Weekday Nights and Friday Nights
Are here again! Weee… nakakatuwa Mr. T! Normal na tao na ko simula bukas. 8am-5pm na ko bukas! Meaning, more nights for friends, family, chikahan, inuman at kung anu-ano pa. Pero ang mahalaga, matutulog ako ng madilim! I’m gonna love this schedule Mr. T! Kahit 2 months lang kaming morning shift, keri na rin. Matatapos na ang bagong bahay Mr. T! Excited na kong lumipat! October daw kami lilipat. Nakakatuwa.
Tulad ng nasabi ko sa previous entry ko, si Bruno pasado na sa boards. RN na siya tulad ng lahat ng kapatid ko. Ako lang walang lisensya dito sa bahay. Hahaha! Tas ang aking pangarap na iPhone 4, nakuha ko na. Binigay ni Ate for no reason at all. Haha! Macbook dapat pabibili ko kaso fine! Ako na lang bibili nun hanggang napagdecide ko na kung Air or Pro --- or iPad! Hahaha! Takte kasi, nilagyan pa ko ng Macintosh skillset ng manager ko! Ano bang alam ko sa Macintosh? iPod at iPhone lang meron ako! 2 weeks ko nang hindi nakikita sina Barry and Rhitz. I miss my best friends. And si Barry may problema pa, shucks wala kong magawa para pasayahin siya kasi nga sa sked ko ;( I’ll try my best this week…
Weekend was fun. Kanina andito pamangkin ko na si Emo and Gab sa bahay. Si Ate and Mama kasi nagDivisoria kasama si Ate Ningning. Si Bruno nagdrive sa Divisoria! Siya na talaga! Hahaha! Grabe, gusto ko man talaga magdrive gagawin lang akong driver dito sa bahay. Ayoko kumuha ng lisensya! Hahaha! At ang sakit ng ulo ko kaninang umaga! Kalerkei! Takteng Red Horse yan, masyado kong masaya kagabi sa Obar with Luis and Recto. Wahhh…
Nagkakalabuan si Luis and Robert Mr. T! Ayoko naman ikwento dito. Nalulungkot daw sa bahay si Luis. Si Che ang galing talaga, kala namin susunod. Si Recto sumunod sa Obar Ortigas may kinimber pa siya before siyang pumunta. Hahaha! Mega dance and more sayaw talaga ginawa namin kagabi. SUPER DAMI NG BAKLA KAGABI. Sunog na kasi ang Bed kaya naglipana lahat dun! Pero nakakapagod Mr. T! Umalis agad kami nina Luis and Recto. NagStarbucks kami sa Metrowalk. More daldalan na lang and super tawanan. Then sabi ko gusto ko matulog ng wala pang araw, so bago mag4am umuwi na kami.
At eto, sinasabihan ko na kasambahay namin ano almusal ko bukas. Naeexcite lang ako magpang umaga ulit! Weee… anyways. Naiinis ako hindi ako nakasama sa celebration last Friday ng Family sa Shang. Hays… yun, sige, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya! UYS! *update you soon* :D