Sinundo na nga ako nina Benson and Barry. Andun rin sila sa Makati then we met outside Friday’s. Then, dumirecho agad kami sa parking para makaalis agad since si Rhitzjoy and Luis andun na sa place kung san mag-iinuman. Pero bago kami tumuloy dun sa place, dumaan muna kami sa bahay ni Rhitz para may kunin na cooler. Then dumaan sa Ministop para bumili ng mga kung anu-ano. Yelo, saging etc…

Malapit sa MOA yun condo. Sa lola ata yun ni Wiggy. Binebenta or ewan. Basta nakalimutan ko kung anong history nung condo. Sa 21st floor yung condo and may I just say --- it was BIG. As in ang laki nung condo. One thing though, walang furnitures. So parang hideout yung lugar. Hahaha! Nagdala si Rhitz ng mga higaan and mga inumin. May Jose Cuervo, may Cointreau, pero walang lemon para sa Jose Cuervo. So, sabi ko kay Barry maggrocery muna kami. So yun, kasama ko si Barry, nag grocery kami ng kung anu-ano.

Damit pambahay dahil wala akong dala. Mga tsinelas, plato, lemon, asin, shot glass, knife etc. Okay ako nagbayad lahat ng pinamili namin. Eto nakakaloka, ayaw gumana nung debit card ko nung nagpapacash na. Buti na lang may katabing ATM. Wah! Nakakahiya sa mga nakapila. OMG lang talaga. Sabi ni Barry, iiwan niya ko dun kung hindi talaga gumana for good yung card. Hahaha! Pero buti naman, nakapagwithdraw agad ako. Yun, then naghanap pa kami muna ng yelo kung san san, pero to no avail, wala talaga. So yun, bumalik na kami sa Washington…

So nagsimula ang inuman. Lahat nakaupo sa sahig. Hahaha! So kami, parang okay, unahin ang Jose Cuervo. Kasi Mr. T! Alam mo namang sa lahat ng alak paborito ko yun. So yun, pero para raw mabasag agad ang lahat, pagtapos daw nung Cuervo, isunod yung Cointreau. OMG lang. So ako nagtatagay. Then kwentuhan ng kung anu-ano. Yosihan sina Benson and Wiggy. Then yung, hanggang si Barry nag-emote na. Hahaha! So tinalunan namin si Barry ng ilang rounds. Hilo na rin ako. Mukhang halos lahat hilo na except kay Rhitz. At kung ano man nangyari nung gabing yun, isasantabi ko na muna. May mga magagandang nangyari, may mga dapat kalimutan. Basta! Hahaha!

image image
image image

Then hanggang sa naging malalim ang topic ng usapan. Hanggang sa moment na nawalan na ko ng laban at napagsamantalahan! Joke! Hahaha! Basta yun. The last thing I know, tulog na ko at pagkagising ko, kayakap kami ni Benson. :| Okay, explain ko, 3 lang yung higaan. Si Luis may dalang sarili, so si Barry and Rhitz, alam naman nating malulusog. So kami talaga ni Benson magtatabi dun sa isang higaan na dala ni Rhitz. Grabe nung sa La Union magkatabi rin kami! Hahaha! Buti na lang wala pang nabubuong baby! Haha! Joke! Anyways yun…

image 24052009043
24052009041 24052009045

Fast forward, gising na ang lahat. Nag-empake na ang lahat and ang sumunod na nangyari, kumain na kami sa MOA. Sa Jollibee. So yun, after eating, umikot ikot muna kami. Then, Barry had to leave. Ako, ayoko pa umuwi nun. So sumama ko kina Wiggy, Rhitz and Benson. Sa bahay muna kami ni Rhitz tumambay and then yun. So yun, habang andun, natulog muna kami sandali. NagFacebook. At kung ano pa alam na nila yun. Haha! Then yun, dumaan muna sa bahay ni Wiggy sa Valle Verde then tumuloy kaming Galleria.

Naku talaga Mr. T! Medyo may pakga psychic talaga ko! Sabi ko sa kanila na feeling ko andun pamily ko sa Galleria nung time na yun. Linggo kasi. Family day. So yun, naglalakad lakad. Si Benson, habang naglalakad, nanghaharot. Nangingiliti, nangyayakap, nangangagat! Naku, sabi ko tumigil siya dahil nakakahiya. Eto matindi, buti na lang, buti na lang, sinasabi ko yun at tumigil siya dahil pagkadaan na pagkadaan namin ng Burger King may narinig ako…

“HAKOB!”

OMG to the next level. Kumpleto ang aking buong pamilya. Kumakain. So ako, gusto ko ng tumambling nun. Pero dapat composed, pinakilala ko sina Rhitz, Wiggy and Benson and ako parang wala lang talaga. Si Papa:

“Baka may balak kang umuwi. Sabihin mo lang…”

Then nagpaiwan muna ko ng saglit kasama pamilya ko then kinuha ko gamit ko sa kotse ni Rhitz. Dapat sasabay na ko pauwi sa kanila pero sabi ni Mama okay lang daw na manood muna ko ng sine with Rhitz, Wiggy and Benson. So yun, pinadala ko na lang mga gamit ko and nagtext si Rhitz na kumakain sila sa Tokyo Tokyo. After nun, nanood kaming tatlo ng Heavenly Touch. Funny movie. Ewan, parang wala ng sense sa kin mga gay films. They don’t excite me anymore. 2 lang gay movie lang gusto ko, Love of Siam at Lihim ni Antonio. As of now yung 2 na yun lang ang pinaka okay for me.

Then yun, si Wiggy hinatid na sa kanila and kami ni Benson sa Gateway bumaba. Umikot muna kami ni Benson sa Gateway. Then nung tumawag yung kapatid niya para sunduin niya na dun sa Araneta, hinatid niya na ako sa terminal ng jeep ng San Juan-Cubao. O di ba ang bait ni Benson? Hahaha! Nakakatuwa. Mababaw ako pero kinilig ako dun. Wah…

It was a weekend. And that was missing is Jeffrey...

Anyways, so yun Mr. T! Ayan, nakapagupdate na ko. At at, nasa final list na ko ng candidates for graduation sa June! Malapit na! :D Update you soon Mr. T!

Currently listening to: If It's Over by Mariah Carey
Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on May 27, 2009 at 11:19 AM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining, Family | 10 comment(s)

deck (guest)

Comment posted on May 28th, 2009 at 02:55 AM
ehem ehem! happy peanut? hahaha!

ganun talaga pa HOT... napagsasalamantahan pag hilo na.. hahaha!

---

kaya naman pala hindi mawala sa isip eh! topless inay, topless! tsk tsk tsk!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 29th, 2009 at 01:00 AM
lang hiya ka deck! Kung ano ano yang comment mo. hahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on May 27th, 2009 at 03:18 PM
kyoot ni doggie, kamukha ni gusgus! XD

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 29th, 2009 at 01:01 AM
at sino si gusgus? yung daga sa Cinderella? Hahaha!
Comment posted on May 27th, 2009 at 12:55 PM
jusko, nakakanerbyos pala si "papa"... buti nalang, behave kayo. ahihihi!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 27th, 2009 at 01:11 PM
hay naku Nay! sinabi mo pa! pero buti na lang okay lang. baka namiss lang ako. hahaha! feeling! pero okay naman. haller naman tanda ko na para magemote sila ng bongga sa di ko pag-uwi di ba? haha!
Comment posted on May 28th, 2009 at 10:56 AM
kung sa bagay si pitart ganyan din minsan, konti lang sasabihin pero ninerbyos na kaming lahat! ahahaha! mga guilty kasi...

kasi naman lab ka nun kaya hinahanap ka. next time magtetext ka man lang sa kanila para alam nila whereabouts ng YOU. o kahit kay bruno lang, para lang alam nila na di ka uuwe, okie?

ayan, nasermunan ka tuloy ng ME! ahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 29th, 2009 at 12:59 AM
ay, nagtext ako. sa nanay ko nga lang. hahaha! pero okay lang nd naman ako pinagalitan eh. at susme, hindi na naman ako 14 years old! Wah! Hahaha! At at buti na lang hindi na tulad ng dati tatay ko. As in nangugulpi siya! Good luck! Hahaha!

boink.boink (guest)

Comment posted on May 27th, 2009 at 11:29 AM
ang kyuuuuuut naman ni doggie..
haha..
napagulong lang..:)

VISIT MY SITE!:)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 27th, 2009 at 01:13 PM
sa friend ko yan :D