Entries for January, 2010

First of all, HAPPY NEW YEAR Mr. T! I still love you, I still appreciate you and I still enjoy you! We’re nearing our 6 years together. Who would’ve thought?!? You were just a blogsite I used to write my thoughts back then but know you’ve become a part of me! *sings Always Be My Baby*. Anyhoos, here’s my first blog entry this year. It’s about you!

 layouts

I still haven’t created a new blog layout for 2010 Mr. T! It’s already 2010 and still no signs of new layout. My creative juice has long been gone. In the previous years, as early as September I already have a layout in mind and would just execute it even before a new year begins. I need ideas!

And yes, I still have hangover from last night. Was really drunk even before 12:00AM struck. Blah blah blah blah… *still can’t think of stories to tell*

Subtle Bliss, we have a problem… * still drunk*

Posted by jjcobwebb on January 1, 2010 at 05:56 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Nasobrahan ata ko ng kapaparty nung holiday Mr. T! As in. Sabi ng nanay ko tumigil na raw ako kalalayas ng bahay. Sabi ko naman, sino ba kasama kong lumayas ng bahay the whole holidays, di ba sila? Labo! Hahaha! Anyways, medyo okay na ko ngayon.

Hindi ako pumasok. Pero gising ako ng maaga kanina pa kasi yung bahay nina Ate nagfeature sa Umagang Kay Ganda! Hahaha! Pinakita silang magpamilya. Si Erwin, si Ate at si Emo! Hahaha! Bonggacious! Ayun, pakaway-kaway pa after nung show sila. Haha! 

Tapos na ang holidays. It officially ended yesterday, 3 Kings. Nung January 1, nagreunion kami sa Marikina as usual. Nakasanayan na naming mga Webbs. Siguro 3 years old pa lang ako tanda ko nagrereunion na dun. Kahit wala na si Tita Nita, tuloy ang tradition Mr. T! Nung gabing yun, feeling ko magkakalagnat na ko. 

Nung January 2 naman, 7th death Anniversary ni Nanay. Hays, naalala ko pa rin yung January 2, 2002. Fresh pa rin sa utak ko yung mga nangyari nun. Anyways, nung January 2 rin, super shopping kami ng pamily sa Greenbelt 5 and Greenbelt 3. Parang walang bukas nung nagshopping kami. Tapos nanood ng Ang Darling Kong Aswang sa Greenbelt 3. Then nagdinner sa The Recipe. Libre naman ni Kuya. Tas nagtext ibang kamag-anak namin, gusto raw mag comedy bar. Puno ang Laffline at Punchline. So napadpad kami sa Malate, sa may The Library. Ayun, may sakit na talaga ko nung gabing yun dahil hindi na ko matawa!

Kahapon, after one year ata, nagkita kami ulit ni Aldrich! Yep, ang aking ever goodness na blog friend na naging super friend ko na. Hahaha! At may regalo pa sa kin! Isang malaking upgrade si Aldrich Mr. T! Naiba talaga itsura niya the last time kami nagkita. Pumayat din siya! Hahaha! Ayun, tas hinatid niya ko sa bahay. Sa Greenhills pala kami nagkita. Kahit may sakit ako nag-effort ako pumuntang Greenhills kasi nakakahiya may regalo pa siya tapos siya pa pupunta sa bahay di ba? Ang kapal naman ng mukha ko nun Mr. T! 

Tas eto, nagpapagaling ako ng bongga para bukas makapasok na ko. Ang lago na rin pala ng buhok ko Mr. T! Pati bigote ko ang lago na rin. In short, ang panget ko na. Ang lalim na ng mata ko. Grabe, hays, ewan ko ba. Sana mamaya okay na okay na ko. Wala na naman akong lagnat, ubo na lang at nabibingi tenga ko. Yun na lang. Sana bukas magaling na ko. :-)

Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya! Mwah!

Currently reading: Nokia website
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on January 4, 2010 at 12:26 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Bagong gupit ako Mr. T! Dun ako sa may Kalentong nagpagupit kasama si Ate. Nilibre ako ni Ate. Last punta ko sa parlor na yun nung 2007 pa nung nagparebond ako ng buhok. Si baklitang nagrebond sa kin, siya rin nagupit sa kin kanina. Tumaba raw ako. Buti naman! Hahaha! Ayun, magpapahaba na ko ng buhok this year. Hindi naman haba, pero unlike last year kung san kalahati ng tao kalbo ko, yung tamang may buhok na nagegel at nawawax. Ewan ko ba baket naniwala akong mas okay sa kin ang kalbo! Shet ka! Hahaha! Joke!

Anyways, I'm feeling much better now. Yun nga lang, bingi at walang sense of smell and taste ako. Hmmm... sana bukas meron na. Lumaklak na ko ng Carbocisteine kanina habang nasa pharmacy so sana umepekto na siya.

Niregaluhan ako ni Ate ng jade ring. Sobrang gastos ko raw kasi. Ayan, at butas butas daw kamay ko. Para raw pangontra sa pagastos ko. Jade ring! Hahaha! At suot ko na siya ngayon. Sana lang dumami rin pera ko. Hmmm...

So yun Mr. T! Yan lang kwento ko. Feeling ko mabibinat ako sa pinagagawa ko ngayong araw! Pero sana wag naman. Okay ang labo ata nung sentence na yun. Sige sige, update you soon Mr. T! :-)

Currently reading: Barry's YM Windows
Currently feeling: okay okay na
Posted by jjcobwebb on January 5, 2010 at 09:50 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

"Hindi na kita nakilala dahil iba na sobra itsura mo sa mga pictures mo!"

"May naiba ba? Ganun pa rin naman ah! Paano mo nasabi?"

"Kasi kala ko si Anne Curtis eh! Wahahaha!"

"Loka loka ka! Haha!"

"Dali san na tayo magkikita?"

"Ikaw bahala. Til Friday naman ako dito. Sana lang din may pera ko."

"Naku. Kaw na mag-isip. San ba mas komportable sa yo?"

"Diyan sa puso mo... hahaha..."

"Puta ka!"

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 5, 2010 at 11:09 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Grabe! Sa wakas natuloy din pagkikita namin ni Glenn aka Jhett Mr. T! Mas sanay akong tawagin siyang Jhett kahit real name niya Glenn. Pero bago yan, ininterview ako kanina sa Ortigas. Hahaha! Sobrang aliw lang. Weird, never talaga kong kinakabahan pag job interview. Ayun, may nakilala ko si Jason. Bakla siya at pogi! Hahaha! Usap siya ng usap sa kin kanina. Tapos hiningi niya number ko. Hindi ko binigay kasi nahiya ako. Hahaha! At baka magfeeling. Binigyan ako til tomorrow pala nung company magisip kung magyeyes ako or no. Feeling ko “no” na ang sagot ko sa kanila. Parang masaya pa ko sa pharmacy. Nung isang araw pala nasa Makati City Hall kami ni Ate. May mga inayos Mr. T! So yun, iba ata talaga ang compensation ko sa pharmacy! Wahahaha! Anyways yun, balik tayo kay Jhett…

jhett1 At kailangan talaga namin magpicture picture kasi sobrang tagal na namin di nagkita grabe! At forever emotera si Jhett! Sabi ko smile eh. Hahaha! Ang tagal tagal na talaga namin di nagkita! Huli namin kita ang taba taba niya pa, iba ang jowa niya. At ngayon sabi niya, nagkalaman daw mukha ko. In short tumaba ko. Siya naman ngayon ang payat at may bago ng jowa! Ayun, sobrang dami naming kwentuhan portion. Then kumain sa McDo. Tawanan, kulitan grabe sobrang saya. Namiss ko naman si bakla. Nakakatuwa talaga Mr. T! Tapos tamang tama sina Barry and Rhitz nasa Greenbelt 3 rin. Nameet nila si Jhett. Ayun, nagplano kami manood ng Mano Po 6. Tinamad. NagStarbucks na lang kami. Tapos tapos, ayun, since si Barry tinopak na naman and si Jhett wala ng ride home dahil gabi na at nakakatakot magcommute til Monumento, nagmagandang loob si Barry na ihatid namin siya. Pero bago yun, mineet muna namin mga baklang friends ni Jhett na iba sa may Salcedo. Tumambling lang kami ni Barry dahil ang cucute ng friends niya. Pinabababa kami ng car nung mga baklang friends ni Jhett pero hindi na kami bumaba. Grabe yung isa dun kahawig pa ni Chris Tiu! Panalo talaga! Hahaha! Pero yun, papuntang Malate mga friends ni Jhett pero hindi kmai sumama. Si Jhett din hindi sumama. Tapos yun, hinatid na namin siya ni Barry then hinatid ako ni Barry. Tapos alam mo ba Mr. T! kung sino mga nakita ko sa Greenbelt 3??? Mwahahaha! Si E and O! Hahaha! At may kasamang daddy! Hahaha! Ayoko na ilagay ang name nila sa blog ko dahil baka kumalat na naman link ng blog ko at sabihin nangchichismis ako ala circa 2005 na blog ko. Hahaha! So yu, sobrang saya nakita ko si Glenn kanina. Aakyat na siya ng Baguio sa Sunday. Si Barry aakyat naman sa Saturday. Nakakaaliw parehas silang dalawa taga Baguio noh Mr. T!? At tinanong ni Barry and Rhitz paano kami naging friends ni Jhett, tumambling sila sa kwento namin. Hahaha! So yun, update you soon Mr. T! Gabi na, may meeting sa pharmacy maya-maya. Bawal ma-late! Hahaha! Mwah!

Posted by jjcobwebb on January 8, 2010 at 01:31 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | Post a comment

Hello Mr. T! Kagigising ko lang ulit. Hahaha! Natulog ako after lunch para may energy ako mamaya sa birthday ni Tin. Though feeling ko naman hindi kami aabutin ng hanggang gabi kasi ganun si Tin. Cinderella. Anyways, kwento na ko ng mga nangyari kahapon...

Sa pharmacy may monthly meeting kahapon. This time kasama ang in-house pharmacy. Tapos grabe, ang dami daming pagkain after nung meeting. Super busog ako. Pero super dami rin naman ng ginawa kaloka. Then pagkauwi ko, natulog ako then nagising around 7PM na. Nagtext ako around 3AM sa mga tao kung sino gusto manuod ng Avatar pero wala silang mga pera. So okay, kaya natulog ako. At nung akala kong hindi na ko lalabas kahapon ng gabi, nagkamali ako! Grabe! Lumabas pa rin ako ng bahay...

Pakielamero kasi ako ng mga YM status ng tao. Si JC online at "waiting" you status niya kagabi. Aba super tanong ako kung baket. Ewan ko ba naman baket sinabi kong pag di sila nagkita ng friend niya eh kami na lang magkita dahil nababato ako sa bahay. Ayun, hindi nga sila nagkita so kami ang nagmeet. First meeting namin to ni JC Mr. T! And kung sino si JC eto ikukuwento ko muna...

Blogger din si JC. Disclaimer to JC: Naku, pasensiya na kung lalabas ka sa blog ko. Eh nagkita kasi tayo kahapon eh. So parte ka na ng blog entry ko. Hahaha! So yun, weird kasi may nagbabasa pa pala ng blog ko. At alam ni JC mga nangyayari sa buhay ko. Nakakaloka lang pero nakakatuwa isipin na may mga taong nagtitiyaga pa rin basahin ang aking blog. So yun, salamat sa internet, nagkakilala kami ni JC. At eto ang bongga, may jowa si JC for 7 years na Mr. T! San ka! Tagal na nila noh? Nakakatuwang isipin na may mga ganung relasyon. Hinihintay niya kasi jowa niya umuwi kagabi at bored ata lolo niyo, so yun, nagkita muna kami. At eto ang link ng blog niya: siopaobunwich.blogspot.com

So yun, wala akong number niya. Wala siyang number ko. Nag-usap kami sa YM na sa Starbucks Shang-rila na lang magkita. Dun sa may labas. Grabe, 10PM ang expected time of meeting. Walang text text. Parang lumang meet-up lang. So pag hindi ka siniputan, kawawa ka. Hahaha! Pero nagkita naman kami. Nauna ko sa Starbucks. Nung wala pa si JC, paikot-ikot lang ako tas may nakita pa kong tao. Hahaha! Iniwasan ko. Kaloka lang! Then yun, sa Starbucks nung pumasok ulit ako, si JC na nag-approach sa kin. Hindi ko inexpect ganun siya kapayat. Hahaha! Nainggit ako. Hahaha! So yun, may isang table sa Starbucks na ginamit muna namin. Mababa yung table pero lumipat din naman kami after may nagkaroon na ng bakanteng table. 

So yun, super usap kami ni JC. Nakakatuwa siya. Ewan ko pero pang long lost friend ko siya. Hahaha! Wala talagang kyeme yung meet up namin. We were talking like we've been friends for a long time. At ang sarap niya kwentuhan dahil super kinig din siya. Tapos pag nagkwento rin siya, sarap din pakinggan dahil magaling din siya magkwento. So yun, dapat til 12:00AM lang kami dahil uwi na ng jowa niya yun. OMG lang umabot kami ng til 3:00AM kalalakad at kakakwentuhan sa may Ortigas Center. 

Una magpapaload lang dapat ako sa MiniStop dahil susunod ako sa isa kong kaibigan sa The Fort after namin magkita. Eh naisip ko na nakakatamad na rin umalis. Paparty na naman eh mas masarap tumunganga. After ko magpaload hindi ko alam san na kami dinala ng paa namin ni JC. Grabe, naglalakad na lang kami bigla sa Ortigas Center at paikot ikot kami ng ilang oras dun. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan. As in! Maganda yung weather kahapon Mr. T! kaya siguro masarap maglakad. Anyways yun, then nakaabot kaming Metrowalk at muntikan ng mag-videoke. Salamat talaga at maraming tao sa may Chicago kagabi at mahal sa Platinum at hindi natuloy pagvivideoke namin.

Bago pala kami makarating sa Metrowalk, eh tumawag na jowa niya sa kanya. Nakauwi na ata. Sinabi ata niya na kasama ako. Sabi ko uwi na siya pero sabi niya okay lang daw kahit magtagal kami. In fairness nakakatuwa sila, sobrang walang issue sa kanila mga ganung bagay. Nagkakaintindihan sila Mr. T! Natuwa naman ako di ba? So yun, walang videoke, napagod ata kami, so nagMcDo kami sa may St. Francis. Eh parang gusto ko magJollibee nun, lumabas kami pero sarado na ang Jollibee. So yun Mr. T! Hanggang inabot kami ng 3AM sa loob ng McDonald's kakakwentuhan. Ewan ko, parang tagal na talaga naming friends Mr. T! Nakakaloka dahil kahit anong ikwento ko sa kanya, parang alam niya rin dahil nabasa niya sa blog ko. Pero siyempre may mga bagay na wala sa blog ko na kinuwento ko sa kanya. Tapos dapat magkikita rin kami ni Benson since sa Ortigas nagtatrabaho ang bakla, pero nalate, pinagalitan na naman ng boss at kung baka magkita raw kami, hindi na siya bumalik ng office. Hahaha! So yun, sabi ko sige huwag na lang.  

So yun, siya ang sumuko. Pagtapos namin magtawan at magkwentuhan, una siyang napagod. So yun, we had to wrap things up and siya naunang sumakay ng cab. Then ako umuwi na rin after niya. Sobrang saya Mr. T! Tagal ko na rin hindi nakakameet ng mga bagong tao online. Buti naman si JC una kong nameet ngayong taon. Pinaalala niya sa kin na marami pa palang mababait na tao online. Anyways, update you soon Mr. T! Birthday ni Tin in a while. Sa Shang-rila, oo dun ulit. Ano ba toh. Hahaha! At bago ko tapusin tong blog na toh, hindi ko makalimutan yung tanong ni JC sa kin kagabi nung napagkwentuhan namin na feeling ko ako si Tom sa 500 Days of Summer at sabi ko sa sarili ko dapat kong iblog toh... 

"Ano nga ba yung ending nung 500 Days of Summer ulit?"

"Yung sa job interview di ba? May nakilala siya?"

"Yep si Autumn. Nakilala niya sa job interview..."

"OMG! Hahahaha!"

"Yun na yun eh! Hindi mo pa binigay number mo! Ikaw na talaga!"

Pag-naiisip ko Mr. T! Life is still beautiful even after all these years. Kahit gaano tayo kagaga ipapakita pa rin ng buhay na may sense pagkagaga natin. Mapaparealize na lang tayo, sarap pala maging gaga once in a while. Hahaha! Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah!

Currently listening to: Languishing by Mariah Carey
Currently feeling: energized
Posted by jjcobwebb on January 9, 2010 at 05:40 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Hello hello Mr. T! Kumusta naman ang buhay!? Kanina pa ko tulog grabe! Hahaha! Epekto toh siguro toh kahapon ng kinain namin sa SumoSam sa Shan-rila. Salamat kay Tin sa pagkain Mr. T! As in, grabe, ang oras ng pagkikita namin dapat 7:00PM, kala ko diva na ko at dumating ako ng 8PM pero sina Deck at Jowa niya dumating lampast 8PM tapos si Matty dumating nung tapos na kami kumain! Kumusta naman di ba? Si Angelica naman kumusta rin sabi susunod pero kinahulihan hindi rin natuloy. Grabe grabe grabe! So yun, ewan ko ba baket ako pinaorder ni Tin. Onti ng inorder niya sabi ko kulang yun since si Matty and Angelica at yung magjowa  na si Deck at Lester (na nagkabalikan) wala pa. Hala, over over yung inorder ko. Yung iba hindi na namin naubos at pinabalot na lang. Pero buti naman libre ni Tin. Hahaha! Ayun, naabutan ko si Tin and Ivan na nasa waiting line, tamang tama pagdating ko, pinapasok na sila. Puro maligamgam na tubig pinagiinom ko Mr. T! Tapos puros house tea. Ayun, ewan ko biglang sumakit ulo ko Mr. T! As in sobrang ako umubos ng mga hindi na nila kaya ubusin. Wow lang talaga dahil ahem… Japanese food eh. Hahaha! Alam naman nilang lahat ng weakness ko yan. Hahaha! So yun, ang sarap pero sumakit ulo ko Mr. T! Hindi kumpleto dahil wala si Bheng and Angelica. Hays, sabi nga Tin baket siya na lang yung “totoong” babae! Hahaha! Natawa ko! Hahahaha!

09012010130 09012010140
09012010133 09012010137
09012010143 09012010139

Nakalimutan ko yung invitation sa kasal ng kapatid ni Tin. Kakanta pala ko dun Mr. T! Sana talaga wala na tong sipon ko sa kasal. Next next week pa naman pero maghahanda na ko. Kinabahan naman ako at dapat daw yung damit ko ka-theme nung invitation. So good luck mapapagastos na naman ako neto. So after mag SumoSam, nag Starbucks kami. O di ba? Nung isang araw lang andun kami ni JC tapos nagStarbucks na naman ako. Ayun, si Tin ang daming kagagahan sa Starbucks, napapaisip talaga kami sa joke niya. Tulad ng “silver + silver + silver + silver + silver = gold”, “yellow + yellow = blue”, “violet – red = red” --- grabe tawa ko ng tawa nung nalaman ko kung paano niya nakukuha yun! Wahahaha! Then they had to leave early. Si Tin, Ivan, Deck and Lester. Kami ni Matty naiwan. Nagkwentuhan na muna. Grabe parang ang tanda namin nung nag-uusap kami ni Matty. Wahhh… being ang adult is not easy Mr. T! :-( Ayun naging conclusion namin kagabi Mr. T! At gusto ko talaga mang-away ng kabilang table sa Starbucks kahapon. Well, may mga taong makikitid ang utak talaga. You can’t please everyone. Then nung umuwi na si Matty, sumunod na ko sa mga pinsan ko sa Metrowalk. Hahaha! Nilakad ko. Parang nung isang araw lang din noh?

Ayun, nagperform na naman sa Mugen yung pinsan kong si Danica. Every Saturday kasi gig niya dun. So yun, sina Mama andun din pala. Pati sina Tita Beth, si Erwin, Gary, Richard, Larry, Katrina, Olive then sumunod si Diana and after nung may dumating siyang friend. Naku talaga, super sayaw na naman ako. Pero hindi ako uminom Mr. T! Hahaha! Kebs ko lang kung andun si Mama, super sayaw talaga ko! Hahaha!

10012010145 10012010146

So yun, umikot ikot din akong Metrowalk Mr. T! Kasama mga pinsan ko. At grabe, naalala mo ba si Mark Mr. T!? Oo, nakita ko si Mark. Hmph! Inisnob ko talaga grabe! Though ako naman lumayo dati sa kanya para isave ang pagkatao niya, masama pa rin siya para sa kin. Ayun, nagtetext na nakita niya raw ako at sobrang iba raw itsura ko kagabi. Sabi ko, gumanda ko? Sabi niya oo. Natawa ko tapos di ko na nareplyan ulit! Kawalang gana eh. Baka maging close ulit kami ayoko na. Baka mainlove lang ulit ako. Joke! Hahaha! Pero yun, after nun pinakilala sa min yung mga members nung banda na mga pogi. Hahaha! Tapos hindi ko na rin talaga kinaya so nung nagyaya sina Erwin umuwi, sumabay na ko dahil masakit ulo ko sa sobrang pagkabusog tapos medyo nabadtrip ata si Erwin kay ***. So yun Mr. T! Around 2AM nakauwi na kami at nagising ako nagtext si Mark tinatanong kung nasa Mark kung nasa Metrowalk pa ko. Timestamp 4:38AM. So good luck sa kanya nun. As much as gusto ko siyang kausapin, parang wag ng lang.

Anyways, update you soon Mr. T! Excited na ko next weeked. Alam mo yan kung baket Mr. T! Hahahaha! Sana rin mabalik na ni Benson yung hiniram niya sa kin. Tapos sana rin makanood na ko ng mga movies na gusto ko panoorin! Alvin, Sherlock and Avatar! Good luck lang talga sa kin sana mapanood ko sila this week. Sige sige update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you! Mwah! XOXO At ang sarap magbathroom! Hahaha!

Posted by jjcobwebb on January 10, 2010 at 09:34 PM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family | Post a comment

Ganda pala ng date ngayon. It's a palindrome :-) It could have been better...

Kanina pa kasi nasa utak ko tong kantang toh. Update you soon Mr. T!

Currently listening to: Iris by Goo Goo Dolls
Posted by jjcobwebb on January 11, 2010 at 11:14 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Umuwi na si Luis from Jeddah Mr. T! Yes! At nagkita kami yesterday sa BHS. Sobrang namiss ko si Luis Mr. T! Hahaha! Who would’ve thought na magiging super friends kami di ba? Yep, yun ang tawag namin sa isa’t isa lately. May regalo raw siya sa king tsinelas. Sabi ko hindi ko tatanggapin. Hahaha! Kasi may kasabihan na iiwan ka ng taong nagregalo ng tsinelas sa yo di ba? Hahaha! Lahat na lang kasi iniiwan ako kaya hindi ko tinanggap. Hindi naman masama ang maniwala. Hahaha! Tumaba si Luis Mr. T!  145lbs na raw siya. 5lbs na lang pala lamang niya sa kin. Naku, naku naku talaga! Hahaha! Pero siyempre hindi lang sila kinita ko kahapon, andun din si Che, Joyce, Angel and Alex. Grabe, ang saya saya. Kumakain sila sa CBTL nung dumating ako. Di pa ko nagdidinner. May mga Brother’s Burger sa lamesa, nakipapak na lang ako sa mga fries and onion rings kaya hindi ako nagutom. Hahaha! Tipid! So yun, super namiss ko si Luis Mr. T! Hahaha! Dami na naming plano agad for this year! Hahaha! Nakakatuwa.

120120101522009 won’t be 2009 without Luis grabe Mr. T! Kung alam mo lang gaano kami naging super close last year. Siya yung friend na pagkasama ko, each minute is an adventure! Kung alam mo lang Mr. T! Grabe grabe, hindi nga nakafit si Luis na damit yesterday eh. Maluwag. Hahaha! Hindi nila kasama si Bea yesterday Mr. T! Maaga raw nauwi. Tapos after namin magkwentuhan, gaguhan, at kumain, nagyaya na si Luis magvideoke. Sabi ko sa Timezone na lang para hindi hassle. Pero since inaantok na ang mga totoong babae, ayun, umuwi na sila pati si Alex. So kami ni Luis ang naiwan. Dahil super tagal na rin namin di nagvideoke together, super kanta kami at super biritan. Hahaha! Nagrerecover pa rin boses ko from my illness last week so panget kahapon ng boses ko. Hahaha! Ayun, around 11PM umuwi na rin kami since may pasok kinabukasan. Hinatid ako ni Luis sa bahay. At nung nasa kotse kami, as usual, kung ano ano na naman pinag-usapan namin. Grabe, hay, superfriend ko na talaga si Luis Mr. T! Hahaha! Kwento siya ng kwento kahapon paano kami naging friend. Super kulit ni Luis grabe Mr. T! Nakakatuwa. Tapos reto ng reto si Luis kay Paolo! Wah! Nakakahiya talaga. Pero nakakaexcite makilala si Paolo since ang dami ng kwento ni Luis about him. And sabi rin daw ni Paolo kwento ng kwento si Luis about me pero hindi pa rin niya ko nakikita. Kakaexcite lang. Hahaha!  Grabe noh, sino mag-aakala, hindi tala CCS si Luis pero naging close kami. Naging magkagroupmate lang namin sa isang subject. At isang subject lang kami naging classmate. From then on, ibang klaseng bonding na ang aming ginawa. Super bonding kaya ngayon ay super friends na kami! Anyways, update you soon Mr. T! Dapat manonood kami ni JC ngayon ng Chipmunks pero bukas na lang at iba ang kasama ko! Weee… hahahaha! Mwah mwah!

Posted by jjcobwebb on January 13, 2010 at 09:07 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | Post a comment

Hello hello Mr. T! Hindi natuloy mga lakad kong dapat magdidikta ng future ko! Hahaha! Future love life! Joke! Anyways, ayun, wala, nit, nix, nada, none, null, void. Hindi natuloy ang first official date sana namin ni Pat. Hahaha! Okay lang dahil mas okay pinagagawa ko ngayong araw na toh. At okay lang din dahil parang si Allen kasi eh! Parang ayaw ko na tuloy! Hahahaha! Joke lang naman! Anyways, ayun, kwento na ko…

Pinasunod ako ni Ate sa Serendra nung pauwi na ko. Hinatid ako ni Myla via scooter from OsMak. Haha! Sarap sumakay. And then nagkita kami ni Ate sa Friday’s. 9th birthay ng classmate ni Emo at sa TGIF ginanap. Sabi nga namin ni Ate “Siya na ang sushal na bata.”.  Tapos, nagTimezone yung mga batang kasama sa party and kami ni Ate iniwan muna si Emo and nagstroll stroll hanggang umabot sa MC Home Depot. Bitbit ko na naman ang bag ni Ate na mas mahal pa sa buhay ko ata. Hahaha! Anyways yun, may meeting si Ate sa isang ahente sa Serendra so around 5:30pm bumalik na kaming Serendra. Napagod kami maglakad. Hahaha! So yun, binalikan muna namin si Emo to check kung andun pa, andun pa naman. Super takbo ng takbo. Then dumirecho kami ni Ate sa Chelsea. Dun ang meeting niya.

So yun, since sagot lahat ng rep oorderin namin, super order naman kami ni Ate. Hahaha! Eto mga kinain namin Mr. T!

14012010156 14012010157
14012010160 14012010162

Para kaming kambing. Hahaha! Hindi kasi namin alam ni Ate oorderin kasi mga pangmayaman nakalagay sa menu! Hahaha! At yung last pic, ginawa ko nung hindi ko na maubos yung pagkain ko. Hahaha! So yun, nakakatuwa yung rep kala niya 19 years old pa lang ako. Hahaha! Nagulat siya nung sinabi kong 24 na ko. Flattered naman daw ako. Hahaha! So yun. After nun pinasundo sa kin ni Ate si Emo sa Timezone then nagFully Booked kami. Si Erwin andun. Balak manood ng Avatar pero sabi ko ayaw ko. Ayaw din ni Emo sabi Saturday na lang. Ayaw ko naman kasi bukas ko panoorin with friends yun. Si Barry nagtext din, bawal siya tomorrow at yung store ni Rhitz mag-oopen na bukas. Wow! Sino na lang mga kasama bukas? Gulo! Nabwiset lang ako kay Barry pati sa dapat kong kadate kanina. Good luck sa kanilang lahat.

Buti na lang, hulog ng langit si Luis nagtext na nasa 6750 raw sila. Nagbabay ako kay Ate sabay sakay ng cab at dumirecho ng Makati. Walang traffic. Dumaan muna ko sa 6750 kina Luis sa Starbucks. Andun si Che, Angel, Joyce, Alex, at Migs. Mga taga Deutsche Bank lahat. Hahaha! Dumaan muna ko sa GB4 gumawa ng milagro then bumalik. So yun…

Super saya grabe Mr. T! Si Che gustong gusto magMalate. Sabi ko talaga pass talaga muna ko. Mag-iipon pa ko ng powers at hindi kaya isingit sa sked ko. At ako na talaga ang may schedule. Sabi nga ni Che sa lagay na toh, nakakapasok pa ko sa pharmacy! Aba oo! Hahaha! Energy energy! Happiness and energy is the key to success sabi nga ni Mariel Rodriguez! Hahaha! Ayun, super tawanan, kwentuha, joke-an, kagagahan. Sobrang saya talaga grabe. Si Luis pa andun kaya double powers namin. Hahaha! Kung alam mo lang Mr. T! Sa mga jokes ko, kwento ko at lahat ata ng gagawin ko inaabangan ng mga gagang yun! Super enjoy talaga! Tas nilibre ako ni Luis. Ang daming pera ni bakla. Hahaha! Kung alam mo lang pinagkwentuhan namin Mr. T! tatambling ka talaga! Hahaha! Then bago mag 9:30PM ata nagkayayaan na umuwi. Si Che sabi magMalate raw. Sabi ko fine! Game ako pero hindi ako iinom. Uuwi daw muna siya para magdamit and mauna na kami ni Luis dun. So okay, kay Luis ako sumabay. Dumaan kaming Malate pero wala namang tao. So tinawagan namin si Che sabi na next time na lang. Si Che talagang gustong gusto pumarty. Parang wala pa kong enerhiya Mr. T! Buti na lang talaga hindi rin feel ni Luis at wala kaming nakitang event dun kung meron man. Hahaha! Then hinatid na naman ako ni Luis sa bahay. Thanks Luis! Grabe ang saya saya.

Daming checkpoints lately Mr. T! Tapos kanina may banggaan sa Broadway. Sobrang traffic nung umaga. Tapos sa MRT sobrang sikip. Tawa ko ng tawa sa mga tao. Haha! Tinatawanan ko na lang mga eksena sa MRT dahil kung masstress ako, papanget lang ako. Anyways, ayan, kakatext lang ni Luis Mr. T! Thanks daw sa UBE: Ultimate Bonding Experience! Hahaha! Sobrang saya Mr. T! Ang saya saya ngayong araw na toh kung alam mo lang. Grabe! Kakamiss maging lasing! Hindi ako lasing kanina pero ang high ko. At kape pa lang iniinom ko niya! Hahaha! Mwah! I love you guys! :D Ay nakita ko pala si Doug Kramer kanina, hawak baby namin, ay baby nila ni Cheska! Shet ang gwapo niya. At at… wala, sa min na lang ni Luis. Hahaha! Night!

Posted by jjcobwebb on January 14, 2010 at 11:50 PM in Gayness, Malling, Food and Dining, Family | 4 comment(s)

Ayun, iiksian ko lang kwento ko. Magsasalita na lang yung mga pictures Mr. T! Ayun, nagkita kami ni Benson para magsoli ng mga hiniram. Ayun, buti talaga nasoli na Mr. T! Pinakita ni Benson na katiwa-tiwala pala siya. Ang payat ni Benson ngayon Mr. T! Tapos ako naman daw nagkalaman sabi niya. So yun, nagkita kami sa Guadalupe ni Benson then dumirecho kami sa bagong open na store ni Rhitz sa may Masangkay. Parang canteen yung bagong business ni Rhitz. So libre kami ng dinner. Hahahaha! After nun since mga mahigit 1 hour pa magsasara yung store ni Rhitz, kami ni Benson nag-explore muna sa Masangkay. First time ko dun makapunta. Tapos umikot 168 pero closed na. Then inabot ng closing nina Rhitz so si Rhitz sinundo na lang kami sa 168.

Pollo Loco - MOA

15012010166 15012010174
15012010171 15012010173

Then dapat talaga Avatar panonoorin namin, kaso sa MOA super sold out lahat. So wala kaming ginawa, si Sabs and Van and Barry sumunod sa MOA. Instead, kumain sa Pollo Loco. Naglakad lakad. Napa-isip nagStarbucks after pero may nagsuggest ng Tagaytay. Sa Tagaytay nga kami nauwi. Ayun, grabe, una bumali sa bahay ni Rhitz para ipark kotse ni Barry. And then si Rhitz na nagdrive papuntang Tagaytay. Grabe sobrang lamig kaninang madaling araw. Tapos sa kotse nakikinig lahat sa emote emotan kong kwento. Tapos ayun, nakarating din ng Tagaytay. Ang saya saya. Then picturan at kwentuhan at kulitan at mga imbento kong horoscope. Some things are not the way they used to be. Hays, anyways…

Starbucks - Tagaytay

16012010178 16012010180
16012010181 16012010182 

Nagutom ata sila sa kape then nagJollibee. Grabe waalang katapusang kwentuhan ulit! Ayun, buti bandang 5AM naisipan na nilang umuwi. Si Sabs binaba sa may Paranaque tapos si Benson sa office niya, kami ni Van sa San Juan. O di ba? Iksi ng kwento ko. Hahahaha! Anyways, sobrang saya. Sayang wala si Ate Tess Mr. T! Eh kasi naman ang gulo gulo nung una ng mga plano. Naasar ata.

Jollibee - Tagaytay

16012010184 16012010320

So yun, kung natuloy pala Malate namin ni Luis nung isang araw grabe, 48 hours na kong hindi natulog! Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! Baka magustuhan mo yung mga mangyayari mamaya. For sure, iboblog ko mga mangyayari mamaya. :-) Update you soon.

Posted by jjcobwebb on January 16, 2010 at 05:35 PM in Everyday Drama, Food and Dining | Post a comment

Hello Mr. T! I’m really sorry if I haven’t updated you since 1901. I have a lot of stories to tell but unfortunately, I don’t have the drive to write everything that happened the past few days. I’ll let the pictures speak for themselves and sorry again. I’m just tired. Really really tired. Anyways, these are what happened…

Saturday
Went out with Chris. Haven’t seen Chris for the longest time Mr. T! I miss him. I will miss him. Ganun talaga. That’s life. We can’t get away with reality. The only thing I could do now is still be there as a friend. Kahit ano pa mangyari. Lagi akong andito. At alam talaga ni Chris ang favorite food ko. Hahaha!

16012010188 16012010190
17012010196 17012010198

Had dinner in John and Yoko then went videoke-ing in Music 21. No matter what happens, Chris will always have a special place in my heart Mr. T! That’s for sure. I’m gonna miss Chris. The thought of him leaving the country makes me sad, what more pag dumating na yung oras na aalis na talaga siya. Malulungkot talaga ko. For everything that happened and did not happen between us, masaya ko dahil once upon a time, may nakilala kong Chris. He made me realize that fairy tales don’t need ever-afters. Magic happens when one doesn’t think about it. What happens between that once-upon-a-time and that ever-after is most important. Last chance ko na siguro toh para ipakita kay Chris totoo lahat ng sinabi ko from the start. Mahal ko si Chris Mr. T! I will always love Chris no matter what.

Sunday

Met up with Tin and her sister in Trinoma. It’s a meeting-before-the-wedding gimmick. Ivan was there too and the groom pala. Got introduced to the girl I’m having a duet with. Then I already got the invitation for the wedding na Mr. T! CBTL then went to Timezone to sing the duet song with the girl (Tin din name niya). Then went home around 10PM. So tired…

17012010200 19012010202

Monday

Got transferred to ACC na. Super traffic pala sa Buendia kahit 6:30am pa lang! ACC is a new environment Mr. T! Still adjusting though…

Tuesday

Ate dragged me to Pembo during lunch. Went to Market! Market! with Jeff and Roxanne after work. Went to buy clothes for the wedding. Motif is brown and gold (see colors of the invitation). So we searched everywhere to get that look. Thank God I was able to find pieces of garments from different stores and finally got the look. Hahaha! Then nilibre ko silang Starbucks. Then may nangutang na naman sa kin. Mukha ba kong maraming pera? Mukha ba kong nagpapautang? Well pinautang ko naman. Shet, hindi ako makahindi!

So there, sorry kung sobrang lazy and magulo ng entry na toh and hindi cohesive. I just need to update. Update you soon Mr. T! Mwah! Laboooo ng entry na toh!!!

Posted by jjcobwebb on January 19, 2010 at 09:53 PM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining | 1 comment(s)

Kauuwi ko lang galing sa kasal ng kapatid ni Tin Mr. T! Buti na lang hindi sumabit boses ko kahit buong week akong puyat! Grabe lang ang nakaraang mga araw Mr. T! Uunahin ko na namana ng storya na ang bida ay si Benson! Kahit kelan talaga si Benson! I hate to admit this Mr. T!, pero kahit na sobrang naiinis ako at naasar kay Benson, magaan ang loob ko sa kanya. Mag-uupdate na ko ngayon dahil baka matambakan ako bukas! Salamat naman at wala rin akong gimmick ngayon. At bukas baka tambak na updates ko dahil sabi ni Ate magSubic kami. Itetest drive yung bago niyang biling Grandia. Siya na talaga! Hahaha! Anyways, kwento na ko...

Wednesday

Nagkita kami ni Benson. Oo nagkita kami. Sa bahay namin! O di ba? Tumambling lang ako at nasa kalsada na siya namin. Ayun, alangan naman palayasin ko. Hindi ko ugali magpaalis na tao kung galing pa siyang malayo at nag-effort talagang pumunta sa bahay niyo. Hindi ko siya sinarhan ng pintuan. Hindi ko rin ugali yun. Sinoli ko na mga gamit ni Benson dito sa bahay Mr. T! Pero may mga iba pa siyang naiwang gamit dito. Ayun, tapos nalaman ko na namang may eksenang ginawa si Benson sa bahay nila. Nung nagmessage ako sa YM niya pero hindi naman siya online! Kapatid niya online! Dun ko lang nalaman na lumayas na naman siya! At tumawag din tita niya sa bahay namin! Hays… naaawa ako kay Benson Mr. T! Sobra. I hate his ways and all pero I care so much about him. Kung alam niya lang. Nasampal ko talaga at nakagat ko pa si Benson sa sobrang inis sa kanya :( So yun, bago ko siya pinauwi, nanood muna kami Alvin and the Chipmunks 2:  The Squekquel. Nagulat lang ako andun si Charice sa movie! Then sabi ko kay Benson umuwi na siya sa kanila dahil kung hindi, ako mismo maghahatid sa kanya. Awa ng Diyos, umuwi si Benson at…

Thursday

Kinabukasan, nasa bahay na naman namin si Benson. Hahaha! Dito ulit siya nagdinner Mr. T! Wala naman siyang ibang pakay, gusto niya lang ng makakausap. Amp! Antok na antok ako grabe, tas nasa pintuan na pala namin siya! OMG hahaha! Gusto ko matulog pero ang daming kwento ni Benson. Habang nakahiga ako super kwento si Benson so paano ako makakatulog? Ayun, salamat naman naisipan niyang magMANGA online. Medyo nakaidlip ako. Thursday din, usapan namin ni Luis aalis kami at magMuMusic 21. First videoke of the year namin together Mr. T! sa Music 21! Nauna pala yun sa Timezone. Ayun, kasama ang madlang people, si Angel, si Joyce, Bea, Che, Gretchen, Alex and si Benson sinama ko na rin. Sinundo pala kami ni Luis dito sa bahay Mr. T! Kasama niya si Gretchen. Hay! Sobrang saya nung Friday Mr. T! Ibang level. Pati mga kinain at ininom naming Red Horse ibang level! Around 11PM na kami umuwi. Pero kami ni Benson binaba ni Luis sa GB3.

21012010212 21012010216
21012010221 21012010215
21012010219 22012010224

Sinamahan muna ko ni Benson dahil may imeet pa kong friend nung gabing yun. Si Don. Ayun, bandang 12AM na kami nagmeet ni Don. Si Benson nauna ng umuwi. Hay, Benson will be Benson Mr. T! Ewan ko ba! So yun, dapat kasi Friday kami magkikita ni Don pero, nagtext kasi siya na punta siya Makati, so yun, Mr. Spontaneous ata kami, so nagkita na rin kami. Sa wakas! After 2 years! First time namin magkita. Ang bilis nung 2 years na yun. Nagkita na rin kami sa wakas. Then he insisted driving me home dahil dangerous na raw, sabi ko NO. Hahaha! So yun, around 2AM umuwi ng may tama, natulog, nagising 530AM pumasok and then…

Friday

Nagstay ako sa pharmacy after work. Natulog lang ako. Hahaha! Nagreserve ng energy para sa mga itinerary for evening. Well, Avatar Day lang naman kahapon Mr. T! The super much awaited movie na gusto namin panoorin. Hahaha! Sa wakas napanood din namin kahapon Mr. T! Kaming apat lang nina Barry, Rhitz and Sabs! Sobrang ganda nung movie Mr. T! Wala akong masabi. Simple at predictable and storyline pero dinala ko ng mga effects. Panalo sobra ang Avatar! Pero bago pala kami manood ng Avatar, nung may binili ako sa MiniStop sa Columns at nagwithdraw ng pera, nakita ko si JC nakatambay sa Starbucks with officemates sa Columns! Bongga di ba? Hahaha! Si JC! May entry nga ako sa kanya eh. Eto oh http://subtlebliss.tabulas.com/2010/01/09/jze-/. Sobrang saya. Sinamahan niya ko bumalik sa pharmacy tapos magkalad til GB3. Sinamahan din ako maghintay kina Sabs, Barry and Rhitz. O di ba? Hahaha! Gusto ko ng jowang tulad ni JC! Hahaha! Eniwi, yun, tapos bumili kami ni JC ng dinner ko sa Jollibee. Naubos ko rin bago pumasok ng movie house. Ang tatagal kasi ni Barry and Rhitz. So yun, pinabibilis ko na kwento ko Mr. T! Sorry! Hahaha! Tapos yun, JC left nung papasok na kaming movie house and then after nung movie nagMcDo kaming 4. Si Rhitz papuntang Zambales ko kailangan niyang umalis before 12AM. Eh kaso si Don, hinihintay ko sa GB3 dahil Friday talaga yun day na magkikita dapat kami. So nagstay muna silang 3 for me while waiting for Don. Ayun, nakilala nilang 3 si Don. Then yun, umuwi na yung 3 and kami ni Don chineck kung may movie pa, wala na, closed na ang ticket booth. So sabi namin videoke na lang. Mahal ang RedBox. So bumalik kaming parking lot and sa Music 21 kami pumunta…

22012010225 22012010226

Saturday (Madaling Araw)

Madaming tao. Sabi ni Don sa Malate na lang kami magvideoke. Ayun, tambling, ngayon ko lang nalaman na may videoke booths pala sa taas ng Sonata Mr. T! Nag-inuman kami ni Don. Red Horse na naman puta. Patumba na ko nung 3rd bottle. Super antok na rin kasi. Si Don after magvideoke, hinila ko sa Obar. Naku talaga, may second floor na pala ang Obar. Lounge and VIP. Pinakilala ako ni Don sa may ari na si Mon. Si Tompating andun! Si Toby andun din and yung bestfriend ni Don na si Nico andun din. Wahahaha! VIP lahat sila puta! Nagkamustahan portion pa kami ni Tom. Ay oo nga pala, ang ganda ng boses ni Don! Kaloka lang! Hahaha! So yun, sumayaw si Don. Dancer din pala si Don. Grabe, tumugtog Bad Romance. Pinapili niya ko kung anong gusto kong sayaw niya, kung straight na sayaw, pang bading or lady gaga. Sabi ko lahat! Shet! Na-amazed ako! Huli kong nakitang magaling magsayaw na sinayawan ako eh si Von! Wahhh… super natuwa ako nung sumayaw si Don Mr. T! So yun, pinalalapit ako ni Don sa kanya, pero nahihiya ako kasi maluwag ang dance floor sa taas di ko type. Gusto ko masikip ang dance floor para hindi ako nahihiya. So hinila ko ni Don pababa. Dun kami sumayaw. Hahaha! Sobrang fun. Pero ayun nga, may sinabi ako kay Barry kanina. Shucks! Iba pala yung feeling pag parang bakod ka lugar na ganun. Hahaha! Naparealiza ako na sabi ko sa sarili ko, “shet parang mali!”. As in super hawak si Don sa kin. Super lapit na ng mga mukha namin and super nakahawak at hila hila niya ko. Parang may mali talaga! Wahhh… pero yun, since kailangan umuwi at matulog dahil sa kakanta sa wedding ng kapatid ni Tin kinabukasan, around 3AM hinatid na ko ni Don sa may amin. At nawala raw siya at napaC5 pabalik sa kanila. Hahaha! Then nung umaga daming utos ni Mama. Tapos wala pa kong sapatos. Buti na lang hinila ko ni Ate papunta sa kanila. Bibili dapat ako ng bagong leather shoes sa Greenhills. Nakita ko sa shoe cabinet ni Kuya and dami niya boots! Grabe, super natypan ko yung CK niyang boots! Panalo! So yun ang sinuot ko kanina sa kasal…

[to be continued…]

Posted by jjcobwebb on January 24, 2010 at 12:27 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining, Family, Movies | Post a comment

Hinatid ako ni Kuya sa Manila Hotel. Kaloka lang, napakape pa ko kahihintay sa entourage! Hahaha! Pero yung mga 1 hour lang naman ako naghintay then nakita ko na si Ivan and Tin then nagphotobooth agad kami. Hahaha! Then ayun, as usual, sa reception, may program, tapos abundance of food, at siyempre may mga kumanta. Tulad ko, nagsinger singeran kanina.

Hahaha! So yun, super saya nung wedding Mr. T! Kainis lang after 2 hours ata ako sinundo sa Manila Hotel. Nagmall pa sina Mama kasi. So sa kasal, super kami lang nina Tin ang nagpicturan. Bride’s maid si Tin. Hiwalay table niya sa family niya. Hahaha! Kaming 3 nina Ivan and 3 na relatives ni Jayson na same age namin ang nasa table. Okay naman, madaldal ako so nag-usap usap naman kaming 6 sa table. Hahaha!

DSC03150 image
image image
image image

After the wedding and while waiting for my sundo, sumama at pumunta muna ko sa room nina Tin sa 4th floor ng hotel. Pero umalis din agad sila. Maiiwan yung mag-asawa dun til bukas ata. And ako, super hintay na naman sa lobby ng hotel. Ayun, si Ate bumababa muna ng Manila Hotel para mamili ng mga tinapay. Tapos umuwi na rin agad Mr. T!

Salamat naman at hindi ako sumabit kanina sa pagkanta. Salamat din kay Tin na friend ko dahil vinolunteer niya talaga ko kahit di kami close nung kapatid niya. Salamat din kay Tin na kaduet ko kanina, magaling siya. Hahaha! So yun, eto, Saturday night walang gimmick. Pagod na ko. Magrerecharge muna ko Mr. T! Looking back, the past week was lethargic. San ba ko kumukuha ng enerhiya? Kaloka! Dami ko rin pala nakain kanina. At ang sarap talaga ng red wine hahaha! So yun, congratulations kay Jayson and Aiem. :-)

Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah! Naalala ko lang hindi pala ko nagpost ng entry nung kinasal closest kong pinsan na babae na si Cathy. I’ll try to make one Mr. T! Ang sarap siguro ikasal :-)

Posted by jjcobwebb on January 24, 2010 at 12:49 AM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)

Ang tunay na plano ay magsuSubic. Hindi natuloy late na mga nagising ang tao. Kala ko wala ng lakad. Grabe, hang nagmumuni muni ako sa kama, tumawag si Ate sabi aalis daw at pupuntang Sofitel. Naligo agad ako. Habang naliligo ako, shet nasa labas na pala sila ng bahay. Hahaha! Kaloka. Tas sinundo sina Kuya sa bahay nila. Tapos dapat susunduin si Bruno sa CEU, kaso hindi niya pa labasan. Eniwi, nagkaroon ng change of plans habang nasa Roxas Blvd. Sarado ang Roxas. Naasar ata si Ate, sabi sa Midtown na lang kami pumunta so dun kami pumunta. Super scattered lahat kami sa mall. May cellphone naman lahat na dala. Timezone ang mga bata, si Ate and ako tingin damit at bag. Si Erwin kasama mga bata, si Kuya and Mabel kumain at nagshopping. Ayun, si Kuya nagmerienda nilibre ako sa Cocktale. Eto kinain ko

24012010238 24012010239

Super nabusog ako. Sabi ni Kuya pagnanlibre daw si Ate ng dinner hindi na ko makakakain. Wish niya lang! Hahaha! So yun, lakad lakad pa. Tingin tingin ng damit. Hanggang sa tinawagan na ko ni Ate, shucks, dinner na pala agad. Ang bilis. Sa isang Persian resto kami kumain. Si Bruno sumunod sa Midtown. Si Mama pala hindi sumama kasi pumunta sila ng Auntie Loleng sa Megamall. Galing Pangasinan si Auntie Loleng and sa amin muna nakatira. Tapos yun, Arya yung name ng Persian resto. Eto mga kinain namin:

24012010241 24012010243
24012010242 24012010240

Kulang ang pictures ko. Tinopak na naman n97 ko kanina. Shet lang. Ayun, sobrang anghang ng mga pagkain. Naalala ko tuloy yung kumain kami nina Barry sa New Bombay and Queens of Bollywood. Hahaha! Though Persian siya, parang same sa mga Indian food. Siguro dahil curry-based yung dishes nila. At may nalalaman pa kong curry curry. Hahaha! Ako na talaga! Wahahaha! Pero masarap kahit maanghang. So good luck sa almuranas to follow. Hahaha! Amp!

image image
image image

Hindi pa pagod ang mga tao, dumirecho kami sa Rockwell. Nagshopping na naman mga lolo at lola mo at ako naging baby sitter lang ng mga pamangkin ko. Hahaha! Masaya naman. NagPower Station kami, Kids Station, Fully Booked. Tapos bitbit ko sila habang naghahanap ako ng bag! Hahaha! Tapos yun, umuwi na rin since may pasok mga bata bukas. Kami rin pala. Actually, test drive lang naman talaga ng Super Mega Over na Grandia na bagong bili nina Ate dapat. Pero napaMall kami at kumain. Haha! Then nagtake out pa ng McDo nung pauwi.

Anyways, yan ang update ko for today Mr. T! Hays… whattaweekend. Update you soon Mr. T! Ay oo nga pala, ganda nung CD kanina na pinapatugtog sa van! Natuwa ako sa music kanina. Anyways, love you Mr. T! Mwah!

Posted by jjcobwebb on January 24, 2010 at 10:15 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining, Family | Post a comment

Si Luis iniinvite ako ngayon magsleep over kina Che! Hahaha! Sabi ko kung weekend lang ngayon why not coconut di ba? Kaso may pasok bukas. Mahirap na. Nag-iinvite pa uminom si Luis! Gaga talaga! Buti hindi ako nagpademonyo. Hahaha! At buti hindi siya natuloy dahil maiinggit ako! Anyways, dapat din kanina nag 6750 kami ni Luis with Che and officemates niya just like yesterday. Pero may mga assignments si Luis na tinapos so hindi na kami sumunod.

Kahapon, nagMarket Market kami ni Wesley. Naghanap ako ng charger kasi wala talaga kong dalang charger and empty bat na ko at ayoko na umuwi dahil sa Makati kami magkikita ni Luis. Yung nabili ko di pa gumagana. Tas nakipupu muna ko sa bahay ni Wesley pagbalik naman sa Pembo. Shet walang tubig! Spell MALAS talaga! Hahaha! Pero buti nagkaroon agad. And then, ayun, sumunod ako sa 6750. Andun sina Luis, Joyce and Angel. Then sumunod sina Che at Alex. Hmmm... wala lang, may sarili kaming mundo ni Luis kahapon. Sila rin may mga sariling mundo. Mga kung ano anong pinagusapan lang. Mostly si Che ang bida ng usapan kahapon. Hahaha! Hindi sila sanay pag tahimik ako. Parang may mali raw. Hahaha! Then yun, hinatid ako ni Luis sa bahay nung pagkauwi. 

Sa Pembo pala ko kahapon Mr. T! Tas kanina sa ACC. Hahaha! Labo noh? Paiba iba. Si Ate kasi kung san san ako tinatapon. Hahaha! So yun. Ang dami kong realizations sa buhay lately Mr. T! Choice talaga ata ng tao maging masaya. Ang iappreciate ang mga bagay bagay sa paligid eh isa sa mga key para maging masaya. May bago na kong motto sa buhay ngayon: "Believe in goodness and happiness". Hahaha! O di ba? May kaibigan na si goodness? Baka pag tumagal madagdagan sila. Hehehe... anyways. Magninilay nilay lang ako mamaya. Update you in a while...

Currently watching: Mr. Clean Oxybubble commercial
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on January 26, 2010 at 10:38 PM in Everyday Drama | Post a comment

"Tito Jacob, last weekend may talk sa amin sa school about parents na magkahiwalay. Naiyak ako..."

Yan ang pambungad na bati sa kin Page sa Facebook kanina Mr. T!

Minsan gusto ko ilagay sarili ko sa pamangkin kong si Page. Gusto ko rin ilagay sarili ko sa lugar ni Ate. Para maintindihan ko silang dalawa sa totoo lang. Ang hirap Mr. T! pag nakikita mo yung kalagayan nung dalawa. Halos lahat meron na si Page Mr. T! Buong pamilya lang talaga ang wala siya. And never na yun mabubuo. Nakakalungkot isipin na tumawag sa kin si Ate kanina. Umiiyak. Naiyak din ako. Siguro nalaman niyang nagsabi sa kin ng hinanakit si Page sa kin kanina sa Facebook. Mr. T!, wala ako sa tamang lugar para magsabi ng mga dapat nilang gawin di ba? Sila ang mag-ina eh. Kapatid lang ako ni Ate and tito lang ako ni Page. Wag sana nila akong gawing tulay sa communication nila. Sabi ko nga kanina kay Ate, baket hindi sila mag-usap ni Page ng harapan. Ng silang dalawa lang. The last time silang nagusap eh nandun ako. Nakikiiyak. Mahirap Mr. T! Mabigat sa damdamin. Ayokong nakikita silang dalawa na nagkakatampuhan. Nag-iiyakan. Nalulungkot din ako. Sa likod ng mga masasayang mata at matatamis ng ngiti ko Mr. T! I get hurt easily. Akala lang siguro ng iba malakas loob ko. Pero sa mga bagay bagay na ganito, mahina ako. :-(

Hindi ko masisisi si Page dahil lumaki siya sa Daddy niya. Hindi ko rin naman masisisi si Ate dahil lahat naman daw ng ginagawa niya para sa mga anak niya. Kung hindi lang niya iniisip daw si Emo and Page and kami, matagal na siyang tumigil sa pagpupursigi. Mahirap talaga timbangin. Hindi rin dapat ako manimbang kung sino ang tama at sino ang mali. May gap eh. Tulad nga ng sabi ni Page Mr. T! Hindi niya kailangan yung mga material na bagay na binibigay ni Ate sa kanya. Time lang hinihingi niya. Si Ate naman kanina sabi huwag siyang binabaligtad ni Page dahil parang si Page ang lumalayo dahil sa halos every weekend na pinapasundo niya si Page sa Taytay, may gagawin. Lumalapit na siya, si Page naman ang parang lumalayo. Kahit daw isang report card ni Page walang nakita si Ate. Ewan ko ba Mr. T! Nag-iiyakan kami ni Ate kanina sa phone. Nalulungkot ako. Nagsimula kasi sa Family Day ni Emo sa Lasalle toh eh. Nagalit si Ate kay Page dahil Family Day na Family Day ni Emo wala siya. Ayun, si Page naman, sabi sa kin kanina, may umuwi raw kasi from the States kaya hindi siya nakapunta. At baket naman daw si Ate ganun, galit na galit sa kanya, eh ni isang Family Day niya sa Assumption eh hindi nakapunta si Ate. Nalulungkot ako Mr. T! Baket ganun? 

Sana magkaayos si Ate ang Page Mr. T! Kasi pati ako naaapektuhan. :-( Nalulungkot din ako pag nagkakaganito sila. Sinabi ko kay Page kausapin si Ate. Sinabi ko kay Ate kausapin si Page. Ayoko pumagitna sa sensitive na topic tulad nito. Silang dalawa lang naman kasi makakapatch nung gap eh. The best that I can do siguro is to remind them na i-close na nila yung gap na yun dahil magnanay sila. Kahit ano man nangyari sa Daddy ni Page at kay Ate nun, tapos na yun. Mahalaga yung ngayon. Alam ko mahal nila ang isa't isa Mr. T! Pero they need more work to make it work. Minsan okay naman silang dalawa. Minsan kasi si Ate grabe magalit. Minsan naman si Page pasaway. Kailangan talaga nila mag-usap and magspend more time together. Hindi naman kasi lumaki si Page kay Ate. Sa Daddy ni Page siya lumaki. Si Ate rin naman nung bata pa si Page sobrang busy na. Naalala ko pa ako katabi ni Page dito sa bahay pag gabi dahil si Ate wala pa madaling araw na katatrabaho. May dahilan silang dalawa. Kailangan nilang iopen toh sa isa't isa. Ayoko na sumama pag nagusap sila ulit dahil sa malamang makikiiyak lang din ako. Sana maayos na nila toh Mr. T! dahil nalulungkot din ako at sana wag sila magsumbatan. Sana maisip ni Page na swerte siya dahil meron siyang dalawang pamilya and tanggap siya ng mga bagong asawa ng mommy at daddy niya. At sana si Ate, huwag agad magalit at intindihin si Page and kahit paano bigyan si Page ng oras at pansin. At sana magkaayos na sila :-(

Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on January 26, 2010 at 11:12 PM in Everyday Drama | Post a comment

Sabi yan sa kinanta namin ni Luis kahapon sa Prov! Yep, nasa Prov ako kahapon Mr. T! Nagkita kami ni Luis sa Taft! Hahaha! Kasi walang kasama si Luis from 2pm-6pm. May class pa siya ng 6pm so pumunta ko para samahan siya. Then hinintay ko siya til 730pm then ako na bumili ng dinner namin at sa kotse kami kumain ng KFC. Hahaha! Super saya ng videoke. Habang naghihintay kay Luis nagstroll ako HP tingin tingin DVD. Pinaseseat in ako ni Luis sa class niya pero ayoko. Tinatakot pa kong mahoholdap ako sa may V. Cruz. Gaga talaga! Awa ng Diyos di ako naholdup. Tapos nagkita kita kami with Che, Alex and Angel. Wala si Joyce and Bea. Sayang. Si Mark and Joyce (DLSU) nakita ko sa 6750. Ayun, kwentuhan to the max. Umuwi around 10PM na. Pagod na rin ang lahat. Hmmm... tapos kanina magkikita rin kami ni Luis. Pero sabi ko wag na lang kasi may assignment siya at mas importante yun. Pagod na rin ako. Sa Rockwell sila nagkitakita. Kumusta kaya? Hmmm... anyways, ang daming plano kahapon sa usapan. Ilo-ilo, Enchanted, Capiz, Tagaytay. Hahaha! Ang lamig kasi kagabi. So yun, hinatid na naman ako ni Luis sa bahay! Super friend na ata talaga kami ni Luis Mr. T! Sana matuloy jowa niya sa Pampangga para sa Saturday, ayon nga kay Luis "More chances of winning " kami --- hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! Kapagod tong araw na toh. Mwah! At feeling ko super iyak ako bukas sa final episode ng May Bukas Pa! Wahhh... Santino!!! Huhuhu! Baka mamatay siya eh! Huhuhu! Sige sige, bye bye muna Mr. T! Mwah!

Currently reading: Up Out My Face by Mariah Carey feat. Nicky Minaj
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on January 28, 2010 at 09:56 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

Sobrang saya Mr. T! Since si Bea nasa building lang likod ng RCBC, nagcoffee date kami kahapon sa Starbucks Columns. Hmmm... sobrang dami namin napag-usapan Mr. T! Love, life, work, family and kung anu ano pa. Isa sa mga nagstand out talaga yung about kay M**. At nabuhay talaga ang ala-ala ni Ma**. Hahaha! 

"Meron ako dating *** taga UST eh. Mestiso siya. Tapos Salinggawi..."

"Hmmm... mga kasing-tangkad mo?"

"Yep. Tapos surname niya pang foreigner eh... shet nakalimutan ko na name niya..."

"M** ba name niya?"

"SHET! Oo!"

"At W*** ang surname?"

"OMG! Kilala mo?"

"Tang ina oo! Kaibigan ko yun!"

"Small world puta!"

At tawa na kami ng tawa after nun. Hahaha! Hindi makaget over si Bea. Hindi rin ako makaget over. Kumusta na kaya yung lalaking yun. Stand out si M** sa mga *** ko. Hahaha! Kasi gwapo talaga siya. Hahaha! Ewan ko ba. Isa sa mga pinalampas ko yan dahil hindi pa ko over kay Von nun! Grabe hindi na ko nagbago. Basta pala hindi pa ko over, hindi talaga ko nageentertain ng kahit sino. Hahahah! Puta! So yun, around 4PM kami nagkita then 6PM bumalik na sa office si Bea. Then ako naglakad na papuntang GB3 para imeet sina Barry and Rhitz...

[to be continued...]

Currently watching: Eat Bulaga on GMA
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on January 30, 2010 at 02:16 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
« 2009/12 · 2010/02 »