Jhett
Grabe! Sa wakas natuloy din pagkikita namin ni Glenn aka Jhett Mr. T! Mas sanay akong tawagin siyang Jhett kahit real name niya Glenn. Pero bago yan, ininterview ako kanina sa Ortigas. Hahaha! Sobrang aliw lang. Weird, never talaga kong kinakabahan pag job interview. Ayun, may nakilala ko si Jason. Bakla siya at pogi! Hahaha! Usap siya ng usap sa kin kanina. Tapos hiningi niya number ko. Hindi ko binigay kasi nahiya ako. Hahaha! At baka magfeeling. Binigyan ako til tomorrow pala nung company magisip kung magyeyes ako or no. Feeling ko “no” na ang sagot ko sa kanila. Parang masaya pa ko sa pharmacy. Nung isang araw pala nasa Makati City Hall kami ni Ate. May mga inayos Mr. T! So yun, iba ata talaga ang compensation ko sa pharmacy! Wahahaha! Anyways yun, balik tayo kay Jhett…
At kailangan talaga namin magpicture picture kasi sobrang tagal na namin di nagkita grabe! At forever emotera si Jhett! Sabi ko smile eh. Hahaha! Ang tagal tagal na talaga namin di nagkita! Huli namin kita ang taba taba niya pa, iba ang jowa niya. At ngayon sabi niya, nagkalaman daw mukha ko. In short tumaba ko. Siya naman ngayon ang payat at may bago ng jowa! Ayun, sobrang dami naming kwentuhan portion. Then kumain sa McDo. Tawanan, kulitan grabe sobrang saya. Namiss ko naman si bakla. Nakakatuwa talaga Mr. T! Tapos tamang tama sina Barry and Rhitz nasa Greenbelt 3 rin. Nameet nila si Jhett. Ayun, nagplano kami manood ng Mano Po 6. Tinamad. NagStarbucks na lang kami. Tapos tapos, ayun, since si Barry tinopak na naman and si Jhett wala ng ride home dahil gabi na at nakakatakot magcommute til Monumento, nagmagandang loob si Barry na ihatid namin siya. Pero bago yun, mineet muna namin mga baklang friends ni Jhett na iba sa may Salcedo. Tumambling lang kami ni Barry dahil ang cucute ng friends niya. Pinabababa kami ng car nung mga baklang friends ni Jhett pero hindi na kami bumaba. Grabe yung isa dun kahawig pa ni Chris Tiu! Panalo talaga! Hahaha! Pero yun, papuntang Malate mga friends ni Jhett pero hindi kmai sumama. Si Jhett din hindi sumama. Tapos yun, hinatid na namin siya ni Barry then hinatid ako ni Barry. Tapos alam mo ba Mr. T! kung sino mga nakita ko sa Greenbelt 3??? Mwahahaha! Si E and O! Hahaha! At may kasamang daddy! Hahaha! Ayoko na ilagay ang name nila sa blog ko dahil baka kumalat na naman link ng blog ko at sabihin nangchichismis ako ala circa 2005 na blog ko. Hahaha! So yu, sobrang saya nakita ko si Glenn kanina. Aakyat na siya ng Baguio sa Sunday. Si Barry aakyat naman sa Saturday. Nakakaaliw parehas silang dalawa taga Baguio noh Mr. T!? At tinanong ni Barry and Rhitz paano kami naging friends ni Jhett, tumambling sila sa kwento namin. Hahaha! So yun, update you soon Mr. T! Gabi na, may meeting sa pharmacy maya-maya. Bawal ma-late! Hahaha! Mwah!