Entries for October, 2010

Hello Mr. T! Musta ka naman? Dami ko ng hindi nakukuwento sa yo. Anyways, buhay pa ko! At nafeature twit ko sa SNN! LOL! Sorry kung napapagpalit kita sa isa pang letter T rin, si Twitter. Hehehe! Sorry talaga. Anyways, marami na nangyari, kahapon, blessing ng bagong bahay. Dito na rin kami natulog kahapon for the first time ni Mama. Ayun, okay naman, daming bisita kahapon. Masaya. Mga kamag-anak, friends, kapit-bahay etc. Anyways, nasa baba yung bagong picture ng bahay. Ganda di ba? Model modelan pa pinsan ko kahapon sa office side. Hinati kasi yung bahay, opisina and bahay proper. Pictures below and nasa Facebook pictures nung party… :)

IMG_0515

IMG_0189 IMG_0540
IMG_0542 IMG_0580

Ayun, tapos lately, parang super tambay na kami sa Distillery ng mga kaibigan ko. Old and new. Grabe nakakaadik uminom. Hahaha! Pero masaya talaga. Kahit nakatulog ako sa kalsada sa The Fort sa sobrang lasing at nilapitan pa ng guard. LOL! Pulubi ang eksena! Hahaha! Anyways, picture fest na naman toh. Ayun, hindi ko na makukuwento lahat Mr. T! Kung meron mang saksi kung san san ako nag gagala, si Foursquare and Twitter ang pwedeng tanungan. Pasensya ka na talaga Mr. T! Mas handy kasi si Twitter and Foursquare lately. Naghahanap nga ako ng blog writer sa iPhone eh. La naman ako mahanap. Miss na kitang sulatan sa totoo lang. Ayun, anyways, sana mag-enjoy ka sa pictures below. :)

IMG_0310 IMG_0416
IMG_0393 13
IMG_0285 14
IMG-6820 IMG_0467
IMG_0488 IMG_0565

Ayan Mr. T! Sa susunod ulit, update you soon okay? :) Ayan mga naganap buong September at simula ng October. Ang bilis ng taon, malapit na naman birthday ko, Pasko at New Year. Hmmm… alam mo na kung anong entry ang bigla ko na lang isusulat. Ang aking wishlist. ^_^ anyways, update you soon Mr. T! I still love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Ang tagal magsync ng iPhone 4 ko. Baka nasusuka na sa mga pictures ko. LOL! Ang dami dami dapat kwento pero talaga, wala na kong makwento. LOL! Mwah!

Posted by jjcobwebb on October 11, 2010 at 04:45 PM in Everyday Drama, Updates, Family, Drugstore | 2 comment(s)

Marami marami pala mga drafts ko dito Mr. T! Natawa ko nung binasa ko sila. Since wala kong updates lately. Pagnilay-nilayan natin mga drafts ko na hindi ko na natapos isulat...

 

18
2008/10/26 15:29

Nakalimutan ko ikwento toh nung Friday Mr. T! sa sobrang pagod. Kay Barry ko lang nakuwento nung nasa kotse kami. Actually, hindi ko kinaya mga pangyayari nung Friday. Let's start...

Matagal ko na nangungulit sa king tong bata na toh Mr. T! He's 17 years old siguro last 4 months 17 siya. Ayoko siya imeet for God's sake. Ang bata lang di ba? Pero nakakaYM ko siya minsan pero hindi regularly. Pag siya nagmemessage sa kin saka lang ako nagrereply. Nakita ko na siya sa pics and cam. Hanggang ngayon di ko alam san niya nakuha YM ID ko *looks at my blog's sidebar* Shucks. Anyways yun, kaka-18 niya lang nung August. He told me. Okay pero I still didn't have the time to meet up with him. Ilang beses ko siyang tinanggihan. Sa pagkakaalala ko, magkikita dapat kami nung October 10, nasa Glorietta na siya nun. I had to call it. For what reason, I don't wanna say. Siyempre nalungkot siya nun. Pero okay, yun friends pa rin. Until last Friday, I finally said yes sa invite niyang makipagkita.

18. Wow! Wala pa kong alam sa mundo niyan. As in. Grabe Mr. T! He was taller, good looking and fit. Siguro pag nakita ni Barry yun matataypan niya. Attractive siya hindi ko maiitatanggi. Dahil lahat ng nakakasalubong namin nung tumitingin sa kanya. Wow. Kakainsecure. He picked me up sa HSBC. Then, since ayaw niya sa maraming tao, dahil sobrang tago niya, pumunta kami sa isang malayong mall. Mall na malapit sa village ng aking kaibigan. Wow! Ang given nun. Ayun, buti may kotse siya dahil hindi ako papayag na dun pumunta kung commute. So yun, grabe, parang ang tanda ko na Mr. T! Imagine 5 years tanda ko! Pero sabi niya parang magkaking-age lang daw kami. Yun yun eh! Haha! He was nice and all, and gentleman. We had dinner. We walked and talked and laughed. I wasn't talking pala. He did all the talking. Medyo nosebleed siya Mr. T! So yun. Narealized niya na gay/bading/bakla/bi/chuva siya last April lang. Wow! Pero wala pa rin ni isang tao nakakaalam. Wow! Ano ko hayop? Hahaha! Susme, kahit ako, hindi ko siya pagsususpechahang gay. Kabaliw nga eh.

He thinks I'm nice daw. Sobrang totoo sa sarili. Sobrang fun and funny pa raw. Sabi ko, paano niya nalaman di ba? Nabasa niya raw. NABASA? Okay, alam ko na kung san niya nakuha ID ko kahit di niya sabihin. I enjoyed his company, pero hindi ko naenjoy mga CD's niya sa kotse Mr. T! Sobrang weird ng tugtog niya. Hindi ko feel. Pero okay lang may sense naman kausap kahit nosebleed.

Tinanong ko kung ilan na mga nakajerjer niya, o di ba ang brutal! Sabi niya once pa lang. Yung friend niya. Nung nagtrip lang sila. Dun niya narealize na isa siyang G-A-Y. Sabi ko, WOW. Napawow na lang ako. Nakakatakot siya Mr. T! Isa ba siyang santo? So I asked kung wala pa ba siyang nakikilala sa internet na PLU's, sabi niya yes. Pero sa panahon daw ngayon wala namang matino. Walang tumatagal. Everyone wants sex. Coming from an 18 years old... napaOO na lang. Hindi raw siya naniniwala sa forever. I do, sabi ko. Sabi niya, "pati nga fairytales naniwala ka eh". Sabi ko "Paki mo?". Sabi niya "I like that." Shet, actually, sa totoo, enjoy siya kasama. Halos parehas kami mag-isip or dahil isip bata talaga ko?

Eto ang weirdest part nung gabi Mr. T! May tinanong siya sa kin na hindi ko talaga kinaya nung hinahatid niya na ko...

J**       : So, do you want me to be your boyfriend?
Jacob   : Hah? Kaloka ka...
J**       : Do you want me to be your boyfriend cause I want you...
Jacob   : Wait you're going too far, we've just met...
J**       : Siguro you're not single...
Jacob   : Hello naman to you! Single since birth ako...
J**       : Eh why don't you want me to be your boyfriend?
Jacob    : Dahil hindi ganun kadali yun! Puwede kitang sagutin ng ngayon pero hindi ako ganun. Masasaktan ka lang and I don't want that to happen. Hind laro ang isang relasyon...
Ja**      :  In english?
Jacob    : Napatranslate: This is not a game. A relationship is not I game. I can easily say YES to you right now but I don't want to. You're attractive and fun to be with, but I don't wanna use you. I'm still broken...
J**       : Broken?
Jacob    : Long story. I can be your older brother if you want...
J**       : Can I call you KUYA?
Jacob    : Sure why not...

Hindi ko talaga kinaya yun. Medyo dinugo pa ko kakatranslate. Pero masaya naman Mr. T!

On Love Of Siam
2008/10/29 22:18

Dahil hindi kami makaget over ni Barry sa movie, paulit ulit naming pinagkukuwentuhan toh:

"Fantasy. The movie is fantasy"

"Sira, hindi fantasy yun, realistic nga eh..."

"Anong realistic? Never nga tayo nagkaroon ng ganun..."

"Nyi, ganun talaga. Some things are not meant to be"

"Wow, parang may pinaghuhugutan ko nung sinabi mo. Hahaha"

"Pota ka! Hahaha! At least matapang si Tong nung sinabi niyang mahal niya si Mew kaso hindi talaga"

"Aw! And?"

"Hindi tulad ng iba, iiwan ka na lang ng hindi mo alam kung baket. Mas malungkot yun..."

"Oo nga duwag sila"

"Hay..."

"Pero pantasya pa rin yun"

"Baket? Hindi nga..."

"Sige nga, maghanap ka ng kasing-cute nina Tong and Mew!"

"Hahaha! Oo, yung ang pantasya na part! Hahaha!"


Untitled
2009/04/18 12:38

Binalikan ko mga blogs na binabasa ko dati. Alam mo yung feeling nung una mong nasaba yung blog na yun and naging curious ka kung sino yung nagsusulat ng blog na yun. And pilit mong kinilala yung taong nasa likod nung mga letra at sentences na yun. Mga entries na yun. And nakakatuwa dahil tunay mong nakilala yung nagsusulat ng blog na yun. Pero nakakalungkot isipin, dahil kalimitan ugali ko maglagay ng tao sa karton. Kala ko yung buong pagkatao na yun na yun. And he was perfect. Dun siguro ako nagkamali Mr. T! Dumaan ang maraming blogs and the writer changed. And so his entries. His stories. Kung puwede lang sabihin na sana ganun ka na lang sa una kong nabasa, nakilala, sinubaybayan. Pero hindi Mr. T! Kahit hindi gumalaw ang isang tao, kung gumagalaw naman ang mundo, gagalaw at gagalaw din siya. At ang tanging naiiwan na lang eh yung nakaraan. Binubulong ko minsan sa sarili ko yun. Na sana kaya kong sabihin na "Sana hindi ka nagbago...". Ewan ko, nalalabuan ako. Siguro ako ang nagbago. Baka sila.

Chapel
2009/06/09 00:32

Naalala ko lang, simula 1st year HS hanggang matapos ako ng HS, and Chapel ang naging tambayan ko pagtapos ng lunch at pag-uwian. I would always pray. Kinakausap ko ang Diyos. Minsan ako lang mag-isa dun sa Chapel. Hindi ako natatakot. Naaalala ko pa rin amoy ng Chapel. Tumatagal ang pagtambay ko sa Chapel lalo na pag may Math quiz or long test or quarterly test. Hahaha! Ewan ko, bigla lang nagflashback lahat. I used to pray a lot. May nabago. Hindi ko alam. Nagdadasal pa rin naman ako pero parang hindi na kami close ni Bro tulad ng dati. Dati as in kinakausap ko siya. Nagkukuwento ko sa Chapel. Nanghihingi ng tulong. Nagsosorry.

I Miss You Like Crazy Pt. 1
2010/07/13 03:29

Hello Mr. T! Kumusta ka na? Sorry kung hindi na ko masyadong nakakapagsulat. Marami na kong utang na kwento sa yo. Marami na kong hindi nasasabi. Mr. T!, nahihirapan na ko :( Baket ganun? Hindi naman ako masamang tao di ba? Sa totoo lang naiiyak ako ngayon. Kung alam mo lang gaano ko sinubakan magmahal ulit. Hindi naman ako mapaglaro Mr. T! alam mo yan. Pero baket ganun? Parang lagi na lang ako nagagamit? Ang sakit Mr. T! Una kay Benson. Tas eto naman sumunod si Michael. Hindi naman naging kami Mr. T! Hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkakajowa. Niligawan ako ni Benson  Mr. T! I said no and I'll think about it. And when I was about to say yes, he disappeared because he wasn't ready so he said. Tas eto ngayon, si Michael, I'm starting to like him, nalaman ko na may jowa na siya at hindi niya sinasabi sa kin at sa iba ko pa nalaman. MASAKIT Mr. T! :(

 

Nakakatawa tuloy basahin. Mwahahaha! Hay buhay. Meron ako isang draft sobrang hindi for public consumption pero muntik ko na siya ipost! LOL! Hay... ang bilis ng buhay noh? Update you soon Mr. T!

Currently listening to: boses ni Ms. Anj
Currently feeling: nice and freezing
Posted by jjcobwebb on October 12, 2010 at 08:14 AM in Everyday Drama | 7 comment(s)

Nagoffline message sa kin si Jeff Mr. T!. Ewan ko, mixed feelings actually. Hindi ko alam mararamdaman ko. Natuwa ako. Nagreply back. Shucks, ang gulo lang. Anyways, masaya ko dahil sa message niya na yun. Wag muna magbitter bitteran. Gusto ko maayos ang lahat. Saka na ko magsasalita. Dapat maayos mga sasabihin ko.

Anyways, wala lang, wala kasing ginagawa sa office, since Monday pa kami paorder ng paorder ng kung ano ano. Tataba at tataba ako dito at OMGness! 31inches na waist ko. Nagpasukat ako kanina. Hahaha! Well since dati naman 30 inches siya. Pero lumaki ng 1 inch. LOL! Keribels pa naman. Hahaha! At nagevolve na talaga lengwahe ko. Gay linggo na ampota. Hehehe!

Kahapon nagkikita with South friends. Namiss ko sila infairness. Hindi ako uminom kahit lugar na pinuntahan namin puros may inuman. Tas hinatid ako ni Luis around 12am sa bahay. Nakatulog at nalate sa office. Tamah! Hahaha! Ang kumpleto ng buhay ko ngayon Mr. T! Pero ewan ko, kumpleto nga ba? LOL! Hahaha! Huwag masyadong emo. Bawal. Hahahaha!

Natutuwa ako dahil friends na ulit kami ni Benson. Si Migs naman, I'm trying to be friends with him. Sana maging maayos na ang lahat. Magkikita kami mamaya though. Sana as friends na lang talaga. Ayun, sa Saturday aalis kami ni Benson. Nakakatuwa dahil parang dati lang ulit. Bawal na ang landian. Hahaha! Awa ng Diyos civil na at kinukwento na niya pinagagawa nila ng jowa niya. Bwahahaha! Aylavet. Mwahaha! Sabi ko nga kay Che, I will feel it, when I feel it. Hindi pa ngayon Mr. T! Kung may dumating man at magparamdam sa kin nung naramdaman ko sa mga taong mahal ko nuon, then hindi ko pipigilan. :) GV!

Kahapon kinausap ako nung crush ko sa office. Wala lang. Hahaha! Tama! Kinilig ako. Very high school. O well, ganun lang talaga ang buhay ko. Very virginal. Hahaha! Oh Santa! LOL! Tama, may bagong song na si Mariah. Ahihihi... natutuwa ako. Sana mag #1. Hmmm... nu pa ba...

Wala pa kong wishlist Mr. T! Pero iniisip ko kailangan pa ba? There's only one thing I'm wishing on right now Mr. T! Hays... alam mo na kung ano yun. Basta bahala na yun. Hahaha! It will take care of itself. Grabe wala talagang magawa dito sa office. Miss na kita kausapin Mr. T! :) Kung jowa kita, naku, ang tagal na natin. Hahaha!

Nagplan pala kami ni Luis ng birthday ko --- tangenuh lang! over 50 guests ang kailangan iinvite. HINDI KO KAKAYANIN. Mamumulubi ako if ever! Unless sponsored ng kapatid ko. Hahaha! Grabe, lumawak ang network ko within 1 year. Sumobrang dami ng kakilala ko. And it's scary sa totoo lang. Pero wala namang nagbabackstab sa kin so far. Everybody loves Jacob. LOL! Ayun, sabi ko kay Luis iscale down na lang yung party, intimate na lang. LOL! Parang concert ni Mariah nung 2003. Hahahaha! Ayun, siyempre mga kulang na tao sa birthday ko this year. Malapit na siya. I'm looking forward to it.

Feeling ko, alcoholic na ko. Feeling Mariah lang din ako. Hahaha! Feeling ko tumataba na ko. Feeling Mariah lang din. Feeling ko rin hindi na maganda boses ko. Ala Mariah lang din. Baket feeling ko ako si Mariah? Eh wala naman akong Nick Cannon!? Tammmah! Hahaha!

Tuloy kaya Enchanted with Sherry and Beck tomorrow? I miss them na Mr. T! Congrats kay Beck na natapos niya ang CS-CSE! Wow! Galing galing! Hay, hindi ko kinaya ang course na yan. Galing nina Beck, Sherry and AK. Namiss ko tuloy Block S13 2008. Ano pa bang pwede ikwento? Tapusin natin ang blog na toh nung kumakain kami ni Ate sa bagong bahay...

Ate: Kelan mo dadalhin boypren mo dito sa bahay?
Me : Huh? Ano yung boypren? Hahahaha!

Sana ganun din ako kaexcited kay ate sa pagkakaroon ko ng jowa. Susme, sabi ko nga kay Barry, we were meant to be Single Ladies *sabay sayaw*. Hahahaha! Well ganun ang buhay. Sana dumating pa siya. Kung hindi na, magmamadre na ko. LOL! Ayoko ng drama, ayoko ng emo. Tulad ng blog title ko: "No Time To Cry --- I'm making the most of life." at "I'm leaving it all behind"...

Kelan ba ko yayaman? Hahahaha! Love you Mr. T! Update you soon. :)

Currently reading: Worry Free Business Telephone Numbers
Currently feeling: super busog
Posted by jjcobwebb on October 15, 2010 at 08:18 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Hello Mr. T! Namiss kita. Sorry sa hindi pag-uupdate sa yo. Namimiss ko na magblog sa totoo lang. Namimiss ko na yung nagboblog ako tapos gabi tapos yung laptop lang nakikita ko at madilim and paligid. Namimiss ko na yung ganun. Ganun kita laging iupdate di ba? Ang hirap na kasi makatiyempo ng ganung pagkakataon eh. Namimiss ko na rin yung nagfoflow lang mga nasa utak ko tas sinusulat ko sila. Namimiss ko na rin magsalita ang puso ko. Ganun pa rin ang lahat Mr. T! Wala naman masyadong bago. Iniisip kong gumawa ng wishlist entry. Pero parang iba na eh. Wala kong naiisip na gusto ko pa Mr. T! Isa lang lang talaga. Gets mo na yun. Pero parang wala na kong magagawa at never na matutupad yang wish na yan. Dadalhin na lang hangin ang wish ko na yan. Anyways. Ayun lang yung entry na toh. Magkukuwento ko pag hindi na maingay ang paligid...

Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on October 28, 2010 at 07:44 AM in Everyday Drama | Post a comment
« 2010/09 · 2010/11 »