Trinoma With Chris Pt. 2
Hello Mr. T! Kagigising ko lang! O di ba update agad. Ayun, sobrang antok and pagod ako kahapon so dumaan lang ako dito sandali kahapon. Pero at least di ba nagudpate ako. :) So yun, alam mo Mr. T!, kung panaginip man ang lahat ng nangyayari lately, for the past weeks, past months, sana huwag na ko magising. Basta, tuwing naiisip ko mga nangyayari lately, napapangiti na lang ako. Parang laging tumatalon puso ko sa kaligayahan. I'm not exaggerating. Ang saya saya saya saya to the next level. :-D And yeah, dami ko ng kwento tungkol kay Chris dito sa blog ko, hindi ko lang binabanggit name niya. Pero ngayon, hindi ko na siya itatago kasi wala naman kailangang itago. At gusto ko mainggit mga tao kasi wala silang Chris. Hahaha...
Yesterday was so wonderful Mr. T! It was not the first time Chris and I went out or had a date --- I want to call it a date. As usual, late na naman ako! Sige na! Talo na ko! Lagi na lang akong late paglumalabas kami! Hahahaha --- but I'm loving the race everytime. :D So kumakain ako, at may tinanong ako kay Chris, at kung anu ano ang pinagsasabi habang kumakain ako! Okay na okay talaga yung mga sinabi niya. Napaka lunch-time friendly! Hahaha... so yun, hanggang sa nagkayayaan manood ng Sex and the City. 2pm, at 12:30nn ata nun. So super madali na ko dahil for sure, isang karera na naman ang papuntang Trinoma.
Okay, ayun, nauna na naman siya! Wahhh... kelan kaya ako mauuna Mr. T!? So yun, sa
Starbucks kami nagkita. Nasa labas siya ang init init di ba? Ako naman pawis na pawis kamamadali! At ayun, usap usap muna. Nakabili na si Chris ng tickets para sa movie. Ayaw sabihin kung magkano so bahala siya hindi ko binayaran! Hahaha! 2:15pm dapat kami manonood pero nafeel niya talagang malalate ako so 5:10pm na ticket na yung binili niya. So yun, hindi na namin kailangan magkamustahan sa totoo lang. Sa araw araw na ginawa ng Diyos magkausap kami! So yun, buti may lumabas na customer dun sa loob ng Starbucks so lumipat kami sa loob. So kumain ako muna dun sa Starbucks, ng Cinnamon na mukha raw tae, at Iced Tea. Usap usap. At ang kulit ni Chris Mr. T! Picture ng picture ng mga picture na hindi dapat makita ng mga tao! Mga panget kong pictures! Hahahha... mukha lang gago! Pero kahit ganun ang saya saya pa rin! Hahaha... so umalis na kami ng Starbucks at hindi pa pala naglulunch si Chris. Sana hindi na ko bumili ng pagkain sa Starbucks. (Read More)