Afternoon With Luis And Matty
Ayoko magkuwento sa kung ano nangyari sa defense pero gusto ko maiyak at sobrang matawa. Shucks. Minsan, we need luck. Hahaha! Kuwento ko pag nabore ako sa office bukas. Tumulong muna sa booth nina David and Mighty nung umaga. Tapos nagbantay ng booth ng ibang group. Ang sarap maging student! Shucks. Kaming 2 ni Sheila tumulong sa booth actually. Kahit wala naman dapat kaming paki dun!
Ayun Mr. T! nakiupo rin pala ko kina Klang kanina. Kina Corwyn and Lean. At at, wala na pala si Lean and Jesse. Aw! So yun, nasad naman ako dahil 1 year rin sila. Tapos halos lahat ng taong nakasalubong ko na kakilala ko binabati yung suot kong vest. Bonggang bongga raw! Hahaha! Siyempre ang mahal nun noh! Haha! At nakakahiya ako, naubos ko yung biscuit ni Corwyn habang nakikipagkuwentuhan ako. Imagine mo, nakatayo pa ko sa Gox Lobby nung nilalamon ko yung biscuit! Saka ko lang naalala no bawal kumain sa lobby at D.O. ang labas ko nun kung nahuli ako! Hahaha! Nakakahiya ako! Tapos Aubs, naalala mo si Kenneth? Yung lalaking binigyan natin ng name? Yung taga Eng? Yung chinito na matangkad na maputi na hot hot na mukhang Chinese Superman? Na nakita natin sa Sports Complex dati? Nakasabay ko kanina sa Gox habang pumipila para sa ID. Kaharap ko. Grabe ang bango! Hahaha! Inis! Haha! Wala lang. Haha!
Then, spent the whole afternoon, from 1-4pm with Matty and Luis. Basta ignore niyo yung link hindi si Luis ng DLSU yang link na yan. Si Wiggy yung link pagclinick niyo. Anyways ayun, tambay kaming 3 sa Starbucks. Super landian lang talaga kami sa Starbucks kanina Mr. T! Si Luis as usual super kulit pa din. Then naglunch sa Tropical. Si Luis ang daldal pa din kami ni Matty tawa ng tawa ng walang katapusan. Masaya si Luis kasama grabe. Walang dull moments. Buti na lang talaga naging magfriends kami last year. May ikukuwento dapat ako about him kaso huwag na. Then yun, after having lunch, naghanap ng matatambayan. Yung 2 Starbucks sa Taft puno. Sa UM puno. Naisipan namin magProvidence! After 48 years nakapasok ako ulit sa Providence! Shet! Ayun, weird may mga ipis and may daga sa room na napasukan namin. Si Matty super takot. Haha! Ayun, kanta kanta and kwentuhan. Actually si Luis may class ng 2:40pm kanina. Kaso nagcut na naman siya! Hahaha! Namiss ko tuloy ang pagcucut! Then sabi ko pumasok na siya, pero late na raw siya kasi around 3pm na nun. So sige, tumambay kami sa Engineering Building 3. Tapos kuwentuhan na naman ng walang katapusan. Tapos nainitan, nagConserve pero wala namang maupuan. Then umakyat kami sa Study Hall sa mga LS. Dun kami nagkuwentuhan. Actually, si Luis lang kuwento ng kuwento. Eto, ganito mga napagkuwentuhan naming 3:
"Grabe, 2 years na kami ni Robert sa December 4"
"Wow! Galing congrats!"
"Ang hindi niya alam ang dami kong nadate sa 2 tao na yun! Hahaha!"
"Sira ka talaga!"
"Pag may pogi akong nakakadate sinasabi ko sa kanya 'soul searching' muna ko. Hahaha!"
"Tapos?"
"Kami ulit pag ayaw ko yung nakadate ko! Hahaha!"
"Sira ka talaga! Sama mo!"
"Naku noh! Tignan mo bilang ng friends ko sa Downelink! Mas marami pa sa Friendster ko! Hahaha!"
"Tsk! Ano ka ba!"
"Ganun lang talaga yun!"
Ang landi ni Luis noh? Baket mga tulad naming mababait naman hindi bigyan ng jowa! Baket kailangan yung mga nanloloko pa Mr. T! Hay... pero masaya masaya. Kanya kanyang trip lang yan. Sino ko para husghan si Luis di ba? Basta kaibigan ko, kebs lang kung ano ka. Wag mo lang ako aawayin. :-)
Tapos yun, hinatid na namin si Luis ulit sa Engineering Building. Tapos si gaga, hinatid pa rin kami palabas. Grabe umikot lang kami ng Lasalle!!! Super rampage lang talaga ginawa namin sa buong Taft kanina Mr. T! Yung mga ibang bakla nakatingin na sa min dahil paikot ikot kami ng campus sa totoo lang! Hahaha! Pero masaya masaya! Ang ganda ganda pa naman ni Luis dahil blonde hair niya ngayon! Haha! It was a really nice way to diverge my attention on what happened on 7:30am kanina. Then sumabay sa kin sa LRT si Matty dahil dadaan siya sa NBI! Aba maghahanap na ng trabaho si Matty! Haha! Then pagkauwi tulog. May nangyari pa sa drugstore kanina kaya si Ate andito sa bahay. At may shinare si Matty na song sa kin. Ipopost ko dito sa blog after this entry. Ang ganda nung song.
Anyways yun Mr. T! Goodluck kina Tin, Aubs, Jobet sa defense nila. Kaya niyo yan! :-) Ako nga sobrang cool lang kanina. Naaliw sa kin si Kiran sabi "How can you be so calm in times like these??". Haha! Pero okay na rin siguro mga nangyari. :-)
This blog makes me sad Tigga's Life In Random pero happy at the same time. Actually matagal ko ng binabasa ito pero ngayon ko lang ulit nadalaw. It's really nice. Really nice. :-) One day soon, magkakaroon ako ng blog na ganyan. Baka sa No Time To Cry ganyan na mga entries ko! Why not? Here's to hoping. :-)
Hay... sige sige Mr. T! Update you soon okay? Yan muna.
GHV2 (guest)
jjcobwebb (guest)
Aubrey (guest)
hay. dis is it. kami naman ngayon. sa matapos ng maganda tong araw na to.:|
jjcobwebb (guest)