Entries for May, 2011

"Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin. Yung hindi tayo sasaktan at paasahin. Yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin."

May mga bagay akong natutunan. Mga bagay winawalang bahala ko dati. Mga bagay na kala ko normal lang. Mga bagay na akala ko nakakatuwa. Siguro natuwa ako nung una, pero nung pinakita mo sa kin yung kabilang side ng nalalaman ko, para kong nagising sa katotohanan. Na hindi lahat dapat ikwento o isulat. Na ang relasyon ng dalawang tao ay para sa kanilang dalawa lamang at hindi kailangang malaman ng buong mundo. Na hindi lahat ng nararamdaman ay sinasabi. At hindi rin lahat ng pinapakita ay ang tunay na nararamdaman. Hayaan mo kong alalahanin mga binitawan mong salita na tumatak sa utak at puso ko…

Sabi Mo: Sana huwag mo ko isulat sa blog mo. I want everything about us to be private…
Sabi Ko: Huwag ka mag-alala. Promise, never lalabas name mo sa blog ko…

Sabi Ko: Gumawa ka na ng Twitter account tapos mag-followan tayo…
Sabi Mo: Tapos yung pag-uusapan natin nakabroadcast? Huwag na lang. Nagtetext naman tayo…

Sabi Mo: Gusto ko pag nagkaboyfriend ako, kami lang makakaalam na kami. Mahirap ang alam ng lahat…
Sabi Ko: Alam mo, ngayon ko lang naisip, gusto ko rin ng ganung relasyon…

Sabi Mo: Iba iba sides ng pagkatao mo. Nalilito ko. Haha! Sino ka talaga sa mga yun?
Sabi Ko: Tanong mo minsan sa kasambahay namin. Sasabihin niya sayo sino si Hakob…

Sabi Mo: Pansin ko lagi kang nasa bahay. Pag nasa labas ka, yung sina Barry and Ritz lang kasama mo…
Sabi Ko: Ganito lang naman talaga ko dati. Pasok tapos bahay. Then labas minsan with them…
Sabi Mo: Kutob ko yung tunay na sarili mo pagkasama mo sila…
Sabi Ko: Siguro rin…

Sabi Mo: Pag nagmamahalan naman kasi dapat ang dalawang tao, hindi naman kailangan malaman ng buong mundo. Hindi mo naman kailangan i-blog yun. Kung san kayo nagpunta, ano binigay sa yo, anong naramdaman mo at pati love letter. Hindi binoblog yan. Ilan ang tao na gumagamit ng internet araw-araw? Gusto mo bang mabasa nila lahat ng yun? Gusto mo bang may makielam sa inyong dalawa? Gusto mo ba yung love letter ko kunwari sa yo mabasa ng buong mundo? Special yun and ikaw lang dapat makabasa. Gets mo ba? Hindi mo kailangan ang pagtanggap sayo ng ibang tao. Sapat na yung tanggapin ka ng mahal mo. Gets?
Sabi Ko: Ngayon ko lang natutunan ang lahat ng yan. Tama ka…

Kaya ayun Mr. T! Sobrang bihira na rin ako sa yo magkwento. Dahil tuwing may isusulat ako, naiisip ko mga sinabi sa kin. Hindi ako tumututol sa mga sinabi niya. May point siya and ngayon ko lang natutunan mga mali ko. Masakit tumanggap ng pagkakamali. Pero mas masakit siguro masabihan na hindi ka na nagbabago. Sobrang tama, may makikilala tayong taong ipamumukha sa tin na mali tayo. Na ang mga akala nating normal ay hindi pala normal. Na minsan ang pagsusulat o pagboblog ay iba kung tungkol sa taong mahal mo. Sa tagal tagal ko ng nagboblog, ngayon lang ako natauhan. Salamat.

Posted by jjcobwebb on May 1, 2011 at 11:09 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Practical akong tao. Pero most of the time, I talk about fairytales and fantasies and happy endings. Sa totoo lang, tuwing iniisip ko tungkol sa mga ganyang bagay, mapapaisip ako ng matagal. Do these things really exist? Sa mundong ginagalawan ko, may ganito pa ba? Masarap maniwala at isipin pero bumabalik ako sa tunay na mundo tuwin iniisip ko yan. May nagtatagal pa ba sa ganitong panahon? Baket maraming naloloko at nagpapaloko? Baket maramin umaasa at nagpapaasa? Baket maraming nasasaktan at marami ring nakakasakit? Kaya siguro minsan ang mga pantasya at mga kathang isip pumapasok sa utak ko dahil yun pang ang paraan para makapiglas sa tunay na mundo. Sa mga tunay na nagyayari. At nakakalungkot.

DSC_0473

Minsan lang ako magmahal. Kadalasan, ako pa ang iniiwan. Ako ang nasasaktan. Pero iba ang tingin ng ibang tao. Na ako ang nakakasakit at nagpapaasa. Kung alam lang nila. Kahit tanungin pa lahat ng nanligaw sa kin, wala sa kanila na magsasabi na nagpaasa ako. Maaring nakasakit ako, pero hindi ko yun intensyon. Kaya siguro naging kaibigan ko lahat sila. Sabi nga ng isa kong pinakamalapit na kaibigan, ako raw ang taong walang kabitter bitterness sa katawan. Baket sa pagtapos ng lahat kaya ko pa raw makipagkaibigan sa mga taong nagmahal sa kin at mga taong minahal ko. At sa mga taong sinaktan ako at nasaktan ko. Siguro kasi hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob. Marunong din ako magpatawad. At siguro rin, I always expect for the worse kaya mas madali ang pagtanggap ng mga bagay bagay.

I go on dates. I meet new people. I kiss people and even sleep with them. Walang masama. Wala akong karelasyon. Malaya akong gawin mga naisin ko. At kung husgahan man ako ng ibang tao, I won't care. Kung may mahal din ako ngayon, malaya pa rin akong gawin mga gusto ko unless may napag-usapang pananagutan sa isa't isa. May sarili akong buhay at may sarili rin siyang buhay. I can flirt with other guys and siya pwede rin. Pagiging practical. Ganun talaga ang buhay. Baket mo pagtutuunan ng buong buhay mo ang isang tao na hindi naman ganun ang ginagawa sa yo di ba?Hindi ako manghuhula. Hindi ko kaya magbasa ng utak. Ayoko na maginterpret ng mga bagay na ginagawa sa kin. Baka mali na naman ako. Masakit yun. I need to know. You need to tell me. Actions can be deceiving sometimes. Yan ang mga natutunan ko. Kaya pinag-aralan kong mahalin sarili ko. At isipin ang sarili ko lamang. Pero...

Iba na pag naging parte ka ng pagkatao at buhay ng iba. Ng taong mahal mo. Dahil sa oras na ibigay mo na ang sarili mo, parang magiging isang tao na lang kayo. Maaring iba ang inyong pagiisip pero yung mga naisip at idea niyo ay ang magdedefine ng inyong pagsasama. Pagmamahal, pagtitiwala at pagrespeto. Yan ang mga matutunan pag kayo'y isa na. Kumbaga sa bukang bibig ko, magjowa na. Hindi mo na maaaring gawin mga bagay na ginagawa mo dati. May shift ng lifestyle. Though, hindi naman dapat magiba ng pagkatao, kailangang mag-adjust ng ugali so you can perfectly fit together. Para swabe ang pagsasami. Hindi naman dapat common kayo sa lahat ng bagay. Masarap din pagsaluhan ang pagkakaiba niyo. Pagtawanan mga mali at itama mga ito. Punan ang pagkukulang ng isa't isa. Dagdgan din ang kaalaman. Magmahal. Magmahalan. Dalawa man ang inyong katawan. Dalawang magkaibang tao man kayo, isang pusong tumitibok na lang kayo ngayon. Magmahal na parang yun ang unang araw na naging kayo. Hindi nagbibilang ng araw. At magmahal na parang yun na yung huling araw na magmamahalan kayo...

At napaka Mariah & Nick lang…

Currently listening to: Love Story by Mariah Carey
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on May 3, 2011 at 09:15 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

I hope you don't mind that I put down in words...

How wonderful life is now you're in the world...

Currently feeling: wonderful
Posted by jjcobwebb on May 4, 2011 at 01:02 AM in Everyday Drama | Post a comment

May mga araw na masama ang pakiramdam ko. Parang walang dahilan para mabuhay. May kulang. Walang nagpapahalaga. Parang tuwing minuto pare parehas na lang. Parang nakita ko na kahapon at nung isang araw pa. Bawat segundo ay napakatagal. Parang hinihila ko sa kawalan. At ang puso ko'y nawawalan na ng dahilan. Nakakatamad na minsan ang buhay ko. Pati mga bagay na ginagawa ko hindi ko na alam baket ko sila ginagawa. Pero may mga araw naman na napakaaliwalas ng buhay. Nakangiti ang langit at ang ulap ay nakaayos para gumihit ng bahag-hari. Hindi ko alam baket ako nakangiti. Mangangawit ang pisngi sa kakangiti. Bawat ginagawa ko nagkakaroon ng dahilan at ramdam ko ang init ng sikat ng araw dahil napakatagal ko ng nanlalamig. Umaasang bawat araw ay sing-init at singanda ng ngayon. Mapayapa. Bago. Masigla...  

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on May 5, 2011 at 12:04 AM in Everyday Drama, Randomness | 1 comment(s)

Sa oras na to, meron taong pinagmamalaki ka. May taong nag-iisip sa yo. May taong pinahahalagahan ka. May nakakamiss sa yo. May gustong kumausap sa yo. May gustong makasama ka. May nagdadasal para hindi ka mapahamak. May gustong humawak ng iyong mga kamay. May gustong maging masaya ka para sa sarili mo. May nagpapasalamat dahil isa kang biyaya. May gusto umakap sa yo. May nagmamahal sa yo. May tumitingala sa lakas mong taglay. May nagiisip sayo at nakangiti siya. Maging sadalan tuwing ika'y may problema. May umiikot ang mundo sayo. May gustong protektahan ka. Gagawin lahat para sayo. May gustong patawarin ka. May gustong patawarin mo. Nagpapasalamat sa pag-intindi mo. Gustong pagtawanan ang nakaraan. May nakakaalala sa yo ngayon at gusto kang makasama. Gustong malaman na walang pagiimbot ang iyong pagmamahal. May gustong magsabi gaano ka nila kinakalinga. May gustong ibahagi ang mga hangarin sa yo. May gustong manatili sa iyong kanlungan. Pinapahalagahan ang iyong pagkatao. Minamahal ka kung sino ka. Gusto kang makasama sa araw araw. Naalala ka sa tuwing naririnig sa radyo ang kanta. Nagpapasalamat dahil parte ka ng buhay nila. May nagpupuyat at iniisip ka buong magdamag. May rason na para mabuhay. May naniniwala na ikaw ang tinadhanang makasama. May gustong mas lalong mapalapit sayo. May nakakaalala ng iyong patnubay at pagpapayo. May nagtitiwala sa yo. May naghihintay ng mga sulat mo. May nangangalingan ng iyong pagtankilik at suporta. May nangangailangan ng iyong pananalig. May pwedeng maiyak o matuwa sa makababasa nito. Ganun ang buhay. Mga oras na pinagsamahan at mga oras na winalang bahala. Mga oras na nasayang. Mga oras na nag-away at nagbati. Tungkol ito sa kulay ng ulap. Ang bughaw na bughaw na ulap. Sa bulong ng hangin at ibon na sinasabi sa kin ang bulong at awit ng iyong puso. Sa patak ng ulan. Sa pagtapos ng bagyo. Sa nasaktan. Lahat tayo ay nasasaktan. Lahat tayo'y nasusugatan. At ganun ang buhay. Wala naman talagang kahulugan ang buhay. Hindi rin ito kayang ipaliwanag. Tayo at ang ating mga natutunan ang gumagawa at nagbibigay ng mga kahulugan dito. 

Currently listening to: Petals by Mariah Carey
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on May 5, 2011 at 04:39 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Hello Mr. T! Musta naman? Haha! This is long overdue na. Last Monday, nagcelebrate si Madam Darlene ng kanyang 40th birthday. Kakaiba celebration niya this year. Hindi kami kumain sa labas. Hindi siya nagparty. Hindi siya nagcheck—in sa isang bonggang hotel or nagout of town. Nagcelebrate si Ate sa Anawin, Home of the Poor. Si Bo Sanchez founder nun. Lahat kami fan ni Bo. Puro libro ni Bo nasa bahay sa totoo lang. So ayun, dun si Ate nagcelebrate ng birthday niya. Nagbahagi siya ng biyaya niya sa mga tao na andun sa lugar na yun. Siguro gusto niya rin mga blessings niya. Umaapaw na kasi. Siyempre lahat kami kasama. Pati ibang empleyado niya sa drugstore kasama rin. Nagkaroon ng maliit na salo salo. Kantahan. Pagbobonding sa mga lolo at lola dun. Nakakatuwa. Ang tagal ko na rin hindi nakakapagbahagi ng sarili sa ibang tao. Iba iba kwento nila. May lola dun na 99 years old na! Nakakatuwa talaga. Tapos iba ang galing kumanta, sumayaw. Nakakatouch.

DSC_0606 DSC_0654
DSC_0544 DSC_0577
DSC_0599 DSC_0610

Nagpunta kami dun bandang 8AM tapos umuwi kami mga bandang 4PM na and then kumain lang sa Amici sa may Greenhills para sa maliit na salo salo with family and close friends and some employees. Sobrang saya, nagpromise si Ate na babalik siya dun and nagpledge ata siya ng mga gamot once matapos na yung clinic na ginagawa sa Anawim. Nakakatuwa. Nakakapagkumbaba yung pakiramdam. Masarap yung pakiramdam na mabahagi mo yung sarili mo at nakapagpasaya ka sa kanila. Maraming ipagpasalamat sa Diyos. Pati sila malaki ang pasasalamat sa Diyos na may ganung lugar na kumakalinga sa kanila. God is good all the time. So ayun nangyari nung birthday ni Ate. Sorry kung ngayon ko lang nakwento Mr. T! Grabe sked ko ngayon. Parang 5 hours lang tulog ko araw-araw. Nahihilo ko pag nasa shift ako. Anyways, may surprise mamaya mga medrep kay Ate, sayang hindi ako makakasama dahil sa shift ko. Kalungkot. Friday na Friday night papasok ako. Ang sipag ko lang! Haha! Anyways, update you soon Mr. T! Higa higa na muna ko dito sa kwarto. Try ko kung kaya ko pa matulog. Pero parang malabo na. Haha! Sige sige. Update you soon. :)

Currently listening to: Saving All My Love for You by Whitney Houston
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on May 6, 2011 at 06:11 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Naaddict ako sa album ni Adele. Hahaha! Kumusta naman Mr. T!? Nakalimutan ko ikwento ko yung team outing namin. Anways, pwede picture na lang? Hahaha! Last week yun nangyari. Pasensya na talaga kung late update. Tuwing outing na lang namin wala akon inaambag. Hahaha! Yung van lang sagutin ko okay na. Hahaha! Ang daya ko lang. Anyways, eto ang picture:

230453_10150233190781079_607976078_8413201_467539_n

O di ba? Ang saya saya namin. Hindi na ko bold star ngayon. Hahaha! Nakatshirt ako kasi ang taba taba taba ko na. Hahaha! Kung dati siguro yan for sure nakatopless ako. Sobrang saya nung outing. Sana lagi na lang outing at hindi na kailangan magtrabaho. Haha!

Anyways, yum kahapon, nagswimming din kami kasama mga relatives, grabe lang, dumive ako ng 30FT tapos tubig na 15FT! OMG lang talaga Mr. T! Parang hindi ko ubos akalain na kaya ko gawin yun. Ang gago lang ng pamangkin ko, tumalon daw ako sabay sumigaw nga “Hindi na kita mahal”. Hahaha! Ang gago lang. Hahaha! Minsan kailangan natin iface ang fears natin. So tumalon naman ako! Ang lalim ng tubig nakakaloka! Kala ko katapusan ko na! Ang tagal ko sa ere. Ang tagal ko rin makaahon sa tubig. Hahaha! Ibang level yung feeling Mr. T! Pagtapos nun iniisip ko paano ko nagawa yun. Ginawa ko na dati yung ganun sa Tali Beach pero hindi ganun kataas at may life jacket ako nun. Pero kahapon wala akong life jacket!! Inisip ko na lang na ako si Mariah video ako ng Honey. Yung tumalon sa pool? Bwahahaha! Feeler! Hahaha! Yung lang sa ending wala naman hot na lalaki na bumuhat sa kin. Hahaha! So ayun…

Nung Saturday naman, birthday ni Archie. So sinundo ako ni Luis dito sa bahay and then, sinundo si Che and then dumirecho ng Cavite. Ang layo di ba? Ganyan namin kamahal mga friends namin. Hahaha! Buti na lang maraming cake sa ref kaya may instant birthday present ako. Hahaha! So ayun, around 6PM nagsimula ang birthday ni Archie. Same as last year, dun ulit sa bahay nila.

220606_1894632339739_1659489706_31929003_1048294_o 220208_1894641179960_1659489706_31929038_2031898_o
bdaychie 225927_1894618179385_1659489706_31928951_1205953_n

Tapos around 11PM kailangan na namin umalis dahil si Che uuwi ng Bulacan and si Luis magaayos kinabukasan dun sa bagong lilipatan nilang bahay. Then dapat, may mga party pa akong aatendan nun. Pero pagod na ko as in. Si Tom nagtext pa na pumunta raw akong Obar at may mga kasama siya. Gusto man ng utak ko pumunta nun, pagod na ko. Sina Marco naman nasa Resort’s World and hinihintay daw ako. Hindi ko na talaga kaya. Matanda na ba ko Mr. T? So umuwi na lang ako ang natulog. Mas masarap matulog kesa uminom at may hangover ka kinabukasan. So ayun nangyari nung weekend. Super close friends lang mga nakabonding ko and family ko. Sina Barry pala gusto nila magBicol this weekend. Eh hindi ko pa sure kung kelan kami pupuntang Hong Kong Mr. T! Ang dami namang out of town. Pwede matulog na lang? Hmmm… at yes, excited na ko sa Justin Bieber concert dito sa Manila. Bwahahaha! Ako na ang fan ni Justin Bieber! Hahahaha! Anyways, update you soon. Masakit pa rin katawan ko sa pag-ahon sa tubig. Hindi kasi lumabas ang buntot at fins ko kahapon. Haha! Anyways, update you soon Mr. T! Love you! :)

Posted by jjcobwebb on May 9, 2011 at 12:07 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Bilis noh? Kauupdate ko lang eto na naman ako. Hahaha! Anyways, kakauwi ko lang ang nagkita kami ni Tom. After ilang years ata. Hahahaha! Basta matagal na kami di nagkita. As in matagal! Ayun, nagkita kami sa Gateway para manood ng Thor. While waiting for the show time, super habulan kami ng kwento ni Tom. Ang dami na namin di napagkwentuhan. Sabi nga ni Tom "bumalik na yung Jacob na una niyan nakilala". Hahaha! Kung baket, amin na lang yun. Hahahaha! Ako na talaga toh. And nung may pinagkwentuhan kami kung tungkol san san, isa lang nasabi ko "at least alam ko na lugar ko. fair enough". Di ba? *Strong Enough ni Cher ang tunog sa background*. Hahaha! Nakakatuwa mga pinagusapan namin ni Tom. Wala talagang paki kung may makarinig sa min. As in lang talaga. Siyempre bawal ko ikwento dito dahil R18 at kontrobersyal dahil may mga taong napagusapan. Hahaha at Bwahahaha! Namiss ko si Tom. Gusto ko ulit pumarty with Tom. Isa si Tom sa mga online friends ko na super naging close kami. As in, malapit na pala kaming mag 4 years as friends! O di ba?

Anyways, ang sarap ni Thor. Hahaha! Ang ganda ng movie. Iba eh. May bitin factor. Ewan ko, bigla akong napaisip, si Quasar ba si Thor? Hahaha! Parang parehas sila ng outfit at ng eksena. Hahaha! Parang nanonood ako ng CGI ng Final Fantasy game sa movie. In fairness talaga, kinilabutan ako nung lumabas si Odin na nasa kabayo sa movie. Favorite part ko yun. Siguro favorite ko rin kasi si Odin. Kahit sa anong literature. Pag nababasa kong may Odin, biglang nagiging interesting ang stuff. Ayun, sarap. Hahaha! Talagang masarap eh noh? Hahaha! Can't wait for Captain America. Tapos ang Avengers. Pati ang Wonder Woman hinihintay ko na rin. Nakakaexcite Mr. T! Ang hilig ko pa naman silang basahin dati. Ngayon, isa isa na silang nagiging movie! Hahaha! Anyways, 9PM ang pasok ni Tom and ako 10PM. So we parted ways pagtapos ng movie agad. Sabi ni Tom pag hiwalay namin:

"Kwento mo next time ha!"

Sabi ko:

"Chaka yun! Huwag na! Hahaha!"

So ayun, eto ko nag-uupdate. Nag-iisip ng gagawin habang hinihintay ang shift ko. Ang ingay ng TV! Ang ingay din ng hangin dahil may bagyo! Congrats pala kay Pacquiao! Galing mo lang! Si Jinkee rin ang ganda na! Kaloka! Anyways, update you soon! I'm back to my old self sabi nga ni Tom. At nagkakilala kami ni Tom nung 2007. So ako na nga talaga toh! Nag-iba raw ako bandang 2008. Stable na ulit pagkatao ko. Hahaha! Akong ako na toh! Me already! Welcome back Jacob! Hahaha! Love you Mr. T! :) Mwah!

Currently watching: TV Patrol on ABS-CBN
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on May 9, 2011 at 06:40 PM in Everyday Drama | Post a comment

Sa totoo lang, hindi ko alam nakain ko at baket naadik ako sa Barbie. Wah! Ang mahal kaya nila! Laging ubos sahod ko sa kanila! Hahaha! Pero tuwing bumibili ako, sumasaya ko. Weird noh? Ewan ko lang talaga baket nangyari toh. Pati yung Barbie #1 and Ken #1 bumili talaga ko! At sa ibang bansa pa! Pati sa Amazon at Ebay pinatulan ko na makabili lang ng Barbie. Sabi nga, hindi na mahihirapan na regaluhan ako. Barbie lang daw magiging masaya na ko. Oo naman. basta dapat Fashionista line ng Barbie. At dapat, yung wala pa ako! Hahaha! Bigla silang dumami ng ganito. 

DSC_0676

199429_10150158082801079_607976078_7970816_6295210_n (1) 188338_10150158082961079_607976078_7970819_716743_n
190376_10150158083296079_607976078_7970827_1324829_n DSC_0243

I’m looking for an original Barbie doll house dito sa Pilipinas. Yung 3 storey. Pero wala akong makita. Meron sa US pero hello naman $200 dollars ++ pa! May shipping at tax pa yun. OA di ba? Hahaha! Sabi ko sa kaibigan ko na simple lang naman makakapagpasaya sa kin, bigyan lang ako ng Barbie okay na. Sabi ng kaibigan ko, good luck! 1k ang isang Barbie, hindi raw simple yun. Hahaha! Naisip ko nga rin. Ang mahal pala nila. Pero napasasaya nila ko pagtinitignan ko sila. Ang inosente kasi eh. Siguro nga deprived ako dati magkaBarbie. Ngayon lang lumabas. Siguro nga. Hahaha! Malapit na pala ang 13th month! Hmmm… lahat yun Mr. T! alam mo na kung san mapupunta! Hahaha! Bay bagong released pa naman na Fashionista dolls. Mwahahaha! Nakakaexcite. I need more space in my room. I love Barbie. I love Ken. Feeling ko mga anak ko lahat sila. Anyways, update you soon Mr. T! :) At sa mga makakabasa nito, magdonate naman kayo ng Barbie sa kin. Or kahit nung damit lang. Mahal din kasi nung damit! Hahaha! Gusto ko magkaroon ng Barbie town! Mwah!

Posted by jjcobwebb on May 9, 2011 at 07:08 PM in Everyday Drama, Gayness | 1 comment(s)

Sabi sa kin nung bata ako, mas maganda raw ang pag-interpret ng pagkanta kung yung mismong singer ay napagdaanan na yung gustong ipahatid nung kanta. Kung masaya ba ang kanta. Malungkot, excited, natutuwa, nagpapatawa, nasasaktan, nagmamahal etc. Kung sino man nagsabi sa kin nun, sayang hindi ko na maalala kung sino siya, tama siya. Pag napagdaanan mo na yung mismong gustong ihatid nung kanta, lalabas at lalabas yung tunay na ibig sabihin nito. Lalabas at mararamdaman ng makikinig dahil ikaw mismo, naranasan mo yun. Tulad ng I Will Always Love You ni Whitney Houston at sa tuwing kinakanta ko toh. Lagi na lang ito nirerequest ng mga tao pag may videoke. Pati manager ko gusto niya pag kinakanta ko ang kantang yan. Pati Nanay ko gandang ganda pag kinakanta ko yan. Kahit pati si Jeffrey. Gusto niya pag kinakanta ko yun. Hahaha! Naalala ko kinanta ko yan sa kasal ng pinsan ko. Ang dami kong nakuhang papuri. Mahirap kantahin yung kanta. Lahat ng technique gagawin para matapos ng maayos yung kanta. Minsan naabot yung mataas. Minsan hindi. Pero ang higit sa lahat, naramdaman nung nakikinig kung anong gusto mong iparating. Alam mo yung pag sinasabihan ka ng "feel na feel" or yung "grabe may pinaghuhugutan" pati yung "okay lang yan. kaya mo yan". Hahaha! Natatawa na lang ako pagsinasabi yang mga yan. Ewan ko rin Mr. T! Siguro nga feel na feel ko rin yung kanta and may pinaghuhugutan talaga ko. Mahirap itago pag kinakanta ko yan. Bawat letra nung song, feel na feel ko lang. Hahaha! Bittersweet memories talaga sabi nung kanta. Wala lang, napaisip lang ako. Napapasmile na lang ako. Siguro nga ramdam na ramdam ko yung kanta. Hahaha! Hay... weird nakangiti ako. Hahaha! Grabe baket wala kong kabitter bitterness sa katawan. Nakakaasar. Sabi nga ng isa kong kaibigan, kahit anong badness raw ang gawin ko, I always end up being good dahil ako ang President ng Goodness Club. Hahaha! Siguro nga. :) Goodness. Love. Happiness di ba lagi Mr. T? :) I'm back. I am definitely back and I got nothing but love :) 

Currently listening to: boses ng manager ko
Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on May 10, 2011 at 02:30 AM in Everyday Drama | Post a comment

Hahaha! Hulaan mo baket ganyan title ko Mr. T? Hahaha! Yes, nanood kami ng concert ni Justin Bieber dito sa Manila kahapon. Kasama ko mga pamangkin ko and yung 2 friends ni Page. Sobrang saya lang. Hahaha! Karamihan puros bata nanood. Tweens at mga teens and young adults. Yung ibang matatanda either nanay or tita at tagabantay lang. At naconfiscate SLR ko! Galing lang! Tulad ko kahapon. Pero nag-enjoy ako sobra since alam ko rin mga kanta ni Justin Bieber. Magaling siya. Talented na bata. Pero hindi pa rin ako nagwagwapuhan sa kanya. Maraming nagwagwapuhan sa kanya pero ako hindi. Sige ako na ang choosy. Weird lang ng boses niya ng live. Boses palaka. Hahaha! Nagtweet siya na may sakit daw siya and nagsuka after concert. Maybe that can explain his voice that night. Galing niya magsayaw! Magdrums, mag gitara at mag Dougie. Hahaha! From 4PM nakapila kami dun as MOA. 830PM nagsimula ang show. Sobrang saya. Parang party party. Namiss ko tuloy pumarty. Hahaha!

DSC_0994 DSC_0973
DSC_1003 DSC_0012
DSC_0027 DSC_0026

Anyways, before pala ng Bieber, nagcelebrate kami ng 10th birthday ni Emo sa Manila Hotel. Eat all you can as usual. Ayun, so hindi na ko natulog. Straight from office hanggang matapos ang concert. Gising ako. Halos 26 hours akong gising at ang powerful ko pa! Epekto ata ng Milo at espresso shot sa pantry. Hahaha! So ayun, mga super close relatives lang ang invited. Then after nun dumirecho na sa MOA.

Ayun, ang saya lang kahapon. Buti na lang nakaleave ako. May gagawin pa pala akong Powerpoint hindi ko pa nasisimulan! Hahaha! Anyways, di Kobe naman ang may birthday ngayon. Isa ko pang pamangkin. So may handaan sa bahay maya maya. Lagi na lang may kainan! hahahaha! Good luck talaga sa katawan ko pagtapos ng taon na toh. So sige yan muna update ko Mr. T! Update you soon! :)

Posted by jjcobwebb on May 11, 2011 at 05:28 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment
« 2011/04 · 2011/06 »