Saka Na Ang Bukas
Ang bilis Mr. T! Grabe, September na agad. Christmas countdown na. Nakakagulat sa sobrang bilis. Weird medyo nakakalungkot dahil matatapos na naman ang taon. Ang dami na nangyari noh? May masaya, malungkot, nakakagulat, nakakaiyak, nakakaaliw etc. Hmmm… ang mahalaga ngayon, stable utak ko! Hahaha! Stable din utak ko. At marami akong pera. Chos lang! Hahaha!
Anyways, ang lakas ng ulan, dapat manonood kami nina Luis, Teara and Rain sa Trinoma. Kaso horror! Huwag na! Si Barry nagyaya naman nung paulan na! Wag na lang din! Nilakad ko RBC hanggang Megamall. May bigla kong naalala sa Ortigas Center! Haha! Ayun, sa bahay na ko nagdinner. Maaga ko matutulog --- or not. Bahala na. Haha! Sumunod daw ako sa Punchline sabi ni Luis si Vice Ganda raw andun. Kaso wala talaga ko sa mood ang weird. So yun, ano ba, hmmm… grabe Mr. T! Wala na kong makwento sa yo.
Ay! Hahaha! Kadiri, si Pipo buhay! LOL! Naalala mo si Pipo Mr. T!? Alam ko kilala nina Aubrey and Deck si Pipo! Haha! Yung nanligaw dati sa kin na taga CSB na nastress ako sobra. As in keri naman siya pero ang weird niya. Haha! Pati sina Aubrey nun nastress sa kanya. LOL! Buhay siya! Inadd niya ko sa Facebook! Susme. Pag naalala ko siya, natatawa talaga ko!
Nakalimutan ko, nagVideoke pala kami ng team namin sa Gilmore after shift last Saturday. Hindi ako uminom, hindi ko talaga kaya malasheng ng umaga Mr. T! Parang sobrang mali yun! Hmmm… ano pa ba…
Sobrang miss ko na sina Deck, Tin, Matty, Angelica, Aubrey! Miss ko na rin sina Sherry, Beck and AK, two weeks na rin kami di nagkikita nina Barry, Rhitz and Sabs --- and yes, I miss Jeffrey too Mr. T! :( Biglang naging busy lahat. Si Luis na lang talaga ang hindi busy! Nakakatakot, termbreak pa naman ngayon ng DLSU, baka kung san san na naman ako kaladkarin ni Luis!
At parang hindi na ko marunong magblog Mr. T! Sorry, talaga. Binabasa ko mga past entries ko, napapangiti ako. Parang kinukwentuhan ako ng sarili ko. Hays, ang bilis ng panahon. Ang bilis lang talaga. Sabi nga, hindi natin hawak ang bukas ;) Darating din tayo sa bukas, pero kung anong meron tayo ngayon, icherish na lang natin. Di ba Mr. T!? Sabi ko nga kay Barry, since malungkot siya ngayon, it’s always our own choice to be happy. I choose to be happy. Sabi ko nga rin kay Frank sa pantry nung isang araw, wala kong paki sa bukas, wala pa ko dun. Ang mahalaga yung ngayon. Saka ko na pakikielamanan ang bukas pag nandun na ko. :)
U.Y.S. Mr. T! :) I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya!