Bukas Sana
Ang sakit Mr. T! Umalis na si Chris. Sobrang sakit talaga. Pero it's part of growing up. Parte talaga ng buhay. May mga aalis talagang mga tao sa buhay mo. May mga darating din na bago. Pero alam mo yun, kahit na ilang beses kong pinigil luha ko, bumabagsak at bumabagsak siya. Mahirap pigilan ang tunay na nararamdaman. Sabi nga ni Luis baket ako nasasaktan eh hindi naman naging kami ni Chris, hello ano ko bato? Oo na, I'm weak. Hindi ako ganun kalakas sa inaakala ng mga tao. Nagbebreakdown din naman ako. Nalulungkot. Naiiyak. Wala talaga kong matulak-kabigin nung nagkaharap kami ni Chris bago siya umalis. Dahil pag dumaldal ako ng dumaldal nun, mag-ngangangawa lang ako nun. Hirap noh? Hindi ko matanggap na wala na si Chris. Siguro feeling ni Chris winalang bahala ko siya nung mga panahong wala na kong paramdam. Pero turo niya yun eh. Isa siya sa mga taong nagpatatag ng loob ko. Sobrang dami kong natutunan kay Chris Mr. T! Mas tanggap kong umalis siya dahil pinatunayan niya lang talaga na wala siyang choice kung hindi ang umalis. Kesa andito siya tas mukha kong tanga kaiisip kung baket hindi na lang naging kami. Di ba Mr. T? Alam mo yan.
Masakit, oo. Nakakalungkot, oo. Nakakaiyak, oo. Pero kailangang ituloy ang buhay. Sisikat at lulubog ang araw at walang mangyayari kung pagmamasdan at hahayaan ko lang silang lumipas. Kailangan ko silang sabayan. Malay natin Mr. T!, tong nararadaman ko ngayon maaring hindi ko na nararamdaman bukas. Ang meaningful ng Friday para sa kin Mr. T! Friday kasi yung unang pagkikita namin ni Chris eh. Friday din nung nagkita kami bago siya umalis. Ayun, tulad ng sabi ko kay Luis nung pauwi kami kahapon, sana bukas pwede na kong magmahal ulit. Baka matagalan. Baka hindi na. Hindi ko na alam! Mamimiss ko si Chris. Sobrang mamimiss ko si Chris. Malaki ang lugar ni Chris sa puso ko and he'll stay there kahit umalis na siya. Anyways, update you soon. Happy Easter!