image“Alone in your room? Come here the music play. Life is a cabaret ol chum.Come to the cabaret…” --- yan ang sabi sa kanta ni Liza Minnelli. Though hindi naman cabaret ang mga pinagpupuntahan ko. At hindi rin cabaret mga lugar kung san ako galing, masaya naging nangyari nung mga nakaraang araw. Sorry talaga Mr. T! kung hindi kita mauupdate update. Sobrang pagod lang at lagi akong wala sa bahay at lagi akong tulog kung nasa bahay man ako.

Tumambling ako sa picture ng kapatid ko sa Facebook. At nagcomment ako ng “So ang lagay, kayo-kayo lang ang magkakapatid?” --- wah! Hahaha! Ampon nga ata talaga ko. Hahaha! Pero sobrang ganda nung picture! BAKET HINDI AKO KASAMA DIYAN????

Kagigising ko lang. Kahuhugas lang ng pinggan. Si Mama andito na ulit. Utos na ng utos. Anyways, eto ang aking updates simula nung Friday:

October 13, 2009/ Tuesday

Grabe, si Benson nakausap ko Facebook. Sina Ryan and Rams pupunta raw Trinoma. Niyaya nila ko. So, around 10PM nagkitakita ng Trinoma. Nilibre kami ni Ryan sa Gerry’s Grill. Was able to meet some friends of Rams. At sabi nga ni Benson sa kin “Ikaw na ang familiar…”. And sinabi ko nga kagabi sa sarili ko na TAMA NA! Ahahaha! Kasi ako na nga ang familiar eh. Hahaha! At ako pa ang may nice body daw. Hahaha! Then after Gerry’s Grill, dapat magreRedBox kami dahil gusto ni Ryan pero buti na lang closed na dahil sabi ko sa nanay ko til 12AM lang ako. Pero gusto talaga nila so sabi ko Music 21 na lang. So pumunta kaming Music 21 then til 2AM nagkakantahan kami. Sobrang saya Mr. T! Sayang wala kaming pictures. Then nagising ng 4:30AM dahil may pasok ng 6AM.

October 12, 2009/ Monday

Tulog ako…

October 11, 2009/ Sunday

Naglayas si Benson sa bahay nila. Yung unang una kong text na nareceive nung Sunday. Grabe, dala niya lahat ng gamit niya nung papunta kaming Tagaytay. Sa McDonald’s Taft kami nagkita-kita and yun, dun na rin namin hinintay sina Rams, Ben and Dexter. Iba si Ben kay Benson. So yun, nauna kami since sina Rams, Ben and Dexter sinundo si Ryan sa SM Bicutan. Nauna kami sa unang Petron sa may SLEX. Then yun, sa Tagaytay ng Picnic Grove kami. May mga dala kaming pagkain. Grabe talagang idea toh. Picnic! Baklang bakla lang. Tapos pumunta kaming People’s Park. Tapos namili ng bonggang bonggang pinya sina Barry and Rhitz. Then tumambay sa Starbucks. Tapos kumain ng bulalo. Alam kong sobrang onti ng details na nilagay ko dito Mr.T! Sorry kung kulang kulang. Yung picture magsasabi ng mga bonggang nangyari.

image image
image image
image image

Ayun, nung pauwi, nabangga pa sina Rams. So dumaan din kami sa Dasma Police Station. Hahaha! Weird talaga. Buti na lang plate number lang yung nabasag sa kotse ni Rams. And then yun, maaga naman kami nakabalik ng Manila. Si Benson sa pinsan niya umuwi. Si Barry hinatid ako. And pagakuwi ko, nakatulog agad ako sa sobrang pagod. Pero masaya sobra Mr. T! At ang sarap nung bulalo! Wahhh…

October 10, 2009/ Saturday

Birthday ni Jeffrey. Birthday din ng pinsan kong si Michael. Nakalimutan ko pala na nung October 3 birthday din ng pinsan kong si Mark. At nung October 3 nagpunta kami ni Kate sa Metrowalk at lasing na ko galing ako sa birthday ni Mark. O di ba? Balik tayo sa October 10. Kasama mga relatives, nagpunta kami sa Megamall para icelebrate birthday ni Michael. Present ang mga wife-to-be and husband-to-be ng iba ko pang pinsan. Grabe ang bilis Mr. T! So yun, si Kuya nanlibre din ng mga Havainas. Parang last pair na nabili kong Havainas 2007 pa. At buhay pa siya. And then, hindi na ko sumama nung nag BHS sila.

10102009160 10102009157

Instead, sumunod ako kina Barry, Rhitz and Benson sa Makati. Nagdinner sila. Hindi ako kasama dahil birthday nga ni Michael. So yun, nagStarbucks na lang kami. Kwentuhan. Si Benson malungkot. And then nagTimezone. Around 12AM umuwi na kami dahil kinabukasan ay pupunta kaming Tagaytay.

October 9, 2009 /Friday

Ibang level. Nag-almusal ako ng mura galing sa Ate ko. Nawalan ako ng gana buong araw. Grabe. Tapos nung gabi parang wala lang nangyari. Close close ulit kami ng kapatid ko. Hay, anyways, naiintindihan ko naman si Ate. Stressed na talaga siya and marami siyang iniisip. Siguro mali ko rin talaga yung mga nangyari. Pero grabe, muntik na ko mag-emotional breakdown nung umagang yun. Buti kaya ko patawanin sarili ko. Then nakita ko bagong kwarto ni Page. Ganda! Pina-interior kasi ni Ate. Sarap makitulog dun. Parang bonggang condo unit lang yung kwarto. Aylavet!

So yung mga nangyari sa aking kabuhayan lately Mr. T! I know hindi siya ganun kadetalye. Pero naman kasi… ayun. Wahuhuhuhuhu! Napapagod kasi ako pag umuuwi kaya di ako makapagupdate. Tulad ngayon, gagawa pa ko ng payroll. So good luck sa kin di ba? Kasi anong oras na. At kagigising ko lang. Naulanan pa ko kaninang umaga. Hays… sige sige update you soon Mr. T! Miss ko na sina Aubrey, Deck, Anjhe, Tin and Matty. Katext ko si Matty kahapon nagkamustahan portion kami. And I really feel bad sa thesis group ni Deck and Anjhe. Hays… sige sige. I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya Mr. T! Mwah!

Posted by jjcobwebb on October 14, 2009 at 09:22 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.