Entries for February, 2010

Sobrang bihira ako pumunta sa lugar na yun. Thrice pa lang before yesterday. Fifth na kanina dahil kahapon fourth nung hindi ako nakaabot sa mga NBI forms. Ewan ko, bakit parang ganun, nalalabuan ako sa nararamdaman ko pagmagkasama tayo. Yep, I like you --- a lot. Hindi ko alam kung gusto mo rin ako. Siguro gusto mo ko as a friend at siguro hanggang dun na lang yun. Gusto ko nakikita kitang masaya. Gusto ko pag napapatawa kita at napapatawa mo ko. Hindi ako umaangal kahit san mo ko dalhin dahil masaya ko basta kasama ka lang. Kahit habang buhay tayong naglalakad kahapon, walang katapusang pagdadaldalan, kulitin at asaran, parang hindi ako napapagod. Alam kong pagod ka na sa buhay mo. I can feel you. Pero huwag ka mag-alala, andito lang lagi ako. Sa totoo lang, hindi ko masabing gusto kita as in gustong maging karelasyon.

Gusto kita. Pero hindi ko alam baket hindi ko kayang aminin sa sarili ko na gusto ko iangat pa ng isang antas yung pagkakaibigan natin. Hindi ako sigurado sa mga puwedeng mangyari. Hindi rin ako sigurado sa sasabihin mo. Natatakot ako. Baket kaya ganun? Nararamdaman pala talaga yung hindi ka sigurado para sa isang tao sa hindi mo alam na kadahilanan. Kung alam mo lang paano mo ko napapasaya. Kung alam mo lang minsan naiinis ako sa yo dahil isa kang malaking asungot sa buhay ko minsan. Dahil ang kapal ng mukha mo. Dahil ang kulit mo. Ang daldal mo. Ang gulo gulo mo. Ang bakla bakla mo. Pero sa lahat ng yan, nanghihina ko pag magkatabi at nag-uusap na tayo. I've never been this week beside somebody else before. Baket kaya ganun? Natatakot ako.

Minsan tinatanong mo ko baket lagi akong tulala pag magkasama tayo. Sagot ko naman nagrerecharge lang utak ko. Pero sa totoo, nag-iisip ako pag magkasama tayo. Is this who I really want? Eto ba yung taong gusto kong maging more than friends kami? I am not so sure pero gusto kita. Pasensiya kung minsan talaga parang nagbablack out ako pagmagkasama tayo. Hindi ko rin alam anong meron sa yo baket napapaamo mo ko. Hindi ko alam baket mo ko napapasaya ng ganito. Siguro mahal kita ayoko lang aminin sa sarili ko. Kasi natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Natatakot na ko kasi napunta na ko sa lugar kung san nasaktan lang ako. Pasensya na kung hindi ko masabi. Natatakot kasi ako mareject ulit. Natatakot ako sa pwedeng mga mangyari.

Nagseselos ako pag nagkukuwento ka ng mga taong mahal. Nagseselos ako pag sinasabi mo sa kin mga taong gusto mo. Nagseselos din ako pag shineshare mo mga bagay na gusto mo sa isang tao. Nakakalungkot kasi ni isa sa mga napagkwentuhan natin na katangian na yun hindi ako. Wala ako dun. Siyempre ako naman, pasmile na sasabihin, go lang. Masakit pero ganun talaga. Kung san ka masaya dun ako kahit gaano pa kasakit di ba?

Hindi ko rin naman masabi sa sarili ko na gusto mo ko. Hindi ko alam kasi ayoko na mag-assume. Sawa na ko kakaassume. Pasensya na rin kung lagi kong bukhang bibig si Chris. Alam ko sawa ka ng marinig yang pangalan na yan. Pero tulad nga ng sabi mo mahal ko si Chris. Pero gusto ko rin sabihin pag sinasabi mo yun na parang mahal na rin kita. Ang hirap. Wala ko sa positiong mag-assume. Magulo takbo ng utak mo. Kasing gulo mo. Hindi naman ako manghuhula para basahin ang kilos at pag-iisip mo.  

Ginagawa ko lahat para kilalanin ka ng maigi. Gusto ko marami tayong pagdaanan. Gusto ko maging super close tayo. Para marami tayong babalikan na memories. Marami rami na rin. Nakakatuwa na tinago mo lahat ng movie tickets natin. Tas ako ni isa walang naitabi. Ayoko na kasi ng emotional baggage. Natututo na ko sa mga tickets na yan. Hay... sorry talaga duwag ako. Sorry makulit ako. Kung san man ako dadalhin ng nararamdaman ko na toh bahala na. Gusto ko sanang umasa sa yo, pero parang huwag na lang. Give me reasons to believe na meron ka rin nararamdaman. Sana...

Currently reading: Plants VS Zombies window
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on February 9, 2010 at 11:43 PM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Nag Binondo kami kahapon kasama si Ate, Mama and Erwin. Pero galing kaming Makati City Hall tas nag Greenhills then nag Binondo. Sa isang Feng Shui shop. Bumibili si Ate ng mga pampasuwerte...

"Hakob! Love Mirror o! Pampaattract ng lovelife. Bilhan kita para magkaboypren ka na..."

"Hindi eepekto sa kin yan. Baka mabasag ko pa yan!"

Ayun, tawa kami ng tawa after. Then pumunta ko ng Banawe para kitain sina Luis and Che. Andun si Paolo. First time kami nagkita ni Paolo after so many stories. Ang gwapo ni Paolo Mr. T! Hahahaha! Anyhooos... update you soon. Valentine's Day na! 

 

Currently listening to: Luis's voice on phone
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 11, 2010 at 08:27 PM in Everyday Drama | Post a comment

Nahihiya ako magblog Mr. T! Nahihiya ako sa yo. Hahaha! As in. Ewan ko, parang weird ng feeling ko ngayong nagtatayp ako sa sayo. Wahhh... naguguilty ako sobra kasi hindi na kita nauupdate. Naguguilty ako sobra dahil parang ang tagal na kitang di nakakabonding. Naguguilty ako dahil parang pinagpapalit kita sa Facebook and Twitter. Nahihiya ako sa yo. Pero siyempre kahit may Twitter at Facebook ako, babalik at babalik ako sa tunay kong mahal. Ikaw yung Mr. T! Haha! Parang sa love di ba? Kahit ilang tao pa ang landi landiin ko, siyempre babalik at babalik ako dun sa taong tunay na mahal ko! At nasan na ang tao na yun? Kilala ko na ba siya or makikilala ko pa lang? Hahaha!

Anyways, sobrang dami na ng naganap Mr. T! Ewan ko, baket kinalimutan kita. Hiyang hiya ako sayo ng sobra. Pero alam mo yan, super love kita! I MISS YOU! Brief recap tayo ng mga hindi ko nakwento sa yo. Try kong igroup. :-)

Food Trips

Ang everynight naming pag6750 nina Che, Angel, Alex, Joyce, Bea and Luis. Muang Thai kasama si Luis with Ate. Ang North Park with Tess, Sabs, Barry and Ritz. Ang South getaway with Paolo, Teara, Archie and Kevin. Ang KFC namin ni Mark. Ang Buffalo Wings sa Red Box with Paul. Super Buddha with Patrick. Starbucks with Allen. Tokyo Tokyo with Benson. Bibingka stand sa Tayuman with Allan. Clawdaddy with Family. Clawdaddy with Chris. Siomai House with Benson. Harbor View with Paolo, Luis, Che, Kevin, Joyce, Teara and Archie. Ang inuman everywhere with South friends. Trinoma with South Friends. Teriyakki Boy with Luis, Barry and Ritz. Redbox Trinoma with South friends. Rockwell with Che and Angel and Luis. Inuman sa Rockwell. Saisaki sa Megamall. LAX. At kung may nakalimutan ako, yun na yun. Hahaha! Yan lang kaya kong alalahanin Mr. T! At kanina, super punta kami sa mga party. Hahaha! Nakalibre kami ng pagkain sa Tiendesitas and Greenbelt 5.

Movies

Princess and the Frog with Benson. Dear John with Benson. Dear John ulit with Mark. Love Happens with Allen. Paano Na Kaya with Tess and Barry and Ritz and Sabs. Cloudy with myself. Percy Jackson with Chris. Precious sa DVD. Yun lang maalala ko. Hahaha! Alam ko may pinanood ako kasama mga pamangkin ko kaso di ko na maalala.

Memorable Moments

Siyempre ang Valentines Day with Chris. Nang bonggang nainis ako kay Benson. Ang aming CBTL experience nina Barry and Rhitz. Ang bagong bonding with South friends. And hindi pagpapasok kay Meg sa LAX. Ang lasing moments with Che. Sa Cedar at sa MOA. Columns with Sabs, Tess, Rhitz and Barry. Ang mahiwagang tikoy. Ang Binondo moments with Family. Ang kacuriousan ni Mark. Ang unang pagtatagpo namin ni Allen after 2 years. Despedida ni Marissa. Ang aking bagong pagtatrabahuhan. Ang muling pagkikita namin ni Tom. At kung nakalimutan pa ko na nagpasaya at nagpalungkot sa kin na moments, sorry. Eto na lang talaga maalala ko. Ay oo, additional, siyempre and laging paghatid sa kin ni Luis sa bahay paglasing na ko. Hahaha! Parang 5 hours lang ang paa ko sa bahay lagi. Hahaha! Layas ako ng layas OMG lang talaga. Hahaha!

Yan na lang maalala ko Mr. T! Nahihirapan na ko alalahanin lahat. Hahaha! Hay, sobrang namiss kita Mr. T! So yun ang update ko nung nawala ako. Bukas, may bagong magsisimula sa buhay ko. A change is coming. Excited ako. Feeling ko first day ng school. Excited na ko sa mga magiging katrabaho ko. Kebs lang talaga ko kung anong trabaho ang ibibigay sa kin basta okay ang mga kasama ko keri na. Ayun, kauuwi lang namin. Nanood Pyrolympics sa MOA. Sobrang miss na talaga kita. Miss ko na rin si Jeffrey Mr. T! Grabe! Jeffrey please umuwi ka na! Hahaha! Magkaroon man ako ng maraming maraming friends siyempre iba kayong 3 nina Barry and Ritz. Mga boyfriends ko kayong 3 eh. Yun nga lang, boyfriend na walang churvahan. Hahaha! Wahhh... miss ko na bonding natin shet ka! Hahaha! Anyways sige sige Mr. T! Wish me luck tomorrow. I'll try to update as much as I can. Okay? I love ya, I enjoy ya and I still appreciate you after all these years Mr. T! Mwah! Mwah!

*subtle_bliss

Currently watching: Starstruck Final Judgement
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on February 21, 2010 at 11:24 PM in Everyday Drama | Post a comment

Sa may Harbor Square kami nagdinner. Oo kami. With Luis, Paolo, Archie, Teara and then sumunod si Che, Angel, Alex and Kevin. Ang dami namin kagabi noh Mr. T! Grabe, wala pa akong tulog kahapon ah! Galing kasi kaming photoshoot sa Shang sa school ni Teara. Nag-aaral kasi ng make-up si Teara eh. Ayun,  model niya si Paolo and Archie. Hahaha! Body sculpting. Hahaha! Airbrushing ng abs. Hahaha! Tawa ko ng tawa kahapon. Dun ako dumerecho after work. Dun na rin dumerecho si Luis after school. Then naglunch sa food court sa Shang. Si Paolo bumili ng sunblock sa Mercury Drugs. Tapos nagStarbucks sa pinaktop floor. Then around 6PM nagHarbor Square na. Grabe, lahat kami tulog sa kotse. Hahaha! Si Luis lang ang gising. Kasi pag natulog pa siya, sino kaya magdadrive? Hahaha! So yun, super saya Mr. T! Dapat uuwi na ko nung papunta silang Harbor Square pero naisip ko wag na lang. So mga 10PM umuwi na rin ako since gigising ako ng maaga. So yun, sina Che and company humabol. Si Kevin din. Si Che super saya na naman kagabi. Pero masaya naman talaga. Kulitan, games at siyempre inom inom! Hahaha! Si Teara and Pao umuwi na rin nung 10PM. Naiwan yung iba dun. 12AM na raw sila nakauwi eh. Ayun lang naman Mr. T! Ang boring ko na ba magkwento? Hays... sige sige update you soon :)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 24, 2010 at 09:23 PM in Everyday Drama | Post a comment

Kauuwi ko lang Mr. T! Galing sa aking bagong trabaho. Yep, hindi ko pala sa yo nakwento ang first day ko sa work nung Monday. I'll find time para makapagkwentuhan tayo. Hay... natututo ako maging maaga ngayon Mr. T! 30 minutes before ng time-in ko, nasa office na ko. Nakakapanibago noh? Anyways okay naman ang araw ngayon. Still adjusting. Kanina pala, naiyak ako sa kanta na toh narinig ko sa taxi kanina habang pauwi. Nakakahiya sa taxi driver baka isipin emo ko. Madrama pero ang ganda sobrang ng kanta. Natamaan ako. So super hinanap ko siya sa internet... OMG lang talaga. Nakakaiyak yung kanta :(

Side A - Just Wanna Be With You

This is the first time I've heard this song Mr. T! Mukhang pag eemotan ko toh ng matagal tagal. Ang ganda ng kanta. Nakakalungkot pero ang ganda ng ibig sabihin. Ngayon lang ulit ako naghanap ng kanta sa internet na narinig ko una sa radio... hay...

 

Currently listening to: Just Wanna Be With You by Side A
Currently feeling: contemplative
Posted by jjcobwebb on February 25, 2010 at 04:39 PM in Everyday Drama | Post a comment

Sobrang saya ng February Mr. T! Walang katulad. Hindi ko kaya ikwento lahat. Pwede pictures na lang? :D Eto mga kaganapan ng February. Parang October 2009 lang ang February 2010. Grabe, wala kong pinalampas na lakad except kung super pagod ako. Sobrang saya. Walang katulad. Salamat kay Luis, Che, Angel, Joyce, Bea, Palo, Archie, Kevin, Teara at sa lahat ng tao na ginawang napakasaya ang aking February ngayong taon na ito. Ang dami ko ng hindi na blog sa yo Mr. T! Sana maintindihan mo na sumasayad na lang paa ko sa bahay nung February. Sobrang saya. Salamat guys. Salamat :)

02022010260 18022010022
image image
23022010037 image
image image
image image

Ayan mga dahilan baket nakalimutan na kitang bisitahin Mr. T! Hay… Laguna kahapon with the guys. Grabe, basta ang dami dami na nangyari. Ano ba toh. Hahaha! Ibang klase talaga. Super saya. Super fun. Isa sa mga moths ng taon na hindi ko makakalimutan. Everyday is party day talaga Mr. T! Everyday is liquor and coffee day. Wala kong tulog pumapasok ako ng office. Lasing ako tas pumapasok pa rin ako ng office. Shet! Gusto ko na ata mamatay ng maaga. Hahaha! Mananahimik na muna ko ngayong March. Sana kaya ko. Hahahaha! So ayan muna update ko Mr. T! March na grabe. Ang bilis noh?

Posted by jjcobwebb on February 28, 2010 at 06:45 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Food and Dining | Post a comment
« 2010/01 · 2010/03 »