Ask Po
Aliw. Pwede palang gawing Ask Po yung PASKO na word. Shet ang random nun! Hahaha! Eniwi, feel ko na ang Pasko. Paparating na siya. Haha! At kala ko hindi ko siya mararamdan ngayong taon na toh. Weee! Kauuwi ko lang . Galing ng drugstore nagbantay. Ayun, yung lang actually naganap ngayong Sunday na toh. Nagbantay ako ng drugstore. Eto na naman yung time na proxy ako sa pagbabantay since nagbakasyon mga empleyado sa drugstore. Anyways, racket din toh. Pera din. At habang nasa drugstore super tutok ko sa The Buzz. Haha! Naintriga ko sa Karylle VS Marianne eh! Hindi ako mahilig sa showbiz pero nakatutok talaga ko kanina sa TV para dun. Haha! So yun, habang nagbabantay din ng drugstore, dala ko yung Stainless Longganisa ni Bob Ong. Ang tagal ng nakatambak sa kwarto ko yun. Tinuloy ko yung pagbabasa sa drugstore para di ako mabato. Idol talaga si Bob Ong!
Ayun, yesternight was super fun. Nagkaroon ng maliit na salo salo kaming magkakamag-anak sa bahay ni Tita Lourdes. Siyempre magkakalapit lang bahay namin. So yun, may excahange gifts din pala kaming magkakamag-anak. Nag last minute shopping ako kahapon sa Centerpoint Mr. T! Hahaha! Then yun, kainan, tapos dasal, tapos nagpasalamat, exchange gifts, videoke. Nakakatawa, si Mama nakabunot sa kin sa exchange gift. Hahaha! Ay namili rin pala ko ng mga damit kahapon sa F&H. Hehehe! Super bili lang. Hahaha! Nakakaaliw mamili ng damit ulit. Naramdaman ko ulit yung feeling ng nakaayos at nakaoutfit. I miss dressing up. And yeah, pinadevelop ko yung picture naming 4 nina Rhitz, Barry and Jeffrey, 10R. Ipapaframe at ipadadala kay Jeffrey. Pero panget ng kinalabasan. We’re thinking kung ano pa ang pwedeng picture ang ilagay sa frame. Anyways, mga picture last night (at napicturan ko na lang nung patapos na yung salu-salo):
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Ayun Mr. T! Masaya. Ang sarap nung Casava Cake na yan! Ibang level. Haha! Tapos yung kasama ko pamangkin ko sa pinsan. Oh di ba parang magkasing-age lang kami? Hahah! Ngayon ko lang narealize, wala akong kasing-age na pinsan or kamag-anak. Either mas matanda sila sa kin or mas bata. Wala kong kilala na pinsan or relative na pinanganak ng 1985! Yung mga close ko sina Cathy and Marco, mga 27 years old na sila. Tapos yang sa picture na si Alyssa, 17 years old. Wala talaga akong kasing age.
Tapos yun. Since puros picture na man din, share ko yung design sa office. Nanalo ang HUB sa contest ng best Christmas design. Hehehe! Galing ni Ms. Diane! Go go go! At peke yung mga yan ha! Haha! At nanalo ang HUB ng isang katutak ng chips. Hahaha! Sarap!
![]() |
![]() |
So yun Mr. T! Baka til 24 papasok pa rin ako. Okay lang. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Ay meron pala. Tatakas lang ako sa mga ipapagawa. Haha! Ayoko mag-ayos ng bahay. Ayoko maglinis. Ayoko mamalengke. Ayoko maghiwa. Ayoko magluto sa 24. Haha! Susme baka pagkadkarin na namana ko ng ube ni Mama. Tsk! Kaya sa office na lang ako. Haha!
Kanina habang nasa drugstore ako, tumawag ako sa bahay nina Ate para may itanong tungkol what time magsasara yung drugstore. So ganito ang eksena sa phone:
*Jacob dialed …… other line picked up*
Jacob : Hoy! Wyna (pangalang ng kasambay ni Ate)! Pakausap kay Ate dali!
Person : Hoy ka rin! Walang Wyna dito!
Jacob : Hoy! Importante toh! Bigay mo kay Ate yung phone may itatanong ako! Dali!
Person : Hoy! Wrong number ka! Dali ka diyan!
*nabosesan. hindi boses ni Wyna*
Jacob : Ay, parang nga. Sorry sorry… Haha!
Kahiya talaga ako! Hahaha! Isa yan sa mga rason baket ayoko ng landline. Tanga ako dumial sa phone. Haha! At ang weird ng Globe. The whole time akong nasa drugstore, walang signal. Shet! Anyways, update you soon Mr. T! Ilang oras pa lang ako nakakatulog ngayong araw. Wahhhh… sige sige. At dapat pala may dadaanan at kukunin akong regalo from my new friend, kaso late na ko nagising. Next year ko na raw kunin. Thanks in advance! :-)
the_storyteller

jjcobwebb (guest)