Hello Mr. T! Buhay po ako. Pero hindi pa rin ako magaling. Try kita iupdate as much as I can kahit ubo pa rin ako ng ubo and masama pakiramdamam ko. Iniwasan ko talaga humarap sa internet nung weekend dahil super may sakit talaga ko. Ang hirap magtagal sa harap ng monitor. Try ko na mag-update. Ang dami sobra ng nangyari and masasaya sayang wala silang individual entries. Anyways, eto na simulan ko mga nangyari ngayon tapos sunod natin nung Friday:

Gloria Maris, Greenhills

Birthday ni Erwin ngayon. Asawa ni Ate. Ayun, lunch sa Gloria Maris GH. Kasama mga relatives and mga pharmacists ng drugstores. Masaya. Nakakabusog pero puros hipon OMG lang di ba! Grabe! Tawa ng tawa pinsan ko dahil lahat at ng kinain namin may hipon. Eh allergic ako sa hipon. Then yun, umikot sa tiangge. May nakita kong t-shirt na may nakalagay "Palaging Gutom". Sayang hindi ko nabili. Balikan ko na lang.  Then umuwi rin agad. Pagkauwi tumawag pa si Ate sabi maglalakad lakad kami sa Roxas Blvd. kaso may sakit pa rin ako. So hindi ako sumama at natulog na lang ako. Eto nag-uupdate ako ngayon sa yo Mr. T! Anyways, eto mga pictures kanina:

pic1 PC012385
pic2 PC012476


Friday: TGIF, Shang, Katipunan, Corinthian Hills, Starbucks

Ang daming ginawa sa office last Friday. Tapos, TGIF with Barry, Rhitz and Luis. Salamat and nagkitakita kami ulit after a long time. Mga 3 weeks ata kami hindi nagkita kita. Ayun, tapos si Mike nakita ko pa sa Starbucks sa BHS. Tapos pinakilala ko si Barry.  Gulat si Barry dahil sa nagawa niya kay Mike dati. Ganun lang si Barry pero mabait yun. Eto sabi ni Barry pagtapos niya mameet si Mike:

Barry : Jacob tanga ka ba?
Jacob : Nyeks, baket naman?
Barry : Sobrang okay na si Mike maging jowa.
Jacob : Wag tayo mag-usap ng anything about relationships ngayon Barry

Namantsahan pa yung jacket ko ng condiments sa Friday’s. Tsk! Then yun, nagconvoy kami. Feeling kasi namin hindi na susunod si Barry pag hinatid niya kapatid niya sa bahay. Ayun, sinundo namin kapatid ni Barry sa Shang then iniwan ni Barry car niya at sumakay na rini kay Rhitz. Ang saya nung parang nagraracing kami sa the Fort. Haha! Aliw. Then dapat Eastwood kami kaso si Luis gusto sa Katipunan. Kaso pagkakanan namin sa Santolan, exaj yung traffic papuntang Ateneo. Sa Corinthian Hills kami napunta. Sa may Clubhouse. Nakita pa namin si Lucky sa UCC. Sa Starbucks kami naupo. Kuwentuhan and masakit na talaga katawan ko nung Friday pa lang. Tapos yun bandang 2am umuwi na rin. Kinuha ko mga stickers para sa planner nung 3! Haha! After nun andito pa yung nagmamasahe sa bahay, nagpamasahe ako. At lumabas ata yung trangkaso ko. Then natulog. Pero nakailang kape ako nung araw na yun. Ang hirap matulog. Mga pics na kay Rhitz. Kaya walang uploads.

Saturday: Katipunan, Teriyakki Boy, Megamall, Italianni’s

NagManaog mga tao sa bahay. Hindi ako sumama dahil ang aga nila umalis and anong oras na ko nakauwi. Hindi ko talaga kaya bumyahe. Nakalimutan ko yung dapat magkikita kami ni Tom dahil maghahanap siya ng condo sa may Katipunan. Pero nakahabol ako. Then after tumingin tingin, nanlibre si Tom sa Teriyakki Boy. Then tamang tama, nagtext si Rhitz nung pauwi ako, nasa GH daw siya and kailangan niya pumuntang Megamall daw siya and daanan niya ko sa bahay. Pero buti nasa Cubao ako. So MRT na lang. Then nagkita kami sa Adidas. Kailangan gumasta ni Rhitz ng malaking amount para makuha yung free niya sa Adidas. So tinawagan niya si Barry dahil magpapatulong kami kumain. Nasa school si Barry. Nagcut at kumain kami sa Italianni’s. While waiting for Barry, pinrint ni Rhitz yung ticket sa Netopia dahil tuloy sila ni Luis sa Macau. Nakachat din namin that time si Jeffrey. So present siya virtually. Hahaha. Then kain. Nilalagnat na ko nung kumaikain kami Mr. T! Then si Rhitz umuwi then ako hinatid ni Barry sa bahay at nakatulog ako sa kotse. Pagkagising ko sabi ni Barry “Good morning”. Then natulog sa bahay.

112920081954 112920081956

Sunday: Relatives From Bicol

Actually tulog ako buong Sunday. Pero around 5pm dumating sina Auntie Susan dito and family. Kasama si Uday, yung kababata kong pinsan, kasama yung anak ang ganda ganda. Kaso di ako makalapit dahil may sakit nga ako. Ayun kumustahan. Galing lang silang MOA so nadaan na rin dito sa bahay. Tapos ayun, habang nagchichikahan sila nina Mama, ako natulog. Tulog. Tulog. Tulog. Ilang litrong tubig nainom ko kahapon. Hindi pa rin ako magaling :(

At sana bukas magaling na ko. Magdedecorate pa naman kami ng office bukas. Sana gumaling na ko. Sorry kung di kita na-update Mr. T! Nakapagusap pala kami ng isang pinsan ko kanina. Wala lang. Tungkol sa love. Suddenly it’s not an interesting topic anymore. Or dahil may sakit lang ako? Nyways, update you soon… December na pala. :-)

Currently listening to: Hold Me by Whitney Houston and Teddy Pedergrass
Currently watching: CNN
Currently feeling: sick
Posted by jjcobwebb on December 1, 2008 at 11:26 PM in Everyday Drama, Updates, Malling, Food and Dining, Family | 4 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 10:10 AM
parang namamayat ka naman! anu ba yan!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 10:14 AM
ewan ko ba. ilang araw na kong ubo ng ubo and may sipon. daming may sakit dito sa office eh.
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Tom (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 01:01 AM
Ako din nilalagnat since Sunday... San ba natin nakuha to???

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 2nd, 2008 at 09:53 AM
grabe. may sakit pa rin ako hanggang ngayon.