Gusto Ko Lang Din ng McDo Fries
Habang nasa bus ako pauwi Mr. T!, pinalabas tong commercial na toh. Grabe, sobra kong natuwa and napasmile. Kinilig ako kahit bata sila. Haha! Eto yung commercial.
Habang nasa bus, napaisip ako nung kung ano anong mga bagay. Lahat naman siguro ng tayo sa mundo, they want to be with somebody. Somebody they like, they love or kahit crush lang nila. May mga panuntunan tayo para magustuhan ang mga mamahalin natin. Mga ugaling ayaw at gusto. Sabi nga nila, may makikilala ka sa mundo na magpapakalimot sayo lahat ng panuntunan mo para sa isang tao. Yung isang taong hindi mo alam baket magiging mahal na mahal mo o gustong gusto. Ang standards mo, ang mga panlalait mo, minsan pati pagkatao mo makakalimutan mo para sa taong yun. Kahit dati pa Mr. T!, alam mo namang simple lang ako pag nagkakagusto sa mga tao. Tulad nung nasa commercial, McDo fries lang yung gusto ng bata. Pero siyempre hindi naman ganun kasimple sa bata na tipong McDo fries lang eh gusto ko na yung tao. Pero pwede, kung kasama mo yung taong mahal mo, kahit McDo lang kinakain niyo, baket hindi? Hahaha! Eeeeee… hahaha!
Hindi ako mahilig sa mga fancy na bagay. Hindi ako mahilig sa mamahaling kainan o sa mga mamahaling mall. Hindi ko kailangan ng mamahaling gadget, o magsusundo sa kin. Gusto ko lang yung nandiyan para sa akin. Yung makikinig sa mga kwento ko. Yung dadamay pag malungkot ako. Yung magsasabi ng “oy huwag kang madrama diyan di bagay sayo”. Hahaha! Yung magjojoke kahit corny pero matatawa ko. Yung pwedeng kasama sa mahahabang lakaran at hindi kami mauubusan ng kwento. Yung pwedeng makipagsabayan sa kin kumain ng isaw sa date namin. Yung taong kaya ring makipagsiksikan sa Quiapo pag may bibilhin kami. Yung kayang mandamba ng mga tao sa LRT o MRT. Yung taong magsasabi sa kin ng “oy, tumawa ka naman, hindi bagay sa yo nakasimangot”. Yung taong out of nowhere mabibigla ka sa surprise na gagawin niya pag feeling mo nakalimutan ka na niya. Simple lang di ba? Nakakapukaw ng puso Mr. T! Yung kayang ipagtanggol pa against na sayo ang lahat. O kaya’t sabihin sa yo ang dahilan baket against na sa yo ang lahat. Yung hindi ka paparatangan. Yung hindi ka huhusgahan. Yung iintindihin buo mong pagkatao. Sarap magimagine Mr. T! Hahaha!
Naalala ko tuloy yung nagsabi sa kin nito “Hindi mo naman kailangan gustuhin mga gusto ko. Hindi mo naman dapat gawin mga bagay na ginagawa ko. Pagpatuloy mo lang mga gusto mo at ginagawa mo. At ako rin…”. Nice noh? Hehehe! Nakakatuwa. Mga simpleng bagay pero ang laki ng naiuukit sa puso natin. At habang buhay iton nakaukit din. O di ba? Hahaha! Ang lala ko lang! LOL! Anyways, hindi pa rin kami nagkikita ni M. Pati si G kinukulit na ko. Good luck. Hahaha! Inaantok kasi ako lagi. Hahaha! Graduation pala kanina ni Kathleen Mr. T! High School na siya! Yey! Tapos, flight na bukas nina Ate papuntang US. Ako naman sa susunod na araw. Sushal! Mga jetsetters mga tao sa bahay! Hahaha! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. :)