Sila kasama ko almost half the day kahapon. O di ba? Though hindi bading sina Patty and Gene, parang bading na rin sila para sa kin. Babaeng bading. Hahaha! Wala pa akong tulog kahapon. Galing ako sa OsMak at nagduty. From Trinoma, nagOsMak ako. From OsMak may ginawa sa RCBC then dumiretso sa school. Si Luis talaga pakay ko sa school kaya ako dumiretso sa school. Tagal na raw namin di nagkikita kaya magkita naman daw kami. Sabi niya daanan niya na lang ako RCBC dahil ihahatid naman daw niya si Robert sa work. Aba, may car na ang aking friend. Pero sabi ko huwag na lang, jeep na lang ako papuntang school since 2 rides lang naman and hindi aabot ng 20 minutes yung bihaye. So yun, pero habang naghihintay ako sa RCBC bago pumunta ng school, nag status ako sa Facebook na “Naghihintay sa school…”. Nagcomment si Benson. Nasa school din siya. Ang alam ko na lang na sunod na nangyari, pinasusunod niya ko sa F Salon malapit sa SDA building dahil nagpapakulay siya ng buhok. Oo na, pag hindi ako online sa YM, icheck niyo Facebook, online ako dun. Hahaha! Ayun, so, siyempre ako, Mr. Impulsive as ever, pinuntahan muna si Benson. Wala pa si Luis sa school. At nalaman ko rin na dadating si Barry sa school dahil may pag-uusapan sila ni Benson. Okay. Mukhang magiging masaya ang araw sabi ko.

Pinuntahan ko na sa F Salon si Benson. As usual, tawa kami ng tawa. Weird. Tapos chinichika rin namin yung parlorista. Pero nung nakita ko laman ng wallet wala palang pera, sabi ko kay Benson babalik ako para maghanap ng kayamanan. Haha! So yun, after magpakulay ni Benson. Since wala na siyang class, naglakad lakad kami sa Taft and dinala ko siya sa Eric’s. Ang tagal ko na rin di nakakapunta sa Eric’s Mr. T! So yun, kumain kami ni Benson and then si Luis hinahanap na ko kung san daw ako nagsususuot. Pumunta kong Agno, wow, nakasalubong ko si Barry, papuntang Eric’s. Then si Luis naman, nakita ko, naka shorts. Parang pekpek shorts for guys. Hahaha! Sabi nga ni Luis tete shorts. Haha! So yun, dinala ko sa Eric’s yung dalawa and then from Eric’s, pagtapos namin ni Benson kumain, dumiretso kaming Red Ribbon.

Aba, andun ang mga friends ni Luis na si Gene and Patty. Magkikitakita rin pala sila. So isang table kami. Si Benson and Barry may kinuhang gamit sa kotse ni Barry and kaming 4, Luis, Patty, Gene and Ako, umupo na sa Red Ribbon at nagkwentuhan at kumustahan. Birthday ng jowa ni Luis sa Thursday so nag-iisip siya ng regalo. May assignment din si Luis pero hindi niya ginawa. Instead, ininivite niya kaming magProvidence at iniwan ko muna si Barry and Benson since mag-uusap sila ng masinsinan. May mga pictures sa Facebook ni Patty namin ni Luis! Kaloka! Hahaha!

image image

Hindi pa nakakapagpahinga vocal chords ko. Kakavideoke lang namin ng mga Tabulistas the other day. Tapos eto si Luis, nanlibre na naman sa videokehan. Patay ang vocal chords ko. Si Luis pa, dapat magdiva divahan din ako pag kasama ko yun. Awa naman ng Diyos, hindi bumigay boses ko. Then sina Barry and Benson sumunod sa Providence. So yun, puros bakla na yung nasa room kahapon. Ang saya saya! Hahaha! Then salamat sa Diyos naubos na ang tokens, so naghiwa-hiwalay na kami. Si Patty pala nauna na since may class siya. Si Luis may class din at si Gene din. So kaming 3, Barry, Benson at ako, pumunta muna sa bahay ni Benson para may kunin. So yun…

Antok na antok at masakit na tiyan ko Mr. T! So nung nasa bahay na kami ni Benson, ang kapal ng mukha ko, nakigamit ako ng CR at nakiidlip muna sa sofa nila. Hahaha! Then after nung ginawa nina Barry at Benson sa bahay, tumuloy kaming Serendra then nag Market! Market! Umikot ikot then napadpad ng High Street. Ayun, gutom na naman ako Mr. T! So nilibre ko yung dalawa sa Brother’s Burger. Then kwentuhan ulit. Si Benson at mga kagaguhan niya. Nakakahiya dahil feeling ko rinig yung pinagkukuwentuhan namin sa loob nung Brother’s Burger. Haha! Pero kebs lang. So yun, then umikot sa High Street. Tumingin sa Speedo. Bumili ng inumin sa grocery ng Market! Market! NagFully Booked and then nung napagod na, nagpadesisyunan na naming umuwi. Since 6PM na rin. Then yun, binaba namin ni Barry si Benson sa may Ayala and then kami ni Barry nag C5 na lang. Grabe, nag-emo pa kami ni Barry nung mabasa namin yung text ni Rhitz. Hahaha… at bigla kaming nagtampo. At kung anu-ano naisip namin…

Di ba totoo naman eh Mr. T!

  • Kung mahal ka talaga ng isang tao, tatanggapin ka niya ng buong buo kahit ano ka pa. Tatanggapin at tatanggapin ka niya…
  • Na ang pinakamatibay na foundation para sa isang relasyon ay pagkakaibigan…

Nag-eemote kami ni Barry habang nasa flyover sa C5 papuntang Eastwood. Haha! Dapat mageEastwood pa kami ni Barry kaso pagod na rin kaming dalawa. So umuwi na rin kami. It was a day Mr. T! Pagkauwi na pagkauwi ko, nakatulog ako. At ang sarap ng gising ko. Hehehe…

At grabe, June na pala. Kalahating taon na ng 2009 agad ang lumipas...

Currently listening to: I Kissed A Girl by Katy Perry
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on June 2, 2009 at 01:06 PM in Everyday Drama, Updates, Gayness, Malling, Food and Dining | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.