood kami ng pinsan ko and yung maid namin manood nung You Changed My Life. Grabe Mr. T! Kilig na kilig ako. Nalive up nito yung A Very Special Love. Kilig, tuwa, inis, lungkot. Halo halo naging emotions ko kanina. Pero yun, maganda ang movie. As in. I love Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz.

Anyways, maaction na naman ang naging Sabado ko Mr. T! Umaga pa lang, naghahanda na ko para sa big get-together-again with my original college-blockmate-close-friends. O di ba ang daming descriptions?

Pero balikan natin ang aming mga totoy and nene days! Mga not more than 5 short years ago tong mga pics na toh. Sa Redbox din and sa school after ng ENGLONE ata yun pic na yan:

image image

Yep yep, college-blockmate-close-friends, meaning sina AK, Sherry and Beck yun. Kasama rin si Marvin since mag-on na sila ni AK for 3 years na ata. Tagal na noh? Ang saya nung Sabado Mr. T! Ang usapan 12PM kami magkikita sa Red Box Makati pero past 12PM na kami nagkita kita dahil natraffic sa South sina Marvin, Beck and AK, tapos si Sherry sa North naman natraffic. Nagkita kami ni Sherry sa MRT Cubao. Grabe, iba na itsura ng friend ko. Hahaha! Tumaba pero ganun pa rin. Nakakatuwa pa rin. Super kiniss ko si Sherry nung nakita. Sobrang tagal na rin naman kami ng hindi kami nagkita eh. Then ayun, pagkadating namin ng Makati, dumirecho na kami sa Redbox and andun na yung 3. Dapat dinala na lang ni Sherry yung sasakyan niya para hindi kami pinawis pawisan! Hahaha! Pero sobrang saya namin dahil habang naglalakad, tawa kami ng tawa ni Sherry habang binabalikan mga moments and mga taong kilala namin.

Buffet ang Redbox from 12-3PM eh. Yung 3 kumakain na nung pagpasok namin Mr. T! So siyempre hindi pwede yun! Kumuha na rin kami ni Sherry ng sa amin! Hahaha! Then ayun nagkantahan na ng bonggang bongga. I miss them Mr. T! Sobrang namiss ko sila. It’s been like ages since the 4 of us were complete. I don’t know, corny pero miss ko talaga sila. Simula kasi nung nagshift ako sobrang dalang ko na silang nakasama. Bisi-bisita na lang sa thesis room nila tapos nagkaiba iba pa graduation dates namin. Tapos sina AK and Marvin may trabaho na rin. Ayun, birit dito birit dun. Si Beck kumakanta na rin! Hahaha! Pero mga low parts pa rin as usual. Ganun talaga kami. Hindi ko makakalimutan na ang first bonding moment talaga namin eh yung sa Rob Malate pa! Videoke rin nun. Sa may coins coins pa! I love those days! Hays Mr. T! Nostalic pota! So yun, kain ulit. Biritan. Then time to leave Red Box na…

image image
image image

Pagtapos namin sa Red Box, nag GB5 muna kami since si Sherry di pa pala nakakapunta dun. Tapos si Marvin may kinuha lang sa Microsoft since yung office nila malapit lang dun. Tapos, ikot ikot sa GB5 then sa G5 naman kami pumunta. Naaliw kami sa walkway from G4 to G5, yung underground Mr. T! Wala masyadong dumadaan so nagpicture-picturan kami! Hahaha! Then umikot ikot sa G5 Mr. T! Then si Marvin hinintay namin, nagkamali ng punta. Sa GB5 napunta eh text ni AK G5. Anyways yun, namili muna si AK dun sa G5 tapos nung pagkadating ni Marvin, nag DQ na kami. Ayun, siyempre walang katapusang kulitan at tawanan sa DQ. Ibang level na rin pinaguusapan namin Mr. T! Suddenly, concerned lahat kami sa future namin and kung ano mga balak namin mangyari years from now. Hays Mr. T! Then after eating sa DQ, medyo naglakad pa and then time to go na. Around 6PM na rin yun. Antok na antok na ang lahat kakatawa, kanta, lakad. So yun, sina Beck, Marvin and AK magkakasabay umuwi sa kotse ni Marvin. Tapos kami ni Sherry sa MRT.

image image
image image

Super saya Mr. T! Parang ayaw ko na matapos yung araw na yun. Pero ganun talaga, may kanya kanya na rin kaming buhay. Siguro sabi nila mga HS friends lang ang sobrang nagtatagal sa buhay ng isang tao. I disagree, kasi nakilala ko mga taong toh nung college. And I’m looking forward na hanggang matanda na kami, friends pa rin kami kahit hindi na ganun ka close. Di ba Mr T? Okay ang drama! Hahaha! I love AK, I love Beck and I love Sherry. I love Marvin too! Mauulit toh malamang! Sige sige, may susunod pa na updates Mr. T! Ang daming videos na kumakanta kami sa Multiply ni AK Mr. T! Kahiya shet! Hahaha! Naisip ko lang, kami na lang ni Beck ang single! Wah! Si AK, may Marvin. Si Sherry may Ipe. Hays... buti pa sila. Wakekeke...

Currently listening to: Bye Bye by Mariah Carey
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on March 2, 2009 at 08:58 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 2 comment(s)

with this Twitter...

http://twitter.com/MariahHBF

can't help but to check it every minute...

r_butterfly.gif

I love you Mariah "Mimi" Carey (Canon)

Currently listening to: Bye Bye by Mariah Carey
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 3, 2009 at 01:03 AM in Everyday Drama, Mariah | 1 comment(s)

for Summer!!!

Nakalimutan kita kahapon Mr. T! Sorry…

Sobrang nakakahaggard ang paglipat ng stocks at items at system sa bagong branch ng Planet Drugstore. Pero si Ate grabe ang sipag sipag pa rin. Since kahapon ang dami ng ginagawa! Hahaha! Pero okay lang. Masaya naman dahil ang dami kong ginagawa. Baka lumaki katawan ko kabubuhat ng mga karton at stocks. Haha!  Kahapon din pala nagSerendra kami nina Barry and Rhitz. Mga 10PM na yun kasi 9PM na ko natapos sa drugstore! Tapos kanina 8PM na naman ako umuwi. Parang gusto ko makiboard dun sa boarding house ah! In fairness okay yung nakuhang house ni Ate. For 10K maganda na! Bahay na talaga at walking-distance lang sa OsMak. So yun, free lunch pa sa Max’s kanina siyempre libre ni Ate pati mga employees. Nagdasal din kami bago mastart yung operation. Soft opening na kasi.

Anways…

Ayan, my beach pics over the years! Meron sa Antipolo, Bataan, Batangas, Cebu, Boracay, Ilocos, La Union, Pampanga, Pangasinan, Zambales, Laguna at hindi ko na alam kung san san pa :)

summer

Halata bang hindi ako ata magbeach Mr. T! Goodness, gusto ko magbeach now na! As in now na! Wah! Parang naaaninag ko na ang aking future Mr. T! Parang ewan ko, gusto ko na lang tulungan si Ate sa business niya. Sabi nga ni Papa magtulungan na lang kami. Ewan ko, hindi pa ko sure. Maraming pwedeng mangyari Mr. T! Anyways, update you soon Mr. T! Puros trabaho lang naman ginawa ko eh. Kasama na ko sa payroll ng Planet pala. Sana may allowance din ako! Nagbigay na ng allowance para dun sa mga OsMak employees kanina ah! Baket ako wala? Haha! Tapos mag-u-uniform na rin pala ko ng scrub suit! Hahaha! Sige update you soon Mr. T! Nakapicture ako kanina habang naglulunch sa warehouse. Haha!

03032009001 03032009003

O di ba? grabe, imagine mo ang gulo gulo niyan kanina. Grabe, buti magagaling yung pharmacists. Ayun, maayos na siya. Dadagdagan ng mga stocks bukas pa yan Mr. T! Kaso wala ako dahil Wednesday! Weee! Hahaha! Pero baka tawagan na naman ako ni Ate. Tulad kahapon, tumawag, may pinakuha sa Unilever tapos pinadala sa OsMak! O di ba? Effort! Sige sige. Totoo na toh! Out na ko Mr. T! :D

Currently listening to: Walk Away by Christina Aguilera
Currently reading: Leo's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 3, 2009 at 11:00 PM in Everyday Drama, Family, Drugstore | 1 comment(s)

Sana may tumawag din sa kin ng BEBEKO! Wah... 

At at... hahaha... wala... hahaha! Amp! Kinikilig puta!

For the love of God, sobrang bihira ako maging speechless. Baket?

Nangangawit na rin panga ko kaka-smile! Kaasar! Hahaha!

Good night Mr. T! :D

Currently listening to: Last Kiss by Mariah Carey
Currently feeling: kilig
Posted by jjcobwebb on March 4, 2009 at 01:19 AM in Everyday Drama, Randomness | 5 comment(s)

Tama na Mr. T! Pagod na rin ako. Niloloko ko lang din sarili ko. Tama na.I am Subtle Bliss and not Ohio. Ang laki ng pagkakaiba nila. I'm back home :)

Currently listening to: Crush by David Archuleta
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 6, 2009 at 10:06 PM in Everyday Drama, Randomness | Post a comment

Mr. T! Pagod na ko. Seryoso. Mentally and physically. Buti naman hindi muna ko pinapasok ni Ate ngayon kasi since nung Lunes pa, simula nang nagbukas ang drugstore sa OsMak, I've been working like hell para maayos ang lahat. For three days straight, 16 hours akong nasa botika. Making sure tama ang inventory, tama pagkakapresyo ng mga gamot, tama ang reports na ilalabas ng system at mga charge forms na iiissue. Nakakapagod Mr. T! Nahihiya rin ako mag-utos sa mga pharmacists at assistant kaya yung iuutos ko ginagawa ko na rin. Everyday 3PM-9AM ako nasa OsMak. Grabe, gusto ko ng maayos ang lahat dun para smooth na come next week ang operations. Baka mawalan at maubusan ako ng dugo nito. Sabi ni Ate pumasok ako bukas ng umaga dahil marami pang kailangang gawin. Gusto ko muna magpass pero sino rin ba makikinabang dito di ba Mr. T!? Kami rin. So yun, sorry kung hindi na kita naauupdate for the past days Mr. T! Sobrang bangag pa rin ako. Pagkadating sa bahay tulog, gising, kain then alis agad. I've never been this hardworking. Hindi na nga rin kami nagkakakitaan ni Mama. Hays... anyways, napasaya ko ng isang tao ngayong linggo na toh Mr. T! Hindi ko inaakalang magtetext siya sa kin and parang nawala yung pagod ko nung nagtext siya ng ganito:

"Uy kumusta ka na? Nareceive mo ba offline messages ko sa YM? Hindi ka man lang nagbabye nung umalis ka na sa thesis room nung Monday. Hinanap kaya kita nung pagtapos ko gawin thesis namin. Anyways, andito ko sa Shang namimili. You wanna hang-out?"

Kinilig ako ng matindi Mr. T! Hindi ko inexpect yun eh. Nabanggit ko na before yung guy na yan dito sa blog ko nung patambay tambay ako sa thesis room nina Beck. Ewan ko. Biglang lumiwanag ang lahat Mr. T! Even ngayon nakasmile ako. Masarap ang feeling na toh Mr. T! Para kong nanghihina kanina nung niyaya niya ko. Pero hindi pala ko pumunta dahil sabi ko sobrang pagod talaga ko. Sana lang hindi niya malaman tong blog ko dahil nakakahiya sa kanya. At, weird, hindi ko talaga alam kung bading ba siya Mr. T! Hindi ko talaga alam. Friendly lang ba siya talaga? May nililigawan kasi siyang babae Mr. T! Eh! Eh yung gaydar ko di gumagana sa kanya! Susme, pero ayoko lagyan ng kulay toh. Baka maVon na naman ako. Pero tignan mo toh nung naguusap kami sa thesis room nung second time kaming nagkita dun...

"Musta naman Valentine's day mo?"

"Ayun. Wala. Akong date. Hahaha!"

"Talaga? Ako rin eh, indian nung girl na dapat kong kadate?"

"Aw. Sakit naman! Pero okay lang yan, ako nga walang kadate nun pero masaya naman..."

"Dapat pala tinext kita nun para tayo nagdate..."

Tinanong ko siya afterwards sa text nun kung seryoso siya nung sinabi niya yun. Sabi niya OO. WTF lang, parang ako nakikipagharutan and sumasakay lang sa kanya nun eh. Tapos sabi niya totoo yun? Ewan ko lang Mr. T! Bigla ko lang naalala mga kwentuhan moments namin sa thesis room. Napapasmile ako ngayon ano ba toh.

Naku po. Ayaw ko na. Tama ng pinasaya niya yung linggo ko di ba Mr. T? Ayan, kagogood night niya lang sa text. Sweet... ^_^ I can be more than what I've been the past year. Kung pwede lang magreset ng mga nakilala kong tao online di ba? Sobrang dami nila and I want someone who's not in the scene. Masyado ng malaki ang mundo ko. Gusto ko yung taong maliit lang ang mundong ginagalawan. Dahil sobrang laki na ng ginagalawan ko. Kaya pinatay ko na si Ohio. Anyways, hindi ako in lab ha! Ang saya lang ng feeling Mr. T! I feel nice. I'll surround myself with people who I appreciate and people who appreciate me na lang. Ni hindi ako makumusta ng mga taong gusto kong kumustahin ako. Hirap magtanga tangahan when you know you're more than what they think about you. May halaga rin naman siguro ako. Hirap magpakagago. At sabi nga sa blog ni Mommy Jong: "nagkukunwari lang ako na di ko alam na nagkukunwari ka..."

Ayun, trabaho na naman bukas Mr. T! Kailangang malaki ang ibayad ng kapatid ko sa kin next week! Napapagod na ko ha! Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! Sorry ulit kung hindi kita na-update for the past days. And yeah, nakikiramay ako sa family ni Francis M. Bigla ko tuloy naalala nung Philippine Idol days with him. Anyways, sige, matutulog na ko in a while. I still appreciate ya, I enjoy ya, and I still love ya Mr. T! Sorry kung hindi kita nauupdate. Wala kasing internet sa hospital. So yun...

I am free...

Currently listening to: Just Dance by Lady Gaga
Currently reading: Barry's YM Window
Currently feeling: free
Posted by jjcobwebb on March 6, 2009 at 11:11 PM in Everyday Drama, Updates, Drugstore | 2 comment(s)

Sobrang stuck na sa utak ko yang kanta na yan ni Bugoy. Sa araw araw naman kasi na nakatutok kami sa radyo sa OsMak eto ang tumutugtog sa mga station. Pati sa mga jeep papuntang OsMak. Haha! Ganda ng boses ni Bugoy grabe...

"Bakit ‘di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay ‘di bat sayang naman
Lumipas natin tila ba kailang lang
At kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko
Tayo na’t ulitin ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako"

Speaking of boses, maganda pala boses ni Ryan! Hahaha! Last night extended ang birthday ni Ryanini. Hahaha! At kasama niya si Alex. Haha! Si Alex ay pogi. Tangkad. Bagay sila ni Ryan. Haha! Kaso hindi raw puwede. Ang gulo. Haha! Natatawa ko kasi first time daw nakita ako ni Ryan in all my PURE DIVA FORM. Haha! Gown na lang kulang. Natuwa naman ako. Actually, kagabi lang ako nakagala! Parang buong week naman kasi nasa OsMak ako Mr. T! eh. Kailangan ko naman magliwaliw dahil tulad nga mamaya, papasok na naman ako! Wah! At absent ako sa JAPALA2 ngayon. Dahil, nagiipon ako ng energy mamaya. Haha! Sa Wednesday na lang ako papasok.

Last Saturday, halos 24 hours akong nasa OsMak. Grabe. Umalis kami nina Ate dito sa bahay ng 9AM tapos naiwan ako dun. 8AM kinabukasan ako umuwi. O di ba? Feeling ng mga empleyado ni Ate ang sipag sipag ko. Haha! Wala lang gusto ko lang kasi tulungan si Ate. Nakakatuwa dahil sinasabihan ako ng mga tao na ang bait bait ko raw. Kahit kapatid daw ako nung may-ari, ang down-to-earth ko raw! Finaflatter naman nila ako. Haha! Pero ewan, siguro nature ko talaga yun. Kasi feeling ko wala namang taong nakakaangat eh. Pare parehas lang. Di ba Mr. T!? Kaya yun, super close ko agad lahat nung empleyado. Nakikipagkulitan na rin sila sa kin.

Kahapon din, andun ako sa bahay nina Ate. Usap usap about dun sa OsMak. Tapos nung gabi, nagpamasahe ulit dun sa may Pasadena sa may Cinese. Ang sarap. Chinese Master nagmasahe. Then pagkauwi, tumawag si Ryan. Since Greenhills lang naman sila pupunta, tumambling agad ako papunta dun. So yun, maaga kami nakauwi. At ang weird hindi ako makatulog kagabi agad. So nagluto na lang ako ng mga kung anu anong meron sa ref. Haha! Then yun, nakatulog na.

Sorry ha Mr. T! Kung hindi na kita masyado nauupdate. Kahit ako namimiss ko na magkwento. Hindi ko na rin mabasa mga blog ng ibang tao. Hayaan mo, pagsmooth na lahat yung proseso sa OsMak, babalik ang lahat sa dati. :) Sige update you soon. Mag-aayos na ko. :)

Currently listening to: Muli by Bugoy
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on March 9, 2009 at 03:00 PM in Everyday Drama, Malling, Drugstore | 1 comment(s)

Line yan sa bagong song na My Love ng The Dreams feat. Mariah Carey. Katatapos ko lang panoorin ang video sa Youtube Mr. T! Kauuwi ko lang din. Inaantok na ko sa totoo lang pero gusto muna kita daanan. Anyways, ang dami na namang ginawa kanina. Sina Joan, Jane and Kat yung nakaduty kanina. Ang daming pagkaing dala ni Ate dun sa drugstore. Basta, daming ginawa. And nung mga time na wala pang customer, tawanan kami ng tawanan. Amp!Tapos nakita ko yung SOA for the week ng drustore, grabe, kalula. Anyways, may pinadeliver pa sa kin si Ate sa OsMak sa may JP, harap ng RCBC. Duling duling na ko sa antok pero sunod pa rin ako. Sarap tirisin nung guard dun OsMak JP! Sarap sapakin. Ang daming tanong bago ko papasukin sa OsMak! Sa gate:

"Sir san ho kayo?"

"Sa Planet! May dadalhin sa loob..."

"Andali lang sir. Sino contact niyo dun? Ano ho kayo dun..."

"May mga dala po akong gamot" *Pinakita mga gamot sa likod*

"Andali lang ho sir ha, tatawag ako sa front office..."

"Kapatid ako ng may-ari papasukin mo na ko bilis. Inaantok na ko at may mga kasunod pa ko o..."

"Pasensya na sir. Sige sige, pasok na..."

Then dumaan ng RCBC para kunin mga OR kasama sina Jaycel and Mau. Si Carmy nagbabantay sa RCBC and sina Mau and Jaycel sa Osmak Pembo muna. So yun, then umuwi na. Sina Jaycel and Mau sa Pembo dumirecho.

O di ba? Minsan kailangan magtaray dahil nakakabuwisit ibang tao. Ang init-init kanina pinahihintay pa ko. Hindi na lang kunin identification ko. Mr. T! hindi ako ganun ha, nabwisit lang talaga ko kasi ang daming eche bureche nung guard. Nakita nya namang gamot mga dala ko. Plus super hilo na ko.

So yun, hindi fun buhay ko noh Mr. T!? Hays... anyways, I miss you Mr. T! At parang ganito gagawin ko hanggang sa graduation ko. Maghahanap pa kaya ako ng trabaho? Hmmm...

So yun, gutom na rin ako. Lunch in a while tapos tulog na. Grabe, gusto pa ko pagbantayin sa RCBC! Aba OA na ha! Kahit ang lamok natutulog din! Di ba? Sige sige, update you soon Mr. T! :) I love you still!

Currently listening to: My Love by The Dreams feat. Mariah Carey
Currently feeling: groggy
Posted by jjcobwebb on March 10, 2009 at 11:44 AM in Everyday Drama, Drugstore | 3 comment(s)

Galing kay Aubrey ang salitang toh:

"Reyp-Reypan"

Hayup! Hindi ako makaget-over Mr. T! Ano ba toh. Tumatawa ko mag-isa kanina pa. Shet ka Aubrey! Hahaha! At laro yan ha ayon kay Aubrey. So naisip ko parang bahay-bahayan. Lutu-lutuan. Baril-barilan. Teacher-teacheran. Hindi pala natatapos maglaro ang isang tao noh? Kahit matanda na pwede pa ring maglaro... hahaha! Shet Aubrey! Hahaha! Hindi ko maimagine na sasabihin yan sa isang tao! Yung tipong "Huy, reyp-reypan tayo!" --- hahaha! Ayoko na! Saket na ng ulo ko Mr. T! katatawa. Pasimuno kasi si Aubrey eh! Hanggang mamaya nasa utak ko yang salitang yan! Hahaha! Update you na lang soon. :D Mahalay ka Aubrey! Hahaha! Kawala ng stress grabe! Haha! Basta kalaro ko si Channing or Chris Evans ha! Hahaha! Sakit na ng tiyan ko kakatawa. Tulog na ko! Night!

Currently listening to: Lady Marmalade by Mya, Pink, Li'l Kin, Christina Aguilera
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on March 11, 2009 at 01:40 AM in Everyday Drama, Randomness | 7 comment(s)

The saga with thesis boy continues Mr. T! Yesterday, after JAPALA2 umuwi agad ako para matulog ng unti dahil may pasok na naman sa OsMak. Natawa ko dahil sira yung elevator sa Andrew. First time ko pa naman mauna sa line sira naman. Tapos nagbrowout sandali sa fire exit stairs. Sobrang dilim. Kaya pala walang elevator nun. Magbobrowout. Then yun, may quiz. Wala kong alam. Haha! After nun umuwi na ko para bumawi ng tulog. At nagising ako sa text na ganito...

"Uy, asan ka? Hindi kita nakita sa thesis room kanina..."

"Aba! Hinahanap mo ko ha! Iba na yan! Haha!"

"Napansin ko lang wala kasing maingay and wala kasi akong kasama pauwi. Asan ka na?"

"Sorry bahay na ko. Iba na yan ha! Hinihintay mo pala ko sa thesis room ha. At alam mo pag wala ako! Hahaha!"

"Masama? Wala lang kasi akong kasama pauwi. Naisip ko train ka rin..."

"Sayang nasa bahay na ko. At sinira mo tulog ko. Hahaha!"

"Aw, sorry sorry..."

"Sige sige, ingats na lang pauwi..."

Ayun Mr. T! Hindi ako kinilig. Weird. Hahaha! Baket ganun siya? Weird weird. So yun, natulog ako. And bigla kong namiss si Luis. Hmmm... tagal na namin di nagkikita. Lagi na lang text and YM. 

Then yun shift na naman sa OsMak. 6PM-10AM. Hayness. Pag papunta pa naman ng OsMak kitang kita yung ilaw ng Market Market! Grabe! Kalahating tambling lang talaga yung mall! Sarap gumala! Pero okay lang. Hindi naman masyadong toxic kanina. Si Kat pa rin yung pharmacist and PA sina Joyce and Jane. Okay naman Mr. T! Marami kasi akong baon na pagkain kaya okay lang! Hahaha! Tapos nung mga wala pang mga reseta, nagshasharing kami ni Kat ng mga buhay namin. And natutuwa siya sa kwento. Haha! Aliw na aliw siya grabe. Haha!

So yun, nagiging marami lang talaga yung ginagawa pag paumaga na. Tapos bago kami umalis si Ma'am Stela grabe nagalit pa. Chief pharmacist siya ng OsMak pala Mr. T! Pero hindi sa amin, dun sa nurse na hindi iendorse yung kukunin na gamot sa pharmacy. Ayun, navoid tuloy yung mga gamot na pinepare na. Sayang naman yun. Then yun, sumama muna ko kay Kat dun sa staff house. Tinignan ko yung lagay. Okay na. Maayos na Mr. T! Nagbreakfast pala ko sa harap nung OsMak ng tuyo! Grabe sarap! Haha! Kasabay ko yung mga pang-umagang duty na employees. Sina Ira and Joan.  Ang daming duty pag-umaga. Super busy kasi talaga pag-umaga yung shift eh.

Ay hindi ko pala nasabi na magsasara na yung Planet sa RCBC. Pero, malaking pero, napag-usapan na ng may-ari and nina Ate about sa mga nangyayari and about dun sa ginagawa ng director na doctor. Ibaba na yung memo dun sa director at papalitan na siya. O ha! So, hindi na magsasara ang Planet sa RCBC. Okay di ba? Hindi na kasi sumusunod sa contract si Dra. Tiangco eh! Buti pa noong si Dr. Yutuc yung director eh! Tsk tsk! Baka patalsikin na si Dra. Tiangco Mr. T! Buti nga! Ang dami niyang under the table transactions ha! Tsk tsk. Serves her right. Pero ewan ko, baka or baka hindi na iwithdraw ni Ate yung branch na yun. Depende sa ibabang hatol ng may-ari ng Grepalife over the director. Let's wait and see...

Basta ayun Mr. T! After nun dumaan muna ko ng Gateway bago dumirecho ng bahay. May binili lang. Parang tagal ko na rin di nakapuntang Gateway. As usual may mga bading na mag-on. Napapasmile na lang ako sa sarili ko sabay sabi "Buti pa sila..." --- oo madrama ko. Kebs. Gusto ko rin eh. Hay. Mr. T!, kelan kaya? :(

So yun. Antok na ko Mr. T! Update you soon okay? Pagod na ko.

Currently listening to: Samson by Regina Spektor
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 12, 2009 at 11:50 AM in Everyday Drama, School, Drugstore | 1 comment(s)

Good morning Mr. T! Ang aga ko nagising, naabutan ko pa kapatid ko pumasok sa duty niya. Tapos may nabasa kong blog. Bigla kong may naalala...

A friend once told me this:

"You know why you keep going to places like that and joining gay sites and list yourself as single? Because at the back of your head, you're hoping, wishing, that maybe, probably, somehow, you'll meet and find somebody out there. You tell me you're looking for friends? Bull shit Jacob. A prospect. A future relationship. 'Jowa' in your own words. Yun talaga yun. It won't work out Jacob believe me. It will never work out. Hindi mo mahahanap yung hinahanap mo dun. Tumigil ka na. You're more than what you think of yourself. Swerte ng magiging 'jowa' mo. Sana maniwala ka sa mga sinasabi ko..."

Ewan ko Mr. T! I've been thinking about those lines since last month. Coming from somebody who's not out in the scene, I should learn from him. Not a single picture of himself posted on the net. Siguro noh? And I feel stupid posting pictures of myself that don't even resemble how I really look like in person. Kaya nga pinatay ko na si Ohio. May he rest in peace. Pero siguro nga tama siya...

And the events that happened after Ryan's birthday celebration last last week (after Ryan's friend Leo drove me home) are still hunting me. Some nice. Some freaky. Some gross. Some enchanting. Some shocking. Some weird. Masasabi ko na hindi ko pa talaga kilala sarili ko ng lubusan...

And so I reflect...

Currently listening to: Everyday I Love You by Boyzone
Currently feeling: confused
Posted by jjcobwebb on March 13, 2009 at 09:14 AM in Everyday Drama, Randomness | 1 comment(s)

Una sa lahat, nahihilo ako sa bagong layout ng Facebook. Masakit sa ulo. Sobrang cluttered! Shet! Nakakawalang gana tuloy magkuting-ting! Anyways, kwento na ko...

Grabe, nagpa-order kami ni Kat ng McDo last Saturday. Pinaakyat kami ng guard sa 6th floor nung hospital. Kasi andun yung canteen. Bawal daw dun sa pharmacy kumain. Nakita kasi kami sa cam. So akyat kami ni Kat. Grabe, juskopo! Walang tao yung floor. Isang janitor lang. Tapos nadaanan namin yung chapel papuntang canteen. Sabi ni Kat grabe parang may lamay! Grabe, tapos yung canteen, puros salamin. Ayoko tumingin kasi baka kung ano makita ko. Grabe, sobrang bilis ng kain namin ni Kat. Hindi ko man lang nalasap yung inorder ko! As in, wala pa atang 10 minutes tapos na kami kumain. Nagpapakiramdaman kami ni Kat. Dinadaan na lang namin sa tawa yung takot. Tapos yun. Bumababa agad kami sa pharmacy. Juskopo, hindi na ulit kami oorder ng pagkain sa labas! Nakakahimatay sa totoo lang. Imagine hospital yun. Tapos kaming 3 lang yung nasa floor. Grabe ayaw ko na talaga. Parang palabas! Hays...

Si Barry naman, super tawag last Friday, nagpapasama sa Serendra. Kaso di ako pwedeng umeskapo sa OsMak kahit isang tricycle lang ang Market Market. Kasi baka biglang tumawag si Ate nung gabing yun. Patay ako pag hinanap ako tapos wala ako dun. Di ba? So yun...

Grabe Mr. T! Hindi ko alam pakay ni Mark sa kin. Yep, siya si thesis room boy. Ewan ko. Ayoko na magpadala sa mga ganyan ganyan. Sumasakay na lang ako sa harot niya. Nag-aaya siya makipagkita nung Friday. Eh kaso nga nasa OsMak ako nun. Tsk! Panira ng social life ang OsMak! Hahaha! Gusto niya manood ng sine. Sabi niya this week na lang daw. Basta ganun. Ewan ko Mr. T! Bahala na. Kinukutuban na ko na bakla siya. Or ewan. Baka malandi lang or friendly...

Bago rin pumasok last Friday, nagpunta ko sa Greenhills para magpaayos nung housing ng phone ko. Grabe, kasi sa Nokia 2,500php kung dun ipaayos. Grabe di ba? Sa tiangge, 650php lang! san ka pa? O di ba? So yun, pagkaayos, nadislocate ata yung earpiece. So bumalik ako kanina. Buti na lang nalagay nung tindera cellphone number niya sa resibo. So ayun, naayos na siya. At ayun, dumaan muna ko sa CDRKING para bumili ng kung anu ano. And medyo nagshopping na rin sa Shoppesville. Sale ang LINK! 300php lahat ng damit at polo! Wahhhh! Ngayon, sale sa Galleria. Pupunta sina Mama and Bruno. Grabe, baket ayaw ako bilhan ng nanay ko mga panahong toh? Nakakaasar! Wah...

Kaninang umaga, maaga ako nagising. Naabutan ko yung magtataho. Tapos, spaghetti ang almusal. May creamer na rin yung kape. May pandesal and peanut butter and jelly pa kanina. Sobrang ganda ng gising ko kanina Mr. T! Sabay tawag si Ate na magsuswimming daw sa Westin. Pero mga pamangkin ko lang sumama. Weird kasi kanina ng panahon. Ang kulimlim. Tapos dadaan pa ko ng GH. So yun Mr. T! Bukas naman pang-umaga ko sa OsMak. May ipapagawa raw sa kin si Ate.

Wala lang, mas masarap talaga magcommute kesa magdrive. Ewan ko, natutuwa kasi ako pag maraming tao sa paligid. Maraming eksena. Iba't ibang mukha. Iba't ibang moment! Hahaha! Tulad nung lalakeng poging laging nakatayo sa terminal ng jeep papuntang OsMak. Ewan ko kung ano yun dun! Baka call boy! Hahaha! Tapos grabe, buti hindi ako pinatay ng sangkatauhan last Friday. Kasi sobrang haba nung pila papuntang Pateros. Grabe, ewan ko, putol kasi yung linya. Super singit ata yung ginawa ko. Tinanong ko kasi kung dadaang Pembo yung jeep. Sabi ng mama "Oo, pasok na...". O siya nagsabi. Pagkakita ko, ang haba ng pila. Hahaha! Grabe! Swerte! Hindi ko intention sumingit. 

Then, kahapon, natulog lang ako. Sobrang pinadeliver pa kasi ako ni Ate sa OsMak ACC ng mga gamot. Kaya natagalan kasi hinintay ko yung van. So yun, mga 1PM na ko nakauwi kahapon. Pagkagising ko gabi na. Tapos tinuloy ko na lang tulog ko. Tapos may bago raw na lalakeng PA sa ACC. Maugong ang news na matangkad at may itsura raw. This I have to see! Hahaha! Dapat maassign siya sa OsMak! Hahaha! Ay, last duty as partner na pala ni Ate Agnes and Ate Len last Friday. Iba na partner ni Ate Agot this week. Mamimiss ko si Ate Len!

Minsan, ayaw ko talagang pinapakilala ng mga kaibigan ko sa mga kaibigan nila. Tulad na lang nung isang araw nung may ipapakilala raw yung friend ko sa kin. Grabe, weird. Dahil kilala ko yun pinakilala niya. Hahaha! Natawa na lang ako...

Lilipat na yung isa namin kapitbahay na kaclose ko Mr. T! Sadness. Sa Paranaque na raw sila titira. Sadness. Ilang years din kami naging friends nun ah. Sana magkajowa na siya sa lilipatan nila. Hahaha! Ewan ko, sad pero ganun talaga ang life. May mga umaalis talaga. May mga dadating din di ba? Malay mo pogi ang lilipat sa bahay nila ngayon. Haha! Lande!

Speaking of kapitbahay, remember Charles Mr. T! May kwento ko! Sa susunod na update. :D

Currently listening to: With You I'm Born Again by Mariah Carey and John Legend
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on March 15, 2009 at 02:43 PM in Everyday Drama, Updates, Drugstore | Post a comment

Back entries:

It was a weird Saturday night. I kept tossing and turning in my sleep. Constantly checking if my phone would beep. Wow rhyming! Hahaha! Seriously, hindi ko in-expect na I would receive a call from him again...

*phone rings. unknown number shown on phone*

Jacob : Hello? Hello...?
Caller : Jacob? Are you there?
Jacob : Yep, this is Jacob? And you are? (yes napa-English!)
Caller : Charles toh!
Jacob : Charles? Sinong Charles? Bautista? Yee? Quizon? Ang? Sy? Prince Charles?
Charles : Yung kapitbahay niyo dati! Hello naman Jacob! Ang bilis mo makalimot!
Jacob : OMG! Baket alam mo yung Globe number ko? Eh yung Smart number ko binigay ko sa yo eh!
Charles : Ayun naman dinial ko eh!
Jacob : Ah, baka nakadivert!
Charles : May padivert divert ka pang nalalaman diyan ah! Baket tunog bagong gising ka?
Jacob : Kasi bagong gising lang ako!
Charles : Wow! Anong oras na ba jan?
Jacob : Oras dito? Baket iba ba oras natin?
Charles : Nasa New Zealand po kaya ako! Hahaha!
Jacob : Ay oo nga. Nakalimutan ko na! Haha! Ano na work mo diyan?
Charles : Nakalimutan mo na talaga ko! Sa IT pa rin...
Jacob : Drama naman neto!
Charles : Hahaha! Wala lang. Gusto ko lang sabihin that I'll be back in Manila this June...
Jacob : For good?
Charles : Nope vacation lang. Visit relatives...
Jacob : Baket kailangan ko malaman?
Charles : Ayaw mo ba ko makita ulit?
Jacob : Ay! Drama dramahan portion ka talaga! Hahaha! Siyempre naman friends tayo! Gusto rin kita makita ulit! Naman naman!
Charles : Yay! I'll count on that. Graduate ka na?
Jacob : Nope. Sa June din! Yay!
Charles : Just in time! Andiyan ako nun! Invite mo ko?
Jacob : Hindi! Baket? Hahaha!
Charles : Ayaw mo talaga sa kin!
Jacob : Baket dati ba gusto kita? Hot ka lang noh! Yun lang! Hahaha!
Charles : May pagnanasa ka talaga sa kin! Haha! And yeah, kayo na ba nung guy na kinuwento mo sa kin before?
Jacob : Alin yung with matching umiiyak ako habang nagkukuwento? Hahaha!
Charles : Yep. Yung Chris ata yung name...
Jacob : Wow naalala mo! Hahaha! Nope. Hindi naging kami sadness...
Charles : Whoa! Kala ko pa naman magiging kayo. Based on your stories parang gusto ka rin niya kasi.
Jacob : Ewan ko. Ganun talaga ang life. Parang bato. It's hard. Pero dapat ituloy at maging soft. Labo...
Charles : Yikee, love mo pa rin noh?
Jacob : Ano ba yang mga tanong mo! Sige na sayang credits mo sa pag-usap sa kin. Hahaha! Sobrang antok pa rin ako sorry wala kong sense kausap ngayon...
Charles : Short hair ka pa rin ba or long na? At kelan ka ba nagkasense kausap? Hahaha! Joke lang!
Jacob : Mahaba na kesa last year...
Charles : Sige, when I visit there dapat mahaba na buhok mo ha!
Jacob : Ano ko babae? Hahaha! Sige ibraid mo ha? Haha! Kaw? Kalbo ka pa rin?
Charles : Yep. Still kalbo. I think you look better with long-hair. Wala lang...
Jacob : Yay! Kalbo ka pa rin! Hahaha!
Charles : Si Jacob ka nga! Mahilig ka pa rin sa kalbo!
Jacob : Nope. This is Mariah Carey. Hahaha! Oist! Tama na toh! Sige na. Usap na lang tayo ulit!
Charles : Sige na nga. Talk to you soon aryt? It was nice hearing your voice and being able to talk to you again.
Jacob : Sige. See you na lang sa June. Libre mo pa rin? Hahaha!
Charles : Oo naman! Hahaha! Kapal talaga ng mukha mo! Haha!
Jacob : As always! Haha! Sige sige! Tulog ka na rin! Anong oras na diyan noh! Good night and ingats lagi!
Charles : You too. Ingats ka rin diyan.

*hangs up*

Something tells me na magkaugali sila ni Steve. Sobrang parang si Steve si Charles nung kausap ko. Freaky. Anyways, it was nice hearing from him again. Susme baka may Part 6 pa ito! Ampness!

Currently listening to: Last Kiss by Mariah Carey
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on March 16, 2009 at 01:52 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hello Mr. T! Kanina pa kong 3AM gising. OMG di ba? Pagkauwi ko kasi nakatulog agad ako eh. Galing kaming Megamall ni Ate after namin sa OsMak. Namili mili. Hinatid kami ng MedRep. Tapos nagpasundo sa driver. Daming ginawa kahapon eh. May meeting pa. Akyat baba ako ng OsMak. Basta nakakapagod. Kaya siguro nangarag din ako.

Anyways, napatambling ako nung nabasa ko toh kanina:

"Rihanna May Star In 'The Bodyguard' Remake

The latest dubious Rihanna news to hit the Internets revolves around the beat up singer acting in a revival of the 1992 movie The Bodyguard. RiRi will reprise the part of Whitney Houston's character (duh), while Channing Tatum will suit up as the Kevin Costner title role.

If you think this sounds a little saucier than the Houston/Costner pairing of yesteryear than you are absolutely right, dear reader.

According to The New York Daily News, RiRi and Channing will up the "young and sexy" quotient, while this finally fulfills Rihanna's dream of becoming a bona fide film star.

"Before the situation with Chris, Ri was getting a lot of scripts. She's been wanting to do movies for a while now," some insider told the paper, adding she had plans to star in a Justin Timberlake movie and make an appearance in a Charlie's Angels sequel.

We guess we're OK with this. Why not. But if this is the first step in a chain reaction of a Rihanna/Whitney morphing we're going to cry into our vintage Umbrella copies when she starts dating Ray J and uses the words "crack" and "whack" in the same sentence.

Source: SocialiteLife"

Jusmiyo! Grabe! Pwede na kong mamatay pag nagkatotoo yan at napanood ko yan! Wah! Imagine Rihanna and Channing. Wah! Sana magkatotoo toh! Ang saya neto! Weeee... hindi man mala Whitney boses ni Rihanna, may K siya sa pagiging Superstar ek ek di ba? And I need not mention ehem... Channing Tatum. Wahahaha! He is LOVE. Amf! Landi!

Tapos kanina, pag-online ko sa YM, nakita ko na Online ang status ni Michael Ang. Uu! Natakot ako! Kasi siya yung classmate kong nagbigti nung 2007 eh. Wah! As in sa takot ko nag-offline agad ako sa YM! Freaky. Tapos medyo umuulan ulan pa kanina. Naku talaga Mr. T! So nagluto na lang ako ng itlog at mga hotdog para kumain at manood ng TV. So yun, tawa ko ng tawa sa mga pusa dahil ang ingay nila. Nagising kapatid ko tapos pinaghahampas yung mga pusa ng walis! Hahaha! Naalimpungatan dahil ingay talaga nung mga pusa! Hahaha! Tapos natulog siya ulit.

Ayun, ganun kaboring buhay ko ngayon Mr. T! Baka hindi ako pumasok sa OsMak mamaya. May gagawin ako for JAPALA eh. Sige sige update you soon okay? :D

Share ko lang yung nareceive kong text message na napasmile ako:

"Love is unexplainable. You will never know how risky it is. But what are the odds of taking a risk in a relationship anyway? Taking a great risk means having a great love story. And a great love story doesn't necessarily have a happy ending. But it definitely has a heart touching journey..."

Ganda. Nung nabasa ko yun habang ang daming ginagawa sa OsMak. Parang nawala talaga yung pagod ko. Ang daming bumalik na memories sa utak ko. Ganun naman talaga, alalahanin mga magagandang nangyari. And not make a circus of all the bad things that happened. Dahil ang mahalaga nga sabi, naging masaya ka and nagmahal ka at naramdaman mo minahal ka rin kahit hindi happy ending. :) Nakakatuwa.

Currently listening to: My Life Would S*uck Without You by Kelly Clarkson
Currently feeling: contented
Posted by jjcobwebb on March 17, 2009 at 07:17 AM in Everyday Drama, Drugstore | 7 comment(s)

Grabe Mr. T! Parang nakalimutan ko na kung paano magblog at magkwento. Kumusta ka naman muna di ba? Grabe, ako naman okay lang. Actually, kagagaling ko lang sa Trinoma then sa burol ng lolo ni Tin sa Loyola. O di ba? Wala pa kong tulog niyan! Kailangan ko lang talaga iressurect ang aking social life dahil ilang weeks na kong patay and wala sa circulation ng mga bagay bagay. Anyways, uunahin ko na muna ang nangyari kanina sa Trinoma. Yung ibang kwento bukas na.

Siguro last EB ko pa ata eh yung kaya Boch! Hahaha! Ang tagal na nun Mr. T! Wala pa siyang Tabulas nun! Nahawa sa kin! In fairness Boch, miss na kita!

Anyways, mabalik tayo sa aking kwento --- yep, Grand EB dapat ng mga Tabulista and Blogger friends kanina. Pero aapat lang kami kanina. Grabe! Pero okay lang. Masaya naman. Maiinggit na lang yung hindi nakasali! Hahaha! Joke… anyways, sobrang saya kanina Mr. T! Siyempre eto ang mga present: SUPERCUTIEMAX, PRINCESSCHA and CLEOTIE. And siyempre, ako, si SUBTLEBLISS! Weee… una sa Kenny Rogers nagkita. Tapos nagisip isip kung anong gagawin. Eh text ni Cha gusto niya maaliw. Gusto ko kumain at magusap though, pero mukha maaliw lahat kung magreRed Box kami di ba? So pumunta kami dun…

Kumunta, tumawa, nag-iced tea at nagbiritan and nagharutan! Hahaha! Si Camil super hawak sa kin! Yak! Hahaha! Lesbian! Hahaha! Anyways, pictures up ahead:

image

image image
image image
image image

O di ba Mr. T! Ang saya saya namin? Matitinong pics though ang nilagay ko. Ang daming sabog na pics eh. Nasa blog na ng mga babae yung mga ibang pics! Hahaha! Tapos tapos, eto, kasi si Camil (Cutiemax), inaasar namin dun sa nagseserve sa room namin. Hahaha! Ayun, grabe, hindi ko alam baket ako yung nagpapicture dun kay Harry! Wahahaha! Lakas ng trip namin kanina Mr. T! Tapos feeling artista naman ako kasi pinagvivideohan nila ko nung kumanta ko ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin! Please wag ipost! Hahaha! Kasi ang sagwa ng boses ko dun eh. Seryoso. I can do better. Sobrang muffled and sobrang weird sounding ng boses ko. Pwede sa susunod na lang na tayo magkita saka niyo na lang ipost? Hahaha!

Basta yun Mr. T! Sobrang saya, too bad those people who said they’re coming weren’t able to come. Pero kanya kanyang trip talaga yan! Hahaha! Basta ang saya saya talaga kaninna. Ewan ko ba. Nakita ko rin sa wakas in person yung mga tao sa likod ng mga blogs nila. Aylavet Mr. T! Sobrang saya! Sana sa susunod, mas bongga ang Grand EB! Dapat paghandaan ng bongga toh!

Basta ang saya saya. O di ba paulit ulit ako. Basta, grabe, feeling ko binalahura ko na pagkatao ko kanina para masaya ang lahat! Hahaha! Natatawa ko sa sinabi ni Cha kanina:

Cha : Grabe sobrang mukhang lalake ka talaga! Wag ka lang magsasalita at gagalaw! Hahaha!

Oo sige. Sa susunod nakafreeze na ko pag nagkita ulit tayo! Hahahaha! At hindi ka mataba Cha ha! Payat lang kami! Hahaha! Fun fun fun sobra Mr. T! Sinong mag-aakala na may bago na naman akong friends dito sa Tabulas. And yeah, para kay Cha, sobrang I feel you nung sinabi mong may nabubuo ring romance sa Tabulas. Sobrang totoo yun. Sobrang daming pwedeng mangyari sa isang blog at sa mga nagsusulat nito. Pwede ring may halaga ang isang blog nung isang tao sa ibang tao. Sobrang I feel it. Hahaha! Labo noh Mr. T!? Basta, salamat Cha, Cleotie, Camil! I enjoy ya, I appreciate ya all! Nakakatuwa kayo. Sana nag-enjoy kayo sa pagtambling ko at pagkain ng apoy! Wahahaha! Anways, salamat salamat salamat. You gurls made my day. Thanks. :D Dapat maulit talaga toh! At dapat naka-uniform na tayo kasi mga mukha naman tayong estudyante, though technically, ako estudyante pa talaga! Hahaha! Yiheee... si Cha mukhang student raw! Wag raw pag-usapan ang age sabi ni Cha! Hahaha!

Sorry kung hindi ganun kadetalye and kaayos ang entry na toh. May mga entry rin naman yung mga babaitang kasama ko kanina sa mga blog nila. Dagdag details din yun! Hahaha! So yun, sobrang hindi pa ko natutulog Mr. T! I gotta get me some sleep muna! Good night Mr. T! Kinikilig ako! (*Smugs*) Hahaha!

Currently feeling: sleep
Posted by jjcobwebb on March 23, 2009 at 12:16 AM in Everyday Drama, Malling | 11 comment(s)

Update update Mr. T! Gising gising! Hahaha! Ang aga ko magising potek! Sira na talaga biological clock ko. May test pa kami sa JAPALA mamaya. Tapos may duty pa ko mamaya sa drugstore. Balikan lang natin ang nakaraang linggo Mr. T! Daming naganap, kailangang maghabol...

March 17, 2009 - Tuesday: Haiku With Chris

Nagkita kami ni Chris sa RCBC. Tapos dapat magpapaguest ako sa Fitness First. Kaso tinamad ako nung inoffer na ko magjoin nung babae. Grabe nawalan ako ng gana. So naghintay na lang ako sa pharmacy. Then naglakad kami papuntant GB3. Then kumain kami sa Haiku.

17032009052 17032009049
17032009053 17032009054

Ayan ang pictures. O di ba ang takaw namin? Anyways, sobrang saya dahil favorite food ko ang kinain namin. Hahaha! Though parang luma na yung Salmon, okay na rin. Ang mahal pala sa Haiku grabe. Pero baket nung last time kami kumain nina Rhitz dun mura lang? Hmmm… or dahil libre ata ni Rhitz yun? Hahaha! Masaya ko at magkaibigan pa rin kami ni Chris Mr. T! ;)

March 18, 2009 – Wednesday: Starbucks With Luis and Friends

Ayun, sabi ko talaga kay Ate bigyan niya naman ako ng off! O ayan may off ako nung Wednesday. I waited for Luis na matapos class niya then tumambay kami sa Starbucks malapit sa CSB. Sobrang tawa ko ng tawa kay Luis Mr. T! Tapos si Kevin, yung friend ni Luis inamin na gay raw siya at TOP. Grabe, pake ko naman kung top siya? Hahaha! Pero masaya. At last free na rin siya. Then nag-isaw kami ni Luis. Then dapat magtaTrinoma, pero sobrang antok ako sa umuwi na lang ako. Then siya rin umuwi na…

March 19, 2009 – Thursday: 24 Hours Duty

Imagine, from 7AM nasa drugstore na ko. Sa RCBC then nung 6PM pinapunta naman ako ni Ate sa OsMak. Grabe ha! Hilong hilo na ko. Pero natulog talaga ko sa stock room sa OsMak ng 4 na oras. Bandang 12AM-4AM na yun. Hahaha! Kaya may lakas ako nung nag-unit dosing na. Basta grabe tong araw na toh! Parang wala na ko sa sarili ko!

Mach 20, 2009 – Friday: Megamall With Mark

I need a separate entry for this. Hahaha! Basta dapat separate entry toh! Hahaha! Hindi ko kasi alam kung kinikilig ako sa mga nangyari o nanaginip na nangyari yung mga nangyari eh! Hahaha! Habang tinatype ko toh ngayon nakasmile ako! Sa ilang beses ba naman kasi eh ngayon lang ako pumayag na lumabas with him. Hahaha! Alam kong walang kahihinatnan toh, pero Mr. T! Mark is so Von-ly. Umuulit ulit ang mga pangyayari dati. Sabi nga ni Barry, sinusubukan ako ulit ni Lord kung natutunan ko na raw lesson ko dati. Haha! Let’s see. Pero this needs to have a separate entry talaga. Hihihi…

March 21, 2009 – Saturday: National Sports Grill & Music 21 with Barry, Rhitz and Wiggy

Sino ba kasing nagsabi na dito kami kumain? Wah! May duty ako bago kami nagdinner Mr. T! So sobrang madali ako and sobrang taranta na! Tapos si Wiggy gusto pa magRed Box. Fine, sabi ko magpapalate ako ng 1 hour pero hanggang 1 hour lang na umabot ng 2 hours! Grabe! Then yun, kain. Catch up on stories. Sobrang tagal na namin na hindi nagkita-kita Mr. T! I miss them. Wah, miss ko na rin si Jeffrey

21032009066 21032009063
21032009065 21032009064
21032009068 21032009069

For the first time in my life, nakita kong hindi naubos ang pagkain nina Barry, Wiggy and Ritz! Grabe, as in hindi talaga ubos. Eh paano ba naman ang dami daming serving eh! Ang laki pa. Tapos nagkagulo pa kami dahil ang laki ng bill dahil puros appetizers and nasa bill! Aba aba! Hindi ako umorder ng appetizers ha! Wah! Basta yun, then since sabi ko sa Red Box mahal, nagMusic 21 kami. Nagconvoy na lang kami. Ako sa car ni Barry, si Wiggy kay Ritz. Then yun, buti per hour ang singil at buti libre ni Wiggy ang aming hour per head. Hahaha! Siya naman talaga kasi ang may gusto magKTV. Ako alis na alis na dahil sa duty. Pero as usual daw kahit alis na alis na ko, kumakanta pa rin ako. Hahaha! Then yun, hinatid ako ni Barry sa OsMak Pembo at first time ni Barry makapunta sa part ng Makati na yun. Then naiwan ko ang aking salamin sa kotse ni Barry. Hoy Barry! Yung cap ko at salamin ko ha! Isoli mo na! Wah! Yung cap ko last year pa yan! Naman naman!

Sige sige Mr. T! Update you soon okay? Ayan ha, wag ka na magtampo sa kin inupdate na kita! :D

Currently listening to: Count On Me by Whitney Houston and Cece Winans
Currently feeling: sneezy
Posted by jjcobwebb on March 23, 2009 at 08:13 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Drugstore | Post a comment

May karapatan na kong tumira at mabuhay sa bahay namin dahil ako ang nagbayad ang tubig, kuryente at telepono. Sushal noh? Hahaha! Ewan ko lang kung umangal pa nanay ko! Hahaha!

Ilang araw ng pagpupuyat yan para magkapera lang ako Mr. T! Grabe na ito! Hahaha! Parang sarap ng may pera. Gusto ko ng yumaman! Sige libre mangarap Jacob! Hahaha!

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on March 23, 2009 at 11:26 AM in Everyday Drama | 4 comment(s)

I took this from Facebook. Just wanna share it here in Tabulas.

Best Game Ever:
The Sims 2, Tomb Raider, Final Fantasy VIII, Final Fantasy X, Super Mario Bros. 3

Five Albums That Shaped Me:
Everybody Else Is Doing It, So Why Can’t We? by The Cranberries, Daydream by Mariah Carey, Let’s Talk About Love by Celine Dion, Come Away With Me by Norah Jones, Testimony: Vol. 1, Life & Relationship by India.Arie

Favorite Movies Of All Time:
Willy Wonka & The Chocolate Factory, The Wizard of Oz, The Sound of Music, The Phantom of the Opera, Enchanted

image

Wala lang, gusto ko lang ishare. Feeling ko yung mga taong sobrang kilala ko alam naman tong mga bagay bagay na toh. Anyways, update you soon Mr. T! Good night Mr. T! :) I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya! :)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 25, 2009 at 01:02 AM in Everyday Drama, Online Tests | 1 comment(s)

So what I'm still a rock star
I got my rock moves
And I don't need you
And guess what
I'm havin more fun
And now that we're done
I'm gonna show you tonight
I'm alright
I'm just fine
And you're a tool so
So what
I am a rock star
I got my rock moves
And I don't want you tonight


Che! :-P bhelat!

Currently listening to: So What by Pink
Currently feeling: optimistic
Posted by jjcobwebb on March 27, 2009 at 02:26 PM in Everyday Drama, Randomness | 4 comment(s)

Natanggal ngipin ko...

Ang laki ng pimple ko...

Hindi ko pa nasipot mga kaibigan ko...

Hindi pa ko nakapag-apply to graduate...

Wala na kong pera...

Nag-agawan pa kami ng kapatid ko ng comforter pero tawa kami ng tawa...

Ang dami pang lalakeng nangungulo sa kin dahil hindi ko alam kung lalake talaga sila...

Masakit na ngipin ko...

Good luck talaga sa kin...

Currently listening to: funny
Currently feeling: Oliver's YM Window
Posted by jjcobwebb on March 27, 2009 at 11:42 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

I need...

Just got home from OsMak - ACC - RCBC Mr. T! Sobrang memorize ko na Kalayaan!

Anyways, it's just now na nalaman ko na dapat may dalawang sides tayo ng pagkatao natin. Isa para sa mga tao sa paligid. At isang side para sa sarili. Dahil kung isang side lang meron ako ng pagkatao ko, baka wala na ko sa tamang katinuan...

Nagtext pala si Jhett na nasa Manila siya ngayon Mr. T! In case nakalimutan mo na si Jhett Mr. T, siya yung friend na pinakilala sa kin ni Steve dati. And naging close kami nung andito pa si Jhett sa Manila! Basta may mga entries ako about him. Bandang 2006 siguro. Gusto ko siya makita ulit habang andito siya.

Update you later. Sorry sobrang pagod and antok na ko. Sige sige mamaya ko na lang tutuloy kwento ko. Marami akong kwento. Mamaya na lang...

Currently listening to: silence
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on March 30, 2009 at 01:31 PM in Everyday Drama | Post a comment

"if you're not willing to take risks, then how can you expect to be happy?"

Oh ha oh ha! Ganda noh Mr. T! Galing ang quote na yan kay Aldrich. C'mon c'mon!!! Hahaha! Tama nga naman di ba? Kung paulit ulit yung ginagawa natin, eh di yun at yun din mararamdaman natin. Kahit ganyan si Aldrich, ganyan na talaga yan! Hahaha! Mabait. Haha!

eto pa:

"life goes on. what does not kill you, only makes you stronger"

Oh di ba? Galing galing talaga ni Aldrich! Hahaha! Utlities bill niya lang daw sweldo nung taong sumira sa puso niya! Awness ha! Hahaha! Pero hindi yan mayabang si Aldrich, joke joke niya lang yan. Hahaha! Mabait yan noh Mr. T! Pag pumunta ko sa Singapore sagot niyan lahat. Kaya ifriend niyo na si Aldrich! Hahaha!

Anyways, the weekend was long Mr. T! Maraming nangyari. Actually, hindi ko alam kung san ako magsisimula. Simulan ko nung Saturday.

Graduation ni Page, anak ni Ate na panganay and una kong pamangkin. Yep, around 6AM gising na kami para magprepare para magpunta sa Assumption. Grade School Graduation. Grabe Mr. T! Puros gurlash andun. Hahaha! Taas ng mga mass songs nila. Tapos ang tagal nung ceremony. Siguro 12PM na kami natapos. Then dapat sa may malapit lang kakain sa Tatay pero since full mga resto dun dahil sandamakmak mga Assumptionistas. Sa Wilson na lang kami kumain. Sa Yuujin. Sa resto nung friend ni Mama. Siyempre may discount kami! Weee... tapos ang iingay ng mga intsik dun sa kabilang table kabadtrip talaga. Sarap magbasag ng pinggan eh para manahimik. Anyways, then umuwi na. Si Page sa Taytay umuwi dahil dun muna siya ng weekend pero andito na siya kanina. Yung mga pictures wala pa sa kin Mr. T! Pero as soon as makuha ko na sila. Uupload ko wag ka mag-alala.

Then after umuwi natulog muna ko dahil super antok ako. Then nagkita na kami ni Leo nung kinagabihan. Iniwan ni Leo yung kotse niya sa ADMU since super traffic then sa Gateway kami nagkita. Then nagMRT papuntang GB3. Leo is nice. Super nice. Super pawis siya nung nagkita kami. Kahit ako rin naman super pawis kasi sobrang init. Sabi ni Leo, sinearch niya pa raw talaga sa internet paano pumunta sa GB3. Hahaha! Pero so yun nga. Then naghanap ng makakainan pero tumingin na muna kami ng movie na puwede panoorin. Then naglakad lakad muna kami. Yung Second Hand Serenade andun sa GB3. Grabe daming tao. Then we decided na sa Recipe na lang kumain. Then yun, kwentuhan, marami rin naman kaming kilalang taong in common. So pinagchismisan namin sila. Then usap usap. Kain. Then yun, around 9PM kinuha na namin yun bill since yung movie magsstart na. Knowing yung pinanood namin Mr. T! Ayun, okay naman yung movie. Mukhang horror sa una pero hindi pala. Grabe parehas pa kami ni Leo na ayaw manood ng horror. Pero hindi naman. Then yun bago mag 12AM, hinahanap na siya ng mom niya. Then we had to leave. Same cab kami til Cubao then siya kinuha niya kotse niya sa ADMU. So yun Mr. T! It was a night. Okay naman, bagong friend. Pero sabi nga ni Aldrich ang dami ko ng friends ha! Hahaha! Pero bahala na...

Then Sunday, nasa bahay lang ako. Natulog. Kasi may duty ako kinagabihan. Then yun, Mark's random messages are killing me. Ayaw ko talaga magreply. Bahala na siya. Henaku. Then yun, narealize ko, swapang ako sa friend. Dahil sobrang seloso ko. Hahaha! Wala na sa lugar. Anyways, yun nga, then pagkauwi kanina naglunch then natulog na rin. Ngayon kagagaling ko lang ng 7-11. Grabe ang gwapo nung lalakeng nakasabay ko sa counter kanina. Wah! Kaasar. Hahaha! And something I learned this month, mas madaling landiin ang straight na lalake kesa sa bading. Or ewan, baka bading rin yung mga straight na lalake na nakilala ko. Hahaha! Pota! Anyways, it was a day Mr. T! Ang dami kong balita from old internet friends. Some may jowa na, some wala na, some sila pa rin and some nanliligaw pa rin. Wah! Pero okay lang, feeling ko sobrang left behind na ko. Pero pake ko. I won't settle for something less...

O siya, kakacatch up muna ko sa mga chika ng mga kaibigan ko Mr. T! Update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: Life Goes On by LeAnn Rimes
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on March 30, 2009 at 10:38 PM in Everyday Drama | Post a comment

Mr. T!, namiss ko yung ganito, yung tayong dalawa lang nag-uusap sa hating gabi. Maraming pumapasok sa utak ko lately. Maraming akong tanong tanong sa buhay lately. Sa totoo lang, hindi ko masabi na masaya ko sa lahat ng nangyayari sa kin. Dapat ako maging masaya dahil I have my graduation to look forward to. Okay naman yung pagtatrabaho ko kay Ate. Masaya naman ako dahil andiyan pa rin yung mga kaibigan ko sa tabi ko. Idagdag mo pa yung mga bago kong naging kaibigan. Mr. T!, ewan ko, weird ng nararamdaman ko ngayon kasi kalahati ng sarili ko gusto magmahal, pero yung kalahati, nagsasabing maghintay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako sa mga bagay bagay na dapat na hindi naman ako nasasaktan. Baket di ko maiwan-iwan ang nakaraan Mr. T!? Ang hirap sa totoo lang dahil nasa paligid lang ang mga nakakasakit sa kin. Wala akong magagawa. Hindi ko kayang pigilan mga bagay bagay na mangyari. Wala na akong lakas ibalik kung ano ang nangyari at nagkaron ako sa noon. Ayoko na ipilit. Ayoko na hilahin pabalik dahil kung susubukan ko lang gawin mga ginawa ko noon, baka masaktan lang na naman ako. Masyado na kong nasaktan Mr. T! Binubuo ko pa rin sarili at pagkatao ko hanggang ngayon. Hindi yun ganun kadali.

Minsan naiisip ko, parang iniiwan na ko ng oras. I’m being left behind by everybody. Sa career, lovelife, sa progreso ng buhay ng mga tao. Parang andito pa rin ako sa lugar kung san ako nakatayo sa simula’t sapul. Parang never akong umabante dito. Siguro ako lang toh na nagsasabi sa sarili ko. Pero yun ang nararamdaman ko Mr. T! Parang lahat ng tao fast paced ang buhay, baket sa kin parang usad pagong? Or dahil I’m looking at those people I have admired even before. Pero minsan pag tinitignan ko mga taong nasa likod ko na never ko pinansin before, I should be thankful. Parang nasa tamang lugar pa ko.

Gusto ko magmahal Mr. T! Pero ang hirap sa totoo lang. Minsan nararamdaman ko na parang hindi ko na yata kaya magmahal pa muna ulit. Pero kinikilig pa rin naman ako sa mga bagay bagay na pwedeng maging source ng kilig. Hindi pa naman ako jaded. Hindi pa naman ako manhid. I’ll hate myself kung magiging ganun na ko. Ayaw ko maging ganun Mr. T! Walang puso yung mga ganung tao. Parang steady lang muna ang lahat. As much as possible, iniiwasan ko ang mga taong nakikipaglandian sa kin. Dahil ayoko ng may umaasa. Kasi masakit ang umasa. Alam ko yan. I’ve been there before. Ayoko may masaktan ng dahil sa kin. Like those old internet friends I had, mga nanligaw, close naman kami lahat. It's just... uhmm... I don't know, siguro sad dahil sila may mga naging jowa na, may mga karelasyon, may mga ex na etc. tapos ako andito pa rin. Ganitong topic pa rin ang binoblog.

Mga pakilala ng kaibigan na ganito ganyan. Tapos ipapakilala ako sa "flirt"? Okay okay. Friendly ako. Pero hindi ako flirt. Mr. T! alam mo yan. Never ako nageffort para mapansin. Never ako nagpapansin. Dahil once na nag-effort na ko sa isang tao, para sa kin, hindi na flirt yun eh, mahal ko na yun. Kaya I'm really keeping my network as small as possible this time around. Lalayo muna ko sa mundo ng mga bading. I'm gay but I used to have my own world. Our own world. Simple lang ang buhay namin nun Mr. T! Si Jeffrey, Rhitz and Barry. Masaya naman kami na kami kami lang. Masaya naman kami. Sa lahat sa ming magkakaibigan, ako lang naman lagi ang gusto ng bagong gay network eh. Jeffrey never had. Barry never had. Rhitz never had. Ako lang lagi ang friendly. And now nagbaback fire sa kin. Kung pwede lang ireset lahat ng mga bading na nakilala ko. Irereset ko. Pero wala kong pake. Bahala na. Opinion nila yun. Mas kilala ko sarili ko kesa sa kanila. Alam mo, kung flirt ako, siguro dinate ko na yung guy na pinakilala sa kin ng friend ko dati. Pero hello, pero dahil sobrang nirerespeto ko yung kaibigan ko, hindi ako pumayag makipagkita dun sa guy. Baket ako makikipagkita eh dun nga sa friend kong nagpakilala eh hindi pa sila nagkikita di ba? Ang bastos ko naman siguro nun. I'll never do that to a friend. Tapos flirt pa ko ngayon? Walang gamot sa insecure. Hanap ka ng mga lalakeng manliligaw sa yo. Baka pwede ka pang gumaling. Tsk...

Alam mo Mr. T!, I feel blank most of the time. Hindi ko alam baket. Siguro I'm starting to feel numb. Siguro pagod lang ako. Siguro puyat lang ako. Wala na kong maramdaman. Nawala na ata lahat ng nararamdaman ko Mr. T! Hindi ko alam kung masama to or masama. Gusto ko ulit maramdaman mga naramdaman ko nung nagdaang taon. Pero wala na kong lubid pangkapit pabalik. 3 more months and I'll be leaving this blog. Tatlong buwan na lang and never ako nagkaroon ng leading man sa blog na toh. Pero ganun talaga ang buhay Mr. T! It's like that. Mas marunong na ko ngayong tanggapin mga bagay na hindi talaga nakalaan para sa kin.

Naguguluhan na ko sa mga pinagsusulat ko Mr. T! Parang wala na siyang sense. Hindi na cohesive mga sentences ko! Sige tatapusin ko na toh. I still love you Mr. T! I still enjoy ya and I appreciate ya. Kulang lang ata ako sa tulog kaya pasensya na. Update you soon. :) I miss my old self...

Currently listening to: Bye Bye by Mariah Carey
Currently reading: Leo's YM Window
Currently watching: Bluetooth Software installation
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on March 31, 2009 at 02:23 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)
« 2009/02 · 2009/04 »