Mindoro Sling
First time ko nakita si Wesley na lasing. Hahaha! Sa Puerto Galera pa. Andun kami last Saturday. Nagpaiwan kami sa White Beach nung kinagabihan na bumalik na sa Sandbar mga employees ng drugstore. Summer outing for 2010 ng drugstore toh. Second batch na nung weekend. May mga nauna na kasi at hindi ako nakasama nung una. May third batch pa, sa katapusan naman sila babalik dun. Ayun, si Bruno lang hindi nakasama sa pamilya. May duty kasi siya. Sayang hindi na naman kumpleto family picture sana namin.
Masaya siya Mr. T! With family na tas nakaparty pa ko. Hahaha! Siguro hindi ako makakaparty kung hindi kasama si Wesley. Anyways, ayun, sa Sandbar kami tumuloy. Lahat ng employees andun. Sobrang nice nung place. Sobrang saya. Pero tulog ako nung umaga nung Saturday kasi galing akong work nun. Wala kong magawa, tulog versus kahit ano, tulog talaga pipiliin ko. Hahaha! NagBanana Boat sila, nagSnorkeling at kung anu ano pa. Then nung kinagabihan, gising na ko, lahat kami pumunta sa White Beach. Naginuman, nagpatatoo sila. Tas kami ni Wesley nagpaiwan nung kailangan ng bumalik sa Sandbar. Hahaha! Alam na talaga!

![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Ayun, super uminom ulit ako ng Mindoro Sling. Salamat sa Diyos hindi ako bonggang tinamaan. Pero si Wesley talaga, super tinamaan. Nahulog na sa upuan, nasuka, humiga na sa kalsada para matulog. Sabi nga niya, kung di ko siya nilasing, alam na talaga ang mga naganap! Hahaha! Ang dami pa naman niyang aura nun. Ako nakakaloka aura ko babae pa! Shet lang. Pero sobrang fun. Hahaha! Hindi namin alam kung anong oras na kami nakauwi since wala kaming dalang phone. Ayun, kinaumagahan, kami naman nagBanana Boat. Ang saya. Tapos swimming. Bonding. Kulang na lang talaga dun videoke. Hahaha! Super fun grabe Mr. T! Kailangan kong bumalik dun kasama sina Luis. Hahaha! At si Benson dapat isama ko rin. At sina Barry and Rhitz and Jeff. Ang saya saya. May bonding na kami ng family ko, hinayaan pa talaga nila kong pumarty. Weee… ayun lang, sobrang seasick kami lahat nung pauwi, sobrang alon Mr. T!
Sobrang saya kahit mahal ang tricycle, nalasing si Wesley, babae ang nilandi ko dun, kahit hindi ako masyadong umitim, kahit hindi nakasama si Bruno at hindi kami kumpleto. Masaya rin kahit tulog ako habang nagsnorkeling sila, kahit nahilo ko sa bangka, kahit hindi ako nakakain nung dinner na bongga. At masaya pa rin kahit lahat ng pictures ko eh galit na galit ang aking tiyan. Hahaha!
Hays… o ayan update ko. Sobrang hindi detailed. Hindi ko naman kasi kaya iexplain or ikwento gaano ko kasaya eh. It wouldn’t be as gay kung hindi kasama si Wesley sa batch na toh. Buti na lang talaga kasama si Wesley. Pero isa lang masasabi ko, did I do that? LOL. Update you soon Mr. T! :)
P.S. At habang nasa Puerto pala ako, sina Barry, Rhitz, Sabs and Van, nagroroadtrip sa Batangas. Sana inisked nila na pwede ako :(