Entries for September, 2009

September na Mr. T! October, November at birthday ko na, December at Pasko na --- mabilis na lang matatapos ang taon. Andito pa rin ako sa gitna ng kawalan. Ano raw? Haha!

Magandang gabi Mr. T! Marami nangyari ngayon pero one thing really made my day. Yes, isang tawag ng isang taong hindi ko inaakalang kukumustahin ako kahit sobra siyang busy ngayong araw na toh. It was really random. Sobrang napa-smile ako hanggang pag-uwi ko and until now nakasmile ako Mr. T! Mababaw ako alam ko. Simple things make me happy. What more yung sobrang busy tapos naalala pa ko. Thank you. Lahat ng pag-aalala mo at ginawa mo sa kin lately. They are appreciated.

After work, pumunta ko DLSU para kitain si Deck. No, para kitain actually si Sherry and Beck. Pero nasa Megamall ako bago ko nagpuntang DLSU. May tinitignan kasi akong pabango. Chinecheck ko lang yung amoy. And original yung pabango na binebenta nung isang pharmacist for half the price. Gusto ko tuloy bumili. At ang Megamall nakaWifi na! Ahahaha! Gusto ko rin sana bumili ng bagong PC. Pero okay pa naman tong laptop ko. Hahaha! Saka na yun.

Ayun, nagkita kami ni Deck muna sa McDonald's. Naghabulan ng kwento. Nagtawanan. Kumain. Ayun. Yun lang kwento ko. At iququote ko ang isang binitiwang salita kanina habang nagkukuwentuhan kami Mr. T!

"Kung nabibili lang ang love life, siguro ang dami ko na..."

Gusto raw iquote ni Deck sa blog niya eh. Pero sige, bahala na sino una magblog sa min. Ayun, thesis pa rin sila nila Angelica and Carms. Sina Casti and Rech nakita ko rin sa McDonald's. Tas si Deck nagyoyosi na. Hahaha! Nakita ko may Marlboro na black siya. Tinry ko, wow masarap siya! Parang Vicks inhaler. Sa UM siya/kami nagyosi. Haha! Tapos yun, around 6PM si Sherry and Beck were waiting na para sa kin. Sa SDA kami pumunta.

May exhibit si Franco. Ex-blockmate namin. Gagraduate na kasi ng MMA sa CSB. Si Simon din kasama sa exhibit. So yun, first time ko nakapasok sa SDA. Una kong nakitang kakilala si Benson. Andun pala. Okay ang weird nung nagkita kami. Speechless ako. Then si Mikael. Si Mito. Si Mikhail nakita ko. Oo nakita kita! Hindi mo ko pinansin! At alam kong babasahin mo tong blog ko. Hmph! sa yo! Hahaha! Then ayun, si Chabs and CJ. Mga blockmates ko dati, Marvin, EJ, Aaron at si Griff andun din. Family ni Koys and yung anak niya na malaki na. Nakakatuwa. Saya dun sa building na yun. Then yun pumasok na sa exhibit room. Nakakatuwa. Sana MMA na lang kinuha ko. Ang cecreative nila eh. Siyempre may kainan. Nauna kami nina Sherry and Beck. Si Byang din pala andun Mr. T! Tawa kami ng tawa kanina ni Byang. Wala lang gusto lang namin matawa. Then yun sa kalagitnaan ng kuwentuhan namin may tumawag. Then yun. Pinanood thesis ni Koys. Bago pa mag 9PM umalis na kami ng CSB. Pero picture picture muna. Feeling ko itatag na lang ako sa Facebook. Haha! Then si Beck paSouth and kami ni Sherry nagLRT ulit. Parang dati lang. Hehehe!

Ayun, pero nung umaga pala isang blog entry ang bumulaga sa kin. Una ayaw ko basahin. Kasi naiinis talaga ko. Second try hindi ko talaga matapos! Hanggang sinubukan kong tapusin yung blog entry Mr. T! Sobrang weird ng feeling ko kanina pagtapos ko basahin yung entry eh. Mixed emotions talaga. Pero sabi ko nga: "Matagal ko ng alam...". So yun kaya hindi ako masyadong tumambling. Nalungkot lang for myself --- again. Haha! Joke lang! Pero masaya ko pag masaya mga kaibigan ko Mr. T! ;-)

Sige sige, kailangan ko ng matulog. 6AM na naman pasok ko bukas.

I.L.Y.I.E.Y.A.I.S.A.Y!!! Good night Mr. T! ;-)

Currently listening to: Nothin' But Love by Whitney Houston
Currently feeling: inaantok
Posted by jjcobwebb on September 1, 2009 at 11:13 PM in Everyday Drama | 5 comment(s)

For almost one week now, si Mama has been staying sa bahay ni Ate. Sa bahay din ni Kuya. Magkapitbahay kasi sila. Weird. Pati katulong namin andun. So meaning, for almost one week na, ako lang mag-isa dito sa bahay. Oo, at ewan ko baket di ako marunong magbukas ng gas. Kaya hindi ako makapagluto. So pumupunta ko sa bahay ng mga kapatid ko para makikain pagdinner na. Yung mga aso namin andun din sa bahay ng mga kapatid ko. Grabe na toh Mr. T! So yun, sobrang tahimik ng bahay ngayon. Masarap sa utak. Hahaha! Walang nag-uutos. Walang tumatawag sa phone. Andito lang ako palagi sa kwarto ng isa ko pang kapatid. Wahahaha! Basta bukas ang WiFi sa bahay masaya na ko. Hahaha! Ngayon ang kailangan ko lang pala talagang mga bagay sa bahay at parte eh ang mga sumusunod: Laptop/PC, aircon, kama, unan, banyo, lamesa at ref. Hahaha! Yun lang talaga. Yung TV one week na rin di nabubuksan. Grabe. WiFi lang talaga nakabukas dito sa bahay. Kaya kung lagi akong online sa Facebook at sa YM, either sa laptop or sa mga cellphone ko ako nakalog-in. Or pag-umaga, sa drugstore. Haha! Medyo masarap ang buhay na ganito. :-D 6AM ang pasok, uwi ng 2PM. Tapos akin na yung mga nalalabing oras hanggang mag-alarm ang aking mga cellphones ng 4:30AM. Hehehe! Tulad nga ng sabi ko kay Barry, tanggap ko na na blessed single man ako forever. Hahaha! Pero sabi nga ni Barry --- never say die... haha!

Yun, dapat pupunta ko school kukuha Alumni Card tapos ililibre si Angelica at Deck. Oo Mr. T! Favorite nila ang thesis eh kaya nasa school pa rin sila. Kaso si Deck nagtext na nauwi na raw siya so hindi na ko tumuloy. Then si Barry nagtext na manood daw kami ng Kimmy Dora kanina. Kaso haller, gusto niya sa Greenbelt 3. Eh nasa bahay na ko. Sabi ko GH or Gateway or san malapit. Kaso sabi niya wala si Rhitz car so magkita kung san mas accessible sa lahat. Sabi ko wala rin akong car. Pero naisip ko ihahatid din pala ko ni Barry pauwi. Haha! Anyways, nakatulog ako, then nakita ko text ng pinsan ko. Nagyaya gumimmick. Ladies night daw. GL niya raw ako. Sabi ko good luck 6AM pasok ko bukas. Ayoko pumasok ng lasing. At ayoko gumastos. Period. Hahaha! Mabait ang Diyos. He saved me from all additional expenses today! :-D Kaya ko pala mabuhay ng 100php lang isang araw.

So yun, mga nangyari Mr. T! Patulog na ko sa mga oras na toh. Pero naisip ko kanina habang papunta ko sa bahay ni Ate, never ako natutuong mag-save ng pera. Magbudget. Humawak ng pera. Ngayon lang ako natututo. Ewan ko siguro dahil never nagbigay si Mama ng allowance nun sa min ng buo or for a period (for a week, or for a month). Everyday basis kasi. Kaya ang 200php ko nun ubos ubos pagkauwi ko dahil alam ko kinabukasan may 200php ulit ako. And mali pala yung ginagawa ko. That's why I was never able to buy things for myself dati. Lagi rin kasi ako nagpapabili. Hay, pero baket si Bruno, ang dami niyang nabibili para sa sarili niya noon? Pati ngayon? Magaling siya magtipid? Mag-ipon? Hmmm... tinitignan ko kasi yung collection niya ng mga Matchbox eh. Di ko maubos maisip san siya kumuha ng pera na yun. Ewan ko, I need to start now. Seryoso na ko. Magtitipid na talaga ko Mr. T! I need to save money para magkaroon naman ako ng bright future. Hahaha! Yan lagi sinasabi sa kin nina Ate, Mama, Kuya --- Mag-ipon ka... ngayon lang sa kin nagdawn lahat. Hindi ako bumabata. Tumatanda na ako. Huhuhuhu... habang nasa bahay pala ni Ate nakita ko sa mga photo album nila nung mga 15 years old pa ko. Grabe dami kong pimples. Ang payat ko OMG. May jawline ako. Hahaha! Grabe, parang gusto kong maniwala na nageexpand ang universe. Hahaha! Isa lang di nagbago sa pic, semikal pa rin ako. Well, magpapahaba na ulit ako ng buhok! Haha!


Anyways, wala ng sense ang aking blog. Kung ano ano na pinagsasabi ko. KaYM ko sa Barry and Jeffrey ngayon. So good luck naman. Si Jeffrey nagtatae sa Switzerland at si Barry jinojoke time ko. Uminit ulo niya. Hahaha! Pero okay na siya. Back to emo mode na. Ibig sabihin nun okay na siya. Haha! I love my friends. O well di ko pala dapat sinabi na nagtatae si Jeffrey. Loperamide at Imodium parehas lang friend ha! Hahaha! I love you Jeffrey! I love you Barry! Ahahaha!

Sige Mr. T! Update you soon okay. I love ya, I enjoy ya, and I still appreciate ya. Mwah! Mwah!

Currently reading: Jeffrey and Barry's YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on September 2, 2009 at 11:03 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Well ako si kupido ngayon. Hahaha! Isa sa mga gusto kong gawin eh imix and match mga kaibigan ko. Totoo Mr. T! It's a gay world. Itanong mo lang sa kaibigan mo kung gusto niyang kadate tapos bigyan mo ng number ng isa pang taong gusto ng kadate *boom* instant cupid ka na!

It happened a while ago. Isang malapit na kaibigan na crush ko, at isa pang kaibigan na sabihin na nating dinate ko at lumabas labas kami noon na binigyan pa ko ng regalo (nanligaw in short), ay nagbrunch kanina! O di ba? Ang saya! Kinikilig ako sa tooo lang. Weird dahil crush ko yung isa kong kaibigan eh binigay ko pa sa kaibigan na nanligaw sa kin dati. Bigla akong naweirduhan sa ginawa ko! Pero masaya ko kasi nasa getting-to-know phase na sila. At mukhang friends na din sila. Hindi ko alam kung san hahantong tong pagkakaibigan nila Mr. T! Pero sana naman may patunguhan di ba? Tapos siyempre credited ako pag naging sila. Hay... ang saya siguro. Hahaha! At ang brunch na yun eh nagsimula sa kapeng binigay sa kin nung isa kong kaibigan sa Starbucks last last week ata. Kinikilig ako para sa kanila. Wahahaha! Buti pa yung iba kaya ko bigyan ng love life. Haha! Sarili ko di ko matulungan! Hay... basta masaya tong dalawang kaibigan ko na toh, masaya na rin ako. :-D

imagePumunta muna ko sa kabilang drugstore sa may Buendia para may kunin. Tapos, naglakad til GB at Glorietta para may tignan then nagMRT na paCubao. Then yun, sa jeep paSan Juan, nung pauwi ako, grabe may nakasabay akong pogi. Grabe, kamukha siya ni Dingdong Dantes na parang kamukha din ni Patrick (yung nanligaw sa kin dati sa school pasearch na lang sa blog na toh). As in kaharap ko siya sa jeep. At sabi nga ni Barry, at tama siya, nakatunganga raw ako buong biyahe. Hahaha! Ganda pa nung katawan at ang tangkad. Gusto ko tuloy itanong kung bayad na siya! Joke! Hahaha! Landi puta! Pagkauwi kanina, tulog agad. Sayang at andito katulong namin kanina. Pag gising ko wala na. Hindi talaga ko marunong magbukas nung stove namin grabe. Pero tumawag ako sa nanay ko for instructions kanina. So ayun, napainit ko naman mga ulam na dinala ng katulong namin galing sa bahay ng mga kapatid ko. Haha! Tapos si Barry ang daming miss call sa phone ko. Nag-iinvite pala kaninag umalis kaso super tulog ako. So eto medyo gising pa ko at matutulog na in a while. So yun, inupload na nga pala ni Koys pictures namin nung exhibit niya. Hahaha! Di ko gusto mga kuha. Hahaha!

Anyways, update you soon Mr. T! Good night and thank God it’s Friday. At 7 days ako pumasok sa pharmacy ngayong week. Hindi ako makaangal :(

Currently reading: Barry's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on September 4, 2009 at 12:02 AM in Everyday Drama | Post a comment

"Eh ano naman ngayon kung mayaman siya? Mayaman din ako!" (Oo nga naman!)

"Isipin mo na lang na mas maraming tao ang namomroblema sa pera, mahirap hanapin ang pera. Ang lalake nagkalat yan..." (Oo yung mga nagkalat na lalake diyan kailangan din ng pera! Hahaha)

"Grabe talaga, para siyang kumakain ngayon ng pagkaing niluwa at sinuka mo pa. Hahaha!" (Yuch lang talaga!)

"Yun na lang naman kulang sa buhay mo. Madali na lang yan..." (Eh baket parang ang hirap hirap makuha?)

"Kung yang itsura lang din naman maghahatid sa kin sa magandang kotse, magcocommute na lang ako..." (Baka may mas itsura pa yung driver ng taxi)

"I really wanna know.... what love is... hahaha!" (Mariah? Isdatchu?)

"Nyeta ka, tatahi-tahimik ka diyan 3 na pala nagiging jowa mo. Grabe kumusta naman talaga ko!" (Ako tong laging may manliligaw tapos ako ni isa wala!)

"Iba iba diva di ba?" (Iva iva di ba?)

"Sabon kasi niya Heno de Pravia kaya ganun. Tayo Perla lang! Hahaha!" (Maraming sabon. Iba iba lang epek! Haha!)

 

Currently reading: Facebook window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on September 5, 2009 at 03:35 PM in Everyday Drama, Gayness | 2 comment(s)

Nasa Manaog ngayon ang aking mahal na pamilya. Oo, hindi ako kasama. Kasi masakit ulo kaninang umaga. As in masakit. Since nung isang araw pa siya masakit at hindi ko alam baket. Siguro dahil sa kama ng nanay ko ako natulog nung Friday. Well balikan natin...

Nung Friday, sa bahay ako ng mga kapatid ko ako nagLunch, Merienda at Dinner. Dito sa bahay, since ako lang pa rin ang tao, champorado lang lagi ang pagkain ko. I found a way para mabuksan na yung stove. Yehey! So yun, hanggang gabi, dapat aalis kami ni Chris nung Saturday pero busy siya so hindi kami nakanood ng Kimmy Dora. Iinvite ko sana si Benson kaso baka gawin nilang date movie ni Mike yun. So, hindi ko na siya ininvite. Sina Barry napanood na nung Thursday so hindi na rin sila manonood. So wala akong ginawa nung Friday kung hindi magFacebook!!! Ayun, then si Jeff katext ko nun. Kagagaling lang sa gimmick ni Jeff. Ayun, lakas ng ulan pala last Friday. So dumating yung topic ng usapan namin na dito na lang siya sa bahay matulog. Ayun, dito nga siya tumuloy sa bahay. Dito siya natulog. Sa kwarto ng kapatid ko. Tapos ako dun sa kwarto ng nanay ko. Nagkwentuhan muna kami bago matulog last Friday. And then maaga rin umalis si Jeff since may pasok pa siya nung Saturday.

Hindi ko alam pero ang yugyog nung kama ni Mama. Parang waterbed talaga. Ayun, tapos nung pagkagising ko, super sakit ng ulo ko. Parang hangover lang. Feeling ko dahil sa mauga talaga yung kama ni Mama. Sabi nga ni Mama sira yung kama niya. Shet, oo sira. So naglunch ako sa bahay ni Ate. Grabe bahay nila walang kahit anong gamot. Milyones ang inoorder na mga gamot sa bahay nila wala ni isang gamot. So ayun, 3 Advil lang ang katapat. Then bumalik ako sa bahay para maglinis, magplantsa, hugas ng pinggan at mag-ayos since tuloy kami ni Chris manood ng Kimmy Dora sa Eastwood.

First time ko makapunta sa Eastwood Mall Mr. T! Yung bago na. Grabe, ang sushal. Akala ko dun kami manonood ni Chris. Pero dun pala sa luma. Gusto ko yung mall. Kakaiba siya. Anyways, basta yun, ang ganda nung bagong Eastood Mall. Para siyang Powerplant Mall na mas maganda at mas maluwag. At pwede pa magdala ng aso sa loob ng mall! Sabihin ko kina Mama dalhin namin sina Prince dun one time! Weee...

Then yun, nanood ng Kimmy Dora. Tomorrow na lang ako magboblog about Kimmy Dora. Kailangan niya ng sariling entry eh. Tapos nung bandang 12AM kagabi pinatawag ako sa drugstore. Hay, hindi ko naman nagawa yung pinagawa sa kin so umuwi na lang din ako.

So yun, ngayon, sa bahay lang ako. Si Deck kanina nagyayaya mag-inuman. Kasi hindi niya alam kung san. Nakaready pa naman ako. Hahaha! I need to stop eating Mr. T! Kanina lunch ko bulalo. Merienda ko champorado at yung mga chocolates dito sa ref. Tapos nag 2-pcs Chicken Joy ako sa Jollibee. Tapos nag 1/2 gallon pa ko ng ice cream. Hindi ko alam kung epekto to ng ulan or malakas na talaga ko kumain. Nakakalungkot lang Mr. T! Sino pa magmamahal sa kin kung mataba na ko? Ahuhuhuhuhu! Hahaha! Joke lang! Pero I need to step up. Oo! Kailangan ng gumanda ng katawan ko sa lalong madaling panahon! Kailangan ko na magkajowa! Wahaha! Joke ulit! Papatunayan ko na mali yung manghuhula sa hula niya sa kin with regards to love life! Hindi ako papatalo! Hoooray! Hahaha! Sige naloloka na yata ako. Update you soon Mr. T! :-)

And finally I figured out how to put ringtones on my iPhone. Thank God for the internet! Thank God for iTunes. Hahaha! Anyways, I.L.Y.I.E.Y.A.I.S.A.Y. Habang ang iba Holiday bukas, ako may pasok. Good night Mr. T! :-)

Currently listening to: Time of Your Life by Mariah Carey
Currently reading: Ryan's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on September 6, 2009 at 10:07 PM in Everyday Drama, Updates | 2 comment(s)

Pagnananalamin ako, tapos may nakikita kong nalaglag na pilikmata sa mukha ko. Kinukuha ko siya at hahawakan ng hinlalaki at hintuturo ko. Then magtatanong ako. Kung tama yung hula ko kung san kakapit yung pilikmata, ibig sabihin, OO ang sagot sa tanong ko. Kung hindi naman, HINDI ang sagot. Sa tagal tagal ko ng tinanong yung tanong na matagal ko ng tinatanong, ngayon lang tumama hula ko kung sa kakapit yung pilikmata. So OO? Hmmm... I'm wishful :)

Nalalabuan ako sa nararamdaman ko ngayon Mr. T! Halo halo. Simula ng umaga hanggang ngayong gabi. Hanggang sa pag-gising hanggang ngayon na nanood ako ng TV. Weird ng emosyon ko ngayon. Namimiss ko na mga kaibigan ko. Hay. Miss ko na rin katulong namin. Miss ko na rin nanay ko. Grabe ha, almost two weeks na na mag-isa ko dito sa bahay. Kala ko dadating yung katulong namin ngayon kaya iniwan ko mga hugasan sa lababo. Grabe, hindi dumating. Dami ng labahan dito. Grabe, antok na antok ako kanina. Naglinis pa ko ng bahay. Wah! Nu ba toh. Ang sinungaling pa nung isa kong kaibigan. Kabuwisit. Nasira talaga umaga ko dahil sa kanya!

Hinatid pala ko ni Kat kanina pauwi. Tapos may binili sa Megamall. Tapos medyo naghintay sa Mega dahil maulan. Tapos yun. Umuwi. Super antok. Hay... weird ng nararamdaman ko Mr. T! Shucks. I've been through all 'this' before. Dealt and encountered a lot with/of 'this' before pero baket ang hirap pa rin? :(

Currently watching: SNN on ABS-CBN
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on September 7, 2009 at 11:08 PM in Everyday Drama | Post a comment

I was brooding over my old pictures back in 2004 in Multiply Mr. T! and I found this…

I used to pray a lot...

image

I need Him more in my life right now. I should learn how to pray again cause I am forgetting how to...

Happy birthday Mama Mary :)

Currently feeling: prayerful
Posted by jjcobwebb on September 8, 2009 at 01:46 AM in Everyday Drama | 5 comment(s)

Katatapos ko lang kumain. Katatapos ko lang din maghugas ng pinggan Mr. T! Katatapos ko lang din maglinis. Katatapos ko lang din maghanda ng damit ko para bukas.  

Masakit katawan ko ngayon Mr. T! Hindi ako pumasok. Well, buti na lang si Ate hindi pumunta sa pharmacy kanina. Ligtas ako dahil kung andun siya patay ako malamang. So yun, eto ang rason baket hindi ako nakapasok at baket masakit katawan ko at baket masakit ulo ko kaninang umaga...

Hinatid ako kahapon ni Mau and Christian pauwi. Maulan. Naulanan ako. Then naglog-in ako sa Facebook sa iPhone. Nakausap ko si Benson. Nagyaya na lilibre niya raw ako sa pancitan sa may malapit sa DLSU. Malapit din naman sa may Buendia. So yun, sabi niya 7PM kami magkita and so nagkita kami. Nakatulog muna ko ng mga 1 hour bago kami nagkita. Sa SDA kami nagkita. Malakas ang ulan Mr. T! At wala kaming payong na dala. Nastranded kami sa isang sari-sari store. Yosi muna si Benson and ako nakatunganga sa ulan since antok pa ko. Ewan pero mukhang gawa sa ulan friendship namin. Lagi kaming inuulan sa daan Mr. T! And yun, weird after namin maghintay ng matagal, narealize namin na may taxi naman. So nagtaxi kami.

Hindi pa rin tumitila yung ulan...

Karenderia yung kainan. Okay naman yung itsura. Maraming kumakain and desente yung place. Si Benson ang umorder. Crispy pansit. Okay, hindi ako mahilig sa mga matitigas na bagay. So si Benson lang talaga nag-enjoy dun sa pancit na inorder niya. Panga ko ay sumakit. Pero masarap naman yung sahog. Hindi lang talaga ko sanay sa mga bagay na effort kainin. Compared naman sa mga paborito kong pagkain, grabe effort talaga yung pancit na yun. Since super lakas ng ulan, napagkasunduan namin ni Benson na tumambay muna dun sa karenderia. Usap usap kami. Pati yung may-ari ng karenderia chinika na namin. Pati yung pusa dun pinaglauraan na namin. Pati yung mga apo ng may-ari ginawa na naming friend.

Hindi pa rin tumila yung ulan...

So yun, nung medyo tumila na, nagPedicab kami papuntang Kenny Rogers dahil I so want to eat a banana split. O di ba? Sushal! Ahahaha! Then yun, sa Kenny Rogers kami tumambay ni Benson. Kumain ng banana split and nagkwentuhan na the whole time. Nagtawanan. Nagaguhan. Nagpasahan ng mp3 sa phone. At kung anu ano pa. Hanggang sa 11PM na at pinagsarahan na kami ng Kenny.

Malakas pa rin ang ulan...

7-11 ang pinakamurang pwedeng tambayan na bukas nung oras na yun. Yung Starbucks masyadong mahal. So sa 7-11, naisipan namin na sa Providence na lang tumambay. So nilakad namin ang Providence galing sa 7-11 at baha ang Taft.

Hindi pa rin tumitila ang ulan...

Bahain ang Taft. Si Benson nakasapatos. Ako nakatsinelas. So... pinasan ko si Benson sa baha dahil mababasa ang kanyang mamahalin na shoes. Buti na lang onting parts lang yung baha dahil baka forever ko nung nasa likod si Benson. So yun. Nakarating kami sa Providence na matiwasay.

Maraming tao sa Prov kahit. Tuesday night yun ah. Grabe, pero buti may room pa para sa min ni Benson. So yun, bumili ng tokens. Bumili ng bucket ng beer. And videoke and inuman na to the max...

Hindi pa rin tumitila ang ulan...

Bandang alas dos na ng umaga nung naubos namin ang tokens at mga beer. May tama na kaming dalawa Mr. T! So naisipan na naming umuwi. So ang ingay namin nung pabalik kami sa Taft. Buti walang mga tao. Kaming 2 lang ang nasa Taft at mga pedicab drivers na naghihintay ng pasahero. Medyo humupa na yung baha at tumila na rin medyo yung ulan. So sa harap ng south gate sa DLSU kami naghintay ng masasakyan. Hahaha! Umuhi pa ko sa pader ng La Salle dun sa may McDo. Wahaha! Naaliw ako. Then yun, si Benson nauna nakakakuha ng jeep. And then ako, nagcab na pauwi. At nakatulog agad nung pagkauwi. Bago mag alas-tres nasa bahay na ko. 

Masaya kahapon Mr. T! Nag-uusap na ulit kami ni Benson pagtapos ng matagal naming di pagiimikan. Hahaha! Masayang friend si Benson na minsan nakakainis. Hindi ko alam pero combination talaga pag siya yung friend. The night was really fun. Kahit inulan ulan kami at sumuong sa baha. Sobrang saya naman Mr. T! And then, nagising ako alas-9 na ng umaga na masakit ang ulo at ang katawan. At nakauwi naman si Benson ng Cavite ng matiwasay.

At hindi pa rin tumitigil ang ulan hanggang ngayon...

Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: full
Posted by jjcobwebb on September 9, 2009 at 09:58 PM in Everyday Drama | Post a comment

Share ko lang toh. Nakita ko toh kanina pagkagising ko:

09092009126

Dumaan pala dito si Mama kaninang umaga nung tinext ko siyang may sakit ako. Ahihihi. Sweet naman ni Mama. Parang gusto ko matuwa na maasar. Weird, hindi ko alam kung alam niyang lasing ako kagabi at kailangan ko ng mainit para sa kape or nag-init siya para sa mga instant noodles dito sa bahay. Hahaha! Pero natuwa naman ako kahit iniwan niya na ko dito pansamantala sa bahay, naisipan niya pa kong ipagpainit ng tubig. Kahit init lang yun effort pa rin yun. Hahaha!

Currently listening to: Paparazzi by Lady Gaga
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on September 9, 2009 at 10:44 PM in Everyday Drama, Family | 15 comment(s)

Ayoko ng maulan kasi nalulungkot ako. Lalo na ngayon ako lang tao dito sa bahay. Nakakalungkot talaga. Parang nagsasanib-puwersa ang ulan at nararamdaman ko ngayon para ipamukha sa kin mga bagay na ayaw ko munang isipin mga panahong toh. Tao lang ako, kahit ilang beses kong wag pansinin nararamdaman ko ay matatalo rin ako. Ang bigat ng nararamadaman ko ngayon. Malungkot ako. Gusto ko sumaya. Pero baket ang hirap? Nakakapagod minsan magpanggap na masaya ka dahil nakakapagpasaya ka ng tao. Napapasaya mo nga pero sa loob loob mo nadudurog ka naman. Nakakapagod na din umasa, maghintay magmukhang tanga. Pagmukhaing tanga ang sarili. Nakakapagod na magmahal...

Currently feeling: sad
Posted by jjcobwebb on September 12, 2009 at 11:57 PM in Everyday Drama | 9 comment(s)

Pang ilang Final Destination na napanood ko Mr. T! Pang 4th na ata yung kanina sa G4. Kasama ko mga pharmacists and PA manood. Anyways, weird talaga ng Final Destination kahit kelan. Hindi ko naenjoy yung kanina. Parang Happy Tree Friends come to life lang. The best pa rin yung Final Destination 2.

Speaking of Final Destination, Tito Siling passed away early this morning. Heart attack daw. Shocking kasi he just got back from the States and just celebrated his birthday nung August. Nagulat talaga ko pagkagising ko. Ewan ko, sabi nila namatay sa saya. Pero atake man or namatay sa saya, may his soul rest in peace. Hindi ko pa alam kung kelan ako makakadalaw sa wake though sa Mt. Carmel lang naman nakaburol. Maiksi lang talaga ang buhay.

Kwentong masaya naman, second birthday din ni PJ ngayon. Pamangkin ko sa pinsan. May party buti nakaabot ako. Tapos kanina si Kuya dito sa bahay kumain. Di pa naghugas ng pinagkainan! Hay, dumaan din si Mama dito kahapon para gawan ako ng sandwich. Sweet sweetan talaga si Mama noh? Hahaha!

Thursday, September 10, 2009:

Got a text from Benson. Naaksidente raw tatay niya. As in basag na basag. Naiiyak si Benson Mr. T! Sabi ko lakasan niya loob niya and magdasal. Sobrang lakas ng ulan nun. Si Barry nagiinvite pumunta ng ospital pero for some reasons, ayaw namin ni Benson na pumunta ko dun. Basta. Masyadong complikado iexplain so hindi na ko nag atubili na pumunta.

Friday, September 11, 2009

Together with Sabs, Barry and Van tumungo kami sa bahay nina Benson sa Cavite. Though andito yung tatay ni Benson nakaconfine sa Manila, sinundo namin si Benson dun kasi mag-isa siya sa bahay niya. Ayun, nagluto si Benson para sa min. Then dumaan ng ospital. Then nag-Eastwood with Van, Barry and Benson na lang. Nagkita kami ni Tom ng saglit. Namiss ko si Tom. Then dinala niya ko dun sa bago niyang tinitirahan. Bawal pumasok so sa front desk lang kami. Dami naming kwentong hinabol. Then sa McDo nagkwentuhan with Barry, Van and Benson. Then nagStarbuks. And then hinatid na kami ni Barry. Benson needs a friend right now.

Saturday, September 12, 2009:

Si Benson and si Resty pumunta sa bahay para gumawa ng mga letters para sa DWTL ni Chabs. Dito sila gumawa sa bahay. Oo, okay lang since wala naman ng tao dito. Ayun, malakas ulan pero sinadya nila ang aming humble abode. Then nagpasama na rin si Benson sa Ateneo para dalhin yung mga letters. Si Resty umuwi na pala and hindi na sumabay sa Ateneo. Sa Katipunan nakita ko sin Dennis and Victor. Ngayon ko lang ulit sila nakita after so many years. Parang walang nagbago. Sobrang ginawa kaming item ni Benson sa Ateneo. Weird. Oo na lang sagot ko para masaya. Then nilakad namin ni Benson palabas hanggang Ateneo. Parang hindi kami naubusan ng kwento. Wala tawa lang kami ng tawa at kwentuhan ng kwentuhan hanggang makarating sa Katipunan mismo. Kahit umuulan. Nag-enjoy ako. At okay na condition ng tatay ni Benson Mr. T!

Sunday, September 13, 2009:

Family day. Karl Edwards then nagTrinoma kami ng family. Dinaanan nila ko dito sa bahay. Then sabay tawag si Luis and Che. Nasa Trinoma sila. So sabi ko kina Mama may mga kikitain akong kaibigan. Sabi ni Mama go, so sinundo ako nina Che sa may Rustan’s. Dapat Trinoma talaga kami kaso yung shoes na gusto ni Che wala sa Trinoma so, tinahak ko na naman EDSA papuntang The Fort. Buti na lang may dalang kotse si Che. Then yun, nagshopping gallore si Che ng sapatos pati sa GB5 namili siya. Hanggang gabi magkakasama kami. NagRedBox pa kami afterwards. Sobrang saya Mr. T! Then dumirecho kami bahay ni Recto. Sinundo siya then tumambay sa Starbucks Amaranto. Tawanan lang ng tawanan. Kasama rin isang friend na si Bea. Then hinatid ako ni Luis, Recto and Che sa bahay. Nakatulog agad ako sa sobrang pagod. May pasok na naman kinabukasan.

Monday, September 14, 2009:

Kahapon kasama si Ate and Kuya pumunta kami sa may Lealtad ba yun? Basta sobrang saya kasama mga kapatid ko. Kwentuhan kami ng kwentuhan sa kotse. Parang magkakasing age kami noh? Eh ang tatanda na nila. Haha! Pero ewan ko, ganun ata talaga pag magkakapatid. Then sa Lealtad inubos ni Ate yung panindang bananaque nung batang naglalako. Tuwang tuwa naman yung bata. Then nung gabi, weird, may nakausap ako sa phone na lalong nagpasaya ng araw ko. Hindi ako mahilig sa phone pero sobrang sarap ng tulog ko kagabi Mr. T ! Seryoso ko na hindi ako mahilig makipagdaldalan sa phone pero parang ayaw ko ibaba yung phone kagabi. Ang nice. Sana tumawag siya ulit. Haha!

P.S.Yung previous entry ko, wala lang. Maulan lang talaga nun at wala kong kasama sa bahay. Grabe, nalungkot lang ako ng bongga. Pero okay na ko Mr. T! Hahaha! I.L.Y.I.E.Y.A.I.S.A.Y!!! Mwah! Update you soon!

Currently reading: YM Conference window with Che and Luis
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on September 15, 2009 at 10:13 PM in Everyday Drama, Updates | 1 comment(s)

When I was younger, everybody (my parents, my relatives) was expecting me to be this, to be that. I.Q.-wise, academics-wise and talent-wise, I was up there they told me. They'd call me a child prodigy. I was put so high the pedestal that there came I point when somebody would correct me I'd feel bad. When I failed, I'd cry. That was back then. When I was younger, more like 15 years ago.

Just got back from Tito Siling's wake. Some relatives (his daughters) came home from States were present. I really didn't want to go but Ate kept calling me on my phone and eventually persuaded me to go. It's been like more than 15 years when I last saw some cousins. They've changed physically. But something bothered me though, they still see me the way they did more than 15 years ago. I forged a smile. But a while ago, I really wanna cringe. They still call me the names they used to call me when I was younger. "Boy-wonder". "genius", "matalino", "gifted-child" etc.

It's not anymore. Jobo has left. I am not that Jacob anymore. I just so wish I were but no. It's a sad reality. A failed expectation. Everything went downhill from there. I don't know if I can still get it back.

On the brighter side of things, I felt more handout cause back then I used to act on what people are expecting of me. Of what they think of me. I wanted to please them and I don't want to fail them. I thought that's how it's supposed to be but no.  

Growing up, I went to meet a lot of people and I've finally decided on what I really want in my life (in some area). I can already think for myself and I can even think for somebody else. I used to hold back my emotions cause if I don't, people around me would throw me stones. My mom would be the first. I needed to act on their dictate. T'was hard yet I was happy cause they were happy. But you know what, it's just now that I've found out the difference between pleasing other people to make them happy and simply making people happy. The diffence between being happy because people around you are happy for you and simply being happy. I might not be making sense on this entry but right now, I feel (and I am quoting Mariah) EMANCIPATED.

I feel really nice telling people this a while ago--- "hindi na kasi ako yung batang Jacob eh. Hindi na ko matalino. Sira na future ko. Haha!". Though they thought I was just being humble, they'd reply back and say --- "sige na nga sabi mo eh..." . It took me a lot of guts to tell them that in from of my mom. I hope she didn't take that seriously. Anyways, I just so wish they won't bring up how I well I did when I was younger. How everybody was expecting me to be this or to be that. As much as I want to bring back former glory, it might take me a lifetime. I am not saying that I won't get there again but chances like that are halve.

I wish Jobo would return but that's gonna take me a lot of work.

What's more important right now is that I am happy with the things that are happening around me. People are happy because of me. I am happy because I choose to be happy. I am happy because I am free...

Currently feeling: nice but sleepy
Posted by jjcobwebb on September 18, 2009 at 02:52 AM in Everyday Drama | 2 comment(s)

Lahat ng lakad nung weeked --- postponed.

Napamura ko sa text kagabi. As in sobrang galit ako. Baka pagod lang ako. Si Benson yung katext ko kagabi.

Nakakachat ko na rin si Jeffrey ulit ng madalas online.

Si Barry nakauwi na from Singapore. Si Rhitz nasa China pa rin.

Ayos na iPod ko ulit. Super download na naman ako ng mga mp3. Yun lang ginagawa ko actually buong weekend hanggang ngayon. Nag-iisip ako paano ko pupunuin iPod ko.

Pagnagring ng sabay ang 2 cellphone mo? At parehas "prospect" ang tumatawag, sinong uunahin mo? Yung araw araw na nangangamusta sa yo o yung araw araw din na nangangamusta sa yo? Hirap noh? Buti magaling ako magdahilan! Hahaha!

Libing ni Tito Siling ngayon. Di ako sumama sa Batangas. Si Mama lang pumunta. Sina Ate nagTagaytay. Di din ako sumama. Si Kuya dumaan dito sa bahay. Nakiinom lang. O di ba? Tang ina lang din si Kuya dahil nung siya nagdrive nung Camry ni Ate, mura ng mura sa Ate dahil nakakatakot talaga siya magdrive. Talo pa ko! Ahahaha!

Good luck sa mga sinampay. Nakakatamad silang tignan. Grabe! Nakaktamad kasi iniisip kong paplantsahin ko sila. Wah! Bukas ko na lang sila kukunin.

Ilang invitation na rin sa pagdedate ang tinurndown ko. Wala lang. Gusto ko lang magturndown. Tinatamad ako makipagplastikan. Nakakapagod. Hahaha! Masaya ko ngayon dahil ang tahimik ng buhay ko. Sobrang tahimik dahil lagi akong tulog. Kung hindi naman nakaFacebook. Hahaha!

Nagreformat ako ng laptop. Huling reformat ko neto eh 2007 pa. Pati mga pictures sinama ko na sa pagrereformat. Para wala ng mga bitterness.

Nalalabuan ako sa panahon. Sa umaga maaraw. Sa hapon biglang uulan. Labo...

Maraming mga demonyo sa mundo. Hahaha! Please, ayoko muna makipagsex! Ahahahaha! Ayos pa naman kamay ko. Hahaha!

Since 1901 di ako nakapagvideoke sa bahay, last Saturday lang ulit. Ang saya saya. Buhay pa mga VCD ko...

Nahanap ko yung cassette tape kung san nakarecord boses ko and ni Nanay 10 years ago. Sadly, wala kong mahanap na cassette player...

Alam ko na difference ng pagpaparty at pagstay sa bahay tuwing weekends --- mas nakakatipid pag nasa bahay.

Namimiss ko makipagEB sa mga bakla sa internet! Wahahaha! Wala na ko sa sirkulasyon...

Nakakaloka pag nakakakita ka ng mga tao na kilala mo pero hindi mo na kinikibo ngayon. Weird lang talaga sobra. Magpapanggap ka na lang na di mo sila nakikita. Wahahaha!

Kinikilig ako ngayon. Weird. Hahaha! Parang okay na sa kin ang walang love life. Basta may nilalambing ka at may naglalambing sa yo. Tapos may source ka ng kilig. Parang pwede na! Hahaha!

May CD pala ako ni Mandy Moore... weird. Ahahaha!

By October maghahanap na ko ng trabaho --- or no? Hahaha! ;-)

I miss laughing hard...

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on September 21, 2009 at 01:13 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

Mga madaling araw nakareceive ako ng text. Super nagising ako dahil nakaloud ang phone ko dahil sa alarm clock...

"Nag leak na ung album!!!! Ang ganda kasi hindi na siya trying hard! Very laidback and effortless fun :)"

--- at napatalon ako sa kama at napatakbo sa laptop ng 3AM para idownload! I love it...

Currently listening to: Memoirs of and Imperfect Angel
Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on September 22, 2009 at 08:53 AM in Everyday Drama | Post a comment

Kanina (o kahapon) galing akong Greenhills para ibalik yung iPod na pinaayos ko. Okay na siya ngayon. Sumabay ako kay Kat pauwi. Binaba niya ko sa may Shaw. So nilakad ko hanggang Galleria para sumakay ng jeep! Adik lang maglakad noh? Then biglang bumuhos ang ulan. Ewan ko kung weird ako pero tuwang tuwa ako sa feeling nung nagssquish yung tubig sa loob ng shoes ko! Hahaha! Then yun, sa Ortigas Center naman ako naglakad so safe naman yung feeling ko. Nakaabot ako ng Galleria ng buhay. Ng Greenhills ng buhay. O di ba? Kaya mo yon Mr. T! Hahaha! Yun na lang exercise ko ngayon. Walking. Hahaha!

Bago umuwi kahapon (o nung isang araw depende sa oras ng pagpost neto), bago sumakay sa kotse ni Kat, nakareceive ako ng text galing kay Benson. Nag-iinvite na labas daw kami. Nasa bahay niya sila sa Taguig. Sabi niya kita raw kami Market Market. Buti na lang talaga, hindi pa ko nakakalayo sa the Fort. So sabi ko sige, magkita kami. So hindi na ko sumabay kay Kat pauwi and nilakad ko galing sa ospital hanggang sa Market Market.

So yun, nagkita kami ni Benson. Sa Ministop. After ng mga pinagsasabi ko sa kanya last Saturday, buti naman naging okay kami. Hindi na namin pinag-usapan. Kunwari wala na lang nangyari. Ibibring up ko na lang ulit pag nagbibiruan. Tapos yun, ikot ikot kami. Gusto raw manood ni Benson ng movie. At aba! Libre niya raw. Maraming pera si Benson nun. Nagulat naman ako. Napatambling. Haha! Sabi ko sige sure! So yun, The Ugly Truth yung papanoorin namin. Tinext ko si Barry na sumunod pero nag-gygym sila ni Van sa Greenhills. So kaming dalawa ni Benson nanood ng movie. Pero habang naghihintay para sa movie time, naglakad lakad. NagFully Booked and nakita ko yung schoolmate ko nung HS. Naiba na itsura niya grabe. Nakakatuwa Mr. T! Speechless si Benson dahil nung malayo pa lang yung schoolmate ko na yun may sinabi siya tapos kilala ko pala! Hahaha!

Then kumain muna kami ni Benson. At aba ulit! Libre niya! Natuwa naman ako. Hahaha! So yun, habang kumakain, ang dami namin napagkwentuhan grabe. Nakakatuwa Mr. T! Sa Tokyo Tokyo kami kumain ni Benson. So yun, super interconnected ang network talaga namin. Pati pala Ate ko kilala nanay niya dahil same ospital nagtrabaho yung dalawa. At yun, ang daming kwento ni Benson tungkol sa newly reformed niyang tatay. Natuwa naman ako para sa tatay niya. Sana magtuloy tuloy. Then since matagal-tagal  pa yung movie time naglakad lakad kami ulit. Serendra-High Street then bumalik sa Market Market. 

Date movie yung The Ugly Truth. Ang lamig ng sinehan. Then ayun, tawa kami ng tawa ni Benson sa isang scene. Halos boses namin naririnig sa sinehan. Super tawa at super naghahampasan kami kakatawa. Ahahaha! Naiyak ako kakatawa. Then nung natapos yung movie, nakita ko may missed call si Barry...

So pinapunta ko si Barry. Pero ang tagal since hinihintay niya pa si Van matapos sa gym. So kami ni Benson, nagMinistop muna nag-ice cream. Then yung mga cashier sa Ministop naghahagikgikan sabi:

"Sweet naman..."

Sabi ni Benson:

"Hindi kami! Hahaha! Mga gaga! Hahaha!"

At natawa na lang din ako. So ayun, lakad lakad ulit kami while waiting for Barry and Van. Red na yung energy level ko. Pero nakapagTimezone pa kami kahit antok na ko. So nagvideoke. Then 10PM na. Sabi ni Barry hindi na raw sila tuloy since super tagal ni Van and antok na kami. So sabi ko sige, uwi na kami ni Benson. Then habang naglalakad...

May sumigaw:

"Mga bakla..."

OMG lang, si Luis at Che, nakaupo sa Figaro! O di ba? Grabe tawa kami ng tawa lang Mr. T! Sobrang unexpected. Naaliw naman ako. Medyo nadagdagan energy ko. Then yun, tawanan. Usap usap. Grabe talaga. Since andun pa kami nung nagtext si Barry ulit, sumunod yung dalawa. While waiting, naglakad muna kaming 4. Then dumating na si Barry. Ayun, kumain lang sa Brother's Burger. Nilibre ako ni Barry. O di ba? Hahaha! Puro libre. Then yun, since si Che, Barry and Luis may dalang kotse, pwede sumabay. Si Benson sumabay kay Che dahil parehas silang South. Si Van kay Barry. Pwede naman ako sumabay kay Barry nun pero kay Luis ako sumabay Mr. T! Then yun, tawanan kami ng tawanan ni Luis sa kotse. Kung ano ano lang napagusapan grabe. At super antok na ko at nakalimutan ako magthank you kay Benson so nagtext ako nung pagkauwi ko. Nakatulog ako agad habang nagdadasal...

Currently watching: Game Upd8 Live at ABS-CBN
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on September 24, 2009 at 12:31 AM in Everyday Drama, Updates | 3 comment(s)

Hindi ko inaakala na nung Biyernes ng gabi, nagsimula na pala yung ulan na magdudulot ng kakaibang trahedyang lulunod sa kalakhaang Maynila. Hindi ko akalain...

Pa-umaga na nung naglalakad kami ni Benson sa may Baywalk sa Roxas Boulevard. Inabot na naman kami ng umaga sa kalsada. Maulan ulan na nun pero akala namin ambon lang. Sanay kaming nauulanan pag magkasama. Wala ng humpay yung pagbuhos nung ambon. Pero tawa pa rin kami ng tawa habang naglalakad dahil sa kalasingan. Naunang nakasakay si Benson ng bus pauwi sa kanila at ako basang basa na kahihintay ng masasakyang taxi. Naligo at direchong natulog pagkauwi.

Bandang alas onse ng umaga, ring na ng ring ang phone ko. Tumatawag si Ate. Tignan ko raw kung baha na sa kalsada namin. Lumabas ako. Hindi baha. Nagpatuloy ako sa pagtulog. Prenteng prete. Nakinig sa iPod. Nagring ulit ang phone. Tumawag ulit si Ate. Pinatingin kung baha ang kalsada. Hindi pa rin. Baha na pala sa kanila. Wala siya sa bahay nila. Si Mama ang naiwan sa bahay nila at mga pamangkin ko at mga katulong. Lumubog na raw ang kotse nila. Umabot na hanggang garahe ang tubig. Muntik na rin maabot yung terrace. Buti na lang mataas ang bahay ni Ate at Kuya. Magkapitbahay sila. Pero ang mga kapitbahay nila, nasa bubong ng mga sarili nilang bahay. Si Mama, kabang kaba na. Hindi na nakauwi sa bahay nila sina Ate at Erwin. Si Kuya at si Mabel din dito na muna tumigil sa bahay. Pati si Bruno na galing sa school andito rin sa bahay. Hindi na macontact sina Mama. Wala ng kuryente dun sa lugar nila. Wala na rin baterya ang mga cellphone. Pati landline, putol na rin. Dito natulog sina Kuya at Mabel. Naghotel sina Ate at Erwin.

Hindi maganda mga imahe na nakita ko sa TV nung nagkaCable na. Nawalan din ako ng signal. Sun at Globe. Si Barry tumawag sa landline ko pinapatanong daw ni Benson kung okay ako. Sina Jeff nakausap ko. Maraming tumawag na kamag-anak sa bahay. Parang pelikula mga nakita ko sa TV. Parang special effects lang. Pero hindi. Totoo silang lahat. Nakakatakot. Nakakalungkot. Hindi ko alam na yung ulan na nagpatulog sa kin ng mahimbing eh yung ulan din na makapipinsala sa maraming tao. Naalarma ko na parang wala na kong paki sa mga nangyayari sa paligid ko. Mga litrato sa Facebook. Mga videos sa Youtube. Yung ulan kung san kami nagtatawanan, at nagkukuwentuhan ni Benson kinagabihan, ay ang ulan ding papatay sa mahigit kumulang sandaang tao. Hindi laging nagdadala ng buhay ang tubig. Nakakamatay din.

Lumibot kami sa Maynila kahapon ng gabi. Nagmasid masid. Madumi ang mga kalsada. Mga gamit ng tao nasa kalsada. Parang The Great Depression. Nakakalungkot. Pero wala tayong laban sa kalikasan. Galit na ata siya sa mga tao. Naghiganti. Naalarma din ako dahil kasama ko sa mga sumisira sa kanya. Kailangan na rin natin magbago ng ugali. Kung paano natin tratuhin ang kalikasan. Sa tingin ko lang, hindi naman magiging ganito kalala mga nangyari kung marunong maglinis at magtapon ng mga basura ang mga Pilipino. Ang daming basura ng Pilipinas. Wala na tayong disiplina.

Kagagaling lang namin ng Pasig. Nagdala ng mga gamot sa mga nasalanta ng bagyo. Parang ghost town yung Pasig. Sobrang haba ng pila ng tao para sa relief goods. Baka himatayin na sa gutom yung iba dun. Bubuksan ko bukas ang damitan ko at mamimigay ng mga sobrang damit ko. Yun na lang ang magagawa ko sa ngayon. Siguro maliit na bagay lang toh pero makatutulong na rin toh para sa iba. Gusto kong tumulong sa pagbalot ng mga ibibigay sa mga nangangailangan. Munting paraan para makatulong sa kanila. 

Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na ni isang tubig hindi pumasok sa bahay namin. Marami pa rin dapat ipagpasalamat dahil buo pa rin ang pamilya ko matapos nung mga pangyayari. Nakikiramay din ako sa mga namatayan. Sa mga tao sa ilalim ng San Juan Market na nangamatay. Nakikiramay ako ng buong puso. Sana lang eto na ang huli na mangyayari ang ganitong trahedya. Sana hindi na magkaroon ng isa pang Ondoy.

Currently feeling: sympathetic
Posted by jjcobwebb on September 29, 2009 at 01:28 AM in Everyday Drama | Post a comment
« 2009/08 · 2009/10 »