Entries for December, 2009

Sobrang pagod ako kahapon Mr. T! Pero sobrang saya. Si Benson nag-invite makipagkita sa Taft kahapon. So ako since wala namang ginagawa, pumunta ko. Nagkita kami sa McDonald's. Andun friends niya kasama niya. Nagkita sila that time lang. So medyo nakipagkwentuhan din ako kay Jam and Jill. Mag-asawa sila at may anak. Nag-aaral pa sila pero hindi sila magkasama sa isang bubong. They were really nice Mr. T! Then after umuwi nung 2, kami ni Benson nilakad namin from DLSU to Pedro Gil. OMG lang. Naghahanap kasi ako ng makakainan since hindi pa ako kumakain. Napadpad kami sa may Chowking Pedro Gil. Tamang tamang magkikita si Benson at si Nar dahil kukunin ni Benson bag niya from Nar. Then after namin kumain, tamang dating si Nar and then yung roomate ni Nar na si Tara. Then pumunta kami sa apartment nung 2. Sobrang cozy nung place nila Mr. T! Parang bar lang. Then singer pala si Nar. Ininvite niya kaming 2 sa gig niya sa Sat. Hindi pa ko sure kung makakapunta ko. So yun, naginvite uminom si Nar pero we refused. Hahaha! Then kwentuhan tapos mga 11:30PM umalis na kami ni Benson

Si Benson ang lakas lang ng trip sobra, sabi lakarin daw namin ang Malate. Sabi ko go lang. Kumain ng puto bungbong sa may Raja Sulayman Park. Then after nun, lakarin naman hanggang Quirino, sabi ko go lang. Hanggang Baywalk, go lang. Hanggang Harbor Square, go lang. Tumambay muna kami sa harap ng CCP. Grabe para kaming ewan. Nakaupo lang kaming 2 sa harap ng CCP nakatingin sa kawalan at nagkukuwentuhan. Masaya Mr. T! Hanggan sa may lumapit sa ming lalake. Nanghihingi ng 10php. Hahaha! Super kaba kami ni Benson, naghanap kami ng paraan para makaiwas agad dun sa lalake. So bumalik kaming Harbor Square, nagCR tapos sabi ni Benson Buendia naman daw lakarin namin. Ako, go lang. At nakarating kaming Buendia. Sabi ni Benson, til Blue Wave naman daw. Sabi ko go lang. Ibang level na talaga pagod ko nun pero go pa rin ako. Hahaha! Then bumili muna ng tubig sa Ministop then nilakad na namin til Blue Wave. Dun ko sinabi na stop na kaming maglakad dahil baka umabot na kaming Cavite. Hahaha! Ibang klaseng paglalakad ginawa namin kahapon Mr. T! From Blue Wave nagcab na kami at binaba ko si Benson sa sakayan ng jeep sa may EDSA papuntang Cavite. Around 2AM na kami natapos maglakad. Sabi ko nga kay Benson, natalo nito lahat ng lakad-thon na pinag-gagawa ko sa buhay ko. It' another walk to remember Mr. T! At may nakita kong shooting star kagabi! At sabi nga ni Benson, ang liwanag ng buwan kagabi. And sabi ko sa sarili ko "buti pa yung buwan maliwanag..."

Anways, update you soon Mr. T! Birthday pala ni Erwin ngayon, yung husband ni Ate. Happy Birthday Erwin! Woot wooot!!! So yun, sige sige Mr. T! December na pala. Ang bilis ng oras. Medyo nakakalungkot. 

Currently reading: Janus' Facebook Window
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on December 1, 2009 at 01:20 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)

Salitan daw. Hahaha!

Fuck! Hahaha!

Natatawa ko puta!

Currently listening to: Insomnia by Craig David
Posted by jjcobwebb on December 2, 2009 at 04:46 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Posted on September 13, 2008 at 12:27 AM by subtlebliss
Filed under Private 

 

I don't know but lately I've been feeling that he played me and just used me. Sad but I just have this feeling...

We've been in contact since first month of this year and we've been like almost lovers since then. Let's just say that I wanted him the first time I saw him but he was in a relationship that time. If I wasn't interested him back then, I wouldn't have asked for his Yahoo! Messenger ID or even his mobile number. We became close as close. Every morning he would text me and before I hit the sack he'd text me too. We were like chatting on Yahoo! Messenger every night. Why every night? He's job was a night shift back then. And I was doing my thesis too so I stayed up late at night as well. We would talk about anything, or anyone or whats-on for the moment. He would text me his rants about his current boyfriend that time. That his lover doesn't show or tell him much about his feelings. He was there, being treated like a wallflower by his boyfriend at that that time. You know what, when he was telling what his boyfriend has been doing to him, I wanted to hug him that time.

At a short period of time, I got to know the serious and fragile part of him. He deserved to be loved the way he wanted to be. But you know, I can't do anything about it since he told me that he never let go of a person and hold on until the other party lets him go. I was there on his side as a friend. I wasn't expecting much those times cause it seems to me that I really had no chance to love him the way he wanted to and and the way that I wanted too. There was even a time I wanted to talk to his boyfriend that time just to tell him how much his lover loves him. I deserved to be loved and I wanted to love him. Days went by and we were texting and chatting and met up. He told his boyfriend that time about our meet up. It wasn't a date. It was a friendly-date. We hung out and talked. Well, I did all the talking the first time we met. He was just there silent and was laughing at my stories. That's when I knew, I wanted him and I wanted to take good care of him. And the give him the love that he deserves. Maybe it was too fast, but no, with all those textings and chattings that we had, I got to know, let's say percentage of his personality. And so we continued getting in touch through text and chats.  

One of the happiest, I know this sounds bad but let me say it here, again, one of the happiest moments or dates of this year was the time he told me that he and his boyfriend that time called their relationship off. I was in cloud nine when he texted me "Break na kami ng jowa ko". I was elated and really excited. You know the feeling that finally, you're gonna have a chance with him this time cause he has no longer strings attached to someone else. I tried waiting for a month, and another month and another month. It was like waiting for nothing. Okay, it took us two months to meet up again after our first meet-up. It was a month after his breakup with his ex. I thought for the second time that this year, this might me another chance for us to be lovers. I was mistaken. After that meet-ups, he'd have fights and arguments and I almost gave up. Then we would make peace then argue again. It's not like I was holding him so tight because I really have no right, but he felt that way. I was loving him so much and I didn't know I was. He doesn't want that.

During one of our arguments, and during the time he was ignoring all my texts and offline messages, he and his ex met up after the break-up. It was hell for me. How did I know? While trying to convince him that I had nothing to do with those stuff that happened between him and my friend, he finally talked to me. And yeah, right there and then too he told me about his meet up with is ex. I was shattered. While typing my replies on my keyboard, I was crying. Tears after tears were flowing down my face til I had no more tears to shed. So I told myself that he doesn't belong to me but he once belonged to him. I cannot stop them from being together again since they had history. So I asked him if I could hug him for the last time before he and his ex make-up. I assumed that but when I tried asking him if they'll get back, he just said he doesn't know. So he granted me a hug. A tight hug he gave me. What's more is that he kissed me. I was crying the whole time he was kissing me and hugging me because the thought of him and his ex making up is running through my mind. I wasn't pretending those tears. They were real. I was crying because he was never mine and the thought that his ex might hurt him again. I don't want him to get hurt but what will make him happy will also make me happy. Joyously, they didn't make up. His ex was set to work to another country and it is way far for them to be together again. What happened once happened for the second time, he tried making out the second time I was in his place. It was almost a dream come true for me. One of the happiest days of life ever.

Making out with someone you love was different. It was a combination of love and lust at the same time. You feel very sensitive and fiery when you get to make out with the person you really like and love. It was magical. I didn't want the time to run. But what happened happened and I was happy. I just so hope he was happy. Few months later there's drama here and there. Arguments arose but we managed to patch things up. There are times when I feel like giving up on him that I once dated and almost said yes to this guy I was dating. I asked him if he still likes me, yep him, so I could be with the guy I'm dating that time. He said he didn't like me anymore. He can't tell it straight to my eyes so I never felt the sincerity. I felt that there's still a spark of a chance that he still likes me or if he really doesn't, will still like me. I ditched the guy who was all good  to me just for him. After I ditched the guy, everything between us went smooth sailing. We would date and see each other every week. Dine here and there. Watch movies. Text and chat the way we used to the first time we got to know each other.

Just when everything was nice, romantic and giddy and all, I had this mysterious guy who happened to message me through Yahoo! Messenger. To cut is short it was him trying to ask questions about my feelings for him. I was offended yes but was not angry. I thought it was kinda sweet and romantic but why pretend to be someone else and ask questions about how I really feel for him. I tried asking him why he needs to do that. He didn't answer. I didn't bother to ask him again. I can't read him. And for the longest time, I still can't read him. Is playing with me? Does he want me? He knows I like him but why is he doing this to me? Sometimes he would text and be all nice but sometimes he can't be felt. Sometimes he would ditch me, but sometimes he'd do something so sweet that would sweep me off me feet. I can't understand him but I'm trying to be understanding.

But I came with the realization that I can't blame him for doubting what I feel. He's been cheated by his ex and getting through this trust issues is hard. I know that since someone broke my trust before. But this is getting absurd. What will you think when at times his sweet and at times he's not. What will you think when he doesn't tell you how he feels and yet he does sweet things to you? And how will you feel that whenever you ask him a question about the real deal between you, he doesn't answer. It's hard. And how will you feel if you ask him questions that you know the answers and yet he denies them?           

It has been rollercoaster ride with him. I've had happy moments and sad moments but I really don't know what's going on his mind. Does he like me the way that I like him or am I just a plaything when he's bored and doesn't have anything or anyone for-the-moment. I have been numb with his ways. But you know, though I'm no longer expecting us to end up being together, I still have hope. They say it's better to hope than expect right? I'm still holding on that little hope that one day he'll learn to say what he feels about me. All I need are answers right now. I never asked him to love me back. I never asked him to like be back either. All I want to know is what's going on between us. What's the deal? What my chances are. I still am not giving up because there's always a hope. I'm holding on a rope. But a rope can break. So, am I being played? I don't know...

Currently listening to: Russian Roulette by Rihanna
Currently feeling: nostalgic
Posted by jjcobwebb on December 2, 2009 at 09:21 PM in Everyday Drama | Post a comment

Kahapon, kasama ko na naman si Benson. Night shift ako. Mga 6AM si Benson pumunta sa drugstore para sunduin ako. Galing sa trabaho sa Ortigas lolo mo. Wala lang gusto niya lang akong puntahan. Trip niya lang. Hahaha! Tapos nun, since kaduty ko rin si Wesley, tumambay muna kami sa bahay ni Wesley, nanood ng Gossip Girl. Then around 12PM, sabi ko kay Benson alis na kami. Napunta kami sa SM Makati then Glorietta. Then since nakita ko mura mga toys dun sa Toy Kingdom, mas mura pa sa Divisoria, naghoard na ko. Haha! Bumili na ko para sa mga inaanak ko mga pamangkin. At siyempre, si Benson taga bitbit. Hahaha! Bait ni Benson. Then kumain sa Okuya tapos umikot ikot sa Glorietta 5. Then yun, since may kailangan pa kong gawin, naghiwalay kami ni Benson around 4PM na. Yun, umuwi na sa Cavite si Benson at ako nagmamadali ng umuwi dahil may pasok din ako after ko gawin yung pinagagawa ng kapatid ko. Then birthday pala ni Ate Bibing kahapon so may kainan pa at hindi na talaga ko nakatulog. So yun. Ayun nangyari kahapon. At naguluhan ako sa previous entry ko Mr. T! Ngayon ko lang nabasa ng buo yun. Hahaha! As in super nalabuan ako sa mga pinagsusulat ko. Ahahaha! Parang ako, HUH? Hahaha! Anyways yun, update you soon Mr. T! At ayun, natulog ako sa bahay ni Wesley at kauuwi ko lang ngayon. Sobrang antok na ko kanina at hindi na ko nagattempt umuwi na San Juan. Anyways, update you soon Mr. T! :-)

Currently watching: Lady Gaga Speechless Live on Ellen
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 4, 2009 at 03:14 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Grabe, sobrang saya kahapon Mr. T! Since maraming nagcelebrate at magcecelebrate ng birthday ngayong December, buong angkan ng Mapalo lumabas at nagunwind muna sa Star City. Hahaha! Ang saya saya. Kahit ang sakit sakit ng katawan ko kahapon dahil sa mga rides. Halos lahat ata ng ride sinakyan namin. Tapos first time ko makapasok dun sa Snow World ng Star City! Hahaha! Tapos nanood ng Ballet Manila. Then yun, after Star City, kumain kami sa Harbour Square, then nagWTC para mamili mili, then around 1AM umuwi na kami lahat. Sobrang saya Mr. T! :-) Daming pictures kaso sa Facebook lang ni Alyssa yung mga unang na-upload so eto na lang mga visual aids na gagamitin ko. Hahaha! Daming tao sa Star City grabe!

image image
image image

Hay sobrang saya grabe. Nakalimutan ko mga sadness ko kahapon. Haha! Ayun, tapos pala nung isang araw, nagBHS kami ni Wesley tas nakita pa namin sa Patrick tapos yung kaibigan niya. Then naghintay ako sa bahay ni Wesley para kay Tom. Dun daw kasi matutulog si Tom. Ayun, di ko na kinaya antok ko, umuwi na ko kahit wala pa si Tom. Hahaha! Super antok na kasi ako nung Friday. Anyways, update you soon Mr. T! Yan na muna ang update sa aking buhay. Masyadong nagmamadali ang oras, matatapos na agad ang 2009. Parang kelan lang nagdadrama ko na matatapos na ang 2008, ngayon 2009 na naman ang matatapos… hays… sige sige Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Mwah!

Posted by jjcobwebb on December 6, 2009 at 02:13 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, Family | Post a comment

IT ako. Dapat IT ang work ko. Pwede naman ako makahanap ng trabaho na pangIT, in fact dapat meron na. Pero kung sa Trend Micro ako magtatrabaho, yung dun sa Eastwood, baka masiraan lang ako ng bait kada pasok ko sa office. Hindi ko kakayanin ang kadramahan ko kung dun ako magtatrabaho. Hindi, huwag dun. Ayaw ko dun, baka minu-minuto nakatunganga ako. Dahil isang malaking "Once upon a time" para sa kin ang Trend Micro. Masisiraan ako ng bait dun. Malamang hindi dahil sa work, pero kung kung sino ang andun dati. I'm weak pagdating sa mga ganito. Natatakot ako mag 2010. At kahit ilang beses kong lokohin ang sarili ko, siya pa rin hanggang ngayon :-(

Currently listening to: Breakdown by Mariah Carey
Currently feeling: nervous
Posted by jjcobwebb on December 8, 2009 at 01:29 AM in Everyday Drama | 5 comment(s)

While browsing through different networking sites; gays and straights, (yep I am really bored and I should be sleeping by now), I found a profile heading that really caught my attention:

"It takes a lot of guts to make the first move..."

Nice and true and it made me wonder... 

Do we have to wait or do we make the first move?

Anyways, nobody's online anymore (my close friends that is). I better hit the sack Mr. T! I still have to wake up by 4AM :-)

Currently listening to: silence
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on December 9, 2009 at 01:14 AM in Everyday Drama, Randomness | 1 comment(s)

Pagkagising ko kanina, may postcard para sa kin. Galing kay Aldrich! Grabe, natuwa naman ako Mr. T! Gumanda yung umaga ko. May postcard na ko galing kay Jeffrey tapos meron pa galing ka Aldrich. Parang naguguilty ako Mr. T! Dapat this year kasi pupunta kong Singapore bibisitahin si Aldrich kaso talaga, ang dami kong ginagawa at may nangyari pa kay Aldrich kaya nagaalangan ako pumunta. So yun, maraming salamat Aldrich :-) Pasensya ka na talaga kung hindi tayo nakakapag-usap lately. Medyo busi-busihan. Onti lang naman. Babawi ako promise. Ilang postcards na nasa sakin pero wala pa rin ako napapadala. Babawi talaga ako. Babawi ako.

Eto, kagagaling lang namin nina Ate, Ms. Violy and mga alipores ni Ms. Violy sa Laguna. Sobrang saya grabe. Sa van sobrang tawanan kami ng parang walang bukas Mr. T! Hindi namin namalayan ang traffic sa sobrang tawa kami ng tawa sa van. Naiyak iyak na ko sa van dahil kay Tonette. Yun bading na kasama ni Ms. Violy. Ayun, tumingin ng mga halaman tapos kumain sa Pansol kina Aling Pransing. Sobrang busog. Sobrang saya. Sobrang tuwang tuwa kami ni Ate. At binibigyan ako ni Ate ng n97, hindi ko tinanggap. 

Kahapon naman, sobrang saya rin. Kasama ko si Luis sa Taft. NagProvidence muna kami. Nasa Gateway ako nagshoshopping nagtext si Luis pumunta raw ako sa Taft. Napatambling ako ng wala sa oras sa Taft. Nasira pagshoshopping ko. So yun, coding kasi si Luis, so hanggang 7PM kami sa loob ng Prov. Then dumirecho sa 6750 para kitain sina Che. Ayun, si Bea muna andun, then nagshopping ulit ako sa Glorietta iniwan yung dalawa muna. Pagkabalik ko sabay dating na rin sina Che, Angel, and Joyce. Ayun, grabe --- may maselang issue silang pinag-usapan so kami ni Luis muna nag-usap. Then dumating na jowa ni Luis. Nauna na kaming 3. Inggit na inggit ako kay Luis at Robert grabe. Hahaha! Nasa likod ako tapos yung usapan talaga nila parang mag-asawa. Haha! At kakacelebrate lang pala nila nung December 3. 3 years na sila Mr. T! Nakakatuwa noh? Kelan kaya ako?

Then yun, nung isang araw naman si Benson nagkita kami, may hiniram si Benson sa kin. Dapat bigyan na talaga ko ng Charity Award Mr. T! Haha! Bukal naman sa puso ko yung pinahiram ko. Sana lang maibalik niya at hindi masira pagkakaibigan namin. So yun...

Ang gulo ng utak ko Mr. T! Minsan natatawa ko sa lahat ng mga nangyayari. Minsan nalulungkot. Hahaha! Weird sobra. Sabi nga sa kanta ni Leona --- "I'm just trying to be happy..." 

Update you soon Mr. T! And yes, Friday na maya-maya! Ang saya saya na naman!!! Weeee...

Currently listening to: Happy by Leona Lewis
Currently reading: JC's YM Window
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 10, 2009 at 11:08 PM in Everyday Drama | Post a comment

Habang naglalaro ng DSi...

"Wala ng bango ang mga bulaklak. Wala na ring tamis ang mga tsokolate. Wala ng init ang ngayo'y malalamig mong halik. Pagod na ako. Pagod na ang puso ko..."

At ako'y hindi tumigil sa katatawa. BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! 

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 11, 2009 at 01:06 AM in Everyday Drama | Post a comment

Sobrang dami ng nangyari nung Biyernes at Sabado Mr. T! Pero uunahin ko ang pinaka-highlight. At ito ay nangyari kagabi o kanina ng madaling araw...

Sa kulungan ang gimmick namin ng isa kong kaibigan (sabi niya huwag ko isulat name niya dahil alam niyang iboblog ko toh!) kagabi Mr. T! Yep, as in kulungan, selda, preso, bilangguan sa loob ng police station. Grabe!  As in ilang oras kaming nasa kulungan bago kami nakalabas dahil hinantay pa namin kaibigan namin para aregluhin ang lahat. Grabe, ang hirap makipag-usap sa mga pulis Mr. T! Parang walang mga alam! Gusto na umiyak ng kaibigan ko kagabi pero sabi ko pera lang katapat ng lahat ng mga yun. Grace under pressure talaga ako kagabi. Parang wala talaga kong paki nung nahuli kami. Sabi nga ng kaibigan ko nagagawa ko pang tumawa nung nasa loob kami ng kulungan. Grabe, kasama namin sa loob mga puta (yep, whores), snatchers, holdapers, mga estapador at mga mandurukot. Parang ako, sobra talagang walang paki sa loob. Yung kaibigan ko sobrang kaba. Pinashot pa kami ng alak sa loob Mr. T! ng mga "in-mates" namin nung mga oras na yun. Grabe, siguro tumagal din kami ng 3 oras sa loob ng police station.

Kalunos lunos ang kulungan dun Mr. T! Walang takip electric-fan, katabi namin ang ihian, yung mga itsura ng mga nakakulong hindi talaga katiwa-tiwala, ang init, puro sulat yung ding-ding, nag-uusap yung mga selda gamit maliit ng salamin, share lahat ng yosi. Yung mga eksena talaga sa pelikula sa loob ng kulungan, ganun talaga! As in! Grabe, charge it to experience talaga! Hindi ko talaga makakalimutan tong araw na toh. December 13, 2009! Ang saya saya di ba Mr. T!? Ahahaha! Sabi ko nga sa kaibigan ko, kalevel na namin si Lindsay Lohan at Paris Hilton! Ahahahaha! At tumawa kami ng tumawa nung pinakawalan na kami. At nagStarbucks kami hanggang sikatan kami ng umaga sa daan. 

At sayang talaga wala kaming pictures sa loob! Natatakot kasi kami maglabas ng phone dun eh. Baka mamaya kunin sa min. Tapos kinapa pa yung mga bulsa namin. Grabe, subukan talaga nila kong hawakan kagabi, magsasampa talaga ko ng kaso. Awa ng Diyos, wala naman sa aming nangyari. At weird ng feeling ko. Masaya na nakakaloka. Hahaha! Bonggang experience talaga yun Mr. T! Sabi nga ng kaibigan ko, isa toh sa mga babalikan namin pagtumanda na kami. Sasabihin daw niya sa mga anak niya "Kasama ko kasi si Jacob, lagi akong napapahamak pag kasama ko yun...". Hahaha! Ang saya saya ng buhay!

At nagtawanan na lang kami ng nagtawanan sa Starbucks Ayala Ave. buong madaling araw kasama yung umareglo sa aming kaibigan. Nasira mga plano namin para sa gabing yun. Pero mas bongga ang mga nangyari kesa kung gumimmick kami. I love it! Hahaha! At ang laki ng utang na loob ko kay Steve kagabi Mr. T! Siya tinext ko dahil alam kong malapit siya sa lugar nung nakalaya na kami. At tawa siya ng tawa sa kagagahan ko. Kinwento ko rin kay Mama mga nangyari, tawa rin siya ng tawa. Hahaha! May bagong leksyon na naman kaming natutunan. Hahaha!

Anyways, mag-uupdate na lang ako mamaya ulit. Private na lang yung mga names at kaso at lugar kung asan kami kagabi Mr. T! Hahaha! At papunta kami ngayon ni Mama sa bagong drugstore sa Megamall. First time kong makakapunta dun pagtapos ng soft opening. At take note, yung bunso kong kapatid nagbabantay dun ngayon! Ang sipag! Linggong linggo! :-) Sige... ta ta...

Kayo ba nakulong na? Hahahaha!

Currently listening to: boses ni Mama
Currently feeling: in a hurry
Posted by jjcobwebb on December 13, 2009 at 02:02 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

It's all Benson's fault. Hahaha! Kinanta kanta niya pa toh eh eto nasa utak kong kanta last Friday even bago niya pa kantahin! Hanggang kanina tuloy tumatakbo sa utak ko hanggang ngayon. Humiga na ko eto pa rin nasa utak ko. Wahhh... bukas na ang bonggang update. LSS entry muna:

For YouKenny Lattimore

"... for you I share the cup of love that overflows
And anyone who knows us knows
That I would change all faults I have
For you there is no low or high or in between
Of my heart that you haven't seen
'Cause I share all I have and am,
Nothing I've said's hard to understand
And all I feel I feel deeper still
And always will
All this love is for you..."

Ayan siguro pinakamagandang part nung lyrics ng song. Gusto ko ma-inlove ulit Mr. T! Bigla akong naexcite for 2010. Parang ang daming nakahanda para sa kin and siyempre for everyone marami rin for sure ang nakahanda. I can't wait. Handa na ko para sa 2010 :-) 

Currently listening to: For You by Kenny Lattimore
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 14, 2009 at 01:26 AM in Everyday Drama, Music | Post a comment

Tagaytay Tambay

Sa wakas Mr. T! Natuloy na rin ang Tagaytay namin nina Deck, Aubrey, Matty, Angelic, Ivan, Tin and Lester. O di ba? May bagong addition. Haha! Si Lester ay… joke lang. Bawal sabihin. Hahaha! Ayun, sobrang saya Mr. T! Kumain sa Leslie’s then tumabay sa Starbucks. Ang saya namin nun Mr. T! Una nagkita kita kami sa Fetival Mall. First time ko sa mall na yun. Tapos si Aubs na nagdrive papuntang Tagaytay. At ang daming masasayang kaganapan ang nangyari Mr. T! Tas nakita ko pa sina Chabs sa Tagaytay din! O di ba? Sobrang busog na busog kami then by 9PM umalis na agad kami dahil yung mga kasama ko wala ring mga tulog at Christmas party ata nila nung araw bago kami magTagaytay. At pagtapos magTagaytay, nagkita kami ng mahiwaga kong kaibigan para gumimick at nakulong kami! Hahaha!

image
image image
image image

Sa totoo lang, kaya kami nagkita-kita kasi paalis na si Aubrey sa ibang bansa :(. Nakakalungkot sobra Mr. T! noh? Hays, gagawa ko ng separate entry para diyan. Sana naging masaya si Aubrey nung Saturday. Sobrang saya talaga kami na nalulungkot. Hays… kami na dadalaw sa yo Aubrey sa ibang bansa huwag ka mag-alala. Pag-iipunan namin. :-)

Taft Tambay

Bago pa kami magTagaytay nina Tin, si Sabs pala nag-organized ng Friday kita-kita last Friday. Labo. Hahaha! Kumain kami sa Flaming Wings sa may Taft tapos nag Providence after. Then nagMOA nung kinagabihan. Sobrang saya rin Mr. T! Si Barry galing Guam so lahat kami may pasalubong. Si Sabs din dala na mga regalo niya sa amin. At nasa isang malaking box lahat! Nasa likod ng kotse ni Ritz mga regalo niya! O di ba? Nakakatuwa. Nakikita mo yung karton sa likod ni Benson sa pic Mr. T!? Yan, pangkabuhayan showcase na regalo sa min yan ni Barry! Hahahaha! Then umuwi bandang 2AM na and yun… pagkagising ko magkikita kita na pala for Tagaytay…

image
image image
image image

Birthday ni Eryn pala nun. May live phone patch nung gabing yun. Hahaha! Wala siya dito sa bansa pero sa pamamagitan ng phone, kinantahan namin siya ng Happy Birthday Song. Dapat pala walang inuman nun, pero si Ritz nanlibre ng beer. Ayun, ang saya saya na! Hahaha! Tapos si Benson had to leave early kasi may work siya. So hindi siya nakasama sa MOA. Then si Izvet may bagong love life! Hahaha! Naman!

Official Personal Alalay

Pero bago kami magkita-kita nung Friday, naging PA ako ng Ate ko habang nagshoshopping kami sa GB3 at sa Rustan’s. Hahaha! Hawak ko bag niya at ako nagbabayad lang ng kinukuha niya. Sarap pala ng feeling ng may bag na hindi nauubusan ng pera! Hahaha! Ayun, umikot ikot kami. Tapos kumain ng Shubligs sa Rockets at Wheat Grass ininom namin. Sobrang yuch. Pero bago yun, galing kamng Mayor’s office sa Makati Mr. T! Nagbigay ng regalo si Ate kung kani-kanino. Sana mabayaran na kapatid ko. May mga picture ako sa Mayor’s office kaso baka mamaya mahuli ako pag pinost ko dito or may makakita di ba. Bawal kasi magpicture. Haha! Then kanina rin, nagshopping naman kami as WTC. Kasama si Ma’am Mayett. Grabe, butas na butas na bulsa ko. Hahaha! Pero ang saya ng namimili ng mga regalo para sa mga taong mahal mo. Worth it naman sa pakiramdam. Malapit na ko matapos sa aking Christmas shopping. Yung para sa mga kapatid at magulang ko na lang ang wala pa kong nabibiling regalo. Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah! Mwah!

Posted by jjcobwebb on December 14, 2009 at 09:49 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, Family | Post a comment

Habang nasa jeep kanina, nakita ko isang matanda, lola na siguro, nagtetext siya. Napasmile ako. At sino magsasabing bata lang pwede magtext messaging ngayon? Napasmile ako ni lola... :)

May mga batang nangangaroling na sa bahay. Pinapasok ko kanina at pinakanta ko sa loob ng bahay namin dahil natuwa ako at hindi nila kabisa yung "Sa May Bahay Ang Aming Bati", itinuro ko sa kanila ng maayos. Nakanta naman nila ng mas okay kesa sa una, nakita ko ang effort, binigyan ko ng mga chocolates sa ref. Napsmile nila ako...

Yung isa kong pamangkin, adik sa Thomas and Friends. Nakita kong naglalaro siya at pinapatakbo yung mga characters sa railway nung laruan niya. Nakilaro ako. Napasmile ako habang naglalaro... :)

Pagkauwi ko, nakakalat ang mga gadget-gadgetan ko sa kama. Ang iPod tumutunog mag-isa, ang PSPgo hindi ko napatay, ang DSi nakapause, ang iPhone naka-on ang Wifi nadrain tuloy ang battery. Mukha kong tanga dahil hindi ko naman lahat sila kailangan pero meron akong mga gamit na ganito. Napasmile ako dahil kaya ko palang bumili ng mga ganyan... :)

Hindi pa rin dumadating yung replacement ng credit card na nawala ko. Nakakatakot dahil parang nasanay akong kasama yung credit card kung san san. Pero napasmile ako dahil at least, ang utang ko di madadagdagan... :)

May nangaroling na mga bata sa jeep kanina papuntang Guadalupe. Sumasayaw pa sila. Nagbigay ng envelope. Binigyan ko naman sila. Napasmile ako dahil nag"Thank You" sila sa akin. At nung hindi humihinto yung jeep para makababa sila, ako na ang sumigaw ng para. Napasmile ako dahil nakababa rin sila sa wakas at napasaya ko pa sila... :)

Si Jeffrey, nung isang gabi, nagalit dahil hindi na raw ako bumalik sa YM pagtapos ko magBRB. Napasmile ako dahil talagang hinintay pala ako ni Jeffrey bumalik sa YM... :)

Ilang beses na ko nasabihan ng "Suwerte ng magiging bf mo..." simula last week. I can't help but smile sa totoo lang. Kahit hindi ko alam kung jinojoke lang talaga ko ng mga tao... :)

Nung nagbobrowse ako ng mga pictures sa iPhone kanina, nakita ko mga picture nung 2008-2009. Maraming magagandang ala-ala. Marami akong nakilalang kaibigan. Napasmile ako dahil feeling ko maraming nagmamahal sa akin... :)

Minsan pag naalala ko rin mga katangahan na ginawa ko sa buhay ko, hindi ko maiwasang magsmile. Hahaha! Kasi kaya ko palang tawanan at harapin ng walang kyeme mga ganung pangyayari sa buhay ko eh. Smile lang ng smile :) 

Natapos ko na rin kanina yung full season ng Glee. Napasmile ako... :)

Hindi naman pala mahirap maging masaya. Minsan talaga madrama lang ako. Pero kung pipiliin ko talagang maging masaya, kaya ko pala.

At habang sinusulat ko tong entry na toh, nakasmile ako. Ewan ko, baka nasisiraan na ko. Hahaha! :)

Currently listening to: Declaration of Love by Celine Dion
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on December 15, 2009 at 09:28 PM in Everyday Drama, Randomness | 3 comment(s)

Wahhh... kumusta ka naman Mr. T! Parang 10 years na kong di nakapagNET! OMG lang talaga! Sobrang dami ng mga pangyayari sa buhay ko lately at ni dumaan dito sa blog hindi ko na magawa. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento mga nangyari. Pero pag nagkaroon ako ng free time magkukuwento ko ng bonggang bongga. Sorry talaga Mr. T! Dami lang talagang ginagawa. And may pasok pa rin ako kaya ang hirap makipagkwentuhan sa blog. Hays... sige sige, mag-aayos muna ko. May dinner kami mamaya nina Barry and Rhitz. Update you as soon as possible! Mwah!

Currently reading: Nokia website
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 22, 2009 at 03:46 PM in Everyday Drama | Post a comment

Wala ako sa snow. Wala ako sa Winter Wonderland, wala lang, ang lamig ng Pasko. Parang patay. Oo alam ko birthday ni Jesus pero ang dami kong kaibigan na wala sa bansa ngayon grabe. Pero pamily ko naman buo andito sila si Papa lang wala. Ewan ko, parang inaatake na naman ako ng lungkot Mr. T! Baka sa pagod lang toh kanina. Nagsuper last minute shopping ako sa Megamall at sa Gateway at sa Rustan's kanina. Super daming tao ang sobrang traffic na sa EDSA Mr. T! Hindi ako makapagblog ng mabuti Mr. T! sa totoo lang. Sorry ulit. Gusto ko magkwento ng magkwento pero magiging madrama kwento ko. Si Aubrey, Luis, Chris, Jeffrey, ang lalayo na nila. Hindi ganun kasaya eh, weird ewan ko baket ganun. Hays... ano ba toh. Ang dami ko ngang nabiling regalo, pero baket ganun parang hindi naman ako ganun kasaya. Or dahil ubos na pera ko? O dahil namimiss ko agad yung mga friends kong nagsi-alisan? Hays ulit. Or dahil wala pa rin akong jowa? Hahaha! Joke lang. Jowa? Ano yun? Hahaha! Update you soon Mr. T! Pag ginanahan talaga ko magkwento magkukuwento ko. :-)

Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on December 23, 2009 at 10:59 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Muling magkakakulay ang Pasko…

Kinanta talaga yan sa simbahan kagabi Mr. T! Feeling ko Kapamilya Stars kami. Hahaha! Anyways, Merry Christmas sa yo at sa lahat ng tatambling sa blog ko sa araw na toh. Ayun, Pasko na. Ang bilis noh? Mamaya hindi na Pasko. New Year na. Grabe, tumatanda na ko. Anyways, tignan niyo yung name ng food na galing sa Australia na kinain namin kagabi. Natawa talaga kami habang nagnoNoche Buena. Sabi ko nga kay Mama “Oo raw…” --- LOL!

24122009011 24122009014
24122009017 24122009010

Last night was fun, first time after 10 years nagpasko dito si Kuya. Ayun, kainan sa bahay ni Ate and videoke afterwards magexchange gift. Ang saya saya Mr. T! Niloloko ko nina Mama na plastic lang daw ng Rustan’s yung mga binili ko at hindi ko talaga dun binili. Haller… dun ako namili ng mga regalo para sa kanila! So yun, Hmmm… ang tahimik talaga ng Pasko Mr. T! Hindi ganun kasingsaya unlike last year. Pero sabi nga ng taxi driver na nasakyan ko, malungkot nga ngayon, pero ano na lang para dun sa mga taong nasunugan, nawalan ng bahay at mga nabaha --- oo nga naman. Napaisip din ako Mr. T! Tama siya. Marami pa rin dapat ipagpasalamat sa Diyos ngayong taon. Marami pa rin blessings ang dumating. At sana dumami pa ng dumami ang mga blessing na dumating, hindi lang para sa kin o sa pamilya, para sa lahat ng tao sa mundo. :-) Merry Christmas ulit Mr. T! Super update tomorrow. Happy Birthday Jesus! Mwah!

Posted by jjcobwebb on December 25, 2009 at 10:45 AM in Everyday Drama, Food and Dining | 1 comment(s)

Parang ang haba ng Pasko! Ubos na mga regalo ko, ubos na pera ko, pero ang saya, saya ko, Hahaha! Last Friday, nung Pasko, nagEastwood kami kasama mga relatives namin na Mapalo. Nood movie tapos ikot ikot tapos kumain. Then yesterday, nagTagaytay (ang dami kong beses napunta dito ngayong taon!) kami. Sa Highlands. Then gumimick kami ni Mama and company kagabi sa Metrowalk. Sobrang saya. Christmas is soooooo long. Ayun, shet hindi ko na talaga makwento lahat Mr. T! Preoccupied utak ko sa mga dapat pang gawin at tapusin ngayong 2009. Hindi ko pa rin narurundown mga nangyari simula last last week bago magPasko. Grabe na toh. Wala pa rin akong Year-End churvas. Naku naku hindi pwede toh. Mamadaliin ko. Picture picture muna…

family picture
image image
image image

Ayan, o di ba? Ayoko maglagay ng super daming pictures kasi baka hindi na magload tong blog ko sa kakalagay ko ng pictures. Si Papa na lang kulang. Pagkauwi niya na papapicture ulit kami ng ganyan! Haha! Bihira kami magkafamily picture eh kaya pagbigyan mo na ko Mr. T! Kuha kahapon sa Highlands. Wala lang natuwa ako sa picture eh. Ang laki na namin lahat. Hahaha! Nakakatuwa tignan noh? Wala lang. Sobrang mahal ko pamilya ko Mr. T! I am well-loved and I am surrounded by people who believe in goodness. Hahaha! Hay, ang saya saya kahit nakakapagod nakakangarag. Nakakaexcite mag 2010. Parang ang daming opportunities na dadating. Oo optimistic ako. Baket ba! Hahaha!

Sabi nga ni Jeffrey kahit per line na update na lang gawin ko sa mga nangyari bago magPasko, sige itatry ko Mr. T! After ng entry na toh. Susubukan kong alalahanin lahat. Si Ritz di pa naguupload nung pics nung annual Christmas dinner namin. Wah! So good luck sa kin.…

Posted by jjcobwebb on December 27, 2009 at 12:36 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Ayun nga, eto ang aking super tiny update as mga nangyari bago magPasko...

Nasa Powerplant ngayon ang buong pamilya ko. Ako naiwan kasi tulog ako. At ayoko rin manood ng sine, gusto ko dito lang sa bahay. Grabe bago na naman kotse ni Ate! OMG lang talaga! 

Bumili ako ng bagong phone last week. Pera ko. Tambling naubos talaga pera ko. LOL. 

Tas bago umalis si Aubrey for Saudi, nagGB5 kami. Kumain sa John and Yoko. Humabol si Anne. Si Angelica di na nakapunta. Nasa Saudi na si Aubrey. Hays… Anyways, pictures:

image image
image image

Tas last last Christmas party ng Planet Drugstore sa Greenhills kung san nagbihis babae ako at bihis Boy George! Hahaha! Sobrang saya. Nanalo kami sa sayaw! Hahaha! At tumambling na lang si Mama nung nakita niya kong nakaCross Dress pati si Wes. Hahaha! Fun fun!

image image
image image

Tapos sinisimulan na namin nina Barry and Rhitz ang aming “Austerity Program”. Hindi kami nagChristmas Dinner sa sushal na lugar ngayon, sa Jollibee SM Megamall foodcourt kami nag Christmas Dinner. Pero bago kami dun kumain, si Barry may biniling ring na ang mahal, DSLR at si Rhitz bagong digicam. Wow! Austerity Program ba yun? Hahaha! Sabi ko ang gasto nila. Sabay tago ng cellphone ko! Hahaha! Pictures sa baba. Wala diyan yung annual car pictorial. Sasabihan ko na lang si Rhitz…

image image

Ayun, hahaha… nu ba yan, tapos hmmm… ano pa ba, eto pala ibang pics sa nung Pasko…

image image
image image 

Ayan, may namiss pa ba ko? Yun na ata mga highlights bago magPasko eh. Yan na Jeffrey! Hahaha! So yun… pwede na gumawa ng year end countdowns! Weee….

Posted by jjcobwebb on December 27, 2009 at 10:16 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining, Family | 1 comment(s)

Eto na ang Annual Car Pic! Hahaha! Nilagay ko na rin yung from 2007 and 2008. Pati mga lugar kung san kami nag Christmas dinner ninote ko na. Haha! So eto na ang 2009 Car Shot namin! Weee…

2009carpic
2009 – Jollibee/ Megamall

image
2008 – Fish Out of Water/ GB5
image
2007 – La Maison/ Trinoma

Grabe, for 3 consecutive years na namin toh ginagawa Mr. T! Hay, parang 3 na lang talaga kami. Si Jeffrey sana next year makasama na sa annual car pictorial namin! Hahaha! Kumusta naman yung buhok ko paiksi ng paiksi. Nagkalaman ako ng onti. Kay Rhitz humaba ang buhok tas pinaiksi. Tas pumayat tas pumayat siya. Kay Barry same pa rin. Haha! Hay naku, tumatanda na ko Mr. T! pero aminin mo yan mukha pa rin akong bata! Hahaha! Oo sinasabi ko sa sarili ko yan walang pakielamanan! Haha! Hays… 2010 na ilang tulog na lang. :-)

Posted by jjcobwebb on December 28, 2009 at 11:45 PM in Everyday Drama, Updates | 1 comment(s)

Onti lang ang kantang tumatak sa kin ngayong taon na toh Mr. T! Unlike last year, meron akong Top 20 Songs for 2008, ngayong 2009, 10 songs na lang siya. Masyado ata ko nagbusi-busihan at onting kanta lang ang  napamahal sa kin ngayong taon na toh. Anyways, di na ko magpapaligoy ligoy pa, simulan na natin ang listahan ko...

10. Single Ladies by Beyonce
"All the single ladies now put your hands up..."

Sino ang hindi makakaalam sa dance step nito? Haha! Halos lahat ata ng party inattendan ko first quarter ng taon na toh may ganitong tugtog. Though sumikat siya nung 2008, hindi ko siya minahal hanggang nakita ko yung video niya at nakita ko na sinasayaw tong kantang toh ng isang bading sa YouTube. Hahaha... nakakatuwa. Daming funny memories sa kantang toh.  

9. The Climb by Miley Cyrus
"There's always gonna be another mountain, I'm always gonna wanna make it move..." 

Hindi ko gusto si Miley Cyrus pero ang ganda ng kantang toh. Lately ko lang nagustuhan tong song na toh Mr. T! Traffic sa EDSA nun, sa van kasama ko pamilya ko. Sabi ko sa pamangkin ko sino kumanta neto, nyek, si Miley Cyrus pala. Para maganda yung song pwere yung singer. Hahaha!

8. If This Isn't Love by Jennifer Hudson
"If this isn't love then I don't know what is. If this isn't love then I don't know what is. All that I know is what I feel. All I know is this is real..." 

Nalaman ko tong kanta ko dahil sa mga diva messageboards na binabasa ko. Haha! Ayun, basta maraming memories sa kantang toh. Pinag-emotan ko rin toh uma-umaga. First single ni Jennifer Hudson sa debut album niya. As usual showcased na naman ang kanyang powerhouse vocals --- isang reason din baket gusto ko tong kantang toh. 

7. Lucky by Colbie Caillat and Jason Mraz
"I'm lucky we're in love in every way..."

Kay Tin ko ata unang narinig tong song na toh. Hindi ko na matandaan pero grabe, naadik ako sa kantang toh Mr. T! Maganda kasi sa tenga. Parehas pa genre nung dalawang nagduet.  

6. My Life Would Suck Without You by Kelly Clarkson
"Being with you is so dysfunctional. I shouldn't really miss you but I can't let you go..."

Cute ng video neto Mr. T! Hahaha! May pinagdedicate-tan ako ng song na toh first half ng taon, second half ng taon, may nagdedicate sa kin ng kantang toh. Weird noh? Hahaha! Pero sobrang nice nung song. Kakakilig. Minsan ganun talaga, kahit gaano kasira ulo isang tao, mamahalin mo siya no matter what. Hahaha! At mapapakanta ka talaga nito pag narealize mong di mo siya kayang mawala sa buhay mo! Naks! 

[ to be continued... ]

Posted by jjcobwebb on December 30, 2009 at 01:58 AM in Everyday Drama, Top 10: 2009 | Post a comment

5. Obsessed by Mariah Carey
"Cause you're all fired up with your Napoleon Complex..." 

Eto lang ata naghit na single ni Mariah this year! Hahaha! Siyempre super repeat siya sa mga mp3 players ko this year. Kung hindi si Mariah kumanta nito, hindi ko magugustuhan yun song. Buti na lang si Mariah. Sayang hindi nag #1 toh. Muntikan na. Mali lang timing ng release sa iTunes at airplay. Sayang! Haha!

4. You Belong With Me by Taylor Swift
"Been here all along so why can't you see?" 

Super cute ng video kaya nagustuhan ko ng sobra yung song. Yung Love Story ni Taylor Swift hindi ko masyado gusto pero eto gustong gusto ko. Weird, lagi ko pinapanood sa iPod video nito. Tapos ganda ganda pa ng lyrics ng song. Ang daming memories na bumabalik pag naalala ko yung song. Tapos minsan pag nasa salamin ako, feeling ko ako si Taylor Swift kinanta toh! Hahahaha!

3. Eh Eh (Nothing Else I Can Say) by Lady Gaga
"But my friends keep telling me that something's wrong then I met someone..."

There's nothing else I can say talaga sa song na toh! Perfect lyrics! Hahaha! At perfect video! Perfect lahat! Hahahaha! Lalo na nung kinwento ni Lady Gaga history ng song nito nung concert niya sa Araneta! Naku! Eh eh na lang talaga Mr. T! Ewan ko, naadik ako sobra sa kanta na toh pati sa video niya! Grabe, feeling ko na talaga ako si Lady Gaga! Hahaha!

2. Jai Ho (You Are My Destiny) by Pussycat Dolls 
"You are the reason that I still believe..."

 Hindi ko alam nun na niremake ng PCD tong song na toh. Hanggang sa narinig ko sa phone ni Benson! Pauwi kami ng La Union nun sa bus blinuetooth niya toh. Grabe, simula nun, wala na. Jai Ho na ko ng Jai Ho mag-isa. Hahaha! Pati yung sayaw nito. Pero wala pa rin tatalo sa sayaw ng Single Ladies siyempre! Wala lang, dami kong naalala sa song na toh. Jai Ho!

1. Poker Face by Lady Gaga
"I’m not lying I’m just stunnin’ with my love-glue-gunning"

2009 is Lady Gaga's year. Grabe na siya. Hahaha! Ibang klase siya. Sino bang hindi makakaalam sa kantang toh? Ito ang Umbrella ni Rihanna. Crazy In Love ni Beyonce. Ang Hit Me Baby One More Time ni Britney, ang I Will Always Love You ni Whitney, ang Hero ni Mariah, ang My Heart Will Go On ni Celine, Like A Virgin ni Madonna at Rhythm Nation ni Janet Jackson! Poker Face defined Lady Gaga. Eto naglagay sa kanya sa SUPERSTAR status. 

Una kong narinig ko nung nag-eemote kami ni Barry pauwi. Natuwa ako. Sabi ko bongga nung song. Pok-pok Face! Hahaha! Then yun, nakita ko yung video, kinanta ni Sarah sa ASAP, ayun tuloy tuloy na ang pagmamahal ko sa kantang toh. Eto para sa kin ang kanta na nagsisimbolo sa 2009. Kung Disturbia ang number 1 sa kin nung 2008, Poker Face ang number one ngayong taon na toh! :-)

Other songs from 2009: Hotel Room, Boom Boom, I Gotta Feeling, Love Story, Fire, Sorry, Paano Na Kaya, Muli, Paparazzi, Bad Romance, Halo, Sweet Dreams at ang Nobody! Yan lang mga maisip now, so in short, yan mga tumatak na ibang song ngayong 2009. 

[to be continued...]

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 30, 2009 at 10:37 PM in Everyday Drama, Top 10: 2009 | Post a comment

January
Sino ang hindi makakakalimot ng sinabi sa yo ng nanay mo na may kapatid kayo sa labas? Yan ang unang pasabog na nakuha namin nung 2009. Tas sumunod ang mga party ni Tom, Wek at mga friends ko sa ADB. January rin ang unang balik ni Jeffrey sa Pinas ngayong 2009. Ilang beses kaming lumabas nun. Nakilala ko rin si Nanay Jong at mga anak niyang si Chu and Jamie. Small world talaga. Nasa HSBC pa rin pala ko nung January. Dun ko nakilala si Jamie, yung anak ni Nanay Jong. Haha! Small world. JAPALA1 anyone? Haha! At January rin nung nagcelebrate kami ni Chris ng one year of friendship namin. January was a nice way to start 2009.

February
Graduation ni Tin and Aubs sumama ko. Hindi ako nakasabay. Kasama ko sa mga family dine out nina Tin. Hahaha! Eh nung nagpaparty si Ate sa buong kalsada naalala mo Mr. T!? Haha! Naakyat ko rin yung top floor ng RCBC Plaza nung February. Eh yung may nagregalo sa kin nung cake? boquet? pabango? at teddy bear? Naalala mo ba si Geno? Hahaha! Eh nung nag-gym kami nina Beck?  Nung umuwi ako nung Valentinesdate namin ni Chris? Yung Death Anniversary ni Tita Nita natandaan mo Mr. T!? Fair sa La Salle din nung month na toh. At ang aming pagtitrip sa Intramuros, February rin pala! At ang sabay ng pag-uwi namin ni Glen, February rin pala. 

March
Nagkita kita ulit kami nina Sherry, Beck and AK. After ilang years naging kumpleto kami! Eto rin ang month kung san nagbukas ang drugstore sa Pembo. Naging night shift agad ako para may bantay daw sa gabi. Eh nung first time kong kumain sa isang floor na walang tao sa ospital naalala mo Mr. T!? March din nung nagkita-kita kami ni Cha, Camille at Cleotie. Tinawag naming Tabulas EB. Naalala mo ba si Mark Mr. T? Eh nung may nakakita sa min sa Megamall at naging chismis? Dito rin nagsimula pagiging magastos namin nina Barry and Rhitz. Sinumulan namin sa NSG sa GB3.

April
Una kong makakita ng waterfalls sa buong buhay ko. At gabi pa! Majestic! Ang ganda! Eto rin yung month kung san pumunta kami sa resort ni Ma’m Stella tapos sa Majayjay Wafterfalls. Holy Week sa Sofitel. Bisita Iglesia at Easter Egg Hunt sa bahay ni Ate. Nagvideoke kami ulit ni Chris nung April at nagmovie rin after ng matagal na panahon. Nalasing ako. MOA with relatives din nung April. At nung muntik na namang magkaroon ng sunog dito sa compound, April din yun. Nung una kong bumili ng Ken Doll at si Ate unang beses pumuntang America para bisitahin si Kuya nung April.

May
Nalaman ko na magkapitbahay kami ni Benson nung mga bata pa kami. Pero hindi namin alam nun. May din nung nagLa Union kami with friends ni Barry. Nauna yun. Naging close na kami ni Benson since then. May din nung gumimick kaming apat nina Jeffrey, Rhitz and Barry with Shyla. Tas 18th birthday din ni Alyssa. Hindi ko rin makakalimutan unang bonding moment namin ni Benson sa High Street. Nung si Wesley bumalik din sa drugstore. Nung nagkikita kita kami ulit nina Tin, Aubs, Anjhe, Deck and Matty sa TGIF. Nung naginuman din kami sa condo ng tita ni Wiggy kasama si Ritz, Barry and Benson. At dun nagsimula mga una.

June
Tabulas grand EB ulit. Mas marami na this time. Si Ems, Nanay Jong, Cha, Charee, Camille at Aubs. June din nung super bonding na kami ni Benson at pinakilala ko na siya kay Luis. Bongga! June din nung nag gym kami ni Barry. Nameet ko na rin sa wakas yung BF ni Luis for 3 years na si Robert nung June. June din nung tumambay kami nina Barry, Rhitz and Jeffrey sa OSMAK. Wala lang, gusto lang namin nun. Haha! At June din nung nagkita-kita kami nina Mike and Gary sa Galleria. 2 tao na malalapit sa kin. At postponed ang graduation ko dahil sa H1N1.

[to be continued…]

Currently listening to: Languishing by Mariah Carey
Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on December 30, 2009 at 11:41 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

July
Grumaduate din sa wakas! Eto rin yung time na hindi ko nasipot si Chris para sa Tranformers movie. Kami na lang ni Sherry nanood dahil hindi na kami ulit nagkita ni Chris. Eto rin yung nagWensha kami ni Benson. Pati yung birthday celebration niya sa dampa sa may Roxas. July din nung lumabas kami nina Jeffrey, Ritz and Barry plus others and nagMusic 21 kami. Then si Jeffrey pumunta ng Switzerland para mag-aral nung July. Tapos, sinong hindi makakakalimot kay Marco? Haha! Tumambling talaga kami nina Barry nung nag-ask siya from them kung pwede akong ligawan. Shet lang! Hahaha! At siyempre, si Kuya, bumalik na ng Pilipinas nung July.

August
Concert ni Lady Gaga. Birthday ni Christian, birthday ni Barry. First time namin magbonding apat nina Che, Recto and Luis. Sobrang saya sa Tomas Morato. Sinong makakakalimot nung nabaha kami sa Malate? Nung nakitulog kami kina Che? August din eh yung birthday celebration ni Mama na bongga. Yung mga labas namin with Ate Tess, Sabs, Van, Benson plus others. Yung bonggang celebration ni Aubrey nga rin pala sa MOA at nung nalasing kami sa mgay baywalk. Hahaha! Lahat pala yun August Mr. T! Ang saya saya pala nung August! At siyempre, nakilala ko rin si Jeff (hindi si Jeffrey) nung August.

September
First time ko sa SDA building. Nagkatampuhan kami ni Benson. Si Mama tumira sa bahay ni Ate for two week nung September at ako naiwan sa bahay mag-isa. Nang matulog si Jeff sa bahay. Eto rin yung time na pumunta kami sa Exhibit ni Koys kasama si Beck and Sherry and other s13 na blockmates namin. Kimmy Dora with Chris. Best movie ata ng taon yun Mr. T! Eto rin yung time na weird, nakakain ko ng crispy pancit salamat kay Benson. Naaksidente rin tatay ni Benson nung September. Pinuntahan namin siya sa Cavite. Tas yung bonding namin ni Benson sa Ateneo eh September din pala Mr. T! At paano ko makakalimutan yung first time akong nilibre ni Benson? September din pala yun! At siyempre, si Ondoy at mga nangyari sa min ni Benson bago si Ondoy.

October
Tumulong kami sa mga Ondoy victims. Sa drugstore nagplastic ng mga gamot, tas kami nina Mama nagpunta sa Pasig, at kami ni Benson pumunta sa may Magallanes. At makakalimutan ko ba yung iyak ng iyak sa sinehan si Benson dahil sa In My Life na palabas? Haha! Ako tawa ng tawa. Eto rin yung time na videoke kami ng videoke ni Benson and Chabs. Tas nameet ko rin yung isa pa ng friend ni Luis na si Mika. Birthday din ni Michael nung October. NagTagaytay kami nina Barry, Rhitz, Rams, Benson and others. And yung double date na lang palagi with Rams, Ryan, and Benson. Haha! Puros October pala lahat yun. Parang walang bukas pala mga gimmick ko nun Mr. T! October din yun nabuhusan ako ng red wine. Nung binuhat ko si Benson sa Blue Wave dahil wala na siyang malay sa sobrang kalasingan? Yung natulog ako sa bahay ni Benson October din. At siyempre, nung bonggang nag-away kami ni Benson bago matapos ang October. Sobrang nalungkot ako.

November
Birthday ko sa Crowne Plaza! Nagkajowa na si Ritz. Si Tom and Wesley nakadevelopan.Nagkita kami ulit ni Chris sa North Park gaya lang ng dati. Birthday din ni Rhitz. Eto rin yung month kung san ko nakilala jowa ni Che and mga officemates niya sina Bea and Franz and Angel. Birthday ni Lola. Nagkita ulit kami ni Aizel after 3 years. At nung nagbati ulit kami ni Benson. At siyempre hindi ko pwedeng hindi isulat si Bhorj.Parang onti lang ng nangyari nung November pero sa totoo lang, ang dami dami!

December
Tagaytay was all over the place. I was all over Tagaytay. Grabe! Sino makakakalimot nung nagcrossdress ako? Nung naglakad kami ni Benson from Pedro Gil to MOA? Mga escapades namin ni Luis! NagStarCity with Relatives? Hay grabe, ang dami dami nangyari nung December. Pati si Aubrey pala umalis na papuntang ibang bansa. Pati si Luis. Lahat ng pera napunta sa December! Hahaha! At ang pagkakulong ko! Hahaha!

Mamimiss ko ang 2009. Maraming salamat sa mga taong nakilala ko. Mga taong nagdatingan at nagsiaalisan. I will never forget you. Sa mga nangyaring pangyayari na nagturo sa kin ng aral, hindi ko kayo kalilimutan. Sa mga tawanan, iyakan, galit at kung anu ano pang mga emosyon na naramdaman ko ngayong taon, salamat din sa inyo. Hindi magiging kumpleto ang 2009 kung hindi lahat kayo present sa buhay ko. :-)

[to be continued...]

 

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on December 31, 2009 at 01:01 PM in Everyday Drama | Post a comment
« 2009/11 · 2010/01 »