Entries for September, 2011

Wala ni isang araw na hindi ka pumasok sa isip ko. Sabi nga nung kanta "Just when I think it's over and just when I think it's through, I find myself right back in love with you...".

Posted by jjcobwebb on September 2, 2011 at 01:04 AM in Everyday Drama | Post a comment

Ang loser ko na. Umaasa pa rin ako sa mga bagay bagay na hindi na pwede mangyari. Ang daming whatifs na pumapasok sa utak ko. Na kung sana yung ugali ko hindi ganito, ano kaya yung kinahinantan ng mga bagay na gusto ko mangyari. Minsan nagsisisi ako sa lahat ng pinaggagawa ko. Minsan nagagalit din ako sa sarili ko. Minsan sa madalas, naaawa na rin ako sa sarili ko. I may look happy and contented sa buhay ko pero alam mo yun, ang laki pa rin ng parte na may kulang sa kin. As much as possible, I try to fill that void dahil wala rin namang ibang taong responsable sa kasiyahan ko kung hindi ako. Lumabas, kumain, dinner, videoke, inom etc. Pero pag uwi mo ng bahay bago matulog malungkot ka pa rin. Masakit. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Wala ni isang araw na hindi ka pumasok sa isip ko. Pag naririnig ko yung kanta ni Adele na "Someone Like You", ikaw naiisip ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa linyang "don't forget me I beg". Nakakapunit ng dibdib. Alam mo minsan pag nangagarap ako, ikaw pa rin yung kasama ko sa pangarap ko. Weird noh? Sinasaktan ko lang talaga sarili ko. 

Lessons are learned. People change. We all get hurt. Sabi rin ng iba magmamahal naman daw ulit ako. Hindi ko na kaya kung hindi lang ikaw. Ilang beses ko ng sinubukan eh. Sorry ah alam kong mali na ibigin ka pa. Dito na lang siguro ako sa isang tabi at pagmamasdan ka at itatago ko na lang sa sarili ko ang pagmamahal ko sa yo. Pasensya na sa mga nagawa ko. Sa ugali kong nakakabuwiset. Sa lahat ng nagawa kong nasaktan ka. Hindi na ko umaasa na magiging katulad pa tayo ng dati. Basta okay na sa kin na masaya ka. Mamahalin na lang kita ng patahimik. Baket ganun, ngayong wala ka na, mas lalo pa kitang minahal. Na kung kelan hindi na pwede ang lahat, mas higit pa kitang hinahanap? Kung pwede lang sumigaw ang puso ko ngayon sisigaw nito pangalan mo pa rin. Pag tinatanong ka ng mga kaibigan ko sa kin, nagssmile na lang. Ayoko na kasi pag-usapan mga bagay bagay dahil mas lalo lang ako nasasaktan. Sinasabi ko na lang sa kanila na masaya ka na and okay na ko sa ganun. Pero ilang lunok ng laway yun bago ko sagutin tanong nila tungkol sa yo. 

Alam mo, siguro ngayong may sarili na kong kotse, iniisip ko na kug dati pa may kotse na ko, ikaw ang unang unang pasasakayin ko. Alam mo pag maulan, tapos traffic, ikaw pumapasok sa utak ko. Na sana katabi kita at nagtatawanan lang tayo sa kung ano mang nakakatawa. Sana hindi ganito ugali ko. Pero nasa huli ang pagsisisi. Alam ko naman na balang araw magsasalubong pa rin landas natin eh. Mahirap iwasan yun dahil hindi naman super laki ng Manila. Nung akala ko nga mamamatay na ko, ikaw agad pumasok sa isip ko. Nag-isip ako na kung mamatay kaya ako pupunta ka sa burol at libing ko? Nakakatawa isipin pero totoo ang lahat ng mga iyan. Minsan din napapaluha pa rin ako ng mga kantang na associate ko sayo. Drama ko noh? Pero ganun ata talaga. Ang loser ko na sobra. Masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko. Ngayon naintindihan ki na yung mga kaibigan kong sinasabihan kong tanga dahil sa pag-ibig. May mga sadyang nagmamahal lanv talaga ng lubos. Isa na siguro ako dun.

Hindi ko na kaya magmahal kung hindi lang ikaw. Tuwing sinusubukan ko, nakakasakit lang ako ng ibang tao. Araw araw, gabi gabi, minuminuto, ikaw laman ng isip ko. Alam kong maling mali natong ginagawa ko. Baka may umaway na naman sa kin at ayoko ng mangyari yun. Itatago na lang kita dito sa puso ko. Itatago ko na labg tong pagmamahal ko sa yo na hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa at wala na atang balak mamatay. Ang hiling ko lang, sana huwa mo kong makalimutan. Na minsan naging parte ako ng buhay mo. Na minsan pasaya rin kita. Na minsan, kahit hindi mo man nasabi sa kin, na minahal mo rin ako papaano. Hanggang ngayon mahal pa rin kita at siguro, kahit ilang taon pa ang lumipas, mamahalin at mamahalin pa rin kita. Sa paraan na alam ko at walang sino man ang makakaalam. Kung ano mang klaseng tao ako ngayon, isa ka sa nagpamulat sa kin sa mga ugali kong hindi ko namamalayan na hindi na pala maganda. At nagpapasalamat ako dun. Mahal na mahal na mahal pa rin kita na hindi ako titigil kahit ang sakit sakit na. At ang tagal tagal ko ng gustong magblog ng ganito. Lumabas na rin ang lahat ng gusto ko sabihin.

Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on September 2, 2011 at 03:42 PM in Everyday Drama | Post a comment

Grabe, sa lahat ng pagbabanggaan sa parking pa ko nabangga. Nablack out ako sa mga pangyayari. Hindi ako kinabahan pero as in nashock ako. Akala ko kasha na ko. SUMABIT. maling mali! Hahaha! Pero buti naman okay na yung kotse ko. And ako okay din. Wala namang taong involve. I still need to pay the damage of the car I crashed into. Ayun, muna updates ko Mr. T! Up next... WISH LIST 2012 :)

Posted by jjcobwebb on September 9, 2011 at 11:51 AM in Everyday Drama | Post a comment

Okay okay, hindi ito Barbie wishlist. Hahaha! For the past years, nagsusulat ako ng wishlist ko every September. May mga natutupad sa mga wish ko, may mga bagay naman na humahaging. Siguro, sa taon-taon ako nag-susulat ng wishlist ko, narealize ko na nakukuha ko naman ang mga material na bagay na gusto at kailangan ko. Pero siyempre, kung may madali, may mahirap din kunin. Hahaha! At alam mo na yun Mr. T! Wahehehe… nakikita mo ba yang napakalaking Barbie house sa picture? Yan ang binili ko sa America! Hahaha! Ako lang ata meron niyan dito sa Pilipinas! Wahehehe! Ako na talaga!

barbie pic 

Pinipilit ko pa rin mag-isip kung anong gusto ko ilagay sa wishlist ko. WALA AKONG MAISIP! Hmmm… siguro pangmatagalan mga ilalagay ko sa wishlist ko. Yung pwedeng pag-ipunan within 3-5 years kung buhay pa ko. Mga ganun. Hahaha! Ako na nag-iipon! Basta, sige eto na nga wishlist ko:

  1. Gusto kong makapunta sa India, Saudi Arabia, Abu Dhabi, Dubai and Israel
  2. Gusto ko rin makapunta sa South America
  3. Gusto kong makapagswimming kasama mga dolphins
  4. Gusto ko makasakay ng camel
  5. Gusto ko makakita ng totoong polar bear
  6. Gusto ko mapanood si Mariah (again) or Celine or Whitney in concert
  7. Gusto ko makapagskydive at scuba dive
  8. Gusto kong makahawak ng whale
  9. Gusto ko magkaroon ng sariling business
  10. Gusto ko magkaroon ng sariling bahay or condo
  11. Gusto ko magkaroon ng sarili kong charity
  12. Gusto ko ng gumaling tong sakit ko…
  13. Gusto ko ng taong mamahalin ako, maiintindihan ako, uunawain ako, patatawanin ako, paiiyakin ako, aasarin ako, tutuksuhin ako, sasamahan ako, habambuhay at kung san man kami mapadpad. Yung sasapakin na lang ako pag mali na ginagawa ko para maitama ko. Yung mapapasaya ko rin. Yung bibigyan ko rin ng pag-unawa at attention. At higit sa lahat, yung hindi ako iiwan dahil alam niyang kailangan ko siya at kailangan niya rin ako.  Kailangan ko ng taong mamahalin…

Minsan hindi na material na bagay kailangan natin Mr. T! Siguro tumaaatanda na rin talaga ko. Nung nabangga nga yung kotse ko parang wala lang. Ari-arian lang naman yun. Pwede palitan, pwede bayaran at ipaayos. Pero iba talaga yung saya na nagagawa ng mga bagay na hindi material. Yung tumatagos sa puso. Yung naiiwan sa isipan. Yung kasiyahang hindi mapapantayan. Yung pwede mong ishare sa ibang tao yung kasiyahan na yun. This has got to be my most elusive wishlist ever. But who knows di ba? Bigla na lang mangyari ng isang iglap mga yan. Update you soon Mr. T! :)

Posted by jjcobwebb on September 12, 2011 at 10:04 PM in Everyday Drama, Updates | 2 comment(s)

Hindi ko na pinost yung ipopost ko dapat kahapon Mr. T! Ang bigat bigat masyado sa damdamin. Kahit ako nabigatan nung binasa ko pagtapos ko isulat. Tama na yung pa-isa isa lang. So ayun, namimiss ko na magsulat. Magblog. Magkwento. Nagbaback read ako ng mga entries ko and natutuwa ako na dati, halos araw-araw ang dami kong kwento. Siguro, hindi na ganun karami kwento ng buhay ko kaya hindi na ko masyadong nagboblog. Or… baka tingin ko lang yun. Pero alam mo Mr. T! ang dami ko talagang gusto ikwento sa yo. Minsan natutweet ko na lang kasi eh. Naalala mo ba pagnagkukuwento ko ng mga lugar na pinupuntahan ko? May Foursquare na kasi ngayon. I will try Mr. T! Na gawin ulit yung ganun. Sa totoo lang, miss na miss ko na magblog. Miss na miss ko na magkwento. Pero susme, wala pa ring leading man tong blog na toh! Hahaha! Bakkeeeeeet? Hahaha! Akala ko talaga dati magkakaroon na eh. Maling mali ako! Namiss ko na rin magsulat and gumawa ng mga kanta sa utak ko. Nasa iPhone ko lahat. Dun ko minsan tinatayp mga kantang gusto kong isulat. Masyado naman kasing halata kung sino yung pinag-uukulan ng mga ginawa ko. Wahehehe!

Anyways, galing ako kanina sa Trend. Bumisita, ganun pa rin mga tao sa kin parang walang nag-iba. Invited pa rin ako sa mga gimmick nila. Nakakatuwa naman and nakakataba ng puso. Siyepre, kahit hindi na ko sa Trend parang kapamilya pa rin nila ko. Kumpleto na rin pala yung clearance ko Mr. T!, sabi ko sa kapatid ko bibigay ko sa kanya yung kalahati nun. OA eh, may bibilhing Matchbox na napakamahal! Siyempre mahal ko kapatid ko, sige pabayaan sa luho. Excited na rin ako sa Sabado magroadtrip with Trend peeps. Ibang love nafeeel ko from Trend Micro. Nakakatuwa. Nakakainspire.

taba Ano pa ba… ANG TABA TABA TABA TABA ko na! Or baka sa angle lang? Huhuhuhu! Hahahaha! Meron akong picture to prove it. Kaw na lang maghusga Mr. T! Nakakamiss na rin magpost post dito ng pictures Mr. T! ah! Overweight na ko ng 5 pounds. 145 na ko. *ding dong the witch is dead*. O di ba? Sabi ako ng sabi na mag-gygym ako kaso hindi ko naman tinutuloy! Feeling ko kasi mahaharrass ako sa sa gym eh! Ang ganda ko di ba? Pero seriously, yun nafefeel ko. Siguro pag may love interest na ko at sasamahan niya ko mag-gym. Love interest talaga? Wish ko lang! Hahaha! 25 na ko Mr. T! Hindi na ko naghihintay kay Prince Charming na hanapin ako. Hinihintay ko na lang na baka may maligaw na prince sa tabi tabi. Okay na yun! Hahaha! Naalala ko tuloy yung sabi ni Rhitz kay Barry “The Princess and the Pea”. Hahaha! Hindi ako makaget-over! Okay ang non-sense na ng pinagsasabi ko Mr. T! So ayun, may bago palang business si Mama, SPA! So libre na mga masa-masahe namin. Hahaha! And yes, pinutulan na ko ng Globe ng linya. BUTI NAMAN!!! Lecheng service yan walang kakwenta kwenta! Yung dinispute ko hindi man lang ako binigyan ng update sabay putol! Lilipat ako sa Smart or Sun. Hindi lang sila ang telecom company.

So ayun nga ulit, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you. Hindi ata kita nabati nung 7th birthday mo!!! Tagal na nating mag-on Mr. T! buti pa tayo! Hahaha! Sige sige. Hanggang kaya ko magblog, magboblog ako :) Mwah!

Posted by jjcobwebb on September 13, 2011 at 10:38 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Naniniwala ako na may mga dadamin na hindi nawawala. Pero, meron din naman na as in totally, biglang mawawala. Last Saturday, naramdaman ko yun. As in wala na talaga Mr. T! Kaya siguro sinabihan ako nang may sakit ako dahil hindi ko alam ang sasabihin or pwede pang pag-usapan. Blank. Kaya kung sunod sunod lang ako last Saturday. Hindi ako sumabay sa steps. Wala akong maramdaman grabe. Kahit nung nagdadrive na ko pauwi, parang blanko na talaga pakiramdam ko. Pati utak ko. Hindi ko na kasalanan ang dapat sisihin puso ko. Parang nareset talaga o para kong nagkaroon ng amnesia. Nangyayari pala sa tunay na buhay yun. Tatanungin mo na lang ang ibang tao ng "who are you?". Hindi mo na sila kilala. Parang nakalimutan na nila ang ginawa nila sa yo. Mamanhid ka na lang bigla. Hindi talaga bumuka bibig ko. Mas tahimik pa ko sa hangin. Siguro naguluhan nga sila. Sasabihin nila na hindi ka na rin nila kilala. Hindi ako nagbago Mr. T! Sinaktan lang nila ko and akala nila okay lang mga ganung bagay sa akin. Wala na kong nararamdaman pero hindi ko malilimutan. Pasensya na...

Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on September 15, 2011 at 01:09 AM in Everyday Drama | Post a comment

Single ka pa rin ba?  Kasi gusto sana kitang ligawan ng todo todo hanggang makuha ko ang matamis mong oo. Hehehe.

Magbabakasyon ako diyan sa March/April of next year pa. Bibili pa lang ako ng ticket pauwi. Bayaan mo ikaw ang unang pagsasabihan ko kapag may ticket na. Ang tanong, masasamahan mo ba ko throughout my vacation? 3 weeks kaya yon. If u can, that's good pero kung hindi, ok lang. No hard feelings. As an incentive, ako ang sasagot sa mga expenses if ur coming wid me. Hehe.

I am so exhausted. Kagagaling lang ng Discovery Kingdom wid family. It's a theme park na malapit dito. The rides are crazy. Nahilo ako ng dalawa beses kasi ang bilis tapos zigzag pa tapos may pa round pa. Nakakahilo. It was a lot of fun.

It is almost midnight dito. 14-17 hours a day ako nagwowork dito. Nakakapagod sobra. Eto ngayon nag rerelax bago matulog. No more parties. Di na nga ako makalakad eh.

On another serious note, sobrang na mimiss kita. If single ka pa pag uwi ko, I wanna give u na mahigpit na yakap. Ganon kita ka miss. Sana sa airport pa lang, makita na kita pero that's so selfish of me naman if I do that to u. Maaga kaya dumarating ang PAL airlines galing ng Cali. I think 5 am ata. Haha.

Miss u much Jacob! Hope you reply soon. Tagal mo magreply eh! Hehehe. 

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on September 20, 2011 at 12:31 AM in Everyday Drama, Randomness | Post a comment

Kauuwi ko lang Mr. T! Ewan ko ba baket ganito nararamdaman ko ngayon. Sana huwag mausog. KINIKILIG AKO!! Hahaha! Ang tagal ko ng hindi nararamdaman toh. Grabe naman, when it rains, it’s raining men. Weird Mr. T!, baket ganun, sunod sunod silang nagdatingan. Hindi na nga ko lumalabas at pumaparty o nagbabar. Grabe, feeling ko ang ganda ko! Hahaha! Pabayaan mo muna ko magfeel ha. Haha! Ano ba toh, nakasmile ako ngayon grabe. Salamat sa paghatid dito sa bahay. Wala akong masabi. Sana… sana lang… LOL! Bahala na siguro. Sana kaya na ng puso ko magmahal ulit. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Eto na siguro yung chance na yun…

Siyanga pala, nagLRT2 ako kanina after a very very long time. Ang daming memories ng LRT2 J.Ruiz grabe. Parang kahapon lang mga nangyari. Ilang taon na rin pala ang nakalipas. Masaya ko nangyari lahat yun. Masaya ko masasaya talaga yung mga araw na yun. Mga taong naghintay sa kin sa station na yun, I miss them a lot. :)

Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah! In love ba ko? LOL!

Posted by jjcobwebb on September 21, 2011 at 02:10 AM | Post a comment

Sobrang salamat kahapon na kahit hindi ako sumipot at pinaghintay kita from 8pm-12am ay naintindihan mo ko. Hahaha! Grabe ugali ko na ata toh Mr. T! Hindi ko naman kasi inaasahan na matatapos yung American Idol Live ng super late. Hinintay pa kasi namin ni Mama yung mga contestants backstage eh. Ayun, hindi na kami nakapagkita. Nagalit sa kin kagabi tuloy. Inantok na rin talaga ko kagabi Mr. T! Hindi ko na kinaya antok ko. Alam mo naman ako, ANTOK vs KAHIT ANO eh antok ang pipiliin ko. Proven na yan. Hahaha! So ayun, super galit sa kin kagabi. Eto pa ang matindi, nakalimutan ko phone ko sa bahay kanina. Pagkauwi ko, 12 missed calls na! Grabe lang, nafrufrustrate na raw siya. Sorry talaga ko ng sorry kanina and then ngayon, kauuwi ko lang dahil nagkita ulit kami. :)

Nakasmile ako ngayon Mr. T! Masaya ko. :) Para kong natutunong maglakad ulit. Sayang nga nagdala pa ko ng kotse kanina! Sana nagpahatid na lang pala ko! LOL! Anyways, ayun, since may flight ako bukas, we made sure na magkikita kami ngayon. Wala lang, para kaming ewan sa kapihan kanina. Naglaro ng AirHockey sa iPad. Nagpicturan. Tapos naglakadlakad. Kailangan ko umuwi ng maaga dahil maaga flight namin. O di ba nagboblog pa rin ako! First trip namin toh kasama buong pamilya ko. Yep, kasama ang tatay ko. Excited na ko. So happy right now. Nakakatuwa at may sumusubok umintindi sa kin. Hindi ko inasahan na after no show ako kahapon, maiintindihan niya ko. Minura niya lang ako tapos natawa siya. Hahaha! Siyempre ako sanay sa mga ganung eksena, minura ko rin siya. And then           hinug niya ko. In love ba ko? Hahaha! Kung may patutunguhan man to Mr. T!, sisiguraduhin kong ibibigay ko yung higit pa kesa nung una kong sobrang nagmahal. Masaya ko Mr. T! Ang tagal ko ng hindi nararamdaman toh eh. Nagsasanib pwersa utak at puso ko ngayon and bihira toh mangyari. Natutuwa ako sobra. Pero siyempre, binabalikan ko pa rin ang nakaraan, sinusubukan ko palaguin ang sarili ko. Itama or at least iimprove mga bagay na naging mali ko dati. Twice lang nagkasundo utak at puso ko, and this will be the third. Sana eto na ang pinakahihintay ko...  :)

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on September 22, 2011 at 11:31 PM in Everyday Drama | Post a comment

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, ikaw ang unang-unang tinext ko. Hello Mr. T! Kumusta ka naman? Grabe ang bagyo ngayon dito. Si Pedring. Parang si Milenyo sa sobrang lakas ng hanging. Sumisipol talaga grabe. Anyways, eto ako, kinakabahan. Hahaha! Feeling ko magkakajowa na ko FOR THE FIRST TIME IN MY LIFE! Kinakabahan talaga ko! Kasi alam mo yung minsan feeling mo na hindi ka sapat dun para sa tao. You're not enough ika nga. Nahihiya nga ako dahil tumanggi ako na sumama nung nagrerecord na siya ng album. Tapos tumanggi rin ako pumunta nung may rehearsals sila. Kung ano mang spotlight ang meron siya, ayoko tumapak dun. Natatakot din ako na kung magkakaroon siya ng guestings kung sansan, eh hindi ako makakapunta. Ano pang silbi ko kung magiging kami? Siguro ngayon lang tong pakiramdam na toh. Naramdaman ko rin dati toh sa isang nanligaw dati sa kin na designer kaya hindi ko siya sinagot. Sana tong inferiority complex ko mawala. I'm getting there. Kinikilig na ulit ako. Natatawa na ko sa mga kacheesihan and I find it cute ulit. Sinasanay ko na ulit sarili ko sa mga drama. Nakasmile ako ngayon sa totoo lang. Sana eto na. :) Susme Mr. T! ha! Gusto ko na makatikim ng sex ah! halos 3 years na kong tigang! Hahaha! Si Chris pa last na nakakyeme ko pero hindi pa sex talaga yun! Oo si Chris! Baket gulat ka ba Mr. T! Binanggit ko yung pangalan?  Let us all move one and iturin na lang natin siyang parang Von and Steve. Dun na siya sa category na yun :) Hahaha! Tama na muna ang drama. Ako na ang tigang! Hahaha! Joke lang, siyempre hindi naman sex ang habol ko, kasama na yun! Pero yung 3 years hindi yun joke! TOTOO yun! Wahuhuhu!!! Hahaha! Tignan mo nakakapagkwento ulit ako ng mga ganyang bagay Mr. T! I am learning. Binubuksan ko ulit pagkatao ko sa ibang tao and siyempre ang puso ko. Sana makanta ko na yung kanta ni Barbara Streisand and Bryan Adams! LOL! O siya, wala ng sense tong entry ko. Update you soon Mr. T! :) And to you, I have yet to hear you play the grand piano, hindi ako solve sa iPad lang. Ehehehe... mwah!

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on September 27, 2011 at 11:18 PM in Everyday Drama, Gayness | Post a comment

"Ilan na naging boyfriend mo?"

"Wala pa..."

"Seryoso?"

"Yep..."

"Eh ilan na ang minahal mo?"

"Hmmm... 1 yung sobrang mahal. 2 yung minahal lang..."

"Swerte naman nung 1 sobrang mahal mo! Ano nangyari?"

"Iniwan nila ko ng walang pasabi. Panget ata kasi ng ugali ko..."

"Baka ikaw naman nang-iwan..."

"Hindi ako nang-iiwan ng tao. Nawawala lang ako sa sarili pag nasasaktan..."

"Hayaan mo hindi kita iiwan kahit ganyan ugali mo. Hahaha!"

"Che! Kung gusto mo lumayas ka na rin ngayon na! Chusera ka! Hahahaha!"

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on September 28, 2011 at 12:20 AM in Everyday Drama, Randomness | 2 comment(s)

"Grabe ang kapal pala ng lips mo. Nakapout ng walang effort..."

"May angal ka?" 

"Wala. Iniisip ko lang baka ikaw si Angelina Jolie. Haha!"

"Hahaha! Baket lips ko pinupuntirya mo?"

"Wala naman. Pinagmamasdan lang kita..."

"Kita? Eh lips ko lang napapansin mo eh..."

"Hahaha!"

"Gusto mo kong halikan noh? Sige pipikit na ko..."

"Kapal mo ah! Eto sa yo... *tsup*"

"Highschool? Smack lang talaga? Hahaha!"

"Hahaha! Fine..."

"ieuowvhlfkjh@#$ewriotjaopskldfjm*^&aslkdfm@#!aqdkl"

Hahahaha! ALAM NA! :)

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on September 28, 2011 at 11:01 PM in Everyday Drama | Post a comment

Hindi pa rin ako makaget over dun sa barilan sa SM Pampanga. Imagine, 13 and 16 years old lamg sila. Napapatanong tuloy ako --- Anong alam nila sa pag-ibig? Pero napaisip din ako, 25 na ko pero hindi ko rin alam. Wala pa rin siguro akong alam. Para patayin mo sarili mo at mandamay ng iba, napakalungkot. PERO, PERO, alam mo ba Mr. T!, noon, nung nalaman ko na nagkakamabutihan na si Chris and Alvin nun, gusto ko sumugod sa America. Hahaha! Adik lang noh? Hindi para patayin si Chris pero para makasama si Chris. Dahil naramdaman kong iba na pagtitinginan nila nun. Muntikan na kong masiraan ng ulo at bait! Seryoso yan! Haha! Hindi ko na talaga alam pinaggagawa ko nun! Ngayon ko lang napagrerealize na sobrang nakakahiya pinaggagawa kong kagaguhan. Wala sa lugar. Walang pinag-aralan. Hahaha! Gulong-gulo na utak ko dahil napapalayo na si Chris sa kin nun. Haha! Natatawa ko grabe. Hahaha! Nakakahiya ako shet! Araw araw lagi akong lasing pati! Hanobayan Jacob! Hahaha! 

Too much love will kill you raw sabi nung kanta. Tignan mo nangyari sa 2 magjowang batang bading. Muntik na rin akong pumatay nung dumating sa kin ang balitang si Chris at Alvin na. Hindi ko napaghandaan pero ineexpect ko na nun. Chris became so distant sa kin before 2010 ended.  Hindi si Chris o yung jowa niya ang gusto kong patayin --- sarili ko. Sarili ko ang gusto king patayin.  Pumasok sa utak kong magsuicide! Haha! Halos 3 taon Mr. T! Wala dumampi sa bibig ko o nakahawak ng katawan ko! Si Benson noon lagi kaming magkatabi matulog pero ni hawak ng kamay wala! Hahaha! Dahil ang gusto ko kay Chris lang buo kong pagkatao! Hahaha!  Gusto kong lamunin ako ng lupa nung oras na yun. Ang lamig lamig ko. Sobrang bilis pintig ng puso ko. Ang saya saya ko pang binati si Chris nung birthday niya last year. Everything crashed. Lahat ng wish kong mangyari sa buhay pag-ibig ko gumuho. I felt na napakawala kong kwentang tao. Lumiit tingin ko sa sarili ko. Nanlumo ako. Gumulo utako ko ng mas magulo pa. Gusto ko mamatay nung oras na yun. Overdoaage ng Stilnox ang unang pumasok sa utak ko. At least tulog lang pagnachugi. Haha! Inisip ko na dalawinkaya ako ni Chris pagchugi na ko? Hahaha! 

Pero alam mo Mr. T!?, buti na lang andiyan mga tunay kong kaibigan. Andiyan din ang pamilya ko. Yung mga officemates ko nun. Silang lahat naramdaman nilang may nagbago sa kin. Lagi akong tahimik at di makausap at balisa. Naging takbuhan ko ang 7-11 sa RBC para uminom. Lunurin sarili ko sa mga bagay na nagpapasakit sa kin. It was temporary. Nawawala rin pagkalasing ko and naiisip ko pa rin mga nangyari. Masakit. Napakasakit. Pero hindi pala pagpapakamatay o paglalasing araw araw ang solusyon sa nararamdaman ko. Sinubukan kong magalit kay Chris and Alvin. Pero naisip ko, baket? Hahaha! Hindi ako marunonf magalit sa mga tao. Hindi talaga eh. I still believe in goodness. Pinaramdam sa kin ng mga kaibigan at kapamilya ko na I am loved and that I am important. Sapat na yun para mawala sa uta ko yung plano kong chugihin ang sarili ko. Hahaha! All the people that I love have places in my heart. Yung iba special place lang talaga sa puso ko. Kung papatayin ko sarili ko, san lulugar yung mga taong mahal ko eh wala na kong puso pag nadeds ako? Hahaha! And dun sa dalawang nachugi sa SM, sumalangit nawa kayo...or... sa rainbow at magslide slide kayo diyan. At para sa mga gusto chugihin sarili nila, maraming nagmamahal sa atin. Kung hindi man tayo kayang mahalin ng mga mahal natin, well... iparty party na lang yan natin! Too much love can kill nga, pero sabi rin love will keep us alive. Hahaha! Ang labo ko! Haha! Update you soon Mr T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! :)

Currently feeling: Free
Posted by jjcobwebb on September 29, 2011 at 12:49 AM in Everyday Drama | Post a comment

"Ano, tayo na ba?"

"Pwede huwag muna?"

"Baket kailangan pang maghintay eh dadating din naman tayo dun?"

"Hmmm... huwag mo naman ako madaliin..."

"Kung hindi ngayon, kelan ka pa magiging handa?"

"....."

"I love you..."

"I like you..."

"Yun lang?"

"Sorry ah... uwi na muna ko 6PM na pala..."

"Bahala ka sa buhay mo..."

Baket ganun Mr. T!? Grabe lang. Nafufrustrate ako sa sarili ko. Hindi na ata magkakajowa ever. BAKET AKO GANITO??? :((

Currently feeling: frustrated
Posted by jjcobwebb on September 29, 2011 at 10:27 PM in Everyday Drama | Post a comment

Matagal tagal na rin ako hindi nakakabisita sa probinsya. Kasal ng pinsan ko bukas ang papunta kami after lunch. Kung pwede lang matagal ako dun and magnilay nilay. Kaso uuwi agad kami after ng kasal. Hmmm... may kabubukas pa lang bagong drugstore sa Cavite. Taray andun mga Revilla. Rubbing elbows sina Mama and ate and everyone. Hahaha! Sushal! Si Diether Ocampo andun din! Sayang sana sumama ko kahapon. Kaso tinapos ko pasahod ng mga tao. Baka awayin na naman ako pag nalate yung sahod nila. Hehehe. Anyways, update you soon Mr. T! Baka pagbalik ko na from Bicol ako makapag-update. May internet kaya dun? Hahaha! Siguro naman di ba? Pero hindi kasi ganun kawelcoming mga kamag-anak namin dun! Hindi tulad nila pag andito sa Manila todo asikaso kami. Last time kami nagpunta dun ayaw ko na lang magsalita. Sana hindi masunog pwet ko sa biyahe. Gusto ko sana eroplano na lang kaso si Mama gusto ata mahaba ang chikahan kasama tita ko sa sasakyan. Good luck talaga! Anyways, empake na ko. Hindi ko na nakikita sina Barry and Rhitz ah. Tagal ko na rin di nakatapak sa mall. Lagi akong nasa kwarto naglalaro ng Barbie. Kaloka ko! Hahaha! May nakilala ko magjowa silang bading tapos mahilig din sila sa mga dolls. Ang cute lang nila. Hahaha! Anyways... I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya. :)

Currently listening to: Macarena na pinatutugtog ng tatay ko
Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on September 30, 2011 at 11:33 AM in Everyday Drama | Post a comment

Grabe hilong hilo na ko sa biyahe. Hilong hilo pa ko sa lengwahe ng mga tao dito. Haggard! Welcome to Bicol after 12 hours and after 3 years!!! Buray ni ina lang alam kong salita dito!!! Kaso mura pa yun! Haha! 11:30PM na! At Antok na antok na ko! Salamat sa lubak lubak na kalsada! Good night!!! :)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on September 30, 2011 at 11:41 PM in Everyday Drama | Post a comment
« 2011/08 · 2011/10 »