25 and Thankful
Kumusta na Mr. T! I’ve never felt this good. Kung gaano kataas yung Emotions ni Mariah Carey ganun rin kataas yung kasiyahan ko. Ganun kataas yung love nararamdaman ko mula sa mga tao sa paligid ko. Anyways, bago ko simulan ang entry na toh, bababalikan ko muna ang birthday celebration ko last year. Isa rin toh sa mga hinding hindi ko makakalimutang celebration. Dito ko unang naramdaman na mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko. Last year toh, November 21, 2009…
- A Birthday to Remember – Posted on November 23, 2009 at 09:39 PM
Last Saturday, November 20, 2010, naramadaman ko yung pagmamahal sa kin ng mga kaibigan ko. I may not have everything in life pero sa pagmamahal na binuhos sa kin nung nagdaang Sabado, wala kong maitulak kabigin. Sobrang saya ko na nakarating mga inimbita ko. Alam kong may mga kulang na importanteng tao nun pero I am very speechless. Kahit sinabay ni Evan yung celebration niya sa celebration ko, nagpapasalamat pa rin ako. Akala ko hindi magiging masaya yung party. 3AM na natapos. May mga humabol pa. May mga umeksena pa. May mga bumirit. Tawa lang ng tawa. Grabe parang naging street party yung loob ng bahay Mr. T! Simpleng birthday pero naging bongga. Hahaha! Sa mga wala kagabi, namimiss ko na kayo, sa mga nagkasakit, sana’y gumaling na kayo, sa mga wala sa bansa, hihintayin ko pagbalik niyo. Pero habang andito ang iba, magpapasalamat muna ko.
Sobrang nagpapasalamat ako at sobrang nakakataba ng puso. Sabi nga ni Luis, since hindi siya nakapunta last year sa birthday ko, “Nilagpasan mo expectations ko”. Buti naman nasiyahan ang lahat. Ako rin sobrang saya ko. Ang maganda nung gabing yung strangers became friends and friends became best friends. Hahahaha! I can’t put into details the things that happened anymore. I’ll post the pictures on Facebook and it’s enough for story-telling. I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya Mr. T! Salamat dahil magaling na si Page and Bruno. Salamat dahil 25 years na kong buhay. Salamat sa pamilya ko, mga kaibigan ko at mga katrabaho ko. At salamat hindi nastress pamilya ko sa mga lalaking naghahalikan at naghoholding hands nung gabing yun. Buti open minded talaga sila! Salamat rin pala sa mga taong galit sa kin, napatunayan kong hindi kayo importante sa buhay ko. Baka ako importante sa inyo. Hahaha! Salamat sa Diyos at kung may fairy godmother man ako, salamat din ^_^. Hahaha! Mwah!
deck (guest)
you deserve all the love!
:)