A Birthday To Remember
Napakasaya ko Mr. T! Hindi ko kaya iblog lahat ng nangyari nung Sabado. Nung nagcelebrate ako ng birthday ko nung Sabado. Ewan ko, siguro, I’m lost for words sa naramdaman kong love sa kin ng mga taong malalapit sa puso ko. Pamilya ko at mga kaibigan ko. Sobrang nakakataba ng puso Mr. T! Hindi ko tinangka na imbitahin lahat ng kakilala ko dahil alam kong hindi magkakasya dun at baka mag-ala Malate yung lugar, pero sa lahat ng inimbita kong nakarating at sa mga humabol ng alas tres pa, at nagparamdam sa kin na mahal nila ko, MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. Kahit sa mga hindi nakarating, salamat pa din. Nagblog si Aubrey tungkol sa mga naganap, visit niyo na lang blog niya. HIndi ko talaga kaya iblog lahat Mr. T! Pasensya ka na. Pictures na lang kaya ko ilagay dito.

![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Grabe, hindi ko talaga kaya iexpress kung anong nararamdaman ko sa isang entry o sa sang daang entries. Hindi talaga magiging sapat. Susubukhan kong magblog ng isa pa tungkol dun, SUSUBUKAN KO. Ayun, naramdaman ko talaga gaano ko kamahal ng mga tao. At nung akala kong hindi na rin ako mahal ng ibang tao, I was wrong. Salamat sa alcohol. At salamat sa pagiging totoo nilang kaibigan. Salamat sa lahat. Salamat sa Diyos, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayong lahat :-) Kung may sobrang hindi ako makakalimutan nung gabing yun, idadaan ko sa line sa isang kanta na Cry ni Mandy Moore from A Walk To Remember:
“It was then that I realized that forever was in your eyes. The moment I saw you cry…”
Nakakalungkot yung kanta Mr. T! Pero ganun talaga. Alam na alam mo yan Mr. T! Dahil kinwento ko sa yo lahat. Well, tulad nga ng sabi ko sayo dati Mr. T!, kaya kong magmahal hanggang alam kong mahal ako ng taong mahal ko. Hindi ako magsasawang magkwento hanggang kaya ko magkwento. Hanggang may pwedeng ikwento. Hanggang may pwedeng sabihin. Hanggang may pwede ipakita at ipadama. My stories won’t end. Sobrang masaya ko dahil I am surrounded by beautiful people. Mahal na mahal ko lahat kayo at napakasaya ko dahil parte kayo ng buhay ko :-) At may kulang talaga, si Jeffrey! Wah!
Aryt, update you soon Mr. T! :-)
Aubrey (guest)
we all had a blast, hindi lang ikaw ang napasaya pati rin kami noh. friend, warning naman next sa kabonggahan ng partey hahaha kaloka!
belated hapi bday :)
jjcobwebb (guest)