Entries for December, 2010

Hello Mr. T! Kumusta ka naman? Hahaha! Ako basag na naman! Joke lang! December na grabe ang bilis. Kagagaling ko lang mula sa sakit. Tas eto ko, ang galing ko lang din, party party na naman. Grabe, hindi kasi ako lumabas last week. Tulog ako ng tulog kaya siguro ako nagkasakit! Sabi nga nila, hindi sanay katawan ko na nasa bahay lang at walang iniinom na alak. Alcoholic na ba ko Mr. T? Hahaha! Hindi pa siguro. Malapit na! Grabe parang ang laki laki ng problema ko di ba? Inom ako ng inom? Haha! Sabi nga ni Che, dun lang kami sumasaya. Sabi ko, parang hindi rin naman! Sumasakit lang ulo namin! Hahaha! Anyways, lahat ng ng tinik sa dibdib ko nalabas ko na. Inuulit ko, wala akong sama ng loob kahit kanino. Ayoko ng may kagalit at may kaaway. Anyhows, marami na naganap Mr. T! Sobrang dami ko ng hindi nahabol na kwento sa mga kaibigan ko. Habang ako'y tulog na tulog nung linggo pagtapos ng birthday party ko, ang dami ng naganap. 

Nung weekend nagkita kami nina Barry, Rhitz and Sabs. Kinita ko na rin si Paul. Tas naghanap kami ng lugar kung san magChriChristmas dinner. Super chill lang talaga kami nun. Tas nakakita ko ng isang Barbie na Christmas Tree! Natuwa ako sobra! Hahahaha! Then nung Sunday, Mass with family pero nagshopping ng mga halaman dun sa may Q. Ave. Nasa Foursquare ko pangalan nung lugar. Then Sunday night, bumigay katawan ko. Nagkatrangkaso ako and for 2 consecutive days, nakaSL. Shopping Leave. Joke lang. Sleep Leave ang ginawa ko. Grabe lang yung sakit ko. Kala ko nagkadengue na rin ako. Salamat naman sa Diyos hindi. 

Balik tayo sa mga latest chika, break na si Robert and Luis. Yes, after 4 years. Wala ng sabi sabi at usap usap. Wala ng away away. Si Robert mapayapang kinuha mga damit niya sa bahay ni Luis. Sa totoo lang, ako napapagod for Luis nung sila pa ni Robert. Nasasayangan ako sa apat na taon nila Mr. T! Pero kung nag-gagaguhan lang sila at ganun ang ugali ni Robert, mas okay na siguro na maghiwalay sila. At mas masaya ngayon paglalabas na kami nina Luis. Hahaha! All the single ladies na ang eksena namin. Wala ng harang at kung ano ano pa! Pero yun nga, kasad na buti naman! Some good things never last ata talaga siguro. Siguro lang naman. Malay natin magkabalikan sila di ba? Or malay natin, hindi na talaga. Tas si Archie naman may bagong boylet. Hahaha! Nakakatuwa mga kaibigan ko. Ang gaganda lang talaga nila! Wala akong masabi. At straight ang boylet ni Archie. No comment na talaga ko sa kagandahan ni Archie. Bwahaha! Nakakamiss sila. Namiss ko lumabas kaya lately labas ulit ako ng labas! Hahahaha! At nagkita kami nina Kevin at Luis sa DLSU nung isang araw dahil sobrang atat ako sa mga bagong balita. Kagagaling ko lang ah! Hahaha!

Si Jeffrey Mr. T! Nakakatuwa, active siya sa Facebook lately. Dun na lang kami nagkakahabulan ng kwento. Namiss ko bigla nung lagi akong pinopoke ni Jeffrey sa Facebook. Hmmm... at yun, mukhang ayaw na niya sa trabaho niya. Maghahanap raw siya ng office job. Lagi raw siyang pinapagalitan. Dapat magcocomment ako ng kung ano ano na naman kaso pinigilan ko ang sarili ko dahil alam mo naman na sensitive lately si friend. Baka ma friendship over na naman ako sa kanya. Pero mukhang maayos naman kami lately. At nagcocomment comment na siya sa Facebook ko ulit. Siguro hindi lang busy. Masaya nakakatuwa. I miss Jeffrey

Si Barry naman malaking eksena. Binook kaming 3 nina Rhitz sa Singapore sa February 13-15, 2011. Para wala raw kaming date. Shet lang. Natawa ko sa dahilan ni Barry. Fine fine, for the past Valentines Day hindi ko sila nakakasama at lagi kong kasama si Chris nun. Bibigyang tuon ko naman ang mga mahal kong kaibigan. Sabi ko kay Barry di ko babayaran yung pinangbook niya dahil without consent yun! Hahaha! Joke lang naman. Grabe, paulit ulit naman akong pupunta sa Singapore. Ngayong December pati next year. Ginawang bakasyunan? At dapat pagpunta ko dun, tuparin ni Aldrich ang kanyang promise pag pumunta ko sa Singapore! Libre niya lahat! Hahaha! Aba dapat lang ang yaman yaman niya na! Hahaha!

Marami ng nakaplano this coming weekend. Namiss ko ang last weekend. Grabe, parang week long celebration birthday ni Marco Mr. T! Marco na pinsan ko ha! Super inuman talaga! Pumapasok ako ng office ng may tama! Tama ba toh? Ahahaa! Speaking of office, kakanta kami All I Want For Christmas Is You ni Mariah as opening number. Tapos hmmm... parang gusto ko na rin magbackout sa Trend's Got Talent. Basta. Hays... tas sabay pa yung pharmacy Christmas party. Sana nahahati ko sarili ko. Nahihiya lang ako magsabi na ayoko na sumali. Weird sobra eh. Hmmm...

Update you soon Mr. T! Kanina pa ko natutulog dito sa office kaloka! Antok na antok ako! Tatawag ako sa bahay para ibukas aircon sa kwarto mga 1 hour bago ko umuwi para pagdating ko, tulog na lang! Hahaha! Ang tamad! Sige sige, update you soon! Mwah! :)

Currently listening to: chismisan ni Dan and TJ sa likod ko
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 3, 2010 at 05:29 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Nagising ako kanina mga 4:30am. Kinuha ko iPad ko para magcheck ng email at ng Facebook at ng Twitter. Nawala antok ko sa email na bumungad sa kin:

jacob, 

May favor sana ako sayo. Paki alalayan lang si ****** kelangan ka nya importante lang please. Yokong habang buhay nya dahilin ung saket na nararamdaman nya please lang. Ikaw lang daw tunay niyang kaibigan. Mawawala muna ako sakanya ng ilang taon may mga aayos lang ako. Salamat Jacob :((

- ***

Kung ano mang nangyayari sa kanilang dalawa, pagdadasal ko Mr. T! Straight tong kaibigan ko Mr. T! Bigla naman akong kinabahan...

Currently feeling: scared
Posted by jjcobwebb on December 14, 2010 at 04:04 AM in Everyday Drama | Post a comment

Share ko lang. Para naman medyo matawa tawa. Tawa kasi ako ng tawa nung nabasa ko to eh. Hahahaha!

1. Ampusyaw - taeng hindi normal ang kulay.green,black,red.

2. Ruminad - taeng putol putol.

3. Jackspot - taeng mahaba at isang irihan lang.

4. Bugret - taeng basa at my mga kasamang mais at cornick.

5. Nisaysay - taeng tubig.

6. Bugisak - taeng sabog sabog.

7. Rambot - taeng maliliit at isang oras itatagal mo sa banyo bago lumabas lahat.

8. Durindin - taeng ayaw lumabas at nangbibitin.

9. Hudini - tae na kusang lumulubog.

Nakuha ko toh sa Twitter. Grabe, at talangan nasa Favorites ko siya. Hahahaha! Namula ko katatawa. Hahaha! Update you soon Mr. T!

Currently listening to: boses ni Merry
Currently feeling: funneh
Posted by jjcobwebb on December 15, 2010 at 02:50 AM in Everyday Drama | Post a comment

Feel ko lang naman! Hahaha! At wish ko lang talaga! Musta na Mr. T! Eto, nag-aayos na lahat ng tao sa bahay dahil bukas na alis namin papuntang Singapore. Nasa kwarto akoni Bruno. Hindi ko mahanap laptop ko at dito ako nag-uupdate. Hindi naman ako makapagupdate sa iPad. Ilang beses na ko nag-attempt magblog from that device --- ayaw. Anyways, buong pamilya kaming aalis bukas. Ay, hindi pala lahat, hindi kasama si Papa. Ayun, sana matuloy din pagpunta namin sa America next year para masaya. Though marami pang kailangang ayusin na papel. Haha! Sobrang dami na ng nangyari Mr. T! Isa sa mga highlights ng nakaraang linggo eh ang Christmas party ng company namin. Well, nagdiva divahan ako Mr. T! Bwahaha! Parang Christmas Special ko talaga yun! Haha!  Eto ang pictures:

photo 

Pwede ring Subtle Bliss Live in Madison Square Garden or Subtle Bliss: One Night Only (Live from Staples Center). Feelingero talaga amputa! Hahaha! Wala, matagal tagal na rin akong hindi nakakanta sa harap ng maraming tao. Yung outfit ni Mariah sa Tokyo 1996 chinachannel ko niyan, sabihan ba naman akong Boy George! Leche! Though hot si Boy George dati. Hahaha! Last time kong kumanta na sobrang dami ng tao nung sa DSLU pa ako. Hahaha! Ang sarap ng feeling Mr. T! Ngayon ko lang naramdaman na masarap kumanta sa harap ng maraming tao. Sa totoo lang, malat ako nung Christmas Party. As in siguro na napunit lalamunan ko kapapractice sa kantang di ko naman gusto. Under Pressure yung kinanta ko. Original ng Queen and covered by My Chemical Romance. Very very straight na song. Sabi ko nga, Bringin’ On the Heartbreak na lang iisipin ko. Nagawang ballad ni Mariah Carey yung kanta na originally rock ang genre. Baket ang feeling ko lang talaga? Hahaha! Anyways, magkasabay yung party ng Planet at ng sa office Hahabol pa sana ako sa Planet nun kaso sobrang traffic. Ninais ko na lang magpahinga sa table at manood ng mga sumunod na performance. Nanalo performance namin. Magkano rin napanalunan namin. Pamasko na rin. Pagtapos na pagtapos ng raffle draw, hindi na ko pumarty at uminom dahil naramdaman ko talaga ang salitang “wasted”. Buti hinatid ako ni Rolfe and Janna sa bahay nung gabing yun. At kaloka, hahaha! Meron sa office ibang department, yung sa lalakeng super nakatitig ako nung sumasayaw sila. Hot talaga! Sabi ng mga officemates ko kahawig ko raw yun matangkad lang yung guy. Pero iba kasi aura nung lalake. Malamang aurang lalake! At straight. Iniimagine ko ulit itsura niya. Kung kahawig ko man yun, so pag naging lalake ako hot ako? At pagnanasaan ko sarili ko? Hahaha! Hahanapin ko yun! Haha!

Dami na nangyari lately Mr. T! Lumabas kami nina Barry and Rhitz para magdinner lang kinabukasan nung Christmas party. Nagplan na rin kami ng annual post-Christmas dinner namin. Sina Luis and Che hindi ko na nakikita. Naasar lang ako dahil sabi ko magkita kami ni Luis bago kami umalis ng Pilipinas dahil pagbalik ko, nasa Saudi na siya and next year na kami magkikita. Sabi niya busy siya dahil exams. Malaman laman ko magkakasama sila nina Kevin and others. Nainis ako sorry talaga. Nagtatampo lang siguro ako. Tapos yun, lumabas labas kami ni Paul. Tas kasama si Ardie na bet ni Paul. Hahaha! Tas ang bait pa ng kapatid ko, sinundo kami sa Greenhills tapos hinatid sina Paul at Ardie sa Pasay. Oh di ba? Ang layo. Feeling ko ganun din ako kabait pag nagdrive na ko --- next year. Hahaha! Pero naiisip ko lagi akong lasing. Advisable ba Mr. T! na ako ay magdrive? Hmmmm… parang hindi. Hahaha! When everybody drives and has a car, hindi na masaya. Wala ng bonding moments sa loob ng kotse. Wala ng emote habang pauwi. Chaka baka bigla akong magkajowa pag nagdrive ako. Char lang! Hahaha! Pero pag wala na talagang taxi, tulad ngayon, epal mga taxi, nagsisisisi ako. Pero nabubuhay pa naman akong hindi nagdadrive. I can live without it sa ngayon. Kahit naiinis na sa kin magulang at mga kapatid ko.

Wala munang emote sa entry na toh Mr. T! Hindi ko alam kung kelan ako ulit makakapag-update. Siguro pagbalik na naming Pilipinas. At yes Mr. T!, alam mo naman siguro na first time akong mag-oout of the country. Hindi ako nakasama sa Thailand with Family last November. Wala lang, excited ako na parang hindi. Kasi Asia lang naman yun. Pero experience na rin. Sina Marco nasa Singapore din pala. Nagyayaya na agad ng inuman dun. Hahaha! Hindi pa ko naghahanda ng mga dadalhin ko. Sa 23 na balik namin Mr. T! Halos isang linggo rin yun. Tas pinapaaral pa sa kin paano gamitin ang SLR na camera. Grabe, wala talga sa bokabularyo ko ang SLR. More of point and shoot camera ang gusto ko para hindi effort. Pero marunong na ko gumamit. Haha! Parang tanga lang ako noh? Hahaha!

So ayun muna updates ko Mr. T! Ay oo nga pala, grabe kilig na kilig ako sa duet ni Blaine and Kurt sa Glee. Leche di ba? Hahaha! Gusto ko ng jowa na magaling kumanta! Tas kanta kanta kami halos araw araw. Iikot love life namin sa music. Dun kami magcoconnect sa music. Dun namin eexpress love namin sa music. Kakantahan niya ko. Kakantahan ko rin siya. Hahaha! Bibirit kaming dalawa! Hahaha! Nakakatuwa. Ang sarap isipin. Napasulat ako ng blog entry na Subtle Bliss: The Musical kaso baka mastress makakabasa nung entry na yun. Parang ang specific ng mga tao! Ma-issue na naman ako. Hahaha! Saka ko na ipopost pag malakas na ulit loob ko. May nagtanong sa kin kung SMP (Samahang Malalamig ang Pasko) raw ako. Sabi ko “Hindi naman Valentines day ang Pasko at for 25 years, wala naman akong love life. Ibang SMP alam ko, Samahan ng Magaganda sa Pasko! Hahaha!” --- natawa ko sa sinabi ko. Baket kaya ibang tao hindi makali pag wala silang jowa? Ako --- masarap lang mangarap. Hahaha! Masaya na ko sa ganun. And adult na ata talaga ko. I should start acting as one. Dami ko ng nasasaktan sa pagkaisip bata ko.

Marami akong gusto isulat Mr. T! Hindi ko lang macompose thoughts ko. Parang naiisip ko sila pagnaglalakad ako pero pagkaharap ko na ang laptop, nawawala sila. Parang gusto ko tuloy gumawa ng private na Twitter para pag may pumasok sa utak ko dun ko ilalagay. Anyways, update you soon Mr. T! Hindi ako makakapunta sa mga party na mangyayari ngayong weekend. Birthday pa naman ni Sabs bukas and may Christmas party sa bahay nina Tearra. Marami akong mamimiss. Pero yun nga, family always comes first. Masyado na kong nagpaparty nun nung nasa Thailand lahat sila. Ngayon, sasama naman ako para makasama sila and since may pasok ng Pasko at New Year, sa trip na lang na to ako magmamake up para dun. Di ba Mr. T!? I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you. Sobrang hirap matulog ngayong schedule ko pero buhay pa naman ako. Salamat sa Diyos. Update you soon Mr. T! :)

Currently listening to: Misty Moon by Mariah Carey
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on December 16, 2010 at 06:12 PM in Everyday Drama, Updates, Mariah, Gayness, Food and Dining, Family | Post a comment

Hello hello Mr. T! Namiss na kita. Kung nakausap mo si Twitter, siguro alam mo na kung san ako galing. Yes, sa Singapore. At alam na alam mo na first time kong makalabas ng bansa. Hahaha! Dahil this year lang ulit narenew ang passport ko. Nung nag-US di ako nakasama. Nung Australia hindi rin. Nung nagSingapore sina Rhitz hindi rin. Nung nagyayang magHong Kong si Barry hindi rin. Nung nag Thailand hindi rin. Hahaha! Kasi expired ang passport ko ilang taon na ang nakalipas. Hahaha! Pero ayun nga. Sobrang iba ang feeling sa ibang bansa. Though hawig ang mga tao sa Singapore dito sa Pilipinas (malamang Asians!), iba pa rin yung feeling. Lalo na at right-hand drive sila. Feeling ko mamatay ako dun pagtumatawid kami. Prone pa naman ako sa bundol at tatanga tanga ko pag tumatawid.

Anyways ayun. Maliit lang ang Singapore Mr. T! Pero wala akong masabi sa disiplina ng mga tao dun. Ang linis ng kalsada. Mga tao hindi nagyoyosi kung san san. Ang ayos ng traffic system. Wala kong nakitang skwater. Puro turista. Walang pekeng mga bags at kung ano mang mga napepeke dito sa Pinas. may tax refund. Kumpleto sila ng accessories ni Barbie dun. Hahaha! Yung tawiran nila ang ayos. Walang pasaway na tumatawid. Ang bus may oras di tulad dito ikaw pa hihintayin ng bus. Ang MRT nila mga corporate people ang gumagamit. Hindi ka na magbabayad ulit kung lilipat ka ng train sa MRT nila. May refund din yung MRT nila! Puro puno ang paligid nila. Ang ayos ng mga sidewalk walang mga nagtitinda tulad dito sa Pinas. Walang takatak boys. Ang kalsada para sa kotse lang talaga. Ang over pass para sa mga tumatawid lang talaga. Grabe parang ang safe safe na lugar. Kahit nakatsinelas kami the whole time nung naglalakad kami, ni hindi umitim paa namin. At ang mga ilog nila walang basura. Ang daming attractions. Ang gaganda ng mall. Wala kong masabi. Sobrang ayos. Sobrang ganda.

image

Pero yun lang ang maganda sa kanila. Hahaha! Sa Pinas maraming peke! Mas makakatipid! Hindi mo kailangan magmadali dahil ang bus sobrang dami. May jeep pa! May taxi! Ang MRT dito parang sardinas. May thrill! Hahaha! Dito may Makati, the Fort, Enchanted. Hahaha! Maraming beach. Dun wala. Dito masarap ang pagkain. Though puros maanghang dun at i like talaga! Meron din naman ditong Bicol Express. Hahaha! Dito kahit san pwede magyosi. At hindi $18 per bottle ang beer dito! Sa $18 na yun, lasing na ko! Hahaha! Dito may mga nagtitinda sa bangketa. Pwede kang magshopping sa kalsada. Dito may Divisoria, may tricycle. Hahaha! Hindi ka huhulin kung bet mong dumura kung san. Hindi mo kailangan ng basurahan para magtapon ng basura. Dito ang ilalim ng tulay pwedeng maging bahay. Dito lahat magulo pero sanay mga Pinoy! Dito mura lang malasing. Ang sistema dito magulo. Pero yun nga ang masaya, magulo pero lahat masaya at para sa Pinoy, maayos yun. Hahaha! Mas gusto ko pa rin dito sa Pinas kahit ang ayos ayos sa Singapore. Di ako pwede dun. Di ako maayos eh. Utak ko pa lang di na bagay dun. Hahaha!

Anyways, sobrang saya Mr. T! Nag Sentosa kami, Singapore Flyer, Universal Studio, Marina Sands, Ocean Park, Pagawaan ng alahas, Casino, Songs of the Sea, yung Place na Puros Orchid, Orchard Road, Ion Plaza, Lucky Mall, MRT, nagBus, Raffles Hotel, Sa Merlion, China Town, Buddhist Temple etc. At nawala pa ko. Hahaha! Kumpleto na sana ang buong cast ng pamilya Mr. T! Si Papa na lang ang wala. Sumama rin si Wena yung maid ni Ate. Si Allan ang stress reliever ni Ate. At yung jowa ni Bruno kasama rin. Ay may kulang pa pala, jowa ko. Char! Wish ko lang! Hahaha! Mineet din naman si Ate Babylyn dun yung asawa ng pinsan ko. Ayun, sobrang saya Mr. T! Sabi nga ni Barry pagpunta namin dun ano pa gagawin ko kung lahat ng singit ng Singapore napuntahan ko na? Hahaha! Oo nga!

Shopping to the max si Madam Josie and Madam Darlene. Isang Chanel na bag. 4 na LV na bag. 2 Gucci na bag. 2 LV na shades. SILA NA!!!  Kastress sila panoorin magshopping sana ganun din ako in the future. A boy can dream --- este gay. Hahaha! Bwiset di ba? Ako nabili ko lang yung iPad connector na super mura. HDD na 500GB na super mura. Tas Barbie car and Barbie pool na wala dito sa Pinas. Tas mga ilang t-shirts at pasalubong. Hampas lupa ko lang. Hahaha! Yayaman din ako!!! LOL! Pero super laki ng tax refund na binalik sa min Mr. T! Halos $4000. Nastress ako nung nagcompute ako ng total na binili kung 7% ang tax refund. Baket walang tax refund sa Pinas? Tas di pa nakuntento ang mga gaga mega shopping pa rin nung mga binebentang kyeme sa eroplano. Ayaw paawat. Parang walang bukas kung gumastos.

Sabi ni Ate sa summer daw Australia or Japan naman daw. Wish ko lang matuloy dahil sa schedule niyang pangmayaman, mahirap na naman magset ng lakad. Masarap pala lumabas ng bansa Mr. T! Nakikita mo ibang kultura ng mga tao. Napaisip ako tuloy, paano sa Europe noh? Dun lahat iba pati mga tao. One day pupunta ko dun. Ayun, nagamit ko rin Mandarin skills ko ng onti sa Singapore. Pati English. Hahaha! Masaya Mr. T! Sana lang next time si Papa andito na. Tagal ng pinagreresign ni Ate ayaw pa rin magresign. Siguro may pamilya na sa Saudi yun? Hahaha! Sana naman wala. Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Christmas na. So Christmas entry ang kasunod nito. New Year na rin sa susunod na linggo, so mga year-end entries na halos isusulat ko. Sige sige, bibilhan ko muna mga teammates ko ng regalo. Balik trabaho na ko ulit mamaya :) 

P.S. for the first time, sumagot sa kin si Jeffrey ng “Secret” nung may tinanong ako sa kanya. para kong nasampal! Hahaha! o well, mababalik din sa dati ang lahat. naniniwala ako :)

Currently listening to: Paul's chat window
Currently feeling: birds chirping
Posted by jjcobwebb on December 23, 2010 at 01:45 PM in Everyday Drama, Updates, Family | Post a comment

Dear Santa Claus,

Siguro naman nakakaintindi ka ng Filipino di ba? Kasi kung hindi, paano mo malalaman dati yung mga hiling ko na nilalagay mo sa medyas ko tuwing Christmas Eve? Naalala mo pa ba yung mga niregalo mo sa kin? Yung mga chocolates na nilagay mo sa medyas ko pag tulog na ko sa gabi bago magPasko? Ako naalala ko lahat ng binigay mong regalo sa kin. Mga chocolates at laruan pati mga damit. Pati yung mga bills and barya nung medyo lumalaki na ko. Hinding hindi ko makakalimutan yung caterpillar na nilagay mo sa medyas ko nun. Ang laki laki niya pero napagkasya mo dun sa medyas kong maliit. Tinatanong ko nga nanay ko kung nakikita ka niya nun sabi ng nanay ko oo. Sa bubong ka dumadaan tas bababa ka na lang mula sa bubong gamit daw yung ladder. Wala kasi kaming chimney so hindi ka makakababa nun. Ay oo, sabi ni Mama nun, nagtatagalog ka raw. Pero bakit ganun, ang kondisyon talaga para malagyan mo kami ng kapatid ko ng mga regalo sa medyas namin ay kailangang tulog kami? Hahaha! Ang dami kong ala-ala tuwing sasapit ang Christmas morning. Ako pinakaunang taong gigising sa araw ng Pasko para tignan yung medyas ko. Tas magyayabangan kami ng mga pinsan ko sa mga regalong binigay mo sa min. Hihintayin pa rin kita mamaya at titignan ko kung maabutan kita at makikita. Tignan mo yung picture na nilagay ko dito, umaga yan ng Pasko siguro mga 7 years old ako. Sobrang saya namin ni Bruno dahil ang dami mong nilagay sa mga medyas namin. Ikaw ang dahilan ng mga ngiti na yan.

16122009308

Pero Santa, hindi na ko bata ngayon. Yung mga gusto ko hindi ko alam kung kaya mo pang ilagay sa maliliit na medyas na sinasabit ko sa noon. Hindi na rin siguro kasya yung mga gusto ko sa mga karton ng regalo sa ilalim ni Christmas tree. Mga regalong excited ako bukas nun pag sapit ng Pasko. Santa, kaya mo pa ba ibigay mga gusto ko? Hindi ko na kailangan ng laruan or chocolates or canday or mga perang nilalagay mo sa medyas ko nun. Sapat na siguro yung kaligayan ko nun sa caterpillar na laruan nung bata pa ko. Sobrang napasaya mo ko nun and hindi ko makakalimutan yun. Iba ang gusto kong ilagay mo sa medyas ko ngayong gabi. Hindi alak, hindi lovelife, gadget or kung ano man. Hindi kung anong para sa sarili ko lang.

Sana Santa, kaya mo ilagay sa medyas ko mamayang gabi yung pagpapatawad ng ibang tao. Sa mga taong nasaktian ko, sana mapatawad na nila ko. Hindi ko sinasadya masaktan sila. Alam mo namang minsan talaga naughty ako pero I’m really really nice. Gusto ko ng maayos ang mga hidwaan na nagkaroon ako ngayong taon. Kaya mo ba yun ilagay sa medyas ko mamayang gabi? Gusto ko rin muling mapalapit sa mga taong unti unting nalayo sa kin dahil sa ugali kong sira ulo minsan. Sana maibalik yung dati naming pagiging malapit. Sana rin Santa, kaya mong ilagay sa medyas ko ang pagpatawad naman sa ibang tao. Ang pagtanggap ng mga bagay na hindi ko kayang tanggapin. Na maging bukas ang utak ko sa maaring mangyari sa buhay ko. Na mahalin pa rin ako ng mga taong sa paligid ko sa mga susunod pang taon. Na maging masagana ang pamilya namin. At si Papa bumalik na dito sa Pinas para kumpleto na kami. Sana walang ayaw. Walang nagkakagulo. Lahat maayos. Walang magugutom. Walang manlalamang. Sana malagay mo rin yung pagkakaintindihan. Sa pagitan ko at ng ibang tao. Na sana laging masaya. Na sana, kung pwede lang walang malungkot. Lahat magkakaibigan at walang magkaaway. Laging goodness. Laging happiness at lahat maniniwala sa love. Yun ang hiling ko ngayong Pasko Santa. Magsasabit ako ng medyas ko mamaya, baka sa sakaling mapagkasya mo silang lahat dun. Sana mapagbigyan mo ko at mapaligaya tulad nung caterpillar na laruan na binigay mo sa kin nung bata pa ako. :)

Love,

Jacob a.k.a “Jobo”

P.S. Sa bubong ka ba dadaan mamayang gabi ulit? :D

Currently listening to: Santa Claus Is Coming to Town by Mariah Carey
Currently feeling: anticipating
Posted by jjcobwebb on December 24, 2010 at 06:37 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment

Hello Mr. ! Ayun, tapos na Pasko. Tapos na rin birthday ni Chris and ni Kristine. New Year na. Ilang tulog na lang. Dapat na kong gumawa ng mga year-end entries ko. Grabe walang tao sa bahay ngayon. Puros kuliglig naririnig ko. Anyways, naging tradition na namin nina Barry and Rhitz magpapicture every year sa loob ng car ni Barry bago matapos ang taon. Sa Venice Piazza kami ng year-end bonding. Hindi kami kumain. Nag-gellato lang kami since sobrang busog kami. Kasama ko family ko manood nung Chinese acrobats sa Araneta bago kami magkita. Muntik kaming hindi matuloy 3. Buti natuloy dahil si Barry mag-aabroad or nasa abroad na ngayon. Anyways, pictures…

 DSC_0871

2009 2008
2007

Grabe, patanda na kami ng patanda noh Mr. T? Wahhh… masaya ko na hanggang ngayon si Barry and Rhitz andiyan pa rin. Nakakalungkot at the same time dahil yan din yung taon na wala si Jeffrey sa piling namin. Pero tulad nga ng lagi naming sinasabi, kung san masaya si Jeffrey dun kami. At ayan, nakakatuwa. Ano na kaya itsura namin pagtapos ng 2011? Nakakatuwa noh, si Barry and Rhitz pumapayat. Ako lang tumataba. Hahaha! Update you soon Mr. T! :)

Posted by jjcobwebb on December 29, 2010 at 08:29 PM | 1 comment(s)

Mr. T! ilang oras na lang 2011. Ang bilis grabe. Madagdagan na naman ang taon ko at taon natin na magkasama. Anyways, isang mabilis na pasada sa mga nangyari sa buong taon ngayon 2010. Alam ko na hindi naging maganda ang 2010 para sa kin. Sa totoo lang gusto ko na siya matapos. Sobrang gusto ko na mag 2011 and gusto ko makita what’s in store for me. Hindi na dapat ako gagawa ng yea-end entry pero sige, since every year-end gumagawa ako nito, sige. Pero kakanta muna si Mariah:

Maraming nangyari ngayong 2010. Maraming magaganda. Maraming hindi maganda. Isa na sa pinaka hindi ko makakalimutan sa 2010 ang pag-alis ni Chris papuntang America. Isang highlight din ng taon na toh ang aming whirlwind romance ni Benson. Haha! Natatawa na lang ako pag-naalala ko. Siguro epekto ng pag-alis ni Chris yung mga nangyari sa min ni Benson. Masisisi mo ba ko Mr. T! Tao lang ako. Hahaha! Tapos siyempre sino makakalimot kay Alvin. Ang unang unang taong gumera sa kin sa blog. Wala na sa kin yun Mr. T! Madali akong makalimot at magpatawad. Isa pang hindi ko makakalimutan ngayong taon na toh ang pag-away sa kin ng jowa ni Migs. Hindi ko naman alam na magjowa sila nun. Hello naman din, as if may ginagawa kami ni Migs nun na masama. Lumalabas kami bilang magkaibigan. Ang pag-iyak ni Migs hindi ko rin makakalimutan. Ang singsing na binigay niya na hindi ko na kahit kailan maisusuot. Siyempre, sinong makakalimot sa tampuhan na nangyari sa pagitan namin ni Jeffrey? Ako hindi ko makakalimutan yun. For the first time, natuto kong itikom ang bibig ko at isipin muna mga dapat kong sabihin sa mga tao.

Sino rin bang makakalimot sa mga lasing moments namin ngayon nina Luis and Che? Mga bago kong friends from South. Sino rin makakalimot kay nakakabuwiset na Evan na sinabaya pa yung party niya sa party ko? I forgive him. Sino rin makakalimot sa ilang beses kong pagnood ng Dear John? Ang Valentines Day date namin ni Chris? Ang pag-away sa kin ng ex ni Luis? Ang pagmomove on ni Che? Ang mga bago kong Twitter friends. Ang party of the year --- birthday ko. Ang Singapore? Ang Thailand? Ang pagbalik ni Jeffrey sa Pinas? Ang first ever real job ko? Ang Distillery? Na kaya ko pala magmahal ulit? Na iisa pa rin hanggang ngayon ang laman ng puso ko?

Ang mga tao sa Trend Micro na sobrang totoo. Ang pinapakita nilang pagtanggap sa kin kahit sira ulo ako. Ang pagiging Alice in Woderland ko nung Halloween party. Yung pagsali at pagkanta ko sa Christmas party. Mga videoke moments namin. Inuman moments. Mga team building. Mga pizza at pansit na walang tigil namng pinagkakain sa office. Mga tawanan sa office na kala mo hindi kami nagtatarabaho. Sa mga oras na tulog ako sa office at ginigising ako pag tapos na break ko. Ang paglipat ng office from Eastwood to RBC Ortigas. Sa mga managers na naging friends ko na rin. Pinakita sa kin ng Trend na pantay pantay ang mga empleyado.

The elusive iPhone 4. Ang pinakabagong iPad. Macbook Pro. Samsung Galaxy Tab. Blackberry. iPod 4. Lahat ng mga kagadgetan na nauso ngayong taon na toh at hindi ko pinalampas. Ang Lady Gaga headset ko.  Ang pestend n97 and ang n900. Ang n8 na sa tingin ko ganun pa rin. Daming nauso. Daming hindi na uso. Ano kaya meron sa 2011? Ang mga clubs songs dahil parang naging bahay namin nina Luis ang Obar at Malate. Ang White at Black Party. Ang walang katapusang inuman at kape at sayawan at tawanan.

Siyempre hindi ko makakalimutan nung nadengue si Bruno and Page. Nung si Barry and Rhitz sumugod sa ospital nung kailangan ng dugo. Kahit madaling araw pa nun. Salamat naman sa Diyos gumaling sila. Siyempre kasama sa 2010 nung na-ospital ang poodle namin. Na parang tao yung na-ospital sa sobra naming alala. Sa pagbukas ng 2 branches pa ng drugstore? Ang paglipat namin sa bagong bahay. Ang pagkamatay ng pinsan ko sa America hindi rin pinalampas ng 2010. Ang pagiging close ulit ng magbest friend na si Ate and si Ate Emy. Ang pagiging malapit ulit namin ulit sa Webb side. Ang graduation ni Bruno? Ng makapasa si Bruno sa boards? Oathtaking? Ang family picture sa Nueva Ecija nung napadpad kami dun. Sofitel party nina Kobe and Emo. Puerto Galera. Ang Diamond Hotel celebration ni Bruno? Nung malaman naming may anak na mga pinsan namin. Ang mga balikbayans from the US. Ang pagpapaliwanag kay Bambi ng mga bagay bagay. Ang aking mga Barbie Dolls na dumami ng dumami. Ang mga pamangkin ko na madalas kong nakabonding ngayong taon.

Salamat 2010 pinatatag mo ko. Marami kang naturo sa kin na hindi ko alam noon. Mga pagpapahalaga sa relasyon sa ibang tao. Na nakakasakit na pala ko ng hindi ko alam. Ang pag-isip bago magsalita. Na mag-ipon. Na mahalin pa ang mga taong nagmamahal sa kin. At paghihintay sa mga bagay na gusto ko mangyari sa buhay ko. Ang pag-asa. Ang magpatawad. Maging tunay sa sarili. Maging masipag. Isipin ang hinaharap. Na hindi lahat sarap. May responsibilidad din ako Mr. T!  Salamat salamat salamat 2010.  Sana’y maganda ang ihatid sa kin ng 2011. :) Happy New Year.

Currently watching: Aksyon on TV5
Currently feeling: excited
Posted by jjcobwebb on December 31, 2010 at 08:08 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment
« 2010/11 · 2011/03 »