Butterflies
Una sa lahat congrats kina Tin and Aubs and Jobs. Ayun, grad na sila. Congrats din sa lahat ng grumaduate kahapon. Actually, bigla kong naisip kung sino pa ang close kong gagraduate sa June Mr. T! At pagkagising ko kanina, shet, para akong patay. Dahil parang super tulog ako at nung nagising ako, sabi ko sa sarili ko “Shet, tulog pala ko!”. As in kala ko wala na ko sa mundo. Hahaha! Total darness and blankness nung tulog ako. Grabe! Hahaha! Buhay pa ko! Hahaha! Ganun siguro feeling pag patay ka na. Wala lang. Ganun! Hahaha!
Hmmm… anyways simulan ko na ang aking kwento about yesterday. Sorry pero puros picture talaga kahapon Mr. T! So medyo loaded tong entry toh ng pictures. Simulan ko na…
Ayun, nakatulog ako ng 3AM nung Friday. Ay Saturday na yun! Hahaha! Sabay nagising ng 7AM dahil kailangan ko maghanda para sa graduation ng aking 2 mahal na kaibigan, si Tin and Aubrey. So yun, dapat magkikita kami ni Ivan sa DLSU pero talaga Mr. T!, tinextext ko si Ivan pero hindi siya nagrereply so nauna na ko. Dapat LRT ako. Kaso di bagay ang outfit ko. At baket kung hindi bagay, mamaya. Hahaha! So yun, Mga 11PM ako nakarating sa PICC. Ayun, tuloy tuloy ako sa hall. Walang pumigil. Hahaha! Kasabay ko pa yung BF ni Ces sa pagpasok. Sabi niya hindi pwede. Sabi ko pwede kahit walang ticket. Hahaha! So yun nga, hindi kami sinita ng guards. Ayun, nagsspeach na yung isang student Mr. T! nung nakarating ako. Onting time na lang nilagi ko sa likod. Then yun, tapos na ang graduation. Si Ivan wala pa rin. Hays. So yun, congrats congrats ako sa kanila. Sa mga CCS na kilala ko. Masaya Mr. T! Then yun ayun nga kay Aubrey:
“at oo nga pala! pinuntahan kami ni Jacob kanina, nakaporma with skinny jeans and cowboy boots haha sabi ko kabayo na lang kulang! :)) pero ang sweet haha! official photographer siya kanina, nagrereklamo nga, kahit na sweet pa rin! JAY sa grad mo sana at sisikapin ko na pumunta. :) wala na kong sasabihin baka magtampo tampo ka pa or what. bahala na sa mga kaplanuhan ko sa buhay.”
So yun nga. Nacarried away kasi ako sa formal formalan na yan! Hahaha! Pero naaliw naman ako dahil mukha rin akong maayos. Hahaha! Then yun nga, alalay and official photographer ang drama ko. Pero hindi halata sa mga nilagay kong pics dito. Mommy ni Tin nagkukuha pag kasama ko sa pictures. Hahaha! Ayun, then dumatin si Ivan. Medyo badtrip nga si Tin. Pero umokay rin. Then nakita namin si Iya Villania kasama si Drew Arellano. Nakapagpapicture kami kay Drew, kay Iya hindi. Umalis na agad. After nun Mr. T! Kwentuhan muna then lumabas ng ng PICC. Tumungo na sa parking. Hinatid ko muna si Aubrey sa car niya para batiin Lola niya. Si Aubrey pala magdadrive! Amp! Then tumungo na sa kotse nina Tin. Ayun, kasama ko sa kainan sa labas ng pamilya ni Tin. Though wala mga kapatid niya, okay na rin. Hahaha!
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Ayun nga, sa MOA kami natuloy. With Ivan din kami. Siyempre naman BF ni Tin yun! So yun yung first na resto na nakita namin, dun na kami pumasok. Ako ay nagalak dahil JAPANESE restaurant! Hahaha! Then yun, grabe, umorder na kami. Then may moving sushi bar. Grabe, di ko feel yung mga nakain kong sushi. Sorry hahaha! At eto pa, almost 40 minutes kaming naghintay nung order kami! Grabe, kabadtrip talaga. Then kwentuhan with family ni Tin. Narealize ko ang daldal ko! Si Ivan naman sobrang tahimik. Hahaha! Walang hiya talaga ko kahit kelan! Hahaha! Pero masaya. Then ayun, naghiwa hiwalay kami after kumain. May pinuntahan parent’s ni Tin. Then kaming 3 naghanap kung san bibili nung grad gift ni Tin sa kanya ng mommy niya. Then yun umikot kami ng MOA.
![]() |
![]() |
Sa electronics, appliances, Toy Kingdom and AstroPlus kami nagcanvas. Sabi ko kay Tin sa GH na lang kasi. Pero ayaw raw kasi ng mommy niya dun. So yun nga, canvas kami ng gift ni Tin. Habang nagcacanvas siya ako naman nakabili ng earphones ko. Sira na kasi yung earphones ko! Tsk! Then yun, sa AstroPlus nakakita ng magandang deal si Tin. Then yun. Tumambay kami sa Burger King. At nakicharge ako dahil naubos battery ko grabe! Ayun, nagdessert kami dun then Nacho Libre palabas sa BK! Hahaha! Nakakahiya ako tawa ako ng tawa! Sa pinakaharap pa kami nakaupo kung san may TV at nakaharap lang ng tao! Pero kebs. Nakita ko rin pala pinsan ko sa MOA. Hahaha! Nanood pala ng Inkheart si Tito and Tita. So kami nagwait muna. Then yun, dumirecho ng AstroPlus. And binili na ni Tita yung gift para kay Tin! Weee… ang saya saya ni Tin! Hahaha! Then yun, bumalik na sa parking para sunduin yung kapatid ni Tin na si Kevin sa CCP. Ay oo nga pala naaliw ako, yung mga RED and GREEN lights sa parking ng MOA! Aylavet! Then yun, tumaba si Kevin. NagaAppeton daw! Hahaha! Then buti na lang talaga, napaQuirino si Tito nung pauwi. Hahaha! As in sa N. Domingo dumaan! Hahaha! Ang saya. Sa harap mismo ko ng drugstore binaba. Yung malapit sa min. Nakakatuwa pa dahil kilala ko yung lugawan at bakery na minemention ni Tito dun sa N. Domingo! Naaliw ako! Hahaha! Then yun, pagka-uwi ko… sarado ang Marina Street! Hahaha! Dapat may kikitain ako pero mas gusto ko na umuwi! Amp! Then yun nga…
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Naku, patong patong ang celebration pala kahapon Mr. T! Birthday ni Manang Luz, 5th anniversary ng Planet Drugstore, thanksgiving na rin ni Ate dahil nakuha na niya ang OsMak. O di ba? Buti na lang hindi ako grumaduate pa! Hindi mapapansin ang graduation ko if ever! So yun, ang daming tao! Buong kalsada nakikain. Mga kabilang kalsada naki-kain din. Grabe, nagpahinga muna ko sa bahay then ayun, lumamon na! May videoke pa! O di ba? Ayun ang inupakan ko, videoke! Hahaha! Grabe parang wala akong pagod di ba? Then yun, andun din mga employees ng Planet. Mga classmate ni Ate nung HS. Mga kamag-anak. Grabe, sa dami ng tao kahapon hind ko na kilala mga tao kagabi dun. Dapat pala ininvite ko sina Tin dun sa Marina. Para nakikain na sila. Hahaha! Pero swear! Ang daming tao! Mr. T! Around 7PM ako nakauwi eh. Then 11PM na may tao pa rin grabe!
Then nagtext sina Barry nung maghahating gabi na! Nasa bahay raw sila ni Wiggy. Ano raw plano ko? Sabi ko, kahit ano. Then yun, sabi nila sa Promenade na lang magkita. Sa may Starbucks. So ako naman sabi ko sige. Sabog na sabog na ko sa totoo lang and pagod na pero pumunta pa rin ako sa Greenhills para makita ko sina Barry, Rhitz and Luis. Ganyan ako magmahal ng friends!
![]() |
![]() |
Then yun, nagwait raw yung 3 ng 30 minutes para partida baka mauna ko. Sorry, hahaha! Pagtawag nila, sila nasa Greenhills na, ako naghihilamos pa lang! Hahaha! Ayun, hindi sila tumambay ng Starbucks dahil marami raw tao. So nasa McDo sila. Then yun, nagplano ng gagawin this week. Sobrang sabi ko wag muna ko tanungin about this week dahil hindi ko rin alam mangyayari. Basta, ayoko muna magYes or No sa mga plano Mr. T! Then yun kwentuhan to the max. Catch up sa mga kwento ng isa’t isa. Fun fun fun. Then pinakita ni Wiggy yung kumakanta si Rio. Hahaha! Then si Debrah Wilson! Wahaha! OMG lang ang lakas ng tawa ko sa McDo. Hindi rin kami nagtagal sa McDo lumabas kami. At ang weird namin, sa may parking kami tumambay! grabe! May Raison si Wiggy, so siyempre bago, tinry ko! Hahaha! Panget ng lasa. Then yun sabi ni Barry para kaming magpapapick up dun sa Parking! Hahaha! Then ayun, umaga na rin, we decided to go home na Mr. T! Then yun, at may party pa rin sa kalsada Mr. T! Wahhh… nakatulog agad ako Mr. T! Buhok ko may gel pa, hindi ako nagtoothbrush, nakapang-alis pa rin ako. Wahhh… sige sige update you soon Mr. T! Dapat pupunta kami ni Page sa GH ngayon para paayos phone niya. Pero hindi nag-iwan ng pera si Ate sa kanya. So yun, or baka sumunod ako kina Mama sa Galleria mamaya. Bahala na. Baka tamarin ako at matulog na lang. Hahaha!
So yun, yuppies na sina Tin and Aubs! Ako rin malapit na magyupi-yupihan! Kikita na rin kami ng pera! Weee… shet mukhang pera talaga ko! Hahahaha! I still feel bad for Angelica and Deck. Hays… pero ganun talaga. Gagraduate din kami! Hahaha! Hindi ako nakapunta sa grad nina Jeffrey and Rhitz dahil alam mo naman Mr. T kung baket...
Fly fly fly butterflies…
Sige sige update you soon Mr. T! :-)