Come What May
Kauuwi ko lang galing sa kasal ng kapatid ni Tin Mr. T! Buti na lang hindi sumabit boses ko kahit buong week akong puyat! Grabe lang ang nakaraang mga araw Mr. T! Uunahin ko na namana ng storya na ang bida ay si Benson! Kahit kelan talaga si Benson! I hate to admit this Mr. T!, pero kahit na sobrang naiinis ako at naasar kay Benson, magaan ang loob ko sa kanya. Mag-uupdate na ko ngayon dahil baka matambakan ako bukas! Salamat naman at wala rin akong gimmick ngayon. At bukas baka tambak na updates ko dahil sabi ni Ate magSubic kami. Itetest drive yung bago niyang biling Grandia. Siya na talaga! Hahaha! Anyways, kwento na ko...
Wednesday
Nagkita kami ni Benson. Oo nagkita kami. Sa bahay namin! O di ba? Tumambling lang ako at nasa kalsada na siya namin. Ayun, alangan naman palayasin ko. Hindi ko ugali magpaalis na tao kung galing pa siyang malayo at nag-effort talagang pumunta sa bahay niyo. Hindi ko siya sinarhan ng pintuan. Hindi ko rin ugali yun. Sinoli ko na mga gamit ni Benson dito sa bahay Mr. T! Pero may mga iba pa siyang naiwang gamit dito. Ayun, tapos nalaman ko na namang may eksenang ginawa si Benson sa bahay nila. Nung nagmessage ako sa YM niya pero hindi naman siya online! Kapatid niya online! Dun ko lang nalaman na lumayas na naman siya! At tumawag din tita niya sa bahay namin! Hays… naaawa ako kay Benson Mr. T! Sobra. I hate his ways and all pero I care so much about him. Kung alam niya lang. Nasampal ko talaga at nakagat ko pa si Benson sa sobrang inis sa kanya :( So yun, bago ko siya pinauwi, nanood muna kami Alvin and the Chipmunks 2: The Squekquel. Nagulat lang ako andun si Charice sa movie! Then sabi ko kay Benson umuwi na siya sa kanila dahil kung hindi, ako mismo maghahatid sa kanya. Awa ng Diyos, umuwi si Benson at…
Thursday
Kinabukasan, nasa bahay na naman namin si Benson. Hahaha! Dito ulit siya nagdinner Mr. T! Wala naman siyang ibang pakay, gusto niya lang ng makakausap. Amp! Antok na antok ako grabe, tas nasa pintuan na pala namin siya! OMG hahaha! Gusto ko matulog pero ang daming kwento ni Benson. Habang nakahiga ako super kwento si Benson so paano ako makakatulog? Ayun, salamat naman naisipan niyang magMANGA online. Medyo nakaidlip ako. Thursday din, usapan namin ni Luis aalis kami at magMuMusic 21. First videoke of the year namin together Mr. T! sa Music 21! Nauna pala yun sa Timezone. Ayun, kasama ang madlang people, si Angel, si Joyce, Bea, Che, Gretchen, Alex and si Benson sinama ko na rin. Sinundo pala kami ni Luis dito sa bahay Mr. T! Kasama niya si Gretchen. Hay! Sobrang saya nung Friday Mr. T! Ibang level. Pati mga kinain at ininom naming Red Horse ibang level! Around 11PM na kami umuwi. Pero kami ni Benson binaba ni Luis sa GB3.
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Sinamahan muna ko ni Benson dahil may imeet pa kong friend nung gabing yun. Si Don. Ayun, bandang 12AM na kami nagmeet ni Don. Si Benson nauna ng umuwi. Hay, Benson will be Benson Mr. T! Ewan ko ba! So yun, dapat kasi Friday kami magkikita ni Don pero, nagtext kasi siya na punta siya Makati, so yun, Mr. Spontaneous ata kami, so nagkita na rin kami. Sa wakas! After 2 years! First time namin magkita. Ang bilis nung 2 years na yun. Nagkita na rin kami sa wakas. Then he insisted driving me home dahil dangerous na raw, sabi ko NO. Hahaha! So yun, around 2AM umuwi ng may tama, natulog, nagising 530AM pumasok and then…
Friday
Nagstay ako sa pharmacy after work. Natulog lang ako. Hahaha! Nagreserve ng energy para sa mga itinerary for evening. Well, Avatar Day lang naman kahapon Mr. T! The super much awaited movie na gusto namin panoorin. Hahaha! Sa wakas napanood din namin kahapon Mr. T! Kaming apat lang nina Barry, Rhitz and Sabs! Sobrang ganda nung movie Mr. T! Wala akong masabi. Simple at predictable and storyline pero dinala ko ng mga effects. Panalo sobra ang Avatar! Pero bago pala kami manood ng Avatar, nung may binili ako sa MiniStop sa Columns at nagwithdraw ng pera, nakita ko si JC nakatambay sa Starbucks with officemates sa Columns! Bongga di ba? Hahaha! Si JC! May entry nga ako sa kanya eh. Eto oh http://subtlebliss.tabulas.com/2010/01/09/jze-/. Sobrang saya. Sinamahan niya ko bumalik sa pharmacy tapos magkalad til GB3. Sinamahan din ako maghintay kina Sabs, Barry and Rhitz. O di ba? Hahaha! Gusto ko ng jowang tulad ni JC! Hahaha! Eniwi, yun, tapos bumili kami ni JC ng dinner ko sa Jollibee. Naubos ko rin bago pumasok ng movie house. Ang tatagal kasi ni Barry and Rhitz. So yun, pinabibilis ko na kwento ko Mr. T! Sorry! Hahaha! Tapos yun, JC left nung papasok na kaming movie house and then after nung movie nagMcDo kaming 4. Si Rhitz papuntang Zambales ko kailangan niyang umalis before 12AM. Eh kaso si Don, hinihintay ko sa GB3 dahil Friday talaga yun day na magkikita dapat kami. So nagstay muna silang 3 for me while waiting for Don. Ayun, nakilala nilang 3 si Don. Then yun, umuwi na yung 3 and kami ni Don chineck kung may movie pa, wala na, closed na ang ticket booth. So sabi namin videoke na lang. Mahal ang RedBox. So bumalik kaming parking lot and sa Music 21 kami pumunta…
![]() | ![]() |
Saturday (Madaling Araw)
Madaming tao. Sabi ni Don sa Malate na lang kami magvideoke. Ayun, tambling, ngayon ko lang nalaman na may videoke booths pala sa taas ng Sonata Mr. T! Nag-inuman kami ni Don. Red Horse na naman puta. Patumba na ko nung 3rd bottle. Super antok na rin kasi. Si Don after magvideoke, hinila ko sa Obar. Naku talaga, may second floor na pala ang Obar. Lounge and VIP. Pinakilala ako ni Don sa may ari na si Mon. Si Tompating andun! Si Toby andun din and yung bestfriend ni Don na si Nico andun din. Wahahaha! VIP lahat sila puta! Nagkamustahan portion pa kami ni Tom. Ay oo nga pala, ang ganda ng boses ni Don! Kaloka lang! Hahaha! So yun, sumayaw si Don. Dancer din pala si Don. Grabe, tumugtog Bad Romance. Pinapili niya ko kung anong gusto kong sayaw niya, kung straight na sayaw, pang bading or lady gaga. Sabi ko lahat! Shet! Na-amazed ako! Huli kong nakitang magaling magsayaw na sinayawan ako eh si Von! Wahhh… super natuwa ako nung sumayaw si Don Mr. T! So yun, pinalalapit ako ni Don sa kanya, pero nahihiya ako kasi maluwag ang dance floor sa taas di ko type. Gusto ko masikip ang dance floor para hindi ako nahihiya. So hinila ko ni Don pababa. Dun kami sumayaw. Hahaha! Sobrang fun. Pero ayun nga, may sinabi ako kay Barry kanina. Shucks! Iba pala yung feeling pag parang bakod ka lugar na ganun. Hahaha! Naparealiza ako na sabi ko sa sarili ko, “shet parang mali!”. As in super hawak si Don sa kin. Super lapit na ng mga mukha namin and super nakahawak at hila hila niya ko. Parang may mali talaga! Wahhh… pero yun, since kailangan umuwi at matulog dahil sa kakanta sa wedding ng kapatid ni Tin kinabukasan, around 3AM hinatid na ko ni Don sa may amin. At nawala raw siya at napaC5 pabalik sa kanila. Hahaha! Then nung umaga daming utos ni Mama. Tapos wala pa kong sapatos. Buti na lang hinila ko ni Ate papunta sa kanila. Bibili dapat ako ng bagong leather shoes sa Greenhills. Nakita ko sa shoe cabinet ni Kuya and dami niya boots! Grabe, super natypan ko yung CK niyang boots! Panalo! So yun ang sinuot ko kanina sa kasal…
[to be continued…]