Entries for November, 2010

Ang bilis noh Mr. T!? Grabe lang. Magbibirthday na naman ako. Month ko na naman. Wala akong pera pambirthday. Hahaha! Naisip ko may credit card naman. Hahaha! Anyways, ayun, ano bang meron, halloween parties here and there. Bonding moments with friends, family and officemates. Mga tao pala sa bahay nasa Bangkok lahat. Di ako nakasama. Di ako nakapagfile ng VL. Pero okay lang dahil super party naman kami dito ni Luis simula nung Friday pa. Nakakatamad gumalaw. Natututo akong maging tamad sa bahay na toh. 3 ang kasambahay. Pag gising may pagkain na. Tas lunch na. Tas dinner na. Grabe, may taga-ayos pa ng kalat. Gusto ko man siya pero weird Mr. T! Baka masanay ako. Hindi naman ako ganito. May sinulat pala kong update pero nasa draft pa siya. Mga Thursday ko sinulat yun pero hindi ko natapos dahil ang ingay sa office. Ang weird baket ganun, papalapit na birthday ko pero parang ang lungkot lungkot ko lang.

Si Ritz may sakit pala. Si Barry nasa Baguio. Si Benson hindi ko naasikaso kahapon. Super iyak sa phone nagbreak na talaga sila ng jowa niya. Nakonsensiya ko hindi ko siya nadamayan. Sina Luis, Meets, Carl and Che asa bahay kahapon super saya lang. Tas ako naman nung Friday nagpaka-Alice In Wonderland sa office. Umattend din ako ng black party kasama sina Jondee, Rain, Benson and Luis. Parehas pa kami ng hair design ni Benson. Nakita ko rin si Harry after ilang years. Pumayat siya. Hindi ako nakasama sa Puerto Galera nina Archie. Tapos si Prince (dog namin) naman okay na simula nung lumabas sa ospital. Grabe naiyak ako nung kala ko mamatay na si Prince. Hays… ayun ano pa ba, nagEnchanted Kingdom din pala kami ni Beck, Sherry, Mich and MJ. Tapos ilang bagyo na rin ang dumaan sa Pinas. Aayt eto buhay ko para paring binabagyo.

Grabe alcoholic na yata ko Mr. T! Parang ang dami ko lang problema. Hmmm… anyways, eto mga pictures ng mga nangyari sa buhay ko lately. Pasensiya ka na talaga kung di ako nakakapagupdate. Wahehehe. Si Twitter kasi eh. Ang bilis magupdate. Sana iintegrate ka na sa Twitter para masaya. Pero kahit gaano sa tingin ng tao na kasiya ko, may kulang pa rin. Ang daming kulang. Hindi material na bagay eh. Ang bilis noh? Matatapos na naman ang taon. Tatanda na naman ako. Nagmamahal pa rin ako. Anyways, pictures:

4-up on 2010-10-31 at 23.54

alice rue
enchanted jt
prince black
black4 IMG_0718

So ayan mga nagagnap sa buhay ko lately Mr. T! And yes, congrats to my one and only diva, Mariah Carey and his husband Nick Cannon. They’re pregnant! Yey! At long last Mariah’s gonna have a baby. I’m expecting a mature record from her after this. Yey! Hehehe! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Night shift na ulit ako. Hays! Update you soon! Goodbye Friday nights! Hello Sunday nights! :) and yes, I am choosing to be happy. Kinakaya ko araw araw. Mwah!

Currently listening to: Moon River by Andy Williams
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 1, 2010 at 01:14 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Family | Post a comment

Ambilis Mr. T! noh? 25 na si Rhitz. Last year sa Century Park siya nagcelebrate. Ngayon ang dami niyang pinagcelebrate-an! Ako next next week 25 na rin and parang wala pa kong makabuluhang nagagawa sa buhay ko. Hays, anyways, parang twice nagcelebrate si Rhitz ng birthday niya, isa nung Wednesday and isa kahapon. Ngayon masasabi ko Mr. T! We are adults. Suddenly weird na mga pinaguusapan namin. Suddenly I can’t relate. Biglang hindi na innocent topics. Mga topics na ayaw ko minsan pag-usapan sa totoo lang. Siguro nga ayoko iwan pagiging bata. Natatakot ako tumanda Mr. T! Natatakot ako dahil baka in the future mag-isa kong tatanda. I’m afraid but nobody knows what the future holds. I’m not just ready for the future. Minsan naglolokahan na lang kami sa bahay…

Ate: Kelan mo dadalhin boypren mo dito? Pakilala mo naman kami…
Ako: Buti sana kung may papakilala!
Ate: Baket hindi?
Ako: Kasi wala!!

And I will just smile. Anyways, sa Kirin sa BHS nagbirthday si Rhitz. Andun sina Izvet, Sabs, Luis and Barry and Winnie. Late ako as usual. Tapos nagDistillery kami after. Andun sina Che, Evan, Meets, Carlo and Pao. Sobrang saya Mr. T! But I had to leave early dahil may pasok ako. Hindi ako masyadong uminom. More Martini lang ako nag-ala Mariah. Hahaha! Mga 1AM natapos din kami and nagkape since si Barry tinamaan.

IMG_0759 IMG_0754
IMG_0760 IMG_0765

Kahapon naman, sa Tom Yang kami nagcelebrate ng birthday ni Rhitz. Nakakahiya ako wala akong regalo kay Rhitz. Muntik kong awayin si Barry kahapon dahil binwiset niya ko. Gusto ko talagang sapakin! Hindi makaintinding malalate ako. Parang hindi na nasanay. Super tawag sa phone eh super traffic sa EDSA. Sabi ko isa pang tawag niya uuwi ako. Awa ng Diyos di na tumawag ulit. Emergency meeting kahapon sa totoo lang. Second emergency meeting since 2007. I’ll speak about the topic on my next entry. Super nagpakabusok kami. Ang saya lang. More oyster talaga kinain ko. Thank God di ako nafood poison. I rejected all invites to go out yesterday. Hindi ako pumarty. Natulog ako. And and sarap. Paggising ko halos 10 degrees celcius na ang kwarto. Salamat sa aircon! Hahaha!

IMG_0778 IMG_0781
IMG_0786 IMG_0787

Sinoli ko na rin yung wig ni Twinkle. Nakapagbayad na rin mga umutang sa kin. Nabayaran ko na lahat ng bills. Ngayon iniisip ko na lang yung birthday celebration ko. Magpapaluto kaya ako o magpapacater? Sana sagutin ni Ate! Hahaha! Parang ang daming pupunta! Grabe lang! Si Ms. Anj pinasasali ako sa Trend’s Got Talent sa Christmas Party. Ewan ko kung gusto ko ba sumali. So ayun, aayusin na yung bagong bahay ngayon. Lalagyan na ng Christmas decorations.

Anyways, ayun, I’ll update you soon Mr. T! Super lamon week tong week na toh. Baka mamayang gabi mag-emote ako. Wahehehe! And yes, just a heads-up, a Jeffrey topic will be my next entry. Sisiguraduhin kong tahimik dito sa bahay mamaya at walang mangugulo. Update you soon!

Currently watching: Toy Story 3
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on November 7, 2010 at 10:13 AM | Post a comment

I miss Jeffrey. A lot! Inaamin ko. Hindi ko kayang makita na lalayo si Jeffrey from me. From us three. Sobrang laking parte na ginampanan ni Jeffrey sa buhay ko. Sa buhay naming tatlo. It’s just not the same without Jeffrey. It’s not the same without Barry. It’s not the same siguro kung wala rin ako. Apat Dapat, Dapat Apat. Alam namin toh at alam kong alam ni Jeffrey yan.

Masakit nung nalaman namin na umalis si Jeffrey na hindi man lang kami nasasabihan. Nasaktan kami. Si Rhitz first time kong nakitang malungkot. Si Barry naiyak. Ako dinaan ko na lang sa joke joke at patawa tawa pero sa totoo lang parang namatay ako nung oras na yun. It was very random. Nasa Starbucks kaming 3 nina Rhitz and Barry and sabi ko kumusta na kaya si Jeffrey? So I checked his Facebook sa phone ko. To our surprise, nakita ko na lang na may nagcomment na “be safe in Miam” --- something like that. Then there was silence. Then we saw pictures of Jeffrey going out with his other friends. Napipi na kami. Ganun ba kami walang kabuluhan sa buhay ni Jeff at di man lang niya kami sinabihan na aalis na siya? I tried to joke about it. Pinatawa ko sina Barry and Rhitz. Pero muntik na kong magbreakdown nung oras din na yun. Biglang nawala yung mga totoong tawa namin. Mapapansin na pineke namin lahat ngiti namin nung gabing yun. And to quote Rhitz “Probably Jeff doesn’t want us in his life anymore, we must move on”. Naiyak ako pagkauwi. As in iyak. Inisip kong kausapin si Jeffrey. Pero masyadong magulo utak ko. Alam kong may gap kami before siyang umalis nung nag-away kami about him finding a job. Alam kong hindi magiging maganda magiging pag-uusap namin kung hindi ko pag-iisipan mga sasabihin ko. Kung hindi pa ko nakakapagreflect. Baka mas lalong gumulo. So pinalamig ko muna ang sitwasyon. Hindi ako strong when friends say goodbye. Ayoko ng may umaaliw. Lalo na umalis na hindi ka sinabihan. Napakasakit.

Kilala ko si Jeffrey. Magaling siya sa mga hindi pansinan. Tulad nung nag-away away kaming 3 noon. Kinain ko lahat ng pride nun para magka ayos ayos kaming lahat. And kakainin ko ulit para magkaayos ayos kami hanggang sa huli. I love Rhitz. I love Barry and I love Jeffrey. 3 most essential friends ng buhay ko. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, kaya siguro hindi ako naghahanap ng jowa dahil silang 3 ang jowa ko. True enough. Hindi naman talaga ko naghahanap. Silang 3 nakakakilala sa pagkatao ko. Alam nila pagtahimik na ko at ano mga pwedeng mangyari. Alam nila  pag malungkot ako. Alam nila pag tunay akong masaya. Alam nila pag-inlove ako at nasasaktan. Silang 3 ang nakakakilala sa kin. And tulad rin ng lagi kong sinasabi sa kanila, kung magiging cause ng away namin, ay lalake, na wag naman sana, ibibigay ko na sa kanila, kahit si Channing Tatum pa yan. Huwag na huwag lang masisira pagsasamahan naming 3. Parang pamilya turing ko sa kanila. And losing 1 of them means everything. And what more, yung pinakaclose ko pa.

Siguro nga naramdaman ni Jeffrey na hindi na siya makahabol nung lumabas kami once dito nung pagbalik niya. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko sa kanya about finding a job. Alam kong nagkamali ako. Siguro nga nahirapan na siyang magconnect sa mga inside jokes namin nina Barry and Rhitz. And nagmove on na siya sa mga jokes na yun. Nagkaroon ng gap inaamin ko. sa 3 years na wala si Jeffrey sa Pilipinas. Inaamin ko. Hindi na rin kami halos nakakapagchat or YM nung nasa Switzerland siya. Di tulad nung nasa Taiwan siya na halos araw araw magkausap kami. May mga kwento na kaming hindi nakwento sa kanya. Mga lugar na napuntahan na hindi siya nakasama. Pero hindi naman siya pinahahabol Mr. T! Sabi nga  ni Barry, we will start kung hanggang san siya nakaabot. Dun tayo magsisimula ulit. Sang ayon ako dun. Ganun namin kamahal si Jeffrey kahit minsan hindi namin pinapakita. Kahit minsan parang manhid kami. Kahit hindi nararamdaman ni Jeffrey yun, mahal na mahal namin siya. Lalo na si Barry, hindi expressive si Barry pero mahal na mahal niya rin si Jeffrey.

Nakapagusap na kami ni Jeffrey Mr. T! Mukhang naayos na naman mga hindi pagkakaintindihan. Isa lang yung kinabahala ko, Jeffrey feels na hindi namin siya sinusuportahan sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. We support him all the way. We were never against Jeffrey’s decision. Well sa mga usapan na ibang topic against kami sa kanya dahil malabo kausap minsan si Jeffrey. Pero yung mga decision niya sa buhay, nasa likod niya kami. Siguro naging sensitive si Jeffrey. Siguro lang. Pero kung ano man gawin ni Barry or Rhitz, susuportahan ko sila tulad ng ginagawa nilang pagsuporta sa kin. Kay Jeffrey. Malamang hindi naman susuportahan si Jeffrey kung gusto niya magpakamatay! Pero sa mga bagay na alam naming gusto niya dahil alam niyang makakabuti sa kanya yun at sa buhay niya, nasa likod niya kami. Hindi man kami nagsasalita pero andito kami sa likod niya palagi. Kung pangingibang bansa man ang desisyon niya, go, andito pa rin kami. Kahit malayo man kami, alam namin essence ng pagiging kaibigan.

And nung sinabi ni Jeffrey na siguro nga hindi kami magiging friends forever, nalungkot ako sobra. Na kailangan niya na tapusin ang pakakaibigan namin. Nanginig ako sa takot. Ewan ko ba Mr. T! Kung if ever, sana wag naman, na iwan kami ni Jeffrey, isipin na lang niya na hindi kami ang nang-iwan kung hindi siya. Andito kami dati pa. Andito kami ngayon. And dumating man ang panahon na nais niyang bumalik, andirito pa rin kami. Sinabi ko kay Jeffrey yun and nagthank you siya Mr. T! Nung matapos na kami mag-emohan, pinag-usapan namin yung bagong album ni Rihanna. Napangiti ako, naramdaman kong okay na kami ulit. At isa pang proof na okay na kami, nung nanood daw siya ng Dreamgirls sa Broadway, sobrang naalala niya raw ako. I smiled. Sobrang saya ko nung araw na yun. Then medyo humabol ako sa mga kwento ni Jeffrey at yung bago niyang job sa Miami. And then I saw Rhit’z Facebook wall, Jeffrey greeted him on his birthday. Then umuwi ako while listening to “Dreamgirls”… :) Marami pang dapat ayusin. Marami pang dapat pag-usapan. Salamat kaya Jeffrey nag-open up siya at nalaman namin nararamdaman niya. Sana ngayon alam na rin ni Jeffrey na hindi namin siya winawalang bahala. Na hindi namin siya sinusuportahan. Mahirap din talaga mag-assume. Dapat open ang communication. Mahirap makiramdam. Sana magtuloy tuloy ang pag-aayos namin Mr. T!

We love you Jeffrey :)

Posted by jjcobwebb on November 8, 2010 at 02:30 AM in Everyday Drama | Post a comment

Hello Mr. T! Gulat ka ba at may update ka ngayon? Hahaha! Anyways, ang saya lang. Hindi ko alam baket siguro dahil Christmas Time Is In The Air Again dito sa bahay. May Christmas tree na. May mga ilaw na sa labas. May reindeer na sa labas. Hahaha! I already feel so Christmas-y. Matutulog pa ko ulit para sa shift ko mamaya. Pero ayun, update muna kita kasi baka sa office matulog lang din ako. Hahaha! Feeling Mariah ko sa picture ko oh Mr. T! Hahaha! Feeling Merry Christmas II You! Hahaha!

190282557

Ayun, kahapon, nanood kami ni Benson ng Megamind at pinaghintay niya ko ng 2 oras sa Megamall! Ang galing lang talaga! Hindi ako nagsasalita nung nagkita kami. Dapat talaga uuwi na ko kaso umikot ikot na lang muna ko sa Megamall mag-isa. Okay na sila ni Melto salamat naman sa Diyos. Naloloka ko pag umiiyak sa harapan ko si Benson. Wala kong ma-advice. Haha!

Sobrang okay yung movie pero sobrang predictable. Dun ko lang narealize na bawat bida, kailangan talaga ng contrabida and vice versa. Hindi exciting ang buhay kung walang kakumpitensiya. Pero totoo yun, kailangan talaga minsan yun para makita mo kung hanggang san ka aabot. Kung hanggang san lang kaya mo. Kung matatalo ka ba ng kalaban mo. Parang may pinaghuhugutan naman ako. Haha! After nun, bumaba kami sa Gateway ni Benson. Imemeet niya yung kapatid niya at katulong niya dun. Tas habang pababa ako ng MRT, nakita ko Tweet ni Gibs na nasa Gateway siya. Since wala akong gagawin at nakatulog na naman ako, pumunta ko sa CBTL. Ayun, kwentuhan, and habang naghihintay ako ng kape ko sa counter, nakita ko si Jiggy. Grabe, super kwentuhan kami ni Jiggy and all. Tagal naming di nagkita since Black Party pa. Awa ng Diyos nagstop siya ng law niya. Hahaha! Puro party kasi ginagawa. Then yun, si Jepoy dumatin. Ayun super kwentuhan ng mga nakakatuwang bagay. Super nakakatawa si Jepoy nakakatanggal ng stress. Hahaha! Then around 8pm umuwi na rin kami. Weird ang sarap ng tulog ko kagabi.

Then hinahanda ko na ang birthday ko Mr. T! Baket ang daming gustong pumunta? Artista ba ko? LOL! Or ganun na kadami kaibigan ko? Well sana mga totoong kaibigan sila. I hardly trust pero whoever wants to get close to me, go lang, huwag niya lang ako aawayin. So far wala naman akong naririnig na may naninira sa kin. Hahaha! Sabi nga sa kin, wala naman daw kasira sira sa kin dahil sarili ko sinisiraan ko. Tama! Bwahaha! Ang saya pala magplano ng party. Grabe, hindi raw ako bibigyan ni Mama and Ate sa birthday ko! POTA! Fine! Ako magbabayad lahat! Wahhh! This will be the last time na magbibirthday ako ng bongga! Dahil 25th birhtday ko toh, dapat special. Quarter life na talaga ko --- kung umabot man ako ng 100 years old. Hahaha! Though nakakalungkot maraming importanteng tao na hindi present sa birthday ko. Pero, sabi nga, kailangan matuloy ang party! 

And yes, I am officially missing Chris and Jeffrey. 2 taong sobrang importante sa buhay ko. Hay! Shet! Pag tahimik talaga paligid napapa-emo ako! Pero seriously, I miss them Mr. T! Alam mo kung gaano ko sila kamiss kahit minsan ang gago gago ko lang. Kahit minsan ang galing ko mambwiset. Kahit minsan pinapainit ko ulo nila. Sobrang miss ko na sila…

Anyways, baka kung san mapunta tong entry na toh, tapusin ko na. Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Kung mawala wala man ako dito sa Tabulas, alam mo kung san dapat ako kalabitin, sa Twitter! Haha! Mwah!

Posted by jjcobwebb on November 9, 2010 at 08:11 PM in Everyday Drama, Malling, Movies | 1 comment(s)

May mga bagay na ikaiinis mo. May mga kabagay na ikatatawa mo. May mga bagay na makakalimutan mo. Pero ang nangyayari ngayon, hindi ko alam kung matatawa ko o mamagalit o maaawa. Sa totoo lang Mr. T!? Huh? Anong eksena toh? Bato bato talaga sa langit ang tamaan, guilty :)) Well well well, alam naman nating lahat para kanino yun. May natamaan ba? Siguro. Bwahaha! Guilty? Di ko alam? Innocent? Di ko rin alam. May karapatan ba ko? Wala. Umeeksena ba ko? Oo! Hahaha! Nangagago ba ko? Oo! Hahaha! Nambubuwiset? Oo! Sira ulo ako inaamin ko. Hindi ko iniisip ginagawa ko or sinasabi ko. It's a burst of emotions. Tang inang emotions toh Mr. T! Baket ganun? Parang gusto ko maiyak? Pero sa loob ko gusto ko humalakhak dahil parang tama mga hinala ko? Some people are trying to prove me right. I thought I've been hurt enough. Kala ko lang siguro. And now I am hurt. Masyado kong naapektuhan Mr. T! kung alam mo lang. Magbibirthday na ko dapat masaya ko. Ginawa pang holiday birthday ko. I am slowly being crushed. There's nothing in my grasp anymore. And if someday things turn out the way I expect it to be, at least I can say, some people proved me right. Kahit lagi nilang sinasabing I am very wrong. At least I tried. I've been getting messages from strangers na tumigil na raw ako at pabayaan at nakakasakit na ko. PUTANG INA! Nasasaktan din ako. I'm acting as if I'm stupid kasi nasasaktan din ako. Nagmamahal din ako. PUTANG INA lang ulet... 

Currently listening to: .....
Currently reading: .....
Currently watching: .....
Currently feeling: .....
Posted by jjcobwebb on November 10, 2010 at 02:49 PM in Everyday Drama | Post a comment

Siguro nga Mr. T! Sobrang seloso ako. Insecure ako. :( Gusto ko may magsasabi sa kin ng, ako lang at wala ng iba. Pero ano namang karapatan ko di ba? Siguro dahil sa bahay ang paborito ni Mama si Kuya and Bruno. Tas paborito ni Papa si Ate. Kaya siguro insecure talaga ko Mr. T! Mahirap minsan ilugar sarili ko. Sa taong mahal mo lalo na na hindi mo man lang alam kung mahal ka rin. Mr. T! siguro nga, gusto ko yung pagnagseselos ako, yayakapin ng mahigpit at at sasabihan na “Para kang tanga, anong dapat ikaselos mo eh ikaw lang mahal ko?”. I long to hear those words. Siguro balang araw maririnig ko yun. Masama ba magselos? Para ba kong tanga Mr. T!? Nagseselos ako sa tao na kahit kelan di naman mapapasakin. Kahit kelan di naman ako mamahalin. Masakit. Gusto ko ring mahalin ako ng mga taong mahal ko Mr. T! It’s just too impossible now. Siguro nga ginawa ako ng Diyos para maging mag-isa habang buhay. Kaya ang sarap magpakalasing minsan Mr. T! Nagiging manhid ka. Nakakalimutan mo yung mga sakit na naramdaman mo. Nawawala sa dibdib mo mga nararamdaman mo. Ang sarap din kumanta at sumigaw, dun mo nalalabas mga emosyon mo na hindi mo malabas labas sa totoong buhay. Nalulungkot ako ewan ko ba. Mukha na kong tanga. Laging lutang utak ko. Winawalang bahala ko na lang mga bagay bagay muna. Mananahimik na muna ko kasi nakakaawa na ko. Magmamatiyag na lang at pipiliting ngumiti. Awang awa na ko sa sarili ko… :(

Currently listening to: Ashes and Wine by A Fine Frenzy
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on November 11, 2010 at 08:56 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Puros sad ang entries ko lately. Lagyan naman natin ng medyo masaya Mr. T!

Matagal tagal na rin ako nagkaroon ng straight na crush. Siguro nung 2nd year college yun last. Kay Ryan na classmate ko sa PhilHis. Hahaha! Sobrang gwapo nun grabe kaya lagi akong pumapasok sa PhilHis nun para makita lang siya. LOL! At wala akong late nun! LOL!

Kanina, habang lunch ko, yung crush ko sa office, sinabayan ako kumain. Hahaha! Oo, kinilig ako! Tama! Ako na ang highschool! LOL! Pero seryoso, kung alam mo lang yung kilig ko kanina. Eh kumakain ako mag-isa kanina sa pantry tapos mega emote ako, tapos pasok siya sabi "Uy, sabay pala lunch natin. Tabi na tayo...". Tumambling lang talaga ko!!! Sobrang bihira kami naguusap nun. Tapos pagnagkakasalubong kami smile smile lang. Kanina grabe, naspeechless talaga ko Mr. T! In fairness dami namin napag-usapan. Halos sang oras din kami magkatabi. Honglandi ko lang. Tapos kanina mega tanong siya sa kin nung security producst namin for Apple products. Mega hawak pa siya sa phone ko achuchu. LOL! Inis! Haha! Kung hindi lang sila 7 years ng girlfriend niya! Hahaha! Anyways, napasaya niya araw ko kahit naglunch lang kami ng sabay. Grabe baket ako naka-smile? Siguro sabi ng Diyos masyado na kong malungkot dapat balance lang daw. AT! Ininvite ko talaga siya sa birthday ko. Titignan niya raw! Ampota! Hahaha! Bigla kong naalala si Mark sa kanya. 

Anyways, update you soon Mr. T! Sobrang BV lately ng mga entries ko. GV entry muna para balanse. Hindi ko alam baket hindi nagtetext sina CJ and Jean :( may party dapat sa Valle Verde ngayon wala kong nakukuhang reply! Dapat pala sumama na lang ako sa Encore kay Che and Paul. Kaloka may pasok pa ko mamaya. Anyways, update you soon Mr. T! Love you! Mwah!

Currently listening to: Crush by Jennifer Paige
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on November 12, 2010 at 09:44 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Hello hello Mr. T! Kumusta ka naman? Hahaha! 25 na ko. Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update.

Naisip mo ba Mr. T! na madalas pag birthday ko, may mga big events, tulad ng dumating si Mariah nung birthday ko. Tas sumunod naman si Rihanna. O di ba mga idol ko pa? Tas kahapon HOLIDAY! Hahaha! Saya lang di ba? Oh so yesterday. They’re my “long faded glory: --- raw. Char! Bwahaha!

Anyways, sobrang pagod ako kahapon. May spaghetti and fried chicken sa bahay kahapon. Children’s party? Haha! Mga relatives pumunta and siyempre mga pinamamahal kong kaibigan pumunta rin --- hindi ko alam na pupunta sila. May cakes and balloons pa silang dala. Sobrang saya ko kahapon, if only Jeffrey was there too. Lahat ng mga importanteng kaibigan ko present sila. Si Luis, Che, Barry, Rhitz, and Benson. Sobrang hindi ko inexpect na magkakaroon ng maliit na salu-salo kahapon. May videoke siyempre. Pero weird kahapon, habang nagbibirthday ako, sinugod sa St. Luke’s si Bruno and si Page. Nadengue sila. Yun lang, ang weird nagcecelebrate ako sa bahay habang sinugod kapatid ko sa ospital. Kaya maaga natapos yung  mini celebration. Si Rhitz and Barry humabol. Si Che and Luis nauna and Benson. Tas sobrang touched ako kay Luis dahil tinakasan niya muna jowa niya para makapunta sa bahay. Sweet di ba? Haha!

193734112

Hay tumatanda nako, and tulad nga ng sabi ng iba, “I’m one year closer to being dead” --- daw. Hahaha! Gusto ko yun! Magamit nga! Hahaha!

So yun, Mr. T! I got more than 500 birthday greetings on my Facebook wall and a handful of emails. Feeling ko tuloy daming nagmamahal sa kin. At sabi nga sa kin ng kaibigan yun, isa lang ibig sabihin nun, I am loved by a lot of people. Which is true. Nararamdaman ko pagmamahal ng mga tao sa paligid ko. Mabait ako in real life. Hindi ako mahilig mang-away. Kahit sino pagtanungan nila kung may kaaway ako, ang isasagot I'm friends with everyone. And kung sa tingin ng ibang tao panget ugali ko. Masama ugali ko. Isa lang masasabi ko. Mabait ako pero maldita ako. Pwede rin ako maging masama. If the occasion calls for it. Joke lang! Hahahaha! Tamah! Mwah! Ay mahilig din pala ako mambwiset ng mga tao. Effective naman siya. Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate you still. Haven’t been sleeping since Sunday. Punta muna kong ospital dadalawin ko si Bruno and Page. Mwah!

Currently listening to: It's Like That by Mariah Carey
Currently feeling: thankful
Posted by jjcobwebb on November 17, 2010 at 01:48 PM in Everyday Drama, Updates, Family | 1 comment(s)

Sobrang saya last weekend Mr. T! Sobrang hindi ko makakalimutan. Isang super sayang birthday pary ni Elle and isang super sayang (kung naalala ko lang) inuman with people I’ve not seen for a long time. Grabe Mr. T! Bago ako pumasok, pumarty muna ko sa bahay nina Jean sa Valle, since dun yung celebration ni Elle. The entire cast of Divas Live was there! Hahaha! Nar brought his piano, and eherm, his boyfriend na magaling din magpiano. So yun, imagine mo na lang, riot talaga. Parang black people in church yung bahay nung nagplay na ng kung ano mang chords si Nar nun. Batuhan ng kulot, birit, ng hirit, ng yeahs at ohhs. Feeling mo yung Holy Spirit nasa bahay ni Jean nun. Hahaha! Tas may game pa, high ka diva! Tinaas ng tinaas ni Nar yung chords til di na maabot. Talo ko! Hahaha! Si IJ nanalo nakawhistle siya! Hahaha! So yun super saya talaga! Hindi ako uminom. Ay nagsisinungaling ako, pumasok ako ng office ng may tama. Hahaha! Tama! Tas natulog sa office! Bwahahaha! Sobrang saya ng party ni Elle.

IMG_0920

Then nung Saturday night naman. After a very long time. Nagkita kita kami nina Gary. Sumobra naman saya namin. Sa sobrang saya hindi na namin maalala kung ano mga nangyari. Salamat sa Bacardi 151. Hindi lang yun. Una nagTequila kami. Tas nagVodka. Tas ang pamatay na drink. As in literal. Pagkagising ko nung umaga walang laman wallet ko. Tas sa sahig ako humiga kahit hairstrand na lang pagitan ko sa kama ko! Hahaha! Sobrang bangag lang talaga Mr. T! And then Laquisha was born. Hahahaha! Sobrang ang ingay sa Distillery. Tas andun din si Carlo. Matagal tagal ko na rin di nakita si Carlo. So mega picture din kami and kumustahan. So yun, yung iba nakapagObar pa pero di na nila maalala. Hahaha! Umuwi na ko nung tumambay kami sa Attica. Hanggang dun na lang naalala ko.

IMG_0921

Sobrang saya lang Mr. T! Then Sunday nagYogurt lang kami ni Rhitz sa Promenade then umuwi na. Sobrang antok kasi ako nung dahil nagpamasahe kami dito sa bahay nun. Tas nung Monday nagLaguna kami ng family dahil si Tita Beauty umuwi ng Pilipinas. Kasama siya and tinour siya dito sa Pinas. Tapos kanina nagpakain ako sa office. Late pa ko sa office kasi salamat talaga sa biglaang birthday party ko kahapon. Hahaha! Napasarap tulog ko. Bukas birthday naman ni Che. Kailangan ko ng powers. Mahaba habang inuman toh Mr. T! Si Che pa eh malapit na rin maging alcoholic yun! Hahaha! Anyways, the greetings are still coming. Ang dami pa ring belated messages. Nakakataba ng puso. And yeah, mukhang okay na sina Page and Bruno. Andun kami kanina nina Mama, Ate and girlfriend ni Bruno wih friend nila. Then nung paalis na ko nakita ko si I.J! Sa St. Luke’s pala nagtatrabaho yung lalaking yun. Pumasok muna siya sa suite nina Bruno and Page. Then super kwentuhan sila ni Ate. Hahaha! And tumambling lang talaga ko sa sinabi ni Ate…

Ate: Baket kasi isa lang presidential suite niyo dito? Yun dapat kukunin ko…
I.J.: Ganun nga po talaga eh. Pero sushal na nga ng room niyo…
Ate: Pag ako nagpagawa ng ospital, papalagay ako maraming presidential. Hahaha!
Ako: Ay sige! Dun na ko titira! Hahaha!

Loka loka talaga mga kapatid ko. At nastress ako sa kotse ni Kuya Mr. T! Ang laki lang! Grabe! Pag andito sila sa bahay wala na silang mapagparkan. Yung Prado ang laki. Yung Fortuner ang laki. Yung Grandia at Hiace ang laki laki rin. Tas yung dalawang trak ang malalaki rin! Susme! Walang pang gimmick na kotse! Dapat kasi binigay na sa kin yung Camry nun! Siguro sinipag ako magdadrive kung yun gamit ko. Ang maldita ko lang nun! Parang ginawa yung bagong bahay para maging parking lot! Hahahaha!

Anyways update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. ^_^

Currently listening to: Butterfly by Mariah Carey
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 17, 2010 at 06:32 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining, Family | Post a comment

Birthday kahapon ni Lola and Che. Dumaan muna ko sa bahay ni Lola and onting bonding sa mga pinsan and then dumirecho na sa Music 21 para icelebrate ang birthday ni Che. Andun sina Celine, Luis, Loiuse, Carlo, Pau and Seth. Masaya yung birthday ni Che. For the first time in a long time puros masasayang kanta sinalang namin sa videoke. Nauna si Luis umuwi dahil pinauuwi na siya ni Robert. Siguro mga ilang minuto lang pagkaalis ni Luis, nakita ko yung phone ko na puros miscall ni Ate. So tumawag ako kay ate. Tumigil panandalian yung kasiyahan sa birthday ni Che kahapon Mr. T! Kailangan ni Bruno ng dugo nung gabing yon. Type O yung kapatid ko. Walang may type O sa ming magkakapamilya. As in mismong yung oras na yun. Nanginig ako sa kaba. Siguro pag may kinalaman na talaga sa pamilya ko ibang level yung nararamdaman ko. Muntik ako maiyak. Parang ang walang kwenta kong kapatid kahapon. Then sinabi ko kay Che. Pinatigil na ni Che yung celebration. Then sabi ni Che na type O siya. Since nakainom na kami ng 1-2 bote ng beer. Uminom muna kami ng maraming tubig para malabas namin mga ininom namin. Then together with Louise and Carlo lumipad kami papuntang St. Luke’s. Then tinawagan ko si Barry and Rhitz. Nauna pa si Barry sa ospital kesa sa min. Type O din pala si Barry. Then si Rhitz sumunod.

Grabe, dun ko naramdaman may mga tunay akong kaibigan Mr. T! 12AM na nung oras na yun. Si Rhitz galing pang Pasay. Si Barry talagang bumangon pa. Gusto ko maiyak kahapon sa pasasalamat. Si Barry kahit maldita yun grabe, wala kong masabi sa kabaitan. Si Rhitz din kahit tawa lang ng tawa yun napatunayan ko pagiging kaibigan niya kagabi. And si Che, kahit 2 years ko pa lang siya kiala, she offered na walang pagiisip. Kaya lagi kaming lasing nun at nagpapakagaga, mabuti rin pala puso. Nag I love you ako sa kanilang lahat kagabi. Then yun, sadly, si Che di naapprove dahil irreg yung period niya. Si Barry naman mas maraming white blood cells. Then medyo nagbonding kami then pinauwi ko na rin sila since late na at may mga pasok sila bukas. Awa ng Diyos, nakakuha na kaninang umaga ng dugo. Nasalinan na kapatid ko and sana yung count na 16 platelets niya eh tumaas na. Sabi naman ni Mama okay na si Bruno. Sana magtuloy tuloy na. Si Page naman, okay na rin. Sana magtuloy tuloy na. Ituloy ko na raw ang party sabi ni Mama and Ate. Sana bukas maging okay na ang lahat. Grabe, sana rin makapunta mga pinakamamahal kong kaibigan. Sobrang thankful ako may mga kaibigan akong tulad ng mga kaibigan ko. Na kahit sira ulo ako, baliw ako, may sakit ako sa utak, haha, handa silang dumamay when I need them the most. Sabi nga ng pamilya ko kagabi I am lucky to have the friends I have right now. Sabi ko, kung alam niyo lang gaano ko kasaya dahil kaibigan ko sila. Hirit naman ni Ate: “Sila kaya masaya sa ugali mo?” --- tama! Galing humirit ng bruha! Hahaha! Anyways update you Mr. T! Pag naupload na ni Celine pictures kahapon. Love ya Mr. T! And sana tuloy tuloy na paggaling ni Page and Bruno. Lord, Kayo na po bahala sa paggaling nila. Salamat po.

Currently listening to: Christmas Time is in the Air Again by Mariah Carey
Currently feeling: thankul
Posted by jjcobwebb on November 19, 2010 at 09:39 PM in Everyday Drama, Updates, Family | 1 comment(s)

Kumusta na Mr. T! I’ve never felt this good. Kung gaano kataas yung Emotions ni Mariah Carey ganun rin kataas yung kasiyahan ko. Ganun kataas yung love nararamdaman ko mula sa mga tao sa paligid ko. Anyways, bago ko simulan ang entry na toh, bababalikan ko muna ang birthday celebration ko last year. Isa rin toh sa mga hinding hindi ko makakalimutang celebration. Dito ko unang naramdaman na mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko. Last year toh, November 21, 2009…

Last Saturday, November 20, 2010, naramadaman ko yung pagmamahal sa kin ng mga kaibigan ko. I may not have everything in life pero sa pagmamahal na binuhos sa kin nung nagdaang Sabado, wala kong maitulak kabigin. Sobrang saya ko na nakarating mga inimbita ko. Alam kong may mga kulang na importanteng tao nun pero I am very speechless. Kahit sinabay ni Evan yung celebration niya sa celebration ko, nagpapasalamat pa rin ako. Akala ko hindi magiging masaya yung party. 3AM na natapos. May mga humabol pa. May mga umeksena pa. May mga bumirit. Tawa lang ng tawa. Grabe parang naging street party yung loob ng bahay Mr. T! Simpleng birthday pero naging bongga. Hahaha! Sa mga wala kagabi, namimiss ko na kayo, sa mga nagkasakit, sana’y gumaling na kayo, sa mga wala sa bansa, hihintayin ko pagbalik niyo. Pero habang andito ang iba, magpapasalamat muna ko.

IMG_0947

Sobrang nagpapasalamat ako at sobrang nakakataba ng puso. Sabi nga ni Luis, since hindi siya nakapunta last year sa birthday ko, “Nilagpasan mo expectations ko”. Buti naman nasiyahan ang lahat. Ako rin sobrang saya ko. Ang maganda nung gabing yung strangers became friends and friends became best friends. Hahahaha! I can’t put into details the things that happened anymore. I’ll post the pictures on Facebook and it’s enough for story-telling. I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! Salamat dahil magaling na si Page and Bruno. Salamat dahil 25 years na kong buhay. Salamat sa pamilya ko, mga kaibigan ko at mga katrabaho ko. At salamat hindi nastress pamilya ko sa mga lalaking naghahalikan at naghoholding hands nung gabing yun. Buti open minded talaga sila! Salamat rin pala sa mga taong galit sa kin, napatunayan kong hindi kayo importante sa buhay ko. Baka ako importante sa inyo. Hahaha! Salamat sa Diyos at kung may fairy godmother man ako, salamat din ^_^. Hahaha! Mwah!

Currently listening to: O Holy Night by Mariah Carey
Currently feeling: super happy
Posted by jjcobwebb on November 22, 2010 at 08:37 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Family | 1 comment(s)

Siguro ang taas taas ng kanta siguro na yan kung kakantahin. Imagine, Through the Rain meets Through the Fire! Wow! Pambirit talaga! Mapipigtas ang litid ng kakanta niyan. Unless kaya nila magwhistle ala Mariah Carey or belt ala Chaka Khan! Bwahahaha! At salamat sa Diyos hindi na ko malat. Ang bilis ko lang gumaling. Salamat sa Fisherman's Friend. Hahaha!

Anyways, mag-eemote naman ako Mr. T! Masyado na kong masaya for the past few days. Para balance, at para hindi ka manibago Mr. T! Mag-eemote muna ko. Hahaha! What's Subtle Bliss without emo entries di ba? Paka-emo muna ko. LOL! Simulan natin tong entry na toh sa isang quotable quote galing sa Twitter:

"When u feel like giving up, remember why u held on so long in the first place"

Napa-isip ako Mr. T! Parang hindi na applicable kasi kung yung ibang tao nag-give up sa kin. Hahaha! Pero naniniwala ako, na tulad na nangyari sa min ni Jeffrey, nang akala ko F.O. na talaga, feeling ko lang pala yun. Haha! Minsan kailangan mag-isip isip minsan. Mahirap hawakan ang mga bagay na mainit pa. Lalo ng mainit din ako. Haha! Ako na ang HOT! Char! Mapapaso lang ako paghinawakan kong kumukulo pa mga bagay tulad nito. Palalamigin ko muna. Mag-iisip isip ako. Bibirit birit. Mag-eemote emote. Hahaha! Hihinga hinga. Magpapaganda. Hahaha! Labo. Basta, everything will fall into place. Pero hindi muna ngayon. Pasong paso na ko. Baka matusta ako! Hahaha! 

NagQuiapo kami kanina nina Ate, Mama, Tita Beth, Tita Beauty, and Ate Emy. Grabe tagabitbit drama ko. Dami kong nakitang panregalo. Babalik ako dun mga Friday or Saturday. Ako'y mamimili na ng mga panregalo para matapos na pag-iisip ko para as Pasko. May nakita na rin ako sa Toy Kingdom na mga para sa inaanak ko. Tapos mga pamangkin ko tig-iisang daan na lang! Pota! Mas marami pa silang pera sa kin sa totoo lang! Minsan dinudukutan ko pa nga sila eh! Di lang nila alam! Bwahahaha! Panregalo rin sa mga kapatid ko at asawa nila. Sa mga tita ko. Sa officemates ko. Sa mga kaibigan ko. Sa magulang ko. GRABE! Pustahan talaga tayo Mr. T! pagdating ng December 26, wala na kong pera. Hahaha! Swerte na ko kung may matirang 500php sa wallet ko. So good luck talaga sa pagiging mapagbigay ko. Ngayon ko kailangan si Santa Claus. Sabi nga ni Mariah kay Santa "if you get this letter won't you help me out?". Haha! Sina Luis and Che patuloy pa rin sa pag-inom. Pagtapos nung birthday celebration ko parang off limits muna ko sa alcohol. Wala naman akong napapala. Ampota. Nagreready na ko mag-gym next year. Seryoso na toh. Wala lang, napag-iiwanan na ko. Shet, labanan ngayon pa-hotan na eh! Hahaha! Sabi ko pwede pagandahan na lang? Di raw pwede, uso raw hipon. Char! Bwahahaha! 

At OMG lang. Nagrebound ang "Only Girl" ni Rihanna sa Billboard Hot 100! NKKLK!!! 9 na ang #1's niya. In a span of 5 years, ang dami nun. So  mga 5 years pa, mga 18 na rin siya! Kalevel na sila ni Mariah? Galing lang ni Umbrella girl. For sure natutuwa si Jeffrey now. Ako nalilito! Fan ako ng dalawa. Hahaha! Kahit flop yung Rated R ni Rihanna, alam ko lahat ng kanta dun. Haha! Hindi ko alam san ako papanig. Basta good luck sa kanilang dalawa. Masaya ko basta they continue making hits and making listen-worthy songs. Ang dami ko pa pala di nadodownload na album lately. Makapagtorrent nga!

Ay kanina Mr. T! sa SM Manila, nakita ko si Jeff (nope, not Jeffrey na nasa Miami). Nastress ako. Nanginig. Natakot. Nataranta. May nakaraan kami ni Jeff. Hahaha! Alam ko nabanggit ko siya sa king blog once or twice or thrice. May kasama siyang babae kanina. Sobrang nagtaasan lang kami ng eyebrows nung nagkita kami. Wala lang,  hahaha! Daming nagflashback na memories sa utak ko. Kaya ayoko masyado rumarampa sa mga malls sa Maynila, dami kong naka-date dun! Hahaha! Awkward kasi. Di ko bet na makita pa silang muli. In fairness, cute pa rin ni Jeff. Wala kong masabi kung hindi --- BAKET??? BAKET HINDI NAGING TAYO??? Char lang! Hahaha! Mukha naman siyang masaya, kung masaya sila sa buhay nila, then bahala sila! Bwahahaha! Ang bittter lang amputa. Pero seriously, sana masaya siya ngayon. Kung ano bang landas ang napili niya. Bwahahaha! 

Nung Linggo pala lumabas kami nina Melvin, Jepoy, Gibs. Tinext ako ni Melvin since nasa Greenhills lang sila. Sumunod ako since sang tambling lang naman yun sa bahay. Ayun, nagdinner sila sa Luk Yuen then naghanap ng Nokia N8. Ugh... sabi ko panget yun. Hahaha! Anyways, ikot ikot then nagStarbucks. As much as possible iniwasan ko mga topic na ayokong pag-usapan at gusto ko lang ienjoy ang kwentuhan namin. Tangenuh lang si Melvin, isang malaking laughtrip. Nakakatuwa si bading. At sabi niya magChristmas party raw kami sa bahay namin. Sabi ko, go. Pwede naman, pero isang kondisyon. Kailangan niyang mainvite lahat ng mga bading na umaaway sa kin. Hahaha! Pag nagawa niya yun, tuloy and Christmas party at buffet ang i-hihire ko. Hahaha! At seryoso ako Mr. T! Paskong kay saya may mga umaaway sa kin? First toh sa buhay ko ha! Hahaha! Bigla akong nagkaroon ng kaaway. Parang hindi ako si Jacob pag-may taong galit at umaaway sa kin. Kung alam lang nila kung gaano ko kabait. Maldita nga lang. Hahaha!

Wala na sa lugar pinagsusulat ko, at kahihikab ko lang. Baket parang nakaamoy ako ng tequila? Hahaha! Adik? Alcoholic na ba ko? Hahaha! Ay oo nga pala, malapit na raw magre-open ang Bed sa Malate! Hindi ko alam kung makakaparty party kami ni Luis! Event of the year ito!!! Namiss ko magsayaw sa stage with Luis and Benson and Che! Hahaha! Almost one year na rin nung nakulong kami. Bwahahaha! Sobrang nakakatawa. Hay buhay, kay bilis baket ganito? Sinimulan ko tong blog na toh 18 years old ako, 25 na ko ngayon. Grabe lang. Kelan ba magkakaroon ng leading man tong blog ko? Lagi na lang ako yung bida eh. Hahaha! At sana naman tumama ako sa Lotto. Lagi akong nalalagasan ng 80php tuwing may bola ang 6/55 ha! Hahaha! Pagnanalo talaga ko sasampalin ko ng pera mga nang-aapi sa kin. Haha! Magsisiga ako ng apoy gamit yung kalahating bilyon na yun! Hahaha! Sarap mangarap. LOL! 

Anyways, update you soon Mr. T! Baka sabihin na naman ng iba verbal diarrhea churva ek ek na tong pinagsasabi ko. Nakakahiya naman sa kanila. Sila na ang may sense. Bwahaha! Eto sa inyo, ,,/,, . Tang ina niyo! ^_^ Hahaha! Sabi nga ni Mariah Carey, "they can try, but they can't take that away from me". Bwahahaha!  Hello, "there's a light in me that shine brightly" kaya! Magveverbal diarrhea ako soon. Pero hindi ngayon. Malalaman niyo talaga meaning ng verbal diarrhea churvaloo na yan. Tang ina kayo! Putang ina niyo! Hahaha! La la la la la, la la la la, la la la la la la la la la la la. Doobidoo bidooo.... BWAHAHAHA! ,,/,, 

Ay pahabol. Sasali pala ko sa talent show sa Christmas party dito sa office. Good luck sa kin. Pinapaayos na rin sa king yung team Christmas party and Kris Kringle. At san kaya ang Christmas dinner namin nina Barry and Rhitz ngayong taon? Tipid tipid na naman ba? Or sushal sushalan? Aabangan ko toh. :)

I love ya, I enjoy ya, and I still appreciate ya Mr. T! Mwah! Mwah! Update you soon. 

 

Currently listening to: Misty Moon by Mariah Carey
Currently feeling: funny and crazy
Posted by jjcobwebb on November 25, 2010 at 05:37 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

"When life gives you a thousand reasons to cry, show life that you've got a million reasons to smile"

"Hakobe, 

sorry naiba yung ihip ng hangin ng bakasyon ko. instead na papunta sa phils ang eroplano, napunta sa europe. basta, ako bahala sa yo pag nag vacation ako diyan at dapat sama ka. promise mo? ilang weeks or days ka pwede para ma coordinate ko? and yes, i will let you know in advance para makapag request ka ng maaga.

aww, bakasyon ka sa Thailand ng April? sarap naman. i've heard good things bout that country. dami raw magandang puntahan. parang pinas daw sabi ng best friend ko. sarap din ang food nila. lagi akong pumupunta sa thai restaurant dito. so im sure mag e-enjoy ka sa trip mo.

sasabihan talaga kita pag nakabili na ko ng ticket ko. usap usapan sa bahay namin, mga april or may ata yung reunion. i'll check with my fam kung kelan talaga para ma coordinate ko sched ko. basta ah, promise is a promise. hehe. hirap na. =o) one of these days, u will be surpised. Andiyan na pala ko sa pinas wanting to see u. hehe. i cant wait for that time to come.

stressed ako ngayon. im facilitating a training bukas and another one this fri sa work. dami kong kailangan aralin. hirap talaga ang buhay ng isang financial controller. sakit sa ulo. salamat sa luck. 1st training went well today. so now i have to prepare for the next one sa Friday. i will be in San Francisco that day kasi andoon mga colleagues ko. maaga na naman ang gising and dapat 5 am alis na ko ng bahay. ayaw mo ba pumunta dito? you can stay at my place. hehe.

i've lost track. but tama ka, after 5 years we're still talking. ang tagal na pala. sana tuloy tuloy ang pag uusap natin & of course, pagkakaibigan natin. hehe. ingat and enjoy sa party mo. u deserve it.

miss u.

Alvin"

Currently listening to: Angels Cry by Mariah Carey and Ne-yo
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on November 26, 2010 at 06:07 AM in Everyday Drama | Post a comment

Isa sa mga bagay na iniiwasan ko sa mundo na toh ay ang magkaroon ng kagalit o kaaway. Hindi ko nature ang mang-away ng tao Mr. T! Hindi likas sa kin ang magtanim ng galit kahit kanino man. Kahit sa mga taong may galit sa kin. Madali naman ako magpatawad. Ayoko ng mgay dinadalang puot o kahit tampo dito sa puso ko. Hindi ako ganun. Kahit sa mga nanligaw sa kin na hindi ko sinagot o sa mga taong niloko ko, makikitang parang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan namin. Kasi nagpapatawad ako. Kung medyo matagal akong nanahimik sa mga bagay bagay na nangyari for the past weeks, ngayon lang ako magsasalita para matapos na ang lahat. 

I don't wish for someone to be dead on their birthday. Yes dear, you just did. Saktong sakto sa araw ng birthday ko, binanggit mo ang salitang kamatayan. Gawain ba ng matinong tao yan? Baka may sakit ka sa utak magpatingin ka na. Or, sadyang itim ang budhi mo kaya mo nasasabi ang mga ganyang bagay. Ako, kung galit man kita, palalampasin ko ang pinaka espesyal na araw sa buhay mo bago kita awayin o hamunin man lang.  Pero wala akong kaaway o kagalit. Hindi ko alam baket ikaw, galit na galit. I forgive you. Baka ugali mo talaga yan. Masama. 

I don't repost things on my blog na sa tingin ko nakakasama sa minamahal ko. Ginawa mo ulit ate. Nagscreen shots ka pa ng Twitter page ko para ipakita na sinasaktan ko yang taong mahal mo. Well, strike two ka. Hindi mo ba naisip na sa pagpost mo na yun nasaktan mo rin yang taon minamahal mo? Ramdam mo na ngang makakasakit yun, irerepost mo pa? Dear nag-iisip ka ba? Alam mo ba ginagawa mo nung pinagcacapture mo yung mga screens na yun? Sino ngayon ang nakagawa ng dobleng sakit? Huwag kang mag-astang bida dito te. Parang naging contra-bida ka lang ng contra-bida. 

At ako ang tinawag mong desperado? Sino nag-effort na iedit lahat ng tinweet ko? Sinong nag-effort gumawa ng entry tungkol sa kin? Sinong nag-effort basahin mga past entries ko dito sa blog? Ni ako nga hindi ko na binabalikan mga past entries ko. You even mentioned na hindi ka nasusweetan sa mga lumang entries na yun. Well wala kong paki kung hindi ka natuwa or nasweetan dun. Dahil ako, isang entry lang nabasa ko sa blog mo. Ay wait, dalawa. Kung hindi pa isesend sa kin ang link ng blog mo ng kaibigan ko hindi ko pa mapupuntahan yang blog mong nakapamukhang desperado rin. I dare you write entries about guys you’re dating habang wala yang mahal mo dito sa Pilipinas. Ay huwag, faithful ka pala kuno. And oh yes, hindi kita follower sa Twitter pero updated ka sa mga Tweets ko at alam mo pa na birthday ko nung araw na yun. How sweet of you. 

Ako ang walang respeto sa sarili ko, ako na ang insecure at kung ano ano pa? Ako na rin ang walang pinag-aralan, may nabasa ka bang kababuyan na tinweet ko diyan sa mahal mo? Eh ikaw puros kababuyan eh. Sino sa tin ngayon ang may respeto sa sarili? Kahit kelan wala kang nabasa na gusto kong sipsipin yang utong ng mahal mo. Huwag mo kong igaya sa yo, may nakakabasa ng Twitter mo, di lang kayo. At ako ang insecure? May nabasa ka ba tungkol sa yo dito sa blog ko bago mo ko isulat sa kahanga-hanga mong blog? Ako? I made sure na yung mahal mo nasa gitna while I say things to you on Twitter. On him on Twitter. Hindi kita siniraan sa blog ko or even disrespected you. Ikaw? You did, but I forgive you. Kahit itanong mo sa taong mahal mo, wala akong pinost na gawa-gawa ko o kahit ano mang kasinungalingan sa blog man o sa Twitter. Ikaw? You make everything he does for you look sweet. Kahit alam mong walang karea-reaksyon yang taong minamahal mo. Sana lang ikinaliligaya mo yan. At yes, nabanggit mo rin ang victory, ganyan ba tingin mo sa taong mahal mo? A prize to be won? Walang contest te! 

Nung nalaman ko yung tungkol sa inyo ng taong mahal mo, hindi kita agad tinira te. Nagtanong ako dun sa taong mahal mo. Nag-explain siya. Nasaktan ako. Medyo lumayo ako. Natuloy ang paglalandian niyo sa Twitter. Nagmasid lang ako. May lumabas ba sa blog ko na mang-aagaw ka? Entry na siniraan kita? Entry na pinakita kong desperada ka? Entry tungkol sa yo mismo? Wala. Kasi alam ko lugar ko. Ikaw? Alam mo ba lugar mo? Nasabi na ba sa yo ng mahal mo na hindi ka niya pinaghihintay? Pero baket nung ako na ang umeksena sa Twitter masyado kang naapektuhan? Pinatunayan mo lang na mas desperado at apektado ka rin. Well, siguro ganun nga. 

Marami akong nakilala na kakilala ka at kakilala yang taong mahal mo. May mga bagay bagay silang tinatanong tungkol sa kin at sa taong mahal mo. Alam mo lagi kong sagot ate? Hindi naman siya sa kin, wala akong karapatan. Pero baket ikaw, pati mga kaibigan mo napapaikot mo. Paniwalang paniwala sila na kayo ng taong mahal mo? Magaling ka kasi magpress release? Siguro. Kasi mukha kang tapat na tapat? Magaling! Sana lang alam mo lugar mo. Kasi ako matagal ko ng alam. Nasa lugar mo rin ako dati, naiintindihan kita. Sana lang kung masaktan ka ng ilang beses niyang taong mahal mo ay mahalin mo pa rin siya. At kung sa tingin mong nanghaharbat ako ng mga kaibigan mo, kung sino man sila na sa tingin kong sandakot lang, well good luck sa yo. Sa dami ng kaibigan ko, baka bigyan pa kita. I don't need your friends kung sino man sila. Sayong sayo na sila. 

Pinapatawad kita sa lahat ng pangit na bagay na pinagsasabi mo sa kin. Pero wala ni isa sa kanila ang totoo. Kung may nagverbal diarrhea man, tignan mo sarili mo. Pinapatawad kita kahit pinamukha mo sa lahat na naninira ako ng relasyon. You just don’t know how I value other people’s relationship. Pinapatawad kita kahit pinagmukha mo kong kaawa awa sa harap ng lahat. Kahit pinagmukha mo kong desperado sa harap ng taong mahal mo. Kahit pinagmukha mong makitid ang utak ko, na wala akong respeto sa sarili ko, hindi ako galit. Nainis ako pero hindi kita pagtataniman ng kahit ano mang sama ng loob. Wala kong nilabas ng kasinungalingan sa Twitter man o sa blog. Totoo silang lahat. At kung matapang yang taong mahal mo, tumayo sana siya sa gitna nating dalawa at pinatigil kung ano mang nagaganap. Pero nanood lang siya. Sana maging matapang naman siya kahit minsan lang pakisabi. Kung hindi man maging maayos ang lahat sa pagitan natin, maiintindihan ko kasi nagmamahal din ako.

Hindi ako galit at sana maging masaya ka. Ayoko ng may kagalit ngayong Pasko. Ayoko ng may kagalit kahit hindi Pasko. Ipagdadasal na lang kita.

Currently listening to: Heart of the Matter by India.Arie
Currently feeling: forgiving
Posted by jjcobwebb on November 29, 2010 at 09:34 PM in Everyday Drama, Updates | 1 comment(s)
« 2010/10 · 2010/12 »