Entries for March, 2010

Siguro hindi ako yung taong sobra sobra mangarap. Hindi rin ako yung taong maraming gustong gawin sa buhay. Hindi ako yung taong maraming hinahangad na mangyaring maganda sa buhay ko. Sa totoo lang Mr. T!, gusto ko simple lang maging buhay ko. Yung tipong I have what I need and I get what I want. Tunog hindi simple. Hindi ko naman kasi magexplain ng mabuti. Basta simple. Ganun.

Yung mga nakaraang linggo Mr. T! sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa totoo lang, naiiwan na ko ng buhay ko. Hindi na ko makasabay sa sobrang bilis ng pag-agos ng mga nangyayari. Wala kong batong mahawakan para kumapit man lang para pigilan sarili ko sa pagsama sa pag-agos. Ang bilis bilis talaga parang natatakot ako...

While chatting with Jeffrey, bigla kong namiss lahat. Namiss ko kung gaano kami kasimple nun. Parang ang saya saya ng buhay pag magkakasama kaming apat. Masaya na kami kahit nakaupo lang kami sa damuhan nagkukuwentuhan hanggang umuwi na kami. Maglakad ng maglakad. Simple di ba? 

Hindi ako sanay ng maraming kaibigan. Friendly ako pero sobrang onti lang ng taong kinoclose ko talaga. Naglalag ako pag sobrang dami ng tao sa isang lugar at kailangan friendly ka kahit hindi mo naman sila close. Hay... dun ko namiss yung kaming 4 lang nina Barry, Rhitz and Jeffrey. Baket ganun nararamdaman ko Mr. T!? Hay... parang ang sarap isara sarili ko sa mundo. Biglang nagkaroon ng kanya kanya kaming priorities. Hindi ko maiwasang malungkot. Pero kailangang ngumiti.

Sa totoo lang wala kong masulat ngayon Mr. T! March na and first entry ko toh for March. Baket ganun? Wala kong mojo para magsulat. Wala kong inspirasyon. I used to love telling stories. Pero nahihirapan ako ngayon :( Gusto ko man magkwento pero pag nasa harap na ko ng laptop lumilipad naman isip ko. :( Hay... may nawala ata sa pagkatao. Aaminin ko hindi na ko tulad ng dati. Ang daming nagbago. Ang daming dumating. Ang daming nawala. Namimiss ko sarili ko. Namimiss ko si Subtle Bliss 2004-2008 :( San na ba siya napunta? Baket ganun? Masaya naman ako pero hindi ako makapagkwento. Gusto na kita igive up Mr. T! Pero nagpromise ako na hindi kita iiwan di ba? I'm keeping my promise :) Sana bumalik sipag ko sa pagkwento. Update you soon...

Currently listening to: Summer Wind by Frank Sinatra
Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on March 11, 2010 at 09:12 PM in Everyday Drama, Updates | 3 comment(s)

Since sabi ni Jeffrey, napapabayaan ko na raw ang blog ko. At affected naman ako dahil si Jeffrey na ang nagsabi, eto sige fine Jeffrey, mag-uupdate na ulit ako ng as often as I can. Sorry Mr. T! ha kung napabayaan kita. Binabasa ko nga mga dati kong entry and grabe, ang dami na natin napagsamahan. Ang dami ko ng nakwento sa yo. Sabi nga ni Jeffrey, hindi niya raw ako masisisi kung tamarin na ko magblog dahil for the past 6 years kinukwento ko buhay ko sa yo. Aaminin ko, masarap din minsan hindi ikwento mga bagay bagay dito sa blog. Kasi minsan may mga memories na mahirap balikan kahit masasaya pa sila. Pero ganun naman ang buhay, hindi ibibigay lahat sa yo. Kung ano man mga regrets na meron tayo, magsisilbing aral na lang yun. Experience is the best teacher nga sabi raw. Sige sisimulan ko tong entry na toh sa picture namin ni Luis:

image

Natutuwa ko sa picture na yan Mr. T! Ibang level ang freshness namin ni Luis diyan. Pag ginamit daw namin tong picture sa mga gay msites tas nagyaya kami ng 3some, for sure may papagayag daw sa min. Hahaha! Nakakatuwa dahil naging super duper close kami ni Luis Mr. T! Ang dami na naming napagdaanan grabe. Mga kakaibang experience talaga. Ang bilis ng 2007. Sobrang hindi ko inakala na magtatagal kami ng ganito kabongga. Kahit sira ulo si Luis, ang dami dami kong natutunan kay Luis. Kahit gaga si Luis, napapaisip ako sa mga sinasabi niya kahit joke. Kasi minsan totoo naman talaga. Tulad na lang pag sinasabihan niya ko na ako na ang presidente ng mga tanga. Hahaha! Hay… well, ilang beses na niyang nasaksihan pagkatanga ko. Haha! Kung alam mo lang Mr. T!, ang laki ng natitipid ko sa pamasahe pag umaalis kami ni Luis. Haha! Hatid sundo ako sa bahay eh! Hahaha! Nakakatuwa dahil nakilala na rin ni Luis si Mama si Ate at mga tita ko. Galing noh? At salamat naman hindi na rin nagseselos si Robert sa kin dahil alam niyang pure friendship ang meron kami ni Luis. Kahit ang cheesy namin, wala sa min yun. Haha! Malaki utang na loob ko kay Luis. Hindi ko lang alam baka maiyak ako pag umalis na siya papuntang Saudi for good. Hay, baket kailangan lahat umalis?

Anyways sige papakilala ko muna mga tauhan na pwedeng lumabas na pangalan sa blog na toh Mr. T! Sabi nga ni Aubrey, hindi na niya kilala mga nasa picture eh. So mga baklang main characters muna ilalagay ko. Saka na lang yung iba pag lumitaw na sila sa kwento ko:

image  

Si Luis nakablack na nakatagilid. Si Archie yung may hawak na bote. Si Paolo yung nakablack na katabi ni Archie sa right. Si Kevin nakagreen at si Che nakapink. More characters arriving soon. Hahaha!

Last Last week din ata yung nagSaisaki kami nina Kevin, Meg, Luis at Paolo at Teara. O di ba? Buhay pa ba ko? Hahaha! Ayun grabe, sana nakwento ko mga nangyari nun Mr. T! Sobrang saya. Tapos tumambay kami sa GB3 nung gabi then mga 1AM ata nauwi na rin kami.

Last Sunday naman si Bea kasama ko sa Cubao. Nagdadrama. Hahaha! Starbucks then nagvideoke kami sa Timezone at hulaan mo sino nakita ko sa Timezone Mr. T! Si Tom! May kadate! Hahahaha! Tawa ng tawa si Tom. Huling huli. Hahaha! Tawa rin ako ng tawa.

Tapos kung hindi ko pa nakukuwento, nanood pala ni nina Barry, Rhitz ng Miss You Like Crazy. Hahaha! Cheesiness pero nice. Hahaha! Kumain sa New Bombay tas nakita namin si Andrew Wolfe. Nanahimik kaming 3. Hahaha!

Ano pa ba? Hmmm… ay okay na kami ni Don. Buti naman nakahanap na siya ng bagong prospect at hindi na ako. Hahaha! Okay na rin kami ni Patrick. Wala ng cheesihan moments. Sabi nga ni Luis, ako na ang presidente ng mga tanga. Hahaha!

Madalas na pala kami magLunch ni Tom. Or magkita dahil nga nasa Eastwood din siya. Hahay… wala akong masabi kay Tom. Ang bilis magtransform ng tao noh? Hahaha! Sabi ko nga, kung san siya masaya, masaya na rin ako. Hahaha! At sabi sa kin ni Tom, nung bonggang seryoso na naman topic namin tungkol sa lecheng love na yan…

“Siyempre naman. Parang pagkain lang yun eh. Pagnalipasan ka na ng gutom nawawalan ka na ng gana kainin yung pagkain. Or pagkinain mo sasakit lang din tiyan mo…”

I couldn’t agree more. Tama na tama yung sinabi ni Tom. Hahaha… nakakatuwa si Tom. Ibang iba na siya. Gusto ko pagkafierce niya ngayon. Yun nga lang sabi niya, ako nag-iba. Hindi na raw ako tulad ng dati. Siguro nga. Pero ang alam ko ngayon Mr. T! kahit nag-iba na ko, masaya naman ako. Hindi na ko masyadong nagpapaapekto sa mga taong nakapaligid sa kin. Kebs. Tignan mo si Lady Gaga. Kebs lang siya. Hahaha!

Tapos si Chris pala siya kasama ko nung first day ko sa Eastwood Mr. T! Hindi ko pala nabanggit yung first day ko sa office nun. Lunch and dinner nagsabay kami. O di ba kacheesihan? Hahaha!

Anyways, nagdespedida si Paolo nung Tuesday sa Tagaytay. Well 8 days lang naman si Paolo sa Davao pero bongga yung gathering nung Tuesday night. Hahaha! Though hindi naman talaga despedida, parang nagkayayaan lang dahil may aalis. Nakakatuwa Mr. T! Pero nahaggard ako kasi pasok ko 6AM tapos umuwi kami alas tres na. So good luck sa kin di ba? Pero bago yun, nung Saturday pala, first time ko this year pumunta sa Malate ulit. Hahaha! With Paolo and Kevin. Hahaha! Ibang level na ngayon bonding namin Mr. T! Hindi ko na kinakaya. Hahaha! Sabi nina Kevin at Paolo nung first time nila magpunta sa Malate hindi daw sila nag-enjoy, pero nung kasama daw nila ko super saya daw. Hahaha! Dapat lang. Hahaha! Patalon talon kami sa Bed at Obar nung Saturday Mr. T! Hahaha! Mukha raw akong tatakbo sa eleksyon dahil ang dami ko raw kakilala at binebeso last Saturday. Hahaha! Sobrang saya talaga Mr. T! Sayang wala sina Luis at Archie. Next time daw. Ihahanda ko sarili ko sa ultimate gimmick na yun. Hahaha!

Last last week naman nasa South na naman ako. Yep, sa Cedar Mr. T! ayan onti onti mo nang nalalaman kung san san ako naglalalagi. Sa BF Homes Paranaque yun. O di ba ang layo? Hahaha! Ang inuman session nauwi sa engrandeng kainan. Hahaha! Nakakatuwa. Sa Blue Wave nagkita with Angel, Che, Joyce and Alex. Lasing sa sila. So buti na lang hindi kami nabangga papuntang South. Then hinatid si Joyce muna sa Kawit. Then is Alex umuwi na. Tas kaming tatlong natira, dumirecho ng Paranaque. Grabe na ito.

Anyways, update you soon Mr. T! Grabe tumambling ako, perfect ang mga quizzes ko sa training to date. Hahaha! Weird talaga. Takang taka mga kasama ko dahil hindi naman daw ako nag-aaral. Hahaha! Ako rin takang taka dahil may bonus points pa ko! Grabe ah! Hahaha! Sige sige update you soon Mr. T! Aalis kami nina Barry and Rhitz ngayon. Magkukuwento ko.

Ay oo nga, nag-aalala ko kay Benson, one month na at hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ano na kaya nangyayari sa kanya? Hays… sige sige. Update you soon!

Posted by jjcobwebb on March 12, 2010 at 03:29 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness | Post a comment

Kahapon lang winiwish ko na gusto nasa GB3 lang kami nina Barry and Rhitz. Ayun, nangyari. Hahaha! Parang dati lang. May bonus pa, si Sherry, after one million years, nakasalubong ko sa Glorietta. Pauwi galing office! Weee... super hinila ko si Sherry and pinasama ko muna sa aming 3. Ayun, super saya, naghanap ako ng sapatos sa GB5 pero wala naman akong nabili. Tapos midnight sale pala kagabi. Muntik din ako bumili ng netbook. Pero sabi nga ni Rhitz, "huwag bibili ng hindi super kailangan" --- tama naman. So wala talaga kong nabili kahit ano kahapon. Hahaha! Ayun, si Sherry may date sila ng jowa niya kaya nauna ng umalis. Kaming 3 after umalis ni Sherry, kumain sa Food Choices. Ayun, nakita pa namin si Jean. Tagal na naman di nakikita si Jean. Hahaha! Nakakatuwa Mr. T! After kumain lakad lakad kami as usual. Hobby pa rin namin maglakad-lakad. Sabi pala ni Sherry ang payat na ni Barry and Rhitz tas ako tumaba. Hahaha! Ayun, I miss Barry and Rhitz. Namiss ko yung walang usok at alak na gimmick. Hay... ganun lang naman buhay ko dati. Whatever happened at masyado kong nababarkada lately? Hmmm... Dear Jeffrey, umuwi ka na please para kumpleto na tayo. :-D

Currently listening to: When You Believe by Mariah and Whitney
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on March 13, 2010 at 08:40 AM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining | Post a comment

Hello hello Mr. T! Sobrang saya kahapon. Dapat magkikita kami ni Jze and Bong at Tom pa. Pero nagkaroon ng emergency si Jze. Dumugo ilong niya kaya hindi kami natuloy. Buti na lang talaga, may Plan B ako kahapon. Dahil kung wala kong Plan B, naku siguro uminit ulo ko kay Jze. Haha! Joke lang. Since hindi na natuloy si Jze sabi ko kay Bong next time na lang pag kaming 3 na lang. Si Tom may kadate din ata kahapon kaya hindi na sumama nung tinetext ko nung…

Nasa Klownz kami kagabi. Ayun, pero bago yun, gusto ko sabihin na first time ko makasama si Robert, jowa ni super friend Luis sa gimikan. Yep, himala. Pumayag siya sumama kahapon. Sobrang kinakabahan si Luis. Ako rin kinakabahan! Hahaha! Pero yun, sobrang tahimik ni Robert Mr. T! As in suplado siya. Gusto ko siyang kulitin pero natakot ako hahaha. Sobrang suplado. Anyways, ayun, nagkita muna kami ni Bea sa Gateway and then dumirecho na kami sa Jack’s Loft Morato. Grabe, good luck sa min, nag-inuman agad kami dun! Hahaha! While waiting for Che, Angel, Luis and Robert. Nung dumating si Robert and Luis, medyo may tama na kami ni Bea. Hahaha!

DSC03229 DSC03238
DSC03242 DSC03234

I love buffalo wings! Hahaha! So yun, si Che tumawag na sabi dumirecho na kami sa Klownz Q. Ave. So tumungo na kami dun. Ayun, si Che nakadress. Tawa kami ng tawa ni Luis. Buti na lang free entrance kami. 400 per head sa Klownz grabe. So yun, 12AM yung big night, si Allan K yung star of the night. Pero may mga comedian muna na nagkakantahan and nagpapatawa. Grabe talaga inorder ni Che, puro Red Horse! Good luck sa min. Tamang hindi uminom si Luis and Robert. Long Island lang ata ininom nila. May mga Red Horse pa. Wahhh… pero yun, super tawa, super kain, super inom, super ihi kami.

DSC03251 DSC03253
DSC03256 DSC03255

O di ba super suplado talaga ng mukha ni Robert! Kaasar! Hahaha! Gusto ko talaga siyang kulitin kahapon pero scary. Hahaha! Sabi nga ni Luis, siya lang nagtiyaga sa ugali niyan. At tignan mo naman! 3 years na sila! Weee… hahaha! Kakilig noh? Anyways, ayun, nauna umuwi si Luis and Robert. Sexy time na ata nila mga 130AM. Hahaha! Then si Allan K. super nakakatawa. Then si Angel nagtext, nakabangga raw siya. Na naman! Good luck kay Angel! Hahaha! Pero yun salamat naman hindi bongga. Then dumating na si Angel. Ayun, inom inom. Kain kain. Tawa tawa. Picture picture. After ni Allan K. magperform, naisipan namin na umuwi na rin. Si Che lasing na naman. Gusto pumarty. Inaantok na ko Mr. T! Gusto magGuillys naku! Buti hindi natuloy. Super natatakot ako kay Che kaya hindi ako umaalis ng parking kagabi kasi baka mamaya kung san pumunta si Che. Henaku talaga si Che. Naiyak na naman kagabi. Hahay… so yun, sa Tomas ulit kami naghiwa-hiwalay. Grabe Mr. Wala pa kong text from Che. Sana nakauwi siya ng maayos. Ayan ah, naguupdate na ko ulit! :-D

DSC03267 DSC03270

Mga pahabols, taena lang, grabe, lahat ng sinuot kong fit shirts sa kin kahapon ang sagwa! Dahil bakat na bakat na tiyan ko Mr. T! Wahhh! Tapos buti pala hindi ako sumunod kina Mama nung isang araw sa Zirco dahil baka magsawa ako kay Allan K. At at… speaking of, kakasulat ko pa lang sa isang entry na hindi na nagpaparamdam si Benson. Ayun, nagparamdam na kanina at nagsosorry. Buti naman nagsorry na siya! Benson will be Benson.

So yun, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya. Mwah! Mwah!

Currently listening to: Muli by Bugoy Drilon
Currently reading: close case final paper
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on March 14, 2010 at 02:44 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | 1 comment(s)

Ang dami kong iniisip. Hindi ko lahat sila kayang isipin. Nakakapagod mentally. Ang dami kong gustong ilabas dito sa blog pero parang hindi ko kaya. Parang cautious na ko sa mga sinusulat ko ngayon sa blog. Lalo na mga inner feelings ko and thoughts. Ilang beses ko na ginawa yun, I was just taken for granted. Might as well not lang Mr. T! Tatago ko na lang hanggang magbreakdown na naman ako. Wahhh... sabi nga ni Luis, ang dami nilang magpapasaya sa kin. Natutuwa namana ko dahil may mga kaibigan akong kasing-sira ulo ko. 

Anyways, katatapos ko lang mag-grocery. Tapos close case kanina Mr. T! Hindi ko alam kung pasado ko or bagsak. Ang hirap lang. Pero bahala na. Yun lang kaya ng utak at katamaran ko. Sana naman ipasa ko. Haha! Ayun, wala lang, tawa lang kami ng tawa sa training kanina kasi parang free time. Ka-chat ko lang si Luis sa Facebook kanina. As usual 5AM pa rin ako nagigising. Nakakapagod na. In fairness wala pa rin akong late! Ako ba toh? Hehe... ayun tapos kasabay ko kanina yung officemate kong hmmm... bisexual. Oo inamin niya sa kin kahapon. Mineet niya yung BF niya sa Gateway kanina Mr. T! Super inggit lang ako di ba? 1 year na sila. Hay... wala lang. Hahaha! Idol daw ako nung officemate ko. Weird hindi ko alam baket. Haha! Pero nakakatuwa siya and nakakatuwa silang magjowa. :-)

Hmmm... ayun, may problema si Ate grabe. Hays... hindi pera for sure. Hindi rin health. Sabi ko nga sa kanya Mr. T! na kaya niya yan. And icheck niya rin sarili niya. Marami siyang role sa buhay. Hindi lang siya kapatid, nanay, amo. Asawa rin naman kasi siya eh. :( Hay, hindi na raw niya kaya. Sabi ko kaya niya yun. Siya ang babaeng walang hindi kinakaya. Hays... everything will be okay alam ko. 

Ano pa ba... ayun. Wala kong gana lumayas layas ngayong linggo. Gusto ko sa bahay lang ako. Si Luis nag-iinvite kanina lumabas. Sabi ko pass muna ko. Oo first step yan! Hehehe... ang dami kong namimiss na tao. Ang dami kong naaalala na pangyayari. Baket ganun ang hirap na nilang balikan? Sa blog ko na lang sila nababalikan. Hay... :( sorry emotional ako lately Mr. T! Ano ba toh... hays... 

Ano pa ba Mr. T!? Yun na lang muna. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. Alam mo yung parang bagong iyak lang? Ganun pakiramdam ko ngayon. Hay... puro hay na lang tong entry na toh. Tatapusin ko na toh sa usapan namin ni Mama kanina tungkol sa love. Eto sabi niya sa kin...

"Kaya siguro hindi ka pa nagkakaroon ng karelasyon kasi masyado kang swapang..."

"Kung pagiging tanga ay pagiging swapang, baka hindi na talaga ko magkakaron..."

Moving on... update you soon Mr. T!

Currently listening to: The Trouble With Love Is by Kelly Clarkson
Currently feeling: calm
Posted by jjcobwebb on March 15, 2010 at 09:55 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Hello Mr. T! I'm back. Nakalimutan ko sabihin na nanganak na si Cathy, isa sa pinakaclose kong pinsan. Grabe, ang bilis ng panahon, dati sabay pa kami nina Marco maligo sa likod ng bahay. Grabe ngayon may baby na siya! Kean Zachery yung name ng anak nila ni Ranj. Hahay... sabi ko sa baby niya huwag muna tumanda kasi tatanda rin agad kami. Nakakalungkot noh Mr. T!? Ang bilis bilis ng mga pangyayari. Hays... ayun, wala ko masyadong kwento Mr. T! Naglunch kami kanina ni Tom. Tapos around 6PM na ko umuwi from office. Parang wala na kong buhay ano ba toh. Anyways, update you soon. :)

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on March 17, 2010 at 08:07 PM in Everyday Drama | Post a comment

Hello Mr. T! Kagigising ko lang grabe na itoh! Hahaha! May assignment pa ko! Pero magboblog muna ko. Marami naman akong natirang energy para gawin yun mamayang madaling araw. Hahaha! Anyways, ang saya ko, nagsorry na sa wakas si Benson sa bonggang bonggang kasalanan niya sa kin. Grabe, parang isang buwan pinalampas niya bago magsorry. Good luck talaga sa kanya. Anyways, to make up for that, nanlibre si Benson ng bonggang bongga kahapon! Hahaha! Oo mayaman na si Benson Mr. T! Wahaha!

Nagkita kami sa Trinoma around 9PM. Tinawagan na ko ni Benson beforehand na bumili na siya ng movie tickets. When In Rome pinanood namin kahapon. Grabe kacheesihan na naman. Wahhh… baket ganun tuwing nanonood kami ni Benson laging cheesy movies pinapanood namin. Kainis noh? Haha!  So yun, while waiting para mag showtime, nilibre muna ko ni Benson ng Starbucks. Hahaha! Oo, well documented mga libre niya dahil sobrang bihira ito. Hahaha! Then movie house na. May isa lang akong ayaw pagkasama si Benson sa loob ng movie house, masyado siyang madaldal. Wahhh… oo ang daldal. Medyo nabadtrip ako pero keri lang dahil naiintindihan ko pa naman yung movie. Puro kacheesihan yung hayup na When In Rome na yun. Kakilig shet! Hahaha!

Then yun, after nung movie, naghanap si Benson ng makakainan. Naghahanap ng Japanese. Gusto ata talagang makabawi. Haha! Pero since close na ang Trinoma at si Luis ay nangungulit na na sumunod kami sa Malate, ayun, napag-isipan namin ni Benson na sa Malate na kumain.

IMG_0125 IMG_0127

Sa Malate, parang weekend lang, si Luis, Archie, Paolo, Dondee, at Kevin. Lahat sila andun. Hahaha! Grabe, 1AM na nun. Nauna na sila sa Bed, kami ni Benson kumain muna sa Gyubou Yakiniku. Ayun, libre ulit ni Benson. Hahaha! Oha oha! After eating, pumasok na agad kamng Bed tapos libre rin ni Benson ang entrance. After nun, libre din ni Benson drinks ko sa loob. Hahaha! Grabe, feeling weekend lang talaga ako! Super sayaw, super party.

Super enjoy si Luis. Ako super antok. Si Paolo galing pang Davao. Super pagod siya. Si Benson super sayaw. Grabe, 4AM na kami nakauwi. Gumising ako ng 5AM. Pumasok ng 530AM. Powerful! Hahahaha! Ayun, hahay. Break kanina tulog ako. Lunch kanina tulog ako. Then 4PM naglunch kami ni Tom sa Eastwood. Ngayon, kagigising lang. Ganda na ng body clock ko noh? Sige na may gagawin pa ko Mr. T! Panggabi na ko next week :(

Posted by jjcobwebb on March 19, 2010 at 11:35 PM in Everyday Drama, Gayness, Food and Dining | 1 comment(s)

Grabe gumimick kami mga officemates ko kahapon sa Eastwood. Kasama si Edward. Shet lang. Hahaha! Super inuman. Super tinamaan na naman ako. Maraming salamat talaga sa Long Island Iced Tea! Grabe, si Cherrie and Dennis hindi kasama. Ang mga kasama si Mon, Venson, Dan, Dong and si Marky. O di ba puros lalake sila? Amp! Tapos yun, mga 7PM sinundo ako ni Rhitz sa Eastwood. Buti tumawag sila. Hahaha! Nafeel nila na lasing na ko. Hahaha! Then nanood kami ng Alice In Wonderland sa G4. Dapat aalis pa kami ni Luis pero super antok na ko. So ayun, nagkwentuhan na lang sila sa Starbucks 6750, sina Sabs, Barry, Rhitz and Tess. OA lang talaga. Super tulog ako. Hahaha! 3AM na ko nakauwi. Pagkauwi, super tulog agad. Wahhh... anyways, update you soon Mr. T! Panggabi na ko sa Monday. :( Social suicide... 

Currently listening to: Lovin' Proof by Celine Dion
Currently feeling: sober
Posted by jjcobwebb on March 21, 2010 at 11:49 AM in Everyday Drama | Post a comment

Sad sad ng meaning ng song na yan. Pero kahapon ang saya saya dahil nagkaroon bigla ako ng lakad. Kasama si Luis, Jze, sumunod si Wiwi and Tom, ayun, nagkalakad. O di ba? Kauuwi ko lang. 6AM na. Wahhh… panggabi na naman ako! Hahaha! Ayun Mr. T!

Ang saya saya kahapon, kasama si Luis, si Jze, Wiwi, and Tom. Nag Music 21 kami. Si Wiwi sumunod nung malapit na kaming matapos magvideoke. Si Tom sumunod sa Highstreet. Sorry kung hindi ko makwento ng mabuti. Lutang na ko. Pero grabe kung alam mo lang gaano kami tawa ng tawa kahapon. Sana ganun na lang lagi. Kaso may sad moments talaga ang buhay. Tulad na lang ng pag-alis ni Jze papuntang Jeddah. Sad noh, tinitignan ko sila kahapon ni Wiwi Mr. T!, parang kung ako nasa kalagayan ni Wiwi, baka hindi ko kayanin sa totoo lang. Wahhh… emo na kung emo pero hindi ko kaya kung ganun na kayo katagal! Balik sa kwento, kumain kami sa Brothers Burger sa BHS. Ayun si Tom kanting kanti umalis. Imemeet na naman niya jowa jowaan niya. Hahaha!

Speaking of emo emo, puros emo song mga kinanta ata namin. Ganda pala ng meaning ng Halaga ng PNE. Dinededicate ko yan sa sarili ko. Ahehehe… inaantok na ko Mr. T! Grabe! Wahhh… anyways, lalagay ko rin sa entry na toh yung pinag gagawa ko sa Starbucks nung Sabado. Balik ulit sa kwento, binaba namin si Wiwi and Jze malapit na sa bahay nila. Then yun, hinatid na ko ni Luis.

IMG-3976 IMG-3989
DSC03276 DSC03288
DSC03296 DSC03306

So yun, mamimiss ko si Jze. Sana magkita sila ni Luis sa Jeddah sa December. Si Bea naiinis pa rin ako dahil hindi kami sinaman sa beach. Ang Planet nagPuerto! Shet lang talaga Mr. T! Grabe, kanina talaga gusto ko ng tumayo sa upuan sa office at mag-walk out. Parang may humihila sa kin para magresign! Pero hindi! Kaya ko toh! Wahhh… so help me God!

Sige sige update you soon Mr. T! Masisikatan na ko ng araw. At oo nga, nung tinitignan ko kanina pic ni Jze, sobrang may naalala kong tao sa kanya! As in grabe lang! Siyang siya! Huling kita ko sa kanya 2006 pa. Hahaha! Kamusta na kayo yun? Hahahaha! ;) Update you soon!

Posted by jjcobwebb on March 23, 2010 at 06:13 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | Post a comment

Napakaganda talaga ng suggestion ni Jeffrey. Minsan, nakakalimutan ko baket kami magkaibigan. Pero kanina pinaalala niya kung baket. May sira rin kasi sa ulo si Jeffrey. Hahahaha!

hahaha

Napakagandang suggestion! Bravo! Hahaha! Pag bumalik ka dito Jeffrey sasabunutan kita. Hahaha! Kalokang suggestion. Tumambling lang talaga ko. Hahaha! Anyways, papasok na naman ako Mr. T! :-)

Posted by jjcobwebb on March 23, 2010 at 05:32 PM in Updates, Gayness, Randomness | 4 comment(s)

Kagigising ko lang Mr. T! Nag TLC 1.0 kami kanina sa office. Ayun, wala. Wala akong kwento. Nagiging paulit ulit buhay ko. Pasok-uwi-tulog-gising-pasok. Shet, panget pala ng ganitong schedule. Pero kakayanin ko toh. Lahat ng tao gusto ko makita magresign pero hindi ako magreresign! Kakayanin ko toh! Wahhh... pero ang  bilis ng araw pag ganito ang sked Mr. T! As in nagulat ako Thursday na pala. Ayun, nakakatakot lumindol daw. Hindi ko naramdaman dahil tulog ako Mr. T! Shucks sana hindi na masundan. 

Ayun, kanina habang pauwi, pinatugtog ko yung album ni Mariah na E=MC2. Grabe, ibang klase yung album na yun. It brought me back in time. As in bawat kanta may naaalala ko. Ano ba yun? Napapasmile na lang ako tuwing may naalala ko. Hahaha! Ang powerful ng album na yun Mr. T! I went back in time grabe. Iba na lahat ngayon Mr. T! pero yung mga kanta sa album ganun pa rin. And hindi mahirap alisin mga alaalang nakakabit sa album na yun. Hindi ko naman pwedeng ideny yung memories na yun. Masakit na masaya pero ganun talaga. :)

Currently reading: Marlet's Facebook Page
Currently feeling: awake
Posted by jjcobwebb on March 25, 2010 at 05:28 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)

Mataba na raw ako. Oo, sabi nung katulong namin, nung pamangkin ko, yung kapatid ko, yung tita ko, yung kapitbahay namin. Mga walang hiya! Hahahaha! Shet lang! Hindi ko na kaya toh! Ayaw ko na kumain! LOL. Joke lang. Hahaha! Bahala na, ke payat ako o mataba hindi naman ako nagkakajowa! Kebs na! Hahaha! 

Anyways, nagPuerto Galera pala sina Ate. Okay hindi ako kasama kasi may pasok ako. Next week daw Boracay sila. Pag hindi ako makakasama, good luck talaga! Magreresign ako! AWOL kung AWOL. Hahaha! Joke lang din. Pero sana weekend sila umalis. Si Papa padating na rin next week. Tapos magmaMacau din daw. Wow daming plano noh? Nagplano nung may trabaho na ko at bawal pa ko magleave. Tapos eto pa, kung kelan bakasyon sina Luis saka nagkaleche leche at naging panggabi ako. Wahhh... pero maituturing kong rehab ang aking bagong trabaho ngayon. Less gimmick, less gastos, less chances of winning din. Hahaha! Ewan ko ba! Baket ano nangyari? Hahay... sige sige dumaan lang ako Mr. T! Update you soon :)

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on March 26, 2010 at 05:16 PM in Everyday Drama | 3 comment(s)
« 2010/02 · 2010/04 »