Entries for August, 2010

Hello Mr. T! Musta ka na? Eto, sorry kung napupuntahan kita kung malungkot lang ako. Malungkot ako ngayon sa totoo lang. Hilig ko kasi magbasa ng mga kung ano ano. Ang gaga ko talaga. Hindi na ko natuto. Masakit, yes, pero wala kong karapatan. Eto na naman ako. 

Siguro nga, kahit anong gawin mong pagsiksik para magkaroon ng lugar sa puso ng tao, sa malamang sa malamang, wala ka pa ring lulugaran. Sa mundo ng mga bakla, where everything is about flings and playing, tanggap ko na na mahirap talaga maghanap ng taong mamahalin mo --- baklang mamahalin mo. Minsan lang kasi ako magmahal. Kadalasan tanga pa ko. Sana ako na lang nandun. Sana ako na lang lahat yon. Sorry...

Inaamin ko naman Mr. T! na minahal ko si Benson. But there is this force that keeps me from loving him ng buo. Walang nangyari sa min ni Benson. It's a fact. Kasi sabi ko sa sarili ko kung magiging kami nun, saka lang may mangyayari. He drifted, I drifted. Now parang wala lang lahat ng pinagsamahan namin. He never ran after me so I'll keep moving. I kept walking... away. 

Then there was Orchie, and there was his friend Rob. And Mark and CJ. All there efforts were put to waste. Tanga kasi ako Mr. T! It was the same force that kept pulling me away from Benson. I tried turning my back away from that force para maging magalang. Because I respect people. Pati nararamdaman ko. Sabi nga ni Luis, I've been wasting all my time with waiting. Sabi ko, NO. It's what you do when you really love someone. 

Siguro tanga ko kung iisipin kong ganun din nararamdaman sa kin ng ibang tao. Siguro nga nasa lala land na naman utak ko. Nood kasi ng nood ng Fairy Tales eh ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi naman nangyayari sa totoong buhay yun. Siguro feeling ko what I feel eh tama? Nasasaktan ba ko dahil umaasa pa rin ako? O nasasaktan ako dahil sana alam ko kahit papaano?

Birthday celebration ni Barry bukas. Andun si Benson. Andun si Migs. Hindi ko alam kung san ko ilulugar sarili ko bukas. Kailangang composed ako. Kailangang mawala tong lungkot sa mukha ko ngayon. Birthday din ni Jiggy next Friday. Gays will be there. Kailangan hindi ako mukhang malungkot.

On the bright side, this is much better than reading your blog that says you still love your ex. That one, I really cried the whole day. This one's better because it came from a different perspective. I've loved enough to hurt --- until now. 

Masakit Mr. T! pero tanggap ko naman eh. It's a gay world after all. Sino ko para manghusga... 

Currently listening to: So Close by John McLaughlin
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on August 6, 2010 at 01:22 PM in Everyday Drama, Gayness | 1 comment(s)

Eto ang mga larawan kung ano na nangyayari sa aking kabuhayan Mr. T! I miss you a lot. Sorry kung ngayon ko lang napagana ang Windows Live Writer. Matagal tagal na rin akong walang pinopost na pictures dito. Sige, eto na mga pictures. Ayoko ng patagalin pa.

Birthday ni Barry nung August 8:

IMG-5679

15 28692_1289252193012_1281433455_666799_6952564_n
IMG-4711 DSC03836
DSC04042 DSC03766
DSC04006 DSC04058
DSC03987 DSC03722
IMG-4526 DSC03909
29062010035 IMG-5369
IMG-5399 27

Ang dami na nangyari sa buhay ko Mr. T! Masrami pang pics sa hard drive kaso baka hindi maload ng Tabulas. Sorry kung hindi na kita naupdate. Sorry kung minsan winawalang bahala kita. I will try to update as often as I can. I am currently sick. Gusto ko sana magkwento ng magkwento kaso. Sa susunod na update na :) I love ya, I appreciate ya and I still enjoy ya Mr. T! Tignan mo naman, di pa rin kita iniiwan :)

Posted by jjcobwebb on August 9, 2010 at 09:28 AM in Updates | Post a comment

Wow Mr. T! Kahapon lang ulit ata ako nakatapak ng The Fort since 1901. Hahaha! Sobrang saya. Una sinundo ako ni Luis dito sa bahay. Tapos dumirecho kami sa office ni Che sa Deutche. Hinintay namin si Che hanggang mag-out siya. Tapos si Migs din sumunod sa The Fort since malapit office niya dun. Ayun, may kinita kasi si Che na taga-insurance. Tas ayun, si Migs buti naman nauna sa CBTL and naloka ko kasi may gift siya sa kin. At naloka ko dahil nagpakalbo si Mig! Shetness!

migs gift

Cute noh? Pangalan niya Philip. Tapos iniwan namin si Che sa CBTL and kami ni Luis and Migs, nagTimezone. Nagvideoke! Hahaha! Tagal na namin di nagvideoke ni Luis. Tas nakita namin si Wesley sa Timezone din. O di ba? Hahaha! Hay, nakakamiss maging pang umaga Mr. T! Then yun, si Che and Migs nauna ng umuwi, kami ni Luis, dumirecho sa bahay ni Recto. Super kwentuhan sa Starbucks Banawe. Laughter is the best medicine sabi nga nila. Hanggang 11PM then hinatid nila ko sa bahay. Hay… papasok na ko later Mr. T! Sana kaya ko na. Update you soon. :)

Posted by jjcobwebb on August 11, 2010 at 12:46 PM in Everyday Drama | Post a comment

Hello Mr. T! Musta naman ang buhay! Ayun, it was a weekend. Kahit buong Saturday akong tulog, okay lang dahil ang saya naman nung Sunday. Maaga ko nagising nung Sunday. Maaga kasi ako natulog nung Saturday. Grabe, mahigit 12-hour ata kong tulog. Pagtapos kasi namin pumunta sa Grand Negosyo Expo sa SMX ng mga kapatid ko nung Saturday, tulog agad ako! Galing kasi akong work nun. So yun, birthday nung youngest brother ko na si Bruno kahapon. Sa Diamond Hotel kami kumain ng family. OMG, di ba? Ako sa November 25 na! Patanda na kami ng patanda. Nakakatakot. So yun, sinama na namin sina Wes and Vivian since birthday din ni Wes nun. The ever faithful Planet employees. So eto mga pictures:

 pic1

pic2 pic3
DSC04081 DSC04091

Ayun, sobrang saya. Super busog. Sobrang lamon. Hahaha! Yehes! Ako na ang susunod and last na magbibirthday for this year sa pamilya ko. Dapat bongga! Ay, si Mabel and Erwin pa pala. Ayun, after nun, nagMOA kami. Si Wes and Vivian umuwi na.  Kinita mga relatives namin sa MOA. Tapos umikot ikot. Nagshopping. Yung mga bata nagbowling. Grabe nakakapagod sobra. Pero masaya Mr. T! Hmmm… and then, si Ate nanlibre pa sa Rack’s. Grabe lang hindi na talaga kaya ng tiyan ko yung mga pakain. Wala ng paglalagyan sa totoo lang. Then yun, around 8:30pm umuwi na kami. Pero, since may inuman sa bahay ni Wes, pumunta muna ko dun. Nakakatawa, nakita ko kapatid ni Wes and si Twinkle na super friend ni Wes. Inuman, kwentuhan then around 12AM umuwi na rin ako Mr. T! Tapos super antok at hilo. Ang sarap na naman ng tulog ko. :-D Ayun mga nangyari Mr. T! Sobrang saya. I’m happy with everything I have right now. Salamat sa Diyos sa lahat ng blessings sa pamilya namin. Anyways, update you soon Mr. T! Love yah!

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 16, 2010 at 11:45 AM in Updates, Food and Dining, Family | Post a comment

6 years na pala tayo Mr. T! Ngayon ko lang narealize na 6 years ago, August 16, 2004, gumawa ako ng account dito sa Tabulas. 6 years after, you have become my best friend pag awala kong makausap. Kinabog pa natin ang magjowa. Sa anim na tao na yun ang dami na nating napagkwentuhang buhay at mga tao dito! Pasensya na minsan kung hindi na kita madalas nadadalaw or nauupdate. Malaki na pinag-iba ng mga bagay bagay. Naalala mo pa ba nung dial-up ako at hirap na hirap ako pag inupdate kita tas biglang madidisconnect so burado lahat ng sinulat ko? Naalala mo rin ba nung una kong naglagay sayo ng pictures? Nung una kitang ginawan ng layout? OMG Mr. T! We’ve been through a lot. At alam ko na san ko nakuha ang pangalang Subtle Bliss. :) I was listening to Mariah songs radomly. First played Subtle Invitation then Bliss. I was thinking of a user name back then. So sabi ko, nice kung icombine ko sila. Then you were born. :) That’s the first time I used that ID online. Here in Tabulas. Subtle Bliss. :)  

I am so happy Mr. T! Una kong nainlove sa lalake, una kong heartbreak sa lalake, una kong nakapagmove on, mga kantang pinagsusulat ko, mga nakilala at nakahalubilo ko. Una kong nakachurvahan alam mo pati yung pinakahuli. Haha! Mr. T! Thanks for listening to me, 6 years and still counting. Six years of wonderful story-telling with you. Promise ko toh sayo, hindi ako lilipat sa Blogspot or sa Wordpress o sa kahit ano mang blog host. Unless ikaw mismo mag-give up sa kin. :) Sa anim na taon na yun Mr. T! Pinakilala mo ko lalo sa sarili ko. Parte ka kung ano ko ngayon. Saksi ka sa halos lahat ng nangyari sa kin sa nakaraang anim na taon. Here’s to more 6 years! :) And yes, I'd be using my first avatar here ever in Tabulas. Meet Nosey. :)

I love ya, I enjoy ya and I appreciate you Mr. T!

*subtle_bliss

 

Currently listening to: A Song for You by The Carpenters
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on August 16, 2010 at 12:29 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

I won’t be talking about the two cellphones. Hahaha! This is conversation Luis and I had yesterday while looking for phones in Greenhills. We met around 2PM then after selling Luis’ N900, we went to World Family KTV in promenade. It was really fun. Muntik ako mapabili ng Macbook. Kaasar talaga! Baket ba kating kati ako gumastos? Si Barry and Rhitz gusto magHong Kong this weekend! Puta! Impulsive much Mr. T! Sinasama ko ni Migs sa binyag ng inaanak niya sa Sunday. Next time na lang daw ako sumama sa Hong Kong. Kaming dalawa raw kami pupunta dun. Sagot niya na raw. BONGGA! Ganda ko! Hahaha! Anyways, ayun, weird, biglang umulan na naman nung papasok ako sa office kahapon. Pero buti na lang hinatid ako ni Luis sa Eastwood. Anyways, eto ang nakakalokang mga hirit ni Luis kahapon.

Luis:      Ikaw kasi baket ayaw mo ibenta mga phone mo?
Jacob :  Hay naku, masaya naman ako sa mga phone ko. Pangarap ko tong N97…
Luis:      Kala ko nga bibili ka rin ng N900 eh. Well di kita masisisi…
Jacob:   Baket?
Luis:      Kahit gaano mo kagusto ang N900, mahirap dahil mahal mo N97…
Jacob:   Yep yep. Tama! Gustong gusto mo man niyang phone mo, mahal ko N97 ko…
Luis:      Ganun din sa love life mo, yung N97 si…
Jacob:   Sige baks ituloy mo! Sasapakin kita! Hahaha!
Luis:      Tapos yung N900 si…
Jacob:   Tang ina ka talaga! Hahahaha!

Sira ulo talaga si Luis Mr. T! Hahaha! Grabe ilan ko ring gabing pinag-isipan kung bibili ako ng N900. Hahaha! Ewan ko ba Mr. T! Hays, ngayon ko lang din narealize, tagal na naming friend ni Luis! Magtatatlong taon na rin! Nakakatuwa noh? Nakakatawa na halos parang magbest friend na kami ngayon. Pero Super Friend ang tawag namin sa isa’t isa. At okay na yun. Mas masaya pakinggan! :) Update you soon Mr. T!

Currently listening to: To Love Again by Sharon Cuneta
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on August 17, 2010 at 03:32 PM in Everyday Drama, Updates, Malling | Post a comment

You Raise Me Up by Josh Groban
“then I am still and wait here in the silence, until you come and sit awhile with me… ”

It funny how one can remember a lot of things over a single song. :) I miss hearing and singing this in videoke bars. It feels good to be able to hear this song again. I’ll put this on my playlist. :)

Posted by jjcobwebb on August 19, 2010 at 03:41 PM in Everyday Drama, Songs and Poems, Music | Post a comment

Hello Mr. T! Musta ka naman? Mamaya sa RBC na ko didirecho. Dun na kasi bago naming office. Nag-empake kami last Friday. Kanya kanyang karton! Anyways, kwentuhan muna tayo nung nangyari nung weekend. Una, nagMOA kami. May China Trade Show sa SMX and then nagWTC kami dahil may Motor Show naman. Si Bruno na nagdrive pala ng kotse papunta kung san san! Tama! Hahaha! Tas sa car show nakita namin ang man of the hour na si James Yap! Super papicture sina Ate and Mama and Bambi. At super aliw kami sa van na bahay! Hahaha! Gusto ko sana magpapicture kaso medyo nashy ako. Hahaha! Tapos, naggrocery sa S&R and then dumaan sa OsMak Pembo then binaba ako sa Makati Ave kasi…

james yap car1
car2 car3

Magkikita kami ni Migs. Super 2 hours late na ko Mr. T! Buti na lang nasa Makati Shang si Migs at hindi siya masyadong nastress. So ayun, kumain kami sa Sugi sa Greenbelt 2. Super kwentuhan. Tawanan. Finally, nag-oopen up na ko somehow kay Migs. I’m still a diva in training. Hehe! Nastress lang ako binigyan ako ni Migs ng singsing! OMG di ba? Suotin ko raw pag mahal ko na siya? Bigla kong napressure Mr. T! Sa totoo lang, alam mo kung nasan ako ngayon. And having to wear that ring only means one thing, disaster. I will get there when I get there and if I get there. Sana. Hindi ko alam. Sana huwag magmadali si Migs Mr. T! dahil I am still enjoying yung pagkakaibigan namin. I’m still not sure what lies ahead. Then nag-text brigade si Teara and Che. Magkita-kita raw, since ako, salat sa gimmick, sabi ko kay Migs kung keri lang sumama siya, sabi ni Migs okay lang daw, so from Las Pinas sina Che and Teara, nagkita kita kami sa Eastwood.

21082010033 21082010032

I miss my girls Mr. T! Teara, Che and Meg. Ngayon ko lang ulit nakita sina Meg and Teara after such a long time. Si Meg super payat na Mr. T! Si Teara same pa rin. Hay grabe. Ayun, sa may Bed Scene kami nagpunta at nag-inuman. Sumunod ang tibo na friend ni Luis na si Chin and then kasama mga tibo rin niyang friend. Kastress! Mga tibo! Hahahaha! Tawa lang kami ng tawa the whole night Mr. T! Hay, and then kami nina Migs, Teara and Meg nagObar pa sa Ortigas. Super dami ng tao! Nakita ko pa isang taong ayaw kong makita! Blech! Tas yun, more sayaw more fun pero siguro 30 minutes lang kami sa loob dahil walang magalawan! Grabe lang talaga! Then yun…

22082010035 22082010038
22082010039 22082010048

Kahapon naman, sina Recto, Luis and Fatima andito sa bahay. Wala silang matambayan so sabi ko pumunta na lang sila sa bahay and magvideoke kami. Ayun, from 4PM to almost 8PM, andito kami sa bahay, mega kanta and mega kain. Mga kapatid ko and pamangkin pumunta rin sa bahay. So ang daming tao sa bahay kahapon! Hahaha! Tawa ko ng tawa kay Luis dahil tawag na niya raw kay Ate ay beshy, short for best friend! Parehas sila ni Recto! Hahaha! Finefriend lang daw nila mayayamang tunay! Hahaha! Tawa ng tawa si Ate. Tawa rin ako ng tawa! Mga gaga talaga! Then yun, eto ngayon ako, kagogrocery lang. Nagkamali mali pa yung cashier sa pagpunch ng binili ko so it too more or less 1 hour para ayusin yung mga items na na wrong punch! Kastress! Anyways, yan ang aking update Mr. T! I love ya, I enjoy ya, and I still appreciate ya! Update you soon! Mwah!

Posted by jjcobwebb on August 23, 2010 at 01:47 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | 1 comment(s)

Weee... ang saya dito sa bahay Mr. T! Nakakatuwa! Wahhhh....

Super saya lang. Bunso kong kapatid nakapasa! Lahat na ng kapatid ko RN! Grabe, ako lang walang lisensya dito sa bahay. Hahaha! Odd one out na naman ako Mr. T!

Nakakatuwa talaga. At nakakatuwa ang aking iPhone 4! Weeee... ang saya saya lang Mr. T! :)

Anyways, update you soon. Congrats Bruno! I love you! Mwah! Mwah! 

Currently feeling: super happy!
Posted by jjcobwebb on August 27, 2010 at 01:54 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment

Are here again! Weee… nakakatuwa Mr. T! Normal na tao na ko simula bukas. 8am-5pm na ko bukas! Meaning, more nights for friends, family, chikahan, inuman at kung anu-ano pa. Pero ang mahalaga, matutulog ako ng madilim! I’m gonna love this schedule Mr. T! Kahit 2 months lang kaming morning shift, keri na rin. Matatapos na ang bagong bahay Mr. T! Excited na kong lumipat! October daw kami lilipat. Nakakatuwa.

Tulad ng nasabi ko sa previous entry ko, si Bruno pasado na sa boards. RN na siya tulad ng lahat ng kapatid ko. Ako lang walang lisensya dito sa bahay. Hahaha! Tas ang aking pangarap na iPhone 4, nakuha ko na. Binigay ni Ate for no reason at all. Haha!  Macbook dapat pabibili ko kaso fine! Ako na lang bibili nun hanggang napagdecide ko na kung Air or Pro --- or iPad! Hahaha! Takte kasi, nilagyan pa ko ng Macintosh skillset ng manager ko! Ano bang alam ko sa Macintosh? iPod at iPhone lang meron ako! 2 weeks ko nang hindi nakikita sina Barry and Rhitz. I miss my best friends. And si Barry may problema pa, shucks wala kong magawa para pasayahin siya kasi nga sa sked ko ;( I’ll try my best this week…

Weekend was fun. Kanina andito pamangkin ko na si Emo and Gab sa bahay. Si Ate and Mama kasi nagDivisoria kasama si Ate Ningning. Si Bruno nagdrive sa Divisoria! Siya na talaga! Hahaha! Grabe, gusto ko man talaga magdrive gagawin lang akong driver dito sa bahay. Ayoko kumuha ng lisensya! Hahaha! At ang sakit ng ulo ko kaninang umaga! Kalerkei! Takteng Red Horse yan, masyado kong masaya kagabi sa Obar with Luis and Recto. Wahhh…

Nagkakalabuan si Luis and Robert Mr. T! Ayoko naman ikwento dito. Nalulungkot daw sa bahay si Luis. Si Che ang galing talaga, kala namin susunod. Si Recto sumunod sa Obar Ortigas may kinimber pa siya before siyang pumunta. Hahaha! Mega dance and more sayaw talaga ginawa namin kagabi. SUPER DAMI NG BAKLA KAGABI. Sunog na kasi ang Bed kaya naglipana lahat dun! Pero nakakapagod Mr. T! Umalis agad kami nina Luis and Recto. NagStarbucks kami sa Metrowalk. More daldalan na lang and super tawanan. Then sabi ko gusto ko matulog ng wala pang araw, so bago mag4am umuwi na kami.

At eto, sinasabihan ko na kasambahay namin ano almusal ko bukas. Naeexcite lang ako magpang umaga ulit! Weee… anyways. Naiinis ako hindi ako nakasama sa celebration last Friday ng Family sa Shang. Hays… yun, sige, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya! UYS! *update you soon* :D

Currently listening to: Like A Prayer by Madonna
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on August 29, 2010 at 08:55 PM in Updates, Gayness, Family | Post a comment
« 2010/07 · 2010/09 »