Entries for November, 2009

Kakakausap ko lang kay Deck sa phone Mr. T! Hindi ko matatago na malungkot ako. Sobrang lungkot. Hindi masyadong makapag-isip utak ko. Siguro resulta na rin ng puyat at pagod at epekto ng alcohol. Tinanong ko na naman sa sarili ko ang lagi kong tinatanong Mr. T!, "Kulang pa ba?". Sa pagkakataong toh, hindi ko na alam. I've loved enough to hurt.

Rams, while he was about to drop me off sa Ortigas kaninang umaga, may na-open siyang topic. He was polite enough not to open it up sa harap kanina ng ibang tao. Napa-isip ako sa mga sinabi ni Rams. Hindi naman ako galit eh Mr. T! Nasaktan lang ako pero wala naman akong karapatan. Siguro, sanay na ko masaktan at magselos ng wala namang karapatan. Hindi ko naman sinasadya na maramdaman ko yun. Kung pwede lang pigilan yung nararamdaman ko eh di sana matagal ko ng pinigilan.

The things you don't know won't hurt you. Sabi ni Deck kanina. Pero para sa kin, it's better to know than to wonder. Okay na sa kin na masaktan ako huwag lang talagang nagmumukha akong tanga. Na hindi ko alam mga nangyayari. Na akala ko okay lang lahat pero maraming nangyayari sa likod ko. Na akala ko na ganito ganyan, pero hindi naman talaga. Mas importante sa kin na alam ko ang katotohanan, kesa isip ako ng isip at nagmumukha na pala akong tanga.

Sometimes, I say things I don't mean. This happens pag nasasaktan ako. Pag naguguluhan mag-isip utak ko. Pag alam kong it's my only way para masaktan din yung nakasakit sa kin. Alam kong masama yun. Pero pag bumalik na ko sa senses ko, nagsosorry naman ako. And I make up for the things I've said. Alam kong mahirap burahin yung mga bagay na nasabi mo na, but at least, nasabi mo. Nakasakit ka nga lang. And siguro, sa mga masakit mong nasabi, baka maparealize yung nasabihan mo nun.

Handang handa na kasi siguro ako magkarelasyon. People often tell me that pag nagkukuwento ko tungkol sa mga lumalapit sa kin. When I want people so badly, I don't look elsewhere. Sa kanila lang ako nakatingin. At sa kanila lang. Sometimes, I expect them to be that way. At mali ako dun. Last night, yet again was a testimony, I met a lot of guys. I even had sex and even 30somes invitations. People were asking for my numbers. Strangers were trying to kiss me here and there and even holding my cock thinking I was so drunk. Still I didn't give in to these things because I've set my mind and heart to this person. Kahit alam kong I don't need to be faithful dahil hindi naman kami. 

Nasasaktan ako. Oo. Because I expect people to do the same what I do for me. Tragedy. It will only lead me to a tragic ending Mr. T! I never should expect they do the same. I'm sorry. 

I hate this once a upon a time withoug a happy ending. Laging ganito Mr. T! Does it always have to be like this? Kaya ko namang kumapit hanggang sa makakayanan ko eh. Maglelet go lang naman ako kung sasabihin sa kin. Masakit alam ko. Pero kung yun ang gusto nila, who can stop them? Eh kung hindi ko nga sila natulungan ayusin mga issues nila eh. What more stop them from letting me go. Nakakalungkot. I've never been this down.

I thought I know enough about love. Hindi talaga. And will I ever? I don't know. I'm holding on to whatever I'm holding right now. Nobody can tell me to let go or move away. I've always wanted to reach that happy ending. And if it's gonna cost me pains and troubles, I don't care as long as I'll eventually get there. Even if you tell me na bumitiw na ko... :-(

Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on November 1, 2009 at 10:51 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Not more than 2 short years ago…

“So umikot ikot muna kami sa loob ng Market Market. Ang saya. So naghanap kami ng kakainan Mr. T! Ayun, pinulot kami sa North Park. Naku, yung Sweet and Sour Pork at Honey Lemon Chicken dun magkasinglasa! Blech! Buti kaharap ko si Chris! Hahaha... ayun nagpicture moments pa kami dun sa North Park Mr. T! It was so surreal. Nakakapagtake na ko ng pic ni Chris? Totoo ba toh? Hindi na silent si Chris? Totoo ba toh? Ang daldal na rin ni Chris Mr. T! I’m loving it. :D Anyways, after naming kumain, si Chris nagbayad, hindi ko alam kung libre or utang yun. Nalabuan ako. Anyways, tumila na yung ulan after naming kumain sa North Park.” 

Get Here Pt. 2, Posted May 11, 2008, 06:15 PM

Paying tribute to the memorable North Park shoot:

chris1
May 10, 2008

03112009193
November 3, 2009

Siguro Mr. T!, wala lang magawa si Chris kanina dahil napospone yung meeting niya kaya nakipagkita siya sa kin at nilibre pa ko sa North Park ulit. Or dahil alam niyang sad ako? Or dahil ngayon niya lang narealize na yung office niya malapit lang sa Ospital ng Makati? Hmmm… same table, almost-the-same food. Sobrang kulit ni Chris kanina Mr. T! Ayoko talaga magkwento pero napakwento ko. Shucks. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko kanina. Naisip ko rin naman na Chris has become one of my super duper closest friends. Seryoso ko dun. Naisip ko rin naman na malawak utak ni Chris kung magkukuwento ko ng mga nangyari sa kanya. At least may napagsabihan na ko. Kung baket ang lungkot lungkot ko.

Hay… napasaya ko ni Chris kahit papaano kanina. May mali sa pagkikita namin ni Chris kanina eh Mr. T! Ngayon kaya ko ng sabihin, wala na kong nararamdaman para kay Chris. Mahal ko si Chris and I care about Chris, pero hanggang dun na lang yun. Namiss ko rin siya Mr. T! Matagal tagal na rin kaming hindi nagkita. Tama siya nung sinabi niyang hindi naman habang buhay na may mararamdaman ako para sa kanya. Nagkatotoo yun. Pero ang alam ko hindi ko kasalanan yun kung nawala man yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero sumaya ko kanina. Salamat Chris. :-)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 3, 2009 at 10:36 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)

Yesterday, sobrang saya. November 4 birthday ni Rhitz pero yesterday kami nagcelebrate. Together with Benson, Barry and Rhitz, nagcelebrate kami ng birthday ni Rhitz sa Century Park Hotel. Yep, eat-all-you-can. Ako ata nagsuggest na dun kumain since dun ang may pinakamasarap na sashimi. Wahehehe! Ayun, late ako. Silang tatlo nauna na. Kwentuhan, usapan. Then dumaan ng BHS naglakad lakad. Then tumuloy sa Antipolo para mag-inuman. O di ba ang saya? Ayun, maiksi lang entry ko dahil inaantok na ko. Baka mapadrama lang ako pag humaba to. I’ll cut it short na lang.

image

image image
image image

Ayun. Ayan mga pics. Shet parang walang kwenta tong entry na toh. Nakakatawa kasi sabi ni Rhitz hindi niya raw gusto regalo namin sa kanya ni Barry. Same pa kami ng binili ni Barry dahil nag Galleria kami nung Friday. Hahaha! Well sabi niya, Mark and Spencers naman and nanggaling sa min kaya naappreciate niya raw regalo namin. Hahahaha! :-) Halatang wala ako sa mood magblog. Wah… update you soon Mr. T!

P.S. 1 week na lang pala birthday ko na. Wala pa rin akong nagagawang wishlist…

Currently reading: Jeffrey's YM window
Currently watching: Rihanna's 20/20 Interview
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on November 8, 2009 at 11:22 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)

Nagshopping kami ni Ate sa Greenhills kanina Mr. T! Together with Emo. Wala, nagwaldas na naman ng pera. Yun lang. Para may update lang kahit papano. Kasi miss na kita Mr. T! Gusto ko magdrama pero napapagod na ko. Kagabi hindi ako masyadong makatulog. Salamat sa mga malalapit kong kaibigan at kinausap nila ko despite ng kagagahan ko. Salamat salamat. Marami pa kong dapat ipagpasalamat. Napapareflect ako kanina habang papunta at pauwi galing trabaho, marami talagang dapat ipagpasalamat. 

At yung cellphones ko parang walang mga silbi. Hahaha! Parang pandisplay lang. Hahaha! Puro utos ng nanay, at mga kapatid ko ang nasa inbox. Kaya yung IMMORTAL10 ko nung Friday last week, buhay pa! Hindi pa ubos! O di ba?

Ano pa ba... hmmm... yung lang muna Mr. T! Yung wishlist ko grabe hindi talaga ko makaisip eh. Saka na siguro pag may pumasok na sa utak ko. Update you soon Mr. T! :-)

Currently reading: Chris' YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 10, 2009 at 10:14 PM in Everyday Drama | Post a comment

Nung Friday, went with Jeffrey (nope hindi si Jeffrey as in Jeffrey) sa Megamall para samahan siyang bumili ng laptop. And then sumunod ako kina Luis sa Music 21 sa Jupiter. Kasama sina JP (bf ni Che), Che, Bea, Franz. O di ba? Party talaga kahit super late na ko dumating, hinintay talaga nila ko. Sweet. Then kinuha yung kotse ni Luis sa Las Pinas then hinatid ako ni Luis sa bahay. Past 12AM na ko nakauwi Mr. T! Sobrang saya. :-)

13112009202

Saturday was Divisoria Day with Sabs. Sobrang whole day kaming nagbonding. From 10AM to 1AM kinabukasan magkasama kami ni Sabs. O di ba? Sobrang tagal mamimili ni Sabs. Hahaha! Medyo pagod na ko at gusto ko na umangal nung wala pang nabibili si Sabs pero okay lang. Nageenjoy din ako katitingin ng mga kung anu-ano sa Divisoria lalo na yung China phone na n97. Super gaya except firmware. Hmmm… tapos yun, around 5PM na si Sabs natapos mamili. Then sinamahan ko siya til Paranaque dahil hindi niya talaga kakayanin mga pinamili niya. Nakapunta ko sa bahay ni Sabs and nakita ko mga kapatid niya. Natuwa naman ako. Tapos, magkikita dapat sila ni Izvet. So sabi ko kay Sabs libre ko na lang sila movie sa Megamall. Pero nung nasa Megamall na kami, si Izvet nagbackout. So nagdate kami ni Sabs. Ayun, 2012 pinanood namin. Okay yung movie na weird. Hahaha! Then mga 1AM na kami naghiwalay dahil hinatid ko pa si Sabs sa sakayan ng bus. Sobrang enjoy kahit pagod Mr. T! Sobrang saya rin kahit traffic sa may Sucat. Dahil walang katapusan kwentuhan namin ni Sabs.

Sunda, kanina. Panalo si Pacquiao! Sa Club Manila East kami nanood. Dun kasi nagcelebrate anak ng pinsan ko na si Gab. Ayun, sobrang saya dahil panalo na si Pacman, may swimming pa. Galing din ng La Diva in singing the Philippine Nation Anthem. Kauuwi lang namin Mr. T! And kagagalin ko lang pala sa bahay ni Ate. Nilakad ko from there pauwi. And habang naglalakad, nagulat ako at sinabi sa sarili ko na “WOW, BIRTHDAY KO NA PALA MAYA-MAYA!”. At birthday ko na nga pala less in than three hours…

At si Rhitz, may sobrang napakagandang kwento. Kept me smiling the whole time na pauwi kami galing Club Manila East. Sana this is it na! :-) Masaya ko pagmasasaya kaibigan ko. :-)

Sa totoo lang hindi ko alam nararamdaman ko habang papalapit birthday ko. Hays…

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 15, 2009 at 10:05 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, Family | Post a comment

Had dinner in Gloria Maris with family. Had a Yellow Cab lunch with pharmacists, nurses and staffs. Also had ice creams. Had an out-of-hand greetings from people on Facebook, Friendster, YM, texts, e-mail, and in person. Really felt special. :-) So was the menu:

16112009208 16112009211
16112009209 16112009210

I can’t thank you guys enough. Sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga nakilala ko, sa mga sinaktan ako, sa mga taong umalis, sa mga taong bumalik, sa mga taong nasaktan ko, sa mga taong napasaya ko, sa mga taong pinasaya ko, at kung sino sino pang tao, MARAMING MARAMING SALAMAT SA PAGIGING PARTE NG 24 TAON KO SA MUNDO. Buong pusong pagpapasalamat ang aking handog. :-)

Kung may wish man ako ngayon para sa birthday ko at para sa Pasko at sa susuod na taon, tatago ko na lang sa sarili ko. :-) Di ba Mr. T! mas okay yun? Kaya wala kong wishlist entry ngayon. Hehehe! Salamat din sa blog na toh dahil 6 years na kong nagcecelebrate ng birthday ko dito. Kasama si Mr. T! Thanks Mr. T! :-) I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. At Happy 24th Birthday ulit sa kin. Let’s see what lies ahead :-)

Posted by jjcobwebb on November 16, 2009 at 10:50 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 4 comment(s)

91st birthday kahapon ni Lola Rosa. Wish ko lang makita niyo ko diyan sa picture. Hahaha! The Webbs ladies and gentlemen. Kulang pa nga yan eh.

image
image image
18112009220 18112009221

Weee… ang dami talaga! Hahaha! Sobrang busog kahapon sa Dad’s sa may Megamall. Ayun, tapos pumunta Italianis sa Greenbelt 2 after para imeet si Barry and Rhitz-na-may-semi-bf. Hahaha! Then mga 1AM na nakauwi tapos kanina lang kasama ko si Ryan sa SM Sta. Mesa. Dun pala siya nagrereview. Hinihintay niya jowa niya sinamahan ko muna. Then nagshopping ng onti. Then pumunta sa bahay ni Ate then umuwi na rin agad. O di ba? Ang bilis ng kwento ko? Dami kasi nangyari, hirap na idetalye. Hahaha! Update you soon Mr. T!
Posted by jjcobwebb on November 19, 2009 at 07:34 PM in Everyday Drama, Updates, Family | 1 comment(s)

Napakasaya ko Mr. T! Hindi ko kaya iblog lahat ng nangyari nung Sabado. Nung nagcelebrate ako ng birthday ko nung Sabado. Ewan ko, siguro, I’m lost for words sa naramdaman kong love sa kin ng mga taong malalapit sa puso ko. Pamilya ko at mga kaibigan ko. Sobrang nakakataba ng puso Mr. T! Hindi ko tinangka na imbitahin lahat ng kakilala ko dahil alam kong hindi magkakasya dun at baka mag-ala Malate yung lugar, pero sa lahat ng inimbita kong nakarating at sa mga humabol ng alas tres pa, at nagparamdam sa kin na mahal nila ko, MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. Kahit sa mga hindi nakarating, salamat pa din. Nagblog si Aubrey tungkol sa mga naganap, visit niyo na lang blog niya. HIndi ko talaga kaya iblog lahat Mr. T! Pasensya ka na. Pictures na lang kaya ko ilagay dito.

12832_346833730156_619385156_9909105_812886_n
01 02
03 04
05 06
07 08
untitled18 untitled12
10 11

Grabe, hindi ko talaga kaya iexpress kung anong nararamdaman ko sa isang entry o sa sang daang entries. Hindi talaga magiging sapat. Susubukhan kong magblog ng isa pa tungkol dun, SUSUBUKAN KO. Ayun, naramdaman ko talaga gaano ko kamahal ng mga tao. At nung akala kong hindi na rin ako mahal ng ibang tao, I was wrong. Salamat sa alcohol. At salamat sa pagiging totoo nilang kaibigan. Salamat sa lahat. Salamat sa Diyos, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayong lahat :-) Kung may sobrang hindi ako makakalimutan nung gabing yun, idadaan ko sa line sa isang kanta na Cry ni Mandy Moore from A Walk To Remember:

It was then that I realized that forever was in your eyes. The moment I saw you cry…”

Nakakalungkot yung kanta Mr. T! Pero ganun talaga. Alam na alam mo yan Mr. T! Dahil kinwento ko sa yo lahat.  Well, tulad nga ng sabi ko sayo dati Mr. T!, kaya kong magmahal hanggang alam kong mahal ako ng taong mahal ko. Hindi ako magsasawang magkwento hanggang kaya ko magkwento. Hanggang may pwedeng ikwento. Hanggang may pwedeng sabihin. Hanggang may pwede ipakita at ipadama. My stories won’t end. Sobrang masaya ko dahil I am surrounded by beautiful people. Mahal na mahal ko lahat kayo at napakasaya ko dahil parte kayo ng buhay ko :-) At may kulang talaga, si Jeffrey! Wah!

Aryt, update you soon Mr. T! :-)

Posted by jjcobwebb on November 23, 2009 at 09:39 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining, Family | 2 comment(s)

Nagkalat ang suka sa kwarto. Nagulat ako nakayakap sa kin si Justin. Super tanggal talaga ko ng kamay niya. Grabe lang talaga. Hindi man lang nahiya sa kin. Panalo si Tom and Wesley. Hindi man lang ako nakapagbabay sa mga nagsi-alisan nung umaga. Ubos lahat nung bote ng alak. Marami pang food ang natira. Nagcheck out kami ng 12PM. NagLunch kami sa Sentro sa may Serendra. Greenhills, Eastwood, binisita si Tom. Kumain Terriyaki Boy. Umuwi. Hindi ako makahinga ngayon...

Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on November 24, 2009 at 09:15 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

“Huwag pigilan ang friend pag may aura na siya…” --- Luis’ Facebook

Grabe Mr. T! Sobrang saya ng gabi namin kahapon. Ibang klase. Umalingawngaw na naman boses namin sa may Starbucks katatawa at kakakwentuhan at wala kaming pakielam a mga taong nasa loob at labas ng Starbucks. May tama na ata kasi kami kahapon. Hahahaha!

Unahin muna natin ang nangyari nung Wednesday. Nagcheck in sa Crowne with Barry, Benson and Rhitz. Ininvite ko sila. Tapos nagbreakfast kami. Kaso for 2 lang yung breakfast so si Barry and Rhitz nagbayad na lang. Then umuwi rin kasi may pasok. Hahaha! Hinatid ako ni Rhitz sa OsMak.

Thursday, after 3 years, nagkita ulit kami ni Aizel. Yep, si Aizel. Yung naging friend ko nung 2nd year college ako. Siya yung nakipaglandian sa kin dati sa Friendster. Akala niya kasi nun ata tunay na lalake ako. Nagkita kami sa Trinoma. And what do you know, walang nagbago sa kanya Mr. T! Sobrang nakakatuwa. Ako raw mas mukhang naging bata. Ewan ko pero sobrang parang ang close close namin nung Friday. Kumain sa Gerry’s Grill and then nagMusic 21 sa QC. Kasama na namin yung friend niyang si Yey nung nagMusic 21 kami. Sobrang saya grabe. Inubos ko yung mga natira sa bucket na beer grabe. Tinamaan na naman ako. Ang saya saya talaga! Pictures namin at ayan si Aizel mukhang gaga:

26112009244 26112009245

Then yun, Friday, nagkita kami ni Benson dito sa San Juan. May nakadate siya sa Centerpoint so nagkita na rin kami. Tamang tama balak kong magDivisoria nun, tinanong ko siya kung gusto niya ko samahan, payag naman ang lolo mo. So from PureGold, to Centerpoint hanggang bahay, nilakad namin. Dito na siya nagdinner sa bahay. Then around 10PM kami umalis papuntang Divisoria. Awa ng Diyos wala kaming nabili at kumain lang kami. Ay may nabili pala kami, hahaha! Isa lang. Then since late na rin, dito na natulog si Benson sa bahay.

Dito na siya nag-almusal, naglunch, at dito na rin siya nagsiyesta hanggang nag-invite sina Luis at Bea na lumabas. Habang hinihintay namin ni Benson text nung dalawa, internet lang kami n internet at nanood lang ng mga missed episodes namin ng Glee at Supernatural. Ayun, then around 6PM umalis na kami para sundan sina Bea at Luis sa Music 21 sa Jupiter. Kasama ko si Benson then si Che sumunod at lahat kami tumambling sa kwento ni Che! Hahaha! Aliw! Then nagdecide kung san kakain dahil late na din nun, 9:30PM napagdesisyunan namin na sa Harbor Square na kumain. Benson had to leave, birthday daw ni Nar, so natira kaming 4. Grabe ibang level pagtawa namin kahapon Mr. T! Parang walang bukas. Ang sarap sa pakiramdam tumawa. Si Luis, since ang jowa nasa malayong lugar, gusto magMalate. Sabi ko go ako kahit ano. Si Che game din pero si Bea kailangan umuwi. Ang dami dami naming kinain Mr. T! After eating, si Che hinatid si Bea at pumunta muna sa jowa niya sabi niya susunod siya sa Malate or derecho sa bahay ni Luis. And ako sa kotse ni Luis. Inuwi ni Luis kotse niya para in case raw malasing, mas madali umuwi. So yun, punta sa bahay ni Luis pero si Che sabi dederecho na lang sa Malate. So nagtaxi kami ni Luis.

Nung nasa Malate na kami, parang ang onti nung tao. Hindi gaya nung Halloween na sobrang saya. Nalungkot ng onti si Luis at ako. Kasi onti na tao tapos si Che parang drawing na rin pagpunta. So nasa labas kami ng Bed ni Luis. Hindi namin alam kung san kami papasok na bar. Kung sa Bed or sa Obar. Hindi rin kami makapasok dahil hinihintay namin si Che at ayaw namin masayang pera namin kung papasok kami sa ayaw naman ni Che. Pero sabi ko random na lang bahala na, sa Obar kami nauwi. Ang ganda ganda talaga ng eksena sa Obar Mr. T!

So nasa may island bar kami ni Luis pumwesto. Nakasight kami agad ng cute. Well, parehas naming sinabing cute yung guy ni Luis. Super inom kami ng Red Horse Mr. T! Hanggang nauwi kami sa Tanduay Ice. Tawa kami ng tawa. Promise Mr. T! Tingin ng tingin sa king yung guy! Hahaha! Ako napapatingin din. Tapos tatagalan niya ang titig, ako rin. Nakikipagititigan talaga siya! Clue na yun! Saktong si Che dumating! Si Luis sabi lalabas muna siya at susunduin si Che. Pagkabalik ni Luis sa loob, katabi ko na yung guy! Hahahaha! At si Luis malaking eksena talaga! Pinagmamadali akong lumabas dahil si Che raw hindi na papasok. So ang aking aura went down the drain. Hahaha! Hairstrand na lang talaga at booking na yun. Hahaha! Nagpalitan na kami ng pangalan at tirahan at nagsayaw na kami at umeksena talaga si Luis. Hahaha! Tawa na lang kami ng tawa paglabas. Then si Che andun. At si Benson, andun din sa Malate. Nasa Bed siya at sabi magkita daw kami Malate. So yun,si Che and Benson nasa Malate. Then nagStarbucks kami and tinawanan na lang namin lahat ng nangyari. Tapusin ko ang entry na toh sa conversation namin ni Luis:

“Sana yung yosi mo kanina tinapon mo sa harapan niya…”

“Ano ba believe in goodness!”

“Ganito ka noon, heto ka na ngayon” *sabay tapak ng yosi*

“Ahahaha! Pangkontrabida naman! I believe in goodness eh…”

So yun, around 4AM umuwi na kami. Maaga pa kasi ako kailangan sa bahay ng mga kapatid ko. Si Benson sumabay na kay Che and kami ni Luis different cabs. Ngayon ko lang narealize na hindi pala masaya pag 2 lang kayo sa Malate Mr. T! 3 or more talaga dapat para masaya. Kasi nung kaming 2 lang ni Luis sa loob ng Obar, inantok kami kung wala yung cute guy na nakacap na aura ko na sana! Hahaha! Sumaya lang nung dumating si Che, hinila ko ni Luis palabas, ginaya ni Luis si Recto at ang ingay ingay namin sa Starbucks. Hahaha! Sobrang saya! Sobrang saya kasi si Luis baliw sobra! Hahaha! Hanggan ngayon, tawa pa rin ako ng tawa. Para na kong masisiraan ng bait.

At kanina nasa bahay ako ni Ate at Kuya. Sinubukan ko yung motor ni Kuya. Ang saya pala! Hahaha! Effortless, marunong agad ako. First time ko gumamit nun at parang pro na ko. Well feeling ko lang. Hahaha! So yun.

Update you soon Mr. T! Love ya!

Posted by jjcobwebb on November 29, 2009 at 05:49 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness | 6 comment(s)
« 2009/10 · 2009/12 »