Maaga Ang Pasko Pt. 2
Hindi ako pumasok ng office! Yay! At eto na ang aking updates for yesterday. Pero eto mga pinagsasabi ng mga tao sa kin kahapon nung nadalaw ako sa school at nakita mga taong ang tagal tagal ko ng din napagkikita at mga sinasabi ng mga ibang tao sa kin:
“OMG, Jacob, bitch mo pa rin!” –Paul
“Tang ina, totoo, tumaba ka talaga! Ang laki kay ng tiyan mo ngayon!” – Deck
“Seryoso, lumaki yung puwet mo” – Tin and Aubs
“Uy ang nice hair mo!” – Emon
“Yay! Sex na yan” – Barry
“20,000? Exaj talaga yun” – Matty, Tin, Aubs, Deck
“Salamat naman sa Diyos. Anong gusto mong regalo?” – Ate
“O, ano na ang balak mo sa buhay mo? Pumunta ka na dito” - Kuya
“Magpasalamat ka na lang dumaan siya sa buhay mo” - Barry
Yep I am thankful. And marami ang dapat ipagpasalamat Mr. T!
Hindi ako natulog kahapon. Pero nakatulog ako somewhere na nakakahiya. Haha! So eto mga nangyari:
6:00AM
Namiss ko ang LRT lines. Ang sarap ulit sumakay ng train Mr. T! Ang sarap sumakay ng may dalang bag. Feeling estudyante talaga. At masaya talaga yung simula ng umaga ko. Hindi ko alam baket pero nakasmile ako nung papasok sa school. Siguro namiss ko lang LRT1 and LRT2 pati yung footbridge.
7:00AM
Sa school na ko. Nauna si Mighty. Sumunod si Vergs. Si Sheila pinakalast dumating. Ang kapal ng Demo Kit. Sa totoo lang ako gumawa ng Demo Kit na yun Mr. T! Sila lang gumawa ng screenshots and scenario. Pero akin yung Demo Kit na yun! Haha! Kung sinasabi nilang wala akong ginawa sa Demo Kit na yun, excuse me pero parang ako gumawa nun. At nung sinabi ni Vergs na aralin ko raw mabuti yun, hello, ako nagsulat nun. Malamang alam ko yun. So yun…
8:00AM
Nalaglag kape ni Sir Oli ni Doc Loyd. Birthday ni Doc Lloyd. Natapon ang kami sa lahat ng gadgets ni Sir Oli (iPhone, 2 Nokia phone na E-Series and yung Sony na phone). Medyo natagalan kami sa pagstart. At buti na lang talaga, nagnakaw ako ng tissue sa Starbucks, kinailangan siya yesterday. And then nagstart na mga kailangan mag start…
10:30AM
I have never prayed so hard. But yesterday I did. Hindi ako binigo ng Diyos. There are only two things I wanted to happen this year Mr. T! Tinupad ni Lord yung isa dun kahapon. And kung ano yung isang gusto ko mangyari, it’s already next to impossible. 1 out of 2 is not bad. Wait no, it’s WONDERFUL. And I forgot to thank Him immediately nung natupad yung hiniling ko.
11:00AM
Kasama ko sina Tin and Aubs sa Gox Lobby. Ginagawa ni WIRTECH nila habang ako may mga inayos na bagay sa school. Then dumating si Matty. Then naglunch kami sa Kenny Rogers. Then dumating si Deck galing SSS. Pupunta dapat kaming Quezon Ave. kahapon pero mainit. So napag-isipan na lang namin na sa Conserve na lang tumambay para dun gawin ng aking super missed friends ang kanila WIRTECH. Walang vacant na lamesa sa Conserve. Dun kami sa sahig natambay sa likod nung stage sa Conserve. Okay lang din dahil malamig yung Conserve and comfortable naman kami nun.
![]() |
![]() |
O di ba? Si Tin busing busy! Naglalaro lang naman ng Cooking Dash yan. Simula nung nasa Gox kami, hanggang Kenny, hanggang sa Conserve. Adik lang. Wah…
1:00PM-6:00PM
Wala na kong alam sa mga nangyari. Hahaha! Dahil… (na kay Aubs and pictures. Post ko soon pag nakuha ko)
Yes, hindi ko aakalaing makakatulog ako sa sahig ng Conserve. Grabe parang pulubi lang Mr. T! Hahaha! Pero nakatulog talaga ako. At ayon sa aking mga friends, humihilik pa raw ako. Shet! Haha! Then nagDinner kami sa KFC.
8:30PM
Hindi ko dapat imemeet sina Barry and Rhitz, pero tinext ako ni Rhitz na ililibre niya ko ng Sashimi. Hahaha! At yun lang talaga katapat ko. Hahaha! OMG. Pero nag LRT1 ako. LRT2 and MRT. Hahaha! Round trip. Para masamahan ko lang sina Aubs and Tin talaga. Then sa Glorietta ko tumuloy. Actuallly GB5. Dapat sa Shang pero nag effort talaga si Barry and Rhitz so sumunod aking Makati. Habang papuntang GB5, may nakita kong familiar face sa Penshoppe Glorietta. OMG! Si Akihiro. Tumitingin ng mga damit! So pumasok ako sa Penshoppe para iconfirm kung siya talaga. And good Lord siya nga!!! Una ko siyang nakita sa poster nyang nakabrief sa Megamall. Sa Penshoppe din. So yun, nakita ko na siya in person. Hindi super wow. Wow lang. Nadescribe ko na siya sa previous entry so ayoko na ulitin. Mas super wow pa yung guy na nakita namin noon nina Aubrey sa McDo GB2 noon. Yung naglalakad lang sa kalsada. Haha! Nagmeet kaming 3 sa GB5. Then, naglakad lakad kami. Tingin tingin mga dapat nina Barry and Rhitz. Then kumain sa GB3 sa Nanbantei of Tokyo. Libre ni Rhitz! Weee… then usap usap. Tawanan and yun. Sasama dapat si Wiggy kaso, ayaw magcommute. Wow! Arte talaga ni Wiggy! Hahaha! Social! Hahaha! At akin lang talaga yung mga Sashimi. Nag dinner na beforehand yung dalawa. So ayun. Tinubuan na naman ako ng kaliskis. Haha!
11:30PM
Stories were wrapped up. Gabi na rin. So si Barry hinatid kaming 2 ni Rhitz. Nauna si Rhitz and then ako naman hinatid. Sobrang daming nangyari kahapon so kung may details akong nakalimutan. Marami namang magpapaalala. Hehehe! Anyways Mr. T! Ayun, malakas pa rin talaga ako kay Lord. :-)